Mahal Mo Ba Ako? – Chapter 9: Panaginip
Ay teka! Kilala ko ito ah.
“Ui! Tara pasok ka muna. Si Sir Greg
pala. Coordinator namin,” pakilala ni Kuya Alvin sa bagong dating.
“aahhh, good evening po, Sir.
Pinapatawag po kayo ni Sir Renier para daw po sa budget ninyo,” sagot ni Evan
na halos nakadikit lang sa may pintuan.
“Ganun ba?” pagkatapos ay humarap sa
amin si Sir Greg. “Puntahan ko muna yun saglit ha. Cherry, ikaw na muna bahala
dito.”
Lumapit ako kay Evan. Tumingin siya
sa akin at biglang nag-umaliwalas ang mukha nang makilala ako. Yumakap siya sa
akin na pinagbigyan ko naman.
“Ui Ignis! Dito ka pala sa teatro?
Loko na-miss kita ah. Di man lang kasi mag-text” sabi niya.
“Oo tol. Pasensya na at pulubi ako
‘pag bakasyon walang pang-load. Mukhang magkakasama pala tayo eh,” sagot ko
naman habang nakangiti na naging dahilan ng pagkunot ng noo ni Evan.
“Hindi tol. Diyan ako sa kabila, sa
choir,” sabi niya at biglang bukas ng pinto at may kinausap sa labas. Narinig
ko lang na sinabi ni Evan, “’Wag ka na kasing panggap na mahiyain diyan lika na
dito.”
Iyon ang naging dahilan kung bakit dumungaw na din sa pinto
yung kausap ni Evan.
“Rey pasok ka! Bakit ngayon ka lang?
Sabi na sa iyo na before 6pm andito ka na.” Si Kuya Alvin.
“Sorry po late ako medyo na-traffic
kasi” pagpapaliwanag niya ng biglang dumako ang mata niya sa akin. “Ignis?!
Buti nandito ka din. Mukhang magiging masaya dito ah” napakalapad ng ngiti ni Mokong
na siya namang nagpawala nung sa akin.
“Ignis, sige na punta na ako sa
rehearsals namin. Inutusan lang din kasi ako,” pagpapaalam ni Evan.
“Sige. ‘Kala ko pa naman dito ka
din,” nasa tono ko ang panghihinayang.
“’Di bale tol andyan naman si Rey,”
pang-aalo ni Evan.
“Oo nga eh,” sarcastic na banat ko.
Tumawa lang si Evan habang ngingiti-ngiti lang si Rey. Lumabas na din kaagad si
Evan kaya bumalik na ako sa upuan ko.
Sumunod si Rey sa akin at tumabi sa
akin. Sa isip-isip ko napaka-swerte ko naman sa araw na iyon. Napapagitnaan ako
ng dalawang tao na nakakapagpakulo ng dugo ko ng mabilisan. Pagkabalik ni Sir
Greg, napansin niya kaagad si Rey.
“Alvin, siya na ba yung sinasabi mong
recruit?” tanong ni Sir Greg. Isang tango lang ang naging sagot ni Kuya Alvin.
“Alam kong nasabi na ni Alvin sa iyo ang oras ng simula ng workshop. Kahit ano
pang dahilan mo, late ka pa rin. Bilang penalty, ikaw na ang magpakilala ng
sarili mo,” turan kay Rey.
Kakamot-kamot ng ulo si Rey na tumayo
sa harapan namin at nagsalita,” Ako si Rey Tan, bale kumukuha ako ng – “ di
niya naituloy yung sasabihin niya.
“Wala bang nagsabi sa iyo kung ano
ang gagawin? ‘Pag nagpapakilala dito dapat umaarte pa din,” wala mang emotion
na sabi ni Sir Greg ngunit bakas sa mukha ni Rey ang pagkainis dahil sa
pagkapahiya.
Biglang nagbago ang aura ni Rey.
Nagsimula siya sa pagpapakilala niya sa paraang gusto ng coordinator namin
bilang isang rebelde. Lumapit siya sa akin at pasigaw na nagsalita, “Ikaw!
Kilala mo ba ako? Ako si Rey Tan! Matuto kang rumespeto sa akin. Kung
kakausapin kita magsasalita ka. Kung sinabi ko na sumama ka sa mga lakad ko
dapat kakaripas ka papunta sa akin! Naintindihan mo?”
Nabigla man ako sa ginawa niya ay
wala pa ding kahit anong bakas ng pagbabago sa aking mukha. Dire-diretso lang
si Rey sa pagbibigay ng mga detalye tungkol sa kanya pero sa malayo na ang
tingin hanggang sa act niya ay na-corner na siya ng mga sundalo at namatay.
Ako ang sumunod sa kanya. Tulad ng
una kong balak, nagpanggap ako na walang maalala. Makakakita kunwari ako ng mga
sulat at litrato at magtatanong sa isang tao na hindi naman talaga nag-eexist
kung yun ba yung pangalan ko sa nakasulat. Isa-isa kong titingnan ang mga
litrato na kunwari ay hawak ko at maaalala ko yung lugar pero di ako sigurado
kung taga-doon nga ako. Natapos yung act ko na wala pa din akong maalala pero
at least nagawa ko yung activity that night. Sunod-sunod na sila nagpakilala at
ang gagaling nila.
Nung si Edward na yung nagpapakilala,
umarte siyang parang unggoy. Tinanong siya ni Sir Greg, “Edward, ang unggoy ba
eh nagsasalita?”
“Hindi po, Sir,” sagot niya.
“Bakit pala yun yung ginawa mo?”
follow up ni Sir.
“Para maiba lang. Lahat kasi sila tao
yung inarte nila,” sagot ni Edward.
“So, unggoy ka?” nangingiti na si Sir
sa pang-aasar na hindi man lang napapansin nung isa.
“Opo, Sir,” ang sagot ni Edward na ikinatawa
naming lahat.
Last si Edward na nagpakilala nang
gabing iyon. Yun ang una naming workshop. Kailangan daw namin matutunan na
magkaroon ng lakas ng loob at kapal ng mukha. Kung gusto daw naming maging
tunay na actor dapat kaya naming harapin ang madaming tao. Iba’t-iba ang
katauhan ng manonood at mainam na matutunan namin na pakibagayan silang lahat.
Pauwi na kaming lahat. Dinaanan ko sana si Evan para sana makapagkwentuhan
kahit kaunti dahil nga sa tagal di namin nagkita. Mas nauna pa pala umalis. Hindi
lang pala ako ang naka-isip noon kasi kasunod ko lang si Rey. Kaming dalawa na
lang naiwan sa school building dahil nauna na sila Sir Greg na lumabas.
“Ignis, wala na sila Evan. Mas maaga
sila umuwi,” si Rey.
“Pansin ko nga kasi wala ng tao
dito,” sabi ko.
“Nakaka-asar ka kamo. Di mo man lang
sinabi na dapat pala theatre style yung pagpapakilala kanina. Napahiya pa tuloy
ako,” himutok niya.
“Hindi ka din naman kasi nagtanong,”
sagot ko.
“Late nga ako. Malay ko naman,”
parang nagtatampo pero maangas pa din.
“Next time kasi ‘wag ka na ma-late,”
nagsisimula na akong maasar. At para hindi na ako ma-stress, nagwika na lang
ako uli, “Sige Rey, uwi na ako. Gabi na kasi eh.”
“Teka lang. Kape muna tayo,” anyaya
niya.
“Salamat na lang, Rey. Gusto ko na
umuwi talaga,” tanggi ko.
“Diba sabi ko na kapag gusto kong
sumama ka sa mga lakad ko, kakaripas ka papalapit sa akin!” sa tono ng boses
niya noong umaarte siya. Napangiti na lang ako habang umiiling. “Yun oh.
Nginitian mo na ako. Haha,” di maalis yung ngiti ni Mokong kahit yata sampalin
ng malakas.
“Sige na Rey, kailangan ko na
talagang umuwi,” I respectfully declined.
“Sabay na lang tayo lumabas pala
coding kasi yung kotse kaya magta-taxi na lang ako sa main gate,” sabi na lang
niya. Tampo effect?!
Sabay na kaming lumabas ng school
ngunit katahimikan na lang ang namagitan sa akin. Hinintay ko siyang makasakay
at kumaway na lang nung paalis na ang taxi.
Doon na din nagsimula ang routine
namin ng workshops and rehearsals para sa play. Isang linggo ang matulin na
lumipas at halos magkakasundo na din kami lahat. Halos lahat kasi si Mokong ay
nagsisimula na namang maging hari ng kayabangan feeling magaling pero laging
basag kay Sir Greg. Jim is of no help kasi prinsipe naman siya on the same
reason. Dikit pa ng dikit itong bata na ito feeling close. Buti na lang kasama
ko dati sa squad si John kaya madalas siya ang kausap ko. Maaga akong
dumadating sa room kung saan kami nagwo-workshop pero mas pinipili ko na lang
na tumambay kina Evan kesa makasama ko yung mga yun.
Saturday. Last day of the week na may
workshop kami. Pagkatapos ng actitivites namin nagyaya sila Sir Greg na kumain
sa labas. I was worried kasi di naman ganoon kaayos ang finances ko. Di
kalakihan ang allowance ko tapos yung mga kasama ko halatang may kaya sa buhay.
Tatanggi na sana ako sumama pero sinabi na lang ni Kuya Alvin na tipong
Jollibee lang daw. Tingin sa wallet, bilang ng iilang bills na nandoon. Pwede!
Sumunod na lang ako sa kanila papalabas ng room para makakain na at kwentuhan na
din daw.
Nagbabasa ako ng mga text messages
habang naglalakad kasi bawal gumamit ng phone during workshops so check lang
muna ng mga pesteng pagkadami-daming quotes na 3 parts ang haba. Puno tuloy
yung inbox ng phone ko kaya di na maka-receive ng bago. Nag-delete ako ng mga
di ko masyadong gusto. Nung nagrereply na ako dun sa mga kaklase ko, dun ko
napansin na nasa hulihan na pala ako naglalakad pero di naman ganoon kalayo sa
iba. Binilisan ko maglakad habang nagte-text. Kung sabagay kapag 3310 ang phone
mo kahit nakapikit ka pa makakareply ka. Napansin ko na lamang na may katabi
pala akong naglalakad.
“Ignis, mahal mo ba ako?” tanong ng
isang taong kinakainisan ko.
----- Itutuloy
..super igsi naman, kakabitin naman.
ReplyDelete..ahrael
Sobra.
ReplyDeletesorry.
ReplyDelete