Followers

Showing posts with label Rose and Dagger. Show all posts
Showing posts with label Rose and Dagger. Show all posts

Saturday, December 24, 2011

Rose and Dagger: The Pierced Heart

Eto po ang final ng kwentong gnawa ko...



ROSE AND DAGGER: The Pierced Heart

Spinocerebellar Ataxia o SCA. Isang napakalupit na sakit na kung saan unti-unting tinatanggalan ang biktima nito ng kakalayang magkaroon kontrol sa sariling katawan. Unti-unting inaalisan ang biktima ng karapatang gawin ang maga bagay na nagagawa ng normal na tao. Ang maglakad, ang magtrabaho, maging ang magsalita. Yan ang naging sakit ni daddy. Sa murang edad ay nakita ko ang unti-unting paglamon ng sakit na yun ang pag-asa sa amin, mga nagmamahal at minamahal ni daddy.

Hindi ko matanggap. Ayokong makita ang paghihirap na nararanasan ni daddy. Mula sa hospital ay tumakbo ako. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa mapadpad ako sa isang parke. Naupo ako sa lilim ng puno. Yakap ang mga binti. Sapo ng aking mga tuhod ang aking mga mata. Umiiyak.

May isang asong ulol na papalapit sa akin. Natakot ako. Muli, tumakbo ako. Tumakbo nang tumakbo ng di man lang tumitingin sa daraanan ko. Di ko namalayang pasalubong ako sa isang sasakyan. Nang makita ko ito’y hindi ako nakagalaw sa pagkagulat. Napapikit ako. Naramdaman ko na lang ang pag-hila sa akin. Napadapa ako. Tumama ang ngipin ko sa kung saan. Masakit. Dumugo. Umiyak ako.

Isang bata ang umalalay sa aking tumayo. Pilit ako nitong pinapatahan. Hindi ko iyon pinansin. Hanggang sa sumigaw ito. Narindi siguro sa kakangawa ko. Natahimik ako. Pagtingin ko sa bata ay dumudugo ang kilay nya. Dun siguro tumama ang ngipin ko.

Paalis na ang bata nang mag-sorry ako. Bumalik siya. Hinawakan ang kamay ko. Bumalik kami sa parke at dun ay naglaro kami. Habulan, tawanan, panandalian kong nakalimutan ang dahilan kung bakit ako napadpad doon. Sumaya ako. Halos araw araw ay nagkikita kami sa parkeng yun upang maglaro. Ramdam kong masaya ako kasama ang batang yun. Subalit lahat ay may katapusan.

Naubos ang kabuhayan namin sa pagsuporta sa pagpapagamot kay daddy. Said na said na kami. Wala rin naman kaming napala. Pumanaw rin si daddy. Dahil doon ay umuwi na kami sa probinsya. Duon inilibing si daddy. Mahirap tanggapin na wala na siya.

Si mommy ang nagtrabaho mula nuon. Wala na ang negosyo namin kaya napilitang mamasukan si mommy. Naging mahirap ang buhay namin subalit itinaguyod kaming tatlong magkakapatid ni mommy hanggang sa makatapos ako.

Ilang taon din ang nakalipas, hindi ko makalimutan ang batang naging kalaro ko, naging katuwang ko sa panahong malungkot ako dahil sa sakit ni daddy. Ang batang nagligtas sa akin.  Nakakatawa lang dahil hindi ko alam ang pangalan nya. “Bata” ang tawag ko sa kanya, gayun din siya sa akin. Nasaan na kaya yun?

Lumuwas ako ng Maynila upang mag-apply. Natanggap naman ako. Sa training, duon kita nakita. Hindi kita kilala pero parang magaan na agad ang loob ko sa’yo. Pinagmasdan ko ang iyong mukha. Napangiti ako nang makitang may peklat ka sa kaliwang kilay. Ikaw ba yung batang yun? Kilala mo pa ba ako?

Natatandaan mo ba? Binubully mo ako nuon. Araw-araw nalang ay iniinis mo ako. Wala naman akong magawa kundi ang tingnan ka. Nagtatanong sa sarili ko kung ikaw nga ba talaga si “bata”? Ibang iba ang ugali mo. Napapabuntong hininga na lamang ako sa tuwing nangyayari yun.

Ngunit biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Hindi ko alam kung ano ang nakain mo pero bigla kang bumait sa akin. Lagi mo na akong sinasamahan. Pero hindi ko maialis sa aking isip kung totoo ba ang pinapakita mong kabaitan o baka may balak ka na naman?

Nawala lang ang pagdududa ko nung nag-outing tayo sa probinsya nyo. Tanda mo pa ba? Yung panahong nabasa tayo sa tent. Nung nilalamig ako ng sobra. Niyakap mo ako. Napakainit ng yakap mo. Binigyan mo ako ng kapanatagan tulad ng batang nagligtas sa akin nuon. Hindi na ako nagduda pa. Ikaw nga siya.

Napansin ko ang lalong pagiging mabait mo matapos nung outing natin. Naging maasikaso ka sa akin, naging protective, at somehow medyo posessive. Nanibago ako. Hindi ko maintindihan mga kilos mo nung mga panahong yun. Kaya tinanong kita kung ano ang nangyayari sa’yo. Halos gumulong ako sa katatawa matapos mong sabihing nanliligaw ka. Akala ko nagbibiro ka lang pero... Kung makikita mo lang itsura mo nun, nakanguso ka, nakayuko at sobrang namula sa hiya. Seryoso ka pala talaga?

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nung magseryoso ka ng mukha. Ang mga titig mo sa mga mata ko, wari’y isa akong gintong maingat na tinutunaw upang gawing alahas. Naramdaman ko na lamang ang kaba sa aking dibdib. Bumilis ang aking paghinga. Hindi ako mapakali.

Nagulat na lang ako nang hawakan mo ang baba ko upang i-angat ang aking mukha. Mabilis ang mga pangyayari, hindi ko na nagawang maka-react. Naramdaman ko ang mainit na labi mong dumampi sa akin. Malumanay, kalmado, masarap. Unang beses ko mahalikan sa labi at di ko maitatangging nagustuhan ko ang halik mong yun.

Dahan dahan ay inilayo mo ang iyong mukha. Dahan-dahan kang dumilat at muling tumitig sa aking mga mata. Naaalala mo ba, kung ano ang iyong sinabi matapos nun? Tandang tanda ko pa. Sinabi mong ang mga labi ko ang pinakamatamis na labing natikman mo. Nag-init ang aking mukha sa sinabi mo. Hindi ko alam kung may gayuma ba ang halik mo, pero napa-oo mo ako sa mga sandaling yun.

Nakakatawa no? Di man lang ako nagpakipot kahit konti. Bumigay agad ako sa isang halik lang. Pero alam mo, hindi ko pinagsisisihan yun. Loko ka kasi. Tanda mo nung nagtatalo tayo kung anong magiging tawagan natin? Gusto mo “Mi Amor” na tinutulan ko ng lubos. Pano ba naman, parang “May Amoy” ang tunog. Hahaha… Tapos hihirit ka pa ng “Mon Amour” na pareho lang din ang tunog. “Wo de ai” suggestion to na ayaw mo, ayon sa’yo mahaba. Kaya pinutol natin, naging “Ai” o mahal. Tagal natin nagtalo dahil dun, Ai. Buti may napagkasunduan tayo sa wakas.

Naaalala mo nung nakakahalata na yung bisor natin sa relasyon nating dalawa? Sinabi mong syota mo ako. Kesa maniwala ay inisip nilang nantitrip tayo. Nakakatawa sila. Kapag wala kang inaamin nagdududa sila. Pag umamin ka, ayaw nila maniwala. Ang gulo no? Pero dahil dun naging bunyagan na kasweetan mo sakin. Safe naman kasi iniisip nga nila trip trip lang, wala tayong narinig na panghuhusga.

Pero nagresign ka. Umalis ka sa company para tahakin ang landas ng pangarap mo. Nalungkot ako nung malaman ko yun alam mo ba? Pero bigla kang bumawi. I-bahay ba naman ako? Haha… Nung una nabigla ako, aayaw sana ako pero pinakuha mo na pala mga gamit ko sa boarding house na tinutuluyan ko. Ano pa nga bang magagawa ko kundi ang sumama sayo? Natakot ako sa totoo lang. Kasi syempre, tayo tapos nasa isang bubong. Hindi pwedeng walang mangyari sa atin. Yun ang kinakatakot ko. Sino nga ba ang magiging babae sa atin sa kama? Nung unang gabi natin, pinag-usapan natin yun. Na-appreciate ko talaga nung naintindihan mo na ayaw kong maging babae sa kama. Kaya nga para tayong ewan, ikaw itong machong macho ika nga, pero ikaw itong naging babae sa atin. Naaalala mo yun, Ai? Anglaki mong tao umiyak ka. Hahaha.. Masakit ba talaga?

Ngunit sa paglipas ng ilang buwan, nagbago ka. Unti-unti ay naramdaman kong nawawala ang pagpapahalaga mo sa akin. Mas gusto mo pang makasama ang mga barkada mo. Mas gusto mo pang lumaklak. Nag-alala ako, nalungkot. Kaya naisipan kong tignan kung mahal mo pa nga ba ako.

Pinaghandaan ko ang lahat. Kahit may takot ako, itinuloy q pa din. Isinagawa ko iyon sa gabi ng anniversary natin. Tulad ng inaasahan ko, nakalimutan mo na anniversary natin. Umalis ka at nakipaglaklakan sa mga barkada mo. Sinundan kita. Nakipag-inuman ako. Pinaramdam ko sa’yo na kaya rin kitang bale walain.

Nang makauwi tayo, nagawa mo pa akong sigawan. Ni hindi mo man lang muna ako binati. Masakit. Pero mas masakit nung hindi ka pumasa sa pagsubok ko. Naduwag ka. Napakabigat ng loob ko nun, Ai. Kaya masakit man, nagpasya na akong lumayo.

Araw-araw napakalungkot ko. Kahit paano umaasa akong dalawin mo ako sa trabaho, o kaya naman sa dati kong tinutuluyan. Pero wala eh. Ni anino mo hindi ko nakita. Pero kung dumalaw ka man, makakaya ba kitang harapin? Mabuti na rin sigurong hindi ka pumunta. Pareho lang tayong masasaktan.

Pero Ai, alam mo ba? Isang araw hindi ko inaasahang makikita ko yung barkada mong si Daniel. Inabangan nya ako sa harap ng building ng pinapasukan ko. Dun kami nagkausap. Alam pala nila ang relasyon natin. Akalain mo yun? Ikinuwento niya sa akin ang nangyayari sayo. Nagsisi ako sa pag-iwan ko sayo nun, Ai. Lalo pa’t nalaman kong may sakit ka. Kaya nga nung sinabi niyang balikan kita, hindi na ako nagdalawang isip pa. Sumama ako sa kanya upang sorpresahin ka.

Napakasaya ko, Ai, nung tinanggap mo akong muli. Totoo nga ang sinabi nila. Love is sweeter the second time around. Lalo kang naging malambing, mas maasikaso, mas mapagmahal. Ngunit natatakot ako. Ramdam kong may kapalit ito.

Napansin ko isang gabi habang kumakain tayo, bigla mong nabitawan yung tinidor. Nagbiro ka pang may darating na bisita. Tapos kinabukasan naman yung pagkakalaglag mo sa hagdan. Kinabahan ko. Tapos naalala ko yung pagkakabagsak mo nung nagpapractice ka nung araw na nagkabalikan tayo. Inobserbahan pa kita. Madalas mangyari ang mga pagkakabagsak mo, pati ang pagkautal mo. Ayokong mag-isip ng masama pero, hindi ko maiwasang mag-alala. Hanggang sa isang araw habang naglilinis ako ng kwarto, nakita ko yung calling card sa wallet mo. Calling card ng doktor ni daddy nuon. Kinabahan ako. Pareho ba ng sakit ni papa ang sakit mo? Naiyak ako. Ayokong isiping ganuon nga pero, yung mga napapansin ko sayo, ganuon din ang mga nangyari kay daddy nuon. Ai, angsakit. Lalu pa nung kumpirmahin mo ang hinala ko. Halos gumuho ang mundo ko at di mapigilang maiyak.

Dumating yung araw na kailangan nyong pumunta ng UK para sa competition. Ayaw ko sanang pumayag na sumama tayo pero, ayoko namang sirain ang pangarap mo. Paano kung sumpungin ka habang nasa stage? Paano na? Natatakot ako, Ai. Pero sa awa ng Diyos hindi nangyari yun. Nawala ang takot at pag-aalala ko nung nagsimula na kayong sumayaw. Di matanggal ang ngiti sa mga labi ko, lalu na nung marinig ko ang mga palakpakan ng mga tao. Maging taga-ibang bansa’y pinalakpakan kayo. Proud na proud ako sa inyo nuon, lalung lalo na sayo. Kitang kita ko ang kasiyahan sa mga mata mo. Di ninyo nakuha ang first place sa patimpalak na yun pero, kahit third place lang ang nakuha ninyo ay wala kayong panghihinayang. Ginawa ninyo ang best ninyo at marami ang humanga sa ipinakita ninyong talent.

Ai, naalala mo nung nasa air port tayo? Akala ko nun uuwi na tayo. Yun pala eh inihatid lang tayo ng mga kaibigan mo sa pagpunta natin sa Paris. At yung prize money nyo pa ang ginamit natin, binigay ng mga kaibigan mo ang parte nila para sa atin. Touched ako nun, Ai. Dakila nga ang mga kaibigan mo. Di na ako nagtataka kung bakit di mo sila maiwan. Gagawin nila ang lahat para maging masaya ka, tayo.

Ai, sa Paris ko naranasan ang unang halikan natin in public. Ramdam kong di mo ako ikinakahiya. Ipinakita mo sa lahat na mahal mo ako. Wala kang pakealam kung may nakatingin man sa atin. Napakasaya ko nun, Ai. Hinihiling ko na sana ay hindi na yun matapos pa. Na sana ay sa isang mala-paraisong siyudan na yun ay mamuhay tayo magkasama at maligaya.

Umuwi tayo ng Pilipinas, baon ang mga ala-alang pinagsaluhan natin sa ating pamamasyal. Sinalubong tayo ng mga kaibigan mo na sabik sa pasalubong. Masayang masaya sila sa bawat maliit na Eiffel Tower souvenirs na binili natin para sa kanila, at syempre may dala din tayong alak na pinagsaluhan nating lahat kinagabihan. Walang katapusang kwentuhan, payabangan, pati pang-aasar nila sa atin. Dati’y ikaw lang inaasar nila, nadamay pa ako ngayon. Pero okay lang, wala akong dapat pagsisihan. At dahil nakainom ka, nandun na naman ang kapilyuhan mo. Muli, pinagsaluhan natin ang gabing magkasama tayo.

Sa paglipas ng mga araw, halata na ang paglala ng sakit mo. Hindi mo ma magawang makapaglakad. Dahil din dun umuwi ang parents mo from States. Gusto ka nilang kunin para duon ipagamot. Todo tanggi mo. Alam kong ako ang dahilan, Ai. Nagalit ka pa nun sa akin dahil pinipilit kitang sumama sa parents mo. Ai, gusto ko lang namang gumaling ka. Pero tama ka, alam nating pareho na wala pang natutuklasang gamot upang malunasan ang sakit mo.

Dinala ka sa ospital. Ayaw mo nung una pero sinabi kong sasamahan kita. Ako ang laging nagbabantay sayo. Kitang kita ko ang hirap na pinagdaanan mo. Ang pagnanais mong muling makapaglakad. Kitang kita ko kung paano ka madapa sa bawat theraphy mo, pero mas nakikita ko ang pagpupursigi mo. Nanatili akong matatag para sa’yo, upang ako ang mapagkuhanan mo ng lakas. Pero sa tuwing tatalikod ako, di ko mapigilang lumuha. Natatakot ako. Nangangamba.

Natatandaan mo pa, Ai? Nung may napanuod tayong series sa TV tungkol sa babaeng may katulad mong sakit? Sabay nating sinubaybayan yun. Kahit di ka nagsasalita ng maayos, kitang kita ko sa mga luha mo na marami kang gustong sabihin. Nakakatawa nga eh, dati ayaw mo ng mga drama series, pero nung mga panahong yun magkasama pa tayong nanonood. Pati nga barkada mo na madalas dumalaw sa’yo natatawa dahil naging iyakin ka na raw. Pero alam mo naman ang mga yun, kahit nang-aasar hindi nila gustong nasasaktan ka. Alam natin na nasasaktan din sila at dinadaan nalang nila sa biro.

Ai, nagagalit ako sa’yo. Kasi naman sabi mo gusto mong matapos nating sabay yung kwento sa TV. Sabi mo gusto mong malaman kung paano magwawakas yun eh. Pero madaya ka. Nakakainis ka. Pati ako di ko na yun napanood dahil sa’yo. Bakit ba kasi napakadaya mo?



“Dylan, lumalamig na. Kailangan na nating bumalik.”

“S-s-sandal-l-li n-n-nalang p-po… d-d-doktor.”



Hay naku. Heto na si Dr. Mendoza, sinusundo na ako. Paano ba, Ai? Aalis na ako. Babalik nalang uli ako kapag pinayagan ulit ako ni doktor. Buti nga pinayagan nya ako ngayon. Sinamahan pa nya ako para dalawin ka. Mamayang gabi ako nalang mag-isa sa hospital. Uuwi kasi si doktor para mag-noche buena sa bahay nila.

Ai, limang taon na rin ang nakakaraan mula nung nawala ka, heto’t hawak ko ngayon ang pangalan mong nakaukit sa marmol na tableta. Pero, Ai, hindi rin magtatagal magkakasama na tayo ulit. Oo, Ai. Nagkaroon din ako ng sakit na tulad ng sa’yo. Alam ko namang maaari kong mamana kay daddy yung naging sakit nya kung kaya napaghandaan ko na ito. Hindi na ako natatakot, Ai. Ikaw ang naging balaraw na sumaksak sa damdamin ko nuon, pero yun din ang balaraw na ginagamit ko upang lumaban sa buhay. Ai, ikaw ang naging rosas na nagbigay sa akin ng pagmamahal. Ang devotion mo para mapasaya ako. Pinanghahawakan ko pa rin ang mga yun at hinding hindi  ako bibitaw hanggang sa malagutan ako ng hininga. Sana pagdating ng araw na yun natatandaan mo pa ako. Ai, hintayin mo ako ha? Mahal na mahal kita…



-END-




Note: May optional part po ito na sinulat ni Katotong ICE... Maaari nyo pong mabasa ang part 4 (Rose and Dagger: Ever After) sa kanyang blog, ICE's Stories. Salamt po^w^

Wednesday, December 21, 2011

Rose and Dagger: The Rose


Heto na po ang part 2... :)

ROSE AND DAGGER: The Rose

Matapos ng gabing yun, pakiramdam ko ay nawalan ako ng direksyon sa buhay. Si Dylan ang naging buhay ko sa nakalipas na isang taon. Pakiramdam ko ay isang malaking bahagi ko ang nawala sa kanyang paglisan.

Dapat nga ay maging masaya ako dahil wala na ang maghihina sa stereo kapag malakas ang pagpapatugtog ko. Wala na ang naglilipat ng TV sa news o telenovela kapag nanonood ako ng sports channel. Wala na ang nagsasabing maligo na ako dahil amoy pawis na ako. Wala na ang mag-uutos sa akin sa grocery kapag may kulang na gamit sa bahay. Wala na ang tatalak kapag umuuwi ako ng lasing.

Pero hindi eh. Hindi ako masaya. Wala na ang gumigising sa akin sa pamamagitan ng halik sa tuwing papasok na siya sa trabaho. Wala na ang ipinagluluto ko ng hapunan upang sa kanyang pag-uwi ay magkasalo kami’t magkukuwentuhan sa mga pangyayaring naganap sa maghapon. Wala na ang malalambing ko at naglalambing sa akin, ang kayakap ko sa tuwing gabi. Dahil dito’y lalo kong nilunod ang sarili ko sa alak. Para makalimot kahit sandali lang. Ngunit sa paglipas ng tama ng alak sa akin, bumabalik ang kalungkutang bumabalot sa aking pagkatao. Bumabalik sa isip ko na wala na akong kasama. Bumabalik sa puso ko na wala na ang kabiyak nito. Kung kaya muli akong iinom, upang muling makalimot.

Nagising ako mula sa aking pagkakahimbing dahil sa malalakas na katok sa pintuan ng boarding house ko. “Par! Par!” sigaw pa nito.

Tamad na tamad akong tumayo mula sa pagkakayuko ko sa mesa kung saan ako nakatulog. Naroon pa ang ilang bote ng beer na ininom ko kagabi. Sa aking pagtayo ay nakaramdam ako ng pamamanhid sa aking paa at di ko ito na-ihakbang, dahilan upang masubsob ako at tumama ang aking ulo sa silya. Agad kong hinawakan ang ulo ko. Pagtingin ko sa kamay ko ay may kaunting dugo. Badtrip!

“Par, okay ka lang?” tanong ng taong nasa labas, nakadungaw pala sa bintana at nakita ang pagkakasubsob ko.

“Okay lang. Saglit lang par, maghuhugas muna ako.” sagot ko at tumungo sa lababo upang hugasan ang nabukulan kong ulo. Binasa ko din ang towel at ito ang ipinantakip ko sa ulo ko. Matapos nito’y tinungo ko ang pinto upang papasukin ang tropa kong si Stephen.

“Pasok ka par. Nadalaw ka, anong sadya naten?” tanong ko.

Pumasok naman ito, inihagis ang dalang bag at dere-deretshong umupo sa sofa at ipinatong pa ang mga paa sa center table na akala mo’y pamamahay niya lang ang tinutuluyan ko. “Di mo man lang ba ako aalukin ng kape?” tanong pa nito.

“Pasensya na senyorito. Teka, ipagtitimpla ko po kayo.” Sagot ko na tinawanan nya.

“Ako na. Pahinga ka nalang dyan, sigurado akong hilo ka pa.” sabi nito sabay tayo upang magsangkap ng kape.

Naupo ako. Mabigat ang ulo ko dahil sa hang over, idagdag mo pa ang kirot na dala ng bukol ko. “Par, bakit ka nga pala napasyal?” muli kong tanong.

“May good news ako par. Pero bago yun, inumin mo muna to para mahimasmasan ka.” Iniabot nya sa akin ang isang tasa ng kape.

“Good news? Tungkol saan?” tamad kong tugon matapos humigop sa mainit na kape. Wala na akong maisip na maaaring maging good para sa akin. Isa lang naman ang gusto ko sa ngayon. Ang magbalik si Dylan.

“Yung matagal na nating hinihintay.” Sagot nya na bakas ang excitement sa mukha.

“Deretsuhin mo na nga ako.” inis na sagot ko. Ayaw na ayaw kong binibitin ako.

“Ikaw na ang magbasa.” Sagot nya sabay kuha ng isang envelope mula sa kanyang dalang bag. Iniabot nya ito sa akin.

“T-totoo ba to par?!” gulat na tanong ko matapos ko basahin ang invitational letter.

“May seal naman di ba?” sagot nito sabay turo sa embossed seal. “Bulag lang par?” pang-iinis pa nito.

“Bugok! Nililinaw ko lang.” sagot ko. “Pero par, anong nangyari?” naguluhang tanong ko.

“Yung naunang grupo kasi nadisqualify.” Sagot nya.

“Bakit daw?”

“Hindi ko alam. Importante pa ba yun? Ang importante, tayo ang pasok!” sagot nito.

Tama nga si Stephen. Matagal na rin naming inaasam na makapasok sa International Hip-Hop Dance Competition na ngayong taon ay gaganapin sa UK. Naging second place lang kami sa National Finals kung kaya hindi namin inaasahang kami ang maiiimbitahan para sa world finals.

“So, paano par? Ayusin mo ang sarili mo ha? Kailangan nating mag-practice loko.” Paalala ni Stephen. “Alis na ako, inform ko pa ang aibang tropa.” Dugtong pa niya.

“Sige par, salamat.” Sagot ko.

---==O==---

“Nagresign ka?” gulat na tanong ni Dylan.

“Kailangan eh. Kailangan kong tuparin ang pangarap ko.” Sagot ko. Nagresign ako sa trabaho dahil na rin sa kailangan kong magpractice para sa nalalapit na National Hip-Hop Dance Finals. Hopefully kami ang makapasok para sa Worl Finals.

“S-sige. Ikaw ang bahala.” Malungkot nyang tugon.

“Huwag ka nang malungkot, Ai. Magkikita naman tayo araw-araw.” Nakangiti kong sagot.

“Ha? Paano?” gulat na tanong nya.

“Dahil sa iisang bubong na tayo titira.”

“P-pero…”

“Walang pero. Lilipat ka sa boarding house ko mamayang gabi. Kinuha ko na sa land lady mo lahat ng gamit mo at nilipat sa boarding house ko. Magiging asawa na kita.” Pilyo kong tugon.

Kitang kita kong namula ang mukha nya. Napaka cute nya kapag namumula.

Ganuon nga ang nangyari. Tumira kami sa boarding house ko at naging masaya naman ang pagsasama namin. Para kaming mag-asawa na talaga.  Kaibahan nga lang, sa kabila ng mas babae sya sa akin kung titignan pati sa ugali, eh ako ang gumagawa ng gawaing bahay samantalang siya naman ang nagtatrabaho. Ganuon pa man, ang pera nya ay kanya dahil na rin sa nagpapadala siya sa pamilya nya sa probinsya. Ako ang gumagastos sa pang-araw-araw namin gamit ang allowance ko galing sa parents ko na kung tutuusin ay sobra-sobra pa sa aming dalawa.

Maalaga si Dylan, parang nanay na nga eh. Daming paalala araw-araw na paulit-ulit nalang.. Huwag ko daw hahayaang matuyo ang pawis sa likod ko, magdala daw ako ng extrang damit, magdala ng pulbos at towel, inom ng maraming tubig, etc. Mahigpit sya, pero dahil duon ay ramdam ko ang pagmamahal nya na sinusuklian ko naman.

“Ai, kapag nanalo kayo anong mangyayari?” alalang tanong nya.

“Eh di kami ang papasok para sa World Finals.”

“Saan ba yun?”

“Sa UK this year.”

“Tapos nun, uuwi na kayo?”

“Kapag nanalo kami, magkakaroon kami ng kontrata. Lilibutin namin ang buong mundo para mag-show.”

“Gaano katagal?”

“Mga isang taon siguro.”

Yumuko siya. Batid kong nalungkot siya nang malamang matagal akong mawawala kung matupad man ang pangarap ko. Inakbayan ko siya at pinasandal sa dibdib ko. “Huwag kang mag-alala, Ai. Kasama ka sa pangarap ko. Kung nasaan ako, isasama kita.” Pagkarinig sa sinabi ko’y gumuhit ang isang napakatamis na ngiti sa kanyang labi.

---==O==---

Isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Naalala ko na naman siya. Heto na, malapit ng matupad ang pangarap ko na kung saan naging bahagi siya. Pangarap na tutupad sa binuo naming pangarap. Ang libutin ang buong mundo na magkasama. Pero wala na siya. Hay.

Banyo ang aking tinungo upang maligo, para pawiin ang hang over na nararamdaman ko. Nagbihis at agad na nagtungo sa bahay nina Mitchell. Tulad ng inaasahan, nandoon na ang barkada ko pati na rin ang ibang kasapi ng grupo namin. Pinag-usapan lang namin kung ano ang isasayaw namin, ang tugtog na gagamitin, at schedule ng practice.

Kasama sa requirement ang medical certificate ng mga miyembro kung kaya nagpamedical at physical check up din kaming lahat kinabukasan sa accredited hospital na nakasaad sa sulat na ipinadala sa amin. Kinabukasan, bumalik kami upang malaman ang resulta ng check up. Ok naman ang lahat pero pinaiwan ako ng doktor na nag-check up sa amin.

“Doc, may problema ba sa medical ko?” agad kong tanong nang makalabas na ng clinic ang mga kasama ko.

“Hijo, may FLD o fatty liver ka.” Sagot ng doktor.

Nagulat ako sa pahayag ng doktor. “P-paano pong nangyari yun, doc? Hindi naman po ako mataba, regular naman ako mag-exercise.” Ito na yata ang sinasabi sa akin ni Dylan dati. Dahil ba sa katigasan ng ulo ko, pati pangarap ko’y mawawala din?

“Base sa medical mo, nakita ring mataas ang alcohol sa dugo mo. Nagkaroon ka ng taba sa atay dahil sa alak. Don’t worry, reversible naman iyon. All you have to do is to take medications and prevent alcohol.” Kalmadong paliwanag ng doktor.

Nakahinga ako ng maluwag matapos nun. Niresetahan niya ako ng gamot na agad ko namang binili. Sabi ng doktor ay within one month ay magagamot naman ang sakit ko kung kaya naging panatag ako. Aabot pa ako sa sa pag-alis namin para sa Finals.

Patuloy ang pag-inom ko ng gamot. Once a week ay bumabalik ako sa doktor upang patignan kung nag-iimprove ang kundisyon ng atay ko. Mabuti naman at naging maganda ang resulta ng aking pagpipigil sa pag-inom.

Kung naririto sana si Dylan, matutuwa yun kapag nalam niyang hindi na ako umiinom ng alak. Heto na naman siya, bumabalik-balik sa isip ko. Nasaan na kaya siya? Mabuti kaya ang kanyang lagay? Miss na miss ko na siya.

Isang araw ng practice, nagpapahinga muna kami. Nakaupo ako sa sahig, hawak-hawak ang isang baso ng tubig. Muli, inaalala ang mga pinagsamahan namin ni Dylan. Di siya mawaglit sa isip ko. Nakakalungkot lang dahil sa katigasan ng ulo ko, sa pagiging manhid ko, sa pagiging tanga at duwag ko, nawala ang kaisa-isang taong nagbibigay ng tunay na kaligayahan sa akin. Tama nga ang sinabi nila, kung kailan wala na ay dun mo hinahanap-hanap.

“Hoy! Tulala ka na naman!” panggulat ni Daniel.

“Kung makapanggulat ka naman. Buti sa atay ang diperensya ko, kung sa puso, tigok na ako!” reklamo ko.

“Sa atay nga lang ba?” tanong nia sabay bungisngis.

“Anong ibig mong sabihin?” takang tanong ko.

“Tanong mo kay Batman.”

“Ayoko kay Batman.” Sagot ko.

“Kay Harry Potter nalang.” Sabi niya tapos ay nagtaas-baba ng kilay.

“Ano yun, mamagikin nya ako?”

“Oo. May magic sya. Tatanggalin nya yang lungkot sa dibdib mo.” Sagot naman ng pilyo.Hindi ko iyon binigyan ng pansin at tumayo na ako. Ipinagpatuloy namin ang practice.

Hala sige, sayaw lang ng sayaw, indayog sa tugtog. Hinayaan ko ang buong katawan ko na gumalaw ayon sa kung ano ang nararamdaman ko. Dito ko inilabas ang mga ala-alang magkasama kami ni Dylan. Mga masasayang ala-ala. Biglang tumigil ang mga kasama ko sa pagsayaw, pinagmasdan nila ako dahil iba na ang nagiging galaw ko sa kanila. Matapos ko sumayaw ay nagpalakpakan ang mga bugok kong kasamahan. Tinitrip ata nila ako.

“Mga loko kayo!” yan lang ang nasabi ko. Patalikod na sana ako upang kumuha ulit ng tubig na maiinom nang marinig q ang isa pang palakpak. Nilingon ko ang pinanggagalingan ng palakpak upang bulyawan sana sa pag-aakalang isa sa mga kasamahan ko iyon. Pero nagmistulang bato ako nang makita kung sino iyon. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng kuha ko. Luhang dumaloy dahil sa kagalakan.

“A-anong ginagawa mo rito? Ang ibig kong sabihin… Ahh… Paano mo nalamang nandito ako?” Nauutal ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin.

Lumapit si Dylan sa akin. Kita kong may itinatago siya sa kanyang likuran. Napalunok ako ng laway. Natatakot na ako, baka kutsilyo na naman ang hawak nito. Pero hindi. Kutsilyo man ang hawak niya, kailangan ko nang maging matapang. Napakalungkot ng buhay kong wala siya. Pagkakataon ko na ito upang makapasa sa pagsubok niya, kung may inihanda man siyang muli.

“Kamusta ka na?” tanong niya.

“H-heto. M-mabuti naman.” Utal na tugon ko.

“Mabuti raw, napaka-emo mo kaya nitong nakaraan. Bigla nalang din natutulala. Mukang timang lang.” pang-eepal ni Mitchell.

“Oo nga, kulang nalang pasukan ng langaw sa bungaga, laging naka-nganga.” Sundot ni Stephen.

“Ako na naman ang nakita nyo!” inis na sagot ko sa mga ito. Tawanan lang sila. Maging si Dylan ay nakitawa. Nahiya ako bigla sa mga sinabi ng mga barkada ko. Ganun ba ako ka-obvious? Napayuko nalang ako sa hiya.

“Na-miss mo ba ako?” tanong ni Dylan. Napakalambing ng tinig niya.

Bigla kong iniangat ang mukha ko. “Miss na miss. Hindi mo lang alam kung gaano ako kalungkot na wala ka, Ai.” Ang naisatinig ko. Wala na akong pakealam kung ano man ang isipin ng tropa tungkol sa amin. Ang mahalaga sa akin ay si Dylan.

Ngumiti ito ng ubod ng tamis. Maya-maya ay iginalaw niya ang kamay niya. Muli akong napalunok ng laway. Heto na, ilalabas na niya kung ano man ang hawak niya.

“Sorry Ai, for what I did. Will you make me yours again?” tanong niya sabay abot ng isang tangkay ng rosas.

Labis na kaligayahan ang naramdaman ko sa mga sandaling yun. Wala na akong mahihiling pa. Matutupad na sa wakas ang pangarap ko, ang pangarap namin. Makakasama ko na siyang muli. “Yes.” Ang sagot ko at malugod kong tinanggap ang rosas na ibinibigay niya. Pagkahawak ko sa rosas ay bigla ko itong nabitawan. May tinik pa pala iyon.

“Okay ka lang, Ai?” alalang tanong niya.

“O-ok lang, Ai.” Sagot ko na may matamis na ngiti. Dinampot ko ang rosas na nalaglag.

Bigla niyang hinila ang kamay ko. “Patingin. Naku, may sugat ka.” Sabi niya sabay subo ng daliri kong natusok. Napangiti ako sa kanyang ginawa. Hinila ko siya palapit at niyakap.

“Tama na ang ka-sweetan ninyo, may practice pa tayo.” Pang-iistorbo ni Mitchell. Dun ko lang naalala na nanonood nga pala ang mga barkada ko.

Tiningnan ko si Dylan. Nakangiti lang ito. “Alam nila. Kinausap nga ako ni Daniel kahapon upang balikan ka. Sa kanya ko nalaman lahat ng paghihirap at sakripisyo mo, pati ang pagbabago mo.” Sabi nito.

“Loko kayo! Kelan nyo pa nalaman?” baling ko sa barkada ko.

“Nung umalis si Harry. Halatang heart broken ka nun eh. Hahaha!” si Mitchell.

“Oo nga. daig mo pa ang baklitang iniwan ng papa. Hahaha!” gatong ni Stephen.

“Mga ulol!” yun nalang ang naisagot ko. Nagtawanan kaming lahat matapos nun. Napakasaya ko.

Muli naming itinuloy ang practice. Si Dylan naman ay nanunuod lang. Nagustuhan nila ang isinayaw ko kanina kung kaya nais nilang idagdag yun sa sasayawin namin.

Sa kalagitnaan ng pagsasayaw namin ay bigla ko na namang hindi naigalaw ang paa ko. Maging ang mga kamay ko’y biglang hindi ko nagalaw, dahilan upang masubsob ako na una ang mukha ko sa semento.

Nataranta silang lahat lalung lalo na si Dylan. Inalalayan nila akong tumayo. “O-okay ka lang ba, Ai?” tanong ni dylan na bakas samukha ang labis na pag-aalala.

“Oo, Ai. Okay lang ako. I just, fell for you again.” Sagot ko.

Nagtawanan ang barkada. “Ang corny ng banat mo, par!” pang-aasar nila.

“Inggit lang kayo!” sagot ko sa kanila.

Nakatitig lang sa akin si Dylan. Mukhang hindi siya natuwa sa banat ko. “Okay lang ako, Ai. Don’t worry. Pagod lang kasi ako.”

“Sigurado ka?”

“Oo, Ai.” Sagot ko at inilapit ko ang mukha ko sa kanya upang bigyan siya ng halik upang mapanatag na siya.

 Kinabukasan ay bumalik ako sa doktor. Nag-aalala na din ako sa mga nangyayari sa akin. Sintomas ba to ng FLD? O side effect ng mga gamot? Pero hindi eh. Matagal ko nang nararanasan to. Napadalas lang ngayon.

“Kailan mo pa nararanasan yan?” tanong ni doc sa akin matapos kong sabihin sa kanya ang mga biglaang pagkawala ng kontrol ko sa paa at kamay ko.

“Siguro doc, mga 6 na buwan na rin.”

“Gaano kadalas?”

“Madalang lang doc. Dati siguro 2-3x a month lang. Pero nitong nakaraan halos 2 sa isang linggo.”

Biglang natahimik sa doktor. Kinabahan ako bigla. “Doc ano po, sintomas ba to ng sakit ko sa atay?”

“Hindi. Mabuti pa, puntahan mo si Dr. Mendoza. Isa siyang neurologist. Ako na ang tatawag sa kanya para magka-appointment ka. Puntahan mo na siya.” Sabi ni doc sabay abot ng caling card ng specialist.



“Oh, Ai. Bakit ngayon ka lang? Saan ka nagpunta?” salubong ni Dylan sa akin pagka-uwi ko ng bahay galing sa neurologist.

“Ah, pinuntahan ko lang si doktor para ipa-check kung ok na ang liver ko. Namiss mo na ba ako agad, Ai?” malambing kong tugon sa kanya. Kinarga ko siya na para bang bride.

“Huy, Ai. Ibaba mo nga ako.” gulat na nasabi niya.

“Ayoko.” Sabi ko na parang bata sabay labas ng dila. Inakyat ko siya sa hagdan patungo sa aming kuwarto. Dahan-dahan ko siyang inihiga sa aming kama.

“Para saan yang ngiting yan?” tanong niya.

“Honeymoon natin.” Sabi ko at nagpakawala ng sexy smile na alam kong hindi niya matatanggihan.

“Everyday honeymoon? Anghilig mo talaga, Ai.” Natawang sagot niya.

“Dahil everyday I love you.” Sagot ko tapos ay tuluyan ko na siyang hinalikan. Pinagsaluhan namin ang gabi. Gabing sana ay hindi na matapos pa.

Sa tuwing mararamdaman kong susumpong ang sintomas ng sakit ko ay lagi ko nalang itong itinatago kay Dylan. Kapag naman sa tingin ko ay napansin niya ay agad akong nagpapalusot. Na kesyo natisod ako, o kaya naman ay stressed ako, pagod, etc. Ayoko siyang mag-alala. Pero alam ko, isang araw ay hindi ko na ito magagawang itago pa.

Palihim akong pumupunta sa neurologist. Madalas ang paalam ko kay Dylan ay may practice kami at itinataon kong may pasok siya upang hindi makahalata. Nahihirapan ako sa totoo lang, pero mas mahihirapan ako kapag nalaman na niya. Ayokong maawa siya sa akin, o di kaya’y mawalan ng pag-asa para sa akin at muli niya akong hiwalayan. Ikamamatay ko kapag lumayo siyang muli.

Isang gabi, habang tulog siya. Pinagmasdan ko lang ang kanyang mukha. Kinakausap siya habang siya ay nahihimbing. “Ai. Salamat at narito ka sa tabi ko. Hindi mo ako pinababayaan. Lagi mong pinararamdam sa akin ang pagmamahal mo araw-araw. Sana ay hindi ka magsawa. Ai, patawarin mo ako kung may pagkukulang ako. mahal na mahal kita.” Tapos ay inilapit ko ang aking mukha sa kanya upang bigyan siya ng isang halik.

Iminulat niya ang kanyang mata na aking ikinagulat. “Bakit sa cheek lang?” tanong niya. Ako man ay nagulat dahil sa ang labi niya ang gusto kong halikan.

“K-kanina k-ka pa ba g-gising?” natulirong tanong ko.

“Oo, Ai. Rinig ko lahat ng sinabi mo. Salamat sa pagmamahal mo, Ai. Mahal na mahal din kita.” Hinawakan niya ang aking mukha. Ang mga hinlalaki niya ay humahaplos sa ilalim ng aking mga mata. Ramdam ko ang init ng kanyang mga palad.  “Ai.” Pagtawag niya sa akin.

“Yes, Ai?” tugon ko habang nakangiting nakatitig sa kanyang mga matang kumikislap dahil sa liwanag na nanggagaling sa buwan na lumulusot sa bintana.

“You can tell me na.” kalmado niyang wika.

Naguluhan ako. “Alin, Ai?” tanong ko sa kanya habang nananatili ang pagtititigan namin..

“Yang bumabagabag sa’yo.”

“W-wala naman, Ai. Gusto ko lang maglabas ng nararamdaman ko.”

“Ai, huwag ka nang maglihim. Alam ko na. Gusto ko lang na sa’yo mismo manggaling.”

“Wala nga, A-ai.”

“Ai, yang madalas mong pagka-utal, ang madalas mong pagkakasubsob, ang biglang pagbitaw mo sa mga hawak mo. Ai, alam kong sintomas ang mga yan. Nakita ko rin ang calling card ni Dr. Mendoza sa wallet mo.”

Natahimik ako. Hindi ko alam kung aamin na ba ako. Wala akong maisip na ilulusot.

“Ai, may SCA ka, hindi ba?”

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahang alam nga niya kung ano ang karamdaman ko. Wala na akong nagawa kundi ang tumango.

Sunday, December 18, 2011

Rose and Dagger: The Dagger


Sorry sa pag-pull out q dti... cnigurado q lang na may kasunod >_<
sa katamaran q kcng to bka d q xa masundan kya aun, pasensya na... anyway, e2 npo, sna mgustuhan nyo :)
 
ROSE AND DAGGER: The Dagger

“Hoy! Tagay mo na!” ang pabulyaw na sabi ni Stephen na nagpahinto sa aking pag-iisip. “Di baleng magtagal sa suso, huwag lang sa baso!” dugtong pa nito na tinawanan naman ng iba pang kasama namin sa inuman.

“Luko-luko!” sagot ko ng natatawa sabay tungga ng red horse na kanina pa pala nakatapat sa akin.

“Bakit ba anglalim ng iniisip mo? Huwag kang mag-alala, mahal ka din nun!” pang-aalaska sa akin ni Mitchell na tanggero namin.

“Alam ko!” pabiro ko ding sagot sabay kuha ng baso sa kanya.

“Bakit pala hindi mo isinama yung bago mong tropa? Para makilala din namin. Mukang mabait naman yun.” Si Daniel naman yun na nilalantakan ang pulutan naming sisig.

“Si Dylan ba? Nagpapahinga yun, pagod yun sa trabaho.” Sagot ko naman.

“Akala ko Harry ang pangalan nun?” sabad naman ni Stephen.

“Harry lang tawag namin kasi kahawig nya si Harry Potter. Pero Dylan pangalan nun.” Paliwanag ko na natatawa din dahil sa naalala ko kung bakit ko nga sya tinatawag na Harry.

“Ah siya nga, kahawig nga nya. Oblong lang yung salamin samantalang yung Harry Potter bilog.” Si Mitchell habang nagbubuhos ng dalawa pang bote ng Red Horse sa pitsel.

“Sayang naman. Sana sinama mo pa din, para madagdagan tayo sa grupo.” Si Daniel.

“Hayaan nyo, sa susunod isasama ko na.” sagot ko nalang.

---==O==---

“Iinom ka na naman?!” malumanay subalit may bahid ng pagkainis na sambit ni Dylan. Nagpaalam ako na lalabas dahil sa sabado ngayon, schedule ng inuman namin ng mga katropa ko mula pa nung high school.

“Alam mo namang may Saturday session kami ng mga tropa ko diba?” sagot ko.

“Oo nga, pero apat na gabi ka ng sunod-sunod na naglalasing eh. Every week nalang 4-5x kang umuuwi ng lasing.”

Ngumiti ako at lumapit sa kanya upang maglambing. Upang pahupain ang inis niya. “Ai, hayaan mo na. Atleast hindi ako nagda-drugs. Isa pa, malambing ako pag lasing. Ayaw mo nun, halos gabi-gabi nilalambing kita?”

Bahagya ako nitong tinulak at tumingin sa akin ng salubong ang mga kilay. “Ok sana yung naglalambing eh, kaso alam mo namang ayoko sa amoy ng alak.”

“Hayaan mo, maliligo ako mamaya pag-uwi.” Pabiro kong sagot dito.

“Bahala ka na nga! Kapag ikaw nagkasakit sa kakainom mo, huwag mong sasabihing hindi kita sinabihan!” sagot nito at dumeretso ng banyo.

Natatawa nalang ako sa pagtatampo nito. Mabuti pang iwan ko na muna. Habang lalong inaalo lalong nagtatampo eh. Lumabas na nga ako upang magtungo sa bahay nina Mitchell.

---==O==---

“San mo pala nakilala yun tol?” tanong sakin ni Stephen.

“Sa training.” Maikli kong sagot.

“Ahh… Buti pa nga yun kasama mo araw-araw, ipinagpapalit mo na kami sa bagong tropa mo ah.” Si Stepehn uli.

“Hindi naman sa ganun tol. Di pa naman ako pumalya sa Saturday session natin diba? Kung di ako nakapunta dun ko kayo ipinagpapalit.” Natatawa kong sagot.

“Bugok!” sagot naman ni Mitchell sabay batok sa akin. “May balak ka pa atang pumalya ah. Subukan mo lang, lulumpuhin talaga kita!” pagbabanta nito.

“Nagbibiro lang! Kung makapagbanta naman kayo parang syota ko kayo ah!” sagot kong natatawa pa rin habang kinakamot ang aking batok.

---==O==---

Unang araw ng training sa aking pinasukang trabaho. Excited ako dahil sa unang pagkakataon ay mararanasan ko ng kumita ng sarili kong pera, may mga bagong makikilala, at bagong karanasan. Isa itong adventure para sa akin.

Pinapasok kami sa training room. 24 kami lahat-lahat na magtetraining. Kinailangan naming magpakilala-isa-isa sa harap. Natatawa ako dahil dinaig pa nito ang high school. Nakatitig lamang ako sa kung sino ang nagsasalita, upang kahit papaano’y may makuha akong impormasyon tungkol sa aking magiging mga katrabaho.

Matapos ng ilang sandali, isang lalaki ang tumayo. Ang unang mapapansin mo rito ay ang kaniyang suot na salamin na itim ang frame. Natatawa ako sa itsura nya kasi muka syang nerd. May makapal na buhok na one-sided na medyo wavy, maputla ang balat at siguro’y 5’5” ang taas. Nakasuot pa siya ng sweater, nerd na nerd ang dating. Nagpakilala ito at sinabi niyang Dylan ang kaniyang pangalan, kasing edad ko lang at taga probinsya. Parang nangangati ang palad ko habang tinitignan siya. Mukang may mabubully ako sa trabaho ko ah. Hehehe…

---==O==---

Ilang tagay pa ang dumaan sa akin, medyo hilo na rin ako pero hindi pa ako lasing. Tawanan, kantahan, alaskahan. Walang pagbabago, masaya talagang kasama ang mga tropa kong ito at kahit kailan hinding hindi ko sila ipagpapalit sa ibang barkada.

Nabigla nalang ako nang may tumabi sa aking kinauupuang pahabang silya. Paglingon ko dito ay halos malaglag aq mula sa aking pagkakaupo. Nanlaki ang mga mata ko sa ‘di inaasahang sasali sa inuman namin.

“Pare, tagay mo.” Sambit ni Mitchell sabay abot ng basong halos umapaw na ang alak.

“Salamat.” Sagot ni Dylan sabay tungga ng alak. Bottom’s up. Nang maubos ay halos pabagsak niayng inilapag ang baso sa mesa.

Kinuha ni Mitchell ang baso at nilagyan muli ng laman sabay abot sa akin. “Buti nakahabol ka? Sabi nitong kaibigan mo nagpapahinga ka na raw eh.” Sabi pa nito habang nakaharap kay Dylan.

“Hindi naman ako niyaya nyan eh.” Malamig niyang sagot.

---==O==---

Lagi kong inaasar si Dylan sa tuwing nakikita ko siya. Pag nasa pantry kami nandyan yung hahagisan ko ng balat ng candy ang pagkain o inumin nya. Nandyan yung bigla kong susundutin ang tagiliran nya para makiliti. Maeron ding panahong sinisipulan ko na para bang isang sexy ang dumadaan. Pero, tila ba isang bolang tumatalbog pabalik sa akin ang mga ginagawa ko. Sa tuwing may gagawin ako para asarin siya ay isang malamlam na titig lang ang ibabato niya sa akin. Isang titig na may kakaibang dala sa akin. Kakaiba dahil parang tinatalaban ako. Hindi ko maipaliwanag. Kapag binato na niya ang titig na iyon sa akin ay natatameme ako. Na parang ako ang napapahiya.

Nagpasya na akong kaibiganin siya kuno. Sa ganuong paraan ay malalaman ko ang kahinaan nya. Ang mga sikreto nya. Sa ganoong paraan ay maaasar ko siya ng big time. Hindi ako papayag na ako ang mapatameme nya. Wala pang taong nakapagbalik sa akin ng mga pang-aasar ko. At hindi ako papayag na ang nerd na to ang gagawa sa akin nun. Gaganti ako!

Ganun nga ang ginawa ko. Kinaibigan ko ang loko. Madali lang naman pala siyang pakisamahan. Simple. Walang halong keme. Sabay kaming nagla-lunch,  pipila sa may counter habang nag-uusap. Sabay kaming naninigarilyo sa labas, nagkukuwentuhan ng kung ano-ano sa ilalim ng buwan. Natutuwa ako sa mga nangyayari. Di ko inaasahang ganito lang pala kadali makuha ang loob niya. Mas madali kong maisasakatuparan ang madilim kong balak sa kanya kapag nagpatuloy ito.

Papalapit na ang pagtatapos ng training at pinag-uusapan na mag-out of town kami para makapag-party bago matapos ang training at mag-umpisa ang totoong trabaho. Wala silang maisip na pupuntahan kung kaya inalok ko sa kanila ang isang beach sa probinsya namin. Isa yung beach na hindi nadevelop at pinepreseve ng gobyerno. Nung una ay maraming umangal dahil nga malayo ang probinsya namin. Pero napapayag din sila dahil kung iisipin ay mas makakatipid talaga gami kung sa probinsya nalang namin. May matutuluyan na kami at wala pang bayad yung beach. Bale pagkain at pamasahe lang ang gastos.

Dumating ang araw ng outing. Itinaon na Byernes kami aalis para akop ang Sabado at Linggo, tapos ay holiday pa sa Lunes. Nagkita-kita kami sa terminal sa Cubao. Sa bus ay tumabi ako kay Dylan. 8 hours din ang byahe kaya umapoy ang pwet namin sa pagkakaupo. Gabi na nang dumating kami ng bayan at umarkila ng mga tricycle  papunta sa bahay ng lola ko. Sinalubong naman kami ni Lola at winelcome sa bahay niya. Malaki din ang bahay ni lola, ancestral house kasi. Nagpahinga muna kami dahil sa pagod ang lahat sa byahe.

Kinaumagahan ay agad silang nagluto ng magiging baon namin. Isang tricycle lang naman ang layo ng beach kaya nag-arkila nalang kami ng 5 tricycle para masakyan naming lahat. Nakakatawa kasi punuan talaga ang tricycle sa probinsya. Yung tipong pati bubong eh may sakay. Ganun ang lagay namin ni Dylan, nakasakay kami sa bubong na magkatabi.

Pagdating sa dagat ay nagtayo agad kami ng tents. Balak naming mag-overnight duon. May mga kasama kaming hindi na nakapag-hintay ay nilusong agad ang dagat na sa mga oras na yun ay payapa pa. Ang ilan naman, kasama kami ni Dylan, ay nag-ihaw nalang ng mga dinala naming karne. Nagkataong dumaong rin ang mga mangingisda at inalok kami ng mga lamang dagat at isdang nahuli nila. Mura ang isda rito, hindi tulad kapag nadala na sa palengke. Inihaw rin namin ang mga iyon.

Kitang kita ko kay Dylan ang kislap sa mga mata nya sa likod ng kanyang suot na salamin sa mga oras na yun. Batid kong masayang masaya siya. Sa di malamang dahilan ay napangiti rin ako sa tanawing aking nakikita habang nag-iihaw kami. Masaya akong makita siyang masaya. Dito ko naisip na huwag ng ituloy ang aking balak. Wala naman talaga siyang ginawang masama sa akin eh. Ako lang talaga itong bugok na gustong gumanti sa kabila ng pananahimik ng tao.

---==O==---

Patuloy ang pakikipag-usap ni Dylan sa mga barkada ko samantalang ako ay hindi niya iniimik, ni hindi man lang ako nililingon. Dito ako natatakot, kapag hindi na siya umiimik. Hindi ko maintindihan. Oo alam kong nagtatampo siya. Pero sa nakikita ko ngayon ay hindi lang ito tampo. Galit siya.

“Harry, may girlfriend ba tong kumag na ‘to?” tanong ni Daniel kay Dylan habang dinuduro nito ang noo ko.

“Ewan ko diyan.” Maikling sagot nito.

“Eh diba magkasama kayo sa boarding house nya? Wala ka bang nakikitang iniuuwi niyang babae?” muling tanong ni Daniel.

“Wala eh.” Si Dylan.

“Baka lalake na ang iniuuwi.” Sundot ni Stephen na dahilan upang maghagalpakan sila maliban samin ni Dylan.

“Bakit ba ako ang topic nyo, ha?!” inis na sabad ko sa kanila.

“Kasi asar-talo ka!” sagot ni Stephen at hagalpakan uli sila.

Nagpatuloy ang inuman at pang-aasar nila sa akin, pati na rin ang mga kung anu-anong tanong nila kay Dylan. Napansin kong marami na ang nainom ni Dylan dahil na rin laging puno ang basong ibinibigay ni Mitchell dito. Nagpasya na akong patigilin siya. “Par, tama na. Mahinang uminom si Dylan.” Sabi ko kay Mitchell.

“Hindi yan. Kaya pa yan, di ba Harry?”

“Yakang-yaka!” sagot nito sabay flex ng patpatin niyang biceps na dahilan upang matawang muli ang tropa. Iba na ang boses nya, halatang lasing na sya. Nag-aalala ako, hindi naman siya ganito. Napabuntong hininga na lamang ako.

---==O==---

Naging masaya ang bakasyon namin sa dagat. Swimming dito, kain duon, harutan dito, daldalan dun. Kinagabihan ay lumikha kami ng apoy na pinalibutan naming kahat. Pinagsaluhan namin ang mga pagkaing hindi pa namin nagalaw tulad ng dinuguan, pancit, puto at mga prutas. Sarap na sarap ako sa pagkain, halo-halo na ang pagkaing nasa paper plate ko. Nagulat na lang ako nang bigla akong binatukan ni Dylan.

“Bakit mo ginawa yun?!” inis na sabi ko sa kanya.

“Kain ka nang kain hindi mo muna chinicheck yung kinakain mo. Panis na kaya yung pansit.” Sabi niya.

Dun ko lang naisipang amuyin ang kinakain ko. Medyo may amoy na nga. “Pwede pa to, lamang tyan din to.” Sabi ko.

Hindi siya sumagot. Bagkus ay hinablot niya ang paper plate ko at agad na isinilid sa itim na plastic bag na lagayan namin ng basura. Tapos ay kumuha siya ng bagong paper plate at ikinuha ako ng puto at dinuguan. “Heto lamunin mo.” Sabi niya sabay abot sa paper plate.

Napangiti ako sa ginawa niya. Sweet naman nitong taong to sabi ko sa sarili ko. Ang ginawa ko ay isinawsaw ko yung puto sa dinuguan tapos ay itinapat ko sa kanyang mukha. Nung una ay inilayo niya ang mukha niya peo sinundan ko ito hanggang sa wala na siyang magawa kundi ang kagatin ang putong inaalok ko. Pinagtinginan kami ng mga kasama namin at kinantyawan. Para daw kaming mag-syota.

Nag-inuman muna kami. Tawanan, kantyawan, kwentuhan, isang tipikal na inuman ng mga magkakatrabaho. Nang oras na ng pagtulog ay pumasok kami sa tent na itinayo ko. Ang nakakapagtaka ay kaming dalawa lang ni Dylan ang pumasok duon. Parang tinitrip kami ng mga kasama namin ah. Napailing nalang ako.

Nakahiga kaming dalawa sa loob ng tent. Tahimik si Dylan, halatang nalasing ito kahit dadalawang bote ng red horse lang ang ininom nito. Nagpasya akong basagin ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa.

“Harry, sorry sa mga ginawa ko sa’yo dati ha?”

“Ok na yun. Wag mo nang isipin pa.”

Bigla na nman kaming natahimik. Pinakikiramdaman ko kung magsasalita siyang muli pero wala akong naririnig sa kanya. Ako man ay walang alam sabihin. Huminga na lang ako ng malalim at nagsabing “Good night.”

Di ko inaasahan ang isasagot niya. Nakatingin siya sa itaas, sa kung saan pumapasok ang liwanag n nagmumula sa buwan. “Full moon pala ngayon. ‘Di kaya mag-high tide?”

Pagkasabi niya ng mga salitang yun ay biglang pumasok ang tubig-alat sa aming kinahihigaan. Nag-high tide nga. Bigla kaming napabalikwas. Sa aking pagtayo ay biglang nabunot ang tent mula sa buhanging pinagturukan ko, dahilan upang liparin ang tent namin ng malakas na panggabing hangin. Hinabol ko ang tent namin samantalang si Dylan naman ay hinabol ang bag naming tinangay ng mga agos.

Nahabol ko ang tent at muli ko itong itinayo na malayo-layo sa dagat. Lumapit si Dylan na tangan-tangan ang mga bag namin na basang basa. Nagtinginan kami at sabay na natawa sa nangyari. Kapwa basa ang aming mga soot na damit at basa rin ang bag namin. Wala kaming tuyong damit na maisosoot. Nakakhiya naman kung gisingin pa namin ang mga kasama namin upang manghiram ng damit. Kaya napagpasyahan nalang naming pumasok sa tent upang hindi lamigin. Pero dahil sa basa nga ang damit namin ay nilalamig pa din kami.

“Hubarin nalang natin. Baka magkasakit pa tayo neto.” Sabi ko. Sumang-ayon naman siya. Kapwa kami naghubo sa loob ng tent namin. Kapwa kami patagilid nahiga, nakatalikod sa isa’t isa.

Tahimik. Tanging ang ingay ng agos ng karagatan at ang malakas na hangin lang ang aming naririnig sa mga sandaling iyon. Nilalamig pa din ako. Ano ba ‘tong pinasok naming to?

Naramdaman ko na lang ang panginginig ng taong nasa likuran ko. Malamang ay nilalamig din siya tulad ko. Hindi, mas nilalamig siya kaysa sa akin dahil mas madaling lamigin ang mga payat. Naaawa ako pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Bahala na!

Tumagilid ako ng higa, ngayon ay paharap sa kanya. Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko upang hawakan ang kanyang braso. Hindi siya umimik. Dahan-dahan akong lumapit. Ganun pa din siya. Nilakasan ko na ang loob ko. Idinikit ko ang aking dibdib sa kanyang likuran sabay yakap sa kanyang katawang walang tigil sa pagnginig dahil sa lamig ng gabi.

Nanatili kami sa ganuong posisyon. Naramdaman ko ang unti-unting  pagkalma ng katawan niya. Idinantay ko ang aking hita sa kanyang hita upang lalo pang pawiin ang lamig na kawpa naming nararamdaman. Nakaramdam ako ng kapayapaan sa pagkakayakap ko sa kanya. Hindi ko namalayang nakatulog na ako.

Nagising nalang ako sa sigawang nagmumula sa labas. Iminulat ko ang aking mga mata at tumambad sa aking ang mukha ni Dylan. Nakaharap siya sa akin, yakap ang isa’t isa. Nagising rin siya sa aking paggalaw. Nanatili kaming nakatitg sa isa’t isa. Sa mga sandaling iyon ay tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Napakaganda pala ng muha niya. Ewan ko, pero sa mga sandling iyon ay parang kilala ko na siya, dati pa. Bumalik ang pag-ikot ng aming mundo nang biglang may yumugyog sa tent namin.

“Hoy! Love birds! Gising na!” sigaw ng isang babaeng kasamahan namin.

Dali-dali kaming kumalas sa pagyakap ay isinuot ang damit namin na hanggang ngayon ay basa pa din. Nang makabihis ay sabay kaming lumabas ng tent. “Anong oras na?” tanong ko sa babaeng istorbo.

“Alas-4 ng madaling araw.” Sagot niya sabay ngisi at takbo palayo.

“Als-4 pa lang? Ang liwanag na ah.” Sabi ni Dylan.

“Wala kasing sagabal sa liwanag ng araw kaya ganun. Hindi tulad sa siyudad na maraming nakaharang kaya hindi agad nagliliwanag sa silangan.” Sagot ko naman.

Nagpasya kaming maglakad-lakad sa dalampasigan. Malamig ang simoy ng hangin sa madaling araw pero ang tubig dagat na humahampas sa aming mga paa ay maligamgam. Nagtinginan kami at tila ba nagka-isa ang aming kaisipan. Bigla niya akong itinulak at humahalakhak na tumakbo palusong sa dagat. Natawa ako sa ginawa niya. Lumusong din ako upang habulin siya. Naligo kami sa init ng tubig, nagharutan, nagtawanan. Sinalubong namin ang bukang liwayway na may ngiti sa aming mga labi.

---==O==---

Muling pinuno ni Mitchell ang baso ng alak. Iniabot niya yun kay Dylan pero bigla ko itong hinablot at ako na ang tumungga. Pinagtinginan ako ng mga barkada ko. Nagulat sa pagsalo sa tagay na para kay Dylan. Hindi ko iyon pinansin. Iniunat ko ang aking kamay upang ibalik ang baso sa tanggero ngunit tila biglang namanhid ang kamay ko. Parang nawalan ako ng kontrol. Nabitawan ko ang baso na dahilan upang malaglag ito at mabasag.

“Anong nangyari sayo?” tanong ni Stephen sa akin.

“Lasing na ata ako, pre.” Sagot ko. Bigla akong tumayo at hinablot ang kamay ni Dylan at nagsabing “Uwi na kami.” Hindi ko na hinintay pa ang pagpayag nila. Naglakad ako, tangan ang kamay ni Dylan. Hindi naman siya pumalag, malamang ay dahil sa kalasingan.

Pagdating ng bahay ay bigla siyang kumalas sa pagkakahawak ko at akmang aakyat ng hagdan. Muli kong hinawakan siya upang alalayan subalit may lakas pa pala siya upang pumiglas.

“Ano bang problema mo?!” inis na sigaw ko. Hindi siya umimik. Patuloy siyang umakyat ng hagdan. Napailing nalang ako at bumungtong hininga.

Pumasok siya ng silid namin, kasunod lang niya ako. Gulat na gulat ako pagpasok ko sa kuwarto namin. Blacklight ang ilaw, may mga imahe ng mga bungo na nakadikit sa dingding na naggo-glow sa liwanag ng black light. Hindi ko maintindihan. Sinet-up ba niya ‘to?

Umupo siya sa kama namin. Malalim ang bawat pag-hinga nya. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. “Anong problema?” tanong ko.

Iniangat niya ang kanyang mukha, may nangingilid na luha sa kanyang mga mata at nagbigay ng isang mapait na ngiti. “Happy anniversary!” sabi niya.

Nagulantang ako. Anniversary pala namin. Nawala sa isip ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Naiinis ako sa kanya dahil sa pagsugod niya sa mga katropa ko upang sumali sa inuman, pero hindi ako inimik. Nainis ako sa kanya bakit hindi niya sinabi ang problema. Pero naaawa ako sa kanya, awa dahil sa gusto pala niyang magcelebrate kami pero ano ang ginawa ko? Inuna ko pa ang mga barkada ko. Ang masama pa, nakalimutan kong anniversary pala namin. Sobrang guilt ang naramdaman ko. Napayuko ako. “S-sorry… Sorry, Ai.” Ang tanging naisagot ko.


Tahimik.


“Ai…” pagtawag niya sa akin.

Humarap ako sa kanya na kanina pa nakatingin sa akin.

“M-mahal mo ba ako?” tanong niya.

“Mahal na mahal.” Sagot ko.

“May tiwala ka ba sa akin?” muli niyang tanong.

“Buo ang tiwala ko sa’yo, Ai.” Madiing sagot ko.

Bigla siyang tumayo at nagtungo sa cabinet niya. May kinuha siya pero hindi ko napansin kung ano. Itinago niya iyon sa kanyang likuran. Tapos nun ay nagpunta siya sa aking harapan. Lumuhod.

“Ai… totoo ba ang mga sinabi mo?” tanong niya na nakatitig sa aking mga mata.

“Oo, Ai. Mahal na mahal kita at tiwala ako sa’yo.” Sagot ko.

“Will you give your life to me?” tanong niya.

“I can die for you, Ai.” Sagot ko.

Pagkarinig sa sagot ko ay ngimiti siya. Inilabas niya ang itinatago niya sa kanyang likuran. Nanlaki ang mga mata ko, nawala ang kalasingan nang makitang isang kutsilyo ang kanyang kawak. Hinawakan niya ang aking kamay at pinahawak sa akin ang kutsilyo. “Patunayan mo, Ai. I want you to stab your heart for me.” Sabi niya.

Nanginig ang aking mga kalamnan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. “Are you serious?!” tarantang tanong ko sa kanya na sinagot niya ng isang tango. Pinagmamasdan lang niya ako, hinihintay ang aking gagawin. Napalunok ako ng laway. Mabigat ang bawat paghinga ko.

Inilapag ko ang kutsilyo sa kama at umiling. “Ai, this is crazy!” sigaw ko.

“You were lying then? You don’t love me? You don’t trust me? You can’t die for me?” sunod sunod niyang tanong. Nangingilid ang kanyang luha.

“Naka-drugs ka ba, Ai?!” sigaw ko sabay mahigpit na hinawakan ang kanyang mga braso.

“No. I’m just hurting.” Sagot niya.

“Ai, hindi naman ganyan ang sukatan ng pagmamahal eh! May ibang paraan!”

“This is the way I want you to prove your words.” Mahina niyang sagot. Matapos nun ay kumalas siya sa pagkakahawak ko at dinampot ang kutsilyo. Itinapt niya yun sa kanyang dibdib.

Nataranta ako. “Ai, don’t!” sigaw ko subalit huli na. Kitang kita ko ang pagbaon ng talim ng kutsilyo sa kanyang dibdib. Kitang kita ko ang buhay na dugong dumadaloy. “Ai!!!” ang naisigaw ko.

Kitang kita ko sa mukha niya ang sakit. Tumulo ang luha sa kanyang pisngi. “Ai, you don’t love me. You don’t trust me.” Sabi niya.

Nilapitan ko siya at akmang yayakapin subalit sinipa niya ako palayo. Dun niya hinugot ang kutsilyo sabay hagulgol niya. “You don’t love me. You don’t trust me.” Paulit ulit niyang sabi.

“Ai, halika na, dadalihin kita sa hospital!”  sigaw ko. Nanginginig ang mga kalamnan ko dahil sa mga pangyayari.

“You don’t have to.” Sagot niya sabay saksak ng kutsilyo sa kanyang palad. Nanlaki ang mga matako sa nakita. Hindi makapaniwala sa ginawa niya.

“Y-you tricked me?!” sigaw ko. Isang laruang kutsilyo pala yun. Isang kutsilyong pumapasok sa hawakan ang talim kapag isinaksak. Bumabalik ito sa dating anyo dahil sa spring sa loob. Duon ko lang naamoy ang singaw na nanggagaling sa kanya. Amoy carrot syrup. Iyon ang inakala kong dugo. Marahil ay inilagay niya sa loob ang syrup upang sa pagpaloob ng talim sa hawakan ay puputok ang lalagyan nito upang tumulo ang syrup.

“Oo. Gusto kong malaman kung totoo ang mga sinasabi mo lagi sa akin. Ngayon alam ko na, na kasinungalingan lahat ng iyon. Kung mahal mo ako ay papahalagahan mo ako at ang namamagitan sa atin. Kung may tiwala ka sa akin, alam mong hindi ko gugustuhing mamatay ka. Kung kaya mong mamatay para sa akin ay papasa ka sa pagsubok na ‘to. But you failed. You failed me.” Salysay niya habang humihikbi.

Para akong hinampas ng kawali sa ulo. Tama nga siya. I failed him. Manhid ako. Tanga ako. Duwag ako.

Muli niyang tinungo ang cabinet at inilabas ang malaking bag. Planado nga ang mga to. Naglakad siya palabas sa pinto. Hinabol ko siya. Lumuhod. “Ai, please wag kang aalis. Di ko kakayaning wala ka.” Pagmamakaawa ko.

“Kaya mo, Ai. Kaya mong wala ako. Ang di mo kaya ay ang wala ang barkada mo at ang alak na pinagsasaluhan nyo.” Sagot niya at tuluyan ng lumabas. Naiwan akong nakatanga. Tuliro. Hindi alam kung ano ang gagawin ngayong wala na ang taong binalewala ko. Ang taong mahal na mahal ko

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails