Followers

Monday, April 15, 2013

Unexpected Love Affair - Season 1 - Pt. 10






"Unexpected Love Affair pt. 10"

by. Iam Kenth
wattpad: http://www.wattpad.com/story/4968100-unexpected-love-affair

"Yam.. mahal kita, totoo yon, sige...lilinawin ko kay Shaun na wala na kami, iniwan na niya ako. Nakilala kita, hindi ko na siya mahal pa." nakahawak padin sa kamay ko si Franc.

haayyyy... ano ba to, bakit ako nasadlak sa ganitong sitwasyon. kinikilig ako na ewan.

ipaglalaban niya ang pag-ibig niya sa akin? parang twilight lang... sabi ko na vampire to si Franc eh.. ipaglalaban niya ako sa vulturi.

"sigurado ka ba?? pero naiinis ako sa iyo! bat hindi mo sinabi sa akin ang about sa kanya???" tanong ko, tumayo si franc tapos tumabi sa akin.

"dahil hindi na iyon importante pa, ang makasama ka ang mas importante, natapos na ang chapter ko sa kanya, hindi iyon naging happy ending, siguro may dahilan ang lahat kaya hiniwalayan niya ako, para makita kita..."

Urgh! kung magsalita tong si Franc parang hindi tao, napakaseryoso. pero i even liking it naman.

"Baka awayin niya ako???" ang arte ko naman, as if di ko kayang idefend sarili ko.

pero ramdam kong mahal talaga ako ni franc, epal yung lalaking yun at Shaun pala name niya uh. napaniwala niya akong sila padin ni franc ko...

kung dati sa kaniya si franc.. ngayon sa akin na siya, kung kaya akong ipaglaban ni franc... ipaglalaban ko din siya sa mahaderang shaun nayun, mas assuming siya sa aming dalawa.

break break niya si franc,,ang pogi pogi tapos aangkinin na niya ulit.. pero wait lang!!! paano niya nalaman ang about sa amin ni Franc.

"Franc... ano ibig sabihin ng grotesque???"

"bakit mo natanong?"

"sinabihan kasi ako ng ex mo na mukha daw akong grotesque???"

"hindi naman... ang cute cute mo nga eh..." nakangiting sabi niya.

ah parang nagka-ideya na ako kung anong ibig sabihin nun. adik na shaun yun uh!!! oo, mas maganda siya sa kin pero, sorry siya, napukaw sa akin si franc, ibig sabihin mas maganda ako sa kaniya.


UMPISA NA ANG BANGGAAN NAMIN NG SHAUN NA YUN!!!!

hindi umalis si Franc.. at natulog siya sa bahay, kanina lang nagdadrama ako na ayaw ko na ayaw ko na, pero konting lambing lang sa akin ni franc bumigay na kagad ako ulit. nubayan!!!

pero okay lang no..wala naman talag na sila nun shaun na iyon. naloko lang ako.

pero nasaktan kasi talaga ako kaya hindi mawawala sa akin iyong magdrama no! it's human nature!!!

importante kayakap ko si Franc ngayong gabi. akin siya... sa akinnn!!!!!!! wahahaha.

KINABUKASAN....

sa shop.

pagpasok ko, nandoon kaagad si Shaun. tae talaga oh. pero, hindi ko siya papansinin.

lalampasan ko sana siya ang kasu pinatid niya ako..


PLAKAK!! subsob mukha ko!

ay sheeeettttt!!!! grrrrrr....

"ay sorry, hindi ko alam na tao pala ang napatid ko, akala ko kasi insektong naglalakad." nakatingin siya sa akin.

tumingin ako ng masama sa kaniya, taenang bakla to! mukha ba akong insekto... hindi ko siya papatulan, hindi ko muna siya papatulan....gggrrrr!!!

tumayo ako. di ko siya pinansin.

"wow ha. parang walang nangyari... hoy Conception, hindi ba maliwanag sa iyo iyong sinabi ko sa iyo na layuan mo na si Franco?" nakatalikod ako sa kaniya. humarap na ako.

may hinagis siya sa akin na folder. sa mukha ko pa. nagkalat, tinignan ko...

WTFLUTE????

mga picture namin to ni Franc uh!

"malandi ka din talaga no? alam mo? nauunawaan ko naman na wala ng magmamahal sa iyo dahil sa itsura mo, pero huwag kang desperado, may asawa na si Franco, at ako iyon..." Tinaas niya ang daliri niya. may wedding ring siya!!!

pero--pero--- may nakita na akong kagaya ng ganun kay franc ah! syet! seryoso ba siya??? malamang hindi imposibleng kasal na tong shaun na ito, kasi baka sa states na namamalagi ang lalaking toh eh.

shet naman oh! masasaktan nanaman ba ako??? hindi, kailangan makausap ko muna si Franc...

"lumugar ka naman, asawa na ng iba, inaasawa mo pa. you're such a real pathetic slash somebody who's deeply desperate just to have---- a lover. I Pity you!"

"Sige, sabihin na nating kasal kayo, tandaan mo. singsing lang ang pinanghahawakan mo, hindi ang puso ni Franc. Talo ka sa akin, ang hawak mong singsing.. nawawala pero ang pinanghahawakan ko, nararamdaman." sabeeee! hindi na ako magpapatalo sa kaniya.

"Then deal with my lawer, naawa ako sa iyo dahil nakikita na kita ngayon palang sa loob ng kulungan, anyway, madami kang makakasamang lalaki sa loob ng kulungan."

natahimik ako doon ah, possible kaya na makulong talaga ako! urgh!

syet talaga! akala ko ba, siya ang nakipaghiwalay kay franc... baka naghihinayup siya ngayon na makipagbalikan kay franc!!!

"Oo, makukulong ako. Pero asahan na paglabas ko, hiwalay na kayo ni Franc at sasalubungin niya ako sa labas ng kulungan."

"wow.. hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang confident na iyan," lumapit pa siya sa akin. 2 inches lang taas niya sa akin. "...sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan kapag nakipaghiwalay sa akin si Franc. kaya kung ako sa iyo, titigilan ko na si franc..." tinaasan niya ako ng kilay.

ano ba yan, bakit wala na akong masabi! kala ko ba ipaglalaban ko si franc.. bakit natameme ako.

"HOY HOY HOY HOY!!!" <---si rico.

my god, buti nalang dumating ang frend ko kasi napapaiyak na talaga ko eh.

"anong ginagawa mo sa kaibigan ko???" dinutdot ni rico ang noo ni shaun! buti nga. go fren! labanan mo yang manika ng mangkukulam na iyan.

"wow, so may kaibigan pala ang mistress na asawa ko, and please lang, don't you dare touch me, you dirty skunk! you might infect me by your dirtiness!"

"hoy bakla ka! wag mo ko inienglish english dahil nasa pilipinas kalang no! ay sory kanalang dahil hindi ko naintindihan mga sinabi kaya, im not infected by your words, bitch."

"WHAT THE HECK--- DID YOU JUST CALL ME BITCH? YOU FUCKING SON OF A WHORE-WITCH-BITCH!" lumaki butas ng ilong ni Shaun.

"Oo, bitchy bitch! gusto mo ulitin ulitin ko pa!!! bitch bitch bitch!!! go fuck your daddy!" anu bayang mga nalabas sa bibig ni Rico, di ko alam na nagsasalita siya ng mga ganyan, kadiri.

"Hindi ko ibaba ang level ko sa inyong dalawa, at tandaan mo ito Yam. Sa akin si Franc..."

"Excuse me??? he used to be yours and now he's using my frend." <---si rico, parang mali iyong sinabi niya, anyway hindi naman pinansin ni Shaun.

"at wag na huwag mong kakalabanin ang kaibigan ko dahil ako ang makakalaban mo, beyotch!" si rico padin.

"whatever!!!" tumalikod si Shaun at umalis na. buti nalang wala pang masyadong tao sa paligid, nakakahiya iyong eksena namin. wahaha. pero.. oh, taob siya kay rico!

"appear fren! tinalo mo si Shaun."

Pak!

"naman! walang wala siya sa akin no!" tapos tawa siya ng malakas.

"frend talaga kita." sabi ko, tapos yakap kami. "pero wait, anong ginagawa mo nga pala dito??"

"ano kasi fren, mangungutang sana ako sa iyo, nashort nakasi ako, next week pa sahod ko eh."

ah... mangungutang pala, kaya naman pala pinagtanggol ako ng loko.

umalis na din siya noong pinahiram ko siya.

sa loob ng shop, nag-iisip isip ako about doon sa wedding ring ni Shaun, kasal na si Franc? ibig sabihin legal sila sa mga family nila???

ano bang laban ko talaga? tae naman oh, akala ko naman tamang syota -syota lang si franc at shaun, eh kasalanan din naman niya iyon, nakipagbreak siya kay franc, tapos ngayon happy na kaming dalawa tsaka siya eeksena sa main dalawa.

urrgghhh!! nalilito ako.


KINAGABIHAN.

kami lang ni Franc sa bahay. wala si Rico, nakitulog doon sa bago niyang jowa.

"Franc.. kasala pala kayo ni Shaun eh?" nakahiga na kami noon.

"hmm.. oo- pero, makikipag-divorse ako sa kaniya, huwag kang mag-alala." sabi ni franc.

"eh paano kung ayaw niyang pirmahan ang divorse paper? paano na iyon?" nag-aalala talaga ko,

"huwag mo ng isipin iyon, ano kaba, papel lang iyong kasunduan ngkasal namin, oo mahal ko siya noon pero... hindi na ngayon, ilang beses na niya akong sinibukang hiwalayan, ayaw ko lang... hanggang sa makilala kita, kaya ako na mismo makikipaghiwalay sa kaniya." humalik siya sa noo ko.

"i love you yam" bulong sa akin ng prince charming ko.


"i love you too franc ko.." pumikit ako at yumakap ng mahigpit sa kaniya.



bahala na nga kung saan hahantong ang pagmamahalan naming ito. tae kasi, dapat di ko nalang siya tinulungan noong nakasabit siya eh, hindi sana ako nag-iisip ng ganito.



NAKAKAINIS MAGKAROON NG LOVE STORY!!! URGH!!!





**ABANGAN ANG SEASON 2. hahaha

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails