Followers

Wednesday, April 24, 2013

Ang RnB 5


Part1 Part2 Part3 Part4

"Good Morning!!!" Ang masayang-masayang pag-Greet ni Josh nang makita niyang iminulat na ni Wax ang mga mata nito. Talagang inabangan ni Josh na magising talaga ang kaniyang BestFriend. Hindi alam ni Josh kung bakit niya gustong abangang magising itong si Wax pero bigla-bigla na lamang kasing pumasok sa kaniyang isipan na para bang trip niyang gawin iyon.

Halos kasabay ng masayang pagGreet ni Josh ng Good Morning ang pagGuhit ng isang matamis na ngiti sa mga labi ng bagong gising na si Wax.

"OUCH!!!" Ang malakas na naiusal ni Wax nang biglang sumirit ang matinding pagsakit ng kaniyang ulo.

"Sabi ko na nga ba!!!" Ang hindi mapigilang maibulalas ng masayang-masayang si Josh sabay pag-alalay niya sa kaniyang kaibigan upang paupuin ito sa kama.

NapaNgisi lamang si Wax nang maalala niyang nag-inuman pala sila ni Josh kasama ng mga Classmate nila noong Elementary.

NakaSmile na iniabot ni Josh ang isang Pitcher ng Cold Water at Baso kay Wax na siya namang kaagad na kinuha ng isa't wala pang ilang sagli't ay naka-Apat na basong tubig ang nalagok ni Wax dahil sa tindi ng pagkatuyo ng kaniyang lalamunan.

"Paano tayo naka-uwi?" Ang tanong ni Wax kay Josh nang maSatisfy na niya ang kaniyang pagka-uhaw.

"Kinarga kita!" Ang proud na sambit naman agad ni Josh na parang bata.

"Weh?" Ang hindi makapaniwalang tanong ulit ni Wax.

"Bakit ano bang naalala mo?" Ang nakaSmile na paghamon ni Josh kay Wax.

Napakunot ng noo si Wax habang inaalala niya kung naglakad ba sila papauwi kagabi o sumakay ng TriCycle but to his dismay ay ang kaniya lamang na natatandaan ay ang kaniyang pagsusuka sa tindahan ni Tandang Sora.

"NagBlack Out ka kaya! HA HA HA!" Ang natatawang sambit lamang ni Josh kay Wax nang mapansin niya ang nakangusot na pagmumukha nito.

"Salamat ha!" Ang mahina't nahihiyang reply naman ni Wax. Hindi siya makatingin sa Cute na mukha ng nakaSmile na si Josh.

"Wala yun! Lam ko namang ganoon din ang gagawin mo pag-ako naman ang nabangenge!" Ang confident na sinabi naman ni Josh kay Wax at walang pasabing hinawakan niya ng kaniyang isang kamay ang Shoulder ni Wax at marahang pinisil ito.

"Mag-ayos ka na't ready na ang Breakfast." Ang mahinahong sambit ni Josh kay Wax.  Napangiti lang si Wax kay Josh nang magkasalubong ang kanilang paningin.

Tahimik lang na tumango si Wax sa kaibigan dahil para bang umurong ang kaniyang dila dahil sa nararamdaman niyang parang kuryente mula sa pagpisil-pisil ng kamay ni Josh sa kaniyang balikat.

Tahimik lang na tinignan ni Wax ang kaniyang BestFriend nang kinuha muli nito sa kaniya ang hawak niyang Pitcher at Baso. Halos mag-init muli ang dalawang pisngi ni Wax nang mapako ang kaniyang mga paningin sa maumbok na puwitan ni Josh habang masayang lumabas na ito sa kwarto.

"FUCK NAMAN!!!" Ang naibulalas ni Wax nang muli niyang ibagsak ang kaniyang katawan sa kama kasabay nang paglapirot niya ng pillow sa kaniyang mukha. Hindi talaga niya maipaliwanag pero talagang aminado si Wax sa kaniyang sariling malakas ang kaniyang Feelings of Attraction sa kaniyang BestFriend na si Josh.

"Hindi talaga pwede!" Ang muling naisambulat ni Wax sa kaniyang isip dahil alam niyang malaki ang chances na mag-iba ang kaniyang pakikitungo kay Josh sakali mang tanggapin niya sa kaniyang sarili na may Gusto siya sa kaniyang BestFriend.

"Hanggang BestFriend lang! PERIOD!" Ang makulit na isinermon ni Wax sa kaniyang sarili habang para siyang butiking paikot-ikot sa ibabaw ng kama. Naalala kasi ni Wax ang pagkakaAkbay sa kaniya ni Josh at ang kaniyang pagkakadikit sa katawan ng kaibigan kahapon nang pumasyal sila sa Capaluhan Beach.

Kung gaano kalabis ang pagiging Good ng Morning ni Wax ay ganoon din ang Level ng pagiging Good ng Morning ni Josh.

Hindi alam ni Josh kung ano bang meron sa kaniyang kaibigan pero kasing linaw ng sikat ng araw na masaya siyang pagmasdan ang mukha ni Josh at ang higit sa lahat ay masayang-masaya siya na kasama itong si Wax.


*********************************


"HINDI KA TALAGA NAG-IISIP JOSHUA!!!"

"EH KUNG MAPAHAMAK KAYO NI WAX!!!"

"ANONG SASABIHIN SA ATIN NI KUMARE!!!"

"PASAWAY KA PA DING BATA KA!!!" Ang sunod-sunod na sermon ni Aling Myrna kay Josh habang gumagawa sila ng Buko Pie para sa order sa araw na iyon. Ang akala ni Josh ay tapos na ang panenermon sa kaniya ng kaniyang Nanay kagabi dahil sa pakikipag-inuman nila ni Wax pero hindi inakala talaga ni Josh na may Continuation pa pala.

"Hayaan mo sila Wax. Eto tikman mo. Strawberry Jam lang ang inihalo namin tapos etong isa eh Hinog na mangga at Peach Flavoring lang!" Ang sambit naman ni Ate Helen kay Wax habang inihahain niya dito ang kanilang mga naimbentong Pies na ititinda nila sa kanilang bubuksang Store.

"Kumain ka ng mabuti ha at may bisita tayo ngayon!" Ang hindi mapigilang masabi ni Helen kay Wax habang maganang kumakain ng Pie itong si Wax.

Walang pakialam si Ate Helen sa bangayan ng kaniyang Nanay at ni Josh. Matamis ang mga ngiti nitong si Ate Helen habang tinitignan niya itong si Wax na kumakain at talaga namang proud na proud siya dahil nagugustuhan ni Wax ang kanilang mga inimbentong Pies.

Katulad ng kaniyang Ate Helen ay para bang walang naririnig itong si Josh mula sa panenermon ng kaniyang Nanay. Masaya't sinisipag sa paggawa ng Buko Pie itong si Josh.

Hindi niya maiwasang tignan din ang masayang mukha ni Wax habang kumakain at kapag nagkakasalubong muli ang paningin nilang dalawa'y hindi niya pinalalagpas na ngitian ang kaniyang BestFriend.

Aliw na aliw talaga itong si Josh kay Wax. Napapailing kung minsan si Josh sa tuwing iniisip niya na sayang at hindi niya naaala-ala ang mga panahong magkasama sila ni Wax noong mga bata pa sila.

Kung gaano kasaya itong si Josh ay ganoon din kataas ang level ng pagiging Conscious nitong si Wax.

Hindi din niya mapigilang sumimpleng tignan ang kaniyang BestFriend kaya lamang ay nagtataka itong si Wax at pakiramdam niyang nararamdaman ni Josh na tinitignan niya ito dahil ilang ulit na siya nitong nahuhuling tumitinggin.

Hindi din maipaliwanag ni Wax kung bakit siya kinikilig na parang HighSchool student sa tuwing magkakasalubong sila ng tingin ni Josh at pagkatapos ay ngingitian siya nito. Pakiramdam ngayon tuloy ni Wax na para bang lalo pang gwumapo at mas naging charming pa ang smile ng kaniyang BestFriend.

"Bakit ka ngumingiti?" Ang biglang natanong ni Ate Helen kay Wax nang mapansin niya ang napakatamis na smile sa mga lips ni Wax.

Kaagad namang naConscious itong si Wax at medyo slight na namula ang pisngi dahil hindi talaga niya mapigilang mangiti sa tuwing titignan niya si Josh. Lalong kinabahan itong si Wax nang makita niyang tumigil bigla si Josh sa kaniyang ginagawa at tumingin sa kaniya. Gayundin naman si Aling Myrna na nagbreak muna sa panenermon kay Josh.

Nanliit itong si Wax at biglang namula dahil tahimik na nakatingin ang tatlo sa kaniya at naghihintay ng kaniyang isasagot kung bakit siya nakaSmile. Mabilis na nagBrainstorming si Wax that time upang makaisip ng convincing na alibi.

"Para po kasing nasa Heaven ako dahil sa Sarap ng Pie n'yo." Ang mabilis na naiusal agad ni Wax na ikinatuwa naman ng bigtime ni Ate Helen.

Natawa din si Wax sa kaniyang palusot. Alam ni Wax na katotohanan ang kaniyang sinabi dahil pakiramdam niya'y nasa Heaven siya at in the middle of day dreaming habang nakatingin siya kay Wax at ang second niyang sinabing talagang masarap ang Pies na pinatikim sa kaniya.

"Naku Nay! Josh! Excited na akong simulan ang store natin!" Ang masayang sambit ni Ate Helen dahil sa positive feedback na sinabi ni Wax.

"Saan ka excited Mare?" Ang biglang singit ng boses ng isang babae na ikinagulat ng lahat.
"Kapitana!" Ang masayang bati ni Aling Myrna kay Banessa.

"Mare! Nandyan ka na pala!" Ang masyang sambit naman ni Ate Helen.

"Ang bastos mo naman! Basta-basta ka na lang pumapasok sa bahay ng may bahay!" Ang snobbish na sinabi naman ni Josh kay Banessa.

"Excuse me Josh! Si Queen Mother mo ang nagsabi na pwede akong pumasok anytime!" Ang sagot naman ni Banessa kay Josh. Para na din kasing anak ang turing ni Aling Myrna kay Banessa at kaibigan din ito ni Helen.

"Umayos ka nga!" Ang saway naman ni Ate Helen kay Josh.

Clueless na clueless naman ang nakaupo sa mesang si Wax sa biglaang pangyayari. Nakita na niya sa wakas itong magandang si Banessa kaya lang ay hindi niya maiwasang magtaka kung bakit napakaHostile ng kaniyang BestFriend dito.

"Ikaw na ba yan Joaquin?" Ang biglang sambit naman ni Banessa nang mapansin niya ang lalaking nakasalamin na tahimik na nakaupo sa mesa sa kusina.  Tahimik lang na tumungo si Wax kay Banessa. Medyo kasi naConscious si Wax dahil sa sobrang ganda ni Banessa.

"JOAQUIN!!! AMISHU!!!" Ang malakas at nakakabinging tili ni Banessa kasabay ng paglapit niya kay Wax at pag-upo sa bakanteng upuan na nasa sa tabi ng kinauupuan ni Wax.

Kaagad-agad na namula ang buong mukha ni Wax dahil bigla siyang niyakap ni Banessa. Ganoon ang normal na reaction ni Wax sa mga babae lalo na't napakaganda't napakaSexy ng mga ito.

"GRABEH! ANG GWAPO-GWAPO MO NA! ADD MO AKO SA FB!" Ang malanding sambit ni Banessa kay Wax na siyang ikinatawa ng mag-inang Aling Myrna't Helen.

"ANG LANDI-LANDI MO TALAGA! UMAYOS KA NGA DYAN!" Ang galit na sinambit ni Josh nang makita niyang parang Anacondang pumulupot si Banessa sa kaniyang BestFriend.

"BAKET!? NAGSESELOS KA BA?!" Ang straight to the point na biglang sinagot ni Banessa kay Josh. Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakalingkis niya sa isang braso ni Wax. Bigla namang namula ng matindi ang buong mukha ni Josh sa sinabi ni Banessa.

"FOR YOUR INFORMATION JOSH! BESTFRIEND MO LANG SIYA! HINDI MO NAMAN SIYA BOYFRIEND KAYA FREE SI JOAQUIN!" Ang sunod na sinabi agad ni Banessa sa natamemeng si Josh.

"AY! Wait lang Joaquin. Baka naman taken ka na at magalit sa akin ang syota mo! May GirlFriend ka na ba?" Ang pagapatuloy na sinambit ni Banessa. Ninenerbiyos na umiling na lamang si Wax na siya namang wagas na ikinatuwa ni Banessa.

"SINGLE DIN AKO!" Ang malakas at malanding sambit ni Banessa sabay biglang yakap niya ulit kay Wax. Hindi na nakatiis itong si Josh kaya nama'y lumapit ito sa dalawa't galit na galit na inialis ang pagkakalingkis ni Banessa kay Wax.

"Ano ka ba Josh?! Joke lang yun! Hindi ko aagawin si Wax sa'yo! Taken na kaya ako!" Ang explain agad ni Banessa kay Josh. Lalong lumaki ang question mark na nasa mukha nitong si Wax habang tahimik niyang pinagmamasdan na pinanlilisikan ng mata ni Josh si Banessa.

"Talaga Mare?" Ang tanong naman agad ni Ate Helen kay Banessa.

"AY MARE GRABEH!" Ang sagot naman ni Banessa at wala pang ilang seconds ay hinila na agad ni Ate Helen itong si Banessa upang makipagChikahan. Iiling-iling lang si Josh habang pinagmamasdan ang mabilis na pag-alis ng kaniyang ate at ni Banessa sa kusina.

"Bakit galit na galit ka doon sa babae este kay Banessa?" Ang hindi mapigilang maitanong ni Wax sa kaniyang BestFriend.

"Natatandaan mo pa ba noon ang isa nating Classmate noong Elementary? Si Bryan." Ang balik tanong ni Josh kay Wax.

"Hay naku Wax! Ako na ang magkukuwento sa'yo kung bakit parang aso't pusa yang dalawang iyan! Ikukuwento ko sa'yo ng buong-buo." Ang mabilis na sabat naman ni Aling Myrna na siyang ikinaPanic ni Josh.

Halos mangliit itong si Josh habang detalyadong ikinuwento ni Aling Myrna kay Josh ang nangyaring pagtae niya sa salawal noong grade four at ang aksidenteng pagkakaDiscover ni Bryan dito. Halos lumaki ang dalawang mata ni Wax nang ipaalam ni Aling Myrna na ang Banessang yumakap-yakap sa kaniya kanina'y si Bryan.

Biglang natawa si Wax dahil sa sinabing iyon ni Aling Myrna. Lalo pang natawa si Wax nang malaman niyang hindi pa din pala mapatawad-tawad ni Josh ang ginawang pangbubuking sa kaniya ni Bryan aka Banessa noong mga bata pa sila.


*********************************


"May dumi ba ako sa mukha?" Ang malanding tanong ni Banessa kay Wax nang mahuli niya itong nakatingin sa kaniya. Doon na nananghalian si Banessa sa Bahay nina Josh.

"Wa-wala naman po Kapitana." Ang naihiyang sambit ni Wax. Hindi talaga makapaniwala si Wax na lalaki pala noon si Banessa.

"Just call me Banessa. Baka naman may Gusto ka sa akin?" Ang sunod na panunukso ni Banessa kay Wax na ikinapula naman agad ng mukha ng isa.

"Huwag kang magmaganda!" Ang masungit namang sinambit ni Josh kay Banessa. Inirapan lamang siya ni Banessa.

"Well anyways. I'm happy to see you again Joaquin este Wax. Ano ba yan napunta lang sa Manila't naging sosyal na ang name!" Ang sunod-sunod na sambit ni Banessa sa lahat sa mesa.

"Pwede ka bang maging Consorte ng isa sa mga Reyna ko sa Santa Cruzan at kumanta sa palabas natin sa Fiesta?" Ang tanong ni Banessa kay Wax na ikinabigla naman ng isa. Naikuwento na kasi ni Ate Helen kay Banessa na singer si Wax. Tahimik lang na nakikinig si Josh.

"Ang BestFriend mo eh ang Escort na ng Reyna Elena kaya mas masaya kung sasali ka. Ano payag ka na?!" Ang sunod na sinambit ni Banessa.

"Oist Kapitana! Hindi nyo pa ako tinatanong!" Ang usal naman ni Josh.

"Pumayag na ang nanay at ang ate mo kaya tapos na ang usapan!" Ang maikling sagot lamang ni Banessa kay Josh. Hindi naman makatingin sina Aling Myrna at Ate Helen ng direcho nang tignan sila ng masama ni Josh.

"Don't worry Josh! Babae ang Reyna Elena natin ngayon. Galing sa ibang Baranggay!" Ang habol naman ni Banessa sa masungit na si Josh.

Ipinaalam ni Banessa kay Wax na dahil medyo nakukulangan ng magagandang Dalaga ang kaniyang Santa Cruzan ay may isinasali siyang mga kagaya niyang TranSexual. NagPromise naman din si Banessa na sa babae niya ipaPartner si Wax pero sinabihan siya ni Wax na hindi niya minamasa kung maPartner man siya sa isang TranSexual. Ang tanging concern lang ni Wax ay wala siyang isusuot kapag nagConsorte siya.

"AY WALANG PROBLEMA! Madami tayo nyan sa bahay! Mga bago pang deliver galing kay Mayor na nasa Baranggay Hall ngayon!" Ang masayang sambit ni Banessa dahil natuwa siyang hindi nangdiDiscriminate itong si Wax ng mga Transexuals.

"PAYAG KA NA HA! WALANG BAWIAN YAN!" Ang malanding sambit at pagkoConfirm ni Banessa kay Wax. Masayang tumungo lang si Wax kay Banessa.

Masaya si Wax at pareho sila nitong si Josh na magkoConsorte at nang aksidenteng mapatingin siya kay Josh ay laking gulat niya dahil nakaBusangot ito. Napansin naman agad ito ni Banessa.

"Huwag mong pansinin yang BestFriend mo! Galit yan sa Bakla!" Ang sambit naman ni Banessa kay Wax. Walang kibo naman itong si Josh at nanatiling nakabusangot pa rin ang pagmuMukha nito.

Nginitian na lamang ni Wax ng bahagya itong si Josh upang ikubli sa lahat ang kaniyang malaking pagkadismaya mula sa narinig niya from Banessa na ugali ng kaniyang BestFriend.


*********************************


Ipinagpaalam muna ni Banessa itong sina Josh at Wax kay Aling Myrna na kung pupuwedeng isama ang mga ito sa kanilang Baranggay Hall dahil nandoon ang mga bagong Barong Tagalog at ilang mga slacks na nangGaling mula sa Munispyo.

Kilala ang paSanta Cruzan ni Banessa sa buong Calauag kaya nama'y malaki ang pagSuporta ng kanilang Mayor dito tuwing nagpiFiesta.

Matapos na makapili ang dalawang magkaibigan ng Barong Tagalog at naipili na din sila ng babagay na Slacks ni Banessa para sa kanilang Barong Tagalog ay niyaya sila ng kanilang Baranggay Captain na magHalo-halo sa Plaza.

"Ewan ko ba dyan sa BestFriend mo at galit na galit sa akin! Nagulat lang naman talaga ako't amoy tae siya noong nakasalubong ko!" Ang natatawang explain ni Banessa kay Wax habang kumakain sila ng halo-halo. Tahimik pa ding inuupakan ni Josh ang pangalawang baso niya ng Halo-halo.

"Actually Frenemies kami ni Josh. Kung talagang galit yan sa akin eh hindi nya kakainin yang halo-halong treat ko!" Ang sunod namang inExplain ni Banessa kay Wax.

"Magtigil ka nga! NaTrauma kaya ako!" Ang mabangis na sambit naman ni Josh kay Banessa.

Nangingiti na lamang si Wax habang masaya niyang pinapanood ang pagpapalitan ng asaran ng Dalawa.

"Don't forget ha! After ng Fireworks at the end of the procession eh may Night Swimming tayong magkakaClasmate sa Capaluhan Beach ha!" Ang habilin ni Banessa kina Wax and Josh bago sila maghiwa-hiwalay.

"Wow! Exciting yun Cap!" Ang masayang sambit ni Wax kay Banessa. Tahimik na tinunguhan lang siya ni Josh sabay akbay nito kay Wax at akay dito papaalis.

Tahimik na tinignan lang ni Banessa ang naglalakad niyang magBestFriend na Classmate.
"Hmmm..." Ang nasambit na lamang ni Banessa sa kaniyang sarili dahil may naaamoy siyang slight na malansa kay Josh.


*********************************


Lumipas ang mga araw at naging lalo pang close na close sina Josh at Wax sa isa't-isa.

Lalong nag-enjoy sa kaniyang pagStay sa Calauag itong si Wax at wala siyang sinayang na mga pagkakataon na laging kasama ang kaniyang BestFriend na si Josh.

Naging masaya din ang bawat umaga habang tinutulungan niya sa paggawa ng Buko Pie sina Aling Myrna.

Sa pagsapit naman ng Hapo'y sumasama sina Ate Helen, Josh at Wax sa kanilang mga kaBaranggay upang tumulong magDekorasyon para sa darating na Fiesta't paSanta Cruzan ni Banessa.

Nawaglit na sa isipan ni Wax ang kaniyang Band at ang kanilang nalalapit na pag-aAbroad dahil habang papalapit na ng papalapit ang Santa Cruzan ay paBusy ng paBusy ang buong Baranggay hanggang sa pagdating ng Bisperas ng Fiesta.

"Oist eto na ang iyong Reyna Elena! Josh meet Nhinzy! Tourism student sya. Taga kabilang Baranggay! Huwag kang mag-alala at tunay na babae yan!" Ang mataray na sambit ni Banessa kay Josh nang isang hapon ay pinuntahan niya ang pagdedecorate ng mga tao sa mga Arc sa procession. Timing din naman na nadoon sina Ate Helen at ang magBestFriend.

Halos mamula naman itong si Nhinzy nang kamayan siya ni Josh. Hindi pinahalata ni Josh sa kaniyang magiging Partner na iniinspect niya ito kung tunay nga itong babae.

"Eto naman ang iyong Reyna Justicia. Wax, this is Jai Cyrus. Little sister ni Nhinzy!" Ang sambit naman ni Banessa kay Wax nang ipinakilala niya dito ang magiging partner nito.

Same lang ang reaction ni Jai Cyrus sa kaniyang kapatid nang kinamayan siya ni Wax.

"Get to know each other para comfy kayo sa Prusisyon! UMAYOS KAYO!" Ang masungit na bilin ni Banessa sa kaniyang mga Reyna sa Santa Cruzan.

Halos umulan ng magaganda noong kinahapunang iyon dahil isinama ni Banessa ang kaniyang mga Girls sa Santa Cruzan upang tumulong na din sa pagdeDecorate.

Nanlaki talaga ang mga mata nina Wax and Josh nang masilayan nila ang mixed gender na mga Reyna sa Santa Cruzan. Hindi talaga nila maDistinguish kung sino ang tunay na Girl at Transexual.

Natapos ang hapong iyon sa pagpapaMerienda ni Aling Myrna sa lahat ng mga taong tumulong ng kanilang ginawang Buko Pie. Every Bisperas ng paSanta Cruzan ay panata na ni Aling Myrna na magpaMerienda sa mga taong tumutulong sa pag-aayos sa Plaza't simbahan.

Kahit na ipinapakita ni Josh kay Banessa ang kaniyang pagka-KJ ay hindi nito maiwasang maging parang bata dahil sa masayang atmosphere of excitement ng buong Baranggay.

Matapos umAttend sina Aling Myrna, Ate Helen, Josh and Wax ng panghuling Evening Novena Mass ay naglalakd-lakad muna silang apat sa Plaza upang pagmasdan ang mga dekorasyon at ang pagbababa ng mga maraming inOrder na mga Bulaklak ni Banessa para bukas.
Hindi tinanggal ni Josh ang kaniyang pagkakaAkbay sa kaniyang bestFriend na si Wax. Masayang-masaya itong si Josh at hindi niya mapigilang pisil-pisilin ang balikat ni Wax.

Tahimik lamang na nakangiti si Wax habang naglalakad silang apat sa Plaza. Hindi maExpress ni Wax ang kaniyang kasiyahan dahil sa ginagawa sa kaniya ni Josh that time ngunit hindi din maiwasang pumasok sa isip ni Wax ang sinabi ni Banessang galit sa bakla ang kaniyang BestFriend na si Josh.


*********************************


"ANG GWAGWAPO NYO!" ANg proud na proud na sinambit ng mag-inang Aling Myrna't Ate Helen nang bumaba na sina Josh at Wax. Bihis na bihis na ang mga ito at Reading-Ready na sa Santa Cruzan.

"Picture picture muna tayo!" Ang masayang pagyaya ni Ate Helen kina Wax at Josh.

"Last na lang! Umayos kayong dalawa! 1... 2... 3... SMILE..." Ang sambit ni Ate Helen nang kinunan niya ng Picture sina Wax at Josh.

"Patingin!" Ang excited na sinambit ni Josh sabay kuha niya ng DigiCam sa kaniyang Ate Helen. Kaagad niyang hinila sa kaniyang tabi si Wax at inakbayan at nagShare silang dalawang tignan ang kuhang picture sa kanila ni Ate Helen.

Parehong nakaSmile sina Wax at Josh dahil satisfied na satisfied sila at maganda ang pagkakakuha sa kanila ni Ate Helen.

"Ang Gwapo talaga natin Tol!" Ang proud na proud na sinabi ni Josh kay Wax habang nasa harapan siya ng salamin at walang sawa niyang inaayos ang kaniyang suot-suot na barong tagalog. Napangiti lang si Wax sa sinabi ni Josh habang iniuukit niya sa kaniyang isipan ang masayang larawan nilang magBestFriend.

"MADALI KAYO'T BAKA MAHULI TAYO!" Ang malakas at excited na bulyaw ni Aling Myrna sa tatlo habang nauna na siyang lumabas ng bahay.


*********************************


Hindi na namalayan ni Wax na naging mahaba ang kanilang naging Procession dahil aliw na aliw siya't iyon ang first time niyang makasali sa Santa Cruzan.

Mahigit isang oras din ang itinagal ng Procession at nang makabalik na muli sila sa Plaza'y kaagad na iniwan ni Josh ang kaniyang Reyna Elena upang puntahan si Wax.

Mamanghang-mangha talaga si Wax nang nagbigay ng Speech itong si Banessa upang magpasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta sa kaniyang paSanta Cruzan. Kung hindi mo kilala itong si Banessa'y hindi mo talaga ito mapapagkamalang operada dahil napaganda't sexy ng suot-suot nito.

"Thank you din sa ating Mahal na Mayor! Palakpakan po natin siya!" Ang pagtatapos ng speech ni Banessa kasabay ng malalakas na putukan at pagkislap ng makukulay na liwanag sa kalangitan.

Katulad ng ibang mga tao'y napatingala sina Josh at Wax. Hindi napigilang akbayan ni Josh si Wax at habang ineEnjoy nila ang pagtingin sa mga nagsasayaw na mga FireWorks sa kalangitan na courtesy ng kanilang Mayor ay lalong humigpit ang pagkaka-akbay ni Josh sa kaniyang BestFriend.

Katulad ng malilikot na pagkislap at sunod-sunod na pagsabog ng mga Fireworks sa kalangitan ng Calauag ay ganoon din ang pagsasayaw ng damdamin sa puso ni Wax ng mga sandaling iyon. Halos sumakit ang kaniyang dalawang cheeks dahil sa labis at wagas niyang pagSmile dahil napakasaya talaga niya at that moment.

Masaya siyang kasama't kapiling niya si Josh sa mga sandaling iyon. Wala na siyang nanaisin pang ano pa man.

Ipinikit ni Wax ang kaniyang mga mata't nagWish na sana'y hindi na matapos ang gabing iyon.


*********************************


"HABULIN NYO KO!!!" Ang malanding sambit ni Banessa sa mga lalaki niyang Classmate kasabay ng pagtakbo niya ng mabilis papuntang dagat. Nagtawanan lang ang lahat dahil wala ni isa man sa kanila o kahit anino lamang ng alimango ang humabol kay Banessa.

Nagbihis lang sina Josh at Wax pagka-uwi nila matapos ang Santa Cruzan at nagpaalam sila kina Aling Myrna at Ate Helen na may night swimming silang magkakaClasmate. Ilang minutong hinabilinan ni Aling Myrna si Josh na huwag pababayaan si Wax. NagPromise naman itong si Josh sa kaniyang Nanay at Ate na aalagaan niyang mabuti at babantayan si Wax.

"MGA KJ TALAGA KAYO!!! MAGDAMAG NA LANG BA KAYONG TITINGIN DYAN SA BONFIRE!!! KAYA NGA TAYO NAGPUNTA DITO EH PARA MAGSWIMMING!!!" Ang tili ni Banessa sa kaniyang mga classmate.  Naka Two-Piece swimsuit ito at sa malayo'y makakapagkamalang itong si Anne Curtis na Six Footer.

Pasimpleng tinitignan ni Wax kanina kung talagang operada itong si Banessa dahil hindi talaga siya makapaniwala. Sa bandang huli'y sumuko na itong si Wax nang wala siyang makitang bakas ng bukol sa suot na bikini ng Classmate nila.

"TARA DOON TAYO SA MALALIM!" Ang masayang yaya ni Josh kay Wax dahil kanina pa sila na nasa mababaw na parte ng Capaluhan beach.

"Hindi ako marunong lumangoy!" Ang natatawang sambit lamang ni Wax sa kaniyang BestFriend.

"Tuturuan kita! Trust me." Ang masaya namang reply ni Josh sabay hawak niya sa isang kamay ni Wax at malakas niyang hinila ito papunta sa malalim na bahagi ng Capaluhan Beach. Gustuhin mang tumangi ni Wax ay hindi niya ito nagawa dahil sa pangungulit sa kaniya ni Josh.

"UMAYOS KA NGA JOSH!" Ang saway ni Banessa kay Josh nang makita niyang papalayo na ang dalawa sa grupo at takot na takot si Wax.

"LECHE!" Ang malakas na sigaw lamang ni Josh kay Banessa.

"Humawak kang mabuti ha!" Ang masayang sambit ni Josh sa takot na takot na si Wax. Halos pigain na ni Wax ang maskulado't well-formed na torso ng kaniyang BestFriend sa kaniyang pagkakayakap.

Hindi mabura-bura ang Smile ni Josh habang lumalangoy siya sa malalim na part ng dagat.
"Balik na tayo please..." Ang pakiusap ni Wax sa kaniyang kaibigan.

"Mga 5 minutes..." Ang makulit na sambit lang ni Joshua at talaga namang aliw na aliw siya kay Wax.

Walang pasabing lumakas bigla ang hangin kasabay ng paghampas sa kanilang dalawa ng isang malakas na alon na siyang naging dahilan upang dumulas ang pagkakayakap ni Wax kay Joshua.

"Sige na please... Nangangalay na ako.. Please... JOSH!!!" Ang naibulalas bigla ni Wax kay Josh habang nagmamakaawa siyang bumalik na sila sa dalampasigan ngunit hindi sinassadyang nakabitiw si Wax kay Josh.

"WAAAAX!!!" Ang sigaw naman ni Josh nang maramdaman niyang nakabitiw sa kaniya si Josh.

"EEEEHHHHH!!!" Ang sigaw ni Banessa nang marinig niya ang sigaw ng dalawa at makita niyang mag-isa na lamang sa dagat si Josh.

"PUNTAHAN NYO SILA DALI!!!" Ang tili muli ng nagpaPanic na si Banessa sa kaniyang mga Classmate na kaagad namang mabilis na lumangoy papunta sa kinaroroonan nina Josh.

Kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ni Josh ay sumisid siyang bigla at wala siyang inaksayang sandali upang hanapin si Wax...

Kahit na anong klaseng pagkampay ng kamay at pagsipa ni Wax ng kaniyang mga binti ay tila ba walang epekto dahil patuloy siyang lumulubog...

Nabalot ng pagkatakot ang buong katawan ni Wax dahil nararamdaman niyang palalim na ng palalim ang kaniyang paglubog at pagkatapos ay naibuga niyang bigla ang naipon niyang hangin sa kaniyang dibdib...

"LORD..." Ang isip-isp ni Wax nang mga sandaling iyon dahil alam niyang wala na siyang pag-asa ngunit bigla niyang naramdaman ang dalawang maskulado't malalakas na mga bisig na biglang yumakap sa kaniyang katawan at iniangat siya paibabaw.

"GWUAARRKKK..." Ang naririnig lamang ni Josh kay Wax habang yakap-yakap niya ito. Isinusuka ni Wax ang nalagok niyang tubig dagat nang kinapos siya ng hininga.

"Sorry Wax... Sorry talaga..." Ang sunod-sunod na nasambit lamang ni Josh sa kaniyang BestFriend. Takot na takot pa din silang dalawa sa mga sandaling iyon.

"ANDITO KAMI!!!" Ang malakas na sigaw ni Josh sa kaniyang mga Classmates na hinahanap din si Wax. Nang marinig nila ang pagtawag ni Josh ay kaagad namang pinuntahan nila ang mga ito.

Umiyak na ng tuluyan itong si Wax dahil sa sobrang pagkatakot niya.

"Sorry talaga..." Ang mahinang sambit ni Josh sabay yakap niyang muli ng mahigpit sa katawan ni Wax at pagbibigay ng isang Smack sa lips nito. Ang akala talaga ni Josh ay tuluyang malulunod na ang kaniyang BestFriend na si Wax.


*********************************


Nakiusap si Josh sa kaniyang mga Classmate na huwag na sanang may iba pang makaka-alam sa nangyari at nanghingi siya ng paumanhin sa lahat.

"Baka naman pupuwede mo kaming maihatid Bentong." Ang pakiusap niya sa kaniyang Classmate na TriCycle Driver.

"Tara!" Ang mabilis na reply naman ni Bentong kay Josh. Lahat ay Shock pa din sa pangyayari.

Inakbayan ni Josh papunta sa Tricycle ni Bentong. Tahimik lang na humihikbing parang bata si Wax ng mga samdaling iyon. Kahit ang loud na si Banessa'y walang masabi dahil sa pagkagulat.

Hindi nag-iimikan sina Josh at Wax habang sakay sila ng TriCycle ni Bentong hanggang sa maihatid na sila nito sa bahay.


*********************************


Pagkauwing-pagkauwi ay tahimik lang nag-anlaw ng katawan ang dalawa at nagpalit ng tuyong damit at pagkatapos ay niyaya ni Josh si Wax na tumambay muna sa kanilang bubungan.

Tahimik lamang na nakaupo sa bubong ng bahay sina Josh at Wax. Sariwang-sariwa pa sa kanila ang pangyayari kanina sa Capaluhan Beach.

"Sorry Talaga..." Ang mahinang nasambit lamang ni Josh kay Wax. Talagang pinapatay siya ng kaniyang konsensya sa mga sandaling iyon.

"Salamat..." Ang sagot lamang ni Wax kay Josh.

"Ha???" Ang nagtatakang biglang tanong ni Josh sa kaniyang BestFriend. Lalo pa siyang nagtaka nang makita niyang nakaSmile ito sa kaniya.

"Kung hindi mo ako sinagip eh deadbol na ako..."

"At siguradong DeadBol ka sa nanay mo!" Ang mahinang sambit ni Wax sa kaniyang nagtatakang BestFriend.

"Natakot talaga ako..." Ang reply naman ni Josh. Tahimik lamang na tinignan siya ni Wax.

"Kala ko mawawala ka na sa akin..." Ang pagtatapos ni Josh na siya namang ikinagulat ni Wax.

Napakabilis ng mga pangyayari at naramdaman na lamang ni Wax na inakbayan siya ni Josh...

Walang inaksayang sandali si Josh at kaagad niyang inilapat ang kaniyang lips sa lips ni Wax...

Ipinikit ni Wax ang kaniyang mga mata...

Halos tumigil ang pagtakbo ng oras sa pagitan ng dalawa nang naglapat ang kanilang mga malalambot na labi...

"Bakit?" Ang nagtatakang tanong ni Josh kay Wax nang biglang kumalas ito sa kanilang pagkiKiss. Lalong nagtaka si Josh nang biglang takpan ni Wax ang kaniyang mouth gamit ang isa niyang kamay at nanlalaki ang dalawa nitong mata.

"Ipinasok mo kasi ang Dila mo!" Ang natatawang explain lang ni Wax. Napatawa din si Josh sa sinabi ng kaniyang bestfriend.

"Teka sagutin ko lang." Ang biglang naiusal ni Wax nang magRing bigla ang kaniyang iPhone na nasa kaniyang bulsa.

"Oist! Musta?" Ang masayang sagot ni Wax sa kabilang linya. Tumawag sa kaniya ang kanilang drummer na si Dennis.

"Dre, Tumawag yung may-ari ng Agency at nagRequest na tumugtog tayo. Sabi ko may pinuntahan kang malayo kaso mapilit at okay lang daw dahil may kakilala siyang singer na pwedeng magSub muna sa'yo." Ang sunod-sunod na sinabi ni Dennis.

"Ganun ba? Kailan ba yan?" Ang tanong ni Wax kay Dennis.

"Bukas. Fiesta kasi sa kanila kaya nangangailangan ng Band." Ang explain naman ni Dennis. Laking pasasalamat naman ni Wax at hindi na siya kinakailangan ng Band niya.

"Ingat na lang kayo. Balitaan nyo ako." Ang pagtatapos ni Wax over the phone.

"Drummer namin." Ang explain ni Wax kay Josh.

"San na ba tayo?" Ang nakangiting pilyong tanong ni Wax  na ikinangiti naman ng wagas na wagas ni Josh.

Wala na silang inaksayang sandali't itinuloy na nila agad ang kanilang matamis na paghahalikan kasabay ng pagbuhos ng labis na kaligayan sa kanilang mga puso...

And this time ay hindi na nabigla si Wax nang ipasok ulit ni Josh ang kaniyang Tongue sa loob ng kaniyang mouth...








To Be Continued 

42 comments:

  1. Embeded music comes from Nikki Valdez's
    MERON Ba?
    Thank you po sa walang sawang pagsama ninyo sa inyong kuya Josh and kuya Wax :)))

    Nangangahalati na tayo sa ating Kwento :)))

    GoodEvening Po Senyong lahat :))) Take Care everyone :)))

    ReplyDelete
  2. Ayeeeeee kinilig talaga ako sa last part hahahaha parang highschool lang din hahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naman kuya PjBerdz :))) hahaha :))) Tenchu po sa pagbasa'y pagComment :))) Teke Care palage :)))

      Delete
  3. Ponse... Thanks sa update (^_^) sana hindi matagalan ang next chapter :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you din po Kuya Richie sa pagsama kina kuya Josh at kuya Wax palage :))) See you after three days ulit :))) TC Palage :)))

      Delete
  4. Replies
    1. Yaan naman po kasi ang gusto nyo kuya Uno :))) hahaha! Tenchu po sa pagbasa't pag-iwan ng Comment :))) Take Care :)))

      Delete
  5. Wow grabe ka ALPOnse di ko un ineexpect na ngaun na pala ang big revelation ha. Umiiba ka na ng style ha ayaw na talaga pahulaan ang susunod na mangyayari. Tipong abangan ang susunod na kabanata ang peg.
    In fairness din naramdaman ko ung eksenang nalunod. Whew! And the kissing scene wow intense. Saludo ako sayo kuya ponseng adik hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi pa po yaan ang revelation Mr.Stan :))) Hahaha! Take care palage and Regards senyong Pamili Mr.Stan :))) HUGZ :)))

      Delete
  6. Waaaaaaaah. Ambilis naman ng mga pangyayari!!!! Pero gusto ko yun :))

    -- gavi :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mabilis ba kuya Gavi :))) Nasa kalagitnaan na tayo :))) hahaha :))) Tenchu po sa pagbasa't pagComment :))) Take care palage :)))

      Delete
  7. hahaha...cute tlg ng kwento,,very light ..pero kilig

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan po talaga si Ponse :))) mababaw lang magkwento :))) Tenchu po sa pagbasa't pagComment Kuya MarkXander :))) Take Care :)))

      Delete
  8. weee!! kinikilig ako sobra kuya Ponse! ikaw na ang adik pero hindi maitatangging may natatanging galing two thumbs up to you


    --arthur--

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po ako magaling kuya Arthur :))) Adik po ako :))) See you po sa next installment :)))

      Delete
  9. Excited na para sa susunod na chapter.very funny.

    ReplyDelete
    Replies
    1. See you po kuyang Anon after three days :))) Salamuch po sa pagabasa't pagComment :))) TC palage :)))

      Lagay po kayo ng name next time para masaya po sa Finale ng 'Ang RnB' :)))

      Delete
  10. ang ganda ng story next n poh please hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. After 3 days mr.Vhin :))) Promise :)))

      Delete
  11. Ganda na ng kwento ... sunod n po pls.

    -mitch

    ReplyDelete
    Replies
    1. After 3 days po :))) Mr.Mitch :))) Tenchu po sa pagbasa't pagComment :))) TC palage :)))

      Delete
  12. Nice story..thanks!

    Randz of QC

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamuch din po kuya Randz :))) Para po senyong lahat yaan :))) TC po palage :)))

      Delete
  13. ang ganda pero nakakakilig sarap ma inlove

    ReplyDelete
    Replies
    1. Masarap po talagang maInlove kuyng anon :))) tenchu po sa pagsama po ninyo kina kuya Josh at kuya Wax :))) TC palage :)))

      Delete
  14. Weeeeew sobrang kakakilig ng mgaeksena...sarap lng..wahaahah

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wagas na wagas ka kuya JMFab sa weew :))) Hahaha! See you after 3 days :)))

      Delete
    2. Xempre galing kxe weh..sigh! Cant wait to read the next chapter....sana mapaaga ang nxt chptr..hehehehe

      Delete
  15. nahdidilaan pa oh! dami kong tawa dun manong! nice one!

    ReplyDelete
    Replies
    1. syempre naman :))) To Makki :))) French kiss kung french kiss :))) hahaha!

      Delete
  16. Aww nabibilisan ako ngayon sa turn of events though ang sweet :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. One week ang time frame nyaan Mr.LoveDoctor... Nilagyan ko ng bracket na...
      ********
      Lumipas ang mga araw...
      Hanggang sa dumating ang bisperas ng paSanta Cruzan...
      ********

      And nagkaAmnesia lang si Josh... Nawala sa memory nyaa si Wax but yung feelings inside his heart na bestfriend and close sila nung mga bata pa sila hindi... :)))

      it will be discuss pag inilabas ko na ang twist sa kwento :))) hahaha :)))

      Delete
  17. nice story! ^.^ thumbs up! thanks Ponse. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamuch din po kuyang anon sa pagbasa't pagComment :))) See you po sa next installment :)))

      Delete
  18. gs2 q dn ng kiss sa bubungan! :3

    ReplyDelete
  19. ayaw mo ng Ultima or Limit Break Lawfer :)))

    ReplyDelete
  20. ..huh? baket me kissing scene na nangyari? di man lang nagpakipot si Wax, at etong si Josh, anong iniisip nya at kiniss nya ang bestfriend nya? at sa bubungan pa talaga, pano pag nakita sila ni Banessa? tsk tsk!

    ..ahrael

    ReplyDelete
    Replies
    1. IKAW NA ANG DALAGANG FLIPINA JEC :))) NYAHAHAHA! :)))

      Delete
    2. ..hehehe. eh syempre naman kuya ponse, "STRAIGHT TO THE POINT" talaga sila. wala man lang pakyeme kyeme.

      ..ahrael

      Delete
  21. ahhhhh love your story talaga ponse from "coffee" to bed scene na hehehe... Si alex goot model mo right?! nice choice ponse kakaadik stories mo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Syempre :))) CUTE KASI NI ALEX GOOT :))) HAHAHA! Nerdy nerdy pero pag kumanta't kumalabit ng Guitara eh nakakabaliw :))) NYAHAHAHA!

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails