Followers

Showing posts with label Child of the Light. Show all posts
Showing posts with label Child of the Light. Show all posts

Friday, April 8, 2016

Enchanted (Book 2) Child of the Light Chapter 27 - 33

Nasa chapter 60 na tayo sa Wattpad. Hanapin ninyo ako doon. Ang username ko ay PeterJDC. Follow me para updated kayo lagi. Nasa profile ko ang mga stories kabilang itong Child of the Light. Hihintayin ko kayo doon.





















Ang Child of the Light ay pangalawa sa Enchanted series. Ang una ay Enchanted: Broken na makikita ninyo dito sa MSOB o sa Wattpad profile ko. Ang mga kwentong ito ay pinaghalong boyxboy at modern urban fantasy. Salamat sa mga sumusubaybay.























Sir Mike Juha, maraming salamat!




Chapter 27

Habang kumakain sa karinderia malapit sa tinutuluyan ay napatigil siya dahil sa isang balita tungkol sa namataang waterspout sa Manila Bay. Muli niyang naalala ang mga hiyas. Sabi ng lolo niya ay mararamdaman niya ang kapangyarihan ng mga ito. Ngunit kung ang may hawak ng hiyas ang may gawa ng buhawing iyon ay hindi niya masiguro dahil wala siyang naramdamang kakaiba.

Hinihintay niyang bumulaga ang matanda sa paligid upang sabihin sa kanyang natagpuan na niya ang may hawak sa hiyas ng hangin, ngunit hindi ito nagparamdam sa kanya nang buong gabing iyon. Kung bakit ay hindi niya alam at hindi niya na rin inisip.

Nang makapagpahinga sa kanyang silid ay tiningnan ni Errol ang mga print copies ng silweta nila ni Jansen na kinunan ni Liz apat na buwan na ang nakakalipas. Ang ganda ng mga larawan. Isa sa mga larawan ay ang magkahawak sila ng kamay ni Jansen. Sa silwetang larawang iyon ay magkaharap sila ni Jansen. Ang kanilang itim na mga pigura ay napapaligiran ng pulang kulay ng kalangitan. Sa likod ng kanilang magkahawak na kamay ay ang kulay dalandan na bilog, ang lumulubog na araw.

Napangiti si Errol habang nakatingin sa mga litratong iyon. Naalala niya si Ivan. Sana si Ivan ang lalaking ‘yon. Sana pwede. Tumunog ang kanyang telepono.

“Hi,” saad ni Jansen sa text.

“Oy, ano’ng meron?” sagot niya.

“Di makatulog?”

“Oo eh. Ikaw din?”

“Kamusta na? Long time no see, no talk.”

“Busy sa work. Hehe”

“Pupunta ako ng Taguig bukas.”

“Talaga?”

“Oo. May bibisitahin akong kamag-anak.”

Hindi alam ni Errol ang isasagot.

“Pwede ba tayo magmeet bukas?” tanong ng binatang naaalala ni Errol sa makakapal nitong salamin.

“Sure. Teka, anong oras ka ba paparito sa Taguig?”

“Umaga pa lang. Actually, diyan ako buong araw.”

“After work na lang siguro. Pero baka masyadong matagal.”

“Nope. Okay lang. Sige bukas. Mga 6 p.m.?”

“Okay. Hehe”


* * *


Kinabukasan pagkatapos ng trabaho ni Errol ay nagkita nga sila ni Jansen sa isang coffee shop.

“Hey, nice to see you again,” bati ni Jansen sa kanya.

Napansin ni Errol na bago na ang salamin nito. “Sira talaga ang mga mata mo, ‘no?”

“Yup, since high school.”

“Malabo talaga paningin mo pag wala yan?”

“Oo, yung tipong hindi ko mabasa ang mga signage tapos di ko makilala yung mga tao kasi blur lang yung mga mukha nila.”

“Pwede patry?”

“Sure!” Tinanggal ni Jansen ang kanyang eyeglasses at inabot ito kay Errol.

“Mas cute ka pag walang salamin.” Nakita niyang ngumiti ang kausap. Sinuot ni Errol ang salamin.

“Bagay sa iyo magsalamin,” saad ni Jansen na nakangiti.

“Nakakahilo!” Agad niya itong inalis. “Grabe pala sira ng mata mo.”

“Hindi naman. May kilala ako doble ang grado ng salamin niya.” Sinuot ulit ni Jansen ang kanyang salamin. “So how are you?”

“I’m fine.” Ngumiti si Errol. “Kamusta na si Ate Liz?”

“Iyon may dinedate. Finally, may love life na yata. Ikaw, how’s your love life?”

“Wala akong panahon sa love life.”

“Walang panahon o natatakot?”

“Hmmm. Both?”

“Bakit ka natatakot?”

“Parang hindi naman possible yan sa akin.”

“Why so?”

“Hindi ko alam if may magmamahal sa akin.”

“Wow, senti.” Ngumisi si Jansen. “Baka naman meron, tinatanggihan mo lang.”

“Ikaw ba, may love life ka?”

“Wala pa.”

“Bakit?”

“May gusto ako pero parang di pa siya ready.”

Naintriga si Errol sa pagkakangiti ni Jansen sa kanya. “Ligawan mo kaya.”

“Lalaki siya.” Ngumisi ito.

Oo nga pala. Naalala ni Errol. Bisexual nga pala si Jansen. “Eh di ligawan mo na rin.”

“Bakit, magpapaligaw ka ba?”

Sa pagkabigla ay nasamid si Errol at napaubo ng ilang beses bago makasagot. “Ha?”

“Errol, I like you.”

Dahil sa pagkabigla ay hindi niya alam ang akmang isasagot. “Sigurado ka?”

Tumango si Jansen.

Ngayon lang may tahasang nagsabi kay Errol na gusto siya nito. “Nagtitrip ka yata eh.” Ngunit napansin ni Errol na biglang nailang si Jansen. “Huy!”

“Gusto talaga kita.” Napakamot ito sa ulo.

Napansin ni Errol na namumula ito at tila nahihiya na. “Pa’no? Bakit?”

“Hindi ko alam. Nung nag-usap tayo dati sa mall parang I liked you na.”

“Flattered naman ako. Pero hindi ko alam. Pa’no ba ‘to?”

Ngumiti lang si Jansen.

“Pwede bang friends na lang muna? Marami pa kasi akong aayusin, sarili ko, buhay ko...” At ang sinasabi ng lolo niyang nagbabadiyang lagim. Kahit hindi kumbinsido si Errol sa mga kwento ng lolo niya ay nababahala na ito sa pagdaan ng mga buwan lalo pa’t tila isa-isang nagiging totoo ang mga sinasabi nito. Ang mga kababalaghang nasaksihan ay hindi na rin biro.

“Okay lang.”

“Can I keep you as a friend?”

“Oo naman. Hindi ka naman mahirap kaibiganin.”

“Salamat. Bakit hindi mo ginagalaw ang kape mo?”

“Hindi kasi talaga ako umiinom ng kape.”

“Bakit ka umorder ng kape?” Ngumisi si Errol.

“Para sabayan ka.”

Hindi alam ni Errol ang idudugtong sa kanilang usapan. Palingon-lingon na lang ito sa mga ibang nandoon hanggang sa narinig niyang magsalita ulit si Jansen.

“Kamusta na kayo nung...”

Hindi kaagad nakasagot si Errol.

“If you don’t mind... Sorry, ang tsismoso ko.”

“Okay lang. Hindi na kami nag-uusap.”

“Bakit? Di ba iniwan namin kayo ni Ate Liz sa Baywalk noon?”

“Yun na yung last naming pagkikita.”

“Bakit?”

“Paano ko ba ipapaliwanag?”

“Sabihin mo lang kung ano’ng pwede mong sabihin.”

“May mga masakit kasi siyang ginawa at sinabi sa akin.”

“Masakit talaga, ‘no, kapag galing sa minamahal mo?”

Tumango si Errol, tinuon ang atensiyon sa kanyang tasa, at ngumiti.

“Hindi mo na ba siya kayang patawarin?”

“Hindi naman sa ganun. Minahal ko yun. Kahit paano naging malapit siya sa akin. Kaya hindi siya mahirap patawarin.”

“Mahal mo pa rin ba siya?”

Hindi alam ni Errol ang isasagot. Mahal pa nga ba niya ito? “Hindi ko alam. Ayoko ng isipin. Gusto ko na lang ipagpatuloy ang buhay ko. I’m sure masaya na yun.”

“Pa’no kung mahal ka rin niya?”

“Mahal as in romantic na pagmamahal? Imposible yata. Napalapit sa akin yun kasi sabi niya naaalala niya raw sa akin yung namatay niyang kapatid. Kapatid ang turing niya sa akin. Tsaka andami nung kaibigang babae. Nakikita ko lagi sa Facebook niya.”

“Stalker ka pala niya sa Facebook.” Tumawa si Jansen.

Tumawa rin si Errol. “Noon. Ikaw ba, wala kang sinu-stalk sa Facebook?”

“Ikaw sana pero wala ka naman dun eh.” Ngumiting muli si Jansen.

Halos mabilaukan si Errol. “Grabe ka. Hindi ka man lang pumreno.”

“I really like you, Errol. You’re deep. Masarap ka kausap.”

Hindi alam ni Errol ang isasagot. “Gusto rin kitang kausap kasi parang andami nating pwedeng pag-usapan.”

“Hindi ba talaga pwede?”

“Sorry, Jansen. Hindi pa ako ready.”

“Nandiyan pa kasi siya.” Marahang tumawa si Jansen.

“Hindi naman sa ganun.”

“Okay lang. Pero friends pa rin tayo ha.”

“O, ba.”

“Pwede bang friends with benefits?”

“Ha?”

“Biro lang. Don’t worry, kahit finriendzone mo ako, I’ll stick around.”

“Grabe, pinapaguilty mo naman ako.”

“Dapat talaga maguilty ka.” Yumuko si Jansen at kinaraw ang kapeng hindi pa niya ginagalaw.

“Okay sige payag na ako sa friends with benefits.”

“Talaga?”

“Joke lang.”

Natawa ulit sila.

“May sense of humor ka rin pala.”

“Lahat naman tayo meron nun,” sagot ni Errol.

“Teka, nagdinner ka na ba?”

“Hindi pa.”

“Dapat pala nadinner tayo bago tayo nagkape.”

“Oo nga, ‘no?”

Kung anu-ano pa ang pinag-usapan nila habang kumakain sa kalapit na restaurant.

“Thanks for the company,” saad ni Jansen nang matapos sila kumain. Nasa labas na sila ng restaurant na iyon.

“Ako dapat magthank you. Ang sarap mo kausap.”

“Ikaw rin naman masarap kausap.”

“So pa’no, uuwi ka na?”

Tumango si Jansen. “Can I hug you?”

“Okay.” Nagyakapan ang dalawa. Ngunit biglang namiss ni Errol si Ivan. Kamusta na kaya siya?

“Kung kailangan mo ng kausap, I’m just a text or call away.” Bumitaw na si Jansen.

Tumango si Errol. “Salamat, Jansen.”

Tinanaw ni Errol ang binatang nakasalamin habang naglalakad ito palayo. Napangiti siya dahil kahit paano ay hindi siya nakaramdam ng pagiging isa.






Chapter 28

Sinalubong si Ivan ng tarantang si Manang Jean pagkauwi nito mula sa convenience store. “O, manang, ano’ng problema?”

“Ivan, andito ang mommy mo!”

“Talaga?”

“Nasa sala siya.”

Kinabahan si Ivan. Di niya alam kung bakit andito sa bahay ang nanay niya gayung sinabi niya noon na ayaw na niyang pumarito. “Ma, naparito kayo?” Nakita niya itong tumayo mula sa pagkakaupo.

“Ano itong nababalitaan ko na pinapabayaan mo na ang farm?”

“Ma, akala ko ba hindi ka interesado dun?” Sumimangot si Ivan.

“Excuse me?” Umirap ang ina ng binata na tiniklop ang mga bisig.

“Bakit bigla bigla interesado kayo sa lupang yun?” Binagsak ni Ivan ang katawan sa sofa sa sala. Nakita niyang bumaba ang tingin ng kanyang ina sa kanya.

“I’m just worried about your future, son, your welfare.”

“Ma, I’m fine.” Giniya ng binata ang kanang kamay sa kanyang buhok. Halatang irita na ito. “Yan lang ba ang pinunta mo dito?”

“Hindi ko gusto yang tono mo.” Kumunot ang noo ni Daniella na nakaturo ang hintuturo sa anak. “Aren’t you glad to see me here? Di ba gusto mo akong pumunta dito sa bahay?”

“I’m tired, ma.” Umiling si Ivan.

“I don’t see why you’re tired. Ganyan na ba kahirap magpatakbo ng isang maliit na tindahan?”

“Ma, hindi isang maliit na tindahan lang ang pinapatakbo ko.”

“Call it what you wanna call it, Ivan, but it’s still a small business.”

“Ma, magtatalo na naman ba tayo?” Tumayo si Ivan at naglakad papunta sa itaas, sa kwarto niya.

“When will you take your life seriously?”

Natigilan ang lalaki. Hinarap nito ang kanyang ina. “You think I’m not taking my life seriously?” tanong niya na nakaruto ang daliri sa dibdib niya.

“You’re not getting any younger.”

“I know, ma. Hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko.” Nakasimangot na niluwagan niya ang kanyang kwelyo.

“I see. Pero kelan mo ako tutulungan sa pagpapalakad ng ibang negosyo natin?” Bumaba ang boses ni Daniella.

“Negosyo niyo ni papa, ma!”

“Ivan, hanggang ngayon ba” -- umiba ng tingin ang ina ng binata -- “hindi mo pa rin mapatawad ang iyong papa?”

“It’s not that, ma.”

“Then what is it?” Humarap muli ang nakagayak na ginang sa anak. “What’s the problem?”

“Ma, I’m tired. Wala ako sa mood na pag-usapan yan.”

“Ivan, you have to think about this. It’s for our future. Alam mong hindi ko kayang patakbuhin mag-isa ang lahat ng negosyong iniwan ng ama mo.”

“I know, ma. I’m sorry. Bukas na bukas pupuntahan ko ang farm natin.”

“Hindi natin. That farm is yours. You know that.”

“As you wish, ma.” Nakita ni Ivan na lumapit sa kanya ang ina at hinawakan ang mukha nito.

“Pumayat ka yata,” saad ni Daniella na nakasimangot sa anak. “Are you under some kind of stress?”

“Wala ‘to, ma.”

“Take care of yourself, son. I don’t want to lose you too.”

Natigilan si Ivan sa narinig. Noon niya lang narinig ang ganoong pag-aalala ng ina.

“Looks like you took care of the house.” Ginala ni Daniella ang kanyang tingin sa buong bahay.

“Laging naglilinis dito sina Manang at si Lindy.”

“Ganun ba?”

Bigla silang tinungo ng kasambahay. “Ma’am Daniella, Ser Ivan, handa na po ang dining table,” saad ni Manang Jean.

“Manang, bakit may ser pa?” tanong ni Ivan na nakasimangot. Ayaw niyang tinuturing siyang boss ng mga kasama sa bahay. Parang pangalawang nanay na niya si manang. Subalit alam din niyang naging pormal lang ang tawag sa kanya ni Manang Jean dahil nandirito ang kanyang ina.

“Ah, sige na po. Tumuloy na kayo sa hapag kainan.” Nakangiti si Manang habang tinuturo ang dining room.

“Dito ka kakain, ma?”

“Yes, why?”

“I thought you didn’t like to be here anymore.”

“Let’s just say I miss this house.” Ngumiti ang ina ni Ivan.

Ngumiti si Ivan. Kahit paano ay napasaya siya ng pagtigil ng ina sa bahay nila. “Why the sudden change, ma?”

“I’m getting older, and I realized you’re the only family I got.” Hinaplos nito ang pisngi ni Ivan.

Nangingilid ang luha sa mata ni Ivan nang makitang naluluha rin ang mata ng ina. “Ma!” Niyakap nito ang ina.

“Take care of yourself, son. Will you?”

“I will, ma,” saad ni Ivan.

“So what’s for dinner?” tanong ni Daniella.

“Ang favorite dishes niyo po, ma’am,” sagot ni Manang Jean.

“Kare-kare and pochero! I miss these!” nakangiting bulalas ni Daniella habang umupo sa tapat ng dining table.

Masayang kumain ang mag-ina na noon lang sabay na kumain matapos ang mahabang panahon.

Masiglang gumising si Ivan kinabukasan, ngunit nakaalis na ang kanyang ina.

“Nagmamadaling umalis, ser. May aasikasuhin daw,” saad ni Lindy.

Nalungkot ang binata. Pero gaya ng pinangako sa ina ay pinuntahan niya ang bukid sa Laguna. Isa sa mga dahilan kumbakit hindi masyadong nabibisita ni Ivan ang farm ay dahil sa layo nito. Madalas ay nabuburyong ang binata sa byahe. Bukod pa dito ay walang hilig ito sa pag-aasikaso ng lupaing iyon.



Chapter 29

“Dane!” Agad na tinakbo ni Diana ang kinaroroonan ng Amerikanong naka brown jacket at denim pants. Nakaupo ito sa gilid ng isang lumang restaurant. Agad na nagyakapan ang dalawa.

Madaling lumitaw ang itsura ng banyaga dahil sa kulay ng balat nito, sa buhok nitong kulay light brown na nakausli sa suot niyang knit hat, at sa asul nitong mga mata. Ang kanyang mga pilikmata ay mapupungay. Nakangiti ito habang nakayakap nang mahigpit sa dalaga.

“What are you doing here in the country?” Bumitaw si Diana at umupo sa lumalagitik sa silya. Pinatong niya ang mga siko sa umuugang mesa.

“Director Siler sent me here to do a task.” Ngumiti ang binata habang ginalaw-galaw ang mga hintuturo.

“How’s Rod?”

“Getting old and a little bit cranky.”

Ngumisi si Diana. “Where’s David? Aren’t you always together on missions?”

“Rod thinks I can do this alone. I just need to look for two people.”

“Who?” Kumunot ang noo ni Diana. “By the way, what would you like to eat?”

“Just get me anything edible,” tugon ni Dane.

Pumunta ang dalaga sa counter at umorder. Pagkatapos ay bumalik sa mesa. “So what is your mission?”

Kinuha niya sa kanyang bulsa ang kanyang smartphone. Tila ay may hinahanap siya, at maya-maya pa ay pinakita niya ito kay Diana. “The power outage in Manila earlier this year. The strange lights over Makati that same night. These are on the files of the Homeland Security and have been forwarded to the CIA.”

Naging seryoso ang mukha ni Diana habang nakatingin sa picture ng folder na iyon. Sandali itong sumulyap kay Dane. “You mean...”

Tumango si Dane. “There are CIA agents here in Manila.”

Biglang sumagi sa isip ni Diana ang kanyang ate. Alam niya ang kapangyarihan nito. Ngunit naisip din niyang imposibleng ganoon kalakas ang kapangyarihan ng ate niya. Sa kabilang banda, ilang beses na niyang napapansing kakaiba sa kinikilos nito. Agad niyang binalik ang wisyo sa usapan. “How long have they been around?”

“For a while now.” Lumingon lingon si Dane sa paligid at hinawakan ang kanyang sombrero. “The U.S. Government still thinks it was terrorism.”

“So they think the terrorists are still here?”

Umiling si Dane. “They’re more interested in how they did it. Plunging a city in total darkness requires a technology that hasn’t been seen before, especially not on that grand scale. Most likely it was an EM pulse. But who or what did it is the question.”

Bumuntong-hininga si Diana. “So Rod asked you to find the CIA agents?”

“No.” Umiling si Dane. “He wants me to get to the bottom of this. Rod doesn’t think it’s technology. Rod thinks...”

“It was caused by people like us.” Umiba ng tingin si Diana. Sandaling sumulyap ito sa suot na knit hat ng kausap. Hindi siya komportable sa titig nito, at hindi niya malaman kung dahil ba ito sa asul niyang mga mata o dahil sa tingin ng dalaga ay nababanaagan ng banyaga na may alam siya kahit hindi sigurado. Tumanaw na lang siya sa labas ng salamin sa gilid ng inupuan niya, sa mga kotseng dumadaan at nagsalitang muli. “What will you do if you find them?”

“Rod said he just wants to know their identities.”

“You trust him?”

“No, but I’m kind of getting bored lately. And getting here in your country seems a cool idea.” Ngumiti si Dane, kita ang pagpungay ng kanyang mga mata, ngunit naging seryoso din ang ekspresyon nito sa mukha. “Besides, me and David had a bit of a fight, and...”

Ngumisi si Diana. “And you needed a break?”

“Yeah,” tugon ng banyagang binata.

“So how do you like my country?”

“Pretty hot?” Napakamot sa ulo ang binata.

“Why are you wearing that jacket?” Kunot-noong ngumiti si Diana.

“Right!” Hinubad ni Dane ang jacket. Lumitaw ang kakisigan nito sa suot na puting t-shirt.

Mas lalong napangiti si Diana. “You’re more gorgeous without your jacket.” Nakita niyang pinamulahan ang kausap.

“Stop!” Tumawa ito nang payak.

“No wonder David loves you.”

“And doesn’t want me to talk to other guys.”

“Like Kyle?” Umismid ang dalaga. “Is he still jealous of Kyle?”

Ngumiti lang si Dane at umiba ng tingin. “When are you coming back to the team?”

Matagal bago umimik si Diana at nakatulala sa labas. “I’m not coming back.”

“Why?” Sumimangot si Dane at nilapit ang mukha nito sa kausap. “You’re a valuable member of the team.”

“I don’t want to be an agent, Dane. You know that. I never liked our missions. And I certainly don’t want to be used like a machine.” Nakita ni Diana na natigilan ang kausap. “I’m sorry. I didn’t mean to...”

“That’s all right.” Umiba ng tingin ang banyaga. “I know what you’re trying to say. But you probably know why I called you.” Bahagya itong ngumiti at kinunot ang mga noo na tila nagsusumamo.

“Of course, I won’t let you wander aimlessly. How much did you pay the cab?”

“$200?” Ngumiwi ang gwapong banyaga.

“What!”


Chapter 30

Habang nasa gitna ng byahe ay naalala ni Ivan ang ina. Inasam niyang sana ay tumigil pa ito sa bahay nila, ngunit ganoon talaga ang ina, minsan hindi niya maarok ang timpla. Inisip niyang sana ay bumisita ulit ito sa bahay nang makapagkwentuhan naman sila nang mas matagal.

Sumagi din sa isip niya ang mga katakatakang karanasan na ipinagkibit-balikat na niya rin, dahil kahit ano’ng taimtim ang pag-iisip na gagawin niya hindi niya naman rin mapaliwanag sa sarili.

Sumagi din sa diwa niya si Diana. Hindi maikakaila ni Ivan na tila nagkakagusto na siya sa babae. Sinong lalaki ba naman ang hindi? Pero bigla ring sumagi si Errol sa isipan niya. Kamusta na kaya siya? Apat na buwan na niyang hindi nakikita at nakakausap ito. Nagi-guilty pa rin si Ivan sa kinahinatnan ng kanilang pagkakaibigan ni Errol. Inaako niya ang kasalanan. Pero gusto niya pa rin itong makausap. Gusto niyang makahingi ulit ng tawad. Ngunit paano? Hindi niya ito makontak. Wala na rin ang bahay nila sa Sampaloc. Tiyak galit sa kanya ang mga magulang ni Errol.

Nababahala din siya sa magiging reaksiyon ni Erik kapag nalaman niya ang ginawa niya kay Errol. Pero wala na siyang magagawa. Nangyari na ang mga nangyari. Napabuntong-hininga na lang siya habang nagmamaneho.

Mataas na ang sikat ng araw ng makarating siya sa Laguna. Binati siya ng tanawin sa lalawigan na ibang-iba sa Maynila. Sa Paete ay tanaw niya ang payak na pamumuhay ng mga taong nabubuhay sa paglililok at pagpipinta. May mga nadaanan siyang mga wood carving shops. Bigla niya naalala si Diana. Tiyak magugustuhan niya ang lugar na ito. Maliban sa mga malilikhaing gawain ay pinag-uukulan din ng panahon ng ibang PaeteƱos ang pangingisda at pagsasaka. Pagdating sa lupaing sakahan ay pinagmasdan niya ang malawak na lupaing binalot ng luntiang palayan. Sa malayo ay tanaw niya ang mga bukirin at ang mga puno ng niyog.

Binati siya ng katiwala niya. “Ser, magandang umaga po. Bakit di po kayo nagpasabi na pupunta kayo rito? Sana nakapaghanda kami.”

“Mang Carding, sinadya ko po talaga na surpresahin kayo.” Tumawa si Ivan na nakasuot ng sunglasses.

“Ser, hindi pa ba kayo nag-aasawa?”

“Marami pa pong inaasikaso.”

“Ser, baka may mapili kayo sa isa sa mga nagtitiliang kababaihan dito.” Tinukoy ni Mang Carding ang mga babaeng nasa gilid ng irigasyon sa di kalayuan na nakatingin sa kanya.

“Mang Carding, may lalaki din pong tumitili eh.”

Natawa naman si Carding. “Matinik ka kasi, ser. Pati mga lalaki nahuhumaling sa’yo.”

Biglang sumagi si Errol sa isipan ni Ivan. “Kamusta na po ang farm? Okay ba ang mga pananim?”

“Nako, ser, yun nga. Medyo pineste noong nakaraang buwan, pero naagapan naman.”

“Malaki ba ang nasira?”

“Hindi naman. Tingin ko may kikita naman siguro sa ani sa dalawang buwan kahit papa’no.”

“Problema pa rin ba ang nakawan ng ani?” tanong ni Ivan habang nakapamulsang naglalakad papunta sa sakahan kasama ang katiwala.

“Problema pa rin, ser. Magdadagdag ba tayo ng mga bantay?”

“Sa susunod na buwan na lang kapag malapit na ang ani.”

“Sa bahay ka na lang mananghalian, ser. Magpapahanda ako.”

“Sige po. Salamat!”

Pagkatapos ng pananghalian ay inikot nina Mang Carding at Ivan ang farm. Pinasyal din ni Mang Carding si Ivan sa kanilang orchard. Alas tres na ng hapon nang magpasya si Ivan na umuwi.

“Ser, kailan po uli kayo bibisita dito sa Paete?”

“Magpapasabi lang ako, Mang Carding. Maraming salamat po sa mga mangga,” saad ni Ivan habang tinitingnan ang isang basket ng mangga na pinasok ni Mang Carding sa likod ng kotse niya.

“Pupunta ba kayo dito sa ani o mag-aabang na lang kayo sa bigasan ninyo sa Maynila?”

“Kung may panahon ako, pupunta ako dito sa ani para naman matingnan ko. Kung hindi baka nga dun na lang ako mag-aabang sa bigasan.”

“Kayo pa rin po ba ang namamahala doon?”

“Oo, ako pa rin. Di na kaya ni mama kasi may ibang business pa si dad.”

“Ah, sige ho. Ingat na lang sa byahe, ser.”


Chapter 31

Habang nasa rooftop ng gusali kung saan naroon ang kompanyang pinamamahalaan ng kanyang ate ay tanaw niya ang mababang araw at ang mga katabing gusaling nasisinagan ng madilaw na liwanag. Dama ni Diana ang hanging tumatama sa kanyang pisngi at nagpapagalaw sa kanyang kulot na buhok. Ginugulo ng hangin ang mga laso sa kanyang suot na damit at ang kanyang saya. “Are you sure about this?”

“This is what I went here for,” sagot ni Dane habang nakakunot ang noong nakatingin sa maaraw na kalangitan. “Besides, I only have one day.”

“Isn’t it too hard on your brain?” Nakapamewang si Diana habang ang nakatagilid ang ulo sa kausap. Nag-aalala siya kahit papaano.

Umiling ang binatang banyaga. “I don’t think so.”

“Have you done this before?”

“Not really.” Ngumiti ang binata.

“Then it could hurt you.” Lumapit si Diana dito at sumimangot.

“That’s why you’re here.”

“But...” Hindi maituloy ni Diana ang sasabihin. Nakita niyang tinanggal ni Dane ang kanyang suot na sombrero at inabot ito sa kanya.

“Wear this.”

Tinanggap ito ng dalaga na may pag-aalinlangan. Tiningnan niya ang loob nito at nakita niya ang mga electrodes sa loob. “These things are disgusting.”

“They keep me from having to focus on controlling my powers all the time.” Inayos ng lalaki ang buhok. “You know, right?”

“I thought you already learned how to control your powers without this.” Umismid ang dalaga habang winawagayway ang knit hat.

“Yes. It’s just for caution. With that, I have zero chance of accidentally reading someone’s thoughts. I want you to wear it.”

Tumango si Diana. “I know. I know. Rod wants you to wear it.” Sinuot na niya ang sombrero.

“That’s why I don’t trust him.”

“I know, and you know I feel the same way.”

“The only difference is you can afford to live without him.” Pinasingkit ni Dane ang mga mata habang nakatanaw sa malayo. “David and I can’t.”

Sandaling lumingon si Diana sa kausap at pagkatapos ay ginala ang tingin sa paligid. “Sooner or later you’ll have to figure out how to live on your own.”

“We’re actually planning to go back to college. This isn’t the kind of life I want to live for the rest of my life.”

Tumango si Diana at sandaling yumuko upang mag-isip ng akmang tugon. “Doesn’t David like the job?”

“He’s pretty much fixated on it.” Binulsa ni Dane ang mga kamay.

“Among us, he was the most enthusiastic.”

“He loves the job. Gets excited every time we go on a mission.”

“But you can’t leave him, right?” Ngumiti si Diana habang nakatingin sa malayo.

Tumawa nang payak ang banyaga. “We have frequent fights, but we still care about each other. I can’t leave him with Rod. Besides, that guy misses me right away.” Kinuha niya ang cellphone, binuksan ito, at ngumiti. “He’s been sending me messages since I left.”

“You guys can’t be any mushier.”

“No.” Tumawa si Dane.

Sandaling katahimikan ang namayani habang ginagala ng dalawa ang mga tingin. Maya-maya pa ay nagsalita na rin ang banyaga.

“It’s time.”

Hinawakan ni Diana ang bisig nito. “Be careful.” Nakita niyang ngumiti ito at pagkatapos pumikit. “What are you doing?”

“Be quiet. I’m trying to scan thought signatures in the area.” Hindi gumalaw ang binata.

“What thought signatures?”

“I’m looking for people who know what happened that night when Manila lost contact with the world. Now be quiet.”

At tumahimik na si Diana. Pinagmasdan niya ang maamong mukha ng banyagang kaibigan na tinamaan ng ilaw ng palubog na araw. Humahanga siya sa itsura nito. Kanina habang naglalakad sila sa baba ay panay ang sulyap sa kanila ng mga tao.

Ilang minuto ang lumipas nang biglang kumislot ang mga kamay ng binata. Bahagya rin itong napakunot ng noo. Ngunit tahimik lang na nanood si Diana, nagdadalawang-isip kung lalapit o mananatili sa kinatatayuan.

Maya-maya pa ay nakita niyang napadaing ito sabay hawak sa mga sentido at ngumiwi. “Dane...” Lumapit si Diana dito. “Stop, Dane. Stop! It’s hurting you.” Nataranta na ang dalaga habang niyuyugyog ang braso ng banyagang telepath.

“Be quiet, Diana!”

Umatras si Diana na nakakunot ang noo, ngunit labis ang kanyang pagkabahala sa nakikitang ekspresyon sa mukha ng kaharap.

“I found one of them. She’s near!” Kita ang tensiyon sa mga panga ng binata habang nakapikit ito at napayuko habang dinidiin ang mga daliri sa sentido. “I’m trying to” -- dumaing muli si Dane -- “scan her memories.”

Wala nang magawa si Diana kundi masdan ang telepath na nahihirapan.

“She cast a spell that plunged your city into darkness.”

Kinabahan ang dalaga dahil... Dahil isang tao lang ang kilala niyang may kakayahang kontrolin ang dilim at gumawa ng spells.

“There’s an old, unkempt man... He confronted her.” Lumalabas na ang mga ngipin ni Dane habang kunot-noong dinidiin ang mga kamay sa kanyang sentido. Kita sa mukha niya ang hirap. Lumalakas ang mga daing nito. “A dark force is trying to stop me.”

“Dane, stop.” Lumapit muli si Diana sa kanya.

“She’s trying to resist. The feedback is so strong! Aaargghhh...” Bumagsak ang mga tuhod ng banyaga at napahawak ito sa semento habang nakapikit pa rin at ngumingiwi. “A dark, lethal force is trying to fend me off. It’s too strong!”

Nagulantang si Diana nang makitang umitim ang mga mata ni Dane nang dumilat ito. Nakita niya ang hirap sa kanyang mukha habang tila ay nilalabanan ang pwersang iyon na tila ay nais sumaklob sa kanya. “Stop, Dane.” Nataranta na ang dalaga at muling niyugyog ang binata. “Dane! Break the connection!”


Chapter 32

Napatigil si Cassandra sa pagmamaneho nang makaramdam ng biglang pagsakit ng ulo. Hindi pa siya nakakalabas sa parking lot ng gusali. Kakaiba ang sakit ng ulo na ito. Hindi pangkaraniwan. Tila may mga matutulis na bagay na tumutusok sa loob ng kanyang bungo. Animo’y kinakalkal ang kanyang utak.

Habang napapadaing na nakahawak sa kanyang magkabilang sentido ay biglang lumitaw sa harap niya ang mga imahe ng dwelo nila ni Melchor sa ibabaw ng naturang gusali. Hindi man lubusang naiintindihan ang nagaganap ay batid niyang may kakaibang presensiyang dumapo sa kanyang diwa. Bumilis ang kanyang paghinga. Kung anumang pwersa ito ay hindi siya magpapagapi dito. “Anong salamangka na naman ito, tanda!”

Sumigaw ang bruha, at kasabay ng sigaw na iyon ay ang pag-itim ng kanyang mga mata. Napahawak siya nang mahigpit sa manibela hanggang unti-unting nawala ang sakit sa loob ng kanyang ulo. Maya-maya pa ay kumalma na ang pinagpawisang babae. Ngumisi ito at umiling. “Hindi mo ako madadaan sa ganito, tiyo. Malapit ka na.”

Matalim ang tinging ginawad ng babae sa kawalan. Napalingon ito sa katok sa kanyang bintana. Binaba niya ito.

“Ma’am, okay lang po ba kayo?” tanong ng gwardiya na sinusuri ang loob ng sasakyan.

“I’m fine. Just had a bout of migraine.” Hindi ito tiningnan ni Cassandra.

“Okay po, ma’am.”

Hindi na sumagot ang babae at pinaharurot ang kotse.


Chapter 33

Dahan-dahan ng bumagal ang paghinga ni Dane. Nakayukod ito, ang mga tuhod ay nasa sahig, ang isang kamay ay nakatukod. Si Diana naman ay nasa gilid nito at minasahe ang kanyang likod upang makalma ito.

“You shouldn’t have done it,” nakasimangot na saad ni Diana.

“Her name is Cassandra.” Dahan-dahang lumingon ang banyaga sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Diana. Hindi siya makapagsalita.

“She knows you.” Dahan-dahang tumayo ang binata na inalalayan ng dalaga. “I saw you in some of her memories before things went dark.”

“She’s my...” Hindi natapos ni Diana ang isasagot dahil biglang nagring ang telepono ng kasama. Nakita niyang agad nitong sinagot ang tawag. Pagkatapos ng pag-uusap ay lumingon ito sa kanya.

Nang ibulsa ng binata ang telepono ay nagsalita ito. “Just got a tip. Hong Kong facility, in trouble.”

“Is it serious?” tanong ni Diana.

“Not sure.”

Hinubad na ng dalaga ang sombrero at binalik ito kay Dane na agad namang sinuot ng huli. “What are you going to do now that you’ve found her?”

“I don’t know. I’ll check with Rod first. From the looks of it, she’s going to be a problem.”

Wala ng ibang maisip si Diana na ibang Cassandra maliban sa ate niya. Tama nga ang matagal na niyang hinala. Hindi nga tumigil ang ate niya sa mga pinaggagagawa nito. Ngunit ano ang pakay ng kanyang ate? Sumulyap siya sa sombrero ng katabi. Mabuti na lang at hindi nababasa ng telepath na kasama ang iniisip niya ngayon.

“She knows you, so you have to be careful. I think she’s dangerous.” Naglalakad ang dalawa pabalik sa loob ng gusali. “One person I know who was strong enough to resist my mental probes was an insane man.”

Hindi masabi ni Diana kay Dane na maaaring ate niya ang tinutukoy nito. Hindi siya sigurado. Hindi rin siya sigurado kung ano ang maaaring kahihinatnan kung sabihin niya ang impormasyong iyon. “Did she catch you peeking into her mind?”

Umiling ang binata. “No. She thought someone else was doing it.”

“Wait, what did you mean, things went dark?” nakasimangot na tanong ni Diana.

“Whatever was trying to block me was a force I’ve never seen or felt before.” Tinitigan niya si Diana. “And it’s very powerful.”

“What do you think is it?”

“I don’t know. But it’s much stronger than a psychic block.”

Tahimik ang dalawang sumakay ng elevator at pumasok ng sasakyan ng dalaga.

“Where are we going?” tanong ng binata.

“I’m going to treat you to Pinoy food.” Ngumiti si Diana at pinaandar ang kotse. Habang nasa byahe ay di mawaglit sa isip niya ang natuklasan. Kailangan malaman niya kung ano ang ginagawa ng ate niya, kung ano ang mga plano nito.

Sumulyap siya sa binatang nakaidlip sa passenger’s seat. Hinawakan nito ang kanyang kamay, hawak na nagpagising dito. Nginitian niya ito. “We’re here.”

Thursday, March 31, 2016

Enchanted (Book 2): Child of the Light -- Chapter 22 - 26


Nasa Chapter 54 na tayo sa Wattpad. Hanapin niyo ako doon. Ang username ko ay PeterJDC. Follow niyo ako doon para updated kayo lagi. Nasa profile ko ang mga stories, kasama ang Child of the Light. Hihintayin ko kayo doon. 






















Chapter 22

Mag-isang umuwi si Cindy. Bumuntong-hininga ito habang inaalala ang alitan nila ng nobyo. Naging mas abala kasi ito dahil sa mga dagdag na gawaing iniatas sa kanya ni Mr. Imperial, bagay na hindi naunawaan ni Bryan. Hindi niya mahindian ang matandang lumpo. Masama na ang lagay ng kompanya. Iilan sa mga empleyado ay nagresign na rin dahil sa mga problema. Si Miss Sandy naman ay palaging wala. May mga linggong hindi ito nagrereport.

Nasa gitna ng malalim na pag-iisip si Cindy nang makaramdam ito ng mahinang pagyanig ng lupa. Agad itong napakapit sa malapit na puno. Tumigil din sa pagyanig ang lupa. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang may mapansin siyang dalawang lalaking sumusunod sa kanya. Nilingon niya ang mga ito. Binilisan niya ang paglalakad. Ngunit maya-maya pa ay nasa gilid na niya ang mga ito.
“Sino kayo?” Magkabilang nilingon ni Cindy ang mga ito. “Ano’ng kailangan ninyo?”

“Sorry, miss ganda, napag-utusan lang,” saad ng lalaking nasa kaliwa.

“Wag kang papalag kundi bubutasan ko ang tagiliran mo,” saad ng nasa kanan.

Kinakabahan si Cindy. “Sino nag-utos sa inyo?”

“Tumahimik ka!” pagaralgal na bulalas ng isang lalaki.

Maya-maya pa ay may pumaradang van. Hinila ng dalawang lalaki si Cindy papasok.

Nagpumiglas si Cindy. “Bitiwan niyo ako!” Hinila niya ang mga kamay na hawak ng dalawang lalaki sa magkabilang gilid. Nang ipapasok na siya ng mga ito ay inapak niya ang mga paa sa apakan ng sasakyan at nagpumiglas.

Sinuntok ng isang lalaki si Cindy sa sikmura at nawalan ito ng malay dahil sa sobrang sakit.


Nagising si Cindy sa maliit na kama sa isang bodega. Nagkalat ang mga karton at sirang mwebles sa sulok ng amoy usok at amag na silid na naiilawan ng iisang bombilyang nagbigay ng mapusyaw na maladilaw na liwanag dito. Maliban sa sikmura ay wala namang sumasakit sa kanya. Natatakot ang dalaga. Sa pakiwari niya ay hindi naman siya namolestiya. Tumayo siya mula sa kama, ngunit lumapit ang isa sa tatlong lalaking nakabantay sa kanya.

“Gising na pala si miss byutipul,” saad ng lalaking mukhang manyak kay Cindy. Lumapit ito sa kanya.

Naramdaman ni Cindy ang kamay ng lalaki sa kanyang pisngi. Nanginginig siya sa takot. “Ano’ng gagawin ninyo sa akin?” Nanginginig ang mga labi ng dalaga.

“Wag ka mag-alala. Hindi kita sasaktan. Paliligayahin lang kita,” saad ng lalaki habang ngumunguya ng bubble gum. Nilapit nito ang mukha sa leeg ni Cindy. “Ang bango mo. Nakakalibog. Tinitigasan ako sa’yo.” Ngumisi ito.


Chapter 23


“Umalis ka sa harapan ko!” Tinulak ni Cindy ang mukha ng lalaki.

“Magugustuhan mo rin ‘to.” Lumapit muli ang lalaki.

Umatras si Cindy at umiling.

“Nanding, parating na si boss!” bulalas ng kasama nila.

“Mabilis lang ‘to. Pagbigyan niyo na ako. Minsan lang tayo makatikim ng ganito.” Hinaplos ng lalaki ang braso ni Cindy.

“Lumayo kang manyak ka!” sigaw ni Cindy.

“Ano’ng sabi mo?” Hinila ng lalaki ang buhok ni Cindy at tinulak ito sa kama. Agad na niluwagan nito ang kanyang sinturon at binaba ang kanyang pantalon.

Tumambad kay Cindy ang matigas na ari ng lalaki. Hilakbot ang nadarama ng dalaga. Nanlaki ang kanyang mga mata, nakaangat ang mga palad paharap sa kalapastanganang iyon. “Wag, please wag! Ibibigay ko lahat ng pera ko sa inyo.” Tiningnan niya ang dalawang lalaki ngunit nakangisi lang ang mga ito. Naiiyak na ang babae.

“Sige, Nanding. Pagkatapos mo kami naman. Bilisan mo bago dumating si boss!” bulalas ng isa sa kanila.

“Maawa naman kayo...” Mangiyak-ngiyak si Cindy habang nakita niyang papalapit ang lalaking nakababa ang pantalon at pilit siyang hinalikan habang pinapasok nito ang isang kamay sa loob ng kanyang suot. Naramdaman niyang nilalamas ng lalaki ang kanyang suso. Umiiyak si Cindy. “Wag please, tama na...” Ngunit pinatungan siya ng lalaki at hindi na siya nakagalaw. Naramdaman niya na lang na tinataas ng lalaki ang laylayan ng suot niyang palda at binababa ang kanyang panty. Ramdam niya ang pagtama ng matigas na ari ng lalaki sa kanyang hita malapit sa kanyang pagkababae.

“Ang lamig mo naman, miss byutipul. Pero paiinitin kita.” Ngumisi lang ito na tila hayok na hayok. “Tagal ko na di nakakatikim ng ng katulad mo.”

Nagpupumiglas si Cindy. Gamit ang anumang lakas na natitira sa kanyang katawan ay hinawakan niya ang lalaki sa magkabilang braso upang itulak ito. Nakita niya ang malademonyo nitong mukha na nakangisi sa kanya. Alam niyang anumang segundo ay mapapasok na siya ng demonyong ito.

“Ano’ng ginagawa mo!” sigaw ng lalaki sa kanya.

Nakita ni Cindy bigla itong napangiwi.

“Aaaarrggg!” Biglang kumalas ang lalaki mula kay Cindy at hinawakan nito ang magkabilang brasong kanina lang ay hawak ni Cindy.

“Hoy, Nanding, napa’no ka?” tanong ng isang lalaking nakangisi.

Nang tanggalin ni Nanding ang mga kamay sa mga braso niya ay tumambad sa kanila ang maputing parte ng kangyang braso. Nang hinawakan ito ng isa sa kasamahan niya ay -- “Ang lamig. Parang yelo!” Tiningnan ng tatlong lalaki si Cindy na nanginginig pa rin sa takot at pagkatuliro.

“Hoy, miss, ano’ng ginawa mo dito?” tanong ng lalaking kasamahan nila.

Umiling lang si Cindy. “Wala akong ginagawa! Pakawalan niyo na ako!” Pawis na pawis ang mukha ng dalaga. Tinaas niyang muli ang kanyang salawal at inayos ng nagusot na suot.

“Pa’no ba yan, Nanding, ako na lang siguro mauuna dito.” Agad sinunggaban ng lalaki si Cindy.

“Get away from me! Mga hayop kayo!” Hinawakan ni Cindy ang mukha ng lalaki upang ilayo ito sa kanya ngunit nagulat siya ng biglang tumigas ang mukha nito. Nakita niyang napadilat ang lalaki sa pagkabigla hanggang sa balutin ng puting yelo ang mukha nito. Gumapang ang yelo sa buong katawan ng lalaking nakadilat at nakanganga. Dinig niya ang paglagiti ng balat ng lalaki habang tumitigas ang mga kalamnan nito.

Napadilat si Cindy. Kumunot ang kanyang noo. Hindi niya maintindihan ang nangyari. Ang sunod niyang nasaksihan ay umuusok sa lamig ang lalaking hinawakan. Hindi niya alam kung patay na ba ito. Pinisil niya ang mukhang hawak pa rin niya. Matigas na ito. Nang bitawan ito ni Cindy ay bumagsak ito sa semento at nabali ang kamay nito at nabasag ang ulo nito. Napaigtad ang babae at napahawak sa nakabukas na bibig at ngumiwi. Umiling na lang siya at napaatras, hindi maarok ang pangyayari. Napatay niya ang lalaki na hindi sinasadya.

Nagulantang ang dalawang lalaki sa nasaksihan.

“May sa demonyo pala itong babaeng ito eh.”

Gulat na gulat si Cindy sa nangyari. Tiningnan niya ang mga palad na umuusok sa lamig. Hindi niya maintindihan kung paanong... Naramdaman niyang hinawakan siya ng isa pang lalaki.

“Ano’ng ginawa mo!” sigaw ng lalaki. Ngunit paghawak nito sa kamay ni Cindy ay gumapang din ang yelo mula sa kamay nito patungo sa kanyang buong katawan.

Nakita ni Cindy kung paano sumigaw at napangiwi ang lalaki sa sakit habang dumadaloy ang yelo papunta sa kanyang leeg. Hanggang sa natahimik na ito at nagyelo na rin ang buong mukha. Nagulat si Cindy sa nangyari at agad na inalis ang matigas na kamay ng lalaking kanina ay nakahawak sa kanya. Gaya ng naunang lalaki ay bumagsak ito sa sahig at nabali ang mga nagyelong kamay nito.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Tama ba itong ginawa niya? Pero hindi niya ito sinasadya. Kusang dumaloy ang lamig mula sa kanya patungo sa mga salaring hayok sa laman. Hindi siya ang nag-umpisa nito. Hindi siya ang pwedeng sisihin. Sa kabilang banda hindi niya maintindihan kung paano, kung ano ang nangyayari sa kanya. Tiningnan niya ang mga palad. Umiiling siya. Hindi niya gusto ito. Sinulyapan niya ang dalawang basag na katawan sa sahig. Kinilabutan siya sa tanawin, tanawing nagpatindig ng kanyang balahibo. Napaatras siya habang sapo ang bibig. Hindi niya alam kung masusuka o mahihimatay. Napahawak siya sa dulo ng higaan habang napapaiyak.

Nataranta si Nanding. Sa taranta nito ay hindi pa nito naiangat ang pantalon. Hinanap nito ang kanyang baril.

Napansin ng babae ang naiiwang buhay na lalaki sa silid na iyon. Halata sa kilos ng lalaki ang pagkataranta. Alam niyang babarilin siya nito. Lumapit ito sa kanya, iniwasan ang mga nagyeyelong basag na katawan ng kasama sa sahig. Hawak nito ang baril sa isang kamay, ang isang kamay naman ay pilit tinataas ang pantalon nito.

“Bitiwan mo yan!” matigas na saad ni Cindy.

Nanginginig ang kamay ng lalaking nakahawak sa baril na nakatutok kay Cindy. “Anong klaseng halimaw ka?” Nanlilisik ang mga mata nito.

Naghalo ang ngitngit at taranta sa babaeng muntik nang magahasa. Tinitigan niya ito. Naalala niyang muntik na nitong maipasok ang ari niya sa kanya. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki. Nabitawan ng lalaki ang baril. “Manyak ka. Ito ang bagay sa iyo.” Binalot ni Cindy ang matigas pa ring ari ng mama sa kabilang kamay. Dinig niya ang pangingisay ng lalaki habang nagyeyelo ang ari nito. Pinutol ni Cindy ang nagyeyelong ari at pinakita ito sa lalaki. “Ito ba ang pinagmamalaki mo?” Hinulog ni Cindy ang bagay na iyon sa sahig at inapakan. Nabasag ang bagay na iyon. Nang ibalik niya ang titig kay Nanding, mangiyak-ngiyak ito at nanginginig.

“Hayop ka! Papatayin kita!” Sinunggaban ng lalaki si Cindy at agad na sinakal ito nang mahigpit.

Hindi makahinga si Cindy at tila mababali na ang mga buto niya sa leeg. Hinawakan niya ang mga bisig ni Nanding. Ilang saglit pa lang ay sumigaw ito at binitawan ang leeg ng dalaga. Hinabol ni Cindy ang kanyang paghinga. Nakita ni Cindy na nanlalaki ang mga matang tiningnan ni Nanding ang mga bisig. Naging kulay lila ang mga kamay nito, marahil bunga ng pagkakatigil ng suplay ng dugo papunta sa mga kamay niya.

“Ano’ng klaseng demonyo ka!” Nakadilat sa kanya ang napangiwing lalaki.

Dahil sa galit ay hindi na napigilan ni Cindy na hawakan ang mukha ni Nanding. “Mas demonyo ka!” Agad na nagyelo ang mukha nito at ang buo nitong katawan. “Kayo ang nag-umpisa nito!”

Nang makita ang mga nagyeyelong basag na katawan ng tatlong tao sa loob ng silid na iyon ay biglang nahimasmasan ang dalaga. Tiningnan niya ang kanyang mga palad. “Ano’ng nangyayari sa akin?” Napaiyak si Cindy sa kalituhan at takot. Lumabas ito ng bodega. Doon niya lamang napansin ang isang bahay sa di kalayuan na halos lamunin na ng punong acacia. Sa tingin niya ay walang tao iyon dahil walang nakasinding ilaw sa labas.

Ilang minuto ng naglalakad si Cindy sa hindi pamilyar na lugar na iyon na malayo sa lungsod nang makaramdam siya ng pagkahilo marahil sa gutom at pagod. Bumagsak ito sa lupa.


Chapter 24


“Ate Cindy!” Nakadilat si Errol sa babaeng nakahandusay. Hinawakan niya ang pisngi nitong maputla. Dumako ang tingin niya sa mga galos niya sa braso at hita. “Lo, kilala ko siya.”

Nakakunot ang noo ni Melchor habang tinitingnan ang babaeng nakahandusay. Dahan-dahang inangat ng matanda ang tingin sa kanyang apo. “Ang nakasaad sa alamat ng mga bato...”

Nakasimangot si Errol. “Ate Cindy!” Niyuyugyog niya ang braso nito. Kinuha niya ang kamay nito upang pulsuhan at pagkatapos ay tumingala sa kanyang lolo. “Nasa kanya ang isang hiyas? Pa’no nangyaring...” Binalik niya ang tingin sa maputlang dalaga. “Ang lamig ng kamay ni ate.”

“Maaaring tama ang nakasulat sa alamat.”

“Ano’ng ibig mong sabihin, lo?”

“Bilis, buhatin natin. Dalhin natin sa hospital.” Pinagtulungan ng dalawang buhatin ang babae at agad silang binalutan ng mga ilaw.

Nang idilat ni Errol ang mata ay nasa gilid sila ng isang hospital. “Lo, baka may makakita sa atin.”

“Hindi na mahalaga yan. Ang mahalaga mabigyan siya ng lunas.” Dinala nila si Cindy sa emergency room.

“Kaanu-ano niyo ang pasyente?” tanong ng nurse na tumanggap sa kanila.

“Natagpuan lang namin siya,” mahinang sagot ni Melchor.

“Ah, ano, kasi...” Hinila na siya nang kanyang lolo.

“Sandali lang po...”

Nilisan nila ang hospital at nanatili sa labas.

“Hindi ba natin siya sasamahan?” tanong ni Errol na tinatanaw ang gusaling iyon habang may pinapasok na mga pasyenteng naka-stretcher.

“Kapag nagising siya, magtataka siya kung paano natin siya nakita.” Seryoso ang mukha ng matanda.

“Pero, pa’no si ate?”

“Magmamasid ako dito. Wag kang mag-alala.”

“Eh di dito na rin ako.”

“Umuwi ka na.” Pinatong ni Melchor ang kamay sa balikat ng apo. “Kailangan mo na magpahinga.”

“Di pa naman ako pagod.”

“Pero may trabaho ka pa bukas, apo. Sige na. Kaya na ito ng lolo.”

“Sigurado ka, lo?” Napakamot ng ulo si Errol. Nagdadalawang-isip kung susundin ang lolo niya o mananatili sa lugar na iyon. “Lo, kasi natatakot ako para kay ate.”

“Ako na ang bahala. Sige na.”

“Di ba di pa kayo kumakain? Dalhan ko na lang kayo dito ng pagkain para naman --” Naramdaman niyang hinawakan siya ng matanda at nakita niya na naman ang mga pamilyar na orbeng pumaikot sa kanila.

“Matigas talaga ang ulo mong bata ka. Kanino ka ba nagmana?”

“Eh di sa inyo.” Nanunuya ang tingin ni Errol na umirap lang nang makitang nasa tapat na siya ng kanyang tinutuluyan.

Bumuntong-hininga ang matanda. “Bueno...”

“Lo, kumain ka muna.” Hinila ni Errol ang kamay ng matanda, ngunit naglaho na rin ito. Napakamot na lang siya sa ulo. “Madaya talaga, o.”


Chapter 25


Nang idilat ni Cindy ang mga mata ay nasa isang hospital ito. Tinanong niya ang nurse na nag-aadjust ng kanyang IV fluid kung pa’no siya napunta doon.

“Hinatid kayo kanina ng isang matanda at isang lalaki.”

“Sino?”

“Hindi ko po natanong ang pangalan nila kasi biglang umalis.”

“I need to get out of here!”

“Ma’am, hindi pa pwede kasi oobserbahan ka pa.”


Mahigit isang linggong nagkulong si Cindy sa kanyang kwarto. Tuliro ito. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kanya. Nakapatay siya ng tatlong tao. Ngunit ang iniisip niya ay masasamang tao naman ang napaslang niya. Hindi mawaglit sa isip niya ang mga pangyayari -- ang muntik niyang pagkakagahasa at ang kung anong kapangyarihan meron siya na hindi niya maintindihan.


Isang umaga laking hilakbot ni Cindy nang magising siya na nasa tapat ng kanyang kama ang isang matanda. “Sino ka! Ano’ng ginagawa mo dito?”

“Wag kang mag-alala. Hindi ako masamang tao,” saad nito sa namamaos nitong boses.

“Ako si Melchor. Ako ang tagaingat ng mga mahiwagang hiyas.”

“Pa’no ka nakapasok dito?” Nilapit ng babae ang mga binti sa kanyang katawan. Nanginginig siya sa kaba. Ngunit nakita niya lang na ngumiti ang matandang masangsang ang amoy at madungis.

“Hindi na importante iyon. Ang importante ay kung ano ka.”

“Ano? Hindi kita maintindihan. Umalis ka na kundi sisigaw ako!” Nagulantang si Cindy nang magliwanag ang katawan ng matanda at naglaho ito. Sinampal-sampal niya ang sarili. Nababaliw na ba siya? Biglang napaiyak ang babae. Natatakot siyang baka nasisiraan na siya ng bait.

Lumitaw muli ang matanda sa gilid ng kama niya. “Gusto mo bang malaman ang nangyayari sa iyo?”

Napaigtad muli ang dalaga. “Sino ka ba? Paano ka nakapasok dito?” Maluha-luha na siya.

Ginalaw ni Melchor ang mga palad sa harap ng dalaga tanda na huminahon siya. “Ako si Melchor. Hindi mo ako kilala --”

“Talagang hindi kita kilala! Kaya umalis ka na, kundi sisigaw ako.” Matalim na tinitigan ng umiiyak sa tarantang dalaga ang matanda.

Naglakad ang matanda patungo sa gilid ng bintana at dumungaw. “Ikaw ang pinili ng hiyas ng tubig na humawak sa kapangyarihan nito.”

“Ano? What are you talking about?” Sumimangot siya. Yakap pa rin niya ang mga binti.

“Ikaw ang nakatakdang piliin ng hiyas ng tubig,” saad ng matanda na nakadungaw pa rin sa bintana na tila malalim ang iniisip.

Kahit nagtataka at natatakot ay pinakinggan ni Cindy ang matandang kanina’y nagpakilala bilang si Melchor. “Hindi kita maintindihan. Bakit ako?”

“Hindi ko alam. Hindi ko batid ang diwa ng mga elemento.”

“Teka, ano’ng hiyas?”

“Wala ka ba noong napapansing kakaibang bato?”

Naalala ni Cindy ang isang bato na kulay asul. Madalas niya itong nakikita ngunit hindi niya masyadong pinapansin. Ilang beses niya na itong tinapon sa basurahan. “Ibig sabihin...”

“Iyon ang hiyas ng tubig.”

“Pero mukhang ordinaryong bato lang yon sa pagkakatanda ko.”

Tumangu-tango si Melchor. “Walang bahid na espesyal na itsura ang mga batong iyon.”

“At,” dugtong ni Cindy, “hindi ko na rin nakikita yon.”

“Hindi mo na makikita iyon dahil sumanib na ito sa iyo.” Lumingon na ang matanda.

“Paano? Wala naman akong naramdamang sumanib sa akin.” Kahit nagtataka ay medyo kumalma na ang dalaga. Napagtanto niyang mukhang wala namang gagawing masama ang mukhang ermitanyo.

“Pero lumalabas na ang kapangyarihan nito. Hindi ba?”

“Pero yelo, hindi tubig.”

“Hindi ba ang yelo ay isang anyo ng tubig?” Ngumiti si Melchor at humakbang malapit sa dalaga.

“Pero, manong, ayoko nito!” Umiling si Cindy at ngumiwi. “Pa’no ito mawawala?”

“Wala ka ng magagawa. Ikaw ang pinili ng kalikasan na humawak sa hiyas ng tubig. Hindi ba’t nailigtas ka nito sa kapahamakan?”

Naalala ni Cindy ang muntik nang pagkakagahasa sa kanya. Tumango ito.

“Iilan lang tayong may kakaibang kakahayan.” Pinakita ni Melchor ang nagsasayaw na mga butil ng ilaw sa paligid ng kanyang kamay. “Hindi sumpa ito. Bagkus ay gantimpala. Pero dapat gamitin sa tama.”

Namangha si Cindy sa nakita. “Pero, manong Melchor, paano ko ito makokontrol?”

“Hindi mo pa ba kayang kontrolin?”

Umiling si Cindy. Kinuha ni Melchor ang plorera sa mesang nasa gilid ng higaan ni Cindy. Tinanggal niya ang mga bulaklak dito. Biglang tinapon ng matanda ang lamang tubig nito kay Cindy, ngunit maagap ang dalagang inangat ang mga kamay nito upang masangga ang tatamang tubig. Ginulat at minangha siya ng sunod na nasaksihan. Tumigil ang mga tilamsik ng tubig sa ere.

Natigilan si Cindy. Tinitigan nito ang mga butil at globo ng tubig sa ere at pagkatapos ang kanyang mga kamay.

“Buuhin mo ang mga patak ng tubig sa iyong isipan,” saad ni Melchor.

Yun nga ang ginawa ni Cindy. Inimagine niya na nagsasasama-sama ang mga butil. At nakita niyang unti-unting nagkumpulan ang mga butil at globo ng tubig sa ere at naging isang gumagalaw-galaw na bilog ng tubig na sinlaki ng suha. Nagulantang ang dalaga.

“Isipin mong nagyeyelo ito.”

Ganun din ang ginawa ni Cindy. Unti-unting pumuti at tumigas ang bolang tubig sa ere. Kinuha ito ni Melchor at iniabot kay Cindy na nanlalaki ang mata sa mangha.

“Isang gantimpala ang kapangyarihang ito. Gamitin mo ito sa tama.”

Hinawakan ni Cindy ang bolang yelo. Sa mangha ay napangiti siya. “Pero, teka. Dun sa bodega wala namang tubig nung naging yelo ang mga lalaki.”

Ngumiti ang matanda. “Hindi ba’t mahigit sisenta porsyento sa katawan ng tao ay tubig?”

Napakunot ng noo ang dalaga. “Oo nga,” bulong niya.

“May isa ka pang dapat malaman,” saad ni Melchor.

“Ano ‘yon?” tanong ni Cindy habang nilalaro ang bolang yelo.

“Kontrolin mo ang iyong emosyon. Ang iyong kapangyarihan ay nakatali sa iyong emosyon. Maaaring may magawa kang pagsisihan mo kapag ginamit mo ang kapangyarihan mo sa bugso ng matinding emosyon.”

Nakatuon lang ang atensiyon ng dalaga sa bolang yelo na nilalaro niya sa kanyang higaan. Napangiti siya. Nawala na ang pangamba. Nang iangat at igala niya ang kanyang tingin ay -- “Manong, asan na kayo?”

Nawala na si Melchor sa silid ni Cindy, ngunit gumaan ang kanyang pakiramdam. Kung anu man itong kakaibang kakayahan niya ay sinalba nito ang kanyang buhay. Iyon ang tumakbo sa isip kaya lumakas ang kanyang loob. Habang nilalaro ang yelong unti-unti na ring natutunaw sa kanyang kamay ay nakapagsalita siya, “I know who sent those guys to get me. Humanda ka sa akin.”

Kinabukasan ay pumasok na ito sa trabaho. Binati naman siya ng mga kasamahang inakalang nagkasakit lang ito. Nakita ni Cindy na masama ang tingin ni Sandy sa kanya. Sinuklian niya ng matalim na titig ang mga tinging iyon.


Chapter 26


Naalimpungatan si Ivan sa mga ingay na narinig. Nagulantang siya sa mga kalabog at sa marahas na katok sa kanyang pinto. Napalakas yata ang buga ng air-conditioning system. Nahawi rin ang kanyang kumot, dahilan upang makaramdam siya ng labis na lamig. Kinusot ni Ivan ang mga mata at doon niya lamang napansin ang kalat sa kanyang kwarto. Ang mga kurtina ay natanggal. Bukas ang bintana. Nahulog sa sahig ang dalawang speakers.

Nakakunot ang noo ang bagong gising na binata habang ginagala ang tingin sa buong kwarto. Dumako ang kanyang tingin sa bintana na wala ng salamin. Natanggal ang curtain rod mula sa itaas ng bintana. Ang kalat ng kwarto niya. May mga basag na salamin, nagkalat na damit, natumbang cabinet, at kung anu-ano pa.

Narinig niyang muli ang mga katok sa kanyang pinto kasunod ang pagpihit sa doorknob. Bago pa man mabuksan ang sariling pintuan ay nabuksan na ito ni Manang Jean na sinipat siya mula ulo hanggang sa...

Umiwas ng tingin ang may edad na kasambahay. “Takpan mo nga muna ng unan yang ano mo. Di ka na nahiya, dalawa kaming babae dito.”

Nasa gilid ni manang si Lindy na nakatulala’t nakangangang nakatitig sa bahaging iyon. “Manang, wag na. Ser, pwede pasilip.” Isang hampas mula kay manang. “Aray! Manang Jean naman.”

“Ikaw, kababae mong tao.” Umirap na lang ang nakatatandang kasambahay.

Medyo nahiya na rin ang binatang doon lang napagtantong ikubli ang bukol na iyon na bunga ng tinatawag nating morning wood. Dinig niya ang bulong ni Lindy kay Manang Jean habang pinipilit na ikubli ang bukol gamit ang dalawang kamay.

“Ang laki pala, manang, ‘no?” Marahan itong humagik-ik habang binabatukan ni Jean. Tumambad na sa dalawa ang kalat sa kwarto nang tuluyang makapasok.

“Diyos ko, Ivan, ano’ng nangyari dito?” nanlalaki ang mata ni Manang Jean habang ginagala ang tingin sa buong silid.

Hindi alam ni Ivan ang isasagot. Maski siya ay nagtataka at nahihiwagaan rin.

“Ivan, ano’ng nangyari?” tanong ulit ni Manang Jean.

“Hindi ko alam.” Nagtataka pa rin ang binata.

“Lindy, kumuha ka ng walis at dustpan,” utos ni Manang Jean. Agad namang lumabas ng silid si Lindy.

“Pinasok yata tayo ng magnanakaw.” Sinuot ni Ivan ang kanyang tsinelas at tinungo ang bintanang basag.

“Dahan-dahan, iho, baka masugatan ka.”

Hindi pinansin ni Ivan ang babae at tumanaw mula sa bintana. May umakyat kayang magnanakaw? Imposibleng manggaling ito sa pinto dahil nakalock ito. Pero paano siya nakaakyat sa mataas na bintana? Wala naman siyang mahahawakan sa pader para makaakyat. Walang malapit na puno. At kung tumalon siya, malamang napilayan iyon at di kaagad makakatakbo.

“Uminom ka ba kagabi?”

“Ho?” Lumingon siya kay Manang Jean na hawak ang bote ng alak at baso. Hindi niya alam kung yuyuko o tatango. Umiba na lang siya ng tingin.

“Alam mo, bilin sa akin ni Ma’am Daniella na sabihan ka na wag masyadong nag-iiinom.”

“Manang, kagabi lang naman.”

Bumalik na si Lindy na may dalang mga gamit panglinis. Nagsimula silang magwalis at magtapon ng mga basag na salamin sa maliit na basurahan.

“Wala ba kayong napansing kahinahinalang tao?” tanong ni Ivan habang palinga-linga sa labas ng tindahan.

“Wala naman, iho. Ikaw, Lindy, may napansin ka ba?”

“Nako, manang, alam niyo namang naglalaba ako,” sagot ni Lindy habang inaayos ang mga natumbang gamit sa loob ng kwarto.

“Yung gate...”

“Ser, sarado po ang gate. Alam ko, kasi sinara ko yun matapos mamalengke,” sagot ni Lindy.

“Ano ba nangyari?” nakakunot na noong tanong ni Manang Jean.

Nakakunot din ang noo ni Ivan na halatang nairita na. “Hindi ko rin alam. Baka hinangin lang. Nakalimutan ko sigurong isara ang binata kagabi. O baka naman may pumasok na aswang at gusto akong lapain.” Dumako ang tingin niya kay Lindy.

“Ay, grabe si ser, o.”

“Wala bang nawawala sa mga gamit mo?” tanong ulit ni Manang Jean.

“Teka.” Tinungo ni Ivan ang aparador. Binuksan niya ito, mukhang wala namang nagalaw. Ang pitaka niya ay nasa side table pa rin. Ang kanyang tablet ay naroon din. “Mukhang wala naman eh.”

“Sige, sige, maglinis na lang tayo. Iho, baka nagugutom ka na. May pagkain na sa baba.”

“Mamaya na, manang.”

“Ivan,” saad ni manang.

Bahagyang lumingon ang binata dito. “Ano po?”

“May problema ka ba?”

Umiling si Ivan, ngunit di siya humarap sa nagtanong. “Kuha muna ako ng piraso ng plywood sa likod para matakpan yang nasirang bintana kahit papano. Papaayos ko na lang yan.” Nang makabalik dala ang isang piraso ng plywood ay sinalubong muli siya ng kasambahay na tinuturing niya na ring pangalawang ina.

“Kung may problema ka, wag kang mahihiyang magsabi.” Ngumiti ito. “Alam mo naman kahit di ako parte ng pamilya ninyo, naging malapit na rin kayo sa akin.”

“Manang, part na kayo ng family. Kahit yang si Lindy. Tagal niyo na po sa amin eh. At ikaw lang naman nag-alaga sa amin nina Jed, sa akin.” Ngumiti si Ivan. “T’saka, wala akong problema.”

“Alam mo, nitong mga huli lagi kitang napapansing tulala. Kaya di ako naniniwalang wala kang iniisip.”

“Manang, kasi...” Naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang balikat.

“Di kita pinipilit na magpaliwanag kung ayaw mo. Pero kung gusto mo ng kausap, nandirito ako.”


* * *


Buong araw na pinagtakhan ni Ivan ang pangyayari sa kanyang kwarto. Naisip niyang ireport sa pulisya ang pangyayari pero naisip niya ring aksaya lang ito ng panahon. Maaga siyang umalis sa convenience store matapos dumating ang bagong supplies. Mag-aalas singko na nang baybayin niya ang daan, paminsan-minsan ay tumutungga ng alak. Alam niyang pwede siyang hulihin ng pulis kapag nakita siya, pero wala siyang pakialam. Iniwasan niya ang mga matatrapik na lugar hanggang sa makarating sa paborito niyang tambayan, ang Baywalk.

Maulap ang himpapawid. Hindi niya tanaw ang paglubog ng araw, ngunit nakikita niya ang makulay na kalangitan, ang mga ulap na ang ilang bahagi ay kulay dilaw habang ang iba ay kulay abo. May iilang taong naroroon, ang ilan ay halatang mga magkasintahan. May mga iilang naglalakad paroo’t parito. Nakasandal si Ivan sa kanyang kotse habang tinitingnan ang tanawin at hinahayaang haplusin ng banayad na maalat na simoy ng hangin ang kanyang pisngi.

Bumuntong-hininga ang binatang mamula-mula ang mata habang naaalala ang huling tagpo nila ni Errol sa lugar. Hindi niya alam kung kanino sasama ang loob niya, kay Errol na hindi man lang siya binigyan ng isa pang pagkakataon o sa kanyang sarili sa ilang beses na niyang pananakit sa damdamin ng binatang iyon.

Hawak ang bote ng alak ay bumaba siya ng kotse, di alintana ang tingin ng mga taong nagtataka sa kanyang ayos. Lumakad siya papunta sa dalampasigan at napasipa pa sa puno ng niyog na nandoon. Napadako ang tingin niya sa isang taong naglalakad at sandali itong tinitigan. Bigla niya itong hinila at niyakap. “Errol.” Tiningnan niya ito sa mata.

“Dude, bakla ka ba?” Pinandilatan siya ng estranghero.

Dahil sa pagkabigla ay naitulak niya ito nang malakas.

“Nong problema mong bakla ka?” sigaw ng muntik ng mawalan ng balanse na lalaki.

“Ano sabi mo?” Tinutok ni Ivan ang bote ng alak sa lalaki.

“Kung gusto mo mamik-ap, dun ka sa Malate. Tang ina kang bakla...” Isang sapak sa panga ang natamo niya.

“Gago! Muka kang tae!” Nanlilisik ang mata ni Ivan sa estranghero.

“Nong problema mo?” mangiyakngiyak na tanong ng lalaki habang hawa ang magkabilang kamay na nakahila sa kwelyo niya.

“Problema ko? Yang tae mong mukha!” Tinulak niya ang lalaki na napadausdos sa sahig. Nagtinginan ang mga nasa paligid. Sinigawan pa niya ito na nagmamadaling umalis. Pagkatapos ay binasag ang bote ng alak sa kanina’y kinatatayuan ng lalaking nakaalis na.

Habang iniisip ni Ivan na suntukin ang sarili ay dahan-dahang lumakas ang ihip ng hangin. Unti-unting nagsilapitan ang mga tao papunta sa gilid ng Baywalk na pinagtaka ni Ivan. Ang iba ay nakahawak sa kanilang mga cellphones na tila may kinukunan. Nang iangat niya ang tingin ay doon niya nakita ang isang namuong ipo-ipo sa ibabaw ng look.

Noong una ay mapusyaw na puti ito na banayad na umiikot at tila humihigop ng tubig alat mula sa dagat. Sa itaas ay kita ni Ivan ang umiikot na ilalim ng isang ulap na kumunekta sa ipo-ipo. Dumami ang mga ususerong nagmasid. Habang nakatingin sa laot ay hindi pa rin mawaglit sa isipan ni Ivan ang galit sa sarili. Bigla niyang naramdamang may humawak sa magkabilang niyang braso.

“Sumama ka sa amin,” saad ng isa sa mga pulis.

“Boss, wala ho akong ginagawa.” Sumimangot siya, ngunit natatakot din. Unti-unti siyang nahimasmasan. Biglang tumakbo sa isip niya ang magiging reaksiyon ng kanyang ina kapag nalamang nakapiit siya.

“Wag ng marami pang tanong.” Hinila na ng mga pulis si Ivan.

“Wala nga sabi akong ginagawa eh!” Nagpumiglas siya.

Kumapal at lumakas ang ipo-ipo. Ang kanina’y maputi at marikit na ipo-ipong bumabaluktot habang nasa ibabaw ng tubig ay unti-unting naging kulay abo at lumawak. Ramdam ng mga nasa dalampasigan ang paglakas ng hangin at paglapit ng buhawi sa lupa. Kaya naman ang iba ay umalis na sa lugar.

Naramdaman niyang tumigil ang mga pulis. Nang tingnan niya ang isa ay tila natulala ito sa nakikita sa laot. Kaya naman ay napalingon din siya. Namangha siya sa pambihirang tanawin ngunit kaagad ding nabahala nang makita ang kumakapal at mas umiitim na buhawing tinutumbok ang dalampasigan. Nagsigawan na ang ibang tao. Bigla siyang binitiwan ng dalawang pulis na tumakbo papalayo.

Habang natutulala sa nasaksihan ay nabangga si Ivan ng isang ale na nagmamadaling umalis sa lugar. Tumatama na sa balat niya ang tilamsik ng tubig-alat na iniikot ng buhawi sa ere at tinatangay pahimpapawid. Nagtakbuhan na ang mga tao.

Kinabahan na si Ivan. Pinagmasdan niya ang papalapit na buhawi na tila nagsasayaw patungo sa kanya. Isa itong pambihirang tanawing nagbigay sa kanya ng ibayong kilabot. Lumakas pa ito at sa paglakas nito sumabay ang paglakas ng hanging nagpadapa sa mga puno ng niyog sa lugar na iyon.

“Hindi!” Iyon na lang ang tangi niyang nasambit nang makita ang isang tinderang nakahandusay sa semento. Napakapit ang sumisigaw na babae sa semento habang hinihila ng hangin ang kanyang katawan na dumudulas sa banketa. Kumaripas si Ivan na tinungo ang ale at tinulungan itong makatayo. Hindi alintana ng binata ang bugso ng hanging tila ay hindi nakakaapekto sa kanya, ngunit ramdam niya ang bangis nito.

“Dali!” sigaw niya sa babaeng hinila niya patayo. Akmang tatakbo na sila nang maramdaman niyang humihina ang hangin. Nang lingunin niya ang buhawi ay naging manipis na ito na animo’y ahas na bumabaluktot sa ere hanggang sa maglaho. Ilang puno ng niyog ang naputol. Ilang poste ng ilaw ang natumba.

Unti-unting nagbalikan ang mga tao sa banketa malapit sa dalampasigan. Dinig ni Ivan ang ingay ng mga ususero. Kinalabit siya ng babaeng tinulungan kanina lang.

“Salamat ha.” Kahit nakangiti ito ay bakas sa kanyang mukha ang nerbyos.

Tumango na lang siya dito. Nakita niyang pinahiran nito ang mga mata habang tinitingnan ang nagkalat na paninda.

Nagtataka man sa nangyari ay nilisan na rin ni Ivan ang lugar dahil dumidilim na. Naghanap ito ng makakainan, at matapos kumain ay tinungo nito ang isang pamilyar na bahay sa Sampaloc, ngunit laking pagtataka niya nang makitang bakante ang lote. Kinusot niya ang mata. Unti-unti siyang kinain ng panlulumo at takot, takot na tuluyan niya nang di makita si Errol at maputol ang kanilang ugnayan.

Bumaba siya ng kotse at tinanaw ang bakanteng lote. Baka lumipat na ng bahay sina Aling Celia at pinagiba ang lumang bahay na iyon. Sinisi niya ang kanyang sarili. Maaring siya ang dahilan.

May mangilan-ngilan din siyang ala-ala sa bahay na iyon, mga ala-alang nagpangiti, ngunit maya-maya ay nagpaluha rin, sa kanya. Sumisinghot si Ivan na pinahiran ang kanyang mga mata gamit ang mga hinlalaki. Sandaling dumako ang tingin niya sa isang ale na nakakunot-noong nagpalipat-lipat ng tingin sa kanya at sa bakanteng lote habang pinapaypayan ang mausok na barbecue. Maya-maya pa ay pumasok na siya ng kotse at umalis.

Sunday, February 28, 2016

Enchanted (Book 2): Child of the Light -- Chapter 18-22

Be updated. Join me on WattPad.




















Chapter 18

Hindi alam ni Errol kung ano ang gagawin o ano ang mararamdaman. Umiwas siya ng tingin kay Ivan at umatras ng ilang hakbang.

“Errol...” saad ng matangkad na lalaki na tila nag-aatubili.

Sumasagi sa isipan ni Errol ang mga naganap noong huli nilang pagkikita. Bumalik ang sikip sa dibdib na kanyang naramdaman. Pilit siyang nagpakatatag. Ayaw niyang umiyak. Ayaw niyang makita siya ni Ivan na umiiyak. Hindi na. Naninikip ang kanyang lalamunan ngunit pinilit niyang magsalita na parang wala lang. “Ang ganda ng suot mo. Ang ganda ng mga flowers. Para sa nobya mo?”

Hindi nakasagot si Ivan. Inabot niya ang mga bulaklak kay Errol. “Sorry.”

Pinilit ni Errol na ngumiti. “Kalimutan mo na yon.” Hindi tinanggap ni Errol ang mga bulaklak.

“Errol...”

“Ah, sige ha. Uuwi na ako.” Tumalikod na si Errol at mabilis na naglakad.

Ilang segundong natulala si Ivan sa pagkakatayo. Ilang sandali pa ay humakbang siya at mabilis na naglakad at tumakbo papunta kay Errol. Agad niya itong niyakap. “Errol, sorry, sorry. Nabigla lang ako nun. Nabigla lang ako.” Hinigpitan ni Ivan ang pagyakap.

Nagtatalo ang diwa ni Errol. Gusto niyang kumawala mula sa pagkakayakap ni Ivan, ngunit gusto niya rin itong maramdaman. Pumikit siya. Naghahalo ang galit, tampo, at ang pananabik niya kay Ivan. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon, kung ano ang dapat na reaksiyon. “Ivan, hindi ako makahinga.” Naramdaman niyang niluwagan ni Ivan ang yakap, marahil dahil sa pilit na pagkalas niya. Ilang sandali pa ay inalis na ng lalaki ang mga bisig sa likod niya, pagkatapos ay inabot sa kanya ang mga bulaklak.

Ngumiti si Errol. Pilit niyang kinukubli ang kirot sa dibdib. Pilit niyang tinatagan ang sarili. Gusto niyang umiyak. Sumisigaw ang kanyang damdamin. Gusto niyang ibulalas lahat ng nararamdaman, ngunit -- “I don’t deserve the flowers.” Marahang tinulak ni Errol ang kamay ni Ivan na nakahawak sa bouquet.

“Errol... Bakit?” Nangingilid ang luha sa mata ni Ivan. “Hindi mo ba ako mapapatawad?”

“Hindi sa ganun.” Humarap si Errol sa dagat at dinama ang mahinang hangin na nagmumula rito. “Hindi ko alam... Ang sakit grabe.” Pumeke si Errol ng tawa, ngunit hindi rin niya napigilan ang pagbagsak ng kanyang luha. Umiling ito. Naglakad ito palapit sa dalampasigan, tanaw ang noo’y madilim nang look. Narinig niya ang mga yapak papalapit sa kanya.

“Errol, sorry na.” Mahina at malambing ang boses ng binata.

“Tama ka naman.” Naninikip ang lalamunan ni Errol. Parang may kung anong bagay na bumabara sa loob. Maanghang ang kanyang mga mata. Masikip ang dibdib. “Tama ka. Bakla ako.” Ang impit sa boses ni Errol, indikasyon ng paninikip ng lalamunan. “Gusto kita. Pinagnasaan kita. Tama ka. Sana mapatawad mo ako. Bakla lang ako eh.” Hindi siya humarap sa kausap. Nakatuon lang ang atensiyon sa dagat, pinakikinggan ang hampas ng alon sa dalampasigan.

“Errol, hindi... Hindi ganun. Galit lang ako nun.”

Dinig ni Errol ang pagkabasag ng boses ng katabi. “Sana, Ivan, naalala mo na kahit ganito ako, hindi naman kita pinagsamantalahan.” Lumunok si Errol upang mawala ang bara sa kanyang lalamunan. Tumingala siya upang pigilan ang mga luha. “Alam mo naman na hindi ako ganon.” Yumuko ulit ang binata.

“Errol, ‘wag ka na magalit, o. ‘Wag ka na umiyak. Nasasaktan ako, eh.”

Humarap na siya kay Ivan. “Ivan, salamat!” Ngumiti siya. “Sa maikling panahon na nakilala kita naging makulay ang buhay ko kahit papaano. Salamat dahil kahit papaano ay napasaya mo rin ako.” Hinayaan niya lang na dumaloy ang mga luha.

“Errol...”

“Alam ko napapalapit ka sa akin at gusto mo ako protektahan dahil naaalala mo si Jed sa akin. Hindi ako si Jed, Ivan. Hindi ako ang kapatid mo. Magkaiba kami.”

Umiba ng tingin si Ivan. Yumuko ito at tapos ay binalik din ang tingin sa kanya.

“Hindi na kita makakalimutan. May puwang ka na dito.” Hinawakan ni Errol ang kanyang dibdib. “Pero sa tingin ko hanggang dito na lang ang ating pagkakaibigan. Pinapalaya na kita sa anumang responsibilidad mo sa akin bilang iyong kaibigan, bilang tinuturing mong kapatid.” Habang binibigkas ni Errol ang mga salitang iyon ay tila pinupunit ang kanyang puso, ngunit pinilit niyang bigkasin ang bawat salita na buo at hindi gumagaralgal ang boses.

“Errol, ‘wag ganyan...” Hinawakan ni Ivan ang kamay ni Errol, ngunit naramdaman niya na tinanggal ni Errol ang pagkakahawak niya.

“I hope you find your happiness, Ivan. Di ba gusto mo ako sumaya?”

Tumango si Ivan.

“Di ba gusto mo ako makitang ngumiti noon?”

Tumango ulit si Ivan.

“Ngumiti ka naman.” Kumunot ang noo ni Errol bunga ng pag-iyak. “Ngingiti ako pag ngumiti ka.”

Namumula ang mata ni Ivan, ngunit ngumiti din siya.

Ngumiti rin si Errol. “Salamat, Ivan.” Biglang niyakap ni Errol si Ivan at kumalas kaagad. “Salamat. Ingat ka lagi ha.” Tumalikod si Errol at mabilis na naglakad papalayo. Pinahid niya ang mga pisngi.


Chapter 19

Nakatayo si Errol sa isang madilim na silid. Tanaw niya ang kumikinang na bagay na iyon na dahan-dahang lumutang sa ere at dahan-dahang dumapo sa katawan ng isang nilalang na hindi niya mamukhaan. Unti-unting pumasok ang makinang na bagay na iyon sa katawan ng nakakulob na binata hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin.

Nagising siya sa lakas ng hilik ni Nathan, iniisip ang ibig sabihin ng panaginip. Ngunit dahil sa antok ay nakatulog siya ulit. Kinabukasan ay pumasok siya sa trabaho na hindi man lamang sumasagi sa isipan niya ang kakatwang panaginip. Naging abala na rin siya.

Natapos ang Hunyo. Dumaan ang Hulyo at Agosto na nagpatuloy sa kanyang buhay si Errol na pinag-igihan ang kanyang trabaho. Si Ivan naman ay tumatambay minsan sa shop ni Diana. Minsan ay dumadalaw sa bahay ni Liz. Si Cindy at Marie ay laging nag-uusap tungkol sa kalagayan ng kompanya. Gaya ng kanilang kinatatakutan ay mukhang papalugi na nga ang kompanya. Ilang beses na rin nag-aklas ang mga manggagawa.

Kahit may agam-agam si Errol sa lagay ng kanilang kompanya at sa mga naririnig na tsismis ng iilang empleyado ay pinagbutihan lang nito ang kanyang trabaho. Ganoon pa rin ang pakikitungo nilang dalawa ni Nathan sa isa’t isa. Kapag nadadatnan niyang nasa room nila ang nobya nito ay tumatambay si Errol sa malapit na karinderia at nakikinood ng TV.

Nagkakaroon pa rin ng mga pangitain si Errol na pinagsasawalang bahala na niya dahil tila wala namang nangyayari. Minsan ay biglang bumubulaga si Melchor. Minsan habang umiihi siya ay biglang lumilitaw ang matanda na ikinasisindak ng binata. Madalas silang nag-uusap tungkol sa nagbabadyang lagim sa hinaharap, mga bantang ikinauumay na rin ni Errol.

“Ano ba yan, lo? Hanggang ngayon ayaw niyo pa ituro ang pagteteleport!”

“Apo, wala sa mga palad mo ang kakayahang iyon.”

“Sige na, lo. May trabaho pa ako.”


* * *


Dumating ang buwan ng Setyembre. Lihim na nagkikita sina Cindy at si Mr. Imperial.

“Sir, pinatawag ninyo ako,” saad ni Cindy.

“Isa ka sa mga pinagkakatiwalaan ko sa kompanya.”

“Actually, sir, I’m thinking of quitting soon. Hindi na ho talaga maganda ang lagay ng kompanya, and Miss Sandy isn’t doing anything about it.”

“I know. Kaya nga sinet ko ang meeting na ito. Pero ‘wag ka muna umalis. I want you to feed me inside info.”

“As you wish, sir. Alam ninyo namang kahit papaano ay may utang na loob din ako sa inyo.”


* * *


Isang umaga ay nagising si Cindy na basang basa ang kanyang kama. Nagtataka ito. Tinawag na lang niya ang kapatid na lalaki upang tulungan siyang buhatin ito papalabas.

“Ate, nakaihi ka?” Humagalpak ang kapatid ni Cindy sa kakatawa.

“Wag ka na ngang nang-aasar! Tulungan mo na lang ako.” Binilad nila ang kama sa labas. Ngunit dahil hindi ito tuluyang natuyo ay inamag ito. Kaya naman bumili na lang si Cindy ng bagong kutson.


* * *


Madalas pa rin magkita sina Cassandra at Lucio, mga pagkikitang nauuwi sa mga plano at sa pagtatalik. Nitong huling pagkikita ay masigla ang mukha ni Cassandra.

“Lucio, darling, maghanda ka na. Kikilos tayo pagkatapos ng buwang ito.”

“As you wish, my lady!” saad ni Lucio

“But first I need a few of your men to do something for me.”



----------------------

Note: Sa pagsapit ng equinox sa Setyembre ay matatapos na ang waiting period ng ating dark sorceress. Uunti-untiin na natin sila. Ang epekto ng mga ekinoks at solstisyo sa kapangyarihan nina Melchor at Cassandra ay ipapaliwanag ni Magda sa Chapter 39. Kaya kalmaaaaaa. Magiging malinaw ang lahat sa tamang panahooooon...























Bueno, magpatuloy tayo. 



Chapter 20

Mainit ang ulo ni Bryan na nagmamaneho isang gabi. Kakagaling niya lang sa away nila ni Cindy. Nagagalit siya sa nobya dahil puro trabaho na lang ang inaatupag nito. Madalang na silang lumabas nitong mga huling buwan. Bago sila maghiwalay ni Cindy ay nasigawan niya ito.

Sa gitna ng init ng ulo niya ay may itim na kotseng sumingit sa lane niya, bagay na lalong nagpabwisit sa kanya. Binilisan niya ang takbo ng sasakyan at binangga ang puwitan ng kotseng nasa harap na huminto. Nakita niyang lumabas ng kotse ang matabang lalaking nagmamaneho. Lumabas na rin siya.

“Ano’ng problema mo!” Dinuro siya ng matabang mama.

“Ikaw, ano’ng problema mo?” bulalas ni Bryan.

“Tingnan mo nga yang likod ng kotse ko!”

“Eh, tarantado ka eh! Sisingit singit ka.” Nanlilisik ang mga mata ni Bryan sa kausap.

“Bakit, iyo ba ‘tong kalsada? Bayaran mo yang nasira!”

“Magkano ba pagpapaayos niyan? Limang libo?” Kumuha si Bryan ng pera sa kanyang pitaka at tinapon sa mukha ng lalaki. “Ayan! Paayos mo yang bulok mong kotse!”

“Gago ka pala eh!” Tinulak ng lalaki si Bryan.

Hinimas ni Bryan ang balikat at agad sinipa ang matabang lalaki na ikinatumba nito. Lumapit siya dito at akmang hihilahin ito sa kwelyo nang sipain din siya nito. Nagngingitngit si Bryan. Hindi niya alintana ang mga bumubusinang kotse sa likod. Inundayan niya ng suntok ang mukha ng lalaki.

Biglang yumanig ang paligid. Natumbang muli ang matabang lalaki at napahawak sa lupang yumyanig. Ilang banggaan ang naganap. Ang mga nakahintong kotse ay kusang gumalaw dahil sa malakas na pag-uga ng lupa. Ilang poste ang bumagsak. Dinig ni Bryan ang mga sigawan. Hindi niya alintana ang lindol at nakalakad pa ito papunta sa lalaki. “Gago! Pulutin mo ang mga perang pambayad mo sa pagpapaayos ng kotseng singbulok ng mukha mo! Tarantado!”

Pumasok si Bryan sa kotse niya at hinintay na humupa ang lindol.


Chapter 21

Napabuntong-hininga na lang si Errol habang naglalakad pauwi mula sa babaan. Hindi niya kasabay si Nathan pauwi dahil may dinaanan ito. At mas gusto niyang hindi ito kasabay. Habang nasa daan ay sumagi sa isip niya ang kalagayan ng pinagtatrabahuan. Ilang beses nang natigil ng naantala ang kanilang trabaho dahil sa pagrarally ng unyon. Wala rin naman siyang magawa kundi pagbutihin ang kanyang trabaho kahit na minsan ay nahahawa na siya sa pagiging bugnutin ni Nathan na ilang beses na ring nagbantang magreresign.

Sa isang karinderia ay umupo siya at kumuha ng basong nilagyan niya ng tubig. Tiningnan niya ang pitakang hindi na lalagpas sa limang daan ang laman. Oo nga pala. Isang linggo ng delayed ang kanilang sweldo, isang bagay na nagpapainit sa ulo ng mga katrabaho niya. Huminga siya nang malalim at inangat ang tingin sa tinderang nakangiti. “Aling Ruth, isang pinakbet nga at kanin.”

Habang kumakain ay nakaramdam siya ng pagyanig. Natabig ang basong puno ng tubig at nabasa ang kanyang pantalon. “Leche naman, o.” Napahawak siya sa mesa habang minamasdan ang ugoy ng bombilyang nakasabit sa kisame at ang paghinto sa pagkain ng ibang naroon. Unti-unti ring humina ang paggalaw ng lupa

“Psst.”

Nilingon niya ang pinanggalingan ng sutsot. Nakita niya ang lolo niya sa tapat ng isang poste. “Lo, kumain ka na ba?”

“Hindi na mahalaga.”

“Hindi, mahalaga ang pagkain. Tingnan niyo lalo kayong pumayat.”

Umiling ang matanda at nagsalita. “Sumanib na ang mga bato sa mga nakatakda!” bulalas nito kay Errol.

“Tapos, lo? O, wala naman. Tahimik ang paligid,” pamimilosopong sagot ni Errol. “Nako, lo, niloloko niyo yata ako.”

“Ang pagyanig ng lupa...”

“Natural lang yun kasi nasa Pacific Ring of Fire ang Pilipinas.” Tinitigan lang siya ng matanda.

“Kailangang mahanap natin sila bago tayo maunahan ni Cassandra.”

“Teka, lo, akala ko ba konektado kayo sa mga bato? Bakit kailangan pa hanapin?”

“Sa totoo lang, Errol, maraming bagay na ngayon ko lamang natutuklasan. Maaaring hindi lubos ang ating koneksiyon sa mga bato.”

“Bakit kasi walang user guide yang mga batong yan?”

“Ngunit mararamdaman natin ang enerhiya ng mga ito kapag ginamit ng humawahawak sa mga ito ang kapangyarihan.”

“Sure ka diyan, lo? Nako, diskumpyado na talaga ako sa inyo. Baka niloloko niyo lang ako. Kagaya niyan, di niyo pala talaga alam ang tungkol sa mga bato. Pa’no ngayon yan?”

“Kaya nga kailangan nating magmasid at makiramdam.”

“Nako, lo, hindi niyo ako maasahan diyan. Busy ako sa work. Tingnan niyo nga, o, lagi na akong ginagabi sa pag-uwi. GPS-enabled ba ‘yung mga bato, lo?” Isang hampas sa kanyang batok. “Aray, lo!”

“Hindi ito biruan. Seryosong bagay ito!”

Hinimas ni Errol ang ulo. “Pa’no kita tutulungan eh maski ikaw di mo naman talaga kabisado ang mga hiyas?”

“Naiintindihan ko ang iyong agam-agam. Minsan iniisip ko kung dapat pa ba kitang isali sa gulong ito.” Yumuko si Melchor at umiba ng tingin.

“Lo...”

“Tama ka. Ako man ay maraming di alam tungkol sa alamat ng mga hiyas. Bueno...” Inikutan si Melchor ng mga orbe.

“Lo, sandali!”

“Bakit?” Nalusaw ang mga orbe sa paligid ni Melchor.

“Teka, lo, medyo natatae ako.” Hinimas niya ang sikmura.

Sumimangot si Melchor kasabay ng paglitaw muli ng mga orbeng inikutan siya.

“Sandali, lo!”

“Bakit?”

“Hindi ako sigurado pero parang nakita ko ang... Ang asul na hiyas parang nagliliwanag.”

Sandaling tiningnan ni Melchor ang apo at maya-maya pa ay tumingin ito sa paligid at pumikit.

“Pero baka imagination ko lang.” Nagtaka siya dahil hindi siya pinansin ng matanda noong sandaling iyon na nanatili lang na nakapikit. “Lo?”

Dumilat si Melchor. “Sa tingin ko alam ko na kung nasaan ito. Hawakan mo ang kamay ko.”

“Lo, pwede ba ituloy ko muna ang pagkain ko? Nagugutom pa ako.” Hinawakan ng lolo niya ang kamay niya at wala na siyang nagawa nang makitang umiba na ang paligid niya.


Chapter 22

Mag-isang umuwi si Cindy. Bumuntong-hininga ito habang inaalala ang alitan nila ng nobyo. Naging mas abala kasi ito dahil sa mga dagdag na gawaing iniatas sa kanya ni Mr. Imperial, bagay na hindi naunawaan ni Bryan. Hindi niya mahindian ang matandang lumpo. Masama na ang lagay ng kompanya. Iilan sa mga empleyado ay nagresign na rin dahil sa mga problema. Si Miss Sandy naman ay palaging wala. May mga linggong hindi ito nagrereport.
Nasa gitna ng malalim na pag-iisip si Cindy nang makaramdam ito ng mahinang pagyanig ng lupa. Agad itong napakapit sa malapit na puno. Tumigil din sa pagyanig ang lupa. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang may mapansin siyang dalawang lalaking sumusunod sa kanya. Nilingon niya ang mga ito. Binilisan niya ang paglalakad. Ngunit maya-maya pa ay nasa gilid na niya ang mga ito.
“Sino kayo?” Magkabilang nilingon ni Cindy ang mga ito. “Ano’ng kailangan ninyo?”

“Sorry, miss ganda, napag-utusan lang,” saad ng lalaking nasa kaliwa.

“Wag kang papalag kundi bubutasan ko ang tagiliran mo,” saad ng nasa kanan.

Kinakabahan si Cindy. “Sino nag-utos sa inyo?”

“Tumahimik ka!” pagaralgal na bulalas ng isang lalaki.

Maya-maya pa ay may pumaradang van. Hinila ng dalawang lalaki si Cindy papasok.

Nagpumiglas si Cindy. “Bitiwan niyo ako!” Hinila niya ang mga kamay na hawak ng dalawang lalaki sa magkabilang gilid. Nang ipapasok na siya ng mga ito ay inapak niya ang mga paa sa apakan ng sasakyan at nagpumiglas.

Sinuntok ng isang lalaki si Cindy sa sikmura at nawalan ito ng malay dahil sa sobrang sakit.


Nagising si Cindy sa maliit na kama sa isang bodega. Nagkalat ang mga karton at sirang mwebles sa sulok ng amoy usok at amag na silid na naiilawan ng iisang bombilyang nagbigay ng mapusyaw na maladilaw na liwanag dito. Maliban sa sikmura ay wala namang sumasakit sa kanya. Natatakot ang dalaga. Sa pakiwari niya ay hindi naman siya namolestiya. Tumayo siya mula sa kama, ngunit lumapit ang isa sa tatlong lalaking nakabantay sa kanya.

“Gising na pala si miss byutipul,” saad ng lalaking mukhang manyak kay Cindy. Lumapit ito sa kanya.

Naramdaman ni Cindy ang kamay ng lalaki sa kanyang pisngi. Nanginginig siya sa takot. “Ano’ng gagawin ninyo sa akin?” Nanginginig ang mga labi ng dalaga.

“Wag ka mag-alala. Hindi kita sasaktan. Paliligayahin lang kita,” saad ng lalaki habang ngumunguya ng bubble gum. Nilapit nito ang mukha sa leeg ni Cindy. “Ang bango mo. Nakakalibog. Tinitigasan ako sa’yo.” Ngumisi ito.


---------------------

Ano'ng gagawin ninyo kay Cindy!!!





















Friday, February 26, 2016

Enchanted (Book 2): Child of the Light -- Chapter 11-17

Follow me on WattPad. Look for PeterJDC. I usually post updates on Watty first.










Chapter 11

Nadatnan ni Errol na nasa silid si Nathan kasama ang nobya nito. Dahil tila ay naglalampungan sila, napagpasyahan niyang iiwan muna sila. Hindi siya masyadong pamilyar sa Taguig kaya naman ay naglakad-lakad ito hanggang makarating sa isang parke na hindi naman kalayuan sa inuupahan. Doon ay umupo ito at tiningnan ang mga tao sa paligid. Maya-maya ay may tumabi kay Errol. Hindi niya naman ito nilingon hanggang sa magsalita ito.

“Nag-iisa ka yata.”

Napalingon si Errol. Nakita niya ang nakasombrerong lalaking matipuno na may suot na hapit na t-shirt. Sumagi sa isip niya si Ivan noong una niya itong nakita. “Nagpapahangin lang.”

“Ako rin nagpapahangin,” saad ng lalaki na ngumiti sa kanya.

Napangiti na rin si Errol dito.

“Mike.” Iniabot nito ang kanyang kamay.

“Errol,” sagot ni Errol at nakipagkamay sa estranghero kahit may agam-agam. Nagulat na lang siya nang biglang ipatong ng lalaki ang kamay sa kanyang hita at tiningnan siya nito nang malagkit. Ginalaw ni Errol ang hita at umiba nang tingin, ngunit hindi inalis ng lalaki ang kanyang kamay. Tumayo si Errol.

“Sa’n ka pupunta?” tanong ng lalaki.

Natakot si Errol. “Ah, eh... Uuwi na. Gabi na kasi.”

“Wala pa ngang alas nwebe, o,” masuyong saad ng lalakig inakbayan si Errol.

Inalis ni Errol ang pagkakaakbay, ngunit inakbayan ulit siya nito.

“Ayaw mo ba?” tanong nito.

“Ha?” tanong din ni Errol na napangiwi.

“Pampalipas libog lang. Sige na,”

Dinig ni Errol ang tila nagsusumamong boses ng lalaki.

“Pangit ba ako?”

“Hindi naman sa ganon pero di kasi kita kilala.”

“Di rin naman kita kilala eh,” bulong ng lalaki. “Sige na.”

Nakikiliti si Errol ngunit ayaw niyang magpadala sa panunukso ng lalaki. “Wala kasi akong pera.”

“Hindi naman ako nagpapabayad, eh.”

“Wala rin akong pangmotel.” Pilit na inaalis ni Errol ang pagkakaakbay ng lalaki sa kanya.

“Kahit diyan lang sa tabi, tol. Sige na. Di ka magsisisi, malaki ‘tong akin.”

“Ah, eh... Sige, alis na ako.”

Hinila siya ng lalaki. “Hawakan mo pa, o.” Tinaas ng lalaki ang laylayan ng kanyang t-shirt.

Nakita ni Errol ang mapula nitong mga utong at ang flat nitong tiyan na may kaunting buhok na na kumapal papunta sa ibabang bahagi. Kahit na humihindi siya ay nakakadama siya ng init sa katawan. Agad na kinuha ng lalaki ang kanyang kamay at dinala ito sa kanyang harapan. Ramdam ni Errol ang bukol.

“Sabi ko na nga ba, gusto mo rin, eh.” Malagkit pa rin ang tingin ng lalaki kay Errol.

Giniya pa ng lalaki ang kamay ni Errol sa kanyang harapan, ngunit nagpumiglas na si Errol. “Ah, sige, uuwi na talaga ako.” Nasa tabi na sila ng daan. Nahihiya si Errol dahil may mga dumadaan.

“Wag muna! Libog na libog na ako, eh.” Nagmatigas na ang lalaki. Hinigpitan nito ang akbay kay Errol at mas diniin ang kamay niya sa pundilyo nito.

Pilit na kumalas si Errol sa pagkakaakbay ng lalaki, ngunit hindi siya makakalas. Napangiwi na siya dahil sa pilit na pagkawala at sa hiyang nararamdaman sa ginagawa ng lalaki. Natatakot siya sa maaaring mangyari.

Walang anu-ano’y may biglang pumaradang sasakyan sa tapat nila. Biglang bumaba ang sakay nito at agad na inundayan ng suntok ang lalaking nakaakbay kay Errol. Nagulat si Errol sa bilis ng mga pangyayari.

“Putang ina!” sigaw ng lalaking kanina’y nagpakilalang si Mike at inundayan din ng suntok ang lalaking galing sa sasakyan, ngunit nakailag ito.

“Manyak kang puta ka!” Sinikmuraan niya ang lalaki. Pagkatapos ay sinipa ito sa tuhod na ikinatumba nito. Pagkatapos ay tinadyakan niya ito sa dibdib.

Doon lang napagtanto ni Errol kung sino ang bagong dating na lalaki. “I-Ivan?” Agad niya itong inawat. “Ivan, tama na ‘yan! Tama na! Huminahon ka!”

Ngunit tila hindi napansin ni Ivan si Errol. “Hoy, pucha kang hayop ka! Wag mong minamanyak ‘tong kaibigan ko!”

Nakita ni Errol na tatayo pa ang lalaki. Nanlilisik ang mga mata nito kay Ivan habang nakahawak sa dibdib nito.

“Ano? Lalaban ka pa?” Pinandilatan ni Ivan ang lalaki na agad itinaas ang dalawang kamay habang pilit na tumayo.

Nakita ni Errol ang matalim na tingin nito sa kanila ni Ivan bago maglakad papalayo. Lumingon sa kanya si Ivan. Noon niya lamang nakita ang ganoong galit na ekspresyon sa mukha ng lalaki.

“Pumasok ka sa kotse!”

“I-Ivan?”

“Pasok sabi!”

Parang maamong bata si Errol na sinunod ang utos ng amo. Pumasok ito sa loob. Nanlalamig siya, at hindi dahil sa air conditioning ng sasakyan ni Ivan. Nakita niyang pumasok ito at padabog na kinabig ang pinto. Ngayon lang nakita ni Errol na ganoon kagalit si Ivan. “Ivan?”

Hindi nagsalita si Ivan. Mabilis niyang pinaharurot ang kanyang kotse. Tumigil sila sa isang lugar na walang katao-tao.

Katahimikan.

Dinig ni Errol ang mabilis at malalim na mga paghinga ni Ivan.

“Ilang beses kitang hinanap-hanap dito tapos ganito lang pala madadatnan ko.”

Natigilan si Errol sa sinabi ni Ivan. “Hinahanap mo ako?” Ngunit hindi siya sinagot ng lalaki. Matagal itong tumahimik habang mahigpit na nakahawak sa manibela. Kita ni Errol ang tila galit na ekspresyon nito sa mukha, ang tensiyon sa kanyang panga. Natatakot siya. Narinig niya itong nagsalita muli.

“Malaki ba?” tanong ni Ivan. Buo ang boses nito. Malumanay ngunit nagbababala. Nakatingin ito sa malayo.

“Ivan?” Kinakabahan si Errol.

“Malaki ba ang kanya?”

“Ano?”

“Nagmamaang-maangan ka pa. Kaya ka pala umalis sa inyo para malaya ka nang makalandi.”

Nagulat si Errol sa inasal ni Ivan. “Ulitin mo nga ‘yung sinabi mo?” kunot-noong tanong ni Errol na lumingon na kay Ivan.

Lumingon si Ivan sa kanya. Galit ang mga nakadilat nitong mata sa kausap. “Bakla ka, di ba? Bibigay ka rin pala.”

“Ivan, ano ba ‘yang pinagsasasabi mo? Hindi ko kilala ‘yon! Bigla na lang lumapit.”

“Ah, ganon. Biglang lumapit tapos pinahipo ang harapan sa’yo tapos ikaw naman humipo rin. Kunyari pakipot ka pero bibigay ka rin pala.”

“Ano!” bulalas ni Errol dahil sa pagkabigla sa mga nasambit ni Ivan. “Kung alam mo lang kanina pa ako nagpupumiglas. Gusto kong kumawala sa pagkakaakbay niya pero malakas siya.”

“Ang sabihin mo, gusto mo ‘yung ginagawa niya. Sorry, Errol, ha, basag-trip yata ako.”

“Ivan, bakit ganyan ka magsalita ngayon? Kilala mo naman ako, di ba?”

“Kilala nga ba kita? Marahil katulad ka lang din ng ibang kabaro mo.”

Nanliit ang tingin ni Errol sa sarili sa mga narinig mula kay Ivan. “Ang sakit mong magsalita.” Nangingilig ang luha sa mata ni Errol. “Bababa na ako.”

“Bakit, totoo naman, di ba?” Biglang tinanggal ni Ivan ang butones ng kanyang polo.

“Ano’ng ginagawa mo?”

“Di ba, gusto mo ito?” Niluwagan ni Ivan ang kanyang sinturon at binuksan ang kanyang pantalon at binaba ito kasama ang kanyang salawal.

Tumambad kay Errol ang ari ni Ivan. “Ivan...” Umiling ito.

“Di ba ito ang gusto mo? Ano, patitigasin ko ba para sa’yo?” Nilaro ni Ivan ang alaga hanggang sa tumigas ito. “Malaki, di ba? Oh, sige na sunggaban mo na!”

“Ivan, ano’ng ginagawa mo?”

“Di ba... Di ba sabi ko sa’yo noon willing ako, pag ready ka na willing ako? Di ba ito ang gusto mo?” bulalas ni Ivan.

Umiling si Errol. Tumulo na ang mga luha nito.

“Sige na! Wag ka ng pakipot. Kung hindi pa kita nakita malamang nilalapa mo na ‘yung hayop na ‘yun.” Hinila ni Ivan ang damit ni Errol upang lumapit ito sa kanya. Kinuha niya ang kamay nito at dinala ito sa kanyang dibdib. “Himasin mo ang katawan ko, Errol.” Giniya niya ang ulo ni Errol at pilit na inilapit ito sa kanyang ari. “Ano pa’ng hinihintay mo? Chupain mo na! Matagal mo nang gusto ‘yan, di ba?”

Nagpumiglas si Errol. Dahil sa pagkatuliro ay nasuntok niya si Ivan sa panga. “Gago ka! Gago ka! Gago ka!” Sinuntok niya pa ito sa braso. Nakita niyang aambahan siya ng suntok ni Ivan. “Sige, sige. Suntukin mo ako! Sige, ituloy mo! Sige, dito.” Nilapit ni Errol ang pisngi. “Sige, kung luluwag ang pakiramdam mo, sige!” Hindi na niya napigilan ang paghagulhol.

Binagsak ni Ivan ang mga bisig sa manibela ng kotse. Agad niyang sinara ang pantalon.

“Ito ang pinakamasakit na ginawa mo sa akin! Ito ang pinakamasakit na ginawa ng kahit kanino sa akin. Ito! Ganyan pala kababa ang tingin mo sa akin. Para sabihin ko sa iyo, hindi ako ganyang klaseng tao. At alam mo ‘yan, Ivan. Alam mo ‘yan!”

“Errol...”

Ngunit hindi na narinig ni Errol na tinawag siya ni Ivan. Binuksan na niya ang pinto at tumakbo papalayo. Nang makalayo ay hindi kinaya ni Errol ang namumuong emosyon sa sa loob niya. Napasigaw siya habang humahagulgol. Ang sikip ng kanyang dibdib. Ang sakit ng kanyang nararamdaman. Hindi niya aakalain na babastusin siya ng lalaking... Oo, ng lalaking mahal niya. Pinunit ng hindi inaasang tagpong iyon ang durog na puso ng binata. Ganoon lang pala kababa ang tingin niya sa kanya. Sa kalagitnaan ng kanyang paghagulgol ay biglang umihip nang malakas ang hangin.

“Apo, andito ang lolo.”

Napalingon si Errol sa pinanggalingan ng boses. “Lo!” Tumakbo si Errol sa kinaroroonan nito. Mas lalo pang lumakas ang hangin.

“Halika.”

Niyakap ni Errol ang taong sa gitna ng sakit na kanyang nadarama ay nandirito para damayan siya. Bigla silang naglaho sa mga umiikot na ilaw.


Chapter 12

Biglang nahimasmasan si Ivan. “Errol...” Ngunit nakita niyang mabilis nitong binuksan ang kotse at tumakbo papalayo. Sinapo nito ang mukha. Pagkatapos ay malakas na itinama ang kanang bisig sa manibela. Hindi niya alam ang gagawin, kung mananatili sa kinauupuan o hahabulin si Errol.

Ito ang pinakamasakit na ginawa mo sa akin! Ito ang pinakamasakit na ginawa ng kahit kanino sa akin. Ito! Ganyan pala kababa ang tingin mo sa akin. Para sabihin ko sa iyo, hindi ako ganyang klaseng tao. At alam mo ‘yan, Ivan. Alam mo ‘yan!

Nagpaulit-ulit ang mga huling sinabi ni Errol sa diwa ni Ivan. “Errol, di ko sinasadya...” ang namutawi sa tulirong binata. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang naging reaksiyon niya nang makita si Errol na tila nakikipaglampungan sa ibang lalaki. Nang makita niya itong akbay ng lalaking iyon ay may tila masidhing inggit o selos at galit siyang naramdaman.

Ang gusto lang naman niya ay ipabatid kay Errol na nandito siya kung may pangangailangan siyang pisikal. Kaya naman niyang ibigay. Kaya niyang ialay ang kanyang pagkatao para sa binatang iyon na napamah... Na mahalaga sa kanya. Ngunit sa baliktanaw ay nagsisisi siya sa nagawa.

Mabilis ang tibok ng puso ni Ivan. Mabilis rin ang kanyang paghinga. Galit siya sa kanyang sarili. Bigla niyang napagtanto na kasalanan din naman niya lahat ng ito. Marahil hindi ito mangyayari kung hindi niya biglang inabandona ang kaibigan. Kung hindi siya naging duwag ay malamang masaya sila ngayon, siguro nagkukwentuhan, nagkukulitan, nagkikilitian gaya nang dati. Ngunit naging alipin lang siya ng takot niya sa sasabihin ng mga tao.

Batid ni Ivan na hindi pangkaraniwan ang pagkakaibigan nila ni Errol. At hindi niya maikakailang espesyal ito sa kanya, at noo’y espesyal ang turing niya dito. Kinain lang siya ng kanyang takot at agam-agam sa sariling pagkatao. Ngunit ngayon ay lubusan na nga niyang nasaktan ang binata. Ano ang gagawin niya? Ano ang sasabihin niya kay Erik? Natatakot siyang malaman ni Erik ang ginawa niya kay Errol ngayong gabi.

Sa gitna ng pagkatuliro ay sinabunutan ni Ivan ang sariling buhok. Lumabas ito ng kotse at pinagsisisipa ang gulong nito. Biglang lumakas ang ihip ng hangin. Ngunit hindi ito napansin ni Ivan. Maya-maya pa ay pumasok siya sa kanyang kotse at binagtas ang daang tinahak ng kaibigan sa pagtakbo. Unti-unting humina ang hangin sa labas. Halos dalawampung minuto na niyang binagtas ang kalsada, ngunit hindi niya natagpuan si Errol. “Errol, asan ka ba?”


Chapter 13

“Lo, hindi niyo ho maiintindihan kapag sinabi ko. Hayaan niyo na lang akong umiyak,” saad ni Errol na nakaupo sa isang batong upuan sa labas ng kubo ni Melchor.

“Apo, subukan mo lang na ikwento sa akin. Baka makatulong ako,” saad ni Melchor. “Noong natagpuan kita sa parke ay noon ay umiiyak ka rin. Ano ang problema?”

Hindi umimik si Errol. Tahimik lang itong nakatutok sa apoy na labas ng kubo, sinisipat ang ningas nito.

“Baka makatulong ako,” dugtong ni Melchor.

“Wala po kayong maitutulong, lo.”

“Tungkol ba sa pag-ibig ‘yan?”

Tumahimik muli si Errol, nagdadalawang-isip kung magsasalita o mananatiling tahimik. Ngunit tumango din si Errol. “Mahal ko kasi siya, lo. Pero ganun pala kababa ang tingin niya sa akin.”

“Iyan ba iyong lalaking kasama mo sa restawran noong nahilo ka?”

“Pa’no... Pa’no ninyo alam, lo?” Lumingon si Errol sa matanda na nakatayo lang at nakayuko sa kanya.

Ngumiti si Melchor sa apo at nilagay ang mga kamay nitong magkahawak sa likuran niya. “Matagal na kitang sinusubaybayan. Noon ko pa kayo sinusubaybayan ni Celia sa malayo. Nitong huli ko nga lang nalaman ang pangalan mo. Subalit alam ko kung ano ka, Errol, apo.”

“Okay lang ba sa iyo na ... bakla ako?”

“Hindi importante ang kasarian. Ang importante ang naririto.” Tinuro ni Melchor ang dibdib ni Errol.

“Salamat, lo. Mabuti naman at hindi ka homophobic,” kaswal na saad ni Errol.

“Ano, apo? Anong homo... Ano iyon?” Nakakunot ang noo ni Melchor.

“Sabi ko mabuti naman at hindi ka galit o naasiwa sa mga bakla.”

“Bakit naman? Ganoon talaga,” saad ni Melchor sa namamaos nitong boses. “Kahit noong kapanahunan ko ay may mga binabae na. Ngunit hindi na iyan importante. Ano nga pala ang pangalan ng lalaking iyon?”

“Ivan, lo.”

“Matikas ang binatang iyon. Iniibig mo ba siya?”

Sandaling tumahimik si Errol. Bakit ba kahit masakit ang ginawa ni Ivan sa kanya kanina ay ganoon pa rin ang nararamdaman niya dito?

“Hindi mo kailangang magkaila, apo.”

“Lo, naman. Alam niyo naman pala, nagtatanong pa kayo.” Pinahiran ni Errol ang pisngi.

“Makapangyarihan ang pag-ibig, apo.” Tumingala si Melchor. “Ito ang pinakamakapangyarihang pwersa sa kalawakan.”

“Ang korni niyo, lo.”

“Galit ka ba sa kanya?”

“Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi.” Kumuha si Errol ng piraso ng kahoy at sinundot-sundot ang nagniningas na kumpol ng mga kahoy sa harapan.

“Subalit mahal mo rin siya, tama?”

“Magsisinungaling din ako, lo, kung sasabihin kong hindi.”

“Bantayan mo ang puso mo, Errol. ‘Wag mong hayaang kainin ito ng galit at puot.”

“Bakit, lo?” Lumingon ang binata sa matanda.

“Masayahing bata si Cassandra noon.”

“Yan ba ‘yung evil witch?”

Tumango si Melchor at ngumisi. “Ngunit kinain siya ng puot kaya kinain na rin ng kadiliman ang kanyang budhi.”

“Kaya pala naging evil siya, lo.”

“Ang ating kapangyarihan ay nakatali sa ating emosyon, Errol. Kaya bantayan mo ang iyong emosyon.”

“Wala naman, lo, eh.” Umirap ang binata. “Kanina nga sumisigaw ako sa daan, humahagulgol, wala namang nangyari. Hindi ko nga magawa ‘yang tricks ninyo, eh.”

“Iyong hangin kanina. Hindi iyon pangkaraniwan.”

“Ano’ng ibig ninyong sabihin?”

“Kung sinuman ang may hawak sa hiyas ng hangin ay malapit siya kanina.”

“Nakakapagtaka naman kasi mukhang wala namang ibang tao doon sa lugar.”

“Nakakapagtaka.” Palakad-lakad ang matanda.

“Lo, ano’ng gagawin ko?”

“Gaya ng sabi ko noon, masasalin sa iyo ang kapangyarihang kontrolin ang liwanag kapag wala na ako.”

“Di yan, lo. Yung tinutukoy ko yung love life ko.”

Tumingala lang ang matanda at pagkatapos ay ginala ang tingin sa kagubatan.

“Pero sige na nga. Ano ba ang magiging papel ko diyan sa quest against the bad witch na yan?” Walang nakuhang sagot si Errol sa lolo niya. Sa iilang pagkakataong nagkakausap sila ay nakasanayan na nito ang tila lutang at wala sa sariling matanda. Kanya hindi na siya nagtaka na iba ang sagot nito sa tanong niya.

“Sa tingin ko ay matagal nang nasa sa iyo ang taglay mong kakayahang makita ang hinaharap. Isa itong pambihirang kakayahan sa ating angkan.”

“Yung mga weird na panaginip, lo? Ayoko nun. Gusto ko ng katulad ng sa inyo na nakakateleport. Walang kwenta naman ang mga panaginip.” Pinatong na ni Errol ang pinaglalaruang piraso ng kahoy sa apoy.

“Ang bawat kakayahan ay may kanya-kanyang kahalagahan. Maaaring hindi mo pa batid ang kahalagahan ng mga panaginip mo, pero lilinaw din ang lahat sa tamang panahon.”

“Lo, kamag-anak niyo ba si Lola Nidora?”

Umirap si Melchor. “Sino ‘yan?”

“Ah, ‘yung karakter ni Wally Bayola sa Eat Bulaga, lo.”

“Sinong Wally? Ano’ng Eat... Ano ba ang mga iyan, apo?”

“Wala nga pala kayong TV. Di bale na lang. Pero, lo, ang gusto kong malaman ay ano ang gagawin ko sa usaping pag-ibig ko?” Napangiti si Errol kahit basa ang mga bata.

“Simple lang. Sundin mo ang sinasabi ng iyong puso.”

“Pero, lo. Lalaki po siya. Babae po ang gusto niya.”

“Kung ganon ay bakit nasa Taguig siya kanina?” Ngumiti si Melchor.

“Oo nga, ‘no? Hindi ko natanong.”

Ngumiti si Melchor kay Errol. “Gaya ng sinabi ko, ang pag-ibig ang pinakamakapangyarihang pwersa sa kalawakan.”

“Ang senti niyo, lo.”

“Pero sino ba sa atin ngayon ang umiiyak?”

Natigilan si Errol. Tumahimik ito. Nasupalpal siya ng matanda nang hindi niya inaasahan.

“Nararamdaman kong malapit nang sumanib ang mga bato sa mga nakatakda.”

“Teka, lo, kamag-anak ba ni Emily Rose yung mga sasaniban?”

“Ano?”

“Ah, wala.” Umiwas ng tingin si Errol, umismid, at bumulong. “Hay, nako si lolo may cognitive impairment na.”

“Ano’ng binubulong mo riyan?”

“Ah, eh... Hindi pa ba sumasanib sa kanila? Di ba wala na sa inyo ang mga bato?”

“Hindi pa. Pinakikiramdaman muna ng mga bato ang mga nakatakda.”

“May ganon, lo? May getting to know each other stage pala yan?”

“Parang ganoon na nga.”

“Paano niyo naman mararamdaman, lo, na sumanib na nga ang mga bato? May pagka psychic ba kayo?”

“Naririnig kong nagsasalita ang mga bato.”

“Baka kung ano na ‘yang sinisinghot ninyong bato, lo, ha.”

“Kapag sumanib na ang mga bato sa mga nakatakda ay mas lalakas ang kapangyarihang taglay ng mga ito. Mas makokontrol na rin ng mga nakatakda ang taglay na mahika ng mga bato.”

“Pa’no natin malalaman na sumanib na sa kanila ang mga bato?”

“Mararamdaman natin iyon.”

“Ganun lang? Paano?”

“Basta makakaramdam ka ng kakaiba.”

“Ano ba ‘yan? Wala bang instructions manual?”

“Nandito pa naman ako.”

“Hindi naman tukoy ang mga pinagsasasabi ninyo, lo. Minsan pakiramdam ko pinagtitripan niyo lang ako.”

“Magtiwala ka lang.”

“So ano’ng gagawin natin kapag dumating ang araw na iyon?”

“Kailangan nila ng gabay sa paggamit ng kapangyarihan. Hindi pwedeng abusuhin ang kapangyarihan. Hindi pwedeng gamitin sa pansariling kapakanan.”

“Teka, lo. Bakit pa ba kailangang sumanib ng mga bato sa tao? Hindi ba pwedeng manatili na lang silang mga bato?”

“Ayon sa alamat, nangyayari ang pagsanib ng mga hiyas sa mga taong nakatakda kapag may paparating na lagim. Nararamdaman ng kalikasan ang nagbabadyang kapahamakan dito. At ang mga bato ay likha mula sa kalikasan.”

“Pa’no ninyo nalaman ang mga ‘yan, lo? Meron ba kayong parang kurso niyan?”

“Ang dami mong tanong!”

“Aba, dapat lang, lo.” Kumunot ang noo ni Errol. “Sinali-sali ninyo ako dito. Nanahimik ako eh.”

“Dahil nakatakda kang maging tagaingat ng mga hiyas.”

“Wala nga akong special powers maliban sa wild dreams na feeling ko hindi naman powers.”

Ngumiti si Melchor. “Sa tingin ko may kinalaman si Cassandra sa pagkabuhay ng mga hiyas. Malamang nararamdaman ng mga bato ang itim na enerhiya niyang nagbabadya ng panganib.”

“Sino nga ulit yang Cassandra, lo?”

“Siya ay iyong tiya.”

“Kapatid siya ni nanay?”

“Pinsan.”

“Bakit hindi ko pa siya nakikita?”

“Makikilala mo rin siya. Ngunit sa araw na iyon kailangang malakas ka na. Mapanganib siya, Errol.”

“Mukha nga, eh. Ano ba’ng nangyari sa kanya? Ano’ng ikinagagalit niya?”

Kinuwento ni Melchor ang nangyari sa pagitan nila ni Damian at ang pagtutunggali nila ni Cassandra apat na buwan na ang nakakalipas.

“Ibig sabihin si Cassandra ang dahilan noong blackout noong Pebrero?”

Tumango si Melchor.

“Wow, ganon pala katindi ang kaya niyang gawin. Bakit niya ginawa ‘yun?”

“Gusto niyang maangkin ang mga bato.”

“Bakit daw?”

“Malamang ay katulad na rin siya ng kanyang ama, sakim sa kapangyarihan. Kinain na ng kadiliman ang budhi ni Cassandra. Kaya, Errol,” saad ni Melchor na naglakad-lakad, “kailangan mo siyang paghandaan.”

“Nakakatakot naman ‘yan, lo. Pa’no pag di natin siya kaya?”

Hindi nakasagot si Melchor. Nakatingin lang ito sa kawalan.

“Lo, bakit bumalik pa kayo dito? Di ba kayo natatakot na baka bumalik ‘yung mga naghahanap sa inyo? Di ba gusto kang patayin ng mga ‘yun?”

“Apo, kapag panahon mo na, panahon mo na. Kahit saan ka magtago, matatagpuan ka ng kamatayan. Nararamdaman kong malapit na.”

“Lo, ‘wag kayong magsalita ng ganyan. Hindi pa nga kayo nagkikita ni nanay. Ayaw niyo ba siyang makita uli?”

“May mga bagay na mainam na hayaan na lamang sa ganoong estado. Mapanganib na rin sa pagkakataong ito. Marahil ito ang nakakabuti para sa iyong ina, para sa anak ko.”

“Natatakot ako, lo.” Seryoso ang mukha ni Errol habang nakatitig sa apoy.

“Maganda ‘yan. Ibig sabihin nag-iisip ka.”

“Lo, pwede ba dito ako matulog?”

Pumasok na si Melchor sa kubo. Naglatag ito ng tela sa lupa sa tabi ng higaan nito. Tinawag nito ang apo na nahahabag sa itsura ng tinuturing na bahay ng kanyang lolo. “Lo, ayaw niyo ba tumira kasama ko? Para naman komportable ka kahit paano.”

Umiling ang matanda. “Matanda na ako. Nasanay na rin ako dito.”

Dinig ni Errol ang lagitik ng papag habang humihiga dito ang kanyang lolo. Amoy din niya ang mabahong telang nilatag ng matanda sa lupa. Ngunit hindi na niya ito alintana. Naguguluhan ang binata sa maraming bagay na tumatakbo sa kanyang utak -- si Ivan at ang pagtrato nito sa kanya, ang mga bato, ang hinaharap, ang mga agam-agam. Nakatulog si Errol na malungkot ang mukha. Ginawa niyang unan ang kanyang mga kamay.


Chapter 14

“Namimiss ko na ang manang na ‘yun,” saad ni Manny na naghihimutok habang nakasandal ang braso at ulo sa mesa sa cafeteria.

“Namimiss ko na nga rin ‘yun eh,” saad din ni Erik.

“Sa’n ba siya ngayon?” tanong ni Shanice umiba ng tingin matapos sulyapan ni Erik.

“Ang sabi niya lang sa akin nasa Taguig na daw siya nagwowork,” saad ni Manny. “Ayaw naman niyang sabihin kung saan.”

“Hindi nga rin sinabi ni Tita Celia sa akin nung huli kong punta sa kanila. Basta sa isang pharma company daw,” saad ni Erik.

“May galit ba siya sa atin?” tanong ni Shanice habang tinitingnan ang mukha niya sa maliit na salamin.

“Wala naman siguro,” sagot ni Manny. “Madalas naman kaming magtext at magtawagan nun. ‘Yun nga lang. Ayaw pa niyang maging active sa FB. Ayaw rin niyang sabihin kung sa’n siya nakatira.”

“Okay na ‘yun si Errol. Masaya na ‘yun,” saad ni Erik.

“Talaga lang ha? Tumawag kaya ‘yun nung Sabado. Mukang malungkot na naman nga ‘yung manang na ‘yun.”

“Ha? Pa’no?”

“Ah, wala, wala. Feeling ko lang naman.” Biglang ngumiti ng hilaw si Manny.

“Malamang lagi nung kasama si Ivan,” saad ni Erik.

Umirap si Manny. Maya-maya ay kinamusta nito ang magkasintahan. “Kayo, Sir Erik at Ma’am Shan, kamusta na kayo?”

“Okay lang kami, getting stronger. Di ba, bhe, este Sir Erik?”

Ngumiti si Erik at tumango.

“Oy, sige. Una na ako. Klase ko na,” saad ni Manny na pagkatapos ay umalis na sa cafeteria.

“Bhe, bakit matamlay ka?” Hinawakan ni Shanice ang balikat ng kasintahan.

“Wala lang.” Sinulyapan ni Erik ang nobya at umiba kaagad ng tingin. “Stress lang siguro.”

“Nagsisisi ka ba na hindi ka tumuloy sa orientation mo for Dubai?”

“Hindi naman sa ganun.”

“May problema ka ba?”

“Wala, bhe. Baka pagod lang ako.”

“Kakaumpisa lang ng first sem pagod ka na?”

“Basta.”

“Iniisip mo na naman ba ang best friend mo?”

Bumuntong-hininga lang si Erik.

“Mahal mo talaga siya, ‘no?”

“Parang kapatid ko na kasi ‘yun.”

“Siya ba lagi iniisip mo kapag wala ka sa sarili?”

“Ha?”

“Kagaya niyan, parang wala ka na naman sa wisyo.”

“Hindi.”

“Bhe, pwede mong sabihin ang kahit na ano sa akin. Girlfriend mo ako. Pwede mo rin naman akong ituring na best friend, di ba?”

“Oo naman. Thank you, bhe.”

Hinawakan ni Shanice ang kamay ni Erik. “I’m always here. Kung kailangan mo ng makakausap. Ano ba ‘yang bumabagabag sa iyo?”

“Namimiss ko lang siguro si Errol.”

“Kahit ako, kahit kami ni Manny namimiss din namin siya. ‘Yung mga students niya nga namimiss siya.”

“Hindi na kasi kami nag-uusap.”

“Di ba choice mo naman ‘yun?”

“Oo pero parang nagsisisi ako.”

“Nagsisisi ka ba na hinayaan mo siya kay Ivan?”

“Hindi naman sa ganon. Pero parang may mali eh.”

“Kung may problema siya siguro naman magsasabi ‘yun sa iyo o kay Manny. At malalaman natin kahit papano.”

“Sana nga.”

“Hindi na ba siya bumalik sa bahay ninyo? Di ba sabi mo pumunta siya sa inyo?”

“Oo. Kinabukasan non pinuntahan ko siya sa bahay nila pero wala raw siya, umalis.”

“Miss mo talaga ang best friend mo, ‘no?”

“Syempre, matagal ko ng kaibigan yun. Parang kapatid ko na yun. Gusto ko lang naman siyang kamustahin.”

“Ako ba mamimiss mo kung di mo na ako makita?”

“Oo naman.”

“Talaga?”

“Oo nga.” Ngumiti si Erik sa nobya at pinisil ang kamay nito. “Salamat.”

“Bhe, andito lang ako lagi para sa iyo ha.” Banayad na hinaplos ni Shanice ang pisngi ng nobyo.

Lingid sa kaalaman ni Shanice ay malalim ang iniisip ni Erik. May duda siyang may hindi magandang nangyayari sa pagitan nila ni Ivan. Gusto niyang makausap si Ivan o si Errol, ngunit hindi niya mahagilap ang dalawa. Pinaubaya na niya si Errol kay Ivan noon. Ginawa niya ito dahil alam niyang matapos niyang hindi sinasadyang masaktan ang matalik na kaibigan ay nais niyang sumaya ito sa piling ng bagong kaibigan, sa piling ni Ivan na alam niyang gusto ni Errol.

Noong nag-usap silang dalawa ni Ivan ay ibinilin na niya si Errol dito. Nangako si Ivan na pasasayahin niya ito sa abot ng kanyang makakaya at hindi niya ito pababayaan. Ngunit nitong huli ay tila nagsisisi siya. Hindi niya alam kung bakit pumunta si Errol sa bahay nila dalawang buwan na ang nakakalipas. Isa pang pinagtatakhan niya ang ay pagkawala nito sa Facebook.

Sa kabilang banda ay naisip din ni Erik na labas na rin naman siya sa kung ano’ng problemang meron si Errol. Pero namimiss niya ito.


Chapter 15

“Ate, parang walang pinagkaiba ang studio mo sa bahay mo. Parehong magulo.” Tumawa si Ivan habang pinagpagan ang isang bilog na upuan at umupo dito.

“Pag ako inasar kita, siguradong iiyak ka,” sagot ni Liz na nakatuon sa ini-edit ng isang larawan sa kanyang laptop.

“Ate, nasaktan ko siya nang husto.”

“I feel sorry for that poor guy.” Umiling si Liz at ngumisi nang bahagya. “Malas niya. Bakit mo naman kasi siya pinagsalitaan nang ganon?”

“Galit na galit kasi ako, Ate Liz. Hindi ko napreno ang bibig ko.”

“Bakit ka nga ulit nagalit sa kanya?” Kumunot ang noo ng babaeng nakaharap lang sa laptop niya.

“Kasi nakita ko siyang nakikipaglandian sa isang lalaking mukhang call boy.”

“Saan?”

“Sa Taguig.” Tumayo si Ivan at lumapit sa mesa kung saan abala ang pinsan.

“Sa Taguig?” Sandaling sinulyapan ni Liz si Ivan at kumunot na naman ang kanyang noo. “Di ba taga Sampaloc siya?”

“Dalawang buwan na siya dun.”

“Ano’ng ginagawa niya dun?”

“Nagtatrabaho.” Kinuha ni Ivan ang camera sa tabi ng laptop ni Liz.

“Pa’no mo naman nalaman ‘yan?” Galaw dito, galaw doon ang kamay ni Liz na nakapatong sa mouse na nakakabit sa laptop. “Di ba di ka niya kinakausap?”

“Nadulas kasi si Tita Celia, ‘yung nanay niya.” Pinindot ni Ivan ang power button ng camera. “Pero di naman niya sinabi kung sa’n sa Taguig namamalagi si Errol,” saad niya habang tinitingnan ang mga larawan sa kanyang camera.

“Bakit nasa Taguig ka that time?”

Hindi kaagad nakasagot si Ivan. Nagpatuloy lang ito sa pagtingin sa mga larawang nakunan ng pinsan.

“Let me guess. Hinanap mo siya?” Ngumiti si Liz na pinaikot pa ang mga mata at pinatong ang baba sa kaliwang kamay.

Tumango si Ivan. Binaba na niya ang camera at bumalik sa inupuan kanina.

“Uuuuy.” Lumawak ang ngisi ni Liz. “Tinamaan ka na talaga yata kay Errol ha.”

“Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko.”

“Gaya ng sabi ko noong cliche, love knows no gender. Kung love na ‘yan wag mong pigilan. Pero, oo nga pala, inaway mo na nga pala. So pa’no na ‘yan?”

“Yan nga ang problema. Inaway ko siya na hindi ko man lang nalaman kung sa’n siya nakatira.”

“Ogag ka kasi.”

“Yan din sabi niya sa akin.”

“Mukhang matindi ang awayan ninyo ha.”

“Muntik ko siyang masuntok, ate.”

“Gago!” Ang kaninang ngisi ay napalitan ng simangot. “‘Wag mong gagawin ‘yon. Kapag nalaman kong may sinuntok kang bakla, ipapapresinto talaga kita.” Inalis ni Liz ang tingin sa kanyang laptop at nilipat ito sa pinsang nakaupo sa maliit na silya sa gitna ng studio. “Wala akong pakialam kahit magpinsan tayo.”

“Ate naman eh.” Nakayuko lang ito at nakakunot ang noo, tila malalim ang iniisip.

“Oy! Isa sa ‘yan sa mga pinaglalaban namin, ang anti-LGBT violence.”

“Galit na galit kasi ako nung makita siya na inaakbayan ng lalaki tapos mukhang naglalandian pa sila.”

“Teka, pa’no mo naman nalamang naglalandian sila?”

Sandaling nag-isip si Ivan. Ang totoo ay hindi siya sigurado sa nakita niya noon. Nadala lang siya ng bugso ng kanyang damdamin. “Kasi mahigpit ang pagkakaakbay sa kanya ng lalaki.” Umiba siya ng tingin.

“Baka hinoholdap lang.” Umismid si Liz.

“Ang sabi ni Errol pinipilit daw siya nung lalaki na magsex sila pero pumalag daw siya.”

“Yun naman pala eh. Dapat dun ka nagalit sa lalaki.”

“Binugbog ko nga eh.”

“Buti di ka pinapulis.”

“Gago siya! Binabastos niya si Errol. Si Errol naman hindi pumalag.”

“Hindi pumalag o hindi makapalag? Di ba sabi mo medyo maliit ‘yung Errol? Eh di kung mas malaki sa kanya ‘yung lalaki, pa’no siya makakapalag?”

“Yan din nga ang sabi niya. Di daw siya makapalag. Buti na rin nakita ko. Baka ano pa ginawa nung hayop na yun kay Errol kung di ako dumating. Pero ‘yun nga mainit na ang ulo ko, kung anu-ano na nasabi ko sa kanya.”

“Ano’ng ginawa niya?”

“Sinuntok ako sa panga.”

Natawa si Liz. Tumigil ito sa ginagawa. Binitiwan ang mouse at tiniklop ang mga bisig sa harap niya. “Talaga? Bravo. Alam mo, gusto ko ng mameet ‘yang Errol na ‘yan ha.”

“Hindi ko nga mahanap.”

“So babalik ka ulit ng Taguig?”

Tumango si Ivan.

“Kausapin mo na lang kaya ang nanay niya. Pilitin mo. Magsorry ka kasi!”

“Natatakot na akong bumalik sa bahay nila. Tiyak nakwento na ni Errol ‘yung nangyari last week. Baka kalbuhin ako ni Tita Celia o sapakin ni Tito Gary.”

“Aba, dapat lang. Kung ako nanay ni Errol, kakalbuhin talaga kita. Uuwi ka ng bahay ninyo na walang buhok sa katawan.”

Bahagyang natawa si Ivan na nakayuko pa rin. Ngunit unti-unti ring nawala ang ngiti sa mukha niya at naging seryoso. “Namimiss ko siya, ate.”

“Tinamaan ka na talaga.”

“Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya. Pero gusto ko siyang makita. Gusto ko magsorry. Gusto ko manumbalik ‘yung dati. ‘Yung masaya kami.”

“Pa’no na ‘yan? Inaway mo na. I’m sure masakit ‘yun para sa kanya lalo pa’t sa iyo nanggaling. Mahal ka nun, di ba?”

Bumuntong-hininga si Ivan. “Gago kasi ako eh.” Mahinang sinuntok ni Ivan ang sariling pisngi.

“Don’t do that! Not here!” bulalas ni Liz.

“Sorry, ate. Ang gago ko kasi.” Ginulo ni Ivan ang buhok at tumayo. Sinapo nito ang mukha. Di mapakali itong palakad-lakad sa loob ng studio.

“It’s good that you feel guilty. At least inaamin mong may mali ka. The next thing to do is ask for forgiveness. Kung mahal ka nga nun, mapapatawad ka niya.”

“Baka mas lalo siyang lumayo sa akin.”

“Well, if that’s the case, wala tayong magagawa.” Nagkibitbalikat si Liz, tinaas ang dalawang kilay na ang mga mata ay nakatuon sa laptop, at bumalik sa ginagawa. “Ganun talaga. Minsan we’ll just have to accept the consequences of our actions no matter how hard it is.”

“Ate, nagsisisi na talaga ako.” Naglakad si Ivan sa harap ni Liz at nilagay ang mga kamay sa baywang niya. “Nagsisisi ako na sinantabi ko ang pagkakaibigan namin noon. Nagsisisi ako sa ginawa ko sa kanya that night.”

“I know. How about you call Erik? Find out if he knows where Errol is.”

“Di pwede. Pag nalaman niyang hindi ko alam kung nasaan si Errol, magtataka ‘yun. Ang alam niya close na close na kami ni Errol.”

“Oo nga pala, ano? May agreement nga pala kayo.”

“Hahanapin ko na lang ulit si Errol.”


At iyon nga ang ginawa ni Ivan. Ilang beses siyang bumalik sa Taguig upang mahanap si Errol. Kung sana ay alam lang niya ang numero nito. Ngunit alam niyang hindi rin sasagot ang binata sa mga tawag niya kung sakali.

Isang gabi nagdadrive ito papuntang Taguig nang magring ang kanyang telepono na agad niyang sinagot.

“Hey, nasa’n ka?”

“Hi, Diana, nasa daan pa ako. Bakit?” Nakahawak ang isang kamay ni Ivan sa manibela habang ang isa ay nakadiin sa kanyang telepono sa kanyang tenga.

“I need your help.”

“Saan?”

“Nag-aayos kasi ako ng shop ko.”

“Malapit ka ba dito sa Alabang?”

“Siguro mga 30 minutes away?”

“Ay! Baka maabala ka pa.”

“No, it’s okay. Itext mo ang address ha. I’ll be there.”

Alas syete na ng gabi ng makarating si Ivan sa inaayos na shop ni Diana.

“I’m sorry, medyo natraffic,” saad ni Ivan. Nakita niyang nagkalat ang mga sculptures at paintings sa silid na iyon. Ang iba ay nakabalot pa.

“Hi! Salamat sa pagpunta.”

“Hindi ko alam mahilig ka pala sa mga ganito,” manghang saad ni Ivan.

“’Yung iba collections ko. ‘Yung iba gawa ng mga kilala kong artists. I’m planning to put up this shop for art lovers kasi.”

“Bakit mag-isa ka lang?”

“Maaga kasing umuwi ang isa kong kasama dito. Okay lang ba? Baka naabala kita.”

“No, no. It’s okay.”

“Sorry ha.”

“Okay nga lang.”

Inayos na nila ang mga pyesa at nilagay sa mga estante o mesa. Ang mga paintings ay maingat na sinabit sa dingding. Hindi mahilig si Ivan sa mga art pieces pero nagagandahan naman siya sa iilan sa likhang nakita. Halos dalawang oras din silang nag-ayos. Pawisan silang pareho nang matapos. Pagkatapos ay nilinis nila ang lugar. Malaki ang ikinaganda ng malawak na shop. Maayos na nakalayout ang mga pyesa.

“Nice!” nakapamewang na saad ni Diana habang ginala ang tingin sa buong lugar. “Thanks, Ivan.”

“No problem.” Ngumiti si Ivan. Kahit napagod ay sulit din naman nang makita niya ang itsura ng art shop ng kaibigan. Sandaling sinulyapan ni Ivan ang dalaga. Hindi niya maipagkakailang maganda ito kahit na pawisan. Nagkakagusto nga ba siya dito?

“Hungry?” tanong ni Diana sa kanya.

“Kinda?” Ngumiti si Ivan.

“Let’s eat! My treat.”

“You sure?”

“Yup!”

“My car or your car?”

“Di na ako babalik dito.”

“So we drive separately?”

“Parang ganun na nga.”

“Okay,” maikling tugon ni Ivan. Napansin niyang nakatitig sa kanya si Diana kaya tinanong niya ito. “Bakit?”

“Are you okay?”

“Oo naman.”

“Parang hindi.”

“Baka napagod lang ako.”

“Parang hindi physical exhaustion eh.”

“Ha?” nagtatakang tanong ni Ivan. “Hindi kita maintindihan.”

Lumapit si Diana kay Ivan. Sumisingkit ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang mukha ni Ivan. “Alam ko na.”

“May dumi ako sa mukha?”

“Hindi. Malungkot ka.”

“Ha?” Naintriga si Ivan, ngunit tama nga naman si Diana. “Hindi ah.” Ngumisi si Ivan.

“Your eyes are betraying you.”

“Talaga?”

“Bakit ka malungkot?”

“Kasi... Kelangan talaga sabihin?”

“You can trust me.”

“Kasi may importanteng tao akong nasaktan nang husto.” Yumuko si Ivan at umiba ng tingin.

“Why don’t you say sorry?”

“Hindi ko siya mahanap na eh.”

“Tawagan mo. O kaya iPM mo sa Facebook.”

“Di ko na alam number niya. Nagpalit kasi ako ng SIM. Mukhang nagpalit din siya. Tas nagdeactivate din siya sa Facebook,” seryosong saad ni Ivan.

“Wow! What a difficult situation. But hold my hands.” Inangat ni Diana ang kanyang mga kamay.

“Bakit?” inosenteng tanong ni Ivan.

“Basta!

Pinatong ni Ivan ang kanyang mga palad sa palad ni Diana. Tiningnan niya ang dalaga. Humahanga talaga siya sa ganda niya. Unti-unti ay nararamdaman ng binata ang init mula sa palad ng dalaga, init na dumaloy sa buong katawan niya. Unti-unting gumaan ang kanyang pakiramdam at nanumbalik ang kanyang sigla. Hindi alam ni Ivan kung papaano ngunit biglang sumaya ang kanyang pakiramdam. Habang nakatingin siya sa magandang mukha ng binibini ay nanunumbalik ang mga masasayang alaala nila ni Errol na nagpangiti sa kanya at tila ay nagpahiwatig sa kanya na magiging okay ang lahat.

Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan ito ni Diana ay napadako din ang tingin ni Ivan dito. Napansin niya ang picture ng isang babaeng maiksi ang buhok sa display ng kanyang telepono.


Chapter 16

Sa pagdaan ng mga araw ay naging matamlay si Errol. Maraming mga bagay ang bumabagabag sa kanya, gaya ng mga sinabi ng kanyang lolo, ngunit ang higit na nagpabagabag sa kanya ay ang masakit na pagtrato sa kanya ni Ivan. Isang linggo na ang lumipas matapos ang insidenteng iyon sa pagitan nila. Hindi niya lubos maisip na ganoon lang pala kababa ang pagtingin ng binatang lihim niyang iniibig. Pilit nagpapakatatag si Errol.

Nang matapos ang isang ordinaryong linggo sa laboratoryo ay naisipan niyang umuwi sa kanila dahil nabuburyong siya sa pananatili sa kwarto kasama si Nathan na minsan ay hindi niya maintindihan ang timpla.

Natigilan siya nang madatnang bakante ang lote. Palingun-lingon siya habang nagkakamot ng ulo. “Ano na namang pangitain ba ‘to?” bulong niya sa sarili nang biglang may kumalabit sa kanya.

“Anak, ba’t di ka man lang nagtext na uuwi ka pala?”

Gulat si Errol nang makita bigla ang ina na bitbit ang mga pinamalengke.

“Ah, kasi...” Mas nagulat siya nang makita ulit ang bahay nang lingunin niya ito. “Ah, eh...”

“Ay, nako, pasok na at matutuwa ang tatay mo na umuwi ka.”

“Oo nga po eh.” Napakamot na lang si Errol.

Sa kanilang bahay sa Sampaloc ay naging abala siya sa pagbabasa, ngunit natapos niya ulit ang isang aklat at napansin niyang wala na naman siyang bagong librong mababasa. Kaya naman umalis siyang muli at pumunta sa mga bilihan ng libro.

Nang makabili ng mga libro ay umupo si Errol sa isang silya at doo’y naglaho ang kapaligiran nang buklatin niya ang unang librong babasahin. Iilang kabanata rin ang natapos niya matapos ang isang oras. Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa nang marinig ang pagsalita ng nasa tabi niya.

“Favorite mo ba si Dean Koontz?”

Napalingon siya sa gulat. Hindi niya namalayang may tumabi pala sa kanya dahil sa nakatuon ang buong atensiyon niya sa binabasa. “Ah, eh, medyo,” saad niya na medyo nailang sa lalaking tila ay kaedad niya lang. Nakasalamin ito na may makapal na frames. Malinis ang kanyang buhok na mas mataas ng konti sa skinhead ang gupit. Nakajacket ito ng itim, puting t-shirt, maong na pantalon na semifit, at sneakers. Ngumiti ito sa kanya.

“Mahilig din kasi ako magbasa ng novels,” saad ng nakasalamin.

“Ah, eh, pastime ko lang.”

“Kaninong novels usually binabasa mo?”

“Wala kasi akong specific na authors. Pero genre ko ang horror, thriller, at supernatural. Mga ganoong kwento gusto ko.”

“Ah, pareho pala tayo. Romance ayaw mo?”

“Hindi ko trip,” saad ni Errol. “Maiinggit lang ako, eh.”

Natawa naman ang kausap. “Hindi ko rin trip ang romance. Ano pinakafavorite mong horror novel so far?”

“Hmmm. Teka, marami kasi. Hmmm. Siguro The Exorcist ni William Blatty.” Natawa si Errol. “Lumang luma.”

“I love that book.”

“Talaga?”

“Mas nakakatakot siya kesa sa movie.”

“Oo nga. Mas masarap siya basahin sa gabi kasi mas nararamdaman mo ang thrill at chill. Ikaw ano favorite book mo so far?”

“Maka Stephen King ako. Any Stephen King novel siguro. Pero siyempre hindi ko pa nabasa lahat ng novels niya.”

“I love Stephen King.”

“Nabasa mo ‘yung Desperation?”

“Ang weird nun.”

“Weird naman talaga halos lahat yata ng gawa niya, at ang weirdness na ‘yon ang nagpapaganda sa novels niya.”

“Sabagay,” saad ni Errol. “Hindi kasi ako makapili ng authors sa book sale kasi kung ano lang ‘yung mura.” Tumawa si Errol. “Kuripot kasi.”

“Marami namang good old books na mura. Bumibili rin ako ng lumang libro.” Ngumiti ang binatang kausap ni Errol. “Wait, if you like horror novels, ibig sabihin you like horror movies, too?”

Tumango si Errol. “Gusto ko kasi ‘yung nagugulat ako” -- natawa si Errol.

“Ayaw mo ng romance films?”

“Hindi ko trip ‘yung romance, mapaTagalog o English.”

“Ikaw ba?”

“Basta maganda ‘yong movie, okay na ako.”

“Ano’ng favorite movie mo?” tanong ni Errol.

“Titanic?” nagdadalawang-isip na saad ng kausap ni Errol. “Luma, ‘no? Di na natin generation. Tsaka hindi siya horror. Weird. Pero fave ko eh.”

“Oo nga. Pero di ba nirelease ‘yun 3 years ago in 3D?”

“Yup! Dalawang beses kong pinanood. Ang ganda kasi ng pagkakagawa ng pelikula.”

“Basta si James Cameron, masterpiece talaga.”

“Oo. Minsan lang siya gumawa ng pelikula pero pinag-isipan at pinag-ukulan talaga ng panahon. Karamihan kasi sa Hollywood films parang paulit-ulit na futuristic techno/sci-fi films na lang. Nakakaumay din.”

Walang maisip na isagot si Errol. Ang sarap kausap ng lalaking katabi niya. Upang may maidagdag sa kanilang usapan ay pilit niyang inalala ang iilang eksena sa pelikulang Titanic. Naalala niyang kasama niya nga pala si Erik nang panoorin ang pelikulang iyon. Iyon ang isa sa kaunting pelikulang napanood nila. Mahal kasi ang sinehan para sa mga ordinaryong mamayan sa Maynila. “Grabe ‘yong sinking scene sa Titanic. Nakakaiyak.”

“May DVD ako ng movie na ‘yan at ilang beses ko na napanood. Hindi pirated ha!” Tumawa ang kausap ni Errol.

“Favorite mo talaga siya, ‘no? Minsan ko lang kasi siya napanood.”

“Memorized ko na nga ang ibang linya.”

“Talaga?”

“It’s been eighty-four years, and I can still smell the fresh paint. The china had never been used. The sheets had never been slept in. Titanic was called the ship of dreams, and it was. It really was,” saad ng binatang nakasalamin na animo’y pinatanda ang boses.

Namangha si Errol. “Linya ‘yan ng...”

“Ng matandang Rose Calvert!”

“Wow!” saad ni Errol na nanlalaki ang mata.

“Pero ang pinakaastig sa akin sa movie ay si Molly Brown.”

“Molly Brown?” Pilit na inalala ni Errol ang karakter ngunit hindi niya ito maalala.

“Yung matabang babae na astig. The Unsinkable Molly!”

“Hindi ko maalala.”

“Come on, girls. Grab an oar!” Tiningnan ng nakasalamin si Errol upang ipahiwatig kung naaalala na ba niya. “Ito pa,” saad niya, “I don’t understand anyone of you! What’s the matter with you? It’s your men out there!”

“Ah,” nanlalaking matang saad ni Errol, “yung babae sa lifeboat na gustong mailigtas ang mga naiwang pasahero.”

Ngumiti ang binatang nakasalamin. “Minsan pag-bored ako, pinapanood ko ‘yang movie na ‘yan.”

“Sayang, no? Ang ganda pa naman ng ship na ‘yon.”

“Maiden voyage niya ‘yun pero ayon masaklap.” Inayos ng binata ang kanyang salamin.

“Dapat kasi hininaan lang ng kapitan yung barko noong gabing ‘yun.”

“Kasi sabi nung may-ari na si Bruce Ismay dapat they should make headlines by arriving at New York early.”

“Yun nga naheadline talaga sila kasi lumubog ang barko.”

“Aksidente talaga.”

“Yung mga nagbabantay kasi panay ang tingin kina Jack and Rose na naglalampungan kaya hindi nabantayan ang iceberg.”

“Fiction lang ‘yung part na ‘yun. Ang totoo, hindi talaga maaninag ang iceberg sa kalayuan noong gabing yon kasi walang buwan at clear yung sea surface.”

Namamangha si Errol sa kausap. Parang ang dami niyang alam. Parang ang talino niya. At napapangiti siya sa indayog at galaw ng mga kamay ng kausap habang nagsasalita ito. Ang sigla ng mga mata niya na nasa likod ng mga salaming iyon na makapal ang frames.

“May hinihintay ka ba?” tanong ng lalaking nakasalamin.

“Ah, wala. Naisip ko lang na tumambay dito at magbasa. Nakakaburyong kasi sa bahay.”

“Samahan mo naman ako.” Ngumiti ang nakasalamin.

“Saan?” Kahit hindi niya ito kilala ay parang may tiwala naman siya dito. Kung ngingiti ba naman siya nang ganoon ay paano siya tatanggi?

“Malapit lang naman dito ang Rizal Park...”

“Okay, sige,” masiglang sagot ni Errol. Gusto niya ring pumunta doon. Magpahangin. Maglakad-lakad.

“Great!”

Nang tumayo sila ay napansin ni Errol na hindi magkalayo ang kanilang tangkad. Mas matangkad lang ang lalaking nakasalamin ng isa o dalawang pulgada sa kanya. Medyo malaki ang pangangatawan nito, o marahil dahil sa jacket niyang suot.

“Lagi ka bang gumagala?” tanong ng nakasalamin habang nakapamulsa ito.

“Actually, nitong huli lang.”

“Bakit nitong huli lang?”

“Hindi kasi talaga ako palagala.”

“Bakit biglang gumagala ka na?”

Natigilan si Errol sa mga tanong ng lalaki. “Ah, eh... Para maaliw kahit papaano.”


Chapter 17

Nang makarating sila ng Rizal Park ay mababa na ang sikat ng araw at halos papalubog na ito. Ang ganda tingnan ng paligid na nabibilad sa naninilaw na liwanag na nanggagaling sa papalubog na araw. Biglang may napansing pamilyar na babae ang kasama ni Errol.

“Ate Elizabeth!” sigaw ng nakasalamin sa babaeng naka-gray na chaleco at maikling shorts.

Biglang napalingon kina Errol ang babaeng may hawak na camerang may mahabang lenteng nakatutok sa monumento ng pambansang bayani. “Hi!” masiglang sigaw nito na napalaki pa ang mga mata. “Pero please just call me Ate Liz.”

Lumapit ang dalawa sa babae, at nagsalita ang nakasalamin. “Photo excursion again, ate?”

“Boring kasi sa bahay. Introduce me to your friend naman,” saad ng babae na ngumiti kay Errol.

Ngumiti na rin si Errol dito.

“This is,” saad ng nakasalamin na nakaturo ang kamay kay Errol. Ngunit tumigil ito, kumunot ang noo, at ngumiti. “Wait, hindi ko pa nga pala nahihingi ang pangalan mo.”

“What?” nakairap na tanong ng babae sa nakasalamin habang nakapamewang ang isang kamay at nakahawak sa camera ang isang kamay.

Biglang tinanong ng lalaki si Errol. “Ano nga pala ang name mo?” Natatawa ito. “Grabe! Kanina pa tayo nag-uusap pero hindi pa pala natin alam ang pangalan ng isa’t-isa.”

“Errol,” natatawang saad ni Errol. “Ikaw, pangalan mo?”

“Errol?” singit na tanong ni Liz, ngunit hindi yata siya napansin ng dalawa.

“Jansen,” masiglang sagot ng nakasalamin.

“So you got yourself a new friend,” saad ng babae kay Jansen.

“Ganon talaga. We meet interesting people unexpectedly,” sagot ni Jansen sa babae at pagkatapos ay lumingon kay Errol. “Errol, ito si Ate Liz, a blogger, a photographer, an entrepreneur, and an LGBT advocate.”

“Nice to meet you po,” saad ni Errol na nakipagkamay dito.

“Po? Please! I’m only 28.”

“Ah, sorry, sorry,” saad ni Errol.

“Wait,” saad ni Liz na lumapit kay Errol. “You look familiar.”

Nagtaka naman si Errol.

“Wait a minute.” Naniningkit ang mata ni Liz na nakatingin kay Errol.

“Bakit, Ate Liz?” tanong ni Jansen na nagpalit-palit ang sulyap kina Errol at Liz.

“Never mind,” kaswal na saad ng babae.

“So ano’ng kinukunan mo ng larawan, ate?” tanong ni Jansen.

“Obvious ba?” sagot ng babae.

“Panira talaga ng view ‘yang building sa likod niya,” saad ni Jansen.

“Well, it’s a challenge for us photographers. Kapag halimbawa ganitong kukunan mo siya ng larawan gamit ang telephoto lens, nahahagip ‘yung building sa likod sa field of view mo. So nakakabwisit siya. Kung kukunan mo siya in wide angle” -- pinalitan ni Liz ang lente ng hawak na camera -- “mahahagip pa rin ang building pero mas maliit. Pero kahit na panira pa rin siya sa view.”

“Oo nga eh. Dapat hindi na pinayagang ipatayo ‘yan, eh!” saad ni Jansen.

“Kailangang kunan siya sa ibang angulo para di masali ‘yung building sa larawan,” saad ni Liz habang kinukunan ng larawan ang lugar.

“This is what she does,” saad ni Jansen kay Errol. “Minsan gumagala ‘yan to take pictures. Forte niya ang street at portrait photography.”

“Ganun ba?” inosenteng tanong ni Errol. “Ang galing!”

“Magaling talaga! You should see her portfolio,” saad ni Jansen na nakapamulsa habang nakatingin sa abalang babae.

“Bakit hapon na siya pumunta dito? Pagabi na.” Nakatingin si Errol kay Liz.

“Ate Liz!” sigaw ni Jansen.

“What?” tanong ni Liz habang nakatuon sa kanyang camera.

“Bakit daw hapon ka na pumarito?” inulit ni Jansen ang tanong ni Errol.

Humarap si Liz kina Errol. “Sinadya ko talaga ‘to. This is one of the best times to take cityscape pictures.”

“Bakit, ate?” inosenteng tanong ni Errol.

“Kasi mababa na ang araw kaya hindi na masyadong matindi ang sikat nito. Sa photography, we call it the Golden Hour.”

Namangha si Errol sa narinig.

“Sabi ko sa’yo magaling ‘yan. Matalino rin ‘yan,” saad ni Jansen na nakangiti.

“I have an idea!” Biglang lumingon si Liz sa kanila.

Ngumiti si Jansen. Si Errol naman ay nagtataka.

“Hurry! Let’s get in my car!” saad ni Liz.

“Sa’n tayo pupunta?” tanong ni Errol.

“Malapit lang. Quickly before the sun sets!” masiglang saad ni Liz.

“Trust her,” nakangiting singit ni Jansen.

“Okay.”

Mabilis nilang nilakad ang parking area at pumasok sa sasakyan ni Liz.

“Luma na itong kotse. Don’t worry. Di naman ito nakakatetano.” Tumawa si Liz. Natawa na rin ang dalawang binata.

Maya-maya pa ay nasa Roxas Boulevard na sila. Nakita ni Errol ang pamilyar na lugar.

“When was the last time you went here?”

“Last year,” sagot ni Jansen.

Naalala ni Errol si Ivan.

“How about you, Errol?” tanong ni Liz.

“4 months ago.” Ngumiti si Errol.

Nagmamadaling pinalitan ni Liz ang lente ng camera at bumaba sa kotse. “Hurry, guys! We only have a few minutes left before the sun sets.”

“Ano’ng gagawin natin dito?” tanong ni Errol habang ginagala ang tingin sa Baywalk.

“You will be my models.”

“Interesting.” Ngumisi si Jansen.

“Ano po’ng gagawin namin?” tanong ni Errol.

“Stand there!” bulalas ni Liz.

Pumunta sina Errol at Jansen sa parteng tinuro ni Liz na malapit sa gilid ng kongreto. Tiningnan nila ang dalampasigan.

“Oily yata ang mukha ko,” saad ni Errol.

“Doesn’t matter. I’ll fix it in post-processing. Sisiguraduhin kong gwapo kayo pareho.” Kumindat si Liz kay Errol. “All right, Jansen, akbayan mo si Errol. Act like matagal na kayong magkaibigan.”

“Sure.” Biglang umakbay ang nakasalaming binata kay Errol.

“Errol,” saad ni Liz, “Move closer to Jansen.”

“Okay.” Nilapit ni Errol ang katawan sa kay Jansen na lumingon sa kanya at ngumiti. Hindi niya napansin na kinukunan na sila ng larawan ni Liz.

“Great! A few more snaps,” saad ni Liz habang nakatutok ang camera kina Errol. “I have an idea.”

Naramdaman ni Errol na tinanggal na ni Jansen ang pagkakaakbay sa kanya.

“Can you face the sunset and hold each other’s hands?” tanong ni Liz.

“Ah, eh...” Ngunit naramdaman ni Errol na tinapik siya ng nakasalamin.

“Don’t worry,” saad ni Jansen. “It’s just a picture.”

“Sige na please.” Nagsusumamo si Liz.

“Okay sige.” Humarap na nga si Errol sa lumulubog na araw. Naramdaman niyang hinawakan ni Jansen ang kanyang kamay. May kakaiba mang nararamdaman ang binata ay pinagsawalang bahala niya na lang ito.

“Can you move closer to each other?” tanong ni Liz.

Giniya naman ni Errol ang katawan papalapit sa kasama. Naramdaman niyang nilapit din nito ang katawan sa kanya.

“Great, great! Pwede niyo bang itama ang inyong mga ulo sa isa’t isa?”

Agad na sumunod sina Jansen at Errol. Dinig ni Errol ang tunog ng camera ni Liz.

“Oh my God!” saad ni Liz habang nakatingin sa screen ng kanyang camera. “May isa pa akong request.”

“Ate Liz, baka ginu-good time mo na kami,” reklamo ni Jansen.

“Sige na please. It’s so beautiful.” Nakangiti si Liz habang tinitingnan sina Errol at Jansen. “Can you face each other while holding each other’s hands?”

“Okay.” Agad na humarap si Jansen kay Errol.

Naramdaman ni Errol na pinisil ng kaharap ang kanyang kamay.

“Okay ka lang?” tanong ni Jansen.

“Oo naman.” Kahit kakakilala lang kay Jansen ay komportable si Errol dito. Naririnig niya ang tunog ng shutter ng camera ni Liz.

“Oh my God!” bulalas ni Liz na nasasabik.

“Maganda ba?” tanong ni Jansen. Lumapit si Jansen sa babaeng retratista.

Lumapit na rin si Errol sa dalawa.

“Cool!” saad ni Jansen.

“Ganda!” bulalas ni Errol habang nakatingin sa mga silweta nila ni Jansen.

“Mag-groufie tayo,” suhestiyon ni Liz. Nilabas niya ang kanyang smartphone mula sa kanyang bulsa. “Lapit kayo!” Pagkatapos kunin ang larawan nilang tatlo ay -- “Tag kita Jansen. Errol, ano’ng Facebook mo? Add kita.”

“Ah, ate, kasi dineactivate ko,” sagot ni Errol.

“Ha? Bakit?” tanong ni Liz.

Bago pa man siya makasagot ay nagsalitang muli ang retratistang may tinitingnan at pinipindot sa kanyang telepono.

“Guys, we’ll have company in a while,” saad ni Liz.

“Sino, ate?” tanong ni Jansen.

“Somebody who saw our picture. Ito chinachat ako sa Facebook. Antayin daw natin dito.”

Nagtataka si Errol kung bakit nakangiting nakatingin sa kanya si Liz.

Umupo sila sa gilid ng Baywalk at nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay, trabaho, mga hobbies. Kalahating oras na ang nakakalipas at maliwanag na ang mga ilaw sa Roxas Boulevard. Maya-maya pa ay --

“Hey,” saad ni Liz na may kinakawayan sa di kalayuan.

Napalingon sina Errol at Jansen sa lalaking may dalang kumpol ng bulaklak.

“Boyfriend mo, ate?” tanong ni Jansen kay Liz.

“Pinsan ko,” saad ni Liz kay Jansen pagkatapos ay tumingin kay Errol at kumindat.

Sadyang maliit ang mundo. Kinabahan si Errol sa nakita. Lumapit sa kanila ang matangkad na binata at nakipagbeso kay Liz. Nakipagkamay din ito kay Jansen at lumapit sa kanya.

“Looks like you have some catching up to do,” saad ni Liz na nakatingin kina Errol at Ivan. Bumaling ito kay Jansen at nagsalita. “Alis na tayo.” Bumalik sina Liz at Jansen sa kotse, ngunit bumalik muli si Liz upang ibigay kay Errol ang supot na may mga lamang libro at nagmamadaling umalis.


----------------

Chapter 22 Snippet

Nagising si Cindy sa maliit na kama sa isang bodega. Nagkalat ang mga karton at sirang mwebles sa sulok ng amoy usok at amag na silid na naiilawan ng iisang bombilyang nagbigay ng mapusyaw na maladilaw na liwanag dito. Maliban sa sikmura ay wala namang sumasakit sa kanya. Natatakot ang dalaga. Sa pakiwari niya ay hindi naman siya namolestiya. Tumayo siya mula sa kama, ngunit lumapit ang isa sa tatlong lalaking nakabantay sa kanya.

“Gising na pala si miss byutipul,” saad ng lalaking mukhang manyak kay Cindy. Lumapit ito sa kanya.

Naramdaman ni Cindy ang kamay ng lalaki sa kanyang pisngi. Nanginginig siya sa takot. “Ano’ng gagawin ninyo sa akin?” Nanginginig ang mga labi ng dalaga. 

“Wag ka mag-alala. Hindi kita sasaktan. Paliligayahin lang kita,” saad ng lalaki habang ngumunguya ng bubble gum. Nilapit nito ang mukha sa leeg ni Cindy. “Ang bango mo. Nakakalibog. Tinitigasan ako sa’yo.” Ngumisi ito.

---------------

Nauuna akong magpost ng updates sa WattPad kaya ano pang hinihintay ninyo? Ifollow niyo na ako. Maghihintay kami ng mga Rogelio.


FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails