Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 5]
By: Crayon
***Renz***
4:35 pm, Sunday
March 13
"Renz, anak gumising ka na! Hapon na, wala ka na namang maitutulog niyan mamaya."
Nagising ako sa sigaw ni mama habang kumakatok sya sa pinto ng aking kuwarto. Hindi ko namalayang nakatulog ako sa pag-aantay na magising si Kyle.
Agad kong hinablot ang aking cellphone para tingnan kung tinext niya na ako. I have 3 messages received. Pero hindi iyon galing kay Kyle. Tinext ko na din siya agad para tingnan kung gising na sya.
Renz : Hoy panget! Gcng kn?
Lumipas ang mahigit sampung minuto pero wala pa ding reply.
Renz : hoy panget gumising ka na nga!!!
Kyle : Bakit ba!?!
Mukhang hindi maganda gising ng loko.
Renz : Miss na kita e!
Kyle : Umpog ko kaya ulo mo sa pader kang bwiset ka. Alam mong nagpapahinga ako e.
Hindi ko alam kung bakit pero nageenjoy ako kapag ganitong napipikon na sya at ako ang dahilan. Wala kasi akong bunsong kapatid na lalake kaya wala akong nakukulitna ganito.
Renz: Hahaha! Choosy ka pa. Ako na nga ang nakakamiss sau e.
Kyle : Utang na loob ko pa yon, ganon?
Renz : Syempre, namimiss ka ng isang Renz Angelo Razon. Hindi lahat ng tao may ganyang pribelehiyo.
Kyle : Pulpol!!! Bakit nga! Bilisan mo at balak ko pang matulog ulit.
Renz : Huwag ka na matulog. Maghapon ka na ngang tulog eh. Samahan mo ko.
Kyle : Ayoko.
Renz: cge na, please... :))
Kyle : ayaw. Matulog ka na lang.
Renz : please buong araw kaya kita inantay magising para samahan mo lang ako.
Kyle : Sumbatan naman ngayon, ganon? Saan ka ba pupunta na naman?
Renz : Hindi naman, nangongonsensya lang. Heheh samahan mo ako papagupit ako ng buhok ee.
Kyle : Nyeta ka!!!
Natawa ko sa reply niya, madali talaga mapikon si Kyle kapag kulang sa tulog. May pagka-Koala kasi tong barkada kong to. Hayup kung matulog.
Renz : Sige na, tagal na natin di nagbobonding eh.
Kyle : Starfish ka ba?! Magkasama lang tayo kagabe! Hindi mo na naaalala?
Renz : Eh nawala ka naman kasi agad, kung kanino ka na naman sumama. Palibhasa, Jellyfish ka. Sunod lang sa agos.
Kyle : Starfish! Walang utak! Nauna ka kaya nakipaglandian kagabe kaya, humanap na din ako ng makakasama ko, kasi iniwan mo ko mag-isa.
Renz : Nahiya naman ako sa lahi ng Jellyfish parang may utak kayo ah! May nakipagkilala lang sa akin tas pagbalik ko sa table natin wala ka na.
Kyle : Kasi makating Starfish ka!!!! Magpagupit kang mag isa mo!!!
Renz : Hahaha. Sorry na, samahan mo na ko. Kawawa naman ako. Ang panget na ng buhok ko, matitiis mo bang pumanget ako?
Kyle: isip bata!!!
Renz : Lilibre kitang dinner. :D
Kyle : no.
Renz : May gawang cheese cake si mama. :))
Kyle : Tigilan mo ko.
Renz: Oo nga!
Kyle: weh.
Renz : Yung favorite mo kaya yung pinagawa ko.
Kyle : Blueberry cheese cake?
Renz : Uu. ;)
Kyle: Saan ka ba kasi magpapagupit?
Alam kong bibigay din sya kapag pagkain na ang pinaguusapan at alam kong hindi niya naman talaga ako matitiis. Kaya gustong-gusto ko kasama si Kyle. Napakabait na kaibigan.
Renz : Daanan kita jan sa apartment mo. Maligo ka na. Magprepare na din ako.
Kyle : ok.
Lumabas na ako ng kwarto para uminom ng kape bago umalis. Hindi na din kasi ako nakapaglunch. Nasa kusina din si mama at naghahanda ng hapunan.
"Ma, gawa mo nga kami ni Kyle ng Blueberry cheese cake.", sabi ko kay mama. Kasi gawa gawa ko lang naman yung sinabi ko kay Kyle na may blueberry cheesecake na ginawa na si mama. Naging paborito niya yung cheesecake ni mama ng minsan siyang mapasyal sa bahay.
"Ay nako Renz Angelo! Inuto mo na naman yung kaibigan mo." Sagot sa akin ni mama.
Tawa lang ang sinagot ko sa kanya at dinala na ang tasa ng kape sa aking kwarto.
***Kyle***
6:25 pm, Sunday
March 13
Kakatapos ko lang maligo at magbihis. Nakaupo lang ako sa sa kama, nanunuod ng tv habang hinihintay na dumating si Renz. Ineexpect ko na malalate siya. Ganun naman lagi. Tinawagan ko na siya para madaliin kasi ayaw ko talaga ang nagiintay.
Ilang ring lang at sinagot naman niya agad ang aking tawag.
"Hoy nasaan ka na!?" Galit kong pambungad sa aking kaibigan.
"Kalma lang, andito na ko malapit sa kanto niyo." Sagot niya halatang nagpipigil ng tawa.
"Napakakupad mo talaga kahit kailan! Bilisan mo lalabas na ko."
"Oh sige, intayin mo na ko sa labas. Bye" , binaba niya na ang linya niya. Tumayo na ako at pinatay na ang tv. Tumingin muna ako sa salamin bago lumabas ng kwarto para siguraduhing ok pa ang itsura ko. Nang masayahan ako sa aking nakita ay dali-dali na akong bumaba at lumabas sa gate ng aking inuupahang apartment.
Nilingon ko ang kantong panggagalingan ng kotse ni Renz, saktong lumiko ang kanyang itim na toyota papasok sa aming kalye. Nang huminto ang kotse sa tapat ko ay binaba niya ang bintana ng passenger seat.
"Boy, ang gwapo mo ah, pwede ka ba i- take home? Pwede ka na ba sa tatlong libo?", pambubwisit sa akin ni Renz.
"Tado ka! Kulang pa yun sa pinagantay ko sayo no!", inis na sagot ko sa kanya. Binuksan ko ang pinto ng passenger seat at sumakay na para makaalis na kame.
Ilang segundo na din akong nakasakay pero di pa rin umaandar ang kotse. Nilingon ko si Renz, dun ko nalamang nakatingin pala siya sa akin kaya di pa umaandar ang sasakyan.
"Problema mo?", tanong ko.
"Ang cute mo, bagay sayo yang bago mong polo shirt.", pambobola niya sa akin para mawala na ang inis ko. Lagi namang ganyan si Renz, matinik talaga. Huling huli niya ang kiliti ng mga babae at mga katulad ko.
"Lumubay ka nga! Eto din yung suot ko nung pumunta tayo sa birthday ni Marlon. Umalis na tayo nagugutom na ko." Mataray kong sabi sa kanya.
"Sunget mo naman, pero alam ko kinikilig ka" , wika niya sabay ngiti ng pamatay.
Hindi na ko sumagot kasi alam kong makokorner niya ako kapag pinatulan ko pa siya. Nagsimula ng umusad ang kotse ni Renz, nakatingin lang ako sa sidewalk habang bumibyahe kame. Ayaw ko munang kausapin si Renz habang ganito kabilis ang tibok ng puso ko.
Matagal na kong in-love sa kaibigan ko. Noong una akala ko crush lang kasi wala talaga sa bokabularyo ko ang salitang LOVE. Hanggang sa hinahanap-hanap ko na ang kakulitan at pang-aasar niya. Alam kong kumplikado ang same sex relationship. Kaya pinagkasya ko na lang ang sarili ko noon sa SEX lang.
Hindi ko alam kung may ideya siya sa kung anong nararamdaman ko para sa kanya o biro lang talaga ang mga pasaring niya sa akin tulad nung kanina. Hindi pa naman talaga ako umaamin sa kanya. Hindi ko pwedeng panghawakan ang mga biro sa akin ni Renz. Ayaw kong mapahiya o ma-reject.
Hindi ako panget pero hindi din ako makukumpara sa isang katulad ni Renz. Malaki pa din ang agwat namin, physically. I guess that's what you call INSECURITY. Madame ako niyan. And that's what's keeping me from loving him.
Hindi ko malimutan ang sinabe sa akin ng isang kaibigan ko noon:
"You are most likely to be in a relationship with someone that has your same level of attractiveness". In other words, ang isang superHOT na Renz ay para rin sa isang superHOT na tao.
Hindi ko alam kung bakit ako naniniwala sa sinabi na iyon ng aking kaibigan. Siguro dahil iyon ang mas madalas ko makita sa gay community. Ang gymbuff ay dapat sa gymbuff, ang cute na twink ay sa cute na twink, ang panget madalas nasa dilim, ang chubby na katulad ko, .... goodluck na lang. Bigla naman akong nalungkot sa naisip ko.
Hindi ko namalayan na nakahinto na kami sa tapat ng isang salon. Bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan ng pigilan ako ni Renz. Nilingon ko lang siya. Seryoso ang mukha niya.
"Nasobrahan ba ako ng pang-aasar?" seryoso niyang tanong. "Sorry. Wala kasi akong makulit e."
Hindi ko na sana siya papatulan, kaso mukhang guilty talaga siya. Kapag ganito na niya ako tinitingnan hindi ko na
siya kayang tiisin pa.
"Sorry na po. Kawawa naman ang Starfish kapag walang kaibigang Jellyfish.", dagdag pa niya.
Hindi ko naman mapigilang matawa sa mga pinagsasasabi niya. Hindi naman kasi talaga ako galit. Pero na-appreciate ko siya sa tuwing lalambingin ako kapag di ko na siya pinapansin.
Kinurot naman niya bigla ang pisngi ko habang tumatawa. May bigla naman akong naalala sa ginawa niyang yun.
"Cute mo talaga. Tara na pagupit na ako para makapagdinner na tayo.", aya niya sa akin.
Bumaba naman ako ng kotse at sinundan siya papasok ng salon. Hindi ko mapigilang mapabuntonghininga. Minsan kasi masyadong komplikado ang mga bagay, you don't have a choice but to take a deep breath and move forward.
Sinalubong kami ng mga bakla sa salon. Naupo lang ako sa couch habang pinapanuod gupitan at landiin ng mga bakla si Renz. Si mokong naman tuwang tuwa sa atensyon kaya lalo siyang pinagpiyestahan ng mga bakla.
Kinuha ko ung cellphone ko sa bulsa ko. I browse through my contacts til i found his number. Naalala ko siya nung kinurot ni Renz yung pisngi ko. He used to do that to me. I texted him kahit na alam kong wala akong makukuhang reply. Its been more than a year, since then i haven't heard from him. Clueless ako sa nangyare, sabi nila Renz nagkaproject daw siya sa Davao at dun na nadestino. Pero ang di ko maintindihan ay kung bakit di man lang siya nagttxt. I know i'm not his boyfriend pero kahit man lang sana bilang isang dating kaibigan o at least someone he used to know e sagutin niya yung tawag o text ko.
******FLASHBACK******
I was lying on Aki's bed, eyes closed, we just finished another round of sex. I am more than satisfied, mukhang susukuan ko siya. I can hear him breathing hard from the other side of the bed. Alam ko nagpapahinga lang siya at mamaya kukulitin niya na naman ako. Balak ko ng tumanggi this time. But he was so good at this i dont know if i can really resist him.
"Bakit ba ang layo mo sa akin? dito ka nga." Sabi sa akin ni Aki.
"Pagod na ko. Can we rest for a little while?", sagot ko sa kanya.
Tumawa siya ng mahina.
"Wala naman ako sinabing iisa pa tayo e. Gusto ko lang dito ka sa tabi ko magpahinga. I know my bed is big, but we don't have to be this much apart.", paglalambing niya sa akin.
Umusad naman ako palapit sa kanya. He placed his arm under my head. I leaned closer, til i was almost on his chest. He just hugged me tight. I can smell his natural scent, i almost had a hard on again. Iniyakap ko na din ang kamay ko sa katawan niya.
"And the bed is not the only big thing here.", bulong ko sa kanya sabay patong ng kamay ko sa kaselanan niya.
Tumawa lang siya muli.
"You better stop teasing me because your going to get youself in trouble again."
Natawa na din ako sa sinabi niya. Idinikit ko na lang lalo ang sarili ko sa kanya. Ang sarap ng feeling ng may kayakap after a good dose of sex. Sa dami ng naka-ulayaw ko hindi lahat gagawin sa iyo ang ganito. May iba na pagkatapos niyo magsex magbibihis lang at magpapaalam na, minsan kanya-kanya kayo ng tulog, worst is yung ayaw ng foreplay diretso agad sa aksyon at pagkatapos papaalisin ka na.
But it's different with Aki. Di ko namalayang nakatulog na ako. Nagising na lang ako ng may naramdaman akong humahalik ng paulit ulit sa noo ko. Dinilat ko ng kaunti ang mata ko. It was Aki. He kissed me again, this time sa lips ko. It was just a quick kiss, then he smiled at me.
"Kanina pa kita pinapanuod matulog, ang tagal mo magising kaya pinaulanan na kita ng halik. Siguro naman ok na yung 8hrs na pahinga sayo.", he smiled teasingly at me.
"Grabe ka.", sagot ko sa kanya habang tumatawa.
"Hahaha, biro lang. Tara na kumain na tayo, i cooked us some food. Ihahatid pa kita sa inyo sa Bulacan.", malambing niyang tugon sa akin. Kinurot niya ang pisngi ko at nagmamadaling nagtatakbo palabas ng kwarto.
Isa lang ang naisip ko ng mga panahon na yun, ang sarap siguro maging boyfriend ni Aki.
We ate our late lunch. We took our shower together and did it one last time there. After that hinatid niya na ako pauwi. He was insisting on driving me home all the way to Bulacan. I refused kasi nahihiya na ako sa kanya. Binaba niya na lang ako sa terminal sa Cubao.
--------------
That was the last time na nagkita kame ni Aki. Matapos yun mahigit 1 week din kame na minu-minuto magkatxt. Til one day he stopped texting me, i tried to call him but he won't answer my calls either.
"Hoy! Ok ka lang? Bakit ka nakatunganga jan?" Tanong ni Renz.
"Ah wala." , maiksi kong sagot. Hindi ko namalayan ang takbo ng oras.
"Bagay ba?"
"Oo na!tara na nagugutom na ako.", sagot ko. Nginitian lang ako ni Renz. Bagay naman talaga sa kanya ang naging gupit niya. Lalong tumingkad ang kakisigan niya. At ayaw ko masyadong tingnan ang kanyang maamong mukha dahil baka matulala lang ako. Hindi miminsan lang nangyare yung ganun at ayaw kong maulit uli yon ngayon. Mahirap na baka
Masyado niya naman akong mahalata.
--------------
****Renz****
7:25 pm, Sunday
March 13
Kalalabas lang namin ni Kyle ng salon, nag-dridrive ako patungo sa lugar na kakainan namen for dinner. Waka kami masyadong imikan sa kotse. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero ako iniisip ko na kung sinong babalikan ko sa salon para bugbugin dahil mukhang hindi nagwapuhan sa gupit ko si Kyle. Medyo ikinainit yun ng ulo ko, idagdag mo pa ang biglang pagsikip ng daloy ng trapiko. Panay na ang pagbusina ko sa kotse sa harap ko ng di ko namamalayan.
"Hoy, masakit sa tenga!", reklamo ni Kyle. "Tsaka kahit anong busina ang gawin mo dyan, hindi lilipad yang kotse sa harap natin. Kalma lang ok?"
"Sorry. Kabadtrip kasi e, nagugutom na ako.", palusot ko na lang. "Kyle, panget ba yung gupit ko?", seryoso kong tanong di ko na din kasi mapigilan e.
"Bwahahahahahaha, kaya ka ba badtrip?", bumunghalit lang ng tawa si Kyle.
Inirapan ko lang siya dahil lalo akong nainis sa naging reaksyon niya. Ngayon sigurado akong may isa akong gugulpihin sa salon na pinanggalingan namin.
"Haha badtrip na sya lalo oh! Haha", patuloy pa din sa pagtawa si Kyle. "Huwag ka na sumimangot dyan. Hindi naman ganun kasagwa. Actually, bagay naman sayo kahit anong gupet. "
"Weh?!", sagot ko.
"Oo nga, bilisan mo na at nagugutom na ko. Umandar na yung kotse sa harap mo oh."
Hindi ko napansin ang pag-usad ng kotse. Napangiti na lang ako bigla. Hindi ko alam kung bakit importante ang opinyon ni Kyle sa bagong buhok ko, basta ang alam ko dapat gwapo ako sa paningin niya.
--------
Nakarating kame ni Kyle sa paborito naming kainan sa Banchetto. Nakahiligan namin kumain dito dahil marami kang pagpipilian na pagkain. Isa syang malaking lote na maraming mga food stall, may ihaw-ihaw, seafoods, pasta, cakes at pastries. May mga lamesa sa paligid kung san ka pwede kumain. Hindi din naman maarte sa lugar ng kainan si Kyle at di rin mapili sa pagkain kaya siya ang lagi kong kasama kapag gusto kong magfood trip dito.
Naglibot-libot muna kame para tingnan kung anung mga pwedeng bilhin. Sa dami kasi ng nagtitinda gusto mo muna makita lahat bago magdecide kung anung gusto mong kainin.
Kumuha ako ng grilled steak na may kasama ng pasta. Nakita ko naman si Kyle sa isang Thai food na stall, parang rice in a box yung binili niya tsaka bumili ng isang slice ng chocolate cake. Bumili rin kame ng fruit shake.
"Hoy, bayaran mo tong binili ko ah.", hirit sa akin ni Kyle.
"Oo, sa bahay na tayu magtuusan.", sagot ko.
"Huh? Pupunta ba ako sa inyo?", gulat na tanong niya sa akin.
"Oo.", maiksi kong sagot sabay ngisi.
"Baket?! Anu naman gagawin ko senyo?", mabilis niyang sagot.
"Basta, tsaka andun yung blueberry cheese cake mo."
Hindi na umimik si Kyle at nagpatuloy na lang sa pagkain. Nang matapos kame kumain ay nagyaya agad umuwi si Kyle.
"Bakit uuwi na agad tayo?" Tanong ko sa kanya. "Di ba tayo iinom muna? Kahit tig-dalawang bote lang tayo."
"Ayoko, pagod na ko. Umuwe na tayo sa inyo para makuha ko na yung blueberry cheese cake ko at ihatid mo na din ako pauwi. May pasok na ako bukas ng gabe.", matamlay na sagot ni Kyle.
Hindi na ako nakipagargumento pa. Nagdrive na ako pauwe sa bahay. Nakatulog sa byahe si Kyle. Mukhang pagod na nga talaga siya. Natapos na akong magpark sa garahe ngunit tulog pa din si Kyle. Bumaba na ako ng kotse at binuksan ko ang passenger seat. Hindi ko alam kung anung pumasok sa isip ko at akma kong bubuhatin si Kyle papunta sa kwarto ko. Wala akong pakialam sa bigat niya o sa magiging itsura namen, basta alam ko ayaw ko syang gisingin sa himbing ng tulog niya. Naiangat ko na sya sa kanyang upuan ng gumalaw siya, dahilan para mabitiwan ko sya.
"Bakit di mo ako ginising?", pupungas-pungas na tanong ni Kyle.
"Ang sarap kasi ng tulog mo e.", palusot ko na lang. Agad namang bumaba si Kyle ng kotse.
"Tara na, kunin na natin yung cheese cake para makauwe na ako." Nagpatiuna na sa paglakad si Kyle. Hindi naman kasi ito ang unang beses na pupunta sya rito kaya kabisado niya na ang papasok sa bahay.
Sumunod lamang ako sa kanya. Tahimik na sa bahay. Tanging ang kasambahay na lang namin ang aming dinatnan.
"Manang, asan po sila Mama?", tanong ko sa aming mabuting kasambahay na si Manang Letty.
"Ay iho, andyan ka na pala. Wala sila mama mo, may pinuntahan sila ng Papa mo. Bitbit din nila sila Yassie at Halley.",sagot ng matanda sa akin. "Si Kyle ba iyang kasama mo? Kumain na ba kayong dalawa?"
"Magandang gabi po nay!", magalang na bati ni Kyle sabay mano sa matanda naming kasambahay. "Kumain na po kame ni Renz sa labas, huwag na po kayo mag-abala."
"Kaawaan ka ng Diyos, kabait na bata talaga nitong kaibigan mo Renz. Siya nga pala pinalagay ng Mama mo yung cake na ginawa niya sa ref sa kwarto mo."
"Salamat po Manang, akyat na muna po kame ni Kyle. Magpahinga na po kayo, at gumagabe na din.", sabi ko sa matanda at umakyat na kami ni Kyle patungo sa kwarto ko.
To be cont'd...
No comments:
Post a Comment