Followers

Sunday, April 28, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Chapter 8]



Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 8]




By: Crayon



****Renz****



4:30 am, Monday
March 14


12 bottles of beer. Kulang yan para tanggalin ang lungkot na nararamdaman ko. I'm a player. Sanay akong ako ang hinahabol at iniiyakan. I play this game so well, till i met my match. With my towering height, demigod looks, and lean physique, people from both sexes swoon over me. All but one, my sweet karma.

Kyle Angelo Quindoza. 

Humithit muli ako ng yosi sabay hinga ng malalim. Matagal na din since nagyosi ako mag-isa. Nagkasundo kasi kami ni Kyle non na magyoyosi na lang kame kapag magkasama kame para mabawasan ang intake namin ng nikotina.

Damn! Pati sa pagyoyosi siya ang naalala ko. Pinikit ko ang mata ko. Pilit ina-analisa ang nangyari. Why is it so hard for him to say yes? Wasn't i good enough? Why in the first place did i even bother to ask him those stupid questions? All along i was telling myself that he's the kind of guy i don't want for a partner and yet i asked him to be his boyfriend.

Or maybe you were just convincing yourself he isn't your type. Bulong ng utak ko. Grrrrrr.... Fuck! Everything's so fucked up.

Napapansin ko na noon na parang may gusto siya sa akin base 
Na sa ikinikilos niya. The first time Aki introduced him to us, i can tell he's attracted to me.

Aki. I know he's with Aki right now.  I saw them earlier. Nang lumabas si Kyle ng bahay, nagpasya akong sundan siya. Hinanap ko siya sa buong subdivision, then i saw him sitting on the sidewalk, wet in the rain. Nang akma na akong lalabas ng kotse para puntahan siya, may tumigil na taxi at lumabas mula don si Aki. Then Aki brought him sa taxi, they drove out of the subdivision again. Knowing Kyle, they might just be having a steamy round of sex right now. Haayyy... maybe i wasn't good enough.

Ininom ko na ang huling bote ng beer, i'm ready to throw up. Sana sa pagsuka ko di lang laman ng tiyan ko ang lumabas. Sana maisuka ko na din lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Things were better when we were just fuck buddies, no emotions just sex. Pero di mo naman makokontrol ang puso, di mo pwedeng diktahan kung para kanino ito titibok. Lechugas! Ayoko ng ganito.




****Kyle****

9:56 am, Monday
March 14



Mga 10 mins na kong gising, pero ayaw ko pa idilat ang mata ko. Gusto ko pang matulog, kasi kapag tulog ako hindi masyadong masakit, wala masyadong pait.

"Kyle...", malambing na tawag ng kainuman ko kanina lang. Nakalimutan kong wala nga pala ako sa bahay. Kelangan kong bumangon para makauwi na. Tinangka kong tumayo pero napabalikwas din ako. Nahihilo ako. Konti lang ang nainom ko kagabe kaya imposibleng dahil ito sa alak.

"Huy, tara breakfast tayo.", yaya sa akin ni Aki, mukhang siya ang nagluto dahil may suot pa siyang apron. Nakatayo siya sa tapat ng dining table habang pinagmamasdan ako.

"Sige, sunod ako.", tinangka ko muli bumangon pero napaupo lang uli ako dahil sa hilo, at malakas na pagpintig sa ulo ko. "Nyeta.", napamura na lang ako sa inis.

"Are you ok?", mukhang narinig ni Aki ang pagmumura ko.

"Yeah, inaatake lang ako ng migraine.", hindi siya kumbinsido sa palusot ko. Lumapit siya sa akin at sinalat ang ulo ko.

"May lagnat ka. Saglit lang dyan ka na lang kunin ko yung pagkain mo.", hindi na ako nakasagot dahil dumiretso na siya sa kusina. Pagbalik niya ay may tangan na siyang tray. May hotsilog at egg drop soup. "Kumain ka na para makainom ka ng gamot."

"Ok lang ako, sa bahay na lang ako kakain."

"Sira ba ulo mo?", kinuha niya ang kutsara at kinuha ako ng pagkain. Pilit niya ako pinanganga para isubo ang pagkain. Wala na akong nagawa kundi nguyain ang isinubo niya sa akin.

"You don't have to feed me, kaya ko."

"Ang hirap mo kasi pasunurin.", inabot niya naman sa akin ang kutsara upang makakain ako ng mag-isa.

"Kumuha ka ng pagkain mo sabay tayo, nakakawalang gana kumain ng mag-isa.", agad namang tumayo si Aki at tumungo ng kusina para kumuha ng sariling makakain.

Tahimik lang kaming kumain wala masyadong pag-uusap. Panay ang sulyap sa akin ni Aki.

"Malakas ba ko kumain?", biro ko sa kanya.

"Ha?"

"Kanina ka pa tingin ng tingin, ganun ba ako kalakas kumain?"

"Hehehe, hindi naman, kumain ka lang para lumakas ka. Gusto lang kita pagmasdan, ang tagal kaya kitang di nakita."

Hindi na ako sumagot at tinapos na lang ang pagkain para makauwi na ako sa Bulacan. Nang matapos kumain si Aki ay nagpaalam na akong aalis.

"Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin at sa agahan. Mauna na ako uuwi pa ako sa Bulacan.", tatayo na sana ako mula sa sofa bed ng pigilin niya ang kamay ko.

"Maupo ka. Tingin mo papauwiin kita ng ganyan ang lagay mo.", masungit niyang sagot sabay salat muli sa noo at leeg ko. "Ang init mo pa tsaka namumutla ka pa nga eh."

"Kaya ko naman ang sarili ko, lagnat laki lang to."

"Uma-ambisyon ka pa talagang lumalaki ka pa ha? Dahil yan sa pag-iinarte mo kagabi sa ulan. Dyan ka lang kukuha lang ako ng gamot. Stay in my place for a day or two till you get better."

"Seryoso ka? Lagnat lang to. Tsaka kung magstay man ako dito san ako kukuha ng pamalit na damit?"

"Bulacan ka pa uuwe mahirap na. Pwede kitang pahiramin ng damit tingin ko naman may magkakasya sayo."

"Eh underwear? Side A, side B lang, ganon?"

"Hahaha ibibili na lang kita may malapit naman na mall dito. Ano bang size ng bewang mo? 36? Hahahaha"

"Nakakapikon ka na ha.", sagot ko sabay tingin ng masama kay Aki. 

"Hahaha joke lang naman. Sige na, mahiga ka na jan pupunta lang ako sa grocery store, wala kasi akong stocks ng pagkain dito eh. Babalik din ako agad."

Niligpit lang ni Aki ang pinagkainan namin at dumiretso nang lumabas. 

Kung gugustuhin ko talagang umuwe pwede na akong umalis ngayon, pero nahihilo pa din talaga ako at di ko alam kung kakayanin ko ang maglakad. Kelangan ko na lang siguro magpagaling agad para makauwi na. Pinasya ko na lang munang matulog habang hinahantay si Aki.





****Aki****


11:36 am, Monday
March 14




Nagpakuha agad ako ng taxi sa security guard sa baba ngcondo na tinutuluyan namin ni Kyle. Mag-grocery ako ng mga gamit sa condo. Since mahigit isang taon kong hindi tinirhan ang lugar na iyon ay, wala ako halos gamit sa bahay. Nang makasakay sa taxi ay agad kong tinawagan ang Mom ko.

"Hello Ma? Kamusta?"

"Mabuti naman kami anak, ikaw kamusta? Bakit napatawag ka?"

"Ma i-text mo nga sa aking yung recipe ng favorite kong sopas gusto kong lutuin eh."

"Bakit anak may sakit ka ba at gusto mo ng sopas?", alalang sagot ng magulang ko.

"Wala po Ma, nag-crave lang ako ng luto niyo", paglalambing ko sa aking ina.

"Batang to, oo. Sige, ipapatext ko na lang kay manang, alam mo namang di ko kaya magtext ng mahaba at sumasakit ang ulo ko. Bakit kasi hindi ka na lang umuwi dito sa bahay at ako mismo ang magluluto para sayo.", ramdam ko ang pangungulila sa akin ng aking ina.

"Don't worry ma, malapit na po. Ikamusta niyo na lang po ako kay papa. Sige na po."

"O sige, mag-ingat ka palagi jan. Mahal na mahal ka namin."

"Salamat po, kayo din po ingat palagi. I miss you. Bye."

Napabuntong hininga na lamang ako matapos ang tawag ko sa aking ina. Miss na miss ko na sila. Kung di ko nakita si Kyle, malamang ay magkakasama kami ngayong nananghalian. Haayyyy... I asked Kyle to stay at my unit for 2 days. I have two days to make him fall, dalawang araw. Alam kong hindi ito ang perfect time para gawin 'to lalo na't mukhang may problema siya, pero baka eto na lang ang tanging chance ko at ayaw ko ng sayangin pa yon. Meron naman na akong gameplan. Suntok sa buwan ang gagawin ko, paibigin ang taong minsan nang inayawan ako sa loob ng dalawang araw. Mukhang mauunang pang maabot ng dulo ng dila ko ang siko ko bago ako mahalin ng taong gusto ko.

"Sir dito po ba kayo sa mall na ito baba?", tanong sa akin ng taxi driver.

"Oho manong salamat ho.", nagbayad lang ako at dumiretso na sa loob ng mall.


------

Dinatnan kong tulog si Kyle nang makauwi ako. Buti na lang at di niya naisipang tumakas. Agad kong inihanda ang lulutuin ko para mapainom ko na siya ng gamot. Hindi ako expert sa pagluluto pero sapat na ang alam ko para mairaos ang sopas na gagawin ko. Nasa akin din naman ang recipe ni Mama so sa tingin ko makakain naman ni Kyle ang lulutuin ko.

Makalipas ang higit isang oras ay natapos ko din ang aming pananghalian. Inihanda ko na ang lamesa, gusto kong magmukhang espesyal ang aming pananghaliang dalawa. Nang masiyahan ako sa naging ayos ng lamesa ay tinungo ko na ang higaan ni Kyle para ayain siyang kumain. 

Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya. Pinagmasdan kong muli ang kanyang mukha. Tumaba siya kumpara nung unang beses ko siyang nakita, pero andun parin yung kakaiba niyang charm at cuteness. Napansin ko ang pagtulo ng isang luha mula sa mata niya, mukhang hanggang sa panaginip ay naalala niya ang masakit na nangyari sa kanya.

"Renz, pls don't leave me.", mahina niyang usal pero rinig na rinig ko ang bawat kataga.

Para kong nanlamig bigla. I knew it was Renz. Wala pa din akong ideya sa nangyari sa kanila, hindi naman nagkwekwento si Kyle at wala akong balak tanungin si Renz o kahit sino sa aking mga kaibigan. Na-badtrip akong bigla. Hindi ko na napansin ang pagmulat ng mata ni Kyle.

"Kanina ka pa ba dumating? Bakit di mo ko ginising?", tanong niya sa akin.

"Tumayo ka na, nakahain na sa lamesa. Kumain ka ng madami para makainom ka ng gamot.", matabang kong sagot saka ako tumayo.

"Ikaw? Hindi ka ba kakain?"

"Wala akong gana ikaw na lang. Maliligo na lang muna ako.", sagot ko saka tumungo sa aking kwarto para kumuha ng damit.


May isang oras din akong nagbabad sa banyo. Hinahayaan ko lang ang sarili kong mabasa ng tubig mula sa shower. Nag-seselos ako. Nagagalit. Yung galit dahil sa naalala ko yung mga nangyare dati. Ang pagtaksilan ka ng kaibigan mo at sipingin ang taong alam niyang nagugustuhan mo. Nang makapagbihis ay tinungo ko ang salas para tingnan si Kyle, parang gusto ko siyang pauwiin bigla. Ngunit hindi ko siya dinatnan don. Nagtungo ako sa kusina at don ko siya nakita. Nakyukyok lang sa dining table. Hindi nagalaw ang mga nakahain. Tiningnan ko ang oras sa wall clock. Pasado alas tres na, at di pa sya nakakainom ng gamot. Nagpapakamatay ata talaga ang isang to. Malakas ko siyang tinapik sa braso para gisingin.

"Hoy. Bakit di ka pa kumakain? Nagpapamatay ka ba? Anu bang gusto mo? Subuan pa kita?", inis kong gising sa kanya. Agad naman siyang napabangon at tumingin sa akin. Parang maluluha na naman siya. Para akong binuhusan ng tubig. Hindi ko alam ang ginagawa ko.

"Sorry, hindi ko sinasadya. Ang kulit mo kasi talaga e. Alam mo namang iinom ka pa ng gamot tapos di ka pa kumain.", mahinahon ko ng sabi. Bigla siyang yumuko at may pinahid sa mata. T*ngina. Ako pa ngayon ang nagpaiyak sa kanya. 

"Pasensya na, hinihintay lang naman kita. Alam kong di ka pa kumakain. Mas masaya kasi kumain ng may kasama." , sagot niya sa aking habang nakayuko.

Lalo lang ako nainis sa aking sarili. Linapitan ko siya. Tinayo ko siya mula sa pagkakaupo at mahigpit na niyakap.

"Sorry, nabigla lang ako. Meron kasing di magandang balitang dumating kaya medyo nabad mood ako. Sorry talaga, pati ikaw nadamay.", palusot ko at saka siya pinakawalan at inupong muli sa silya.

"Saglit, iiinit ko lang itong sabaw para makakain na tayo."

Nang matapos kong iinit ang sabaw ay nagsimula na kaming kumain ni Kyle. 

"Galit ka ba?", mahina kong tanong sa kanya habang kumakain.

Umiling lamang siya.

"Sorry. Hindi na mauulit."

"Sabi ko naman di ako galit db?"

"Basta sorry pa din babawi ako sayo."

"Kumain ka na lang jan Aki."

Nang matapos kame kumain ni Kyle ay pinainom ko lang siya ng gamot at idineretso na sa kwarto.

"Magpahinga ka na para gumaling ka."

"Sige, salamat.", pagkasabi niya nun ay lumabas na ako ng kwarto.




****Kyle****

4:07 pm, Monday
March 14




Napakabait pa din talaga ni Aki sa akin. Katulad ng dati ay maaalalahanin pa din. Pinipilit kong matulog pero di ko magawa. Kusang pumapasok sa isip ko si Renz kaya agad kong ibinabaling ang aking isip sa ibang bagay. Haaayyy, ganito na lang ba ako lagi? Pilit iiwasan ang sakit? Di kaya ako mabuwang sa ginagawa ko.

Nasa ganito akong pag iisip ng makarinig ako ng tugtog ng gitara. Una ay hindi ko ito binigyan ng gaanong pansin ngunit palakas ng palakas ang tugtog, parang palapit ng palapit sa kwarto ang taong tumutugtog. Narinig ko ang mahinang pagpihit ng seradura ng pinto. Lumitaw sa maiksing puwang ang ulo ni Aki. Tiningnan ko lamang siya dahil di ko maintindihan ang ginagawa niya. Ngumiti lamang siya sa akin.

"Buti gising ka pa, may nakita kasi ako sa cabinet komkaya naisipan ko lang..... na...... uhmmmm..... ano kasi....... kung ok lang sayo...... i mean kung di ka pa pagod...... gusto ko sanang..... anu...."

"Kung anu man yan sige gawin mo na.", nangingiti kong sabi kasi mukha siyang tanga sa ayos niya. Pumasok na siya ng tuluyan sa kwarto at muli kong narinig ang mga kwerdas ng gitara.

"I'm gonna pick up the pieces and huild a lego house, when things go wrong we can knock it down", di ko mapigilan ang mapangiti ng magsimulang kumanta si Aki, di ko akalaing marunong siyang kumanta. Masyadong seryoso sa buhay ang aura ni Aki kaya di mo iisipong hilig niya at magaling siya sa pagkanta. Ang swerte ng taong nakalaan para sa kanya. Bigla nagdulot yun ng lungkot sa akin. Sa akin kaya may nakalaan? O kasama ko sa grupo na kailangang tumandang mag-isa?

"My three words have two meanings, there's one thing on my mind it's all for you.", patuloy niya sa pag-awit, favorite ko ang kantang to ni Ed Sheeran, pero di ko mapigilang malungkot dahil sa mensahe at melody ng kanta. Parang sapul na sapul sa akin, lalo na yung chorus.

"I'm out of touch, i'm out of love, i'll pick you up when you're getting down and of all these things i've done i think i'll love you better now. Im out of sight, im out of mind, i'll do it all for you in time, and of all these things i've done i think i love you better now.", damang-dama ko ang pagkakakanta niya ng chorus na part. Kung magkakaroon lang ako ng second chance kay Renz, yung tipong hindi pa naging ganito ka-komplikado yung sitwasyon, i will love him better. Hindi ako matatakot sumugal, hindi ako matatakot aminin ang nararamdaman ko, hindi ako matatakot magmahal. Pero di ko alam kung darating pa ang chance na yun. With that thought, muli akong napaluha.

"Hey, bakit umiiyak ka na naman?", alalang tanong ni Aki.

"Sobrang ganda kasi nung kanta e...", ang bobo kong sagot sa tanong niya.

"Wow, bago yan ah.", natawa ko ng pilit sa katangahan ko, pero parang gripo na naman ang mata ko. Pagkatapos kong umiyak,buburahin ko lahat ng love songs sa playlist ng phone ko.

"Buti pa ikaw nagawa akong kantahan kahit minsan, yung taong pinagbuhusan ko ng lahat ng panahon ko, di man lang ata naisip gawin yung ganyan kahit biro lang.", malungkot kongsabi. Alam kong kaawa-awa na ang aking itsura pero ok lang, wala akong pakialam.

"Tara nga dito.", itinabi ni Aki ang gitara at saka ako niyakap. Again i found comfort in his arms. "Sige lang umiyak ka lang, alam ko nasasaktan ka. Umiyak ka lang hanggang mapagod ka, then one day gigising ka na lang at alam mong kaya mo na, wala ka nang sakit na nararamdaman.", pag-alo sa akin ni Aki.

"At huwag kang mag-alala andito ako hanggang sa dumating yung araw na iniintay mo. Yung araw na sa tingin mo kaya mo ng maging masaya uli. Kapag hindi mo na kaya, pwede mo kong itxt o tawagan sa tuwing kelangan mo ng yayakap sayo.", hindi ko alam pero lalo akong napapaiyak sa mga sinasabi niya. "Kung di na makuha sa iyak at kelangan na talaga ang alak, andito lang ako, maglusawan tayo ng atay. Huwag mong iisiping nag-iisa ka lang. Oo, nasasaktan ka ngayon pero di ka nag-iisa dahil nandito ko para sayo. At di na uli ako mawawala, kasi you're my little prince."

Lalo akong humagulhol kay Aki. Iyak ng isang bata. Ng taong nasasaktan. Ng taong nahihirapan. Ng taong nanghihinayang. Lahat ng kinikimkim ko ibinuhos ko sa iyak. Lahat ng galit at lungkot. 




****Aki****

4:46 pm, Monday
March 14





Nakatulog na si Kyle. Ang sakit pagmasdan na ang taong mahal mo ay nakatulog ng may luha sa mata. At wala kang magawa para mapawi ito dahil alam mong di ikaw ang makakapagpasaya. sa kanya. 

Hinalikan ko si Kyle sa noo. Aalisin ko na san ang yakap niya sa akin para makatulog siya ng maayos ngunit pinigilan niya ako, lalo lamang siyang yumakap sa akin.

"Please don't go.", mahinang pagsusumamo ni Kyle. Di ko alam 
Kung para sa akin ba iyon o kung napapanaginipan niya na naman si Renz. Gayunpaman, nanatili na lamang ako sa aking pwesto at niyakap na lamng siyang muli.

'Yes my little prince, hindi ako aalis. Dito lang ako sa tabi mo kahit na ako din ay nasasaktan.', bulong ko sa aking sarili.



To be cont'd....

6 comments:

  1. i really love this♥

    ganda ng story



    <07>

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po... pasensya na din sa matagal na pag-update... pilitin ko po magpost ng mas madalas...

      Delete
  2. kuya kahit wala mang magcomment please know na your story is soo goood talaga. KEEP IT UP. TEAM AKI AKO WAHAHAHA. OR KUNG MAY SPIN OFF PATO SANA MAY MAKTULUYAN SI UNKNOWN NA MAIIWAN.

    GUSTO KO TALAGA WRITING STYLE MO! GALENG GALENG.

    -ICHIGOEKSDI

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamat ichigoeksdi, sobrang motivating ng mga sinabe mo... sobrang na-appreciate ko siya... :))

      Delete
    2. ngayon ko lang nakita to kuya :) hihi no problem hinanap ko pala talaga to. basta maganda story, meant to be appreciated sila :)

      -ichigoXD

      Delete
  3. Mark Xander MendiolaJune 9, 2013 at 10:09 AM

    hay...sad ..kakaiyak...now ko lng to nabasa at tatapusin ko..heheh

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails