Look at me with Love Part 8 – We Meet Again
By: simonusimon
***oh ayan mahaba na talaga ito at
sana magustohan nyo… sobrang salamat sa lahat ng mga readers ng blog na ito at
lahat pa ng blog ditto sa msob! Salamat din sa mga nagcocomment ditto at sa fb,
nakakatulong talaga kayo! Thank you very much! Comment kayo para maimprove ko pa! :)
Wala
pang ilang oras ay nakauwi na ako sa bahay. Agad kong hinanap si mommy para
makuha ang sinabi nyang sulat para sa akin.
Pagkakuha
ko ng sulat ay agad akong pumunta sa kwarto at binasa ito. Galing pala kay
kuya. Postcard at mga litrato nila mama. May nakasulat sa likod
Kamusta na? Miss na miss ka na namin ni
mama. Kami ok lang dito. Si mama ok na din, nakamove on na sya sa nangyari.
Gusto na nga nyang makauwi e, kaso marami pa kaming inaasikaso ditto sa
business naming, pero ung pangako ko… SANA ANTAYIN MO AKO. OCT 16. MAGKIKITA
TAYO ULI SIMON.
JEROME
Sa
aking nabasa ay nakaramdam ako ng kung ano sa aking dibdib. Ipinagbalewala ko
nalamang ito at pinagmasdan ang mga litrato ni mama. ‘Mukhang ok na nga si
mama’ sa isip ko. ‘buti pa sya, samantalang ako magulo ang buhay, kulang,
parang lagging hindi na tama’ Bigla kong naalala ang panyo ko. ‘shoot! Ung
panyo ko! Ung panyong bigay sakin ni John, huhuhu, un na lang ang natitirang
panyo na bigay nya sakin’sabi ko sa sarili ko. Hilig ko na kasi ang magwala ng
panyo.
Nakatulugan
ko na ang pagtingin sa mga litrato. Kinabukasan maaga ang pasok ko. Bukas
malalaman ko na rin ang resulta ng exams ko.
Maaga
palang ay nagising na ako. Pumasok sa school at kabooom! Isang malungkot na
araw para sa akin, 5 out of 6 subjects lang naipasa ko. ‘Anu bay an! Akala ko
wala na akong problema maliban sa Feasibility Study naming.’ Ok na rin siguro
un. Atleast isa nalang ang kailangan kong bawian at bigyan ng extra effort.
Matalino naman ako, consistent
honor noong nasa grade school at high school. Nag-iba lang ang pananaw ko
nitong college. Makapasa lang sa akin ay ayos na. At dahil doon magcecelebrate
ako! Sakto katapusan nan g January may sweldo na ako! Agad kong tinext ang mga
kaibigan ko. At YES! May nagreply na ISA, ang masasabi kong pinakamalapit kong
kaibigan, si Quimby. Nakilala ko sya nuong bata palang kami sa isang theatre
org. Ok na un! Mas gusto ko naman talaga mas kaunti. Attention seeker kasi ako.
Samantala si John
ay nasa puntod na naman ng kanyang itinuturing na nanaya, ang kanyang yaya.
Umiiyak na naman syang kinakauusap ito.
“Ya,
anung gagawin ko, bumabagsak ng bumabagsak ang kumpanya. Sasabihin ko na ba
kina mama? Magagalit un e” at maririnig ang mga hikbi nito.
Noong
bata palang si John ay puno na sya ng pressure mula sa kanyang mga magulang.
Naalala ni John na nuong bata sya na minsan syang bumaba mula sa first honor
paputang third honor dahil nagkasakit sya ay labis itong ikinagalit ng kanyang
mga magulang. Pinagbawalan na lumabas at makipaglaro sa kanyang mga kaibigan at
ilang araw na hindi pinansin ng kanyang mga magulang.
“Ya, ayokong idisappoint uli
sila. Ayokong lalo pang malayo sila sakin, lalo na ngayon na wala ka na” huling
wika ni John bago sya umalis.Napagdesisyunan nyang uminom uli dahil sa kanyang
problema. Un lang kasi ang naiisip nyang sagot para panandaliang makalimutan
ang mga ito.
Pumunta
kami ni isang bar ng 8. Pumuwesto kami sa may counter, un kasi ung paborito
kong spot. Kita ko kasi lahat pag nandon ako. Party talaga si Quimby, walang
hiya kasi to, hilig nya talaga ang magbar. Inintay ko nalang syang mapagod para
mamaya na kami magkwentuhan. Tipsy na ako, habang ang kasama ko pass 10 na
nagsasayaw pa, mukhang di na ata sya mapapagod.
“Insan
may load ka?” tanong ni Quimby sa akin pagkalapit nya, insan ang tawagan naming
pero di talaga kami magpinsan.
“Wala
bakit? Tanong ko sa kanya.
“Nagtext
kasi si papa. Hinahanap na ako” kakamot kamot sa ulo si Quimby
“Hindi
ka nagpaalam? WAlastek. Kakaorder ko lang ng isang bucket” noong nakita ko kasi
syang palapit ay umorder na ako para sa aming dalawa.
“Hala,
order ka kasi ng order, sige antayin mo ako ditto magpapaload lang ako sa
labas” si Quimby.
Wala
pang ilang minute ay may lumapit sa aking lalaki, nakatalikod ako sa kanya.
“May
nakaupo ba dito?” sabi ng lalaki
Humarap
ako sa kanya at nakilala ko sya, si John. “Ikaw?” pagkabigla kong tanong sa
lalaking nakayuko. “Oo meron” kasabay ng pagsabi ko na merong nakaupo ay umupo
ito sa bakanteng upuan na tinutukoy ko. ‘Adik ba to? Kakasabi ko lang na meron
e’
“Favorite
spot ko to alam mo ba yun, kaso kanina pa kayo dito nung kasama mo, kaya nung
nakita ko syang umalis na pumunta na ako dito.” Tuloy tuloy na wika ni John
habang nakatungo pa rin. Habang sinasabi nya ito ay binasa ko naman ang text ni
Quimby “Insan, may kasama ka na, ganyan ka, sige uwi na ako, katampo ka”
Umiling nalang ako at walang nagawa.
“Isang bote pa nga” wika ni John
sa waiter tapos ay humarap sa akin. “Ikaw?”
“Ako?”
pang-aasar ko dito. “May pangalan ako no!” asar na din kasi ako dahil naaalala
ko ung ginawa nyang pag-iwan sakin sa dyip. At ang isa kong subject na bagsak
ay ang exam ko nung araw na iniwan nya ako.
“Ikaw
nga! Sino ka?” mahihimigan ang tuwa sa kanyang boses.
“Ha?”
takang tanong ko.
“Lagi
kitang nakikita!” si John
“Ako
din, lagi nga din akong minamalas tuwing nakikita kita e” at walang anu ano ay
sumuka si John sa dibdib ko.
“What?
Seryoso?” gulat ko sa pagsuka nya sa damit ko.
“Sorry,
nabigla lang ako” si John
Di
ko alam kung matatawa ako o maaasar sa sinabi nya. ‘Nabigla? Gulo hahahaha’
Namalayan ko nalang na papunta na kami ng rest room. Natauhan ata si John sa
pinaggagagawa nya. Habang nasa rest room ay pinupunasan nya ang aking damit gamit
ang isang panyo.
“panyo
ko yan ah…” bigla kong nasabi
“Ahhh
oo, sorry uli” hinugasan nya ang panyo para mawala ang suka ditto at piniga
sabay sabing “Salamat. Eto sinasauli ko na sayo sorry talaga”
Napanganga
nalang ako sa sinabi niya. ‘lasing na nga to’ sa isip ko.
“may
damit ako sa kotse, un nalang siguro” pagbasag nya sa pag-iisip ko kung gaano
siya ka-ewan.
Wala
na akong nagawa kundi tanggapin ang kanyang alok. Papatayin kasi ako sa bahay
kung maaamoy ako ng ganun, amoy suka na alak at kung anu ano pa. Binayaran ko
muna ang mga inorder ko bago kami lumabas.
“Ha
eto ung damit mo?” tanong ko habang hawak ang isang long sleeves.
“Oo,
kasya naman ata sayo yan e… sukat mo?” sabi ni John habang sapo ang ulo.
Mukhang lasing na lasing na nga ata sya. “Sandali may sando ata ako dito”
“Sige
un nalang” sabi ko dito.
Sinuot
ko ang sando nya at sakto naman.
“Sige
uwi na ako.”
“hatid
na kita para makabawi naman ako.” Sabi ni John
“naku
wag na baka malasin na naman ako” pagbibiro ko at nakita kong napahiya sya.
“Joke lang, hindi na kasi ako nasakay sa kotse” pagbawi ko para hindi sya
mapahiya. Pero sa totoo lang ay nakakatuwa sya mapahiya.
Tumalikod
na ako para umalis nang may marinig ako “tuggg” “arayyyy!”
“Ayos
ka lang ba?” sabi ko habang pinipigilan ang pagtawa ko, nauntog kasi sya sa
kotse nya. Lasing nga talaga. “Kaya mo bang magdrive? Magcommute ka na lang
sabay na tayo, pareho naman tayo ng barangay e.”
“Ahhh
oo nga pala… ikaw ung kumuha ng wallet ko”
“Correction,
tinignan ko lang ung address nyo at hinatid ka. Nakalimutan ko lang isauli.”
Pagmamayabang ko.
“Hinatid
mo ako? E mag-isa lang naman akong umuwi noon pagkakatanda ko.” Takang tanong
ni John.
“Ahhh
un ba? Iniwan mo kasi ako noon sa dyip , nakatulog kasi ako… hayun nakalagpas
tuloy ako” nakita ko na naman na napahiya sya, tumungo nalang sya. Nakakatawa
talaga sya.
“Ganun
ba? Naku pasensya na. Dami ko palang utang sa iyo.” Kakamot kamot sya ng ulo.
Nakasakay
na kami ng dyip. “Sige libre mo nalang ako sa pamasahe para makabawi ka” pagbasag
ko sa katahimikan sa dyip.
Nakita
kong napangiwi ang mukha nya habang kinakapa ang kanyang bulsa. Pinagmasdan ko
lang sya.
“ui…
bayad na malapit na tayo, baka mapagmura tayo ng driver” sabi ko
“Ah…
eh kasi… nawala ung wallet ko” sabay tungo.
“Ganun
ba? Sige ako nalang ULI” tatawa tawa kong wika, tuwang tuwa talaga ako kapag
nakikita ko syang nahihiya, parang batang ewan.
Pagkabayad
ko ay may nagtext kay John. “Yes nakuha ung wallet ko nung waiter. Kaibigan ko
kasi un. Buti nalang masasauli uli un” tuwang tuwang wika nito habang
nakatingin sa akin.
Mula
kanina ay hindi pa kani nagkakatinginan sa mata dahil nga lagi syang napapahiya
sa mga ginagawa nya. Sa aking nakita ay biglang nagrigudon ang puso ko. Di ko
alam kung ano ang nangyari. Bigala nalang bumilis ang tibok nito.
“Para!”
biglang wika ni John. Di ko alam pero bumaba din ako ng dyip kahit hindi pa
duon ang bababaan ko.
Itutuloy…
Pls visit simonusimon.blogspot.com
Add nyu din ako
sa fb simonusimon@gmail.com
Ask me anything on http://www.formspring.me/simonusimon
ejo naliito aq sa kuwento, peo kaya yan lol
ReplyDeleteakala ko mahaba di naman pala.
ReplyDeleteMejo confusing ang flow ng story.
ReplyDeleteI suggest you to think some better strategy on how you can improve the delivery of the scenes.
#It's my first time to be one of the "ANONYMOUS"
:D
awww ganun po ba sige po pagbubutihin ko pa
ReplyDelete