Followers

Friday, April 12, 2013

Ang RnB 2



Hindi talaga mapigilang pumatak ang mga luha ni Wax nang hindi talaga siya maala-ala ni Josh kaya nama'y nagPromise itong si Josh na lilinawin nito ang lahat-lahat kay Wax pag nakauwi na siya. Bago umalis sa StarBucks ang tropa ni Wax ay ibinigay ng Baristang si Josh ang kaniyang mobile number kay Wax at kinuha naman niya ang number nito at pinangakuan niya si Wax na iteText ito Once na nakaUwi na siya. That will be after Three Hours.

Kahit na itong si Josh ay labis-labis ang pagtataka kung bakit kilala ni Wax ang kaniyang Parents at kung saan siya nakatira't saan siya nag-Aaral noong Elementary. Kahit anong pilit naman ni Josh na alalahanin ang sinasabi sa kaniya ni Wax ay hindi niya talaga matandaan na may BestFriend siya. Hindi din niya maalala kung may Kaklase siyang Joaquin ang pangalan.

Binanggit din Wax ang mga names ng kanilang mga Classmate at Teacher noong Elementary at natatandaan naman sila ni Josh kaya nama'y naWeirdan talaga si Josh at naCurious din siya kay Wax.


***********************************


Tahimik lamang si Wax sa kotse habang inihahatid nila isa-isa ang kanilang mga KaBandMates. Magkasama sa Apartment sina Wax at ang Driver/Drummer ng kanilang Band. Kay Wax din ang ginagamit nilang Revo na matagal ng nabili ng kaniyang mga Parents. Nasa Abroad ang Mom and Dad ni Wax dahil naRelocate Abroad ang kaniyang Daddy at isinama nito ang kaniyang Wife. NagDecide si Josh noong mga panahong iyon na magStay na lamang sa Pinas para iPursue ang kaniyang Music Career.

"Ba't ang tahimik mo?" Ang hindi mapigilang tanong ng kanilang Drummer kay Wax dahil ramdam na ramdam nito na may malalim na iniisip ang kaniyang kaibigan.

"Wala. Pagod lang Dre." Ang matamlay na sagot ni Wax. Nagkibit balikat na lamang ang kanilang Drummer at tahimik na ipinagpatuloy ang pagdriDrive nito.

Hindi na nagtanong pang muli ang kanilang Drummer kay Wax dahil alam na alam niya ang ugali nito. Pag Ganitong matamlay si Wax at nariringgan niya ng malalakas na pagBuntong hininga'y may malalim itong iniisip at kinakailangan nitong mapag-isa. Hindi na nila kinukulit si Wax sa pagtatanong kung meron bang gumugulo sa isipan nito. Hinihintay na lamang nila si Wax na ang magOpen sa kanila.

Nanatiling tahimik si Wax habang papauwi na sila at nang makarating na sila sa Apartment ay agad na umakyat agad ito sa kaniyang room at naligo't humiga na sa kama.


*********************


Hindi talaga natulog si Wax nang mga oras na iyon at talagang nag Timer siya ng Three hours and Thirty Minutes sa kaniyang iPhone at habang tinitignan niya ang pagtakbo ng Counter ay inuulit-ulit niya sa kaniyang isipan ang hitsura ni Josh at ang sinabi nito sa kaniya bago sila umalis sa Starbucks.

"I'll text you pagkauwing-pagkauwi ko." Ang concerned na sinabi ni Josh kay Wax kanina.

Alam ni Wax na Concerned sa kaniya si Josh that time dahil sa kaniyang pagluha at kitang-kita sa mga mata nito na nagtataka ito kung bakit maraming alam si Wax tungkol sa kaniyang Elementary Days.

Malinaw na malinaw pa din sa isipan ni Wax ang Gwapong mukha ni Josh noong nagPromise ito sa kaniya kanina sa Starbucks. Malalamlam ang mga mata nito, laging lumalabas ang dalawa nitong biloy sa pisngi kahit bahagyang ngumiti lamang ito. Mababa ang boses at ang higit sa lahat ay naiImagine pa din ni Wax sa kaniyang memorya ang kissable lips ni Josh.

Kahit na Emo that time si Wax ay hindi nito napigilang mapaSmile dahil talagang nagulat siya na ganoon ang magiging hitsura ng kaniyang BestFriend.

Parang bumuhos ang mga ala-ala ni Wax noong kasama pa niya sa Elementary si Josh. Alam niyang bugnutin at mahilig makipagSuntukan si Josh noong elementary at ito ang palaging nagtatanggol sa kaniya kapag may Classmate or kahit sinuman from School na nanunukso sa kaniya.

Hindi namalayan ni Wax na napapahigpit ang kaniyang pagkakaYakap sa kaniyang Body Pillow nang muli niyang naiDescribe ang kaniyang impression sa Baristang si Josh.

"Cute na Gentleman na BadBoy." Ang nasambit ni Wax sa kaniyang sarili.

Kung kanina'y Emo itong si Wax ay ngayon nama'y unti-unti siyang nangiNgiti dahil pakiramdam niya'y para siyang nanalo ng Jackpot sa Lotto dahil nakita na niyang muli ang kaniyang BestFriend at ang higit sa lahat ay napakaGwapo pa nito.

Aminado naman si Wax sa kaniyang sarili na Attracted siya at First sa Baristang na sa Starbucks pero hindi talaga niya mapaniwalaan na si Josh iyon. Pinagkumpara ni Wax ang natatandaan niyang mukha ni Josh noong bata pa ito at ang mukha ni Josh sa ngayon at talaga namang napakagat siya ng kaniyang labi dahil sa hindi niya mapigilang maisip na napakaGwapo talaga ni Josh ngayon. Nayakap pa niya ito at talaga namang hunk na hunk ito.

Tumayo sa kaniyang kama si Wax dahil gising na gisng na siya sa mga sandaling iyon. Pumunta siya sa kaniyang Cabinet at nang mabuksan niya ito'y agad niyang hinanap ang isang lumang Adidas na Gym Bag. Laking tuwa ni Wax nang makita niya ang bag at kaagad niyang inilabas iyon at naupo siya sa kaniyang kama't agad na binuksan iyon.

Isa-isang inilabas ni Wax ang mga lumang litrato na laman ng bag. Doon inilagay ni Wax ang mga Old Photos, Mga Report Cards niya, Mga natanggap niya na mga medals and Ribbons at kung anu-ano pang mga memento mula Elementary hanggang College. Inisa-Isa ni Wax ang mga lumang Pictures hanggang sa makita niya ang Class Picture nila ni Josh.

Hindi maipinta ni Wax ang kaniyang mukha habang tahimik niyang tinitignan ang lumang litrato.

Labis-labis ang kasiyahan ni Wax sa mga sandaling iyon habang tinitignan niya ang larawan ng nakaakbay na batang Josh sa batang Wax. Agad na ipinasok muli ni Wax ang mga inilabas niyang laman ng bag at itinira lamang niya ang kanilang Elementary Class Picture.

PagkaBalik ni Wax ng Bag sa kaniyang Cabinet ay agad siyang humiga at tinitigan niyang mabuti ang kanilang Class Picture na may ngiti sa mga labi at pagkatapos ng ilang saglit ay tinignan ni Wax ang kaniyang iPone. May isang Oras pa bago ang sinabing oras ni Josh na iteText siya.

Kaya habang naghihintay si Wax ay wala siyang sawang tinignan muli ang kanilang Class Picture at habang tumatagal ang kaniyang pagtitig doo'y unti-unting gumaan ang kaniyang pakiramdam lalong-lalo na nang naging malinaw sa kaniyang memorya ang ginawa nilang dalawa ni Josh na  Pinky Promise bago sila magkahiwalay.

"Bakit kaya nakalimutan natin ang isa't-isa?" ang huling natanong ni Wax sa kaniyang sarili bago ito tuluyang makatulog.

Aminado din naman si Wax na nakalimutan din niya ang kaniyang Childhood BestFriend na si Joshua nang tumira sila sa Manila at hindi man lang niya naisip na hanapin ito sa Friendster or sa FB man lang.


**************************


NagFlashback muli sa Panaginip ni Wax ang time na nasa bubungan sila ni Joshua na nagpiPinky Promise at ang time na nagPromise ang Baristang si Josh na tatawagan siya nito pagkauwing-pagkauwi nito mula sa trabaho.

"Uuuhhhmmm..." Ang ungol ni Wax nang maputol ang kaniyang panaginip dahil naalimpungatan siya't nagising dahil sa tunog ng inComing Call Alert mula sa kaniyang iPhone.

"Hello..." Ang Groggy at tinatamad na bati ni Josh sa other line.

"Hi. Si Josh ito." Ang narinig ni Wax mula sa kabilang linya na siyang ikinagising ng kaniyang buong ulirat. Bukod sa mababa ang boses ni Josh ay mayroon itong nakakakilabot na BedRoom Voice kapag nagsaSalita sa Phone.

"Naistorbo ata kita. Sorry. Tawag na lang ako bukas." Ang biglang isinunod ni Josh na sinabi sa kabilang linya na siyang ikinaPanic naman ni Wax.

"Naku hindi. Gising na gising nga ako Dre!" Ang nagmamadaling reply naman agad ni Wax kay Josh.

Para bang naConcious si Wax dahil bagong gising siya. Pinunasan ni Wax ng kumot ang kaniyang mukha at nagmumog siya ng laway. Sinuklay din niya ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang isng kamay. Napangiti lang si Wax nang maRealize niyang hindi naman siya nakikita ni Josh dahil magkausap lamang sila sa phone.

"Kala ko talaga nakaistorbo ako Dre." Ang sambit naman ni Josh.

"Ano ka ba Dre. Parang hindi tayo magkaibigan." Ang pamintang sinabi naman ni Wax.

"Hindi na ako nagText kasi bukas pa pala ng Gabi matatapos ang UnliCall at Text ko kaya tumawag na lang ako." Ang Explain naman ni Josh kay Wax.

Labis ang saya ni Wax sa mga sandaling iyon dahil kausap na niya sa phone si Josh na  talagang hinihintay niya. Napayakap ulit si Wax sa kaniyang lamog na lamog ng Body Pillow.

"Buti nga tumawag ka kasi hindi ako magigising kung nagText ka." Ang masayang sambit ni Wax.

"Akala ko ba gising na gising ka. Sorry talaga. Bukas na lang." Ang reply naman ni Josh na ikinataranta naman ng nadulas na si Wax.

"Hindi! Ngayon na lang tayo mag-usap. Hinihintay talaga kita." Ang sambit agad ni Wax.

"Ha?! Talagang hinintay mo ako?" Ang nagtatakang tanong naman ni Josh.

"POTEK!" Ang nasambit ni Wax sa kaniyang sarili dahil sa pangalawang pagkakataong pagkakadulas niya.

"Ah... Eh... Ah..." Ang nauutal na lumalabas sa bibig ni Wax at hindi siya talaga makapag-isip ng ssabihing alibi.

"NagPromise ka kasi." Ang nasabing bigla ni Wax kay Josh. Kumunot ang noo ni Wax dahil alam niyang hindi niya dapat ito sinabi sa kausap.

"Bakit ka natatawa?" Ang biglang naitanong ni Wax nang marinig niya ang malakas na pagtawa ni Josh sa kabilang linya. Namula agad sa hiya si Wax. Iba talaga ang dating sa kaniya ni Josh.

"Para ka kasing bata!" Ang masayang sambit naman ni Josh na lalo pang ikinapula ng mukha ni Wax.

"Di ba sabi mo magBestFriend tayo noon?" Ang isinunod ni Josh kay Wax.

"Ha? Ano... Oo Dre." Ang nauutal pa ding sambit ni Wax kay Josh.

"Bakit wala akong maalalang BestFriend?" Ang tanong muli ni Josh kay Wax.

"Ha? Ah... Eh... Malay ko." Ang mahinang sagot ni Wax.

"Shit!" Ang naibulalas ni Wax sa kaniyang sarili dahil mali na naman ang entrada niya.

"Malay ko din." Ang masayang sambit naman ni Josh na ikinangiti naman ni Josh.

"Basta magkaibigan tayo noon kaya nga tuwang-tuwa ako nang makita kita!" Ang sinabi ni Wax kay Josh.

"Ows?" Ang nagtatakang tanong ni Josh na ipinagtaka naman ni Wax.

"Anong Ows?" Ang balik tanong ni Wax kay Josh.

"Tuwang-tuwa ka?" Ang tanong ni Josh.

"Oo naman. Mga bata pa tayo nang lumuwas kami sa Maynila kaya tuwang-tuwa talaga ako nang makita kita kanina." Ang explain kaagad ni Wax.

"Eh bakit ka umiyak kung tuwang-tuwa ka?" Ang natatawang sinabi ni Josh.

"SIRA! Ha ha ha!" Ang naibulalas ni Wax dahil sa banat ni Josh sa kaniya.

"JOKE LANG!" Ang bawi agad ni Josh kay Wax. Parehong magaan ang kanilang pakiramdam sa kanilang kausap.

Sa mga sandaling iyon ay tila ba kampanteng-kampante sa kanilang usapan ang Rakista at ang Barista. Naging palagay agad ang loob ni Josh sa kausap kaya nama'y naikuwento niya kay Wax ang kaniyang buhay at gayundin naman si Wax kay Josh.

Napag-alamanan ni Wax na sa Province nag-aral si Josh hanggang College at nakaGraduate ito sa kursong HRM. Namatay ang Tatay ni Josh noong nag-aaral pa ito noong College at tanging ang Nanay at ang isa nitong nakakatandang kapatid na babae ang nagtulong para makaraos sila sa buhay at makapagtapos si Josh sa College.

NakaSmile si Wax habang ikinukuwento sa kaniya ni Josh na noo'y nagtitinda siya sa School ng Buko Pie hanggang sa siya' makaGraduate at ngayo'y patuloy pa din sa pagGawa ng Buko Pie ang kaniyang Ate't Nanay.

Sinabi din ni Josh na nagDecide siyang magTrabaho sa Manila para maiba naman ang kaniyang Environment at gusto niyang kumuha ng Experience sa mga bigating Establishment para makapagAbroad siya. Nasabi din ni Josh kay Wax na madami na siyang Agency na pinasahan ng Application pero hanggang ngayo'y wala pa ding Result at nasa Pinas pa din siya.

"Tiis-tiis lang at hintay-hintay." Ang nasambit naman ni Wax kay Josh dahil naranasan din niya ang sinasabi ni Josh noong sinubukan ng kanilang Band na makakuha ng isang recording Contract.

Si Wax naman ang nagkuwento kay Josh ng tungkol sa kaniyang buhay since nang lumuwas sila ng kaniyang Family sa Manila at nag-aral siya sa pagTugtog ng mga musical instruments hanggang sa time ng pag-aApply at matanggap ang kanilang Band Abroad.

"Basta ganoon ang nangyari. Tiyaga lang kami sa pagpasa ng mga Application at pagPunta sa mga Agencies and Interviews." Ang pagwawakas na payo ni Wax kay Josh.

"Hello?" Ang nasambit ni Wax kay Josh nang hindi niya maringgan ito ng Reply.

"Ngooorrrkkksss... Zzzzzzz... Ngoooorrrkkksss... Zzzzz..." Ang narinig na lamang ni Wax na malakas na paghilik ni Joshua mula sa kabilang linya. NapaSmile na lamang si Wax habang pinakikinggan niyang humihilik si Joshua. Nakatulog ito habang nakikinig kay Wax dahil sa matinding pagod.

Masayang inilagay sa loud speaker ni Wax ang kaniyang iPhone dahil sinabi naman ni Josh na nakaUnliCall siya. NagInhale at Exhale si Wax bago siya nagSmile ulit. Ipinikit ni Wax ang kaniyang mga mata habang iniImagine niya ang hitsura ng natutulog at miss na miss na niyang BestFriend.

Magaan at masayang nakatulog na din si Wax that time habang parang MP3 niyang pinakikinggan ang malakas na paghilik ni Josh mula sa kaniyang iPhone.


******************


"Wax! Wax! Wax!" Ang malakas na tawag ng Drummer na si Dennis mula sa labas ng pintuan ng room ni Wax.

Napakunot ang noo ni Wax dahil nagising siya mula sa malakas na pagkatok at boses ni Dennis at nang iminulat niya ang kaniyang dalawang mata'y mabilis niyang tinignan ang kaniyang iPhone na nasa tabi lang ng kaniyang pillow. NapaSmile si Wax ng pagkatamis-tamis nang naalala niya ang conversation nila ni Josh kagabi. Hindi na nagulat pa si Wax nang makita niyang Drained na battery ng kaniyang iPhone.

"Wax! Wax!" Ang muling narinig ni Wax kay Dennis.

"Pasok Dre!" Ang malakas na sigaw ni Wax at kaagad namang pumasok si Dennis sa kaniyang room ng marinig nito ang sinabi ni Wax.

"San ka punta?" Ang tanong agad ni Wax sa kaibigan nang makitang bihis na bihis ito.

"Ano ka ba Dre?! Dun muna ako sa amin habang prinaProcess yung Papers natin. Wala na naman tayong Gig eh." Ang sambit lang ni Dennis kay Wax na ikinakunot naman ng noo ng isa.

"Di ba bukas ka pa uuwi sa inyo?" Ang nagtatakang tanong ni Wax sa kanilang Drummer.

"May paparating na bagyo at baka maabutan ako bukas kaya ngayon na lang ako uuwi." Ang reply naman ni Dennis sa bumabangong si Wax.

"Anong oras na ba?" Ang tanong ni Wax kay Dennis.

"12:30pm na."

"Ha?" Ang gulat na tanong ni Wax. Hindi siya makapaniwalang napasarap ang kaniyang tulog.

"Teka bihis lang ako. Hatid na kita sa terminal Dre." Ang nagmamadaling sambit ni Wax na may mga ngiti sa labi. Good mood na Good mood siya ngayon dahil nga sa pag-uusap nila ni Josh.

"Huwag na. Ikaw Dre? Ayos ka lang bang mag-isa dito?" Ang tanong naman ni Dennis kay Wax.

"Tinatanong pa ba yun." Ang masayang sagot naman ni Wax sa kanilang drummer. Labis ang pagtataka ni Dennis kay Wax dahil kagabi lang ay Emo ito. Nasanay na si Wax na mag-isa nang pumuntang Abroad ang kaniyang mga Parents.


************************


Kapansin-pansin ang panguNgulimlim ng kalangitan nang inihatid ni Wax ang kanilang Drummer sa Terminal ng Bus pauwing Probinsya nito. NagDecide na umuwi na lamang ang kanilang Drummer sa kanila para doon ubusin ang time habang naghihintay silang maayos ang kanilang mga papers para makapagAbroad. Medyo naiinggit si Wax sa kanilang drummer dahil may mauuwian itong Province.

Habang nagdriDrive pabalik si Wax pauwi sa kanilang Apartment ay nangiNgiti-ngiti ito dahil naala-ala niya ang buhay niya sa Province noong bata pa siya at kasama niya si Josh. Lahat ng kalokohan nila at pakikipag-Away ay hindi nawaglit sa kaniyang isipan kaya naman nang makabalik si Wax sa apartment ay agad-agad niyang binuksan ang kaniyang Laptop at nagOpen ng kaniyang FB. Hinanap agad niya ang FB profile ni Josh.

Laking tuwa naman ni Wax nang madali niyang nakita ang FB ni Josh at nakaPublic pa ito. Agad niyang iniAdd sa kaniyang Friends si Josh at pagkatapos ay kaniyang tinignang may ngiti sa mga labi ang mga Album sa FB ni Josh.

Proud na proud talaga si Wax na ang gwapong nasa DP ay ang Bestfriend niyang si Josh. Si Josh na noo'y nagtatanggol sa kaniya at bumabarog sa mga manunukso niya. The same Josh na kausap lang niya kagabi.

Pagkatapos na magFB si Wax ay agad na tinawagan niya sa kaniyang iPhone si Josh but to his dismay ay 'Subscriber Can't Be Reach' lang ang narinig niya. NagSigh lang si Wax at nagpadala na lamang siya ng SMS kay Josh at every 30 mins ay sinusubukan ni Wax na tawagang muli si Josh kaya lang ay laging 'Subscriber Can't Be Reach' palagi ang kaniyang naririnig.

NagGive Up na lamang si Wax at natulog na lamang upang palipasin ang maghapon. Tatawagan na lang niya ulit si Josh pagkaGising niya. Talagang miss na miss ni Wax ang kaniyang Gwapong Bestfriend.


************************


Madilim na nang magising si Wax mula sa kaniyang Nap. Wala siyang inaksayang saglit at agad niyang tinawagang muli si Josh pero hindi pa din ito maReach. Labis na ipinagtaka ito ni Wax at nang masagi sa kaniyang paningin ang Class Picture nila ni Josh ay agad na gumuhit muli ang isang ngiti sa mga labi ni Wax kasabay ng pagpasok ng isang magandang ideya sa kaniyang isipan.

Nagmamadaling bumangon si Wax at pumuntang banyo upang maligo. Pagkatapos magbihis ni Wax ay humarap siya sa salamin upang magpaPogi. Gusto niyang maging Presentable siya mamaya pag pinuntahan niya si Josh sa Starbucks.

Hawak na ni Wax ang Gatsby na gagamitin niya upang patayuin ang kaniyang buhok at nang lalagyan na ni Wax ng Gatsby Wax ang buhok niya'y napatigil ito at napatitig ito sa Reflection ng kaniyang mukha sa salamin. NagInhale and Exhale si Wax bago niya ibinababa sa tukador ang kaniyang hawak na Gatsby.

At that moment ay nagDecide si Wax na huwag ng mag Rakista Get Up. Baka maalala siya ni Josh kapag nakita siya nitong Nerdy look niya. Kinuha ni Wax ang makapal at luma niyang  EyeGlasses at iyon ang kanyang isinuot. Hindi na din naglagay ng Earrings si Wax at napaNgiti ito nang makita niya ang kaniyang Nerdy Look na Reflection sa Mirror.

Mabilis na kinuha ni Wax ang luma nilang Class Picture na kaniyang ipapakita kay Josh sa Starbucks at pagkatapos ay lumabas na ito sa kaniyang Room. Mabilis na nagLock Up si Wax ng kanilang Apartment at pinaharurot niyang pinaandar ang kaniyang Revo upang tunguhin na ang Starbucks na pinagtratrabahuhan ni Josh.


**************************


Hinabol muna ni Wax ang kaniyang hininga bago siya bumaba sa Revo. Ilang minutes ding hindi bumaba si Wax sa kaniyang Sasakyan pagkatapos niyang magPark sa harapan ng Starbucks dahil kinailangan pa niyang iCompose ang kaniyang Sarili dahil naHaggard siya sa Heavy Traffic kasabay ng kaniyang pagiging Excited na makitang muli ang kaniyang BestFriend.

Pagkababang-pagkababa ni Wax sa Revo ay sinalubong siya ng malakas na hanggin. Ramdam na ramdam na sa Manila ang Bagyong paparating ngunit hindi iyon nagpababa ng level ng nararamdamang kasiyahan at Excitement ni Wax sa mga sandaling iyon.

"AYOS!" Ang masayang nasambit ni Wax sa sarili dahil nakita niyang dalawang tao lamang ang laman ng Starbucks. Makakausap niyang muli si Josh dahil hindi busy ang Store.

"Good Evening Sir!" Ang masayang sambit ng Guard kay Wax.

"Good Evening din. Mukhang hindi ata busy ngayon ah." Ang bati naman ni Wax.

"Oo nga Sir. Dahil siguro may Bagyo." Ang reply naman ng Guard. Kumunot ang noo ng Guard nang makita niyang parang Pamilyar sa kaniya ang kausap.

"Nandyan ba si Josh?" Ang tanong ni Wax sa Guard.

"Sabi ko na nga ba! Ikaw yung kaibigan ni Josh. Hindi kita nakilala." Ang masayang nausal ng Guard kay Wax. Natawa lang si Wax sa Reaction ng Guard sa kaniya.

"Pakikita ko lang ang Class Picture namin." Ang masaya namang explain ni Wax.

"Wala po siya dito. Last Day na niya kagabi. NagResign na si Josh at uuwi na ito sa mga Nanay niya sa Probinsya." Ang masaya namang reply ng Guard kay Wax. Biglang natahimik si Wax sa narinig niyang balita mula sa Guard.

"PAKSHET!" Ang nasambit lamang ni Wax ng mga sandaling iyon. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

"Okay lang ba kayo Sir?" Ang nagtatakang tanong ng Guard sa nakatulalang si Wax. Matagal na hindi nakasagot si Wax.

"Ha... Ah... Eh... Ayos lang ako. Thank You." Ang naiSagot na lamang ni Wax sa Guard sabay talikod niya dito't mabilis na pagbalik sa kaniyang Revo. Iniwang nakanganga ni Wax ang Clueless na Guard sa Starbucks.

Pagkasakay na pagkasakay ni Wax sa kaniyang Revo'y kaagad niyang tinawagan si Josh ngunit Cannot Be Reach pa din ang kaniyang naririnig. Talunang ibinagsak ni Wax ang kaniyang likod sa BackRest ng Driver's Seat. Pakiramdam ni Wax ng mga sandaling iyo'y para siyang batang naputukan ng Lobo.

Hindi malaman ni Wax kung sisigaw o maiiyak siya sa inis dahil talagang expected niyang makikita niyang muling si Josh ng gabing iyon. NagStart nang makaramdam ng Stress si Wax dahil sa pagkaUpset kaya nama'y ipinikit niya ang kaniyang dalawang mata upang huminga ng malalim.

Habang nag-iInhale and Exhale si Wax ay para bang nanunuksong naala-ala niya ang sinabi sa kaniya ng kanilang Drummer na si Dennis kanina.

"Uuwi muna ako sa Probinsya at wala naman tayong Gig." Ang naalala ni Wax na sinabi kanina ng kanilang Drummer.

Biglang nabuhayan ng loob si Wax at agad niyang iniStart ang kaniyang Revo. Habang pinahaharurot ni Wax sa HighWay pabalik sa kanilang Apartment ang kaniyang Revo ay paiSmile-Smile pa ito dahil may magandang plano siyang naisip.

"Why Not." Ang masayang nasambit ni Wax habang nagDriDrive siya.








To Be Continued


1:43 Sa Isang Sulyap Mo Mp3

22 comments:

  1. Embedded Music Comes from 1:43's 'Sa Isang Sulyap Mo'

    Ang sinasabi kapag nakikita natin si Crush katapos eh tinignan din tayo. Promise masarap sa pakiramdam kapag may Crush ka :))) (mas masarap ang feeling kaysa pagInlove) hahaha! Ewan ko pero nakakakilig :)))

    MAY NAKAKA-RELATE BA??? :)))

    Nga Pala... NagStart na ulit akong magSulat ng Nasty :) Please Click the Title Below If you want to read it :)))

    Ang Masarap Na Dila Ni Mang Abel 1

    GOOD EVENING PO SENYONG LAHAT AND TAKE CARE PALAGE :))) REGARDS PO SENYONG FAMILY :)))

    ReplyDelete
  2. Super kilig talaga to ALPOnse. Ibang klase gumawa ng kwento. Susugod sa bagyo si Wax pauwi ng probinsya. Kala ko dadalhin nya sa apartment si Josh pero mas ok ang balak mo hehehe.

    Keep it up kuya. Take care!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mr.Stan :))) tenchu po sa pagbasa't pagComment :))) Ikaw din po laging magTake Care :)))

      P.S. Alam mo na naman siguro kung saan inilalagay ni Ponse ang mga ganoong kwento :))) Hahaha!

      Delete
    2. Oo naman di ako papahuli. Kelan ba ang part2?

      Delete
    3. Nigagawa na po ni Ponse Mr.Stan... Dahil labs na labs ko po kayo :)))

      Delete
  3. Replies
    1. Naman Mr.Mendoza :))) Dating gawi po ulit si Ponse sa pag-a-Update :))) Take Care po kayo palage :))) Regards and God Bless po to you and your family :)))

      Delete
  4. Replies
    1. Naman Mr.UnoSalas :))) Syempre :))) Hahaha! Tenchu sa pagbasa't pagComment :))) Regards po senyong Pamili :)))

      Delete
  5. cute na gentleman na badboy... love it

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tenchu po Mr.PjBerdz sa pagsama kina Wax and Josh :))) HAPPY EXCURSION NGA PALA TODAY :)))

      Delete
    2. hahaha salamat... like na like kona ang story nato... may update kana sa komiks mo?

      Delete
  6. Hay...grabe naman...ang emo ng chapter ah! hala sinisisi ng mga magulang ni Josh si Wax sa pagkaka-accidente ni Josh...kaya pinaglalayo sila :(

    Kuya, 2nd chapter pa lang may hurdle na agad :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Saan mo nakuha Mr.LoveDoctor ang idea na yaan :))) Hahaha! mababaw lang yang RnB :))) Hahaha!

      Delete
    2. Aww akala ko bigtime rin ang twist kaya ganyan ang naisip ko haha

      Delete
    3. Kaw talaga Mr.LoveDoctor :))) Sa kalagitnaan mo po malalaman ang twist :)))

      Delete
  7. uuwi dn ng probinxa c flor! nice! :D

    ReplyDelete
  8. Replies
    1. Salamuch po sa pagbasa't pagComment kuya Mark :))) Take care po palage :)))

      Delete
  9. Very interesting can't wait for the next chapter.

    ReplyDelete
    Replies
    1. NaPost ko na po Kuyang Anon ang Part3 :))) ♥♥♥♥♥ ♥♥♥♥♥ ♥♥♥♥

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails