By: MIkejuha
getmybox@hotmail.com
fb: getmbyox@yahoo.com
site: http://men4menphilippines.ning.com (Group: Kwentong Kanto Ni Kuya Mike)
Note:
Salamat sa mga nagbabasa at lalo na doon sa mga nag-comment at nag message. Masarap at nakakaengganyong magsulat kapag nakatanggap ng feedback galing sa mambabasa)
---------------------------------------------------------
[9]
Nagwala si Rodel; galit na galit na sinugod si Marvin na nakahiga pa sa kama at kagigising lang. Pinaulanan ito ng suntok. Pinilit ni Marvin na tumayo at manlaban. Nagpangbuno ang dalawa.
Sa kalituhan, pumagitna ako at hinarap si Rodel, hinarang ang mga suntok niya.
Tumabi ka dyan Derick! Papatayin ko ang lalaking iyan!
Ako na ang patayin mo, Rodel! Sanay ka namang saktan ako, eh. Sige, patayin mo ako! Patayin mo na akooooo!!! Sigaw ko habang humagulgol na, sinenyasan siMarvin na umalis. Dali-dali namang nagsuot ng kanyang brief at pantalon.
Tila nahimasmasan naman si Rodel sa pagsigaw kong iyon. At ang tanging nagawa niya ay ang yakapin ako. Ano ba itong ginawa mo sa akin, Derick? ang tanong niyang nang-aamo, tinangkang pahirin ng mga kamay niya ang mga luha sa pisngi ko.
Ngunit kumalas ako sa kanyang pagyakap. Bakit? Pagkatapos mong lumayas at magsama kayo ng babaeng iyon, gusto mong magmukmok ako at magpakamartir na maghintay sa iyo kung kailang ka babalik? Ganoon ba?
Hindi nakaimik si Rodel.
Hindi na Rodel. Kung gusto mong doon ka sa babae mo, sige... doon ka sa kanya. Pabayaan mo ako at wala na tayong pakialaman pa sa isat-isa!
Mahal kita Derick
Mahal? Punyetang pagmamahal iyan! Mahal mo ako, tapos mahal mo din iyong babae mo? Ano yan? Buy-one-take-one?
B-bumalik ako dito, para sa iyo
Kung bumalik ka man dito, tapos sasabihin mong kayo pa rin ng babaeng iyon Ayoko na. Pagod na ako. Sawa na ako sa kakaintindi sa iyo, sa inyo! Ni hindi mo nga magawang sabihin sa kanya ang relasyon natin? Hindi mo kayang panindigan ang relasyon natin sa kanya! Kaya, sa kanya ka nalang. Sobra na ang paghihirap ko
Di kita matiis kung wala ka sa piling ko, Derick. Mahal kita.
Sinungaling!
Yan ang totoo...
Kung totoo nga iyang sinabi mo, sabihin mo sa akin ngayon na hiwalay na kayo ng babaeng iyon!
Hindi na naman nakaimik si Rodel. At pansin ko sa mukha niya ang matinding kalungkutan.
Anoooo? Di ka makasagot dahil sa mas mahal mo siya, diba? Mas mahal mo siya!!!
Buntis si Mae, Derick at ako ang ama ng dinadala niya.
Pakiwari koy biglang nag-blackout ang paligid at gumuho ang mundo. Tumalikod ako sa kanya at naupo na lang sa gilid ng kama, nakayuko, pahid-pahid ng mga kamay ang biglaang bugso ng mga luha. Naramdaman kong iyon na ang tuluyang pagguho ng mga pangarap ko, na siya namang simula ng katuparan ng mga pangarap ni Rodel. Hinayaan ko na lang ang sariling pakawalan ang matinding kirot na naramdaman sa puso, at pinilit na lawakan ang pang-unawa at pag-intindi sa kalagayan niya.
K-kung ganoon, mas kailangan ka niya, Rodel ang mahinahon kong sabi, nanatili pa rin akong nakaupo sa kama, nakatalikod. At pagkabigkas na pagkabigkas ko sa salitang iyon, halos huminto naman ang aking paghinga, dulot ng matinding kalungkutang nadarama habang ang mga luha ay walang patid ang pagdaloy sa aking mga mata.
Naramdaman kong lumapit siya sa akin, umupo sa may likuran at niyakap ako. Hindi Derick
dito lang ako sa iyo. Sa iyo ako sasama.
Hindi, Rodel Ito na ang katuparan ng iyong mga pangarap. Nandiyan na ang babaeng magpapaligaya sa iyo, ang magbigay sa iyo ng supling, ang magbuo ng iyong pagkatao. Kaya, balikan mo na siya. Matitiis ko ang lahat para sa kaligayahan mo.
Hindi ko kayang mawala ka sa piling ko. Derick.
Parang gusto kong bumigay sa pagkarinig sa sinabi niya. Napakasarap pakinggan at tila ibinayaw ang kaluluwa ko sa langit. Ngunit pinilit ko pa ring magmatigas. Ayoko na Rodel. Bumalik ka na sa kanya, kahit alang-alang manlang sa bata.
Tumayo ako, tinungo ang locker habang nanatili siyang walang imik.
Noong makapagpalit na ng damit, Aalis ako at mamayang gabi pa ako babalik. Gusto kong magmuni-muni sa labas. Sa pagbalik ko, dapat wala ka na dito. At oo nga pala, huwag mong saktan si Marvin. Wala kaming relasyon at ang nangyari sa amin ay hindi niya kagustuhan. Huwag mo siyang idamay. Sabay talikod at hindi lumilingon na tinungo sa pintuan.
Hindi ko alam kung saan pupunta sa araw na iyon. Tinawagan ko ang isang kaibigan at napagdesisyonan namin na magpunta sa isang resort na malapitlang at doon mag-relax at mag-enjoy. Sinabi ko rin sa kanya ang lahat ng mga hinanaing ko.
Hindi kaya may iba siyang motibo kung bakit siya bumalik? Ang suspetsosong sabi ng kaibigan ko.
kagaya ng ano?
Pera Syempre, magkaanak na, Kailangan ng maraming datung!
Hindi naman ganyan si Rodel. Kahit noong nagsama pa kami, hindi nanghihingi iyan ng pera kung walang kailangang paggagamitan. At kung manghingi man, ibabalik pa niyan ang sukliang pagtatanggol ko.
E, malay mo, baka sinulsulan ng babae.
A yan ang hindi maaari. Sobra-sobra na ang panloloko nila sa akin kung mangyari iyon.
Mag-aalas 10 na ng gabi noong makauwi ako ng bahay. Ini-expect ko na wala na si Rodel at si Marvin na ang magbukas ng pinto. Ngunit laking gulat ko noong ang bumukas ng pinto ay si Rodel.
Bakit nandito ka pa? ang sambit ko kaagad habang tinumbok diretso ang second floor kung saan nandoon ang kwarto namin.
Sinabi ko na sa iyo na nagbalik na ako, diba? Ang sagot niya habang sumunod sa akin.
Hindi ako kumibo. Dali-daling nagbihis at dumeretsong ibinagsak ang katawan sa kama.
Humiga na rin si Rodel, niyakap ako, idinantay ang isang paa sa harapan ko. Miss na miss na kita, Derick
Paano na iyong babae mo?
Ewan, di ko alam Gusto ko na kung may desisyon man akong gagawin tungkol sa amin ni Mae, kasama ka sa desisyon na iyon.
Pwes ang desisyon ko ay ang bumalik ka sa kanya
Hindi Derick. Ayokong mag-isa ka. Ayokong masaktan ka.
At sa muli, Ate Charo, bumigay na naman ang puso ko. Siguro, ganyan lang karupok ang damdamin ng isang bakla. Isang yakap lang ng lalaking mahal at bibigay na sa tawag ng laman. At sa gabing iyon, pinagsaluhan naming muli ang tila walang pagsisidlang ligaya, nilalasap ang sarap ng mga yakap at nagbabagang mga halik na animoy wala nang bukas pa
Isang lingo ang lumipas simula noon, napansin ko naman ang lungkot sa mga mata ni Rodel. Palagi itong tulala at napakalalim ng iniisip. M-may problema ka ba Rodel?
W-wala ito, Derick. Wala ang pag-deny niya.
Ayoko nang ganyan, Rodel. Kilala kita, sabihin mo kung ano ang problema mo? Si Mae ba?
Hindi... Ang pagdiin niya.
Tahimik. Hindi ko na rin iginiit pa ang ang gusto kong malaman.
E pwede ba Derick, hihiram ako sa iyon ng pera?
P-pera? Para saan? At magkano? Ang tanong kong may halong pagkagulat.
M-may paggagamitan lang ako, personal. Kung maaari, 50 thousand pesos.
Fifty thousand?? Diyos ko, ang laki naman niyan, Rodel. Para saan mo ba gagamitin iyan?
B-basta. Saka ko na lang sasabihin sa iyo. P-pwede ba?
A.. e, sige. Ang naisagot ko na lang kahit na sa likod ng aking utak ay may malaking pagdududa at katanungan kung saan niya gagamitin ang pera at bakit kung bakit malungkot na malungkot siya. Syempre,hindi nabura sa isipan ko ang sinabi ng kaibigan na may posibilidad na ang pera na iyon ay para sa mga plano nila ng babae niya. Gusto ko mang magalit, hindi ko rin magawa dahil wala naman akong ebidensya at nagpaalam naman ng maayos sa akin. Ngunit, di ko maiwasan ang hindi kabahan.
Nasa trabaho pa di Rodel sa gabing iyon noong may natanggap akong tawag. Si Christine Mae, ang babae ni Rodel at gustong makipagkita sa akin sa bahay niya. Kahit matindi ang kinikimkimkong galit sa babaeng iyon, pumayag na rin ako.
Maliit lang ang kwartong inuupahan niya at nasa may squatter area pa. Sa nakita kong ayos ng tinitirhan, alam kong naghihirap siya. May isang electric fan lang, lumang-luma ang mga kasangkapan, at marumi na rin ang mga pintura ng kwarto.
M-mabuti naman at pinaunlakan mo ang kahilingan ko, Derick. Ang pambungad niyang sabi, tila nahihiya at halos hindi makatingin sa akin ng diretso. Noong pinagmasdan ko siya, napansin ko kaagad ang dinadala niya sa sinapupunan.
OK lang para din magkausap tayo at ma-klaro ang mga issues at problema kung mayroon man.
P-pasensya ka na sa nangyari sa amin ni Rodel. Mahal na mahal ko si Rodel. At ang sabi niya ay mahal na mahal din niya ako. Ngunit marahil ay sadyang hindi sapat ang pagmamahal niya upang panindigan niya ang nangyari sa amin. Noong nandito siya sa akin, palagi na lang siyang tulala, malayo ang tingin. Alam ko, ikaw ang laman ng isip niya. Kaya upang hindi ako ang maging hadlang, binigyang-laya ko siya sa kabila ng pagdadalang-tao ko. Bago siya umalis, ipinangako niyang hindi niya pababayaan ang magiging anak namin, at ako. Ngunit ayaw kong umasa. Ayaw kong mangarap ng isang bagay na sa huli, ay hindi naman ito pwedeng mangyari..
Sa pagkarinig ko sa kwento niya, tinablan ako ng awa at ang galit na kinimkim ay tila unti-unti ding nalusaw, ramdam ang mga luhang namumuo sa aking mga mata. Hinayaan ko siyang magsalita.
A-alam mo bang noong itinanan ako ni Rodel dahil nalaman ng mga magulang ko na buntis ako, inatake sa puso ang papa ko at namatay. Ngayon, itinakwil na ako ng mama ko at ng dalawa ko pang kapatid. Hindi na ako pwedeng umuwi sa amin. Masakit ngunit ang mas lalong masakit para sa akin ay ang paglayo sa taong minahal na siya ding dahilan ng lahat. At tuluyan na siyang humagulgol.
Ewan ngunit napaiyak na rin ako. Nakikita ko kasi sa kwento niya ang sarili ko noong nilayuan ako ng mga taong minahal. At alam na alam ko ang tindi ng sakit na naramdaman niya.
P-pasensya na Derick sa pagpapalabas ko sa iyo ng mga hinanakit ko. Ayokong isipin mo na sinabi ko ang lahat ng ito dahil sa gusto kong kaawaan mo ako. Hindi awa ang kailangan ko kungdi pang-unawa, at... pakikipagkaibigan. Ang hirap kasi ng may kinikimkim sa puso at walang kadamay. Para akong mababaliw. Sana lang ay mabawas-bawasan man lang ang dinadala kong sama ng loob. Ayaw kong magkimkim ng galit. Sana Derick, maging magkaibigan na lang tayo. Pinakawalan ko na si Rodel. Masakit pero alam ko, matatanggap ko rin ito. Huwag ka nang magalit sa akin.
At naalimpungatn ko na lang ang sariling niyakap siya, at pareho kaming nag-iiyakan.
May sasabihin pa ako, Derick, isang lihim na itinago-tago ko kay Rodel. Hindi ko sinabi ito sa kanya dahil ayaw kong mag-alala sya at maabala
A-ano iyon, Mae?
May
Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin.
(Itutuloy)
--------------------------------
[10]
Nagulantang na lang ako noong makitang namutla si Christine Mae at tila nawalan ng ulirat, hawak-hawak ang
ulo niya.
Mae anong nangyari sa iyo? Ok ka lang ba?
O-oo. Nahihilo lang ako. Dala lang ito ng pagbubuntis... Huwag kang mag-alala, Derick, maya-maya lang ay maging ok na ulit ako Ang sagot niya.
Sigurado ka ha? May dinandala kang bata kaya mag-ingat ka. Kinakabahan tuloy ako sa iyo. sabi ko.
Tumango siya kahit pansin ko sa mukhang tila nahirapan siya. Ok lang talaga ako, Derick.
Ok, simula ngayon, araw-araw na kitang dadalawin dito. At pangako, tutulungan kita.
Iyon ang nasabi ko; marahil ay bunga ng matinding awa sa kanya dahil kagaya ko, itinakwil din siya ng kanyang mga magulang at ang lahat ng paghihirap niya ay naranasan ko rin, lalo ang sakit sa paglisan ng minamahal. Sa nalaman, hindi magkamayaw ang utak ko sa kaiisip kung paano ko pa siya matutulungan.
Tuluyan ko na ring nalimutan ang kung ano man iyong sasabihin pa niya sanang lihim.
Nasa may pintuan na ako paalis noong, Derick may itatanong pala ako sa iyo
Medyo nagulat, bumalik ulit ako sa loob. Ano iyon, Mae?
M-may kilala ka bang Amelia Del Rosario? Amelia Robles noong dalaga pa?
Bigla akong natulala sa narinig. Bakit mo siya kilala?
Siya ang mama ko, Derick May natandaan kasi akong sinabi niya na kapatid daw niya na Derick din ang pangalan at itinakwil ng pamilya nila.
Pakiramdam ko ay lumulundag-lundag ang puso ko sa sobrang tuwa sa narinig. Ikaw ay pamangkin ko, Mae! Pamangkin kita! Kapatid ko ang mama mo! ang sigaw ko. Kaya pala noong una kitang makita, pansin ko kaagad ang tila pagkahawig mo sa kapatid ko!
At nagyakapan ulit kami, nag-iiyakan, ang mga hagulgul ay mistulang nag-aalo sa kahirapang dinanas at bigat ng dinadala ng isat-isa.
Hindi ko rin lubos maisalarawan ang sobrang galak na naramdaman sa pagkadiskubre ko sa pamangkin. At imbes na aalis na, tumagal pa ng ilang oras ang pagku-kwentuhan namin. Doon ko nalaman na umalis ang pamilya namin sa dati naming probinsya, namatay ang mama ko isang taon pagkatapus namatay ang tatay sa atake sa puso noong araw na itinakwil nila ako, at ang isa ko pang kapatid ay pumunta na ng Amerika. Nalaman ko din kay Mae na sabik na sabik na rin daw akong makita ng mama niya ngunit di lang nila alam kung saan ako hahanapin.
Alam ko; iyon na ang simula upang magkaroon muli kami ng contact ng mga kapatid ko at na makadalaw at makapaghingi ako ng tawad sa puntod ng mga magulang ko.
Dahil presko pa sa isip ng mga magulang ni Mae ang ginawa nitong pagtatanan at siguradong galit pa ang mga iyon sa kanya, Hayaan mo, Mae, isang araw, kapag nanganak ka na, puntahan natin ang mama mo, at dalhin natin ang bata sa kanya. Tingnan natin kung ayaw ka pa rin nilang tanggapin kapag nakita na nila ang bata... at ako ang payo ko na lang kay Christine Mae.
Binitawan ni Mae ang isang nigiting-pilit. Ewan ko, pero tila may matinding kalungkutan at malalim na kahulugan ang ipinakitang ngiti niya na iyon.
Iyon ang simula ng pagiging malapit namin ni Christine Mae sa isat-isa. At simula din noon, Tito na ang tawag niya sa akin.
Noong makarating na ako ng bahay, isang plano kaagad ang nabuo sa isip ko. R-rodel, nagkita kami ni Christine Mae sa bahay na inuupahan niya
Ano?! Ang tanong ni Rodel na may halong pagkagulat. Anong ginawa mo doon? Inaway mo ba siya? dugtung niya.
Hindi Rodel. Inimbitahan niya ako. Atsobrang awa ako sa nasaksihang kalagayan niya. Rodel, tulungan natin siya; si Mae ay pamangkin ko, Rodel!
T-tlaga? Ang may halong tuwa niyang pagkagulat. "Paano nangyari iyon?"
Mahabang kwento, Rodel. Pero kung papayag ka, dito na natin si Mae patuluyin. Dito tayo magsamang tatlo, magtulungan, magsimula...
Pansin ko kaagad sa mukha ni Rodel ang pag-aalangan. E paano ang set-up natin?
Nag-usap na kami ni Mae. At tanggap na niya na wala ka na sa buhay niya. Syempre, dito ka sa kwarto ko matutulog habang sa kabilang kwarto naman si Mae.
G-ganoon ba? Di ba siya lalong masasaktan sa set-up na iyon?
Rodel, huwag mo nang problemahin iyan dahil tanggap ni Mae ang lahat. At kung mahal niyo pa ang isat-isa, OK na rin para sa akin kung doon ka sa kanya. Sobrang awa ko kasi sa kanya, alam mo iyon. At ngayong alam kong pamangkin ko pala siya, at dinanas din niya ang dinanas ko na itinakwil ng mga magulang at magdusa sa pag-ibig, parang gusto kong magparaya. Parang gusto ko siyang pagbigyan, Rodel Di ba, ako ang Tito niya, at ako ang dapat na umintindi?
S-seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo? Tanong ni Rodel, tila di makapaniwala.
Oo Rodel. At kahit dito pa kayo titira, at ako ang bubuhay sa inyo at sa inyong mga anak, makakaya kong tanggapin ang lahat. Masakit, syempre, ngunit may tuwa naman itong maidudulot sa puso ko dahil ang mga magiging anak ninyo ay apo ko rin, at ikaw ay hindi naman napupunta sa iba, kungdi sa pamangkin ko. Napahinto ako ng sandali, pinahid ang mga luhang dumaloy sa mga mata ko. At ito na rin ang paraan upang maipakita sa mga kapatid ko na hindi ako ganyan kasama katulad ng iniisip nila sa akin. At malay mo rinbaka sadyang hanggang ganito lang ang kayang ibigay sa akin ng tadhana, na ang taong minahal ay magbigay ng supling na magiging apo ko naman, na magiging parte rin ng buhay at pamilya ko, na mag-aalaga at magmahal sa akin hanggang sa pagtanda ko. Di ba? Puwede na iyon...
Naalimpungatan ko na lang ang mahigpit na yakap ni Rodel sa akin, pinapahid ang mga luhang dumaloy sa sa pisngi ko. Alam mo Derick, patuloy mo akong pinahahanga. Napakalawak ng pang-unawa mo, napakalaki ng iyong puso. Kaya, lalong napamahal ka sa akin Binitiwan niya ang isang napakagandang ngiti; ang ngiting noon pa man ay nakabibighani na ng aking puso. Huwag kang malungkot, Derick. Kung iyan ang desisyon mo, OK lang sa akin. At ipinapangako ko, dito pa rin ako tatabi sa iyo. At inilapat niya ang mga labi niya sa labi ko.
Kinupkop nga namin si Mae. Sa kabilang kwarto siya natutulog sa dating kuwarto ni Marvin. (Si Marvin ay pinagawan ko ng kuwarto malapit sa garage). Maganda ang setup namin. Kami ni Rodel ang parehong nagtatrabaho, si Christine Mae ay sa bahay lang, habang si Marvin naman ang gumagawa sa mga gawaing-bahay at nagbabantay na rin kay Christine Mae. Sa pagsasama naming tatlo, lalo ko pang nakilala si Christine Mae. Mabait ito, masipag, masayahin, maaalahanin, at nagkakasundo kami sa maraming bagay. Tila perpekto na ang lahat. At kagaya ng pangako ni Rodel, sa akin nga siya tumatabi sa pagtulog. Masaya ako. At sa tingin ko naman ay masaya rin si Christine Mae.
Ngunit may napansin si Marvin kay Christine Mae. Silang dalawa lang kasi ang naiiwan sa bahay kapag nasa trabaho kaming dalawa ni Rodel. Isang gabi noong nasa bahay kaming lahat, isiniwalat ni Marvin ang napansin niya. Mae, sasabihin ko na sa kanila ang napansin ko sa iyo pambungad ni Marvin sa amin, tinitingnan si Mae.Ayaw kasi ni Mae na sasabihin ko ito sa inyo e.
Tiningnan ko si Mae. Hindi ito halos makatingin sa amin. Ano iyon, Marvin? ang tanong kong may halong pagkalito kay Marvin.
Ilang beses na kasing bigla na lang si Mae na natumba, nahilo, at sumakit ang ulo.
Ha?! T-too ba Mae?
Umiling-iling si Mae, tila ayaw tanggapin ang sinabi ni Marvin.
Ipa-duktor ka namin. Ang sambit ko kaagad.
Huwag na Tito! ang biglaang sagot naman ni Mae, tila nataranta.
Basta Mae, ipapa-duktor ka namin, baka kung mapaano ka at ang bata sa tiyan mo.
Hindi siya kaagad nakasagot. Maya-maya, O, sige, papayag ako kung mapilit kayo. Ngunit bago ako magpapaduktor, may hihilingin sana ako sa iyo, Tito.
O sige, ano iyon?
Dalawang linggo mula ngayon, magpi-pitong buwan na itong bata sa tiyan ko. Kung maari, simula bukas ng gabi, sa akin tatabi si Rodel, dalawang linggo hanggang sa magpi-pitong buwan na itong tiyan ko. Pagkatapus, magpa-party ako at kung maari ay imbitahin natin ang mga magulang ko at mga kaibigan. Atsaka pa lang ako magpa-duktor.
Hindi kaagad ako nakasagot. Lalo akong naguluhan at ang mga mata ay ibinaling kay Rodel. A eh. Walang problema kung sa iyo matutulog si Rodel. Sa party naman, OK sagot ko lahat ang gastos at imbitahin natin ang mga magulang at kaibigan mo. Ngunit, ang sa akin lang, di ba matagal ang dalawang linggo bago ka magpakunsulta sa duktor?
Huwag kang mag-alala Tito hindi naman grabe ang naramdaman ko. Kaya puwede pa iyan. ang paniguro ni Mae.
At nakumbinse naman ako, iniisip na OK lang talaga ang lahat kahit na may mga tanong din ako tungkol sa party na hiningi niya. Inisip ko na lang na importanteng okasyon iyon sa buhay niya, o baka, anniversary nila ni Rodel. O-e di sige. Ang sagot ko.
Natulog kami ni Rodel sa gabing iyon na halos walang imikan. Ngunit di rin ako nakatiis. Tumagilid ako sa kanya, idinantay ang isang hita ko sa harap niyang ang nakabalot ay brief lang, ang isang kamay ko naman ay sa ibabaw ng hubad niyang dibdib. Ramdam ng mga binti ko ang bukol ng kanyang pagkalalaki at sa kamay ko ang pintig ng kanyang puso. Ano ba ang okasyon at kailangan niyang magpa-party? Bithday niya ba? O anniversary ninyo?
H-hindi ang maiksing tugon niya, ang isang kamay ay marahang inihaplos-haplos sa kamay kong nasa ibabaw ng dibdib niya.
Nakalilito. Pero e di sige kung iyan ang gusto niya. Pagbigyan ko siya.
Tahimik.
B-bukas, sa kanya ka na tatabi... Halos mabilaukan ako noong lumabas sa mga bibig ko ang mga katagang iyon.
Tahimik pa rin siya.
Nagpatuloy ako. D-dapat lang naman siguro, diba? Dahil buntis siya at ikaw ang ama ng dinadala niya. Dapat mo siyang damayan.
Nahihiya lang ako sa iyo eh
At bakit naman?
Ipinangako ko sa iyo na hindi kita iiwan. Ayaw kong isipin mo na katulad ako sa ibang mga lalaki dyan na sinabi mong hindi marunong manindigan; na nagbibigay pasakit sa puso ng mga kagaya mo. Ayaw kong isipin mo na isa ako sa kanila Mahal kita at gusto kong ipakita sa iyo na kaya kong panindigan ito.
Huwag kang mag-alala Rodel. Alam ko, noon pang bumalik ka sa akin sa kabila ng pagkabuntis ni Mae, na iba ka sa mga lalaking nanloko at nagpaluha sa akin. Noon pa, alam kong marunong kang manindigan Kaya wala ka nang dapat pang patunayan
Tiningnan niya ako, binitiwan uli ang pamatay niyang ngiti, hinaplos-haplos ang pisngi ko. Eh paano ka dito?
Napangiti ako sa narinig. Ano ka ba? Bahay natin ito. At nag-usap na tayo tungkol dyan, di ba? Atsaka, dalawang linggo? Wala iyan Rodel. Huwag kang mag-alala, OK lang ako. Promise.
At kinabukasan nga ng gabi, si Rodel at Christine Mae ang nagsiping sa kabilang kuwarto habang ako ay natulog na nag-isa sa kuwarto namin ni Rodel
(Itutuloy)
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
kuya. bitin nanaman!
ReplyDelete