Followers

Thursday, July 28, 2011

One More Chance - 09

Photobucket

To my Sons: Unbroken, Alexander/Wingless, Dhenxo, Honeybun, Kearse, Jerick, Cody, Ayhian, Gboi, Gabbie and Eric Canicosa.

To my kapatid, kaibigan at attorney: Migs, Jai-jai and bx_35.

To my readers, critics and blog follower: Russ, adik_ngarag, Half, Earl of Dubai, James Wood, Fences, Eban Lopez, Mr. Brickwall, norimaru, Lemuel, Renz A., jsecretlover, emray08, ibanez, Ford, Dj, shanejosh, Razhly, Slazzer, arljamesdhine, carlorenz22, kokey, Jim, Ramm, ralph, arch_mon_char, jet javier, Steffano, ancel james, Roan, Norms, akie, keno, sk8rkid, shadow, Edge!, kogure, josh, wastedpup, aR, emray, Allen Cayetano, UnbreakableJ, Keme, rui-yi-yue, Jhay Ehm, Fayeng, JayThrow, Lonely402, kenblue08, joshX, joseph, harold, Bryan, Rham Jairus, ar.jhay, marQymarc, Anthony, raymond, Joshia_Von, Jasper Paul, Rupert, jayEm, earl22, Roj, VeryLucky, jake, RodgieLlarinTan, juicyp3n, Mcfrancis, Zoiana, silhouette, arch, nino, uno, jeffy, Nikkos, marclestermanila, chiichoi, keng barnes, coffee prince, archimides, chack chua, vincesaavedra, chinitoako, hardhat, lupin35, tweetybird, an avid fan, agentorange, bernardo carpio, ipe48, Dhigz, Kuya glen, Mormons27, mark_roxas45 at sa mga hindi ko nabanggit. sa susunod na lang mga hijo. :-) Makakalimutin na talaga ako. :-)


Chapter 9

"So, where did you meet this man-whore?"

Kahit ayaw ni Popoy na magtunog bitter ay ganoon ang kinalabasan niya ng humupa ang init ng kanilang mga katawan. He knew he sort of ruined the moment but he can't help it. And there it was, that question. Naroon sila sa sala, sumunod siya rito ng magtungo ito roon pagkatapos ng kanilang pagniniig. He was sure that they were having a good time dahil ganoon lagi ang gawi ni Basty after their steamy love making.

Marami siyang gustong itanong dito. Marami siyang gustong malaman. Para siyang masokista na hindi matatahimik hangga't hindi niya nahihimay ang bawat detalye kung paano nagkakilala ang dalawa. Kinakain ng selos ang buong pagkatao niya. Pagkatapos kasi ng maraming taon ay ngayon lang niya narinig kung ano ang mga reklamo nito sa pagsasama nila. Kahit pa sabihing may nangyari sa kanila ngayon ni Basty -na isang magandang pangyayari dahil indikasyon iyon na hindi maganda ang pagsasama ng dalawa- ay gusto pa rin niyang malaman ang lahat.

"Please. Stop saying that Popoy"

Napairap siya. "Huwag mong sabihing nasasaktan ka?"

"Hindi ko lang gustong naririnig kang nagsasalita ng ganoon."

"Nagsasabi lang ako ng totoo Basty."

"Paanong nangyaring ang pagiging man-whore niya ay ang totoo? Kung magtatanong ka lang ng maayos ay sasabihin ko sa'yo ang lahat ng gusto mong malaman."

Nasaktan siya sa narinig. Ganoon na lang ngayon kung magsalita si Basty sa kanya. Tinungo niya ang kusina at kinuha sa ref ang natirang pizza. Ininit niya iyon sa oven.

"So, where did you meet this stud? Sorry, that's the nicest it can get, sweetie." aniya sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.

"I met him in an art gallery."

Natigilan siya. "He's an artist?"

"Yes. He's a painter," tila walang-ganang sagot nito.

"How come you look bored?"

"Maybe because this conversation is starting to be a bore."

Napabuga siya. He should have see that coming. Sa gandang lalaki ni Basty, hindi malayong may magkagusto rito. Lalo pa ngayong hiwalay na sila, hindi na nito mapipigilan ang mga taong nagpapakita ng motibo dito. Magiliw pa naman ito sa lahat kaya hindi imposibleng may mahumaling dito. But from what he heard, Nikkos was a very submissive guy. His total opposite. At iyon siguro ang dahilan kaya ito nagkagusto kay Nikkos.

"He's a retard, isn't he?" nang-iinis niyang sabi.

"No. But you're acting like one."

Nanggilalas siayng bigla sa direktang pagbalik nito sa kanyang insulto.

"Tama na Popoy. Kunin mo na at ilabas ang mga gamit ko. Para na rin maisoli ko na sa iyo ang susi mo. In the first place, bakit mo pa ba ako pinadalhan ng kopya? Pwede mo namang itapon na lang ang lahat ng mga iyan. Hindi ko na siguro kakailanganin ang mga iyan sa bagong bahay namin ni Nikkos."

Hindi agad siya nakahuma sa sinabi nito. Parang gusto nitong palabasin na kaya niya ito pinadalhan ng kopya ng susi ng bago niyang bahay ay dahil gusto niya pa itong makita. As if!

Bakit, hindi nga ba?

Tumayo siya ng tuwid at itinaas ang baba. Hindi siya magpapatalo sa kung anong gustong sabihin nito sa kanya. Anything this man would throw at him, ibabalik niya. May interes pa.

"Didn't it occur to you that I may not want to see your face again? How confident can you get Basty when you were nothing ten years ago? Had It not been for me, siguradong ulilang lubos ka na ngayon. Mabuti na lang, marunong tumanaw ng utang na loob ang kapatid mo. Hindi katulad mo..."

"Damn you!"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng tumama ang kamao ni Basty sa pisngi niya. Napasadsad siya sa sahig. Sapo ang kaliwang pisngi.

"Kung gusto mong pabayaran sa akin ang professional fee mo ng inoperahan mo ang ate ay sabihin mo! Hindi iyong isusumbat mo pa sa akin ang ginawa! Hindi ko hiniling sa'yo na gawin mo iyon Popoy at ipinagpapasalamat ko sa Diyos na naroroon ka ng kailanganin ko ang tulong but I never expected na isusumbat mo ang bagay na ito." ani Basty na galit na galit.

Napayuko siya. Hindi dahil sa sakit ng suntok nito kundi dahil sa sakit na dulot ng mga sinabi nito. He didn't mean what he just said but his anger took over his reasons. At nagi-guilty siya. Nagtagumpay siya na galitin ito tulad ng nauna niyang plano pero mas siya ang nasaktan sa ginawa niya.

Mahal niya ang ate nito. Mahal niya ang lahat ng tungkol dito. Kaya hindi rin niya alam kung paano niya nagawa ang bagay na iyon.

"Leave..." aniya sa mahinang boses.

"Popoy..." ani Basty sa mahina ring tinig. Halos di makapaniwala na hindi siya tumatayo sa kinalulugmukan para gumanti rito.

"I said leave Basty!" galit na niyang turan. Hangga't maaari, hindi niya ipapakita rito na nasasaktan siya.

"I-i'm sorry..." akmang lalapit pa ito sa kanya.

"Leave! Get out! Get out of my damn life!" hiyaw niya sabay abot ng kung anong mahahawakan sa kusina para ibato rito. Mabilis naman itong nakaiwas sa mga inihagis niya at umalis agad sa kanyang bahay.

Naiwan siyang napupuyos sa galit. Hindi para dito kundi para sa sarili. Kailan pa niya hinayaan na maging mukhang kawawa sa harap ninoman? At kailan pa siya naging matapobre?

Since Basty left you.

Napakagat siya sa labi at hinayaang bumagsak ang luhang kanina pa pinipigilan. Akala niya ay may maganda na silang patutunguhan. Mali pala ang akala niya. Tumayo siya. Kailangan niyang pag-isipan ang susunod na hakbang.

Nakakalitong isipin na ang kanina'y umaagos niyang luha ay mabilis na nawala. Siguro ay dahil sa pagod na siyang lumuha. Ayaw na niyang maging malungkot. Kung si Basty ay nagsasabing masaya na kay Nikkos, bakit hindi rin siya tumulad dito.

Ting!

Napatingin siya sa oven. Ininit niya nga pala ang pizza. Kinuha niya iyon at inihain. Habang ngumunguya ay may naisip siya. Kung mayroon na itong Nikkos, may Gabe naman na naghihintay sa kanya. Susubukan niya ang kapalaran niya rito. Siguro naman oras na para mag-move on. Patunay lang ang pananakit ni Basty sa kanya bilang tanda na wala na siyang halaga rito. He was only sorry he was the one that triggered Basty's violent side.

Napailing na lang siya at napangiwi ng maramdaman ang sakit ng pisngi habang ngumunguya.



BUZZ. BUZZ.

Napabalikwas si Popoy ng bangon ng maramdaman ang malakas na vibration. Mula iyon sa kanyang cellphone na nadaganan pala niya. Pagkatapos kasi niyang kumain ng pizza ay nagpahinga siya habang may nakatapal na cold compress sa mukha niya. Dagli niyang hinanap ang aparato.

"Hello." aniyang di na tiningnan kung sino ang caller.

"Oh bakit parang agitated ka pare?" natatawang bati ng nasa kabilang linya. It was Half.

Napangiti siya. "Napatawag ka?"

"I have good news." excited na sabi nito.

"Talaga lang ha?"

"Oo. Remember Gabe Kerby? Nakontak ko na siya."

"And?"

"He said he's willing to meet you."

Napangiti na siya ng husto. At least, there's someone who's still willing to know him. "Kailan daw?"

"Kung gusto mo, ibibigay ko na lang ang number niya sa'yo. Tapos ikaw na tumawag. Okay lang ba?"

"Oo naman." natatawang sabi niya sa kaibigan.

"Okay. I'll forward it to you." saka nito tinapos ang tawag.

Ilang saglit lang ay tumunog ulit ang cellphone niya. Isang business card number.

With a great hope inside his heart, he took a deep breath and dialed the number.

Itutuloy...

3 comments:

  1. DALISAY TNX FOR RECOGNIZING ME DITO AS UR FOLLOWER..TNX LOT BAT ANG TAGAL NG UPDATE MO HUHUHUHU

    ReplyDelete
  2. huwah!!!!!!bkit nwla song s homepage????ano b title nu???singer???

    ReplyDelete
  3. kelan po ang nxt chapters?? from emman po

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails