Followers

Wednesday, April 17, 2013

Mahal Mo Ba Ako? - 8


_______________________________________

Iyon na ang huling araw na nakita ko si Rey at Evan hanggang natapos ang sem. Siguro nga hindi ko na sila makikita kasi major na lahat ng subjects namin pagtapos nun. Kaya lang nakakamiss si Evan dahil sa kakulitan. Noong bakasyon nagtext lang si Evan ng ilang beses at nangangamusta lang at kinakamusta daw ako ni Rey.

_______________________________________

Chapter 8 – LIGHTS, CAMERA, ACTION!

Mabilis natapos ang semestral break na parang nakakainis lang kasi nga halos di mo naman ma-enjoy. Balik aral na naman uli. Maaga akong nakapag-enroll that time at nalula ako sa mga subjects na offered sa amin. Anim ang major subjects na binigay sa akin to catch up sa mga subjects na na-miss ko dahil nga shifter ako.

Nagsimula ang semester na tulad ng dati. Boring! Pagpasok ko sa first class ko sa umaga sa Public Health ay nakakita ako ng isang babaeng jolly. Halos tatalbog-talbog kasi dahil medyo bilugan pero may kagandahan. Nagpakilala siya agad sa akin. Siya daw si Lady Salazar. Mabilis kaming nagkasundo at napalitan na ang nanay Letty ko dahil graduate na din siya.

Sa loob ng dalawang linggo ay halos di na kami mapaghiwalay ni Nanay Lady dahil sa kakulitan niya na nag-eenjoy ako. Isang araw habang kami ay nasa gitna ng pagmemeryenda sa tabi ng campus ay kinukulit niya ako sa isang bagay.

“Anak sumali ka na!” Si Nanay Letty.

“Ngeks! Bakit ako? Wala naman akong alam sa mga ganyan”, sagot ko.

“Alam ko kasi na kaya mo tsaka nasa itsura mo kasi.”

“Hindi ko nga gusto yung ganun tama na nagsasayaw ako.”

“Sasamahan naman kita doon eh”, pangungulit niya.

“Bakit kasi sa dinami-dami ng pagsasabakan sa akin eh sa teatro pa ‘Nay?” tanong ko.

“Kasi nga bagay sa iyo yung role ‘Nak. Tsaka kaya mo naman kasi papapilit ka lang” hindi na talaga siya tumigil

“Oo na ‘Nay sige na basta kailangan ipagluto mo ako ng Chicken Curry ah. Iyon ang kapalit nun” sabi ko na lang.

“Sus Oo naman ‘nak yun lang pala eh” natuwa na siya. “Gusto mo mamaya na ipagluto na kita pagtapos ng workshop?”

“Ano ka weekly yan hanggang matapos yung play” then something rang a bell, “Mamaya? As in mamaya na ang workshop? Hindi nga ako nag-audition eh?”

“Oo ‘nak mamaya nay un. Hindi mo na kailangan mag-audition malakas ata ako sa director kaya pasok ka na kaagad” mas lalo pang lumapad ang ngiti niya na kahit sampalin ko ata ay hindi mawawala.

Wala na naman akong nagawa kasi nga inabangan na talaga niya ako sa huling subject ko. Naghintay siya sa may stairs ng 3rd floor ng building namin na siyang daanan lang palabas doon. Dire-diretso na kami sa room na ginagamit ng Theatre Ministry ng college namin.

Pagdating namin dalawa doon wala pa ang director ng play at tanging mga old members pa lang yung nandoon. Ipinakilala niya ako sa mga nandoon na. Si Kuya Alvin, yung Mr. CAHS, si Ate Cherry, at si Kuya Joey.

“Ikaw pala yung Ignis,” kamay sa akin ni Kuya Alvin.

“Huh?!” taka kong tanong. “Bakit ako kilala nito? Ako kilala ko siya dahil siya yung sumali sa pageant eh paano niya akong nakilala samantalang ngayon pa lang kami talaga nagkita?” tanong ko sa isip.

“Naikwento ka kasi ng tropa ko. Mamaya darating na din yun,” sabi na lang niya.

May mangilan-ngilan ding dumating na sa tantya ko ay bago din kasi nakamukmok lang sila sa sulok. Pumasok din ang tropa kong si John at Edward na nakilala ko sa cheering. Nagkakwentuhan muna kami ng konti ni John bago pa man lang dumatin yung director namin.

“Ako si Greg Consolacion. Instructor din ako dito sa CAHS at ako ang director ng play na ito. I want you guys to be very comfortable to one another at masaya ako na nandito kayo. Ang play natin ay gawa ng isang sikat na manunulat na nanalo sa Palanca Awards. This will be a competition for the whole university. Dati-rati kasi for the purpose of gaining school funds lang ito pero ginawa nilang competition to see whether there is improvement sa nature ng play. Ngayon lang ako makakaranas na mag-play na hindi ko akda ang script pero sana tulungan ninyo ako. Lady will no longer be a part of this year’s team dahil sa academic reasons but she will be here to assist us. As for the rest of the old members, welcome back and for the new members masaya ako dahil may bago na kaming kapuso at kapamilya.” Mahabang introduction ni Kuya Greg.

Napatingin ako kay Nanay Lady na para kaming may telephatic communication dahil hindi na pala siya kasali at dumila pa ang bruha.

“Bilang tradisyon sa teatro, magpapakilala kayo as actor style” sabi ni Kuya Greg.

“Alvin ikaw na ang magsimula!”

Umarte si Kuya Alvin na parang may ketong na nangangati at sa pagitan ng pagkamot niya at panaghoy sa kati eh nakapagpakilala siya. In short ang galing niya.

Halos sunod-sunod na ng pagpapakilala ang naganap. Habang pinapanood namin ang mga nandoon may isang baguhan din ang nakipag-usap sa akin.

“Bago ka din ba Kuya?” tanong niya.

“Oo eh. Ikaw din ba?” balik tanong ko.

“Oo Kuya. Jim pala kuya,” pakilala niya.

“Diba dapat umaarte ka kapag nagpapakilala? Hehe,” biro ko.

“Hindi ko nga alam ang gagawin ko eh wala akong maisip Kuya…” pambibitin niya.

“Ignis tol!” pagpupuno ko.

“Kuya Ignis. Sinubukan ko lang din naman. Hindi ko alam na ganyan pala sila kagaling baka hindi ko kaya” ang huling kataga niya na kinakainisan ko sa lahat.

Ayaw ko kasi nakakarining ng “hindi ko kaya” dahil alam ko na kapag kaya ng iba kaya ko at kaya mo din. Kinukulit ko na lang siya na gawin na lang niya ang gusto niyang gawin. Gusto ko ng sigawan si Jim dahil sa paulit-ulit lang ang banat nito na kesyo hindi daw niya alam o hindi niya kaya. Kung hindi lang ako mabait (mabait daw oh..hehe) iniwanan ko na ito.

Noong siya na yung nagpakilala parang nasunugan ang setting niya. Marunong din talaga siyang umarte at ang sarap niyang sapakin kasi ang yabang niya. Sabi-sabi pa na hindi daw kaya eh magaling naman pala. Pinagmamasdan ko lang ang itsura niyang mukhang Hapon na kasing taas ko. Halata sa katawan niya na wala itong sobrang taba dala siguro ng pag eehersisyo.

Nang matapos siya, iyon na ang hudyat na ako naman ang susunod. Naisip ko na ang acting ko ay kunwari may amnesia ako tapos makakahanap lang ako ng mga bagay na magpapaalala sa akin ng mga detalye tungkol sa buhay ko.

Tumayo ako at nagpunta na sa may flatform ng classroom. Magsisimula na sana ako ng may kumatok sa pinto at binuksan iyon ng marahan.

“Andiyan po ba si Kuya Alvin?” tanong nung tao sa pinto.

3 comments:

  1. ..hula ko si Evan to.

    ..Ahrael

    ReplyDelete
  2. Nice story kuya Author... :)

    Waiting for the next Chapter...

    -BrownTemptation

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails