Followers

Monday, June 28, 2010

Ang "King" At Ang Kanyang Alarm

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

Author's Note:

Binabati ko din pala sa post ko na to si Paul...
At iyong ibang hindi ko na nabanggit, paki remind lang po, hehehe.

------------------------------------------

Alas 10 ng umaga, June 9, 2010 noong umalis ang sasakyan naming bus galing North Terminal ng Cebu. Walang mapagsidlan ang saya at excitement ko sa biyaheng iyon. Hindi lang dahil unang pagkakataon ko pa lang na makapuntang Bacolod City, ang siyudad na tinatagurian nilang “City of Smiles” ngunit higit sa lahat, iyon ang pagkakataon pagkatapos ng isang taong nasa baroad ako na makita ang isa sa pinakamalapit na tao sa aking puso – si Dennis.

Si Dennis ay taga Bacolod. Nagkrus ang aming landas sa Maynila noong mapadpad siya roon gawa ng paghahanap ng trabaho. Taong 2007 iyon.

(Note: Si Dennis ang inspirasyon ko sa paggawa ng “Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan”. Alam niya rin na siya ang “Kuya Rom” character ng kuwento ko. Sa kanya ko rin nakuha ang kuwento na Paraffle na pag-ibig nang may mga gay na kaibigan akong nagtanong sa akin kung saan ko siya napulot ang ang sagot niyang pabiro sa akin ay “Sabihin mo sa kanila na napanalunan mo ako sa raffle”)

Actually, hindi ako dapat pumunta pa ng Bacolod dahil sa kapag ganoong bakasyon ko kasi, si Dennis palagi ang pumupunta ng Leyte upang magkita at magsama kami. Subalit, may trabaho na siya at under probation. Ayaw daw niyang mabahiran ng pag-aabsent ang kanyang record dahil pinangarap niyang maging regular sa tinatrabahuhan. Kaya napagpasyahan namin na ako na ang pumunta sa lugar niya. “Ako ang bahala sa inyo kapag pumunta kayo ng Bacolod babes!” ang paniniguro niya.

Ang totoo, bago ko pa nakilala si Dennis, may tatlong taon ding nabakante ang puso ko buhat nang maghiwalay kami nang huli kong nakarelasyon. Puro lang kasi paglalaro at panloloko ang ginawa niya. Parang napagod din ang puso ko. Bagamat nawalan na ako ng pag-asa dahil nasa edad 43 na ako noon, ngunit syempre, pinangarap ko pa ring magkaroon ng isang taong tunay na magmamahal, na siyang makapagbigay ng inspirasyon… ng kalinga. Lahat naman siguro tayo ay nangangarap ng ganyan.

April – May, 2007 ay bakasyon ko. Nasa probinsya pa ako noon ngunit malapit nang lumuwas ng Maynila dahil sa nalalapit na pagbalik ko na naman ng Saudi. Napagkatuwaan ng mga pamangkin ko na magpahula ng baraha. Natawa ako dahil alam ko naman na ang mga hula ay kadalasang sumasablay, at kung may tumama man, ito ay maaaring coincidence lamang. Ngunit may sinabi sa akin ang manghuhula na hindi ko inaasahan, “Mike, may isang ‘King’ ka sa buhay mo…”

Hindi ko lubos maintindihan ang sinabi niyang iyon. Nagkatinginan kaming bigla ni Josh, ang anak kong 15 years old. Ang iniisip ko naman kasi ay kaibigan. Ngunit marami naman din akong kaibigan kaya nalito ako kung bakit na-single out ang King na iyon. “Ano uli? Marami naman akong kaibigang lalaki eh. Normal lang siguro iyang lalabas ang King.” Ang sabi ko.

“Hindi, iba ito. Siya ay isang protector mo.”

“Ah…” ang nasambit ko. Ngunit ang sumagi sa isip ko na maaring iyon ay ang itay na may ilang taon na ring pumanaw o kung hindi man siya, ay ang patron saint kong si Saint Jude. Kahit papaano, may pagka-spiritual din kasi ako. Kaya tinanong ko siya uli, “Ito bang ‘King’ na ito ay spiritual o physical?” inaasahang mag-isip pa siya, maghanap kumbaga ng lusot kung paano paninidigan ang sinabi sa akin.

Ngunit diretsahan niyang sinabi ito, “Hindi. Tao siya, sa kanya ka humuhugot nga lakas at inspirasyon.”

Gusto kong tumawa sa pagkaaliw ko sa narinig na sinabi niya dahil sa totoo lang, hindi ko naman alam kung may lakas at inspirasyon pa ba ako. Bored-to-death na nga ako; walang lovelife, walang kaibigang lalaki na nag stand out talaga na masasabi kong hinuhugutan ko ng lakas. “Sablay na naman!” ang nasabi ko na lang sa hula niya sabay iling at bitiw ng palihim na ngiti.

Ngunit gusto ko mang iwaglit sa isip ang sinabing iyon ng manghuhula palagi naman itong sumasagi sa isip ko to the point na pati ang anak kong si Josh, ay kinukulit ko. “Kuya…” (Kuya ang tawag ko sa kanya) “…hindi kaya ikaw ang ‘King’ na sinabi ng manghuhula?”

Ngunit tinatawanan lang ako ng anak ko, “Paano ako maging king eh, di ba dapat prince ako?”

Tama nga naman siya.

Mayo 18, 2007. Hindi ko malimutan ang petsang ito. Nasa Maynila na ako noon, isang linggo bago ang pagbalik ng Saudi. Nakapagbitiw ako ng salita sa anak ko noong nanghingi siya sa akin na gusto niyang tumikim ng babae. Pinagbigyan ko siya sa gabing iyon. Noong dumating na ang babae sa hotel namin, syempre, umalis ako, iniwanan silang dalawa sa kuwarto. Sa paglabas ko ng hotel, doon na nag-krus ang landas namin ni Dennis. (Para sa buong kuwento kung paano kami nagkakilala, nasa blog ko “When Josh Learned of My Secret” at ang “Dennis”).

Iyon ang simula na officially naging mag-“on” kami. At marami-rami ring mga malalalim at mga intimate na mga pinagdaanan at pinagsamahan namin ni Dennis na tumagal ng mahigit apat na taon.

Heto ang mga nakakakakilig at katatawanang mga experiences na hinid ko malilimutan sa kanya:

1. Ibinibida niya ako palagi sa ate na siyang guardian niya sa Maynila (sa Manila kami nag meet) na mabait daw ako, tinutulungan siya (pinaapply ko kasi siya sa trabaho ko bagamat nabulilyaso dahil sa tama niya sa baga)
  
2. Iyong hindi siya pinapayagang matulog sa ibang bahay ngunit kapag ako ang nagpapaalam sa ate niya (dinadala ko siya sa Batangas) ay pinapayagan siya;

3. Iyong kahit napakalayo ng Leyte sa Bacolod (sasakay ng bus at barko) ay pinuntahan pa rin niya ako kapag bakasyon ko at nasa Bacolod siya.

4. Iyong nakikipagbonding siya sa pamilya ko, lalo na sa mga pamangkin kong mga lalaki na dadalhin niya sa gym upang maglaro ng basketball, maghanap sila ng kalaban, o di kaya ay kasali sa pakikipag-inuman ng pamilya ko. 

5. Iyong babarkadahin niya ang anak kong binata.

6. Iyong pumili siya ng mga saplings ng puno at itanim ang mga iyon sa harap ng aking bahay. (Tatlong Indian Tree at isang “Anislag”)

7. Iyong kapag inaaway ko siya na nasa bahay kami, lalabas iyan sa kuwarto namin, makikipag-inuman sa mga pamangkin ko at kapag nalasing na, papasok sa kuwarto ko, hindi ako papansinin, hihiga lang sa tabi ko, nakatagilid paharap sa kabila ngunit kapag pipilitin ko nang yakapin at susuyuin, parang bata na magsusumbong na inaaway ko siya, na uuwi na lang siya, nagsisi na sumama, at minsan ay iiyak pa.

8. Iyong nasa Saudi ako at sa Manila siya at magagalit ako, sasabihin kong “Ayoko na! Hiwalay na tayo!” at ang isasagot niya ay, “Ayoko nga! Hindi puwede!”

9. Iyong magagalit siya sa akin ay ayaw niya akong kausapin sa telepono. Tila nagsusumbong sa kanyang Ate na siyang sasagot, “Mike… ano ba ang nangyari? Ayaw ka niyang kausapin! Naiinis daw siya sa iyo…”

10. Iyong magseselos ako (nasa Saudi ako), at itatanong kung sino ang ka date, magrereason-out sasabihng, “Kung ayaw mong maniwala, itanong mo sa ate ko!” (At ma-shock naman ako dahil ganyan na ba kami ka close ng ate niya? Alam ba ng ate niya na magjowa kami?)

11. Iyong nagbakasyon kami sa probinsiya at tsamba na binaha kami, siya ang ang naglinis ng bahay ko.

12. Iyong isang beses na pabalik na ako ng Saudi, galing kami ng Batangas patungo ng airport at nasa likod kami ng bus. Malungkot na malungkot ako, walang imik. Bigla niyang hinawakan ang aking ulo at iniharap ang mukha ko sa mukha niya at hinalikan, sabay sabing“Ma miss kita…” 

13. Iyong babasahin niya ang mga isinulat kong kuwento, magtatanong ng kung anu-ano like “Paano nabuo sa isip mo ang mga ganito? Naranasan mo na ba?” At hihingi pa ng copy na may pirma, tapos sasabihin, “Ang galing mong magsulat. Souvenir ko to sa iyo”. 

14. Iyong proud niyang sasabihin na, “Pinabasa ko ang Idol Ko Si Sir” mo sa mga pinsan at pamangkin kong babae. Nagustuhan nila, maliban sa sex part na nalalaswaan sila,kapwa lalaki.” at magtatawa.

15. Iyong dating nasa Tristan CafĂ© pa ako nagsusulat at makikipag chat ako sa mga followers at siya, gagamitin ang bogus na acct niya makiki-join din sa chat. Tapos, makikipaglandian ako sa isang follower at mainis siya, sasabihing, “Ang landi mo idol!” sabay log out.

16. Iyong nasa bakasyon kami sa probinsiya at lalabhan niya ang damit ko. Iyong mag-volunter din siyang magluto ng kanyang specialty na ulam para sa aming lahat.

17. Iyong habang nagmumuni-muni kami sa terrace ng bahay ko, magmamasid sa paglubog ng araw, bigla siyang bababa at pagbalik ay may dala nang bini-blender na prutas nasa pitsel at may dalawang baso. 

18. Iyong mga exciting na adventure naming na kung saan-saang lugar kami nakakarating.

19. Iyong ini-encourage niya akong magsulat. Nang sinabi ko sa kanyang ikaw ang character na "Aljun" sa “Paraffle Na Pag-ibig” dahil sa sinabi mong sabihin ko sa mga kaibigan ko kung saan kita napulot. Tuwang-tuwa siya.

20. Iyong text nang text siya sa akin habang nasa Saudi ako at baligtad dahil ako itong naiinis dahil nga mahal ang load at lugi ako sa kanya, naka-unli. Tapos siya naman itong magagalit kapag hindi ko sinasagot ang mga texts niya.

21. Iyong palagi niyang pagsasabi sa text ng, “I Love You!” na minsan ay hindi ko sinasagot.

22. Iyong kapag sinabi kong magchat kami, kahit wala siyang internet sa bahay, pupunta siya nang comp shop para lang magchat kami.

23. Iyong dahil palagi niya akong tinitext at siya palagi ang nakakaalam na may atake ako, or nasa ospital ako, at alagi niya akong sinasabihang mag-ingat sa mga kinakain, wag pumalyang mag-take ng gamot...

24. Iyong kumanta siya ng "Three Times a Lady" at inaakbayan niya ako at tinitingnan na para bang para sa akin ang kinanta niyang iyon.

25. Iyong nagpunta kami ng Cebu at sumama kami sa isang kaibigan doon. Nang umuwi na kami ng hotel, sinabi ko sa kanya na, "Nagtanong ang kaibigan ko, saan daw kita napulot! Ang yummy mo raw kasi..." na sinagot naman niya ng, "Sabihin mong napanalunan mo lang ako sa raffle!" sabay tawa. (Ito ang inspirasyon ko sa kuwentong, "Paraffle Na Pag-ibig")

26. Iyong nakikita mong inaalagaan niya ang ibinibigay mong gamit.

Heto naman ang mga nakakatawa:

1. Iyong pinakaunang punta niya sa bahay ko. Naupo kami sa terrace, biglang tumayo sabi, “Ang ganda ng bahay mo!” Tapos, binuksan ang zipper niya, inilapit ang harapan sa may barandilya at hayun, umihi. Ang lakas pa ng tawa habang lumalagapak sa baba ang kanyang ihi. “Bakit ka umihi d’yan! May CR sa kuwarto!” ang sigaw ko. Sagot niya, “Para hindi mo ako malilimutan na isang araw ay may umihi dito sa magandang sa terrace mo, at ako iyon!” na nagtatawa pa rin.

2. Iyong nabahaan kami sa probinsiya at nagkataong nagbakasyon din kami, habang nag-evacuate ang lahat na mga kamag-anak ko sa bahay ko (dahil malaki naman ito at kungkreto), napalibutan na kami noon ng tubig pero masaya pa rin. Naisipan ng ate ko na gumawa ng ginataang bilo-bilo. Si babes ang namili ng niyog, at siya rin ang nagkudkud gamit ang manual na kudkuran. Excited kaming lahat na maluto na dahil nga bagyo, baha, at masarap kumain ng ganoon. At kumpleto pa sa sahog ang niluto ng ate. Nang naluto na doon na namin napansin ang kakaibang amoy ng kanyang bilo-bilo! Amoy ebak! Iyong niyog pala na kinudkod ni babes ay may tama! Tawa na lang kami nang tawa… isang malaking kaldero pa naman iyon.

3. Iyong nasa Bacolod siya at naglalaro ng basketball at nang tinawagan ko ay iyon nga, sinabi niyang naglalaro sila kasama ang kuya niya. Tanong ko, “Guwapo ba ang kuya mo?” Saogt niya, “Mas guwapo pa iyon kaysa sa akin!” Sagot ko rin na sumigaw, parang bata, “Akin na lang ang kuya mo babes! Sabihin mo sa kanya plis!!!” Tawanan na lang kami, sabi niya, “Ulol ka talaga!”

4. Iyong nag-apply siya sa kumpanya ko at hindi siya naniniwala na isa ako sa mga interviewers. Nang dumating ako ng Pinas, doon siya nagulat. Tapos ang ending, sa hotel ko rin siya natulog at ako pa itong nag-plantsa sa damit niya, at ang isa kong pantalon ang isinuot niya sa pag-interview namin sa kanya.

5. Iyong nakahiga na kami pareho at nauutot ako, sasadyain kong umutot habang nakatalukbong kaming dalawa sa kumot. Tapos bigla siyang babalikwas, "Ano baaaaa!" at lalabas ng kuwarto, "Tangina!"

Kilala siya sa at close sa mga kapatid ko, sa mga pamangkin, sa lahat ng miyembro ng pamilya ko. Close din sila ng anak kong si Josh. Nagba-bonding sila, laro ng basketball, punta ng beach, gala... At ang pinaka-sweet sa lahat ay ang palagi niyang nariyan sa bawat pag-atake ng aking sakit. Sa panahon kasing iyon ay kasagsagan ng aking sakit na tinatawag na “Meniere’s Disease”. Kung saan-saang hospital na lang ako pumupunta noon upang maghanap ng lunas. ang atake ay ang vertigo, isang kundisyon kung saan ay biglang iikot ang aking paligid at matutumba ako, magsusuka at hindi makatayo ng ilang oras. At dahil nga palagi niya akong tinitext, lagi ring siya ang unang nakakaalam kung may atake ako, kung na-admit ako ng ospital, o kung ano ang kalagayan ko. Alam niya ang lahat nang ito. At ramdam ko ang pagkaawa niya sa akin. May isang beses nga, umuwi ako ng Pinas noon, heto ang nangyari –

“Babes… wala akong kasama sa pag-uwi ng Leyte. Hindi makakasama si Loloy eh. Walang bantay sa tindahan, may sakit ang papa niya. Hinatid lang niya ako rito sa airport.” ang sabi ko sa telepono kay Dennis, ex ko, nang nasa airport na ako, hinintay ang flight ko. Kasagsagan iyon ng pag-aatake ng aking vertigo at isa sa dahilan kung bakit napaaga ang bakasyon kong iyon ay dahil nagpasecond opinion ako sa aking sakit na meniere’s sa Manila. Sa Saudi kasi halos lahat ng ospital ay napuntahan ko na at wala raw silang lunas para sa ganito.
  
“So… ano ngayon?” ang sagot niya.
  
“Samahan mo ako!” 
  
“Sa probinsiya? Alam mo namang hindi puwede eh! May araw-araw akong bisita sa clinic at hindi puwedeng pumalya ako dahil magsisimula na naman ako kapag pumalya rito, kahit isang araw, ano ka ba! At mamaya na ang schedule ko sa clinic sa araw na to!” ang bulyaw niya, nagmamaktol sa kabilang linya. Si Dennis kasi ay diskubreng may tama sa baga kaya kailangang araw-araw na pupuntang clinic upang maturukan ng gamot. Walang palya iyon dapat dahil kung pumalya raw, magsisinula muli at ang gamot ay may matindi na dahil maging immune ang bacteria. Ito ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang pag-abroad niya noong nainterview n asana siya at pumasa.
  
“O e di sige, ako na lang mag-isa. Kapag may nangyari sa akin sa biyahe ko, o hindi ako makarating sa ng Leyte, alam mo na, inatake ako niyan. Baka nalaglag sa hagdanan ng eroplano at nabagok ang ulo, o di kaya ay natumba sa daan at nasagasaan.” ang biro kong pangungunsiyensya.
  
“Tangina ka! Tapos ako, kapag sumama sa iyo, ang sakit ko naman ang lalala!”

“Kaya nga ako na lang ang mag-isang bumiyahe eh. Gago!” Ganyan kasi kami kapag nag-uusap kapag mejo may inisan. May tangina, may gago, may tarantado, may ulol...
  
“Anong oras ba ang flight mo!” ang tanong niya.

“Alas 2 pa naman, may dalawang oras pa.”

“Tangina ka talaga!” ang sigaw niya sabay patay na ng telepono. Iyon ang huling narinig ko sa kanya. Mura. 

Nag check in na lang ako. Isang oras bago ang aking flight, hayan may text. “Tawagan mo ako!!!” halatang galit sa text.
  
Tinawagan ko. “Bakit?” ang sambit ko kaagad nang nacontact ko na.

“Nasaan ka!” ang tanong, mataas ang boses.

“Nandito pa sa loob! Hindi pa ako pumasok sa pre-departure lounge.” 

“Nandito rin ako sa loob ng airport, hinahanap kita!”

Mistula namang naglulundag ang aking apdo sa narinig. Nakita ko nga siya, dala-dala ang isang traveling bag at isang knapsack, nakasimangot. “Ngayon, anong gagawin natin? Wala akong ticket at may isang oras na lang at flight mo na!” 

Dali-dali ko siyang dinala sa Cebu Pacific Booth at nag-inquire kami kung pede pang kumuha ng ticket sa flight ko. Ngunit hindi na kami pinayagan. Nakacheck-in na raw kasi ang mga pasahero at malapit nang mag boarding. kaya wala na kaming nagawa kundi ang bumili ng isang ticket para sa sunod na flight, sa isang oras pa. “Hintayin na lang kita sa Tacloban airport.” ang sabi ko.

Kaya hinintay ko siya roon. Nang nakarating na siya, imbes na dumiretso na kami sa bus station, aba niyaya pa akong maghotel at kinabukasan na raw kami tumungo ng Baybay. Napangiti naman ako nang malaswa. May pakindat-kindat pa.

Natawa rin siya, sabay sigaw ng, “Tado!”

Ngunit iba pala ang dahilan kung bakit kami pumasok ng hotel. Pagkapasok na pagkapasok namin, agad niyang inilatag ang bag niya sa ibabaw ng kama at hinugot mula roon ang syringe at isang maliit na bote na may lamang liquid. “Ano iyan?” ang tanong ko.

“Gamot ko! Di ba sabi ko, hindi ko dapat malakdawan ang injection ko? Kaya nakiusap ang ate ko sa center na kung puwede, magbaon na lang ako ng gamot ko… para lang masamahan kita. Kaya magpasalamat ka dahil pumayag na ang ate ko mismo ang nagrequest sa kaibigan niyang head ng clinic! Sabi ng ate, ikaw raw ang magturok sa akin niyan!” 

Napatitig na lang ako sa kanya. Para bang “Wow… ginawa niya iyon para sa akin talaga?” 

Ngunit ang ending, siya pa rin ang nag-injection sa sarili niya dahil natakot ako.

Kaya tungkol sa hula na iyon, doon ko napag-isip-isip na baka siya nga ang tinutukoy ng manghuhula na “King” ng buhay ko.

Habang binaybay ng bus ang highway patungong Toledo City (dulo ng Cebu island), sumiksik sa isipan ko ang pianagdadaanan din ni Dennis sa highway na iyon. Dalawang sunod-sunod na taon kasi bago iyon, siya ang nagbibiyahe papunta sa lugar ko kapag nagbabakasyon ako sa hometown ko. Sa biyahe kong iyon ko narealize kung gaano pala katindi ang pinagdaanan niyang sakripisyo upang makapunta lang sa probinsiya ko – upang magsama kami sa maiksing panahon ng aking bakasyon. Sasakay siya ng bus sa Bacolod papuntang San Carlos City. Sa San Carlos City ay sasakay naman siya ng Ferry Boat upang makatawid papuntang Toledo City. Sa Toledo City, sasakay uli siya ng bus papuntang Cebu City. At sa Cebu City, sasakay uli siya ng barko papuntang Leyte. At doon ay sasakay muli ng bus papunta sa lungsod namin. Ang buong biyahe ay tatagal ng may 16 – 20 oras. Kung ikumpara ang biyahe ko galing Manila papuntang Saudi, una pa akong makarating sa destinasyon ko kaysa sa kanya. Kaya kapag sa bakasyon ko ay inaaway ko siya at sinasabihang di naman niya talaga ako mahal, ang isasagot niya lagi ay, “Tado! Pupunta ba ako dito at tatawirin ang dalawang dagat para lang makasama ka?”

Syempre, feeling haba-ng-hair ako although sa panahong iyon, hindi ko pa masyadong naapreciate ang paghihirap niya sa pagbiyahe. Ngunit sa biyahe kong iyon ko napagtanto na mahirap pala talaga. Masakit sa katawan, nakababagot, pakiramdam ko ay napakabagal ng oras, palipat-lipat ng masasakyan, gusto kong matulog ngunit di ako makatulog dahil sa hirap ng puwesto, at delikado ang daan sa parte kung saan ay ang mga burol ay matitirik.

Anyway, pagkatapos naming matawid ang San Carlos City ng Negros island, umarangkada na naman ang bus at binaybay ang matirik at makitid na highway patungong Bacolod City. Halos apat na oras din ang biyahe na iyon. Habang palapit nang palapit na ang bus sa siyudad, di na ako magkamayaw sa naramdamang excitement, nagtatanong kung ano na ang hitsura niya, kung ganoon pa rin ba siya, wala bang nagbabago...

Naalala ko may tatlong linggo bago ako magdesisyon na lumuwas patungong Bacolod, hindi ko na siya makontak pa. Hindi ko alam kung ano ang tunay na dahilan. Ang buong akala ko ay tapos na ang lahat sa amin. On-and-off din kasi ang relasyon namin. Maraming beses na sa mga maliliit na bagay ay hindi magkasundo, mag-aaway agad, at hindi na magt-textan. Pero magkabalikan naman agad, hindi aabot ng ilang araw ay magtitext ulit iyan sa akin. At siya talaga ang unang magti-text.

Ngunit parang feeling ko ay iba ang hindi na niya pag-contact sa akin sa sandaling iyon. Kinutuban ako dahil noong tinawagan ko ang number, hindi ko na makontak ito. Maraming beses na rin kasing palipat-lipat siya ng numero. At ang dahilan ay ang mga nangungulit. Naniwala naman ako. Dahil sa angking tangkad at tindi ng appeal ni Dennis, di maiwasang marami talaga ang hahanga at ma-in love. Eh, magaling na basketball player pa, at kung saan-saan naglalaro. Ang masaklap pa, may ugali siyang kapag alam niyang may gusto sa kanya ang babae at type din niya ito, hindi puwedeng palampasin niya ang pagkakataon na hindi niya matikman ang babae kung type rin niya ito. Para sa kanya, laro-laro lang naman ito, parang basketball na pagkatapos i-enjoy, pwede nang kalimutan. Kaya, kapag ganoon ba naman ang ugali ng tao at mage-expect ang babae pagkatapos na nangyari sa kanila, syempre, katakot-takot na panggagalaiti ang aabutin niya kapag na-frustrate ang pobre. Kaya siya palit nang palit ng numero. Ngunit kapag nagpalit naman siya, tinitext niya kaagad ako. “Babes, heto ang number ko”. Kahit papaano, happy na rin akong isa ako sa mga priority niyang i-contact.

Kaya sa pagkakataong iyon na di na siya kumuntak, doon ako kinabahan kasi mahigit ding isang linggo iyon. Akala ko nga, iyon na ang huli namin eh. Ngunit nag text din naman pagkatapos. Ang siste, naukit sa isip ko ang dahilang binanggit niya kung bakit daw siya nagpalit ng numero – gusto na raw niya akong kalimutan.

“Wow? Ako pa talaga ang dahilan! parang isa lang sa mga babaeng nabiktima niya!” sa sarili ko lang.

Pero hindi ko na pinatulan pa ang sinabi niyang iyon. Hinid ko na pinalaki. Sa isip ko naman kasi ay hahantong kami sa ganoon, na limutin din niya ako. May dulot na sakit din ito. Ngunit alam kong may explanation siya. Hindi ko na inalam pa. Pakiramdam ko kasi masakit sa akin ang malaman ang explanation niya. Bagamat pinag-usapan na namin na kahit ilang babae pa ang ma-involve sa kanya, o kahit maisipan na niyang mag settle down sa iisang babae, ok lang sa akin kasi alam ko na isang araw ay magdesisyon talaga siyang mag-embark sa isang journey patungo sa kanyang pangarap na magkaroon ng pamilya at mga anak. At sigurado ako na malapit na iyon dahil 27 na siya. At sinabi ko rin sa kanya nang diretsahan na ayaw kong maging hadlang sa pangarap niyang iyan. Masakit man para sa akin pero ipinangako kong magparaya pa rin ako dahil alam ko na ang isang kagaya ko o ang kagaya ng relasyong kinasasangkutan namin ay hindi kailanman magiging panghabambuhay, lalo na sa side niya na sa simula pa lang ay klaro na na hindi ako ang hinahanap niyang maging katuwang sa buhay na pinapangarap niya.... Masakit pero iyan ang katotohanan. At wala akong choice kundi ang tanggapin ito nang maluwag sa kalooban. At least, ang kunsuwelo ko na lang ay kahit sa maikling panahon, naranasan ko rin ang magmahal, ang maging masaya, ang mahalin ng isang katulad ni Dennis…

Sa panahong iyon, ilang beses na rin niyang sinabi sa akin na wala siyang girlfriend at ni wala nga daw siyang sex life. “Imagine? Di ako makapaniwalang tumagal ng ganitong wala akong naka-sex man lang?” pagmamayabang niya.

Syempre, tumaas ang kilay ko sa sinabi niyang iyon. “Si Dennis?????” Sa isip ko lang. At ang naisagot ko na lang sa kanya ay, “Magpakatotoo ka kasi…” Minsan, iyan din ang dahilan ng munting away namin.

Naalala rin ang isang beses, matindi ang away namin at napagdesisyon naming wala na, tapos na ang lahat. Noong mag-open ako ng YM, naka online siya at nag message, “Musta?”

“OK lang… Ba’t ka nagme-message sakin?”

“Wala lang. Sana ganoon pa rin tayo.”

“Tado!”

“Oo nga. Ayoko sanang mawalay sa iyo. Kung hindi man bilang karelasyon, at least kaibigan…”

Sinagot ko siya ng pabalang. “Neknek mo!” Ngunti ito ang tumatak sa aking isip. Tama nga naman siya. Sa isang katulad ko, maging masaya na lang ako na kung sakaling matapos na ang lahat sa amin, masarap pa ring nandiyan siya, kaibigan. At kahit papaano ay natuwa ako sa sinabi niyang iyon. Ibig sabihin, hindi ako katulad sa ibang mga babae niya na pagkatapos matikman, ay burado na sa kanyang buhay.

Ewan ko kung ma-blame ko rin si Dennis sa ugali niya. Pero ang sigurado ako, may soft spot ang pagkatao niya. Na-obserbahan ko ito lalo na kapag nalasing siya at kaming dalawa lang ang nakahiga sa kwarto. Maglalambing iyan na para bang isang paslit. Magkukuwento, magdadabog na tila nagdadramang umiiyak kunyari na di mo maintindihan habang yumayakap sa akin. “Kaw kasi… inaway mo ako kanina, sinumangutan mo ko.” O kaya’y, “Bakit mo kasi ako inwan kanina sa basketbolan, naiinis tuloy ako sa iyo eh!” Iyan ang napansin ko sa kanya. Kaya nasabi kong mayroong parte si Dennis na marahil ay tugma sa patagong relasyon namin.

Anyway, dahil sa pag text niyang muli sa akin ay natuloy din ang biyaheng iyon, kasama ang dalawa kong mga pamangkin (ang anak kong si Josh ay hindi nakasama dahil sa klase at inatake ang lolo niya at na-ospital).

Pagdating na pagdating namin ng Bacolod, dumiretso kagad kami sa fastfood chain kung saan siya nagtatrabaho. Noong nasa loob na kami ng kainan, magkahalong excitement, pananabik at pag-aalinlanganang nadarama ko. Hindi ko na kasi alam kung siya pa rin ba ang “Dennis” na kilala ko o kung kasing-init pa rin ba ng dati ang ipapakita niyang pagtanggap sa akin.

Ngunit walang Dennis akong nakita sa loob ng kainan na iyon. Naghanap muna kami ng mauupuan sa isang kanto at inilatag ang dala-dala pa rin naming mga bagahe. Pina-order ko ng makakain ang mga pamangkin ko habang naupo ako sa silya nagtitext, “Nandito na kami! Nasaan ka na?”

Walang sumagot. Kinakabahan na ako. Tumawag ako sa linya niya ngunit wala na namang contact. Grabe, sobrang natakot na ako. Bumalik na sa mesa namin ang mga pamangkin ko dala-dala ang number ng order namin at inilatag iyon sa mesa. “Nakita ninyo si Dennis doon sa counter?” ang tanong ko kaagad

“Wala Tiyo eh.” Sagot ni Norman, bakat sa mga mata ang pagkapagod sa biyahe.

Habang umihi ang dalawa kong mga pamankin, naiwan akong mag-isa. Naghintay ako ng sagot mula kay Dennis. Iniikot-ikot ko ang mga mata sa mga crews sa loob ng kainan. Wala akong nakita. Text uli ako. Walang sagot. Pakiramdam ko natuturete na ang aking utak, lalo na na mag-aalas otso na iyon ng gabi.

Nasa ganoon akong pagtitext at nakayuko noong inihatid na ang order namin. Tahimik na inilatag ito ng crew sa mesa. Noong inangat ko ang paningin, bigla namang naglulundag ang puso ko. Si Dennis!

“Good evening Sir! Anything I can do for you?” sambit niya nanatiling nakatayo, nakatingin sa akin, pansin sa mga mata ang sobrang excitement. Binitiwan niya ang nakakalokong ngiti habang kitang-kita ko ang pagbakat ng mga dimples niya sa kanyang pisngi.

“Shiitttt!” Sigaw ng utak ko. “Ang pogi talaga ng babes ko!” Naka-suot unipormeng striped na polo na tinakpan ng jacket na itim, slacks na itim. At ang ningning ng mga mata niya ay mistulang tuwang-tuwa na nakita ako. Ngunit syempre, hindi ko ipinahalata ang kasabikan ko. Andami kayang mga tao at may mga kasama pa siyang mga katrabaho. At alam ko namang hindi kami pwedeng maglantad sa ganoong klaseng pampublikong lugar. Ayaw ni Dennis ng ganoon.

“Kanina pa kayo?” tanong niya, nanatiling nakangiti pa rin.

“Noong mag-text ako sa iyo… Bakit pala hindi ka naming nakita riyan?” Turo ko sa counter.

“Kararating ko lang. Nagdelvier ako. Nagmamadali pa nga dahil daratign kayo eh. Nang nakita ko kayo, ako na ang kumuha ng order ninyo…”

Napangiti na lang ako. “Ganoon…”

“Ah... O sige, kain muna kayo at tatapusin ko lang ang ginagawa ko. Patapos na rin ang duty ko. Pagkatapos, ihahatid ko na kayo sa hotel ninyo.”

“O sige...” sagot ko.

Tumalikod siya, tinumbok ang counter. Nang nakasalubong niya ang pamangkin kong galing sa CR, pabirong tinampal niya ang puwetan nito, sabay lingon uli sa akin at binitiwan ang isang nakakalokong kindat.

Syempre, heaven ang pakiramdam. Gusto ko man siyang dakmain kaagad, hindi ko magawa. “Mamaya ka lang...” ang sigaw ng utak kong naalipin ng pangigigil at kalibugan.

Nang hinatid niya kami sa aming hotel, napangiti naman ako dahil ang pangalan ng hotel ay, “King’s Hotel”. May naalala kasi ako, iyong hula na may isang “king” ako sa aking buhay. Parang nagkatotoo. Si Dennis ang aking “King”, at hinatid niya ako sa “kanyang” hotel.

Kinagabihan, umaatikabong bakbakan sa kama ang nangyari...

Happy ako sa buong magdamag na iyon. Walang pagsidlan ang sobrang sarap na nadarama at ang saya na makapiling ang mahal sa buhay. Ang buong akala ko ay tuloy-tuloy na iyon.

Kinaumagahan, day off niya. Ngunit nagpaalam sa akin na uuwi muna siya at magpa check attendance daw sa bahay. Ang nanay niya raw kasi ay minsan hindi nawawala ang pag-alala at kapag nagalit ito ay parang machine gun ang bibig.

Pumayag ako. After lunch nagtext siya sa akin. “Babes, samahan mo ako doon sa motorsiklong huhulog-hulogan ko ha?”

Sumang-ayon naman ako. May usapan kasi kaming bibigyan ko siya ng pangdown payment sa pinangarap niyang motorsiklo. Bale kapag may down payment na siya, siya na ang magbayad nito sa buwanang installments.

Actually, kung pera ang pag-uusapan, masasabi kong hindi iyon malaking issue sa relasyon namin ni Dennis. Kasi, hindi siya basta-basta humihingi ng kung anu-ano sa akin. Ni load na pantext nga, hindi nanghihingi iyan. Hindi kaya ng ibang karelasyon na hindi magti-text kung hindi mo bibigyna ng panload. At kapag humiling iyan sa akin ng isang bagay, iyan ay importante talaga, may value sa kanya o sa relasyon namin. Ang una kong naibigay sa kanya ay isang cellphone na hanggang sa panahong iyon ay iyon pa rin daw ang gamit niya, laging ipinagmamalaki kapag nagkikita kami na inaalagaan niya ito. Tapos, dahil basketball player siya, humiling siya ng sapatos. Binigyan ko isang beses lang, hindi na nasundan pa. Ngunit masaya na siya noon. Bawat laro niya, ipagmamayabang niyang suot niya ang sapatos na bigay ko. Noong mamasyal kami sa isang mall sa Manila, humiling siya sa akin ng isang thumb ring, ala-ala daw niya sa akin. Actually, isang mumurahing stainless lang ang pinili niya. Happy na raw siya noon. Ngunit dahil sa naawa naman ako na mumurahin lang ang suot-suot niya, pinalitan ko iyon ng white gold nang makabalik ako ng Saudi. Sobrang saya naman niya dahil noon lang daw siya nakapagsuot ng tunay na gold. Sa pera naman, nakapagpadala ako sa kanya isang beses sa birthday niya na hindi na nasunsdan pa, noong magkasakit siya, at noong mag-apply siya sa work nitong huli. Iyon lang ang natatandaan ko. At hindi tataas sa 4K ang ipinapadala ko doon sa mga nabanggit kong padala sa kanya.

“Hirap kasing mag-commute araw-araw babes. At kailangan ko talaga sa trabaho ang motor” ang paliwanang niya.

Totoo naman. Kaya sumang-ayon kaagad ako sa hiling niya. Atsaka, kapag nasa relasyon ka naman kasi, at gayong mahal mo ang humihiling na para sa akin ay reasonable naman, kailangan mo ring mag share. Basta huwag lang iyong abuso na o kumbaga luho na ang mga hinihiling o kung anu-ano na lang. Ano lang ba iyong hinihingi niya kumpara sa blessings na natatanggap ko. Kung sa bakasyon na iyon ay nakapagpalabas ako ng mahigit 30K na donations sa iba’t-ibang outreach projects sa school kung saan ako involved dati, ipagkait ko pa ba sa kanya ang gusto niya na iyon? “Kaya, go!” sabi ko sa sarili.

Naroon ako habang pinipili niya ang motorsiklong gusto niya. May kamahalan ngunit ang sabi niya ay mas matibay naman daw, at mas malaki dahil malaki rin naman siyang tao. At dahil hulugan, i-background check pa siya.

Anyway, 5K lang ang down payment but payable in 3 years ang scheme. Pero binigyan ko siya ng 10K. Masayang-masaya ang honghang.

Inihatid niya uli ako sa hotel at siya naman ay umuwi ng bahay, nagpaalam na baka gagabihin na siya sa pagbalik sa hotel dahil may laro pa sila. Pumayag ako, buhay niya kasi ang basketball, although sa likod ng isip ko, may katanungan ding namuo na tatlong araw lang kami sa Bacolod at iyang basketball ay pwede namang ipagpaliban sana upang kahit papaano ay sulit ang pagsama niya sa amin at puwede pa niya kaming iikot sa mga lugar nila na puwede niyang maipagmamalaki…

Ngunit, nanaig pa rin sa akin ang pag-intindi.

Alas 6 ng gabi nag text siya, “Babes, nag-inum pa kami ng mga barkada ko ha? Nanalo kasi ang team namin kaya di ako maka-tanggi…”

Syempre, may kaunting tampo akong naramdaman sa pagkabasa sa text niyang iyon. “Bakit naman kasi… basta uwi ka rito ah!” ang sagot ko.

“Oo babes, d’yan ako kakain at diyan na rin matutulog.”

Kaya dahil sa naawa na rin ako sa mga pamangkin kong walang ibang ginawa kundi ang magkulong sa kuwarto at manood ng TV, niyaya ko na lang silang maglakad-lakad. “Puntahan natin ang SM na walking distance lang daw dito!” mungkahi ko.

So, lumabas kami, at nakarating sa SM. Umikot kami at nanood ng sine. “Shreik” ang palabas, 3-D pa. Shit, apay lang yata kaming lahat na naroon sa loob ng sinehan. At hindi pa pumasok sa kukote ko ang pinapanood namin.

Nag text uli si Dennis. “Babes, lasing na ako. Di na ako makapunta d’yan”

Doon na tumindi ang galit at sama ng loob ko na parang ang nag-aalborotong Mt Kanlaon ng Negros. Inaway ko talaga siya at tinanong kung bakit kailangang unahin niya ang mga barkada niyang nakakasama naman niya sa araw-araw kaysa akin na tatlong araw lang doon at baka nga ay hindi na makakabalik pa uli sa lugar nila; na kung ganyan ba ang klase ng pag-alaga niya sa kanyang mga bisita na puwede naman sana niyang mag-pass muna sa inuman dahil may mga bisita siyang taga-ibang lugar…

Ngunit hindi siya natinag. Kaya lahat ng maaanghang na salita ay ipinalabas ko. Sinabihan ko siyang manloloko, mandurugas… at na sana ay ang 10K na nakuha niya sa akin ay hindi magdulot ng malas at kapahamakan sa kanya dahil ibinigay iyon sa kanya na masama ang loob ng nagbigay.

Alam ko, masama ang mga sinasabi ko. Pero di ko na napigilan ang sarili dahil sa matinding galit. Iyon bang feeling na tinatraydor, tinatapak-tapakan ang pagkatao, ginawang tanga, sa tao pa namang itinuring na may respeto at pagmamahal.

Ngunit todo-depensa pa rin siya sa sarili niya. Kesyo daw, ang iniisip ko ay ang sarili ko lang at hindi ko inintinde ang kalagayan niya, na ang sagot ko naman ay “Syempre kami ang intindihin mo dahil mga bisita mo kami!” Kesyo daw naiintindihan naman siya ng mga pamangkin ko, na sinagot ko uli, “Maintindihan ka pa kaya nila kung sasabihin kong binigyan kita ng 10K pang down payment sa tanginang motor mo?”

At ang pinakahuling text niya ay ang paghamon sa akin na puntahan ko siya sa bahay nila. “Pinapapunta ka rito! Ngayon na!”

Ngunit hindi ko rin kinagat. Hindi ko rin kasi alam kung sinabi lang niya iyon upang i bluff ako dahil alam niyang nahihiya akong magpakita sa family niya. At isa pa, nawalan na rin ng battery ang cp ko sa loob pa ng sinehan na nasa kasagsagan ng palabas. Kaya di na ako nagpursige pa.

Sa gabing iyon, natulog akong mag-isa sa kwartong nakareserba para sa aming dalawa. Ah grabe, parang sasabog ang dibdib ko sa matinding pagkadismaya at sama ng loob.

Alas 8 ng umaga kinabukasan nagtext siya, “Mowning!” na para bang wala lang nangyari, na normal lang ang lahat at sarap na sarap ang tulog niya sa nagdaang gabi.

Hindi ko na sinagot pa. Kasi alam kong nasa work na siya at para ano pa.

Kaya, buong araw na naroon lang kaming mag-tiyo umiikot sa paligd ng hotel, sa market, at balik ng kwarto upang manood ng TV. Nagbibiruan na nga lang kami, “Parang walang TV sa atin na pupunta pa tayo ng Bacolod upang manood ng TV no?”

Mag aalas 7 ng gabi, tila naawa na rin ako sa mga pamangkin ko dahil alam ko, gusto nilang mag-enjoy. Huling gabi na kasi namin iyon sa Bacolod eh. Naramdaman ko rin kasing parang sa tatlong araw namin doon, wala kaming ginawa kundi ang matulog, manood ng TV, umikot-ikot sa paligid ng hotel, sa SM at mag-iinum. Kaya tinext ko na uli si Dennis. “Pinapunta ka dito ng mga pamangkin ko!”

“Pagkatapos mo akong pagalitan?” sagot niya.

“Di huwag. Wala namang kinalaman ang dalawa sa galit ko sa iyo eh. Kung idamay mo sila, bahala ka, gagala kaming tatlo na walang guide na taga-rito.”

Siguro nakonsyensiya, bumigay din. Mag-aalas onse ng gabi noong dumating siya sa videoke bar kung saan niya kami unang dinala. Doon daw siya matutulog sa akin. Kahit masama pa rin ang loob ko, bumigay din ako. Pagkatapos namin sa videoke bar, dumaan pa kami sa isang convenience store at bumili ng maiinum at barbeque. Tinanong ko nga siya kung para saan ang beer dahil matutulog na kami, “Maaga ako bukas babes pero iinumin ko iyan, pampainit sa katawan bago pumasok bukas.”

Iyon ang sabi niya. Ang ini-expect ko naman sa sinabi niyang maaga siyang aalis ay mga alas 6 kasi alas 8 pa ang pasok niya sa work at hindi naman kalayuan ang bahay niya sa pagkaintindi ko.

Sa pagkakataong iyon, sumaya muli ang gabi ko.

Akala ko ay tuluyan nang maghilom ang sugat na dulot ng hindi niya pagsipot sa nakaraang gabi. Ngunit nagkakamali ako. Alas tres ng madaling araw ay narinig kong nag-ring ang cp niya. Namatay ito nang sandali ngunit nag-ring uli.

Akmang kukunin ko na sana ito at tingnan kung sino ang tumawag noong nagising din siya at inunahan niya akong abutin ang cp niya. Tiningnan niya ito at may pinindot. Nawala ang tunog.

“Sino iyon?” tanong ko.

Nakita kong ngumiti siya. “Alarm iyon…” ang sagot niya.

Naniwala naman ako at umidlip muli samantalang tumayo siy at dumiretso ng CR.

Hindi pa ako nakatulog noong laking gulat kong paglabas niya ng CR ay nakabihis na’t lahat at nagmamadaling, “Babes, uuwi na talaga ako…”

“Hah!” Ang gulat kong sagot. “Bakit alas tres???”

“Kailangan ko kasing magpahinga pa at magbihis.” Sagot niya.

“Bakit dito puwede ka namang magpahinga ah? Di bad ala-dala mo naman ang uniform mo?”

“Basta, aalis na ako babes, ba-bye!” at binuksan ang pinto at dali-daling lumabas, isinara ang pinto na hindi man lang kumiss sa akin.

Ewan pero sobrang tulala ako sa bilis ng mga pangyayari. Parang hindi matanggap-tanggap sa isip ko na last day na naming iyon at ganoon ang huling tagpo naming, parang kidlat siyang naglaho. Pakiramdam ko ay biglang nag-iisa na lang ako sa mundo at ang kwartong pinagsamahn namin ay parang sa isang iglap lang ay nag-iba ang anyo, hindi ko na makilala at hindi alam kung saang lugar iyon naroon. Pakiwari ko ay disoriented ang utak ko. Tila lumayas ang espiritu ko sa katawan at naligaw sa mundo.

Wala na akong nagawa pa. Naramdaman ko na namang gumapang sa buong pagkatao ko ang matinding galit, ang matinding pagkahabag sa sarili. “Bakit sobrang aga naman?” “Nasaan ang sinabi niyang iinumin pa ang beer bago pumasok?” “Bakit parang may kinatatakutan siya?” “Bakit ni hindi man lang siya nag-kiss sa akin bago siya umalis na siya namang palaging ginagawa niya sa ganoong sitwasyon?”

Maya-maya, “Babes, halika sa labas, magkape tayo” ang bigla ding pag text niya.

Syempre, nasa state of shock pa ang utak ko at heto na naman, nagtext na magkape kami sa labas. “Bakit sa labas pa? Ba’t ayaw mong bumalik dito?” sagot ko.

“Dito na lang babes at uuwi na ako”

“Bakit kailangan pa nating magkape! At bakit d’yan pa!” Ang galit kong pagtext sa kanya. “Balik ka dito!”

“Mas importante pa rin sa akin ang trabaho ko! Uuwi na ako!”

“E, di umuwi ka!”

“Ihatid mo ako!”

Ewan ko ba pero hindi ko na naman kinagat ang sinabi niya. Hindi ko kasi maintindihan kung ano ba talaga ang nasa isip niya, ang drama niya. At isa pa, inalipin ako ng sobrang galit. “At bakit naman kita ihahatid? Nalimutan mo nab a ang daan pabalik sa inyo?” Ang sagot ko na lang.

“Para makita mo ang bahay namin, para makita mong wala akong itinatago!” sagot din niya.

Ngunit pinanindigan ko na lang talaga ang hindi pagsama sa kanya. “Umuwi ka na nga! Huwag ka nang magpakita pa!”

At iyon… Umuwi siya at naiwan ako sa kwartong litong-lito at nagpupuyos sa galit at sama ng loob.

Napakaraming katanungan ang bumabagabag sa isip ko sa ipinakitang iyon ni Dennis. Una, napagisip-isip ko kung ganoon ba talaga ang turing niya kapag may bumibisita sa kanya? Parang hindi naman kasi ordinaryo ang ganoon eh. Kahit naman sino kapag may bisita, kahit nga hindi masyadong kakilala kapag binisita ka, ibibigay mo talaga ang lahat ng atensyon sa bisita mo.

At bakit hindi niya masabi-sabi sa mga barkada niya na pass muna siya dahil may bisita siya? Barkada kaya ang tunay na dahilan?

Sinabi niyang alarm daw ang tumunog sa madaling araw na iyon. Bakit naputol at nag ring uli? Bakit nagmamadali siyang magbihis at lumabas ng kwarto? Kung tawag iyon nga iyon, sino naman kaya iyon na tila takot na takot siya? At kung alarm naman, bakit sa ganoon kaaga, samantalang may plano pa siyang uminum ng beer? At bakit nagmamadali siya? At bakit kailangang ihatid ko rin siya sa kanila?

Argghh! Para akong mababaliw sa paghahanp ng mga sagot sa di ko maintindihang inasta niya. Iyon na ang araw ng flight namin papuntang Maynila ngunit ibayong pagkalito at matinding sakit ang iniwan niya sa puso ko.

Alas 8 ng umaga noong ginising ko na rin ang mga pamangkin ko sa kanilang kuwarto. Nag-usap kami, nag heart-to-heart, at sinabi ko sa kanila ang hinanakit ko. Ang sabi ng pamangkin kong si Norman na close na close ni Dennis ay, “Tiyo, para sa akin, imposibleng walang babae si Dennis…”

Syempre, ako naman ay naniniwala. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi niya sinabi. Kasi dati-rati kapag may babae siya, sinasabi naman niya sa akin. Nadadagdag tuloy sa tanong ko kung babae nga ba talaga ang dahilan, o lalaki… May nabanggit kasi siyang isang Sir na nag-o-organize daw ng basketball nila, at siyang tumutulong sa kanya sa pagpasok sa kasalukuyang trabaho.

Ah, grabe. Parang inalog ang utak ko sa sobrang kalituhan.

Alas dos ng hapon noong pinick-up na kami sa hotel ng airport service. Hindi ko lubos maisalarawan ang naramdaman habang umaandar ang van na sinakyan namin patungong Silay-Bacolod Airport. Nadaanan namin ang iba’t-ibang mga outdoor videoke houses barbeque houses at bars. Meron ding mga nagmamartsang tao na tila nagsi-celebrate. Mukha ng isang masayang lugar ang Bacolod City. Nakangiti ang mga tao, mababait… Totoo nga ang sabi nilang ang siyudad na ito ay City of Smiles.

Ngunit napabuntong hininga lang ako. Sa lugar kung saan naroon ang taong mahal, ang lugar na tinaguriang “City of Smiles” doon ko pala mismo maramdaman ang matinding sakit ng pagtataksil. Sobrang ironic na halos hindi ko na alam kung paano ang ngumiti…

Binasa ko ang banner ng mga masayang-masayang nagmamartsang taong  sa kalsada. Ang nakasulat, “Happy Indepence day!”

Lalo naman akong nalungkot. Lalo pa akong napabuntong-hininga. “What a coincidence… ngayon ko rin pala isi-celebrate ang independence day ng puso ko!”

Sa airport bago kami magboard sa aming flight, nakatanggap na naman ako ng text galling kay Dennis, “Happy Trip!”

Tila piniga na naman ang puso ko. Sobra-sobra kung maglaro talaga ang pagkakataon. Sa lugar na city of smiles, ang tao pa mismong siyang nakapagdulot sa akin ng ibayong sakit ang mismong magwish sa akin ng “Happy Trip”! Paano ako magiging “happy” sa ginawa niya?

Noong makarating na kami ng Maynila, aaminin ko, pinilit ko ang sariling maglaro. Tumikim ako ng iba, at syempre, binabayaran ko. Ngunit sa kabila ng lahat, si Dennis pa rin ang laman ng utak ko.

At walang humpay pa rin siyang nagti-text sa akin na parang wala lang sa kanya ang lahat. At iginiit pa rin talaga niya na “alarm” lang ang nag-ring sa madaling araw na iyon ng huli naming pagsasama. Sinasagot ko rin naman ang mga texts niya, bagkus masamang-masama pa rin ang loob ko…

Jun 23, araw ng aking pag-alis patungong Saudi. Alas 2 iyon ng madaling araw. Kararating ko lang at ng aking kaibigan sa hotel na aking tinutuluyan. Galing kaming naglakwatsa. Sa aming pagkukuwentuhan, nabanggit ko ang insidenteng “alarm” na sinabi ni Dennis.

“Hindi alarm iyon… kapag alarm iyon, hindi hihinto ang tunog niyon hanggang hindi pinipindot ang cp!” ang paliwanag ng aking kaibigan.

Doon nabuo sa aking isip na maaari ngang nagsinungaling sa akin si Dennis. At ewan, pero sa sinabi ng kaibigan ko, bigla kong naisip na tawagan si Dennis.

Nag ring ang cp niya. Maya-maya ay may sumagot. At na-shock ako sa narinig. Isang babae. “Hello!” Iyon ang narinig ko. Hindi ako makasagot sa sobrang pagkamangha. Tila nag-freeze ako at hindi makagalaw.

Maya-maya narinig ko na naman ang babae, tila nasa malayo na, nagtanong. Marahil ay inilayo sa kanya ang cp. “Sino ba yan! An gaga-aga! Eh…”

At doon pa mas lalo akong na-shock. Boses ni Dennis ang sumagot sa tanong ng babae! At ang sabi, “Alarm yan! Alarm yan!” ang boses niya ay halatang kagigising pa lang.

Pakiwari ko ay biglang gumuho ang buong hotel sa aking narinig. Nanumbalik sa ala-ala ko ang umagang iyon na ganoon din ang sinabi ni Dennis sa akin! “Alarm yan! Alarm yan!”

Dinayal ko uli ang number niya at si Dennis na ang sumagot. “Sino ang babaeng iyon?” ang galit kong tanong.

“Wala iyon! Wala iyon!” ang sagot niya.

“Anong wala? Narinig kong nagtanong siya kung sino ang tumawag at ang sagot mo sa kanya ay ‘alarm yan! alarm yan’! Sino iyon? At bakit alarm ang binanggit mo?” Giit ko.

“Putang ina! Ang aga-aga nambubulabog ka!” sabay patay sa linya.

Hindi na ako nakakilos pa. Pakiramdam ko ay biglang naubos ang lahat ng lakas ng aking katawan.

Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ni Dennis noong mabuking ko ang modus niya. Pero nabuo na ang pasya ko. Tinext ko siya, “Ayoko na, give up na ako! Kaya pala hindi mo kami inaalagaan sa Bacolod ay dahil sa babae mo. Wala naman sanang problema kung sinabi mo lang sa akin eh, tanggap ko naman iyan. Bakit mo pa kailangang magsinungaling? Anyway, salamat na lang sa lahat…”

Walang sagot. Marahil ay bumalik sa kanyang pagtulog o pinatay na ang cp niya. Ako naman ay hindi na nakatulog at naghanda na lamang para sa aking bagahe patungo ng airport.

Nasa NAIA na ako para sa flight ko pabalik ng Saudi noong matanggap ko ang reply niya. Ang sabi, “OK…”

Grabe. Nagkalasog-lasog na ang puso ko, tinapak-tapakan, dinuraan, ininsulto. At isang “Ok” lang ang katapat ng lahat…

Ewan kung hanggang kailan ko siya malilimutan. Apat na araw na ang nakaraan at preskong-presko pa ang sugat na dulot ng kanyang panloloko. Ito ang nag-iisang sakit na nilalabanan ko ngayon – ang paglimot sa kanya. Alam ko, panahon na lang ang makapagsabi. Ngunit sana ay bukas na iyon, o sa makalawa... masaklap mang tanggapin ang katotohanan ngunit salamat na rin sa “alarm” niya at nagising ako.

Marahil ay hindi nga talaga siguro totoo ang hula. O iba lang ang aking pagkaintindi rito. Ang “King” na sinabing hinuhugutan ko ng lakas ay siya rin palang tao na magpabagsak sa aking pagkatao, sa aking tiwala, sa aking pagmamahal sa sarili.

Salamat na lang sa lugar na tinaguriang “city of smiles”. Slamat din sa “Independence Day” celebration ng aking puso sa lugar na iyon. Salamat din sa "King's Hotel" Doon niya mismo pinagsasaksak ang puso ko…

**************************************
Pagkatapos ng “hiwalayan” naming ni Dennis. Muling nagtagpo ang aming landas sa facebook pagkatapo ng mahigit isang taon. Unang naging friend niya roon ang best friend niyang pamangkin kong si Norman. Nagcha-chat sila at nagpaparinig daw sa pamangkin ko na namiss na niya ang Leyte at sana raw ay makakadalaw siyang muli roon. No comment lang ako. Naroon pa kasi ang inis ko sa kanya.

Later, inadd din niya ako. Tinanggap ko ang friend request niya. Agad kong binuklat ang mga litrato sa fb niya. Puro kuha litrato ng lakad ng pamilya niya, kaibigan, basketball, outing, inuman, work… Ngunit may isang litratong nagpasaya sa akin. Ito iyong kuha ko sa kanya na nagpa-cute siya, suot-suot ang cap na ibinigay ko sa kanya nang pilit. Order kasi iyon ng aking pamangkin ngunit naglambing siya na gustong-gusto niya iyon, ibinigay ko sa kanya. At dahil sa tuwa niya, ang nasabi niya, “Remembrance mo to sa akin. Hindi ko ito iwawala at pati na itong litrato. Promise!”

Nang nakipag-chat siya sa akin. “Sorry…” ang una niyang sinabi.

Doon mas lalo pang gumaan ang aking kalooban. Sinagot ko siya ng, “Ok lang… wala na iyon”

At ang sunod niyang sinabi ay, “Sana ay friend pa rin tayo”

Na sinagot ko rin ng, “Nariyan lang naman ako palagi eh. Ikaw naman itong sinaktan ako…”

“Sorry” ang sagot niya uli.

At doon na niya ikinuwento na na-miss nga niya ang Leyte. Kinumusta niya ang anak kong lalaki na kadikit din niya, ang mga pamangkin kong naging close din niya, mga ate… At muli naming ginunita ang mga masasayang karanasan namin, mga kabulastugan, ang kulitan, at ang awayan. Ang saya rin pala sa pakiramdam na pagkatapos naming maghiwalay, hayan, naalala pa niya ang lahat.

Nang sinabi niyang kung sakali raw na mapadpad akong akong muli ng Bacolod, handa pa daw siyang samahan ako. Sinagot ko siya ng pabiro, “Upang iwanan mo na naman kaming muli?”

Nag-sorry siyang muli at, “Di na mangyayari iyon. Babawi ako sa iyo, promise…” ang sagot niya.

Doon na niya rin sinabing may live-in partner na siya. Tinanong ko siya kung mahal ba niya ang ka live-in niya dahil dati kasi, puro tikim lang siya sa babae. Pero sinagot naman niya ako ng, “Seryoso na siguro ito… Gusto ko nang mag mag-settle down. Hindi na ako bumabata.”

May kirot pa rin ang sinabi niyang iyon sa aking puso, pero in a way naman na tanggap ko ito at mas nangingibabaw ang saya para sa kanya. Ito rin naman kasi ang sinabi niya sa akin dati, na isang araw ay mag-aasawa siya, at na ako, kung hindi man niya karelasyon, ay kaibigan. At ito rin ang sinabi ko sa kanya, na sana, isang araw, kapag natupad na ang pangarap niya, nariyan pa rin ako, handang sumuporta sa kanya.

Hanggang sa nitong nakaraang apat o limang buwan ay nagpakasal na siya sa babaeng ka live-in niya. Hindi niya ako sinabihan. Nakita ko lang sa mga pinost niyang litrato. Nang nakita ko ang mag ito, nag-pm ako sa kanya ng congratulations. Sinabi ko rin sa kanya na nagtampo ako kung bakit hindi niya ako sinabihan. Sagot niya, “Baka kasi masaktan ka” na sinagot ko naman ng biro, “Ito naman, sobrang bilib sa sarili…” “Hahaha” lang ang sagot niya.

Nang tinanong ko kung ano ang gusto niyang regalo, ang sagot niya ay, “Kahit ano basta galling sa puso…” Sinagot ko siyang chocolate na lang, sa pagbakasyon ko (last year iyon). Na-excite siya lalo na nang sabihin kong pupunta kami ng Iloilo, inimbita niya akong muli na pumuntang Bacolod. Ngunit hindi natuloy ang pagpunta ko ng Bacolod. May bagyo kasi sa panahong iyon at natakot akong tumawid from Iloilo to Bacolod. Nang magkausap kaming muli sa fb, parang ramdam kong nagtampo siya. “Ang hirap sa iyo…” ang sabi niya.

Hanggang ngayon ay friend pa rin kami ni Dennis sa fb. Medyo iniiwasan ko na lang na makikipagchat sa kanya dahil nga may asawa na siya at busy na rin sa kanyang trabaho. Ngunit kapag may pm ako sa kanya ay sinasagot naman niya.

Marahil ay may tsansa pang magkita kami ng personal. Upang makitang muli ang taong hindi lang nagpatibok ng aking puso kundi nagpadama kung paano ang mahalin.

Syempre, dahil hindi ko pa naibigay sa kanya ang regalo ko sa kanyang kasal, gusto kong ibigay ito sa kanya nang personal… Sana ay malapit na iyon.


(Wakas)

21 comments:

  1. matagal mo na ako tagasubaybay kuya mike at ikaw pa ang nag email sa akin ng link ng blog mong ito. nalulungkot ako sa kwento mo tungkol kay dennis dahil nabasa ko na rin kung pano kayo nag tagpo at nagtagal pa ito ng 3 years. ang aking "dennis" ay mukhang sa ganto rin hahantong ang relasyon namin. pero alam kung sa huli ay makakalimutan din natin sila - sana.

    ReplyDelete
  2. kuya mike, amf.. sakit nung story >,< well that's life tsaka what would we expect. hay!
    nways ask ko lang kung san sa bacolod yung restaurant na tinutukoy mo.? kasi based from what you have described sa story, i got a feeling na dun sa same restaurant na yun ako madalas kumain whenever i go to bacolod at mukang may idea ako about sa "king" na yun! kasi i know a lot of workers sa resto na kinakainan ko, ultimo may ari kilala ako. so i hope you would tell me the name of the resto, hehe
    i was looking forward so much sa AKKCNB na story, wondering when will you post it pero dahil sa your in the process of healing, i'll wait till you post it kasi baka masams sa emoxon mo yung event ng stories eh hehe. basta kuya mike, keep moving forward okay? lahat tayo dumadaan jan, di man parehas ng pinagdaanan, di man kasing sakit ng sayo, but we all go through that same pain, and eventually we all got over it. okies :D nga pala, just to give you something to ponder, try to listen to this "the dance of life" by joe d' mango, you can find it on youtube tapos searchable naman yung mga sinabi nya sa google :D this is tsumomo nakachat mo dati sa chatbox dito and a good follower mo sa stories mo din hehehe keep it up kuya :D

    ReplyDelete
  3. Greetings Kuya Mike!!!

    Id invenire difficile est. It is a Latin for "It is difficult to find."
    You're looking for a relationship that only fantasy can create,whereas reality is setting aside.In the meantime,your mind,soul,and body are finding for the right answers to heal their wounds.The love of your life that could be considered as "monstrum in fronte,monstrum in animo"..in which I am no exemption to this phrase will be in a state of division.But the question is,Is he the source of your meaning in life?To those things that seem to take meaning away from human life belong not only suffering but dying as well,not only distress but also death.Life must go on.Live it to the fullest.If Dennis's love for you died out,you don't have to die with it.Just consider this as experience because it will make you strong. The crowning experience of all,for the homecoming man,is the wonderful feeling that,after all he has suffered,there is nothing he need to fear any more-except his God.I hope you still believe in God.

    Daucus here,.

    ReplyDelete
  4. @ luis: salamat luis. Pero sana naman ay di mangyari sa yo ang nangyari sa akin. Sana...

    @momo: please email me at getmybox@hotmail.com or message me sa fb: getmybox@yahoo.com

    I'll tell you kung anong fastfood chain. Gusto ko rin kasing malaman kung snogn babae yun at bakit hindi niya masabisabi sa akin. Kilala ko ba, or what? At gaano na katagal niya akong niloko? Ito lang ba ang babae niya? May kutob akong baka may iba pa at baka di n ang "Sir" n sinabi niya ay involved din.

    Ewan, madami pa rin akong tanong. Hirap kasing mag move on kapag may mga tanong ka pang marami eh. It's like pinatay ako ngunit hindi ko alam ang mga dahilan o kwento kung bakit ako pinatay... Hirap

    I hope you can help. I will appreciate it momo.

    TC!

    ReplyDelete
  5. Daucussssss!

    Nice words! Napaisip ako - "Is he the source of your meaning in life?" Para akong binatukan at natauhan.

    Yeah, tama. Marami pang rason kung bakit ko dapat ipagpatuloy ang buhay, ang pagsuong sa mga hamon nito...

    Thank Daucus! Mwah!

    ReplyDelete
  6. Mike,

    I won't pretend to understand or feel the pain you are feeling right now but i am glad you opted to share it with us and not let it fester inside.

    According to James Baldwin, "Love does not begin and end the way we seem to think it does. Love is a battle, love is a war; love is a growing up."

    So continue to grow up. Don't let yourself stagnate in this muck - wallow if you have to; cry, shout, laugh, dance, shop. Keep on living. There is no point in thinking what had gone wrong, what could you have done differently. Stop torturing yourself with "what if's".

    As Lillian Hellman once said, "People change and forget to tell each other."

    Peace,

    newbie

    ReplyDelete
  7. T_T

    "When you've found a reason to walk away.. never look back.. just keep walking.. it's better to get lost moving on than to get stuck and be stranded."

    kuya mike... sana maka recover kana po... god bless

    ReplyDelete
  8. haiiyyeee kuya.,musta na ang heart mo???ang sakit naman kung isang OK lng ang katapat ng mga paghihirap at sakit nga nararamdaman mo.,.,kuya mas mabuti kung gawin mo ang tinatawag nilang beautiful revenge.,maganda yun.,hehehe.,anyways ingat palagi sa saudi.,muah

    roy here.,

    ReplyDelete
  9. aww.. kuya mike ang hirap naman po ng pinagdadaanan nyo =( sayang din po yung 3 years of relationship kung matatapos lang sa isang "OK" =(

    pero pansin ko lang po, yung singsing na binigay nyo sa kanya right? yung mumurahin na singsing.. it's THE SAME SA AKKCNB right?? tapos yung pag-aaway nyo parang kuya rom at jason ang dating.. now I know sa inyong dalawa pala inspired ang kwento.. ok lang po yan.. time will heal the wounds =)

    @Momo: sige alamin mo!! magpaka-NBI ka!! hehehe.. =))

    @daucus: nice message =)) bulleseye!!

    @roy: grabe naman may pa revenge revenge ka pang nalalaman dyan!! kaya lang di ba lalong lumala ang sitwasyon dyan?

    ReplyDelete
  10. There's an old saying: "There is no revenge so complete as forgiveness."

    Kuya Mike, advice ko lang po sayo, feel all the pain and sorrow as best as you could. Only by doing so will you be able to empty-out your sadness, disappointment, and regrets. Minsan, may silbi din ang pagnanamnam sa sakit, kasi, magiging handa kang namnamin ang pagbabago after eh. In a way, preparation na rin yun para sa healing.

    Take your time. Although naturally, people will wish na sana mawala na yung pain na nararamdaman mo, I will wish you all the time to relish, feel, and most importantly, learn from all the emptiness that you feel now. Then and only then will you be able to learn a lesson that you cannot learn from any other experience.

    You're a strong person. Probably I don't know you much, but I believe that you are strong enough to overcome the test that you are experiencing now.

    I'll leave you with two quotes. Take time to reflect on them Kuya:

    1) "Never cut what you can untie."

    and

    2) "That which does not grow falls into decay."


    God bless you always Kuya Mike.
    We're here for you.
    God is always with you.

    ReplyDelete
  11. Now I understand. Don't worry Dad! Andito pa kami ni bunso... mmmwwaahhhh...

    ReplyDelete
  12. ...tsk..tsk..tsk..Lintik naman yung taong yan na ginago ka na nga..at pinag laruan lang yung puso mo..at pinerahan ka pa ..sana lang hndi mo na bngay yung lintik na 10K...na bngay m sa kanya..grrr...super naiinis ako s kanya...at by the way...nndto nman kami ng mga supporters mo..kaibgan mo..taga hanga mo...at ang iyong mga avid fans na sumusoporta sa iyo..sa lungkot man o sa ligaya nndito kami..pra lang mron kang msandalan s iyong kalungkutan....Ingat ka dyan kuya mike..at godbless...

    -Enzo...:D

    ReplyDelete
  13. @white_pal:di mo alam yung beautiful revenge???iba yun sa traditional na revenge.,

    ReplyDelete
  14. aw...grabe kuya mike..i wasnt expecting you will feel the same way i do..like a year from now...actually parang ganun din pero mas malufeeett ung akin...grabe mas close kasi kami..ng x ko so mas masakit..ah...dont worry i know makaka move on ka kami 2 years..hehehehe kaw pa..yaan m pag uwi m d2..ako mag to tour guide sa inyo..hehehe.KWENTO KO SAU LAHAT...or better pwede ba mag sulat sa blog mo?or send sau sa email mo then its up to u kung i pupublish m o hindi kasi kung malalaman m story ko parang sisiw lang ung sau sa pinag daanan ko..i know how does it feel coz ive been there...and it really hurts..as in HURRRRRTTTTZZ....HEHHEEEHEHHE...

    ReplyDelete
  15. Bakit hindi mo sakin sinabi na you are suffering that time? Everyday! Lagi tayong mag kausap. Ang tangi mo lang sakin na sinabi ay nag kita kayong dalawa pero umalis din kaagad. Hindi mo man lang sakin sinabi ang lahat lahat na ganoon na pala ang nangyayari! KUYA MIKE! Ano ba?! Bakit ka ba ganyan?! Mag uusap tayo mamaya! Lagot ka sakin!

    ReplyDelete
  16. hi kuya mike,

    alam mo, base dun sa kwento, ang laki ng pagbabago ni dennis, pinuntahan mo na siya sa kanila at alam naman nya kung gaano kahirap pumunta sa kanila tapos hindi pa nya sinagot tawag mo, tapos hindi pa kayo inentertain at hindi kapa sinipot ng nung unang gabi nyo, sa araw na binayaran mo yung motor...

    grabe naman yung lalaking yun...

    meron palang ganun ka kapal ang mukha....

    tapos sisigawan ka lang nya ng P.... aga aga nambubulabog ka, at sasabihan lang ng OK...


    bigyan mo naman kami ng picture.. makita namin kuya, para pag nakita ko sya sa personal, sisigawan ko sya ng GAGO ka... mamatay kana... sabay paandar ng sasakyan,,, hahaha...

    joke lang...

    pero sana malaman namin kung sino sya...

    grabe nakakakulo sya ng dugo...

    ReplyDelete
  17. well at least this is a real face of life...masakit man isipin ngunit kadalsan trahedya ang kahahantungan ng pag iibigan nang ma katulad natin.....

    ReplyDelete
  18. Hindi mo siya kawalan kuya Mike... siya ang nawalan... pilyo pala sa totoong buhay si Romwel... :-(

    ReplyDelete
  19. kuya mike..

    grabeh ang sakit naman!! alam mo nung nabasa ko ito bumalik yung sakit na naramadaman ko sa mahal ko, move on na ako don eh nung nabasa ko to shete!! parang nanunumbalik yung sakit!! bakit kaya may mga taong ganyan noh? napaka INSENSETIVE!!! USER!!! huhuhu!!

    ReplyDelete
  20. ...GRABEEEE TOTOO PALA ITO SAYO KUYA Mike, so talaga palang may pinaghuhugutan k ng mga memories sa mga akda mo...so painful naman po,but for now i know nalampasan nyo na ang mga ito....

    ... i have also dennis in my life - i know where i stand at hindi po ako kasing tatag nyo, ok n sakin kun anu kaya nya ibigay hindi ako mapaghanap, basta alam ko masaya ako at masaya kami pagmagkasama

    ...thanks po ulit to share this one piece of your life

    ReplyDelete
  21. KUYA MIKE kamusta na kayo ni Dennis???

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails