Followers

Friday, April 12, 2013

318 (Ang textmate ko) -3


318 (Ang textmate ko) -3

By: Imyours18
Email: nielisyours@yahoo.com.ph


Authors Note:

                Good Day! J MSOB Readers and Followers. Eto na po pala ang Chapter 3 ng aking akda. Una, thank you po ulit kay Sir Mike Juha for allowing me na i-post ang akda ko sa kanyang blogsite. Second, sa mga taong nagbabasa nitong akda ko, salamat po sa mga comments niyo at kahit sa pagbasa ng akda ko maraming maraming salamat! Nais ko lang po sanang bigyang liwanag, yung NEU ay fictional na University lamang po, binago ko na po siya kasi nga po baka ma-report ako na gumamit ng name ng university kung saan ibang klaseng rules naman ang ina-apply ko sa akda ko, so its better na maging safe na lang sa fictional University. Another thing po, I also changed my email address kasi hindi po makareceive ng any email or message ang dati kong email address so iyan po ang bago as noted above.

                Ito na po ang chapter 3 ng aking akda, medyo hinabaan ko na po ito pangbawi na din dahil almost 1 week ako hindi nagpost hehe.


                Enjoy Reading!

Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.

Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me: nielisyours@yahoo.com.ph


Thank you, enjoy reading.


Chapter 3

                “IKAW?!” Sabay naming bigkas na magkaharap sa isa’t isa. At hindi nga ako nagkakamali, si Tristan nga ang nasa harap ko, ang textmate ko. At tila naman nangaasar ang tadhana dahil hawak ko ang cellphone ko at siya rin ay hawak niya ang cellphone niya. Mag ka-text kasi kami ng umagang iyon, expected ko na rin na makikita ko siya sa loob ng University pero hindi ko ineexpect na magiging classmate ko siya. Ito ba ang sinasabi niyang course niya na ipinalit niya sa IT? Tadhana nga naman oh?!


                “Haha, of all places, classmate pa kita? Di ba ikaw yung lalaking nag-exhibition dun sa gate ng university?” Natatawang tanong ni Tristan. Nakakaasar naman tong lalaking to, imbis na puriin ang beauty ko este porma ko ngayon ay ang naalala niya pa ay ang pagkakadulas ko sa gate ng University. Simbilis naman ng isang batang taeng tae na naghahanap ng kubeta ang pagbabago ng expression ng mukha ko. Mula sa pagkakagulat ay pumalit ang isang busangot na mukha, sino ba naman ang hindi bubusangot? I-recall ba naman ng taong crush mo ang katangahan na nangyari sayo. Nakakaloka mga ateng!


                Mistula naman akong natameme dahi may iilang mga classmates ko ang nakatingin sa akin. Ang lakas lakas naman kasi ng pagkakasabi niya sa salitang “lalaking nag-exhibition sa gate ng university”, ayun tuloy, ang iba ay parang natatawa pa dahil na rin siguro sa poker face na reaction ko at dahil na rin sa sinabi ng mokong na iyon.


                “Ahh.. Ehh.. Oo, dito ako nagaaral eh, at ano naman sayo?” Pagtataray kong sagot.


                “Oh! Chillax lang! I just confirming if ikaw nga yung lalaking iyon hehehe” Matawa tawa niyang paliwanag.


                Sa gitna naman ng aming paguusap kung saan nakatingin sa amin ang iilang mga kaklase na na-curious din siguro sa pinaguusapan namin ay biglang dumating ang professor namin sa subject na iyon.


                At dahil sa first day of school nga namin ay nagpakilala ang professor na iyon, at syempre mawawala ba ang tradisyonal na gawain sa kahit anong school, ang pagpapakilala ng sarili sa harapan.


                Favorable naman sa akin gawin ang bagay na iyon dahil sa walang sawang ginagawa iyon since elementary ako from high school.


                Habang ginagawa ang pag-iintroduce sa sarili na iyon ay hindi ko naman maiwasan sumagi sa isip ko ang bestfriend ko, si Tristan.


               
                -FLASHBACK-

              ------
                 
                “Okay class! Siguro naman ay kilala niyo na ang mga sarili niyo noh? Apat na taon kayo dito sa school na ito. But still, I want to know more mula sa inyo, so lets start with Mr. Xander James Villanueva, you start introducing yourselves” Utos ng aming guro noong 4th year.


                Agad namang tumayo si Xander at pumwesto sa harap ng klase.


                “Oh girls gulat kayo noh?! Ooooppss? Teka lang, hindi si Alden Richards ang nasa harap niyo, Ako nga pala si Xander James Villanueva ang MR. POGI ng IV-1” Pagmamayabang na sabi ni Xander sabay sayaw ng dance steps ng Mr. Pogi,  tawanan naman kaming lahat. Sanay na naman kasi ang buong klase kay Xander eh, maski nga sa akin ay lagi niyang pinagyayabang ang kagwapuhan niya. Ngunit ang yabang na iyon ay biro lang naman. “Just kidding, haha. A blessed morning to all of you, I’m Xander James Villanueva, 16 years old, from Tondo Manila, I firmly believe in the saying that a leader should not be recognize on his or her commandments rather by his or her actions on how those commands should be applied” Pagpapakilala ni Xander sa kanyang sarili sabay bigkas ng isang nakakahanggang kasabihan. Kaya naman idol na idol ko ang bestfriend kong iyan dahil sa sobrang talino, sobrang gwapo, sobrang bait, lahat na ata ay nasa kanya.


Siya si Xander, ang bestfriend ko. Best of all bestfriends na nga eh. Siya lang kasi ang tanging nakakaintindi sa akin at laging nasa tabi ko sa oras na kailangan ko ng isang kaibigan. Lagi kaming magkasama niyan ni Xander, sa oras man ng kagipitan ng isa’t isa at sa oras ng masaya kami parehas. Kahit almost perfect na si Xander, hindi ako na-inlove or nakaramdaman man lang ng pagnanasa ng higit pa sa isang kaibigan sa kanya, pero aaminin ko minsan ay humahanga ako sa ka-gwapuhang taglay ng bestfriend ko. Tinagurian nga siyang Campus Crush sa amin ng mga kakababaihan maging ng mga kalalakihan. Haha! Para lang kaming magkapatid niyang si Xander, minsan nga ay sa bahay iyan natutulog.


Galing lang sa mahirap na pamilya sila Xander, pero pumapasok siya sa isang private school dahil sa mga scholarship na binibigay sa kanya. Oo nga pala, si Xander nga pala ang Valedictorian namin noong High School, kaya naman sobrang proud ko sa bestfriend ko na yan. Almost 90% ata kasi ng secret ko alam niyan.


                “Ang gwapo gwapo mo talaga bes” Pabiro kong sabi sa kanya habang kumakaen kami sa school cafeteria isang umaga. Sinadya ko talaga iyon upang asarin siya at mawala ang focus niya sa pagkain haha!


                “Haha, thank you bes! Pero hindi na bago yan eh, pang ilan ka na atang nagsabi niyan? Hmmm? Pang thirteen thousand four hundred six two?” Pagmamalaki niya.


                “Haha! Biglang ang hangin sa caferia ah?!” Pagbibiro ko sa kanya.


                “Haha! Ikaw ang nagsimula diyan huh?!”       

                                     
                “Haha! Ang gwapo mo naman kasi!” Pagbibiro ko pa.


                “Hoy, ikaw, Mr. Jake Colby Rivera, Wag mong sabihin na pati ako ang sarili mong bestfriend ay pinagnanasahan mo?!” Pangaasar na may halong pagmamayabang ni Xander sa akin, natawa naman ako bahagya.


                “At ikaw, Mr. Xander James Villanueva, ang presidente ng student organization dito at running for honors everyschool year, hindi porket Yummy ka ay pinagnanasahan na kita, naalibadbaran na nga ako sayo eh” Pangaasar ko naman sa kanya. Ganyan lang naman kami ni Xander eh, brutal kung brutal magasaran, pero bihira kami magkapikunan dahil siguro kilala na namin ang isa’t isa.


                “Ah, ganoon? Sinimulan mo to huh? Pwes ako ang tatapos?” Sabay wisik ng iniinom niyang cold juice habang kumakaen siya.


                “Its payback time!” Pangiinis ko rin sabay tapon sa kanya ng pinagbalatan ng saging na kinain ko.


                Anyway, alam po ni Xander ang sitwasyon ko. Minsan na rin kasi akong nainlove sa kapwa ko lalaki at si Xander ang nagiging takbuhan ko. Hindi niya naman ako pinagisipan ng masama, naiintindihan niya ang sitwasyon ko hindi lang dahil bestfriend niya ako at may obligasyon lang siya, inintindi niya ako dahil alam niyang tao ako na nagmamahal lang din. Kaya naman sobrang proud ako na naging bestfriend ko iyang si Xander.


                Pero, hindi naman lahat ng masasayang sandali ay nagpapatuloy tuloy. Minsan sa buhay ay kailangan maghiwalay ang isang magandang pagsasama para sa kabutihan na rin ng isa’t isa. Pagkagraduate ng High School ay hindi tumuloy si Xander na pumasok sa isang Unibersidad sa Maynila kung saan ako pumasok, sa UP Baguio siya pumasok dahilan na malapit ito sa kanyang ama kung saan pwede siyang manirahan. Nakakalungkot man isipin pero wala akong magagawa kung hindi tanggapin ang katotohanan na kailangan lumayo ng bestfriend ko. Siniksik ko na lang sa isip ko na darating din yung time na magkakasama pa kami.


                “Bes, magiingat ko doon ah?” Pagpapaalam ko.


                “Oo, naman bes, Im sorry talaga bes, kung kaya lang sana ni Mama na sustentuhan pa ang pang araw-araw na gastusin ko dito sa maynila ay ayoko nang mapalayo sayo, pero kailangan eh, im sorry” Maluha luhang paghingi ng tawad ng Bestfriend ko.


                “Okay lang iyon bes, basta gusto ko tumawag ka lagi huh? Chat tayo sa facebook, saka wag mong pababayaan ang sarili mo doon Bes huh?” Alalang tugon ko.


                “Oo naman bes, hmm? Bes, wag masyadong papatihulog sa mga patibong ng iba, alagaan mo ang puso mo bes, gamitin mo yung talino mo sa ganyang mga bagay” Pagalalang tugon ni Xander sabay halik sa noo ko. Ramdam na ramdam ko ang halik ng isang kaibigan.


                Hanggang sa lumayo na ang bus na sinasakyan ni Xander, walang tigil ang pagpatak ng luha ko. Hindi naman sa pagiging over-acting, sobra nang napalapit sa akin si Xander at parang kapatid na rin ang turing ko dito, dahil din siguro sa wala akong kapatid na lalaki kaya sobra ang attachment ko sa bestfriend ko. Tinignan ko ang bus hanggang sa kakayanin ko pa itong makita. Sobrang mamimiss ko ang bestfriend ko.



______
               

                 “Okay, who is Mr. Jake Colby Rivera?” Pagtatawag  ng professor namin sa pangalan ko. Mistula naman akong bumalik sa ulirat mula sa pag-reminisce ng mga alala-ala noong high school pa ako at noong umalis ang aking kaibigan na si Xander. Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang luha ko.


                “Ah, ma’am!” Sabi ko sabay pahid ng mga luha ko at tumayo upang ipakilala ang sarili sa mga bago kong classmates.


                “Good Morning Everyone! I’am Jake Colby Rivera, Colboy for short!” Pagpapatawa ko, tawanan naman ang mga classmates ko pero ang professor ko naman ay tila nayamot sa pagbibiro ko. “Joke lang!” Pahabol ko na natatawa din.


                “Class! Quite please?!” Bulyaw ng professor namin. “Mr. Rivera, can you please stop kidding us?” Galit na pakiusap sa akin ng masungit kong professor.


                “Okay! Ammmm. I’am Jake Colby Rivera, as I stated before.  I’am from Paco, Manila, 17 years old. I believe in that saying that a picture is worth a thousand words but if you use photoshop it contains a million lies” Pagpapakilala ko sabay tawanan ng mga kaklase ko. Nakita ko na rin na bahagyang natawa ang professor ko hehe.


                “Tama nga naman!” Sigaw ni Tristan. Mistula naman akong binatukan sa sinabi niya, ay mali pala, sa quotes pala na sinabi ko. Hindi man ganoong kaparehas ang sitwasyon ay alam ko naman na hindi kasi ako nasa profile picture ko sa facebook, so it tells a million lies talaga. Hays, badtrip mga ateng!


                Umupo na lang ako sa upuan ko at pinanuod ang mga susunod na nagpakilala. Plano ko pa sana ay ang mang-okray ng mga bagong classmates ko na nagpapakilala sa harap kaso parang nailang na naman ako. Bakit ba kasi iyon ang kasabihan na nasabi ko eh? Haistt.


                Hanggang si Tristan na ang nagpakilala. Natameme naman ang iilang mga classmate naming babae sa kagwapuhan ni Tristan, syempre kasama na ako dun mga sister!  Ang astig astig pa nito lumakad.


Dumaan siya sa harap ko palabas sa row ng upuan na inuupan naming kung saan kasama ko si Tristan sa iisang row sa may likuran, at pagkalagpas niya ay mistulang heaven na heaven naman ang feeling ko. Pakiramdam ko tuloy ay may dumaan na isang napaka-gwapong nilalang at ang kung sino man ang makaamoy ng kanyang halimuyak ay mahihimatay sa sobrang kilig. Napaka-bango talaga ng Tristan ko at ang gwapo gwapo pa. Hindi ko tuloy maiwasan ang tigasan sa pagdaan niyang iyon.


“Hmm? GoodMorning to all of you, I’m Tristan Derick Alvarez, 17 years  old, actually, nagshift ako ng course from Information Technology to Accountancy” Pagbungad ni Tristan sa kanyang pagpapakilala. Naalala ko tuloy ang sinasabi niya sa text na inaasikaso niya. Nag-shift pala siya ng kurso from Information Technology to Accountancy. “I decided to shift nga pala kasi nahihirapan ako maka-catch up ng mga lesson sa IT, especially the programming subjects. Since accountancy naman talaga ang gusto kong kunin na kurso kaya napagdesiyunan kong mag-shift na nga” Paliwanag pa ni Tristan.


Habang nakikinig naman sa pagpapakilala ni Tristan ay hindi ko maiwasan ang mapatitig at mapanganga sa ka-gwapuhan niya. Naka-body fit t-shirt kasi siya, hapit na hapit ito at kitang kita ang kakisigan nito. Kapansin-pansin din ang itsura niya ng umagang iyon, hindi ko na idedetalye mga ateng! basta ang masasabi ko lang ay “Yummy”, tulad ng sinabi ni Coco Martin sa isang niyang patalastas sa telebisyon.


Napansin ko din ang ibang mga babae naming kaklase na may mahinang mga bulungan. Sa aking palagay ay may iilan din sa kanilang mga magkakakilala na kahit sa unang araw pa lang ng kanilang klase, siguro ay magkakaklase na sila noong high school pa lamang. Sa kanilang pagbubulungan ay mahahalata mo naman na si Tristan ang pinaguusapan nila. Habang nasa ganun akong pagkatulala sa prince charming ko ay bigla naman akong kinausap ng isa kong babaeng kaklase na katabi ko lamang.


“Grabe huh? Baka matunaw si Kuya?” Pang-iintriga ng isang babae na nasa tabi ko.


“Huh? Ahh.. Ehh..”


“Oh.. Ano? Hindi ka makapagsalita? Pati ikaw na-hook na ng kapogian ni Kuya?” Sabay nguso sa kinaroroonan ni Tristan.


“Excuse me, hindi noh. At paano mo naman nasabi?! Eh hindi naman ako bakla!” Pagdedepensa ko sa babaeng nang-iintriga sa akin. Siya ay makakapal na kilay at may kagandahan, bagaman may konting katabaan ito, mapapansin mo sa kanya na marami ang nagkakagusto dahil malakas ang kanyang sex appeal. Hindi ko napansin ang kanyang pangalan kanina habang nagpapakilala sapagkat ni-rereminisce ko ang moment namin nang bestfriend kong si Xander. 


“Haha! Defensive lang teh?!” Sabay tawa at hampas ng mahina sa akin.


Ewan ko ba, pero sa tingin ko ay masiyahin naman ang babaeng iyon. Kaya siguro sa unang tingin ko pa lang sa kanya ay alam kong magkakasundo kami nito. Sa unang tingin ko pa lang kasi ay parang may pagka-sabog itong babaeng ito. Hindi ko na lang siya sinagot, inismiran ko na lang siya.


“I’m 17 years old, and from Pembo, Makati” Pagtatapos ni Tristan sa kanyang pagpapakilala. Sa kanyang pagupo ay napansin ko ang iilang mga babae kong kaklase na pinipigil ang kilig at ang pagtili. “Ang haharot! Akin lang yan, Exclusively!” Sa sarili ko lamang.


“Haha! Sorry kanina huh? I’m Nerrisse nga pala, Colby right?” Pagpapakilala ng babaeng nang-intriga sa kanina.


“Ako nga, paano mo naman nalaman?” Tanong ko.


“Hello? Are you out of your mind? Nagpakilala ka kaya sa harap! Colboy pa nga ang nickname mo kamo di ba?”


Para naman akong napahiya ng konti sa sinabi niya. Oo nga pala, nagpakilala nga pala sa harapan kanina. Ang nasa isip ko kasi kanina ay ang pagre-reminisce ng mga alala-ala namin ng bestfriend kong si Xander at syempre ang pagpapantasya ko sa pinakamamahal kong si Tristan. Hay nako! Colby, first day of class, wala sa sarili?!


“Ahh. Sorry. Nice to meet you Nerrisse!” Pagbati ko sa kanya sabay ngiti.


“Haha! Pasensya ka na teh huh?! Babae talaga ako, mukha nga lang bakla! Baka magdoubt ka haha” Pagbibiro naman niya.


“Mapagbiro ka pala!” Simpleng tugon ko. Syempre naiilang pa naman ako dahil first day of school pa lang pero parang nararamdaman ko na magaan ang loob ko kay Nerrisse, naalala ko na naman tuloy si Xander na bestfriend ko.


“So were friends?” Bulong na tanong niya.


“Yeah sure, teh!” Pag-eemphasize ko sa word na “teh” dahil alam ko na ganoon ang pagtawag niya.


“Haha! Naki-“teh” ka na rin, sorry huh? Ganyan talaga ako tumawag, sa kahit sinong mga kaibigan ko. Kahit nga minsan lalaki, teh ang tawag ko eh” Pagpapaliwanag niya.


“Ah. Sige, ayos lang naman kung iyan ang itawag mo sa akin” Mabait kong pagkakasabi.


“Haha! As if naman na makakaangal ka! Haha!” Pagbibiro niya.


“Hahaha”


“Teh, wag kang magalit ah? Maybe hindi nahahalata ng iba pero kasi ako, magaling ako umamoy eh. Attracted ka kay Kuya noh?” Pabulong niyang sabi sabay nguso sa kinauupan ni Tristan.


“Hindi ah? Nagandahan lang ako sa T-shirt niya, san niya kaya nabili yun?” Padedeny ko lang na tinigasan ng konti ang boses upang huwag ako mahalata na lalambot-lambot.


“Haha! Nasa stage of denial ka lang teh! Pero ayos lang yan” Bulong niya. Tinawanan ko na lang na parang sinakyan ang biro niya. Pero naamoy ko, malakas nga ang pang-amoy ng loka. Hindi pa naman ako handa sabihin sa kanya mga ateng eh, pero kapag nakilala ko ng mabuti tong si Nerrisse ay gusto ko ding sabihin sa kanya, feeling ko kasi ang komportable siyang kasama at kabiruan.


Pagkatapos ng subject na iyon ay break time na. Sulit naman ang break time namin dahil halos dalawang oras ito. Dahil sa wala pa akong masyadong kilala ay sumama ako kay  Nerrisse na pumunta sa cafeteria ng university na iyon. Napagusapan din naming ang buhay ng bawat isa. Galing pala siya sa isang magandang school noong siya ay nasa sekondarya pa lamang. Sinabi niya rin sa akin na maraming galit sa kanya noong high school siya dahil sa may pagka-warfreak siya.


“Teh! Pero hindi naman talaga ako masamang tao tulad ng expectation ng iba. Oo, warfreak ako pero nasa lugar naman.” Depensa niya.


“Haha! Hindi kapani-paniwala” Pagbibiro ko sabay tawa. “Biro lang!” Pahabol ko.


“Haha! Loko! Ako kasi okay lang naman na ibaba ako ng ibang tao, kung maibaba nila? Haha Pero yung mga tinuturing ko talagang totoong kaibigan, ma-guidance na or ma-prefect of discipline I don’t care, ipagtatangol ko sila.” Matigas na sagot ni Nerrisse, higit naman akong humanga sapagkat isa talaga sa mga hanap ko isang kaibigan ay ang handa kang tulungan sa oras ng pangangailangan mo. Hindi ko din maiwasan minsan sumagi sa isip ko si Xander, ang bestfriend ko.


Habang nasa ganoon kaming paguusap ay naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ko. Nang buksan ko ang cellphone ko ay nakita ko naman ang pangalan ni Tristan na halos may 5 unread messages na ako mula sa kanya.


Tristan: Nawala ka?


Tristan: Uy, tol, nagpakilala kami kanina sa harap ng klase nyahaha! Nakakahiya para akong grade 1.


Tristan: Andyan ka pa?


Tristan: Magtatampo na ako niyan? Hindi ka na nagrereply.


Tristan: EEEEEEEEEEEEEEIIIIIIIII!


“Hays, interesado talaga siya sa akin” Sigaw ng malanding side ng isip ko. “Hayys, sa akin nga ba?” Paninindigan naman ng nasa matinong side ng isip ko, “ARRRRRGGGGHHH! Tahimik” Sa isip ko lang. Kaya napabuntong hininga na lang ako at naisip pa rin na hindi talaga ako ang pinapantasya ng lalaking ito.


“Hoy! Samabakol iyang mukha mo teh? Sinong iniisip mo?” Usyoso ni Nerrisse.


“Ahh.. Ehh.. Wala!”


“Sino ba yang ka-text mo?”


“Wala!, ususerang to..” Pagbibiro ko sabay tawa.


“Haha, pasensya ka na teh ha? Ganito lang talaga ako. Teka, maiba tayo, si Tristan? Ayun oh? Yung lalaking nasa kabilang table? Type mo iyon?” Prankang pagtatanong ni Nerrisse. Nagulat naman ako sa mga tanong niya, syempre wala pa naman nakakaalam ng tunay kong katauhan, ang awkward naman kasi kung sa simula pa lang ng school ay sabihin ko na.


“Hindi huh?!” Pagdedeny ko na lang.


“Haha! Talaga lang teh ha?” Nagtataka niyang sagot.


“Paano mo naman ba nasabi na type ko iyon?” Pagtatanong ko sa kanya. “Saka hindi naman kasi ako bakla noh?” Depensa ko pa.


“No comment na ako teh, ayoko na magsalita. Mamaya ma-jombag mo na ako eh, wahaha!” Pagbibiro niya.


Habang naguusap naman kami ni Nerrisse ay naramdaman ko ulit ang pagvibrate ng cellphone ko. Hindi pala ako nakapagreply kay Tristan dahil sa paguusap namin ni Nerrisse.


Tristan: Bahala ka na nga!


Ako: Uy, sorry, sorry talaga. May klase na kasi kami kaya hindi agad ako nakareply.


Palusot ko na lang.


Tristan: First day of class may regular classes agad?


Usisang pagtatanong ni Tristan.


Ako: Sorry na nga eh. Babawi na ako promis.


                Habang nagtitipa ako ng mga mensahe na iyon na-isesend ko kay Tristan ay bigla naman akong kinalabit ni Nerrise.


                “Uy, teh. Ayan na ang prince charming mo oh?” Sabay turo kay Tristan na papalapit sa amin. Nagulat naman ako sa sinabi ni Nerrisse, napaka-bulgar talaga nitong babae to, pakiramdam ko tuloy kahit medyo mahina ang pagkakasabi niyang iyon ay may mga estudyanteng nakarinig sa kanya.


                “Excuse me, di ba classmate kita? Yung lalaking nadulas?” Matawa tawa niyang sabi.


                “Ang antipatiko naman nito! Bakit ba favorite niyang ipamukha sa akin yung pagkakadulas ko?” Sa sarili ko lang. Napansin ko naman si Nerrisse na parang ang sama rin ng tingin kay Tristan. Marahil ay nayabangan din siguro sa sinabi niya.


                “Excuse me, ikaw na nga lang ang magtatanong ikaw pa ang may ganang mang-asar. Can you please stop calling him lalaking nadulas or lalaking nag-exhibition sa gate ng school, or else babayagan kita!” Mataray na sagot ni Nerrisse. Hindi ko naman inaakala na masasabi iyon ni Nerrisse. Napahanga tuloy ako sa kanya. Buti na lamang at hindi ganoong kalakas ang pagtataray ni Nerrisse, dahil kung hindi, ako lang naman ang mapapahiya at hindi si Tristan.


                “Okay, Im just kidding, sorry sorry?” Pagpapaumanhin ni Tristan. “I’m sorry miss and Colby” Dagdag pa niya. Tila isang anghel naman ang tingin ko kay Tristan noong mga oras na iyon. Napaka-cool niya kasi, kahit tinarayan na kasi siya ni Nerrissa ay hindi pa rin nawawala sa kanya ang kanyang mga ngiti. Marahil, kung ibang lalaki iyon ay nayamot na iyon at nag-walkout na lang, pero siya nakangiti lang na nanghingi ng paumanhin sa amin.


                “Itatanong ko lang naman sana kung saan yung next na subject natin eh, pwede ba? I forgot to bring the schedule, sorry guys”


                “Okay ito oh?” Sabay abot ng Study load na nirelease sa amin, sa kanya. Habang inaabot ko ang study load ko sa kanya ay hindi ko naman hindi maiwasan ang mapatitig. Pakiramdam ko ang iilang segundo ng pagabot ko sa kanyang iyon ay ang pinakamatagal na oras sa buhay ko. Ang saya saya sa pakiramdam. Parang pakiramdam ko tuloy ay nasa tabi ko si Kupido at kumakanta ng “King and Queen of Hearts” ni David Pomeranz habang inaabot ko ang study load na iyon. Napaka-gwapo talaga niya. Inlove na ata ako mga ateng.


                Ngunit simbilis naman ng isang kumakaripas na kabayo sa karera ang pagkagising ko sa pag-iilusyon kong iyon. Nakita ko si Nerrisse na nakatingin sa akin na parang tatawa-tawa ay napailing na lang. Alam ko na rin naman kung ano ang nasa isip niya.


                “Ahh. Thank you huh? Can I sit here? May umupo kasi doon sa inuupuan ko eh” Pakiusap niya na umupo sa tabi ko. Grabe mga ateng! kung nasa isang tagong lugar lang sana ako kung saan pwede ako maglabas ng kilig ay siguro ubos na ang lakas ko sa sobrang kilig.


                Habang magkatabi kami ay napansin kong nagpipindot siya ng cellphone niya. Natatakot naman ako dahil sa palagay ko ako ang tinetext niya.


                At hindi nga ako nagkakamali mga ateng! Ako nga ang tinetext niya dahil nakita ko ang pangalang “VINCE” sa sender address ng cellphone niya. Hindi ko na napansin pa kung ano ang mensahe na nakasulat dahil sa na-send na ito.


                Maya maya ay naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Nailagay ko pala ito sa bulsa ko! At kung minamalas ka nga naman dahil medyo dikit ang aming mga hita at nasa bandang kaliwang bulsa pa ang cellphone ko kung saan sa kaliwang gilid nakaupo si Tristan. Pakiwari ko ay naramdaman ni Tristan ang pag-vibrate ng cellphone.


                “Excuse me, Colby ang name mo di ba? Sorry I wasn’t sure kasi” Siyasat ni Tristan. Nagtaka naman ako kung bakit niya tinanong iyon.


                “Yeah! Ako nga, Colby, Tristan right?”


                “Oo, haha. Kilala mo na ako since nakita mo ko sa gate di ba?” Natatawa niyang tugon. Hay, mukhang sisimulan ako ng pang-aasar nito huh? “Joke lang, sorry dun huh?” Pagpapaumanhin niya.


                “Ah.. Wa-wala yu, Wala yun!” Nauutal kong sagot. Ganito ba talaga kapag kaharap mo ang crush mo, para kang inuubusan ng lakas upang makapagsalita sa sobrang kilig.


                “So? Friends?” Anyaya niya.  Namutla naman ako sa pagaabot niya ng ng kanyang kamay tanda ng gusto niya akong kaibiganin. Para naman akong natigilan sa ginawa niya. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong dalaga at hinihingi ng isang “Gwapo at Yummy” na binata ang aking mga kamay. Napalingon naman ako sa gilid, nakita ko si Nerrisse na parang natatawa-tawa, ewan ko kung anong iniisip niya.


                “Sure. Yeah sure!” Sagot ko na lang mula sa pagkakagising sa ilusyon ko.


                “Ikaw din Ms. Nerrisse? I’m sorry doon sa kanina huh?” Pagpapaumanhin ni Tristan.


                “Its okay” Nakangiting sagot ni Nerrisse. At eto naman itong babaeng ito, kung makatingin sa akin ay parang ewan. Marahil ay iniisip niya ang pagkatulala ko kay Tristan kanina.


                “So were friends?” Anyaya sa kanya ni Tristan.


                “Oo naman” Tipid na sagot ni Nerrisse.


                Maya maya ay tahimik na naman. Si Tristan ay nag-tetext , samantalang kami naman ni Nerrisse ay naguusap sa aming mga titig. Sa aking palagay ay iniisip niya na attracted nga ako kay Tristan, ngunit kinakausap naman siya ng mga titig ko, pinapahiwatig na mali. Denial ang mga titig ko mga ateng.


Hindi nagtagal ay naramdaman ko ulit ang pag-vibrate ng cp ko sa aking bulsa. Nagulat ako at tila hindi alam ang gagawin. Ang lakas pa naman ng vibration ng cellphone ko. Wala naman ibang pwedeng magtext sa akin dahil si Tristan lang naman ang aktibong katext ko.


                “Hey! Pare, sagutin mo na yang tawag mo!” Ika ni Tristan.


                “Huh?” Parang nauutal kong sagot.


                “Yung cellphone mo, kanina pa nag-vibrate yan, sagutin mo na yan baka mamaya importante pa iyan eh”


                Kaya naman agad akong tumayo hindi kalayuan sa inuupan naming tatlo upang i-check ang cp ko. At hindi nga ako nagkakamali, si Tristan nga at ito ang mga text messages niya.


                Tristan: Tol, nakakaburyo dito ako lang ang mag-isa, nasa bagong college kasi ako eh.


                Tristan: Tol, may bago akong classmate, Colby ang pangalan, baka siya yung  pinsan mo, parehas kasi kayo ng surname eh. Rivera?


                Agad naman akong namutla at tila kinabahan sa nabasa. “Nako, nakakahanap na ng butas ang mokong” Sa sarili ko lang. Sana naman ay hindi mabuko. “Hinga, Colby! Hinga, wala lang ito, okay? Keri ng beauty mo yan este porma pala” Bulong kong pagpapatatag sa sarili.


                Nakangiti akong pabalik sa kinauupan namin. Noong malapit na ako sa kinauupan namin ay may nakasalubong akong grupo ng mga lalaki na sa tingin ko ay nasa lima o anim na miyembro. At kung minamalas nga naman ang beauty mo ngayong araw, nabungo ko ang isang lalaki sa grupo na iyon. May itsura din ang lalaki, mestiso ito ay matangkad, maayos ang porma at mukha rin itong anak mayaman. At sa pagkamalas ko ay natapunan ako ng iniinom nitong chocolate shake. Naka-white shirt pa naman ako dahil tinangal ko ang jacket na dala ko nung nasa canteen kami. Nagulat naman ako sa nangyari, ang lamig lamig kaya ng chocolate shake na iyon. Ang iba namang mga estudyante na nasa canteen ay nakatingin sa akin. Para tuloy gusto ko nang maglaho sa lugar na iyon sa sobrang hiya. Kung mayroon lang sana akong kapangyarihan na “teleport” ay ginawa ko na. At ang labis ko pang kinahihiya ay ang mga sumunod na nangyari. Imbis na humingi ng sorry ang lalaking nakabunguan ko ay natawa pa ito. Pati na rin ang mga kasama nitong mga lalaki. Feeling ko naman ay mamatay na ako sa sobrang hiya.


                “Sa susunod kasi titingin ka sa dadaanan mo huh? Ayan tuloy mukha nang napahiran ng pupu yang t-shirt mo” Natatawang paninisi ng lalaking iyon. Pakiramdam ko naman ay sinabuyan ng malamig na tubig ang mukha ng mga oras na iyon. Nang-gagalaiti ako sa lalaki. Aba’t siya naman ang may kasalanan pero siya pa ang may ganang magalit, at mangasar?


               Nakalayo na ng bahagya ang grupo ng mga lalaking iyon na tatawa-tawa pa rin nang biglang susugod sana si Nerrisse. Kilala ko si Nerrisse at tulad ng sinabi niya, kung sino man ang maging kaibigan niya ay kaya niyang ipangtangol, kahit sa lalaki pa. Ngunit agad naman siyang pinigilan ni Tristan at hinabol ang grupo ng mga lalaking iyon. Nagulat ako sa ginawa ni Tristan. Hinawakan niya sa balikat ang lalaking nagtapon sa akin ng chocolate shake, ewan ko ba kung sinadya iyon kanina ang pagtapon sa akin o aksidente, pero malakas ang kutob ko na sinadya iyon. Pagkahawak niya sa balikat ay pinaharap ito sa kanya at laking gulat ko sa ginawa ni Tristan, SINUNTOK niya ang lalaking iyon! Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa nakitang ginawa ni Tristan.


                “TARANTADO KA HA?!  PIPILIIN MO KUNG SINO ANG KINAKALABAN MO HUH?!” 





- I T U T U L O Y 

15 comments:

  1. Nice chapter. Cannot wait sa sunod na chapter. Thanks author.

    Randz of QC

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehe, thank you rhandz for reading, medyo magulo pa nga eh :) God Bless always :)

      Delete
  2. yun oh! katukayo ko pa si tristan. Next na agad.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha! Thank you Dereck :) Hi daw sabi ni Tristan hehe :)

      Delete
  3. It's been a while since I've read any stories here in MSOB, Congrats author! I'm hooked to your story!:)

    ReplyDelete
  4. .hello p0:-D Hehe
    ang mssabi k0 lng po-ang ganda ng fl0w ng story
    lalu na ung last chap. na-ho0k tlga ko dun.haha

    ReplyDelete
  5. .hello p0:-D Hehe
    ang mssabi k0 lng po-ang ganda ng fl0w ng story
    lalu na ung last chap. na-ho0k tlga ko dun.haha

    ReplyDelete
  6. Thanks Russ Jumz :) God bless :)

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. first time in this site & all stories ive read so far are good

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you sir :) God bless. Enjoy po sa MSOB :)

      Delete
  9. I really miss reading this type of story, yung based on real life situation kasi palagi lang akong nagbabasa ng fiction novels,though this story seems to be of fictional type, kakaiba pa rin ang mga ganitong istorya.

    Yun bang very direct relationship ng pagkakasulat sa pagkaka-describe ng characters, plot and everything.

    Hahaha, nevertheless, I am elated reading this story. Typical, yet direct to the point. Hindi kagaya ng mga novels na andaming kaechingan.

    More power to you "imyours1821" and I am looking forward for more "kilig moments".

    I am, actually we are, waiting for your favorable response/update.

    Good luck and God bless!

    PS.
    May the odds be ever in your favor! :3
    **Dums's**

    ReplyDelete
  10. Yun oh my f4 sa story

    ReplyDelete
  11. Good post. I learn something totally new and challenging on websites I stumbleupon everyday.

    It's always helpful to read through content from other authors and use a little something from
    other sites.

    Look into my webpage: payday loans

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails