Chapter 7 – Semester Ends
Author’s Note: The
sensitive philosophy included in this chapter is my opinion based on various
lectures, readings, and researches. I do not intend to impose my interpretations
to any readers of MSOB and my own blog site. If I offended any person in any
way, I apologize. I would also want to stress out that I respect the faith of
other people and I am requesting them to respect mine. Thank you.
Tulad ng inaasahan ni Rey, wala nga akong nakuhang love
letter na nakadikit sa dingding pero siya, makalipas ang isang linggo, ay meron
na naman.
Maaga akong pumasok ng araw na iyon sa last subject namin
dahil sa free period naman ang oras bago yun. Pagdating ko doon ay bukas na ang
classroom at wala na akong naabutan na ibang tao doon. Nilapag ko ang bag ko sa
ibabaw ng mesa ko at lalabas na sana ng may makita akong nakadikit sa dingding.
Binabasa ko pa lang ang nilalaman ng mahiwagang liham ng biglang dumating ang
taong dahilan kaya ito naisulat.
“Ano iyang naka-post diyan, Ignis?” tanong ni Rey.
“Isang love letter mo lang naman”, pang-aasar ko.
“Na-naman? Isshh!” tugon niya.
“Oo. Sabi nga dito, Dear Rey, ako din yung huling sumulat sa
iyo, bagaman nahihiya ako magpakilala sa iyo dito ko na lang sasabihin na mahal
na ma-” di ko na naituloy ang pagbabasa sapagkat hinablot ni Rey ang sulat sa
dingding, nilamukos, at diretsong tinapon sa basurahan.
“'Wag mo na ngang pinag-aaksayahan ng panahon ang mga walang
kwentang bagay,” parang nagsisimula ng mapikon si Rey.
“Sus, ito naman. Katuwaan lang naman yun. Tsaka ayaw mo nun
may mga “tangahanga” ka,” biglang tawa ko.
“Oo katatanga nga nila at sa akin para humanga,” inis pa din
ang mokong. Nagsalita na siya muli pero sa mas malumanay na boses, “Nakakainis
kasi iyang mga ganyang tao. Alam mo, hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan
sila sa akin kahit na alam ko sa sarili ko na hindi ko sila magugustuhan dahil
may iba na akong gusto. Iyon nga lang parang wala akong pag-asa sa kanya.”
“Naks! May chicks ang loko. Sino ba iyang malas este swerteng
babae na iyan?” biro ko.
Biglang natigilan si Rey na naging dahilan upang titigan ko
siya. Bigla siyang nangiti at nagsalita. “Hayaan mo na iyon. Wala ngang pag-asa
diba?!'
“Kahina naman ng loob mo boy. Malay mo naman,” sabi ko na
lang. “Puro ka kasi kayabangan kaya 'yan karma yan” saad ng utak ko.
“Kung sabagay may point ka diyan. Sa gwapo kong ito pwede ko
siyang mapasagot,” sabay tawa niya.
Kung marunong lang ako magtaas ng kilay, lalagpas iyon sa
bangs ko na nakatayo ang ayos. Pinagsama-samang whirlwind at hurricane na naman
ang meron na classroom. Bago ako magsimulang mainis, dumating si Evan.
“Pareng Rey nandito ka lang pala. Akala namin nagmumukmok ka
na naman sa isang sulok,” pambanat na asar ni Evan.
“Oi Evan!” bati ko. “Bakit naman magmumukmok iyan eh may
secret admirer nga siya tapos may love letter pa siya uli,” nang-aasar na naman
ako.
“Hay buti pa talaga si Rey,” sumakay na sa pang-aalaska ang
bestfriend niya. “Di bale Ignis gwapings pa din tayo,” pampalubag loob niya sa
sarili. “Rey baka naman chicksilog lang iyan?” tatawa-tawa ang Evan.
“Ako na naman ang nakita niyong dalawa,” sabay kamot sa
bumbunan ang mokong.
Hihirit pa sana ako ng nagsidatingan na ang mga classmate namin.
Parang isang kumpol ng mga nag-rarally ang mga iyon na halata ang mga grupo
dahil sabay-sabay ang kanilang pagpasok. Kasunod lang nila si Sir na dumating
kaya naman lahat kami ay naupo na sa pwesto namin para masimulan na lahat.
“Alam nyo class, naglalakad ako kanina nung nakasabay ko yung
mga dati kong students na gay. Kasama niya yung partner niya for 4 years now
and they’re going strong. Natuwa naman ako sa kanila,” panimula ni Sir
Rodriguez.
“Sir, with all due respect, isn’t homosexuality a sin? Nabasa
ko po kasi sa Bible sa book of Leviticus that laying down with a man as one
does with a woman is an abomination” tanong nung babae naming classmate.
“Don’t worry. No harm done. It is true that homosexual acts
may be sinful. Pero depende pa din,” sagot ni Sir.
“Sir, the Bible is absolute and clear that it is a sin –“ di
na naituloy nung kaklase namin yung sasabihin niya.
“The Bible is a story book. Madami siguro sa inyo na tataasan
ako ng kilay sa mga sinasabi ko sa inyo pero that it is the truth. It is a
WONDERFUL story book that promises eternal life if you followed the lessons
that are written there. Homosexuality or homosexual acts between guys or girls
are considered as sinful in the bible specially sa book na Leviticus kasi iyon
yung time na kakalabas lang ng mga hudyo sa rule ng Egypt. Min, the Egyptian
god of fertility, was given festivals in his honor. Though fertility can also
mean a bountiful harvest it can also mean the conception of a child. Sa
festival na iyon, men are required to have sex with each other para nga dumami
sila or the pharaoh will sow his ‘seeds’ to the fields. Thinking back na galing
sila sa Egyptian rule, anong maiintindihan ng mga hudyo kung sakaling mag sex
ang dalawang lalaki?” tanong ni Sir.
“That they are honoring Min?” sagot ko. Di kasi required na
magtaas ng kamay to answer in recitations.
“Exactly, Ignis. So they are not seeing the act as an
expression of love but rather as a form of worship to Min. The first of the Ten
Commandments clearly states that they should not have other gods. So it is an
abomination for them. Another fact would be the case of Sodom where the men
want to rape the angels who came to retrieve Lot and his family which led to
their destruction. In Jesus’ time a centurion asks to heal his servant. Centurions
are romans which are known to have a boy sex partner. Biblical scholars would
say that Jesus know that the roman is in love with his servant since he called
him ‘servant’ and that’s why He healed him. Romans can easily refer to the
people working under them as slaves. Another thing, normal na ang homosexual
relationships between early men. Remember na patriarchal sila before and they
only see women as instruments on bearing sons. The highest form of love is
still between men. Only now that woman is seen as equals and not merely to have
children. Love between men still exists today but not in a sexual way. Kaya nga
kahit ilang beses magpalit ng girlfriend o even asawa ang isang lalaki, yung
bestfriend niya yun pa din. Di ninyo napansin?” lecture ni Sir.
“Now, kung sakali bang magkakaron ng relasyon ang dalawang
lalaki o babae sa panahon ngayon, are they worshipping any false gods according
to our faith?” tanong ni Sir dun sa babae kanina.
“No, Sir. Tulad nung last meeting natin, kung mahal nila ang
isa’t isa and proven in time, walang problema,” si Rey.
“Tama ka diyan, Rey. Ang nakakababa lang naman ng tingin ng
mga tao sa mga members of third sex ay mga gawain lang din naman nila. Unlike
in the ancient times na isa lang ang partner ng homosexuals, ang mga gays
ngayon, tago o ladlad, sige lang ang pakikipagsex. Kakaunti yung talagang
nirerespeto ang sarili to only offer the act with somebody that they have
mutual love. Tipong nalasing lang ginagapang, nang-gagapang, o nag-gagapangan
na. Wag ganun ah kahit sa mga heterosexual dito sa class. Having sex on the
basis of lust alone is a sin,” paliwanag ni Sir. “I am not enforcing what I
know sa inyo class but respect other people’s faith, opinions, and sexuality.
Next meeting pala final exams na ninyo. Ang scope ng exams ay ang appendix ng
Chapter 4. Di yun spelling pero true or false. Right minus wrong.” Tumawa si
Sir at kami ay dismissed na.
Natapos ang klase namin na tahimik kami lahat. Hindi mo mawari kung inaabsorb ba namin yung mga points ni Sir Rodriguez o dahil sa ‘right minus wrong’ yung exam. Mabilis lumipas ang araw na lahat ng professors namin ay nag-hahabol ng lesson kaya ubos pera kami sa mga hand-outs na sobrang kapal at kulang na lang paint brush para sa dingding ang gamitin mo pang-highlight. Buti na lang walang stress sa philo na siyang una kong exam for the week.
“Before we start the examination, I want you to keep your
permits. Hindi ako taga-accounting department para tingnan yan isa-isa. Bring
out one examination booklet and a pen,” utos ni Sir kaya tumalima naman kaming
lahat. Nung nakita niyang nakaayos na ang lahat, nagdistribute na siya ng
questionnaire. “Hindi ko na kayo babantayan. Kung tapos na kayo puntahan nyo
ako sa technician’s office nandoon lang ako. Kung magche-cheat kayo, bahala na
and nasa itaas sa inyo,” makahulugan o magulong pahayag ni Sir.
Sinimulan kong basahin ang exam namin. Essay type pala. Joke
lang pala ni Sir yung true or false. Limang tanong lang tapos ten points each
na pwedeng sagutin ng mga limang minuto ang bawat isa. Noong nasa pang-apat na
tanong na ako, biglang tumayo si Rey kasunod si Evan. Dahil na din sa naganap
napansin ko pa tuloy ang ilang kaklase namin na nagkokopyahan. “Di man lang
kinabahan sa sinabi ni Sir” bulong ko sa isip. Noong tapos na ako, dali-dali
kong inayos ang mga gamit ko para makauwi na rin.
Paglabas ko ay
nakita ko nga si Sir sa may tech office. “Oh baka naman naperfect mo na ito
Ignis, wag ganoon. Dapat may mali kang isa para mai-adjust ko pa yung scores
niyo” biro niya.
“Sir talaga
kahit kelan ako na naman ang nakita nyo,” sabay tawa.
“Hay nako kayo
talagang mga bata kayo. Hinihintay ka pala ni Rey diyan sa may hagdan. Puntahan
mo na lang siya dun,” sabi ni Sir.
“Sige po, Sir
Rodriguez. Salamat,” at tinungo ko na ang hagdan.
No choice lang
din naman kasi yun lang ang pwedeng daanan maliban na lang kung tatalon ako
mula sa 4th floor ng building na yun o kaya naman ay sa fire escape. Hindi ko
alam kung bakit kaya ako hinihintay ng mokong na iyon. Inasam ko na sana
nandoon si Evan para kahit papaano ay may makausap na matino.
Pagkaabot ko sa
may hagdanan kasi naman sa dulo pa ang classroom namin, si Rey lang ang
nandoon.
“Oi, Rey! Hinihintay
mo daw ako sabi ni Sir?” tanong ko.
“Hindi. Hindi
ba halata kasi pinasabi ko pa nga sa kanya eh” banat niya. Aba teka lang may
gana pang magalit.
“Ano na naman kaya ang problema
nito?” naguguluhan ang isip ko. “Bakit mo naman ako hinihintay? Kasama mo si
Evan?” tanong ko na lang.
Ang ngiti na kanina ay parang
nakaplaster sa mukha nya ay biglang napalitan ng simangot kasama na ang
pagkunot ng noo niya. Bigla siyang nagkamata na sa ngiti niya kanina ay hindi
na nakikita. “Umuwi na si Evan. Pinapasabi lang niya na kapag nakauwi ka na
daw, i-text mo na lang siya.”
“Ganoon ba?” weird naman. “Sige pala, kala ko naman kung ano
na. Mauna na ako sa iyo Rey” pagpapaalam ko.
“Ah…eh…Hatid na kita? Dala ko naman yung sasakyan ko,” offer
niya na nakapagpatawa sa akin.
“Wag na, Rey. Sa tapat lang ng school ang boarding house ko.
Isang tumbling lang mula sa main gate nandoon na ako sa bahay,” pagtanggi ko.
“Ganoon ba? Sayang naman” halos di ko na naintindihan ang mga
sumunod pa niyang sinabi.
“Ano?!”
“WALA! Sige na tara na umuwi na tayo.”
Sabay lang kami ni Rey na lumabas ng building kaso sa may
back gate kasi nakaparada ang kotse niya samantalang sa may main gate naman ang
daan ko.
“Ignis, dito na ang daan ko. Ingat ka na lang ah” sabi niya.
“Ngeks para namang anlayo ng bahay ko” sagot ko.
“Basta, sige na goodbye.”
“Goodbye? Para namang di na tayo magkikita niyan eh. See you
next sem Rey” asiwa talaga ako sa salitang goodbye.
“Oo naman pala” iyon na lang ang narinig ko. May mga salitang
namutawi sa mga labi niya na hindi ko na naulingan.
Pagkarating ko sa bahay ginawa ko yung sinabi ni Rey.
“Ei evan nkauwi na aq..hehe..” text ko sa kanya.
“uy tol nptxt k? ako din nkauwi na..” reply niya.
“bkit pla?” tanong ko.
“huh?” reply niya.
“ala tol..geh review na aq..ahaha..” nireplyan ko na lang.
“keiz..aral ige tol..gudluk!!!xoxo” ang huling text ni Evan
noong gabi na iyon.
Sa isip-isip ko para namang di nagpapatext si Evan. Bakit
kaya ako hinihintay ni Rey. Ang naging conclusion ko lang ay inaatake na naman
ng kawirdohan itong si Rey.
Iyon na ang huling araw na nakita ko si Rey at Evan hanggang
natapos ang sem. Siguro nga hindi ko na sila makikita kasi major na lahat ng
subjects namin pagtapos nun. Kaya lang nakakamiss si Evan dahil sa kakulitan.
Noong bakasyon nagtext lang si Evan ng ilang beses at nangangamusta lang at
kinakamusta daw ako ni Rey.
------ Itutuloy
..wah, so hindi na magku-krus ang landas nila?
ReplyDelete..ahrael
=D
Deletehmm... wla aqng gaanung msbi.
ReplyDeleteyeah my lesson na ibnahagi c prof, parang side quest sa isang RPG. peo sa main story parang lumipat lng ng ibang city ung character na naka-holy bottle, no encounters. :/
next sna my laman kht papanu. un lng ^w^