Look at me with Love Part 9 – Parents
By: simonusimon
***pasensya na kung medyo magulo…
hehehe… gagamit nalang po ako ng third person’s POV para mas madali maintindihan…
heheh… thanks sa comment para mas maayos ko pa to! J Salamat uli! Sana magustuhan
nyu na to… ehehehe
“Oh
bakit ka bumaba? Dito ka na rin ba?” tanong ni John kay Simon na nakatulala
lang kay John. “Ui! Dito ka rin ba nakatira?” muling tanong ni John.
Doon
lang natauhan si Simon, “Ah eh baka kasi di ka makauwi ng ayos…. Tsaka lasing
na lasing ka kasi kanina.”
“Nakakahiya
naman, pero sige para makabawi naman ako, makamirienda ka muna sa bahay” At
naglakad na sila papasok sa subdivision na tinitirhan ni John.
Tahimik
na naglakad ang dalawa. Medyo may kalayuan mula sa gate ng subdivision ang
bahay nila John. Kapwa balisa ang dalawa, parehong may gusting itanong, ngunit
walang may lakas ng loob na magsimulang magsalita.
“John”
“Ahm”
sabay na wika nilang dalawa.
“Sige,
ikaw na muna mauna, wika ni Simon.
“Kanina
pa kasi tayo magkasama, ah eh di ko pa din alam ang pangalan mo” nahihiyang
sabi ni John.
“Oo
nga no? ako pala si Simon” kasabay ang napakatamis na ngiti na ibinigay ni
Simon kay John. Hindi alam ni Simon pero iba talaga ang nararamdaman nya Makita
palang nya ang mga mata ni John.
“John
Toledo” ang malas sa buhay mo sabay tawa…
“hahaha,
Simon… Simon Quintos” pag-uulit ni Simon. “Ahmmm” may sasabihin pa sana sya ng
pinutol na sya ni John.
“Dito
na pala tayo.” Si John
Kasinlaki
ng bahay nila John ang bahay nina Justin.
“Anlaki
naman ng bahay nyu. Ilan ba kayong magkakapatid?” tanong ni Simon na
pinagmamasdan pa din ang bahay nila John habang si John ay panay pa din ang
doorbell.
“Andami
nyu siguro dito kaya anlaki ng bahay nyu” dagdag pa ni Simon. Napansin ni Simon
na natahimik si John at tumigil sa pagdodoorbell.
“Ok
ka lang ba?” alalang tanong ni Simon. Nakayuko lang si John na nakaharap sa
gate nila habang nakatalikod kay Simon.
Tinapik
ni Simon ang balikat ni JoHn. “Ui ayos ka lang ba?”
Sa
tapik na ibinigay ni John ay may naramdaman syang kakaibang pakiramdam na labis
nyang hinahanap mula noong mawala ang kanyang yaya, ang pakiramdam na may isang
taong handing dumamay sa kanya.
“Tulog
ka na ata” sabay pihit kay John mula sa pagkakahawak ni Simon sa balikat nito.
Nagulat
si Simon sa nakita nya. Lumuluha ang napakaamong mukha ni John. Bakas na bakas
ang kalungkutan, nagdadalamhati’t naghahanap ng masasandalan. Ngunit mas naging
kapansin pansin para kay simon ang mga mata ni John na nagpabalik sa kanya sa
isang alaala.
Noon
isang beses lang nakita ni Simon na umiyakk si Justin, dahilan sa selos sa
isang tao. Isang taong di inaasahang magpapagulo ng kanilang relasyon.
Nagising
si Simon sa realidad ng maramdaman nya ang mga mumunting patak ng luha na
pumapatak sa kaNyang balikat. Nakayapos si John kay simon, nakayupyop sa
balikat nya.
Napakaalinsangan
ng gabing iyon ngunit ramdam ni Simon ang lamig sa kalooblooban ni John.
Humihingi ito ng init ng pagmamahal. Hindi alam ni Simon kung ano ang marapat
nyang gawin. Nakatayo lamang siyang dinadama ang mga luhang tila patak ng
kandilang natutunaw.
“Ya,
hindi ko na kaya. Bakit mo kasi ako iniwan eh. Sino na ang tutulong sakin
ngayon?” usal ni John na patuloy ang paghikbi.
Wala
sa sariling tinapik ni Simon ang likod ni Johnni Simon. unti unti naramdaman
nya ang pagtigil ng mga hikbi. Naramdaman ni Simon na bumigat si John,
padausdos pababa ngunit naagapan ni Simon. Nakatulog na pala si John sa sobrang
kalasingan at pagod.
Pinagpatuloy
ni Simon ang pagdodoorbell at ilang minute pa ang lumipas bago lumabas ang
isang babae. Napakaganda ng babaeng ito, maputi at napakaamo ng mga mukha.
“magandang
gabi po” wika ni Simon.
“Sino
sila?” medyo may katarayang wika ng babae
“Ah
eh hinatid ko lang po si John?” hindi mapakaling sagot ni Simon ‘sungit naman
nito, ako na nga nagmagandang loob e’ sa isip ni Simon.
“John?
Anak? Anong nangyari sayo?” sunod sunod na tanong ng babae habang binubuksan
ang gate at kinuha it okay Simon.
Inistima
ng babae si Simon mula ulo hanggang paa pagkakuha kay John, sinara ang gate at
tumuloy sa kanilang pintuan. Naiwan na nakatulala si Simon sa labas ng kanilang
gate.
“John”
paggising ng babae kay John.
Pupungas
pungas na iminulat ni John ang kanyang mga mata. “Ma?” kita ang pagkabigla at
takot sa mga mukhga ni John. “Kelan pa kau umuwi?”
“Kanina
lang. Anung nangyari sayo?Sige magpahinga ka na.” wika ng Mama ni John na
nagngangalang Carmencita o Carmen.
Hindi
malaman ni Johnkung nag-aalala ang kanyang mama sa kanya. Ngunit sa totoo lang
ay masayang masaya si John nakita at nakausap nya na uli ang kanyang ina.
Nangiti si John sa iwinika ng kanyang ina ‘. Anung nangyari sayo?Sige
magpahinga ka na’ lagi kasing trabaho trabaho trabaho ang kanilang
pinag-uusapan nila. Nag-aalala rin pala sila sakin ang nasa isip ni John.
Paakyat
na si John sa kanyang kwarto ng magsalita muli ang kanyang ina. “Ah john,
pumunta ako sa opisina mo kanina”
Natigilan
si John sa pagakyat at hindi nya malalaman kung lilingon ba saya o hindi. Bago
pa sya makalingon ay muling nagwika ang kanyang ina “Sige, bukas na tayo
mag-usap. Kailangan ko lahat ng report for the last 6months”
Nagbago
ang ekspresyon ng mukha ni John, akala nya pa naman ay nag-aalala na sa kanya
ang kanyang magulang ngunit trabaho pa rin pala ang kanilang iniisip.
Samantala
si Simon ay nakatanga pa rin sa gate ng mga Toledo. “wala man lang bang thank
you?” pagkatapos ay naglakad na sya palabas ng subdivision.
“Patay,
patay patay… 11:30 na patay ako kay mommy” wika ni simon sa kanyang sarili
pagkababa ng dyip.
“San
ka galing?” agad na wika ng kanyang mommy.
‘Shoot,
di pa nga pala ako nakakapag-isip ng dahilan’ sa isip ni Simon.
“Kina
Quimby, napadaan lang” wika ni Simon ‘panget ng dahilan ko, ibang daan nga pala
ung kina Quimby’ sa isip nya
“Napadaan?
E anlayo nun sa skul mo? Kumain ka na andyan ang ulam natatakpan” wika ni mommy.
Ngumiti nalang si Simon ng nakakaloko.
Kumain
na nga si Simon habang ang kanyang ina ay iniintay syang matapos bago sila matulog.
Napuno ng kwentuhan ang mag-ina tungkol sa eskwela ni Simon
“Mommy,
next week na ung defense naming sa FS.”
“Oh
handa na ba kayo dun? Teka kamusta ang eksam mo nga pala”
“Ok
naman, may isang alanganin” sabay ngiti ni Simon
“naku
ayusin mo ha” pagkatapos ay ikinuwento na naman ng kanyang ina ang kanilang
pangarap. Ang mapaayos ang kanilang bahay. Hindi na naman kailangan ni Simon
marinig pa uli ito sa kanyang magulang. Lahat naman kasi ng ginagawa nya ay
para sa kanyang pamilya.
“Tara
na tulog na tayo” yaya ni Simon sakanyang mommy
“sige
magdasal ka muna ha”
“Ok!
Night!”
bago
pa makapasok ng kwarto si Simon ay nagsalita ang kanyang mommy. “Bat ka nga
pala nakasando? Asan ung polo mo?”
“Init
e, nasa bag” sabay mabilis na pasok sa kwarto para makakuha ng damit at
maghugas.
Makatapos
makapagpalit ay pinakiramdaman ni Simon kung tulog na ang kanyang mga kasama sa
bahay. Nang maramdaman nyang tulog na ang mga ito ay kinuha nyya ang kanyang
bag at tumungo muli sa banyo. Dahil hindi naman sya marunong maglaba ay hahaw
hawan nya sana ang kanyang polo para mawala ang mga suka dito.
“Yung
polo ko?” Tanong ni Simon pagkabukas nya ng kanyang bag.
Itutuloy…
Pls visit simonusimon.blogspot.com
Add nyu din ako
sa fb simonusimon@gmail.com
Ask me anything on http://www.formspring.me/simonusimon
sorry kung medyo magulo ung mga last post, sana ngaun magustuhan nyu na po :)
ReplyDeleteNice simon pero bitin...next chapter pls.
ReplyDeleteRandzmesia
salamat po mr. randzmesia
DeleteNice Simon pero bitin...next chapter please
ReplyDeleteRandzmesia
aun mlinaw na lolz sory inabala pa kta dhl lng sa kaunting kalituhan q xD
ReplyDeletemamats ^w^
haha ok lang po, mrami naman talagang nalito... hehehe salamat nga po sa comment heheh
Deletenext na agad
ReplyDeleteawww try ko po as soon as possible :)
DeleteIt would be better if you can post a much longer one than those previous chapters.
ReplyDeleteJust a suggestion =)
sige po kuya, will try my very best! salamat!
Delete