Followers

Showing posts with label Wrong Belief. Show all posts
Showing posts with label Wrong Belief. Show all posts

Tuesday, July 23, 2013

Wrong Belief (Chapter 3)

Hi po sorry po kung nalate pag post ng chapter 3 nagloko po kasi internet namin kagabi kaya ayun d ko napost pero eto na po enjoy!!

By: Mark Magat

----------------------------

Chapter 3


Paul's POV

Maiyak iyak akong nasa sasakyan ngayon papuntang hospital na kung saan andun si tyron, tinawagan ko na din parents ni tyron upang ipaalam ang mga nangyari.

Nang dumating kmi ni coach sa hospital ay nasa ER na sya at kasalukuyang tinitignan na sya ng doctor, habang sa pag hihintay namin ay di ko talaga maiwasan sisihin ang sarili sa mga nangyari, msyado akong naging mababaw, kung bkt d ako nakinig sa mga paliwanag nya,wala ako magawa ngauun kung di umiyak

Nakalipas ang ilang oras ay dumating na mommy at daddy ni tyron halata sa mga mata nito ang pagaalala..

Tita angel(mama ni tyron): paul anong nangyare?!asan ang anak ko?okay na ba sya?!halatang nagpapanic na si tita sa pagkakasabe nito..

Tito Welcy(daddy ni tyron): Honey malakas anak natin di yan basta basta tutumba..pagpapakalma ni tito kay tita.

Akmang magsasalita ako ng bigla sumingit samin si coach..

Coach: Pare!....Mare!

Tito Welcy: Pre!andito ka pla...ano ba nangyari sa inaanak mo bat na hospital?mejo kalma na sinabi ni tito sa coach namin...

Pero wait....inaanak??sinantabi ko muna mga tanong ko sa coach kodahil mas importante si tyron.

Coach: kasalanan ko pre pasensya na...pinilit ko maglaro si tyron ng basketball...pasensya pre...maiyak iyak na sinabi ni coach kila tita..

Tita Angel: alam ko di kasinisisi ng anak namin sa nangyari, wala syang sinisisi pare, alam mo kung gaano kabait si tyron kaya pagdasal nalng natin kalagayan nya..mejo kalma na na sinabi ji tita kay coach..

Kasulukuyang naguusap sila tita ay bigla lumabas na ang doctor...

Doc: kayo po ba magulang ni tyron sebastian?

Tita: opo kami po doc... Ah doc kumusta po anak namin?mejo kabado na sabi ni tita.

Doc: no need to worry misis, kanina ay mataas ang lagnat neto pero naagapan naman na, buti nlng at agad agad pinunta dito ang anak nyo kung di ay bka anu pa ang mangyari sakanya kasi nga may lagnat ang bata at halatang pagod na pagod..pero he is okay naman na po. lilipat na po namin sya sa isang room...osige po mr.&mrs. Sebastian una na po ako...

Tito: thank you po doc..ang masayang pagpapasalamat ni tito.

Nakahinga naman kami ng maluwag dahil buti nlng naagapan at ligtas na si tyron, nang marating namin ang room ni tyron ay nakita namin na wala parin itong malay, kaya kinuha ko tong oras na to para magtanong kila tita at coach.

Ako: ah..ehhh..coach inaanak nyo po si tyron?pano nyo po nalaman na magaling maglaro si tyron?sunod sunod kong tanong kay coach..

Nagkatinginan naman sila tita at coach at tinanguan nlng nila tita si coach..

Tito: "tutal ikaw ang pinakamalapit na kaibigan ni tyron siguro kailangan mo tong malaman"..pagninimula ni tito..

Ako: ano po kailangan kong malaman sakanya??

Uminom muna si tito ng tubig bgo ito magsalita..

Tito: bata plng si tyron ay nakikitaan namin siya ng potensyal sa ibat ibang sport....kahit ano palaro mo sakanya ay nagagawa nya to ng maayos...hindi lng maayos..kahanga hanga nya to nagagawa..mapa volleyball,tennis o basketball yan name it kaya nya yan. Kaya kumuha kmi ng trainors of each sport, isa na nga dun si ninong nya at coach nyo din. Nagbago ang lahat ng iniwan sya ng kababata nya, tumtong ito ng high school.. Hindi na ito sumasali kahit anong sports,...kapagtinatanong naman namin bat ayaw nya sumali lagi nyang sinasabi ay nahihiya lng daw sya. Di naman namin ito pinilit dahil patuloy padin naman sya nag trtraining..mahabang salaysay ni tito..

Namangha naman ako kay tyron dahil sa kagalingan nya.Patunay na nga dun ang basketball ni wala samin makakita kung pano nya ginagawa ang mga yon...pero bkt kaya sya tumigil?bakit kaya tinatago nya ang kagalingan nya sa paglalaro?yan ang mga katanungan sa isip ko sa oras na yon.

Ako: pero bakit po wala syang binabangit sakin na nagtrtraining sya?halatang iteresado ako malaman...

Natakot na sya...mahinang sabi ni tita angel...

Honey!!maypagkalakas na sabi ni tito na ikinagulat ni tita angel....

Takot?bkt sya takot?anu ba nangyari sa nakaraan nya?gulong gulo na ako ang dami ko pa palang hindi alam kay tyron..

Mayamaya pa ay nagpaalam na si coach samin at uuwi na daw, ako nmn ay nagpaiwan dahil gusto ko talaga batayan si tyron.

Habang kasalukuyan kumakain nila tito....

Tita ok lng po ba if kwentuhan nyo dun sa kababata nya?halata talagang interesado sakanya noh?haha!

Nagkatinginan naman si tita at tito...bumwelo muna si tita bago msgsalita...

Meron kasi  dati kasama si tyron dati pangalan nya ay Tecson hindi mo na nga yan mapaghihiwalay eh gaya ni Tyron isa rin din yan talented sa sports si tecson, lagi kasama nya tuwing training nya parehas mga trainors nila, pero niminsan hindi natalo ni Tyron si Tecson kahit san na laro kaya todo training tlga si Tyron pero kahit anung gawin nya hindi nya matalo tlga si tecson...pero isang araw habang naglalaro sila ay natalo ni tyron si tecson pero sa pagkatalo na yun ni tecson ay bihira nlng sya sumama kay tyron, tapos isang araw may nagsabi nlng samin na umalis na daw sila tecson sa tinitirhan nila, di mo maipinta ang mukha ni tyron noong nalaman nya...pero isang araw paguwi ni tyron sa bahay galing training, duguan ito, madaming galos agad agad nmn namin nagamot yon,naki naman namin na napilay din ang kanang kamay nya.. Tinanong namin kung ano nangyari , sabi nya ay nabangga daw sya ng sasakyan at di sya tinulungan. Mejo tumagal bago nakarecover sa mga sugat nya pati narin sa kanyang kababata si tyron, pero simula nun, hindi na sya sumasali sa mga sports event.

Wala naman ako masabi sa narinig ko, parang di ko pa maabsorb ang lahat, pero atleast nasagot na ang mga iba kong katanungan, pero tyron bkt ka natatakot? Saan?kanino? yan ang isang katanungan na gusto kong malaman.

Pagkatapos namin kumain ay hinitay pa namin si tyron magising pero wala parin, nakatulog na sila tita at tito, hangang ako ay nakatulog nadin hawak hawak ang kanyang kamay.

-----------------------------
Tyron's POV

Maskit...ni kamay ko ay di ko magalaw....sobra akong nanghihina, kaya minulat ko nlng ang aking mga mata, ng maka adjust na ang mga mata ko ay nakita kong natutulog sila mom and dad pero mas kinagulat ko ay andun sa may gilid ko si paul habang hawak hawak ang kamay ko..ang cute nya kapag natutulog grabe!naglalaway!haha!..yun nlng natandaan ko hangang lamunin na uli ako ng kadiliman.

Nang magising ako ay mejo ayos na pakiramdam ko pero nakita kong wala na sila mom and dad kaya ang naabutan kong andun ay si paul, pero grabe ah di pa din nya tinatangal ang kanyang kamay..nu meron? yan tuloy kinilig ako.

"Ahh..ku..kumusta na bes?"ma utal utal nitong sabi sakin.

Imbis na sagutin ko ang tanong nya ay bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw.

Tu...tubig...sabi ko dito, At agad agad naman itong kumuha at pinainom sakin..

Ku..kumusta na bes?pag uulit ng tanong neto...

Ayos nmn! Ako pa?! Si naruto ako no!magiging hokage pako!haha!pagpapatawa ko dito.

Hokage pla ah!sabay kiliti nito sakin...

Hahaha!!!.....paullll!!!!...hahaha!!!!!tama na paulll!!!hahaha!pero laking gulat ko nlng ng bigla itong tumahimik..

Sorry.. sabi neto ng mahina pero tamang tama lng para marinig ko..nakita ko nlng syang umiiyak at biglang yumakap sakin..

"sorry....sorry bes di ko sinasadya....so...sorry di ko tlga sinasadya...so..sorry kasi di ako nakinig sa paliwanag mo..sorry...sorry nadala ako sa galit ko..sorry tyron..hagul gul na parang bata na sabi sakin.

Shhhhhh....tama na...pagpapakalma ko dito.....akong may gusto non kaya wag mo sisihin sarili mo...dahil ako wala akong sinisisi sa nangyari..

Tumigil naman ito sa kakahagulgol nya at sabay sabing...salamat bes!!!nang mahimasmasan sya ay nagsalita na si loko.... 

Paul: ou nga pla galing mo pla magbasketball di mo man sinabi!tamputapuhan na sinabi neto.

Sa pagkasabi ni paul nun ay gusto ko mawala ng parang bula nun dahil ayoko ko talaga pinaguusapan ang mga yon, kaya sinakyan ko nlng sya..

"Ako pa!"sorry po nahihiya kasi ako ehh.. Sabi ko dito at ngiting pa cute.

Di nagtagal ay nakaalis nadin sa hospital pero grabe ah yung mga araw na yun hindi pumasok si paul talagang binantayan lng talaga ako.

Hangang sa nakauwi ng kami ng bahay, naging normal ulit ang lahat..

Summer 2012 niyaya ako ni paul mag sports training...hindi naman ako makatangi sa loko dahil buong month ng feb at march ay kinukulit ako neto...

Mejo naiinis ako kasi ayaw ko talaga sumasali sa mga ganito..

Cute talaga ng Baby ko. Sabi ko naman, Baby ka jan.?

Oo, Baby naman talaga kita eh, Baby brother, ang sabi ni Paul, di ko alam pero na lungkot ako ng sobra dahil ganun baby Brother lang.? Gusto kong sumigaw!

Bakit Baby brother lang, kala ko sweet pa naman ang tawagan namin. Baby...kinimkim ko na lang ang nararamdaman kong sama ng looob dahil gusto ko magenjoy si Paul sa Training..

Nagenjoy naman ang loko kakabasketball..ako?nanunuod lng sinabi ko nlng masama pakiramdam ko. Walang sawa kakalaro si paul, hangang sa mapagod at nagyaya na kumain,  Habang papunta kami sa room na sinabi ng mga coach, may nasalubong kming 3 babae at obvious na nagpapacute kay Paul, eto namang
Mokong na ito, tuwang tuwa sa paghangang binibigay ng mga babaeng un, infairness magaganda ang babae at makapal din ang mukha dahil hindi na nahiyang lumapit kay Paul at sinabing, Pede makipagkilala?, sabay ngiti at pacute!!!!sa isip isip ko.. Lalandi nyo!.. Eto nman c gago ngpakilala.. at nakipagkamay pa!

Medyo dumistansya ako ng konti at nakita ko na sumisenyas si Paul, pero di ko matukoy kung anu ang sinasabi nya.. Sa pagkairita ko at siguro dahil sa Selos na rin.. Iniwan ko ang Mokong na yun at diresto tinungo ko ang room namin.. Mga ilang minuto sumunod na rin sya, kinuha ang pinggan ko at dinagdagan ng 3 klaseng ulam at maraming kanin, na para bang wala ng bukas para kumain. Sabi ko, “bakit mo nilagyan ng sangkatutak na pagkain yang pinggan ko”, sabi
nya, “eh gutom ako eh”, nakakapagod pala maglaro.. Sabi ko naman, “eh bakit di ka kumuha ng sarili mong pingang, kumakain ang tao inistorbo mo!”

Napatingin sa akin si paul at sinabing ng pabulong, “galit ba ang mahal kong Baby sa akin.?”

Tinaasan ko lang sya ng kilay at kumain na rin.. Kwento sya ng kwento about sa babae na nakilala nya. Ang ganda daw talaga, binigyan pa ng landline number ng Bruhang yun si paul. Ito naman si Mokong kala mo manhid, di na nga ako nakikinig kunwari tuloy parin ang kwento. Maya maya di ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko..

Hindi naman yon napansin ni paul kaya kunwari napuwing ako..

Kumain ako ng mangang hilaw na sobrang maasim at may bagoong pa na maanghang na manamis namiss, kasi yun ang favorite ko.. Aalukin ko sana si paul pero di ko sya natagpuan sa pwesto namin, tinanong ko ang mga kasama namin kung nakita nila si paul sabi nila baka nandun sa court at naglalaro nanaman.. sa isip isip ko, excited talaga ang loko sa Court na yun... dali dali kong inubos ang mangang hilaw na maasim na maasim at sinimot ang bagoong na maanghang na manamis namis.. Tumungo ako sa court at hinahanap ko si paull, una di ko Makita. Patuloy ako ng paghahanap, hangang sa makarating ako sa isang court na konti lang ang tao dahil nasa tagong lugar ito, nagbakasali akong nandun si paul pero alam kong mposible na pumunta sya dun dahil ayaw nya dun dahil boring daw sabi nya nung nilibot ko sya sa court. Pero check ko parin.. iilan nga lng ang tao less than 10 person siguro, unang tingin ko di ko sya nakita, pero nung nilibot ko ang mata ko naghina ako sa nakita ko, nandun sya sa pinakasulok ng court at kasama ang babaeng nagpakilala sa kanya, wari mo tinutulungan maglaro ang malditang babae na yun!

Sa isip isip ko ang taeng mga un may ganun moves pang nalalaman, di pala marunong maglaro.. Bigla napatingin sa direksyon ko si Paul at tinawag ako, Tyron halika pakikilala kita sa Girlfriend ko. Para akong binuhusan ng kumukulong tubig, nag init ang tenga ko sa narinig, Girlfriend. Sa isip isip ko mga taksil ilang minute lang kayo nagkakilala GF na? Tae itong babae na to. Pahada cguro, Galit na galit ako parang umuusok ang tenga ko sa galit.

Nagbingi bingihan ako kunwari di ko sya narinig kung kayat patakbo akong lumayo, at dumiretso sa banyo... Binuksan ko ang shower at dun ako nag iiyak. Sabi q sa sarli ko, mga hayup kayo sana di na ko sumama sa training na to, instead na mgenjoy ako, sinaktan mo ko, gusto kitang maging happy. Tapos yan kapalit.. Iyak talaga ako ng iyak.. Hala, ilang minuto na ang lumipas di man lng sumunod ang Gagong yun, kayat napagpasyahan kong silipin ulit ang kinalalagyan nilang court, mas lalo akong nasaktan ng nakita ko si paul na hinalikan ang Babae, sabi ko sa sarili ko,gusto ko ng magwala. Bakit ako magwawala, eh di naman kami.. Sinisi ko si paul sa isip isip ko, walanghiya Ka, pa Baby Baby ka pa jan, un pla makakita ka lng ng babae tsk.

So dahil sa wala akong magawa kundi umiyak na lng, tumungo ako ulit sa CR na unang pinuntahan ko at dun humagulgol.. Kasabay ng pagluha ko ang shower na bumubuhos sa gripo.. Di ko pansin na meron palang nakakarinig ng pagiyak ko. At bigla nagsalita, sige iiyak mo lang yan..

Dahil siguro sa galit ko kaya napa ulol ako.. pero sadyang makulit ang lalaking ito, ayan sige ilabas mo ang galit mo, alam ko galit ka kaya mo nasasabi yun.. Tapos sabi ko sa kanya, ano bang alam mo sa nararamdaman ko, bruho ka.. Napatitig ako sa kanya, dun ko lng napansin na si James pla! Gwapo pala ng loko.. Medyo mataas ng konti sa akin at , kilay pa lng nakakainlove na.. Kaya gumaan ang pakiramdam ko..


Itutuloy...

Monday, July 22, 2013

Wrong Belief (Chapter 2)

Sorry po at nagkamali ang pinost ko na chapter 2 di sinasadya magkamali ng pinindot haha!

Eto na po chapter 2 Enjoy!

By: Mark Magat

----------------------
Chapter 2

Sunday, dali dali akong tumungo sa banyo para maligo at pasyalan ang bago naming kapit bahay, gulat ako dahil nakuha ko pang magpagwapo..Haha!..Nakita ko c paul na bagong gising lang...

Hoy pumasok langaw jan!!!

Ngumiti sya at sinabing, ikaw rin pla maaga nagigising, bagay talaga tayo, hala para nanaman akong hihimatayin, Bagay.? Anu nanaman ba ang ibig sabihin ng mokong na ito.

Lumipas ang ilang araw, masaya kaming naglalaro ni Paul, sa school din namin sya lumipat, mahilig pala si mokong magbasketball kaya nung nagtry out sya ng varsity ay nakuha sya agad. Ako? More on Glee club kinuha ko dahil tago lng ako naglalaro, kahit si paul hindi alam na nagbabasketball ako..

Tuwing walang pasok, tambay ako sa kanila.. Ang saya nga bawat araw namin, di mo na kmi mapaghihiwalay, kumbaga kung nasaaan ung isa adoon ang isa nagpapaalam, anjan din yung kapag training nila inaantay ko sya para sabay kmi umuwi at nanood sakanila gusto man nila ako paglaruin pero sabi ko nlng d aq marunong, ganun din sya sakin kapag may practice ako sa glee. Araw araw yun kung kayat nasanay ako na palaging nandyan c Paul.


Isang araw nung Friday, Palabas na ako ng school..

Beep beep!may nag text!

Paul: Bes di kita masusundo ngayon sorry ah may training kmi alam mo na bukas championship nuod ka ah??

Mejo nalungkot nmn ako dahil di nya ko masusundo kaya nireplayan ko nlng..

Ako: ok cge , ingat nlng training ;) ok po.

Paul: promise???di ako maglalaro kung di ka pumunta...

Ako: opo punta ako anu oras ba yan??

Paul: 8am PO maka po ka ah ocge na mag start na kmi basta bukas ah ingat sa pag uwi..

Ako: haha!bakit ba!ocge ingat ;)

Pero magandang oportunity to para makapag training na din ako dahil nga minsan nlng ako mkapagtraining gawa ng lagi ko sya nakakasama..

Kinabukasan 8:10am na.mejo masama pakiramdam ko nilalagnat ata ako..pagtingin ko phone ko 25 miss calls!lahat kay paul nakalimutan ko nga pla may laban sya, e kasi naman napagod ako training ko kagabi d pa ko nakapag alarm!so nagmadali akong pumunta sa school kahit nilalagnat dun kasi gaganapin ang laban nila so mga 8:45 andun na ako..laking gulat ko na tambak school namin 23-71  ang score at tatlo lng ang naglalaro sa school namin.patapos na ng 3rd quarter.agad ko naman nakita si Paul di naglalaro!patay tinutuo nya nga sinabi nya. sabi ko sa isip ko..

Agad ko nmn pinuntahan ng makita ako ay galit na galit ang mukha nya...

Bat ngayon ka lng?!bungad nya sakin halatang galit..

Ahh..eh..kasi.. Pero di pa tapos sasabihin ko at kinat nya na..

You know what wAg ka na magpaliwanag kahit pumasok pa ako jn talo padin kmi!tignan mo tapos na 3rd quarter!tas apat lng kmi maglalaro!!!sigaw nito sakin.. Halatang galit na galit si paul 1st time ko lng sya makita  magalit ng ganito..

Ah...ehhhh...sorry paul...mahina kong sabi..

Ano pa magagawa ng sorry mo ha?!talo na nga kmi!wala kang kwentang tao!

Nagulat man sa sinabi nya naluhaluha kong sinabi ng pabulong..sorry di ko nmn sinasadya..
Nagulat din sya sa mga sinabi nya akmang may sasabihin sya ahy bigla syang tinawag ng coach nya upang pumasok na sya sa 4th quarter..

Tumabi ako sa coach nya habng pinapanuod laban at pinipigilan umiyak ng biglang nagsalita coach nila..

Coach: tyron alm ko mahahabol pa natin sila kapag pumasok ka ngaun..

Ako: bkt po ba apat lng sila ninong? asan yung iba?pagiwas ko sa sinabi nya.

Coach: na food poison ayun nasa hospital ung anim..

Wala na kong sinabi pa at nanuod nlng..oo tama iniisip nyo coach nila ang trainor ko si ninong tony kaya alam ng coach nila paul na nagbabasketball ako..

Coach: Please tyron alm ko ayaw mo sumasali sa mga ganito pero please..mangiyak na pakiusap ni ninong ko..

Napaisip naman ako...kakayanin ko nga ba?kahit nilalagnat ako?kakayanin ko to para kay ninong...

Prrrrrrt. Pito ng referee at yon na nga pinasok ako..nagulat man ang bat ako pinasok kahit si paul ay gulat na gulat pero d ko pa rin sya pinapansin...

Ng magstart ang game ule ay bigla pinasa sakin ni james ang bola(isa sa varsity ng school namin)..pero di ko yun nakuha at na steal ng kalaban at nka score..

Coach bat nyo ba pinasok to?eh di naman marunong maglaro yan ehh!sigaw ni jasper (isa pang varsity ng school namin)..di naman ito sinagot ni ninong at tumango nlng sakin at naintindihan ko naman yon..

Nasakin na ang bola ngaun at dinepensahan ako ng dalawang tao pero walang hirap na nakaalis ako at naka 3points agad ako..nagulat man ang lahat dahil di nila nakita ang kilos ko...nasa kalaban ngaun ang bola pero wla pang ilangsegundo ay nakuha ko na at nakapg 3 ulit ako.. Gulat na gulat ang lahat dahil wla niisa makaalam anu nangyari sa sobrang bilis ko.. Hangang nararamdaman ko na ang panghihina dahil may lagnat ako..87-87 na ang score 10 sec nlng halatang pagod ang kalaban at ang mga kakampi ko ay hindi dahil ako halos lahat ang nagshoot..sakanila ang bola...ng na steal ko ang bola ahy naramdan kong babagsak nko 5....4... Pinasa ko kay paul ang bola 3.......2.... Shinoot nya 1....... Sabay ng pag pasok ng bola sa ring ay sabay ng pagbagsak ko..

-----------------------
Paul POV

Nakakainis!!inis na inis ako kay tyron!!nagpromise sya ehhh!!!laban namin ngaung araw...

Kung minamalas ka nga nmn anim sa ka team ko ay na food poison asa hospital so apat nlng kmi, di ako naglaro dahil inaantay ko si tyron..dahil skanya ko inaalay sakanya to..hehe sya inspiration ko :") , pero nakailang tawag nako pero wlang sumasagot..2nd quarter na wla pa at tambak na kmi...inis nadin team ko dahil 3 lng sila naglalaro....tapos na ang 2nd at wala pa nainis na ko ng sobra sakanya mga bandang 3rd quarter ahy dumating sya....nakita ko sya parang may mali sa kilos nya ngaun pero binaliwala ko lng yon dahil sobrang nainis ako sakanya..

Ako:Bat ngayon ka lng?!bungad ko sakanya nagtitimpi nlng ako..

Tyron:Ahh..eh..kasi.. Pero di ko pinatapos sasabihin nya at sabay sabing...

You know what wAg ka na magpaliwanag kahit pumasok pa ako jn talo padin kmi!tignan mo tapos na 3rd quarter!tas apat lng kmi maglalaro!!! Inis na inis kong pagpspsliwanag sakanya..

Ah...ehhhh...sorry paul...nyang tugon

Ano pa magagawa ng sorry mo ha?!talo na nga kmi!wala kang kwentang tao!

Nabigla ako sa sinabi ko..sumobra na ako..di ko sinasadya..nakita ko nlng na naluluha si tyron..akmang mag sosorry ako ay biglang tinawag na ako ng coach namin dahil mag start na ang 4th quarter..

Habang naglalaro ay di ako mapakali dahil sa nasabi ko kay Tyron...ang laki kong tanga!tinignan ko sya at kitang kita sa mata nya na pinipigilan nya umiyak.Hindi nako mapakali gusto ko na humingi ng sorry..Pero nagtaka ako dahil parang may pinaguusapan sila ni coach at parang nag papaiyak din si coach, bigla naman umalis si tyron sa kinauupuan nya na kinakaba ko dahil baka uuwi na sya, di ako mapakakali gusto ko na sya habulin akmang hahabulin ko na sya ahy bigla sumunod si coach sakanya...

Nakalipas dalawang minuto ay laking gulat ko ng naka jersey si tyron pang basketball mas kinagulat ko dahil pinasok sya ni coach so ang nangyare 5 na kmi di man nya ako pinapansin kahit asa court na..alam ko di marunong maglaro si tyron alam namin lahat yun dahil nakilaro sya samin minsan drible nga d nya alam eh kaya di namin alm kung bakit pinasok sya ni coach..

So ayun na nga nagstart na uli ang game pero ng pinasa ni jasper ang bola sakanya ang naagawan lng sya ang nakapuntos ang kalaban..

James:coach bat nyo ba pinasok to? Eh di namsn marunong yan eh!sigaw nito sa coach namin..

Pero parang walang narinig ang coach namin, pero laking gulat namin ng asa kanya ang bola ay maayos nya to na dridrible ng may nagharang sakanyang dalawa ahy nagulat nlng kmi ng naglagpasan nya to at nakapag 3 sya..kahit ako nganga di ko alam ang nangyari sobrang bilis nya..habang asa state of shock pako ahy nasa kalaban ang bola ahy bigla nlng nakuha ulit ni tyron at nkapag 3 uli ..sobrang bilis halos di namin makita kung pano nya ginagawa yuon..nasunod sunod ang pag shoot nya at nag tie na ang score ahy nakita ko sakanya ang panghihina di ko sya masisisi dahil halos lahat ay sya nagpuntos.

10seconds nlng ng nakuha ni tyron ang bola at naipasa nya sakin ang bola at shinoot ko to..na shoot ko nga at sigawan ang mga tao sa buong arena dahil nanalo kmi nag si yakapan kmi ng team dahil nanalo kmi, pero may isang tao akong di mahanap , ang dahilan ng pagkapanalo namin si tyron!

Tyronnnnn!!!!sigaw ko dahil nakita namin na nawalan ng malay si tyron, agad ko naman itong nilapitan at binuhat laking gulat ko habang binubuhat ahy sobrang init neto.nilalagnat sya! Kaya pala nalate sya kaya pla !!!maiyak iyak kong sinabi sa isip ko..di ko man sya hinayaan magpaliwanag ang tanga ko!!Ang laki kong tanga!!Mangiyak iyak kong pinunta sa clinic si tyron..sorry sorry sorry sorry ulit ulit kong sinasabi sakanya......

Pinalabas muna ako ng nurse dahil sila na daw bahala saktong paglabas ko ay adun ang team pati narin si coach, kahit na nanalo kami ahy kita mo sa mukha namin ang pagkatalo dahil sa nangyari kay tyron....

Coach: kumusta si tyron?

Ako: tinitignan plng po coach si tyron tugon ko, mejo naluluha na ko sa mga pangyayari masyadong mabilis..

Kung di kay tyron talo tayo mejo malungkot na sinabi ni james..

Sinang ayon naman ng lahat......

Laking gulat namin ng bigla lumabas ang mga nurse daladala si tyron...

Ako: ate san nyo po dadalhin si tyron ??

Nurse: sa hospital kailangan nyang madala agad!


Itutuloy...


Wrong Belief (Chapter 1)

Pinaka una po sa lahat thank you po kay kuya mike dahil pinayagan nya ako mag post dito sa blog nya, osige po kuya sabihin ko kay bunso haha! Thank you po talaga :)

Pangalawa po sana po magustuhan nyo mejo bago lng po ako sa ganito sana magustuhan nyo po..

Facebook :https://m.facebook.com/#!/alex.magat.395?__user=100004342873702
By: Mark Magat

--------------------------------------
Chapter 1

Ako si Tyron Sebastian, lumaki ako ng kasama ko ang akin pinakamamahal na magulang na si Angel Hipolito Galang at si Welcy Cruz Sebastian , 2nd year high school na ko, at nag aaral sa pinaka pribadong at sikat na paaralan dito sa manila.Kahit ganon meron parin akong mga private teachers for my academics and private trainor for my sports and musics, gusto kasi ng magulang ko push to my limit kumbaga lagi daw dapat number 1.....

Taong 2012, 14 taong gulang ako mga 5 ng hapon yon , Pauwi na ko galing school, kasi that time mejo gabi na kmi pinapalabas, habang binabaybay ko ang daan patungo sa bahay namin ay may nakita akong malaking truck sa tabi namin.. siguro mga bagong lipat to sa village sabi ko nlng sa isip ko.

Ng nakapasok nako sa bahay ay dali dali ako nagbihis para makusisa, excited ako kasi may bago nanaman akong makakalaro dito sa village.Bagong makikilala. Dali dali akong lumabas ng bahay para makausisa... Pag labas ko ay nakita ko si mommy at daddy may kausap na babae na nasa edad na sigurong mga 40+, nang makita ako ni daddy
Dali dali akong tinawag at pinakilala saakin ang aming bagong kapitbahay. Eto si Tyron ang bunsong anak ko, Tyron sila ang mga bago nating kapit bahay, siya si Tita Pinky mo sabi ni daddy bilang pagpapakilala sa babaeng kausap nila. Ngumiti ako ng pakasigla di naman sa pagmamayabang madami din nagsasabi na gwapo ako dahil sa pagka blue ng mata ko,mejo build ang katawan ko gawa ng training ko sa ibat ibamg sports, maputi, mahaba ang pilik mata at kapag ngumingiti lumalabas ang aking dimples na lalong nagpacute sakin haha!

Ang sabi ko.."Hi tita pinky". Welcome po sana po maging comportable kayo  sa bago nyong bahay sabay ngiti na nagpapacute.

Sumagot si tita pinky, ang gwapo gwapo naman ng anak nyo..di pala malulungkot bunso ko dahil meron na syang makakalaro, anung year ka na ba Tyron at ilang taong ka na?ang tanong no tita pinky.Ah tita 14 years old na po ako 2nd year high school po. Asan po anak nyo at ilan taon na sya?ang sagot ko naman. Ah mas matanda bunso ko ng isang taon at nasa 3rd year na sya, andun sya at tumutulong sa pag hahakot ng gamit. Ang sabi ni tita. Dali dali naman akong mag paalam at pinuntahan ang anak ni tita pinky para makapagpakilala. Pagdating ko sa loob ng bahay nila nakita ko ang isang bata na naka sandal habang nakapikit ang mata, wala syang pataas na damit at naka basketball shorts lng... Di ko alam kung bata maituturing dito pero dahil sa nakita kong katawan ay mapapansin mong batak sa trabaho mas maganda katawan nya kesa sakin.

Dahil natulala ako sa nakita ko.. Nakaramdam siguro ang batang lalaki na merong tao sa paligid, kung kayat dumilat sya.. Sabay tanong ko. Sino ka?Ako nga pla si Paul bagong lipat kmi d2, nakakapagod nga eh, kasi ang bibigat ng mga gamit ni Mommy. Ako nga pla si Tyron kapit bahay nyo sabay ngiti ulit na pacute haha!


Nagkwentuhan kami ng kung anu ano.. Habang nagkwekwento sya napatitig ako sa mukha nya.. Napangiti ako dahil nagugustuhan ko ang nakikita ko. Maamo ang mukha nya, mukang mabait. Moreno sya, tulad ko meron rin syang diples sa magkabilang pisngi na ngpacute lalo sa kanya. Bigla nagsalita c Paul. Mukhang mageenjoy kami dito sa bagong bahay namin dahil meron akong bagong bes at kakampi sa lahat ng bagay at higit sa lahat kasing cute ko pa.

Nagkatawanan kmi ni Paul, pero di nya alam kinakabahan ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Sumisirit sa isip ko ang katagang binitawan nya..Bes at kakami sa lahat ng bagay...Anu ang ibig nyang sabihin. Di nagtagal, tumulong na rin ako sa paaayos ng gamit nila. Nung medyo maayos na lahat, nagpaalam na ako kina Paul at tita pinky, habang pababa ako ng hagdan nasalubong ko ang isang lalaki medyo binata na at napansin ko na medyo may hawig kay Paul. Tinanong ko sya kapatid mo ba c paul.?

Sumagot naman sya. Oo, ako c Patrick kuya ni Paul.


Sumagot naman ako, Tyron po ang name ko, kapit bahay nyo po, sabay paalam ko na dahil gabi na..

Habang papunta na ko sa house namin sabi ko Gwapo c Patrick at mas makisig siguro nasa 20 na sya nung time na yun pero Cute at mas type ko c Paul. Nung gabing yun mukang napupuyat ako ng kakaisip dahil parating umuulit sa isip ko ang sinabi ni Paul, meron na akong bagong bes, at kakampi sa lahat ng bagay. Kinikilig ako na di ko mawari kung bakit, parang naeexcite ako makasama ulit c Paul, gusto ko ng hilahin ang oras para makasama sya ulit, tutal sabado naman bukas.. Hangang sa makatulugan ko na ang pagiimagine ng kung anu ano tungkol kay Paul.


Itutuloy...

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails