Followers

Friday, July 22, 2011

One More Chance - 02

Photobucket

For Rodgie, -Keng- and Migs. Yung iba, saka na. Makakalimutin na yata ako. haha...



CHAPTER 2


"Please be a darling Juvy and call me if I'm needed."

"Yes Doc."

"Thanks."

Maagang natapos ang duty ni Popoy ng araw na iyon. Kahit ang daming tao ang i-n-operahan niya kanina ay parang ang lakas pa ng katawan niya. Paano ba naman, tumawag si Basty at sinabi nitong magkikita sila mamaya.

Ilang araw na rin ng magkakilala sila. Nasa dating stage pa lang sila though they've shared a few kisses already. Ayaw niya munang tumalon sa isang relasyon kung hindi siya sigurado kahit pa iba ang isinisigaw ng libido niya.

Napakalakas ng hatak sa kanya ni Basty. Naalala niya ang una nilang pagkikita. Sobra ang sexual tension sa pagitan nila pero hindi nauwi iyon sa kama. Siguro, paraho lang sila nito na tinatantiya pa ang sarili.

Mabilis siyang nakarating sa parking lot ng Presbyterian Hospital na pinagtatrabahuhan niya. Nitong nakaraang buwan lang ay halos hindi sila magkamayaw sa dami ng isinugod na mga tao dulot ng isang trahedya sa New York. Mabuti at nakabawi na ng kaunti ang mga tao bagama't shock pa rin ang iba.

Nagtungo siya sa midtown at bumaba sa restaurant na unang pinagkakilanlan nila ni Basty. The place really looked spectacular. Maybe because he met Basty here. Nasulyapan niyang kumakaway ito mula sa loob. Nagmamadali siyang pumasok.

Paglapit niya ay tumayo ito at sinalubong siya ng marubdob na halik. Oblivious to the amused, disgusted and shocked crowd. That's how carefree Basty is. He doesn't care if you like him or not.

"Whoa! Hello to you too!" kinikilig na sabi niya pagkatapos ng halik.

"Hello yourself." ngumiti ito at kinalabit ang kanyang ilong.

Nang maupo sila ay may lumapit na lalaki sa kanila at inabutan sila ng leaflets. Bahagyang nangunot ang noo niya ng walang sabi-sabing tumalikod ito bago pa man sila makapagpasalamat. Tiningnan niya ang papel at nakitang isa itong religous hand-outs. Naiiling na itinabi niya iyon. Ang pambabalewala niya sa bagay na iyon ay kabaligtaran naman ng kay Basty.

"Hey asshole! What's this for?" tawag nito sa lalaki.

The man stopped and gave them a sympathetic look. "You need Jesus in your life my dear. Both of you." anito kapagkuwan.

"Oh yeah?" sagot ni Basty.

"Basty don't." pigil niya rito.

"Hell no, Popoy!" asik nito. "You listen dude, what I think you need is a good blow job. That is, if you can find one to give you one."

Maang na napaantanda ang lalaki at nanlalaki ang matang napatitig kay Basty.

"And don't look at me!" dagdag pa ng kasama niya.

Nahihintakutan na lumabas ang lalaking nagbigay ng leaflets sa kanila na para bang ang lugar na iyon ay isang malaking tipunan ng mga pagkakasala.

"Basty?"

"What?" maasik pa rin na sagot nito.

"I'm not that guy. So don't raise your voice, please."

"I'm sorry."

"Accepted." nangingiti niyang sabi.

"What happened to you? You look a bit... agitated." nag-aalalang dugtong niya.

Sinalat pa niya ang mukha nito at noo. Bahagya ring ibinaba ang ilalim ng mata nito para tingnan kung may kakaiba rito. Natatawa namang hinuli nito ang kamay niya at hinalikan ang likuran ng kanyang palad.

He shivered from the gesture. It was very sweet. Pero dama rin niya ang pagiging aligaga nito. Nagpasya siyang bawiin ang kamay mula rito.

Halatang nagulat ito sa ginawa niya kaya naman ng akmang magtatanong na ito ay inunahan na niya. "What's your problem Basty?"

Nangunot ang noo nito. "What are you talking about?"

"I can sense it. Come on, tell me."

"Nothing. Besides, it doesn't concern you."

Napamaang siya sa sinabi nito. Para siyang sinampal ni Ate Vi ng tatlong beses. Buti na lang at take one lang. Sobra siyang napahiya.

Ngumiti siya ng mapakla. "Sorry kung sa tingin mo ay nang-iinvade ako ng privacy mo. Gusto ko lang makatulong." di niya mapigilang sabi sabay bira ng tayo.

"Hep! Hep! Where are you going?"

"That does not concern you." he retaliated sarcastically.

"I'm sorry. Okay? I'm just a little bit out of sorts."

Sinubukan niyang bawiin ang kamay na pigil-pigil nito pero hindi niya matinag ang lakas nito. Nang titigan naman niya ito ay nakita niya ang pagmamakaawa doon at ang determinasyong huwag siyang umalis. Unti-unting natunaw ang resolve niya.

"Please." his voice cracked.

Nag-aalala na naman siyang napaupo. This time siya naman ang humawak sa kamay nito. "Hush now, what happened? Come on tell me."

Nagyuko ito ng ulo at marahang yumugyog ang balikat. Pinabayaan muna niyang umiyak ito at ibuhos ang anumang nararamdaman bago siya muling nagtanong nang sa tingin niya ay kumalma na ito ng kaunti.

"Basty. I want to know what's bothering you."

Suminghot muna ito bago nagsalita.

"My sister had seizure this morning."

"What?"

"Yes. That's what happened. Hindi niya man lang sinabi sa akin na matagal na pala siyang nagkakaroon ng mga malalang headaches. All along I thought she was okay. Hindi pala. Nagulat na lang daw ang katulong niya ng katukin siya nito at gisingin ay bigla na lang nagkikisay at nalaglag pa nga daw sa kama."

"Oh my God. Did her doctor ordered a CT scan?"

"Yes. But I can't understand what he's saying. Ang naalala ko lang ay meron daw huge mass sa ulo si Ate. I can't recall the term. It sounded like arachnoid or something." parang batang nagsusumbong na sambit pa nito.

"Subarachnoid Hemorrhage. It is caused by the rupture of an intracranial aneurysm."

"English please."

Natawa siyang bahagya. "The symptoms of subarachnoid hemorrhage are characterized by a sudden onset of severe headache that worsens over time, and includes nausea, loss of consciousness, that is with or without seizure, and vomiting."

"And how does this rupture of intra-whatever-it-is occur?"

"You said your sister had major headaches before right?"

Tumango si Basty.

"Things like that, as well as dizziness, tends to go unnoticed by the patient." He held his hand firmly. "I want to help you Basty. Which hospital did you bring your sister."

"Presbyterian."

"Lucky you. I work there."

Bahagya itong napangiti sa sinabi niya. Gumanti ito ng pisil sa kamay niya ng pisilin niya iyon. It was his way of saying na nasa likod lang siya nito para sumuporta. At gagawin niya ang lahat para sa ate nito. Nagagawa niya ngang magligtas ng buhay ng ibang tao, sa lalaking mahal pa kaya niya?

Mahal? Ang bilis naman yata?

Nang lumapit ang waiter para tanungin ang order nila ay nagkaroon siya ng pagkakataon na pag-aralan si Basty. He felt a strong kick to his chest. Nang umiyak ito ay ganun na lang ang pag-alala niya. Parang gusto niyang awayin din kung sino man ang dahilan ng pag-aalburuto nito kanina. Ngunit ng malaman niyang may sakit ang kapatid nito ay para rin siyang nalungkot. It was as if they were one.

Gusto niyang nakikitang masaya ito palagi dahil ang cute ng ngiti nito. Pamatay, ika nga. At ang chinitong mata nito ay tila kumikinang kapag nakatawa. Kaya naman anong lungkot niya ng maaninang ang mga luha doon. Para siyang namatayan ng isang bahagi ng pagkatao niya.

Nalito siyang bahagya sa nararamdaman. Kinastigo niya ang sarili. Hindi ba at ayaw niya pang tumalon agad sa relasyon? Bakit ganun ang emote niya ngayon? Nalulungkot din kapag malungkot si Basty. Natutuwa kapag masaya si Basty. Si Basty. Si Basty. Si Basty na walang malay sa itinatakbo ng isip niya ngayon.

"Popoy."

Si Basty na hindi niya lubusang kilala.

"Popoy."

Si Basty na nagpapakilig lang sa kanya pero ni Apelyido ay hindi niya alam.

"Popoy!"

Nagulantang siya sa pagsigaw na iyon ni Basty.

"Basty?"

"What happened to you? You spaced out." natatawang sabi nito.

"Ah, iyon ba? I'm sorry. I'm just worried for your sister. I'm already thinking of what I can do for her."

Those words seemed to touch Basty's heart that he crossed the distance between their necks and grabbed his nape to give him a heartwarming kiss. It easily ignited a fire in his heart. Instantly, he was rock hard underneath his slacks. But Basty ended the kiss abruptly.

"What is that for?" humihingal niyang tanong dito.

"My advanced payment for your services." nangingiting saad nito.

He arched his brow. "Am I that cheap? You think a kiss will do?" he said grinning.

Umiling ito. "No. But I'm hoping it would mean a lot to you."

He felt a warm hand touched his heart and made it thug like crazy. Kinikilig siya sa sinabi nito.

"You don't have to pay me Basty. But yeah, that kiss meant a lot."

"I know." conceited na sabi nito.

"How dare you." pisil niya sa ilong nito.

Napa-aray ito at ginantihan siya. Nagpisilan sila ng ilong na nauwi na naman sa marubdob na halik. Kapwa pa sila humihingal ng matapos.

"Seriously, Poy, I want to pay you. Though, I doubt if I can afford you. From what I heard, you're one of the best."

"Like I said, you don't have to. Tama ka, you might not afford to pay my full services, that's why I'm offering it free. Besides, I won't exchange your kisses for dollars."

"You're that rich huh?"

"Nope. Let's just say that your kiss is on the top of my list."

"What list?"

"Christmas list. Silly. It's on Saturday already."

"Oo nga pala." Napatapik ito sa noo.

Cute na cute siya talaga sa mokong na ito kaya lang, napigilan ang panggigigil niya ng dumating ang order nila.

"After this, lets go to the Hospital and see you're sister. Okay?"

"You're the boss."

Iyon lang at magana silang kumain. Nang matapos ay dumiretso sila nito sa hospital kung saan naka-confine ang ate nito. Agad niyang ipinutos ang pagsasagawa ng MRI at ipinadala ang kapatid nito sa ICU. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito kaya kinuha niya ang kamay nito to assure him that his sister is in great hands.

Nagsalo muna sila sa isa pang halik bago naghiwalay para daluhan ang sister nito. Matapos ang ilang sandali ay nagpagawa rin siya ng ilan pang tests kabilang na ang CSF para ma-identify ang aneurysm ng pasyente. Nang makasiguro sa lahat ng preparasyon para sa operasyon ay tinanong niya ang ate nito.

"Myrna, ayon sa mga tests ay mayroon kang kasing-laki ng golf ball na tumor sa utak mo. Now, I want you to know that I am willing to remove that thing only if you allow it. We can not force you if you don't want to. Although its vital that we remove it fast, its still your decision."

Nag-isip ang babae at tumingin sa kanya kapagdaka. "Libre di ba?"

He chuckled. "Of course. You can sign the waiver while I talk to your brother. Baka kasi maglupasay na iyon doon."

Tumawa si Myrna ng pagak sa sinabi niya. Naabutan niyang nakapikit habang nakaupo si Basty. Tumabi siya dito.

"How is she?"

"She's signing the waiver. O-operahan ko na siya."

"May tiwala ako sa'yo Poy."

"Thanks. I won't fail you."

"Pampalakas."

Ikinawit nito ang braso sa kanyang batok para sa sinasabi nitong pampalakas. Isa palang halik. Sa lahat naman ng pampalakas iyon ang pinakagusto niya. Pero siyempre, tao lang siya kaya ng putulin niya ang halik ay anong pigil nito ng tawa sa sinabi niya.

"I think I need an energy drink."

Mabilis itong nakabili ng kailangan niya kaya naman buong lakas na siyang sumalang sa O.R. para sa operasyon ng Ate Myrna nito. Kumpiyansa siya sa gagawin. Lalo pa at inspirasyon niyang si Basty ang umaasa ng tulong niya. After ng humigit-kumulang sampung oras ay natapos niya ng matagumpay ang operasyon.

Nang stable na si Myrna ay nakangiti siyang lumabas. Hindi pa siya nagsasalita ay parang nakakita na ng kaluwalhatian si Basty na sinalubong siya ng halik. Nakakarami na ito ha. Then it dawned him. Sa inaantok niyang estado ay naunawaan niyang mahal niya ito. Mahal na niya si Basty.

After the kiss ay bahagya siyang nagkalakas. Ipinaliwanag niya ang mga maaaring maging kalagayan ng pasyente sa mga susunod na araw. Pero ang maghapong pagtatrabaho at ang mahabang operasyon ay naningil na. Nakatulog siya habang kausap si Basty sa upuan.

Naiiyak na naliligayahan naman siyang niyakap nito at hinayaang makatulog sa mga bigig nito. Hindi na niya namalayang nasambit niya ang mga katagang kanina lang niya naipangalan sa damdamin niya para dito. Napasinghap si Basty sa narinig at nangingiting hinaplos ang kanyang ulo.


Author's note:

Thanks sa Tita ko for the medical terms. The next chapter is 10 years after. Sana po ay naibigan ninyo ang kabanatang ito. :)

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails