DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works is purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains themes and scene that may not be suitable for your preference. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Gising, inom ng 2 basong tubig, exercise ng onti, kain almusal, nuod ng tv, magligpit, maglinis, ligo, pasok sa school, mag-aral, kain, dota, uwi ng bahay at matulog. Nakapakadaling makabisado ng weekdays ko. Naiiba na lang pag may overnight para sa thesis. But then again paulit ulit na lang talaga.
Halos isang linggo na ang nakakalipas nung huli kong nakausap si Emman.
Kumusta na kaya sya?
Kumusta na kaya ang trabaho nya?
Kahit di ko na pala ipakiusap sa kanyang wag tumawag at magtxt di na rin ata sya magpaparamdam.
Dahil sa pag-uusap namin ni Rein napagtanto ko na may mali rin ako. Sabi nga sa saying:
When your feelings get strong for someone, it's always wise to stop for a while and give your heart a time to breathe. A time to use your mind, to weigh the situation based on reasons not on emotion. Because the saddest thing that can happen is when one falls in love while the other wants nothing more than friendship.
Love can sometimes be magic, but magic can sometimes be an illusion...
Pati yung saying na:
Don’t fall in love when you’re lonely, Fall in love when you’re ready.
-----------------
(sa school)
“Kirk, anung sabi nung bida?”
“Potek ka Rex, kailangan sikuhin ako kung magtatanong?”
“eh tulala ka dyan sa movie eh, baka nakita mo na yung pinapahanap na karakter ni mam”
“Ah sino nga ba ulit yun?”
“Si Charon”
“ah yun yung Ferryman to the underworld”
“ahahaha kaya pala sabi ni mam matakot ka kung makasalubong mo yun sa corridor ahahaha”
“shhhh tahimik istorbo tayo sa klase oh…”
-------------------
(sa comp shop)
“Kirk stun daliiiii!”
“ah anu? Huh?”
“Ayan nakatakas tuloy!”
“ay sori!”
“Anu ba meron sa ‘yo bat ka tulala at wala sa sarili?”
“hmmm wala ‘to Rex”
“Huy sama tayo para di ka biglang mapatay, ok?!”
“ ah ok!”
---------------
“Tara lakad lakad muna tayo sa sm nang mawala naman yang kung anuman na nasa utak mo. Mukhang di mo pa gusting i-share eh.”
“Huh?!”
“Kung gusto mo inuman na lang nang maibuhos mo kung anuman yang problema mo!”
“Wew adik wala akong problema. Sige tara gala mode tayo woohooo!”
(Ginawa na naman ni Rex ang madalas nyang pangtitrip ang panghahawak sa toot.)
“G*** ka Rex mamaya mahawakan mo ng gising yan!”
“Eh di ok lang ;)”
“Loko wag mo na ngang gagawin yan!”
---------------
Kelan ko nga ba naging close si Rex. Dati bwisit ako sa mokong na to dahil may pagkamayabang rin eh. Bakit kasi may mga ganung tao, mayaman, pogi, maporma, mabait rin naman pag ka-close mo na at masayang kasama. Parang last month lang binibida ko kay Emman na kamukha to nung crush nya ngayon meron na syang Arnold. Tsk erase erase erase nga yang taong yan sa utak ko. Marami na naman akong pakakaabalahan at marami akong kaibigan. But then again konti lang nakakaalam sa other side of me. Haist mahirap talaga ang may pagka-Hannah Montana. Susundin ko na lang yung napagdesisyunan kong magpapakalalaki na ‘ko. No more Hannah Montana life for me.
---------------
“Uy Kirk bukas daw inuman kina Erol sama ka!” pagyaya ni Jon.
“Syempre naman.”
Somehow excited ako. Alam kong bawal sa akin ang alak dahil sa allergy ko but what the heck, isang buwan lampas na rin walang alak ang katawan ko. I guess ok lang naman uminom ulit ako. Sana kasama rin dun si Rein. Para naman si Rein at Rex ang kasama ko, para kasing third wheel na lang ako kina Liezel at Kian eh.
-----------------
Like what I have wished for, kasama nga si Rein at si Rex at sila ang katabi ko sa bus. Kwentuhan to the max kami. Masayang masaya ako. Di naman sa nilalayuan ko si Kian at Liezel pero gusto ko lang talaga na maiba naman ang katabi ko. Lagi ko na lang din kasi silang kasama eh.
-----------------
“Oh tulad daw nung last time kayo nag-inuman dito, spin the bottle daw!” ang tuwang tuwang pagyayaya ni Erol.
“wooohooo”
“yeheeeeeey!”
“tara game”
Lahat ng may kani-kanyang pinag-uusapan nasira dahil sa sinabi ni Erol. Mukhang lahat ata ay game na game.
“ok sisimulan ko na!” ang nakakabinging pagsigaw ni Erol.
Tumapat kay Liezel.
“Kayo na ba ni Kian at kung hindi pa sasagutin mo ba sya kung manliligaw sya?” ang tanong ng ngayo’y nakangising si Erol.
“Aw wala nang pilian kung truth or dare?! Diretso na agad. Hmmm wag kayong mag-alala sasagutin ko yan. Transparent naman ako sa feelings ko eh. Hindi pa. At kung liligawan man nya ako syempre oo na agad yun. Matagal nya na namang alam yun eh.
Phew… Ok na! Ako naman!” ang sagot ni Zel na halatang medyo kinabahan dahil sa pagpapawis ng noo.
Inikot na agad ni Liezel ang bote. At dahil kung saan saan tumatakbo ang utak ko gulat na lang ako na sa akin na nakatapat ang bote.
“Dare! Dare na ang pipiliin ko!” ang gulat kong sinabi.
“Ok. Ang dare ko sa ‘yo ay sagutin mo ang tanong na sino ang crush mo ngayon!” ang nakakalokong dare ni Liezel.
“Wew dare ba yun? Adik ka talaga! Sige na nga at baka sabihan nyo pa ako ng KJ. Si……” ang super extend ko na pagsasalita.
Nakaramdam na lang ako ng kurot sa braso ko at sinabi sa akin na “Kala ko ba di KJ!”
“Aw badtrip ka Jon! Si Christine Reyes!”
“Hoy bawal artista sa klase lang!” ang asar talo na sagot ni Liezel.
“Sorry di mo inispecify kanina” ang sagot ko sabay dila at senyas ng belat. Sa totoo lang nakaligtas ako dun. Buti na lang din di pa ako lasing.
“My turn…”
Tumapat kay Kian ang bote. Nagsigawan ang iba ng “ayiieeeee!!!”. Sa totoo lang naaalala ko yung last inuman namin dito sa bahay ni Erol. Si Kian ang nag-alaga sa akin nung lasing na lasing ako at sya rin ang katabi ko nun matulog. Di nya ko hinayang maiwan nag-iisa. Badtrip talaga. Bakit ba kasi ako nahulog sa mokong na ‘to dati. Alam ko namang imposible pero sinabi ko pa rin sa kanya ang nararamdaman ko. Umasa ako na may posibilidad dahil ganun ang mga nababasa ko sa kwento.
“Wala nang paligoy ligoy at walang nang pilian ng truth or dare. Mahal mo ba si Leizel?” ang diretsahang tanong ko kay Kian.
Naghiyawaan ang buong tropa.
“hmmm ganito kasi yan mga fans..” ang panimula ni Kian na nagpapaka-feeling cool. Buti na lang binatukan sya ni Jon.
“Aray huh. Medyo nagiging bayolente ka huh. Ayan na amnesia na ‘ko, anu na nga ulit?” ang punch line ulit ni Kian.
“Magseryoso ka nga!” ang medyo galit kong pagkakasabi.
Natahimik ang lahat sa ginawa ko pero at least natigil na ang pagpapatawa ni Kian.
“Tulad ng sinabi ko dati, ayaw kong may magbago. Masaya ako ng ganito. Magkakasama tayo. Mahal ko kayong lahat bilang kaibigan at hanggang duon na yun. Sinagot ko na rin yang tanong na yan dati with complete explanation di ba.”
Tinamaan ako sa sagot na yun ni Kian. I guess he is referring to the time when he I asked the same question duon sa may inuman sa bahay. Medyo kinabahan ako sa totoo lang.
Nakakailang pasahan din ng tanong at dares. At tulad ng dati may nagkaiyakan, nagkalabasan ng sama ng loob at syempre maraming tawanan at hiyawan. Dami kasi namin eh. Marami na rin akong nainom at alam kong malapit ko nang ma-reach ang limit ko.
“Erol baba na ako. Di ko na kaya tutulog na ‘ko.” ang paalam ko kay Erol.
“Tara hatid na kita kung sang kwarto mo trip matulog” sagot Erol.
“Sasabay na rin ako!” ang pagsabat ni Rex.
Buti na lang din nauna na akong bumaba at sakto wala pang tao sa room dito sa bahay ni Erol na may water bed.
“Dito na ako matutulog huh. Salamat pre!” pasasalamat ko sa kanya.
-----------------
Madaling araw na nun ng maalimpungatan ako. Di pamilyar sa akin ‘tong pakiramdam na ‘to. Kakaiba. Patay ang ilaw sa kwarto at wala akong makita pero sigurado ako sa nararamdaman ko. Di ‘to pamilyar kasi wala pa namang humahalik sa akin. Di ko sure kung nasa dream world ako o kung gising talaga ako pero grabe. Kung panaginip man ‘to lulubuslubusin ko na. Gumanti ako ng halik. Di ako sure sa ginagawa ko pero sa kakaibang sensation na nararamdaman ko feel ko tama ang ginagawa ko. Inikot ko ang dila ko habang hinahalikan nya ako at paminsan-minsan ay kinagat ko ang labi nya habang magkayakap kami. Sa kakaibang pakiramdam na ‘to nagulat na lang ako at di ko inaasahang mangyayari sa akin ‘to kahit di ko pa ginagalaw ang alam nyo na. Ah basta yun yun. Pagkakaraan ng ilang sandali parang nawalan na lang ako ng malay.
------------------
Dahil mayaman sina Erol at aircon ang room at komportable ang water bed nagising ako ng walang hangover. I feel really good as in ewan ko ba. Basta ang sarap ng feeling. Nag-inat ako at laking gulat ko ng biglang may pumigil sa akin sa paggalaw. Ingat ko ang kumot at iniikot ko ang aking paningin at nagulat ako na may nakayakap sa akin lalaki na walang pang itaas na damit at mukhang magulo ang boxer shorts. Pinilit kong abutin ang kanyang shorts at isinaayos ko. Tatayo na sana ako ng higaan kaya lang pinigil ulit ako ng pagkakayakap ng katabi ko.
“I love you” mahina ngunit malinaw kong narinig ang pagkakasabi ng katabi ko. Tiningnan ko ulit ‘to ng mabuti kung gising ba o tulog. Sibubukan kong tapikin ang braso nya para gising sya ngunit umungol lang sya.
“Phew tulog pa nga sya” ang nasabi nung makumprima kong tulog pa nga tong katabi ko.
Pero teka tama nga ba yung narinig ko. I love you. Potek ayoko mangarap. Pero sabihin na nating tama eh against yun sa rule ko. Sabi ko nga magpapakalalaki na ako eh. Haist baka nananaginip lang ‘to. Wah pero nakakapraning. Pero kung totoo man ‘to handa na akong buksan ang puso ko para sa taong magmamahal sa akin. Sabi nga ulit ng isa pang saying:
We always wait for the right time. Not knowing that each time is RIGHT. We keep looking forward for tomorrow but the truth is, there's no better time to be happy but NOW!! HAPPINESS can't be found at the end of the road. It's the JOURNEY itself that matters..
So might as well enjoy the journey na!
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
cnu yun???bat dhi binanggit ang name?? :((
ReplyDelete(ian)