Followers

Thursday, April 25, 2013

CAMPUS TRIO 11-12


Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com

Kamusta po ulit sa inyo. Maraming-maraming salamat po sa mga taong patuloy na nagbabasa ng aking kwento, sa mga commentors pati na rin sa mga silent readers.

Inuulit ko po na welcome sa akin ang anumang negative comments or suggestions para mas mag-improve pa ako sa paglikha ng story.

Sa mga susunod na araw po ay ipopost ko na rin dito ang iba ko pang stories with some revisions also.

Happy Reading!


[11]
"Naks naman tol, talagang gumawa ka ng paraan para makasama mo na siya ah?" ang pagpuri ni Michael kay Bryan. Kasalukuyang kumakain ng meryenda ang campus trio sa kanilang tambayan.
"Siyempre naman kailangan kon gawin yun. Tignan mo naman kung gaano tayo ka-busy sa mga activities dito sa school. Hindi ako makatiis na puro bati lang sa kanya sa tuwing magkikita kami dito sa school gaya ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw." ang sagot ni Bryan.
"At least sa paraan mong iyon natulungan mo si Andrew at iyon ang nagustuhan ko sa iyo." si Troy.
"Salamat tol. Pero hindi pa ito sapat. Based on my observation sa kanya eh mailap pa rin siya sa akin at may pagkakataong sinusungitan pa niya ako which I dont like."
"Ito lang ang masasabi ko sa iyo tol, payo ko na rin bilang bestfriend. Iwasan mo ang mga bagay na maaring ikainis ni Andrew sa iyo. Baguhin mo na rin yung mga nakasanayan mo na ayaw niya."
"Grabe ka naman Troy kung makapagsalita ka parang hindi ka rin ganoon ah. Aaminin kong hindi ganoon kadaling magpakumbaba sa mga students kasi mababawasan ang pagiging astig ng campus trio sa university pero I will try to change para na rin kay Andrew."
"Talagang tinamaan ka na sa kanya tol. Pero hindi mo ba naisip ang magiging pagtingin ng mga students sa grupo natin kapag nalaman nila na ikaw ay nagkagusto sa kapwa lalaki."
"I think sa bagay na iyan wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Future life ko ang nakasalalay dito. Of course gusto kong maging masaya at yun ay ang makasama ko si Andrew."


"I agree." ang naging kumento ni Troy sa mga pahayag na iyon ni Bryan. Lingid sa kaalaman niya na noon pa man simula nang magkagusto siya kay Andrew ay ganito na rin ang naging pananaw niya. Ngunit sa sitwasyon ngayon napagdesisyunan niyang magpaubaya na lang sa kanyang bestfriend.

Teka pala Troy, ano nga pala yung reaksyon ni Andrew nang malaman niya ang offer?" ang tanong ni Bryan.
"Sobrang masaya at tinanggap na daw niya ito. Yun lang."
"Sa ngayon lang yan, what if kapag malaman niya na ikaw ang may pakana lahat nito." si Michael.
"Hindi ko naman sinabi sa kanya iyon. Ang alam lang niya na ang kapatid ng tuturuan niya ay student din ng university. Si Bryan na ang bahala sa kanya kapag nalaman niya,"
______
Oras na ng breaktime ng klase nina Andrew. Sabay-sabay silang magkaklase na naglalakad papunta sa canteen. Sa malayo pa lang ay kapansin-pansin na ang umpukan ng mga tao doon.

"Bilisan natin may sinasabi si Bryan sa loob!" ang pagsigaw ng isang estudyane na nakakuha ng atensyon ni Andrew.
"Narinig mo yun Andrew tara!" si Dina sabay hila sa kanya papasok sa loob.

At nang makarating ay nakita agad nila si Bryan na may kausap na dalawang babae. Kinilatis niya ang mga ito at napagtanto niya na ito rin ang mga babaeng pinahiya niya sa court nung nakaraan.
"I just want to apologize sa mga nagawa ko sa inyo nung nakaraan. I know that youre still mad at me at nakahanda ako sa anuman ang magiging consequence na papagawa niyo sa akin."

Halos lahat ng mga naroon ay nabigla sa naging aksyon na iyon ni Bryan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakia nila ito na humingi ng paumanhin sa mga taong nagawa niya ng hindi maganda.

"Its already past Bryan. Hayaan mo na yun." ang sagot naman ng isang babae na medyo namumula na ang pisngi.
"Are you sure?"
"Oo naman. Sapat na yung ginawa mo ngayon para mapatawad ka namin."
"Salamat. I promise na I will never do that again."

Nagkangitian silang tatlo.

Napangiti si Andrew sa kanyang nakita. At mas naging todo pa ito sa sumunod na eksena.
"Listen schoolmates." ang malakas na boses ni Bryan. "Taos puso akong humihingi ng sorry kung hindi ako naging mabuti sa inyo lalo na sa mga taong napagtripan ko. Hayaan niyo po na hindi ko na ulit iyon uulitin pa."

Halos lahat ng estudyante doon ay napalakpak at napasigaw ng pangalan nito dahil sa pagkabilib sa ginawa niyang iyon. Ganoon na rin ang naging reaksyon ni Andrew.

Maya-maya lang ay lumapit na ito sa kinaroroonan niya at binulungan. "Hayan. Para sayo ginawa ko ito. Siguro naman mababago na ang tingin mo sa akin."

Kahit pabulong ay naramdaman ni Andrew ang sinseridad at pagiging seryoso sa boses nito. Pero may agam-agam pa rin siya kahit papaano na baka palabas lang niya ito.
_________
Pagkauwi ni Andrew kinagabihan ay masaya niyang binalita sa ina ang alok sa kanya. "Mano po. Nay may balita po ako sa inyo."
"Anak mukhang maganda yan  kasi ang saya mo eh. Sige ano ba yan?"
"Magkakaroon po ako ng part time na trabaho, alok sa akin ng isa sa admin ng university."
"Talaga mabuti naman kahit papaano ay mababawasan na ang problema natin sa pera anak."
"Oo nga po nay kaya nung kinausap ako ni dean kanina ay tinanggap ko na agad."
"Ano ba yang sinasabi mong trabaho?"
"Tutor ng isa niyang anak."
"Kung gayon maswerte ka anak." ang masayang sambit ng ina ni Andrew. "May awa pa rin ang Panginoong Diyos sa atin."
"Opo nay. Bukas pala pagkatapos kong mangalakal pupuntahan ko yung address na ibinigay sa akin para makilala ko na rin yung tuturuan ko at malaman ang iba pang detalye."
"Sige anak. Halika na at maghapunan na tayo." ang huling pahayag ng ina matapos makapaghain.

Abala sa pagkain ang mag-ina nang may marinig silang pagkatok mula sa pintuan.Si Andrew na ang nagkusang magbukas nito. At laking gulat niya sa taong bumungad sa kanyang harapan.

"Good evening Andrew." ang nakangiting nito sa kanya. Halatang dito ito dumeretso dahil nakasuot pa ito ng uniporme ng kanilang school.
"Anong good sa evening, naging bad na sa pagsulpot mo dito. Teka nga ano ba ang ginagawa mo dito." ang tugon ni Andrew sa taong bumati.
"Binibisita ka."
"Bakit naman?"
"Siyempre namiss kita. Ilang araw din tayong hindi nagkasama tapos sa school kapag bumabati ako sa iyo hindi mo naman ako pinapansin."
"Ows di nga. O yan nakita mo na ako nabisita kaya pwede ka nang umalis."
"Pinagtatabuyan mo na naman ba ako. Sana man lang maappreciate mo ang effort ko na puntahan ka dito. Halos maligaw na nga ako eh at kung sinu-sino pa ang pinagtatanungan ko. Hinabol pa ako ng aso."
"Kasalanan mo na yan, hindi ko naman sinabi sa iyo na puntahan mo pa ako dito. Buti nga sa iyo hinabol ka sana nakagat ka na rin."
"Ouch naman ang sakit nun ah." ang umaarteng sagot nito na tila nasaktan talaga. Gusto mo pala akong mapahamak. Grabe ka talaga Andrew."
"Ewan ko sa iyo. Sige umuwi ka na masyado nang gabi."
"Talagang pinapaalis mo na ako. Nandiyan ba si nanay?"
"Oo nandito siya. Teka nga bakit nanay ang tawag mo sa kanya."
"Dahil magiging nanay ko na siya in the future."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala, so hindi mo ba talaga ako papasukin.
"Hindi, wala ka naman mahalagang pakay dito."

Nabigla na lang si Andrew sa sumunod na ginawa ni Bryan.
"Magandang gabi po nanay, ayaw akong papasukin ng anak niyo oh." ang pagsigaw nito na nasusumbong.

"Andrew sino yan?" ang tanong ng ina nito. Tumayo siya at tinungo ang kinaroroonan ng anak. "Oh Bryan napadalaw ka. Ikaw naman anak bakit ayaw mo siyang papasukin, ganyan ba ang tamang pagtrato sa bisita."
"Hindi naman bisita yan bwisita." ang bulong sa sarili ni Andrew.
"Oo nga po nay, pinagtatabuyan niya ako eh wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Parang hindi namn lang niya na appreciate yung ginawa ko kanina sa school."
"Naku iho pagpasensyahan mo na ang anak ko ha. Hayaan mo at sasabihan ko siya. Halika pasok ka na."

Wala nang nagawa si Andrew sa mga oras na iyon kundi ang tignan ang nakangising mukha ni Bryan habang naglalakad papasok ng bahay.
"Kumain ka na ba iho, halika sumabay ka na sa amin."

Dumako si Bryan sa kinakainan ng mag-ina. Maya-maya lang napansin nila na nakatingin lang siya sa kanilang kinakain. Sa tingin ni Andrew ay hindi nito gusto ang kanilang ulam.
"Bakit iho busog ka pa ba?" ang tanong ng ina ni Andrew.
"Hindi niya gusto ang ulam natin nay. Puro masasarap kasi ang kinakain ng anak mayaman na yan." si Andrew.

Sinulyapan saglit ni Bryan si Andrew at umupo sa katabing silya nito.
"Ano po ito nay?" ang tanong niya sa ina ni Andrew.
"Adobong kangkong iho."
"Ah ito po"
"Sardinas na ginisa."
"Ganoon po ba"
Agad namang sumabat si Andrew. "Tignan niyo nay hindi niya talaga gusto yan, kaya hanggang tanong na lang siya."
"Anong hindi ko gusto? Masarap kaya ito."
"Talaga lang ha."
"Oo naman Andrew. Kahit ano kinakain ko."

At nagulat na lang si Andrew sa sunod na ginawa nito. Nagsandok na ito ng kanin at ulam at nagsimulang kumain.
Pinagmamasdan naman siya ni Andrew habang kumakain. Hindi niya inaasahan na gaganahan ito sa ganoong klaseng mga pagkain.
"Mabuti naman at nagustuhan mo iho kahit alam kong malayo ito sa mga kinakain ng mga tulad niyong mayayaman."
"Opo nay masarap pala."
"Salamat iho.
______
"Sarap pala ng pagkain niyo Andrew." ang sabi ni Bryan matapos nilang kumain.
"Bolero. Alam kong pinagtyagaan mo lang kainin yan sus." ang pahayag ni Andrew.
"Totoo sinasabi ko."
"Oo na lang."
"Hehe... Siyanga po pala nay magpapaalam po sana ako kung pwede makitulog dito." Si Bryan na nanghihingi ng permiso sa ina ni Andrew.
"Oo naman . Welcome ka sa pamilya namin di ba anak?" ang sagot ng ina sabay baling ng tingin kay Andrew.

Napansin naman ni Bryan ang alanganing pagtungo ni Andrew.
"I think nanay na ayaw ni Andrew. Kung alam niyo lang po kung gaano ako nasasaktan kapag sinusungitan niya ako. Lahat naman ng mabuting bagay ginagawa ko sa kanya."

"Anak naman bakit ka ganyan sa kanya. Mapalad ka na nga at may ganitong  kaibigan ka."
"Hindi naman ako galit sa kanya nay." ang katwiran ni Andrew.
"Tignan niyo po nay nakasimangot pa rin oh." ang sumbong ulit ni Bryan.
"Ito lang ang mapapakiusap ko sa iyo anak. Nakikita ko naman kay Bryan na mabuti siyang tao kaya sana suklian mo naman ito ng kabutihan din. Pakitunguhan mo naman siya ng maayos." ang pangaral naman ng nanay nito.

Wala nang nagawa pa si Andrew kundi ang tumungo. Tumingin naman siya kay Bryan na nakangiti sa kanya ng nakakaloko. Napabuntung-hininga na lang siya.
"Si nanay naman kung makapagsalita naman eh kakakilala lang niya sa tao." sa isip ni Andrew.

"O siya ngapala iho doon ka na sa silid ni Andrew matulog ayos lang ba sayo?"
Nabigla si Andrew sa narinig. "Hindi pwede nay."
"Ah ok po nay doon na lang ako sa silid niya, wala namang problema sa akin."
"Sige. anak asikasuhin mo ang bisita mo ha. Ako na ang bahalang maghugas ng pinagkainan natin."
_________
"Wow, I cant believe this. Kasing laki lang pala ng bathroom ko ang kwarto mo sa bahay namin dito." ang natatawang pahayag ni Bryan pagkapasok sa kwarto ni Andrew.

"Sabi ko na nga ba kaya ayaw kitang patuluyin dito. Sige ikaw na ang may magandang kwarto."

Sa halip na sumagot ay nagpatuloy si Bryan sa pagmamasid sa silid.
"I think this is your father right?" ang sabi nito nang mapansin ang picture frame sa ibabaw ng maliit niyang study table.
"Oo at matagal na siyang patay."
"Ah ok. Im sorry to hear that. Ahm, ang talino mo talaga ano." ang puna pa nito sa mga trophy, medal at awards na nakasabit sa pader.

"Dito ka na lang sa kama matulog. Pagtiyagaan mo na lang kung matigas ito. At huwag mo akong sisisihin kapag sumakit yang likod mo kinabukasan." ang pag-iiba ng usapan ni Andrew. Naalala niya kasi ang itsura ng kama ni Bryan sa kanyang  resthouse sa Baguio.
"Ok lang sa akin Andrew kahit saan ako matulog basta magkatabi tayo."
"Hindi pwede. Doon na lang ako sa kama ni nanay."
"Oooopsss. Remember yung sinabi ko sayo di ba nung nasa resthouse tayo." ang pagpapaalala sa kanya ni Bryan.
"Dapat pagbigyan mo na ako ngayon."
"Seryoso ba talaga siya sa sinabi niya?" ang tanong ni Andrew sa kanyang sarili. May parte ng utak niya ang nagsasabi na pumayag sa gusto niya.
"Basta tatabi ka sa akin sa ayaw mo't sa gusto ok. Teka shower muna ako. Pahiram muna ng damit at twalya Andrew."
"Ano, pupunta ka dito at makikitulog tapos wala kang dalang damit? Hindi magkakasya ang mga damit ko sa iyo."
"Ok lang sige na."
"Oo na." Wala nang nagawa si Andrew kundi pahiramin siya."Doon ang banyo sa may bakuran."

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na ulit ng silid si Bryan na nakatapis lang ng twalya. Napapalunok na lang siya ng laway sa taong nasa kanyang harapan ngayon. Muli ay nakita niya ang hubad nitong katawan na mamasa-masa pa. At ang mas lalong nagpatulala sa kanya ay ang nakaumbok nitong harapan na nakakubli sa tapis nitong twalya.

"Teka bakit walang brief?" ang tanong nito nang mapansin nito na short lang at lumang t-shirt ang ibinigay sa kanya.
"Ha ah eh ano... Teka nga nag-iisip ka ba hindi naman hinihiram ang underwear."
"Ang damot mo naman. Sige na, malinis naman ito wala akong sakit. Hindi lang ako sanay matulog ng walang suot eh.
"Oh ito sana magkasya sa iyo yan."

Sinuot na ni Bryan ang pinahiram  ni Andrew. At doon na nagsimulang makaramdam ng kung anong init at pagnanasa sa sunod niyang nakita. Nakapamewang si Bryan habang nakalantad sa kanya ang mas bumakat nitong pagkalalaki dahil sa liit ng size ng brief na suot nito na halos halata na ang hubog nito at ang mga buhok na umaawang na sa bandang itaas ng garter.
"Medyo maliit nga. Pero hindi pa naman nasasakal si junior ko." ang sabi pa nito.

"Andrew ayan ka na naman. Mali yang ginagawa mo." ang nasabi na lang niya sa di maipaliwanag na nararamdaman sa tuksong nasa harapan niya ngayon. Ayaw din kasi niyang malaman ng kasama niya ang tunay nitong pagkatao.

Itutuloy...


[12]

Patuloy pa rin sa pagbibihis si Bryan at si Andrew ay nananatiling nakamasid sa kanya. Lingid sa kaalaman nito na nahalata ni Bryan ang pagtitig nito sa kanya at sinadya talaga niyang gawin iyon sa harap niya.

"Ayos to ah, fitted talaga sa akin." ang sabi nito matapos isuot ang pinahiram na damit ni Andrew.

Kitang kita naman ni Andrew na tila puputok na ang suot nitong lumang t-shirt na puti dahil sa kaliitan. Bakat na bakat talaga ang laki ng pangangatawan nito. Nang mapadako ang tingin nito sa ibaba ay napansin niya na nakaumbok pa rin ng pagkalalaki nito.

"Ui! tulala ka na jan may problema ba?" ang tanong ni Bryan kay Andrew na nagkunwaring walang kaalam-alam sa ginagawa nito."
"Wa..wa..wala. Inaantok na kasi ako." ang alibi ni Andrew sabay hikab ngunit nang tignan niya ang kausap ay bigla itong natawa sa kanya.
"Pinagtatawanan mo ba ako?" ang naitanong ni Andrew sa kanya.
"Hindi ikaw kundi yang pagsisinungaling mo. Gawain mo rin pala yan eh. Nagagalit ka pa sa mga sinabi ko sa nanay mo ah."

Natauhan na si Andrew sa sagot nito at nagsisimula na naman siyang mainis kay Bryan.
"Ako sinungaling? Tsk. tsk.tsk."
"Oo, ayaw mo kasing umamin."
"Anong ibig mong sabihin ha?"
"Na pinagpapantasyahan mo ako. Halata ko naman sa mga nagnanasa mong mata. Hindi na bago sa akin yan."

Hindi agad nakapagsalita si Andrew dahil sa totoo naman ang sinabi nito. "Kung bakit ka kasi nagpahalata Andrew. Oo nga naman, madali nga niyang makilatis ang mga taong may pagnanasa sa kanya dahil sa dami ng mga nagkakagusto sa kanya sa school." ang nasabi niya sa kanyang sarili.

Bigla namang nilapit ni Bryan ang mukha niya sa nakaupong si Andrew. "Kita mo namumula ka na oh. Sabi ko na nga ba aminin mo na kasing may gusto ka sa akin."

Hinawakan naman ni Andrew ang magkabila niyang pisngi. "Hindi ah, at saka ang kapal naman ng mukha mo. Ano naman palagay mo sa akin?"

Umupo na si Bryan sa tabi ni Andrew at inakbayan ito. "Natural lang na itago mo sa akin yan. Pero I will assure you one thing. Wala akong pakialam sa kung anuman ang sexual preference ng isang tao. So kung anuman ang kinakatakot mong malaman ko ay ngayon pa lang tanggalin mo na yan dahil ayos lang sa akin."

Kahit maganda ang sinabi ni Bryan ay hindi nito mapaniwalaan ng buo ni Andrew. Napakaimposible talaga kasi sa tulad ni Bryan ang magbitaw ng ganoong mga salita. Kaya may mga pagdududa pa rin siya sa kabila ng pagkahumaling niya sa kanya.

"Teka nga ano ba talaga ang ginagawa mo dito?" ang naitanong na lang ni Andrew sa kanya. Medyo ginalaw na niya ang katawan kay Bryan upang maalis ang pagkakaakbay nito sa kanya.

Ngunit mas lalo pang hinigpitan ni Bryan ang kanyang akbay na halos nakayakap na ang braso nito sa katawan ni Andrew. "Ulyanin ka na ba Andrew. Siyempre sasama ako sa trabaho mo di ba?"

Nagulat naman si Andrew sa sagot nito. Wala naman siyang nakakalimutan na sinabi niya iyon ngunit di niya akalain na seseryosohin talaga nito iyon.
"Hindi bagay sayo yun."
"Dahil ba sa estado ng buhay ko. Pwede naman siguro na alisin mo na yan sa utak mo Isipin mo na lang na pantay-pantay ang lahat. Walang mayaman o mahirap.
"Bahala ka tignan lang natin kung makakatagal ka." ang tugon nito.
"Ako pa Andrew. Kahit anong bagay hindi ko inaatrasan. Kanina nga lang diba yung ginawa ko sa school. Para sayo binaba ko yung pride ko mapatunayan lang na karapat-dapat ako sayo."
"Ows. Pero sa totoo lang hindi ko inaasahan na gagawin mo yun. At talagang napabilib mo ako dun. Siguro mga 80%.
"Wew bakit may rate pa. At saka ano naman yung 20%?
"Yung pagdududa ko. Malay ko ba kung palabas mo lang yun o pakitang tao lang."
"Grabe ka talaga Andrew. Di ka pa rin talaga lubusang nagtitiwala sa akin. Lahat naman ginagawa ko na eh. Nagpapakabait na ako tapos nakikibagay pa ako sa buhay niyo tulad na lang ng pagkain ko ng ulam niyo nung hapunan."
"Siyempre napilitan ka lang dahil nahihiya ka kay nanay."
"Hindi ganoon yun Andrew. Ginawa ko lang iyon dahil may nais akong patunayan. Isa pa nasarapan din naman ako sa luto niya eh."

Napaisip si Andrew sa una nitong sinabi. " Ano naman yung dapat mong patunayan?"

"Alam mo na dapat yun Andrew. Tara na matulog na nga tayo." ang sabi na lang nito sa kanya.

Humiga na si Bryan sa plywood na kama ni Andrew na nilatagan ng banig. Napansin naman ni Bryan na nakaupo pa rin si Andrew.

"Higa ka na." ang sabi nito habang nakataas na nakaunan ang ulo sa nakataas niyang braso.
"Dali, dito ka na sa dibdib ko umunan. Pwede mo na rin akong gawing tandayan."

Ngunit hindi pa rin humihiga si Andrew kaya si Bryan na ang naghatak sa braso nito para humiga.
"Yan Good."

Ilang minuto ang nakalipas nang makatulog na si Andrew sa kanyang posisyon. Samantalang si Bryan naman ay gising pa, dinadama ang taong nasa tabi niya ngayon at nakayakap sa kanya. Napapangiti siya at nagugustuhan niya ito.
"Sana  palagi tayong ganito Andrew." ang sabi niya sa kanyang sarili habang hinahaplos ang buhok nito.
"Ang sarap sa pakiramdam na makatabi kita." ang sab iniya sa kanyang sarili.
______
Alas kwatro ng umaga nang magising si Andrew kinabukasan.  Agad siyang napabalikwas mula sa pagkakahiga nang mapansin niya na nakayakap pala siya at nakadantay sa katabi niyang si Bryan.
"Naku napasarap ang tulog ko nakakahiya sa kanya." sa isip-isip ni Andrew. At nang makita niyang mahimbing pa rin itong natutulog ay nakahinga siya ng maluwag.

Sa halip na gisingin ay sinamantala na niya ang pagkakataon upang pagmasdan ang kanyang kabuuan. Nahuhumaling na naman siya sa mukha nitong natutulog na mistulang isang anghel. Ang bed look nitong buhok ang lalong nagpagwapo sa kanya. Marahan niyang pinisil ang maskulado at matigas nitong braso. At higit sa lahat ang pagkalalaki nito na mas lalong lumaki ang umbok marahil ay tumigas ito. Parang gusto na niyang salatin iyon ngunit minabuti na lang niyang pigilan ang sarili sa tukso na iyon. Mahirap na baka mabisto na siya nito tungkol sa kanyang sexuality. Minabuti niyang gisingin na lang ito.

"Bryan gising na." ang malakas na pagyugyong niya dito.
"Andrew maaga pa ah." Umupo na ito mula sa pagkakahiga at nag-unat ng braso at nagkusot ng mata. "Madilim pa." ang dagdag nito sumulyap ito sa bintana.

"Kailangang ganitong oras ako gumising, at saka may importanteng lakad ako mamaya. Tara na tumayo ka na dyan."

Lumabas na si Andrew ng silid. Samantalang si Bryan ay nanatiling nakaupo. "Ganito pala ang ginagawa niya araw-araw. Kulang na sa oras ang tulog niya kaya siguro ganoon ang pangangatawan niya." sa isip ni Bryan. "Kahanga-hanga siya."
______
"Medyo malayo ang lalakarin natin papuntang subdivision. Alam ko namang kaya mo, isipin mo na lang na exercise ito." ang pahayag ni Andrew habang naglalakad sila sa kalsada. Tumango ito sa kanya.
"Teka nga pala, nasaan pala yung kotse mo."
"Hindi ko na dinala, nagpahatid na lang ako kay Michael dito."
"Ah ok."

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa subdivision.
"Magandang umaga po Manong guard." ang masiglang pagbati ni Andrew sa gwardya ng lugar.
"Magandang umaga din. May kasama ka pala."
"Ah si..." ang pagpapakilala sana ni Andrew nang putulin ito ni Bryan.
"Ako si Bryan, bestfriend po ni Andrew."
"Ah. Sa tingin ko hindi ka mangangalakal, parang mayaman ka kasi." ang puna ng gwardya sa itsura ni Bryan.
"Sige po Manong mangongolekta na kami baka malate ako sa pagpasok." ang pag-iiba na lang ng usapan ni Andrew.

Isa-isang hinalungkat ni Andrew ang mga basurang nakalagay sa mga trash can sa bawat kabahayan doon.
"Ano ba ang mga kinukuha mo dyan?" ang tanong ni Bryan na nag-oobserba sa ginagawa ni Andrew.
"Mga bagay na maibebenta sa junk shop."
"Meron pa ba nun jan eh puro naitapon na yan dahil useless na."
"Oo, tulad ng mga lata, papel, dyaryo at bote. Binibili ng junkshop ang mga iyon dahil narerecycle."
"Ah. hindi ka ba nandidiri jan."
"Alam kong itatanong mo iyan sa akin. Sanay na ako dito, sa panahon ngayon dapat hindi ka na mamili sa trabaho mo, ang importante marangal ito. Nakapalaking tulong sa akin ang perang kinikita ko dito dahil nagagamit ko bilang baon sa pagpasok. Sa estado ng buhay namin ni nanay, kailangan talagang kumayod." ang seryosong tugon ni Andrew.

Lubos na humanga si Bryan sa pahayag na iyon ni Andrew. Hindi pala biro ang routine nito sa umaga bukod sa kanyang pag-aaral. Sa kabilang banda ay naaawa siya dito kaya naisip niya na tama lang ang ginawa niyang kunin ito bilang tutor ng kanyang kapatid nang sa gayon ay matigil na ito sa ganitong kahirap na trabaho.

Tumulong na rin sa paghahanap si Bryan.

Habang nilalagay ni Andrew ang mga kalakal sa kariton ay sumusulyap siya sa kanyang kasama. Natatawa siya sa paraan ng paghawak nito ng mga lata at ang pag-amoy sa kanyang mga kamay na tila nandidiri.

Sa panig naman ni Bryan, kahit nandidiri sya sa kanyang mga hinahawakan ay tiniis niya ito para matulungan lang si Andrew.
Maliwanag na nang matapos sila sa pangongolekta. Bago sila pumunta ay isa-isa nilang inapakan para mapipi ang mga bote at lata. Natatawa pa rin si Andrew sa tuwing dumadaplis sa paa ni Bryan ang mga tin cans na pinipipi nila kaya tumatalsik ang mga ito.
"Ako na nga ang gagawa niyan."
Ako na kaya ko to." ang pagtutol ni Bryan  "Teka kailangan pa bang gawin ito?" ang tanong ni Bryan sa kanya.
"Siyempre naman para mabigat sa timbang.  Depende kasi sa bigat ang ibabayad ng junkshop.
"Ganoon pala ibig sabihin mababa lang ang kita kapag magaan?"
"Oo naman."

Nang matapos ay naglakad na sila papuntang junk shop.
"Ako na ang magtutulak Andrew." ang alok ni Bryan nang mapansin na medyo nabibigatan si Andrew sa  laman ng kariton na malaking itim na plastik na naglalaman ng kanilang nakolekta.
"Ang gaan pa nito ah. Mas mabigat pa yung mga weights na binubuhat ko sa gym." ang sabi nito

"65 pesos lahat." ang sabi ng may-ari ng junkshop matapos kwentahin ang lahat ng kalakal. Binigay na nito kay Andrew ang bayad.

"Halos tatlong oras ka nagtrabaho ganyan kaliit lang ang kinita mo?" ang komento ni Bryan habang naglalakad na sila.
"Ganoon talaga at least meron di ba. pangbili na rin ito ng bigas." ang nakangiting tugon ni Andrew.
"Dapat talaga tumigil ka na sa trabaho mong ito ngayon pa at magkakaroon ka na ng part-time job na pagtutor."
Napatingin si Andrew sa kanya. "Teka paano mo nalaman?"

Itutuloy...


31 comments:

  1. Ahahaha para talaga akong ewan tawa ng tawa sa kakulitan ng dalawa. Wagas ang peg ni Bryan kay Andrew. Bilib na ako kay Bryan. Kilig much ang peg!

    Teka, ginawa ba ni Bryan dun sa orig posting yong paghingi ng sorry sa mga studs? parang di ah. ayon mas mabuti at may konting revision which added much kilig pa. astig!

    Iba rin talaga Kuya D ang atake mo which I like most. Ikaw na!

    Suggestion ko lang dagdagan mo pa ng emosyon ang bawat serious scenes. By then, ibang level ka na haha

    ReplyDelete
  2. Bitin naman ako doon sa pagtulog nila. Wala man lang nangyaring something something or sapin sapin lol...(-.-)

    Mr. DJ

    ReplyDelete
    Replies
    1. Juice ko Mr. DJ, wag muna kasi pakipot pa nga. Ang hilig mo lang talaga haha

      Delete
  3. yes.... ganda ng salubong sa araw ko ah at may update agad... thanx mr. daredevil.....

    basa mode muna...

    Krishjohn of dubai

    ReplyDelete
  4. ,,yes una ako, thank you for the daily update, kaabang abang a nice story,,, keep it up dude


    jeddah ksa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aip sori mr. jeddah kasi mas nauna ako sa yo. worth it din ang every now and then kong pagsisilip hehe (tawa mode:-)

      Delete
    2. ,,akala ko po mr lim ay ako ang una kasi wala pang comment kanina, lol, ikaw pala ang nauna hehehe, ok lang jun

      Delete
    3. ahaha kasi on hold muna ang peg dito subject for approval. nganga rin tayo if di papasa sa standard nila.

      cge lang next time baka ikaw na ang mauna haha

      Delete
  5. THANK U SO MUCH DAILY UPDATE SANA GANITO NA FOREVER.

    NEXT NA PLS.

    ReplyDelete
  6. hala saan na si edwin p? kinarir talaga ang pananahimik nya haha. sori na po friendship slight nalang kitang ookrayin (bait baitan mode(--;)

    ReplyDelete
  7. Replies
    1. For the mean time lang daw yon Lyron. Sana next week for public viewing na.

      Delete
  8. Wow..kahahanga-hangabg obra.sobrang nakakakilig! Ayos! Panalo! Galing mo tlg mr. Author..wula k paring kupas! Astig!!!!!!!!

    ReplyDelete
  9. Tsk tsk tsk wala talaga sa ayos itong si Bryan. Ang bagal naman kahit katabi at nagyakapan na ay wala pa ring nangyari? Parang di yata interesting. Kulang ng torid scenes.

    FMG

    ReplyDelete
  10. Panalo at ang ganda! Kaabang abang!

    ReplyDelete
  11. Nice review.
    Basa basa rin kung may time.

    ReplyDelete
  12. So funny...hanggang tingin ka na lang ba andrew? poor boy. haist!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hinimatay na bga xa hahaha
      vitamin A lang ang peg!

      Delete
  13. For me i like the story nabasa ko kasi ito via wattpad and reach a thousand of reads and likes repost mode lang si author dito im waiting for entry 28.. Gosh ano na kaya nangyari kay bryan baka nagpakasal na siya sa buhang sarah na un... i like this story tlga very unique at ordinary love story with a twist.. parang romeo si bryan at andrew si juliet sanafairy tale ang ending nito.. author sa lahat ng boyxboy love story na nabasa ko eto talaga ang pinaka maganda .. More power to you author! :) <3

    ReplyDelete
  14. NICE STORY TLG...VERY LIGHT PERO NAKAKAKILIG

    ReplyDelete
  15. naawa ako kay troy hehe pero ok lang kahit sino piliin ni andrew atleast may nagawa siyang mabuti sa dalawa :) love your story Mr. Author isang upuan ko lang yung chapter 1-12 mo hehehe

    ReplyDelete
  16. i love the story mr. author ganda ng pagkakagawa...kinikilig ako hahahhahaaha

    ReplyDelete
  17. Bakit wala pa pong update? :(

    ReplyDelete
  18. aip walang posting ngaun?

    ReplyDelete
  19. waiting for chapter 22
    thnks daredevil tagal kong hinintay ito

    ReplyDelete
  20. Waaaaaaah i love this story!

    - gavi

    ReplyDelete
  21. kelan po ang susunod na part, nakakabitin kc

    ReplyDelete
  22. hayzt! baka bigla na namang mag.evaporate abg author na walang pasabi. so sad:-(

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails