Followers

Monday, April 15, 2013

Unexpected Love Affair - Season 1 - Pt. 11






"Unexpected Love Affair pt. 11"

By. Iam Kenth

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, ayaw ko namang mawala sa akin itong lalaki na ito. Maaga akong nagising habang pinagmamasdan ko ang natutulog na si Franc.

Tapos maya-maya dumilat siya.

"I love you franc..." Sabi ko, tapos dumilat na siya.

"I love you too Yam.." Tae, ang bango ng hininga niya kahit bagong gising. Napakaswerte ko sa kaniya, napakamalas kasi kabet lang ako :(

Niyakap muna niya ako ng pagkahigpit-higpit, morning habit na niya iyon paggising. Halos di na nga ako makahinga sa yakap niya eh.

Tapos nakaparaming halik mula sa kaniya sa ibat ibang bahagi ng katawan ko. Urgh! sarap talaga pag nagmamahal.

Pagkatapos naming mag-almusal, umalis na din siya, tapos ako pumunta na din sa shop, pero pinauna ko na siya, hindi na ako nagpahatid.. baka kasi malate siya sa work niya.

Natutuwa ako sa kaniya kasi, alam kong mayaman siya pero wala siyan arte kapag nasa bahay siya. For sure naman kasi malaki talaga ang bahay nila, at baka walang wala ang bahay na inuupahan namin ni Rico.

Nauna akong umalis, naiwan si Rico.

PERO BAKIT BA LAGI AKONG INAABANGAN NI SHAUN SA SHOP!!!!

andun nanaman siya oh!

"Ayoko na gulo." sabi ko.

"You'd started the fire, tama lang naman siguro na ako na mismo ang papatay sa sinimulan mong apoy." Init init ng dugo sa akin ng baklang to! uupakan ko na talaga to eh.

"Hindi ako nagsimula ng gulo, sa pagkakaalala ko, ikaw ang nang iwan kay franc... nagkataon na napunta siya sa akin, kaya kong ako sa iyo.. move on dahil masaya na siya sa akin."

"Sabihin mo, you're such a flirt! nalaman mo na may asawa na siya, ayaw mo pang tantanan. Iww.. naawa ako sa iyo!" Sabi niya. Hinga ako ng malalim, hindi ako magpapaapekto sa mga sinasabi niya, tae niya.

Flirt na kung flirt. eh mahal ko si Franc, mahal ako ni Franc,, panggulo nalang si shaun ngayon!!!


May kinuha siyang papel sa bag niya, at ballpen.. sinulatan niya iyon.. ay shet! it looks like a check!

pinilas niya, inabot niya sa akin.
Taena!!! nakasulat sa check.. tumataginting na
1 million!!!

"Ano toh??" sabi ko...

"Ow, sorry hindi mo ba alam, checkque ang tawag diyan. Bobo." Sabi niya. OO alam kong checkque ito, pero bakit niya ako binibigyan nito!!!

"Layuan mo na si Franc at ibalik mo na siya sa akin kapalit ng one million." Sabi niya.

Ah ganun? gusto niyang ipagpalit ko si Franc sa pera??? kung tanggapin ko kaya tapos magpapalayo na kami ni Franc, pero kasi mahahanap niya parin kami tapos ipa-ambush niya ako.

"Hindi ko ipagpapalit sa halagang one million si Franc."

"Ow, bakit kulang pa ba iyan? o sige dadagdagan ko." Nagsulat ulit siya sa checkque. pilas, bigay sa akin.

10 M I L L I ON!

taena!!! yayaman pala ako kay Franc! kunin ko na kaya to, tapos maghahanap nalang ako ng ibang Franc.. buhay hayahay na ako.

PERO bigla kong naisip ang mga ngiti, yakap, halik at haplos ni Franc.. Walang katumbas na perang halaga iyon. oo, napakimpokreta ko pero... hindi tama na tanggapin ko ang pera na ito. Hindi ako maisisilaw sa pera niya!!!

Binalik ko.

"Stupid choice." Sabi niya..

"Alam mo, kung talagang mahal mo si Franc, kakausapin mo siya, hindi yong ako ang haharapin mo. Malay mo, magbago isip niya at balikan pa niya." sabi ko naman.

"Nobody tells me what to do, and i don't take advice from others not even from you! Kung ayaw mong tangapin ang checkque, then don't!" Tapos pinunit niya ang checkque! taena, sayang iyon uh!! urgh! "...Here's one thing you should better know... magsasawa din sa iyo si Franco, dahil ginawa na niya iyon sa akin dati.. pero napagtanto niya na ako ang mahal niya talaga. If you don't believe me, ask Franco about Leonard Dimitri Santos. Matagal niyang nakasama iyon pero hiniwalayan rin siya ni Franco at bumalik sa akin." Tapos tumalikod na siya.


TAENA SINO NAMAN IYONG DIMITRI AT IYON??? bakit araw araw na makikita ko si Shaun, meron siyang mga sinasabi sa akin about Franc, ano ano ba pa ang mag hindi ko alam about kay Franc.

Kaya, ayon, tulala nanaman ako sa shop habang iniisip ko iyong sinabi ni Shaun.


SA BAHAY...

"Franc... sino si Leonard??"

Napatingin siya sa akin.

"He's just nobody." Nakangiti siya pero pilit lang iyon.

"Nobody or somebody that you used to know? you used to love before?" Sabi ko.. nakain kami noon sa mesa, wala si Rico, lagi kasi syang missing in action.

"Yam... wag nalang natin siya pag-usapan. please?" sabi niya. so totoo nga ang sinasabi ni Shaun, merong Leonard.

"Ano pa ba mga hindi ko nalalaman sa iyo na sasabihin sa akin ni Shaun?" Sabi ko.

"Now you sounded like Leo...so, stop. Okay? Ikaw ang mahal ko..." sabi niya.. anong sounded like Leo??? so ibig sabihin parehas lang talaga kami, tapos iiwan nga din niya ako.

Napaluha ako. tumayo ako. syet! i hate this feeling!

pasok sa kwarto.

"Oy, Yam.. buksan mo tong pinto oh, sige na... let's talk about Leo.. huwag kana magalit sa akin." Katok siya ng katok sa pinto, ayaw kong buksan. nag-eemote ako sa loob. pero naiiyak talaga ko, sana tinanggap ko nalang ang pera!!!

"Yam.. oo, minahal ko si Leo, kagaya ng pagmamahal ko sa iyo,iniwan ko siya at bumalik ako kay Shaun noon, pero hindi ko na gagawin sa iyo yun... sige na, bata pa kami noon, matured na ako ngayon. And Leo walked away without telling me a good reason. please open the door malab.."

So, malamang gagawin nga din niya sa akin yon.

"AYAW KO NA SA IYO!!! UMALIS KA NA OH!"

"Bullshit Yam!!!" Sinipa niya ng pagkalalakas lakas ang pinto, nasira nga ata sa sobrang lakas, mas lalo ko siyang hindi dapat papasukin baka mapatay na niya ako, galit na siya.

Tapos maya-maya tumahimik sa labas...

paglabas ko, wala na siya...

mas lalo akong nalungkot...

Iniwan na niya ako...

babalik na siya kay Shaun...



iyak mode T^T




itutuloy.....

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails