Followers

Saturday, April 6, 2013

318 (Ang textmate ko)


318 (Ang textmate ko)
Chapter 1

By: ImYours18
Email: imyours1821@yahoo.com


Authors note:

Hello po J Ako nga po pala si ImYours18, Hmmm. Codename ko nalang po muna siguro ang maibibigay ko but if you message me I’ll promise na ibibigay ko ang name at facebook account ko hehe. Dami bang arte hehe?. Sorry naman po J Hmmm.? Unang una pos a lahat, I want to give my warm acknowledge to Sir Mike Juha for allowing to publish my story here at Michael Shades of Blue blogsite. This is my first story pala, actually pangalawa na pala, naudlot lang po ang pagsusulat ko ng unang akda ko sa kadahilanang parang may kulang at inaayos ko pa po so ito dito muna ako magpoproceed. Hindi ko pa po napopost ang unang akda ko. Total bakasyon pa naman po gusto kong magtry ng bagong gawain, ito po ay ang pagsusulat ng istorya. Gagawin ko lang pong weekly ang update pero kung hindi naman po masyadong busy ay gagawin ko pong two chapters and update per week. Minsan po kasi ay mabagal ang pagiisip ko nang mga lines kaya pagpasensyahan niyo na po. I’am also an avid fan of different authors ng mga M2M stories and ng mga stories sa mga wattpad na nababasa ko. Hmm? Itong akda pong ito na isusulat ko ay pinamagatang kong “318” siguro po ay nagtataka kayo kung bakit ganto ang pamagat nito. Kayo na po ang bahala umalam kung bakit. Pangalawa po, ang aking akda ay work of fiction lang po at kung mayroon man pong parallel na scene na tulad sa nangyari sa realidad ay hindi sinasadya. Ginawa ko po itong istorya na ito dahil sa halo halong emosyon na aking nararamdaman. Oha. Drama haha. So eto na po, bibigyan ko lang po kayo ng isang short introduction ng aking istorya.


                Ang pagmamahal ba para lang sa mga taong may itsura?

                Kung ganoon? Bakit Single pa rin ako?

                Bakit ako nahihirapan na maghanap ng kasintahan na seseryosohin ako?

Kaya eto ako ngayon, nagiisa, nangangapa ng taong magmamahal sa akin sa virtual world, sa text sa internet at iba pa.

Minsan naisip ko din, masarap nga maging single pero minsan hindi, naisip ko nakakalungkot din pala.
Tunghayan niyo sana ang makulay na mundo ko, masaya? Tumatawa? Hindi iyan. Minsan ang pagtawa ay nagiging sanhi din ng pagtatago ko ng tunay  nararamdaman...

Warning: Some words used in the story are foul words, also, there are scenes which is seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction and any parallel scenes to the reality are absolutely accidental.

Any reaction, praise and comments regarding to my story, please contact me. imyours1821@yahoo.com

Thank you, enjoy reading.



Ako: Hello! J

09*********: Hi! NASL Please? J

Ako:  Im, Colby, 17, Bi, Manila, ikaw po?

09*********: Facebook mo?

“Nubeyen, kailangan talaga mauna facebook  account ko? Hindi ko pa nga nakukuha pangalan or malaman kung taga saan `tong mokong na `to eh, tapos facebook  account ko agad” Pagmumukmok ko habang hawak ang cellphone ko at naiinis sa tinetext ko.

09*********: Dali!

“Abat excited `tong mokong na `to, siya pa may ganang magmadali, haisst” Ang naging reaksyon ko sa pagrereply nang bwisit na katext ko, bagaman guwapo dahil nakita ko sa facebook ang kanyang number, ay syempre makikita ko din ang kanyang facebook account.

Ako: asdfdfs@yahoo.com

Pagbibigay ko ng facebook account ko sa kanya kung saan real picture ko ang naka-display picture. At inintay ko kung magrereply pa ito.

10 Minutes

15 Minutes

20 Minutes

ARRRGGGHHHH!!


Iyon na siguro ang dahilan kung bakit hilig kong itago ang real identity ko sa text. Lagi akong rejected. Andyan ang hihingin ang facebook account ko at pagkatapos ay hindi na magrereply. Haiist oo na! hindi na ako kasing gwapo ng inaakala nila haha!!.

Kung itsura ang titignan, hindi naman ako panget, hindi rin ako gwapo. Sa pangangatawan, payat lang ako at 5’1 lang ang height ko na hindi appropriate sa age ko >.< , kaya siguro lagi akong narereject, hindi naman kasi ako tulad ng iba na gwapo talaga.

Bisyo ko na rin ang tumingin ng mga facebook pages at websites sa internet na may kaugnayan sa mga trippings, same sex relationships, at iba pa. Hilig ko na rin ang manguha ng mga numbers at makipagtext. Karamihan sa mga nakakatext ko ay tinatago ko ang real identity ko dahil sa nahihiya nga ako, hindi naman kasi ako kagwapuhan tulad nila kaya pinagkakasya ko na lang ang sarili ko sa gantong sitwasyon.

Ako nga pala si Colby, Jake Colby Rivera, at minsan tinatawag ng mga aning kong kaibigan na “colboy” hahaha pangasar lang , 17 years old na at incoming first year college na rin. Aaminin ko na isa akong bakla, isang bakla na hindi mo mahahalata sa unang tingin, pero may iilan akong mga kaibigan na nakakaalam ng aking katauhan. Iyon bang talagang mapagkakatiwalaan ko. Isa akong masayahing tao, ewan ko ba? Wala na ata akong nagiging problema, lagi akong nakangiti at palatawa rin sa classroom namin during our high school days. Isa ako sa mga buang sa barkada namin, ewan ko ba ngunit nakakaramdam ako ng tinatawag nilang pagka-“overwhelm” kapag ako’y nakakapagpatawa ng mga kaibigan ko. Para kasi sa akin, ang pagpapaligaya ng maraming tao ay isang award at pagtulong, award kasi nakakaramdam ka rin ng kasiyahan kapag nagagawa mo ito, pagtulong kasi nahahayaan mong makalimutan ng iyong pinapatawa ang kanilang pansariling problema.

Isa akong bakla ngunit hindi ako kilos bakla, ang gulo noh?!  Ganito kasi iyon, ayaw ko na maging kilos bakla dahil nga ayaw ng mommy ko na maging ganoon ako, una ay alam na ni mommy ang maari kong kahantungan dahil wala akong ama at kapatid na lalaki. Oo nga pala, iniwan ako ng ama ko noong ako’y tatlong taon pa lamang. Sumakabilang bahay ba? Haha. Mayroon din akong mga kapatid na babae, ang panganay namin na si Ate Grace at ang bunso namin na si Karen. Pagkapanganak kay Karen  ay iniwan na kami ng aming tatay gawa nang may iba na itong minamahal na babae. Haist. I don’t wanna talk about him, absolutely galit ako sa kanya.

Anyways, wala rin akong kapatid na lalaki. Hindi na rin siguro kwestyon na inyo kung bakit ako naging ganito. Nagkulang ako sa father care at brother care. Ikaw ba naman? Puro babae ang nasa paligid mo? Diba?

Ako: Hi!

09*********: Hello, NASL pare?

Ako: Im Vince, 17 bi manila. And you?

“Haist, sinungaling ka talaga Colby” pagbubuntong hininga ko habang nagpipindot ng cellphone. Sinabi ko na Vince ang name ko dahil baka nga makilala ako at takot na nga mareject. Sinabi ko din na bisexual ako, pagpepeke ko lang dahil dati kapag sinasabi kong gay ako pero hindi halata hindi na sila nagrereply.

09*********: Im, Tristan, 17, Makati, bi din. How are you? Siguro naman ay nakita mo na ang facebook ko? Ano facebook account mo?

Pakiramdam ko naman ay bigla akong nabulunan habang kumakaen ako ng chips ng mga oras na iyon. What? Facebook Account? Mabuti na lang at nakapaghanda ang dummy account ko kung saan ay isang binatang may itsura ang profile picture kuno ko.

Ako: hjklmnop@yahoo.com

09*********: Wow, you look great pare!

Oh diba effective?

“Sana ganto na lang din ang itsura ko, yung kinakabaliwan, yung hinahangaan” Pagmumukmok ko sa loob ng kwarto ko habang nakatingin sa aking profile picture kuno sa facebook habang nginunguya ang chips na ito.

Ako: Thank you!

Sa totoo lang ay hindi ko pa nakikita ang facebook account niya, basta basta na lang kasi nanguha ng mga numero at siya pa lang ang mga reply sa may tatlong tinext ko. Kaya noong balikan ko ang facebook page na pinagkunan ko at nakita ako facebook ng mokong.

“OHWUAH!” Pagsigaw ko na parang humanga sa itsura ng lalaking iyon. “Ang guwapo naman nito” pagdagdag ko, napaka-guwapo naman kasi ng lalaking iyon sa nakita kong profile picture niya. Isang morenong binata na shirtless at nakashades. Sa aking palagay ay sa isang beach resort kumuha ng litrato si Tristan. Hindi gaanong built ang katawan ni Tristan, payat lamang ito ngunit ibayong libog ang aking naramdaman sa nakita kong picture niyang iyon. Sa una ay nagwapuhan talaga ako sa kanya ngunit parang nag-doubt din ako dahil naka-shades pa ito kaya nag-surf pa ako ng iba niyang pictures.

At hindi nga ako nagkakamali, gwapong-gwapo nga ang mokong, bilugan ang mga mata nito, may makakapal na kilay na tama lang para sa kanya, matangos ang ilong at parang may lahi itong latino dahil sa kanyang morenong balat. Mayroon  din itong karug na nagdudugtong sa kanyang buhok sa pusod patungo sa kanyang buhok sa ari. Haisst. Tinamaan ata ako sa kagwapuhan ng lalaking ito.

Ako: Pare ang gwapo natin ngayon ah?

Papuri ko kay Tristan.

Tristan: Salamat : ) Ikaw din Vince, sigurado kang bisexual ka ang gwapo mo eh?

Ngiting gago naman ako sa mga sinabi ni Tristan, syempre sino ba naman ang hindi kikiligin kung sabihan ka ng gwapo ng isa pang gwapo. Haisst. Ngunit kasing bilis naman ng isang airplane na magka-crash sa lupa o dagat ang pagkagising ko sa katotohan na hindi nga ako nasa picture na iyon. Isa lang akong poser, napabuntong hininga na naman ako.

Tristan: Dyan ka pa pre ?

Naputol naman ako sa pagmumuni ng biglang nabasa ang text na iyon ni Tristan. Kaya ang nareply ko na lang.

Ako: Oo, bisexual ako, hindi nga lang halata.

At nakatulog na lang ako ng mga oras na iyon. Pagkagising ko naman ng umaga ay mayroon akong 6 na missed calls at 22 unread messages. Nakatulugan ko pala si Tristan habang magkatext kami kagabi. Natuwa naman ako dahil interesado talaga siya sa akin. Sa akin nga ba? Haist. Hindi, kung hindi sa profile picture ko na hindi naman ako.

Ako: I’m Sorry nakatulog ako pare, antok na antok na kasi ako eh.

Tristan: Ganyan  ka naman Vince eh.

“Hala nagalit siya” Pagbulong ko sabay bitaw ng malalim na buntong hininga. Nagtampo si kolokoy, agad naman akong nagreply.

Ako: Okay sige tawag na lang ako sayo.

At tumawag nga ako.

“Hello” Pagbungad ko, “Ehem”  Pagubo ko, para kasing wala sa wisyo ang boses ko dahil sa kakagising pa lang.

“Oh bakit?” Halata ang pagtatampo sa boses ni Tristan.

“Oh wag ka nang magalit pare, relax lang, hindi naman sinasadya eh”  Pagdedepensa ko.

“Okay lang iyon haha, oh kamusta ka na?” Biglang pagbabago naman ng mood ni Tristan.

“Hindi ka na galit?”

“Hindi naman talaga ako galit, nagtampo lang, oh kamusta ka na nga?” halatang pagda-divert niya sa topic. Sa sarili ko lang, naakit ako sa boses niya, lalaking lalaki kasi at parang romantiko ang dating. Ang astig ba? Hindi mo aakalaing pumapatol din sa kapwa lalaki. Naisip ko tuloy, boses pa lang ulam na, eh paano kaya kapag nakita ko to ng personal. Hayahay talaga ang buhay. Haha.

“Okay lang naman ako, eto kakagising lang, ikaw? nagalmusal ka na ba?” pagtatanong ko.

“Oo nagalmusal na ako, hehe ikaw ba?”

“Hmmm. Hindi pa eh. Anyways, saan ka nga pala nagaaral?

“Ahh dyaan lang sa isang university sa U-Belt, incoming second year college na ako, IT student ikaw ba tol?” Sagot naman niya. Para naman akong natameme sa boses niyang mala-anghel. “huy? Still there?” Mistula naman akong binuhusan ng tubig sa pagkagulat sa, nakatameme kasi ako. Nainlove na ata ako sa boses niya, paano pa kaya kapag nakita ko to. Charing lang haha.

“Ah, oo sorry. Ano nga ulit iyong tanong mo?”

“Saan ka nga pala nagaaral, saka anong year ka na this coming school year? Pagtanong niya.

“Ah. Eh. Hmm?” Pagiisip ko ng alibi, hindi niya pwedeng malaman na taga manila lang ako. Eh paano kapag nagyaya ng eyeball to, edi wala na? Mabubuko ang kagaguhan ko. Pagkakasyahin ko muna ang sarili ko sa ganito. Haist. Bakit ba kasi kailangan magsinungaling eh? Pero wala akong magagawa. Hindi naman kasi ako kasing gwapo na hinahanap hanap sa tuwing may nakakatext ako. “Ahh, nasa Pampanga kasi ako ngayon pre, pero taga manila talaga kami, pinadala lang ako ng mama ko dito sa Pampanga kasi gusto nila na dito ako magaral ng college” Pagaalibi ko.

“Ah okay tol, sayang naman, gusto pa naman sana kita makita in person”  Bakas sa boses ni Tristan ang pagkalungkot, nakaramdam na naman ako ng pagkakonsensya, hindi naman kasi ako ang nakalagay sa profile picture na iyon. Umaasa ang mokong na iyon na ako ang gwapong binata na sa profile picture pero hindi niya alam na kalokohan ko lang ang lahat.

“Sorry tol, hmm? Maybe some other time. Kapag balik ko dyan sa manila, I promise na magkikita tayo, hindi pwedeng hindi” Pagpapalusot ko na lamang. “Oh siya tol, ibaba ko na muna itong phone ah? Maaga pa kasi ako, kuhaan ng schedule naming ngayon sa papasukan kong university eh” Pagaalibi ko para hindi niya na pahabain pa ang paguusap tungkol sa eyeball na yan.

“Okay sige tol, aasahan ko yang eyeball natin someday ah? Sige na tol, baka malate ka pa sa pupuntahan mo. Mwuah!” Natameme naman ako sa dulong salita na sinabi niya. “Mwuah” daw? Hindi naman na ako nakasagot agad. Natulala ba. Hanggang sa namalayan ko na lang na naputol na ang conversation naming. Binaba niya na pala. Noong bumalik naman ako sa ulirat ay hinagis ko ang tatlong unan na nasa kama ko sa sobrang kilig. Haist. Crush ko pa nga lang si Tristan kung makapagbigay naman siya ng motibo. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong dalaga na hinaharana. Haysss..

“Haist Colby, kung kasing gwapo ko lang sana ang nasa profile picture ko sa facebook.” Pagmumukmuk ko, pero ang katotohanan ay hindi pa rin ako maka-get over sa kilig sa sinabi niyang “Mwuah”. Ooops “Mwuah” pa lang iyon paano pa kaya kung “I love you” na iyon? Siguro ay tatalon na ako sa tuktok ng building sa sobrang kilig.

Sa totoo lang ay sa isang university sa U-belt talaga ako magaaral. Kukuha ako ng course na Accountancy sa isang sikat na unibersidad sa U-Belt. Naisip ko tuloy, isang malaking problema ito. Paano kung malaman ni Trsitan ang mga pangloloko ko sa tunay na katauhan ko. Haist, kung bakit ba naman kasi ako hindi pinanganak ng guwapo!. Edi sana walang problema ngayon kay Tristan. Habang nagmumukmok naman ako ay naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko. 

Tristan: Magiingat ka ah? Text ka na lang mamaya pag sa house ka na po. Aalis din ako now eh.

Hindi ko na nakuha pang kiligin dahil sa mga iniisip kong problema. Ngunit naiisipan ko magreply.

Ako: Saan ka naman pupunta?

Tristan: Ah, may aasikasuhin lang.

Ako: Okay sige, magiingat ka din ah?

Tristan: Opo, master hehe =))

Hindi ko na siya nireplyan. Alas-9 na pala ng umaga. Kailangan ay nasa school na ako ng alas-11 ng tanghali upang kunin ang schedule ko sa university na papasukan ko. Badtrip naman kasi yang ang sistema nila, dapat ay sinabay na nila ang pagkuha ng schedule sa enrolment. Imbis na sinusulit ko na lang ang nalalabing araw ng bakasyon ay ito at may aasikasuhin pa. Sunog kilay na naman kasi ako pagdating ng pasukan kaya nilulubos ko na.

Kaya naligo na ako, nagbihis at nagpasabay na kay mommy sa sasakyan niya upang mas maging madali ang pagbiyahe papuntang university. Hassle naman kasi kung magcocommute pa ako kaya naisipan ko na lang magpasabay kay mommy.

At nakuha ko na nga ang schedule ko. Nayamot naman ako dahil karamihan ng mga subjects ko ay umaga. Mostly kasi ng mga subjects ko ay naglalaro from 8am to 4pm. So ang ibig sabihin, bawal magpuyat at hassle na naman `to sa paggising. Kahit naman kasi na may ibubuga ako sa school ay may kalokohan din ako madalas ako magpalate, kaya naman laging nasa 80-82 lang ang grade ko nun sa first subject, buti na lamang ay hindi iyon laging major. Haha. Bumili na rin ako ng mga librong gagamitin ko sa cashier ng university.
Sa paguwi ko, buhat buhat ko ang apat na libro. Nang hindi ko namalayan ang isang balat ng saging sa daan at natapakan ko ang balat ng saging na iyon.
“Ay bilat ng kabayong dilat!” expression ko sa pagkabagsak ko kung saan napaupo ako at tumama ang tumbong ko sa lupa. Napa-”OUCH” naman ako sa sakit ng pagkakabagsak ko, ansakit kaya. Habang hawak ko ang aking balakang ay nakita ko naman ang ibang mga estudyante na siguro ay mageenrol ang nagtatawanan. Hanggang..

“Haha, bilat ng kabayong dilat ka pa huh?! Excuse me, okay ka lang dyan? Try mo kayang tumayo noh?” Sabi ng isang pamilyar na boses at nakita ko ang kamay na nasa harap ko na akmang itatayo ako.

“Argghh” Akmang tatayo na ako “Hindi na kailangan! Salamat sa pagtawa ah?” Sarkastiko kong sabi sa lalaking iyon. Pagkaangat ko naman mula sa pagkakatumba ay inangat ko na rin ang mukha ko. At nagulat naman ako sa nakita. Lumaki aking mga mata habang nakaharap sa kanya. Napanganga ako. Para namang tumigil ang mundo sa nakita ko.

“Okay ka lang? Haha” Tanong ng lalaking nasa harap ko at nilabas ang isang pamatay na ngiti. Isang napagwapong nilalang.

“Tristan?!”

-          I T U T U L O Y J

17 comments:

  1. i'll wait for the updates... ehhehe interesting plot :]

    ReplyDelete
  2. thank you po :) chapter 1 na po yan. :) pasensya na po kung maikli, pero hahabaan ko na ang chapter 2 :)

    ReplyDelete
  3. i like the stoty, and ask ko lng, pati b ung email mo dummy account din? haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi naman po dummy kasi hindi po ako gumamit ng ibang identity, codename ko lang po ang nilagay ko :) anyway, thank you po sa pagbasa ng story ko :)

      Delete
    2. This comment has been removed by the author.

      Delete
    3. aa.. walang kang email na I can use to send messages? thanks po :))

      Delete
  4. super interesting....wait for the next chapter...

    ReplyDelete
  5. Panu ba yan? ? ? Di ako ang na unang makapag.comment sa post mo? Hmmm

    #kungAKOikaw

    ReplyDelete
    Replies
    1. wahahaha ayos lang yan :) thanks po :) may update na po ako..

      Delete
  6. just started reading your story.
    it's very interesting. :)

    -ms.C

    ReplyDelete
  7. hindi ba pwd ito eh copy. para sa cell phone lng ako mag babasa. san ako pwd maka copy nito po? need help. :) thank you :)

    ReplyDelete
  8. BAKLA ako, bading silahis.entertainer ako sa japan.kaya flawless skin ko at sexy. kakauwi kolang. naghahanap ako ng textmate sexmate lalaki, habang andito ako ng pinas.

    P500 magbabayad ako kun malaki ang hinaharap.

    txt or call me
    09196695897
    09196695897
    09196695897
    09196695897

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails