Followers

Monday, April 15, 2013

Unexpected Love Affair - Season 1 - Pt. 9



"Unexpected Love Affair pt. 9"

by. Iam Kenth
wattpad: http://www.wattpad.com/story/4968100-unexpected-love-affair

Nanginginig ako sa galit!!! gusto kong pumatay ng tao, gusto kong kumitil ng nilalang. Naasar ako!!!

Ang dami daming mapagti-tripan ako pa??? ako pa??? nanahimik ako, masaya ako noong wala pa si Franc, tapos ngayon--- taena! pero maigi na na nalaman ko kaagad.


*CLING!

Tunog ng pinto,pagtingin ko...


FRANCO SEVERINO!!!!

kumuka ako ng isang malaking paso at galit akong palapit sa kaniya...

"woah woah!! ano gagawin mo!!!" sabi ni franc...

wala akong pakialam, gusto kong basagin ang bungo niya!!!

patay ka sa akin taena mooooo!!!!!

CRAGASSSSHHH~~

basag sa ulo niya ang paso, lupasay siya sa sahig, duguan, wala ng buhay...


* pero syempre imagine ko lang iyon! pero gusto ko talagang gawin s kaniya iyon.

"Yam...I miss you," yumakap siya sa likod ko at binulong niya iyong sinabi niya.

"pwede ba, busy ako. at lumayo ka sa akin!" pagalit kong sabi, bigla siyang napalayo sa akin.

"may problema ka ba?" tanong niya, tumingin ako sa kaniya. matalim ang tingin ko! sinindak ko siya sa tingin ko. Makuha ka sa tingin ko franc! takte ka!

hindi ko na siya pinansin, ayaw ko ng eksena sa loob ng shop. kanina pa ako nababadtrip.

"Yam.. uy, kausapin mo naman ako. may nagawa ba akong masama???" Nangungulit siya.

"alam mo...." dinuro ko siya ng kuko ko.... huminga ako ng malalim.

"ano? hindi ko pa alam." sabi niya...

"hummmmpt!! never mind. I'll take to you later! okay? sa ngayon pwede bang umalis ka na muna." sabi ko, nangigilaiti na ako sa gigilid talaga.

"ayaw ko!" sabi niya.

shet! makulit talaga tong lalaking toh!

"please? hindi ito ang tamang lugar para pagusapan natin iyon?" sabi ko..

"ano ba kasi iyon? ayaw mo na ba sa akin??" sabi niya.

URRGHH!!! biglang naglungkot itsura niya. uhhh! badtrip oh! hindi ako dapat magpaapekto sa kaniya. hindi ko siya pinansin.

"o sige, mukhan galit ka nga sa akin, antayin kita hanggang out mo. doon lang ako sa car ko." sabi niya, yumuko siya, tapos tumalikod na siya, at lumabas ng shop.

pero bakit ganun?? bilis pa din ng tibok ko para sa kaniya?? sinaktan ako ng lalaking iyon, sinungaling siya kaya dapat hindi ako mainlove na sa kaniya. lalo lang akong masasaktan pagpinagpatuloy ko ang pagtibok ng puso ko para sa kaniya.

TAE! drama ng point of view ko. hahahha!

Pinagmamasdan ko siya sa labas ng shop, hindi talaga siya umalis, inaantay niya talaga ako! naiinis ako.

9 PM ako lumabas, tapos sinalubong niya ako sa pagtawid ko. kinuha niya ang bag ko, di ko binigay..

"yam..ano po ba problema?" malungkot ang tono ng boses niya.

Iniisip ko kung sasakay ba ako ng sasakyan niya o sa gitna kami ng kalsada maguusap?? tumingin tingin ako sa paligid, walang magandang view, bwisit lang. kaya, the only choice us sa car niya, at kung makta man ako ng nagsasabi na sakaniya si Franc, pwes sasabihin ko lang sa kaniya na ibrbreak ko na si Franc..

i hate to use the term break, kasi anong ibbreak ko kong all this time isang laro lang pala ang relasyon namin, so ill break his habit.

Umupo ako sa passenger set.

"kumain ka na ba?" tanong niya. tumingin ako sa kaniya. hindi pa niya pinaandar ang sasakyan.

"alam mo... tigilan na natin ito!" tapos bigla akong bumaba, hindi ko na nasabi ang mga gusto kong sabihin. hindi ako makatagal.

naglakad ako ng matulin, tapos sumusunod iyong sasakyan niya. binuksan niya ang bintana para kausapin ako habang naglalakad ako.

ang drama ng eksena naming dalawa!

"Yam talk to me...ano ba kasing problema?"

huminto ako, sa lugar kong saan wala ng tao, ayaw ko kasi ng eksena. bumaba siya ng car niya.

"Alam mo anong problema??? ikaw! manloloko ka eh! pero kung sabagay nga naman, hindi ko naman tinanong kong may karelasyon ka. Tanga tanga ko din eh. pasensiya na huh? tanga kasi ako magmahal. at sa sobrang katangahan ko sa baliw pa na kagaya mo ako napunta!!!" nangigilaiiti ako! gusto ko siyang batuhin ng dala kong bag.


GGGRRRR!!!

"ano bang pinagsasabi mo? wala akong iba, ikaw lang talaga. wala akong nililihim sa iyo." lumapit siya sa akin. hinawakan niyaako sa braso sinandal niya ako sa sakayan.

"ano ba nasasaktan ako! pag di mo ako binitawan sisigaw ako!" sabi ko...

"sige sumigaw ka, tapos ano??? hindi mo na ako kakausapin ng hindi ko man lang nalalaman ang problema mo! napaka-unfair mo!"

"unfair? ako? oh ikaw? bitiwan mo nga ako sabi eh.." binitawan niya ako. muntik na akong matumba, badtrip.

TAENA ANG DRAMA NG TAGPO NAMIN. haha!

nagpatuloy ako sa pasasalita, "...may pumuntang lalaki, ewan ko kung lalaki yun o bakla o ewan ko kung ano siya...Franco Severino, pagmamay-ari ka na pala ng ibang tao. bakit mo pa ako ginulo!"

natahimik siya. hindi niya alam ang sasabihin niya.

"ano hindi ka mapagsalita??"

"Hindi na niya ako mahal...alam mo iyong gabi na nakita mo ako??? nakipaghiwalay siya sa akin noon, naglasing ako, napaaway ako... kaya natagpuan mo ako sa ganung sitwasyon." sabi niya. nakatingin siya sa akin.

"so naging panakip butas ako??? dapat ang sinasabi mo sa akin, i thank you, hindi i love you. ang sakit sakit dito oh??" tinuro ko puso ko, iyak mode na ako. hindi na ako happy durog na puso ko, ayaw ko na!! ayaw ko na!!!

"hindi... minahal talaga kita." pero hindi na siya makalapit sa akin.

"alam mo, hindi ka naman maglalasing ng gabing iyon kung hindi mo pa siya mahal, nasaktan ka sa ginawa niyang pag-iwan sa iyo, but i doesnt mean you don't love him anymore. ngayon, babalikan ka na niya... hayaan mo na ako, kaya ko sarili ko.. sanay na ako sa ganito." naglakad ako... papalayo. hindi na siya sumunod sa akin.

ANG TANGA TANGA KO! bakit kasi hindi ko pinakwento sa kaniya ang dahilan kung bakit siya nakasabet noon sa eskenita. tanga ko! tanga ko!

----

sa bahay mukmok ako.

"Fren ang sakit sakit!!!!" para akong si anne curtis sa secret affair. nakayakap ako kay rico noon, dinadamayan niya ako, buti talaga at may kaibigan akong masasandalan.

"fren ganun talaga ang nagmamahal nasasaktan, hindi pwedeng walang emotionally hurts sa isang love story, kulang pa nga iyan eh, dapat mas malala pa maranasan mo," sabi niya. napatingin ako sa kaniya.

"syempre nagbibiro lang ako." sabi niya ulit, tae naman to si rico eh , nagmomoment ako, nakikiepal .. urgh!

"kalimutan mo na iyong franc na iyon, sabi ko na nga ba walang idudulot na maganda sa iyo yun frend eh.. di ka kasi nakinig sa akin." Sabi niya, napatingin ako sa kaniya.

ANONG sinasabi nito ni Rico? wala naman siyang sanasbi sa akin. nakadrugs nanaman toh.

"Naku fren.. ayaw ko muna pumasok."

TOK TOK TOK!

ay shet! parang ramdam kong si Franc iyon.

"Yam...Rico? papasukin niyo naman ako oh?" <---si Franc nga.

"ay kapal din nang mukha fren no? dito ka lang ako ng bahala sa kaniya." sabi ni Rico, tumayo siya at dumeretso sa pinto.

"ANO BANG PROO----" biglang napatigil si Rico. ANYARE??? natameme siya???

ayun nakita kong may dalang bulaklak si Franc. taeng Rico, biglang kinilig samantalang kanina galit na galit siya kay Franc...

"anong ginagawa mo dito?" inabot niya sa akin ang bulaklak, nilapag ko lang sa table, taena!!! bakit kinikilig akooo!!! badtrip oh!

"sorry na yam, ikaw talaga gusto ko. huwag kana magalit sa akin." sensero siya sa pagsasalita niya. tapos hinawakan niya pa ang palad ko... urggghh!!!!

"ayun naman pala eh, ikaw naman pala ang gusto eh, what's with the drama mo fren??" nakisawsaw si Rico. tinaasan ko ng kilay si rico, tapos ayun pumasok ng kwarto niya.

"Kung alam mo lang kung paano niya ako kinausap Franc.. ayusin mo muna ang about sa inyo bago mo sabihin sa akin na ako ang gusto mo, okay?"

"do you still love me?" tanong niya...


heartbeat...

heartbeat..

heartbeat...



tumango ako.


ehhh!! ano magagawa ko! nainlove ako eh! walang pkialamanan, pero nasa lugar ako kaya gustong ayusin muna ni Franc ang lahat. ayaw ko ng gulo.

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails