“What do you think mister? Pwede na ba akong magsalita?”
Nagpanting ang tenga ko sa aking narinig.
Lumaki ang mata ko sa gulat sa mga salitang iyon.
Kumunot ang noo ko kasabay ng pagtaas ng aking kilay.
“Ha?”
‘Yun lang ang nasabi ko, isang mahina at mahinanong ‘Ha'?
“Ang sabi ko pwede na ba akong magsalita? Pwede na ba kitang
kausapin?” saka sumubo si Chong ng chicken roll na tanghalian niya.
Bigla akong natauhan, saka pinalo ang pisngi ko para
magising. “Bakit, pwede ka naman talagang magsalita, ah...”
Saka siya kumurap ng dahan-dahan, katulad ng dati. “Pwede nga
akong magsalita, hindi mo nga naman ako pinagbabawalan. Pero kanina pa
lumilipad ‘yang utak mo sa paligid ng campus at kanina ka pa hindi nakikinig sa
mga sinasabi ko...”
Saka ko napansin ang plato niya. Habang malapit na niyang
maubos ‘yung pagkain niya, ako naman eh halos nakakadalawang subo pa lang. At
sabay kaming umorder ng pagkain. Walastik...
“Ano bang bumabagabag sa isipan mo sa nakaraang thirty
minutes sa magkasama tayo, at hindi mo halos nagagalaw ‘yang pagkain mo” ang
tanong niya hindi nakatingin sa akin, sabay subo uli ng chicken roll na umaapaw
sa gravy.
“Ah, ah...” Eh kung sabihin ko kaya sa kanya ‘yung tungkol sa
recording? Pero baka isipin niya, napakaseloso kong tao, na wala akong tiwala
sa kanya, na kesyo pinagduduhan ko siya sa relasyon namin. Baka mamaya magalit
pa siya sa akin, baka mamaya maghiwalay pa kami, at baka siya pa ang
makipag-break sa akin.
Tsaka parang wala namang malisyosong bagay doon sa recording
ah, kaya bakit hindi ko nai-open sa kanya. Tsaka hindi rin naman ako siguradong
siya ‘yung nagsasalita eh, hindi naman ako siguradong siya ‘yung kausap ni
Fred. Kaya bakit matatakot akong tanungin siya? Eh kaso paano kung hindi nga
siya? Tapos paano kung isipin niya na ang panaroid ko, at kung anong
pinag-iisip kong wala naman basehan? Paano kung maturn-off siya sa akin dahil
doon? Paano kung...
“Alam ko kung anong iniisip mo...” Sa wakas tiningnan rin
niya ako sa mata habang tinatanong niya ako. Tingin na seryoso, na may
sinseridad. Sa halos tatlong buwan naming pagsasama, halos hindi niya ako
tinitingnan kapag nagtatanong siya, ‘yung tipong wala siyang paki kahit na
tanungin niya ako o hindi, mabubuhay siya kahit gawin niya iyon o hindi. At kung
titingnan man niya ako sa mga mata, kadalasan, dahil napahiya ka niya.
Pero anong bang pinagsasabi ko? Alam niya kung bakit wala ako
sa sarili ko? Alam niya ‘yung tungkol sa recording na nahanap ko? Alam niyang
alam ko ‘yung ginagawa nila ni Fred?
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko rin naman mawari
kung sasabihin ko na ba sa kanya ‘yung tungkol sa natuklasan ko. Ayokong
magpati-una, baka mamaya isa lang pala akong malaking baliw at ako pa ang
magmukhang tanga. Tiningnan ko na lang siya sa mata...
...At kami’y nagkatinginan...
“Iniisip mong napakaboring ng relasyon na ito, AT binabalak
mo ngayon mangaliwa dahil pagod ka na...” saka uli siya sumubo ng chicken roll.
All the while na hindi ko alam ang sasabihin ko, nag-effort
akong isipin ang lahat ng maaaring maging masamang effects ng mga iniisip kong
gagawin ko, para lang hindi masira ‘yung relasyon namin. Tapos sasabihin niyang gusto ko nang mangaliwa?
Ngumiti na lang ako, habang hiniwa kong muli ang chicken roll
na ulam ko. “Akalain mong hindi ka tumama this time? Nagkamali ka ng basa sa
akin, hindi ‘yun ang iniisip ko...”
“Oh talaga, parang mas matutuwa pa ako ngayon kung ‘yun nga
ang iniisip mo...”
Ang sweet...Grabe...Fuck...
Inasiman ko na lang ang mukha ko habang sumusubo ng pagkain.
“Narinig mo na ba ‘yung tungkol sa recording?”
Bigla akong nabulunan. PUTA! ANONG RECORDING ‘YUNG SINASABI
NIYA? ‘YUNG RECORDING BA SA CELLPHONE NI FRED ‘YUNG TINUTUKOY NIYA?
Saka siya tumayo at hinimas ang likod ko habang inuubo. “Oh
magdahan-dahan ka? ‘Wag mo naman lunukin ‘yung tinidor. Grabe ka naman, sa
bahay may mga roasted steaks tsaka cordon bleu, tapos ‘yung chicken roll dito
sa campus halos buwisan mo ng buhay...”
Nagawa pa niyang magbiro.
“Oh, uminom ka muna..” Saka niya inabot ang mango juice na
binili namin. “...Bakit ka ba nabilaukan? Hindi naman kita iniisip ah. Baka
nagsawa na si Grace doon sa guard, at bunabalak ka na namang balikan...”
Dali-dali akong humigop mula sa straw ng mango juice. Ano
‘yung recording na tinutukoy niya? Uusisain ko pa ba siya tungkol doon? Eh
paano kung ‘yun nga ‘yung tinutukoy niya? Eh papaano din kung hindi? Magmumukha
akong tanga siyempre, at ayoko ng ganoon? Kung magwalk-out na lang kaya ako? Eh
para namang may gagawin ‘tong taong ito para pigilan ako. Tanungin ko na lang
kaya siya tungkol sa recording...
Eh papaano kung nangyayari nga lahat ng kinatatakutan ko?
Paano kung tama ang lahat ng hinala ko?
Lumunok ako ng laway at saka nilakasan ang loob ko. “Ah
Chong...” Lumunok ako ulit ng laway. “...ano ‘yung recording na tinutukoy mo?”
Lumunok ako ng isang litrong laway.
Nahinto siya sa pagsubo ng pagkain at biglang naging seryoso
ang mukha niya. “Ah, ‘yung recording?” Ibinaba niya ang hawak niyang kutsara’t
tinidor, ay saka unti-unting lumapit sa akin...
“’Yung recording na tinutukoy ko eh...” Bigla siyang humito
at tumingin sa paligid niya.
Naging seryoso ang mukha ko. Maski ako ay unti-unti na rin
lumapit sa kanya. Halos pigil ko ang
paghinga ko...
“...’Yung recording eh...alam mo...” Biglang kumunot ang noo
niya.
Dobleng kunot ang meron ngayon sa noo ko. Putik hindi pa niya
sabihin. Ano ba talaga ‘yun?
“’Yung recording eh...”
Para na akong tangang natataeng nakatitig sa kanya.
“Kasi ‘yung recording na ‘yung eh...”
Bakit ang tagal? Bakit hindi niya masabi? Tama ba lahat ng
hinala ko? Tama ba ang iniisip kong may relasyon na sila ni Fred, at mahal niya
si kuya kesa sa akin?
“...’Wag mo ng sabihin...” Ang malungkot kong pagpigil sa
kanya. “...alam ko na kung anong tinutukoy mo...”
Nahalata ko sa mukha niya ang gulat. Biglang nanlaki ang mga
mata niya, pero masigla ang boses niya. “Oh, alam mo na. Galing ah, nakakabasa
ka na rin...” saka siya sumubo ng chicken roll. “Nakakalungkot ano...isipin
mong nagawa..tsk...tsk...Haay!!!”
Hindi ko alam kung papaano pa siya nakakapagsalita sa ganoon
kasiglang boses. Oo, tama, kasi in the first place, hindi naman talaga niya
iniisip na seryoso ako sa ginagawa ko. Ang sama niya, napakasama niya...
Wala akong magawa kundi tingnan siya ng malungkot...
“Pero alam mo natutuwa rin ako...” pagkatapos ay buong sigla
siyang sumubo ng chicken roll.
“Bakit ka naman natutuwa, dahil ba isang malaking katangahan
ang lahat?” Napakasama niya. Lahat ng bagay ginawa ko para sa kanya. Halos
mabaliw ako dahil sa nararamdamam ko. Tapos pagtatawanan lang niya ako,
gagaituhin lang niya ako...
Kapag pinagpatuloy pa niya ito, sasapakin ko na siya!!!
“...Well, katangahan partly. Isipin mo na lang, hindi ba niya
nakitang may kumukuha ng video sa paghuhuramentado niya. Eh halata naman sa
video na sa harapan siya kinukunan, tapos hindi pa niya nahalata...”
TARANTADO!!! PUNUM-PUNO NA AKO!!! MATAPOS NG LAHAT!!! MATAPOS
NG LAHAT!!!
Pero, sandali...
“Teka, anong video tsaka harapan ‘yung tinutukoy mo?” Biglang
umasim ang mukha ko.
Bigla ring umasim ang mukha niya. Mas maasim pa kesa sa mukha
ko. “Ha, ano bang sinasabi mo? Akala ko ba alam mo?”
Hindi ko siya sinagot. Nanatiling nakakunot noo ko.
“...Ang tinutukoy ko eh ‘yung video ng schoolmate natin na
naghuramentado sa LRT? ‘Yung nag-aaral din dito sa campus na nang-away ng lady
guard. Hindi mo pa napanood?”
“Ah, ahhhh...” Nagulat ako. Akala ko ‘yung recording na sa
cellphone ni Fred ‘yung pinagtatawanan niya eh. Sasapakin ko na sana siya eh.
“Pero kung sa bagay, malay mo may mali rin naman ‘yung lady
guard. Totoo naman ‘yung sinasabi ng ilan na hindi naman talaga nakunan nung
video lahat ng nangyari, kaya unfair nga naman kung maninisi tayo kaagad...”
“Pero, bakit sabi mo recording?” Ang nagtataka kong tanong.
“Bakit, may kakaiba ba sa sinabi kong ‘recording’?”
Muli nanatili akong nakatingin sa kanya.
Parang naiiritang ibinaba na lamang niya ang kanyang balikat.
“Recording...as in video recording...”
EH ‘YUNG NAMAN PALA EH!!!
Napakamalisyoso kasi eh. Kung ano-ano kasing pinag-iisip, ‘ayan, edi
kung saan-saan pa sana tumungo ‘yung usapan namin. Hindi kasi umayos eh,
pabara-bara kasi... Kung nagkataon, edi nagkahiwalay na kayo ngayon dahil sa
walang basehan na pagseselos...
Teka, pagseselos? Nagseselos ako?
“Eh ‘yung recording ni Fred, narinig mo na?”
At muli, nabilaukan ako. Bow.
“Ano ba? Dalawang beses na ‘yan ah? Pero di naman kita
masisi, masarap naman kasi talaga ‘yung chicken roll dito...” Saka niya inabot
uli ‘yung juice habang hinihimas ko ‘yung dibdin ko. “Hindi ba...YAMMEEE...”
“ANO NA NAMANG RECORDING NI FRED ANG SINASABI MO!!!” Hindi ko
na napigilan. Tae! Kanina pa siya recording ng recording! Ganoon ba karaming
recording ang meron sa mundo! At sa lahat ng recording, bakit kay Fred pa?
Hindi kaya ito na ‘yung recording na alam ko...
“Oh, easy lang, masyado kang hot...” Saka uli siya sumubo ng
chicken roll. “’Yung recording na ‘yun eh...” Bigla uling naging seryoso ang
mukha niya, at unti-unti itong inilapit
sa akin.
Nahawa na naman ako sa pinaggagawa niya. Unti-unti ko ring
inilapit ang mukha ko sa kanya, atat na atat sa parang sikretong sasabihin
niya.
“’Yung recording na ‘yun eh...”
Nakakakunot na noong tumitig ako sa kanya.
“Eh, tungkol sa...”
“TUNGKOL SAAN!!!” Bigla na naman uli akong napasigaw. Kanina
pa siya ganyan-ganyan, halos atakihin na ako sa puso!
Pero preskong-presko pa rin siyang sumusubo ng chicken roll,
kahit dalawang beses ko na siyang nasigawan, kalmadon lang niyang ninamnam ang
campus-famous na chicken roll na paborito rin niya.
“...Tungkol nga kay Fred, may nagrecord ng kung ano-anong mga
pinagsasabi niya kahapon sa presentation sa Philosophy, ang it was also posted
on Youtube. It’s actually creating a buzz right now. Well, alam mo naman na
medyo against, medyo anti-gay or homosexuals ‘yung mga naging statements niya
kahapon. Kaya ayun, may mga baklang estudyante dito na nagreact sa mga sinabi
niya. Kaya, congrats na rin dahil sikat na ang kakambal mo, which means sikat
ka na rin. Kaya ‘wag ka nang magtataka kung may mambato sa’yo ng kamatis kapag
papasok ka na or when you are around the campus. At kung maaari, medyo
lumayo-layo ka na rin sa akin, dahil katulad ng normal na mga tao, ayokong
mabato ng kamatis...”
Nakakapanggigil. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ako o
ano. Hindi ko talaga siya matatanong tungkol doon sa recording na alam ko. Pero
bakit ganito? Wala ba talaga siyang alam...
“...siguro kahit mga three years ng hindi paglapit sa akin
pwede na diba? Just hope na hindi mabalita ng mga major networks ‘yung video na
‘yun, at hindi kayo ma-iskandalo, or else diba, baka mamaya makita na lang
kitang kinakaladkad around the campus premises...”
“Eh ‘yung lang naman pala. Akala ko naman kung ano? PARA KANG
EWAN, ANG LIIT-LIIT NA BAGAY PINALALAKI MO...” Saka ako natigilan. Nagulat na
lang akong lumabas ang mga iyon sa bibig ko.
“Ako nga ba ang nagpapalaki ng mga maliit na bagay, o...”
saka niya ako tiningnan ng patigilid na parang nang-aasar habang sumusubo, na
parang may alam siyang hindi ko alam.
“ANO NA NAMA...”
“Relax, nakatingin na
sa’yo lahat ng tao no...”
Bigla akong natauhan. Bigla akong luminga-linga, at
nakatingin na nga sa akin ang lahat ng taong kumakain sa hallway sa likod ng
engineering building. Lahat, may expression ng gulat sa mukha.
Wala akong nagawa kundi yumuko at ngisian ng parang halimaw
si Chong.
O gusto mo pa ng chicken roll?” Saka inabot ni Chong malapit
as bibig ko ang chicken roll na tinusok niya sa kanyang tinidor.
‘Yan, buti naman alam niyang manglambing. Matapos ng lahat ng
ginawa niya. Matapos niya akong ipahiya, mabuti naman at naisip pa niyang
bumawi, talagang masasakal ko siya kapag hindi siya bumawi. Kunsabagay, sweet
rin naman talaga ang taong ito, ayaw lang niyang ipakita, sabi nga niya may
espesyal akong lugar sa puso niya diba...
...Isusubo ko na sana ito ng bigla niyang binawi at isinubo
ang chicken roll...
“Oh diba, YAMMMMEEEEE...”
Tae, sasakalin ko na ‘tong taong ito eh!
“Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit hindi ako
sumalungat sa mga sinabi ni Fred kahapon?”
Bigla akong napatingin sa kanya, napatingin ng natigilan.
Kahit kailan talaga ang taong ito, gugulatin at gugulatin ka. Pero oo nga,
gusto ko rin naman itanong sa kanya ‘yun eh. ‘Yung tungkol sa stand ni Sir na
nature natin ang pumatay, medyo nag-object siya. Pero hindi siya umapela
tungkol doon sa sinabi ni Fred na natural compliments, at kung ano man ‘yun...
...At mas lalong hindi siya umangal gayong ang relasyon namin
eh...
Nahiya akong tingnan siyang bigla. “Bakit nga ba? Hindi
ba...dapat mas na umayaw ka doon, kasi kung tutuusin, laban sa iyo...sa atin,
‘yung pinagsasabi niya...” Parang akong batang nahihiyang manghingi ng candy sa
mamang nasa harap ko. Gusto ko nang tumiklop pero hindi ko magawa. Pakiramdam
ko hindi ko dapat itinanong sa kanya ang bagay na ‘yun, pakiramdam ko, hindi
ako dapat sumakay sa paandar niya.
Dahan-dahan, buong galang, buong pag-iingat siyang sumubo ng
pagkain. “Well, as you recall, maski si Sir Arroceros, walang naging reaksiyon,
hindi niya sinalungat ‘yung mga pinagsasabi ni Fred. That can mean two things
to me. One is that kaparehas niya ng views si Fred, though this one is
contestable. Maybe you can remember that Sir doesn’t find Fred’s arguments
‘juicy’ at all...” tumigil siya sandali para uminom at ayusin ang kanyang
pagkaka-upo. “...which leads me to the second option. That is open si Sir sa
issues regarding homosexuals, but is somewhat avoiding, or is maybe afraid, to
talk about it, because of the topic’s sensitivity...”
Ang dami niyang sinabi, eh ang tinatanong kung lang naman eh
kung bakit hindi niya sinagot si Fred...
“...Tsaka bakit ka sasalungatin ang isang opinyon na
kaparehas ng sa akin...”
Bigla akong napalingon sa kanya...
“...And moreover, bakit ako magagalit sa katotohanan...”
Nagsalita siyang ang mata’y malamlam, parang nang-uuyam.
Nakakalungkot. Wala akong magawa kundi ilayo ang tingin ko sa
kanya.
“Ikaw, bakit hindi ka sumagot sa pinagsasabi ni Fred...”
Nagulat ako. Bakit nga ba hindi ko ginawa iyon? Muli na naman
akong napatingin sa kanya ng gulat.
“Ah, kase...” Hindi ko masabi, at hindi ko pangangahasang
sabihin sa harap ni Chong.
“Dahil ba sa takot?” sabay subo ng chicken roll.
Nakakadrain. Kahit anong itago ko, nalalaman niya. Maski yata
kulay ng brief ko alam niya kung ano.
“Anong ikinatatakot mo? Ang malaman niyang may relasyon tayo?
Na mahalata niya iyon dahil magiging defensive ka sa issue ng same-sex
relationships?”
Ano pa bang magagawa ko? Edi, sumakay na lang ako sa agos.
“Yata, siguro, hindi ko rin alam. Hindi ko rin alam, pero hindi talaga sumagi
sa isip kong sagutin si Fred. Hindi ko alam, nagulat din akong ginawa niya
‘yung mga iyon, at mas lalong nagulat akong wala akong ginawa para pigilan
siya...” Saka ako tumingin sa kanya, tumingin ng nagmamaka-awa.
Saka siya ngumisi. “Kahit naman itago natin ang kung anong
meron sa atin, malalaman at malalaman din ni Fred. Siguro hindi pa ngayon, pero
kapag nakitang na ng pagkakataon kung kailan mas komplikadong malaman niya ang
tungkol sa’tin, malalaman niya, malalaman ng lahat ng tao...”
Bakit siya nagsisinungaling? Alam kong alam niyang alam na ni
Fred ang lahat. Alam niyang ngayon napili ng pagkakataong ipala-alam kay Fred
ang lahat, ang panahon na magiging komplikado ang lahat. Pero bakit siya
nagsisinungaling sa akin?
Hindi ko alam, pero sabi ng utak ko, dapat ay natutuwa ako.
Wala na mas sasarap pa sa sitwasyong nakikinig ka sa isang kasinungalingan,
kung nalalaman mo ang totoo. Pero hindi ako natutuwa, parang mas nasasaktan pa
ako.
Wala akong magawa kundi ngumiti, ngumiti ng pagkapait-pait.
At saka sumubo ng pagkain...
...Pero ang sarap ng chicken roll ah...
“May itinatago ka...”
Nagulat ako. Bigla akong napalingon sa kanya. Nakita ko
siyang nakatingin sa akin ng pailalim, ng napakatalim, habang ngumunguya ng
pagkain.
Ano pa bang itatago ko sa kanya, eh lahat naman nalalaman
niya. Siya nga ‘tong dapat tinatanong ko ng ganyan eh...
“Eh anong sinasabi mo? Pa..ano mo naman nalaman na may
tinatago ako?” ang sagot nag-aalinlangan, saka ako ngumiti ng hindi nakikita
ang mga ngipin.
Biglang niyang inayos ang kanyang pagkaka-upo, na parang boss
na nasa harap ng kanyang empleyadong may nagawang pagkakakamali.
“Alam mo ba na kapag nakangisi ka, na kapag nakangiti ka ng
hindi nakikita ang mga ngipin, ibig sabihin nun, may itinatago ka...” ang sabi
niya sa boses na parang nagmumula sa ilong, medyo husky na parang paos, habang
ang mga mata niya ay papungay-pungay.
Nagulat ako. Nakangisi nga ako kanina!
“Ah ganon ba. Nakangisi ba ako kanina? Parang hindi naman?
Hindi ko naman maaalalang nakangisi ako, eh...” Para akong tangang umiiwas,
kahit nahuli na. Wala akong magawa kundi tingnan siya ng patiggilid habang
nakangiti na parang ulol.
Pero nakatingin pa rin siya sa akin ng pailalim, na parang
hinihigop ang lakas ko.
“Anong itinatago mo?”
Tae naman oo, eh hindi ko pwedeng
sabihin sa kanya 'yung tungkol sa recording, at mas lalong hindi ko pwedeng
sabihin na alam ko ang pinaggagagawa nila ni Fred...
"Wala nga akong
itinatago...Ikaw talaga, and paranoid mo..." Patay ako. Kailangan kong
ayusin ang arte ko. Kapag nabisto niya, maghahalo ang balat sa tinalupan!
Pero nakatingin pa rin siya sa
akin, nakatingin sa akin ng pailalim na parang kakainin ako ng buhay.
"...Sasabihin mo ba o
hindi..." Ang talim-talim ng titig niya. Parang any time soon at kapag
hindi ko pa ibinigay ang gusto niya, may lalabas na laser beam doon at hahatiin
ang ulo ko.
Wala akong magawa kundi ngumiti ng
nag-aalinlangan, at halata sa ngiti kong nag-aalinlangan ako.
FUCK!!!
Taydana, anong gagawin ko.
Mahahanapan ako ng butas ng taong ito. Kapag sinabi ko yung tungkol sa
recording at tama ako, sasabihin niyang wala akong tiwala sa kanya. Kapag
sinabi ko at mali ako, sasabihin niyang praning ako at wala akong tiwala sa
kanya. Double-edge sword!!!
Anong gagawin ko! Monthsary namin
ngayon! Ayokong sirain 'tong araw na 'to! Monthsa...
...Teka nga muna...
"Oo na! May itinatago na ako
sa'yo!"
Unti-unting nawala ang talim sa
tingin niya. "Good, ngayon sabihin mo sa akin 'yang itinatago mo..."
"Ayoko ko nga! Kapag inilabas
ko siya, hindi na siya nakatago. Ang gusto mo lang namang malaman eh kung may
itinatago ako o wala eh..."
"Eh kung hinahati ko kaya
'yang ulo mo sa pamamagitan ng laser beam ngayon. Bilisan mo at sabihin mo na
'yang itinatago mo..."
Kahit na puro pagbabanta na 'yung
sinasabi niya, hindi pa rin ako nanghihina katulad ng dati. Chill lang. In fact
mas natutuwa pa ako. Akalain mong malulusutan ko na naman siya! Wahahahaha! Ang
gwapo mo na, ang utak mo pa Fonse!!!
"Oo na po..." Kunwari ay
nagdadabog kong sagot. Umarte akong nanghihina habang papatayo sa upuan upang
kunin ang itinatago ko 'daw' sa kanya. Pagkagaling ko sa locker ko ay dumiretso
ako sa upuan namin para ibigay sa kanya ang bagay na 'itinatago' ko sa kanya.
Ingat na ingat kong itinago sa
likod ko 'yung bagay na iyon habang parang baliw na halos magtip-toe papunta sa
upuan.
Halos matae ako sa
excitement. At nang nasa upuan na ako, unti-unti akong umupo habang ingat
na ingat na hindi makita ni Chong ang hawak ko. Pagkaupo ko ay kaagad at
dahan-dahan kong inilagay sa mesa ni Chong ang dala ko...
"HAPPY MONTHSARY!!!!"
pabulong kong sabi sa kanya. Mahirap na dahil maraming tao sa paligid namin.
"Ano 'yan?"
"Bouquet ng flowers..."
"Oo, alam ko, pero anong
ginagawa niyan diyan..."
"Monthsary nga natin ngayon
diba, 'yan ang regalo ko sa'yo..."
Iniusog niya sa harap ko 'yung
bouquet ng bulaklak. "May cerebral palsy ka ba? Alam mo namang ikaw lang
ang nakaka-alam na bakla ako diba at wala akong balak na ipagsigawan sa buong
mundo 'yun. Tapos inaasahan mong tatanggap ako ng bulaklak mula sa'yo. Ano ako,
timang? Edi ipinagsigawan ko na nga sa mundong bakla ako. Kung simula't sapul
'yun ang balak ko, edi sana nagpagawa na ako ng tarpauline na nagsasabing bakla
ako at inilagay ko na lang sana 'yun sa harap ng campus..." Unti-unti na
naman niyang niyayakap ang sarili sa pamamagitan ng sariling braso.
"...buti pa sana kung chocolates 'yan, tatanggapin ko pa..."
Yun naman pala eh, chocolates pala
ang gusto niya...
Dali-dali kong hinugot mula sa
bulsa ko ang Toblerone at Kisses na binili ko, at buong saya, ngiti, at
pagpapa-cute kong ipinakita ito sa kanya.
Unti-unti lumambot ang expression
ng mukha ni Chong. Parang naawa, parang natouch. Sa muli, ibang Chong na naman
ang nakita ko, isang Chong na maawain at...
"....I changed my mind..."
....masungit, masungit pa rin.
Fuck.
"Wala ka man lang bang
tatanggapin dito kahit isa?"
"Tatanggapin ko lang 'yan
kapag naging house and lot 'yang mga iyan..."
Nanlumo ako. Eh halos na 1000 PESOS
ako sa bulaklak at chocolate, tapos hindi lang niya tatanggapin!
...At ang mas nakakalungkot,
hanggang ngayon, wala pa rin kaming matinong regalo sa isa't isa...
...At lahat 'yan ay kinimkim ko,
habang nakayuko at nalulungkot...
Lumiwanag ang mukha ko...
"Tatanggapin ko 'yang mga
iyan, KUNG, ibibgay mo 'yang mga iyan sa akin, sa harap ng DEAN natin..."
Ningitian ko lang siya, ningitian
na parang aso.
"NO...WAY..." Ba, maski
rin naman ako, ayokong malaman ng ibang tao ang kung ano mang relasyon ang
meron kami. Tapos ang gusto niya ibigay ko sa kanya 'tong mga tao sa harap pa
ng dean namin. Parang ibinaon ko na rin ang sarili ko sa lupa...
"Okay lang, hindi naman ako
ang magdadala ng bulaklak hanggang sa bahay nila mamaya. Mas lalong hindi naman
ako ang nag-aksaya ng pera. At at least, talagang napatunayan na ang paniniwala
ko all this time..." saka siya sumubo uli ng pagkain ng buong pag-iingat.
Teka, anong paniniwala ang sinasabi
niya. Na simula't sapul, pinaglalaruan ko lang siya. Na hindi ko lang matanggap
na hindi ko siya maamo kaya hanggang ngayon kinukulit ko pa rin siya. Na hindi
ko naman talaga siya ma...ma...mah...
Taydana! Bakit hindi ko pa rin
masabi!
Dali-dali akong tumayo. "Oh
halika ka na..."
Tiningnan lang niya ako pataas na
parang bata. Halata sa mata niyang nalilito siya. "'Wag mong sabihing ibibigay
mo talaga sa akin 'yang mga bulaklak sa harap ng College dean..."
"Tama ka, ibibigay ko nga sa
iyo itong mga regalo ko sa harap ng dean. Patutunayan ko sa'yong hindi lang ako
naglalaro. Patutunayan ko sa'yong mali 'yang paniniwala mo."
Tae, alam ko ba talaga ang ginagawa
ko...
"WEH???" sarkastiko
niyang tanong.
Mga fifteen steps lang ang layo ng
Dean's Office mula sa pinagkakainan namin, pero parang hagdan papuntang Grotto
ang dinadaan ko. Mahiral. Mahaba. Isang malaking fuck, bwisit...
Parang irregular na 'yung heartbeat
ko. Maski 'yung pawis ko, sinlamig na ng ice block. Sa bawat hakbang ko, parang
may nakasabit na weights at dumbell sa mga paa ko, napakabigat...
Puta, napasubo ako!!!
Huminto kami ng nasa harap na kami
ng salaming pintuan ng Dean's Office. Halos nararamdaman mo pa 'yung lamig mula
sa loob, pero hindi 'yun ang iniisip ko. Kung paano ko tatakpan ang mukha ko sa
loob ng walang hanggan ang bumabagabag sa isip ko...
At habang halos nagiging bato na
ako sa kaba sa gagawin ko, nanatili lang kalmado si Chong, nakatayong nakayakap
sa katawan ang mga braso habang kumukurap ng dahan-dahan, parang hindi ramdam
na halos 32° ang init sa labas...
Kaya ko 'to! Ipapamukha ko sa
kanyang mali siya, na hindi ako naglalaro. Ipapamukha ko sa kanyang mah...
"Oh, andiyan na pala 'yung
Dean eh..."
Taydana, pwede bang umurong na!!!
Malapit nga sa pinto ng office eh
nakatayo ang isang babaeng nasa fifty years old na, nakapusod ang buhok,
nakakulay blue na blazers at khaki na palda.
Ang College Dean namin, si Ma'am
dela Cruz.
"Oh, buhay ka pa ba..."
Busit! Pero kaya ko 'to! Makakaya
ko 'to! Para kay Chong! Para kay Chong!
Isa.
Parang hindi na tumitibok ang puso
ko. Nanlalagkit na ako sa malamig na pawis.
Dalawa.
Cool na cool lang si Chong.
Kitang-kita sa mata niya na hindi naniniwalang magagawa ko ang hinihingi niya.
Tatlo.
Unti-unti ng hinila ni Ma'am dela
Cruz ang bar para nabuksan ang salaming pinto. Lahat ng tao ay parabg
gumagawalaw ng slow-motion, parang humihinto sa paggalaw kasama ng oras.
GAME!!!
Pipikit na lang ako!!!
"FLOWERS FOR YOU!!!"
Di ko na magets yung story. Masyado nang magulo.
ReplyDeleteSiguro po kasi hindi niyo binabasa kada chapter tsaka nagskip-skip lang kayo ng paragraph. Foundation po kasi bawat present chapter yung previous chapter. Kapag nabasa niyo po yung kabuuan, saka niyo lang magegets yung jokes at yung mga puns na nasa kwento, kung bakit natuturete si Fonse kapag inuulit-ulit yung mga bagay tungkol sa recording, at kung ano-ano pa...
ReplyDeletePero pwede rin namang magulo na talaga ang kwento...XD
kelan po ulit update nito???? sana po di magtagal eh may update na grbe gnda ng storya :)
DeletePasensiya na ah, kasalukuyan kasi akong may summer job kaya baka medyo matagalan to...XD
Deletetlagang minarathon q pa to
ReplyDeletebwahaha
ganda ng kuwento, at sulit sa haba per chapter ah?
grabe komiko si fonse at ang weird ni chong. peo ang naiicp q, my taong gnun ba tlaga katalino at sa sobrang observant at pag-iicp eh nagagawang magbasa ng isip?
kung ako ang my mkaharap na ganyan.g nku ewan q lng kung d manginig ang mga tuhod q. ayokong makarelasyon ang gnyan, panira ng sorpresa at mystery ng pgkatao :/
bt anywan, ganda ng pgkaka buildup ng dlawang karater. isang hambog na napataob ng isa namang out of this world ang pag-iisip haha
sna mblis update hbng sariwa pa sa makakalimutan qng kaisipan ang kuwento mula chapter 1 xD
Sir, gustong-gusto ko po yung story nyo, honestly pasok sa top three ng all time best story na nabasa ko ito. Kakaiba kasi talaga, unlike any other stories na kapag gwapo ang charcter eh maagang bumibigay ung kapareha nya, but this time aba! ayos na ayos palong-palo, hirap na hirap siyang mapaamo ung kapareha nya, pinpkta lang nun na hindi laging "MUKHA" ang batayan hahahah..
ReplyDeleteBig fan din ako ng Seon Deok at Baker King, kaya medyo npnsin kong yun ang ngng insprtion mo dito "Pautakan at Pag-asa" :D
One more thing sir, ang sarap basahin nito, kasi hindi lang sa Sex umiikot yung relasyon nila :) super ganda talaga! like panalo!
-Goodbless po, hihintyn ko po yung next chapter!
-Kio
It's always nice na malaman na may kaparehas ka ng mga gusto...XD Wahahaha!!! Ang ganda kaya ng dalawang 'yan!!!
DeleteSir, gustong-gusto ko po yung story nyo, honestly pasok sa top three ng all time best story na nabasa ko ito. Kakaiba kasi talaga, unlike any other stories na kapag gwapo ang charcter eh maagang bumibigay ung kapareha nya, but this time aba! ayos na ayos palong-palo, hirap na hirap siyang mapaamo ung kapareha nya, pinpkta lang nun na hindi laging "MUKHA" ang batayan hahahah..
ReplyDeleteBig fan din ako ng Seon Deok at Baker King, kaya medyo npnsin kong yun ang ngng insprtion mo dito "Pautakan at Pag-asa" :D
One more thing sir, ang sarap basahin nito, kasi hindi lang sa Sex umiikot yung relasyon nila :) super ganda talaga! like panalo!
p.s naiinlove na ako kay CHOOOOOOONNNNGGGGGG! :D
-Goodbless po, hihintyn ko po yung next chapter!
-Kio
Sir, 19 pa lang po ako XD. Menalipo na lang, pwede ring Mr. Ultramar...
DeleteHmmmmm.
Delete19 years old ... at the time this was written.
Quite impressive, indeed, for someone that young.
And I was still "collecting my thoughts", discovering my life, and preparing myself for the loss that I knew was to come ... when I was 19. :-(
And here was someone ... already creating something that I will read ... in a future ... that is today.
I dare not read the mind of the Infinite ... but I can't help wonder the why of all this.
Gustong-gusto ko din po ito na story.
ReplyDeleteKinikilig ako. Ameyzing!
I love this! ^___^
Update po agad. Matagal ko po ito inantay. Salamat po!. ^.^
ganda nito!!swear.!!!kilig!!! galing mki connect ng writer sa readers :)
ReplyDeleteSir? any updates po? almost 1 month ko n pong hnhnty ung updates... :'(
ReplyDelete-Kio
grabe na miss ko yung chicken roll sa school namin... hala baka schoolmate kami nila punso at chonggo haha
ReplyDeleteAw. 😍😍😍
ReplyDelete