Followers

Wednesday, April 24, 2013

CAMPUS TRIO 9-10

Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com

Kamusta po ulit sa lahat. Ayan medyo mabilis na ang reposting ko. Sa mga nag-aabang po ng karugtong ng story ay kaunting tiis na lang po :D

Salamat po pala sa mga patuloy na nagbibigay ng comments sa story.

Happy Reading! 


[9]
"Anong oras tayo babalik ng Manila?" ang tanong ni Andrew kay Bryan na kasalukuyang nagpupunas ng basa nitong katawan. Kakatapos lang ng kanilang swimming.
"Ang kulit mo naman Andrew. Sabi ko naman sa iyo na hindi pa tayo uuwi." ang sagot ni Bryan sa kanya.
"Ano pa ba ang gagawin natin ngayon?"
"Mamamasyal tayo. Lilibutin natin ang buong Baguio."

Gusto mang tumutol ni Andrew ay hindi na niya itong nagawa pa. Una hindi naman siya mananalo kay Bryan at pangalawa ay parang nagugustuhan na niya ang ginagawa nito sa hindi malamang dahilan. Sa nakikita niya ay wala pa namang ginagawa sa kanyang masama yung tao.

Matapos maligo ay naghanda na sila para sa pag-alis. Simpleng semi-fit na white t-shirt at pants ang sinuot ni Bryan. At dahil sa walang damit si Andrew ay pinahiram muna siya nito ng susuotin.

"Pagpasensyahan mo na kung medyo maluwag sa iyo."
"Ok lang." ang nasabi na lang ni Andrew. Sinuot niya ang inabot nitong blue na shirt at walking shorts na may kasamang belt. Sa loob niya ay may tuwa siyang nararamdaman dahil sa nakapagsuot siya sa unang pagkakataon ng ganoong klaseng damit.
"Magpataba ka kasi para naman magkalaman ka kahit papaano."
"Ang yabang naman nitong magsalita. Sige na ikaw na ang macho."
"Sinabi mo pa." ang sagot ni Bryan sabay flex ng kanyang muscles sa braso.

Napapangiti na lang si Andrew sa ginawang iyon ni Bryan.
_______
Gamit ang kotse ni Bryan ay una nilang pinuntahan ay ang Mines View Park, ang pinaka popular ng lalawigan. Nang marating nila ang lugar ay hindi naitago ni Andrew ang sobrang saya dahil sa unang pagkakataon ay nakita niya ng personal ang isang tanawin na sa larawan lang niya nakikita.

"Mabuti naman at nagustuhan mo" ang sabi ni Bryan kay Andrew nang mapansin nito ang todong pagngiti ng kasama.
"Oo, ngayon lang kasi ako nakapunta dito." ang sagot ni Andrew. "Dati sa mga pictures ko lang nakikita ito."
"Mabuti naman at nagustuhan mo. Kita mo na, Mabuti na lang at sumama ka sa akin kung hindi... wala kang makikitang ganitong tanawin."
"Oo na. Thanks ha." 
"So ngayon may utang ka sa akin ha."
Napatingin naman si Andrew sa kanya. "Anong utang?"
"Pinasaya kita ngayon kaya bilang ganti mo sa ginawa ko ay dapat pasayahin mo rin ako."
"Ganun ba? E paano magiging utang iyon, ikaw ang nagkusang mamasyal dito?"
"Ah basta may utang ka sa akin. Ngayon pa lang mag-isip ka na kung paano mo ako pasasayahin."
"Hmmm..."
"Wala ka maisip?" si Bryan na inakbayan si Andrew ng kanang braso nito. "May idea ako."
"Ano naman yun?"
"Mamaya pag-uwi natin ng resthouse dun sa kwarto ko." ang pabulong nitong pahayag. "Alam mo na siguro yun." ang pagpatuloy nito sabay himas niya sa balikat nito gamit ang nakaabay pa ring braso.

Saglit na natahimik si Andrew para isipin ang sinabi nito.
"Hoy ang halay mo naman!!!" ang nasabi na lang niya sabay tanggal ng braso nito.
"Bakit? Pinagpapantasyahan mo ang katawan ko di ba kaya kung ako sa iyo I will grab the opportunity. Dont worry hindi naman ako magagalit eh."
"Assuming ka masyado Bryan. Hindi talaga kita pinagpapantasyahan!"
"Ah basta maghihintay ako Andrew."
"Hay ewan ko sa iyo." sagot nito sabay alis. Hinabol naman siya ng nakangiti pa ring si Bryan.

Halos isang oras silang naglibot sa buong park. Magdidilim na nang magpasya silang umuwi. Bago nila lisanin ang lugar ay bumili sila ng ilang souvenir at pasalubong tulad ng walis, basket, peanut brittle, kumot at sweater.

"Sandali lang balik muna tayo" si Bryan habang naglalakad sila palabas ng parke.
"Bakit na naman gabi na oh. Ang dami pa ng bitbit natin." ang reklamong tugon ni Andrew.
"Basta tara na bilis."

Wala nang nagawa pa si Andrew dahil sa paghila nito sa kanyang braso. Binalikan nila ang isang tindahan doon ng mga silver na alahas.

"Bigyan mo ako ng dalawa nito Miss." Ang sabi ni bryan sa tindera.
"Iyan lang pala ang bibilhin." ang pabulong na sabi ni Andrew sa kanyang sarili.
"Miss bigyan mo rin ako ng pendant na letter A at B." ang dagdag na binili ni Bryan.
Sa isip ni Andrew,  "Aba mukhang may pagbibigyan siya ah." 
"Maganda ba Andrew." ang tanong niya matapos bayaran ang mga binili.
"Pwede na." ang matipid niyang tugon. Ngunit ang totoo ay nagandahan talaga siya sa binili nito. Naisip niyang  magaling pala si Bryan sa pagpili ng mga ganoong bagay. Hindi lang halata sa personalidad nito.
______
"Alin ba ang sa iyo dito ang dami kasi nito eh?" ang tanong ni Andrew sa nagmamanehong si Bryan.
"Wala."
"Ano sabi mo ha wala?"
"Oo. Sayo lahat yan Andrew, regalo ko."
"Ows di nga." ang tila di makapaniwalang tanong ni Andrew. "Ibibigay mo to, impossible yata yun, baka mamaya pala pabayaran mo lahat ito sa akin."
"Dont worry. hindi utang yan. Alam ko namang wala kang kakahayan na magbayad."
"Ang yabang naman nito. Sige ikaw na ang mayaman."
"Oo, mayaman at gwapo." ang nakangiting pahayag ni Bryan na may kasamang pagkindat.

Sa di malamang dahilan ay nakaramdam ng kilig si Andrew. Wala siyang tutol sa huling pahayag nito dahil sa totoo talaga iyon. He got the looks of a perfect man ika nga kaya may karapatan siyang magyabang.

"See napapangiti ka dyan dahil totoo di ba tsk." ang nakangising si Bryan.
"Oo na." ang nasabi at pag-amin na rin ni Andrew."
"Swerte mo talaga kung sakaling maging...." si Bryan na saglit huminto.
"Ano?"
"Hmmm.... tayo."
"Hays. Tayo ka dyan." si Andrew. Hindi nya maintindihan, parang hindi na siya naiinis pa sa mga ginagawa nito na tila inaakit siya.
"Hehehe... So Gutom ka na ba, tara kain muna tayo sa SM bago bumalik sa bahay."

Pagkarating sa mall ay dumeretso sila sa isang kilalang fastfood chain.
"Ano gusto mo?"
"Chicken na lang sa akin."
"Yun lang ba? Sige humanap ka na ng mauupuan natin."

Hindi naman siya nahirapan sa paghahanap ng mesa dahil sa kaunti lang ang kumakain sa mga oras na iyon. Habang naghihintay ay nagbalik-tanaw siya sa naging pakikitungo sa kanya ni Bryan. Naisip niya na wala pang ginagawang hindi maganda sa kanya ito. At masasabi niya na mabait din pala itong tao tulad ni Troy.
"Teka nga bakit ganoon yung naiisip ko." ang napapailing na sabi ni Andrew sa sarili. Pakitang-tao lang yan sa susunod may hidden agenda siya sayo Andrew. Huwag agad magtiwala. Paghandaan mo ang gagawin niyang resbak sayo!" ang pangungumbinse niya sa kanyang sarili.

Maya-maya lang ay dumating na si Bryan dala ang kanilang order.
"Ang dami naman, mauubos ba natin lahat yan." si Andrew na nabigla sa mga pagkaing dala nto.
Umupo si Bryan sa tapat ni Andrew. "Hindi natin. Ikaw. Oh ito, ubusin mo lahat yan para tumaba ka."

Binigay ni bryan sa kanya ang Chicken na may tatlong extra rice, large fries, dalawang cheeseburger, isang spaghetti at large softdrinks. Samantalang ang natira kay Bryan ay isang hamburger lang with ice cream.
"Hindi ko mauubos to."
"Dapat mo ngang ubusin yan para tumaba ka. Para naman madagdagan yang timbang mo.
Sa tingin ko mas magaan ka pa kasi kaysa sa mga binubuhat ko sa gym. Ni hindi nga ako pagpapawisan kung sakaling buhatin kita."
"Ang yabang mo talaga."
"Totoo naman di ba? Tignan mo nga yang katawan mo wala man lang kalaman-laman."
"Meron kaya, hindi naman ako ganoon kapayata ano." ang pangangatwiran ni Andrew.
"Ewan ko sa iyo Andrew. Sige na ubusin mo na yan."

Habang kumakain si Andrew ay napansin niya ang ginagawang pagtitig ni Bryan sa kanya.
"Bakit ka nakatingin sa akin?" ang medyo naiilang na tanong ni Andrew sa kanya.
"Wala lang." ang nakangiti nitong sagot. Ngunit iba talaga ang nasa isip niya.
"Wala daw. Kainin mo na kaya yang pagkain mo." si Andrew nang mapansing hindi pa nababawasan ang pagkain ng kausap.
"Ok lang ako. Sige kumain ka lang. In case na kulangin ka ibibigay ko na itong inorder ko sa iyo."
"Ano sabi mo? anong palagay mo sa akin matakaw?"
"Ikaw ang nagsabi niyan hindi ako" ang nakangisi nitong tugon. "Pero seriously, gusto ko talagang kumain ka ng marami."

Matapos kumain ay umuwi na ang dalawa.
"Nag-enjoy ka ba ngayong araw?" ang tanong ng nagmamanehong si Bryan.
"Ahm. Oo, pero hindi ko pa rin kasi maiwasang mag-alala kay nanay."
"Mahal mo talaga nanay mo ano."
"Oo naman, simula nang mamatay si tatay, siya na ang nag-alaga sa akin.Kahit marami na siyang nararamdaman sa katawan niya at nanghihina, patuloy pa rin siya sa paghahanap-buhay para lang may makain kami. Kaya ako talagang sinikap kong makuha ang scholarship nang sa gayon makapagtapos ako ng pag-aaral."
"Ganoon ba."
"Siyempre bukod sa pag-aaral, tinutulungan ko na rin si nanay sa paghahanap-buhay."
"Sa edad mong yan nagtatrabaho ka na rin?"
"Oo, sa umaga bago pumasok ay nangangalakal ako."
"Anong nangangalakal?"
"Ay mayaman ka nga pala kaya hindi mo alam." ang nasabi ni Andrew sabay ngiti ng pilit. "Nangongolekta ako ng mga dyaryo, bote at iba pang gamit na maaaring ibenta sa junkshop."

Napansin na lang ni Bryan ang pagiging seryoso ni Andrew. Lingid sa kaalaman ng kausap ay nakakaramdam na siya ng awa sa kanya. Sa panig naman ni Andrew, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoong kadali ang mag open ng kanyang buhay sa isang taong tulad ni Bryan na hindi pa niya lubusang kilala.

"Bakit natahimik ka dyan?" ang tanong ni Andrew sa kanya.
"May naisip lang ako. Nacurious kasi ako sa trabaho mo."
"Ows di nga." si Andrew na di makapaniwala sa sagot ni Bryan.
"Oo, parang gusto kong subukan kung ano man yang ginagawa mo."
"Nice naman, ang galing mo namang magbiro ah. Imposible naman na isang mayamang tulad mo ang susubok sa hanapbuhay ng isang mahirap."
"Hindi ito joke Andrew."
"Talaga lang ah.
"Oo. this weekend sasama ako sa iyo."
"Bahala ka nga dyan. Ngayon pa lang naiisip ko na susuko ka kaagad"
"Im not the type of person na susuko agad Andrew. Nakikita mo ba ito?" si Bryan na nagflex ng muscles sa kausap.

Natawa na lang si Andrew sa kanya.
______
Kinabukasan ay maaga silang bumiyahe pabalik ng Maynila. At dahil sa haba ng oras ng biyahe ay di na naman sila nakapasok sa araw na iyon.

"Tatlong araw na akong absent. Marami na akong namiss na lesson at tests." ang nababahalang pahayag ni Andrew.
"Iyon lang ba ang pinoproblema mo." Hayaan mo ako ang bahala." si Bryan sabay kindat sa kanya.
"Siya daw bahala. Sige nga sabihin mo kung ano ang gagawin mo."
"Basta. Secret muna."
"Ewan ko sa iyo.

Makalipas ng ilang minuto ay nakaiglip si Andrew. Si Bryan naman habang nagmamaneho ay panay ang sulyap sa kanya. Muli ay napapangiti siya sa kanyang nakikita.
"Andrew ang cute mo talaga." ang gigil na pahayag ng kanyang isip. "Hayaan mo simula ngayon palagi mo na akong makakasama.
Hinubad niya ang suot na jacket upang ikumot kay Andrew. Lihim niyang hinalikan ang noo nito.
______
"Gising na Andrew nandito na tayo." ang pangangalabit ni Bryan sa kanya.
Pupungas-pungas na pinagmasdan ni Andrew ang paligid.
"Nandito na pala tayo sa amin. Teka paano mo nalaman ang tirahan ko?"
"Ah basta. Tara kunin na natin ang mga pasalubong sa compartment." si Bryan na lumabas ng kotse.

Tulad ni Troy habang naglalakad sila ni Bryan ay nakikita ni Andrew ang pagtitig ng mga kapitbahay niya sa kanyang kasama. At ang mas kapansin-pansin ay mas marami ang pagtili at kilig ang kanyang naririnig sa kanya kung ikukumpara kay Troy.

"Oh bakit ayaw mo pang kumatok?" ang tanong ni Bryan nang mapansing nakatayo lang si Andrew sa tapat ng pintuan ng kanyang tirahan.
"Nababahala ako na baka pagalitan ako ni nanay."
"Yun lang pala. Sige ako na ang kakatok."

Akmang kakatok siya nang pigilan ito ni Andrew. "Huwag na. Ako na lang."

Nang buksan ang pinto ay  napansin niya ang ina na nag-aayos ng higaan.
"Nandito na po ako. Nay patawarin niyo po ako kung di ako nagpaalam." ang agad na sinabi ni Andrew sabay lapit sa ina at lumuhod ito.
"Ok lang iyon anak. Naiinggit nga ako sa iyo dahil nakarating ka na sa Baguio."
"Hindi kayo galit nay. At paano niyo nalaman na dun ako nagpunta?" ang di makapaniwalang reaksyon ni Andrew sa pahayag ng ina.
"Bakit ako magagalit. Kampante naman akong nasa maayos ka. Nagpunta dito ang isa mong kaibigan kahapon, hinahanap ka at sinabi kong di ka pa umuuwi. Ayun nabanggit niya sa akin na nasa Baguio ka pala.
"Ganoon po ba." Naisip na ni Andrew na si Troy ang tinutukoy nito.
"Ay teka anak. Siya ba yung kasama mo?" ang tanong ng kanyang nanay nang mapansin si Bryan na nakatayo sa labas.
"Ah oo nga po. Siya po pala si..." ang pagpapakilala sana niya kay Bryan na di natuloy sa biglaang pagpasok nito.
"Bryan po. Ako ang bestfriend ng anak niyo." ang nakayuko niyang pagpapakilala. Tulad ni Troy ay halos sumayad na ang ulo nito sa kisame ng kanilang bahay dahil sa tangkad nito.
"Naku iho ang tangkad mo naman. Upo ka muna. Pasensya ka na at mababa lang ang kisame namin."
"Ayos lang po nay. Siya nga po pala ito pala yung mga pasalubong namin ni Andrew sa inyo."
"Nay agad?" ang bulong ni Andrew nang marinig ang pagtawag nito sa kanyang ina.
"Naku ang dami naman nito salamat iho." ang pahayag ng ina ni Andrew nang kunin nito ang mga binili nila sa Baguio.
"Natutuwa ako at nakakita agad si Andrew ng mababait na kaibigan sa school."
"Naku nay hindi..." ang pagkontra sana ni Andrew nang magsalita ulit si Bryan.
"Salamat po nay. Ako rin po ay natutuwa at nakilala ko ang isang mabait na tao tulad ni Andrew. Sa totoo lang po ay madali siyang kaibiganin." si Bryan sabay tingin kay Andrew at kinindatan ito.

"Walang hiya to, nagmamalinis pa." ang nasabi ni Andrew sa kanyang sarili.
"Ngayon makakahinga na ako ng maluwag. Hindi na ako mag-aalala sa kaligtasan ng anak ko dahil may mga kaibigan na siya."
"Hayaan niyo po nay, Makakaasa po kayo na bilang kaibigan niya ay babantayan ko siya." ang nakangiting si Bryan sa kanyang ina.
"Maraming salamat iho, alam ko naman na mabuti kang tao dahil kahit mayaman ka ay kinaibigan mo ang anak ko na salat sa buhay."
"Wala po sa akin kung mahirap siya o mayaman, ang importante sa akin ay ang kabutihan ng anak niyo."

Hindi na nagawa pang magsalita ni Andrew, napapailing na lang siya sa mga pambobola ni Bryan sa kanyang ina.

Itutuloy...


[10]
Maagang pumasok si Andrew kinabukasan upang makopya niya ang mga notes na namiss niya sa tatlong araw na pag absent kay Dina. Hindi muna nangalakal si Andrew nang umagang iyon.

Nagmamadaling niyang tinungo ang kanto ng kanilang bahay upang mag-abang ng tricycle patungo sa sakayan ng jeep papunta ng kanilang school. Habang papalapit siya ay naaaninag niya ang isang pamilyar na sasakyan na naka park doon. At nang makarating ay nakumpirma niya kung sino ang nagmamay-ari nito.

"Good Morning Andrew. Tara sabay na tayo hatid na kita." ang nakangiting pagbati sa kanya ng taong nasa loob ng kotse matapos buksan ang bintana nito.
"Ikaw pala Troy. Good Morning din. Sige sasabay na ako sa iyo." ang pagpayag ni Andrew sa alok. Pabor din sa kanya ito lalo na't naghahabol siya ng oras at isa pa ay para makatipid na rin ng pamasahe.

"Kamusta naman ang naging bakasyon niyo ni Bryan?" ang unang tanong ni Troy kay Andrew habang nagmamaneho ito.
"Ok lang. Kahit papaano nag-enjoy ako."
"Ah. Mabuti naman at nagkakasundo na kayong dalawa."
"Hindi ah! Naiinis pa rin kaya ako sa kanya. Marami siyang atraso sa akin. Ito na nga lang paghahabol ko sa lessons dahil sa absences ko, kasalanan niya ito."
"But I think hindi na ganoon katindi ang galit mo sa kanya, tama ba.?"
"Ah eh. paano mo naman nasabi yun?"
"Nakikita ko sa mukha mo."
"Talaga?" ang nasabi na lang ni Andrew. Sa isip niya ay tama si Troy. Kahit hindi niya kasi gusto ang mga ginagawa ni Bryan ay hindi na siya nakakaramdam ng matinding inis sa kanya.
"Nabanggit ko na rin sa iyo noon ang mga ugali ni Bryan di ba."
"Oo, na kayo lang ang tinuturing niya na kaibigan, na di gaano nakikisalamuha sa ibang tao lalo na sa mga hindi niya kalevel kaya nasasabihang masungit. Alam mo Troy may idadagdag pa ako dun eh. Siya ay isa ring arogante, mayabang, at higit sa lahat sinungaling."
Napatawa si Troy sa pahayag na iyon ng kausap. "Sinungaling?"
"Oo. Akalain mo ba namang bolahin niya nanay ko. Sinabi niya na magbestfriend kami, na hindi niya ako pababayaan, na siya ang mag-aalaga sa akin sa school. Halong pagtataka at pagdududa ang naisip ko nang marinig ko iyon sa kanya."
"I understand Andrew kung bakit niya nagawa iyon."
"Bakit?"
"Dahil gusto niyang mapalapit sa iyo pati na rin sa mga mahal mo sa buhay."
"Teka, bakit naman niya gagawin iyon at sa dinami-daming estudyante eh ako pa ang napili niya?"
"Isa lang ang masasabi kong sagot. Interesado siya sa iyo."

Nabigla si Andrew sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwala na isang tulad ni Bryan ang magkakainteres sa isang tulad niya. Kumbaga langit at lupa kung ipagkukumpara sila. Ngunit hindi niya maipagkakaila na nakaramdamm siya ng kaunting kasiyahan. Sa lahat ng estudyante sa campus na nagkakandarapa sa kanya ay maswerte na siya ang binibigyan ng atensyon ng isa sa campus trio. Dalawa na pala dahil kasama na dito ang kausap niya ngayon na si Troy.

Makalipas ang ilang minuto nang makarating sila sa school. Agad na nagmadali si Andrew papunta sa kaniyang classroom.
"Kamusta na ang honeymoon niyo ni Papa Bryan?" ang agad na salubong ng kinikilig na si Dina pagkapasok ni Andrew.
"Honeymoon ka diyan. Pinilit lang niya akong sinama sa Baguio."
"Pero aminin mo friend, nag-enjoy ka naman. Aba, para kang nakajackpot sa lotto dahil nasama mo na ang pinakasikat na tao dito sa campus."
"Youre lucky... First time in the history na may pinagbigyan si Papa Bryan ng kanyang atensyon na hinihiling ng halos lahat ng estudyante dito sa campus. At ikaw yun... 

"Tsk.Tama na nga yan. Pahiramin mo na lang ako ng mga notes mo." ang napapangiting si Andrew.
_______
Kasalukuyang nagbibilyar sa tambayan sina Troy at Bryan ng hapong iyon nang mapansin nila ang kakaibang kinikilos ni Bryan na nakaupo at nakasandal lang nag ulo sa sofa, nakatingala sa kisame habang pasipol-sipol at nakangiti.
"Ano kayang gayuma ang ginawa ni Andrew sa kanya? Aba kanina pang umaga habang nagkaklase pa siya ganyan. " ang tanong ni Michael kay Troy. "Parang nasisiraan na ng ulo."
"I think masaya lang siya" ang sagot ni Troy sa kanya. Hindi na rin siya nagtataka na maging ganito ang makita niya kay Bryan dahil alam din niya sa kanyang sarili na masaya talagang kasama si Andrew. Ganoon din kasi ang kanyang nararamdaman.

Nilapitan ni Michael ang taong kanilang pinag-uusapan.
"Daydreaming?"
"Ahm hindi naman." ang natatawang sagot ni Bryan.
"Hindi daw, e parang siraulo ka na dyan. Curious tuloy kaming malaman kung ano ang nangyari sa inyo sa Baguio."
"Wala naman masyadong nangyari sa amin dun. Pinakita ko lang sa kanya ang bahay ko dun at namasyal kami."
"Ah, at napapayag mo talaga siyang sumama sa iyo."
"Oo naman. At hindi lang yan..." Lalo pa siyang napangiti ng magpatuloy. "Nakita ko kung paano niya ako pagpantasyahan."
Nagtaka naman ang dalawa niyang kaibigan.
"Huwag mong sabihing... naghubad ka sa harap niya."
"Upper body lang tol. Kung nagrequest nga siya na tanggalin ko lahat gagawin ko."
"Baliw!" ang natatawang reaksyon ni Michael.  "Talagang nakuha mo ang atensyon niya.
"Ako pa, parang di mo naman ako kilala tol. Para-paraan lang yan."
"Ewan ko sa iyo. Ako sa totoo lang naguguluhan na ako sa inyo ni Troy kung bakit niyo pinag-aaksayahan ng oras ang taong iyon."
"Basta ako may sariling dahilan kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ito."si Bryan sabay tingin kay Troy.

Sa halip na sumagot ay nakatawag ng pansin ni Michael ang suot na kwintas ng kausap.
"Teka tol, nagsusuot ka na pala ng kwintas."
"Ah oo, at meron pang isa." Nilabas ni Bryan ang isa pang kwintas sa kanyang bulsa.
"A at B. Andrew at Bryan ang ibig sabihin ng mga pendant na yan, mga initials ng pangalan niyo. Balak mong ibigay sa kanya yung isa di ba?"
"Oo naman. Naisip ko kasi na dapat magkaroon kaming dalawa ng isang bagay na parehas kami, kumbaga remembrance."
"Ewan ko sa iyo tol, ang baduy mo na ah." ang natatawang pa ring komento ni Michael.
______
Lumipas ang ilang araw, naging normal naman ang lahat para kay Andrew. Nagagawa naman niya ng maayos ang mga regular niyang gawain tulad ng pangangalakal sa umaga at pagduty sa library tuwing hapon. May mga pagkakataon din na nagsasama sila ni Troy. Minsan nagyayaya itong magmeryenda, sumasabay sa kanya pag recess at sa paghatid sundo. Dahil dito ay mas naging close pa ang dalawa.

Nagtataka man ngunit nagpasalamat na rin si Andrew sa hindi pag-iistorbo ni Bryan sa kanya sa mga araw na iyon. Bagamat araw-araw siyang binabati nito sa tuwing magkrus ang landas nila sa campus ay hindi ito sumasama sa kanya.

Hanggang sa isang araw, Biyernes ng hapon, kakapasok pa lang ng library ni Andrew nang ipatawag siya ng dean ng kanilang college.
"Mr. Andrew, alam kong masyado kang abala nitong nga nakaraang araw. Pagkatapos ng klase mo ay tumutulong ka sa library. Lately nakarating ang isang impormasyon sa akin na nagtatrabaho ka pa pala sa umaga."
"Opo mam. Medyo kapos po talaga kami ng nanay ko. Hindi rin po sapat ang allowance na natatanggap ko."
"I understand. Actually I really appreciated your efforts. Napakasipag mong tao. Kahit marami kang ibang pingkakaabalahan ay hindi mo napapabayaan ang pag-aaral mo. In fact magaganda ang mga freedback ng mga professors sa iyo."
"Thank you po mam."
Ngumiti sa kanya ang dean. "So lets proceed to the main topic. Kaya kita pinatawag dahil mayroon akong isang bagay na iaalok na alam kong makakatulong sa iyo."
"Ano po iyon mam?" ang interesadong tanong ni Andrew.
"One of the administrators dito sa university na siya ring sumusuporta sa mga scholar na katulad mo at nagbibigay ng allowance sa inyo ay may ibibigay na trabaho sa iyo. Part-time lang naman ito para na rin makatulong sa pamilya mo."
"Talaga po mam. Ano po ba iyon?"
"Yung tinutukoy kong isa sa admin ay may dalawang anak. Yung panganay na lalaki ay nasa fourth year na dito rin nag-aaral sa university at ang bunso naman ay grade1. Bale kukunin ka niya bilang tutor ng bunso. Sabi niya medyo mahina daw ang ulo nito. I think magandang opportunity nito dahil sa salary na makukuha mo."

Natuwa naman si Andrew sa narinig. Swerte dahil siya pa ang napiling kunin bilang tutor sa kabila ng dami nilang mga scholar. Isa pa ay makakatulong iyon ng malaki para sa kabuhayan ng pamilya niya. Makakapagpahinga na rin ang kanyang ina mula sa pagtatrabaho.

"Maraming salamat po mam."
"So tatanggapin mo na ba iho."
"Opo mam."
"Ok. Tungkol naman sa details kakausapin ka na lang niya this weekend. Ito yung address ng bahay nila. Pumunta ka na lang diyan para makilala mo na rin yung tuturuan mo. Dr. Florentina Sebastian. ang pangalan niya."
 "Salamat po talaga mam."

Masaya si Andrew nang lumabas siya ng office habang naglalakad pabalik sa library ay napapangiti siya. Isang opportunity na agad niyang tinaggap ay nakapagpasaya sa kanya.

Nang makarating ay agad niyang napansin si Troy na nakaupo at nagbabasa ng libro. Napansin niya ang pagpasok ni Andrew kaya tumayo siya at nilapitan ito.
"Ang saya natin ngayon ah. Mukhang maganda ang naging usapan niyo ni dean."
"Talaga Troy, masayang-masaya ako. May inalok kasi sa akin na trabaho, bilang isang tutor."
"Really, maganda nga yan, dagdag income sa inyo ng nanay mo."
"Yun nga din naisip ko kaya ko tinanggap ito. Mahirap na baka ibigay ito sa iba."
"Im happy for you Andrew. Mabait kang tao kaya maraming blessings ang dumarating sa iyo."
"Hindi naman siguro."
"Ganoon kaya iyon. By the way sino ba yung tuturuan mo?"
"Ah ito pala yung papel na binigay ni dean."

Kinuha ni Troy ang papel. Napatingin na lang ito kay Andrew nang mabasa niya ang nakasulat.

Itutuloy....

42 comments:

  1. Kakakilig talaga nito.
    Doon ko to nabasa sa blog mo pero di natapos. Di ako nagkokoment doon pero napakoment ako dito sa tuwa na nagbalik ka na.

    Welcome back Daredevil!

    ReplyDelete
  2. Wala bang bangyari sa last night nila sa Baguio? Bitin naman haha. Sana ginapang nalang ni Bryan si Andrew at tiyak bibigay din yon. Ewan!

    So nice Mr. Author! Ikaw na to the highest level!

    ReplyDelete
  3. Here comes the tutorial job of Andrew. Sayang at mawawala din ang sideline na to dahil sa bruhang ina ni Bryan. Hmp!

    ReplyDelete
  4. Sarap naman ng kiss ni Bryan kay Andrew while sleeping sa kotse. Sana sa lips yon lol:-D

    ReplyDelete
  5. Peg ko yong pasalubong galore ang dami. At Nanay agad agad ang tawag? Landi lang ni Bryan hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi halata na gusto mo tong story haha sa dami ng comments mo d2 haha....

      Thank at sana pagpatuloy pa ang iyong pagsubaybay :D

      Delete
    2. Hay naku Kuya Alvin (ito na tawag ko sa yo dahil malademonyo naman ng name mo huh) sinsbi mo pa. Kung hindi lang nireject ni artistang admin marian ang isa kong koment talagang kabog. marami sigurong magreact haha

      Hayaan mo subaybayan ko ito. Gowrah!

      Delete
    3. Hoy Edwin, wag ka namang pa.obvious masyado. Ikakasal ka na tas naglalandi ka pa dito? Ewwww!

      Delete
    4. Grabe ka naman Junixson pag maka ewww parang may sakit akong nakakahawa. Di naman masyado ah! Pwes iuurong ko ang kasal haha joke!

      Sige di na ako magkokoment next chapters para di mo na ako ookrayin.

      Delete
  6. tnx admin sobrang nageenjoy ako sa pagbabasa yun nga lang bitin sa baguio hehehehe likes ko tong story....

    ReplyDelete
  7. ,,what will comes next kaya, andrew be careful, heheheh

    ReplyDelete
  8. Ahahaha totoo nga ang balita sa akin ng friendship kong di Edwin P. na nagbalik ka na Daredevil.

    At first, never talaga akong naniwala dahil sa ginawa mong pambibitin sa amin dun sa blog mo at iniwan mo kami sa ere. Everyday talaga akong sumilip sa blog mo baka may himala na may update na. Pero nganga! Walang himala! Kaya I got mad on u at parang may hindi yata akong magandang koment sa yo dun sa last chap mo. You deserve it kasi dahil sa ginawa mo without any bye bye speech. Hmp!

    Hanggang tumigil na rin ako sa pagbabasa ng mga m2m blogs kasi nadadala talaga ako sa stories. Kahit dun sa kabilang blog na naging no.2 comentator ako ay tuluyan ko nang iniwan.

    But Edwin P. was so kulit kaya sumilip nga ako kahit labag sa kalooban ko at totoo nga. Naging fave na rin kasi kita dahil dun sa HALIK NG PAGMANAHAL ba yon? at PANTASYA. Ang galing mo dun. At mas lalo na tong CAMPUS TRIO. Ewan super hooked at kilig much talaga ako.

    U deserve a second chance.
    Welcome back!


    ReplyDelete
    Replies
    1. Sorry na po Mr. Junixson....
      Thanks rin for appreciation ng iba kong stories

      Delete
    2. Naman Kuya Daredevil! Ikaw talaga ang naging una kong fave writer ng m2m stories. Parang ayaw ko nang matulog sa kamarathon reading ng stories mo. Antok na antok ako sa ofis dahil sa galing mo. naging iyakin na rin ako coz carried away ako ng mga stories mo.

      I miss Rico at Kuya Carlo. sana may book 2 haha. Atat lang ang peg! Dahil dun, may naging anak anakan ako dun sa kabilang blog na Baby Boy ang tawag ko si Mark Kymn Flores haha. sno na kayang nangyari sa kanya di na nga ako bumisita dun. Dito nalang muna ako sa yo.

      Di pa rin ako nakamove on dun sa panalong super drama dun sa ospital ng Halik ng...ewan akala ko totoo talaga!

      Naway mapabilib mo pa ako dito sa CAMPUS TRIO.

      Congrats and thanks a lot for sharing to us ur great talent to this craft!

      Delete
  9. Kilig pa rin ako kahit review na:-)

    ReplyDelete
  10. kudos para sau mr author...sobra kilig talaga aq... update ulit.. thnx po ng marami..



    krishjohn of dubai

    ReplyDelete
  11. Nakakarelate ang wentong ito. Swak sa aming mga students. Two thumbs up Mr. Author!

    Mr. DJ

    ReplyDelete
  12. Bitin ako doon sa Baguio moments.
    Wala man lang nangyari?

    Erin

    ReplyDelete
  13. Like ko talaga ang story. May naalala tuloy ako hehe

    Rom of Canada

    ReplyDelete
  14. Thanks po sa update.
    Ang bilis!

    ReplyDelete
  15. Hello daredevi. Thanks at nagbalik ka.
    Astig ni Bryan! Demure naman si Andrew. Sana magkatuluyan sila.

    Edison - Singapore

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bakit ayaw mo kay Troy haha...

      Delete
    2. Gusto rin sana pero bet kong ANDREW-BRYAN ang ending.
      Hirit: sana magkatikiman muna sina Andrew at Troy haha. Sana may ganong twist.

      Edison - Singapore

      Delete
    3. Hirit pa: pati sana si Michael matikman din ni Andrew haha pokpok na yata siya!

      Edison - Singapore

      Delete
  16. Sana iupdate niyo rin ung entry 28 sa Wattpad kasi mas marami din ang nagaantay dun.. thnaks po:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sorry but I don't post sa wattpad..

      Delete
  17. Update na please! :))) sobrang kinikilig na ako dito eh! :>

    ReplyDelete
  18. Kilig to the bones hahaha.... Next part na poh Mr. Daredevil... Salamat pala sa update ang bilis...

    ReplyDelete
  19. ayos may update na.
    salamat po.
    basa mode muna.

    ReplyDelete
  20. Juice ko Andrew pls wag ka munang bumigay. Pakipot muna para mas lalong hahaba ang bangs mo lols

    ReplyDelete
  21. Grabe naman pag makapag trip si papa bryan kay andrew wagas! keri nyang same sex ang pagtripan sa kaastigan pa naman nito? hehe may bago na naman akong susubaybayan.

    kudos!

    ReplyDelete
  22. Next chapters na pls. Sana tig apat per update. Demanding ko naman haha

    ReplyDelete
  23. dare devil sana anyayahan mo ako sa blog mue nakaprivate kc eh

    ReplyDelete
    Replies
    1. agree, panu ba kasi un?

      Delete
  24. lagi naman kyo mgkwentong bitin, kainis, san na 11-12 til katapusan??

    ReplyDelete
  25. nabasa ko na eto dati kaso hanggang part 13 lang ata.. wala na akong makokoment pa dahil naikoment na lahat. first time ko magcomment dito. :)

    mark laurence

    ReplyDelete
  26. hmmmm... Baguio is a chartered city similar with Makati, Olongapo, Manila, Cebu, General Santos, and Davao di po siya lalawigan mr. author... yun lang naman po... although I know nabasa ko na ito dati gusto ko pa rin basahin uli.. haha.. wag po sana magagalit sa aking comment..

    ReplyDelete
  27. Daredevil di talaga matatawaran ang galing mo. Suggestion lang po please dagdagan mo pa ng kilig moments ang repostings mo para interesting pa ring basahin. Wag lang copy paste ang gagawin mo kasi aantayin nalang namin ang karugtong ng POV ni Andrew.

    Sori po kung medyo demanding ako pero tiyak na gusto rin ito ng madlang pipol.



    ReplyDelete
  28. SANA MAY UPDATE NGAYON MR. AUTHOR

    ReplyDelete
  29. Kuya D kailan ba ang relaunching ng blogsite mo?

    ReplyDelete
  30. Kuya D kailan ba ang relaunching ng blogsite mo?

    ReplyDelete
  31. This is really nice. I've been searching for a wholesome love story and I finally found it. haha. Pero baka may halo nang mga "you know" sa ibang chapters. Pero okay lang. hehe. Nice work

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails