By Michael Juha
Chap 1: Si “Adrian”
“MV
Adrian”. Iyan ang pangalan ng ferry boat na aking sinakyan.
Maaliwalas
naman ang panahon noong hapong umalis ng pier ang barko patungo sa lugar na
aking pakay. Subalit noong 5:30 na ng hapon, doon na kami nagkagulo. Nasa gitna
kami ng laot at hinahampas ng malalakas na alon at hangin ang barko. Malakas
ang kabog ng aking dibdib, matinding takot ang naramdaman na ano mang oras ay
baka lumubog ang barkong sanasakyan namin.
At
hindi nga nagtagal ay unti-unti itong tumagilid. Sigawan ang mga tao. Ang iba
ay nag-iyakan, nagdasal habang ang iba ay hindi mapigilang magsi-sukahan sa
tindi ng pagkahilo.
Maya-maya
pa, narinig namin mula sa speaker ang isang boses na halatang kabado. “I-ito po
ang inyong kapitan! Ikinalulungkot kong sabihin na nagkaroon ng butas ang ating
barko at nakapasok mula dito ang maraming tubig. Maari po lamang na manatili
tayong kalmante at magsuot ng life vests.”
Dinukot
ko kaagad ang life jacket sa ilalim ng aking tihiras at at dali-daling isinuot.
Tuluyan
nang nagdeklara ang kapitan ng “abandon-ship”. Dali-dali kong tinumbok ang
labasan. Nasa loob ng aircon cabin kasi ako. Dahil nakatagilid na ang barko,
dagdagan pa sa walang humpay na paghampas ng malalakas na alon dito, mistulang
isang obstacle game ang aking pagpunyaging makalabas.
Nakakapanghilakbot
at mistulang piniga ang aking puso sa mga eksenang aking nasaksihan.
May
isang matandang lalaking pasaherong nadaanan ko. Hinikayat siya ng kanyang apo
na tumalon na upang mailigtas ang kanyang buhay. Ngunit gustong magpaiwan ng
matanda gawa nang pagod na raw siya at hindi marunong lumangoy, kaya wala na
raw silbe kung tatalaon pa siya at mamamatay din.
May
nadaanan din akong isang ama na bagamat hindi marunong lumangoy, ibinigay sa
kanya ang nag-iisang life jacket ng kanyang anak. Bakas ang pagmamahal,
hawak-kamay silang tumalon sa dagat.
Marami
ring sumisigaw na pasahero, naghahanap sa kanilang mga nahiwalay na pamilya. Sa
kanilang mga sgaw ay ramdam na ramdam ko ang kanilang matinding takot takot, na
animoy iyon na ang kanilang huling araw..
Tinumbok
ko ang isang gilid ng barko upang tumalon na. Ngunit noong nilingon ko ang
isang parte ng barko, nakita ko ang isang matandang babaeng naipit sa dumausdos
at dumulas na mga bagahe. Nasa ilalim siya ng tihiras, nakausli ang ulo at sumisigaw
ng saklolo. Nagmamakaawa.
Dali-dali
kong tinumbok ang kinaroroonan niya at tinulungan siyang makalabas. “Salamat
hijo… Maraming salamat,” ang sambit niya noong natanggal ko na ang mga harang
at nailabas ko na siya..
“May
kasama po ba kayo?” tanong ko.
“Ang
anak ko, hindi ko alam kung nasaan siya…”
“Huwag
na lang po muna natin siyang hanapin. Baka nakasakay na siya sa isa sa mga life
boats. Kailangan pong mabilis tayong makalikas sa barko na ito upang hindi tayo
mahila patungo sa ilalaim ng tubig kapag tuluyan na itong lumubog.” ang
paliwanang ko upang hindi na niyang hanapin pa ang kanyang anak at makalabas na
kami. “Marunong po ba kayong lumangoy?” tanong ko.
“H-hindi…”
“Okay,
gamitin mo itong aking life jacket…” Hinubad ko ang life jacket at isinukbit sa
katawan niya.
“Paano
ka hijo… wala ka nang life jacket!” ang sambit niyang bakas sa kanyang mukha
ang matinding pangamba at pag-alala sa akin.
“Huwag
po kayong mag-alala. Isa po akong swimmer!” ang sagot ko naman.
Inalalayan
ko pa siya upang sabay na sana kaming tumalon noong nakita ko naman na may mga
nagbaba ng isang life boat na puno ng mga tao. “Pasakayin ninyo ang mommy ko
please!!! Kahit siya na lang po!” ang pagmamakaawa ko. Punong-puno na rin kasi ang
life boat.
Nakasakay
ang matandang babae. “Mag-ingat po kayo!” ang sabi ko sa kanya bago ibinaba ang
life boat.
Sinuklian
lang niya ako ng isang pilit na ngiti, bakas sa kanyang mukha ang matinding
pag-alala.
Iyon
ang una at huli kong natandaan sa kanya.
Dali-dali
akong tumungo sa kabilang bahagi ng barko, nagbakasakaling may iba pang taong
naipit o na-trap na puwede ko ring matulungan.
Wala.
At dahil malapit na malapit nang lumubog ang kabuuan ng barko, deretso na akong
tumalon sa dagat.
Sobrang
lamig ng tubig; sobrang lakas ng hampas ng hangin at napakalaki ng mga alon na
halos lalamunin ang lahat ng dinadaanan nila. Ngunit ang nasa isip ko sa
sandaling iyon ay ang mailigtas ang sariling buhay.
Noong
nakakita ako ng isang nakalutang na kasing-lapad ng pinto na kahoy, sinunggaban
ko ito at ginawang balsa.
May
nadinig akong mga nakakaawang sigaw ng saklolo; sigaw na hindi ko matukoy kung
saan nanggaling at kung saan ay unti-unti ding natahimik, nilamon ng
nanggagalaiting unos at ga-higanteng alon.
Kumapit
ako sa balsa at isinagwan ang aking mga paa palayo sa papalubog na barko noong
biglang may bumagsak sa sa aking tagiliran. Nanggaling siya sa itaas ng barko:
isang lalaking nakasuot ng life jacket. Nagtaka ako dahil bagamat nakalutang
hindi siya gumalaw at ang mukha ay nakasubsob sa tubig. Hinablot ko ang buhok
niya upang iangat ang kanyang mukha. Nakita ko ang preskong dugo na
kasalukuyang dumadaloy mula sa sugat sa kanyang noo.
Agad
ko siyang hinila at pinilit na isinakay sa balsa. Nahirapan ako ngunit sa
sobrang pagnanais na matulungan siya, nagawa kong ipapatong ng katawan niya sa
ibabaw nito. Noong naipuwesto ko na ang katawan niya, saka ko itinulak ang
balsa nang mabilisan papalayo sa barkong tanging ang nguso na lamang ang
nakausli sa tubig.
Tamang-tamang
nasa isang safe distance na ako atsaka nawala na sa paningnin ko ang barko.
Tuluyan na itong lumubog at nilulon ng dagat.
Hindi
ako halos makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Wala pang isang oras at
parang bula na naglaho ang lahat. Matinding awa ang naramdaman ko sa mga taong
kasamang lumubog sa barko at sa mga taong hindi pinalad na mabuhay.
Nabaling
ang atensyon ko sa lalaking aking nasagip. Wala pa rin siyang malay at patuloy
pa ang pag-agos ng dugo sa kanyang noo. Agad kong tinanggal ang aking t-shirt
at pinilas ko ito. Nilagyan ko ng bendahe ang parte ng kanyang noong nasugatan.
Ang naiwang pilas naman ay itinali ko sa aking katawan at sa balsa upang hindi
ako mahiwalay dito.
Ilang
oras kaming nagpalutang-lutang, nanatili akong nakahawak sa balsa,nakababad ang
buong katawan sa tubig habang nakahiga naman sa ibabaw nito ang lalaking aking
nasagip.
Hanggang
sa tuluyang dumilim ang paligid at naramdaman kong unti-unting humina ang unos,
kasabay din ng pagliit at paghina ng hampas ng mga alon sa aming balsa.
Tila
walang katapusan ang aking paghihintay na sana ay may makakakita at
makapagligtas sa amin. Naghalo ang aking naramdaman sa sandaling iyon.
Matinding takot at pangamba, kalungkutan at walang kasiguraduhan. Halos lahat
na ng santo ang aking tinawag upang magiyahan kami, Walang humpay ang aking
panalangin na sana ay may barkong dadaan sa aming kinaroroonan at madampot
kami. Ang isang oras na paghihintay ay mistulang ilang taon at ang aking
katawan ay tila gigive-up na sa sobrang pagod. Ni hindi ko alintana ang init na
nagdulot ng sunburn sa aking balat. At ang isa ko ring kinatatakutan ay ang mga
ng pating. Di ko maiwasang mag-isip kung gaano kasakit kung ako sakaling ako ay
kanilang malalapa.
Hindi
ko alam kung gaano katagal akong naidlip dahil sa sobrang pagod. Nagising na
lang ako noong tumama ang sinag ng araw sa aking mukha. Disoriented, mahapdi
ang katawan dahil sa mga pasa at sugat..
“N-nasaan
ako…?” ang mahinang tanong na narinig ko. Itinukod ang kanyang mga kamay sa
hinigaang balsa at akmang tatayo.
“Huwag
kang tumayo!” ang sigaw ko. “Malaglag ka!”
At
bumalik siya sa pagkahiga, inikot ang mga mata sa paligid. “Anong nangyari?
Bakit nandito ako?”
“N-nalunod
ang barkong sinakyan natin.” Sagot ko.
“N-nalunod???”
ang tanogn niya, bakas sa mukha ang matinding pagkalito. “B-bakit?”
“May
unos at hindi nakayanan ng ferry boat ang lakas ng hangin at laki ng mga alon.”
“G-ganoon
ba???”
Tatanungin
ko pa sana siya kung ano ang pangalan niya noong, “May isla tol! May isla!” ang
sigaw ko sabay sagwan ng aking mga paa patungo sa kinaroroonan ng isla.
May
isang oras din ang tinagal bago namin narating ang isla. Halos mawalan ako ng
ulirat noong nasa buhanginang dalampasigan na kami. Akay-akay ang lalaking
nasagip. Ibinagsak namin pareho ang aming mga katawan sa ilalim ng lilim ng
isang malaking puno ng talisay. “Sa wakas, ligtas na tayo!” ang Masaya kong
sambit. “Sana ay may maka-rescue sa atin dito!”
Tahimik
lang ang lalaking nasagip ko.
“Ok
ka lang?” Ang tanong ko sabay tingin sa bendahe niya. Wala nang dugong dumaloy
pa mula sa sugat niya.
“O-ok
lang naman. S-salamat sa pagsagip sa akin…”
“Walang
anuman tol. Magpahinga ka lang muna. Maghahanap ako ng makain. Nagutom ka ba?”
“Hindi.
Nanghina lang ako.” sagot niya.
“Sa
sugat mo siguro iyan at sa maraming dugong nawala sa iyo. Magpahinga ka lang
muna at maghanap ako ng makakain.” sambit ko. Aalis na sana ako noong bigla
kong naalala, “Ano pala ang pangalan mo?”
Kitang-kita
ko sa kanyang mukha ang pagkalito. Natigilan na parang nahirapan sa simpleng
tanong ko. “Eh…” ang nasambit lang niya.
“Pangalan
mo tol… tinantanong ko.”
“W-wala
akong matandaan eh. H-hindi ko alam!” Sagot niya, bakas pa rin sa mukha ang
matinding pagkalito.
“Wala
kang matandaan? Taga-saan ka? Sino ang mga magulang mo? Saan ka nag-aaral?
Bakit ka sumakay ng barko? Sino ang kasama mo?” ang sunod-sunod kong tanong.
“Wala kang matandaan?”
“Hindi
ko alam. Wala talaga akong matatandaan eh…”
At
doon ko napagtantong marahil ay nagkaroon siya ng amnesia gawa marahil ng
pagkabagok ng ulo niya. “G-ganoon ba?” ang sagot ko na lang. Ar naramdaman ko
ang namuong awa para sa kanya. Hindi ko kasi alam kung paano siya matutulungan.
Narinig ko lang ang mga ganyang kalagayan sa kuwento at pelikula. At hindi ko
rin alam kung may first aid ba na puwedeng mailalapat sa kanaya o kung ano ang
gagawin upang manumbalik ang nawalang alaala.
“A-ano
kaya ang pangalan ko?” ang tanong niya uli.
“E…
malay ko. Ikaw nga hindi alam, ako pa?” ang sagot ko.
Tahimik.
“Sige,
maghanap pmuna ako ng makakaiin natin. At habang wala ako, pilitin mong balikan
sa isip mo ang mga detalyo mo sa buhay,” sambit ko. At tumungo na ako sa looban
ng isla.
Nakahanap
ako ng mga ligaw na prutas. May papaya, saging, at bayabas. Dinala ko ang mga
ito sa lalaking nasagip ko.
“Kain
muna tayo. Mabuti at presko pa ang mga prutas,” sambit ko nang nakabalik na
ako. Pumilas ako ng dalawang saging at iniabot iyon sa kanya. Binalatan niya
iyon at kinain.
"Noong
nasa dagat pa tayo, wala akong naramdamang gutom. Ngayon lang!” grabe ang
karanasan natin!" sambit ko.
“Maraming-salamat
pala sa pagsagip mo sa akin. Noong nawalan ako ng malay-tao at nalaglag pa sa
dagat, siguradong patay na sana ako. Imagine, sabi mo ay bagamat nakalutang ang
aking katawan, ang mukha ko na man ay nakalublob sa dagat? Patay na ako noon
kung di mo ako nakita…” sambit niya.
“Masuwerte
ka. Talagang sinadya siguro na magsama tayo rito upang hindi naman ako
mag-iisa. Imagine, kung ako lang mag-isa, wala akong makakausap…” sagot ko
naman.
“Sabagay…”
ang sagot lang niya.
“O,
naalala mo na ba ang mga detalye tungkol sa iyo?”
“H-hindi
pa nga eh. Wala talaga akong maalaala…”
“Eh,
a-ano kaya kung bigyan na lang kita ng temporary na pangalan tol? Para may
maitawag akong pangalan sa iyo?” ang pagbasag ko sa katahimikan.
“Okay,”
ang sagot nya. “A-ano naman?”
“Adrian!
Iyan kasi ang pangalan ng ferry boat na sinakyan natin. At… cute din naman na
pangalan iyan ‘di ba? Lahat ng taong nakilala kong may ganyang pangalan ay
cute,” ang pagbibiro ko pa.
Napangiti
siya ng hilaw. “B-binibiro mo naman ako eh.”
“Totoo
tol. Lahat ng Adrian na kilala ko ay mga cute.”
“S-sige
na nga. Iyan na lang. Cute din nga naman siyang pangalan…” sagot niya.
“At
cute ka rin naman! Kaya, dapat lang na angkinin mo ang pangalan na iyan,” dugtong
ko uling biro.
Lalo
naman siyang napangiti. At tumawa pa. Doon ko napagmasdang maigi ang hitsura
niya. Sa tantiya ko ay magkasing-edad lang kami o kung hindi man ay mas matanda
siya sa akin ng isa o dalawang taon. Makinis ang kanyang mukha, matangos ang
ilong, may dimples, medyo singkit ang mga matang tila nangungusap at ang mga
kilay na makakapal ay mistulang isang obra na ipininta ng isang magaling na
pintor sa kanyang mukha. At ang kanyang ngiti… pamatay, dagdagan pa sa mapuputi
at pantay na mga ngipin. At hindi ko maipagkailang humanga ako sa ganda ng
kanyang hitsura.
Hindi
ko namalayang napatitig na pala ako sa kanya, kinapa niya ang kanyang mukha. Hinaplos
niya ang kanyang mukha at ulo. Nakapa niya ang bendahe rito. “M-may sugat pala
ako…” sambit niya. “Kaya pala tinitigan mo ang mukha ko…”
“Ahh…
O-oo. Pero okay na iyan. Huwag mo lang munang galawin,” sambit ko. “Sandali,
patuyuin pala muna natin ang mga damit natin tol,” sabay tanggal ko sa aking
jeans. Brief ko na lang ang aking itinira. Ginawa ko kasing bendahe sa ulo ni
“Adrian” ang aking t-shirt at ang ibang pilas ay ginawa kong pantali sa aking
braso sa balsa. “Ikaw? Ayaw mo bang tanggalin din ang damit mo?” ang tanong ko.
Agad
din siyang tumayo, bagamat dahan-dahan. Hinubad niya ang kanyang t-shirt at
pagkatapos, ang jeans. At noong tumambad sa aking panigngin ang kanyang katawan
ay napahanga rin ako sa ganda nito. Kagaya ng kanyang mukha, makinis ito at
“flawless”. Matipuno ang kanyang dibdib, may abs sa kanyang tiyan, at may
pinong mga balahibong guhit galing sa kanyang pusod patungo sa ilalim ng umbok
ng kanyang puting brief.
Inabot
niya sa akin ang kanyang jeans at t-shirt. Dali-dali ko itong isinampay sa
ibabaw ng malalaking bato.
---------------------------------------
Chap 2: Batas Ng Mommy
Ako
nga pala si Joel; 19 years old at
graduating sa kursong Liberal Arts. Athletic, black belter ng Aikido, at
national champion sa freestyle category ng swimming. Simple lang ang gusto ko
sa buhay – ang tubig. At ang dagat ay para ko na ring pangalawang tahanan. Kung
may bahay lang ako na ang bulwagan ay dagat, wala na siguro akong mahihiling
pa.
Kung
pisikal na aspeto ang pagbabasehan, masasabi ng marami na perpekto na ang buhay
ko. Matangkad, sabi nila ay may hitusra, may maipagmamalaking porma at
pangangatawan, at may kaya sa buhay… Ngunit may issue ako sa pamilya: iniwan
kami ng aking ama noong maliit pa lamang ako. Ang masaklap, iniwanan kami para
lamang sa isang lalaki.
Oo,
bakla ang aking ama. Kung kaya ganoon na lamang ang galit ng aking ina sa mga
bakla. Lalo na noong sumanib siya sa isang relihiyosong organisasyon, tumindi
ang pagka-conservative at narrow-minded niya laban sa kabaklaan. Ang paniwala
niya ay sa impyerno talaga ang bagsak ng mga kaluluwa ng mga bakla. Bigot?
Homophobic? Radical? Sa palagay ko. Iyan ang mommy ko.
Ngunit
mahal na mahal ko ang mommy. At hindi ko rin siya masisisi kung ganyan na lang
ang galit niya sa mga bakla. Mahirap ang kanyang pinagdaanan niya – umibig at
umasa sa pag-ibig ng isang lalaking… lalaki rin ang hanap.
Ang
siste, pinaglaruan din yata siya ng tadhana. Noong mag 14 years old na ako,
lumantad naman ang aking nag-iisang 21 years old na kapatid, si Kuya Jomar. Marahil ay napuno na ang
kuya ko gawa nang pangungulit ng aking ina sa katatanong kung kailan siya
mag-aasawa, kung sinong babae ang napupusuan niya, kung may girlfriend na ba
siya, dahil gusto na raw niyang magkaroon ng apo. Halos araw-araw ay tinantanong
niya ang kuya kung kailan niya ipakilala sa amin ang babaeng napupusuan niya. Sa
totoo lang, hindi rin ako sigurado kung ang tunay bang motibo ng mommy ng mommy
sa kuya ko. Kung gusto ba talaga niyang magkaroon na ng apo? O gusto lang
niyang makasigurong babae nga ang gusto ng kuya ko at hindi lalaki, katulad ng sa
aming ama. Hindi ko rin masisisi ang aking ina. Nagkaroon na siya ng matinding
Trust
issue sa mga lalaki. Nagkaroon siya ng trauma. Kaya pati sa kuya ko, gusto
niyang makasiguro.
Ngunit
matagal ko nang alam na bakla si Kuya Jomar. At matagal ko na ring alam ang
paghihirap ng kalooban niya sa bawat pagpi-pressure ng mommy sa kanya. At dahil
may boyfriend na siya at may trabaho, kung kaya ay nagkaroon siya ng lakas ng
loob na aminin kay mommy ang lahat.
“Punyeta!
Wala kang pinagkaiba sa iyong ama! Mabubulok ang kaluluwa mo sa impyerno! Wala
akong anak na bakla! Buwesit ang mga bakla sa buhay ko! Lumayas ka sa pamamahay
ko Lumays kaaaaaaa!!!”
“Mom…
huwag naman pong ganoon. Anak po ninyo ako.”
“Wala
akong anak na bakla! At simula ngayon, patay na ang anak kong si Jomar!!!”
Walang
nagawa si kuya kundi ang lumisan. Hindi ko malimutan ang huling sandali kung
saan ay pinagmasdan ko siya habang nagpapag-pack up ng mga gamit. Walang humpay
ang kanyang pag-iyak, habang ang kanyang mga luha ay pumapatak sa mga damit niyang
iniimpake.
“Tol…
pasensya ka na ha? Ayokong iwanan kayo ng mommy kasi, kahit ganyan siya, mahal
ko pa rin naman siya… Ngunit wala eh. Sadyang sarado ang isip niya para sa
akin. Hindi ko naman ito ginusto. Kung kaya ko nga lang sanang baguhin ang
aking pagkatao, bakit hindi ko gagawin? Ngunit ito ang buhay ko, tol. At ito
ang ipinagkaloob sa akin. Sino ba ang nagbigay sa akin nito? Baka ang akala
niya ay isang bisyo ang pagiging bakla kagaya ng paninigarilyo na kayang ihinto
o baguhin.”
Hindi
na lang ako kumibo. Kasi, ramdam kong totoo ang naramdamang sakit ng kuya ko.
Napaiyak na rin ako. Hindi lang ako naawa sa kalagayan niya, siguradong mamimiss
ko rin siya. Napakabait kasi ng kuya ko sa akin. Protective, thoughtful,
caring… Pero wala akong magawa. Batas ng mommy ang nasusunod sa bahay.
“At
ikaw tol… magpakabait ka rito ha? Kahit ganyan iyang si mommy, sundin mo ang
lahat ng gusto niya. Alam mo naman, nag-iisa na lang iyan. Malungkot din ang buhay
niya. Kaya, magpakabait ka rito tol.”
Tumango
lang ako habang patuloy ko siyang pinagmasdan sa pag-iimpake. Patuloy din ang
pagpatak ng aking mga luha dahil alam ko, Malaki ang posibilidad na maaaring
tatahakin ko rin ang landas na tinatahak ng aking kuya Jomar.
Iyon
ang natandaan kong eksena sa paglisan ng aking kuya. Masakit. At dahil sa
nangyaring iyon, nagkakaroon din ako ng phobia sa pagiging bakla. At ipinangako
kong huwag tumulad sa aking ama at kuya at pilit na susundin ko ang gusto ng
aking ina.
At
syempre, dahil ako na lang ang nag-iisang “lalaki” sa pamilya, sa akin na
nakatuon ang pressure na patunayang tunay akong lalaki.
“19
years old ka na anak. Dapat ay magkagirlfriend ka na. Gusto kong ikaw ang
magbigay sa akin ng apo. Matanda na ako kaya dalian mo na… Kahit mag-asawa ka bukas
na agad, wala akong tutol,” ang palaging pagpaparinig ng mommy.
Halos
araw-araw, hindi nawawala ang ganyang tanong niya sa akin. Paiba-iba nga lang.
May diretsahan, may pahapyaw, may idadaan sa biro, at kadalasan, seryosohan.
At
hindi lang iyan, kapag may kaibigan akong lalaking nakikita niya, tinatanong
kaagad ako kung sino iyon, kung may girlfriend ba iyon, kung gaano ka close sa
akin iyon, kung bakit sumasama ako doon. Sobrang kulit, grabe.
Isang
araw, dinala ko sa bahay ang isa kong kaibigan, si Jonathan dahil may group assignment kami at naisipan kong sa bahay
namin gawin iyon. Naabutan kami ng lunch time kaya inaya ko na rin siyang sa
amin mag-lunch. Habang kumakain, sumingit ba naman ang mommy ko ng tanong,
“Jonathan, may girlfriend ka na ba, hijo?”
Pakiwari
ko ay biglang nasamid si Jonathan sa tanong na iyon. At ako naman, parang
umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha. Napailing na lang ako ng palihim.
“P-po?”
ang naisagot ni Jonathan.
“Ang
sabi ko, kung may girlfriend ka na ba?”
“Eh…
wala pa po eh.”
“Kailan
ka magkaroon ng girlfriend? Alam mo, huwag kang pumatol sa kabaklaan ha?
Napakarami nang bakla na sa mundo! Kapag hindi naagapan ng panalangin ang masasamang
Gawain ng katulad nila, lahat tayo ay mapaparusahan ng panginoon! Tingnan mo
ang Sodom at Gomorrha. Nagbabasa ka ba ng bibliya? Alam mo ba ang nangyari sa
dalawang lugar na iyon? Puro kabaklaan ang mga pinaggagawa ng mga lalaki roon kung
kaya ay ginunaw ng Diyos ang lugar nila. Papayag ka bang madamay tayong lahat
sa parusa ng Diyos dahil sa kabaklaang pinaggagawa ng iba?”
“Mom!”
ang nasambit ko na lang upang matigil ang kanyang mga sinasabi.
Ngunit
hindi nagpaawat ang mommy ko at ako pa tuloy ang nabuntunan ng lahat. “At ikaw,
Joel… dapat magpakabait ka. Wala akong problema kung magpakasal ka na kaagad.
Ayokong hahaba ang pagkabinata mo dahil kung mangyari iyan, magdududa na talaga
akong isa kang bakla, katulad din ng iyong ama at kapatid. Kapag hindi ka pa
nag-aasawa hanggang sa edad na 21, makakatikim ka na sa akin…”
Pakiwari
ko ay gusto kong mag-walkout sa eksenang iyon. Kung hindi nga lang nakakahiya
kay Jonathan, ginawa ko na talaga ang pag-walk out. Naging paranoid na kasi ang
aking ina. Ngumiti na lang ako ng hilaw. At idinaan sa biro ang binitiwang
salita ng aking ina, “Mommy naman! Kapag nagkagirlfriend na ba ako ay bibilhan
mo na ako ng bgong kotse?” Na sinagot din niya ng, “Oo ba! Kahit ngayon na,
okay lang!”
Kaya
pinilit ko talagang magkaroon ng girlfriend. At hindi naman ako nahirapan.
Classmate ko siya, muse ng college basketball team, at chairman ng Liberal Arts
Department. Si Mae.
Agad
ko siyang ipinakilala kay mommy na tuwang-tuwa sa pagkakita sa kanya. Binibiro
niya si Mae na pumayag nang magpakasal kami at sagot niya ang honeymoon kahit
saang sulok pa daw ng mundo.
Tawa
lang ang isinukli ni Mae. At kinabukasan nga, binilhan ako ng mommy ko ng
bagong kotse. “Biro lang iyong sa akin, mom…” ang sambit ko. Hindi naman talaga
ako mahilig sa luho. Talagang biro ko lang ang paghingi ng kotse para lang
mabaling sa ibang topic ang kanyang pinagsasabi sa aking bisitang si Jonathan.
Isa pa, alam ko sa kaloob-looban ko na may kulang sa naramdaman ko para kay
Mae. Hindi ako deserving na makatanggap ng pabuya.
“Puwes,
seryoso ako sa ating usapan,” ang sagot naman niya.
Kaya,
tinanggap ko na lang bagamat may takot din akong madisappoint ang aking mommy.
Wala
naman akong nakitang problema sa aming relasyon ni Mae maliban lang sa
pakiramdam ba na parang superficial lang ang lahat. At hindi ko naramdaman
iyong sinasabi nilang hindi ka makakain sa kakaisip sa kanya, hindi
makakatulog, nabubuwang kapag hindi siya nakikita, o magwawala sa galit kapag
nalamang may ibang lalaki siyang kasama. Iyong sinabi nilang kahit puyat ka sa
kaiisip sa kanya, hindi ka dalawin ng antok; hindi ka kumakain ng ilang kainan ngunit
hindi ka nagugutom… Iyong pinapantasya mo siyang halikan, yakapin, bembangin.
Walang ganoon. Normal na magkaibigan lang, magbest friends. Parang ganoon lang
talaga.
Ngunit
ganoon pa man, pinagpatuloy pa rin namin ang aming relasyon. Masayang-masaya
ang aking mommy.
Isang
araw, nasearch ko sa internet ang isang patimpalak sa paglangoy na gaganapin sa
isang isla sa Mindanao. Dahil ito ang hilig ko, nagpaalam ako sa mommy na
sumali. Pinayagan naman ako.
Pagdating
na pagdating sa isang airport ng Minadano, sasakay pa ng bus ang mga kalahok
patungo sa pier. Galing ng pier ay sasakay uli sila ng isang ferry boat upang
marating ang nasabing lugar.
At
dito naganap ang trahedya kung saan nagtagpo ang aming landas ni “Adrian”.
---------------------------------------------------
Chap 3: Isla
Maituturing
kong maswerte pa rin kami na doon napadpad sa islang iyon. Maraming ligaw na
prutas. May saging, may papaya., may bayabas. Kahit papaano, pantawid-gutom din
ang mga iyon. Nagdala ako ng marami para sa aming hapunan at makakain
kinabukasan.
Dahil
gutom na gutom, nakarami ako ng kain. “O ba’t isang saging lang ang kinain mo?
Hindi mo pa naubos?” ang tanong ko.
“W-wala
akong gana tol…”
“Dapat
kumain ka ng marami kasi, kailangan ng katawan natin ang enerhiya, lalo na
ikaw, maraming dugo ang nawala sa iyo.”
“M-maya-maya
na tol, kakain din ako. Magpahinga lang ako ng kaunti,” sambit niya.
Habang
nakahiga siya, napansin ko ang kanyang panginginig. “Ok ka lang ba?”
“G-giniginaw
ako… Ang lamig!”
Kinapa
ko ang kanyang leeg. Mainit. “May lagnat ka tol!” ang sambit ko. Agad akong
naghanap ng mga tuyong dahon. Itinakip ko ang mga ito sa kanyang katawan.
Ngunit
patuloy pa rin ang kanyang panginginig. Hindi ako magkamayaw kung ano ang aking
gagawin sa sobrang takot. Sumagi sa isip na baka mamatay siya. At
naalimpungatan ko na lang ang sariling tinabihan siya sa paghiga at niyakap.
Dahil parehong brief lang ang nasa katawan namin, mistula kaming dalawang Adan
na nagyayakapan. Hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya. “Giniginaw ka pa tol?”
“H-hindi
na masyado” sagot niyang nanginginig pa rin.
Nanatili
kami sa ganoong posisyon hanggang sa napansin kong nakaidlip na siya.
Ewan.
Ngunit sa ganoong ayos namin ay pakiramdam ko, may kakaibang init na gumapang
sa aking katawan. Lapat na lapat ang aming mga balat, ramdam ko ang pintig ng
kanyang puso, at sa bawat paghinga niya, dumadampi sa aking pisngi at
nalalanghap ko ang amoy-baby na hiningang hanging lumalabas sa kanyang ilong at
bibig. At ang amoy na iyon ay lalo pang nagpatindi sa kakaibang init na gumagapang
sa aking katawan.
Hinaplos
ko ang kanyang buhok. Hinaplos nang hinaplos at idinikit ko pa ang aking mga
labi sa kanyang pisngi sa sobrang panggigigil.
Sa
ayos naming iyon biglang nagflashback sa aking isip ang kauna-unahan kong
karanasan sa kapwa lalaki.
Kasamahan
ko sa swimming team si Bryan.
Naisipan kong imbitahan siya sa bahay at hinikayat na sa pool namin kami mag
praktis ng swimming. Bilang swimmer ay kailangan namin ng practice at least
dalawang oras sa isang araw.
Nagkataon
ding wala ang mommy ko dahil may tatlong araw na retreat siyang dinaluhan sa
Bohol. Kaya libre ako sa bahay sa mga araw na iyon. At naisipan kong gumawa ng
kaunting adventure. Mag-inuman kami ni Bryan.
Isang
bote ng gin ang aming tinira. Syempre, itinago koi yon sa ming mga katulong.
Ipinaalam ko lang sa kanila na may assignment kaming gagawin ni Bryan sa
kuwarto ko kaya kailangang doon siya matutulog gawa nang nasa probinsiya ang
kanyang bahay. Sigurado kasing tatanungin sila ng mommy kung anu-ano ang
pinaggagawa ko habang wala siya.
Nakailang
tagay na kami at nag-init na ang aking katawan noong, “Tol… nood tayo ng bold,”
sambit ni Bryan sabay bukas ng laptop niya.
Hindi
ko na nagawang sumagot pa sa bilis ng kanyang pagbukas ng video. Isa pa, sabik
din akong makapanood noon na kasama siya. Ang nagawa ko na lamang ay ang
silipin ang pinapanood niya.
Inilagay
niya ang laptop sa ibabaw ng kama habang kaming dalawa ay nagtabing naupo sa
isang sulok, ang mga likod namin ay nakasandal sa sementong dingding ng aking
kuwarto.
Tila
nakakabingi ang matinding kabog ng aking dibdib. Habang nakaupo lang kaming
pareho sa sahig ang mga paa ay nakaunat, ramdam ko ang pag-init ng aking
katawan. Parang natuyuan ako ng laway, hindi lang dahil sa napanood na
pagtatalik ng isang babae at lalaki kundi dahil sa napansing malaking bukol sa
harapan ni Bryan. Naglalaro ang aking isip sa porma ng nasa loob ng kanyang
puting short na pilit kumakawala, naghuhumindig at galit na galit.
Ngunit
matindi ang pagpigil ko sa aking sarili, nagkunyaring hindi naapektuhan.
Patuloy lang akong nagtagay, uminum, at normal lang na nanonood.
Ewan
kung ano ang nasa isip ni Ryan sa sandaling iyon habang seryoso ang mukha niya
habang nanonood at paminsan-minsang tumutungga ng kanyang baso.
Maya-maya,
nagulat na lang ako noong binuksan niya ang kanyang zipper at ipinalabas ang
kanyang naghuhumindig na pagkalalaki. At sa aking nasaksihan, mas lalo pa akong
nag-init at biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib.
Lumingon
siya sa akin, “Magparaos ako tol… Ikaw rin, sabay tayo!” sambit niya.
“Ah…
Eh…” ang nasabi ko lang.
“Sige
na!” giit niya sabay abot sa butones ng aking jeans at siya na mismo ang
nagbukas ng aking zipper, hinayaang nakaladlad ang tirik na tirik iyang ari.
Doon ako mas llo pang nag-init.
Wala
na akong nagawa kundi ang hayaan siyang dakmain ang aking zipper at ibaba ito.
At noong tuluyan nang nakalabas ang aking tirik na tirik na ring ari, nagulat
siya sabay sabing, “Tangina, ang laki pala ng burat mo tol!” ang sambit niyang
lumaki ang mga mata.
Binitiwan
ko lang ang isang ngiti.
Hindi
na siya kumibo. At nagulat na lang ako nang hinawakan niya ang ari ko,
hinimas-himas iyon. Napaungol ako sa sarap.
Muli
niya akong nilingon. At ang sunod na gumulat sa akin ay ang paghawak niya sa
aking aking kamay at iginiya ito patungo sa kanyang pagkalalaki sabay bulong
ng, “Himasin mo rin ang sa akin, ‘tol…”
Pakiramdam
ko ay sasabog na ang aking dibdib sa sobrang pagkalampag nito. May takot din
akong nadarama dahil sa senaryong tumatak sa aking isip kapag nalaman ng mommy
ang aming ginagawa.
Tinitigan
ko lang si Bryan. Para akong nasa suspended animation at hindi makagalaw.
“Sige
na ‘tol please… libog na libog na ako eh,” bulong niya na ang mukha ay
nagmamakaawa. “Laruin ko rin ang sa iyo…” ang dugtong niya habang patuloy ang
paghimas niya sa aking pagkalalaki.
At
naalimpungatan ko na lang ang sarling tumalima sa kagustuhan niya. Sobrang
takot man ang aking nadarama, tinalo ito sa kakaibang sarap at kiliti na
umalipin sa aking katauhan.
Kaya
hinimas ko ang kanyang pagkalalaki habang hinihimas din niya ang sa akin. Para
akong nagdideliryo sa sarap. Mistulang ako ay nasa ikapitong alapaap.
Mayamaya,
tinitigan niya ako at binulungan. “Lapit ka pa ng kaunti sa akin tol…”
Kaht
nagkadikit na ang aming mga katawan, umusog pa rin ako habang nanatiling
nakatutok ang kanyang mapupungay na mga mata sa aking mukha. Tinitigan ko rin
siya. At naalimpungatan ko na lang ang unti-unting paglapat ng aming mga labi.
Naghalikan
kami. Sanay siya sa pakikipaghalikan. At dahil sa sarap ng kanyang paghalik,
lalo pang tumindi ang aking naramdamang sarap habang ang mga kamay namin ay
abala sa paghihimas sa aming sarili.
“Ibuka
mong maigi ang iyong bibig tol,” utos niya. At tinuruan pa niya talaga ako kung
paano ang humalik. Iyong pagsisipsip ng dila at pagksukos nito sa kaloblooban
ng aking bibig, iyong pagpapalitan ng laway, iyong paghagod ng kanyang dila sa
aking leeg at dibdib hanggang sa tyan at sa aking pagkalalaki. Lahat nang iyon
ay kanyang itinuro sa akin.
Hanggang
sa humantong sa, “Joel, papasuing kita,” ang tila pagmamakaawa niya.
Ako
naman, porke’t hindi pa nakaranas ay biglang kinabahan sa sinabi niya. “B-baka
masakit, ‘tol,” sagot ko.
“Lagyan
natin ng padulas. Mayroon ka ba? Oil o lotion,” sagot niya.
Dahil
may lotion ako, hinugot ko ang drawer. Kinuha ko iyon at iniabot sa kanya.
Dali-dali niyang binuksan at ipinatak sa kanyang naghuhumindig na ari.
Pagkatapos ay muling ipinatak niya sa kanyang palad at kinapa ang aking
likuran, at ipinahid ang lotion sa kanyang kamay sa aking tumbong.
Napaigtad
ako nang ginawa niya iyon. Ipinasok kasi niya ang isang daliri. “D-dahandahan,
‘tol…”
Ngunit
hindi ko talaga kaya ang sakit sa pagkakataong iyon. Kaya ipinahnto ko ang
pagfifinger niya sa akin.
Napahiga
ako sa sahig dahil sa hapdi habang siya ay nakatingin sa akin, hawak-hawak pa
rin ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki. Nabitin siya, alam ko. At ako rin
naman.
“Tumihaya
ka na lang, ‘Tol,” utos niya.
Kaya
hayun, tumihaya ako at ang ginawa niya ay isiningit nya ang kanyang ari sa
gitna nag aking dalawang hita. “Ipitin mo, ‘tol..”
Inipit
ko iyon nang mahigpit. At nang umulos siya ay hindi ko maisalarawan ang sobrang
kilit at sarap na aking naramdaman habang ang tigas na tigas kong ari ay
dumadampi sa kanyang tiyan.
Hindi
ko mapigilan ang hindi mapaungol, ang aking mga kamay ay nakayakap sa kanyang
puwet at paminsan-minsang pinipisil ito. Siya naman ay tila nagdedeliryo sa
kanyang pag-ulos.
Hanggang
sa hinalikan niya ako. Naghalikan kami na tila uhaw na uhaw kami sa isa’t isa.
Hanggang sa napansin kong tla umunat ang kanyang katawan at napaungol siya,
“Lalabasan na ako ‘tolllll, sabay tayo…” sambit niya.
“S-sige
‘tol, malapit na rin ako, sabay tayo ‘tollll”
At
iyon na… hinugot nya ang kanyang ari mula sa pagkaipit sa aking hita at
itinutok iyon sa aking tiyan. Ako naman ay mabilis na sinalsal ang aking ari
upang masabayan siya. At wala pang 20 segundo ay sabay na pumulandit an gaming
mga katas. Ang kanya ay sa aking tiyan at mukha, samantalang ang akin naman ay
sa kanyang likuran.
Nang
mahimasmasan ay humiga siya sa aking tabi. Muli kaming naghahalikan hanggang sa
tuluyang humupa ang init sa aming mga katawan.
Iyon
ang pinakauna kong karanasan: sa halik, at sa paggawa ng “kabaklaan.”
Pagkatapos
ng pangyayaring iyon ay mistulang wala lang ito kay Bryan. Ni kaunting pagbabago sa mga kilos niya ay wala akong
napapansin. Wala rin kaming pinag-usapan tungkol sa nangyari. Marahil ay sanay
lang siya sa ganoong gawain. O marahil din ay magaling lang siyang magtago sa
kanyang nararamdaman.
Ngunit
kung gaano ka-normal iyon para sa kanya, mistula naman akong mababaliw sa
kaiisip sa nangyari. Walang oras na hindi ito pumapasok sa utak ko… Minsan ay
iniimagine kong natuloy ang pagpasok ng ari nya sa aking butas.
Naudlot
ang aking pagbabalik-tanaw noong gumalaw at umungol si Adrian na nanatiling
niyayakap ko. Dahil dito, mistulang nagising din ako mula sa isang malalim na
pagkahimbing.
Dali-dali
akong tumayo, pilit na nilabanan ang matinding tukso na umalipin sa aking
katawang-lupa. Tinumbok ko ang looban ng isla at upang tuluyang mapawi ang init
sa aking katawan, naghanap ako ng mga tuyong dahon at panggatong upang
mapanatili ko ang apoy.
Naalala
ko ang aking swiss knife na palagi kong dinadala. Hinugot ko ito mula sa aking
nakasampay na pantalon. Ginamit ko ito sa paggawa ng isang matulis na
kasing-laki ng tuhugan ng barbecue stick na siyang ginawa kong pangkiskis sa
isang tuyong malapad na kahoy. Kiniskis ko ito nang kiniskis. Ginaya ko ang
isang eksena sa TV na napanood ko tungkul sa survival training. Hanggang sa ang
mga tuyong hibla ng balat ng niyog na nakapatong dito ay umusok at umapoy.
Noong
lumaki na ang apoy, tinambakan ko pa ito ng mga tuyong panggatong upang
tuloy-tuloy lang ang apoy. Pagkatapos, inakyat ko ang isang mababang puno ng
niyog at inilaglag ng ilang buko. Gamit ang aking swiss knife, binutasan ko ang
isa sa mga ito at nong nagising na si Adrian, pinainum ko.
Hindi
ko alam kung paano siya gamutin. Noong natuyo na ang kanyang damit, ipinasuot
ko ang mga ito sa kanya. Sumapit ang gabi, yakap-yakap ko pa rin siya.
Sobrang
awa ang naramdaamn ko para kay “Adrian”. At sa ganoong ayos namin sa buong
magdamag kung saan ay yakap-yakap ko siya, tila unti-unti ring nahulog ang loob
ko sa kanya. Parang kasabay ng awa ay may mas malalim pa akong naramdaman.
Iyong pakiramdam na ayaw mo siyang pakawalan sa habang nagdikit ang inyong mga katawan,
na kahit napapagod ka na sa posisyon ninyo; na kahit naiinitan ka na at hindi
makatulog, ay napapawi ito dahil sa saya na iyong naramdaman na yakap-yakap mo
siya.
Kinabukasan,
bumuti na ang pakiramdam niya. Nakakatayo na siya at kumain na rin. Ako na rin
ang gumawa ng paraan upang makahanap ng pagkain maliban sa mga prutas. Nanghuli
ako ng mga lamang-dagat. Dahil may parte ng dagat na bulubatuhin, nakahanap ako
ng mga kabibi, susung-dagat, talaba, at iba pa. Inihaw namin ang mga ito, kasama
ng mga saging na saba. At ang aming pantulak ay sabaw ng buko.
“Joel…
salamat ha? Kung hindi sa iyo, patay na sana ako”
“Wala
iyon… Kahit naman siguro kung nagkapalit tayo ng kalagayan, sasagipin mo rin
ako, di ba? At Malaki rin ang pasalamat ko kasi heto, may kasama ako.”
“Oo
nga no?”
Tahimik.
“Sana
may maka-rescue na sa atin…” ang pagbasag ko sa katahimikan.
Kitang-kita
ko naman ang paglungkot ng kanyang mukha. “H-hindi ko alam kung saan ako uuwi…
kung sino ang pamilya ko.”
“Malalaman
din natin iyan ‘tol kapag na-rescue na tayo dahil siguradong pinaghahanap na
tayo ng ating mga mahal sa buhay. Ang importante, manatili tayong buhay
hanggang may makasagip sa atin dito.”
Iyon
lang ang nasabi ko sa kanya. May nararamdaman akong lungkot sa sinabi niya.
Ngunit may parte rin ng isip ko ang nasasabik na makita ang aking ina, ang aking
mga kaibigan, at ang pag-aaral.
Sa
araw na iyon ay tuluyan nang bumuti ang kanyang kalagayan. Sumama na siya sa
akin sa panghuhuli ng lamang-dagat. Gumawa kami ng sibat at dahil dito,
nakahuli na kami ng isada, at pugita pa.
Kahit
papaano, naging masaya na kami sa araw na iyon. At kumpyansa na akong
mananatili kaming buhay kahit matagalan pa ang pagre-rescue sa amin dahil
sagana kami sa pagkain.
Sa
ilang araw na lumipas, tuluyan nang naghilom ang kanyang sugat sa noo. At
naging mas malapit din kami sa isa’t-isa. Bagamat nasa isang isla lang kami na
walang katao-tao, pakiramdam ko ay masaya pa rin kami. Parang naging mga bata
uli kami -. Naglalaro sa dalampasigan, nagtatakbuhan, nagtatawanan, kung hindi
man ay maghahanap ng mga prutas o manghuli ng mga lamang-dagat. Tila pag-aari
namin ang mundo at kami lang ang taong nakatira rito. At tuluyan nang nahulog
ang loob ko sa kanya.
Para
siyang isang bunsong kapatid na bagamat maaaring mas matanda siya sa akin ako
ang humahawak bilang kuya. Sinusubuan ko siya, sinasamahan kahit sa kanyang
pagdumi dahil takot daw siya baka may ahas o, may kung anong hayop.
Isang
beses habang kumakain kami, ewan ko rin ba kung bakit ko ginawa iyon. Isusubo
ko na lang sa aking bibig ang inihaw na isda noong bigla akong napatingin sa
kanyang mukha. Sobrang na-mesmerized ako na hindi ko namalayang nakatutok lang
pala ang mga mata ko sa kanyang mukha. Noong napansin niya at tinonong niya ako
kung bakit ko siya tinitigan, mistula din akong binuhusan ng malamig na tubig at
sa pagkabigla ko, ang nasambit ko ay, “G-gusto mo bang subuan kita?” sabay abot
sa isda sa kamay ko sa kanyang bibig.
Pakiramdam
ko ay namumula ang aking mukha sa aking ginawa. Nasabi ko lang naman iyon dahil
med’yo nahiya ako na napansin niyang tinitigan ko siya at wala na akong ibang naisip
na sasabihin.
Ngunit
laking tuwa ko rin noong sa paglapit ng aking kamay sa mukha niya ay ibinuka
niya ang kanyang bibig. At mas natuwa pa ako noong siya naman ang kumuha ng
piraso ng inihaw na isda at isinubo din iyon sa akin.
Syempre,
ibinuka ko ang aking bibig at tinanggap ang kanyang isinubo. At noong nginuya
ko na ang isda, para akong lumutang sa ere sa sobrang kilig noong tiningnan pa
talaga niya ang pagnguya ko atsaka pinahid ng kanyang daliri ang kapirasong
isada na dumikit sa aking pisngi.
“Alam
mo tol… masaya ako na kasama ka,” ang sabi niya noong isang beses na nasa
baybayin kaming nag-usap habang hinintay na maluto ang inihaw na isda.
“P-parang gusto ko na lang na dito na manirahan… kasama ka” dugtong niya.
Binitiwan
ko ang isang ngiti at isang malalim na buntong-hininga, ibinaling ang tingin sa
dagat. Hindi ko kasi lubos maisalarawan ang aking naramdaman sa narinig. Iyon
bang feeling na masaya dahil sa sinabi niya ngunit sa kaibuturan ng aking puso
ay may takot dahil unti-unti nang nahuhulog ang loob ko at ayaw kong mangyari
iyon dahil ayokong lumabag sa kagustuhan ng aking ina na huwag matulad sa aking
ama at kuya na kinamumuhian niya.
“S-sorry
tol…” ang dugtong niya noong hindi kaagad ako nakasagot.
“B-bakit
Sorry?”
“Alam
ko naman… na-miss mo na ang pamilya mo e. Alam kong gusto mo nang makauwi sa
inyo at makita sila,” ang malungkot niyang sabi.
Hindi
ako nakaimik. Gusto ko sanang sabihin na gusto ko ring huwag nang ma-rescue at
mamuhay na lamang kaming magkasama sa islang iyon. Ngunit may tanong din sa
aking isip kung “Para saan?” at “Bakit?” dahil para sa akin, hindi
makatarungang sa kabila ng paghahanap at pag-alala ng aming mga pamilya ay
hayaan naming maghahanap sila at magtanong habambuhay kung buhay pa ba kami o
kailangang bang tuldukan na lang nila ang kanilang paghahanap. Kaya ng naisagot
ko na lang sa kanya ay, “Alam mo, gusto kong dumito na rin lang… kasama ka.
Ngunit paano naman ang mga taong nagmamahal sa atin? Naghahanap sila,
nag-alala, nalulungkot. Kaya mo bang magdusa sila?”
“H-hindi
ko alam Tol… Hindi ko naman din kasi alam kung sino ang pamilya ko. O may
pamilya pa ba akong uuwian. Ang alam ko lang ay ang ngayon…”
Iyon
ang linya ng kanyang pananalita. Pakiramdam ko ay nawalan na siya ng ganang
hanapin ang tunay na niyang pinagmulan; ang mga taong nagmahal; ang mga
pangarap na nasimulan. Matinding awa ang naramdaman ko para sa kanya. Parang
gusto ko siyang yakapin. Ngunit may parte din ng utak kong natakot na baka
tuluyan akong maalipin sa pagmamahal sa kapwa lalaki na ayaw kong mangyari.
Ngunit
noong sumapit ang gabi, habang nagtabi kami sa paghiga sa aming lungga, hindi
ako dalawin ng antok. Pabaling-baling ako sa pagkahiga, paiba-iba ang posisyon.
Ang laman ng aking utak ay siya at ang pagpumilit ng isip ko na harangin ang
naramdaman ko.
At
habang patindi nang patindi ang hatak ng tukso, pakiramdam ko naman ay sasabog
ang aking utak. Lalo na noong tumagilid siya sa paharap sa akin at idinantay
ang kanyang paa sa ibabaw mismo ng aking harapan, ang kanyang kamay ay
ipinatong sa ibabaw ng aking dibdib at ang kanyang mukha ay nakadikit sa aking
pisngi na halos hahalikan na lang niya ako, hindi ko napigilan ang pag-aalpas
ng aking pagkalalaki.
Tumayo
ako at tinumbok ang dalampasigan. Umupo ako sa buhanginang bahagi, paharap sa
dagat kung saan ang mga maliliit na alon ay paisa-isang humampas sa
dalampasigang may apat na metro lang ang layo mula sa aking kinauupuan. Malamig
ang simoy ng hangin na nanggaling sa mismong dagat. Maaliwalas ang panahon at
walang kahit ni kaunting ulap ang langit na nagpaigting sa sinag na naggaling
sa buwan.
Habang
ang naririnig kong ingay ang ihip ng pabugso-bugsong hangin at paghampas ng
alon sa dalampasigan, naglalakbay naman ang aking isip tungkol sa aking
nakaraan; ang aking ama na iniwan kami ng mommy kung saan nagsimula ang galit
niya sa tinatawag niyang kabaklaan; ang pagpalayas ng mommy ko sa aking kuya
kung saan tumatak sa aking isip ang pagkaawa ko sa kanya. At ang sunod na
pumasok sa aking isip ay ang una kong karanasan sa pakikipagtaktalik sa kapwa
lalaki, kay Bryan.
Binitiwan
ko ang isang malalim na buntong-hininga. Tila isang napakalaking pagsubok ang
pagpasok ni Adrian sa buhay ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi sumagi sa isip
ang “kabaklaan” na sinasabi ng mommy ko at ang matinding galit niya sa mga
bakla. Hindi ko talaga alam kung tuluyan na ba akong bibigay kay Adrian o
magmatigas pa rin sa aking naramdaman para sa kanya. “Sabagay, hindi ko rin
naman alam kung mahal ako ni Adrian… kaya dapat lang na ako na mismo ang
pumigil sa aking naramdaman,” bulong ko sa sarili.
Naudlot
ang aking pagmuni-muni noong naramdaman ko ang isang marahang pagtapik sa aking
balikat. “B-bakit nandito ka?” ang tanong ni Adrian. Nagising pala siya at
sinundan ako sa aplaya. Umupo sa tabi ko.
“Nagpapahangin
lang tol…” ang malungkot kong sabi.
“Naalala
mo ba ang… pamilya mo? Ang mga mahal sa buhay? Na-miss mo ba sila?”
“Oo…
na miss ko sila. Pati na ang mga dating nakagawina, ang eskuwelahan, ang mg
kaklase, ang mga laro… lahat.”
Natahimik
siya sandali. “M-mabuti ka pa, may na-miss... Kaya pala ang lungkot-lungkot mo,”
sagot niyang may bahid na lungkot din ang boses.
“Oo…
pero hindi dahil d’yan kung kaya ako nalungkot, tol.”
“E…
Ano ba ang dahilan?”
Chap 4:
Kambal Na Perlas
Bigla
akong natameme sa tanong niyang iyon, hindi nakaimik. Siya naman kasi ang
dahilan kung bakit ako nalungkot; dahil may naramdaman ako sa kanya ngunit ayaw
itong tanggapin ng isip ko.
“Woi,
sagutin mo naman ako, tol…”
“E…”
ang nasambit ko na mistulang nabuhusan ng malamig na tubig. “A-alam mo bang ang
mommy ko ay galit sa mga bakla?” ang nasabi ko.
“T-tapos…?
Anong kinalaman nito sa pagiging malungkot mo?” ang sagot niyang tila naguluhan
sa aking paunang salita.
“K-kasi,
ang daddy ko ay bakla, at iniwanan kami para sa isang lalaki at ang kaisa-isa
kong kuya ay bakla din, pinalayas ng mommy ko sa bahay namin.”
“T-tapos…?”
“A-ayokong
maging bakla tol…”
“S-so…?
Anong problema?” ang tanong niyang naguguluhan sa huli kong sinabi.
Tinitigan
ko siya. Ramdam ko ang paglakas ng kabog sa aking dibdib. May malakas na
pwersang nag-udyok sa akin na ibunyag ang aking naramdaman, bagamat pilit din
itong nilabanan ng aking isip.
“Tol…
anong problema?” pag-ulit niya sa tanong.
“W-wala
tol. Wala...” ang sagot ko na lang. “Ikaw na lang kaya ang tatanungnin ko?” ang
paglihis ko sa usapan.
“S-sige.
Ano?”
“N-naranasan
mo na ba ang umibig?”
“Hahahaha!”
ang malakas niyang tawa.
“B-bakit?”
“Hindi
ko na nga matandaan pa ang pangalan ko eh… HIndi ko alam kung may taong
nagmahal sa akin o minahal ko.”
“Ay…
oo nga pala.” Ang sagot ko sabay tawa. “Sige, ganito na lang. Kung sakaling
timibok ang iyong puso para sa isang tao, paano mo ito iparamdam sa kanya?”
“Hmmmm…”
nag-isip siya. “Siguro tititigan ko siya ng matagal. Lulusawin ko siya sa aking
mga titig. Pagkatapos… hahaplusin ko ang pisngi niya. At kapag hahayanan niya
lang ako sa paghaplos sa kanyang pisngi, hahalikan ko na siya, hanggang sa
angkinin ko ang katawan niya.”
Lalo
pa akong napatawa. “Hahahahaha! Adikkk!!!” sigaw ko.
Maya-maya,
inilihis niya ang topic. “Ang liwa-liwanag ng buwan! Napakapayapa ng dagat!
Malamig ang simoy ng hangin! Angkinin natin tol! I-enjoy natin!” sabay tayo,
tinanggal sa kanyany t-hirt at pagkatapos, pumulot ng buhangin at biglang
ibinato iyon sa akin sabay kumaripas ng takbo.
“Arekop!”
sigaw ko noong natamaan ang dibdib ko, nabigla sa hindi inaasahang pagbato niya
sa akin. Tumayo na rin ako. “Makakatikim ka sa akin kapag naabutan kita! Dila
mo lang ang walang latay!” sigaw ko habang hinabol siya.
“Hahahahahaha!
Kung maabutan mo ako! Yeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!” Pakiramdam ko ay sobrang saya
niya sa pagkakataong iyon.
Katakot-takot
na habulan ang nangyari. At noong napagod na siya, ibinagsak na lang niya ang
katawan niya sa buhangin, nakatihaya. Dinaganan ko ang katawan niya. Ang dalawa
kong kamay ay ini-lock sa dalawang kamay niya habang ang mga hita ko ay
ini-lock din sa dalawang hita niya. Dinig na dinig ko pa ang aming habol-habol
na paghinga. “Ano? Give up ka ba o bugbugin na kita?”
Tumawa
pa rin siya. “Paano mo ako bugbugin? Ang dalawang kamay mo ay nakatukod sa
dalawa kong kamay?”
“A
ganoon! Di ganito ang gagawin natin…” at pinilit kong ipaglapit ang dalawang
kamay niya na nasa itaas ng kanyang ulo upang isang kamay ko lang ang gamitin
kong pantukod doon.
Ngunit
bigla siyang pumalag. Niyakap niya ang katawan ko. Nagpambuno kami habang
nagpagiling-giling ang mga katawan namin sa buhangin.
Noong
napagod na, nanatili pa rin siyang nakayakap sa aking katawan at siya naman ang
nakapatong sa akin. Tinitigan niya ako. Tinitigan ko rin siya. Nagtitigan kami.
Matagal. Pakiramdam ko ay malulusaw ako sa mga titig niya. At sa ayos naming
iyon, gumapang sa aking katawan ang kakaibang init. Ramdam ko ang paglakas ng
kalampag ng aking dibdib. Pakiwari ko ay sasabog ito.
Maya-maya,
habang nanatiling nakatitig siya sa aking mukha, hinaplos niya ang aking
pisngi. Para akong isang taong naalipin sa kanyang kapangyarihan at hindi
magawang kumilos. Hinayaan ko siya sa paghaplos sa aking pisngi. Hanggang sa
naalimpungatan ko na lang ang paglapat ng kanyang bibig sa mga labi ko.
At
wala na akong nagawa kundi ang ipaubaya sa kanya ang lahat. Inangkin namin ang
ganda ng obra ng kalikasan. Inangkin niya ang aking bulnerableng katawang lupa…
(Isert…)
-----
Umabot
kami ng anim na buwan sa isla na walang nakakitang mga rescuers. At sa panig
namin, hindi na rin kami nagtangka pa na umalis sa islang iyon. Para sa akin, okay
na ang kalagayan namin, masaya kami sa piling ng isa’t-isa, at bagamat
nasasabik ako sa mommy ko at sa mga nakasanayan, mas matimbang sa puso ko ang
pagsasama namin ni Adrian sa islang iyon.
Sa
anim na buwang iyon, naging mas malapit pa ang aming mga kalooban sa isa’t-isa.
Bagamat wala kaming lantarang sinasabing “I love you” sa isa’t-isa ngunit sa
panig ko, dama ko ang pagmamahal niya. Parang gusto ko nang kalimutan ang buhay
ko sa labas ng isla. Masaya na ako sa lugar na iyon, sa mundo namin ni Adrian.
Doon ay walang batas, walang mga taong kikilatis sa aming pagmamahalan, walang
mga moralista, wala ang mommy ko na siyang numero unong siguradong tututol sa
naramdaman ko para kay Adrian. At hindi na rin kami gumawa ng paraan pa upang
mapansin ang lugar kung may rescuers man na mapadayo. Wala kaming pakialam kung
irerescue kami o hindi.
Isang
araw, habang napadayo ako sa isa sa pinakamalaking puno ng talisay sa may
aplaya, napansin ko ang nakaukit dito - dalawang puso. At sa loob niyon ay ang
pangalang “Adrian” at “Joel”.
Sobrang
touched naman ako. Tinawag ko siya. “Ikaw ba ang nag-ukit nito?”
“Ano
sa palagay mo?” sabay bitiw ng isang pilyong ngiti na ang mga mata ay
nagttanong na “Talagang ikaw ang gumawa?”
Ano
ka ba? Syempre, tayong dalawa lang naman ang narito. Alangan namang multo,” ang
sagot niya. “O ano, ok ba?” dugtong niya.
Mistulang
naglulundag ang aking puso sa snabi niyang iyon. “Syempre… maganda,” ang sagot
ko na lang bagamat sa kaloob-looban ko ay halos ‘di ako magkamayaw sa matinding
kilig.
“Nagustuhan
mo?”
Tumango
ako at hinawakan ang kanyang kamay. “Super”
Tinitiagn
niya ako. “M-mahal kita. At gusto kong kahit ano man ang mangyari… kahit
manumbalik man ang aking ala-ala… ang puno na ito ang siyang magsilbing buhay
na saksi sa pagmamahal ko sa iyo. At kung sakaling darating ang panahon na
mailigtas tayo mula rito, babalik-balikan ko pa rin ang islang ito at
hahanap-hanapin ang punong ito na tanda ng aking pagmamahal sa iyo, sariwain
ang mga alaalala sa isang bahagi ng buhay ko kung saan ay lihim tayong
nagmamahalan tayo, dito sa islang tanging tayo ang nagmamay-ari, at minsan
tayong dalawa ay masayang namumuhay.”
Para
akong nasamid sa narinig na iyon sa kanya. At naramdaman ko na lang na pumatak
na pala ang aking mga luha. Iyon bang pakiramdam na perpekto na sana ang lahat
ngunit may takot ka na baka isang araw, magising ka na lang na nagbago na pala
ang lahat; pagdating ng araw na manumbalik ang kanyang ala-ala, at hindi na ako
kasali pa sa tunay na mundo niya.
“P-paano
kung sa pagbalik ng iyong ala-ala ay hindi mo na nanaisin pang bumalik rito?”
“K-kaya
nga ayaw ko nang umalis pa tayo rito tol… Ayokong magkahiwalay pa tayo. Gusto
ko na rito tol, kapiling ka.”
“Paano
nga kung mailigtas tayo at ilalayo ka ng pamilya mo sa akin?” ang pag-giit ko.
“Bakit?
Hahayaan mo bang malayo ako sa iyo?”
Hindi
ako nakaimik. Sumiksik kasi sa utak ko ang mommy ko.
“Gusto
mo na ba talagang makaalis na tayo rito?”
“Hindi
naman sa ganoon ‘tol. Gusto ko lang marinig sa iyo kung gaano mo pinapahalagahan
ang pagsasama natin dito, ang islang ito, at kung gaano ako kahalaga sa iyo….”
“Pwes,
mahalaga ka. Hindi lang dahil ikaw ang sumagip sa buhay ko kundi dahil mahal
kita. At babalik ako rito tol… kasama ka. At ipangako mo sa akin na hindi ka
bibitaw tol, ano man ang mangyari.”
At
tumango na lamang ako sa sinabi niya palihim na pinahid ang mga luhang patuloy
na dumaloy sa aking mga mata.
“Maipangako
mo ba tol?” giit niya.
“Oo…”
ang sagot ko na lang.
“Ibang
topic na lang tol… Hayan umiiyak ka na. Huwag ka kasing mag-isip ng masama.
Basta, mahal kita at ayokong malayo ka sa akin,” at pinahid niya ang mga luha
sa aking pisngi. “Hug na lang kita…” Niyakap niya ako.
Napangiti
na lang ako ng pilit. Gusto ko mang kiligin ngunit hindi pa rin napawi sa isip
ko ang matinding takot.
Tahimik.
“Bakit
ikaw? Gusto mo bang umuwi na? Gusto mo na bang makalayo na tayo rito?” ang
pagbasag niya sa katahimikan.
Hindi
ako nakasagot kaagad. Mahirap kasing sagutin ang tanong niyang iyon. Syempre,
mahal ko siya at gusto kong manatili pa kami doon. Ngunit sa kabilang banda,
naawa ako sa kalagayan niya. Para kasing lumabas na nag take advantage ako
porke’t wala siyang alaala sa kanyang nakaraan.
Ngunit
iba pala ang interpretasyon niya sa hindi ko pagsagot sa tanong niya. “Hindi
nga kita masisisi tol. Alam kong na-miss mo ang pamilya mo…” ang may halong
lungkot na wika niya.
“Hindi
naman sa ganoon ‘tol… Nag-alala lang ako sa iyo kasi, may mga taong nagmamahal
sa iyo. Naghahanap.”
“So
gusto mo nang gawin ang sinabi mo sa akin dati kung paano tayo mahanap?” ang
sambit niya. Nasabi ko kasi sa kanya isang beses na upang mahanap kami ng mga
rescuers, gumawa kami ng apoy at magpausok. O di kaya ay sa isang patag na
lugar sa isla, puwede naming iukit ang mga letrang “S-O-S”, iyong sobrang laki
na kapag may eroplano o helicopter na aali-aligid sa itaas, makikita ang mga
letrang ito. At sinabi ko rin na maaaring takpan namin ng mga tuyong dahon ang
isang malapad na isla at iukit dito ang mga letrang “S-O-S” gamit ang puting
buhangin o pinulbos na mga patay na corals ng dagat.
Isang
araw, habang nanghuli kami ng mga lamang-dagat, napadayo ako sa malalim na
bahagi ng dagat. Dahil likas na swimmer, walang problema sa akin. Sinisid ko
ang kailaliman. Habang nasa ilalil ako ng dagat, may nakita akong isang
napakalaking kabibi na may kambal na perlas sa loob nito. Hindi ko ito tinigilan
hanggang sa nahugot ko ang buong kabibi at ang laman nito. Dinala ko ito sa
dalampasigan.
Tuwang-tuwa
si Adrian noong makita niya ang nakuha kong iyon. “Alam mo ba kung ano ang
gawin ko sa mga perlas?” tanong ko
“Ano?”
“Tig-iisa
tayo tol…” sabay abot ng isa nito sa kanya.
Tuwang-tuwa
siya. “Tol, ibaon din natin ang kabibi…” at ibinaon niya ang dalawang hati ng
kabibi sa paanan ng puno ng talisay. At noong natakpan na niya, “Hayan… ang
isang hati ay para sa iyo at ang isa ay para sa akin. Kapag nakabalik tayo rito,
ito ang una nating huhukayin at ilagay ito sa ibabaw ng sanga upang makita
natin na buo pa rin siya,” sambit niya.
Naghanap
kami ng baging at matitibay na dahon. Ibinalot namin ang perlas at ginawang
kwintas. “Kapag nasa syudad na tayo tol… dapat ay ipagawa natin itong pendant
upang maging isang magandang kwintas ito,” ang pagmungkahi ko naman.
“Oo,
sang-ayon ako,” sagot niya.
“At
kapag nagkita tayo, halimbawa nanumbalik na ang iyong alaala at ako naman ang
malilimutan mo, hawakan natin ang ating pendant na perlas, pahiwatig na naalala
pa natin ang isa’t-isa, at na walang nagbabago sa ating nararamdaman para sa
isa’t-isa,”
Napangiti
siya. “Magandang ideya! S-sige, iyan ang gagawin natin!” sagot niya.
Nasa
ganoon kami kasaya at kabala sa aming ginagawa noong biglang may narinig kaming
ingay mula sa itaas.
“A-ano
iyan tol?” tanong ni Adrian. “P-parang kilala ko ang tunog na iyan,” dugtong
niya.
Napahinto
ako, pinakinggang maigi ang tunog na tila papalapit. At noong malapit na nga at
nakita ko kung ano ito, “I-isang helicopter tol!” Sigaw ko.
Hindi
ko talaga alam kung ano ang gagawin. Parang may saya akong nadarama na nakakita
ng helicopter ngunit may matinding lungkot din ang aking puso.
Dahil
nasa ilalim kami ng malaking puno ng talisay, iniisip ko sanang lumantad sa
dalampasigan upang makita kami. Ngunit noong tiningnan ko si Adrian, mistula
itong namimilipit sa sakit hawak-hawak ang kanyang ulo. “Anong nangyari sa iyo
Adrian! Toll!” ang taranta kong sigaw.
“Masakit
ang ulo ko tollll! Arrggghhh! Ang sakit sakiiiittttt!” At bumagsak ito sa
buhanginan, tila nawalan ng malay.
Sa
matinding takot na kung napaano na si Adrian, tinakbo ko ang aplaya at
iwinagayway ko ang aking palad sabay sigaw ng “SAKLOLO!!! SAKLOLOOOO!!!!” upang
makita ako ng mga nakasakay sa helicopter at maagapan si Adrian kung ano ang
nangyayari sa kanya.
Ngunit
sa kasamaang palad, hindi ako nakita ng mga sakay ng helicopter. Tuluyan na
itong nakalayo.
Chap 5:
“S-O-S”
Binalikan
ko si Adrian na wala pa ring malay. Kinarga ko siya patungo sa aming lungga.
“Tollll, gumising ka tollll. Please naman o. Huwag mo akong iwanan dito tol,” ang
nasambit kong nag-iiyak habang karga-karga ko siya patungo sa aming lungga.
Noong
nailatg ko na siya, tila nabunutan ako ng tinik nang unti-unti niyang iminulat
ang kanyang mga mata.
“Ano
bang nangyari sa iyo tol?” ang tanong ko.
“M-may
bigla akong naalala tol… Iyong tunog. Helicopter iyon di ba? ” tanong niya.
“O-oo.
Ano ba ang naalala mo?”
“E-ewan!
Sumakit bigla ang ulo ko. Tapos, may biglang sumingit na mga imahe ng
helicopter sa isip ko. Parang nagpa-flash lang ang mga imahe… putol-putol,
ngunit mabilisan. Kaya siguro nahilo ako.”
“Unti-unti
nang nanumbalik ang ala-ala mo tol…” ang sabi ko.
Bahagyang
natahimik siya. Maya-maya, “Tol… kung sakaling magkalayo tayo o manumbalik ang
aking ala-ala, huwag nating hayaang mawala ang kambal na perlas. Kapag na-miss
mo ako, haplusin mo ito. Sa ganitong paraan ay maiparating mo sa akin ang iyong
kasabikan sa akin. At kapag nagkita muli tayo, huhugutin ko ito sa dibdib ko
upang itabi sa perlas mo pahiwatig na naalala pa rin kita at hindi nagbago ang
pagmamahal ko sa iyo...”
Kinabukasan
ay bumalik uli ang helicopter. Hindi ko alam kung lalantad pa o hayaan na
lamang ito na muling lumayo.
Ngunit
sa hindi inaasahaan ay biglang lumapag ang helicopter sa isang mataas na med’yo
patag na lugar ng isla. Iyon iyong lugar na minsan ay napuntahan namin ni
Adrian at sinabi ko sa kanyang puwede doon kami maglagay ng “S-O-S” dahil
purong maliliit na bato lamang ang lugar at ang mga damo ay maliliit na damo
lamang ang tumutubo.
Sa
pagkakataong iyon, hindi na nawalan ng malay si Adrian bagamat nagpa-flash back
na naman daw ang isang ala-ala niya tungkol sa helicopter.
“Ano
tol… lalabas ba tayo dito sa ating lungga?” tanong ko.
“S-sige
tol. Sige…” ang pag-aalangan niyang sagot.
Dali-dali
naming inakyat ang gulod patungo sa bahagi ng isla kung saan ay naroong ang
talampas. Noong nakarating na kami, magkahalong gulat at tuwa ang nakita ko sa
mukha ng tatlong rescuers.
Agad
din kami nilang sinalubong atsaka ipinasok sa loob ng helicopter. Napansin kong
may camera pala ang isa sa kanila at pinagkukunan kami ng litrato, pati na ang mga
lugar sa isla.
Sa
loob ng helecopter ay binigyan kami ng damit at pagkain. Ipinaalam ko rin sa
kanilang nagkaroon ng amnesia ang kasama ko na pinangalanan kong “Adrian”.
“O
ano… lisanin na natin ang islang ito?” ang masayang tanong ng isa sa mga
rescuers. “Sigurado akong tuwang-tuwa ang mga pamilya ninyo kapag nalamang
buhay kayo!”
Ngunit
hindi tuwa ang dulot ng tanong na iyon sa puso ko. Nilingon ko si Adrian na
nakatingin din sa akin, ang kanyang mga mata ay tila nagtatanong.
“P-puwede
po bang d-doon na kami magbihis sa aming lungga?” ang sambit ko sabay taas sa
ibinigay nilang mga damit sa amin.
Nagkatinginan
din silang tatlo. “O… sige! Sige! Dalian nyo lang.” sagot naman ng leader nila.
At
dali-dali kaming nagtatakbo pabalik sa aming lungga.
“P-paano
na iyan? Di maghiwalay na tayo nito?” tanong ko.
Hindi
niya ako sinagot. Bagkus, niyakap na lang niya ako. At naramdaman ko na lang na
umiyak na pala siya.
Hinyaan
ko na lang ding yumakap siya sa akin. Umiiyak na rin ako. “Tol… sana hindi mo
malimutan ang pagmamahal ko sa iyo…” bulong ko.
“Hindi
tol. Pangako... At huwag nating alisin sa katawan natin ang perlas,” ang
pabulong din niyang sagot.
Hinalikan
ko siya sa bibig. Naghalikan kami. Matagal. Mapusok. Pakiwari ko ay iyon ang
pinakamasaklap na halik na natikman ko sa buong buhay ko.
Noong
nakapagbihis na kami, pinulot ko ang mga lumang damit namin, binalot iyon sa
dahon.
“Anong
gagawin mo d’yan?” Sambit niya
“Ibinaon
ko ito sa paanan ng talisay tol, sa tabi ng ibinaon nating kabibi. Kapag
nakabalik ako dito, hahanaipn ko ang mga ito, mga ala-ala ko sa iyo…” ang sabi
ko, pinilit ang sariling huwag umiyak.
Halos
nasa himpapawid na kami noong mula sa bintana ng helicopter ay nilingon ko ang
isla. At doon ko nalaman ang dahilan kung bakit kami nahanap ng mga rescuers. Sa
talampas kung saan lumapag ang helicopter ay kitang kita ko malalaking binuong
letra gamit ang puting buhangin ng isla, “S-O-S”.
Muli
akong napaiyak. Hindi ko akalain na sa kabila ng aming mga napagkasunduan,
inilihim pala sa akin ni Adrian ang paggawa niya noon. At tuloy sumagi sa isip
ko na gusto talaga niyang makauwi at mahanap ang kanyang pamilya. Pinilit ko
ang sariling huwag masaktan. Pinilit ko ang sariling intindihin ang kalagayan
niya, inilagay sa isisp na ginawa lang niya ang paglihim sa akin noon dahil
ayaw niya akong masaktan. Ngunit ang hindi niya alam ay matinding sakit ang
dulot sa akin noon dahil iyon ay isang pagtatraydor sa taong itinuring niyang
“mahal.”
Marahil
ay napansin niya ang matagal kong pagsilip sa nakasulat na “S-O-S” at ang
paglungkot ng aking mukha. Inakbayan niya ako. “S-sorry tol… hindi ko sinabi sa
iyo.”
Binitiwan
ko ang isang pilit na ngiti. “Ok lang…” ang maiksi kong sagot. “H-hindi ka na
nahilo?” ang paglihis ko sa usapan.
“Hindi
na tol… pakiramdam ko ay natural na lang sa akin”
Hindi
na ako sumagot. Itatanong ko pa sana kung anong ibig niyang sabihin sa natural
na lang sa kanya ngunit nawalan na akong ganang makipag-usap. Alam ko, mula sa
puntong iyon ay magsimula na ang tuluyang paghiwalay ng aming landas. Tila
biglang nawalan ng saysay ang mga pangako namin sa isa’t-isa. Nawalan ng halaga
ang ming pagsasama at ang sinabi niyang pagmamahal. At ang mas masakit ay sa
paghihiwalay naming iyon ay tila sinaksak din niya ang aking puso sa kanyang
pagtatraydor. Dahil dito ay napagdesisyonan kong simulan ko na siyang kalimutan.
Ituturing kong isang panaginip lang ang paglubog ng M/V Adrian, isang panaginip
lang ang pagtagpo ng aming landas ni Adrian sa isla.
Lumapag
ang helicopter sa helipad ng isang pinakamalaking ospital sa syudad. Pagkalabas
namin, sinalubong kaagad kami ng mga camera at TV crews. Excited ang lahat. Masaya
ang mga tao. Ngunit hindi ako nakakarelate sa kanilang kaligayahan. Tila may
hiwalay na mundo ako sa mundo nila. Sa loob-loob ko ay ramdam kong tinadtad ang
aking puso. At dahil sa sama ng loob ko, hindi ko na siya kinausap, hindi
nilingon at tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad na para bang hindi kami magkakakilala.
Katakot-takot
naman na check up ang ginawa sa amin. X-ray, CT Scan, blood tests at
pagkatapos, ipinasok kami sa magkahiwalay na mga kwarto. Kinabukasan, dumating
ang mommy ko. Walang mapagsidlan ang saya na kanyang nadarama. Binisita rin ako
ng aking daddy at kuya at masaya ako na nakita sila. Bagamat hindi sila
kinikibo ng mommy, may saya pa rin akong nadarama. Kahit papaano, nagkaisa an
gaming pamilya sa tagpong iyon.
Inilabas
ako kaagad ng mommy sa araw din na iyon. May mga reporters daw kasi na
nagtangkang mag-interview sa akin ngunit hindi pumayag ang mommy dahil nag-alala
siya na baka mahalungkat ang paghihiwalay nila ng daddy at ang pagsama nito sa
isang lalaki, ganoon din sa kaso ng aking kuya. Ayaw niya ng ganoon. Ayaw
niyang mahanapan ng dumi ang imahe niyang isang relihiyosa. At para sa akin,
nakabubuti rin ang pag-iwas niya sa mga reporters dahil maaaring makalkal din ang
nangyari sa amin ni Adrian. Baka madulas ang aking dila at may masabi akong
ikagagalit ng aking ina.
Samantala,
maiiwan pa si Adrian ng ilang araw gawa nang sinusur pa nila ang kanyang
kalagayan dahil sa natamong pinsala ng kanyang ulo at ang kuneksyon nito sa
pagkaroon niya ng amnesia.
Bago
ako makaalis ay sumisigaw ang aking isip na daanan si Adrian sa kanyang kuwarto
upang magpaalam. Ngunit nanaig sa isip kong hayaan na lang siyang lisanin nang
walang paalam at simulan ko nang limutin siya.
Sa
gabing iyon ay napanood ko sa TV na nasa ospital pa rin si Adrain gawa nang
patuloy na paggamot nila sa kanyang nawalang ala-ala. Ipinakita din doon ang
rescue na ginawa ng team sa amin. Ipinakita nila ang isla, ang kabuuan nito,
ang ginawang malalaking “S-O-S” na letra ni Adrian sa ibabaw ng talampas, ang
lungga kung saan kami natutulog, at syempre, ang mga kuhang litrato nila noong
lumapag ang helicopter sa helipad ng ospital.
Sa
feature din na iyon ko nalaman ang pagkatao ni “Adrian” na ang tunay na
pangalan ay Christopher. Anak siya ng
isang napakayamang byudong negosyante sa aming syudad. Namatay ang inay niya
limapung taon pagkatapos siyang isilang. Nasa 22 taong gulang siya, nagtapos ng
kursong aviation at nakapagpalipad na rin ng mga light planes at helicopters.
Iyon pala ang dahilan kung bakit sumakit ang ulo niya noong unang narinig
naming ang ingay ng lumilipad na helicopter. May kinalaman pala ito sa kanyang
tunay na pagkatao.
Ngunit
doon ko na naman naramdaman ang matinding sakit noong ipinakita ang artistahing
girlfriend niya na kahawak-kamay pa niya habang ini-interview siya. Si Kristina… at halatang may dinadala ito
sa kanyang tiyan.
Chapter 6: “Best Man”
Sa
sobrang bigat ng aking naramdaman ay papatayin ko na sana ang TV noong
isiningit naman sa interview ni Adrian ang maraming tanong ng reportert sa
kanya tungkol sa kalagayan namin sa isla. Kung ano ang ginawa namin upang
maka-survive, kung hindi ba kami naghirap sa pagkain at pagtulog... Pansin ko
namang tila tulala si Adrian habang tinatanong at hindi kaagad nakakasagot. At
kapag nakakasagot man ay hindi ito masyadong malinaw. “Nanumbalik na ang
kanyang ala-ala?” ang bulong ko na lang sa aking sarili.
At
doon ako nabigla noong nanawagan siya. “…sa taong nakasagip sa akin sa isla, Joel Del Fierro… kung nanood ka man
ngayon, gusto kong sabihin sa iyong hinding-hindi ko malilimutan ang pagsagip
mo sa buhay ko. Manumbalik man ang aking alaala, ikaw ay mananatiling hero ng
buhay ko. Utang ko sa iyo ang lahat. Kung wala ka, wala sana ang isang “Adrian”
ngayon. Na-miss kita tol, sobra,” bahagya siyang nahinto. “I-ipakilala ko pala
sa iyo si Kristina, girlfriend ko tol… B-balak naming magpakasal sa sunod na
buwan. Ikaw ang gagawin kong best man. Kaya sana ay dalawin mo ako. Hindi namin
ituloy ang petsa ng pagpapakasal hanggang hindi ka sumipot at sumang-ayon na
maging best man ko.”
Para
akong na-shock sa narinig. Para bang, “Ano ba to? Insulto ba ito o masakit na
biro? Ganito na ba kaliit ang aking pagkatao na hindi man lang niya naisip na
masasaktan ako? Atsaka bakit ambilis yata nilang magpakasal? Ni hindi man lang
hinintay na tuluyang manumbalik ang ala-ala niya?” Ngunit ako na lang din ang
sumagot sa sarili kong tanong, “Ah di bale… Kasi, bago pa man nangyari ito,
tanggap ko nang hindi siya para sa akin. Atsaka, buntis na ang babae kung kaya
siguro ganoon kabilis ang kasalan.”
Dahil
dito, lalo akong nahirapang mag move on. Walang oras o minuto na hindi pumasok
sa isip ko si Adrian. Pakiramdam ko ay mas maigi pa na kitilin ko ang sariling
buhay. At ang kalungkutan ko ay hindi lingid sa kaalaman ng aking ina.
“Joel…
i-klaro mo nga sa akin? May naramdaman ka ba kay Adrian?” ang diretsahang
tanong ni mommy.
“Mommy
naman!” Ang pagmamaktol ko “Bakit ba iyan ang tanong mo?”
“Alam
ko Joel… sabihin mo ang totoo.”
At dahil
sa sobrang depressed ko nan ga at heto, may pasaring pa ang mommy, napuno na
talaga ako. Feeling ay wala nang nagmamahal sa akin, ako ang may kasalanan ng
lahat at wala nang halaga ang buhay ko. Kaya nsagot ko ang mommy ng, “E di kung
sabihin ko, magagalit ka naman!”
At
doon tumaas ang boses ng mommy. “Ang ibig mong sabihin ay may naramdaman ka nga
sa kanya? Na bakla ka ring katulad ng daddy at kuya mo!!!”
At
pinatulan ko talaga siya, “Ke bakla ke hindi… bakit po ba napakalaking issue
nito sa buhay mo mommy?” Tumaas na rin ang boses ko.
“Hindi
mo ba naintindihan? Naghirap ang kalooban ko dahil sa kanila! Tingnan mo ang
daddy mo? Nilayasan tayo! Ang kuya mo? Nandoon sa lalaki niya!”
“Hindi
po sila ang nagpahirap sa iyo, mommy. Kayo po ang nagpahirap sa sarili Ninyo!
Patawarin na po ninyo sila. Pakawalan niyo na po ang galit ninyo sa kanila.
Mahal ko po sila. Mahal ko po kayo! Buksan po ninyo po ang isip at puso ninyo!”
“Anong
buksan? Buksan ko ang isip ko sa mga taong sa impyerno ang bagsak ng mga
kaluluwa? Ganoon ba?”
“Mommy…
hindi porket bakla ang tao ay sa impyerno na ang bagsak ng kanyang kaluluwa.
Nakausap niyo ba ang Diyos? Sinabi ba niya talaga na ang mga bakla ay sa
impyerno ang bagsak? Bakit niya pa binuhay ang mga bakla? Bakit niya binigyan
pa niya ng talento, ng isip, ng pagkakataon ang mga bakla? Bakit mommy?
Bakiiiittt!“
“Dahil
iyan ay nasa bible!”
“Di
ba nasa bible din ang isang scripture kung saan nakisalo sa pagkain si Jesus sa
mga tax collectors at sinners at noong tinanong siya kung bakit nakihalubilo
siya sa mga taong ganoon, ang sagot niya ay, ‘I came not to call the righteous,
but sinners’. Bakit ikaw? Hinuhusgahan mo sila? Itinaboy. Itinuturing na wala
nang pag-asa sa buhay? Bakit mommy???"
“Bakit
mo ba ako sinasagot-sagot ng ganyan? Anak lamang kita!”
“Tama
po! Anak niyo po ako! Ngunit hindi niyo po ako pag-aari! Binigyan ako ng Diyos
ng sariling utak at sariling puso. Iba ang katawan ko kaysa inyo, iba ang
nararamdaman ko kaysa inyo. Kung nanggaling man ako sa dugo at laman ninyo
hindi ko ito itinuturing na utang na loob ko sa inyo dahil kailan man ay hindi
ko hiniling o ninais na buhayin ninyo ako, na maging anak ninyo ako, o na kayo
ang magiging ina ko! Hindi naging masaya ang buhay ko sa piling ninyo!”
“Bakla
ka na rin ba???!!!” ang bulyaw niya.
“Opppppoooooo!
Bakla ako at lalayas na rin ako sa pamamahay ninyo!” ang naisagot ko sabay
takbo patungo sa aking kuwarto at doon, hindi na nag-isip na kunin ang aking
bag at ipasok dito ang aking mga gamit.
Ako
man ay hindi makapaniwalang nasagot ko ang mommy ng ganoon-ganoon na lamang.
Marahil ay sadyang umabot na talaga ako sa puntong hindi ko na kaya ang lahat
ng sakit at hirap ng aking kalooban. Pakiramdam ko kasi ay sarili lamang niya
ang kanyang iniisip, hindi alintana ang damdamin ng iba. Iyon bang pakiramdam
na walang nakakaintindi, iyong imbes na ang taong nagmamahal sa iyo ay siyang
numero unong susuporta sa iyo at sa mga desisyon mo ay siya pa itong
nagpadagdag ng sakit sa iyong kalooban. HIndi ko alam kung tama ang aking
ginawa. Nasaktan man siya, nasaktan din ako… matagal na at kinikimkim ko lamang
ito.
Habang
naglalakad ako palayo sa bahay, sumagi sa isip ko ang kuya. At napagdesisyonan
kong sa kanya na tumuloy.
Sinabi
ko kay kuya Jomar ang lahat ng mga nangyari; na sinagot ko ang mommy at
lumayas, at na umibig ako kay Adrian na ikakasal na.
Nag-iyakan
kami ng kuya Jomar. Naawa siya sa akin. “Alam ko kung gaano kasakit ang
nadarama mo ngayon bunso dahil naranasan ko rin iyan, di ba?” Pahiwatig niya sa
kanyang karanasan noong pinalayas din siya. “Pero mas bonnga ka kasi, sinagot
mo ang mommy! Ikaw lang ang nakagawa noon! World record, Sis!” dugtong niyang
biro.
Napangiti
ako ng hilaw.
“Pwes
dito ka tumira sa akin bunso. Dahil naputol na ang pag-aaral mo sa taong ito,
ako ang magpapaaral sa iyo sa darating na pasukan. At tungkol naman d’yan sa
pag-ibig mo, maganda sigurong dalawin mo siya at kausapin. Maganda kung may
klarong closure ang pag-ibig ninyo at manatili pa rin ang inyong pagiging
magkaibigan. Huwag kang mag-alala dahil kapag tuluyan mo na siyang malimutan,
mahahanap mo rin ang taong sadyang nakatalaga para sa iyo.”
Sa
pangalawang araw ko kina kuya Jomar napagdesisyonan kong dalawin si Adrian, sa
bahay nila, sa isang lugar ng mga mayayaman. At habang nasa bungad pa lang ng
gate, may CCTV camera nang nagmamasid sa iyong galaw.
Nandoon
ang daddy ni Adrian. Sadyang hinintay pala ako noong nalamang darating ako.
Mabait ang kanyang daddy, tuwang-tuwa ito noong nakita ako at sobra ang
pasasalamat niya sa akin sa pagligtas ko sa buhay ni Adrian. Sabi niya, kahit
ano man daw ang hilingin ko, kung kaya niya, ibigay niya sa akin dahil sa laki
ng pasasalamat niyang nailigtas ko ang buhay ni Adrian. “Kahit kalahati ng
kayamanan ko, kaya kong ibigay sa iyo”
“Talaga
po? Pwede po bang iyong isla la na lang ang bilhin niyo para sa akin po?” ang
sambit kong biro sabay dugtong din ng, “Joke lang po…”
Tawa
nang tawa naman ang daddy ni Adrian. “Baka akala mo hindi ko kayang ibigay sa
iyo iyon!” ang sagot din niyang biro.
“Hindi
po. Talagang biro ko lang po iyong sa akin. Ang ginawa ko pong pagsagip kay
Adrian, er… Christopher… ay kaya pong gawin nino man na nasa ganoong kalagayan
din. At hindi po ako tumatanggap ng bayad sa isang gawain na dapat ginagawa ng
taong may pagmamalasakit.”
“Swimmer
kasi siya, Dad. At mahal niya ang tubig, ang dagat. Kaya mahilig siya sa mga
isla,” ang sagot naman ni Adrian.
“Tama
po si Adrian, Sir. Pero honestly po, biro lang po iyong sa akin. Hindi po ako
tumatanggap ng kapalit sa pagsagip ko sa anak ninyo.”
Doon
napansin ng daddy niya ang pangalan na binigay ko. “Adrian!!!” ang gulat na sambit
ng daddy niya. “What a nice name!” at lingon kay Adrian, “Don’t you think so,
Christopher?”
Nakita
kong tumawa din si Adrian. ”Yes dad… I like the name. How I wish my name was
Adrian.”
Pakiramdam
ko naman ay namula ang aking pisngi. Hindi ko alam kung sarcasm iyon o puri.
“I-iyan po kasi ang pangalan ng barkonng lumubog.” Ang sagot ko na lang.
Noong
nakaalis na ang daddy niya, mistula namang nakakabingi ang katahimikang
namagitan sa amin. Hindi ko kasi alam kung paano magsimula, nag-alalang baka
nag-iba na siya; ba baka nabura na ang lahat ng al-ala niya sa akin…
Napako
na lang ang paningin ko sa kanyang mukha. May pagbabago akong napansin. Pumuti,
kuminis, mas lalo siyang gumuwapo. Sa isip ko ay naglalaro ang mga alaala namin
sa isla. At ang anyo niya, tila isang artista. At hindi ko mapigilan ang
sariling hindi makaramdam ng matinding pananabik sa kanya. Sa isip ko ay gusto
ko siyang yakapin ng mahigpit. Gusto ko siyang halikan sa bibig. Ngunit
sinasarili ko na lang ang lahat. Hindi ako sigurado kung siya pa rin ba ang
Adrian na nakilala ko. Kung siya pa rin ang Adrian na may naramdamang
pagmamahal sa akin.
Hindi
ko namalayang nakatitig din pala siya sa akin.
Sinubukan
kong hawakan ko at haplusin ang bandang dibdib ko kung saan natakpan ang perlas
na pendant ng aking kwintas, nagbakasakaling maalala niya ang ibig kong ipahiwatig.
Sinubukan ko pang hugutin ang pendant na perlas at nilaro-laro ko sa aking mga
labi na parang inosenteng pagguguri-guri lang.
Ngunit
wala siyang reaksyon. Bagkus, “Alam mo, hindi basta-basta mapapatawa yang si
daddy… ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganoon… sa iyo ilang,” ang pagbasag
niya sa katahimikan. “Malaki ang respeto niya sa iyo,” dugtong niya.
“N-nanumbalik
na ang alaala mo? Naalala mo na ang daddy mo?” ang naitanong ko.
Tumango
siya at tiningnan pa rin ako.
“L-ahat
ng alaala mo ay nanumbalik na?”
“90%
na raw sabi ng doktor…”
At
tuluyan nang nawalan ako ng pag-asa. Nais ko pa sanang itanong kung naalala pa
ba niya ang mga nangyari sa amin sa isla. Ngunit dinaig ako ng hiya at pagkaawa
sa sarili. Natakot ako na baka kung igiit ko pa ang mga alaalang iyon sa kanya,
malaking problema ang maaaring idudulot nito lalo na sa pagpapakasal niya sa
kanyang girlfriend. At kapag nangyari ito, ako rin ang talo. At lalo lamang
akong masaktan. “M-mabuti naman…” ang sagot ko na lang.
“S-slamat
sa pagsagip mo sa akin.” Dugtong niya.
“Wala
iyon…”
Tahimik
uli.
“Ikakasal
ka na pala…” ang pagbasag ko naman sa katahimikan.
“Oo…
mahabang kwento. G-gusto kong ikuwento sa iyo ngunit hindi ko alam kung paano
sasabihin.”
Binitiwan
ko ang isang ngiting hilaw. “Huwag na. Naintindihan ko ang lahat. Nararapat
kayo sa isa’t-isa,” ang sagot ko pinigilan ang sariling huwag pumatak sa harap
niya ang luhang nangingilid sa aking mga mata.
Natahimik
na naman siya. Malakas ang udyok ng aking isip na umalis na lang. Pakiramdam ko
ay hindi na ako kailangan pa sa buhay niya. Hindi ko na nahanap pa sa kanya ang
“Adrian” na nakilala at nakasama ko sa isla. “A… e… Uuwi na lang ako C-chris”
and nasambit ko.
“Ay
sandali. Ambilis naman,” ang bigla din niyang pagsalita. Hindi mo pa sinagot
kung puwede kang mag best man sa kasal ko.”
“Hindi
na lang siguro…” ang matamlay kong sagot. “E… a-aalis ako eh. P-pupuntang e…
Amerika! Oo, pupunta ako ng Amerika!” ang palusot ko.
“A-Amerika?
Ang layo naman noon?”
“Eh,
iyon ang gusto ng aking inay… mahirap suwayin ang gusto niya,” ang palusot ko
na lang.
Tinitigan
niya ako. “Please…? K-kung aalis ka, mas lalong gusto kong maging best man
kita,” ang pagmamakaawa niya.
“H-hindi
nga puwede eh…”
“K-kung
ayaw mong maging best man ko, hindi na rin ako magpapakasal.”
“A-ano?
Sira ka ba?”
“Oo…
gagawinko iyon. Ayaw mo eh.”
Kaya
wala na akong nagawa kundi ang pumayag.
“S-sige.
B-best man ako”
Ngumiti
siya. At bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Nabigla naman ako sa yakap
niyang iyon. Nadiin ang pendant kong perlas sa aming mga dibdib at naramdaman
ko ang sakit.
“Ouch!”
ang sabay naming sambit, kanya-kanyang hipo ang dibdib naming nasaktan.
Maya-maya,
sanhi ng kyuryosidad, kinapa niya ang bumukol sa ilalim ng t-shirt sa aking
dibdib at noong nakapa niya ang pendant na perlas, hinugot niya ito at
pinagmasdan ng maigi.
Hindi
ko alam kung ano ang nasa isip niya. Ngunit hindi ko na ito inalam pa. “A-alis
na ako…” ang nasabi ko na lang.
“S-sige
tol… Naka-black coat ka ha? Pareho tayo. At may pulang rosas na naka-pin sa
iyong kaliwang dibdib…” sabay abot sa isang sulat sa akin.
“Ano
ito?”
“Sinulat
ko iyan para sa iyo noong unang araw na nasa ospital ako at hindi mo dinalaw.”
Tinanggap
ko ang sulat at dumiretso nang pauwi. Noong nasa bahay na ako, binasa ko ang
sulat, “Dear Tol… alam kong nagdamdam ka sa hindi ko pagtupad sa
napagkasunduan nating huwag mag-ukit ng ‘S-O-S’ sa gulod. Ginawa ko iyon tol
dahil naawa ako sa iyo; dahil alam kong sabik ka nang makita ang mga taong
nagmahal sa iyo. Hindi ko ginawa iyon tol para sa sarili kong kagustuhan. Kasi,
sa pagkakataong iyon ay hindi ko naman Talaga alam kung sino ako, at anong
klaseng pamilya at buhay mayroon ako. Ginawa ko iyon dahil naawa ako sa iyo
dahil nararamdaman kong sabik na sabik ka nang makita ang mommy mo, at mga
taong nagmamahal sa iyo. Patawarin mo ako, Tol.”
Hindi
ko alam kung matuwa o lalong magdamdam sa paliwanag niyang iyon. Wala rin naman
kasing kahulugan iyon. Ano pa man ang dahilan, ako pa rin ang talo kasi, hindi
na siya magiging akin pa… “Kaya pala Adrian ang naipangalan ko sa kanya dahil
kagaya ng barkong aming sinasakyan, lulubog at maglaho din pala siyang katulad
nito,” bulong ko sa sarili.
Isang
linggo bago ang kanilang kasal, napagdesisyonan kong hindi na lang talaga
tutuloy sa pagiging best man. Pinag-isipan ko itong maigi. Pakiramdam ko kasi
ay hindi ko kayang tingnan siyang magmartsa patungo sa altar at lalo na kapag
bibigkasin na niya ang salitang “I do” at maghahalikan sa harap naming lahat.
“Kuya…
gusto ko sanang bumalik sa isla kung saan kami napadpad,” ang sabi ko sa aking
kapatid.
“Sigurado
ka? Ano naman ang gagawin mo doon?”
“Wala
lang. Na-miss ko kasi ang lugar. Kung makita mo lang iyon kuya, sobrang ganda. Gusto
ko roon. Doon ko kasi unang naranasan ang sobrang saya sa buhay, ang maging
malaya. At nandoon din ang dagat. Alam mo naman, buhay ko na ang tubig… ang
dagat.”
“O
sya… ikaw na ang may gusto sa dagat,” ang sarcastic na sagot niya. Alam ko,
sumagi sa isip nniya na ang tunay na dahilan talaga ng lahat ay si Adrian. “At
paano naman ang pagbi-best man mo sa taong iyon?” dugtong niya.
“Eh…
p-pwede ba kuyang ikaw na ang magproxy sa akin? O kung hindi, hanapan mo ako ng
proxy. Marami ka namang kaibigan at anak mayamang customer ng parlor mo. Tulungan
mo naman ako o…”
“Hay
naku… Napakalaking problema. Kung di lang kita love… O sya, ako na ang bahala. Nahinto
siya nang sandali. “Parang gusto ko ring bisitahin ang islang iyan, ah. Gusto
mo, samahan kita at magstay kami ng jowa kong si ni Raymar ng kahit dalawa
o tatlong araw doon?”
“Pwede
kuya!” ang sagot ko sa ‘di inaasahang mungkahi niya.
At
natuloy nga ang pagpunta namin sa isla. Kasama ang live-in boyfriend niyang si Raymar, nagtanong kami sa mga rescuers
kung paano puntahan ang isla. Binigyan kami ng instructions, at dahil may
kalayuan, nag-arkila kami ng isang malaking pumpboat sa pinakamalapit na
lungsod sa isla.
“Grabe!
Ang ganda pala dito tol!” sambit ni kuya Jomar noong narating na namin ang
mismong isla. “No wonder na na-in love sa iyo si Adrian!”
Ngiting-pilit
lang ang isinukli ko.
Pansamantalang
nalimutan ko ang lungkot na kasama sina kuya at Raymar sa isla. Napakasaya
namin. Dahil may baon kaming mga pagkain at canned goods, pati na rin bigas,
hindi kami nahirapan sa paghanap ng makakain bagamat tinuruan ko pa rin sila
kung paano kami nanghuli ng mg lamang-dagat na nagutuhan nilang kainin.
Itinuro
ko rin sa kanila kung paano kami namuhay, ang lungga kung saan kami natutulog,
ang paggawa ng apoy, ang paghahanap ng mga pagkaing ligaw, at ang mga lugar sa
isla na pinupuntahan namin ni Adrian.
Habang
pinagmasdan ko silang enjoy na enjoy hindi naman maiwaglit sa aking isip si
Adrian at ang aming karanasan. May tila sibat na tumama sa aking puso habang
nakikita ang kanilang lambingan, harutan at pagka-sweet sa isa’t-isa.
At
lalo na noong nagpaalam na ang aking kapatid at boyfriend niya at ako na lang
ang naiwang mag-isa. Para akong sira na kinolekta ang mga bagay-bagay na may
masasayang ala-ala. Ang kanyang iniwang jeans at damit na punit-punit na, ang
kanyang brief, ang kabibi sa ilalim ng malaking puno ng talisay. Para akong
isang baliw na hinaplos-haplos ang inukit niya doon na hugis ng dalawang puso
na may mga pangalan namin.
Kinaumagahan,
isang araw bago ang kasal niya, umakyat ako sa gulod kung saan nakaukit ang
“S-O-S” na binuo niya. Binura ko ang mga iyon at pinatungan ng drawing na
kagaya sa inukit niya sa puno ng talisay: dalawang magkasudlung-sudlong na puso
at sa loob nito ay ang aming pangalan. Dinagdagan ko na lang ito ng pag-ukit ng
sibat at patak ng dugo sa puso kung saan nandoon ang pangalan ko, na ang ibig
sabihin ay ang pagdurugo ng aking puso. Mga puting buhangin galing sa
dalampasigan ang pinaghirapan kong kargahin at iakyat sa gulod. Kinapalan ko pa
sya, upang kitang-kita ito sa himpapawid. Pagkatapos kong gawin iyon, tumingala
ako sa itaas atsaka bumulong, “Ito na lang ang ipaabot kong mensahe sa iyo
Panginoong Diyos. Kung tunay ngang isang malaking kasalanan ang pagmamahal ko
kay Adrian, taos-puso akong nanghingi ng patawad. Ngunit sana ay maintindihan
mo po na ang pagmamahal ko sa kany ay hindi ko ginusto, kusa ko itong
naramdaman at hindi ko kayang pigilan ang sarili. At kung ang parusang ibibigay
mo sa akin ay ang ilayo siya sa akin, tatanggapin ko ito nang maluwag sa aking
dibdib. Idadaan ko na lang sap ag-iyak ang lahat. Maaaring ikamamatay ko ang
sakit at pagdurugo ng puso ko, ngunit sana ay bigyan mo po ako ng lakas na
makayanan ko ang lahat...”
Kinabukasan,
araw ng kasal ni Adrian, pumunta ako sa talampas kung saan ko pinorma ang
malalaking hugis ng puso at may mga pangalan namin. Dala-dala ko ang isang
scare crow na sinuotan ko pa talaga ng damit na iniwan ni Adrian.
Noong
nasa gulod na ako, naupo ako sa lilim ng mahahabang damo sa gilid na nakatanaw
sa lawak ng dagat. Habang palapit na palapit ang takdang oras, hindi ko naman
maiwasang hindi papasok sa aking isipan ang senaryo ng kasalan. “Siguro,
excited na excited na sila ngyon, hindi magkandaugaga sa pagbihis, sa pag-aruga
sa mga bisita.
Noong
dumating na ang takdang oras, ang eksena naman ng kasalan sa loob ng simbahan
ang sumagi sa aking isip – ang pagmamartsa nila, ang pagharap sa altar, at ang
pagsasabi nila ng “I do…”
Walang
humpay ng pagpatak ng aking mga luha habang yakap-yakap ang scarecrow ni Adrian
at paminsan-minsang hinahalikan iyon. Mistulang wala akong baliw sa mga
sandaling iyon.
Nasa
ganoon akong kalagayan noong biglang may narinig akong ingay mula sa
himpapawid. Bigla akong kinabahan. Naalala ko ang ingay na iyon noong dumating
ang helicopter na nagrescue sa amin. Tumingala ako upang siguraduhin kung iyon
nga. Hindi nga ako nagkamali. Isang helicopter na may nakalambiting malaking
streamer!
At
lalo pa akong kinabahan noong palapit nang palapit ito sa akkng direksyon at klaro
ko nang nababasa ang nakasulat sa nakalambitin na streamer, “JUST MARRIED!”
Biglang
sumagi sa isip ko na baka si Adrian iyon, kasama ang kanyang asawa at doon nila
naisipang mag honeymoon.
Dali-dali
akong bumalikwas sa pagkaupo at hindi magkandaugaga sa paghahanap ng mga dahon
upang takpan ang aking ginawang dalawang puso. “Baka makita nila ito sa taas!”
sigaw ng utak ko.
Ngunit
hindi pa ako nakakalahati sa pagtakip niyon, pakiwari ko ay nasa uluhan ko na
ang helicopter sa sobrang lakas ng ingay ng makina at tila handa na itong
lumapag.
Para
akong inaaligiran ni kamatayan at hindi magkandaugaga sa gagawin pagsalba sa
aking sarili. At sa sobrang kaba na baka lalapag na ang helicopter at makita
ako, doon ko na naisipang tumakbo ng matulin at hinayaan na lamang na nakalatag
ang ginawa kong higanteng drawing sa talampas.
“May
nalimutan ka!!!” ang narinig kong na sigaw sa aking likuran na halos hindi ko
marinig gawa ng patuloy pa rin na ingay na nanggaling sa rotor ng helicopter.
Pakiramdam
ko ay hindi ako makagalaw sa pagkarinig sa boses niya. Nilingon ko siya,
kagat-kagat ang sariling labi sa matinding hiya. Naka black coat and tie pa
siya, may pulang rosas na naka-pin sa kanyang kaliwang dibdib, hawak-hawak ang
scarecrow na may damit niya. Hindi na ako nakapagsalita pa sa matinding hiya,
ibinaling ang paningin sa loob ng helicopter.
“Ako
lang mag-isa ang naparito. Ako mismo ang nagpiloto sa helicopter,” sambit niya
noong napansing napako ang tingin ko sa loob ng helicopter at naghintay kung
may lalabas pa.
“B-bakit???” tanong ko.
“Hindi
sumipot ang best man ko kung kaya hindi ko na itinuloy ang kasal,” Ang sambit
niya sabay bitiw ng nakakalokong ngiti.
“Weh???
Hindi nga?” ang sagot ko namang hindi malaman kung magalit o maexcite. “At
bakit mo naman iniwanan ang babaeng mahal mo at nagdadala sa iyong anak?”
Hindi
na siya sumagot. May hinugot siya sa ilalim ng kanyang damit at lumantad ang
kakambal ng perlas na nasa akin. Nilapitan niya ako at noong nakalapit na,
walang pasabing hinipo ang pendant ng aking kwintas na nasa aking dibdib.
Inilabas niya ito at idinikit dito ang pendant ng kanyang kuwintas. Pinagmasdan
niya ang mga ito. “Simula ngayon, hindi na sila maghihiwalay pa…” sambit niya.
“N-naalala
mo pa rin ako?”
Tumango
siya. “Ang mga alaala pa rin natin ang palaging gumagambala sa aking isip… Ikaw
ang mahal ko.”
“P-paano
si Kristina? Ang magiging anak
ninyo?”
“Hindi
ako ang ama ng kanyang dinadala. Napag-alaman kong limang buwan pa lang pala
ang batang nasa sinapupunan niya. Anim na buwan tayo sa isla tol… Pakana lang
pala ng pamilya niya ang makasal kami upang masagip ng aking pamilya ang
nalulugi nilang negosyo.”
At
naalimpungatan ko na lang na nagyakapan kami at naglapat ang aming mga labi.
Kinabukasan
naman, nagulat na lang din ako noong biglang sumulpot ang aking kuya,
sakay-sakay sa lantsa. “Tol… may sorpresa ako sa iyo. Jarannnn!”
Si
mommy! At nagtatakbong palapit siya sa akin. At doon na pumatak ang aking mga
luha noong niyakap niya ako. “Anak… patawad. Tama ka anak, ako ang nagsara ng
isip ko sa mga bagay-bagay sa mundo. At ikaw ang nagbukas nito. At… pinakawalan
ko na rin ang galit ko dito sa aking puso anak. Sobrang saya ang naramdaman ko
dito sa puso anak. Kaya simula ngayon, hindi ko na papayagang magkahiwa-hiwalay
pa tayo.”
“N-nagkabalikan
kayo ng daddy?” ang tanong ko. Hindi… may ibang nanliligaw sa akin, ang sambit
ng mommny na halatang kinilig.
“S-sino???”
ang tanong ko.
“Sikret
muna, baka mapurnada naman. Pero nariyan ang daddy mo o, magkaibigan na rin
kami,” ang sambit niya, sabay turo sa is pang lantsa na padaong pa lamang. At
nakita ko ang daddy na kumakaway na may kasamang isa pang lalaki, ang kanyang lover-partner.
Sobrang
saya ko sa sandaling iyon. Doon ko naramdaman ang sarap na buo ang pamilya at
nagmamahalan. Umikot kami sa isla sandal at maya-maya lang ang inilatag naman
nila ang dalang carpet, atsaka ang mga baon nilang mga pagkain, ang iba ay
marinated na isda at karne. Masaya kaming kumain at nagsalo habang
nagkukuwentuhan. At kitang-kita ko ang saya ng aking mommy na nakipagkuwentuhan
kay Daddy at sa kalaguyo nito, pati na kay Adrian.
Maya-maya
lang ay may narinig na naman akong ingay ng helicopter.
At
kagaya ng kay Adrian, lumapag din ito sa talampas, hindi kalayuan sa lugar kung
saan kami kumakain. At doon ko napansin ang mommy na tila naiihi sa sobrang
kilig. “Anong nangyari sa iyo, Mom?” ang tanong ko.
“Ayiiii!!!”
ang sagot lang niya.
“Mom!
Anong nangyari sa iyo???”
Hindi
pa rin siya sumagot. Bagkus napako ang kanyang tingin sa taong lumabas mula sa
loob ng helicopter.
“Dad???”
ang sigaw ni Adrian. “Why are you here?”
Ngunit
hindi siya sinagot ng kanyang daddy. Bagkus dumediretso siya sa aking mommy na
nakatayo at nagyakap silang dalawa.
“What!!!”
ang sigaw ni Adrian sa tindi ng kanyang pagkagulat.
Ngunit
wala na kaming nagawa pa Kundi ang magtawanan at magpalakpakan.
Ngayon,
nagsama kami na kami ni “Adrian” hindi sa syudad kundi sa isla kung saan kami
napadpad. Binili na ito ng daddy ni Adrian para sa aming dalawa.
Wala
na siguro akong mahihiling pa sa buhay. Nandyan ang dagat na bahagi ng buhay
ko, nabago ko ang pananaw ng aking mommy tungkol sa sinabi niyang “kabaklaan”
at higit sa lahat, kasama ko ang taong siyang nagmamay-ari ng puso ko. Si Adrian…
WAKAS