Followers

Friday, July 22, 2011

One More Chance - 01

Photobucket

Hello there! I know I made a promise na sa December 20 na ito pero napaaga kasi may event akong dadaluhan sa nasabing date kaya ngayon ko na ipo-post ito. Here is my version ng ONE MORE CHANCE. Don't expect na kasing-bongga ito ng movie ha. This is entirely a different story. Choz!!!

PS. Salamat sa suporta sa The Martyr The Stupid and The Flirt.

Enjoy Reading. :)


CHAPTER 1



It was a very beautiful winter evening. Tama lang ang ginaw na nararamdaman ni Richard ng mga oras na iyon. Kakaparada lang niya ng sasakyan niya sa tapat ng isa sa pinakasikat na restaurants sa New York. Ang ViceVersa. He made sure he looked good that night kasi may blind date siya. Mula sa labas ay tiningnan niya kung mayroon ng nagma-match ng description nito na ipinadala sa kanya ng kanyang pinsan. His cousin made sure he'll attend the date. She was a monster in Prada. Talagang dinayo pa siya sa opisina wearing her four-inch Manolo.

Pinagpag niya ang kaunting snow na mabining bumabagsak mula sa langit. Inayos niya ang scarf at ang gwantes na suot. Binati siya ng gwardiya papasok at sinalubong siya ng pagbati ng maitre'd sa pinto.

"I have a reservation." usal niya rito.

"And that is for?"

"Mr. Mondragon."

The man checked his list and when it confirmed his reservation he guided him to his table. He scanned the place. Searching for familiar faces. He smiled when he saw no one. He's a doctor at the famous Presbyterian Hospital specializing in neurological surgery and one of the best in the country. Being the best means more time for work than playing and fooling around with girls and boys. Yes, he's into boys too. He liked them hot. Like brewed coffee. Makes you want to shout for joy.

Although his being bisexual was a never a problem to him, to his work or to his loved ones. Still, some mocks him and some almost want to spit to his face. Maybe because he always say what he perceived. He's a very honest guy and that made him the most loved and the most hated doctor in the city.

His attention was suddenly caught by a cute but weird looking guy. The man's chinito features are well defined. But his nose was a contradiction to the asian features. A perfect square jaw matched with thin lips curved in a smile that looked-like intended for him. For him? He can't be his date tonight!

Richard were aghast to see that the asian man was really his date. Natatarantang napatayo siya para salubungin ito.

"Hi! Are you Richard? I'm Bullet." pagpapakilala nito. Nakangiting naglahad ng kamay.

"Ahm.. yes!" medyo pumiyok na sagot niya na ikinatawa ng kaharap.

"You're nervous?"

"Ahmm.. no. What made you think so?"

"You're stammering."

"Maybe it's the weather." kibit-balikat na sabi niya.

"Oh it's really cold outside."

Siya naman ang napatawa.

"Why?" nalilitong tanong nito.

"Let's take a seat first." sagot niyang pinipigil ang tawa.

"Oh..." napakamot pa ito ng ulo ng mapansing nakatayo pa rin sila.

"So what are you laughing for?" naaaliw na sabi nito.

In fairness, Bullet really looked cute. His shoulders were wide at parang ang sarap kapitan. "Nothing."

"Come on. You wouldn't be laughing for nothing." di kumbinsidong sagot nito.

"Okay. I thought you just said a familiar line from a song."

"Which one?"

"Baby it's cold outside."

"Oh, my personal favorite."

"Really?"

"Yeah."

"So you're a sucker for classical songs?"

"You can put it that way."

Naputol ang kanilang pag-uusap ng lumapit ang waiter at tanungin kung oorder na sila. Habang tinitingnan ang menu ay hindi niya napigilang sulyapan ang ka-date niya ngayong gabi. So, this date turned-out to be a promising one. Base sa sandaling pag-uusap nila kanina ay nahulaan na niyang may sense itong kausap. He just hoped that it will not be a boring date. Well, judging from Bullet's profile, mukhang mag-eenjoy naman siya.

"What will you have first?" tanong nitong hindi tumitingin sa kanya.

"I think I'll have Blueberry Filet. How about you?"

"Red wine."

"What's for the main course Sir?" anang waiter kay Bullet.

"I'll have two lamb chops. You?" sagot nito saka tanong sa kanya.

"Same." Napangiti ito sa sagot niya.

"And for dessert?" ang waiter ulit.

"Strawberry-rhubarb Pie" magkapanabay pa nilang sagot.

Natawa ang waiter sa kanila. Napailing lang siya habang si Bullet ay pilit na sinusupil ang ngiti. Nang makaalis ang waiter pagkatapos ulitin ang order nila ay nagkatinginan silang dalawa ni Bullet saka bumulalas ng tawa. Kapag ganoong natatawa siya ay napapasabi siya ng "Putsa!" na siyang paborito niyang expression sa tagalog.

Napatitig ito sa kanya. Nanlalaki ang mata. Umawang pa ang labi. "Why?" naiilang na taong niya.

"Pilipino ka rin pala." sabi nito.

It was his turn to be shocked. Prominente ang Asian features nito pero hindi niya alam na pinoy pala ito. Talk about coincidence. At least hindi nga boring ang gabing ito, albeit, it won't be a problem for him conversing in English.

"Ikaw rin?" parang timang na tanong niya.

"Malamang."

Naiiling na napangiti siya. So the cute guy is a Filipino. That's great. Sa fifteen years niya sa New York ay hindi pa siya nakipag-date sa Pinoy. Ayaw niya sa ideyang yun. Pero mukhang nag-iba na siya ng perspective ng dahil kay Bullet. Bakit? Kasi hot siya? Napangiti siya lalo sa naisip.

"Ang cute mong ngumiti."

Natigilan si Richard sa papuri. Namula yata siya hanggang sa batok. Nahihiya talaga siya kapag pinupuri siya.

"Whoa! Yu're blushing!" malakas na sabi pa ni Bullet to his horror.

"Stop it already." saway niya.

"Ayaw mo ng pinupuri ka?" anito ng mapansing nagtitinginan sa kanila ang ilang customer.

"Oo." maiksi niyang tugon.

Dumating ang waiter para i-serve ang wine nito at ang filet niya. Akala niya ay hihinto na ito sa pagsasalita pero nagtanong pa rin ito sa wika nila.

"So pinsan mo si Chiza?"

Tumango siya. Hindi siya makapag-salita sa harap nito. Parang nauumid ang dila niya na hindi mawari. Ngayon lang siya nawalan ng sasabihin sa harap ng isang tao. Madalas madaldal siya pero hindi niya alam kung bakit pagdating kay Bullet, parang gusto niyang makinig lang ng makinig.

Napansin siguro nito ang pananahimik niya kaya tinanong siya nito. "Hey. Something wrong?"

Nangiti siya. "No."

"Eh bakit parang natahimik ka na diyan?"

"Wala lang. I'm just appreciating the ambiance."

"Sabagay." napakibit-balikat ito. "Ang ganda dito."

"Yeah. And it's cheap too."

"And very conducive to romance." nangingiting sabi ng loko.

Napatitig siya dito. Mukhang game ang isang ito. Sabagay, type din naman niya kaya okay lang sa kanya ang slight flirtations nito. Usually kasi, siya rin ang humahabol. Dito, parang gusto niyang magpahabol. Naiiba na agad ang mga pananaw niya sa buhay sa kabila ng katotohanang sandali pa lang silang nagkakakilala nito.

"You're right. So tell me, paano mo nakilala ang magaling kong pinsan?" he asked.

"Oh, she's my model."

"Model?"

"I'm a photographer. I own a shop downtown. Maybe you've heard of Bullet's Corner."

Napatango siya. Nadadaanan niya iyon pauwi. "I actually live three blocks from there." sabi niya na ikinaluwang ng ngiti nito.

"Really?"

"Yeah."

"That's great."

"And why is that?" curious niyang tanong.

"Maybe I can drop by your house or something kapag wala akong ginagawa."

"Ano namang gagawin mo doon? And besides wala ako sa bahay madalas."

"Bakit naman?"

"I'm a doctor."

"Cool."

"Anong cool doon?" natatawang sambit niya. Bullet chuckled to his obvious contest over the statement.

"You can cure sickness. That's cool."

"Maybe."

"Come on. I'm actually praising you."

Natatawang napatitig na naman siya dito. Ang cute talaga nito.

"Ang gwapo ko no?" sabi nitong ikinagulat niya.

"Hindi ka rin mayabang no?"

"Oo naman. Ang bait-bait ko kaya. Saka di ka naman siguro makakatagal tumitig sa akin kung di ako gwapo."

"Hindi ka gwapo."

"Okay."

"Cute ka kasi."

"Ikaw rin."

"So what do we have here? A mutual admiration society?" sabi niya. Nagkatawanan na naman sila ni Bullet.

Kaso parang kapag nagtatawanan sila, nagiging dead-air yun para sa kanya. Wala siyang masabi na naman. Nilantakan na lang niya ang appetizer niya. Uminom na rin ito sa wine. Ilang saglit pa ay isinerve na rin ang kanilang pagkain. Para namang nagkasundo na silang manahimik na muna at harapin ang pagkain.

Pero hindi niya matiis ang hindi magsalita. Nag-isip siya ng itatanong dito.

"Bullet ba talaga ang pangalan mo?"

"No." sabi nito pagkalulon ng isinubong karne. "It was a nickname given by my officemates kasi para raw akong train sa bilis kong kumilos. Ikinumpara nila ako sa bullet train." bahagyang napatawa ito.

"So you're real name is?"

"Sebastian. But you can call me Basty na lang for short."

"Ako you can call me Popoy."

"What?"

"Ang pangit ng palayaw ko no?"

"Hindi. Ang cute nga eh."

"Cute ka diyan. Mommy ko ang nagbigay nun sa akin."

"So Mama's Boy ka?"

"Hindi ah."

"Weh?"

"Gusto mong i-slice kita ng scalpel ko?"

"Huwag naman Doc."

"Joke lang."

Kumportable na siya agad dito. Isang bagay na ipinagtataka niya. It always take him quite some time bago maging at ease sa bagong kakilala. But with Basty, everything seems so easy. Mas gusto niyang tawagin itong Basty. Mas personal ang dating kasi mula sa pangalan nito mismo yun. And the fact that he told him his real nickname means something deeper. Something ka diyan!

"I like it. Popoy." nangingiting sabi nito kapagkuwan.

"Ako rin, I'll call you Basty na lang."

Kumislap ang mata nito sa katuwaan. "Say, we hang-out in a bar after this?"

Gusto niya yun kaya napatango siya. Nang matapos silang kumain ay nagpahinga na muna sila para sa dessert. Parang napakahaba na ng dinner na yun. Ang dami na nilang napagkwentuhan at napagusapan hangang sa tuluyang matapos ang lahat ng inorder nila.

"Dito na lang kaya tayo?" biglang tanong nito.

"Ha? Bakit?"

"Look." itinuro nito ang bintana. Lumakas ng kaunti ang pagbagsak ng niyebe.

"Oh my. It will freeze us to death."

"Yeah. Don't worry. We can drink here. How about some brandy?"

"Sure." at nag-order nga ito ng isang bote ng Johnny Walker.

Nagsalin ito ng para sa kanilang dalawa. Naaliw pa siya ng makipag-toast ito sa kanya.

"How can you do this thing to me?" tanong nito na ikinagulat na naman niya. How come this man always manage to surprise him?

"What do you mean?" nalilitong tanong niya.

"You're evoking feelings from me I've never felt before." diretsong pahayag nito.

"Bolero."

"Ikaw pa bobolahin ko eh matalino ka."

"Thank you."

"So paano mo nga nagagawa iyon?"

"Ewan ko."

Kibit balikat na sabi niya. "Truth is. You're doing the same thing to me." pag-amin niya.

"Really?"

"Yeah."

"Well, I like you Popoy."

"Me too, Basty."

"So tayo na?"

"Ganoon kabilis?" natatawang sabi niya.

"Hindi naman. I mean, let's take one step at a time. Let's get to know each other more. And kung sakaling magki-click tayo, let's take another step. Hindi kita mamadaliin. Promise."

Natawa siya dito. "Well, payag ako diyan."

"Let's drink to that."

"Cheers."

"But are you out?" naalala niyang itanong.

"Yes." walang gatol naman nitong sagot.

"Hindi ko akalaing magkaka-boyfriend ako ngayong gabi."

Tumawa ito. "Ako rin."

"Maybe it helped that we are in one of the most romantic spots here in midtown. Sabayan pa ng napakasarap na upscale Northern Italian cuisine, prepared and presented to perfection. It was such a romantic evening." Popoy said dreamily.

"You sounded like an advertisement of this restaurant Popoy." amused na sabi ni Basty.

He chuckled. "Did I?"

Nakaka-ilang shots na siya ng makaramdam na ng pagkahilo. Napansin iyon marahil ni Basty kaya niyaya na siya nitong umalis. Pagkabayad ng bill ay pumunta na sila sa parking. Mabuti at naka-inom na sila ng hard kaya medyo hindi na siya nilalamig. Kaya pa naman ng coat niya ang temperatura ng paligid.

Laking-gulat niya ng hawakan ni Basty ang kamay niya. He is thrilled with what was happening. Hawak kamay nilang tinungo ang kotse niya. Nag-taxi lang daw ito papunta doon. Pagbukas niya ng pintuan ng kotse ay sinorpresa na naman siya nito ng isang mabilis na pagkabig saka siya ginawaran ng isang halik.

Bahagya pang nanginig ang mga labi niya sa sandaling dumaiti ang mga labi ni Basty sa kanya. Pero sandali lang iyon. Hindi na siya nagpigila and he parted his lips to welcome his sweet intrusion.

Noong una ay nagkasya lamang ito sa mabinign paghalik sa kanya pero kalaunan ay naging mapangahas na ang mga labi nito. Nakikipagpingkian na rin ang dila niya dito ng bonggang-bongga. Nagpaubaya na lang siya at buong-pusong tinugon ang halik nito.

Basty's kisses went ona nd on. Well, Popoy wanted it to go on forever.

Forever? They had just met for Christ's sake!

Pero napatunayan niyang mahirap labanan ang utos ng damdamin. Gusto niya si Basty, bakit niya pipigilan ang sarili niya? Narinig niya ang mahinang pag-ungol nito at ang paghigpit pa ng pagkayap sa kanya. Ang mga kamay niya ay kusang pumulupot sa batok nito. Urging Basty to kiss him forever. Nang mapa-ungol siya ay tila natauhan ito at agad na itinigil ang paghalik sa kanya pero idinikit ang noo sa noo niya. Humihingal pa silang pareho mula sa halik na iyon.

"We better stop. Baka anong magawa natin dito."

Natatawang naka-unawa siya. "You go ahead. Dadaanan na lang kita sa bahay niyo bukas. May pupuntahan pa ako." sabi nito at kinuha ang numero niya.

Bahagya mang disappointed ay natuwa na rin naman si Popoy. At least magkikita ulit sila ni Basty. And he's already looking forward to it. Bago niya tuluyang paandarin ang sasakyan ay binigyan ulit siya nito ng maalab na halik. Halos mapugto ang hininga niya sa ginawa nito.

"See you tomorrow." sambit nito at sumaludo sa kanya.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails