By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
-------------------------------------------
Tila biglang huminto ang pag-ikot ng mundo sa narinig. Ramdam ko ang pamumuo ang mga luha ko sa mga mata nguinit nilabanan kong huwag bumuhus ang mga ito sa pisngi ko.
Ah eh, oo naman. Ang sagot ko na lang.
Alam kong nasasaktan ka Derick pero sana naintindihan mo ako
Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko. Palihim kong pinahid ang mga ito. Naintindihan naman talaga kita eh. Di ako pweding magbigaay sa iyo ng anak, diba? Ok lang iyan. At least, si Mae ay pamangkin ko din.
H-hindi iyan ang dahilan, Derick mahirap ipaliwanag.
Simple lang iyan, Rodel. Aminin mo na anak ang habol mo kay Mae
Tahimik.
Hindi mo naintindihan
Ok, fine kung ano man ang reason mo, magpakasal kayo. Wala akong problema at tanggap ko na ito.
Hindi na kumibo pa ni Rodel. Ewan ko kung ano ang ibig niyang sabihin na hindi ko naintindihan. Ngunit iwinaglit ko na lang sa isip iyon.
Natapos ang dalawang linggong pagsasama nila. Naghanda kaagad kami para sa party na hiniling ni Mae. Nagpa-catering sa pagkain, nag-hire ng events coordinator para sa program at mga decoration. Inimbita din namin ang lahat ng mga dating kasamahan ni Mae sa trabaho at mga kaibigan. At ang pinaka-importanteng inaasahan naming panauhin ay ang pinakamalapit na tao sa buhay niya ang mama niya na kapatid ko.
Pinuntahan ko siya sa ibinigay ni Mae na address. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya. Noong magkaharap kami, hindi maiwasang hindi mag-iyakan, magpalabas ng mga saloobin hanggang sa kapwa gumaan ang loob at matanggap ang lahat. At pagkatapos, nagyakapan, ipinadama ang kasabikan sa isat-isa na matagal na rin naming kinimkim sa mga puso namin.
Ngunit may unresolved issue ang mag-ina; dahil sa pagtatanan nila ni Rodel, namatay ang ama ni Mae at nahirapan pa ring tanggapin ito ng kapatid ko, lalo na na sa mismong araw ding iyon nandoon si Rodel na siyang kinasusuklaman at dahilan ng pagkamatay ng papa ni Mae. Bagamat inaasam ni Mae na makadalo siya, wala rin akong nagawa noong napagdesisyonan ng kapatid ko na hindi siya dadalo. Malungkot si Mae noong malaman ito. Ang matinding kalungkutang iyon ay hindi maitatago sa mukha niya.
Dumating ang takdang araw ng party. Maayos ang lahat ng preparations. May mga bulaklak, mga balloons, mga palamuti. Tila may nagbibirthday o ikakasal. Dumating din ang lahat ng mga bisita, mga malalapit na kaibigan na may mga 40 katao, ngunit maliban sa nanay ni Mae. Si Rodel at Mae ang nagsilbing mga hosts habang ako at si Marvin ay low profile lang, nasa likod at nagsusupervise at nagku-coordinate sa mga nagluluto, nagsi-serve ng pagkain at maiinum, sinisiguro na ang lahat ng mga bisita ay naasikaso. Syempre, party ni Mae iyon, mga bisita niya ang nandoon at di rin maitatwa na ang iba sa mga kaibigan niya ay alam ang relasyon namin ni Rodel. Kapag tinanatanong kung ano ang okasyon, ang sagot na lang namin ay may mahalagang i-announce si Mae. Sa likod naman ng isip ko, engagement nila at napipintong kasal ang i-aannounce Hindi ko talaga alam.
At habang ramdam kong tino-torture ang aking kalooban, masaya naman ang lahat. Tawanan, kuwentuhan, ang iba ay nag-congratulate sa kanila ni Rodel at Mae na tila bang ang party na iyon ay reception na ng kasal. Sa mga mata ng lahat, bagay na bagay talaga silang magsama at alam ko na sa isip ng mga kaibigan ni Mae inaasahan na nilang magsama at makasal ang dalawa sa hindi kalayuang panahon. Napakaganda ni Mae, kahit medyo pansin na ang paglaki ng tiyan nito, ang pamumutla at pagpayat dulot na rin siguro sa kakaiba niyang naramdaman sa pagbubuntis. At si Rodel naman tila isang prinsepe sa kakisigan. Syempre, may kirot iyon sa puso ko. Ngunit pilit kong isiniksik sa isipan ang pagtanggap sa katotohanang wala nang tsansa pa na magkatuluyan kami.
Nasa kalagitnaan ng kasayahan ang mga bisita noong tumayo si Mae at pinatunog ang baso gamit ang kutsara. Napahinto ang lahat at pigil-hininga, hinintay ang pagsasalita niya. Magandang gabi sa inyong lahat at salamat sa inyong pagdalo! Ang bati niyang nakangiti.
Ewan ko, parang may naramdaman akong kakaiba sa ngiting iyon.
Nagpatuloy siya, Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa Tito Derick ko na siyang kumupkop sa akin at nagbigay ng party na ito para sa akin. Sa lahat din ng mga taong nagmahal sa akin, mga kaibigan, maraming salamat din sa inyo. Sa pamilya ko, kahit wala sila dito at hindi makarating ang mama at mga kapatid, gusto ko ring ipaabot sa kanila ang pasaslamat ko, at sana pagpalain sila, at kayong lahat na mga nagmamahal sa akin. Wala naman talagang espesyal na okasyon kung bakit ako may salo-salo. Gusto ko lang magsaya, gusto ko lang makita ang mga taong mahal ko. At ito ay dahil
Hindi naipagpatuloy kaagad ni Mae ang sasabihin at pansin ko ang mga luhang dumaloy sa pisngi niya. Pinahid niya ito sa mga palad niya, at pilit na ngumiti.
Nagpatuloy siya, M-may taning na ang buhay ko...
Tila binagsakan naman ng bomba ang lahat ng mga nakinig na kaibigan ni Mae. Ang iba ay hindi makapaniwala, namangha. Dali-dali namang lumapit si Rodel kay Mae at niyakap ito, sinusuyo.
Nagpatuloy si Mae. Opo, may matindi akong karamdaman, cancer, at nasa terminal stage na, mahirap nang gamutin. At kung magchemotherapy man, wala na ring epekto ito, at baka makasama din sa bata. Hindi ko ipinaalam ito kahit kay Rodel at Tito Derick Ayokong mag-worry sila sa akin at madamay sa problema ko. Ngunit nitong nakaraang mga araw, napag-isip-isip ko na kailangan ko nang sabihin ito. Kayat itong party na ito ay gusto kong magsilbing isang living funeral para sa akin, kasi napahinto siya gawa ng paghikbi doon naman talaga ako pupunta.
Mapapansin sa mukha ng mga kaibigan ni Mae ang matinding naramdamang awa, ang iba ay nagpapahid na ng luha. Napansin ko ring tumulo ang luha ko, naisip na sa kabila ng naranasang hirap, nanatiling matatag si Mae at sinarili ang naramdaman. Syempre, sobrang hiya ang naramdaman ko sa sarili. Para akong sinampal ng maraming beses. Buntis siya, inagawan ko ng mahal at may matinding karamdaman pa.
Ngunit huwag kayong mag-alala dahil tanggap ko na ang lahat ng ito. Kaya paki-usap ko lang ay huwag kayong malungkot para sa akin dahil nakahanda na ako. Binitiwan ni Mae ang isang pilit na ngiti. Kaya tuloy ang ligaya! sigaw niya habang itinaas ang isang wine glass na may laman, ang mga pisngi ay basing-basa pa sa luha.
Mabigat man sa kalooban, at tila tulala sa nalaman, itinaas na rin ng lahat ang kani-kanilang mga wine glass, pilit na ipinamalas ang saya sa kanilang mga mukha. Pumalakpak si Mae at napapalakpak na rin ang lahat.
OK, dahil sa itoy isang masayang living funeral, gusto ko ring magkaroon ng eulogy. ang sabi ni Mae.
At isa-isang nagsalita ang mga kaibigan ni Mae, puro mga nakakatawa at memorable na karanasan, at mga magagandang nagawa ni Mae sa kanila na di nila malilimutan. Tawanan, meron ding iyakan.
Noong si Rodel na ang nagsalita, hindi naman maiwasang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Una, gusto kong manghingi ng tawad sa iyo, sa pag-iwan ko sa iyo nahinto sandali si Rodel, ang mga mata ay ibinaling sa kinaroroonan ko. Ewan, ngunit para akong piniga sa hiya at guilt na naramdaman sa pagkabigkas ni Rodel sa mga salitang iyon.
Nagpatuloy siya. Marahil ay may pag-alinlangan ka sa pagmamahal ko para sa iyo. Ngunit maniwala ka man o sa hindi, mahal kita, Mae. Noong panahon na iniwanan kita, di ako mapakali dahil alam ko ang hirap ng kalagayan mo. Alam kong di sapat ang suportang inbinigay ko sa iyo. Gusto sana kitang ilipat ng titirhan sa isang medyo magandang lugar kaya ako nanghiram ng pera kay Derick. Ngunit noong malaman kong nagkausap na pala kayo at pinatira ka dito, natuwa ako at kahit papaano, ay maibsan ang paghihirap mo sa dati nating tinutuluyan. Kaya itinago ko na lang ang pera at itinabi ito para sa isang bagay na hihilingin ko ngayon sa iyo
Sobrang tahimik naman ang lahat, nag-aabang sa susunod na sasabihin ni Rodel.
Pakakasalan kita, Mae. At lumuhod ito, kinuha ang singsing sa bulsa niya at iniabot kay Mae, ang mga mata ay tila nagmamakaawa, sabay sabing, Will you marry me?
Hindi kaagad nakaimik si Mae. Ang ibang mga bisita naman ay naghihiyawan, nagpalakpakan, sumusigaw ng, Yes! Yes! Yes!
Tumingin si Mae sa akin, tila nanghagilap ng clue kung papayag ako. Tumango ako, ngumiti at ipinakita sa kanya ang thumb-up sign ng kamay ko.
At Yes! ang sagot niya.
Nakakabingi ang palakpakan at hiyawan ng mga bisita habang isinuot ni Rodel sa daliri ni Mae ang singsing. At pagkatapos ay nagyakapan sila, naghalikan. Sa pagkakataong iyon, aaminin ko na may kirot sa puso ko ang tagpong iyon. Ngunit tanggap na ng kalooban ko ang lahat.
Sa araw ding iyon pagkatapus ng pagsasalo ay dinala namin si Mae sa Hospital upang kahit papaano ay maalagaan ng maigi. Bagamat gusto niyang sa habay na lang siya upang hintayin ang takdang araw, nakumbinse din namin siyang pumayag alang-alang sa batang nasa sinapupunan.
Isang lingo ang nakaraan, naganap ang kasalan. Bagamat nahirapan na sa matinding karamdaman, hiniling pa sa rin ni Mae na sa simbahan gaganapin ang kasalan. Ako ang naghatid kay Mae sa sa altar. Pansin na ang panghihina ni Mae noong nagmartsa na siya patungong altar. Ngunit kinaya pa rin niyang tapusin ang buong ritwal ng kasal. Sa pagkakataong iyon, dumalo ang mama ni Mae, nagpatawaran sila at naibalik ang dati nilang pagkamalapit sa isat-isa.
Pagkatapos na pagkatapos ng kasal, balik ospital na naman si Mae. Naghalo ang emosyon ng lahat pagkatapus ng kasal. Masaya dahil sa wakas, nabuo na ang kanilang pagiging mag-asawa at malungkot dahil bilang na ang mga araw ni Mae. Sa sarili ko, pagkahabag kay Mae ang nangingibabaw.
Pitong buwan na ang tyan ni Mae noong pinagpasyahan na ng mga duktor na i-caesarean na siya. Naghihingalo na siyo noon at kailangang makuha na ang bata upang mabuhay ito. Isang batang lalaking malusog at kamukhang-kamukha ni Rodel. Inilagay kaagad ito sa incubator. Si Mae naman ay hindi na nagising, tuluyan nang pumanaw.
Masakit. Oo, aaminin kong pinangarap ko ding ma-angkin si Rodel at masarili. Ngunit kapag ang ganoong kapalit pala ay buhay ng iba, hindi lubos maipaliwanag ang sobrang guilt at galit sa sarili. Doon ko narealize na selfish ako at ang iniisip ko ay pansarili lamang; na halos lahat ng taong nagmahal ay dumaan din sa paghihirap; na ang iba sa kanila ay may mas matindi pang paghihirap kaysa akin.
Noong inilibing si Mae, umiiyak ako, humahagulgol dahil alam ko at naunawaan ang hirap na pinagdaanan niya noong pinanindigan niya ang pag-ibig para kay Rodel; ang psgkamatay ng papa niya sa pagtatanan nila ni Rodel; ang pag-iwan ni Rodel sa kanya dahil sa akin; at ang pagdurusa niya noong dumapo sa kanya ang karamdaman.
Kinagabihan sa bahay, may ipinakita naman si Rodel sa akin, sulat ni Mae. Dear Tito Derick. Salamat sa lahat nang ipinakita mong kabutihan sa akin - pag-aruga at pagkupkop mo sa akin. Wala akong kahit na kaunting galit sa iyo. Alam kong mahal ka ni Rodel at alam kong bago pa man ako, ay kayo na. Pasensya na sa pagdating ko sa buhay ni Rodel. Ang hiling ko lang sana na alagaan mo si Rodel at ang baby ko, katulad ng pag-alaga mo sa akin. Hindi ko man masilayan pa ang baby ko, sana ikaw na ang pupuno sa mga pangangailangan niya hanggang sa paglaki, at ituturing mo syang sariling anak. Tito mahal na mahal kita.Christine Mae-
Di ko maiwasang tumulo ang luha. Napakabait ni Mae... ang nasambit ko na lang.
Isang taon ang nakalipas at tuluyan nang natanggap namin ang paglisan ni Mae. Isang batang lalaki ang iniwanan ni Mae na alal-ala niya sa amin ni Rodel. Marunong na ring maglakad ito at natuto nang bumigkas ng ilang mga salita. Siya ang nagbigay sa amin ng lubos na kaligayahan at nagpatibay pa ng aming pagmamahalan.
Kumuha rin ako ng yaya para sa bata at bagong houseboy kapalit kay Marvin na medyo may edad na, base sa mungkahe ni Rodel. Ayaw niya kasing may maulit pa sa amin ni Marvin.
At si Marvin? Well, ipinasa ko siya sa isa kong kasama sa trabaho na single na single pa at atat na atat nang magkaroon ng kapartner sa buhay. At noong inindorso ko na si Marvin sa kanya, ang nasambit lang niya ay Sana, sya na ang magiging Rodel ng buhay ko sabay bitiw manan ng nakakalokong halakhak. Napangiti na rin si Marvin; isang ngiting pilyo. Nakikinita ko na may nagbabadyang milagrong mangyayari sa dalawa.
Masasabi kong wala na akong mahihiling pa sa buhay. Nasa akin na ang lahat: si Rodel at ang aking pangarap...
(Wakas)
Followers
Showing posts with label Si Rodel at ang Aking Pangarap. Show all posts

Sunday, June 13, 2010
Si Rodel At Ang Aking Pangarap [11]
By: Mikejuha
getmybox@hotmail.com
----------------------------------
Unang gabi sa naiibang setup namin kung saan doon natulog si Rodel sa kuwarto ni Mae. Hindi maiwasang hindi ako manibago, masaktan, mag-isip, mangamba pabaling-baling sa kama, iniimagine na ang unan na yakap-yakap ay si Rodel. Hindi rin maiwaksi sa isipan ang mga eksenang kung sakaling manganak na si Mae at tuluyang bigyang-laya ko si Rodel, ipaubaya sa mag-ina, ipakakasal at hayaan silang magsama. Nakikinita ko ang saya na malalasap nila, kasama ng kanilang magiging anak.
Matutupad na ang pangarap ni Rodel. Bulong ko sa sarili. Alam ko, hindi puwedeng pag-isahin ang mga pangarap namin. Pangarap ko ay ang magkaroon ng isang lalaking magmahal sa habambuhay, hanggang sa pagtanda; ngunit ang pangarap niya ay ang magkaroon ng katuwang, pamilya, at anak. At hindi ko maibibigay sa kanya iyon. Na kay Mae ang lahat ng katangiang makapagbigay ng katuparan sa minimithi niya. Kapag tuluyan nang mabuo ang pangarap ni Rodel, hindi na ako nakasisiguro kung paninidigan pa niya ang pangako na hindi ako iiwan. Arrggghh! ! sigaw ko sa sarili. If you love someone, set him free. If he comes back to you,
then he is yours, but if he doesnt, then he never was ang kasabihang pilit na isiniksik ko sa utak. Grabe, sakitttt!
Sa gabing iyon, matagal akong nakatulog. Ang mga katanungang iyon ang bumabagabag sa aking utak. Iniisip ko na lang na sa buhay na ito, hindi lahat ng bagay ay makakamit, gaano man katindi ang pagsisikap na gagawin ng isang tao; na ang tunay na susi ng kaligayahan ay ang pagtanggap sa katotohanang ito, ng maluwag sa dibdib. Umukit din sa isip na kung masakit man ang kahinatnang kung sakaling iiwan ako ni Rodel, lalong mas masakit ito kung magkimkim ako ng galit at sama ng loob; kaya dapat kong ihanda ang sarili sa kung ano man ang mangyayari, gaano man kasakit ito
Naramdman ko na lang ang mga luhang dumaloy sa mga pisngi ko. Hinayaan kong bumagsak ang mga ito sa unan hanggang sa nakatulog ako.
Sa halos dalawang linggong pagsasama nila, pansin ko sa mga kilos ni Mae ang saya. Hindi ko lubusang maipaliwanag ang tunay na naramdaman. May konting selos at sakit; may konting pagkahabag sa sarili. Ngunit may malalim na kaligayahang dulot din ito para sa akin dahil nakapagdulot ako ng saya at ligaya sa buhay pamangkin ko.
Sa parte namin ni Rodel, tila nahaluan ito ng pagkailang. Halos hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Pero naintindihan ko iyon. Kahit may sakit na dulot sa puso ko ang pagsasama nila ni Mae sa gabi-gabi, mas nangingibabaw pa rin sa akin ang pag-intindi, ang pagparaya
Huling gabi iyon sa pagsasama nila ni Mae. Habang tulog na ang lahat sa mga kuwarto nila, bumaba ako sa hardin, at naupo sa isang upuang sementong gawa ni Rodel, malapit sa isang maliit na puno ng narra. Naalala ko pa ang pagtanim ko sa punong iyon. Habang hinuhukay ko ang lupa, hindi ko alintana na nasa likod ko pala si Rodel. Bulaga! ang sigaw niya.
Sa inis ko sa ginawa niya, hinabol ko siya at binato ng lupa. Noong maabutan ko, nagpambuno kami hanggang sa magpagulong-gulong sa damuhan. Sobrang saya ang naramdaman ko sa tagpong iyon.
Pagkatapus ng harutan, binalikan namin ang hindi ko pa natapos na hinuhukay na lupang tataniman ko sa puno. Bakit ka ba nagtatanim nito? Sa ganitong oras ng gabi? tanong niya, pinagmasdang maigi ang punlang itatanim ko.
Para sa atin ito, Rodel ang sagot ko. At ikinuwento ko sa kanya na nakasanayan ko nang gawin ang ganoon kapag nagkakaroon ng relasyon; na ang puno ng kahoy na iyon ay ang magiging saksi sa patago naming relasyon; na aalagaan ko ito at habang tumatagal ang relasyon at lumalaki ang puno, ito ang pinupuntahan ko kapag hindi ko siya nakikita at nami-miss ko o kayay kapag kailangan kong mag-unload ng sama ng loob, o kahit magpapahangin lang. Minsan din kinakausap ko ito kapag wala akong makausap at walang makaintindi sa naramdaman ko.
G-ganoon ba? E paano kung maghiwalay kayo? Anong mangyayari sa puno? pag-follow up niya.
Ito ang magsilbing ala-ala ko sa kanya. Kung gusto kong saraiwain ang nakaraan, pupuntahan ko ito, iuukit ko ang mensahe ko sa kanya sa pag-asang mababasa niya ito. At dito ko rin ibabaon ang aming mga ala-ala, ang mga bagay na nakapagbibigay sa akin ng alaala sa kanya, kasama ang isang sulat na naglalaman ng aking mga hinanaing at sama ng loob.
Inakbayan ako ni Rodel. At itong itatanim mong puno ay para sa atin?
Tango lang ang ibinigay kong sagot.
At wala nang sabi-sabi pang kinuha niya ang pala at siya na ang nagpatuloy sa paghukay. Noong sapat na ang lalim ng hukay, itinanim na rin niya ang puno. Noong matapos, Rodrick ang pangalan ng punong ito ang sabi niyang hinihingal pa, ang t-shirt ay nababasa sa pawis. Pinagsamang pangalan natin. Tumingin siya sa akin. Pangako, hindi ko pababayaan na darating ang panahong may ibabaon kang mga masasakit na alaala dito. At lalong hindi ko pababayaang may ibabaon kang mga sulat ng mga hinanakit.
Maya-maya, naghubad siya ng pang-itaas na damit at inihagis iyon sa damuhan. Pagkatapos, hinugot niya ang swiss knife sa kanyang bulsa, hinila ang isang maliit ngunit matalas na kutsilyo dito. Laking gulat ko na lang noong bigla niyang ikinudlit ito sa kanyang kaliwang dibdib. Tumagas ang dugo at ipinapatak ang mga ito sa mismong punong itinanim niya.
Rodel! Ano ba iyang ginawa mo! Nakakatakot ka! ang sigaw kong di magkamayaw sa nerbiyos noong makakita ako ng dugo at agad tumakbo sa loob ng bahay upang kumuha ng alkohol at bulak.
Bakit mo ba ginawa iyon? Tingnan mo, parang diniligan ng dugo iyang puno. Ang sabi ko noong makabalik na at pinunasan ang sugat niya.
Wala ito, Derick... gusto ko lang ipakita sa iyo na hindi lang pawis at lakas ang ibinigay ko para sa punong iyan, pati dugo ko ay idinilig ko pa. Mabuhay at lalaki man iyan, alam mo na may dugo akong dumadaloy sa kalamnan ng punong ito. Kaya pareho nating alagaan ang punong ito, Derick.
Syempre, sobrang touched ako, tila nabilaukan at hindi makapagsalita. Sa mga naging kasintahan ko kasi, si Rodel lang ang bukod-tanging tumulong sa akin na magtanim ng puno, magbigay ng pangalan at magpakita pa ng pagpapatunay kung gaano ako kahalaga sa kanya.
Sinuklian ko lang siya ng yakap habang hindi ko napigilang tumulo ang luha sa mga balikat niya.
Kinabukasan, nakita ko na lang ang sementong upuang ginawa niya sa gilid ng puno na iyon. Simula noon, nakasanayan na naming ni Rodel na kapag gusto naming magpahangin sa gabi lalo na kapag malaki ang buwan, sa garden kami nage-estambay at uupo sa tabi ng puno.
Pabugso-bugso ang ihip ng hangin sa gabing iyon. Malamig, at habang pinagmasdan ko ang puno ay ramdam ko ang saya nito, na kabaligtaran naman sa naramdaman ko. Kitang-kita ang pagtubo nito na mas matangkad pa ng kaunti sa tao ang taas, berdeng-berde at malulusog ang mga dahon, at habang hinihipan-hipan ng hangin ay tila kumakaway-kaway ito na parang gustong makipagkuwentuhan sa akin.
At namalayan ko na lang ang sariling nagsasalita. Bukas, sa akin na naman sasama si Rodel. Ngunit alam mo ba, Rodrick, parang sumisigaw ang puso kong ipaubaya na lang siya. Parang may kung anong sumisigaw sa utak kong doon na lang si Rodel kay Mae. Sila naman talaga ang nababagay e. At oo nga pala, may party na idadaos kami para kay Mae sa sunod na araw. Hindi ko lang alam kung tungkol saan ang party na iyon pero baka may isiwalat o ihahayag siyang importanteng bagay... kagaya ng p-pagpakasal kaya nila? Ah, masakit iyon, Rodrick. Pero wala akong magagawa...
Nasa ganoon akong pakikipag-usap sa punong itinanim ni Rodel noong may narinig akong kaluskus sa may likuran.
Noong lumingo ako, si Rodel. B-bakit ka nandito? Iniwan mo si Mae? Tanong ko.
Tulog na si Mae... at hindi ako makatulog. Sagot niya habang umupu sa tabi ko.
Kumusta ka na?
Heto, ok lang. Ang matamlay niyang sagot.
Bat para kang hindi masaya? Dahil ba matatapos na ang pagsasama ninyo at babalik ka na sa akin? ang sabi kong may halong selos ang tono.
Ngunit hindi ito pinatulan ni Rodel. Hindi. Nasasabik na nga akong makasma ka, eh. May mga bumabagabag lang sa isip ko sabay akbay niya sa akin.
Pwede ko bang malaman?
Baka magalit ka...
Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa narinig, nag-isip na may hindi maganda siyang sasabihin. Ok, di ako magalit. Ano iyon. Ang sagot ko na lang sa kabila ng takot sa maaari niyang sabihin.
M-mas kailangan ni Mae ngayon ang pang-unawa, ang pag-aaruga...
Oo naman. Buntis siya at kailangan niyang mag-ingat, at dapat ay aalalayan, suportahan... ang sagot ko. K-kung gusto mo, doon ka na pumalaging tumabi sa kanya gabi-gabi. Pahabol ko, bagamat tila may kung anong bagay na bumara sa lalamunan ko noong lumabas sa mga labi ang huling mga katagang iyon.
Yumuko lang si Rodel, sandaling natahimik. Pansin ko sa mga mata ang malalalim na iniisip niya. Maya-maya, nagsalita. P-pakasalan ko si Mae, Derick...
(Itutuloy)

Thursday, June 3, 2010
Si Rodel At Ang Aking Pangarap [9 & 10]
By: MIkejuha
getmybox@hotmail.com
fb: getmbyox@yahoo.com
site: http://men4menphilippines.ning.com (Group: Kwentong Kanto Ni Kuya Mike)
Note:
Salamat sa mga nagbabasa at lalo na doon sa mga nag-comment at nag message. Masarap at nakakaengganyong magsulat kapag nakatanggap ng feedback galing sa mambabasa)
---------------------------------------------------------
[9]
Nagwala si Rodel; galit na galit na sinugod si Marvin na nakahiga pa sa kama at kagigising lang. Pinaulanan ito ng suntok. Pinilit ni Marvin na tumayo at manlaban. Nagpangbuno ang dalawa.
Sa kalituhan, pumagitna ako at hinarap si Rodel, hinarang ang mga suntok niya.
Tumabi ka dyan Derick! Papatayin ko ang lalaking iyan!
Ako na ang patayin mo, Rodel! Sanay ka namang saktan ako, eh. Sige, patayin mo ako! Patayin mo na akooooo!!! Sigaw ko habang humagulgol na, sinenyasan siMarvin na umalis. Dali-dali namang nagsuot ng kanyang brief at pantalon.
Tila nahimasmasan naman si Rodel sa pagsigaw kong iyon. At ang tanging nagawa niya ay ang yakapin ako. Ano ba itong ginawa mo sa akin, Derick? ang tanong niyang nang-aamo, tinangkang pahirin ng mga kamay niya ang mga luha sa pisngi ko.
Ngunit kumalas ako sa kanyang pagyakap. Bakit? Pagkatapos mong lumayas at magsama kayo ng babaeng iyon, gusto mong magmukmok ako at magpakamartir na maghintay sa iyo kung kailang ka babalik? Ganoon ba?
Hindi nakaimik si Rodel.
Hindi na Rodel. Kung gusto mong doon ka sa babae mo, sige... doon ka sa kanya. Pabayaan mo ako at wala na tayong pakialaman pa sa isat-isa!
Mahal kita Derick
Mahal? Punyetang pagmamahal iyan! Mahal mo ako, tapos mahal mo din iyong babae mo? Ano yan? Buy-one-take-one?
B-bumalik ako dito, para sa iyo
Kung bumalik ka man dito, tapos sasabihin mong kayo pa rin ng babaeng iyon Ayoko na. Pagod na ako. Sawa na ako sa kakaintindi sa iyo, sa inyo! Ni hindi mo nga magawang sabihin sa kanya ang relasyon natin? Hindi mo kayang panindigan ang relasyon natin sa kanya! Kaya, sa kanya ka nalang. Sobra na ang paghihirap ko
Di kita matiis kung wala ka sa piling ko, Derick. Mahal kita.
Sinungaling!
Yan ang totoo...
Kung totoo nga iyang sinabi mo, sabihin mo sa akin ngayon na hiwalay na kayo ng babaeng iyon!
Hindi na naman nakaimik si Rodel. At pansin ko sa mukha niya ang matinding kalungkutan.
Anoooo? Di ka makasagot dahil sa mas mahal mo siya, diba? Mas mahal mo siya!!!
Buntis si Mae, Derick at ako ang ama ng dinadala niya.
Pakiwari koy biglang nag-blackout ang paligid at gumuho ang mundo. Tumalikod ako sa kanya at naupo na lang sa gilid ng kama, nakayuko, pahid-pahid ng mga kamay ang biglaang bugso ng mga luha. Naramdaman kong iyon na ang tuluyang pagguho ng mga pangarap ko, na siya namang simula ng katuparan ng mga pangarap ni Rodel. Hinayaan ko na lang ang sariling pakawalan ang matinding kirot na naramdaman sa puso, at pinilit na lawakan ang pang-unawa at pag-intindi sa kalagayan niya.
K-kung ganoon, mas kailangan ka niya, Rodel ang mahinahon kong sabi, nanatili pa rin akong nakaupo sa kama, nakatalikod. At pagkabigkas na pagkabigkas ko sa salitang iyon, halos huminto naman ang aking paghinga, dulot ng matinding kalungkutang nadarama habang ang mga luha ay walang patid ang pagdaloy sa aking mga mata.
Naramdaman kong lumapit siya sa akin, umupo sa may likuran at niyakap ako. Hindi Derick
dito lang ako sa iyo. Sa iyo ako sasama.
Hindi, Rodel Ito na ang katuparan ng iyong mga pangarap. Nandiyan na ang babaeng magpapaligaya sa iyo, ang magbigay sa iyo ng supling, ang magbuo ng iyong pagkatao. Kaya, balikan mo na siya. Matitiis ko ang lahat para sa kaligayahan mo.
Hindi ko kayang mawala ka sa piling ko. Derick.
Parang gusto kong bumigay sa pagkarinig sa sinabi niya. Napakasarap pakinggan at tila ibinayaw ang kaluluwa ko sa langit. Ngunit pinilit ko pa ring magmatigas. Ayoko na Rodel. Bumalik ka na sa kanya, kahit alang-alang manlang sa bata.
Tumayo ako, tinungo ang locker habang nanatili siyang walang imik.
Noong makapagpalit na ng damit, Aalis ako at mamayang gabi pa ako babalik. Gusto kong magmuni-muni sa labas. Sa pagbalik ko, dapat wala ka na dito. At oo nga pala, huwag mong saktan si Marvin. Wala kaming relasyon at ang nangyari sa amin ay hindi niya kagustuhan. Huwag mo siyang idamay. Sabay talikod at hindi lumilingon na tinungo sa pintuan.
Hindi ko alam kung saan pupunta sa araw na iyon. Tinawagan ko ang isang kaibigan at napagdesisyonan namin na magpunta sa isang resort na malapitlang at doon mag-relax at mag-enjoy. Sinabi ko rin sa kanya ang lahat ng mga hinanaing ko.
Hindi kaya may iba siyang motibo kung bakit siya bumalik? Ang suspetsosong sabi ng kaibigan ko.
kagaya ng ano?
Pera Syempre, magkaanak na, Kailangan ng maraming datung!
Hindi naman ganyan si Rodel. Kahit noong nagsama pa kami, hindi nanghihingi iyan ng pera kung walang kailangang paggagamitan. At kung manghingi man, ibabalik pa niyan ang sukliang pagtatanggol ko.
E, malay mo, baka sinulsulan ng babae.
A yan ang hindi maaari. Sobra-sobra na ang panloloko nila sa akin kung mangyari iyon.
Mag-aalas 10 na ng gabi noong makauwi ako ng bahay. Ini-expect ko na wala na si Rodel at si Marvin na ang magbukas ng pinto. Ngunit laking gulat ko noong ang bumukas ng pinto ay si Rodel.
Bakit nandito ka pa? ang sambit ko kaagad habang tinumbok diretso ang second floor kung saan nandoon ang kwarto namin.
Sinabi ko na sa iyo na nagbalik na ako, diba? Ang sagot niya habang sumunod sa akin.
Hindi ako kumibo. Dali-daling nagbihis at dumeretsong ibinagsak ang katawan sa kama.
Humiga na rin si Rodel, niyakap ako, idinantay ang isang paa sa harapan ko. Miss na miss na kita, Derick
Paano na iyong babae mo?
Ewan, di ko alam Gusto ko na kung may desisyon man akong gagawin tungkol sa amin ni Mae, kasama ka sa desisyon na iyon.
Pwes ang desisyon ko ay ang bumalik ka sa kanya
Hindi Derick. Ayokong mag-isa ka. Ayokong masaktan ka.
At sa muli, Ate Charo, bumigay na naman ang puso ko. Siguro, ganyan lang karupok ang damdamin ng isang bakla. Isang yakap lang ng lalaking mahal at bibigay na sa tawag ng laman. At sa gabing iyon, pinagsaluhan naming muli ang tila walang pagsisidlang ligaya, nilalasap ang sarap ng mga yakap at nagbabagang mga halik na animoy wala nang bukas pa
Isang lingo ang lumipas simula noon, napansin ko naman ang lungkot sa mga mata ni Rodel. Palagi itong tulala at napakalalim ng iniisip. M-may problema ka ba Rodel?
W-wala ito, Derick. Wala ang pag-deny niya.
Ayoko nang ganyan, Rodel. Kilala kita, sabihin mo kung ano ang problema mo? Si Mae ba?
Hindi... Ang pagdiin niya.
Tahimik. Hindi ko na rin iginiit pa ang ang gusto kong malaman.
E pwede ba Derick, hihiram ako sa iyon ng pera?
P-pera? Para saan? At magkano? Ang tanong kong may halong pagkagulat.
M-may paggagamitan lang ako, personal. Kung maaari, 50 thousand pesos.
Fifty thousand?? Diyos ko, ang laki naman niyan, Rodel. Para saan mo ba gagamitin iyan?
B-basta. Saka ko na lang sasabihin sa iyo. P-pwede ba?
A.. e, sige. Ang naisagot ko na lang kahit na sa likod ng aking utak ay may malaking pagdududa at katanungan kung saan niya gagamitin ang pera at bakit kung bakit malungkot na malungkot siya. Syempre,hindi nabura sa isipan ko ang sinabi ng kaibigan na may posibilidad na ang pera na iyon ay para sa mga plano nila ng babae niya. Gusto ko mang magalit, hindi ko rin magawa dahil wala naman akong ebidensya at nagpaalam naman ng maayos sa akin. Ngunit, di ko maiwasan ang hindi kabahan.
Nasa trabaho pa di Rodel sa gabing iyon noong may natanggap akong tawag. Si Christine Mae, ang babae ni Rodel at gustong makipagkita sa akin sa bahay niya. Kahit matindi ang kinikimkimkong galit sa babaeng iyon, pumayag na rin ako.
Maliit lang ang kwartong inuupahan niya at nasa may squatter area pa. Sa nakita kong ayos ng tinitirhan, alam kong naghihirap siya. May isang electric fan lang, lumang-luma ang mga kasangkapan, at marumi na rin ang mga pintura ng kwarto.
M-mabuti naman at pinaunlakan mo ang kahilingan ko, Derick. Ang pambungad niyang sabi, tila nahihiya at halos hindi makatingin sa akin ng diretso. Noong pinagmasdan ko siya, napansin ko kaagad ang dinadala niya sa sinapupunan.
OK lang para din magkausap tayo at ma-klaro ang mga issues at problema kung mayroon man.
P-pasensya ka na sa nangyari sa amin ni Rodel. Mahal na mahal ko si Rodel. At ang sabi niya ay mahal na mahal din niya ako. Ngunit marahil ay sadyang hindi sapat ang pagmamahal niya upang panindigan niya ang nangyari sa amin. Noong nandito siya sa akin, palagi na lang siyang tulala, malayo ang tingin. Alam ko, ikaw ang laman ng isip niya. Kaya upang hindi ako ang maging hadlang, binigyang-laya ko siya sa kabila ng pagdadalang-tao ko. Bago siya umalis, ipinangako niyang hindi niya pababayaan ang magiging anak namin, at ako. Ngunit ayaw kong umasa. Ayaw kong mangarap ng isang bagay na sa huli, ay hindi naman ito pwedeng mangyari..
Sa pagkarinig ko sa kwento niya, tinablan ako ng awa at ang galit na kinimkim ay tila unti-unti ding nalusaw, ramdam ang mga luhang namumuo sa aking mga mata. Hinayaan ko siyang magsalita.
A-alam mo bang noong itinanan ako ni Rodel dahil nalaman ng mga magulang ko na buntis ako, inatake sa puso ang papa ko at namatay. Ngayon, itinakwil na ako ng mama ko at ng dalawa ko pang kapatid. Hindi na ako pwedeng umuwi sa amin. Masakit ngunit ang mas lalong masakit para sa akin ay ang paglayo sa taong minahal na siya ding dahilan ng lahat. At tuluyan na siyang humagulgol.
Ewan ngunit napaiyak na rin ako. Nakikita ko kasi sa kwento niya ang sarili ko noong nilayuan ako ng mga taong minahal. At alam na alam ko ang tindi ng sakit na naramdaman niya.
P-pasensya na Derick sa pagpapalabas ko sa iyo ng mga hinanakit ko. Ayokong isipin mo na sinabi ko ang lahat ng ito dahil sa gusto kong kaawaan mo ako. Hindi awa ang kailangan ko kungdi pang-unawa, at... pakikipagkaibigan. Ang hirap kasi ng may kinikimkim sa puso at walang kadamay. Para akong mababaliw. Sana lang ay mabawas-bawasan man lang ang dinadala kong sama ng loob. Ayaw kong magkimkim ng galit. Sana Derick, maging magkaibigan na lang tayo. Pinakawalan ko na si Rodel. Masakit pero alam ko, matatanggap ko rin ito. Huwag ka nang magalit sa akin.
At naalimpungatn ko na lang ang sariling niyakap siya, at pareho kaming nag-iiyakan.
May sasabihin pa ako, Derick, isang lihim na itinago-tago ko kay Rodel. Hindi ko sinabi ito sa kanya dahil ayaw kong mag-alala sya at maabala
A-ano iyon, Mae?
May
Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin.
(Itutuloy)
--------------------------------
[10]
Nagulantang na lang ako noong makitang namutla si Christine Mae at tila nawalan ng ulirat, hawak-hawak ang
ulo niya.
Mae anong nangyari sa iyo? Ok ka lang ba?
O-oo. Nahihilo lang ako. Dala lang ito ng pagbubuntis... Huwag kang mag-alala, Derick, maya-maya lang ay maging ok na ulit ako Ang sagot niya.
Sigurado ka ha? May dinandala kang bata kaya mag-ingat ka. Kinakabahan tuloy ako sa iyo. sabi ko.
Tumango siya kahit pansin ko sa mukhang tila nahirapan siya. Ok lang talaga ako, Derick.
Ok, simula ngayon, araw-araw na kitang dadalawin dito. At pangako, tutulungan kita.
Iyon ang nasabi ko; marahil ay bunga ng matinding awa sa kanya dahil kagaya ko, itinakwil din siya ng kanyang mga magulang at ang lahat ng paghihirap niya ay naranasan ko rin, lalo ang sakit sa paglisan ng minamahal. Sa nalaman, hindi magkamayaw ang utak ko sa kaiisip kung paano ko pa siya matutulungan.
Tuluyan ko na ring nalimutan ang kung ano man iyong sasabihin pa niya sanang lihim.
Nasa may pintuan na ako paalis noong, Derick may itatanong pala ako sa iyo
Medyo nagulat, bumalik ulit ako sa loob. Ano iyon, Mae?
M-may kilala ka bang Amelia Del Rosario? Amelia Robles noong dalaga pa?
Bigla akong natulala sa narinig. Bakit mo siya kilala?
Siya ang mama ko, Derick May natandaan kasi akong sinabi niya na kapatid daw niya na Derick din ang pangalan at itinakwil ng pamilya nila.
Pakiramdam ko ay lumulundag-lundag ang puso ko sa sobrang tuwa sa narinig. Ikaw ay pamangkin ko, Mae! Pamangkin kita! Kapatid ko ang mama mo! ang sigaw ko. Kaya pala noong una kitang makita, pansin ko kaagad ang tila pagkahawig mo sa kapatid ko!
At nagyakapan ulit kami, nag-iiyakan, ang mga hagulgul ay mistulang nag-aalo sa kahirapang dinanas at bigat ng dinadala ng isat-isa.
Hindi ko rin lubos maisalarawan ang sobrang galak na naramdaman sa pagkadiskubre ko sa pamangkin. At imbes na aalis na, tumagal pa ng ilang oras ang pagku-kwentuhan namin. Doon ko nalaman na umalis ang pamilya namin sa dati naming probinsya, namatay ang mama ko isang taon pagkatapus namatay ang tatay sa atake sa puso noong araw na itinakwil nila ako, at ang isa ko pang kapatid ay pumunta na ng Amerika. Nalaman ko din kay Mae na sabik na sabik na rin daw akong makita ng mama niya ngunit di lang nila alam kung saan ako hahanapin.
Alam ko; iyon na ang simula upang magkaroon muli kami ng contact ng mga kapatid ko at na makadalaw at makapaghingi ako ng tawad sa puntod ng mga magulang ko.
Dahil presko pa sa isip ng mga magulang ni Mae ang ginawa nitong pagtatanan at siguradong galit pa ang mga iyon sa kanya, Hayaan mo, Mae, isang araw, kapag nanganak ka na, puntahan natin ang mama mo, at dalhin natin ang bata sa kanya. Tingnan natin kung ayaw ka pa rin nilang tanggapin kapag nakita na nila ang bata... at ako ang payo ko na lang kay Christine Mae.
Binitawan ni Mae ang isang nigiting-pilit. Ewan ko, pero tila may matinding kalungkutan at malalim na kahulugan ang ipinakitang ngiti niya na iyon.
Iyon ang simula ng pagiging malapit namin ni Christine Mae sa isat-isa. At simula din noon, Tito na ang tawag niya sa akin.
Noong makarating na ako ng bahay, isang plano kaagad ang nabuo sa isip ko. R-rodel, nagkita kami ni Christine Mae sa bahay na inuupahan niya
Ano?! Ang tanong ni Rodel na may halong pagkagulat. Anong ginawa mo doon? Inaway mo ba siya? dugtung niya.
Hindi Rodel. Inimbitahan niya ako. Atsobrang awa ako sa nasaksihang kalagayan niya. Rodel, tulungan natin siya; si Mae ay pamangkin ko, Rodel!
T-tlaga? Ang may halong tuwa niyang pagkagulat. "Paano nangyari iyon?"
Mahabang kwento, Rodel. Pero kung papayag ka, dito na natin si Mae patuluyin. Dito tayo magsamang tatlo, magtulungan, magsimula...
Pansin ko kaagad sa mukha ni Rodel ang pag-aalangan. E paano ang set-up natin?
Nag-usap na kami ni Mae. At tanggap na niya na wala ka na sa buhay niya. Syempre, dito ka sa kwarto ko matutulog habang sa kabilang kwarto naman si Mae.
G-ganoon ba? Di ba siya lalong masasaktan sa set-up na iyon?
Rodel, huwag mo nang problemahin iyan dahil tanggap ni Mae ang lahat. At kung mahal niyo pa ang isat-isa, OK na rin para sa akin kung doon ka sa kanya. Sobrang awa ko kasi sa kanya, alam mo iyon. At ngayong alam kong pamangkin ko pala siya, at dinanas din niya ang dinanas ko na itinakwil ng mga magulang at magdusa sa pag-ibig, parang gusto kong magparaya. Parang gusto ko siyang pagbigyan, Rodel Di ba, ako ang Tito niya, at ako ang dapat na umintindi?
S-seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo? Tanong ni Rodel, tila di makapaniwala.
Oo Rodel. At kahit dito pa kayo titira, at ako ang bubuhay sa inyo at sa inyong mga anak, makakaya kong tanggapin ang lahat. Masakit, syempre, ngunit may tuwa naman itong maidudulot sa puso ko dahil ang mga magiging anak ninyo ay apo ko rin, at ikaw ay hindi naman napupunta sa iba, kungdi sa pamangkin ko. Napahinto ako ng sandali, pinahid ang mga luhang dumaloy sa mga mata ko. At ito na rin ang paraan upang maipakita sa mga kapatid ko na hindi ako ganyan kasama katulad ng iniisip nila sa akin. At malay mo rinbaka sadyang hanggang ganito lang ang kayang ibigay sa akin ng tadhana, na ang taong minahal ay magbigay ng supling na magiging apo ko naman, na magiging parte rin ng buhay at pamilya ko, na mag-aalaga at magmahal sa akin hanggang sa pagtanda ko. Di ba? Puwede na iyon...
Naalimpungatan ko na lang ang mahigpit na yakap ni Rodel sa akin, pinapahid ang mga luhang dumaloy sa sa pisngi ko. Alam mo Derick, patuloy mo akong pinahahanga. Napakalawak ng pang-unawa mo, napakalaki ng iyong puso. Kaya, lalong napamahal ka sa akin Binitiwan niya ang isang napakagandang ngiti; ang ngiting noon pa man ay nakabibighani na ng aking puso. Huwag kang malungkot, Derick. Kung iyan ang desisyon mo, OK lang sa akin. At ipinapangako ko, dito pa rin ako tatabi sa iyo. At inilapat niya ang mga labi niya sa labi ko.
Kinupkop nga namin si Mae. Sa kabilang kwarto siya natutulog sa dating kuwarto ni Marvin. (Si Marvin ay pinagawan ko ng kuwarto malapit sa garage). Maganda ang setup namin. Kami ni Rodel ang parehong nagtatrabaho, si Christine Mae ay sa bahay lang, habang si Marvin naman ang gumagawa sa mga gawaing-bahay at nagbabantay na rin kay Christine Mae. Sa pagsasama naming tatlo, lalo ko pang nakilala si Christine Mae. Mabait ito, masipag, masayahin, maaalahanin, at nagkakasundo kami sa maraming bagay. Tila perpekto na ang lahat. At kagaya ng pangako ni Rodel, sa akin nga siya tumatabi sa pagtulog. Masaya ako. At sa tingin ko naman ay masaya rin si Christine Mae.
Ngunit may napansin si Marvin kay Christine Mae. Silang dalawa lang kasi ang naiiwan sa bahay kapag nasa trabaho kaming dalawa ni Rodel. Isang gabi noong nasa bahay kaming lahat, isiniwalat ni Marvin ang napansin niya. Mae, sasabihin ko na sa kanila ang napansin ko sa iyo pambungad ni Marvin sa amin, tinitingnan si Mae.Ayaw kasi ni Mae na sasabihin ko ito sa inyo e.
Tiningnan ko si Mae. Hindi ito halos makatingin sa amin. Ano iyon, Marvin? ang tanong kong may halong pagkalito kay Marvin.
Ilang beses na kasing bigla na lang si Mae na natumba, nahilo, at sumakit ang ulo.
Ha?! T-too ba Mae?
Umiling-iling si Mae, tila ayaw tanggapin ang sinabi ni Marvin.
Ipa-duktor ka namin. Ang sambit ko kaagad.
Huwag na Tito! ang biglaang sagot naman ni Mae, tila nataranta.
Basta Mae, ipapa-duktor ka namin, baka kung mapaano ka at ang bata sa tiyan mo.
Hindi siya kaagad nakasagot. Maya-maya, O, sige, papayag ako kung mapilit kayo. Ngunit bago ako magpapaduktor, may hihilingin sana ako sa iyo, Tito.
O sige, ano iyon?
Dalawang linggo mula ngayon, magpi-pitong buwan na itong bata sa tiyan ko. Kung maari, simula bukas ng gabi, sa akin tatabi si Rodel, dalawang linggo hanggang sa magpi-pitong buwan na itong tiyan ko. Pagkatapus, magpa-party ako at kung maari ay imbitahin natin ang mga magulang ko at mga kaibigan. Atsaka pa lang ako magpa-duktor.
Hindi kaagad ako nakasagot. Lalo akong naguluhan at ang mga mata ay ibinaling kay Rodel. A eh. Walang problema kung sa iyo matutulog si Rodel. Sa party naman, OK sagot ko lahat ang gastos at imbitahin natin ang mga magulang at kaibigan mo. Ngunit, ang sa akin lang, di ba matagal ang dalawang linggo bago ka magpakunsulta sa duktor?
Huwag kang mag-alala Tito hindi naman grabe ang naramdaman ko. Kaya puwede pa iyan. ang paniguro ni Mae.
At nakumbinse naman ako, iniisip na OK lang talaga ang lahat kahit na may mga tanong din ako tungkol sa party na hiningi niya. Inisip ko na lang na importanteng okasyon iyon sa buhay niya, o baka, anniversary nila ni Rodel. O-e di sige. Ang sagot ko.
Natulog kami ni Rodel sa gabing iyon na halos walang imikan. Ngunit di rin ako nakatiis. Tumagilid ako sa kanya, idinantay ang isang hita ko sa harap niyang ang nakabalot ay brief lang, ang isang kamay ko naman ay sa ibabaw ng hubad niyang dibdib. Ramdam ng mga binti ko ang bukol ng kanyang pagkalalaki at sa kamay ko ang pintig ng kanyang puso. Ano ba ang okasyon at kailangan niyang magpa-party? Bithday niya ba? O anniversary ninyo?
H-hindi ang maiksing tugon niya, ang isang kamay ay marahang inihaplos-haplos sa kamay kong nasa ibabaw ng dibdib niya.
Nakalilito. Pero e di sige kung iyan ang gusto niya. Pagbigyan ko siya.
Tahimik.
B-bukas, sa kanya ka na tatabi... Halos mabilaukan ako noong lumabas sa mga bibig ko ang mga katagang iyon.
Tahimik pa rin siya.
Nagpatuloy ako. D-dapat lang naman siguro, diba? Dahil buntis siya at ikaw ang ama ng dinadala niya. Dapat mo siyang damayan.
Nahihiya lang ako sa iyo eh
At bakit naman?
Ipinangako ko sa iyo na hindi kita iiwan. Ayaw kong isipin mo na katulad ako sa ibang mga lalaki dyan na sinabi mong hindi marunong manindigan; na nagbibigay pasakit sa puso ng mga kagaya mo. Ayaw kong isipin mo na isa ako sa kanila Mahal kita at gusto kong ipakita sa iyo na kaya kong panindigan ito.
Huwag kang mag-alala Rodel. Alam ko, noon pang bumalik ka sa akin sa kabila ng pagkabuntis ni Mae, na iba ka sa mga lalaking nanloko at nagpaluha sa akin. Noon pa, alam kong marunong kang manindigan Kaya wala ka nang dapat pang patunayan
Tiningnan niya ako, binitiwan uli ang pamatay niyang ngiti, hinaplos-haplos ang pisngi ko. Eh paano ka dito?
Napangiti ako sa narinig. Ano ka ba? Bahay natin ito. At nag-usap na tayo tungkol dyan, di ba? Atsaka, dalawang linggo? Wala iyan Rodel. Huwag kang mag-alala, OK lang ako. Promise.
At kinabukasan nga ng gabi, si Rodel at Christine Mae ang nagsiping sa kabilang kuwarto habang ako ay natulog na nag-isa sa kuwarto namin ni Rodel

Thursday, May 27, 2010
Si Rodel At Ang Aking Pangarap [7 & 8]
WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.
By: Mikejuha
getmybox@hotmail.com
http://men4menphilippines.ning.com (Group: Kwentong Kanto Ni Kuya Mike)
Author's Note:
May 122 followers na ako dito and again, salamat sa inyong lahat. Binibilang ko palagi mga followers ko sa blog ko na ito, hehe.
Chatbox:
Gusto ko rin pong sabihin sa mga viewers/readers/followers ko na may chatbox na po tayo sa right portion ng page na ito. If you got the chance to leave some messages or to do chat, please do so. And if I am available, I can answer your questions din po sa chatbox/chatroll.
Muli, sorry talaga na hindi pa ako nakapag-update sa "Ang Kuya Kong CNB" Hirap talaga kapag nasa bakasyon, maraming distractions dahil sa gala, mga family matters. Sa isang taong paghihirap kasi sa Saudi, isang beses ko lang makasama ang mga mahal sa buhay. At kapag nanjan sila, hindi ako makapag-concentrate. Pero nasa utak ko na po ang sunod na mga eksena sa part 24. Ang problema lang ay ang pasulat/pagdeliver nito sa inyo na may dating, may impact, at may emosyon... Kaya, pasensya na po talaga. But I will try pa rin po to be able to write the update as soon as I can.
Kaya pagtyagaan ninyo na lang po muna pansamantala ang kuwentong "Si Rodel At Ang Aking Pangarap"
Maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay.
-Mikejuha-
-----------------------------
[7]
Maaga akong nagising kinabukasan. Naidlip lang ako ng sandali at kaagad hinanap si Rodel sa tabi ko. Subalit, wala pa rin siya doon.
Kahit kulang sa tulog, bumangon na rin ako, naghanda ng almusal, naligo at pagkatapus ay umalis na patungong opisina.
Alas 9 na ng gabi noong ako ay makauwi. Nandoon na si Rodel, at naghanda na rin pala ng hapunan. Kain na tayo sambit kaagad niya pagpasok na pagpasok ko palang ng kuwarto, pansin ko sa mga mata niya ang pagka-guilty.
Inirapan ko lang siya, hindi pinansin ang inihain niyang pagkain at dumeretso nang nagpalit ng damit at nahiga sa kama.
Hindi ko talaga siya pinansin hanggang sa nakatulog na ako at kinabukasan umalis ng bahay papunta uli ng trabaho. Hindi ko na rin tinikman o tiningnan man lang ang hinanda niyang agahan. Feeling ko, talagang guilty siya sa inasta niyang halos hindi makatingin nang diretso sa akin. Noong nasa trabaho na ako, nagtext nga, ngunit hayun, nangumusta lang.
Alas otso ng gabi ay nakauwi na ako ng bahay. Nauna na rin pala siyang dumating at nakapaghanda na ng pagkain. At muli, hindi ko pa rin pinansin ang pagkain niya. Sinadya kong kumain na sa labas bago umuwi. Pakiramdam ko kasi ay dapat hindi na ako aasa sa mga pag-aalagang ginawa niya dahil naisiksik na sa sipan na malapit na niya akong iwan.
Dumeretso ako ng kwarto, nagbihis, naligo, at nahiga na tila wala akong ibang taong kasama. Maya-maya, sumunod na rin siya at nahiga. Pinakiramdaman kolang siya. Sabi ko kasi sa sarili na hindi ako ang dapat na maunang magsalita. Ano ako, guilty? Sabi ko sa sarili. Tumagilid akong patalikod sa kanya.
Halos isang oras siguro kami sa ganoong sitwasyon hanggang sa, Derick... hindi ko alam kung paano manghingi ng tawad sa iyo...ang mahina niyang sabi.
Hindi pa rin ako umimik.
Patawarin mo ako Derick... Mahal ko si Christine Mae. Ngunit mahal din kita...
Sa pagkakarinig ko sa sinabi niyang iyon, dio ko na napigilan ang bumulyaw, Sinungaling! Mahal mo siya? Tapos mahal mo din ako? Ano ka, dalawa ba iyang puso mo? Dalawa ba iyang tarugo mot tag-iisa kami, ha? Magpakatotoo ka naman, Rodel! Wag mo akong gawing tanga!
Totoo iyan, Derick. Mahal din kita at di ko kayang mawala ka sa buhay ko.
Neknek mo! Paano ako maniwala sa iyo? E ngayon nga niloloko mo na ako! Bakit hindi mo sinabing may babae ka na pala?!!
Ayaw kong masaktan ka Derick, maniwala ka.
Sinungaling!
Ano ba ang pwede kong gawin upang maniwala ka?
Wala! Wala! Wala Ang bulyaw ko sabay tayo at tungo sa lagayan ng mga damit, dali-daling nagbihis at tinumbok ang pintuan.
Kung gaano ako kabilis sa pagbihs ay siya ding bilis ng pagharang niya sa akin sa may pintuan. Saan ka pupunta? Ang tanong niya, nakatayo sa harap ko at tanging puting boxers shortlang ang takip ng katawan.
Padaanin mo nga ako Rodel!
Hindi! Kung ayaw mong sabihin kung saan ka pupunta, di ka puweding lumabas...
Ano ba ang pakialam mo! Padaanin mo ako! Ibinuhos ko ang lahat ng puwersa upang labanan ang pagharang niya at makalabas ako.
Ngunit sadyang mas malakas si Rodel at wala akong nagawa kungdi ang paghampas-hampasin na lang ang dibdib niya habang niyayakap naman niya ang katawan ko.
Arrgggghhhhhh! Ansakit-sakit ng ginawa mo Rodel! Masakittttt!
Alam ko, Derik. Alam ko... ang sabi niya, habang patuloy niya akong niyayakap ng sobrang higpit, sinusuyo, marahang hinahalik-halikan ang buhok, ang mukha, ang noo. Animoy sumasayawkami ng walang tugtug.
Unti-unti namang napawi ang galit ko. Hinila niya ako pabalik ng kama. Nahiga kami uli. Niyakap niya ako. Derick... di ba ikaw na rin ang nagtanong sa akin kung ano ang pangarap ko? At... sinagot kita; na gusto kong magkaroon ng pamilya, ng anak. Hindi ako nagsisinugaling sa iyo.
Hindi ako umimik. Nanumbalik sa isipan ang mga sinabi kong iyon sa kanya.
At ang sabi mo pa, na nandiyan ka lang para sa akin, na handang tumulong at gumabay sa akin upang makamit ko ang mga pangarap ko. Bakit? Nagbago na ba ang sinabi mong iyon?
Totoo iyan Rodel. Sinabi ko iyan sa iyo. Ngunit napakasakit pala. Di ba sinabi ko din sa iyo na huwag na nating gawin pa ang ma-involve sa isat-isa sa ganitong relasyon? Di ba ang gusto kolang ay maging kaibigan mo, kapartner dito sa bahay at wala nang iba. At ikaw ang gumiit na gawin natin ang bagay na ito, ang ganitong relasyon. Di ba parang tinuruan mo na rin ang pusokong mahalin ka at kapag mapamahal ka na sa akin ng sobra, ay parusahan at pahirapan mo rin? Parang napakasadista mo naman yata. Di mo ba naiisip na paulit-ulit ko nang naranasan ang ganito, at ngayon... heto, mararanasan ko na naman ang tindi ng sakit ng iiwan ng taongmahal?
Hindi ako nagsisisi sa nangyari sa atin Derick, dahil mahal naman kita talaga eh... at hindi kita iiwan
Hindi mo ako iiwan? Paano na ang girlfriend mo?
Hindi ko alam, Derick...
Mahal mo ba siya?
Oo, mahal ko siya...
Pakiramdam ko ay sinaksak ng maraming beses ang puso ko sa sagot niyang iyon. Itatanong ko pa sana kung sino ang mas matimbang sa aming dalawa ng girlfriend niya ngunit natakot na akong baka mas lalong masaktan kung ang sagot niya ayhindi ko magustuhan. Kaya, A-ano ang gagawin mo ngayon.Iyon na lang ang naitanong ko.
B-bahala na Derick. Bahala na...
Iyon ang unang pag-uusap namin tungkol sa babae niya. Masakit at bagamat sinabi niyang hindi niya ako iiwan, hindi ako naniwala at umasa pa.
Kinabukasan, napag-isipan kong kausapin ang kaibigan kong hanapan ako ng isang houseboy. Ewan ko din kung bakit bigla kong naisipan iyon. At hindi naman ako nahirapan dahil sa nagkataon ding ang pamangkin ng kaibigan kong iyon ay kararating lang galing probinsya at naghanap din ng trabaho.
Si Marvin ay 20 years old at nakapagtapus lang ng high school. Bagamat sa hitsura ay tatalunin siya ni Rodel ngunit sa tangkad at ganda ng porma ng katawan ay hindi naman padadaig ito. At kahit na sunog ang balat sa trabahong-bukid, malakas din ang appeal ni Marvin. In fairness, yummy din ang kumag. At ang pinakagusto ko sa kanya ay ang kanyang pagka-magalang. Mabait
Dala-dala ang maliit na bag, sumama na siya sa kotse ko pauwi ng apartment sa gabing iyon.
Alas otso ng gabi noong dumating kami ng bahay. Wala pa si Rodel kaya inikot ko na lang si Marvin sa apartment habang binibigyan ko ng instructions at sa mga assignments niya. May kasama ako dito, Marvin; si Rodel. Doonkami natutulog sa masters bedroom at ikaw naman, sa kabilang kuwarto
Namangha si Marvin sa narinig na may kasama pala akong isang lalaki. K-kapatid niyo po ba?tanong niya.
Hindi
Ah kamag-anak?
Boyfriend ko iyon, Marvin.
G-ganoon po ba? Pansin kong tila natulala si Marvin sa narinig.
Oo at huwag mo na akong popo-in, Derick na lang. Bakit, ngayon ka lang ba nakarinig ng mag-boyfriend na nagsasama sa isang kuwarto?
Eh hindi naman, Sir, eh.. Derick pala. Hindi ko kasi akalain hindi na itinuloy pa ni Marvin ang sasabihin.
O sya Pero, kung maaari ay personal na bagay na namin ni Rodel iyan ha? Unless ako ang mag-open up sa iyo sa mga bagay-bagay, hindi na kasama sa trabaho mo ang alamin ang buhay namin. Mapagkakatiwalaan naman kaya kita?
Mapagkatiwalaan mo ako Derick, 100%. Wala akong problema sa ganoon.
Dahil sa tapos nang maghapunan ni Marvin, niyakag ko siya sa terrace. Umiinom ka ba?
tanong ko.
Napangiti siya. Umiinom din
OK. So doon tayo sa terrace at kinuha ko ang isang bote na gin, baso at ice at dinala sa terrace.
Medyo tumalab na ang alcohol sa mga katawan namin noong dumating naman si Rodel. Laking gulat niya noong makita kami ni Marvin na nag-iinuman sa terrace.
May ibang lalaki na pala dito sa bahay, wala man lang akong kaalam-alam! ang sambit niya kaagad pagpaparining sa aming dalawa.
Ah Rodel, si Marvin pala, pamangkin ng kaibigan ko. Siya ang magiging houseboy natin. Ang pag-introduce ko sa kanila.
Ah, ganoon ba? Wala man lang akong kaalam-alam... parinig niya sa hindi ko pagkunsulta sa kaniya. Rodel pare baling naman niya kay Marvin sabay abot ng kamay, matigas ang boses na tila may pagbabanta, pinapahiwatig na siya ang hari ng bahay na iyon.
At dito nagsimula ang naiibang set-up namin. Nasabi ko tuloy sa sariling, Tama lang siguro ang ginawa ko, may iba sya, dapat niya lang maramdaman din ang naramdaman ko
At pakiramdam ko, may epekto ding dulot ang pagpasok ni Marvin sa eksena. Maaga nang umuuwi si Rodel, at halos hindi na nagsi-sleepover sa labas. May isang beses pa ngang narinig kong sinabihan niya si Marvin, Pare, kapag nagtatrabaho ka dito sa bahay, lalo na kapag nandito kami, wag iyang nakadisplay ang katawan mo wag kang nakahubad.
Paano naman kasi itong si Marvin, mahilig maghubad ng pang-itaas na damit at naka-shorts lang. Palibhasa, hayup sa porma ang katawan at wala namang ibang nakakakita. Pero, alam naman niyang bakla ako eh. Sini-seduce kaya niya ako? Hehe. Ewan, baka malaswa lang din ang utak ko.
Kaya noong marinig kong pinagsabihan ni Rodel si Marvin tungkol sa paghuhubad noong huli, natatawa na lang ako. Alam ko, nagseselos ang hunghang.
Hanggang sa isang araw, marahil ay hindi na nakatiis si Rodel at kinausap nya na ako, Paalisin mo na kasi iyang si Marvin kaya ko namang gawin ang lahat ng mga gawain dito sa bahay eh. Bakit ba kailangan pa nating kumuha ng houseboy?
Sa pagkarinig ko sa sinabing iyon ni Rodel, bigla namang may pumasok na ideya sa utak ko. O sige, paalisin ko si Marvin, ngunit sa isang kundisyon.
Ano?
Isiwalat mo sa girlfriend mo ang relasyon natin at imbitahin mo siya dito upang magkaharap-harap kami.
Biglang natameme si Rodel sa narinig. Nag-isip. S-sige Ang tilang napilitan niyang pagsang-ayon.
Ok, deal! At kapag nagawa mo iyan, paalisin ko na si Marvin dito.
Dumating ang takdang araw nang pagbisita sa bahay at pagpapakilala ni Rodel ng girlfriend niya sa akin. Noong makita ko, pati ako ay napahanga. Maganda, maputi, sexy, matangkad, magandang magdala ng damit at bagay na bagay sila. Para siyang isang napakagandang prinsesa habang si Rodel naman ay isang napaka-guwapong prinsipe. Naramdaman ko kaagad ang sobrang pagka-insecure sa nakitang magkasamang dumating at kahit hindi ipinahalata ni Rodel, at pansin ko ang paglalambing ng babae at ang pagka-sweet nila sa isat isa.
Matinding lungkot at pagkaawa sa sarili ang bumalot sa buong pagkatao ko sa sandaling iyon. Iyon bang feeling na, Wow! Parang itinadhana sila sa isat-isa, bagay na bagay, at nandito ako, isang joker, panggulo, o kontra-bida Feeling ko, wala talaga akong role na puweding gampanan sa buhay ni Rodel. Lahat ay kinuha na sa akin ng babaeng iyon. Pilit kong pinigil ang mga luha upang huwag mapansin ang itinagong hinanakit ng kalooban.
Ah, ikaw pala si Christine Mae? ang sambit ko na lang, pilit na ipinamalas ang ngiti sa mga labi. Halikayo sa taas
Umakyat kami sa taas at sinabihan si Marvin na maghanda ng juice at sandwich.
Naupo silang dalawang magkatabi ni Rodel sa sofa habang ako naman ay sa upuang harap nila.
Kumusta po kayo pangumusta ni Christine Mae sa akin.
Okay naman ako Mabutit nagpunta ka dito at magkita tayo. Sagot ko naman, tiningnan si Rodel sa tabi niya na tila ay di mapakali.
Ako din po Masaya na nakita kayo, at itong tinitirhan ni Rodel. Hindi naman pala kalayuan sa opisina namin.
Ewan ko kung ano ang pumasok sa isip ko ngunit dinereto ko na ng tanong si Christine Mae, Sinabi na ba ni Rodel sa iyo ang tungkol sa amin?
Pakiwari ko ay tila binagsakan ng malaking bato sa ulo si Christine Mae sa narinig, halatang nagulat at naguguluhan. Lumingon siya kay Rodel. H-hindi pa po? Bakit? Ano po ba ang tungkol sa inyo?
Tiningnan ko uli si Rodel na halatang nataranta at namumutla. Mag kasintahan kami.
(Itutuloy)
-------------------------------
[8]
Tuluyan nang bumakat ang matinding gulat at galit sa mukha ni Christine Mae, hindi makapaniwala sa narinig. Nilingon niya uli si Rodel at tinanong, Totoo ba ito, Rodel?!!
Sa pagkabigla sa bilis ng mga pangyayari, hindi na rin magawang sumagot kaagad ni Rodel at ang tanging nasabi ay,M-magpaliwanag ako, Mae
Manloloko! Manloloko!! Ang sigaw ni Christine Mae sabay tayo at takbo palabas ng pintuan.
Nanlisik naman ang mga mata ni Rodel noong lumingon sa akin at bumulyaw. Bakit mo ba sinabi sa kanya?!
Sa narinig, bigla ding nag-init ang tainga ko. At bakit? Di ba iyan ang usapan natin? Bakit dinala mo dito ang babaeng iyon kung di mo naman pala sinabi sa kanya?! Ang sigaw ko din.
Hindi pa ito ang tamang panahon, Derick! Sana naghintay ka, tangina!
Tangina mo rin! At hanggang kailan ako maghintay? Hanggang mamatay na ako sa kunsumisyon? Sa sakit ng naramdaman sa sandaling kayo ay napapasasa sa kaligayahan? Hanggang kailan mo paglaruan ang damdamin koooooooo?! Punyeta!
Arrrgggggghhhhhh! Binitawan ni Rodel ang isang malakas na suntok na tumama sa pintuan sabay takbo nito palabas ng bahay.
Sige! Lumayas ka at huwag ka nang bumalik pa dito!! sigaw ko habang pinagmasdan ang tuloy-tuloy niyang paglayo.
Ilang araw din akong naghintay. Ngunit wala nang Rodel na nagpakita pa. Walang text, walang tawag, walang contact. Masakit at ang sumiksik sa isip ko ay ang magkasama silang babae niya, nagpakasasa sa kaligayahan, pinagtatawanan ako, kinukutya, nilalait, sinasaksak sa likod...
Sobrang sakit. Hindi ako makatulog, hindi makakain, nawalan ng gana sa lahat ng bagay. Animoy mababaliw ako. Ang lahat ng sakit na naranasan ko sa unang mga nakarelasyon ay bumabalik ulit. Hindi na ba talaga ako tatantanan ng malas? Ganito na lang ba ang papel ko habambuhay? Lecheng buhay talaga oh Pagmamaktol ko sa sarili.
Isang gabi, nasumpungan kong hikayatin si Marvin na mag-inuman. Tapos na kaming maghapunan noon at as usual, sa terrace ko siya dinala. Noong una, inum lang kami nang inum, nagpakiramdaman. Ngunit noong tumalab na ang alak sa mga utak namin, ako na ang unang nagsalita. Alam moMarvin, ewan ko, sobrang lungkot ang nadarama ko sa pag-alis ni Rodel. Mahal ko kasi ang hinayupak na iyon
Pansin ko nga Derick eh. Minsan tulala ka Sana kung may maitutulong lang ako
Salamat ha, kahit papaano, nandito ka. Hindi ko nga maintindihan kung bakit love na love ko ang punyetang iyon eh. Para tuloy gumuho ang lahat ng mga pangarap ko; tila wala nang kabuluhan ang lahat sa mundo, wala nang halaga pa ang buhay
Huwag naman ganoon, Derick. Alam mo, dapat ay huwag kang magpatalo sa lungkot. Isipin mo na kahit wala na siya, tuloy pa rin ang buhay. Nandyan pa naman ang mga kaibigan mo, umiikot pa ang mundo, nagbubukas pa ang mga malls, ang mga sinehan, ang mga clubs at diskohan.Pabiro niyang sabi. Anong silbing mga iyon kung magmumukmok ka at sirain mo ang buhay mo nang dahil lang sa isang tao?
Napangiti naman ako sa sinabi ni Marvin. May point siya ha. sa bi ko sa sarili.
Ako nga, mataas ang respeto ko sa iyo eh. Idol kita. Kasi, matalino ka, maganda ang trabaho, nakayanan mo ang lahat ng pagsubok, may pera. Samantalang ako at ang mga katulad ko, heto, walang pinag-aralan, kahit anong trabaho pinapasok. Di ba dapat ako at ang mga katulad ko ang mas nalulungkot at magsabing wala nang halaga ang buhay? Pero tingnan mo naman ako.Hindi ako nagrereklamo. Pero, ok lang. Tanggap ko ang ganitong buhay. Sadyang ganyan lang talaga. Buti ka nga, ang problema mo, pag-ibig lang. E, iyong iba na kagaya ko, wala na ngang pag-ibig, wala pang makakain. Kaya dapat, i-enjoy mo ang buhay, Derick dahil mas maswerte ka pa rin kaysa karamihan. Kaya ngiti ka naman dyan please...? sabay pisil sa baba ko.
Tila nawala naman ang pagkalasing ko sa sinabing iyon ni Marvin. May punto ka Marvin Ang ganda ng mga sinasabi mo. Siguro nga, napaka-selfish kong tao, ano? Sarili ko lang ang iniisip ko, sariling pagdurusa na kung tutuusin, ay mas magaan lang kumpara sa paghihirapng ibang tao.
Pakiwari ko ay biglang nagkaroon ng ningning ang mukha ni Marvin sa mga tingin ko noong marinig ang mga malalalim na salitang binitiwan niya. At ewan ko rin ba, marahil ay sa dami na ng alak na nainum, pakiramdam koy biglang gumuwapo siya. At lalo akong nataranta noong pahabol na sinabi niyang, Kung gusto mo, paligayahin kita, Derick, kung iyan ay isang paraan upang makatulong.
Tila isang bomba ang sumabog sa narinig ko. Natuyuan ng laway at biglang lumakas ang kabog ng dibdib. At noong tinanggal niya bigla ang pang-itaas na saplot at walang pakialam na itinapon ito sa sahig, lalo pa akong nanginig at di magkamayaw, nanlamig ang buong katawan sa ginawang pang-aakit.
Wala akong magawa kungdi ang pagmasdan ang hubad niyang katawan habang nakaupo pa rin sa harap ko ang ganda at matipunog chest area, ang mga maskuladong biceps, at ang abs wow! Animoy may mga pandesal sa gilid nito at sa gitna ay makikita ang mga balahibong-pusa na nagmukhang agos ng tubig papunta sa ilalim ng nakausling puting garter ng brief. At na-imagine ko kung saan humantong ang mga iyon sa nakabukol na parte ng kanyang harapan sa ilalim ng kanyang brief...
W-wag kang magsalita nang ganyan Marvin. Papatulan kita, sige ka. Hamon ko.
Di gawin mo na Derick, at dalian mo ang palaban naman niyang sagot habang hinahaplos-haplos ng isang kamay niya ang abs area at parting harapan niya, kinakagat-kagat ang labi, at ang mga matang mapupungay dala ng pagkalasing ay mistulang nangungusap, nagmamakaawa, nanunuksong nakatutuk sa akin.
Sa pakiwari ko ay nawala ako sa katinuan sa mga titig niya. Kung iyon man ang paraan ni Marvin na makalimot ako sa problema ko ay masasabi kong napakagaling niyang mangbura ng mga bumabagabag sa utak ko. Nawala lahat sa isip ko si Rodel. Parang nasa ilalim ako ng kapangyarihan niya at sunud-sunuran na lang sa kung ano man ang gusto niyang ipagawa sa akin.
At tuluyan niya nang binuksan ang kanyang zipper. Nanatili siyang nakaupo, hinawi ang kanyang puting brief, inilabas ang naghuhumindig niyang pagkalalaki, at sinenyasan akong lumapit. At noong makalapit na, hinawakan niya ang kamay ko, inilapit ang mga iyon sa mukha niya. Hinaplos-haplos iyonng mga kamay ko. Maya-maya, niyakap niya ako. Napayuko ako at sa ganoong ayos, naglapat ang mga labi namin. Naghalikan kami, yakap-yakap niya ako nang mahigpit. Sa mga labi niya ay damang-dama ko ang initng kanyang pagnanasa. Ilang minuto din kaming naghalikan hanggang sa hinawakan niya na ang mga balikat ko at unti-unting hinila ang mga iyon pababa. Habang di magkamayaw siMarvin sa pagbitiw ng nakababaliw na mga pabugso-bugso at pigil na ungol, dahan-dahang bumaba din ang dampi ng mga labi at dila ko sa balat niya sa ilalim ng baba, sa leeg, sa dibdib at isa-isang nilaru-laro ang mga utong doon, sa tiyan... hanggang sa tuluyang nakaluhod na ako at ang mukha ay nakatutuk sa matigas, malaki at sabik na sabik niyang pagkalalaki...
(HAHAHA! Syeeeeettttttt! Nakakapag-init. Sarap sanang i-detalye pa ang sex scene pero baka ma-delete na naman tong journal ko. Kaya teaser na lang... Sorry po, takot ako kay Admin lol!)
At nangyari ang hindi dapat sanang mangyari. Hindi ko napigilan ang sarili sa tukso ni Marvin. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi din naman ako nagsisi dahil matindi pa rin ang kinikimkim kong galit kay Rodel.
Iyon ang simula ng aming patagong pagniniig ni Marvin. Inaamin kong sa tindi ng galit at sama ng loob sa paglayo ni Rodel, parang naging pakawala na ako, kahit pa sasabihing pampalipas-libog lang ang arrangement namin ni Marvin. Klaro sa usapan namin na nagtatrabaho lang siya sa akin bilang houseboy at parte ng trabaho niya ang pagbigyan ako hanggang kailangan ko, kahit ito ay nangangahulugang paggamit ko sa katawan niya. Ganyan ka-loyal siMarvin . OK lang sa akin Derick, basta masaya ka at malimutan mo siya, kahit panandalian lamang. Tutal, wala namang mawawala sa akin, at nasasarapan din naman ako. Iyan ang linyang binitiwan niMarvin. At Masaya ako sa offer niyang iyon. Sa totoo lang din, sobrang hot ni Marvin. Malibog kumbaga. Lalo na kapag nakapapanood ng x-rated, nakakasampung putok iyan. Inaamin niya naman na sa buong buhay niya, noon lang sa akin siya nagsawang manuod ng bold sa akin.
Siguro ay masasabi kong nakatulong din ang arrangement naming iyon. Kahit papaano, natuto akong lumaban, makalimot kahit panandalian lamang. Pero kahit ano pa ang gawin ko, si Rodel pa rin ang hinahanap-hanap ng puso at siya lang ang laman ng isip. Nandoon pa rin ang matinding pangungulila ko sa kanya. At hindi ko pa rin matanggap na wala na siya sa buhay ko.
Mag-iisang buwan simula noong umalis si Rodel, naisipan kong manghingi ng professional counseling. At ang sabi sa akin ng counsellor ay
Si Rodel ay matindi ang pinagdaanang karanasan sa buhay. Hindi naranasan ang pagmamahal ng mga magulang, nakaranas ng pang-aabusong seksuwal... Kung tutuusin, hindi normal ang dinaanan niya. He passed through stages of identity crises, confusion, self-pity, loss of self-respect, feeling of rejection... Noong mag-krus ang landas ninyo, noon niya naramdaman ang pagmamahal ng isang kapatid, o tatay. Mahal na mahal ka niya sa klaseng pagmamahal na ito. Subalit ang pagmamahal mo sa kanya ay romantic; may kahalong sex. Dahil sa mahal ka ni Rodel, gusto niyang i-compensate ang pagmamahal mo by meeting you half-way to submit to your sexual advances. Sub-conscious lang ito but physically, nai-translate niya ito sa pamamagitan ng pagpapaubaya. Remember, Rodel has experienced a serious psychological crisis. Maaring nagustuhan na rin niya ang pakikipag-sex sa iyo but that is because of his confusion. But remember, lalaki si Rodel. At ang sexual desires niya ay nakatutuk sa babae. Expect that ma-aattract, at magmahal siya sa babae. But this does not mean that he loves you less. It is only that iba ang need niya na na-fill mo, at iba din ang need niya na na-fill ng babae... Its like ikaw ay ang air conditioner sa kuwarto niya at ang babae naman ay ang TV. Walang point of comparison sa dalawa. They co-exist... Maaring Masaya si Rodel ngayon sa piling ng babae. But believe me, kung totoo ang pagmamahal niya sa iyo, babalik din siya upang makita, makausap, at makapiling ka...
Hindi ko lubos maintindihan ang naramdaman sa narinig. Masaya sa huling sinabi niya na hindi ako pweding makalimutan ni Rodel at maghahangad pa rin siyang makapiling ako ngunit nalungkot din dahil ibig sabihin, hindi ko pala siya pweding masarili at ma-puno ang lahat ng needs niya... Parang ang hirap tanggapin. Bumalik-balik din sa isip ko ang pangako ko na suportahan siya sa pangarap niya sa buhay na magkakaroon ng pamilya at anak, tinatanong sa sarili kung mgpaka-martir na lang at tiiisin lahat, o gumive-up na lang at tuluyang kalimutan siya.
Isang gabi, bugso ng init ng katawan, nagniig na naman kami ni Marvin. Dating gawi. Mainit, mapusok at nag-aalab ang aming tagpo. Paulit-ulit naming nilasap ang sarap at sinapit ang ruruk ng makamundong kaligayahan hanggang sa makatulog kami, latang-lata ang katawan sa kama kung saan namin dating pinagsaluhan ni Rodel ang aming pag-ibig.
Dahil walang pasok kinabukasan, hindi na ako nag-alarm pa. Gusto ko kasing makapagpahinga at makabawi ng lakas sa tindi ng pagod sa pagtatalik naming ni Marvin.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog. Nagising na lang ako noong may kumalampag sa kuwarto at nagsisigaw. Mga walanghiya!!! Sabi ko na nga bang may relasyon kayo!!! Mga traydor!!!
Si Rodel, at nagpupuyos sa galit sa nakita niyang ayos namin ni Marvin na parehong hubad at magkatabing nakahiga sa kama namin...

Tuesday, May 25, 2010
Si Rodel At Ang Aking Pangarap [5 & 6]
WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.
By: Mikejuha
getmybox@hotmail.com
Author's Note:
Wohoooooooooooooooo! May 121 followers na ako!!!!
Muli, salamat sa mga followers ko at sa mga patuloy na nagpa-follow sa akin dito, pati na doon sa mga nang-recruit, lol! Salamat po ng marami.
Gusto ko ring manghingi ng paumanhin dahil sa sobrang busy po sa bakasyon. Halos di ko na alam ang takbo ng schedules ko. How I wish to be able to write and at the same time enjoy my vacation. Di kasi nawawala ang inuman, lasingan, hehe. Hirap magconcentrate.
Anyway, I am posting here my older story na wala pa dito sa blogspot ko. Ilalagay ko rin naman talaga dito ang lahat ng mga lumang stories na nagawa ko na.
Doon sa mga die-hard followers nina Kuya Rom at Jason, antay lang po. Di kayo ma frustrate sa susunod na mga eksena. Maraming dapat ipaliwanag si Kuya Rom kay Jason. Sana lang, ay makinig pa si Jason sa kanya at lawakan niya ang kanyang pag-iisip...
TC!
-mikejuha-
----------------------------------
[5]
Kaya iyon, balik-samahan na naman kami ni Rodel. At sa pagkakataong iyon, iniwasan ko na talaga ang magkamali, ang magpatalo sa tukso.
Ang hirap pala, grabe, sobrang hirap. Iyon bang kasama mo sa isang bahay ang taong mahal mo ngunit hanggang tingin ka nalang sa kanya, ang lahat ay may limitasyon.
In fairness, napakaganda din naman ng samahan namin. Lahat ng gawaing-bahay ay sa kanya habang ako ang naghahanap-buhay. Sex na lang kumbaga ang kulang. Bumalik ulit ang sipag nya sa pagtatrabaho sa akin, ang pagiging thoughtful, sa pagiging masinop sa lahat ng bagay. At hindi siya tumatanggap ng sweldo Kapag may gusto lang siyang bilhin, at saka lang siya nanghihingi ng pera, o kaya’y kapag nagsa-shopping kami ng mga gamit at may magustuhan siyang damit o pantalon, binibilhan ko siya. Kung tutuusin, parang alila nang maturingan siya sa set-up namin.
Medyo nagi-guilty din ako ng kaunti pero sa tingin ko naman ay masaya din siya sa ganoon. In fact, naging sobrang close kami sa isa’t-isa. Sa kanya natuto din akong maglaro ng basketball. Dahil sa athletic si Rodel, ginigising na din ako niyan alas kwatro pa lang at niyayayang mag-jogging o kaya’y makipag-sparring ng basketball. Aaminin ko, nagbago ang lifestyle ko sa impluwensya ni Rodel, naging conscious na rin ako sa physical activity.
Noong unang umagang niyakag ako ni Rodel na gumising ng maaga at samahan siya sa kanyang pagja-jogging at paglalaro, talagang inaayawan ko. Ngunit makulit siya kayat nahikayat na rin ako.
“Ayoko nga Rodel! Tinatamad ako, at di ko alam magbasketball! Eto naman o, istorbo! Inaantok pa ako, ano baaaa?” pagmamaktol ko habang hila-hila naman niya ang blanket ng kama ko.
“Wala akong kasama Direk... walang kalaro. Dyan lang naman sa baba eh. Samahan mo na ako, please...” pagmamakaawa niya.
“Ayoko nga...”
“Sige pag di mo ako samahan, mag-iingay ako dito. O kaya, maghanap ako ng kasama dyan sa labas, madaming chick dyan na gustong makipag-kaibigan sa akin.” Pananakot niya.
Kaya, “Oo na, sige, sama na ako! Hmpt! Istorbo nito.” Na lang ang naisagot ko.
“Ayan...” At ngingiti na ang loko at iha-hug ako, pasalamat na pinagbigyan siya.
Syempre, ako ba naman, sa ngiti pa lang ni Rodel lahat ng problema sa mundo ay napapawi na. Syempre, nalulusaw ang puso ko.
Kaya, 4am – 4:30 jogging, at pagkatapus, sparring na kami ng baseball sa court ng apartment, isang oras. Kahit di ako marunong maglaro, pinagtityagaan pa rin ako ni Rodel, pinagtatawanan, niloloko, iniinis, hinahamon. Kaya, kahit paano, pinag-igihan ko rin na matuto para hindi niya basata-basta pagtatawanan. At sa tingin ko naman ay natuto din ako, kahit papaano. Pagkatapus ng laro namin, naliligo na ako tapus tulog ulet, habang siya, diretsong magluto at pagkatapus, maligo. Gigisingin na lang ako niyan pag alas otso na, sabay kain kami ng agahan at aalis na ako papuntang trabaho.
Iyan ang routine namin ni Rodel sa araw-araw. Pagdating ko naman galing trabaho, nandyan lang din siya sa apartment, kung hindi nanunuod ng TV, nagwo-work out, tila hinihintay ang pagdating ko.
“O musta ang work?” Kaagad ang tanong niya.
“Ok lang naman....” At mag-share na ako sa mga experiences sa opisina, mga nakakabwesit na eksena, mga nakakaaliw at nakakabaliw na mga pangyayari, mga problema sa trabaho at tao, etc.
At magandang makinig at kakwentuhan ni Rodel sa mga hinaing ko. Nagsi-share din siya ng mga experiences niya, ng payo. Seryoso niyang pinapakinggan ang mga sinasabi ko.
Minsan din, kapag nakita niyang pagod ako galing work, nag-oofer iyan na mag-massage sa akin. Syempre, pinapaunlakan ko sa kabila ng pagpapakipot. Pero minsan, ako na din ang mag-oofer na mag-massage sa kanya, na pinapaunlakan din namanniya. Sobrang saya ko sa samahan naming iyon.
Ngunit... oo, aaminin ko na sa simula noong set-up naming ito, satisfied na ako sa kalagayan namin. Pero ang hirap pala. Iyon bang mahal na mahal moiyong tao, nand’yan na sa harapan mo, gusto mo siyang yakapin, halikan at sabihin sa kanya na mahal mo siya ngunit hindi pwede dahil hindi ikaw ang tinitibok ng puso niya. At syempre, dahil ayaw kong sirain ang pangako ko sa kanya na walang halong malisya ang pagtulong ko. Araw-araw mo siyang nakikita, naaamoy ang katawan, nagsasama kayo sa isang bahay, pinagsilbihan ka, ngunit hanggang doon na lang ang lahat.
Ansakit, grabe. Halos gabi-gabi, lingid sa kaalaman niya, humahagulgol ako, tinatanong kung bakit ba naging ganito ako; kung bakit tila unfair ang tadahana sa akin. Awang-awa ako sa sarili. At kapag ganyang nasa isang kwarto lang kami, matinding tukso palagi ang nilalabanan. Kagaya nang minsan, habang naglilinis sa bahay, naka-shorts lang sya, punong-puno ng pawis ang matipunong katawan. Para sa kanya, walang malisya iyon pero ang hindi niya alam, ang tukso na iyon ay tila naiipon dito sa puso ko.
Isang araw noong maisipan kong mag-shower, nandoon pala si Rodel sa loob. Hinintay kong matapos siya at noong matapus na nga, kitang kita ko ang tuwalyang nakatapis sa harapan nya, lantad na lantad ang pusod niya, ang six-pack abs at ang malalaking umbok ng chest. Flawless kumbaga. Noong tila nawala sa isip kong nakatitig pala ako sa kanya, “Hey!” ang sigaw niya kagad sa akin.
“Ay... ako na pala. Hehe.” Sagot ko na lang.
Napangiti na lang si Rodel sabay biro, “Pinagtitripan mo katawan ko, ah!”
Syempre deny-to-the-max ako kaya’t “Hindi ah. Bakit, meron din naman akong ganyang katawan. Yabang neto!”
At tumalikod na lang siyang tumatawa. Alam niya, meron akong pagnanasa. Si Rodel pa, nasabi niya na sa akin isang beses na sa isang tingin pa lang ng tao, alam nya na kung may pagnanasa ito sa kanya o wala.
Isang gabi, niyakag ko siyang mag-inuman. As usual, sa terrace. Noong medyo tumalab na ang alak sa katawan namin, naitanong ko sa kanya, “Rodel, ano ba ang pangarap mo sa buhay?” Iyon lang ang tanong ko. At matinding pagsisisi ang naramdaman ko sa tanong na iyon at kung bakit ko pa itinanong iyon.
“Ako? Syempre, magkaroon ng trabaho, pamilya, asawa, at mga anak na magsilbing inspirasyon ko at katuwang sa buhay...”
Pakiramdam ko binatukan ako sa sagot niyang iyon. Syempre, hindi ako kasali sa pangarap niya na iyon. Bigla tuloy bumalik na naman ang sakit na naramdaman sa paglayo sa akin noong mga nakarelasyon kong hindi na nagpapakita pa sa akin. Tila dinurog ang puso ko sa sagot niyang iyon. Natameme ako at namalayan ko na lang na dumaloy ang mga luha sa aking mga mata. Tumalikod ako kay Rodel at pinahid ng patago iyon. “Ah... g-ganoon ba?” Ang naisagot ko na lang.
“I-ikaw? Ano ang pangarap mo?”
Ewan ko. At lalo yatang bumigat ang pakiramdam ko sa tanong naman niya na iyon sa akin. Kaya hinayaan ko na lang na dumaloy ang mga luha ko sa harap niya. Hindi ko na mapigilan pa eh. “A, e... ako?” At binitiwan ko ang isang pilit na ngiti. “Syempre, isang lalaking magmahal sa akin... Ngunit tanggap ko na rin kung sakaling hanggang sa pagtanda ko ay nag-iisa lang ako, na walang mag-aalaga o humahawak sa kamay ko hanggang sa huli kong hininga. Alam mo naman sigurong walang lalaking papatol sa isang bakla nang paghabambuhay, diba?” ang sagot ko habang pahid-pahid ang mga luha sa pisngi.
Tahimik lang si Rodel. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya.
Nagpatuloy ako, “Alam mo Rodel, kahit ako ganito, may pera, matapang na hinarap ang lahat ng pagsubok, nakikita mo akong ngumingiti... ngunit sa gabi-gabi, umiiyak ako, dahil sa kabila nito, hindi ko pa nahanap ang taong magmahal sa akin. At nawalan na rin ako ng pag-asang mahanap pa siya. Sa totoo niyan, hindi naman talaga ako masaya sa buhay eh. Simula noong malaman kong isa akong bakla, at itinakwil ng pamilya, naghirap na ang kalooban ko. Paano, hindi naman talaga ako pwedeng magkaroon ng pamilya, di ba? Di ako pwedeng makapagbigay ng anak na siyang magiging inspirasyon sa buhay ng taong magmahal sa akin. Kaya kung sa panlabas nakikita mo akong tumatawa, ngumingiti, ngunit sa loob-loob ko, maraming katanungan sa buhay ang bumabagabag sa isip. Bakit ako? Bakit ako ganito? Bakit tila wala akong karapatang magmahal at mahalin? Bakit kailangan kong magdusa? Kung hindi lang sana makasalanan ang pagkitil ng buhay, matagal ko nang ginawa ito sa sarili. Pero iyon nga, wala akong magawa kungdi ang ipagpatuloy ito...” Wala pa ring patid ang pagdaloy ng luha ko.
Tinapik ni Rodel ang balikat ko at niyakap. Hinaplos-haplos ang buhok. Ewan, pero parang naramdaman ko rin ang labi niyang idinadampi-dampi doon. At ang yakap niya, mahigpit, may bahid ng pagkaawa. “Pasensya ka na. Tinanong pa kasi kita eh...”
Niyakap ko din siya. “Ok lang iyon Rodel. At least, alam mo ang saloobin ko.”
“Pangako Derick, ano man ang mangyari, hindi kita iiwan...”
Hindi ko inexpect na sabihin niya iyon. May tinik man na tila nabunot sa puso ko sa sinabi niyang iyon, may parte din ng utak kong nagsabing, “Asus... maniwala ka. Ilang lalaki na ba ang nagsabi niyan sa iyo, ngunit nasaan na sila ngayon? Hindi ka pa ba nadala? Mga sinungaling iyang mga lalaki! Wag kang magtiwala...”
Lumipas ang gabi na hindi ako makatulog sa kwarto ko. Hindi ko na rin alam kung ganoon din si Rodel. Kinabukasan, ganoon uli ang set-up, maagang nagising, jogging, basketball, tawanan, na parang wala lang nangyari.
Na-late akong umuwi ng gabing iyon gawa ng overtime na trabaho sa opisina. Noong makapasok na ako ng apartment, nandoon nap ala si Rodel sa terrace at nag-iinum.
“Ba’t late ka ngayon?” Ang tanong niya kaagad, habang dali-daling tinungo ang dining table upang ayusin ang mga nakahain na niyang pagkain.
“Ah... may mga hinahabol na trabaho eh. Sorry, di ako nakapag text. Sobrang busy. Tinungo ko na rin ang lamesa at umupo. Sabay kaming kumain. Kahit kasi late akong umuwi, hinihintay pa rin ako niyan upang sabayan sa pagkain.
“Nag-inum ka yata?” Tanong ko.
“Oo, walang magawa eh... Inum tayo pagkatapus nating kumain ha?” panghikayat niya.
“Oo ba... Bakit anong meron?”
“Wala lang... gusto lang kitang maka-bonding.”
“Asussss!” Sabi ko, pero sa loob-loob ko lang, may kilig din iyong dulot. Pakiramdam ko kasi, parang na-miss niya ako.
Kaya pagkatapus naming maghapunan, deretso kaagad kami sa terrace at nag-inuman. Sa kalagitnaan ng inuman, hindi ko alam kung malisyoso lang ang isip ko ngunit noong sinadyang hubarin ni Rodel ang t-shirt nya, tinanggal ang isang butones ng fly at tila wala lang na ipinagpatuloy ang pag-iinum, may kakaibang init ang gumapang sa katawan ko. Nakaukit sa isip ko ang ganda malalaking biceps, maskuladong chest, ang animoy mga pan de sal sa tyan, at ang kulay puting garter ng brief na nakausli gawa ng pagtanggal niya ng butones. Sobrang overwhelmed ako sa nakitang ganda ng hubog ng katawan niya.
“Hey! Nagnanasa ka naman sa akin no!” Pabiro niyang tanong sabay bitiw ng pamatay niyang ngiti.
Marahil ay sa pagka-heaven ko sa nakitang ngiti, o dala na rin ng alak, ang nasagot ko ay, “At bakit kung nagnanasa, may problema? Wala namang nangyari ah! Atsaka, Mr. Rodel, Bakit ka ba naghubad dyan, at tinanggal mo pa iyang butones mo. Di mo naman ako tinutukso niyan?” sagot kong biro din.
Bigla namang natawa si Rodel sabay sabing, “Palaban ka ah... Bakit, kahit hubarin ko pa ang broief ko ditto wala namang problema, diba? Kung gusto mo magsasayaw-sayaw pa ako eh, para lang sa iyo.”
Tila mabilaukan naman ako sa narinig, nanlaki ang mga mata ko. “Dyos ko, Rodel, wag mo akong tuksuhin pleaseee.” Sigaw ng utak ko.
Tumayo at hinubad nga ni Rodel ang pantalon niya, hinayaan ang brief na nakatakip pa rin sa katawan, at bumalik na sa kanyang upuan. Kitang-kita ko naman ang bakat na bakat niyang pagkalalaki.
“Dyos ko, ano ba ang plano nitong kumag na to!” sigaw ko ulit sa sarili. “Rodel! Bakit ka naghubad?” Sigaw ko sa kanya.
“Naiinitan ako eh. Kung gusto mo, maghubad ka din.”
Natawa naman ako sa sagot niya. “Ganoon?” sabay kurot ko sa gilid niya.
Lasing na lasing na kaming pareho noong magyaya na akong matulog. Dahil sa tila matutumba ako sa paglalakad papuntang kuwarto ko, inaalalayan niya ako, naka-brief lang siya, hanggang sa makahiga na ako sa kama.
Ang buong akala ko ay aalis na si Rodel at dideretso na sa kuwarto niya noong di inaasahang, “Usog ka nga ng konti Derick!” sabi niya.
“Hah?!” Tanong kong nalilito. “B-bakit?”
“Dito ako matutulog. Tatabihan kita...”
(Itutuloy)
----------------------------------
[6]
Tila nawala lahat ang kalasingan ko sa narinig. Bigla akong napabalikwas sa higaan, naupo sa gilid nito. “H’wag ka ngang ganyan, Rodel! Tutuksuin mo na naman ako tapus, kinabukasan iiwanan mo. Ayoko ng ganoon, Rodel. Masaya na ako’ng ganito tayo... bumalik ka na sa kwarto mo.”
Ngunit hindi natinag si Rodel. Humiga sya sa tabi ko na para bang wala siyang narinig.
Sa pagkairita ko, “Ok, kung gusto mong dito matulog, sige, doon na lang ako sa kabilang kuwarto.”
Tatayo na sana ako upang lilipat noong bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko, ang mga mata ay mapupungay na nakatitig sa akin, nagmamakaawa. “Bakit, ayaw mo na ba sa akin?”
“Hindi naman sa ganoon, Rodel... natatakot akong matukso na naman, at mawala ka. Ayokong maulit muli ang pagkakasala ko sa iyo. Solved na ako sa ganitong sitwasyon natin. Alam kong hindi tayo pweding maging tayo, at alam kong hindi ako ang taong pinapangarap mong maging katuwang sa habambuhay. Babae ang gusto mo, diba? Kaya, please, huwag mo na akong tuksu—uhmmmmpttt!”
Hindi ko na magawang tapusin pa ang sinasabi gawa nang bigla niyang pagyakap sa akin nang mahigpit. Hindi na ako makapalag. Namalayan ko na lang ang pagdampi ng mga labi niya sa mga labi ko.
At... Ate Charo, Dra. Holmes, isa lamang po akong bakla na marupok at naghahanap ng pagmamahal; ng makamundong kaligayahan kahit na panandalian lamang ito. Nangyari ang hindi dapat na mangyari sa amin ni Rodel. At sa pagkakataong iyon, biglang nabura ang lahat ng mga pangako ko sa sarili na huwag magpatalo sa tukso. Ang tanging nasa isip ko sa mga pagkakataong iyon ay ang matinding sarap na nalalasap dulot ng mga yakap at halik ni Rodel. At ewan ko rin ba, parang may niibang init ang mga halik at yakap niya... tila galing sa puso ang mga ito. Ilang beses din kaming nagpasasa sa kamunduhan sa gabing iyon. Kapwa mainit at nag-aalab ang mga damdamin.
Alas 7:00 na ng umaga noong ako’y magising. Si Rodel ay himbing na himbing pa at animo’y nasa kalagitnaan ng sarap ng tulog. Bumangon ako at naupo sa may study table, pinagmasdan ang hubad niyang katawan. Matangkad, matipuno, bilog at proportioned ang lahat ng parte ng katawan, moreno ang balat ngunit makinis, makisig. Nasa ikapitong langit pa rin ang pakiramdam ko, di makapaniwala sa nangyari. Ngunit sa kabilang daku ng utak ko, naglalaro na naman sa isip ang mga nakaraan; ang mga ganoong sarap na nalalasap sa piling ng mga nakarelasyon ko at ang sakit na naramdaman sa paglisan nila sa akin. Para bang feeling na may goal akong tinutumbok – na huwag lumampas sa isang boundary at maging kuntento na sa kung saan man ako. Nakamit ko na sana ang goal na iyon tapus may biglang nagtulak sa akin. At natikman ko ang kakaibang sarap sa kabilang daku... Sigurado, hahanap-hanapin ko na ang sarap na iyon. Ngunit iyon ay patikim lang dahil hindi naman talaga iyon nakalaan para sa akin.
Hindi ko namalayang tumulo ang mga luha ko habang nakatutuk pa rin ang paningin sa natutulog pa ring si Rodel.
Nasa ganoon akong ayos noong biglang, “Morning!”
Si Rodel pinakawalan na naman ang pamatay niyang ngiti.
Dali-dali kong inilingon ang ulo at pasikretong pinahid ang mga luha. “Morning too!” ang tugon ko habang nakatingin ibang direksyon, hindi nagpahalatang umiyak.
Tumayo si Rodel, hubo’t-hubad pa rin. Tinungo ang study table kung saan ako naka-upo. Hinila akong patayo, niyakap, hinalikan ulet sa pisngi, sa bibig. Tapus, hinila niya na ako pabalik ng kama. Humiga ulet siya habang ako ay nakaupo lang sa gilid. Hawak-hawak ang kamay ko, “Parang ang lungkot ng mukha mo? Bakit?” tanong niya.
“Wala lang... may naalala lang ako” ang matamlay kong sagot.
“Hindi nga? Bakit? Gusto kong malaman” pangungulit niya.
Nag-sip ako nang sandali, binitiwan ang isang malalim na buntong-hininga. “Bakit mo ginawa sa akin ang ganito?”
“A-anong ginawa...?”
“Iyong nangyari sa atin kagabi?”
“Ayaw mo ba?”
“Hindi sa ayaw... Una, dib a may usapan tayo na hanggang doon na lang. Pangalawa, di naman talaga tayo pwede, diba? Dahil ang gusto mo naman ay babae. Hindi ako ang katuparan ng mga pangarap mong magkaroon ng pamilya, ng mga supling. Kung ang ginawa naman natin kagabi ay ang pagpaparaos lang... masakit pa rin sa akin iyon dahil...” napahinto ako ng sandali noong dumaloy ulit ang mga luha ko at pinahid. “...mahal na mahal kita eh. Alam kong alam mo iyon, Rodel.”
“A-alam ko...”
“Kaya mo ba pinaglaruan ang damdamin ko?” ang mabilis kong tanong.
“Hindi”
“Kung ganoon, bakit mo ginawa iyon?”
“Dahil...” huminto siya, ang mga mata ay seryosong nakatitig sa akin. “...mahal na rin kita, Derick!”
Sa pagkarinig ko sa sinabi niyang iyon, tila biglang nagsi-kantahan ang isang-libo’t isang anghel sa paligid ko. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa sobrang galak ng puso ko. Pilit kong binura ang mga ilusyon na iyon at nagpakipot pa rin ako. “Wag ka ngang magbiro ng ganyan, Rodel!”
Ngunit inulit pa rin ni Rodel ang sinasabi. “Hindi ako nagbibiro, Derick. Mahal kita...”
“Paano mo mamahalin ang isang katulad ko? Paano ko paniniwalaan ang sinabi mo, samantalang babae naman ang gusto mo? Paano mo papatunayan sa akin ito?”
“Hindi ko alam, Derick... hindi ko alam. Nalilito din ako eh.”
“Arrrggggghhhh!” ang sigaw ko habang hinahampas-hampas ang kama. “Gusto mo ay babae ngunit mahal mo ako, ganoon ba iyon?”
Hindi na umimik ni Derik.
Hindi na rin ako kumibo pa. Sa loob-loob ko, may pagdududa pa rin ako, kahit gustong magtatalon sa tuwa ang puso ko.
Maya-maya, nagsalita si Rodel. “B-bakit hindi mo na lang hayaang patunayan ko ang sinabi ko, Derick? Kung ayaw mong maniwala, sige... Ok lang. Pero di ba, ang sabi mo sa akin ay tutulungan mo ako, na nand’yan ka palagi para sa akin? Wala namang mawawala sa iyo eh, kung hayaan mo na lang akong patunayan ang sinabi ko?”
At sino bang bakla ang di ma-engganyo sa mga sinasabi ng isang kagaya ni Rodel. “Ok...” Napag-isip-isip ko sa sarili, “Tama si Rodel. Dapat walang expectations at e-enjoy ko na lang ang mga pangyayari.”
So, naging mag-on kami ni Rodel. Sobrang saya ko at muli, nalimutan ko ang mga masasakit na karanasan sa mga naunang nakarelasyon. Tila araw-araw, gabi-gabi ay honeymoon namin. Pag weekends, nag-a-out-of-town kami, puntang Baguio, Palawan, Boracay, Bohol, Cebu... napakaraming masasayang experiences ko sa kanya. Syempre, dahil sa iba na ang level ng relasyon namin, pumapasok na sa akin ang selos kapag may mga babae o baklang kausap siya, o iyong mga gustong makikipagkaibigan. Pero, touched din ako dahil pinatunayan ni Rodel na totoo ang naramdaman niya sa akin.
May isang beses nga habang nagbi-beach kami at magkatabing nakahiga sa beach. Lingid sa kaalaman namin, may dalawang sexy at magagandang babae palang bumuntot-buntot kay Rodel. Habang nasa ganoong ayos kami, dumaan ang dalawang babae at nagparinig, “Ewww... sa bakla pa pumatol. Sayang ang pagka-pogi” sabay bitiw ng tawang nang-iinis. Syempre, nasaktan ako.
Marahil ay nahalata ni Rodel na medyo napikon ako, bigla na lang siyang tumayo at hinabol ang dalawang babae. “Excuse me... Sa akin ba kayo nagpaparinig?” Ang sabi ni Rodel nang mahinahon. Dinig na dinig ko pa ang usapan nila dahil sa hindi naman sila kalayuan.
“Bakit, mayroon pa bang pogi dito na pumapatol sa bakla? Ang guwapo mo sana, bakla lang pala ang katapat mo. Hindi ka ba nagagandahan sa amin?”
“Alam mo, Miss. Hindi ako nakikipagrelasyon sa taong iyan dahil sa panlabas niyang anyo. Sobrang bait po ng taong iyan at iyan ang nagustuhan ko sa kanya. Oo, nagandahan ako sa inyo, nalilibugan pa nga eh; sa ganda ba naman ng mga katawan at mukha ninyo. Puwede akong makipag-sex sa inyo kung gusto ninyo. Pero hindi lahat ng lalaki ang habol lang ay ganda ng katawan at mukha. Para sa akin, mas importante pa rin ang kagandahan ng kalooban.”
Hindi nakaimik ang dalawang babae. At marahil ay sa sobrang hiya, tumalikod ang mga ito at lumayo.
“Rodel pala ang pangalan ko!” Ang pahabol na sigaw ni Rodel at bumalik nang tumabi sa akin.
Syempre, feeling ko, ang haba-haba talaga ng hair ko.
Ngunit sabi nga nila kapag dumaan ka daw sa isang state of euphoria, ang kasunod noon ay feeling of disappointment naman. Siguro totoo. Simula kasi noong naging kami ni Rodel, pakiwari ko ay naging confident na din sya sa sarili, dumadami ang mga kaibigan. At hindi puweding hindi pumasok ang selos. Kapag nakikita kong may mga tinitext siya, nagtatanong din ako sa sarili kung sino iyon, lalao na kapag tila sunod-sunod na ang text na halos di na ako napapansin. Marahil para sa kanya ay ok lang iyon, pakikipag-kaibigan lang at baka sa isip niya ay naintindihan ko. Ngunit hindi ko na rin alam eh kung dapat ba akong magselos eh. Nahihiya din naman akong magtanong ng, “Sino ba ang nagtitext na iyan sa iyo? Pabasa nga?”
Anyway, noong dumating na sa puntong di ko na talaga kaya, nakikipag-usap ako sa kanya at inunahan ko na. Masakit, pero sinabi ko pa rin. “Alam mo Rodel, kung sakaling makita mo na ang babaeng pakakasalan mo at siyang tutupad sa mga minimithi mong pangarap, nand’yan lang ako palagi, patuloy na susuporta sa iyo…”
Tiningnan ako ni Rodel, hinaplos ang mukha. “Kung darating man siya, promise ko sa iyo, di kita iiwan… At ipapakilala pa kita sa kanya. Walang sikretuhan.”
“T-talaga?” ang sagot ko na lang. Ngunit syempre, sa loob-loob ko, hindi ako naniwala. Naka-ilang relasyon na kaya ako at ilang ulit ko na ring narinig ang ganyang mga salita. Ngunit nasaan na ba ang mga lalaking nagsabi sa akin nang ganoon?
Isang araw, marahil ay sa sobrang pagkainip nya na sa bahay, nag-suggest siyang maghanap ng trabaho. Dahil wala pa namang opening sa kumpanya ko, pinayagan ko na rin lang siya. At ang inaplayan niyang trabaho ay security guard.
At dahil sa tangkad at matipunong katawan, tanggap kaagad siya at pinapag-report na sa trabaho kinabukasan, sa isang malaking bangko sa Makati. Masayang-masaya siya dahil kahit paano daw, may suweldo na siyang matatanggap na talagang pinaghirapan niya. Ang hindi lang niya alam, malungkot ako at nakikinita ko ang unti-unting paglayo niya sa akin.
At hindi nga ako nagkamali. Simula noong makapagtrabho siya, dumami na ang mga nagtitext sa kanya, nakikipag kaibigan – babae, lalaki, baklang kasama sa trabaho, o mga empleyado ng bangko kung saan siya naka detail.
Minsan din, may mga gabing hindi siya umuuwi. Magtitext na lang iyan at sabihin sa akin na may special training daw sila, o minsan naman, absent ang ka-reliever guard niya. Syempre, malungkot ako. Pakiramdam ko unti-unti na ngang lumayo si Rodel sa akin.
Isang gabi, mag-aalas 10 na at wala pa rin si Rodel. Dapat kasi, nasa bahay na siya kapag alas-nuwebe. Subalit wala pa ring Rodel na dumating at wala ding text galing sa kanya.
Maya-maya, nag ring iyong landline. Ngunit hindi pala si Rodel ang nasa kabilang line. Isang babaeng sa boses at tono pa lang ng pananalita ay napi-figure out kong mataas ang pinag-aralan, maganda, at sexy. “Nad’yan po ba si Rodel?” and tanong niya.
“A, e… hindi pa dumating. Sino po sila?”
“Si Christine Mae po, girlfriend niya. May usapan kasi kaming magkita at 9:30. Wala pa siya eh, at naka-off ang cp niya. Baka kako nakalimutan niya ang date namin…”
Pakiramdam ko ay bumara ang lahat ng dugo ko sa puso. Tila huminto ang paghinga ko at hindi makasagot. “A-ah… g-ganun ba? B-baka na late lang, Christine. Antayin mo na lang.” Ang sagot ko na lang.
Hindi ko lubos maisalarawan ang matinding sama ng loob sa nalaman. Pakiwari ko ay dinurog ang puso ko, tino-torture, hindi makatulog. At habang tumatakbo ang oras, ramdam ko ding pabilis nang pabilis ang kabog ng dibdib ko. Sa gabing iyon, walang Rodel na umuwi ng bahay...

Friday, May 21, 2010
Si Rodel At Ang Aking Pangarap [3 & 4]
WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.
By: Mikejuha
getmybox@hotmail.com
http://www.men4menphilippines.ning.com
Author's Note:
Yeheeeyyyyyyyyy! 114 na ang mga followers ko!!! Salamat ng marami sa mga nagfollow at doon sa mga nang-recruit, lol! Patuloy na tumataas ang bilang ng followers ko dito, thanks po sa inyong lahat, wala akong masabi kundi salamat sa patuloy na suporta. Salamt! Salamat! Salamat! Wohhooooo!
Sensya na rin po, nasa kasagsagan ako ng activity sa bakasyon, reunion namin bukas. Ngunit kahit na busy ako sa mga preparations, heto, nagpost pa rin para kahit papaano, may mabasa ang ibang mga followers ko na hindi pa nakabasa nitong aking kwentong "Si Rodel..."
Happy reading po!
-mikejuha
-------------------------------------
[3]
Naalimpungatan ko na lang noong maglapat na ang mga labi namin. Di ko lubusang maipaliwanag ang matinding sarap na umalipin sa akin sa pagkakataong iyon. Kahit nakita kong patuloy pa ring dumadaloy sa mga pisngi ni Rodel ang luha at mistulang naubusan ng lakas ang katawan nito dahil sa kalasingan, hindi ko na alintana pa ang mga ito. Parang sinaniban ang katawan ko ng kung anong demonyo at ang sariling pagnanasa na lang ang naka-sentro sa utak ko.
Siniil ko siya ng halik, matagal... Pagkatapos, inalalayan ko siyang pumasok sa kuwarto niya at doon ipinagpatuloy ko ang pagsiil ng halik sa mga labi niya, ang pagyakap ng mahigpit, ang paghaplos sa maseselang bahagi ng katawan, hanggang sa wala nang natirang saplot ang aming mga katawan. At sa pagkakataong iyon, nangyari ang di dapat mangyari base sa aming kasunduan at binitiwan kong pangako sa kanya.
Bumalik ako ng kwarto ko na tuliro at di makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Naghalong guilt, hiya, pagkalito ang nadama ngunit nangibabaw ang sarap na natamasa sa piling ni Rodel. At dahil sa nalamang nakakaantig na kwento ng buhay niya, naipangako ko sa sariling hindi ko na siya pababayaan, ano man ang mangyari, susuportahan ko sya.
Maaga akong nagising kinabukasan. Excited ngunit may halo ding kaba dahil sa nangyari. Dahil may urgent pa din akong tatapusin sa opisina sa umagang iyon, nagmadali akong maligo at magbihis. Sinilip ko ang kwarto ni Rodel at nakita kong nakahiga pa rin siya. Dati-rati, may pasok man ako o wala, siya palagi ang naunang gumising at pagkagising ko, handa na ang lahat at kakain na lang kami nang sabay. Ngunit hindi na ako nagtaka kung bakit nasa kuwarto pa rin siya sa umagang iyon gawa ng kalasingan namin sa nakaraaang gabi. Dumeretso na lang ako ng trabaho kahit hindi pa nag-almusal, hindi ko na rin inistorbo pa si Rodel.
Sobrang saya ang nangingibabaw sa akin sa umagang iyon. At pakiwari ko ay lalong lumalim ang naramdaman ko para kay Rodel. “Think I'm in love again, grinning that silly grin. Look what a fool I've been, think I'm in love again. Lately I lost my mind and I do it everytime. Yes I know all the signs of being in love...” ang pakanta-kanta ko pa habang nagmaneho papuntang opisina.
Ngunit pagbalik ko ng bahay, bigla akong kinabahan noong hindi ko mahanap si Rodel. Tiningnan ko ang mga gamit niya ngunit ang lahat ng ito ay wala na rin. Hindi ako mapakali, tinawagan ko ang lahat ng mga kaibigan at tinanong kung napansin ba nila si Rodel. Ngunit wala ni isa man sa kanila ang makapag-bigay ng impormasyon kung saan nagpunta si Rodel.
Nung mabaling ang mga mata ko sa ibabaw ng study table, nakita ko ang isang nakatuping papel. Binuklat ko ito. Sulat kamay ni Rodel.
“Dear Derick, masakit sa kalooban ko ang lumisan ngunit wala akong magawa kungdi ang gawin ito. Sa dalawang buwang pagtira ko sa iyo, noon ko lang naranasan ang sarap nang may taong nagtiwala sa akin, nag-aalaga, naipadama sa akin na may silbi din ako ako sa mundo, may importansya, at kung saan nakapagbigay sa akin ng bagong pag-asa. Akala ko, tuloy-tuloy na ito. Akala ko, may swerte pa rin palang natira sa buhay ko. Akala ko, mararating ko na ang mga pinangarap ko sa buhay nang dahil sa iyo. Akala ko, meron pang natirang baklang tapat at kayang gumawa ng kabutihan nang walang pagnanasang nakakabit. Akala ko, iba ka. Ngunit mali pala ako. Alam mo ang buhay ko. Alam mong sinalbahe ako ng kapwa mo bakla. Di mo ba naramdaman ang sakit na dinanas ko, ang dulot na sakit niyon sa kaluluwa ko? Alam mong ang pagpayag kong tumira sa iyo ay dahil sa pangako mong walang bahid malisya ang pagkupkop mo sa akin. Subalit sinira mo ang pangako mo! Bakit?!!! Sobrang sakit ang naramdaman ko habang nagpapasasa ka. Umiiyak ako ngunit hindi mo ako pinansin. Katulad ka rin pala nila! Hindi mo lang alam na habang ginagawa mo sa akin iyon, bumabalik-balik sa isipan ko ang mga pang-aabusong naranasan ko, ang pambababoy sa pagkatao ko. Lalo mo akong sinaktan. Lalo mong ipinadama sa akin na walang kwenta ang buhay ko! Na hindi ako dapat respetuhin! Masakit Derick, sobrang sakit... Kaya wala nang dahilan upang ako’y magpatuloy pa sa pagtira dito. Ayokong isipin na sa pagtulong mo pala sa akin, katawan ko lang ang habol mo. Ayoko nang maulit pa ito. Kaya huwag mo na akong hanapin. Maraming-maraming salamat na lang sa lahat. –Rodel- PS. Kalakip dito ang papel kung saan mo isinulat at pinirmahan ang pangako mo sa akin. Isinoli ko na.“
Natulala ako sa nabasa, tila sinampal-sampal ng maraming beses. At di ko na napansing tumulo na pala ang mga luha ko sa di inaasahang sulat ni Rodel na iyon. Tila biglang bumalik ang katinuan ng isip ko, natauhan. “Napaka-selfish ko...” ang nasambit ko na lang sa sarili.
Sa mga sumunod na araw, naging tulala ako. Hindi halos matanggap ang nangyari, nahirapang mapatawad ang sarili, nanghihinayang sa nagawang pagkakamali at sa pagiging manhid at makasarili. Naisip ko na marahil kung pinigilan ko lang ang sarili sa gabibg iyon ay hindi ako iiwanan ni Rodel. Sobra ang panghihinayang ko; sobrang galit ang naramdaman ko para sa sarili.
Noong hindi ko na matiis pa ang pagka-guilty, inisa-isa kong inikot ang mga bar sa Metro Manila gabi-gabi, nagbakasakaling mahanap ko pa si Rodel. Ngunit halos tatlong linggo nang paikot-ikot ako sa mga bar, wala pa ring Rodel akong nakita.
Gigive-up na sana ako noong may natanggap akong text message galing sa isa kong kaibigan, “Rick, ma-excite ka nitong news ko. Si Rodel, nandito sa gay bar na pinuntahan ko ngayon! Heto kasalukuyang rumarampa at all the way ang mokong! Shiiittt! Ganda ng katawan ng fafa mo, ampogi pa! Siya ngayon ang center of attraction dito! Punta ka - NOW na!!!”
Simbilis naman ng kidlat akong pumara ng taxi at halos pagsabihan ko na ang driver na paliparin nya ang sasakyan. Noong makarating na ako, hindi ko na naabutan si Rodel na rumampa. Ngunit lalabas daw ulit, kasam na ang boung grupo.
Dumating nga ang portion na iyon na nagsilabasan na ang mga macho dancers. Pinakahuling lumabas si Rodel. Bikini brief lang ang suot, inuunat-unat ang katawan sa pagsasayaw na mistulang isang ahas na alumilingkis habang palapit nang palapit sa gitna ng stage. Napaka-experto nya sa pagsayaw. At kung pagmasdan ang harapan niya, bakat na bakat ang kanyang pagkalalaki na mistulang ipinangalandrakan pa niya. Tilian ang mga babae, matrona at bakla. Hindi ko maintindihan ang naramdaman noong makita siya sa ganoong ayos. Pakiwari ko’y ibang Rodel ang nakikita ko, kabaligtaran noong unang makita ko siya sa isang bar bilang waiter na naka-long sleeves at tie, medyo mahiyain, disente ang porma, respectable, magalang, at may pagka-aloof.
Tinitigan ko siya sa sobrang pagkamangha. At habang nasa ganoong ayos siya sa pagsasayaw, hindi niya inaasahang makita ako doon. Tila namangha din siya noong makita ako. Bumaba siya sa stage at lumapit sa table namin. Nagsasayaw-sayaw pa rin siya habang papalapit, ang mga mata ay mistulang nang-inggit, nambibighani, nakatutok sa akin. Maya-maya, kinuha niya ang isa kong kamay at ipinasok iyon sa ilalim ng kanyang brief sa kanyang harapan sabay lapit at bulong sa akin, ang mga labi ay sinadyang idinadampi-dampi sa tenga ko, “malaki ba? Natikman mo na yan, di ba? Kung gusto mo, laru-in mo Derick, ok lang sa akin. Sobrang nalilibugan na akohh...” Habang hiyawan naman ang mga tao, kantyawan.
Ngunit hindi ako natuwa. Feeling ko umakyat ang lahat ng dugo ng katawan ko sa ulo. Hinablot ko ang kamay ko at binitawan ang isang tingin na nanggagalaiti. Pinilit ko ang sariling magtimpi. Naisip ko na kasalanan ko ang lahat nang nangyaring iyon sa kanya kaya ako dapat ang magpakumbaba. Nakangising-aso si Rodel na bumalik na ng stage, nakatingin pa rin sa akin at kinakagat-kagat ang mga labing tila ipinaramdam sa akin na nasarapan.
Sa kagustuhang makausap, tinawag ko kaagad ang isang waiter at sinabihang gusto kong maka-table si Rodel. Ngunit may nauna na raw sa amin. Kaya wala na akong nagawa kungdi ang manatili doon at hintayin ang pagsara ng bar. At habang nasa ibang table si Rodel, panay naman ang pang-iinggit at pagpapaselos niya sa akin. Inaakbay-akbayan ang customer, halos magdidikit na ang mga bibig nila pagkukwentuhan at pagtatawanan... Nasaktan ako, sobra. Pero tiniis ko pa rin. “Kasalanan ko eh”, ang sabi ko na lang sa sarili.
Noong magsara na ang bar, tinanong ko si Rodel sa isang waiter. Ngunit nakaalis na daw ito kasama ang isang mayamang customer. Tila gumuho ang mundo ko sa nalaman.
Kinausap ko kaagad ang manager at may-ari ng bar na nagkataong nandoon pa. At naisipan ko na lang na makipag-deal sa kanya. Sa deal namin, babayaran ko siya para lang si Rodel ay hndi magtatrabaho sa susunod na gabi sa bar at bagkus sa akin siya magsiserbisyo. Pumayag naman ang may-ari.
Kinabukasan, wala pang alas otso ng gabi, nagpunta na ako sa bar. Pumasok kaagad ako sa manager’s office at hinitay ang pagdating ni Rodel. Hindi ko maisalarawan ang tunay na naramdaman, kung sasama ba sa akin si Rodel o aayawan niya ang gusto ko. “Bahala na!” Sigaw ng utak ko.
Noong pumasok na si Rodel sa manager’s office at sinabihang sa akin siya magserbisyo sa gabing iyon, kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat. Ramdam ko ang matinding pagpo-protesta ng damdamin niya. Ngunit wala rin siyang magawa. Alam ko, ayaw din niyang mawalan ng trabaho kaya sunod-sunuran na lang siya sa gusto ng boss niya. Alam ko ring maraming katanungan ang pumasok sa isip niya sa arrangement na iyon ngunit hindi niya magawang itanong pa iyon. Nagmamaktol man, sumunod na rin siya sa akin noong lumabas ako sa opisina ng manager at tinungo ang parking lot kung saan nakaparada ang kotse ko.
Pagpasok na pagpasok niya kaagad sa kotse sa upuang katabi ko, halos matanggal naman ang pintuan sa pwersahang pagsara niya nito pagparamdam sa matindi niyang galit – galit sa nagawa ko, at galit na mistulang pinagkaisahan siya sa gabing iyon. Tiningnan niya ako nang sobrang tulis na sumagad na yata sa kaluluwa ko. “Na-miss mo talaga ako, no? Isang beses mo nga lang akong natikman, naaadik ka na kaagad sa akin? Tangina, paano na lang kaya kung kagaya ngayong may bayaran na pala, ako na ang magtatrabaho sa kama, e, di buong kaluluwa mo na niyan ang isasangla mo kay satanas!” Bulyaw niya.
Nagkunyari na lang akong walang narinig. Kalmanteng pinaandar ang sasakyan na parang wala lang nangyari, walang tensiyon.
Patuloy pa ring nagtatalak si Rodel. “Putsang buhay to o. Kahit saan talaga hindi ako tinatantanan ng malas. Totoo yatang kahit saan ako magpunta, susundan at susundan pa rin ako ng malas. Tanginang buhay to!” P***** INA NYONG LAHAT!!!
Kalmante pa rin ako, hindi ipinahalatang naapektuhan, at hinayaan lang siyang ipalabas nang ipalabas ang lahat ng galit sa puso niya.
“Sabagay, maganda na rin ang ganito, makisayaw na lang sa tugtug ng panahon. Ganito lang naman talaga ang takbo ng buhay eh. Lahat puro mga plastic, mga oportunista, mga hayok sa laman, mga manggagantso, mga manloloko. Wala nang pwedeng pang pagkatiwalaan sa mundo. Tanginaaaaaaaaa!”
Noong makarating na kami sa parking lot ng isang restaurant sa Makati, mahinahon ko syang sinabihan, “Kain muna tayo...”
Matigas pa rin ang titig niya. Ngunit sumunod naman sa akin. Umurder ako ng makakain, ako na rin ang umorder ng para sa kanya. Alam ko kasi ang mga paborito niyang ulam kaya iyon din ang mga inorder ko. Noong kainan na, walang imikan. Napansin kong konti lang ang kinain ni Rodel. Kaya, “Kumain ka ng marami...” sabi ko.
Itinaas lang niya ang isang kamay, ipinakita ang malaking daliri, sabay pag-emphasize sa bibig niya, nanggalaiti ang mga matang nakatitig sa akin, at kontroladong binaggit ang mga katagang, “F*** YOU!”
Hindi na ako umimik. Madalian ko na ring tinapos ang pag-kain ko at hiningi na ang chit.
Bumalik ulit kami sa kotse. Wala pa ring imikan hanggang sa makarating kami sa flat ko. Noong makapasok na, dumeretso kami sa terrace. Kumuha ako ng mainum at pulutan at inilagay ang mga iyon sa mesa, sa harap namin.
“Sex lang naman ang gusto mo, di ba? Gawin na natin para makauwi na ako! Leche, andami pang ritual sa kama pa rin naman ang hantungan!” Sabi niya, pagpahiwatig sa inumin at mga pulutan na inilabas ko.
“Ang agreement namin ay buong magdamag ka dapat sa akin. Kung anong oras magsara ang bar, ganung oras din kita pakawalan. Pero... bibigyan kita ng option. Kung gusto mong maka-uwi ng maaga, mag-inuman muna tayo.” Ang pagpaliwanag ko.
“Owwww? Talaga? Buti ka pa alam mo. Bakit kaya hindi ko alam?” ang sarcastic naman niyang tugon.
“P-pasensya na Rodel. Tinangka kong kausapoin kita kagabi. Kaso hindi ka naman available eh.”
“Syempre, hot item ang katawan na ito. Kung binigyan mo lang kasi ako konting respeto, e di sana, lahat na atensyon ko, lahat ng oras ko, lahat ng panahon ko... ay nasa iyo!”
“O sige na, sige na... ako ang mali. O ano, mag-inuman ba tayo o magkwentuhan nalang hanggang madaling araw?”
“Tangina! Ano pa ba ang magagawa ko? Mag-inuman na para makalayas dito ng mas maaga!”
At kinagat niya ang option na iyon. Walang imik na kinuha niya ang wine glass, nilagyan iyon ng ice, at magsalin ng alak dito. Nagsalin na din siya sa isa pang wine glass para sa akin at padabog na inilagay sa harap ko. Wala kaming imikan hanggang sa lagpas kalahati na ng malaking bote ng imported na alak ang naubos namin. Medyo lasing na ako, pati na rin siya.
“Magkano ba ang binayad mo sa manager naming bakla para masolo mo ako ngayon?” ang matigas na tanong niya.
“Kailangan mo pa bang malaman yan?”
Binitawan niya ang ngiting-pilit, napailing-iling. “Tangina! Ganyan ba talaga kayong mga bakla? Sinisira nyo na ang buhay namin, nagbabayaran kayo ng hindi nyo man lang ako kinunsulta? Katawan ko ang pinag-usapan dito! At wala akong kaalam-alam kung magkano ang pagbenta ng tanginang baklang iyon sa akin sa iyo? Anong klaseng mga tao kayo!!!” Sigaw niya.
“Ok... ok...” napahinto ako nang sandali at tiningnan siya. “20k”
Bigla siyang napatayo at sumigaw. “P***** INA! Tas ang ibibigay lang noon sa akin ay wala pang dalawang libo!” Sumandal sya sa barandilya ng terrace, ramdam ko ang matinding pagtimpi niya ng galit.
Para akong isang tupa na hindi makaimik at nagyumukyok sa tabi.
Ilang sandali lang at binitiwan nya ang isang malalim na buntong-hiniga, ibinaling ang paningin sa malayo, tila nag-iisip. Maya-maya, nilingon niya ako. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang matinding galit. Kaagad niyang kinaladkad ako patungong kuwarto at noong malapit na sa kama, itinulak nya ako ng malakas dahilan upang bumagsak akong patihaya sa ibabaw noon. “Tapusin na nga natin ito! Putsa! Itong ari ko lang naman ang habol mo di ba?!!!” Sambit niya.
Pakiwari ko’y isang iglap lang ang lahat na halos di ko na namalayang nandoon na pala ako sa ibabaw ng kama, nakatihaya at siya ay nakatayo sa harap ko. Gulat na gulat ako sa bilis ng mga pangyayari, nanlaki ang mga mata ko at ramdam ang paglakas ng kabog ng dibdib.
Kung gaano kabilis niya akong kinaladkad ay siya ding bilis ng mga sumunod na pangyayari. Nakapako ang tingin sa akin, dali-dali niyang tinanggal ang t-shirt, ang sinturon, ang zipper, at tuluyan nang hinubad ang pantaloon niya kasama na ang brief. Pagkatanggal na pagkatanggal sa lahat ng saplot, sumampa kaagad siya sa kama at sinadyang itutok at idiniin-diin sa mukha ko ang harapan niya...
(Itutuloy)
-----------------------------------
[4]
Hindi ako makahinga sa ginawa niyang iyon kaya mabilis ko siyang itinulak. Napatagilid sya sa kama at pinakawalan ko ang isang malakas na sampal na tumama sa mukha niya. “Pak!” Nanlaki naman ang mga mata ko sa pagkabigla, di inaasahang magawa ang pagsamapal, ang mga kamay ay itinakip sa bibig.
“Araykop...!” Ang nasambit niya, hawak-hawak ng isang kamay ang mukhang natamaan. Ini-expect ko na paulanan niya ng suntok ang mukha ko. Ngunit, “Ano ba ang gusto mo, tangina ka!” ang bulyaw niya, haplos-haplos pa rin ng isa niyang kamay ang pisngi na nasampal.
Tila nabunutan naman ako ng tinik noong hindi niya ako ginantihan. “Rodel, hindi sex ang kailangan ko sa iyo! Naintindihan mo ba iyon?” ang sagot ko na lang nang mahinahon.
“Hindi sex? Noong gabing ginamit mo ako, gusto mo iyon. Ngayon, nagbayad ka ng 20k sa manager kong swapang, hindi mo na gusto. Ano ba talaga? At bakit? Hindi ka ba nasarapan sa akin? Ha? Kung kailan na sana payag akong babuyin mo kahit ilang ulit pa, saka ka naman nag-iinarte! O sige, ganito na lang...” tumayo siya, tinumbok ang mini-component, pumili ng cd sa rack atsaka pinatugtog iyon. “Pagmasdan mo na lang ako, ok? Kakahiya naman kasi, 20k pa naman ang bayad mo sa akin dito. Putsa tiba-tiba na naman ang manager kong demonyo.” At sumayaw-sayaw siya, hubo’t-hubad pa rin sa harap ko, iyong klaseng sayaw na ginagawa nila sa gay bar.
Yumuko na lang ako noong maramdaman ang mga luhang dumaloy na sa mga pisngi ko habang patuloy ang pang-aakit at pang-inggit niya sa akin.
Marahil ay napansin niyang umiyak ako, huminto siya sa pagsasayaw. “Tangina, kakabadtrip naman! Ano bang gusto moooooo!” sigaw niya.
“Patawarin mo ako Rodel, iyan lang ang gusto ko.”
“Patawarin? Akala mo ganoon lang kadali iyon? Derick, hindi mo alam kung gaano kalalim at kasakit ang naramdaman ko dulot nang naranasang pambababoy ng mg bakla sa akin. Araw-gabi nakatatak iyon sa isipan ko iyon. Hindi makatulog, halos mabaliw ako sa kaiisip! Alam mo bang ilang beses ko nang pinag-isipang magpatiwakal dahil doon? Tapos, noong bumalik na SANA ang tiwala ko sa sarili, ganoon na naman ang ginawa mo sa akin? Alam mo bang dahil sa ginawa mo kaya ako pumasok na lang sa pagmamacho-dancer at pagko-call boy? Alam mo ba??? Alam mo baaaaaaaaaaaaa!!!!!” bulyaw niya sabay upo sa gilid ng kuwarto at hagulgol na parang bata.
Nilapitan ko siya at niyakap, hinaplos ang ulo. “Kaya nga patawarin mo ako eh...”
“Huwag mo akong hawakan, tangina mo... SINIRA MO ANG BUHAY KOOOOOO!!!” Patuloy pa rin siya sa paghagulgol.
Wala akong magawa kungdi ang dumestansya, naupo din sa sahig, pinagmasdan siya. Sa nasaksihan sa kanya, lalong tumindi ang naramdaman kong awa. “Ano ba ang pwedeng gawin ko upang mapatawad mo, Rodel? Sabihin mo. Pwede mo pa namang ituwid ang buhay mo ah, tutulungan kita.” Sabi kong nagmamakaawa ang boses.
“Tutulungan? At anong kapalit? Katawan ko? Bababuyin mo din ako? Huwag na oy! Mas ok pang ako na ang bababoy sa sarili ko.” Tumayo siya, pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig at inisa-isang isinuot iyon simula sa brief, sa pantalon, sinturon, hanggang sa t-shirt at pagkatapus, tinumbok ang terrace at naupo, ang tingin ay mistulang napakalayo.
Sumunod ako, umupo din sa silyang nasa harap niya. “Rodel, sorry na please... Sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin upang bumalik ang tiwala mo.”
“Layuan mo ako. Lubayan mo na ako. Iyon lang ang hihilingin ko sa iyo. Ayoko nang magtiwala pa. Simula noong isinilang ako, wala pa akong nakitang taong pwedeng pagkatiwalaan. Lahat sila mga manggagamit, oportunista, manloloko. Lahat sila, itong hitsura at katawan kong ito lang ang habol. Lahat sila mga plastic, ang nais lang ay babuyin ako. At isa ka sa kanila!” At tumayo siyang patalikod sa akin, ang mga kamay ay itinukod sa grills ng terrace.
“Rodel, hindi kita masisisi kung ganyan ang paniniwala mo sa akin. Oo, inaamin ko, nagkasala ako sa iyo. Hindi ko akalain na ang ginawa ko ay makapagdulot pala ng karagdagang sakit sa isang matinding sugat sa puso mo na sana ay unti-unti nang nahilom. Pero lahat naman ng tao ay nagkakasala at nagkakamali, diba? At hindi lahat ng tao ay pare-pareho. Malinis ang intension ko sa iyo, Rodel. Nagkamali lang ako. Ngunit kung bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataong ituwid ang pagkakamaling iyon, gagawin ko. Patawarin mo lang ako.”
Hindi pa rin siya natinag.
“Rodel, lahat ng tao ay may kanya-kanyang pagsubok, may kanya-kanyang pinapasan sa buhay. Ako, akala mo ba masaya ang buhay ko? Hindi... pero pinilit kong maging masaya, maging makabuluhan ito, at may direksyon, may pangarap. At kahit ganito lang ako, pinilit ko pa ring kamtin ang mga pangarp ko; pinilit kong bigyang halaga ang buhay ko. Noong sinabi mong nag-iisa ka lang sa mundo, walang kakampi, at niloloko ng mga taong pinagkakatiwalaan mo, naramdaman ko ang naramdaman mo dahil...” napahinto akong sandali, pinahid ang mga luhang dumaloy sa mga mata.
Nanatiling walang imik si Rodel, tila nakikinig sa bawat salita na lalabas sa bibig ko.
“...kagaya mo, nag-iisa rin ako sa mundo. Noong graduating na ako ng college, nalaman ng mga magulang kong bakla ako. Nahuli nila kami ng boyfriend ko sa bahay na may ginawa. Hindi sila makapaniwala sa nakita at itinakwil nila ako. Pati mga kapatid ko, hindi na rin ako pinansin. Ang masaklap pa, pati boyfriend ko ay tuluyan na ring lumayo sa akin. Pakiramdam ko, gumuho ang mundo ko sa pagkakataong iyon. Kaya sa sama ng loob, lumayas ako. Nababalot sa takot at pangamba, walang kakampi, nakiki-pagsapalaran sa lugar na ni minsan ay hindi ko pa napuntahan... hindi ko alam kung ano ang gagawin, kung saan pupunta, kung kanino humingi ng tulong. Ngunit nilakasan ko pa rin ang loob ko. Inisip na mga pagsubok lang ang lahat ng mga iyon sa buhay ko na malalampasan ko rin. Hindi ako nawalan ng pag-asa. Nagpakatatag ako, at buong tapang na hinarap ang mga hamon... Ngunit alam mo ba ang kaibahan ng sitwayon natin? Pinili mong sirain ang buhay mo. Nagpatalo ka sa galit. Nagpatalo ka sa mga hamon sa buhay. Imbis na lumaban ka, sinisisi mo ang lahat ng mga taong nakapaligid sa iyo – pati na iyong mga taong handa sanang tulungan ka. Buksan mo ang mga mata mo, Rodel. Napakasarap mangarap sa buhay. At lalo pang masarap ito kapag may mga taong sa kabila ng kanilang pagkakamali, ay tunay na nagmahal sa iyo. Huwag mong ituring ang lahat ng mga tao na kaaway. Mayroon din sa kanila ang kakampi. Sila ang hanapin mo...”
Dahil sa hindi pa rin siya umimik, tumayo ako at nilapitan ko siya, inakbayan. Doon ko lang napansing umiiyak pala siya.
“Patawarin mo ako Rodel...” ang mahina kong sabi.
Humarap siya sa akin. “Pwede na ba akong umalis?” ang paglihis niya sa tanong habang pinapahid ang mga luha niya sa pisngi.
“Ayaw mo na bang makipag-usap sa akin?”
“Pagod ako... naguguluhan, litong-lito. Gusto ko na sanang magpahinga.”
“O-ok... kung iyan ang gusto mo. Ihatid na kita sa tinutuluyan mo?”
“’Wag na...” sabay tumbok na sa pintuan.
“Sandali!” Kinapa ko ang wallet ko sa bulsa at dumukot ng isang libo. Iniabot ko iyon sa kanya.
“Huwag na, may pera pa ako.” Pagtaboy niya sa kamay ko. At kahit anong pilit ko, hindi pa rin niya tinanggap ang pera.
“Ok...” ang malungkot kong tugon. “Ayaw mo ba talaga akong patawarin?”
Hindi siya sumagot.
Akmang tatalikod na sana siya noong kinapa ko sa bulsa ko ang duplicate na susi ng apartment ko at iniabot iyon sa kanya. “Ito na lang ang tanggapin mo. Kapag isang araw ay maisipan mong bumalik, welcome ka palagi sa bahay na ito. At kapag nadatnan kitang nandito sa loob, iyon na siguro ang pinakamaligayang araw ng buhay ko...”
Pansin ko ang pag-aatubili niya. Ngunit tinanggap pa rin niya ito. Kahit papaano, may konting saya din akong naramdaman.
Nakatalikod na si Rodel noong sinabihan kong, “Rodel, pakawalan mo ang lahat ng galit d’yan sa puso mo...”
Alam kong narinig niya ang sinabi ko. Tuloy-tuloy pa rin siya sa paglakad papuntang stairway pababa na sa ground floor.
Dali-dali naman akong dumungaw sa terrace upang sundan siya ng tingin sa kalsada na nasa ibaba lang. Subalit laking gulat ko noong napatapat na siya, inihagis niya sa akin ang susi na iniabot ko. Bumagsak ito sa sahig ng terrace. Biglang gumuho ang mundo ko at naglaho ang lahat nang pag-asang babalik pa siya.
Sa sama ng loob, hindi ko na pinuntahan pa ang bar kung saan si Rodel nagmamacho-dancer. Isiniksik sa utak na nagawa ko na ang lahat at pilit na tinanggap na hindi na kami pweding magsama uli sa isang bahay. “At least, I tried my best” sabi ko na lang sa sarili.
Masakit... mahirap. Pero pinilit kong kalimutan siya. Isang lingo, dalawang lingo, tatlong lingo ang nakaraan at ramdam ko pa rin ang sakit. Tiniis ko ang lahat ng iyon.
Ngunit, hindi ko pala kaya. Bumalik pa rin ako sa bar niya kahit walang gagawin kungdi ang mag-order ng mainum at pagmasdan siya. Hindi na rin ako naki-agaw sa mga customers na gusto siyang maka-table o mai-uwi. Nakita ni Rodel na nandoon ako. Ngunit tila hindi na niya ako kilala pa. Sa tuwing nakikita siyang may ibang ka-table o kasamang customer sa pag-uwi pagkatapus ng show niya, di naman maisalarawan ang tunay kong naramdaman. Durog na durog ang puso ko.
Isang araw, naramdaman kong di ko na kaya at kailangan ko nang ihinto ang kahibangan ko, tuluyang kalimutan siya. Ngunit bago iyon, nagpagawa ako ng malaking streamer, 10 x 4 meters at isinabit iyon sa building sa harap mismo sa bar ni Rodel. Syempre, binayaran ko ang may-ari ng building. Ang nakasulat, “Rodel, di na kita guguluhin pa. Ngunit hihilingin ko sa iyo – sa huling pagkakataon na sana ay puntahan mo ako sa Ayala Avenue, Makati; sa kanto kung saan nandoon ang isang puno ng kahoy na minsan ay kinudlitan mo ng iyong pangalan. Maghintay ako doon, sa darating na Sabado, hanggang alas 7 ng gabi”
Dumating ang takdang araw. Hindi ko lubos maisalarawan ang naramdaman. Sobrang kaba, takot, lungkot na baka hindi na papansinin pa ni Rodel ang mensahe ko... Alas 6:00 pa lang ay naglakad na ako papunta doon. Malapit lang kasi sa apartment ko. Subalit laking pagtataka ko sa nakitang maraming taong nag-uumpukan din sa lugar at lahat sila ay nakatingin sa akin. Syempre, sobrang hiya ko. Ang iba sa kanila ay nakatayo lang at mayroon ding yumakap sa akin at nagbigay-suporta at encouragement, “Kaya mo yan... dude” “Go, go, go, you deserve a chance” na nagpalakas naman ng loob ko. Ngunit mas lalo akong namangha noong may mga crews ng isang TV channel na nandoon din at sinadyang i-cover ang kuwento.
6:30, walang Rodel na dumating. 7:00 wala pa rin. Hinintay ko ang 7:30; wala. Hanggang 8:00, wala p arin, hanggang sa unti-unting nag-aalisan na ang mga tao at ang mga crews ng TV channel.
Tila naubusan ako ng lakas sa pangyayari. Sobrang sama ng loob, nagdurugo ang puso, nagpasiya akong lumisan na rin sa lugar. Noong makapasok na ng bahay, ibinagsak ko kaagad ang katawan sa higaan at ibinuhos ang lahat ng sama ng loob sa paghagulgol.
Nasa ganoong ayos ako noong mula sa terrace ay may narinig akong ingay. Sa pag-aakalang ano ang mayroon, tumayo ako, pinahid ang mga luha. At noong buksan ko ang pinto, di ako makapaniwala sa bumulagta sa mga panoingin ko. Si Rodel, nakatayo sa harap ng pinto, ang mga mata ay seryosong nakatingin sa akin.
“Rodel! Nandito ka??!” Sigaw ko sa sobrang pagka-gulat.
“Oo, pinakawalan na ng puso ko ang lahat ng galit ko sa mundo”
“Bakit dito sa terrace?”
“Di ba dito ko naitapun ang susi ng apartment. Kaya inakyat ko nalang ang pader at tinalon itong terrace, nagbakasakaling mahanap ko pa ito dito.” Sabay kindat naman sa akin at bitiw ng pamatay niyang ngiti.
Syempre, heaven ako sa ngiti niya kaya niyakap ko kaagad siya nang mahigpit na mahigpit. At tinugun din niya ng kasing-higpit ang yakap ko...
“Bakit ka pala hindi sumipot doon, ang daya mo...”
“May nakita kasi akong mg crews ng TV. Malay mo, kapag nadiskubre ako doon, kunin nila akong artista. Paano yan, e di na naman ako uuwi pa sa iyo...”
At sabay kaming nagtatawanan.

Subscribe to:
Posts (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.