Followers

Saturday, April 27, 2013

318 (Ang textmate ko) -Chapter 5




318 (Ang textmate ko) -5


By: Imyours 18


Email & Facebook Account: nielisyours@yahoo.com.ph

Authors Note:


                Good Day guys! Thank you po pala sa mga patuloy na nagaabang at nagbabasa ng akda ko. Eto na po pala ang chapter 5 ng aking akda. Enjoy reading po =))


                PS =) Paadd naman po ng aking facebook account. Magpopost din po ako dito ng update at mga preview pos a mga incoming chapters, salamat po. (nielisyours@yahoo.com.ph).



Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.


Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:


Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph



About the cover photo:


I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com)  and the image will be immediately removed.



ENJOY READING =)




Chapter 5



“And take me away and make it OK
I swear I'll behave” Patuloy na pagtugtog ng ringtone ng cellphone ko.


                Nagmamadali akong bumalik sa kinauupan namin ni Tristan. Kakaibang kaba ang naramdaman ko sa mga sandaling iyon,yung pakiramdam na parang bibitayin ka ngunit tumakas ka upang hindi mabitay at parang hinahabol ka ng maraming pulis. Kakaibang tensyon ang aking naramdaman sa mga oras na iyon.  Kinuha ko ang bag ko at kinuha ang aking cellphone sabay pindot ng off button.


                “Tol, may tawag ka ata?” Ani ni Tristan. Pakiramdam ko naman ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa sinabi niya, at least hindi siya nagduda. Huminga ako ng maluwag.


                “Ah.. Eh.. Ahh.. Aa-larm ko yun! Gagong alarm to, ngayon lang nag-ring, kaninang umaga hindi nag-alarm tapos ngayon lang nag-alarm, kaya muntikan na ako malate kanina e.” Pagpapalusot ko sabay pindot sa cellphone ko.


                “Huh? E diba 11:00 a.m. ang klase natin? Saka nakita kanina hindi ka naman late eh, ang aga mo ngang hinahanap si Nerrisse.” Depensa niya sa pagdadahilan ko. Haaiisst.. Parang gusto ko na lang maglaho sa lugar na iyon, oo nga pala, 11 a.m. nga pala ang klase namin sa araw na iyon at bihira ako ma-late sa klase dahil minsan ay gumagawa pa ako ng assignment bago magsimula ang klase. Engot ka talaga magdahilan Colby!


                “Krrrinnngg! Krrrriiinnggg!” Tunog ng cellphone ni Tristan.


                “Hello Ma?” Pagsagot ni Tristan sa kanyang telepono. “Wait lang tol.” Sabi sa akin ni Tristan sabay senyas ng “wait” ng kanyang kamay.


                “Haiiiisssssttt.” Pagbitaw ko ng malalim ba buntong hininga noong nakalayo si Tristan ng konti mula si kinauupan namin. Pakiramdam ko ay may dragon na kumawala sa aking katauhan ng mga oras na iyon. Buti na lang at tumawag ang mama niya kung hindi mapapahiya ako dahil wala akong maiisip na dahilan dahil sa ka-engotan ko.


                Maya maya ay bumalik na si Tristan at tila malungkot ito.


                “Oh bakit anong nangyari?” Usisa ko.


                “Wala naman, pinauuwi na kasi ako ni mama e. Pupuntahan ko pa sana yung tropa ko sa may subdivision sa inyo.” Malungkot na tugon ni Tristan.


                “Ah.. Eh.. Edi tara na, para mapuntahan mo na at maaga ka makauwi.” Pagyayaya ko sa kanya.


                “E di ba magre-restroom ka pa?”


                “Okay lang ako, tara na.” Sabay hila ng kanyang mga kamay at lumabas kami ng University.


                Hanggang sa makarating kami ng gate ay nakahawak pa rin pala ako sa kanyang mga kamay. Hinila ko pala siya palabas kanina. Parehas naman kaming nagulat sa naging posisyon ng mga kamay namin. Sabay kaming nagkalas sa pagkakahawak at tila nagulat.


                “Uhhhh.. So-sorry.” Nauutal kong pagpapaumanhin sa kanya.


                Hindi na siya umimik.


                Magaalas-5 na ng gabi noong marating namin ni Tristan ang sakayan ng bus papunta sa subdivision namin. Pumasok kami sa isang airconditioned bus. Airconditioned bus na ang pinili ko dahil halos tatlumpung minuto ang biyahe papunta sa amin, ang hassle naman masyado kung mag-oordinary pa ako, dito na lang, wala pa namang 50 pesos ang pamasahe e, ililibre ko na lang si Tristan.


                Maluwag pa ang bus na sinakyan namin. Pinili namin ang parte ng bus na medyo malapit sa likurang parte. Umupo kami sa upuang pangdalawahan lang, ako ay umupo sa may bandang bintana at siya naman ay sa isle banda.


                “Boss, saan tayo?” Tanong ng konduktor ng bus.


                “Ahh, sa may paco lang po, yung unang executive subdivision po doon.” Sagot ko sa kundoktor.


                “Ahhh,30 pesos lang po ang isa.”


                Akmang kukuha na ang ako ng 60 pesos sa aking wallet upang bayaran ang pamasahe namin ni Tristan ng biglang..


                “Eto na boss!” Sabay abot ni Tristan ng isang buong 100 pesos sa kundoktor ng bus. “Sa amin na pong dalawa iyan.” Dagdag pa niya. Bagaman na-touch ako sa ginawa niya nakaramdam din ako ng hiya.


                “Nako, kuya. Wag mong tanggapin yan, peke yan haha! Eto na po.” Pagbibiro ko, sabay hawi ng mga kamay niya habang inaabot ang buong 100 pesos ko kay manong kundoktor.


                “Ano ka ba Colby? Sige na, ito na.” Pag-insist niya sa pagbabayad ng pamasahe namin. Nakakahiya man ay tinangap ko na, siya din naman kasi ang nag-insist e. Natameme naman ako sa sinabi niyang iyon, napasandal na lang ako sa kinauupuan ko. Oo, hindi ko na naman ide-deny, kinikilig ako sa ginawa niyang iyon. Napaka-gentleman niya naman kasi sa isang prinsesang katulad ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti sa kilig sa ginawa niya, bumaling na lang ako ng tingin sa bintana upang hindi niya mahalata.


                “Salamat sa libre huh? Babawi na lang ako.” Pagbasag ko sa katahimikan.


                “Aysus, wala iyon tol, 60 pesos lang naman e.” Napangiti naman ako. Lalo tuloy akong na-inlove sa kanya, ang gwapo gwapo niya talaga, at hindi lang iyan, ang bait bait pa, napaka-gentleman. Sinuklian ko na lang siya ng isang ngiti.


                Habang tinatahak ang daan papunta sa subdivision namin, nakatunganga naman ako sa bintana at nakatingin lang sa labas. Sa mga sandaling iyon isang bagay lang ang nasa isip ko, si Tristan. Parang ang dami daming katanungan sa isipan ko, partikular na sa ginawa kong pagsisinungaling. Tama ba tong ginagawa ko? Maiintindihan niya kaya ang dahilan ko kung sakaling mabuko ako sa mga kasinungalingan ko? Matatangap niya pa rin kaya ako kapag nalaman niya sa kabila ng lahat ng pangloloko ko? Napakaraming mga katanungan ang gumugulo sa isipan ko sa mga sandaling iyon. Ngunit ang pinaka-main highlight sa lahat ng mga katanungan na iyon ay ang magiging reaksyon niya sa oras na malaman niya ang lahat. Ano kaya ang gagawin niya sa akin? Sasaktan niya ba ako? O tatangapin?


                Mahal ko na si Tristan, si Tristan na nakatext ko at ang Tristan na nakilala ko ng personal. Sino ba naman kasi ang hindi ma i-inlove sa kanya, napaka-gentleman niya, perfect package ang itsura, napakabait, thoughtful, lahat na ata nang nakakaakit na personalidad ng isang lalaki na dapat mahalin ay nasa kanya na. Para sa akin, siya iyong klase ng lalaking wala ka nang dapat hanapin pa. Ngunit, nagkukubli ako sa isang katauhang hindi naman ako, sa mga numerong ako nga ang namamanipula ngunit hindi naman ako ang nakaharap. Dati kasi, ang akala ko ay hindi na magiging malala ang nararamdaman ko sa kanya, pero mali pala ako. Ang sabi ko noon ay pagkakasyahin ko na lang ang sarili ko sa ganitong sitwasyon, ngunit parang hindi ko na kaya, gusto kong isiwalat sa kanya ang lahat ng kalokohang ginawa ko, ngunit ayokong masaktan siya at natatakot ako sa maari niyang maging reaksyon. Nakokonsensya na ako sa mga ginagawa ko, ngunit masisi niyo ba ako kung bakit ako nagkakaganito? Wala akong “self confidence” dahil wala namang tumatangap sa totoong Colby. :’(


                Habang nagmuni-muni ako ng mga oras na iyon nagulat ako ng biglang may parang isang mabigat na bagay ang lumapat sa balikat ko, si Tristan. Nakatulog pala si Tristan habang nasa biyahe kami. Napasandal niya ang kanyang ulo sa aking mga balikat. Nakaramdam naman ako ng kiliti sa pagsandal niyang iyon. Parang ayaw ko na matapos ang mga sandaling iyon. Kung titignan, mistula kaming magsing-irog sa posisyon namin. Bagaman may kabigatan at hindi masyadong kumportable ang paglapat ng ulo niya sa balikat ko ay hinayaan ko na lang siya na makatulog sa mga balikat ko, kinikilig kaya ako!


                “Uhhhhhmm..” Mahinang ungol ni Tristan habang natutulog at nakasandal pa rin sa aking mga balikat. Sa aking palagay ay nanaginip siya!


                Napatingin naman ako sa mga mukha ni Tristan. Napakagwapo niya talaga. Para siyang isang sanggol na mapayapa at mahimbing na mahimbing na natutulog. Naamoy ko naman ang kanyang mga buhok, napakabango nito. Habang nasa ganoon siyang kahimbingan, dahan dahan kong idinampi ang aking mga kamay sa kanyang mukha. Sa paghawak ko ng aking kamay, nakaramdam ako ng ibayong kilig sa ginawa kong iyon, iyon bang kilig na nagmumula sa taong mahal mo, at mahal na mahal ka, este, hindi pala ako, nakakubli pa rin pala ako sa aking “ fake identity” sa isang gwapong binatang na hindi ko naman kilala ngunit pinakilala ko kay Tristan bilang ako.


                May 100 metro na lang ang distansya papunta sa subdivision kung saan kami ay nakatira. Maya maya ay biglang nagising si Tristan. Bakat sa kanyang mga mukha ang pagkagulat noong magising na nakasandal siya sa aking mga balikat.


                “Ay sorry, nakatulog pala ako.” Pagpapaumanhin niya sa akin.


                “Okay lang iyon, ito naman!” Sambit ko, parang gusto ko pang idagdag sa kanya, “Osige lang, ayos lang, matulog ka lang, kahit humiga ka lang sa mga balikat ko magdamag.” Ngunit, sinarili ko na lang iyon, hindi naman kasi ako si “Vince”, kung alam niya lang sana at kung may lakas ako ng loob.


                “Ahh, malapit na pala tayo.” Ani niya sabay tingin sa direksyon na tinatahak ng bus na sinasakyan naming.


                Magaalas-6 na ng gabi noong nakarating kami sa subdivision kung saan ako nakatira.


                “Ahh, sino nga pala iyong pupuntahan mo dito?” usisa ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa entrance ng subdivision.


                “Ah.. Eh.., si Rafael, iyong tropa ko dati noong nasa Computer department pa ako.” Sagot niya.


                “Ahhh, I see. Taga dito ba siya sa subdivision na to?”


                “Hmmm? Oo, dito nga, tara na!” Yaya niya sa akin noong nasa harap na kami nang subdivision.


                “Good Evening Sir Colby.” Bati sa akin ni Kuya Jun noong pumasok kami sa gate ng subdivision,  si Kuya Jun ang close ko na guard ng subdivision namin.


                “Good Evening din Kuya Jun, kamusta po kayo?” Mabait kong pangangamusta.


                “Okay lang sir, oh? Andito po pala ulit kayo Sir Tristan, magkakilala po kayo ni Sir Colby?.” Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Jun, sa sinabi niya kasing iyon ay parang matagal na silang magkakilala ni Tristan e.


                “Ah.. Ehh.. Opo, kaibigan ko po siya.” Simpleng sagot niya.


                Habang naglalakad kami sa loob ng subdivision namin ay hindi ko maiwasang sumagi sa mga isip ko kung bakit sila magkakilala ni Kuya Jun, oo nga at may tropa siya dito pero ganoon ba siyang kadalas dito upang makilala si Kuya Jun? Kilala ko kasi si Kuya Jun, mabait lang iyan kung matagal na niyang ka-close ang tao, pero kung sa simula pa lang ay sinusungitan niya ito para na rin siguro sa seguridad nang subdivision namin.


                Tahimik.


                “Uhhhh.. Tristan?” Pagbasag ko sa katahimikan.


                “Hmmm? Bakit?”


                “Paano mo nakilala si Kuya Jun?”


                “Ah.. Ehh.. Si Kuya Jun ba kamo? Hmm?” Tila nagiisip siya, “Di ba nga taga dito si Rafael? Iyong tropa ko na sinabi ko sayo, dati kasi tambay ako dito e. Eh minsan tumatambay kami sa guard house kapag wala yung mommy nun kaya ayun, close namin si Kuya Jun.” Pagpapaliwanag niya.



                “Ahhh. Ganoon ba? Saan ba dito si Rafael?” Tanong ko.


                “Taga diyan oh!” Sabay turo sa isang bahay. Hindi pamilyar sa akin ang bahay dahil medyo malayo ito sa kinatatayuan ng bahay naming, nasa may dulo kasi ng subdivision ang bahay namin at hindi ko rin naman nadaanan ang bahay na iyon. Malaki ang bahay na iyon, mayroon kulay dilaw na dingding, may dalawang palapag ang bahay, may malaking parking lot space at mayroon itong terrace. “Tara!” Pagyaya niya sabay pindot ng doorbell ng bahay na iyon.


                Nakadalawang pindot din kami ng doorbell hanggang sa may lumabas na isang babaeng sa tingin ko ay nasa edad 35 pataas, maganda ang babae kahit may edad na, naka-formal attire pa ito.


                “Ohh, Hijo? How are you?” Pagbati ng babae kay Tristan pagkabukas nang gate.


                “Okay lang naman tita, kayo po kamusta?” Bati ni Tristan.


                “Ahh okay lang din naman, hmmm? Who is he?” Sabay turo sa akin nang babae.


                “Si Colby po tita, kaibigan ko, taga dito din siya sa subdivision na ito, nagpasama lang po ako.”


                “Nice to meet you Colby Hijo! I’m your Tita Chris, mommy ng bestfriend nitong si Tristan.” 
Magiliw pa pagbati at pagpapakilala ni Tita Chris. Parang napakabait ni Tita Chris, para kasi siyang si Mommy, napakagiliw at hindi kami hinahayaang magkakapatid na ma-boring, lalong-lalo na kapag mayroon kaming family bonding.


                “Ah.. Eh.. Andyan po ba si Rafael, tita?” Tanong ni Tristan.


                “Uhhh, wait. I’ll check hijo. Kagagaling ko lang kasi from work e, hindi ko napansin.”


                Umalis sandali si Tita Chris upang i-check kung nandoon ang kaibigan ni Tristan. Nanatili kaming nakatayo doon.


                Tahimik.


                “Bestfriend mo iyong Rafael?” Tanong ko.


                “Yeah, childhood bestfriend.” Simpleng tugon ni Tristan. Pansin ko naman ang lungkot sa kanyang mga mukha, ewan ko kung bakit siya malungkot sa mga oras na iyon. Maya-maya ay kinuha nito ang cellphone. Nagtext si Tristan at tulad ng dati, narinig ko naman ang ringtone ko. Sinadya ko nang hinaan ang ring tone ko upang hindi niya masyadong mapansin. Inalis ko na din ang vibration ng cellphone ko dahil minsan nga may mga pagkakataon na nagkakatabi kami, mahilig pa naman ako maglagay ng cellphone sa bulsa ko.


                “Wait lang ah? May iche-check lang ako” Pag e-excuse ko sabay distansya ng konti sa kanya.


                Pagkalabas ko ng cellphone ko ay nakita ko agad kung sino ang nagtext. Hindi nga ako nagkakamali, si Tristan.


                Tristan: Good Evening love : ) Musta? Kumain ka na ba?”


                Agad ko naman itong ni-replyan.


                Ako: Di pa nga e, pauwi pa lang din ako. Ikaw ba?


                Tinignan ko naman si Tristan, nagpipindot pa ito ng cellphone niya habang hinihintay si Tita Chris sa may gate ng bahay na iyon.


                Tristan:  Hindi pa rin e, maaga pa naman, pauwi pa lang din ako. May dinaanan lang ako. Ingat ka ha?



                Ako: Yep J thank you love, I love you Tristan ko :*


                Napatingin naman ako kay Tristan, napansin ko na abot tenga ang ngiti nito. Syempre, sino ba naman ang hindi kikiligin kung napangiti mo ang taong mahal mo sa sinabi mong “I love you”.


                Tristan: Ayyiiiee J Kinilig naman ako dun love, I LOVE YOU TOO VINCE J


                Maya maya ay dumating na si Tita Chris.


                “Hijo, wala pa si Rafael e, ngayon ko lang nabasa yung text niya, gagabihin daw pala siya ng uwi”


                “Ahh okay tita, hindi ko na rin po mahihintay, kasi pinapauwi na ako ni Mama ng 8pm e, so una na po ako ah?” Magalang na pagpapaalam ni Tristan.


                “Okay Tristan hijo, regards na lang kay mama mo ah? Magiingat sa paguwi.” Pagpapaalam ni Tristan.


                Naglakad naman kami ni Tristan palabas ng subdivision. Hindi na ganoong kalayo ang gate ng subdivision mula kila Tita Chris.


                “Hindi ka pa ba uuwi?” Tanong sa akin ni Tristan.


                “Ihahatid na po kita hahaha”



                “Adik! Halika nga!” Sabay hawak sa mga kamay ko at bumalikwas ng daan. Nagulat naman ako sa mga ginawa niya. “Ihahatid na kita pauwi” Dagdag pa niya. Sobra naman ang kilig ko sa mga sinabi niyang iyon, sinuklian ko na lang siya ng isang nagpipigil na ngiti. Iyon bang nagpipigil sa sobrang kilig.


                “Hmmm? Sige, sabi mo e, pero malayo ang bahay namin e, sa may bandang dulo pa.” Alala kong sabi. Sino ba naman ang tatangi sa hatid mga sister!


                “Ayos lang! Sanay naman ako sa lakaran e, player kaya ako ng track and field noong highschool, saka sanay na ako maglakad dito sa subdivision na to, dati na akong tambay dito kasama iyong bestfriend ko, si Rafael.”


                Hindi na ako tumugon sa sinabi niya.


                Maganda ang gabi nang mga oras na iyon, kahit nasa 6:30 pa lang ng gabi ay kitang kita na ang liwanag ng buwan. Tahimik kaming naglalakad ni Tristan. Sobra naman ang kilig ko sa ginawa niyang paghila ng mga kamay ko upang bumalikwas at ihatid ako sa bahay namin. Sino ba naman ang hindi kikiligin, mabuti sana kung tunay talaga akong babae na normal lang kung ihahatid ng isang matipuno at gwapong lalaki na tulad ni Tristan, pero lalaki ako at ang unusual naman kung magpapaka-gentleman siya sa akin. Ayoko naman bigyan pa iyon ng kahulugan dahil sa personal magkaibigan lang kami ni Tristan, pero dahil nga sa ugnayan namin sa text hindi ko tuloy maiwasang bigyang kahulugan ang lahat, muli na naman tuloy naghalo ang emosyon sa utak ko, kinikilig ngunit sa kabilang banda nagiisip, hindi ako ang mahal ni Tristan kung hindi ang “Vince” na pinakilala ko sa kanya.


                “Ang ganda ng gabi noh?” Pagbasag niya sa katahimikan habang naglalakad kami.


                “Oo nga eh.” Nahihiyang sabi ko, actually hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko, parang ang hirap kasi dugtungan ng tanong niya e.


                “Matagal na ba kayo dito sa Subdivision?” Tanong niya.


                “Hmmm? Medyo, pagka-graduate ko noon ng elementary lumipat na kami dito sa Manila e, dito na ako nag-aral ng high school”


                “Ahhhh, taga saan ba kayo dati?” Usisa niya.


                “We’re from Bulacan.” Simpleng sagot ko.


                “Bulacan?  Talaga?” Pagtatanong niya. Halata naman ang pagkagulat niya sa sinabi ko. Bakit kaya?


                “Yeah, bakit?” tanong ko.


                “Ah.. Ehh.. Wala naman hahaha” Sagot niya.


                Medyo malayo pa ang tatahakin namin papunta sa bahay namin, medyo malayo pa kasi ito sa main gate, siguro ay kailangan pa ng 15 minutes nang paglalakad. Habang naglalakad kami, kinuha naman niya ang cellphone niya mula sa kanyang mga bulsa at nagpipindot. Kinuha ko na rin ang cellphone ko at nilagay ko sa “silent” profile. Hindi nagtagal ay may natangap akong text messages.


                Tristan: Kamusta love? <3


                Napangiti naman ako sa nabasa.


                Ako: I’m Alright love, ikaw? Nakauwi ka na? <3


                Tristan: Okay lang din, dito ako sa subdivision ng tropa ko, kasama ko classmate ko, pauwi na rin. =)


                Ako: Ah, okay ingat sa pag-uwi, I LOVE YOU <3


                Nakita ko naman ang reaksyon ng kanyang mga mukha habang nagtetext, abot tenga ang ngiti nito at tila kinikilig sa sinabi ko.


                Tristan: I Love You Too Vince ko! <3 :*


                “Wahhhh.” Medyo malakas kong pagsigaw. Hindi ko napigilan mga ateng!, lagyan ba naman ng”ko” ang pangalan ko, este ang pangalan ng peke kong katauhan. Pero kahit na, kinikilig pa rin ako.


                Napansin ko naman si Tristan na nakatingin sa akin at parang nagtataka..


                “Are you okay?” Pagtatanong niya.


                “Ah.. Eh.. Oo, hahahaha! Naglalaro kasi ako nig temple run sa cp ko e, nagslide ako sa bangin wahahahaha!” pagpapalusot ko sabay tawa upang hindi niya mahalata.


                “Hahahaha!” Nakitawa na rin si Tristan.


                Tawanan.


                “Uy, punta tayo saglit doon oh?” Pagyayaya niya noong makita ang mini park sa subdivision namin.


                “Tara.” Simpleng sagot ko.


                Habang nakaupo kami, napansin ko si Tristan na parang tumitingin sa paligid, tinitignan niya ang kalangitan at parang may malalim din itong iniisip. Ikinagulat ko naman ang mga sumunod na nangyari.


               
                -Paalam (Silent Sanctuary)
Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa…
Paalam na sa mga pangakong din na
Mabubuhay pa…


Kung may bago ka nang mamahalin
Wag kang mag alala ako ay masasanay rin
Parang kahapon lang tayo’y magkasama
Naging isa na syang ala-ala
Mula ngayon araw-araw ng mananalangin
Na sana’y lagi kang masaya…


Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa…
Paalam na sa mga pangakong din na
Mabubuhay pa…
Paalam na…


Sa mga yakap at halik
Sa tamis at pait
Bakit hinayaan?
Sinayang ko lang
Ang iyong wagas na pag-ibig


Di na kita kukulitin…


Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa…
Paalam na sa mga pangakong din na
Mabubuhay pa…
Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa…
Paalam na sa mga pangakong din a
Mabubuhay pa…
Paalam na…
               


                Para akong na-hypnotize sa ganda ng boses ni Tristan. Oo, kumanta siya habang nakaupo kami sa isang bench sa mini park ng subdivision namin. Napakaganda ng boses ni Tristan, malumanay lang ito ngunit kung maririnig niyo, grabe! Wari ko ay maihahantulad ko ang napakalamig niyang boses sa boses ni Jason M’raz. Feeling ko naman ay hinaharana niya ako ng mga oras na iyon. Damang dama ko ang kanta, kahit na malungkot ang mensahe ng kanta, pakiramdam ko naman ay lumulundag sa saya at kilig ang aking puso. Nakatitig lang ako sa kanya sa sobrang pagkahanga sa narinig, maya maya ay bumalik na lang ako sa ulirat na pumalakpak.


                “Ang galing mo Tristan.” Papuri ko sa kanya.


                “Hindi naman hahaha!


                “Sus, ang galing mo. Singer ka ba talaga?”


                “Hindi ah? Haha, sa banyo oo.” Pagbibiro niya.


                “Hahahaha!” Tawanan namin.


                “Member ako ng banda noong high school pa ako, vocalist ako. Marami rin kaming mga gig na pinupuntahan, raket na din haha!” Pagpapaliwananag niya, lalo naman akong napahanga. Turn on ko talaga kasi ang mga lalaking magagaling kumanta at magagaling tumugtog ng instrument partikular na ang gitara at drums.


                “Wow!” Reaksyon ko, “Ang galing mo Tristan! Ang lamig lamig ng boses mo. Yung boses mo malumanay pero hindi ko makuhang antukin, ramdam ng ramdam ko. Parang kinilabutan nga ako sa ganda e.”


                “Uy, sobra na yang pagpuri mo. Haha, hindi naman masyadong maganda ang boses ko e.”


                “Hahaha, pwedeng manghingi ng pabor?” Nahihiyang tanong ko.


                “Hahahaha parang alam ko na kung ano iyah ah?”


                At kumanta muli siya.



                -I Won’t Give Up- Jason M’raz


When I look into your eyes
It's like watching the night sky
Or a beautiful sunrise
Well, there's so much they hold
And just like them old stars
I see that you've come so far
To be right where you are
How old is your soul?

Well, I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up

And when you're needing your space
To do some navigating
I'll be here patiently waiting
To see what you find

'Cause even the stars they burn
Some even fall to the earth
We've got a lot to learn
God knows we're worth it
No, I won't give up

I don't wanna be someone who walks away so easily
I'm here to stay and make the difference that I can make
Our differences they do a lot to teach us how to use
The tools and gifts we got, yeah, we got a lot at stake
And in the end, you're still my friend at least we did intend
For us to work we didn't break, we didn't burn
We had to learn how to bend without the world caving in
I had to learn what I've got, and what I'm not, and who I am

I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up, still looking up.

Well, I won't give up on us (no I'm not giving up)
God knows I'm tough enough (I am tough, I am loved)
We've got a lot to learn (we're alive, we are loved)
God knows we're worth it (and we're worth it)

I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up



At muli, natameme naman ako sa ganda ng boses ni Tristan. Napaka-perfect ng gabing iyon, ang kanta ni Tristan, ang katahimikan sa mini park, ang ganda ng langit, ako at siya. Kulang na lang ay ang magkaroon kami ng ugnayan. Sa mga sandaling iyon ay hindi ko naisip ang mga problema ko tungkol sa aking kalokohan.


Tinahak na namin ang daan pauwi. Nang nasa harap na ako ng gate ay nagpaalam na naman si Tristan.


“Tol, una na ako. Thank you pala sa time mo ah?” Pagpapasalamat niya.


“Nako! Wala iyon. Ako nga dapat ang magpasalamat. Ang ganda ng boses mo!” Muli kong pagpuri sa kanya.


“Hahaha!, osige, ayaw mo naman papigil e, maganda na kung maganda haha.”


“Hahahaha” Tawanan namin.


“Colby! Nandito ka na pala, sino iyang kasama mo?” Si mommy, kakarating niya lang at may dala itong pagkaen na sa aking palagay ay inorder lang sa fast food. Minsan kasi wala nang time si mommy para magluto dahil sa trabaho nito.


“Ah, mom, Si Tristan po pala kaibigan ko.” Pagpapakilala ko kay Tristan kay mommy, kung pwede nga lang sana sabihin na, “Ah mom, si Tristan pop ala, boyfriend ko.” Hahaha!


“Good Evening po.” Pagbati ni Tristan.


“Good Evening din Tristan hijo, how are you?” Mabait na pangangamusta ni Mommy.


“Ahh. Okay lang po ma’am.” Nahihiyang sagot ni Tristan.


“Haha! Ano ka ba hijo, don’t call me ma’am, Tita Jenny na lang, hindi naman ako professor e hehe!” Pagbibiro ni mommy.


“Hahaha!” Tawanan.


“Pasok ka muna sa hijo, dito ka na mag-dinner.” Pa-anyaya ni mommy. Sa isip ko lang, sana pumayag si Tristan upang mas humaba pa ang oras upang makita ko siya.


“Ay tita, hindi na po, pinauuwi na po kasi ako ng maaga e, next time na lang po. Salamat po.” Pagtatangi ni Tristan. Nakaramdam naman ako ng pagkadismaya at lungkot sa pagtanging iyon.


“Nako mommy, pilitin mo parang awa mo na.” Sa sarili ko lang.


“No, dito ka na mag-dinner, it wont take too much time naman e, come on hijo.” Pamimilit ni Mommy. Yes! Sana pumayag ka na Tristan.


“Hmmmm? Sige po tita, salamat po.” Pagsang-ayon ni Tristan. Tila naglulundag naman ang puso ko sa narinig.


“Lets go inside.” Pagyayaya ni mommy.


Pumasok kami sa loob ng bahay. Naupo muna kami sa couch dahil naghahain pa sa dinning area si mommy. Parehas naman kami ni Tristan na walang imik. Parang naiilang pa ito sa loob ng bahay, iyon bang pagkailang na parang nahihiya dahil sa unang beses pa lang siya nakakarating doon.


“Huwag ka mag-alala ni Tristan, dito na tayo titira kapag kinasal tayo. Bwahahaha!” Bulong ng maloko kong isipan.


“Son, Tristan, tara na dito!” Pagyayaya ni Mommy. “Gracia, Karen! Magsibaba na kayo! Kakain na tayo.” Pagtawag ni mommy kila ate at kay Karen sa taas.


Pumwesto na kami sa hapagkainan. Katabi ko si Tristan, syempre sinadya ko iyon upang maka-ninja moves haha! Katabi ko siya sa bandang kaliwa ko at katabi ko naman sa bandang kanan ko si Karen. Si mommy naman ay kaharap ako at si Ate Grace ay katapat si Tristan.


Tahimik lang kaming kumakain ng pizza at bucket meal na binili ni mommy.


Maya maya ay may naramdaman akong tumapak sa aking kanang paa, Si Karen.


“Ano naman kayang problema nito?” Sa sarili ko lang.


“Awwwtttss!” Reaksyon ko sa ginawa ni Karen, natawa lang ito. Napansin ko sa nakababatang kapatid na parang ngiting ngiti ito sa mga oras na iyon. Kilala ko si Karen, ang mga ngiting iyon, ngumingiti lamang iyon ng ganoon kapag kinikilig.


“Bakit Colby? Anythings wrong?” Tanong ni mommy.


“Si Karen ma, nang-apak ng paa.” Pagsusumbong ko.


“Karen! Stop it, may bisita tayo oh?”


“Yes mom.” Nakayukong sabi ni Karen. Pansin ko pa rin ang mga ngiti ni Karen, may naamoy talaga akong di maganda e haha.


Natapos na kaming kumain. Sumandali muna si Tristan na umupo sa couch upang makipag-kwentuhan kay Ate Grace, naging kaklase pala ni Ate Grace sa iilang subject itong si Tristan noong first year college pa ito, IT din kasi ang kinukuha ng ate ko. Inabot sila ng mga 5 minuto sa pagke-kwentuhan. Maya maya ang nagpaalam na si Tristan.


“Tita, una na po pala ako. Salamat po.” Pagpapaalam ni Tristan kay mommy.


“Okay sige, hijo, magiingat ka ah?, Colby, ihatid mo yung kaibigan mo.” Utos sa akin ni Mommy.


“Ay tita, wag na po, actually, ako nga po yung naghatid sa kanya dito e hehe.” Nahihiyang tangi ni Tristan.


“Ahh ganun ba? Okay sige. Magiingat ka hijo.” Pagpapaalam ni mommy.


“Tol, una na ako.” Sabi sa akin ni Tristan, sabay tapik sa mga balikat ko.


“O sige Tristan, ingat ka ah?” Alalang pagpapaalam ko. Kung pwede lang sana manghingi ng goodbye kiss e. “Salamat sa oras mo.” Dagdag ko pa.


Umalis na si Tristan, hindi ko na siya hinatid pa hanggang sa gate ng subdivision dahil sa ayaw niya na nga at sanay na siya. Sa aking parte, natouch ako dahil sa gentleman nga siya, pero nalungkot naman ako ng bahagya dahil mas umikli pa ang oras na kasama ko siya.


Pagkaalis na pagkaalis niya ay dumeretso ako sa aking kwarto. Humiga at nagtatalon sa kama. Hindi ko pa rin ma-imagine ang mga nangyari noong araw na iyon. Nakasama ko siya, hinatid niya ako sa bahay, nakasama naming sya sa dinner, at ang pinaka-nakakakilig sa lahat ay ang pagkanta niya sa akin ng dalawang kanta gamit ang kanyang nakakabighaning boses. Feeling ko, ang haba haba ng hair ko sa gabing ito. Sobrang kinikilig ako! Hanggang sa namalayan ko na lang na hinahagis ko na ang mga unan sa kwarto ko ng biglang..


“Ouch!! Mambato ba ng unan?!” Si Karen, pumasok sa kwarto ko at saktong pagbukas niya ng pinto ay tumama ang unan sa kanyang mukha.


“Sorry naman! Sino ba naman kasi ang nagsabing pumasok ka bigla e.” Pagpapalusot ko, baka makahalata pa ito na kinikilig ako e.


“Kuyyyyaaaa!!” Pagtawag niya sa akin na tila kinikilig, kilala ko ang kerengkeng na kapatid, madalas kasi ito magkwento sa akin ng mga crush niya and what so ever at madalas ganito ang reaksyon niya.


“Oh bakit?” Medyo cold kong pagtatanong.


“Waaaaaaahhhhh! Ang gwapo nung bisita mo kuya, hanggang ngayon kinilig pa din ako.” Sambit niya, lokang to. Aagawan pa ako, hindi pa nga kami ni Tristan may karibal na agad ako.


“Haha!”


“Tristan ang name nun kuya di ba?”


“Oo, Tristan nga.” Medyo mataray kong pagsagot.


“Hayyyy. Kuya, ang cute ng name niya tas ang gwapo niya. Siya na ata ang ideal guy ko, anong number nun?” Usisa niya. Loka tong kapatid kong to, may balak pa ata agawin sa akin ang Tristan ko.


“Ah.. Eh.. Hindi ko alam!” Pagdedeny ko sa kanya.


“Huh? Maka-klase kayo di ba? Malamang alam mo ang number nun! Sige na kuya? Please?” Pamimilit ni Karen.


“Porket ba magkaklase alam ko agad ang number?” Pagtataray ko.


“Hmmfftt! Damot nito! Siguro ikaw ang may type doon noh?” Pang-aasar niya, tila nabilaukan naman ako sa tinanong niya. Nagdududa ba to?!


“Sira ka! Hindi ako bakla noh?!” Awwwtttsuuu, naatsing ako mga ateng sa ginawa kong pagdedeny. Haha!


“Weh?!” At parang hindi pa naniwala. “Ibigay mo na kasi kuya?!” Pangungulit niya pa.


“Halika rito may ike-kwento ako sayo!”  Bulong ko sa kanya sabay hila papunta sa couch ng kwarto ko. “Alam mo ba Karen, iba ang ugali nun ni Tristan?”.


“Huh?” Nagtataka niyang sagot.


“Oo, kasi minsan nahuli ko iyan kasama yung ex-girlfriend niya tapos napansin ko nag-aaway sila tapos..” Pagputol ko sa kwento ko.


“Ano?!” Atat na pagtatanong ni Karen.


“Sinampal niya ng kaliwa’t kanan yung girlfriend niya!” Pananakot ko sa kapatid. Hala! Ang dami ko na ngang kasinungalingan kay Tristan, eto at sinisiraan ko pa siya.


“Weh?! Nako kuya, totoo ba yang mga sinasabi mo?” Pag-aalangan ni Karen.


“Yeah, nagulat nga ako noon e. Ang sabi ko nga sa sarili ko, kung babae lang sana ako, ang laking turn off nun sa akin.” Pagsisinungaling ko.


“Hmmmfftt, hindi niya naman siguro iyon gagawin kung walang ginawang masama yung ex girlfriend niya e.” Depensa ni Karen, tila nabusalan naman ako sa pagdedepensa ng kapatid ko.


Isip ng pwedeng idahilan.


“Hindi lang iyan, may pagka-bully pa yan, lasengero, minsan nga pumapasok ng school yan ng lasing tapos may na-tripan akong kaklase. Biglang tinapik iyong pwetan, iyak ng iyak yung classmate kong babae na iyon. Kaya marami ang na-tuturn off dun kahit gwapo e.” Pagsisinungaling ko pa. Haiiisssst! 

Nakokonsensya na ako sa mga paninira ko. Napansin ko naman ang nakababatang kapatid na parang naniniwala sa mga pagsisinungaling ko, ang reaksyon niya ay tila nadidismaya.


“Ganoon ba kuya? Nakakatakot naman pala iyon.” Reaksyon ng kapatid ko, samantalang ako naman ay nagpipigil ng tawa.


“Oo, kaya kapag nag 1st year college ka sa pinapasukan naming, iwasan mo iyang si Tristan, kasi sa kapwa lalaki niya lang din yan mabait, yung mga tropa tropa ba.” Pagaalibi ko pa. “Sige na Karen! Pagod ako, matutulog na ako.” Dagdag ko upang hindi na magtanong pa si Karen.


Lumabas na nga si Karen sa kwarto ko. Saka naman ako nagtatawa sa reaksyon ng kapatid ko noong lumabas na siya. Bukod kasi sa sobrang paniniwala niya sa pinauso kong kwento ay bakas sa mukha niya ang sobrang takot kay Tristan.


Kinalikot ko ang cellphone ko at halos manlaki naman ang mata ko sa sangkatutak na missed calls at text messages, karamihan dito ay galing kay Tristan.


Tristan: Uy love.


Tristan: Pauwi na ako love, dito pa ako sa bahay ng kaibigan ko.


Tristan: love?


Tristan: Yohoo!!


Tristan: Call ako love?


Tristan: Busy? Why are not answering my phone calls?


Nataranta naman ako at nagmadaling pinduting ang number niya upang tawagan.


“Hello?” Pagbungad ko sa tawag.


“Uy? Hindi ka na nagparamdam?”


“Sorry.. sorry.. gumawa kasi ng assignments.” Pagaalibi ko na lang.


“Ahh. Okay. So kumain ka na ba? Asan ka?” Medyo alala niyang tanong.


“Hmmm. Yup, tapos na. Dito lang po ako sa kwarto. Ikaw? Kumaen ka na ba? Asan ka?”


“Pauwi na po, dito na po sa bus, hehe. Oo, kumain na ako. Doon sa kaibigan ko ako nag-dinner.” Pagpapaliwanag niya.


“Ingat love.” Paglalambing ko.


“Salamat love.”


“Tok tok tok tok tok!” Tunog ng pintuan, may kumakatok! Hala, baka matawag na naman ako nito sa pangalan ko.


“Hello love, wait lang ah? Uutusan ata ako e, I’ll call you later.” Medyo pabulong kong pagpapaalam.


“Sige love, 14344.” Nagtaka naman ako kung ano iyon. Binaba ko na lang ang cellphone at baka matawag na naman ako sa pangalan ko kung sino man ang kumakatok.


At binuksan ko ang pinto, si Ate Grace. Tinawag niya ako dahil uutusan daw ako ni mommy sa labas ng subdivision upang bumili ng lotion niya sa convenience store.


Habang tinatahak ko naman ang daan palabas ng village, iniisip ko pa rin kung anop iyong yung 14344? Ano kaya ang ibig sabihin niyang iyon?


Nakabalik na ako ng kwarto ko at tinawagan ko ulit si Tristan.


“Hello love!” Magiliw kong bungad.


“Hmmm? Kamusta love? San ka inutusan?” Usisa nito.


“Ahh, dyaan lang sa tabi tabi, inutusan bumili ng lotion ni mommy.” Pagpapaliwanag ko. “Nakauwi ka na ba?” Alala kong tanong.


“Yep! Dito na ako kwarto. Hmmm? Alam mo love, parang may kaboses ka.” Para naman akong nabilaukan sa sarili kong laway sa sinabi niya. Wala na naman siyang ibang tinutukoy doon kung hindi ako e. Ako bilang si Colby.


“Sino naman?” Pagtatanong ko na parang walang alam.


“Hmmm? Kaibigan ko, pero hayaan mo na iyon.” Hayss, salamat at hindi niya masyadong inintindi pa.


“Anyway love, ano pala iyon 14344?” Pagu-usisa ko.


“I LOVE YOU VERY MUCH. One for I, Four for Love, Three for You, Four for Very and Four for Much.” Pagpapaliwanag niya sa kahulugan ng mga numerong iyon. Hindi naman ako magkanda mayaw sa kilig sa mga sinabi niya. Hanggang sa…


“Arayyyy!!” Nasipa ko ang edge ng kama ko sa sobrang kilig ko. Hindi naman ako magkanda-mayaw sa sakit. Ang sakit kaya! Pakiramdam ko ay nabali ang mga buto ng hinlalaki ko sa paa.


“Oh bakit love? Anong nangyari sayo?” Alalang tanong niya.


“Nasipa ko yung edge ng kama ko. Ansaket love!”


“Okay ka na ba?”


“Yup, medyo may konting after shock na lang. Haha!” Pagbibiro ko.


“Wahahah! Ikaw talaga, pero mukhang alam ko na kung bakit mo nasipa e.” Medyo maloko niyang sagot.


“Huh? Ano naman ang dahilan?”


“Doon sa sinabi ko?”


“Hmmm? Oo?” Medyo pagaalangan kong sagot, pero pabiro lang iyon. Hello? Sino ba naman ang hindi kikiligin kapag sabihan ka ng ganun?


“Hahaha. Love. May tanong ako sayo?” Nakaramdam naman ako ng kakaibang kaba sa tanong na iyan. Pakiramdam ko kasi kapag magtatanong siya ay may kaugnayan sa kalokohang ginawa ko e. Pero, sa tono ng boses niya,may naramdaman akong sinseridad, pero ewan ko kung bakit ako kinakabahan.


“Ano naman iyon love?” Paguusisa ko.


“Pwede bang maging tayo na? What I mean is can you be my partner?”





-I T U T U L O Y =)

6 comments:

  1. hala kinilig naman ako nito. ang ganda pala daliiii basa na rin kayo hahaha

    ReplyDelete
  2. .s0brang kkakilig.:-D haha
    -kevin

    ReplyDelete
  3. asan na po mga kasunod nito, ung part 6 and above

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails