Followers

Showing posts with label Look at Me with Love. Show all posts
Showing posts with label Look at Me with Love. Show all posts

Friday, April 12, 2013

Look at me with Love Part 10 – A Friend


Look at me with Love Part 10 – A Friend
By: simonusimon
                “Good morning ma” bati ni John sa mama nya habang nasa hapag. Madaling araw palang ay ginawa na ni John ang report na pinapahanda ng kanyang mama sa kanya. Hindi pa agad makausap ni John ang kanyang mama dahil may kausap ito sa telepono.
                Habang kumakain ang mag-ina ay pumapailanlang pa rin ang katahimikan sa buong hapag. Walang lakas ng loob na magsalita si john dahil alam nya na ang dahilan ng pag-uwi ng kanyang ina. Kitang kita ang lungkot at kaba sa mukha ni John. Isang disappointment na naman, yan ang pumapasok sa isipan ni John dagdag pa ang eksena nila kagabi.
                Natapos kumain ang mag-ina, may kausap na naman ang kanyang ina sa telepono habang binubuklat ang gabundok na mga papeles.
                “John anung nangyari?”
                “Ma, napainom lang po kagabi”
                “hindi un gang tinatanong ko, anung nangyari sa kompanya?”
                “Ma nagkaroon lang po ng konting problema” kabadong sagot ni John.
                “John ipinagkatiwala ng papa mo ang kompanya sayo. Kung hindi mo kaya sabihin mo. Hindi biro to.” Wika ng kanyang ina habang patuloy ang pagbuklat ng mga papeles. “Uuwi ang papa mo sa makalawa, gusto nyang Makita ung report mo” dagdag pa ng mama nya.
                “Ma, nahanda ko nap o yung report”
                “No anak, ang papa mo na ang titingin nyan, aalis na ako after kong mareview tong mga papeles, may emergency meeting ako. Kailangan kong bumalik agad.” Tuloy tuloy na pahayag ng kanyang ina. “sige aalis na ako. Manang nandyan na ba yung driver” pagtawag ng kanyang ina sa kanilang kasambahay.
                “Opo ma’am” sagot naman nito.
                Buong pag-uusap ng mag-ina ay di man lang nagtagpo ang kanilang mata na lalong nagpapalayo sa kanyang ina. Dumating at ngayon ay aalis ang kanyang ina ng walang nangyari       . Nakayuko lang si John habang nakaupo pa rin sa hapag nang Makita nya ang isang folder ng mga papeles na naiwanan ng kanyang ina.
                “Anak, nakita nmo ba yung… ayun. Sige aalis na ako” sabay kuha sa folder “Anak, ayoko na nga palang maulit ung pakikibarkada mo kung kani-kanino, kilalanin mo muna. Tingnan mo ang nagiging impluwensya sayo.”
                Napayuko na lamang si John sa sinabi ng kanyang ina. Hanggang ngayon pala ay naaalala pa nila ang nakaraan. Noong napabarkada si John noon na bumaba ang grade nya, dahil sa nagkasakit sya ngunit ang lagging sinisisi ng kanyang mga magulang ay kanyang mga kalaro na nagging dahilan para pagbawalan syang lumabas at makipaglaro muli.
                Nakaalis na ang mama ni John at sya naman ay naghahanda na sa pagpasok sa opisina. Habang sa bahay naman nila simon ay masayang naghahapunan ang buong pamilya.
                “mon” pagtawag ng mommy ni simon matapos maligo ni Simon, yan na rin ang sinabii ni Simon sa kanila na itawag sa kanya kaysa sa pagkabahobaho kong palayaw, bagamat nakakapanibago at nakakatawang isipin. “nasan na ung polo mong suot kagabi at maisama ko ng malabhan mamaya”
                “ahhhm nalagay ko na ata sa marumihan kagabi” pero sa totoo lang ay wala ito sa bag nya kagabi at naiwan nya kung saan. “Mommy papasok na ako” sabi ni Simon matapos magbihis.
                Simple lang magbihis si Simon sa school. V-neck na shirt, minsan nakapantalon minsan nakashort depende sa schedule nya. Kapag isang subject lang ay nakashort lang sya at tsinelas. Pero tuwing may lakad naman siya kasama ang mga kaibigan ay lagi naman syang todo porma.
                Isa pang lagging pinaghahandaan ni Simon ay tuwing may report sya sa school, ngayon ay nakapolo na naman sya, naka pants at pagkatulis tulis na sapatos. Gusto nya kasi lagging presentable sya sa tuwing magrereport sya. Last requirement to sa isa nilang subject, ang maghanap ng software na magagamit nila bilang IE, bawat isa ay may 15minute time para maexplain ang kanilang software. At naasign sa kanya ang topic na forecasting. Habang nagrereport sya ay talaga namang bilib hanga ang kanilang babaeng professor sa kanya bukod sa itsura palang nya ay makikita mo talaga ang galling nya sa pagdidiscuss ng topic nya.
                “Very good! Yan ang report. Alam nyo kita ko na talaga sa ilan sa inyo ang pagiging professional. Alam nyu yon kita na agad na handa na kayo. And that’s good!” wika ng kanilang professor at syempre palakpak naman ang tenga ni Simon. Likas na kasi talaga sa kanya ang pagiging magaling magsalita at talaga namang napakaganda ng kanyang boses dahil na rin sa organization nya. Lagi nga niyang nakukuha ang lead role because he got the looks, the voice and the height.
                “Nice galling ahhhh” papuri ng isa nyang classmate. Tahimik lang kasi si Simon sa klase pero kapag nagpakitang gilas ay sigurado namang walang mintis.
                “Ano k aba? Binola ko lang si ma’am, alam mo naman yan makakita lang ng ibong lumilipad humahanga na” pahumble nyang sagot sa papuri ng kanyang classmate…
                Lumipas pa ang oras at natapos na ang mga klase ni Simon sa school. Pupunta na sya sa fastfood na kanyang pinagtatrabahuhan. Alas singko nan g hapon ng makarating si Simon sa fastfood. Nagging smooth naman ang lahat
                Mag-aalasais na ng gabi ng Makita ni Simon na pumasok ang isang kilalang lalaki, si John, napakakisig sa suot nitong long sleeves na violet,silver necktie at black slacks.
                Dirediretso si John sa counter na kinatatayuan ni Simon.
                “Good morning sir’ may I take your order?” bungad ni Simon sa kaharap nyang si John.
                “I believe it’s good evening” nakangising sabi ni John na ginantihan na lamang ni Simon ng ngiti. ‘gumaganti to ah…’ sa loob loob ni Simon
                Nakuha ni Simon ang order ni John, paalis na ito ng muling nagsalita. “Ahhhm free k aba after ng shift mo?”
                “Ata bakit?” si Simon
                “Babawi sana ako kagabi” wika ni John, ngunit sa kabila nito ang totong pakay ni John ay magkaroon ng kaibigang malalabasan nya ng kanyang mga problema at hinaing…
                Itutuloy…
               

               
Add nyu din ako sa fb simonusimon@gmail.com
Ask me anything on http://www.formspring.me/simonusimon

Friday, April 5, 2013

Look at me with Love Part 9 – Parents



Look at me with Love Part 9 – Parents
By: simonusimon
***pasensya na kung medyo magulo… hehehe… gagamit nalang po ako ng third person’s POV para mas madali maintindihan… heheh… thanks sa comment para mas maayos ko pa to! J Salamat uli! Sana magustuhan nyu na to… ehehehe
                “Oh bakit ka bumaba? Dito ka na rin ba?” tanong ni John kay Simon na nakatulala lang kay John. “Ui! Dito ka rin ba nakatira?” muling tanong ni John.
                Doon lang natauhan si Simon, “Ah eh baka kasi di ka makauwi ng ayos…. Tsaka lasing na lasing ka kasi kanina.”
                “Nakakahiya naman, pero sige para makabawi naman ako, makamirienda ka muna sa bahay” At naglakad na sila papasok sa subdivision na tinitirhan ni John.
                Tahimik na naglakad ang dalawa. Medyo may kalayuan mula sa gate ng subdivision ang bahay nila John. Kapwa balisa ang dalawa, parehong may gusting itanong, ngunit walang may lakas ng loob na magsimulang magsalita.
                “John”
                “Ahm” sabay na wika nilang dalawa.
                “Sige, ikaw na muna mauna, wika ni Simon.
                “Kanina pa kasi tayo magkasama, ah eh di ko pa din alam ang pangalan mo” nahihiyang sabi ni John.
                “Oo nga no? ako pala si Simon” kasabay ang napakatamis na ngiti na ibinigay ni Simon kay John. Hindi alam ni Simon pero iba talaga ang nararamdaman nya Makita palang nya ang mga mata ni John.
                “John Toledo” ang malas sa buhay mo sabay tawa…
                “hahaha, Simon… Simon Quintos” pag-uulit ni Simon. “Ahmmm” may sasabihin pa sana sya ng pinutol na sya ni John.
                “Dito na pala tayo.” Si John
                Kasinlaki ng bahay nila John ang bahay nina Justin.
                “Anlaki naman ng bahay nyu. Ilan ba kayong magkakapatid?” tanong ni Simon na pinagmamasdan pa din ang bahay nila John habang si John ay panay pa din ang doorbell.
                “Andami nyu siguro dito kaya anlaki ng bahay nyu” dagdag pa ni Simon. Napansin ni Simon na natahimik si John at tumigil sa pagdodoorbell.
                “Ok ka lang ba?” alalang tanong ni Simon. Nakayuko lang si John na nakaharap sa gate nila habang nakatalikod kay Simon.
                Tinapik ni Simon ang balikat ni JoHn. “Ui ayos ka lang ba?”
                Sa tapik na ibinigay ni John ay may naramdaman syang kakaibang pakiramdam na labis nyang hinahanap mula noong mawala ang kanyang yaya, ang pakiramdam na may isang taong handing dumamay sa kanya.
                “Tulog ka na ata” sabay pihit kay John mula sa pagkakahawak ni Simon sa balikat nito.
                Nagulat si Simon sa nakita nya. Lumuluha ang napakaamong mukha ni John. Bakas na bakas ang kalungkutan, nagdadalamhati’t naghahanap ng masasandalan. Ngunit mas naging kapansin pansin para kay simon ang mga mata ni John na nagpabalik sa kanya sa isang alaala.
                Noon isang beses lang nakita ni Simon na umiyakk si Justin, dahilan sa selos sa isang tao. Isang taong di inaasahang magpapagulo ng kanilang relasyon.
                Nagising si Simon sa realidad ng maramdaman nya ang mga mumunting patak ng luha na pumapatak sa kaNyang balikat. Nakayapos si John kay simon, nakayupyop sa balikat nya.
                Napakaalinsangan ng gabing iyon ngunit ramdam ni Simon ang lamig sa kalooblooban ni John. Humihingi ito ng init ng pagmamahal. Hindi alam ni Simon kung ano ang marapat nyang gawin. Nakatayo lamang siyang dinadama ang mga luhang tila patak ng kandilang natutunaw.
                “Ya, hindi ko na kaya. Bakit mo kasi ako iniwan eh. Sino na ang tutulong sakin ngayon?” usal ni John na patuloy ang paghikbi.
                Wala sa sariling tinapik ni Simon ang likod ni Johnni Simon. unti unti naramdaman nya ang pagtigil ng mga hikbi. Naramdaman ni Simon na bumigat si John, padausdos pababa ngunit naagapan ni Simon. Nakatulog na pala si John sa sobrang kalasingan at pagod.
                Pinagpatuloy ni Simon ang pagdodoorbell at ilang minute pa ang lumipas bago lumabas ang isang babae. Napakaganda ng babaeng ito, maputi at napakaamo ng mga mukha.
                “magandang gabi po” wika ni Simon.
                “Sino sila?” medyo may katarayang wika ng babae
                “Ah eh hinatid ko lang po si John?” hindi mapakaling sagot ni Simon ‘sungit naman nito, ako na nga nagmagandang loob e’ sa isip ni Simon.
                “John? Anak? Anong nangyari sayo?” sunod sunod na tanong ng babae habang binubuksan ang gate at kinuha it okay Simon.
                Inistima ng babae si Simon mula ulo hanggang paa pagkakuha kay John, sinara ang gate at tumuloy sa kanilang pintuan. Naiwan na nakatulala si Simon sa labas ng kanilang gate.
                “John” paggising ng babae kay John.
                Pupungas pungas na iminulat ni John ang kanyang mga mata. “Ma?” kita ang pagkabigla at takot sa mga mukhga ni John. “Kelan pa kau umuwi?”
                “Kanina lang. Anung nangyari sayo?Sige magpahinga ka na.” wika ng Mama ni John na nagngangalang Carmencita o Carmen.
                Hindi malaman ni Johnkung nag-aalala ang kanyang mama sa kanya. Ngunit sa totoo lang ay masayang masaya si John nakita at nakausap nya na uli ang kanyang ina. Nangiti si John sa iwinika ng kanyang ina ‘. Anung nangyari sayo?Sige magpahinga ka na’ lagi kasing trabaho trabaho trabaho ang kanilang pinag-uusapan nila. Nag-aalala rin pala sila sakin ang nasa isip ni John.
                Paakyat na si John sa kanyang kwarto ng magsalita muli ang kanyang ina. “Ah john, pumunta ako sa opisina mo kanina”
                Natigilan si John sa pagakyat at hindi nya malalaman kung lilingon ba saya o hindi. Bago pa sya makalingon ay muling nagwika ang kanyang ina “Sige, bukas na tayo mag-usap. Kailangan ko lahat ng report for the last 6months”
                Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni John, akala nya pa naman ay nag-aalala na sa kanya ang kanyang magulang ngunit trabaho pa rin pala ang kanilang iniisip.
                Samantala si Simon ay nakatanga pa rin sa gate ng mga Toledo. “wala man lang bang thank you?” pagkatapos ay naglakad na sya palabas ng subdivision.
                “Patay, patay patay… 11:30 na patay ako kay mommy” wika ni simon sa kanyang sarili pagkababa ng dyip.
                “San ka galing?” agad na wika ng kanyang mommy.
                ‘Shoot, di pa nga pala ako nakakapag-isip ng dahilan’ sa isip ni Simon.
                “Kina Quimby, napadaan lang” wika ni Simon ‘panget ng dahilan ko, ibang daan nga pala ung kina Quimby’ sa isip nya
                “Napadaan? E anlayo nun sa skul mo? Kumain ka na andyan ang ulam natatakpan” wika ni mommy. Ngumiti nalang si Simon ng nakakaloko.
                Kumain na nga si Simon habang ang kanyang ina ay iniintay syang matapos bago sila matulog. Napuno ng kwentuhan ang mag-ina tungkol sa eskwela ni Simon
                “Mommy, next week na ung defense naming sa FS.”
                “Oh handa na ba kayo dun? Teka kamusta ang eksam mo nga pala”
                “Ok naman, may isang alanganin” sabay ngiti ni Simon
                “naku ayusin mo ha” pagkatapos ay ikinuwento na naman ng kanyang ina ang kanilang pangarap. Ang mapaayos ang kanilang bahay. Hindi na naman kailangan ni Simon marinig pa uli ito sa kanyang magulang. Lahat naman kasi ng ginagawa nya ay para sa kanyang pamilya.
                “Tara na tulog na tayo” yaya ni Simon sakanyang mommy
                “sige magdasal ka muna ha”
                “Ok! Night!”
                bago pa makapasok ng kwarto si Simon ay nagsalita ang kanyang mommy. “Bat ka nga pala nakasando? Asan ung polo mo?”
                “Init e, nasa bag” sabay mabilis na pasok sa kwarto para makakuha ng damit at maghugas.
                Makatapos makapagpalit ay pinakiramdaman ni Simon kung tulog na ang kanyang mga kasama sa bahay. Nang maramdaman nyang tulog na ang mga ito ay kinuha nyya ang kanyang bag at tumungo muli sa banyo. Dahil hindi naman sya marunong maglaba ay hahaw hawan nya sana ang kanyang polo para mawala ang mga suka dito.
                “Yung polo ko?” Tanong ni Simon pagkabukas nya ng kanyang bag.
                Itutuloy…

               

Add nyu din ako sa fb simonusimon@gmail.com
Ask me anything on http://www.formspring.me/simonusimon




FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails