Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com
Kamusta po ulit sa inyo. Medyo naging matumal ang naging comments sa last repost ko at naiintindihan ko naman kung bakit.
Tungkol po sa aking blog, kasalukuyan ko pa itong inaayos. At wala pa po akong binibigyan ng access. It will be open for public viewing soon.
Happy Reading!
[7]
Nakatulog si Andrew habang nasa biyahe sila ni Bryan papuntang Baguio. Habang nagmamaneho ay pasulyap-sulyap si Bryan sa kanya.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakakaramdam ng kasiyahan si Bryan sa tuwing titignan niya ang himbing na himbing si Andrew na nagpapangiti sa kanya.
"Cute pala nito! ang kanyang naibulalas sa sarili.
At makalipas ang halos apat na oras ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon.
"Uy gising na. Nandito na tayo." ang panggising ni Bryan kay Andrew. Marahan niyang kinakalabit ito.
Dahan-dahang minulat ni Andrew ang kanyang mga mata. At nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat nang makitang malapit ang mukha sa kanya ni Bryan.
"Ano ginagawa mo?" ang tanong ni Andrew sabay tulak sa kanya.
"Ginigising kita. Nandito na kaya tayo sa aking resthouse." ang sagot sa kanya ni Bryan. "Kung makapagtanong ka naman..."
"Ano?"
"Wala tsk..."
"Mabuti naman kung ganoon. Teka nga bakit mo ba ako dinala dito?"
"Mamaya ka na nga magtanong tara na pasok na tayo sa loob."
Hindi maitatago ni Andrew ang kanyang pagkamangha sa bahay. Napakaaliwalas ng lugar. Bukod sa malamig na klima ay may mga tanawing maganda sa paningin.
"Nagustuhan mo ba?" si Bryan nang mapansin si Andrew na pinagmamasdan ang lugar.
"Oo. Maganda pala dito." ang nasabi ni Andrew na tila nakalimutan niya ang kanyang inis sa kausap.
"Mabuti naman. Tara na, naghihintay na ang hapunan natin."
Nang makapasok ay agad silang tumuloy sa hapag kainan.
"Magandang gabi po Senyorito." ang bati sa kanya ng isang babaeng may edad na. "May kasama po pala kayo."
"Siya si Andrew, bisita ko." ang pagpapakilala ni Bryan kay Andrew sa babae. "Pakihanda na po yung hapunan Manang.
"Sige po senyorito."
Habang hinihintay nila ang hapunan, "Bilisan nating kumain ha para makauwi na tayo." si Andrew na sa mga oras na iyon ay hindi na naitago ang pag-aalala.
"At balak mo pa talagang umuwi sa ganitong oras ha. Sabi ko naman sa iyo di ba na overnight tayo dito." ang sagot ni Bryan sa kanya.
"Oo nga pala. Iniisip ko lang kasi si nanay. Baka nag-aalala na iyon sa akin. Wala siyang kasama at isa pa may sakit siya."
"Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala sa iyo bukas. Magtiwala ka lang sa akin. Sige akyat muna ako sa taas para makapagpalit. Mauna ka na kapag naserve na yung hapunan."
Tumango na lang si Andrew sa kanya bilang pag-sang-ayon. Makalipas ang limang minuto ay dumating na ang babaeng bumati kay Bryan kasama ang tatlo pang katulong at inihanda na ang mga plato, kubyertos at ang kanilang pagkain. Nang matapos sa paghahanda ay kinausap ng babae si Andrew.
"Magandang gabi po sa inyo Sir Andrew."
"Andrew na lang po tawag niyo sa akin." ang tugon naman ni Andrew sabay ngiti.
"Ganun po ba. Ako po pala si Susan, ang tagapamahala dito sa resthouse ng mga Sebastian, silang tatlo naman ang mga kasambahay dito." ang pagpapakilala pa ng babae. Sabay-sabay na yumuko ang mga ito sa kanya.
"Sige kain na po kayo Andrew." ang pagpapatuloy ni Susan.
Agad sinimulan ni Andrew ang pagkain. Sinamantala na niya ang pagkakataon na makakain ng masasarap at pangmayamang pagkaing nakahain sa kanya ngayon.
Napansin naman niya na naroon pa rin at nakatayo sina Susan at talong kasambahay na nakatingin lang sa kanya.
"Kain na rin po kayo Aling Susan." ang alok ni Andrew habang may hawak pang isang hita ng manok.
"Naku, hindi po kami pwede sumabay sa inyo. Patakaran po yan ng mga amo namin." ang pagtanggi ni Susan.
"Bakit po dahil kay Bryan? Huwag kayong mag-alala ako ang bahala sa kanya."
"Ok lang po kami Sir Andrew huwag niyo na kami alalahanin."
Nagpatuloy pa rin siya sa pagkain. At naroon pa rin ang mga katulong na nakatingin sa kanya.
"Mabuti naman po at nakapunta kayo dito sa lugar na ito." ang pagbubukas ni Aling Susan ng usapan.
Nilunok muna ni andrew ang kanyang nginunguya bago tumugon."Napilitan lang po akong sumama kay Bryan."
"Kakatuwa talaga ang batang iyon. Alam niyo po na sa halos 20 taon kong paninilbihan sa kanilang pamilya ikaw lang ang kauna-unahang bisita dinala ni Sir Bryan dito bukod kina Sir Michael At Troy. Halos nasubaybayan ko ang kanilang paglaki."
"Ah." Napaisip bigla si Andrew sa kanyang narinig. "Ako daw ang una. Nakapagtataka naman eh sikat siya sa school." ang sabi niya sa kanyang sarili.
"Sa tingin ko po special kayo sa kanya." ang pagpapatuloy nito.
"Talaga po kahit... girlfriend niya?"ang kanyang naitanong.
"Saglit na napaisip si Susan sa narinig nito kay Andrew.
"Sa tingin ko wala pa siyang girlfriend."
Hindi mawari ni Andrew kung nagsasabi ba ng totoo si Aling Susan. Parang may kung anong tinatago ito base sa naging pagsagot nito sa kanyang tanong. Gayumpaman ay hindi na niya binigyan pa ng pansin iyon.
"Paano po pala kayo nagkakilala ni Senyorito?" ang sunod na tanong nito sa kanya.
"Actually po hindi ko rin alam..." ang tugon nito. Naisip niya kasi na hindi naman talaga sila magkakilala ng lubusan nitong si Bryan.
"Basta po sinabihan ko lang siya sa mga mali niyang ginagawa sa mga estudyante. Sa totoo lang po naiinis ako sa mga taong mayayabang eh. Tapos yun na lapit na siya ng lapit sa akin."
Natawa naman ang mga katulong sa kanilang narinig na ipinagtaka ni Andrew.
"Bakit po kayo natatawa?"
"Ah wala po Sir. May naisip lang kami." ang sagot ni Susan. Nagkatinginan sila na parang iisa lang ang kanilang iniisip. Hindi na iyon inalam pa ni Andrew.
"Sana po Andrew, maging magkaibigan kayo ni Senyorito. Nakikita kong magiging mabuti kang kaibigan sa kanya." si Aling Susan.
"Parang malabo po mangyari iyon kasi hindi kami magkakasundo." ang sagot niya. Sa ugali kasi ay talagang magkasalungat sila ni Bryan.
"Kaya po dapat ka nyang maging kaibigan. Ikaw lang ang makakapagpabago sa kanya. Sige po babalik na kami sa trabaho." ang paalam sa kanya ng mga katulong.
"Salamat po sa pagkain." ang nakangiting tugon ni Andrew.
Isang minuto pagkaalis ng mga katulong ay napansin ni Andrew ang pagbaba ng isang tao sa hagdan. Biglang natigil ang kanyang pagkain nang lingunin niya ito. Natulala at nahipnotismo ang kanyang utak sa lalaking naglalakad papalapit sa kanya. Mistulang isang modelo na nagpopose sa beach ang kanyang nakikita. Wala itong suot na damit pang- itaas kaya kitang kita niya ang kagandahan ng katawan nito lalo na ang bukol sa kanyang suot na boxer shorts na may pagkahapit sa kanya. Marahil ay bago itong paligo. Hindi na bago sa kanya ang makakita nito sa telebisyon at magazine ngunit iba pala kapag personal na ito makikita.
"Uy ayos ka lang?" si Bryan na nagpagising sa ulirat ni Andrew. Umupo siya sa bandang kaliwa ni Andrew.
"Oo, ok lang ako." ang kanyang tugon. Agad niyang inayos ang sarili at nagpatuloy sa pagkain.
Maya-maya lang habang kumakain ay napapansin ni Andrew ang mahinang pagtawa ng kanyang katabi.
"Bakit ka natatawa?" ang tanong ni Andrew kahit alam na niya ang dahilan nito. Nakaramdam siya ng hiya sa mga oras na iyon ngunit hindi siya nagpahalata.
"Wala. Natutuwa lang ako sa reaksyon mo kanina nang bumaba ako."
"Anong reaksyon?"
"Nagkukunwari ka pa. Huli na kita. Alam kong naaakit ka sa akin."
"Ako? Hindi ah! Ang kapal naman ng mukha mong sabihin yan."
"Nagdedeny ka pa. Umamin ka na kasi. Ok lang naman sa akin yun."
"Ano ka ba hindi nga!" medyo tumaas na ang boses ni Andrew sa kausap.
"Tignan mo nga ang sarili mo oh. Ang taba taba mo tapos ang pangit pa ng balat mo." ang nasabi na lang niya pero ang totoo ay kabaliktaran lahat ito ng nakita niya ngayon.
"Ako mataba. Take a look kung may makikita kang fats." Si Bryan sabay chest in at pag flex ng muscle sa braso. Alaga to sa gym oh"
Napansin naman ni Bryan na hindi na lumilingon sa kanya si Andrew. "Nahihiya ka pa. Kung gusto mong ma touch ang aking gifted body, Sige lang I will not be mad."
"Iba pala talaga ang ugali nito kay Troy." ang nasabi niya sa kanyang sarili.
"Ewan ko sayo Bryan. Tumigil ka na nga. Never akong maakit sayo!"
"Ok sabi mo eh." ang nasabi na lang ni Bryan. Nahalata naman ni Andrew na hindi ito kumbinsido sa kanyang pagtanggi.
Matapos kumain ay saglit silang nagpahinga sa sala.
"Hindi pa ba tayo matutulog. Kailangan pa nating umalis nang maaga bukas."
"Hindi tayo papasok bukas."
"Ano? Ikaw ha. Sumosobra ka na. Nagdedesisyon ka agad nang wala akong pahintulot."
"Easy lang. Nagagalit ka na naman sa akin eh. Ako ang bahala."
Tumahimik na lang si Andrew. Wala rin naman siyang magagawa pa.
"Tara akyat na tayo sa taas." si Bryan na may kasamang paghihikab. "Inaantok na ako."
"Dito na lang ako sa sofa matutulog."
"No No No..." si Bryan na may pagkumpas pa ng kanyang daliri. "Special visitor kita kaya doon ka sa kwarto ko matutulog.
Naisip naman agad ni Andrew ang mga posibilidad na mangyayari. "Hindi dito na lang ako."
"Huwag nang matigas ang ulo tsk. Bahala ka pag di mo ko sinunod lalo tayong tatagal dito." ang tila pananakot nito.
Napilitang na ring sumunod si Andrew sa kanya sa pag-akyat.
Pinagmasdan naman ni Andrew ang buong silid. Apat na beses ang laki nito kung ikukumpara sa kanilang tinitirahan. At nang mapansin niya na isa lang ang kama ay agad siyang tumanggi.
"Doon na lang talaga ako sa sala matutulog."
"Hindi pwede. See malaki naman ang kama ko, kasya tayo ditong dalawa." ang sagot ni Bryan.
"Ibig sabihin magtatabi tayo matulog. Ay ayoko nga." si Andrew.
Akmang lalabas na siya ng silid nang kaladkarin siya ni Bryan at inihiga sa kama.
"Ang tigas naman ng ulo mo! Bakit ka ba laging tumatanggi sa akin? Wala namang masama kung magtabi tayo di ba. Parehas naman tayong lalaki."
"Hindi ako basta-basta tumatabi sa taong hindi ko lubusang kilala."
Umupo si Bryan sa kanyang tabi. At bahagyang inilapit ang kanyang mukha kay Andrew. At sa pagsasalita nito ay naamoy niya ang mabangong hininga ito.
"Ganoon ba? Sige ngayon pa lang simulan mo na akong kilalanin pa dahil araw-araw na tayong magsasama."
"Ha! Sa tingin mo ba sasama ako sa mga taong masasama ang ugali na tulad mo."
Umiling-iling sa Bryan sa pahayag na iyon ni Andrew. "Hay naku kalimutan mo na nga iyon. Pangako hindi ko na uulitin pa. Ok na, galit ka pa ba sa akin?"
Hindi kaagad sumagot si Andrew sa halip ay napaisip siya. Sobrang nagtataka na siya kung ano ang totoong motibo ni Bryan sa kanya. Kung bakit siya nagpapakita ng kabaitan sa kanya.
"Huwag ka lang puro salita ipakita mo sa gawa. At isa pa huwag ka sa akin magsorry, doon dapat sa mga estudyanteng nagawan mo ng kasalanan."
"Para sa iyo gagawin ko, mawala lang ang galit mo sa akin." Sa pagkakataong iyon ay seryoso na ang mukha ni Bryan.
"As if na kaya mo yung gawin."
"Oo naman. Ako pa lahat ng bagay nagagawa ko."
"Ok. Pero isang tanong lang ah. Sana sagutin mo ako ng maayos."
Hindi sumagot si Bryan tanda ng kahandaan nito na pakinggan aty sagutin ang magiging tanong ni Andrew sa kanya.
Umupo muna si Andrew sa kama. "Natanong ko na rin kay Troy ito noon. Ano ba talaga ang dahilan mo kung bakit...? Hindi na naituloy pa ni Andrew ang kanyang sasabihin sa pagsingit ni Bryan.
"ko ginagawa sa iyo ang mga ganitong bagay, yun ba?"
Tumango si Andrew.
"Hindi ka talaga nakikinig sa akin. Siguro dahil sa inis mo kaya uulitin ko na lang. Kasalanan mo ito Andrew. Simula nang unang encounter natin sa court hindi ka na maalis sa isipan ko. I admit nung una ay balak ko talagang gumanti sa yo sa pagpapahiya mo sa akin. Pero ewan ko ba, parang hindi ko na kayang gawin iyon sayo eh. Mas gusto ko nang makuha ang atensyon mo at mapalapit sayo.
Para kay Andrew, mahirap paniwalaan ang mga pahayag na iyon ni Bryan sa kanya sa kabila ng pagiging seryoso ng mukha nito.
"Alam ko namang hindi madaling paniwalaan ang mga sinabi ko sa iyo. Kaya hayaan mo akong patunayan ito sa pamamagitan ng gawa."
"Bryan, aaminin ko, hanggang ngayon may mga pagtataka pa rin ako. May mga katanungan pa rin kasing gumugulo sa aking isipan. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi pa natin lubusang kilala ang isat-isa. at di pa lubusang nawawala ang inis ko sa iyo. Kaya sa ngayon hahayaan muna kita." ang kanyang nasabi. Hindi niya alam kung bakit naging ganoon ang pahayag niya na tila binibigyan ng pag-asa ang kanyang kausap na magkalapit sila.
Mula sa pagiging seryoso ay ngumiti ito ng ubod tamis. Muli ay nahipnotismo siya sa kanyang nakita. Kung ikukumpara kay Troy, mas malakas ang dating ni Bryan sa kanya sa hindi malamang dahilan.
"Thank you tol." ang tugon ni Bryan sa kanyang sinabi. Nagkangitian silang dalawa.
Itutuloy...
[8]
"Dito na lang ako sa sahig matutulog." ang sabi ni Andrew nang makitang humiga si Bryan sa kama.
"Hindi pwede. Dito ka matutulog. Huwag ka nang mahiya pa." si Bryan.
"Ok lang ako dito. Sanay naman ako eh." ang pagpupumilit ni Andrew. Sa totoo lang ay naiilang siya kapag may katabing siyang ibang tao sa pagtulog.
Bumangon si Bryan mula sa pagkakahiga at umupo sa kama. "Kung yan ang gusto mo bahala ka. Tatawagin ko na lang si manang para dalhan ka ng kumot at unan."
"Salamat."
"Ngayon lang kita pagbibigyan Andrew, sa susunod hindi na." ang pahabol na pahayag ni Bryan. Tumayo siya at dumako sa kanyang cabinet.
"Oh eto, hiramin mo muna. Isuot mo pagkatapos magshower."
Kinuha ni Andrew ang inabot sa kanya ni Bryan na isang twalya, brief, boxer short at sando na may kalakihan ang sukat sa kanya.
"Wala akong sakit huwag kang mag-alala." si Bryan nang mapansing nakatingin si Andrew sa kanyang brief.
Habang nasa shower si Andrew ay inaalala niya ang mga nangyari sa kanya sa buong araw na iyon. Nakapokus ang kanyang isipan kay Bryan. Ang inis niya sa taong ito ay unti-unting naglalaho sa di niya malamang dahilan.
Sa labas naman ay naroroon si Bryan na nananatiling nakahiga sa kanyang kama habang inuunan ang ulo sa kanyang nakataas na mga braso.
"Hay Andrew, kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon na magkasama tayo sa aking bahay. Gagawin ko ang lahat upang mapalagay ang loob mo sa akin."
Matapos ang halos sampung minuto ay lumabas na si Andrew ng banyo.
"Ayan pinalatag ko na kay manang ang tutulugan mo. Sigurado ka bang diyan ka na matutulog?" ang tanong ni Bryan kay Andrew na nagpupunas ng kanyang katawang basa.
"Oo naman."
"Ok. Sayang, gusto pa naman kita makatabi ngayon." ang sunod na sinabi ni Bryan. Ngunit hindi na iyon binigyan pa ng kahulugan ni Andrew. Biro lang iyon siguro ng tao.
Hindi nakatulog si Andrew nang gabing iyon. Marahil ay namamahay siya. Isa pa ay iniisp niya ang kanyang ina na siguradong nag-aalala na sa kanya.
_______
Kinabukasan ay naisipan ni Bryan na ipagluto si Andrew ng masarap na almusal.
"Ok na ba ang lasa nito Manang." ang tanong ni Bryan habang hinahalo ang sauce ng niluluto niyang spaghetti.
"Opo Senyorito." ang sagot ng katulong matapos tikman ito.
"Sigurado po kayo, baka hindi ito magustuhan ng bisita ko. Siyanga po pala, pakiayos na ang mesa sa garden. Pakihanda na rin yung pasta doon kami kakain."
"Opo Senyorito."
Matapos magluto at maihanda ang almusal ay umakyat si Bryan sa kwarto nito upang gisingin si Andrew na halos inumaga nang matulog. Pagkabukas ng pinto ay nakita niyang natutulog pa rin ito ng nakabaluktot.
Lumapit si Bryan kay Andrew. Napapangiti siya habang pinagmamasdan ang kabuuan nito. Dumapa siya sa kinahihigaan nito, nakatukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid nito at nilapit ang mukha sa kanya.
"Ang cute talaga." ang nasabi niya sa kanyang sarili patungkol kay Andrew.
Nagpasiya siyang buhatin ito kahit may kabigatan para ihiga sa kanyang kama. Hindi man lang ito nagising sa ginawa sa kanya ni Bryan.
_______
"Tanghali na yata." ang unang sinabi ni Andrew nang magising ito. Nakita niya ang oras sa alarm clock na nasa tabi ng higaan. "Alas onse na pala ng umaga. Napasarap yung tulog ko."
At doon niya nakumpirma ang dahilan nito. "Nandito pala ako sa kama ni Bryan. Siya siguro yung nagbuhat sa akin. Pero bakit di ko namalayan." ang tanong niya sa kanyang sarili.
Matapos magmumog at maghilamos ay bumaba na siya. Nakita niya ang isa sa mga katulong na naglalakad.
"Magandang umaga po Sir Andrew." ang bati ng katlong sa kanya.
"Magandang umaga din po. Nasaan si Bryan." ang tanong niya rito.
"Lumabas lang po siya. pabalik na rin po iyon. Hintayin niyo na lang po siya sa garden." ang sagot ng katulong sa kanya.
Tinuro sa kanya ang kinaroroonan ng nasabing hardin. At doon niya napansin ang isang mesa doon na may mga nakatakip sa ibabaw nito.
"Magandang umaga po Sir. Halika umupo na kayo. Mamaya lang po darating na si Senyorito. si Susan habang inaayos niya ang mesa.
"Si Senyorito po pala ang nagluto nito." ang pagpapatuloy ni Susan pagkatapos umupo ni Andrew at tignan ang mga nakahain sa mesa."Spaghetti. Paborito ko ito. Pero masarap kaya ito." ang nasabi niya sa kanyang sarili.
"Huwag po kayong mag-alala masarap yan. Pinagbuti po talaga ni Senyorito ang pagluto niyan para sa iyo." si Susan na tila nabasa ang nilalaman ng utak ni Andrew.
Makalipas ang limang minuto ay dumating na si Bryan at nagmamadaling tinungo ang hardin. Napansin ni Andrew na basang-basa ang sando na suot nito. Marahil ay kakatapos lang niya mag-ehersisyo.
"Sorry kung pinaghintay kita. Kagagaling ko lang sa gym." ang sabi nito sabay upo sa silyang kaharap ni Andrew.
"Ok lang." ang sagot ni Andrew. Ngunit sa loob niya ay may nararamdaman siyang kakaiba nang makita niya ang kanyang kausap.
At natulala na lang si Andrew sa sunod na ginawa ni Bryan. Tinanggal nito ang suot niyang sando kaya kita niya ang hubog ng pawisan nitong katawan. Alagang-alaga sa exercise kaya hindi nakakapagtakang nakakayanan nitong buhatin siya. Napapalunok na lang si Andrew ng kanyang sariling laway.
"Ang init grabe. Tara kain na tayo." ang sabi ni Bryan.
"Uy Andrew, sabi ko kain na tayo." ang pag-uulit ni Bryan nang mapansin ang pagkatulala ni Andrew. Sa isip niya ay talagang pinagpapantasyahan siya nito naikinatutuwa niya.
Bumalik naman ang ulirat ni Andrew nang makita niya ang mahinang pagtawa ni Bryan.
"Ah tara kain na tayo. Ikaw daw ang nagluto nito. Baka nilagyan mo ito ng lason ah." ang pag-iiba ni Andrew ng usapan. Pero ang totoong nasa isipan ni Andrew ng mga oras na iyon ay kung nakahalata si Bryan sa naging reaksyon niya kanina.
"Wag kang mag-alala, wala akong balak na patayin ka." ang nakangiti pa rin nitong sagot.
Nagsimula na silang kumain.
"Anong lasa?" ang tanong ni Bryan sa kanya.
"Masarap naman siya."
"Mabuti naman at nagustuhan mo."
"Pero Bryan hindi ka na dapat nag-abala pa ng ganito sa akin."
Tumingin si Bryan sa kanya.
"Alam mo Andrew, masaya ako sa ginagawa ko kaya hayaan mo na lang ako. Sabi ko sayo diba na babawi ako."
Sa loob ni Andrew ay may naramdaman siyang kasiyahan sa mga narinig niya sa kausap. Pero hindi pa rin niya maiwasang mag-isip na baka may binabalak siyang hindi maganda sa kanya. Hindi pa niya itong lubusang kilala.
"Anong oras tayo uuwi?" ang tanong ni Andrew kay Bryan. Katatapos lang nilang kumain.
"Huwag kang magmadali Andrew. Marami pa tayong gagawin ngayong araw."
"Marami pa? Ibig sabihin aabutin pa tayo ng bukas dito?" medyo napalakas na ang boses ni Andrew.
"Oo. Dont worry, ako ang bahala sa nanay mo pati na sa mga mamimiss mong lectures sa school."
Sa pagkakataong iyon ay hindi na naiwasan ni Andrew na itago ang kanyang pagkainis. Tumayo na siya sa kanyang kinauupuan.
"Ikaw ha sumosobra ka na. Gumagawa ka ng sarili mong desisyon ni hindi mo muna ako konsultahin kung papayag ako!"
Tumayo rin si Bryan bago sumagot. "Nagagalit ka ba sa akin? Dapat magpasalamat ka pa sa mga kabaitang pinapakita ko sa iyo."
"At bakit ko naman gagawin iyon. Hindi ko naman hinihingi na maging mabait ka sa akin, na tratuhin mo ako ng ganito."
Hindi na sinundan pa ni Bryan ang pahayag na iyon ni Andrew sa halip ay iniba na niya ang usapan. Ang sumunod na ginawa ni Bryan ay mistulang nagpawala ng inis ni Andrew sa kanya.
Hinubad ni Bryan ang suot nitong shorts.Halos manlaki ang mga mata niya sa nasilayan niyang umbok ng pagkalalaki nito pati na rin ang maumbok na pwet nito at malalaking mga hita. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang nakaawang na balahibo sa bandang itaas ng suot nitong puting brief.
Sa isip-isip ni Andrew, "Teka bakit niya ginawa ito sa harap ko. Parang wala siyang kahihiyan."
"Ano ba tong nararamdaman ko. Hindi pwede ito. Wala akong pagnanasa sa kanya. Tinutukso lang ako ng taong ito." ang pangungumbinse niya sa kanyang sarili.
"Tigilan na natin ang walang kwentang usapang ito. Ligo lang ang katapat ng init ng ulo mo tol." ang sabi ni Bryan na nagpabalik sa katinuan ni Andrew. "Tara swimming tayo."
"Swimming? Ayaw ko nga. Sa banyo na lang ako maliligo." ang pagtanggi ni Andrew.
"Bakit? Ayaw mo bang sumabay sa akin o nahihiya ka lang."
"Parang ganun na nga." ang sagot ni Andrew sa kanyang sarili. Nakakahiya namang maghubad din siya, alam naman niya na walang ibubuga ang katawan niya kung ikukumpara sa kanya. At isa pa ay hindi siya marunong lumangoy mahirap na baka gumawa ito ng kalokohan na lunurin siya.
"Hindi lang ako sanay." ang nasabi na lang niya sa kausap.
"Eh di sasanayin na kita."
Wala nang nagawa si Andrew kundi ang maging sunud-sunuran kay Bryan. Hinila nito ang kanyang braso papunta sa dako ng bahay kung saan naroon ang pool. Nabigla na lang siya nang itulak siya nito.
"Bryan!!!" ang napasigaw na si Andrew.
"Huwag kang mag-alala, mababaw lang sa parte na iyan kaya hindi ka malulunod." ang sabi ni Bryan at lumusong na rin ito sa pool.
Akmang aahon si Andrew dahil sa naramdaman niyang ginaw nang pigilan siya ni Bryan sa pamamagitan ng pagyakap sa kanya. Hindi na nagawang magpumiglas ni Andrew dahil sa naramdaman niyang laman na nakadikit sa kanyang likuran na sa tantya niya ay may kahabaan ito. Mistulang kinuryente ang buo niyang pagkatao.
Maya-maya lang ay kumalas na ito sa pagkakayakap at sinabuyan siya ng tubig sa mukha.
"Pwe!" ang reaksyon ni Andrew gawa ng nakainom siya ng tubig. "Ikaw talaga Bryan!"
Balak gumanti ni Andrew sa kanya ngunit hindi niya ito magawa dahil sa paglangoy ni Bryan. Nakita pa niya na tatawa-tawa ito.
"Ikaw talaga Bryaaaannnnn!!!!" ang pagsigaw na ni Andrew.
_______
"Tol kamusta na ang lakad niyo ni lola?" ang tanong ni Michael sa kakapasok lang na si Troy sa kanilang tambayan.
"Ayos lang. Medyo sumakit lang ang ulo ko sa dami ng inayos naming papeles. Siya nga pala, si Bryan?" ang pahayag ni Troy nang mapansing wala pa si Bryan sa ganoong oras.
"Nasa Baguio siya ngayon. Busy siya kaya hindi siya papasok ngayon."
"Really. Ang weird ha."
"Oo, at mas magtataka ka pa. Guess who kung sino ang sinama niya doon."
"Talaga. Ahm. No idea ako. Sige sirit na." ang sagot ni Troy. Napaisip siya sa narinig niya kay Michael. Kadalasan kasing mag-isa lang itong nagtutungo doon at kapag bakasyon lang niya ito ginagawa.
"Si Andrew, yung freshman."
"What?" ang di makapaniwalang reaksyon ni Troy.
Itutuloy....

Haizzz! Kinilig pa rin ako kahit i think 10 times ko nang basa ito mula pa dun sa allaboutboys. No. 1 ka talaga sa akin DAREDEVIL! Promise walang ek ek to.
ReplyDeletePero bakit restricted na blogsite mo? Please naman bigyan mo naman ako ng access sir.
Thanks.
HOY PALOMA! AYUS AYUSAN MO ANG COMMENT MO! GINAWA MO NG DIYOS ITONG SI DAREDEVIL! KAMUSTA NAMAN! MAY HINDI AKO INAAPROVE SA COMMENT MO! PAGKUMAPARAHIN BA NAMAN SI ANCETA AT SI DAREDEVIL!! BAWAL DITO SA MSOB!
DeleteAYUSAN MO COMMENT MO! PANTAY PANTAY LAHAT DITO!
Ahahaha sori pi admin marian. Ok lang di mo inaprov basta yon ang peg ko. Cge behave na po ako.
DeleteBasta fan talaga ako ni daredevil kasi may kakaiba xang style na wala sa iba.
Kilig much lang ang peg hehehe;-)
HINDI AKO ADMIN PALOMA! ARTISTA AKO!
DeleteSabi mo eh!
DeleteCge ganito nalang, Artistang Admin Marian.
Yon oh wag ka nang pumalag hahaha
Baka gusto mong ipabugbog kita kay DingDong Dantes Paloma!
DeleteAba humirit pa!
DeletePeg ko rin bugbogin ni Dingdong ng halik hahaha...landi lang ang peg! ;-)
Ms. Marian, ano pala itatawag ko kay Daredevil? Di naman pweding kuya devil hahaha ang sama ng peg!
DeleteMay clue dun sa email add nya. ALVIN ba?
Cge KUYA ALVIN nalang.
Aba... Hoy Paloma! Ako pa ang pagproProblemahin mo kung anong itatawag mo kay DareDevil!!!
DeleteAdd mo siya sa FB at tanungin mo siya kung Taken na ba siya at pag hindi pa eh magpaalam ka sa kaniya kung pwede mo ba siyang tawaging 'MAHAL' o kaya nama'y 'DARLING' !!!
Ang laki ng problema mo talaga Paloma!!!
Sarap ulitin ang story na ito. Dami kilig moments. Tnx daredevil.
ReplyDeleteRandz of QC
woe boys over flower lang ang peg galing ni mr author bilis pa ng update:)
ReplyDeleteAARHON
kinikilig lng...... next chapters na..hehehe
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletenice ang kwento kinilig ako ng sobra.....nxt chapter na plssss
ReplyDelete,,,interesting
ReplyDelete,,interesting next please
ReplyDeleteganda ng story mtagal ko ng hinihintay ang update nito pero in the mean time basahin ko muna ulit mga post mo till masundan mo na ung kasunod till end, salamat sana matapos mo po ito dito. More Power!
ReplyDeleteNext chapter na pls
ReplyDeleteIn fairness, ang bilis ng approval sa koments. Love na rin kita admin Marian hahaha
ReplyDeleteOMG! Ang pagbabalik ni Andrew!
ReplyDeleteNext chap na.
Demanding lol:-D
Ang ganda nito. I will follow this.
ReplyDeleteNice one Mr. Author!
Ayos tatapusin na talags ito. Salamat naman!
ReplyDeleteAng tagal ko nang naghintay ng karugtong nito.
Mr. DJ
Ay wals pang update?
ReplyDeleteNagseselos si Troy? Hmmm smells fishy...
ReplyDeleteRom of Canada
Naku naman kakatuwa nanan yong bumubukol scene. Halos himatayin na si Andrew sa nakikita nya. Galing naman ng author!
ReplyDeleteSalamat kuya at nagbalik ka. Sana wala nang iwanan.
Erin