Facebook: http://www.facebook.com/daredevilcute.100
Email: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com
Kamusta po sa lahat. Sa mga nakakaalala pa sa akin kung mayroon pa ay pagpasensyahan niyo po kung almost a year akong hindi nakakapag-update ng mga latest story ko sa aking blog.
At ngayon ay nagbabalik ulit ako sa pagsusulat. Salamat po kay Sir Mikejuha sar opportunity na makapagbahagi ng story dito sa MSOB.
Sa ngayon repost muna ako ng latest series ko. May ginawa lang akong ilang revisions. At promise ko ay tatapusin ko na ito.
Kayo na po ang mag judge sa aking story sa pamamagitan ng pag comment. Im ready for any criticisms na makakatulong sa akin na mag-improve sa paggwa ng story.
Happy Reading!
[1]
"Bale 52 pesos lahat" ang pagsusuma ng may-ari ng mga kalakal na binenta ni Andrew sa kanyang junkshop. Pagkatapos noon ay binigay na sa kanya ang perang kinita niya sa umagang iyon.
Sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos ay palaging ganito ang routine ni Andrew. Dose anyos pa lang simula nang mamatay ang kanyang ama ay kumakayod na siya para lang may pambaon sa pagpasok sa school.
Hindi na rin regular na nakakapaghanap-buhay ang kanyang ina dahil sa karamdaman nito. Bago siya pumasok ay nag-iikot muna siya sa mga karatig bahay dala ang isang de tulak na kariton para mangolekta ng mga bagay na maaaring ibenta tulad ng dyaryo, bote, plastik karton at lata.
Sa isang maliit na bahay lang sa Tondo nakatira silang mag-ina. Maaaring masabing salat sa buhay ang sinumang makakita ng itsura ng kanilang tirahan dahil sa may kalumaan na ang karamihan sa mga kasangkapan dito.
"Nay kain na po tayo" ang sabi niya sa kanyang ina pagkarating nito sa kanilang bahay dala ang pagkaing binili niya na magiging almusal nilang mag-ina. Dumeretso siya sa kanilang mesa at nilagay sa isang plato ang binili niyang mainit-init na pansit.
"Sige mauna ka na anak, bilisan mo at baka ma late ka sa school. Naku unang araw pa naman ng pasukan." ang sagot naman ng ina na nakahiga pa rin sa kama nilang kahoy.
"Opo nay. Medyo maaga pa naman kaya sabay na tayo habang mainit pa ito." ang nakangiting turan ni Andrew sabay lapit sa kanyang ina upang alalayang tumayo.
"Sabi ko naman sa iyo anak na itigil mo na yang pangangalakal. Magkakaroon ka na rin naman ng allowance sa scholarship mo." ang kanyang ina habang naglalakad papunta sa hapag kainan.
"Nay naman. Sayang din ang kikitain ko at isa pa makakatulong din ito para may panggastos tayo sa bahay" si Andrew. Nilapitan nito ang ina at inalalayan sa paglalakad papunta sa hapag.
Nagsimula na silang kumain at nang matapos ay nagmadali siyang gumayak para sa pagpasok.
"Ito pala ang uniporme mo anak. Galing ito sa anak ni Mrs. Reyes na kakagraduate lang. Mabuti na lang at kahit papaano ay naibsan ang gastos natin." ang sabi ng kanyang ina habang inaabot ang nasabing uniporme kay Andrew. Nung mga panahon na malakas pa ang kanyang ina ay doon ito namamasukan bilang plantsadora at labandera.
"Salamat po" ang nakangiti niyang pagtugon. Hindi mahalaga sa kanya kung bago man ang kanyang mga gamit. Ang mahalaga ay may magagamit siya sa kanyang pagpasok.
Ngayong araw ang opisiyal na pagbubukas ng klase at ito rin ang unang araw ni Andrew na mag-aaral ng kolehiyo. Maswerte siya dahil nakapasok siya sa isang sikat at pribadong unibersidad sa Metro Manila bilang isang full scholar. Matalino siyang bata at dahil valedictorian siya sa pinagtapusan niyang higshschool ay madali niyang nakuha ang nasabing scholarship mula rin mismo sa kanyang papasukan.
Pasado alas diyes na nang umaga nang makarating siya sa unibersidad. Saglit siyang huminto sa gate at nilibot ng kanyang mga mata upang masilayan ang kabuuan ng unibersidad. Medyo nakaramdam siya ng magkahalong hiya at kaba dahil sa mga nakikita niya sa paligid. Pakiramdam niya ay bumaba ang kanyang pagkatao kumpara sa mga estudyanteng nakikita niya na halatang namang may kaya at mayayaman, sa itsura at porma pa lang ng mga ito pati na rin sa mga hawak nilang mga latest gadgets.
Habang naglalakad ay patuloy pa rin siya sa pagmamasid sa lugar. Naiilang pa rin siya sa kanyang mga nakakasalubong na estudyante na napapansing nakatingin sa kanya. Sinimulan na niyang hanapin ang kanyang classroom na nakalagay sa kanyang registration card. Medyo nahirapan siya dahil sa hindi pa siya pamilyar sa lugar. Matapos ang halos sampung minuto ay nakita na rin niya ito.
Pumasok siya sa loob at umupo sa isang bakanteng upuan sa likuran. Habang naghihintay para sa pagdating ng kanilang propesor ay pinagmamasdan niya ang kanyang magiging mga kaklase. Tulad niya ay tahimik rin ang mga ito dahil sa hindi pa sila magkakakilala.
Biglang nabasag ang katahimikang bumabalot sa loob ng kanilang silid sa malalakas na paghiyaw ng mga estudyante sa labas. Agad silang sumilip sa bintana at ang iba naman ay lumabas sa corridor upang alamin ang dahilan ng mga paghiyaw na iyon.
"Nandito na sila!" ang malakas na pagsigaw ng isang babae. Halatang kinikilig ito base sa tono ng kanyang boses.
"Ang Campus Trio!" ang sabi naman ng iba.
"Bigyan niyo sila ng daan"
"Campus Trio, ano iyon?" ang nagtatakang tanong ni Andrew sa kanyang sarili nang marinig iyon.
Nagdesisyon siyang mag-abang sa labas para alamin kung sino ba yung mga sinasabi nilang Campus Trio. At sa ilang saglit lang ay mas lalong lumakas ang pagtili at paghiyaw ng mga tao tanda na papalapit na sa lugar nila ang nasabing grupo. Hanggang sa dumating na sila.
Tatlong lalaki ang sabay-sabay na naglalakad na naka shades ang kanyang nakita na sa tantya niya ay nasa fourth year na. Hindi lang yan kapansin-pansin din ang kanilang kaibahan sa ibang mga estudyante roon. Kahit nasa likod lang siya ng mga estudyanteng nag-aabang ay kita pa rin niya ang mga ito dahil sa kanilang tangkad. Napuna rin niya kaagad ang kaibahan ng kanilang mga itsura. Ang style at kulay ng kanilang buhok na moderno ang dating, ang kanilang tindig at magandang pangangatawan.
"Kaya pala ganito na lang kung makatili ang mga babae dito." ang nasabi na lang niya sa kanyang sarili.
Hindi nakaligtas sa kanya ang isa sa kanila na nasa gitna. Unang kita palang niya dito ay agad niyang naisip na may kasungitan ito dahil hindi man lang niya nilingon ang mga nakapaligid sa kanya at batiin man lang kung ikukumpara sa dalawa niyang kasama na paminsan minsang ngumingiti sa kanila.
"Ang guguwapo di ba?" ang sabi sa kanya ng isang lalaki na katabi niyang nakatayo. Tinignan niya ito at napagtanto agad ang sekswalidad nito dahil sa kanyang ayos. Alam naman ni Andrew na pareho lang sila nito ngunit hindi niya trip na magbihis at umarte bilang babae.
"Alam mo bang sila ang pinakasikat dito kaya binansagan silang campus trio. Malakas ang impluwensiya nila dito sa university" ang kanyang pagpapatuloy.
"Ganoon ba?"
"Oo. Ah by the way pala Im Dante pero tawagin mo na lang ako Dina. Magkaklase tayo." ang pagpapakilala niya kay Andrew.
"Oo. Im Andrew" ang sagot naman niya. At nagkamayan silang dalawa. Kahit papaano ay natuwa siya dahil agad siyang nagkaroon ng kakilala sa kanilang section.
Nang makalagpas na ang nasabing campus trio ay bumalik na sina Andrew sa loob ng silid.
"Dito ka na maupo" ang alok sa kanya ni Dina nang akmang paupo na siya sa bandang likuran. Agad naman siyang sumunod para na rin kahit papaano ay may makakausap siya.
"Hays kung araw-araw ko ba naman sila makikita talagang hindi ako mag absent nito." ang naibulalas ni Dina. " Alam mo ba Andrew, sila ang dahilan kung bakit ako pumasok dito."
"Ganoon ba?" ang tugon ni Andrew dito habang naglalabas ng isang notebook at ballpen.
"Yung kapatid ko kasi, dito rin nagtapos at palagi niyang kinukwento sa akin ang tungkol sa kanila. Totoo nga ang sabi niya, na ang guguwapo nila" ang kanyang pagpapatuloy na may halong kilig. Natatawa at napapailing lang si Andrew sa mga sinabi niya.
"Eh ikaw bakit dito ka nag-aral?" ang sunod na tanong sa kanya ni Dina.
"Ako, actually hindi naman dapat ako makakapasok dito kung di ako scholar." ang sagot nito sa kanya.
"Wow, matalino ka pala. Eh di magtatrabaho ka rin pala dito sa school bilang student assistant." ang medyo may pagkamangha niyang pahayag.
"Oo. Ganun nga ang patakaran nila. Sa susunod na linggo nga, magsisimula na ang duty ko sa library."
"Buti naman at nagkaroon agad ako ng matalinong kaklase para may mapagtanungan naman ako minsan. O kaya naman may makopyahan ako pag may exams haha."
Napangiti si Andrew sa narinig.
Nahinto ang pag-uusap nila sa pagpasok ng kanilang professor para sa unang subject.
Tulad ng nakagawian tuwing unang araw ng klase ay puro pagpapakilala lang sa sarili ang kanilang ginawa. At sa araw ring iyon ay nagbigay ng introduction sa bawat subject ang kanilang mga professors.
______
Sumapit ang oras ng kanilang breaktime. Nasa canteen ngayon si Andrew upang bumili ng makakain. Ngunit laking gulat niya ng makita ang mga presyo ng mga pagkain na mabibili roon.
"Dapat pala nagbabaon na ako nito" ang sabi ni Andrew sa kanyang sarili.
Sa mga oras na iyon ay napagdesisyunan ni Andrew na lumabas na lang ng school para humanap ng isang bakery na makakabili ng tinapay. Nasa pinto na siya palabas ng makasalubong niya si Dina.
"Saan ka pupunta Andrew?"
"Lalabas lang ako para bumili ng tinapay."
"Bakit doon ka pa bibili meron naman dito."
"Kulang kasi ang pera ko." ang nahihiyang sagot ni Andrew.
"Yun lang pala. Tara." ang yaya niya dito sabay hila sa braso nito.
Hindi na magawang tumutol pa ni Andrew sa mga biniling pagkain sa kanya ni Dina. Dahil sa nahihiya siya ay binigay na lang niya dito ang pambili sana niya ng tinapay. Nung una ay ayaw pa nitong tanggapin ang pera.
"Saan ka pala nakatira?" ang tanong ni Dina kay Andrew habang sila ay kumakain.
"Taga Tondo ako."
"Ah malapit-lapit lang pala dito."
"Mga isang sakay lang tapos kaunting lakad."
"Ah Ako naman sa Quezon City. Sayang hindi tayo magsasabay sa biyahe."
"Hayaan mo araw-araw naman tayong magkakasama" ang sagot ni Andrew sa kanya.
Marami pa silang napag-usapan sa oras na iyon. At doon nalaman ni Andrew ang estado ng pamumuhay ni Dina. Mayaman ang kanilang pamilya. Manager sa isang bangko ang daddy nito.
Tulad ni Dina ay kinuwento rin niya dito ang kanilang buhay. At talagang nabilib ito sa kanyang mga nalaman.
"Maswerte ang mom mo na nagkaroon siya ng anak na gaya mo, bukod sa may itsura na, masipag matalino at determinadong umasenso."
Tama na sana ang lahat ng papuring narinig ni Andrew sa kausap pero nahaluan pa ng isa na para sa kanya ay hindi kapani-paniwala.
"Bakit may mali ba sa sinabi ko?" ang tanong nito nang mapansin si Andrew na pailing-iling.
"Inalis mo na sana yung salitang may "itsura."
"Bakit totoo naman ah? Look tama lang ang tangkad mo tapos maganda naman ang tindig mo. Yung katawan tama lang. May mapupungay kang mga mata at may matangos na ilong."
Natatawa lang si Andrew sa kanyang mga narinig.
"Ewan ko sayo. Mabuti pa at bilisan na lang natin kumain." ang nasabi na lang niya dito.
__________
Matapos ang klase ay sabay na naglakad sina Andrew at Dina palabas ng school. Malapit na sila sa gate nang mapansin ni Andrew ang umpukan ng mga estudyante sa may basketball court.
"Teka lang Dina, parang ang daming tao roon oh" si Andrew sabay turo sa gawi ng umpukan.
"Oo, tara tignan muna natin." ang yaya ni Dina kay Andrew. Alam na agad nito kung sino ang pinag-uumpukan nila.
Nang makalapit sila sa court ay doon nalaman ni Andrew ang dahilan. Kasalukuyan palang naglalaro ng basketball ang ilang mga lalaking estudyante kabilang na ang sinasabing campus trio.
Nagulat si Andrew sa biglaang pagtili ni Dina.
"Grabe Andrew, ang hot talaga nila!" si Dina na hindi na napigilan ang sobrang paghanga sa kanila. Samantalang si Andrew ay nanonood lang.
Agad na humanga si Andrew sa galing sa paglalaro ng basketball ng Campus Trio. Parang mga beterano na kung gumalaw ang mga ito, tila mga manlalaro ng basketball sa NBA na napapanood niya sa TV. Sa pagshoot, pag dunk at pagdribble ng bola. Sa bawat puntos na nagagawa nila ay panay ang pagcheer ng mga manonood. Talaga nga namang sikat sila sa buong campus.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nagpahinga ang mga naglalaro. Umupo sila sa isang mahabang bench.
Maya-maya'y isang sitwasyon ang nakapukaw sa atensyon ni Andrew. Habang nagpapahinga ay may lumapit na dalawang babae sa isa sa campus trio at nag-alok ng isang inumin sa kanya. Napansin niya ang pag snob lang niya sa kanila.
Agad na nakaramdam ng dalawa ng hiya matapos silang tratuhin ng ganoon ni Bryan na para bang hindi sila nito nakikita at patuloy lang sa pagpunas ng pawis. At ang sumunod na eksena ang tuluyang nakapagpabigla sa kanya.
"Hindi niyo ba nakikita, ito oh may inumin na ako. Hindi ko na kailangan niyan alis na!" ang pagsinghal nito sa kanila na tuluyang nagpahiya sa dalawang babae.
Pinagtitinginan na sila ng ibang mga taong naroroon. Nang lingunin niya ulit ang grupo ay nakita niya na nakangisi lang ang isa mga ito. Samantalang deadma lang ang kanyang katabi. Doon nagsimulang umusbong ang inis niya sa kanila.
"Tama ba naman ang ginawa nila sa dalawang babae. Kalalaking tao pumapatol sa babae. Lalo na yung nasa gitna." ang kanyang komento sa kasamang si Dina na tumutukoy sa taong namahiya sa mga babae.
"Ganyan talaga si Bryan. Kaya masanay ka na sa kanya." si Dina.
"Napakasama nama nng ugali nya Hindi naman pwede yung ganoon ano."
"Hinaan mo boses mo baka marinig ka nila."
"Wala akong pakialam. Sino ba siya sa inaakala niya kung makaasta siya akala mo sa kanya itong school." ang tuloy-tuloy pa rin niyang pananalita at walang pakialam sa mga tumitingin nang tao sa kanya.
"Tumigil ka na kaya tignan mo oh tumayo na sila. Lagot baka narinig ka na nila" si Dina na kinakalabit na si Andrew.
Hindi nga nagkamali si Dina sa kanyang akala. Napatingin sa kanya ang ibang mga babaeng estudyate doon na halos lahat ay masasama ang tingin sa kanya.
"Oh bakit sakin kayo nagagalit. Dapat doon sa kanila!" si Andrew na tinuro pa talaga ang kinaroroonan ng campus trio."Bilang mga babae di ba kagaspangan ng ugali ang ginawa niya sa kapwa niyo."
At sa sinabing iyon ni Andrew ay tumayo na ang isa sa tiro at nilapitan si Andrew. Agad naman sumunod ang dalawa niyang kasama.
"Ano yung sinasabi mo tungkol sa akin ha?" ang sabi niya kay Andrew na nasa harapan na niya. Lalaking lalaki ang boses nito.
Kita sa mga taong nasa paligid lalo na kay Dina ang kaba ngunit si Andrew ay nananatiling lang na kalmado. Inisip niyang hindi siya dapat kabahan dahil sa wala naman siyang kasalanan sa kanila. Nginisian lang niya ito.
"Mukhang hindi natakot sa iyo tol" ang sabi ng kasama niyang lalaki nasa kanan ni Bryan.
"Boy., narinig namin ang mga sinabi mo kanina. Siguro bago ka lang dito sa school ano. Hindi sila ang may-ari pero ang pamilya ni Bryan ang major sponsor dito." ang pahayag naman ng nasa kaliwa niya.
Tumingalang nakatingin si Andrew sa kanila. Hanggang tenga lang kasi ni Bryan ang taas niya. "Dapat bang katakutan ang taong ito? At isa pa hindi boy ang pangalan ko. Eh ano ngayon kung siya ang sponsor dito, pwede na ba kayong maghari-harian dito? Ang gawing katawa-tawa at mamahiya ng inyong kapwa?"
Napahinto na lang siya sa sunod na ginawa ni Bryan sa kanya. Bigla siyang kinuwelyuhan nito.
"Ngayon pa lang kita nakita dito. I guess freshman ka pa lang pero ganyan ka na agad umasta sa mga nakakatanda sayo. Sino ka ba sa akala mo para pakialaman ang mga ginagawa ko?" si Bryan na nanlilisik ang mga matang nakatitig sa kanya.
"Ooooops. Easy lang tol. Hayaan mo na lang siya. Tara na magsisimula na ang game." ang awat ng isa sa mga kasama niyang lalaking nasa kanan.
Agad naman siyang binitawan at tinulak ni Bryan at umalis pabalik sa court.
"Tara na Dina. Ang yabang talaga ng Bryan na yan." Si Andrew na hindi man lang nasindak sa ginawa ni Bryan sa kanya. Inayos nia ang nagusot na uniporme.
"Hindi pa tayo tapos." ang nasabi na lang niya sa kanyang sarili habang naglalakad sila palabas ng gate.
Itutuloy...
[2]
"Parang ang tahimik mo ngayon ah." ang puna ni Troy, ang isa sa campus trio sa kasama niyang si Bryan na nakaupo lang habang nagpupunas ng pawis. Kasalukuyan silang nasa locker room at nagpapahinga matapos ang kanilang basketball game.
"I guess yung boy kanina ang iniisip niya. Tama ba Bry" ang pangangantsaw naman ni Michael. "Honestly napabilib ako ng taong iyon." ang sunod niyang sinabi na sinamahan ng panginsultong tawa. "First time in the history na nangyari ito."
"Tama. Ngayon lang naman siya nagkaganito eh. First time kayang may pumatol sa kanya." si Troy.
"At siguro kaya tahimik siya ngayon ay nag-iisip siya sa nasira niyang image." si Michael.
"Shut up!" ang inis na tugon ni Bryan sa kanila. "Dinadagdagan niyo pa ang problema ko."
"Aha. So big deal pala sa iyo ang ginawa ng boy na iyon kanina. Kung sa bagay eh nasanay ka nang walang pumapatol sa iyo." si Troy.
"At hindi siya talaga natakot kay Bryan." si Michael.
Sa sarili ni Bryan ay may punto ang kanyang mga kaibigan. Lubos niyang ikinabigla ang nangyari. Hindi inaasahan na may babangga sa kanya ng ganoon. Pero hindi siya papatalo at pinangako sa sarili na babawian niya ang taong ito.
"Hindi talaga dahil nagpapapansin lang siya sa akin." ang sabi ni Bryan at bahagyang natawa. "Siya ang unang nagparinig so ibig sabihin gusto niyang pansinin ko siya. Naguguwapuhan lang kasi siya sa akin." ang nasabi na lang niya.
"Kung ganoon nga ano na ang plano mo?" si Troy.
"Sa ngayon, gusto ko siyang kilalanin. Kayong dalawa, kunin niyo ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya." ang utos ni Bryan sa dalawa.
Sina Troy, Michael at ang leader na si Bryan Anthony, silang tatlo ang bumubuo sa grupo ng Campus Trio na sikat sa unibersidad na pinapasukan nila. Matagal nang magkakaibigan ang tatlo simula pagkabata at magkakakilala ang pamilya. Si Bryan ang pinakamayaman sa kanila at ang kanyang ina ay ang major sponsor ng school. Kaya ganoon na lang kalaki ang kanyang impluwensya sa buong campus.
Hindi lang sa yaman kilala ang tatlo dahil pagdating sa itsura ay hindi sila pahuhuli. Halos hindi magkamayaw ang mga babae at bading pati na rin ng mga lalaki kapag nakikita sila dahil sa ankin nilang kaguwapuhan. Pawang matatangkad din at maganda ang pangngatawan dahil sa kanilang pagkaathletic.
______
"Mano po nay" si Andrew na kakarating pa lang. Ang kanyang ina ay abala sa pagsasaing.
"Oh kamusta na ang unang pasok mo anak?" ang tanong ng matanda sa kanya.
"Ayos lang po nay" ang sagot lang ni Andrew na hindi na binanggit pa ang nangyari sa kanila ni Bryan. Ayaw niyang mag-alala pa sa kanya ang ina.
"Siyanga pala nay, sa susunod na linggo na pala ako magsisimula ang duty ko sa library kaya medyo gagabihin na ako ng uwi." ang kanyang pagpapatuloy habang nagtatanggal ng kanyang medyas at sapatos.
"Ganoon ba anak, sige. Hayaan mo, palagi kitang ipagluluto ng mga paborito mong pagkain para makakain ka ng husto pag-uwi mo. Sigurado akong mapapagod ka niyan sa maghapon."
"Salamat po nay" si Andrew at yumakap sa ina.
Napangiti ang kanyang ina sa ginawang ito ng anak. "Ikaw talaga nang lalambing ka na naman" ang sabi nito na sinamahan ng isang ngiti.
"I love you nay." ang sabi lang ni Andrew na may ngiti sa labi.
"Ilove you too anak ko." ang tugon ng kanyang ina.
_______
Alas-singko pa lang ng umaga ay gumising na si Andrew para sa kanyang pangangalakal. Matapos ang halos tatlong oras na pangongolekta at pagbebenta ay kumita siya ng sixty pesos. Pagkabalik sa kanila ay agad niyang hinanda ang kanyang babaunin sa pagpasok.
"Bakit ka pa nagbabaon anak?" ang nagtatakang tanong ng kanyang ina nang mapansin ang pagsandok ng kanin ni Andrew sa isang tupperware.
"Para po makatipid nay. Ang mamahal po kasi ng mga pagkain sa canteen."
"Ganoon ba anak. Hayaan mo gagawa ako ng paraan para madagdagan ang pera mo sa susunod."
"Hindi na nay. Ayos lang po sa akin ito. Pandagdag niyo na lang po yan sa mga gastusin dito sa bahay."
Matapos sa pagsandok ng kanin ay binalot niya sa isang plastic ang natirang adobong sitaw na hinapunan nilang mag-ina kagabi.
_______
"Buti dumating ka na Andrew." ang salubong sa kanya ni Dina pagkapasok niya ng silid.
"Bakit may problema ba?" ang tugon naman nito habang nilalapag ang kanyang bag sa silya.
"Tara baba tayo may ipapakita ako sa iyo." si Dina.
Halos lahat ng mga estudyante ay nakatingin kay Andrew nang marating nila ang kinaroroonan ng nasabing board. Hindi na niya binigyan pa ng pansin iyon. Bahagyang nagulat si Andrew sa pinakita sa kanya ni Dina na nakadikit doon, ang larawan na pagkuwelyo sa kanya ni Bryan at magkatapat ang kanilang mukha.
"Alam mo bang pinag-uusapan ka sa buong campus. Ikaw daw kasi ang kauna-unahang bumangga sa trio." si Dina.
"Tsk.tsk.tsk. Eh ano naman ngayon. Hindi naman dapat binibigyan pa ng issue yan." ang tila hindi interesadong reaksyon ni Andrew sa narinig. Bagamat naiinis pa rin siya sa taong nakaalitan niya kahapon.
"May narinig ako kanina na maghanda ka daw dahil sa mga susunod na araw ay reresbakan ka nila lalo na si Bryan."
Sa halip na kabahan ay mas lalong nairita sa Andrew sa kanyang narinig. Ni hindi man lang siya nakadama ng kung anong takot.
"Wala akong pakialam. Ipabubugbog ba nila ako, ipapapatay? Sige gawin nila. Papanindigan ko ang aking ginawa. Pumanig lang naman ako sa tama." ang matigas niyang pahayag.
Halos mapanganga si Dina sa mga narinig niya kay Andrew. Napabilib siya ni Andrew sa pinapakitang tapang at paninindigan nito. Hindi nga siya nagkamali ng pagkakilala dito.
"Ang lakas ng loob mo boy. Tignan mo lang kung makakatagal ka pa dito." ang hindi nakaligtas sa pandinig ni Andrew na pahayag ng isang estudyanteng naroroon na may kasama pang tawa na sa tingin niya ay pang-insulto. Hindi na lang niya ulit binigyan pa ng pansin ito.
"Tara bumalik na tayo sa room, hayaan na lang natin yan." ang pagbabalewala nito sa larawan.
At sa kanilang paglalakad pabalik ay hindi nakaligtas kay Andrew ang ilang mga bulungan. Ngunit sa pagkakataong iyon ay puro papuri naman sa kanyang ginawa ang kanyang narinig.
"Tapang mo naman idol!"
"Tama lang ang ginawa mo boy para mahinto na sila sa kanilang mga kalokohan." ang ilan sa mga pahayag na kanyang narinig.
______
"Tol, nakita mo ba yung nasa board kanina. Hanep ang biglaang pagsikat ng taong iyon." si Michael habang nasa silid silang tatlo at nag-aabang ng kanilang propesor.
Hindi narinig ni Bryan ang sinabi nito dahil sa suot nitong headset habang nakikinig ng music sa kanyang ipod. Tila nag-eenjoy naman ito dahil sa pagyugyog ng kanyang ulo.
"Speaking of that person, Andrew del Rosario pala ang pangalan niya. Freshman at nasa college of engineering din. Isa siyang full scholar." si Troy na iniabot kay Bryan ang isang papel ng pagkakakilanlan ni Andrew.
Nang lingunin niya ang inabot sa kanya ay tinanggal niya ang suot na headset at kinuha ito upang basahin. At doon niya napagtanto na isa pala ito sa mga scholar ng kanyang mommy. Agad siyang napangiti ng maisip na may alas na pala siya. Ito ang gagamitin niya upang makaganti siya sa ginawang pagbangga nito sa kanya.
Lingid sa kaalaman ni Bryan na taliwas pala ang iniisip ng isa sa kanyang mga kasama.
______
Oras ulit iyon ng breaktime. Habang kumakain ay may lumapit na dalawang babae sa pwesto nina Andrew at Dina.
"Hi!" ang bati kay Andrew ng isa.
Nang lingunin niya ito ay saka lang niya sila namukhaan.
"Kayo yung mga babaeng binastos ng ungas na iyon." ang bulalas ni Andrew sa kanila.
"Ah oo nga." ang sagot naman ng kanyang kasama.
"Ah eh, halika samahan niyo kaming kumain." ang alok sa kanila ni Dina.
"Hindi na. Narito lang kami para magpasalamat sa kanya sa ginawang pagtanggol sa amin."
"Ayos lang yun. Kahit kanino naman gagawin ko rin iyon. Gusto ko lang itama ang kanyang kamalian.
"Andrew pangalan mo di ba?" ang taong ng isa sa kanila. "Gusto ka lang sana namin sabihan na mag-ingat ka. Balita namin ay gagantihan ka ni Bryan sa mga susunod na araw."
"Salamat sa paalala. Hayaan niyo, walang mangyayari sa aking masama." ang paniniguradong pahayag ni Andrew sa kanila.
_________
Ilang araw ang lumipas na naging maayos at normal naman ang naging takbo ng lahat kay Andrew Sa kabila ng pagbabanta daw sa kanya ni Bryan. at kahit na madalas pa rin siyang pagtinginan at pag-usapan ng mga estudyanteng naroroon.
Hanggang sa isang araw, pinatawag si Andrew sa opisina ng administrator ng school.
"Tatlong libo isang buwan ang magiging allowance mo. Remember you must maintain your grade para di ka matanggal sa pagiging scholar." ang nakangiting pahayag sa kanya ng admin ng school.
"Salamat po Mam." ang nakangiting tugon ni Andrew. Alam naman niya sa kanyang sarili na kakayanin niya para sa kanyang ina.
"And one more thing, alam mo naman siguro na kailangan mong magserve dito sa school di ba."
"I know mam. Yung pagduty po sa library di ba?"
"Oo. So ngayon ipapaalam ko ang magiging schedule mo. You will have 3 hours duty everyday after class."
"Yes Mam, I understand." ang nakangiti pa ring tugon ni Andrew.
At sa araw ring iyon matapos ang kanilang klase ay nagpunta na si Andrew sa library. Tinuro sa kanya ng librarian ang lahat ng mga ginagawa roon. Madali naman niyang natutunan lahat.
______
"Ano na ang ginagawa niya ngayon?" ang tanong ni Bryan sa kanyang mga kasama na abalang naglalaro ng billiard sa kanilang tambayan. Sa lahat ng estudyante na nag-aaral sa unibersidad na iyon ay sila lang tatlo ang may ganoong silid na kung saan ay nagagawa nila ang kanilang mga gusto.
"Sa pagkakaalam ko ay busy na siya sa pagduty sa library." ang sagot ni Michael. "Boom winner!" ang kanyang sambit ng maipasok niya ang huling billiard ball. "Paano yan ikaw ang manlilibre mamaya." ang kanyang pagpapatuloy.
"Ok as always." ang talunang sagot ni Troy.
"Wait. Aha mukhang nagiging interesado ka na sa kanya ah." ang pagpuna ni Michael sa tanong na iyon ni Bryan sa kanya.
"Hindi ah. Hinahanda ko lang ang mga gagawin ko sa kanya" ang sagot nito sabay salampak ng higa sa sofa.
"Really, halos isang linggo na ang lumipas, wala pa rin nangyayari ah. Mukhang nahihirapan ka yata sa kanya." ang pangangantsaw ni Michael sa kanya.
"Basta maghintay na lang kayo" ang nakangisi niyang tugon.
"Pero honestly saludo ako sa batang iyon. Napabilib niya ako ng sobra." si Michael na umupo rin. "Sa tingin ko hindi talaga iyon papatalo"
"Paulit-ulit ka na lang." ang naiiritang pahayag ni Bryan kay Michael. Ilang beses na kasi niyang naririnig ito sa kanya.
"Tignan lang natin kung hanggang saan ang tapang niya." ang sunod na sinabi ni Bryan.
Ang hindi alam niya may isa sa kanyang mga kasama ang nag-aalala para kay Andrew sa gagawin ni nito sa kanya.
______
Dumeretso na si Andrew sa library matapos ang klase para sa kanyang trabaho. Pagdating ay agad niyang sinunod ang mga inuutos sa kanya ng librarian.
Habang abala sa pagsalansan ng mga hiniram na libro sa shelves ay hindi napansin ni Andrew ang paglapit sa kanya ng isang lalaki.
"Nice ang sipag ah" ang sabi ng boses na narinig ni Andrew. Medyo nabigla siya sa pagsulpot ng isang mukha na nakatapat sa kanya. Tumigil muna siya sa kanyang ginagawa at nilingon ang taong nagsalita
"Good afternoon po, ano po ang kailangan niyo?" ang magalang na tugon ni Andrew. Pero sa kaloob-looban niya ay naiinis pa rin siya para dito nang maalala niya ang ginawa ng grupo nila sa court noon.
"Magresearch lang ako para sa assignment namin."
"Ok po. Gamitin niyo na alng ang card catalog para sa paghahanap po ng inyong reference."
Nagpatuloy na si Andrew sa pag-aayos ng mga libro ngunit napansin niya na hindi pa rin ito umaalis sa kanyang pwesto. Nilingon niya ulit ito.
"Ano pa po ang kailangan niyo?" ang tanong niya.
Kahit pa na narinig niya ang tanong na ito ni Andrew ay patuloy lang siya sa pagtitig sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang itsura ni Andrew na sa hindi niya malaman na dahilan ay nagugustuhan niya ang kanyang nakikita. Ang magaganda nitong mga mata na may mahahabang pilik mata, ang matangos na ilong at mapupulang mga labi.
"Bakit ganyan ka kung makatingin?"ang sunod na tanong ni Andrew nang mapansing nakatitig pa rin ito sa kanya. Agad na nagbalik ang ulirat nito.
"Ah wala lang."
"Wala daw" ang bulong niya sa kanyang sarili. "Baka naman pagtitripan mo ako. Hindi na bago sa akin ang mga ganito dahil madalas ko na tong napapanood sa tv."
"At teka lang sa pagkakaalam ko ay gagantihan mo ako sa ginawa ko sa inyo sa court." ang kanyang pagpapatuloy nang maalala niya ang usap-usapan sa buong campus tungkol sa kaniya.
Hindi pa rin nagsasalita si Bryan nakatingin lang sa kanya.
"Naghihintay lang ako Bryan." ang matapang niyang pahayag na napansin Bryan.
"Ano yung pinagsasasabi mo?" ang tanong nito sa kanya.
"Nagmamaang- maangan ka pa. Kunwari nice ka sa akin. Alam ko naman na asar ka pa rin hanggang ngayon. Kung anuman yang secret agenda mo hindi yan magtatagumpay."
"Hays nagsasayang lang ako ng oras dito marami pa akong gagawin. Mas mabuti pang kausapin ko na lang sarili ko kaysa sa mga taong may kayabangan."
"Magmumukha ka namang baliw niyan."
"Nang-iinis ka ba?" ang medyo napalakas na tono ng boses ni Andrew na naging dahilan para magtinginan ang mga tao sa kanila. At nahiya siya nang mapansin niyang ang kanilang mga malisyosong mga tingin.
"Ikaw pa ang ganyan ah. Dapat nga ako pa nga ang mainis sa iyo dahil sa ginawa mo sa akin nung isang linggo."
"Hindi ka pa pala nakakapagmove-on sa nangyaring iyon. At tulad ng sabi ko kanina na kung gagantihan mo na ako ay hindi kita uurungan."
"Wow tapang ah."
"Pinaglalaban ko lang ang sa tingin ko ay tama. Kaya kung wala ka talagang gagawin dito pwede ba umalis ka na, marami pa akong ginagawa."
"I like your attitude dude." ang nasabi nito na sinamahan pa ng ngiti at kindat na hindi nakaligtas kay Andrew.
"Sige tapusin mo na yan. See you later" ang huling sinabi ni Bryan. Bago siya lumabas ay humarap siya sa kanya.
"See you later daw. Nagpapacute ba siya? Sinasabi ko na nga ba wala naman talagang gagawin ang taong iyon dito hays." ang nasabi na lang ni Andrew sa kanyang sarili sa ginawa nito.
Itutuloy....

*welcome back mr. author..masayang masaya ako sa balita ..matagal ko na rin kasing hinihintay ang update mo...
ReplyDelete**napakaganda pa namn ng campus trio..im really into it.
***sana po update agad..and more power to you..
Thanks every 2-3 days pla ang interval ng reposting ko ng 2 parts.
Deleteinteresting ang story, palaban ang bida kahit mahirap. Sana maaccess ko sng blog ng gumawa ng story na ito pars mbasa ko ang buong kwento.
ReplyDeleteMy blog is under maintenance at the moment....
DeleteThis is nice.wag lang po sanag tagalan ang update.tnx and god bless!!
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletemabuti nma't nakabalik ka na. :) tagal kong hinintay yung chapter 28 eh.
ReplyDeleteYaan mo malapit na... repost mode muna sa mga nakalimot na haha...
Deletecge. aabangan ko. inulit ko pa talaga sa pagbasa yung story last week lang.
DeleteThis comment has been removed by the author.

DeleteI ScreenShot This Post na nakalagay ang Promise mo na tatapusin mo ito :) Wala ka ng kawala Hahaha! nagPM na din ako kay Tito Mike :)))
ReplyDeleteUu nmn tatapusin ko to haha sobrang nakakahiya na sa mga pangako ko noon na napako...
Deletenabitin ako sa story na ito... yehey may kadugtong na
DeleteWaaaa. Sa wakas author madudugtungan nyo na.
ReplyDeleteTalaga pong gustong gusto ko na malaman ang mga nangyare kay Bryan.
Hahaha! Salamat po!
-Leo14
everyday akong nagche-check sa blog ni daredevil para makita if may updates na... kaso matagal na wala kaya nakakalungkot kasi ang gaganda ng series mo.. and now na ur back... i can't wait to read kung saan hahantong pagmamahalan nila :]]]]]]
ReplyDeleteThanks daredevil at binuhay mo ang kwento ng campus trio. Sana tuloy tuloy na. Kaya pala di ako mkapasok sa blog mo under maintenance pala check ko sana karugtong medyo limot ko n kc story hehe.
ReplyDeleteRandz of QC
Mr.daredivel sana i accept mo po ung request ko na makapasok sa blog mo po, kung ok lng nman sau. Eto pala ung account ko. Jhaymety.gmail.com
ReplyDeleteDon't worry it will be on public view soon bka next week. May inaayos lang ako dun.
DeleteHuwag mo ngang bigyan ng Access para di nila mabasa at abangan nila dito... mandadaya lang ang mga yan sa pagbabasa kaya...
DeleteGrabe ka nman po ms.marian rivera. Pag bigyan na rin sana aq ng cute na author ntin. Pls.
Deletethank you sa mga magagandang story author... kudos... sana po mag update na lagi.... thank you again =)
ReplyDeletemr. Author dpo ako makapasok sa blog ny0..pwd paki accept naman ung request..
ReplyDeleteThen my s2bhn p aq..my nkta ak0ng page sa fb na ung campus tri0 ung kwento.
mr. Author dpo ako makapasok sa blog ny0..pwd paki accept naman ung request..

Really yung katulad ng story ko or kinopya?
Deletei think po kin0pya kc ung first 5 chapters eh katulad ng chapters 1 en 2 na kakapost mu..kc wla ding auth0rs n0te.pero mr0n p0st dun na d na itutul0y ung kwento at ndi ung may ari ng page ung author..
DeleteKuya pa accept sa blog mu oh.please :)
I just finished reading Chapter 27, thanks to google. :D When will you post the next chapter? Thank you!
ReplyDeletehi mr author, madami talaga ang nag aabang ng continuation nitong story mo na campus trio, good luck sa iyo author at good luck din sa mga readers o follower...kudos!
ReplyDeletedaredevil paki add naman ako sa blog mo, tane792@gmail.com
ReplyDeleteThank you po at sana po ay magtuloy tuloy muli ang iyong pagsusulat, welcome back author
Author nabasa ko na ang sunod na mga parts, ask lang po kung bakit gang chapter 13 lang? hindi nyu po ba natapos ang story kasi mganda ang flow ng story mu,. thanks :)
ReplyDeleteActually 27 parts na po yan pero sa gagawin kong revision mag expand to sa 28.
Deletesuper binasa q toh sa wattpad, umabot ng hundred thousand reads ito dun at ang dami namin nabitin at nag abang. Thanks author at nagbalik ka para tapusin naman ito dto,thank you po :3
ReplyDeleteI was disappointed sa ginawa ng wattpad. Ewanko ba pero kasalanan kodin siguro dahil naging inactive ako sa pag blog.
DeleteThis comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeleteSir daredevil magkakatuluya po ba si bryan at andrew sa Huli?? sana maganda po ang ending :) more power po and ur back!! :)) <3
ReplyDeleteNgayon ko lang 2 babashin,,dinagdagan mo p sna ng isa,para F4 n talaga,,mukang maganda sya,,salamat,,

ReplyDeleteUpdate naman po ng true love last part
ReplyDelete