Followers

Showing posts with label Now Playing. Show all posts
Showing posts with label Now Playing. Show all posts

Thursday, February 3, 2011

Now Playing: Tears Of The Dying Seven

Posted by: Half
Blog:
http://halfofmeisyou.blogspot.com
-------
Salamat po sa patuloy na sumusuporta sa Now Playing. Maraming salamat po sa mga nagbabasa, nagko-comment, at nabibitin sa kwento ko. Hehehe.

Sa lahat, just enjoy. Ang chapter na ito ay ang 2nd Special Chapter ng Now Playing series (The first one is Now Playing: The Symphony of Sins). This is what the 'Dying Seven' feels after the incident. Oo na, Rapunzel. Hahaha. Just enjoy.
=======

Now Playing: Tears Of The Dying Seven

=======

I. Tears of Meredith
CLYDE

"I said leave me alone!" ang narinig kong sinabi ni Chuck kay Ed. Sinundan ko sila dahil masama ang kutob ko. Basta, pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. Nakita kong lumapit si Ed kay Chuck na parang walang narinig. At nangyari ang hindi inaasahan.

"Ed!" ang sigaw ko.

"Kuya!" si Cassidy naman.

"No!" ang sigaw ni Aries.

Kinilabutan ako sa eksenang nakita ng dalawang mata ko. Hindi! Wala akong magawa kundi ang sumigaw. Kung mapapatigil nga lang ng pagsigaw ko ang oras ay sisigaw ako hanggang sa mapatid ang bawat litid sa aking leeg. Hindi ko kayang.. Hindi, hindi maaari. Ed..

BBBLLLLAAAAAGGGGGG!!!

"Oh my God!!"

"No, Ed!!"

"Kuya!!"

"Hindi..."

"Ed!!"

Nakapanlulumo. Bakit siya pa? Bakit ang taong pinakamamahal ko pa? Nakita ko ang pagtama ng katawan niya sa harapan ng puting van, at ang pagtilapon niya ng halos dalawang metro sa harap ng van. Nakita ko rin ang pagmantsa ng kanyang dugo sa puting van at sa paligid nito.

"Ed.. Ed! Ed.." ang wala sa sarili kong sinasabi. Hindi ko alam ang gagawin ko. Halos lahat kami ay natulala sa nasaksihan.

"Bakit.. Bakit! Ano'ng ginawa niya sa'yo para gawin mo ito sa kanya? Ha?" ang humahagulgol na sabi ni Cassidy kay Chuck. Nakita ko ang galit at hinagpis sa mukha niya. Sinugod niya si Chuck at walang sabi-sabing pinagsasampal at sinabunutan ang kapatid. Agad namang lumapit si Chad at Erol para awatin ito.

"Ed!" ang biglang pagbalik ko sa katinuan. Kahit kinikilabutan pa rin ako ay lumapit ako sa kanya. Bakit parang hindi siya humihinga? Hindi ito maaari. Maingat kong inangat ang katawan niya para mayakap ko siya.

"Ed! Gising Ed. 'Wag kang ganyan. Ed!" ang sabi ko sa kanya. Itinapat ko ang tainga ko sa kanyang labi. Napakahina ng kanyang paghinga.

"Ed, huminga ka ng maayos. Ed. Please." ang nanghihina kong sabi. Agad namang lumapit si Aries sa amin at pinulsuhan si Edge. Lumapit din si Pat pagkatapos.

"Tulungan n'yo po kami! Nakikiusap kami, tumawag kayo ng ambulansiya o kung ano man!" ang sigaw ni Aries sa mga usisero. Biglang lumapit ang driver ng van sa amin at nagpresintang siya na ang maghahatid sa amin sa ospital. Mabuti at hindi kami tinakasan. Wala akong paki-alam sa mga taong nandito. Gulung-gulo at gulat pa rin ako sa mga nangyari. Sa kabila ng kaliwa't-kanang ingay na naririnig ko, pilit kong pinakinggan at pinakiramdaman ang mahina niyang paghinga. Kahit gusto nila akong tulungan sa pagbuhat kay Ed ay hindi ko sila hinayaan. Gusto kong ako lang ang humawak sa kanya. Walang sinuman ang pwedeng dumikit kay Ed. Wala kundi ako lang.
---
"Doc, kamusta po ang pinsan ko?" ang tanong ni Aries sa doctor pagkalabas nito ng ER.

"Ligtas na ang pasyente. May mga sugat, gasgas, at ilang cracked bones lang siya, but nothing serious. Kailangan lang niyang magpahinga. But we want to observe him more. Tumama ang ulo niya sa kalsada. Isi- CT-scan namin siya to make sure na walang internal hemorrhage. But I'll assure you, he's safe. You can visit him once he's in a private room." ang sabi ng doktor. Tumango lang kami sa kanya at nagpasalamat. Niyakap naman ako ni Aries.

"Magiging ayos din siya." ang bulong ni Aries. Tumango ako sa kanya. Kumalas ako sa yakap niya at saktong dumating sila Cassidy, Mikka, Erol at Chad.

"Ano'ng balita kay kuya? Where is he? Is he okay?" ang sunud-sunod na tanong ni Cassidy sa amin. Hinawakan ko ang balikat niya at sinagot ang tanong niya.

"He's fine, Cass. Ita-transfer lang siya sa private room. He'll be awake soon." ang sabi ko sa kanya. Yumakap naman siya sa akin at pilit ko siyang pinakalma. Nagsisimula na kasi siyang umiyak.

"Hush, Cass. You're kuya's fine now." ang bulong ko.

"I can't believe Chuck could do this." ang mangiyak-ngiyak na sabi niya.

"Where is he?" ang tanong ko ulit.

"He ran away." ang sabi niya. Chuck. Bakit? Ano'ng kasalanan ni Ed sa'yo?

"Nasabi mo na ba ito kila tito at tita?" ang tanong ni Aries kay Cass.

"Oo kuya. Mabuti at nasa Makati sila ngayon, papunta na sila dito." ang sagot ni Cass.

"Tatawagan ko sila Tito Archie at Tita Rina (Villegas)." ang sabi ko.

"Ako nang bahala. Puntahan n'yo na si Ed. Sumama ka na sa kanila, Erol. Ako nang magsasabi kila mama." ang sabi ni Aries.
---
"Hello, handsome." ang bati sa akin ni Meredith. Mabilis ko siyang hinagkan sa labi para hindi makita ng papa niya. Kahit kailan ay hindi ako magsasawang halikan ang mga labi niya.

"Ikaw ha, makita tayo ni papa." ang natatawang sabi niya, sabay malambing na pinalo ang aking balikat.

"'Di naman niya nakita eh. Kamusta ang Babe ko? Ready ka na?" ang paglalambing ko sa kanya. Ngumiti naman siya at tumango sa akin. Inayos ko ang buhok niyang nawala sa pwesto, at tinitigan ko ang kanyang mga mata.

"I love you, Clyde." ang sabi niya sa akin. Tuwing sinasabi niya iyon, pakiramdam ko ay ako ang pinakamasayang tao sa buong mundo.

**Saw you walk into the room
Thought I'd try to talk to you
Babe, am I every glad
You wanted me too.
It's been two years to the day
Half the time I've been away
I know I'm not there enough
But that is gonna change
'Cause I'm coming back to show you
That I'm keeping the promise that I made..**

"I love you too, Meredith." ang sagot ko sa kanya. Bigla niya akong niyakap ng pagkahigpit-higpit. Nagtaka naman ako sa inasal niya, ngunit sinuklian ko din ang mga yakap niya.

"Ehem.." ang pagpaparamdam ng papa ni Meredith. Nasa likod lang pala namin siya.

"Hello tito. Lalabas po muna kami ni Edith. Pwede po ba?" ang tanong ko sa kanya. Ngumiti naman ito sa amin.

"Siyempre naman. Basta iu-uwi mo ng maaga ang dalaga ko, ha?" ang sabi ni tito. Ngumiti naman ako at tumango.

"Opo tito. Salamat." ang natutuwa kong sagot sa kanya.

"I love you, papa. Don't worry, papasalubungan ka namin." ang paglalambing ni Edith sa papa niya.

"Oh sure, sweetheart. Just enjoy the night, ok?" ang natutuwa nitong sabi sa anak. Hinalikan niya si Edith sa noo.

"And you, son, drive safely. Ok?" ang bilin ni tito sa akin.

"Yes tito, I will." ang sagot ko naman. Hinawakan ko sa kamay si Edith at sabay kaming lumabas ng bahay nila.

"Clyde.."

"Yes, Babe?" ang tanong ko sa kanya. Lumingon ako, at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Bigla niya akong hinalikan sa labi. Parang walang nakakakita sa amin kung maghalikan kami. Napakamasuyo, punung-puno ng pagmamahal.

**When I'm with you
I'll make every second count
'Cause I miss you, whenever you're not around
When I kiss you
I still got butterflies years from now
I'll make every second count
When I'm with you..**

"Babe-"

"I love you, Clyde. Please, be a good boy, ok?" ang tanong niya sa akin. Bakit ba ganito ang pinagsasabi niya?

"Yes, of course. I'll be a good boy." ang nakangiti kong tugon sa kanya. Ngumiti naman siya pabalik.

"Tara na?" ang sabi niya. Binigay ko sa kanya ang isang helmet at sinuot ko naman ang isa. Sumakay kami sa motor ko, ang regalong natanggap ko noong 18th birthday ko. Yumakap siya sa akin ng mahigpit. Sumenyas ako ng 'ok' sign sa kanya, at tumango naman siya. At pinaandar ko na ang motor.

**When I'm with you
I'll make every second count
'Cause I miss you, whenever you're not around
When I kiss you
I still got butterflies years from now
I'll make every second count
When I'm with you..**

Pupunta kami ng mall ngayon. Manonood ng sine, gagala, at kung anu-ano pa. Wala lang. Katatapos lang kasi ng exams week. Kaya siyempre happy-happy naman. Huminto muna kami sa isang crossing kasi kulay pula ang naka-sindi sa stoplight. Lumingon ulit ako sa kanya, at nakita ko ang kanyang mga mata. Para bang masayang-masaya siya. Ini-untog ko ng mahina ang helmet ko sa helmet niya, at ganun pa rin, masaya pa rin ang mga mata niya. Muli itinuon ko ang atensyon ko sa kalsada. Saktong nag-'go' signal na, kaya pinaandar ko na ang motor. Nang nasa gitna na kami ay biglang nangyari ang hindi inaasahan.

BBBLLLLAAAAAGGGGGG!!!!!!!

SSCCCRRRREEEEEEECCCCCHHHH!!!!

BBBLLLLAAAAAGGGGGG!!!!!!!

"Meredith?" ang tanong ko ng makabawi ako. Ano'ng nangyari? Tumingin ako sa paligid. May isang itim na Honda Civic ang wasak ang kaliwang bahagi ng harapan. May ilang sasakyan din ang nagkabungguan, malamang sumubok na umiwas. Nakita ko ang motor ko na.. Hindi maaari. Wasak ang likurang bahagi nito. Likod?

"Meredith?" ang pagtawag ko ulit sa kanya. 'Wag naman sana. Hinanap ko kung nasaan siya. Nakita ko siyang nakadapa dalawang dipa malapit sa akin. Hindi siya gumagalaw, at nakita kong may umaagos na dugo mula sa kanya.

"Meredith!" ang sigaw ko. Pinilit kong tumayo ngunit hindi ko mai-galaw ang kaliwang paa ko. Gumapang ako papunta sa kanya, at pilit inabot ang kanyang kanang kamay.

"Meredith? Meredith gising! Edith.. Babe.." ang sabi ko habang patuloy na gumagapang. Hindi pwede ito.. Hinawakan ko ang kamay niya. Kinapa ko ang pulso niya, ngunit..

"Meredith! Gising! Gumising ka!" ang pagmamaka-awa ko sa kanya. Punung-puno ng dugo ang kamay niya, at dahil dito, nabitawan ko ito. Bumagsak ang kamay niya na parang.. Walang buhay..

"Meredith!"
---
Napabalikwas ako bigla. Napanaginipan ko na naman. Bigla akong kinabahan, kaya dali-dali kong hinawakan ang kamay ni Ed. Nakita ko na mahimbing pa rin siyang natutulog. Hinimas ko ang kanyang kamay, at hinalikan ko siya sa noo.

"Mahal ko, patawarin mo ako. Wala akong nagawa para pigilan ang mga nangyari." ang bulong ko sa kanya. Muli akong umupo sa silya sa tabi ng kama. Natatakot ako na baka mawala siya sa akin. Minsan nang binawi sa akin ang isang taong mahal ko, kaya labis na pag-aalala ang nararamdaman ko. Si Meredith. Ang anghel ko. Ang tagal bago ko natanggap na wala na siya sa akin. Sinisi ko ang sarili ko ng paulit-ulit, kahit na alam kong wala akong kasalanan. Mahal na mahal ko siya. Pinagawa ko nga ulit ang motor ko para magsilbing ala-ala naming dalawa. Lagi kaming gumagala noon. Kaya lang ay bigla na siyang kinuha sa akin. Pero si Ed.. 'Wag naman sana. Hindi ko kakayanin ang isa pa..

"Ed, magpagaling ka na. Mahal na mahal kita." ang bulong ko ulit sa kanya. Tumayo ako at yumuko.

"I love you, Ed." ang sabi ko, sabay halik sa kanyang tikom na labi.
-------
- When I'm With You, Faber Drive
=======

II. Forbidden Tears
ARIES

"Panginoon, sana po ay dinggin Ninyo ang dalangin ko. Iligtas N'yo po si Edge. Iligtas N'yo po ang taong pinakamamahal ko."

**If I walk, would you run?
If I stop, would you come?
If I say you're the one,
Would you believe me?
If I ask you to stay,
Would you show me the way?
Tell me what to say so you don't leave me
The world is catching up to you..**

Nagpunta ako sa maliit na kapilya sa loob ng ospital. Nanalangin ako ng paulit-ulit. Hindi ko alam ang gagawin ko nang makita kong nakahandusay si Ed sa daan. Para akong masisiraan ng bait. Ano ba ang naging kasalanan niya para danasin ang ganito? Wala naman siyang ibang nais kundi ang mapalapit sa kapatid niya. Kailangan pa bang humantong sa ganito ang lahat?

**While you're running away to chase your dream,
It's time for us to make a move
'Cause we are asking one another to change,
And maybe I'm not ready..**

Pinunasan ko ang mga luhang gumuhit sa aking pisngi. Kailangang maging matatag ako. Kailangan kong magtiwala sa Kanya. Alam kong ililigtas Niya si Ed.

"Ed.."

Kasabay ng mga luhang ito at paglabas ng tunay kong damdamin. Inaamin ko, mahal ko si Ed. Simula pa noon. Kaya nga sobra-sobra ang pag-aalaga ko sa kanya. Kaya nanlumo ako ng sobra ng makita kong wala na siyang malay. Gusto ko siyang yakapin, pero naunahan ako ni Clyde. Gusto ko siyang buhatin, pero ayaw ni Clyde. Ni hindi ko man lang mahawakan ang kamay niya. Wala akong magawa kundi manatiling kalmado, kahit na nadudurog ang kalooban ko. Ed..

**But I'll try for your love,
I can hide up above
I will try for your love,
We've been hiding enough..**

'I love you, cuz.' ang sabi pa niya sa akin kagabi bago kami natulog. Tuwang-tuwa na ako noon. Hiniling ko na sana magkatabi pa rin kami sa pagtulog, ngunit si Clyde ang katabi niya. Ano ba'ng magagawa ko? Siya ang may karapatan kay Ed.

Mananatili na lamang ba akong nagkukubli sa hamog? Hanggang kailan ko ba ililihim ang lahat ng ito? Alam kong kahit kailan ay hindi maaaring maging kami. Ngunit sana, kahit sa isang saglit, maranasan ko ang mahalin ng isang katulad ni Ed. Si Edge, ang pinakamamahal ko.

"Sana po ay dinggin Ninyo ang aking dalangin."
-------
- Try, Asher Book
=======

III. Tears of a Prince
XANDER

'Hanggang ngayon, hindi pa rin kita malimutan, Ed.'

**I hate the mornings
'Cause I know what they bring
You get up and take a shower in no time, you're leaving
It sound so selfish
But I can't help but think
That you knew how much I needed you,
You'd stay..**

Isang buwan mahigit na nang matanggap ko ang balitang si Edge at si Clyde ang nagkatuluyan. Nagkakilala lang kami ni Clyde nang minsang isinama siya ni Ed sa gala namin. Mabait naman si Clyde. Pero siyempre, nagseselos pa rin ako. Mahal na mahal ko si Ed. Pero kailangan kong mag-move-on. Alam ko kung hanggang saan lang ang mga limitasyon ko.

**I hate goodbyes
I hate these tears in my eyes
I hate myself for the way I feel about you everytime
I've had enough
I'm sick of wishing he was around me
Every day,
Every night,
It's way too much..**

Lumalabas pa rin kami nila Ed. At kahit alam kong hindi na pwede, hindi ko maiwasang tamaan sa kanya. Ang mga galaw niya, kilos at asal ay talagang nakakapagbigay ng maling impresyon. Iisipin mong mahal ka rin niya. Napaka-lambing, sweet, maalalahanin. Hindi siya mahirap ibigin.

**I hate love.. Yeah..
I hate love..**

'Ed, kung ako na lang sana..'

TTIIICCCKKK.

Nagulat ako ng biglang magkalamat ang kopitang iniinuman ko. Nagsimulang tumagas ang wine na nakalagay dito. Kinabahan akong bigla. Bakit kaya? Dinala ko na lang sa lababo ang kopita, itinapon ang laman niyon at itinapon ang kopita sa basurahan. Pinunasan ko rin ang natapong wine. Ano nga kaya ang ibig sabihin n'un? Wala naman sanang masamang nangyari.
-------
- I Hate Love, Claude Kelly
=======

IV. Wishful Tears
PATRICK

Sinilip ko ang kuwartong kinaroroonan ni Edge, ngunit hindi na ako tumuloy sa pagpasok sa loob.

"I love you, Ed."

Isinara ko ang pinto para bigyan si Clyde ng pribadong sandali kasama si Ed. Talagang mahal na mahal niya ito. Ayaw niyang bitawan ang kamay nito, ni iwan ito kahit saglit.

**Some try to hand me money,
They don't understand
I'm not broke, I'm just a broken-hearted man
I know it makes no sense
But what else can I do
How can I move on when I'm still in-love with you..**

Napabuntong-hininga ako. Bakit wala akong magawa? Gusto ko ring hagkan si Ed, pero hindi ko magawa. Wala ako sa tamang lugar at pagkakataon para gawin ang gusto ko. Nagpakawala na naman ako ng isang buntong-hininga.

"Ed.."

**'Cause if one day you wake up
And found that you're missing me
And your heart starts to wonder
Where on this earth I could be
Thinking one day you'll come back here
To the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you
On our corner of the street..**

'Mahal kita, Ed.'

Sana ay may magawa man lang ako para pabilisin ang paggaling niya. Hindi ko alam kung paano papaniwalain ang sarili kong ligtas na siya sa panganib. Hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako sa mga posibleng mangyari.

**So, I'm not moving, I'm not moving..**

"Ed, gumising ka na, ngumiti ka ulit para sa akin." ang bulong ko sa hangin.

'Mahal kita, Ed. Ngumiti ka ulit para sa akin.'
-------
- The Man Who Can't Be Moved, The Script
=======

V. What His Tears are Made of
EROL

"Kuya Ed.." ang umiiyak kong usal. Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak. Wala akong magawa. Itinakip ko sa aking mukha ang dalawang kamay ko para pigilin ang daloy ng kalungkutan sa aking mga mata. Pero hindi ko nagawa. Wala akong magawa.

**I got your back boy
We were high
We were low
But I promise I will never let you go
Said I got, I got, I got, I got your back, boy
I got, I got, I got, I got your back, boy..**

"Erol.." ang sabi ni Chad. Niyakap niya ako ng mahigpit. At dahil sa ginawa niya ay lalo akong napahagulgol.

"Tahan na. Ligtas na si kuya Edge, ano ka ba." ang masuyong sabi niya habang hinahaplos ako sa likod.

"S-si kuya Ed.."

"Hush, Erol. Tahan na." ang sabi ulit ni Chad.

"'Gagaling si kuya Ed. 'Wag ka nang malungkot." ang sabi ulit niya. Kahit nahihirapan ako, tumango ako habang humihikbi.

**Keep my swagger
Keep it looking good for ya
Keep it looking hood for ya
Shawty if you don't know,
I got, I got, I got, I got your back, boy
I got, I got, I got, I got your back, boy..**

"Kuya Ed.."

"Just pray, Erol. Pray."
-------
- T.I. and Kerry Hilson, Got Your Back
=======

VI. Tears of Guilt and Agony
CHUCK

'I said leave me alone!'

**Got venom dripping from my lips
Know what you're about to kiss
Think that you can handle it
Boy, it's on
Just step into the danger zone..**

Um-order ulit ako ng Martini. Alam kong 17 pa lang ako, at hindi pa dapat pinagsisilbihan sa bar na ito, pero ang negosyo ay negosyo.

**Shake it if you wanna roll, never bend
Just take control, stakes are on
So sick, get a grip, gonna stick to a stick
I don't think that I can stop this
Pick it up, let it drop
When it drops, slip it up
Oh no, I'll never stop..**

'Yeah.. Well, well. Hello, faggot.'

"Hey, nag-iisa ka ba?" ang biglang sabi ng isang lalaki. Hindi ko siya pinansin.

**That bad girl power I got,
I'll abuse it tonight,
'Cause tonight, got poison on my mind.
That power I got, you'll be mine when I stay 'til real late
Got poison on my mind..**

'Bakit, kakampihan mo ang kabaklaan niyan? Go. Magsama kayo.'

"Hey.."

"Piss off." ang pa-angil kong sabi. Itinaas niya ang dalawang kamay niya tanda ng pagsuko, at tuluyan na siyang umalis. Bumuntong-hininga ako. Ano ba'ng nangyari sa akin kanina? Bakit ko ba nagawa iyon?

**I got that poison (uh huh),
I got that poison (uh huh)
I got that poison, that poison on my mind
I got that poison (uh huh),
I got that poison (uh huh)
I got that poison, that poison on my mind..**

Tumayo na ako at dali-daling nilisan ang bar na iyon. Kahit magkanda-hilo at matalisod ay pinilit kong makalabas sa lugar na iyon.

'I'm a criminal.' ang sabi ko sa sarili ko. Maniwala ka. Hindi ko sinasadya. Hindi ko akalaing magagawa ko iyon sa kanya, sa kuya ko pa.

'Faggot..'

"I'm not!" ang bigla kong usal. Napatingin sa akin ang bouncer at ang ilang taong nasa labas ng establisyimento. Inalog kong bahagya ang ulo ko. Bakit? Hindi ako katulad niya.

'Faggot..'

"No.." ang mahina kong sagot. Ano ba ito? Epekto ba ito ng nainom ko? Saan ba nanggagaling ang mga boses na iyon?

'Faggot..'

"I said I'm not!" ang malakas kong sabi. Pinilit kong lumakad palayo sa lugar na iyon. Hindi. Hindi ako bakla.

"Jasper.." ang wala sa sarili kong nabanggit. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa isang malapit na motel. Hindi ko pa kayang magpakita kila Mom at Dad. Sigurado alam na nila ang nangyari.

"Patawarin mo ako kuya. Hindi ko sinasadya.." ang mahina kong usal. Hindi ko na napigilan ang mga luhang kani-kanina lang ay pinipigilan ng alkohol sa aking sistema. Wala akong pakialam sa drayber na kanina pa nakatingin sa akin. Isang bagay lang ang gusto kong gawin, iyon ay ang humingi ng tawad.

"Patawad, kuya. Patawad."
-------
- Poison, Nicole Scherzinger
=======

VII. Tears of the Reunited Past
WHO AM I?

"May bago na namang pasyente?"

"Uh-huh. Room 315. Road accident." ang sabi ni Froilan sa akin. Kararating ko lang at agad akong pumunta sa Nurse's Station kung saan ako naka-assign. Tinignan ko ang metal chart na nakapatong sa lamesa. At nagulat ako sa nakasulat na pangalan.

Edgar Chase Villegas - Lewis

"Ed?" ang wala sa sarili kong naibulalas.

"Kilala mo ang pasyente?" ang tanong ulit ni Froilan.

"I.. Don't know. Para kasing may kapangalan siya." ang sagot ko sa kanya.

"Buds?" ang nagtatakang tanong ulit niya.

"Yes?" ang balik ko sa kanya.

"Kilala mo." ang sabi niya. Ewan ko. Natatakot ako na maging katotohanan ang iniisip ko. Hindi pwede. 'Wag naman sana si Ed..

"I dunno. Mamaya titignan ko 'pag nag-rounds na ako." ang sabi ko sa kanya.

"Nabunggo 'yang pasyente. Balita ko may tumulak sa kanya kaya nahagip siya ng sasakyan." ang tuloy-tuloy na sabi ni Froilan kahit hindi ko naman tinatanong. Muli tinitigan ko ang nakasulat na pangalan. Kinakabahan talaga ako. Nakikiusap po ako, 'wag naman sana.
---
'Oo nga pala, I think ito ay hindi na para sa akin.'

**Didn't mean to take you for granted
Didn't mean to show I don't care..**

Napatingin ako sa singsing na nasa daliri ko. Simula nang matapos ang lahat sa amin ay hindi ko pa rin nagawang hubarin ang singsing. Kasalanan ko kung bakit natuldukan ang relasyon naming dalawa. Mahal na mahal ko siya. Nung panahong iyon..

**Didn't mean to throw away
This once in a lifetime of chance
Being with you..**

'Simula ngayong gabi, wala na tayo.'

Paulit-ulit na naririnig ko ang bawat katagang lumabas sa kanyang bibig. Hindi ko pa rin maalis ang hinagpis na nakita ko sa kanyang mukha. Napakalaki kong tanga. Sinira ko ang lahat sa pamamagitan ng isang makasalanang sandali. Hindi ko napaglabanan ang kasalanang humaplos sa akin.

**And I'll drive for two hours
To bring Butterfingers
I don't mind the distance,
This kismet's a dance..**

'Simula ngayong gabi, wala na tayo.'

At labis kong pinagsisisihan ang ginawa ko.

"Nurse Francis?" ang sabi ng isang lalaki. Lumingon ako mula sa pagkakayuko sa lababo. Si Froilan.

"Siya ba?" ang tanong niya ulit sa akin.

"Sino?" ang tanong ko pabalik.

"You and I both know who am I'm talking about." ang sabi niya. Lumapit siya sa katabing lababo at naghugas ng kamay. Si Froilan. Talagang alam niya ang bawat pangyayari sa buhay ko. Siya ang naging bestfriend ko noong nagre-review ako para sa nursing exam. Alam niya ang lahat ng nangyari sa akin. Madali ko siyang naka-gaanan ng loob. Napakabait niya, kaya ewan ko, basta nag-click agad kami. At alam din niya ang tungkol kay Ed.

"Puntahan mo siya, Francis." ang sabi niya. Lumabas na siya ng washroom at naiwan akong nakatitig sa salamin.

**This time I surrender
My everything forever
Life doesn't matter
Just our souls together..**

"Ed.."

Sana ay ayos ka lang.
---
"Clyde, magpahinga ka muna. Eto oh, kain ka muna."

"I'm fine, Aries. Salamat."

"Clyde, sige na. Edge's fine. Kailangan mo ring bumawi ng lakas. Hindi ka pa naghahapunan."

"Thanks."

Ito ang narinig kong usapan ng dalawang lalaki sa kwarto. Room 315. Tinignan ko ulit ang metal chart na hawak ko. Dito nga. Nandito nga siya.

"Alam kong mahal mo si Ed, pero alalahanin mo, mahal ka rin niya. 'Wag mong pabayaan ang sarili mo." ang sabi ulit ng isang lalaki. Teka, parang kaboses ni..

"Salamat Aries. Hindi ko lang mapigil ang mag-alala. Takot na takot talaga ako nung.. Mamamatay ako kapag nawala siya." ang sabi ng isa pang lalaki. Nandito si Aries? Ibig sabihin ay si Ed nga talaga ang nasa loob. Ngunit sino yung isang lalaki. Mahal daw niya si Ed? At mahal din siya ni Ed? Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng luha ko sa aking pisngi. Pinunasan ko ito gamit ang manggas ng aking uniporme. Si Ed. Kung totoo ang mga narinig ko, talagang wala na akong pag-asa pa sa kanya.

Inayos ko muna ang sarili ko bago kumatok sa pintuan. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto at pumasok ako ng nakayuko.

"Sir.."

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang putulin ako ni Aries.

"Francis?" ang gulat na sabi nito. Napatingin sa akin ang lalaking nasa tabi ng kama. Hawak nito ang isang kamay ng taong minahal ko ng sobra. At ng taong nagawan ko ng kasalanan.

**Pride no longer has room in me
On bended knees in public
I cry your name
For everyone to know that I love you,
I love you
Please hear me now..**

"Ed.." hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Pinagmasdan ko ang anghel ng buhay ko na nahihimbing. May benda ito sa ulo at sa bandang dibdib nito. May ilang mga gasgas din siya sa katawan. Bigla akong nanghina. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang yapusin. Gusto kong halikan ang mga sugat niya para maibsan ang sakit na dulot ng mga iyon sa kanya. Gusto kong haplusin ang kanyang mala-anghel na mukha. At higit sa lahat, gusto kong halikan ang mga labing minsang nagbigay sa akin ng labis na kaligayahan.

**And I'll drive for two hours
To bring Butterfingers
I don't mind the distance,
This kismet's a dance..**

"Sino ka?" ang tanong ng lalaking nakahawak sa kamay ni Ed. Siya pala. Siya ang iniibig ngayon ni Ed. Naramdaman ko ang pagtitig ni Aries sa akin. Pinunasan ko ang aking mga mata, at ipinakilala ang aking sarili.

**This time I surrender
My everything forever
Life doesn't matter
Just our souls together..**

"Ako si Micco."
-------
- Kismet, Silent Sanctuary
=======

Now Playing: Tears Of The Dying Seven

Friday, January 28, 2011

Now Playing Chapter 19

Posted by: Half
Blog:
http://halfofmeisyou.blogspot.com
-------
Pasensya na po ulit kung ngayon lang dumating ang latest soundtrack. Busy ako sa school work, siyempre. Exams week po kasi, dagdag pa ang thesis at reports na nakaka-stress. Time out po muna ako.

Sa lahat ng naghintay at hindi nagsasawa, maraming salamat po sa suporta. 'Wag po kayong mag-alala, may ending na ang kwentong ito. Yup! Tapos na, pero siyempre, one post at a time lang. Okay?

Salamat po sa inyong lahat. Love you all.
-------
Flashback:
>>>
"Naikwento ko na si Micco sa iyo, diba? Alam mo kasi, Clyde reminds me of Micco. Well, I love Clyde not because I saw Micco in him. Basta mahal ko lang siya. Ang problema lang, yung situation. Micco gave me a ring before, a silver ring with his name inscribed inside it. And Clyde did the same thing." ang sabi ko sabay taas ng kamay kong may singsing.
>>>
"You became my hero in every ways possible." ang dugtong ko pa. I'm so grateful with all of the things he did. But what makes me happy is the fact that he's my friend, and what makes me proud is that he remained to be the hero I love. And I will always love.
>>>
"Xander, gusto ko sanang sabihin sa iyo ito ng personal, pero ayokong patagalin pa. At ayokong sa iba mo pa malaman. Xander, si Clyde at ako, kaming dalawa na." ang sabi ko. Alam kong malulungkot siya sa mga sinabi ko, ngunit habang maaga, mas gusto kong malaman niya ang totoo.
>>>
"I love you, Clyde."

"I love you too, Edge." at tuluyang naglapat ang aming mga labi. Ang sandaling paghihiwalay namin kanina ang nagbigay sa amin ng pananabik sa isa't-isa. Ang labi niya ay inaakyat na naman ako sa langit. Nawawala ako sa sarili dahil sa kuryenteng dulot niya. Ang mahal ko. Ang pinakamamahal ko.
>>>
"O talaga? That's good. Paabot naman ng ketchup."
>>>
Tumayo ako sa taas ng hagdanan, at minasdan ang madlang nakatingin. Napakatahimik ng gabing ito, hindi ko mawari kung bakit. Tinignan ko si Clyde na nakangiti sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya. Akala ko tuluyan nang magiging tahimik ang lahat. Ngunit mula sa isa, naging dalawa, tatlo, ay sunud-sunod at sabay-sabay nilang ginawa ang iisang bagay.

Isang masigabong palakpakan.
-------
Now Playing Chapter 19
Life After You Part 03

"All that I'm after
Is a life full of laughter
As long as I'm laughing with you
I'm thinking that
All that still matters
Is love ever after
After the life we've been through
I know there's no life after you.."
- Daughtry, Life After You
-------
Patuloy pa rin ang palakpakan ng mga tao sa gabing ito. At habang bumababa ako ng hagdanan ay palakas ng palakas ang palakpak na naririnig ko. Sinalubong ako ni kuya Ced sa gitna ng hagdan at niyakap ako ng pagkahigpit-higpit.

"I love you, bro. You're the best birthday gift I've ever had. Thank you." ang bulong niya sa akin. Ngiti lang ang isinukli ko sa kanya. Inakbayan niya ako, at sabay kaming bumaba ng hagdanan. Sinalubong naman kami nila mama at papa pati nila mom at dad. Niyakap ko rin silang apat. I turned to Pat and Clyde na bakas sa mukha ang sobrang tuwa. At humarap naman ako kay Donya Cresencia.

"Lola.." ang tanging nasabi ko. Tuluyan na akong naluha sa tagpong iyon. Ibinuka niya ang kanyang mga bisig, inaanyayahan akong yakapin siya.

"Ang apo ko.." ang sabi niya. Yumakap ako sa kanya. Iba na naman ang pakiramdam, para akong ipinaghehele ng isang diwata. Ewan ko, pero I feel very safe in her arms.

"Nandito na po ako, lola." ang sabi ko habang pinapahid ang kanyang mga luha.

"Ikaw nga ang apo ko, walang duda. Kamukhang-kamukha mo ang kuya mo. Bakit ngayon ka lang nagpakita, ha? 'Wag ka nang mawawala ulit. Maliwanag ba?" ang tuloy-tuloy na sabi niya. Hinalikan niya ako sa noo, at nginitian ko siya.

"Opo lola. Kamusta na po kayo?" ang sabi ko habang pinapahid ang sarili kong luha. Doon nagsimula ang gabi ko. Paulit-ulit niyang sinasabi na natutuwa siya at nagkatagpo na kaming dalawa. Ako rin naman ay ganoon ang nararamdaman. Kung kani-kanino niya ako ipinapakilala, mga kamag-anak, pinsan, mga amiga, at kung sinu-sino pa. Halos ayaw niyang bitiwan ang mga kamay ko. Parang wala pa rin yata ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko lutang na lutang ako. Masayang-masaya ako sa gabing ito.
-------
"Masaya po ako sa naging buhay ko sa piling ng pamilyang kumupkop sa akin. Mabubuti silang tao, wala silang hinangad kundi ang kabutihan naming magkapatid. Simple ang naging buhay ko kasama sila, pero naging napakakulay n'un dahil sa pagmamahal nila." ang sabi ko kay lola. Nasa isang malaking lamesa kami. Si lola, mama, papa, mom, dad, si tito Tristan at tita Minerva, kuya Ced, ang kambal na sila Chuck at Cassidy, si Pat, si Clyde, at ako.

"Natutuwa ako at naging mabuti ang pagpapalaki nila sa iyo. Maraming salamat sa inyo." ang baling ni Lola kila mama at papa.

"Hindi po ninyo kailangang magpasalamat. Anak rin po namin si Edgar, kaya ginawa lang po namin ang dapat naming gawin. Isa po siya sa mga anghel namin." ang sagot ni mama kay lola. Hindi ko mapigilan ang mga ngiti sa aking labi. Tumayo ako ng upuan at niyakap si mama at nagpasalamat.

"Oo nga pala, Iho. Ito ang mga kapatid mo. Si Chuck Axel at si Cassidy Mae." ang pakilala ni lola sa kambal. Mas matanda ako sa kanila ng tatlong taon. Pareho silang 17 ngayon. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanila, kaya nginitian ko na lang silang pareho.
-------
Si Chuck Axel ang unang lumabas sa kambal. 5'7", maputi, kulay tsokolateng buhok, may malamlam na mata, matangos na ilong, manipis na labi, pantay at mapuputing ngipin. Hindi tulad namin ni kuya Cedie na magkamukha, nahahawig si Chuck kay Mom. Si Cassidy Mae naman ay 5'6", maputi, kulay tsokolateng buhok, bilugang mata, mahabang pilik mata, matangos na ilong, manipis na labi, pantay at mapuputing ngipin. Kahawig din ito ni Mom, pero sa totoo lang, mukha siyang manika. Jillian Ward? Hahaha.
-------
"Hi kuya." ang bati sa akin ni Cassidy.

"Hello." ang sagot ko kasama ang isang ngiti. Syempre nahihiya pa ako. Pero mahaba pa naman ang gabi.

Ano pa nga ba ang nangyari? Puro kwentuhan lang naman ang inatupag namin. Kwento ng mga pinaggagagawa ko sa buhay, sila naman tungkol din sa buhay nila. Pero parang wala namang pumapasok sa isip ko sa mga kinikwento nila. Lutang na lutang nga ata talaga ako. Iba ang saya na dulot ng malaking pamilyang mayroon ako. Kaya sobra-sobra ang pasasalamat ko sa itaas.

Maya-maya, kahit tapos na kaming kumain ay kwentuhan pa rin ang nangyari. Kasalukuyan akong nagsasalita nang may magsalita sa likuran ko.

"Tignan mo nga naman. Ang liit talaga ng mundo. Diba, Ed?" Luningon ako sa pinagmulan ng tinig, at nagulat ako sa taong nakita.

"Aries?" ang namamangha kong sagot. Ano'ng ginagawa niya dito?

"Kamusta, Edge." ang sabi niya sabay bitaw ng pamatay na ngiti. Oh God.. Lalo pang nadagdagan ang tuwa ko nang makita siya.

"Aries!" ang sabi ko sabay tayo at yakap sa kanya. Hay, ang tagal ko nang hindi nakita ang adonis na ito, kaya tuwang tuwa ako na makita siya ngayon.

"Aahh Ed, I can't breathe!" ang natatawang sabi ni Aries. Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at sinuntok ng mahina ang kanyang dibdib.

"Ikaw ha. Na-miss kita. Kamusta? Bakit ka nandito? Ano-"

"Whoah, easy lang." ang nakangiti niyang tugon. Kumuha ako ng isa pang upuan at pinaupo ko siya sa tabi ko. Tinanong ko ulit kung ano'ng ginagawa niya dito, and he answered in as-a-matter-of-fact manner.

"2nd cousin ko kayo." ang naka-ngiti niyang sabi. Hala, magpinsan pa rin pala kami. Buhay nga naman.

"Talaga! Yeah, pinsan pa rin kita! Hahahaha" ang niyakap ko siya ulit.

"Teka, paano naman nangyari iyon?" ang tanong ni Papa kay Aries.

"Bale kapatid ni papa (Oliver Maclor) si tita Ysabella na asawa ni tito Lextur na kapatid ni tito Ace (Wallace 'Ace' Lewis, Edge's biological father). Pinsan ko po si Franklin, anak nila na pinsan rin nila Ed." ang sagot naman niya kay Papa. Ah talaga. Naman, nagka-dugtong-dugtong pala ang mga buhay namin.

"Naku pinsan 'wag ka nang magpaliwanag. Basta magpinsan pa rin tayo." ang natutuwa kong sabi. Naman eh. Nginitian naman niya ako, at malambing na tinampal ang pisngi ko. Tinanong ko kung bakit wala sila tito at tita, may trabaho daw kasi. At may exams sila Erol at Mikka kaya hindi nakasama.

"Nami-miss ka na nila, Ed, lalo na si 'bunsoy'" ang pagbibigay-diin niya sa huling salita. Napa-isip naman ako kung ano na ang nangyari kay Erol. Pero agad naman siyang nagsalita na parang nabasa ang laman ng isip ko.

"He's lonely, but definitely not alone, Ed. Kung matututo lang siyang magmasid at makiramadam, siguradong magiging makulay ang paligid niya." ang sabi niya na inilikot pa ang dalawang kilay. Alam ko ang sinasabi ni mokong. Mabait na bata si Erol. At gwapo pa. Kaya hindi nakapagtatakang nagkagusto sa kanya ang bestfriend niya. But that's another story.

"Tama ka, pinsan. But let's make him learn that by himself. That's much better. Oo nga pala, si Clyde." ang pakilala ko kay Aries kay Clyde. Tinapunan muna niya ako ng tinging nagtatanong bago humarap kay Clyde at nakipagkamay.

"Nice meeting you, pare."

"Same here."

"So Ed.." ang sabi ni Aries. Tumingin ako sa kanya, at iginalaw niya ang kanyang mga kilay. Alam ko kung ano ang nais niyang ipahiwatig. I mouthed 'later'.

Maya maya, matapos ang mahaba-habang kwentuhan, ay isa-isa na rin kaming nagtayuan. Konting halubilo, konting kwento, kulitan, at kung anu-ano pa ang pinaggagawa namin bago tuluyang nabawasan at nawala ang mga bisita. Pasado alas 12:00 na nang magsimula kaming magligpit. Naki-tulong kaming mga bata sa mga kasambahay para mas mapabilis ang gawain at para lahat kami makapagpahinga na. Pinauna na naming umakyat si lola, alam n'yo na, may edad na. Ako ang naghatid sa kanya sa kwarto niya, kasi request niya sa akin. Hay, naman.

"Apo.."

"Lola, matulog na po kayo." ang sabi ko sa kanya habang inaalalayan siya pahiga sa kanyang kama. Hindi naman siya agad humiga, umupo muna siya dahil may gusto daw siyang sabihin sa akin.

"Iho, maaari mo bang i-abot ang kahong nasa tabi ng larawan ng lolo mo?" ang nakangiting sabi ni lola. Dali-dali naman akong tumalima sa kahilingan niya. Lumapit ako sa lamesang kinalalagyan ng larawan ni lolo at ng kahon. Saglit kong tinitigan si lolo. Napaka-kisig niyang tignan sa suot niyang kulay abong amerikana.

"Siya ang lolo Armand mo. Alam mo, napaka-buti niyang tao." ang sabi ni lola. Nilingon ko siya at ngumiti siya sa akin. Ibinalik ko ang tingin sa larawan. Muli naman niyang ipinagpatuloy ang pagku-kwento.

"Apo, gusto kong sabihin sa iyo ang huling kahilingan ng lolo mo bago siya tuluyang namaalam." Kinuha ko ang kahong kulay abo na gawa sa kahoy. May maliit na kandado ang kahon. Umupo ako sa tabi ni lola at ibinigay sa kanya ang kahon. Binuksan ni lola ang pinakamataas na butones ng damit niya at inilabas ang isang kwintas. May pendant ito na hugis susi na gawa sa ginto. Tinanggal niya ang kwintas niya, at isinusi ito sa kandado. Bumukas ang kahon, at nakita kong may laman itong mga larawang niluma na ng panahon. Inilabas ni lola ang mga iyon at inilagay sa isang tabi.

"Nais niyang humingi ng tawad sa iyo. Nadamay ka kasi sa pagkakamali niya, ang pagtatakwil sa papa mo. Hindi niya inasahan na ganoon ang mangyayari kaya nagalit siya. Ngunit dahil wala na ang lolo mo, ako na ang hihingi ng tawad para sa kanya." ang malungkot na sabi ni lola. Patuloy pa rin ang pagtanggal niya sa mga litrato na parang may hinahagilap sa loob ng kahon.

"Lola.."

"Mapapatawad mo ba ang lolo mo, Edgar?" ang tanong niya sa akin. Hinawakan ko ang isang kamay ni lola.

"Hindi po ako galit kay lolo. Inaamin ko po, noong malaman ko ang lahat, nagalit ako. Ang sinasabi ko ay galit ako kay mom at dad, o kay mama at papa. Pero ang totoo po, galit ako sa pagkakataong gumulo sa mga buhay natin. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, alam ko na nakatulong sa akin ng malaki ang mga nangyari. Kasi ngayon lola, mas malakas, mas marunong, mas matatag na ako, at ngayon, alam ko na ang pakiramdam ng maging buo." ang sabi ko sa kanya. Nginitian niya ako, at hinagkan ko ang kanyang pisngi. Hinawakan niya ng dalawang kamay niya ang aking kamay at inilagay sa palad ko ang isang matigas na bagay. Inalis niya ang mga kamay niya at nakita ko ang isang gintong kwintas na may pendant na kasing laki ng sampung piso. May naka-engrave na letrang 'L' sa gitna na napapalibutan pa ng mabusising detalye sa paligid.

"Nais ng lolo mo na ibigay sa iyo 'yan. Namana pa niya 'yan sa ama niya. Sa tingin ng lolo mo, ikaw ang dapat mag-may-ari nito. Hindi ko alam kung bakit ikaw ang nais niyang pagbigyan niyan, ngunit kung ano man iyon, siya lang ang nakakaalam." ang sabi ni lola. Dinama ko ng aking hinlalaki ang bawat detalye ng pendant. Nakakamangha.

"Baka po "danyos"" ang sabi kong natatawa kay lola. Natawa rin siya sa sinabi ko, at marahang hinaplos ang aking pisngi.

"'Wag na po nating isipin ang mga pagkakamaling nangyari. Ang mahalaga po ay magkakasama na tayo ngayon. Ayos po ba?" ang nakangiti kong tugon kay lola. Nagyakap naman kaming dalawa, at hinagkan ko siyang muli sa pisngi bago magpaalam.
-------
"Alam ko." ang sabi ni Aries sa akin. Alam kong ang tinutukoy niya ay ang tungkol sa presensya ni Clyde. Bumalik kasi ako sa balkonahe pagkagaling sa kwarto ni lola. Nakita ko siyang nakaupo sa isang parte ng terrace, kaya nilapitan ko siya at niyakap mula sa likod.

"What's new? Even before, sasabihin ko pa lang, alam mo na." ang sagot ko sa kanya.

"Be honest, Ed." bahagya siyang tumagilid para tumingin sa akin nang hindi naaalis sa yakap ko, at tumingin din ako sa kanya. Ito yung mga pagkakataon na kahit hindi kami mag-imikan ay magkakaintindihan kami. Ganito kalakas ang koneksyon namin ni Aries.

"Later ko na lang na-realize na may mga similarities pala sila. Natakot rin ako, dahil alam kong mahal ko na siya. Pero sa kabilang banda, magka-iba pa rin sila ni Micco. Si Micco ay si Micco, at si Clyde ay si Clyde." ang sagot ko sa kanya. Umikot siya ng upo para humarap sa akin. Ngayon ay magkaharap kaming magkayakap.

"Natatakot ako para sa iyo, Ed. Paano kung nakita mo nga lang sa kanya si Micco? Paano kung bigla kayong magkita ni Micco? Paano mo haharapin ang lahat?" ang sabi niya sa akin.

"Ayoko nang isipin ang mga iyan. If I live my life in what-ifs, then there's no way I'll experience the very meaning of happiness." ang sabi ko sa kanya.

"Ed?"

"Hmm?"

"You know I love you, right?" ang tanong ni Aries.

"Of course. I love you, cuz." ang sagot ko sa kanya. Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin, at ganun din ang ginawa ko. Naku, kung hindi ko lang talaga alam ang katotohanan, iisipin kong mahal nga talaga ako ni Aries. Pero wala na iyon, pangarap lang. Basta ang mahalaga, nasa tabi ko siya.

"Thank you."

"Don't mention it, Ed."
-------
"Can't you see? He's a fag." ang narinig ko sa sala. Nagtago ako ng bahagya sa hagdanan para hindi nila ako makita.

"And so? He's still our brother. Don't make a fuss with that." ang sagot ni Cassidy kay Chuck. Sabi ko na nga ba, homophobic si Chuck.

"Cass, he's a fag. He kisses boys-"

"So I'm a fag too? I kiss my boyfriend everytime we get a chance."

"'Wag kang pilosopo. Hindi ka ba nadidiri sa kanya?" ang naiiritang sabi ni Chuck. Ewan ko, pero nakaramdam ako ng sakit sa dibdib. Para bang piniga ang puso mo, at nahihirapan kang huminga. Bakit sa lahat pa ng taong magsasabi n'un ay si Chuck pa?

"For Christ's sake, Chuck. What's the matter with you? Magkakambal tayo, pero I never knew na ganyan kakitid ang utak mo." ang napipikong sagot ni Cass. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Naramdaman ko na lang ang pag-agos na ito. Pinahid ko ito, at habang ginagawa ko iyon ay may yumakap sa likod ko.

"Everything will be alright, Ed. I'll never give you up." ang bulong ni Clyde sa tainga ko. Humarap ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Clyde.."

"Gagawa tayo ng paraan para ipa-intindi sa kanya. Maiintindihan niya rin, Ed. Maiintindihan niya kung bakit kita mahal. Pangako ko 'yan sa'yo. Mahal na mahal kita." ang sabi niya sa akin. Hinawakan niya ang baba ko at inilapit niya ang kanyang mga labi. Punung-puno iyon ng kanyang mga pangako at pagmamahal.

"Mahal na mahal kita, Ed."

"Mahal na mahal din kita, Clyde."
-------
Kinabukasan ay umuwi na rin kami. Pagkakain ng agahan ay nagpaalam na kami. Ang layo kaya ng Quezon sa Bataan. Naman.

Syempre si lola ayaw na akong paalisin. Nagpaliwanag naman ako na babalik ako sa katapusan ng October, sembreak namin kasi n'un. Sumama pa sa amin pabalik si kuya Cedie. Ewan ko ba dito. Mabuti na rin iyon para may sasakyan kami. Ginawang driver si kuya. Hahaha.

"Sige po, mauna na po kami. Babalik po ako dito sa sembreak, lola." ang sabi ko sabay halik sa kanyang noo.

"Kahit 'wag na.." ang mahinang sabi ni Chuck. Kahit mahina iyon ay narinig ko pa rin. Tumingin ako sa kanya, at nakita kong yumuko siya. Nakatingin din pala sa kanya sila Pat, Clyde, at kuya Cedie. Tsk.

"Pangako iyan, ha? I love you, apo."

"Opo lola. I love you too." sabay yakap sa kanya. Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi ni Chuck. Naniniwala akong magkaka-ayos din kami.

"Bye Chuck, Cass. Mami-miss ko kayong dalawa." ang sabi ko. Yumakap naman sa akin si Cassidy, at tumango lang sa akin si Chuck. Halatang napilitan.

"Mami-miss din kita, kuya." ang bulong ni Cass. Nginitian ko naman siya.

"Mom, Dad, aalis na po kami." ang paalam ko sa kanila. Niyakap din nila ako na ikinataba ng aking puso.

"Maraming salamat, anak. Babalik ka, ha?" ang sabi ni Dad.

"Opo." ang nakangiti kong sagot. Hinalikan muna ako ni Mom at hinaplos ang pisngi bago malambing na itinulak ako palabas.

"Sige na, iho. Mag-i-ingat kayo." ang sabi niya sa amin.

Paulit-ulit na paalaman pa ang nangyari bago kami tuluyang nakaalis.
-------
"Kuya Ced.."

"'Wag kang mag-alala, Chase. I'll handle Chuck." ang sabi ni kuya. Kanina pa kasi sya ngiti ng ngiti sa akin.

"Kuya, just let him."

"No, I won't."

"Maiintindihan niya rin iyon, in his own time. Besides, I don't expect other people's acceptance. Ang mahalaga alam niya. He's our brother. I'm sure he'll understand." ang sagot ko sa kanya.

"Hindi, Chase. Sa ating apat, si Chuck ang may pagka-rebelde. I know what he can do. Don't worry. Ako'ng bahala sa iyo." ang sabi ni kuya.

"How come na medyo rebel siya?" ang tanong ni Papa.

"I don't know, tito. Mabait naman si Chuck, but may mga pagkakataon nga lang na sumusobra ang pagiging pasaway niya. May sinabi rin si Cassidy sa akin na hindi ko pwedeng palampasin." ang sabi ni kuya. I can sense na nagiging aggravated si kuya.

"Kuya, just don't think too much. Okay, sige, Chuck may be a rebel or what, but he's still young. Maiintindihan niya rin iyon. Basta walang mang-aaway sa kanya. Nagkaka-intindihan ba tayo, kuya?" ang tanong ko kay kuya Ced. Natawa naman siya sa tanong ko.

"Opo. Ang kulit. Hahaha."

"We're just here, Eddy. Okay?" ang sabi ni Pat sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at masuyong hinalikan. Naku, ito na naman tayo.

"Yeah, Ed. Just don't worry." ang sabi naman ni Clyde sabay halik sa kanang kamay ko.

"Everything will be alright." si Pat sabay halik sa kaliwang pisngi ko.

"With me protecting you everytime." si Clyde sabay halik naman sa kanang pisngi ko.

"Mga Adonis ko, magsitigil nga kayo." ang naaaliw kong sabi. Uh-oh. Mukhang mali ang nasabi ko. Lalong lumuwag ang pagkakangiti ng dalawa at sabay pang humalik sa magkabila kong pisngi. Tss. Naman eeehhh. Ahahahaha kinikilig ako.
-------
Monday, 9:27 AM

"Late? Buti wala si Engr. Vasquez." ang sabi ni Lex. Oo, na-late kaming tatlo nila Clyde at Pat.

"Mabuti naman." ang medyo humihikab ko pang sabi.

"Nag-threesome siguro kayong tatlo, 'no?" ang sabi naman ni Mac. Sirena ka. Lagot ka sa akin ngayon.

"Foursome. Pati si kuya Adam kasama namin." ang sagot ko.

"S-si kuya Adam?" ang nagulat na tanong ni Mac. Tumango ako, at pilit pinigilan ang tawang kanina pa gustong lumabas sa bibig ko.

"Y-you're kidding, right?" ang tanong ulit niya.

"Kidding? Oo, gumawa kami ng bata." ang nangingiti kong sabi. Nanlaki ang mata niya, at tumingin kay Clyde. Pasipul-sipol naman si loko. At si Pat naman ay nagkibit-balikat.

"No.." ang sabi ni Mac.

"Yes." ang sabi naming tatlo. Hindi naman maka-relate si Lex. Pero maya-maya ay hindi na rin kami nakapag-pigil at tumawa na rin kami. Lalong naguluhan si Lex, pati si Mac.

"Huy, ano ba talaga?" ang parang nagmamaka-awang tanong ni Mac. Haha. Mahal na mahal niya nga si kuya Adam.

"Kinabahan ka, ano? Huli ka ngayon, Mac." ang sabi ko sabay akbay sa kanya.

"Uh.." ang tanging nasabi niya, at pinamulahan siya ng mukha.

"Ikaw ha. Type mo pala si Clyde. Sana sinabi mo sa akin." ang bulong ko kay Mac. Napangiti naman siya. Magkamukha rin kasi si Clyde at ang kuya Adam niya.

"Alam ko namang ikaw lang ang mahal ni mokong. Pero mas gusto ko yung kuya niya." ang nahihiya niyang sabi. Natawa naman ako at niyakap ko siya.

"Okay, sinabi mo eh." ang sabi ko sa kanya.

"Pa-share naman ako. Madadaya." ang sabi ni Lex. Tinawanan lang namin siya.

Wala lang. Dagdag eksena lang. Hahaha.
-------
Fast Forward.

Naging busy ulit kami sa school. Siyempre, kulitan with the barkada, happy-happy, at kung anu-ano pa. Nung dumating ang finals, group study ang drama. May sleep over kapag gumagawa ng thesis, at may party pagkatapos ng exams. Kailangang i-enjoy ang pagtatapos ng first semester.

Naging maganda ang relationship namin ni Clyde. Makulit, masaya. Ang tampuhan lang namin niyan ay kapag lumalabas ang pagka-flirt ko (na pilit kong binabawasan. Lol.) at siyempre, ang pagka-seloso niya (na ako naman ang may kasalanan. Hahaha.). Hindi, mabait naman ako. Diba? Um-oo ka na lang! Dali! Hahaha. Naging anak na nga namin si Jacob, yung Siberian Husky niya. Bakit ba 'pag hindi magka-anak ang dalawang tao ay aso na lang ang ginagawang anak? Hahaha. Basta, mahal ko si mokong. At gagawin ko ang lahat para sa kanya.

Si Pat naman ay ni-resume ang pagiging bestfriend niya sa akin. Ewan ko sa'yo, Pat. Basta ikaw at ako, walang iwanan. Ok?

Si kuya Cedie naman ay lumipad na papuntang States. Balik trabaho na siya. Ang dami pa niyang ibinilin sa akin. Hahaha kuyang-kuya talaga. Sinabi niya na nakausap na niya si Chuck. I don't expect anything doon. Hindi mababago ang opinyon ni Chuck overnight. I said we should just give him more time. Syempre mami-miss ko si kuya ko, at nangako naman siyang papadalhan ako ng chocolates. Hahaha. Takaw.

Agad din akong nagpa-enroll 3 days after ma-release ang clearance namin. Two weeks lang kasi ang sembreak, kaya gusto kong matapos agad ang enrollment para masulit ko ang bakasyon ko. As usual, sabay-sabay kaming magbabarkada. Oo nga pala, 'out' na sila kuya Adam at Mac. At tuwang-tuwa naman ang barkada.
-------
Bago ako pumunta ng Quezon, hindi ko pinalampas ang pagkakataoog makilala ang kalahati ng pagkatao ko.

Edgar Stefan Villegas
March 27, 1991 - April 10, 1991

Inilapag ko ang bulaklak na dala ko at sinindihan ang isang puting kandila. Bahagyang naaaninag ang apoy nito sa itim na marmol na lapida. Hinaplos ko ang makinis na lapida, at sinundan ko ng aking hintuturo ang bawat letrang naka-ukit dito. Pinakiramdaman ko ang lalim ng pagkaka-ukit dito na nakukulayan ng ginto. Bakit gan'un? Pakiramdam ko may nakahawak sa kamay ko, at sabay naming hinahaplos ang itim na tanda.

"Edgar, kamusta ka? Ako nga pala si Edgar. Ikinagagalak kitang makilala." ang mahina kong sabi. Patuloy pa rin ako sa aking ginagawa na parang wala sa sarili.

"Sabihin mo nga, Edgar. Nagagalit ka ba sa akin? Sa halip kasi na ikaw ay ako ang nagmay-ari ng pagkatao mo. Sabihin mo, ganitong klaseng buhay ba ang nais mo?" ang sabi ko ulit. Naramdaman ko naman ang malamyos na hangin na humaplos sa aking pisngi.

"Nabuhay ba ako sa paraang nais mo para sa sarili mo, o naging kahihiyan ba ako sa iyo?" ang malungkot kong usal. Biglang lumakas ang hangin na agad din namang nawala.

"Pasensya ka na, ha? Nakukulitan ka ba sa akin? Minsan kasi, hindi ko mapigil ang magtanong. Paano kung nakayanan mong malampasan si Death Reaper? Magkikita kaya tayo? Magkakakilala? Magiging magkaibigan? Siguro, hiniling mo rin na sana ay nakasama mo pa ng matagal sila Mama at Papa. Alam mo bang mahal na mahal ka nila? Kaya nga ibinigay nila sa akin ang pangalan mo, Edgar, dahil ayaw ka nilang kalimutan. 'Wag kang magagalit sa kanila, ha? Mahal na mahal ka nila." ang tahimik kong sabi. Naramdaman ko ang pagbalot sa akin ng hangin na animo'y yumayakap sa akin.

"Maraming salamat, ha? Alam ko kasing binabantayan mo ako. Salamat sa mga taong ipinadala mo sa buhay ko. Lahat sila ay talagang mahal ko. Alam kong ayaw mo akong mapahamak. Maraming salamat, Edgar." ang sabi ko sa lapida. Hinaplos na naman ako ng hangin sa pisngi.

"Maraming salamat at ako ang napili mong maging kalahati mo."
-------
And here I am, thinking my sembreak will be the best. I'm badly mistaken.
-------
Pumunta muna kami ng Manila bago sa Quezon. Kila Aries. Syempre nami-miss ko na ang mga iyon kaya hindi ako nagdalawang-isip na pumunta. Tuwang-tuwa naman sila Tito Oliver at Tita Vivian. Ganun din sila Mikka at Erol.

"K-kuya Ed?" ang nagulat na sabi ni Erol. Nakatalikod kasi siya sa akin at bigla ko siyang niyakap.

"Kamusta na, bunsoy?" ang sabi ko naman. Ang lapad ng ngiti ni mokong. Hahaha.

"Kuya!" ang tangi lang niyang sabi at niyakap ako ng mahigpit.

"Hi Chad. Kamusta?" ang sabi ko naman sa isang lalaking kasama ni Erol. Oo, siya yung bestfriend ni Erol na may gusto sa kanya. Moreno si Chad, 5'6", singkit ang mata, matangos ang ilong, manipis.. Oo na, your typical gwapo guy. Hahaha tinamad mag-describe. Anyway, alam kong gusto niya si Erol (halata naman sa mga tingin at titig niya), pero 'di niya masabi. Torpe din. Hehe.

"Hello kuya." ang matipid na bati ni Chad. Hmm, if I know. Jealous. Hahaha.

Pumasyal kami nung araw ding iyon. Nanood kami sa isang Sunday variety show na pinapalabas din sa TV, nag-mall, nangulit at kung anu-ano pa. Take note, isang araw lang yan. Siyempre, sulit nga, diba?

Nagpasama ako sa kanila sa Recto. Oo na, cheap na. Bakit ba, libro din yang mga yan. Pareho lang sa bookstore. Hindi naman kasi ako maarte sa libro, basta nagagamit. At isa pa, mas marami kasi akong mabibili dito. Kasama ko si Pat, Clyde, Mikka, Chad at Erol. Habang naglalakad ay hindi ko naman sinasadyang nabunggo ang isang lalaki.

"Sh*t1" ang sabi ng lalaki.

"Uh, sorry, sorry. Ayos ka lang ba?"

"Yeah.. Well, well. Hello, faggot." ang sabi ng lalaki. Tinignan ko ang mukha niya, at nakilala ko kung sino siya. Si Chuck.

"Chuck! Kamusta? Anong ginagawa mo dito?" ang tanong ko. Hindi ko na lang pinansin ang banat niya.

"The hell you care-"

"Hey, umayos ka ng pagsasalita mo." ang pagsingit ni Clyde.

"Clyde-"

"Bakit? Susuntukin mo ako? Go. Magsama kayo ng boyfriend mo." ang matapang na sagot ni Chuck.

"Aba't-"

"Clyde, 'wag mo nang patulan." ang pag-awat ko sa kanya.

"Mabuti, dahil hindi ako pumapatol sa bakla." ang sabi ni Chuck.

PPPAAAAKKKKK!!!

"What's wrong with you?" ang biglang pagsulpot ni Cassidy. Sinampal niya ang kakambal.

"Cass, can't you see them? They're disgusting!" ang sabi ni Chuck habang sapo ang mukha.

"You! How could you say such things? Wala kang respeto. Kuya natin 'yang ginagago mo." ang galit na sabi ni Cass.

"Bakit, kakampihan mo ang kabaklaan niyan? Go. Magsama kayo." ang pangahas na sabi ni Chuck. Tinitigan muna kami ng masama bago tuluyang umalis.

"Kuya, sorry." ang sabi ni Cassidy. Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Saan ka pupunta, Ed?" ang tanong ni Pat sa akin.

"Susundan ko lang si Chuck. Baka mapa'no." ang sagot ko.

"Ed, 'wag na." ang sabi ni Aries. Pero nagpumilit ako. Hinabol ko si Chuck hanggang sa kanto.

"Chuck! Saglit lang!" ang sabi ko. Kahit gan'un ang mga sinabi niya ay naiintindihan ko. Hindi ang dahilan niya kung bakit homophobic siya, kundi ang pagkabigla niya sa laha ng mga nangyari. Ayos lang. Magkaka-ayos din kami. Kailangan ko lang siguruhin kung ayos lang siya.

"Bakit ba sunod ka ng sunod? Leave me alone!" ang sabi niya.

"Chuck-"

"I said leave me alone!" ang sabi niya. Nakasigaw na siya sa akin. Hindi ako nakinig at lumapit pa rin ako sa kanya. At bigla na lang niya akong itinulak.

"Ed!" ang narinig kong sigaw ni Clyde.

"Kuya!" si Cassidy naman.

"No!" ang sigaw ni Aries.

Hindi ko alam kung bakit ganun ang reaksyon nila. Naramdaman ko na lang na parang hindi na nakasayad sa lupa ang mga paa ko..

BBBLLLLAAAAAGGGGGG!!!

"Ed....!!"

"Oh my God...!!"

"No, Ed...!!"

"Kuya..!!"

"Hindi..."

At nilamon ako ng kadiliman.
[ITUTULOY]

Tuesday, December 21, 2010

Now Playing Chapter 18

Sorry po sa late update. Ang sabi ko po ay ipo-post ko agad ang next chapter, pero hindi ko nagawa. Naging sobrang busy ko nun, nagkaproblema pa ako sa network connection kaya tinapos ko na lang ang lahat ng dapat tapusin para wala nang aasikasuhin.

Salamat po sa mga patuloy na naghihintay, nagbabasa, at sumusuporta sa Now Playing. Salamat po kay Sir Mike na nagbigay sa akin ng opportunity na mai-post ang kwentong ito. Maraming salamat po.
-------
Now Playing Chapter 18
Life After You Part 02

"All that I'm after
Is a life full of laughter
As long as I'm laughing with you
I'm thinking that
All that still matters
Is love ever after
After the life we've been through
I know there's no life after you.."
- Daughtry, Life After You
-------
**** *** ****, Helepad

"E di masaya ka na ngayon?" ang sabi ni Pat.

"Oo naman." ang tugon ko, at nakangiti akong tumingin sa mga sasakyang dumadaan.

"Kaya lang.." ang dugtong ko.

"Kaya lang ano?" ang tanong niya.

"Natatakot ako." ang sabi ko.

"Saan?" ang tanong ulit niya. Humiga ako sa damuhan at tumingin sa langit. Bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita.

"Naikwento ko na si Micco sa iyo, diba? Alam mo kasi, Clyde reminds me of Micco. Well, I love Clyde not because I saw Micco in him. Basta mahal ko lang siya. Ang problema lang, yung situation. Micco gave me a ring before, a silver ring with his name inscribed inside it. And Clyde did the same thing." ang sabi ko sabay taas ng kamay kong may singsing.

"Ayokong matulad kami ni Clyde sa nangyari sa amin ni Micco." ang sabi ko.

"Bakit ba ganyan ang iniisip mo? I know Clyde. You know Clyde. Alam mong hindi niya maaatim na mangyari ang ganun." ang sagot ni Pat sa akin.

"I know. And his eyes, just as gray as Micco's."

"Hindi dahil may pagkakahawig o pagkakapareho sila ni Micco ay magkatulad na sila. Ed, magka-iba sila. Masyado kang nagpapaniwala sa 'history repeats itself' cliche." ang dire-diretsong sabi ni Pat.

"Well, you can't blame me, ilang beses nang nangyari sa akin iyan. Alam mo kasi, marami pa akong gustong malaman sa kanya. Akala mo ba lahat ng mga kwento niya ay ubos na? May mga itinatago pa siya, alam ko. Anyway, basta. I pray na hindi kami umabot sa ganoong sitwasyon." ang sabi ko. Bumangon ako at sumubo ng yogurt.

"Just don't be on the negative side, ok? Maiba tayo, hindi ba dapat boyfriend mo ang kasama mo ngayon?" ang tanong ni Pat.

"Bakit, ayaw mo bang kasama ako?" ang balik kong patampo sa kanya.

"Hindi naman, pero baka magselos iyon?" tugon niya habang sumusubo ng yogurt.

"Oo, nagseselos nga siya." ang nakangiti kong tugon.

"Eh bakit pumayag ka pa sa lakad na ito? Pwede mo namang i-cancel na lang, maiintindihan ko naman." ang sabi niya habang nakasubo ang kutsara sa bibig. Hay grabe, ang cute niya.

"Hindi kita pwedeng balewala-in. Kaibigan kita, Pat. Kahit maliit na kahilingan pagbibigyan kita. Ganon ka ka-importante sa akin." ang sagot ko sa kanya. Nakita kong nagliwanag ang mukha niya sa mga sinabi ko. Ngumiti rin ako sa kanya.

"Ed.."

"Thank you for everything, Pat. Simula pa ng mga bata pa tayo, lagi kang nandiyan para sa akin. Lagi mo akong pinagtatanggol sa mga bully, hinahatid pauwi, nagshe-share ng mga laruan sa akin, ang laging nang-aalo sa akin. Kahit sa ganitong paraan malaman mo ang pasasalamat ko sa lahat ng nagawa mo sa akin. My friendship with you is one of the best friendships I've ever had. I won't let it go, no matter what." ang sabi ko sa kanya. Binitiwan niya ang hawak na yogurt at yumakap sa akin.

"You became my hero in every ways possible." ang dugtong ko pa. I'm so grateful with all of the things he did. But what makes me happy is the fact that he's my friend, and what makes me proud is that he remained to be the hero I love. And I will always
love.

"Ed, aminin ko man o hindi, yung mga sinabi mo ang isa sa mga pinaka-touching words na narinig ko. I never knew I would be appreciated in such a way. Thanks Ed. For everything." ang sabi niyang naluluha ngunit nakangiti.

"Pat, you never have to thank someone for stating the obvious about you. It's what we saw, what we experienced from you, and what you shared to us. You're an angel, Pat. Never doubt that." ang sabi ko uli. Hay, naku. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang kanyang ngiti. Hindi ko sinabi ang mga bagay na iyon para lang pasayahin siya. Sinabi ko iyon dahil iyon ang katotohanan.

My Hero.
-------
Wala kaming pakialam ni Pat kahit pagtinginan kami ng mga tao sa daan. Parang may sarili kaming mundo. Nagkukulitan, naglalambingan. Kung makikita lang kami ni Clyde ay talagang uusok ang butas ng ilong n'un. Hahaha. Pero wala, ganun talaga, at hanggang doon na lang iyon. Gusto ko lang ibalik ang closeness namin noong elementary days, pero mukhang sumobra. Hahaha.

Katulad ng ginawa namin ni kuya Cedie noon, kinulit lang namin ang mga saleslady sa mga tindahan ng damit. Nagsukat ng sapatos, kumain ng eggballs, fried noodles, pinagtawanan ang mga isdang nakabalandra sa palengke. Haha parang tanga. Pero isang bagay lang ang importante, ang marinig ang kanyang halakhak ng kaligayahan.
-------
"Xander?"

"Hi Ed. Kamusta ang prinsipe ko?" ang natutuwa niyang tanong. Nasa ****** kami ni Pat, nagmemeryenda.

"Ayos lang naman ako, Xandy. Mabuti at tumawag ka, may gusto sana akong sabihin." ang sagot ko sa kanya. Tumingin sa akin si Pat, at tumango lang ako. Kailangang malaman din ni Xander ang tungkol sa amin ni Clyde. Naging tapat siya sa akin tungkol sa tunay niyang nararamdaman, kaya dapat ay ako rin.

"Uh, ano naman iyon? May problema ba?" ang sabi ni Xander. Bakas sa boses niya ang pag-aalala.

"Xander, gusto ko sanang sabihin sa iyo ito ng personal, pero ayokong patagalin pa. At ayokong sa iba mo pa malaman. Xander, si Clyde at ako, kaming dalawa na." ang sabi ko. Alam kong malulungkot siya sa mga sinabi ko, ngunit habang maaga, mas gusto kong malaman niya ang totoo.

"Oh.. Kaya pala.." ang tanging nasabi niya. Naramdaman ko ang pait sa kanyang boses. Pansamantala kaming natahimik. Pagkatapos ng isang buntong-hininga, hinawakan ni Pat ang kamay ko at bahagyang pinisil. Tumingin ako sa kanya, at isang malungkot na tingin lang ang ibinigay ko sa kanya.

"Xander.."

"Sige, Ed. Uhm.. Ok. Naiintindihan ko. Sige na, baka nakakaistorbo na ako sa iyo." ang pagpapaalam ni Xander. Kahit naman sinong tao, kapag nalaman mong ang minamahal mo ay may mahal na iba, natural na malulungkot. Pero bago pa niya tuluyang putulin ang linya ay nagsalita ako.

"Xandy, pwede bang magkita tayo sa susunod na weekend? Please, sana pagbigyan mo 'ko." ang sabi ko. Gusto kong magkita kami para makapag-usap ng personal. Mas gusto ko ang ganun, nakikita ko ang tunay na reaksyon ng kausap ko. Hindi gaya sa telepono na boses lang ang naririnig.

"Uh, sorry, busy-"

"Please Xandy, please?" ang pakiusap ko. Narinig kong bumuntong-hininga muna siya bago sumagot.

"Ok, I'll see you then." ang sagot niya.

"Thank you, Xander."

"Ok. Bye, Ed." ang sabi niya bago ibaba ang tawag. Iba ang tono ng pagkakasabi niya sa huling salitang sinabi. At alam ko kung ano ang ibig sabihin n'un. Huminga ako ng malalim upang pansamantalang mawala ang bigat na nararamdaman ko. Muli pinisil ni Pat ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"'Wag kang mag-alala, magiging ayos din ang lahat." ang sabi ni Pat. Tango lang ang isinukli ko. Hinawakan niya ang baba ko at tumingin sa akin. Tumaas ang dalawang kilay niya, at binigyan ko siya ng isang ngiti.
-------
"And that's all, thank you." ang naaaliw kong sabi kay Clyde. Pagkagaling sa gala ay sinabi ni mama na nasa kwarto ko si Clyde at hinihintay ako. Napa-isip naman ako kung anong ginagawa niya dun. Pagpasok ko pa lang sa kwarto ay nakita ko siyang nakatayo paharap sa pinto, nakapamewang, at halatang inaabangan ang pagdating ko. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. Hindi siya nagsalita kaya inakay ko siya papunta sa kama at nagsimulang magkwento. At ito na nga ang nangyari. Such a jealous boy. Hahaha.

"Are you sure?" ang tanong niya ulit. Bakas pa rin sa mukha niya ang konting inis.

"Pumayag ka na lumabas kami, diba? 'Wag ka nang.. Hay, naman." ang sabi ko sabay hawak sa dalawa niyang pisngi. Tinitigan ko ang kanyang maamong mukha, at sinabi ang katagang laman ng aking puso.

"Mahal na mahal kita, Clyde." at hinalikan ko siya sa labi. Hinding-hindi ako magsasawang halikan siya. Mahal na mahal ko talaga ang taong ito.

"Mahal na mahal din kita, Ed." ang sabi niya pagkalas ng aming mga labi. Hay.. Langit.

"Ikaw naman magkwento. Anong ginawa mo?" ang sabi ko. Tumayo ako sa kama at pumunta sa harap ng cabinet ko. Kumuha ako ng damit pambahay.

"Ano pa bang ginawa ko, e di nagmukmok. Kasi naman, unang araw namin ng mahal ko yung kalaguyo niya ang kasama." ang sabi niya. Natawa ako sa sinabi niya. Bumalik ako sa kama at pinisil ang ilong niya.

"Ito talaga! Napaka-seloso! Sayong-sayo lang ako, promise!" ang natatawa kong sabi.

"Sa akin eh sa kanya ka nakalingkis." ang banat niya. Aba't ang mokong na ito. Tinusok ko ang tagiliran niya, at napa-igtad siya sa ginawa ko.

"Ano, selos ka pa, ha?" ang sabi ko sabay tusok sa kabila.

"Whoah, Ed. Stop! Please.. No! Ahahahaha! Ahahahaha! Nope! Hooh.. Hahaha!" ang sabi niya habang kinikiliti ko. Akala mo ha. Hahaha.

"Ano, ha? Selos ka? Sagot!" ang naaaliw kong sabi. Ang sarap pakinggan ng mga tawa niya, nadadala ako sa langit.

"Hindi na! Hindi! Hahaha stop.. Hahaha." ang sabi niya. Nakahiga na siya sa kama at ako ay halos nakadagan na sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa. Ang mga mata niyang nangungusap. Pakiramdam ko ay binabalot ako ng mga ulap.

"I love you, Clyde."

"I love you too, Edge." at tuluyang naglapat ang aming mga labi. Ang sandaling paghihiwalay namin kanina ang nagbigay sa amin ng pananabik sa isa't-isa. Ang labi niya ay inaakyat na naman ako sa langit. Nawawala ako sa sarili dahil sa kuryenteng dulot niya. Ang mahal ko. Ang pinakamamahal ko.

Ggrrrggg.

"Huh?" naputol ang halik na pinagsaluhan namin dahil sa kakaibang tunog na iyon.

Ggrrrggg.

Nakita kong namula si Clyde. Napangiti naman ako.

"Gutom na pala ang baby ko, hindi man lang nagsasalita. Halika na nga, pakakainin kita." ang sabi ko sa kanya. Kumakalam na pala ang sikmura ni loko. Natatawa akong tumayo sa kama at pumunta sa banyo para magpalit ng damit. Hay naku. Pagkatapos ay hinatak ko siya palabas at pumunta kami sa kusina.

"Ma, may pagkain pa ba? Nagugutom ang asawa ko." ang sigaw ko sa kusina. Siniko naman ako ni Clyde. Tumingin ako sa kanya, at pinandilatan niya ako ng mata.

"Ed, ano ba nakakahiya." ang sabi ni mokong.

"'Wag ka nga, asawa na kita simula ngayon. Masanay ka na." ang sabi ko sabay smack sa labi niya.

"Ikaw ha nakakailang nakaw ka na ng kiss." ang naaaliw niyang sabi.

"Ganun talaga-"

"Tignan mo nga naman. Ang magaling kong kuya at ang brother-in-law ko nandito. Kuya, please. Get a room!" ang mataray na sabi ni Alfie. Nasa kusina pala ito, at hindi namin napansin.

"Hi Alfie. Sis, please. Get lost!" ang natatawa kong tugon. Nagtawanan kaming dalawa, at yumuko si Clyde na namumula ang mukha.

"Oh well. Enjoy, lovebirds. Kuya wala nang ulam, pero may pasta diyan. Ipagluto mo na lang yang asawa mo ng walang kamatayang spaghetti. Sige na, sibat na ako. Buh-bye." ang nakangiting sabi ni Alfie. I mouthed 'I love you Sis' sa kanya, and she did the same. At tuluyan na siyang umalis.

"Maghintay ka muna dyan saglit, I'll re-heat the pasta and I'll make the sauce." ang sabi ko sa kanya. Inabala ko ang sarili ko sa kalan, kaya di ko namalayan na nasa likuran ko na siya. Niyakap niya ako mula sa likod at hinalikan sa pisngi.

"Hey. Umupo ka muna, medyo matatagalan pa ito." ang sabi ko kay Clyde.

"'Pag mag-asawa na tayo, ikaw naman ang pagsisilbihan ko." ang sabi niya sa akin. Ano daw? Natawa ako sa sinabi niya.

"Bakit, may balak kang pakasalan ako?" ang natatawa kong sabi.

"Oo naman." ang maikli niyang tugon. Napatigil ako sa ginagawa ko. Pakakasalan daw niya ako? Umikot ako paharap sa kanya at tinignan siya sa mata.

"Bakit, akala mo ba nagbibiro ako?" ang sabi ulit niyang nakangiti. Oh.. Ano bang pinagsasasabi nito? For all I know, Clyde is a straight guy who fell in love with a bisexual guy. He could never mean what he said. Maghahanap at maghahanap ng babae yan, and I know, he also wanted to have a lovely wife, wonderful kids, a dog, you know, the whole nine yards thing. Parang ako. Siyempre gusto ko rin ng ganun. Kaya hindi ko na lang sineryoso.

"Alam mo kasi Clyde.."

"Ssshh. Believe me, Ed. One day, we'll live together. You and I, with our sons and daughters.."

"Ano, palalagyan mo ako ng ovary?" ang natatawa kong sabi.

"Pwede rin. Pero seriously, Ed. Ewan ko ba, pero I know, you're the one. I could not ask for more, because you're more than enough for me." ang sinsero niyang sabi. Could it be a dream that once again found its way to reality? No, it couldn't be. But he's definitely saying those words from his heart. No, no. This is too good to be true. Kahit na nakakakilig ang mga sinasabi niya, alam ko namang malabong mangyari iyon. Dadating at dadating ang panahon na alam kong.. Basta. Ayos na sa akin na naging kami, at hanggang ngayon nananatiling magkaibigan.

"Ok. Sinabi mo, eh. Basta, I'll always love you, Clyde. Remember that." ang sabi ko sabay halik sa kanyang labi. Kumalas din ako pagkatapos at pinaupo na siya sa counter. At nagsimula na akong magluto ng may ngiti sa labi.
-------
Ilang araw makalipas ay napansin ng barkada na iba na ang closeness namin ni Clyde. Well, mag-bestfriend kami, pero they knew na mas lumalim pa iyon. Paano ba naman sa school, lagi akong nililibre, kung makapunas ng labi ko wapakels sa mga nakatingin. Tapos minsang may kumausap sa akin na ibang lalaki hala akala mo nilamukos na papel ang mukha. At kung maka-akbay, medyo possessive. Minsang nagkatinginan kami ni Pat ay nagtawanan kaming dalawa, alam kong alam niya ang nangyayari kay Clyde. Kaya ng magtanong ang barkada, umamin na rin kami. Alam n'yo ba ang sabi nila?

"O talaga? That's good. Paabot naman ng ketchup."

Ahaha as if they really expect something like that to happen. Oh, well. They're more than what their beautiful faces can offer. And I'm so glad no one commented on that.

Nakipagkita rin ako kay Xander. He's sad, I know. Pero I did my best para bumalik kami sa dati, as very good friends. Alam ko namang naiintindihan niya, at nagpapasalamat ako na naging supportive pa siya. Only, Sharpay wasn't very happy with that. She's pissed with what happened, pero I explained naman na it's Clyde that I wanted. Siguraduhin ko lang daw na tama ang pinili ko, kundi ipangangalandakan daw niya ang pagkakamali ko. Ok, ang sabi ko. Alam ko namang si Clyde lang talaga ang para sa akin.

I told Mom and Dad (Lewis) about that as well. They didn't seem to care, as long as I'm happy daw. Si kuya Cedie lang naman ang mahilig mag-side comments. Ang pangit naman daw ni Clyde, kesyo daw maputi kaya natipuhan ko. Hindi naman daw ako talaga mahal n'un, at kung anu-ano pa. Alam ko namang nagbibiro lang si kuya, pero ipinagtatanggol ko pa rin ang asawa ko. Walang kahit sino ang pwedeng manglait sa kanya. Wala.
-------
September 27

Ngayon ang 23rd birthday ni kuya Cedie. Sabado ngayon at may klase kami, ngunit nag-submit na lang ako ng excuse slip para maka-attend sa birthday niya. Naaalala ko pa ang puppy dog face na ginawa ni kuya Cedie para mapapayag niya akong sumama. Hindi naman talaga ako nagdalawang isip, pero nagpa-virgin lang ako kunyari. Hahahaha. At ngayon ay nakasakay kami ng van papuntang Quezon. Oo nga pala, pati si Pat kasama namin, at siyempre ang asawa kong si Clyde. Hindi pwedeng wala siya sa tabi ko. Hindi naman nakasama si Alfie dahil may project siyang kailangang gawin.

Si Dad ang nagda-drive, at sa tabi niya naka-upo si kuya Cedie. Tapos si Mom, Mama at Papa ang magkakasama, sila Tito Tristan at Tita Minerva, at si Pat, Clyde at ako sa likod. Bale napapagitnaan ako ng dalawang adonis na ito. Ahahaha.

"Hoy Clyde." ang tawag ni Pat.

"Bakit?" ang sabi niya. Sa halip na sumagot ay hinawakan ni Pat ang kaliwang kamay ko. Nagtataka man ay hinintay ko na lang ang susunod na mangyayari. Tumingin ako kay Clyde, at bahagyang nalukot ang mukha niya sa nangyari. Kinuha din niya ang isa ko pang kamay. Lumingon ako kay Pat at bigla niyang hinalikan ang kamay ko. Teka, ang mga mokong na ito. Bumaling ako kay Clyde at hinalikan din niya ang kamay ko. At nagsalita ako pagkatapos.

"Oi kayong dalawa, magtigil kayo, ha?" ang naaaliw kong sabi. Parang ewan talaga itong mga ito. Ngumiti lang si Pat at hinalikan ako sa pisngi. Kunot-noo ko siyang tinignan at lalong lumuwag ang pagkakangiti niya. Pinagseselos kaya niya si Clyde? Lumingon ako kay Clyde at walang sabi-sabi ay hinalikan ako sa labi.

"Ako ang legal hubby. Kabit ka lang." ang seryosong sabi ni Clyde. Nagkatinginan kami ni Pat at pareho kaming natawa sa mga nangyari. Nakitawa na rin si Clyde. Simula ng sandaling iyon ay puro kwentuhan ang inatupag namin. Pero hindi rin nagtagal ay nakatulog ang dalawang kolokoy, at pareho pa nga silang nakasandal sa akin. Sa kanan si Clyde, at sa kaliwa si Pat. Hay, naman. Hindi na bale, magkakasya na lang ako sa pagyakap sa dalawang real-life teddy bears ko. Ahahaha.
-------
Lewis Residence, Quezon Province

Nasabi ko bang mayaman ang mga Lewis? Utang na loob. I never thought na ganito sila, err, kami kayaman. Akala ko parang bahay ng mga Sinclair, pero hindi. This place is more than just a house. This place could easily pass as a mansion.

From the gate, isang malaking bakuran na puno ng damo at mga halamang alagang-alaga ang bubungad sa iyo. Halatang ginastusan ang pagla-landscape dito. May malaking fountain sa gitna, just before the house's entrance. At ang bahay. It is western-victorinan-esque na may pagka-zen ang itsura. It's just plain extravagant.

Sa daan pa lang ay napag-usapan namin na gagawing isang malaking surpresa ang pagdating ko. Aba, the welcoming of the lost prince ang drama. Bale itatago nila ako until tonight. Abala rin kasi ang mga tao sa mansion, para sa selebrasyon mamaya. Pagtapat namin sa entrance ay sinalubong kami ng isang tauhan (I think all around utusan), ang butler, ang mayordoma, at isang matandang babaeng naka-wheel chair. And by just one look, alam kong siya ang lola ko.

Donya Cresencia Argueles - Lewis.

Bumaba silang lahat maliban sa akin pati kay mama at papa. Tinted naman ang van kaya malamang hindi kami makita sa loob. Narinig ko na ipinakilala si Clyde bilang kaibigan ni Patrick. Sinabi nilang hindi pa rin nila ako nakikita, at nakita kong bahagyang naluha ang Donya. I feel bad about that. May certain weakness kasi ako sa mga matatanda, especially mga nanay at lola. Pero kahit anong udyok sa akin ng puso ko para bumaba sa van ay nanatili pa rin ako sa loob. Kailangan ko lang maghintay ng saglit. Nakita ko namang kinausap ni kuya Cedie ang tauhan. Tumango lang ito at pumasok sa van. Lumapit ako sa bandang unahan upang malaman ang gagawin.

"Magandang hapon po, sa likod po tayo dadaan." ang tanging sinabi ng tauhan. Tumango na lang ako. Pagka-park sa van ay bumaba kami at umikot sa bandang likuran. Mabuti at mabait si kuya manong at binigyan ng payong sila mama at papa at pinayungan ako, pasado 3:00 pm na kasi. Nagpasalamat naman ako, at ngiti lang ang isinukli niya. Mas malawak pa pala sa likod, may malawak na espasyong may mga halaman sa gilid, at may malaking swimming pool sa bandang dulo. May staircase din sa likod papasok sa bahay. Sa baba ng hagdan ay may pintuan. Sa pagkakaalam ko, dito dumadaan ang mga katulong, katiwala, at mga tauhan. Doon kami dumaan. Nangingiti ako sa inaasta ni kuya manong. Bahagya itogng nauuna at tinitignan kung may tao. At kapag walang nakita, hilahin ako para mabilis makarating sa kwarto. Nagtago pa nga kami sa likod ng kurtina. At tawa ako ng tawa ng makapasok sa kwarto.

"Pasensya na po, senyorito. Napag-utusan lang." ang nangingiting tugon niya.

"Ayos lang po, manong. Ano po ang pangalan ninyo?" ang tanong ko sa kanya.

"Alex po, senyorito." ang sabi niya. 'Wag nga kayo. Matanda na si manong, tiyak kong may asawa't mga anak na ito. Dinaldal ko ng dinaldal si kuya manong, at maya-maya pa ay may kumatok sa pinto.

"Senyorito, Senyora, Senyor, pagkain po." ang sabi naman ng isang katulong na babae. Nagpasalamat ako sa kanya, pero dinaldalan ko rin siya. Napag-alaman kong Leny ang pangalan niya. Pinilit naman namin silang dalawang sabayan kami sa pagkain, paano ba naman, ang dami-daming nakahain. Pochero, Menudo, Relyeno, Paella, may fruit salad pa. Pinapataba yata kami ng mga ito. Pilit silang tumanggi, pero mas mapilit ako. Oo, anak ako ng mga Lewis, pero hindi ibig sabihin n'un magmamayaman na ako. Hindi ko ugali iyon. At sa huli, ako ang nagwagi. Nakakahiya naman daw kasi. Eh bakit ba. Sa tingin ko, wala silang kaalam-alam sa pagkatao namin, sumusunod lang sila sa iniutos sa kanila.
-------
"Hey." ang nakangiting bungad sa akin ni Clyde. Nakaidlip yata ako. Ang naaalala ko lang, umalis na ang dalawa, lumipat sa kabilang kwarto sila mama at papa, at nahiga ako sa kama. Oh, well. Ang sarap gumising kapag isang anghel ang agad bubungad sa iyo.

"Hi yourself, handsome." ang nakangiti kong tugon. Hinagkan niya ako sa labi. Niyakap ko naman siya pagka-upo ko.

"Kamusta?" ang tanong ko. At d'un nagsimula ang walang kamatayang kwentuhan. Dumating din si Pat at si kuya Cedie, pero hindi rin nagtagal ay umalis rin ito dahil inaasikaso rin niya ang birthday party niya. Sa tingin ko Cocktails ang theme, o kaya formal. I think kuya is kinda matured na for a swimming party. Nalulungkot daw talaga ang Donya dahil hindi pa raw ako nakita sa tagal ng pag-stay nila kuya Ced sa Bataan. Pero sabi ko nga, mamaya na ang surpresa.
-------
7:30 pm
Lewis Residence

Actually, kanina pang 6:30 nagsimula ang party. Nagdatingan na ang mga bisita, base sa nakikita ko sa bintana. Casual wear lang pala ang required. E kasi naman, sa mga napapanood ko sa T.V. kapag mayaman laging formal. Oh, well.
Nagsuot ako ng isang printed white v-neck shirt, black button jacket (parang tux), white belt, black jeans at white Chuck Taylor. Napaka-generic black-and-white ng suot ko, hahaha. Bakit ba, di ko naman birthday. Pero patingin ko sa salamin, mukha akong Korean. E diba ganito halos ang uso dun? Hehehe. Nagsuot na lang ako ng dog tag para accessory. At inayos ang buhok at tada! Ready na ako.

"Ang gwapo naman ng asawa ko." ang narinig ko mula sa likod. Si Clyde iyon. Ewan ko ba, ang gwapo gwapo niya ngayon. Naka white shirt siya na may blood-red EDGE na print, may black scarf na nakapulupot sa leeg, white belt, black skinny at white shoes. Siguro dahil sa ka-simplehan ng suot niya kaya lalong nakita ang maamo niyang mukha, ang mala-anghel nitong aura at ang nangungusap na mata. Niyakap niya ako mula sa likuran at hinagkan sa pisngi.

"Ayos na ba ito?" ang tanong ko sa kanya. Naka-harap kaming pareho sa salamin. Nginitian niya ako at lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

"Kahit ano naman ang isuot mo ay bagay sa iyo. Huwag mo nang isipin iyan. Your face is enough to make them smile." ang sabi naman niya. Tumango ako at umikot paharap sa kanya. He kissed me passionately and sweetly.

"Be a very good boy, Ed. Madaming gwapo sa labas." ang sabi niya. Lalo akong napangiti sa sinabi niya. Ang mokong na ito.

"Don't worry, I'll be a good husband. I promise." ang sagot ko sa kanya. He kissed my forehead, then my nose, then my lips. It's too sweet, I can barely suppress my smile.

"I love you, Ed."

"I love you too, Clyde."
-------
Bago kami lumabas ay kinuha muna ni Clyde ang cellphone niya at nag-dial. Tinawagan niya si kuya Cedrick para sabihing ready na ako. Pagkatapos ng tawag ay lumabas na kami ng kwarto. Sa likod bahay ang reception. Nandun nakaayos ang lahat, ang mga pagkain, lamesa. May mga lamesa rin sa paligid ng pool. At lalo akong kinabahan. Bakit? Ang daming tao. Marahil mga kaibigan, kamag-anak, katrabaho, kamag-anak ng mga tauhan, buong baryo nandito. Bago pa kami makalapit sa staircase sa likod-bahay ay pinigilan ako ni Clyde. Nasa likod kami ng pinto.

"This is it, Ed." ang sabi ni Clyde. Tumango ako. Hinagkan niya ako sa labi at tuluyang lumabas ng pinto. Hindi ko alam kung ano ang aasahan. Matutuwa kaya sila? Magagalit? Magtataka? Huminga muna ako ng malalim, at pinakinggan ang sinasabi ni kuya Ced.

"Magandang gabi po sa inyong lahat. Ako po ay nagpapasalamat na kayo ay nakarating ngayong gabi. Tonight, we celebrate my 23rd birthday. And aside from that, we celebrate something else." ang panimula ni kuya. Ok, this is it.

"Nagpapasalamat ako at lahat kayo ay nanatili sa tabi ko sa loob ng maraming taon. Mga kaibigan, kamag-anak, katrabaho. Kayo ang patuloy na nakapagbibigay-buhay sa mundo ko sa nakalipas na taon. Masaya ako at naging bahagi kayo ng buhay ko. Pero, aaminin ko, pakiramdam ko ay may kulang pa rin sa akin." ang narinig ko. Kuya Cedrick..

"Last year, nalaman ko ang pinakamalaking sikretong itinago ng pamilyang ito." ang sabi niya. Narinig ko ang bulungan ng mga tao. Nagpatuloy si kuya Ced sa pagsasalita.

"Dalawang taon pagkatapos kong isilang, ipinanganak ni Mama ang isang batang lalaking pinangalanang Chase. Marahil alam ng iba sa inyo ang kuwento ni Don Armand Alucard - Lewis. Hindi ko na isasalaysay pa ang kabuuan ng mga pangyayaring ito.." narinig ko ang bahagyang pagpiyok niya. Umiiyak yata si kuya.

"Ang mga pagkakamali ng kahapon ay kailanman hindi mo na mababago. Ang tanging magagawa mo ay tanggapin ang mga aral na bigay nito, at gamitin ang mga aral na iyon sa pagharap mo sa mapangahas na bukas. Maliban sa akin, kay Chuck Axel at kay Cassidy Mae, may isa pang tagapag-mana ng mga Lewis ang matagal na nawala, ngunit ngayon ay nagbabalik. Lola, sorry if we need to make this a secret, but we want to surprise everyone." Pinahid ko ang mga luhang gumuhit sa aking pisngi at huminga ng malalim.

"Nais ko po munang ipakilala ang mga mabubuting loob na nagpalaki, gumabay, at nagmahal sa aking nawalay na kapatid. Maraming salamat po at hindi ninyo pinabayaan ang isa sa mga kayamanan ng pamilyang ito. Ipinakikilala ko po sila Mr. Arkanghel at Mrs. Rodorina Villegas." at narinig ko na nagpalakpakan ang mga tao sa labas.

"At ngayon, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. I, Lord Cedrick Lewis, is proud to introduce to you, the prince of the Lewis clan. Ladies and Gentlemen, please welcome, my younger brother, Edgar Chase Villegas - Lewis." ang sabi ni kuya Cedie. Iyon na ang hudyat ko. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto, at habang bumubukas ang pinto, palakas ng palakas ang tibok ng puso ko.

Isa..

Dalawa..

Tatlo..

Tumayo ako sa taas ng hagdanan, at minasdan ang madlang nakatingin. Napakatahimik ng gabing ito, hindi ko mawari kung bakit. Tinignan ko si Clyde na nakangiti sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya. Akala ko tuluyan nang magiging tahimik ang lahat. Ngunit mula sa isa, naging dalawa, tatlo, ay sunud-sunod at sabay-sabay nilang ginawa ang iisang bagay.

Isang masigabong palakpakan.
[ITUTULOY]

Monday, December 6, 2010

Now Playing Chapter 17

By: Half
Blog: halfofmeisyou.blogspot.com

I'm so sorry for updating SO late. Napaka-busy po talaga. Ayan, ngayon naghihintay lang ako ng tubig bago maglaba kaya nakasingit akong mag-net. Hay, nako, so stressed.

Anyway salamat po sa mga readers and commenters na naiinip sa kakahintay. Salamat salamat.Di bale, malapit na ang Christmas break..

Sa weekend ko na siguro maipost ang next chapter. Enjoy po.
-------
Now Playing Chapter 17
Life After You Part 01

"All that I'm after
Is a life full of laughter
As long as I'm laughing with you
I'm thinking that
All that still matters
Is love ever after
After the life we've been through
I know there's no life after you.."
- Daughtry, Life After You
-------
"I love you, Edge."

Ito ang sabi ni Clyde. Bakit gan'un? Talaga bang sinabi niya iyon? Oo, narinig ko nga ang mga katagang iyon, pero siya ba talaga ang nagsabi n'un? Ano ba'ng pumasok sa isip niya at nasabi niya iyon? Hindi kaya nagbibiro lang ito? Ngunit umiiyak siya kanina, kaya imposibleng nagbibiro ito. Totoo ba talaga ito?

"Clyde.." para akong napipi dahil sa mga narinig. Bakit wala akong masabi? 'Di ba ito ang gusto ko? Ang taong pinapangarap ko ay may gusto sa akin. Pero bakit parang hindi ko mapaniwalaan?

"You don't know how much I love you, Ed. Akala ko noon, hanggang magkaibigan lang tayo. I like you eversince. Ibang-iba ka kasi sa kanila. There's this aura around you that seems to charm everyone. At ang mga ngiti mo, nakakapagpangiti rin ng kahit sino. Akala ko, kaibigan lang talaga. Pero nung umamin ka sa akin na Bi ka, ewan, pero tuwang-tuwa ako nang mga oras na iyon. At n'ung sinabi mo na gusto mo akong maging bestfriend, masayang-masaya talaga ako noon. At ewan ko kung paano nangyari, pero alam kong may nararamdaman na ako para sa iyo. And the surprising thing is that I'm not scared with that realization. Maybe it's the fact that we're friends, or maybe, I've always been in love with you." ang tuluy-tuloy niyang sabi. Sa kanya na mismo nagmula ang tatlong salitang inasam kong marinig. Wala akong masabi. Nakikita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Lahat ng ito ay tunay.

"Ang hirap kapag nagku-kwento ka tungkol sa mga taong mahal mo. Una, kay Micco. Na-inggit ako sa kanya kasi minahal mo siya, kaya nga lang sinayang niya. Nakita ko sa mga mata mo kung gaano kasakit ang sinapit ninyong dalawa, kaya pati ako nalungkot sa kalungkutan mo. Ikalawa si Patrick. Alam kong mahal mo siya, pero kung kailan handa ka nang tanggapin siya ay saka pa nagbago ang lahat. I saw and felt your pain and sadness with the situation. After all, he's the first. And third, si Xander. Well, madalang kang magkwento tungkol sa kanya. Pero base sa reaksyon niya kagabi, alam kong alam mo na ang ibig sabihin n'un. Edge, with all of the people revolving around you taking a piece of your heart, loving you from the shadows is a big mistake. I must let you know what I feel. Bahala na. Basta ang alam ko, mahal kita. And no one can stop me from being in love with you. You're everything that I wanted." ang muli niyang sabi. Ang mga salitang iyon ay tagos sa aking puso. Nagsimulang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Masayang-masaya ako sa mga narinig ko. Pinagmasdan ko ang perpekto niyang mukha. Mahal ako ng isang anghel. Kaya pala bawat salitang sinabi niya ay tila hangin na humahaplos sa buo kong pagkatao. Muling nanumbalik sa akin ang mga salitang sinabi niya sa akin na alam kong kailanman ay hindi ko makakalimutan.

'Tandaan mo, nandito lang ako para sa iyo.'

'Kahit ano'ng mangyari, ikaw pa rin ang anghel ko.'

'Ang cute mo.'

'Sshh.. Just let me do this, will you? Since I'm your bestfriend, I'm priviledged to do this everytime I wanted to, or even every chance that I've got. Okay?'

'Hindi mo ba ako na-miss? Kasi ako, na-miss kita.'

'Sige lang, Edge. Nandito lang ako, hindi kita iiwan.'

'Ssh. I got your back. Just cry, ok? Nandito lang ako.'

'Bakit ba hindi ka marunong makinig? Ang sabi ko sa'yo nandito lang ako lagi, diba? Tahan na. Hindi kita iiwan, hindi kita bibitawan. 'Wag mong pahirapan ang sarili mo ng ganito. Pati ako, nasasaktan sa kalungkutan mo.'

''Wag ka nang magtampo. Pinapasaya ka lang namin.'

'It's getting harder to keep this, Edge. Everytime I tried to hold it in, it's viciously trying to get out. I'm going crazy, Ed. I can't. I can't keep it anymore.'

'I love you, Edge.'
-------
"You're all I wanted, Edge. Patawarin mo ako, pero kailangan kong sabihin ang tungkol dito. Ang tanging alam ko lang ay mahal kita. All of-"

"Shut up, Clyde." ang pagputol ko sa kanyang sinasabi. Tinignan ko siya sa mga mata. Nakikita ko ang katotohanan sa kanyang mga mukha. Malungkot pa rin ang kanyang mga mata. Bago pa niya iyuko ang kanyang ulo ay hinawakan ko ang kanyang baba para iharap siya sa akin. At saka ako nagpatuloy.

"Ang dami mo namang sinabi. Nakaka-irita. Pwede namang I love you Edge na lang." ang sabi ko. Naramdaman kong tuluyan niyang iyuyuko ang kanyang ulo, kaya muli kong iginiya ang ulo niya paharap sa akin.

"Pwede mo rin naman akong halikan kaagad, naglitanya ka pa." ang dugtong ko sa sinasabi. Nanlaki ang mga mata niya sa mga sinabi ko. Ito na ang pagkakataon ko. Mahal ako ng taong minamahal ko, magpapakipot pa ba ako? Siya ang pangarap ko, at dahil nasa harapan ko na siya ngayon, sisiguraduhin kong hindi na siya makakawala pa. Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanyang mukha. Huminto ako bago pa man tuluyang magdikit ang aming mga labi. Tinignan ko siya sa mga mata, at sinabi ang mga katagang matagal ko ring kinimkim.

Ang tanging laman ng aking puso.

"Mahal kita, Clyde Mitchell Aragon. Mahal na mahal kita." at hinalikan ko ang kanyang mga labi. Sa lahat ng mga nahalikan ko na, siya lang ang naiiba. Iba ang kuryenteng dulot ng mga labi niya. Iba ang pagsuyo na dala ng halik niya. Iba ang dampi ng pag-ibig mula sa kanya. Sa kanyang mga labi nakarating ako sa lugar na sa panaginip ko lang nararanasan. Sa pagkawala ko sa daluyong ng kanyang pag-ibig, isang bagay lang ang tangi kong naramdaman.

Malaya.

Siya lang ang mahal ko, nag-iisa at walang kapantay. Alam kong mahal niya ako, hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil sa naramdaman ko iyon sa bawat dampi ng kanyang mga labi sa akin. Tunay ang damdaming iyon. Hindi ko alam kung paano, basta alam ko. Nararamdaman ko.

Siya ang langit ko.

"Edge.." ang sabi niya nang naghiwalay ang aming mga labi. Pareho kaming hinihingal sa nangyari. Ewan, pero talagang nawala ako sa sarili nang maghalikan kami.

"You don't know how long I've waited for this moment to come. Actually, tinanggap ko na noon pa na hindi talaga pwede maging tayo. Pero siyempre, sa panaginip at pangarap ko, nananatiling 'ikaw at ako'. Clyde, I love you. Hindi dahil sa lahat ng nagawa mo para sa akin. I just do. I love you." ang sabi ko sa kanya habang hawak ang magkabilang pisngi niya. Kahit kailan ay hindi ako magsasawang pagmasdan ang mukha ng isang anghel na kagaya niya. Pati na rin ang mga mata niyang dinadala ako sa mundong siya lang ang nakaka-alam.

"Edge.. Mahal na mahal kita." ang sabi niya. Alam ko. Nakikita ko sa mga mata niya ang katotohanan sa bawat salitang sinasabi niya.

"I love you too." ang tanging sagot ko lang. Masayang-masaya ako sa mga nangyayari. Basta, wala na akong mahihiling pa. Niyakap namin ang isa't-isa. Isinubsob ko ang ulo ko sa kanyang balikat. Naramdaman ko na naman ang kapayapaan sa mga bisig niya.

"Uhm.. Ed?" ang sabi niya.

"Hmm?"

"May gusto sana akong ibigay sa iyo." ang usal niya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Tumayo siya sa kama at pumunta sa cabinet niya. Tinitigan ko siya ng may ngiti sa labi. Basta. Masaya lang talaga ako.

"Ed." ang panimula niya nang muli siyang umupo sa kama. Nakatingin lang ako sa kanya. Ano kaya ang ibibigay niya?

"Kahapon, diba sabi ko nagpasama si kuya Adam sa akin? The truth is, it's the other way around. Ako ang nagpasama sa kanya to buy this." ang sabi niya sabay harap sa akin ng isang maliit na kahon. Binuksan niya iyon, at may laman iyong dalawang silver rings. Simple lang ang disenyo nito. Pero napansin kong may naka-ukit sa loob nito.

"Alam mo kasi Ed, ikaw ang kauna-unahang lalaking minahal ko. Siyempre, medyo nahirapan ako kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kaya nagtapat ako kay kuya Adam. Since Bi naman siya, nanghingi ako ng mga advices sa kanya. He said I should just tell you everything. Mas mabuti na ngang malaman mo kaysa magtago. Nagpasama ako na bilhin ang mga ito. Para sa ating dalawa. Edge.." ang sabi niya sabay tingin sa akin. Nalulusaw na naman ako sa kanyang mga titig. Pati ang kanyang pamatay na ngiti ay dinadala ako sa langit.

"Will you be my... Significant other?" ang sabi niyang bahagya pang namumula. Natawa naman ako sa huling sinabi niya.

"What?" ang naaaliw niyang tanong.

"Significant other? Boyfriend, you mean." ang nakangiti kong tugon.

"Uhh, yeah. Boyfriend." ang nakangisi niyang sabi. Tumingin ako sa mga mata niya, at sinabi ang isang salitang lalong nakapagpangiti sa kanya.

"Yes." ang tanging nasabi ko. Basta, wala na akong ibang maramdaman kundi labis na kaligayahan. Kinuha niya ang kamay ko at isinuot ang isa sa mga singsing.

"Sa loob ng singsing na ito nakaukit ang pangalan ko. Simula ngayon, ikaw na ang nagmamay-ari ng puso ko. Ikaw ang anghel ko." ang sabi niya sa akin. Kinuha ko ang isa pang singsing at isinuot ko iyon sa daliri niya.

"Wala na akong dapat itago, walang dapat ipangamba. Ikaw lang ang nagturo sa akin na ngumiti sa kabila ng lahat. Mahal na mahal kita, Clyde. Ikaw ang langit ko." ang sabi ko. Nakita ko ang kaligayahan sa kanyang mga mata. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi, at unti-unting inilapit sa akin ang kanyang mga labi. Sa araw na ito natupad ang isa sa mga pangarap ko. Isang pag-ibig na kailanman ay hindi ko naisip na mapapasaakin. Himala mang maituturing, ang lahat ng ito ay tunay na nangyayari.

Mahal ko.

Tok Tok Tok!

"I'm sorry to break your moment, lovebirds. Nakahain na ang agahan. Mamaya na kayo mag-horizontal mambo." ang malakas na sabi ni kuya Adam mula sa labas ng kwarto. Naghiwalay naman kami ni Clyde mula sa halik na pinagsaluhan namin. Pareho kaming hinihingal at nakangiti.

Naman. Dream come true.
-------
"So, Edge. Ilang taon ka na ba?" ang tanong sa akin ni tito Earl. Ito ang pangalawa kong agahan ngayong araw. Hindi na ako nakatanggi pa, talaga palang hinintay nila akong dumating. Noong tinawagan pala ako ni Clyde kaninang madaling araw ay narinig ni kuya Adam ang usapan namin. Naka-on ang loudspeaker ng cellphone ni Clyde kaya ganon. Ayon, sinabi sa parents nila na darating ako, kaya ganito ang nangyari. Hay, naman.

"20 na po." ang nahihiya kong sagot. Kasi naman, nararamdaman kong ini-interrogate nila ako. Eeehhh.

"Are you sure? Mukha kang 17." ang sabi ni ate Cheska.

"Well, you look delectable naman." ang nakakatulig na sabi ni kuya Adam. Ano daw?! Flirt! Alam kong namula ako sa narinig kaya napayuko nalang ako. Nakita kong tumingin silang lahat kay kuya Adam.

"What?" ang taas-kilay nitong sabi.

"Shut your big mouth, Ade." ang mapanganib na sabi ni ate Cheska. Napatingin naman ako sa kanya, at nginitian naman niya ako.

"Can't you see? The boy is leashed." ang dugtong pa nito. Alam kong nakita nila ang singsing na nasa daliri ko. Oh, God. I'm beet-red. Tumingin naman ako kay Clyde na bagamat namumula ay nakangiti pa rin.

"Clyde! You did it! Yay! Buti ka pa, samantalang yung utang na loob kong boyfriend nawala ng parang bula. Haist. I-share mo muna sa akin yang si Ed." ang dire-diretsong sabi nito. Nanlaki ang mata ko dahil sa mala-armalite na bibig ng kuya ni Clyde. Hinawakan naman ni Clyde ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Tinignan niya ako na humihingi ng pasensya, saka tinignan ng masama ang kuya niya. At mukhang di pa nakuntento si kuya Adam, nagsalita na naman ito.

"I can make you a soprano, Ed." ang sabi nito sa akin na iginalaw pa ang mga kilay. Nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Napayuko nalang ako dahil sa sobrang init ng mga pisngi ko. Narinig ko ang sabay na sinabi nila Clyde at ate Cheska.

"Shut up!"

"What? I'm sorry, okay? I just can't resist- OOOUUUCCCHHH! What was that for?!" ang malakas na sabi ni kuya Adam. Tinapakan ata ni ate Cheska ang paa niya. Naman eh, nakakailang naman kasi.

"Makuntento ka na kay Mac." ang sabi ni ate Cheska bago siya bumaling sa akin.

"Classmate niyo si Mac, diba?" ang sabi ni ate Cheska. Ha? Napatingin ako kay Clyde na nakangiti ng parang tanga. P*cha may alam ata ito na hindi ko alam.

"Teka, si Mac ba ay si Marky? Marky Paul Miller?" ang tanong ko.

"Oo, siya nga." ang sagot ni ate Cheska. What?! Oh my.. Sabi na nga ba at sea urchin itong si Mac eh.

"B-boyfriend mo si Mac?" ang baling ko kay kuya Adam. Ngumiti naman ito ng pagkatamis-tamis bago sumagot.

"Medyo. MU kami. Pero nag-disappearing act ang hudyo. Alam mo ba kung nasaan siya? Ang tagal nang hindi nagpaparamdam sa akin. Hay, kamusta na kaya iyon?" ang sabi niya habang nakatingin sa kawalan.

"Busy po kasi iyon, Kuya. Thesis, reports, sa mga sideline niya, at kung saan-saan pa." ang sagot ko naman. Masyado kasing masipag si Mac. Kung anu-ano ang ginagawa. Kaya minsan hindi rin nakakasama sa mga lakad ng barkada.

"Sana man lang magparamdam siya. Hay. Anyway, kayo na?" ang tanong ni kuya Adam sa amin ni Clyde. Lahat sila sa amin ibinaling ang atensyon. Hinigpitan ni Clyde ang hawak sa kamay ko bago siya nagsalita.

"Ma, Pa, kuya, ate, ito po si Edge, boyfriend ko." ang dire-diretso niyang sabi. Alam kong namumula na naman ako pero hindi ko na pinansin. Tumingin na lang ako kay Clyde na nakangiti sa akin. Kaya ngumiti na lang din ako.

"Well, then, that's good. Ma, pakilabas na ang cake." ang nakangiting sabi ni tito Earl. Tumayo naman si tita Cynthia at inilabas ang Black Forest cake galing sa ref. Hala, may ganun pa. Nakita ko kung gaano kasaya silang lahat, pero iba pa rin ang saya sa mukha ni Clyde. Parang nanalo sa lotto.

"Ma, Pa, saan nyo nakuha itong cake?" ang tanong ni Clyde. Ayan, alam ko kung bakit tuwang-tuwa iyan. Paborito niya ang Black Forest cake.

"Inorder namin kagabi. Halina, mag-celebrate na tayo. Ed, isa lang ang gusto naming malaman. Anong itensyon mo sa anak ko?" ang sabi ni tito Earl. Hala. Ang naaalala ko, si papa ang gustong magtanong nito kay Clyde. Ngayon, ako ang tinatanong. Oh, well. Tumingin ako kay Clyde, at sinagot ang tanong ni tito Earl na nakangiti.

"Isa lang po ang nais ko, Sir. I'll make your son so happy. I'll see to it that he won't come into his senses to dump me." ang sabi ko. Natawa naman sila sa sagot ko. Hay, naman.

"Well, then. Welcome to the family, Edge." ang sabi ni tito Earl.

"Thank you po." ang sagot ko na lang.
-------
Hinatid ako ni Clyde sa amin. Inaya ko siyang pumasok sa bahay pero tumanggi ang mokong. Siyempre, ipapakilala ko siya kila mama at papa. Pero sa ibang pagkakataon na daw. Sige 'ka ko, bahala siya. Pero bago siya tuluyang umalis ay nagpaalam muna ako sa kanya. May lakad kasi ako mamaya.

"Clyde lalabas ako mamaya kasama si Patrick. Nakapangako kasi ako sa kanya. Ayos lang ba?" ang simula ko.

"Bakit, ano namang gagawin nyo?" ang tanong niya. Hmm.. Parang nag-iba ang atmosphere.

"Gagala. Bakit, ano ba sa tingin mo, magmo-motel?" ang dire-diretso kong sabi. Ayan, nagdilim bigla ang mukha niya. Great. You and your big mouth, Ed.

"Clyde-"

"Do you even have to tell me that?" ang sabi niya. Hala ka Edge. Lagot ka. Bago ko sagutin ang sinabi niya, itinaas ko ang kamay ko na may singsing.

"Baka nakakalimutan mong ikaw lang ang nagmamay-ari sa akin. See?" ang sabi ko sa kanya. Hindi siya nagsalita kaya hinawakan ko ang isang kamay niya, at hinawakan ko rin ang pisngi niya.

"Patrick knows how much I love you, Clyde. I made that clear from the very start. Yeah, I love him, but I love you more. Wala kang dapat ipag-alala. Kilala mo naman siya, diba? He won't cross boundaries. Lalo na ngayon, magpinsan kami. He's one of my bestfriends, Clyde. You can trust him. I'm sorry if I have to say something like that. I'm sorry." ang sabi ko. Nakatingin ako sa mga mata niya, para malaman niyang sincere ako sa paghingi ng sorry sa kanya.

"Sorry din, Ed. I think I'm too excited with us being boyfriends. Alam mo rin naman sigurong kahit hindi na pwedeng maging kayo ay pinagseselosan ko pa rin siya. You two have a bond that I can never replace. I just want us to make something like that. A bond that only the two of us can make. Sorry." ang sabi naman niya. Ayii. Hindi ko inasahan ang sagot na iyon mula sa kanya. Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang pisngi.

"Don't worry, we'll be having one, soon." ang sabi ko sabay galaw sa aking mga kilay. Mukhang may ibang naisip ang mokong na ito at biglang namula.

"Ikaw ha, ang taba ng utak mo. Halika nga dito." ang sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Nanggigigil ako sa kanya.

"I love you." ang bulong ko sa kanya. Lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa akin at bumulong din.

"I love you too."

"Halika na kasi sa loob, sabihin natin kila mama at papa." ang sabi ko. Magkayakap pa rin kaming dalawa.

"Next time na lang." ang sabi naman niya.

"Hoy, bakit nahihiya ka ba? Hindi na nga ako nagpaligaw sa iyo eh. Swerte ka." ang sabi ko sabay kalas sa pagkakayakap sa kanya.

"Ed.."

"Tara na. Magtatampo ako sa iyo, hindi na natin gagawin yung 'bond'." ang sabi ko sa kanya. Namula na naman siya kaya natawa ako. Hindi na siya pumalag nang pumasok kami sa bahay. Walang tao sa sala kaya diretso kami sa kusina.

"Ma, Pa, buti nandito kayo." ang sabi ko bago pa man kami tuluyang nakapasok sa kusina. Nagulat naman ako nang biglang magsalita si kuya Cedie. Nandito pala siya.

"Musta 'tol?" ang sabi ni kuya Cedie. Mula sa pagkakangiti ay biglang nag-iba ang itsura niya. Nakita niya kasing magkahawak-kamay kami ni Clyde. 'Nak ng. Matagal na kaming close ni kuya Cedrick pero ni minsan hindi ko nabanggit na Bi ako. It's easy forgetting things kasi kapag kasama ko siya. I'm always overwhelmed by the idea that I have an older brother, kaya parang naisantabi ko ang ilang mga bagay tungkol sa akin.

"Ah.. Kuya Ced, mabuti nandito ka. I've something to tell you, all of you. Si Alfie po, ma, pa, asan?" ang baling ko kila mama at papa.

"Kasama ang mga kaibigan niya, nagpunta sa *****." ang sagot ni mama. Napaisip naman ako kung bakit dun pa sila pumunta. Panget mag-swimming doon. Oh, well. Huminga muna ako ng malalim. Naramdaman kong tinatanggal ni Clyde ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Hinigpitan ko naman iyon. Mukha talaga siyang kinakabahan. Tumingin ako sa kanya, at sinundan ko ang tingin niya. Kaya naman pala, ang sama ng tingin sa kanya ni kuya Cedie.

"Ok. This is it. Ma, Pa, Kuya. Si Clyde po. Boyfriend ko." ang sabi ko. Siyempre, kinakabahan din ako, lalo na kay kuya. Pero go lang.

"Hahahaha sabi ko na nga ba. Kayo talagang mga bata kayo. Ed, d-in-eny mo pa siya noon, kayo rin pala sa huli. Hay nako." ang natatawang sabi ni Papa. Si papa talaga. Ngumiti naman ako. Nakita kong bahagyang ngumiti si Clyde, at halatang umiiwas sa tingin ni kuya.

"Iho, iingatan mo itong prinsipe ko, ha?" ang sabi ni mama kay Clyde. Ayan, umiral na naman ang pagiging nanay niya.

"Opo, makaka-asa po kayo." ang sagot naman ni Clyde.

"Ehem." ang narinig kong pagtikhim ni kuya. Lahat kami napatingin sa kanya. Lumapit siya hanggang sa magkaharap sila ni Clyde. Ano kayang gagawin nito?

"So, kayo na pala ng kapatid ko. Matanong nga kita, mahal mo ba talaga ang kapatid ko?" ang sabi niya kay Clyde. Hala. Siya pa ang umaaktong tatay ko ngayon. Sumagot naman si Clyde kahit alam kong nai-intimidate siya kay kuya.

"Opo. Mahal na mahal ko po si Edge." ang sagot ni Clyde. I wonder what I did to deserve such a brave man like him.

"Baka naman may sabit ka?" ang tanong ulit ni kuya Ced. Teka, ano ba namang klaseng tanong 'yun. Sumagot ulit si Clyde.

"Wala po."

"Kaya mo bang ipaglaban ang kapatid ko hanggang sa huli?" ang hirit ni kuya. Pusa, ano 'to, palabas sa sine?

"Kuya-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil kinontra ako ni kuya.

"Hush, Ed. Pabayaan mo muna si kuya, Ok? Sige, last question na ito. Maibibigay mo ba ang lahat ng naisin ng kapatid ko?" ang sabi niya kay Clyde. Tumingin ako kay Clyde. Tumingin din siya sa akin bago nagsalita at humarap uli kay kuya.

"Isa lang po ang maipapangako ko kay Ed. I'll give him the life that he always wanted - a happy one, regardless of all the challenges we're sure to face. Mahal ko po siya. At gagawin ko ang lahat para sa kanya." ang sagot ni Clyde kay kuya. Aaminin ko, natuwa ako sa sagot na iyon, kaya sinabi ko rin ang nilalaman ng puso ko.

"Kuya, he's the one I wanted, and the one I needed. Mahal ko si Clyde, kuya." ang sabi ko. Tumingin sa akin si kuya, at pagkatapos ay tumingin kay Clyde. Bigla itong ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Ok. Welcome to the family, Clyde. Basta ipangako mo na gagawin mo ang mga sinabi mo, ha?" ang paniniguro ni kuya. Nakita kong ngumiti si Clyde. I think he's more happier than me.

"Opo. Pangako." ang sagot ni Clyde kay kuya. Itinuro ni kuya ang dalawang daliri niya sa kanyang mga mata, bago itinuro iyon kay Clyde. Humirit na naman ito.

"Tandaan mo, babantayan kita. Ako ang makakaharap mo kapag nagsumbong sa akin ang mokong na ito. Intiendes?"

"Opo." ang nakangiting sagot ni Clyde.
-------
"Kuya, you're mean." ang sabi ko kay kuya Cedie. Umalis na si Clyde pagkatapos ng pag-uusap na nangyari. Pinilit nila mama na kumain muna dun, pero siyempre tumanggi na siya. Kakakain lang namin sa kanila. At bago tuluyang lumabas ng pinto si Clyde ay ini-smack ko siya sa lips, to which kuya commented nonchalantly. Ni hindi man lang daw ako nagpakipot. Dapat daw wala munang kiss. Adik talaga.

"Tinatakot ko lang naman ang boylet mo. Baka mamaya niloloko ka lang nun." ang sagot niya.

"No, he won't do that. He's a good boy." ang nakangiti kong sabi.

"What?" ang tanong ko nang makita kong nakatitig sa akin si kuya.

"Bakit 'di mo sinabi sa akin?" ang tanong niya. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin.

"I forgot." ang pag-amin ko naman. He smiled at me and ruffled my hair.

"Ikaw talaga. Just take good care on both of you. At kapag may nangyari, don't hesitate to tell me, okay?" ang sabi niya. Oh my. I smiled and hugged him in delight.

"Yes kuya. I will."
-------
"Hello po tito Tristan. Si Patrick po?" ang bati ko kay tito.

"O iho. Nandoon sa kwarto niya. May lakad ba kayo? Mukhang nakabihis ka." ang sabi naman ni to Tristan.

"Opo tito. Ide-date ko muna si Pat, pwede?" ang pagpapa-cute ko sa kanya. Hahaha.

"O sige, sige. Basta iuuwi mo siya ng maaga. May curfew ang binata ko." ang nakangiting sagot ni tito. Ang ganda ng mood ko ngayon.

"Hi mom, hi dad." ang bati ko kila Mr. at Mrs. Lewis. Oo, tama. Ang biological parents ko. Matagal na rin simula ng malaman ko ang totoo. It doesn't pain me anymore. Marami akong na-realize at natutunan simula ng araw na iyon. Maaaring dala lang ng magandang mood ko ngayon ang mga nasabi ko, pero sa totoo lang, tanggap ko na ang lahat. Masaya ako sa sitwasyon ko.

Marami ang nagmamahal sa akin.

"Did you just-" hindi na naituloy ni Mom ang sasabihin niya nang magsalita ulit ako.

"Yes mom. Listen. I'll be out with Patrick, ok?" ang sabi ko. Tumayo siya sa kinauupuan at tinungo ang kinatatayuan ko. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Son, thank you-" muli ay pinutol ko ang sinasabi niya. Naman eh, ayoko magdrama.

"It's ok, mom. Wala na po akong dapat pang ipangamba. All you want is to know me more, and all I want is to know myself more, the secrets of my past and the treasures it hold. Ayoko nang magdrama pa. Alam ko pong mahal nyo ako, at walang may gusto sa mga nangyari. Wala akong dapat sisihin, at wala akong dapat ikagalit. Masaya po ako dahil nagkaroon ako ng malaking pamilyang higit pa sa ninanais ko. Salamat po." ang sabi ko naman. Tumayo din si Dad at niyakap kaming dalawa. Ayan, one big happy family na. Ewan, pero masaya talaga ang feeling. Eto yung panahon na hindi ko kailangang hanapin ang kaligayahan dahil kusa itong dumating. Ang saya-saya. Ang problema nga lang ay dapat masanay na ako sa set-up. Mama at Papa ang tawag ko sa kinagisnan kong magulang, at Mom at Dad naman ang sa tunay kong mga magulang. 'Wag sana akong malito. Hahaha.

"Sige po Mom, Dad, pupuntahan ko na si Pat para maaga kaming makaalis." ang paalam ko sa kanila. Tango lang ang isinagot nila. Bakas sa kanilang mga mukha ang saya sa mga nangyari.
-------
"Gwapo!" ang bati ko kay Patrick nang marating ko ang kwarto niya. Hindi ko alam kung bakit ko pa sinabi iyon dahil understatement na iyon. Nakasuot siya ng.. Oh God.. Naka-itim na skinny lang siya. Wala pa siyang damit at sapatos. P*cha.. Bakit ganito ang tanawin? It's sinful. Muli nasilayan ko ang tight washboard abs niya, ang magandang biceps niya, ang pusod niya.. Hooh.. Hot! Edge umayos ka, you and Clyde have an understanding na. Behave! Pero hindi ko mapigilang tumingin. Sh*t. Naamoy ko ang bath soap na gamit niya, pati ang aftershave. At napansin ko, hindi pa nakabutones ang pantalon niya. Inhale, Ed. Then exhale.

"Please don't look at me like you're about to eat me." ang nakangising sabi ni Pat. Goddammit! I can feel my cheeks burn. Oh..

"Ito naman, parang hindi pa nakita ang kasuluk-sulukan ko. Halika nga dito." ang natatawang sabi niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Hay,grabe. Kanina pa nakabukas ang radyo niya, at biglang tumugtog ang 'Almost Lover' ng A Fine Frenzy. Yumakap ako sa kanya at bumuntong-hininga.

"Ed?" ang tanong ni Pat. Hindi ako gumalaw, ngunit lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.
-------
'Your fingertips across my skin
The palm trees swaying in the wind
Images

You sang me spanish lullabies
The sweetest sadness in your eyes
Clever trick..'
-------
Ito ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang lahat. Dapat sabihin ko na.
-------
'I never want to see you unhappy
I though you'd want the same for me..'
-------
"Pat.." ang panimula ko. Kumalas ako sa pagkakayakap at humarap sa kanya.

"I need to tell you something." ang sabi ko.
-------
'Goodbye my almost lover
Goodbye my hopeless dream
I'm trying not to think about you
Can't you just let me be?

So long, my luckless romance
My back is turned on you
I should've known you'd bring me heartache
Almost lovers always do..'
-------
Nai-imagine ko ang scenario na si Patrick ang kumakanta ng Almost Lover sa harapan ko. Tama lang iyon. Pero sana ay ayos lang sa kanya. Ayokong matulad kami sa kanta. Ayokong mawala siya sa akin.

"The song.."

"What song?" ang tanong ni Pat. Patuloy pa rin ang pagtugtog ng kanta. Kailangan ko nang sabihin.

"Patrick.. Clyde and I.." ngunit hindi ko naituloy. Paano ko sasabihin ng hindi siya masasaktan? Hinayaan kong mapakinggan namin ang kanta kaya hindi na ako nagsalita.
-------
'We walked along a crowded street
You took my hand and danced with me
Images

And when you left you kissed my lips
You told me you'll never ever forget these images
No..'
-------
"It's ok, Ed." ang sabi ni Patrick. Mabuti at nakuha niya. I've caused his sadness before. I can't bear to give him more.

"Patrick.."

"Alam ko naman noon pa. Hindi ba, sinabi mo na sa akin noon? Ayos lang sa akin, Ed. Nandito lang ako para sa inyo, ok? I know Clyde. He'll be a good partner for you. You know I want you to be happy. This is it. Don't mess it up." ang sabi niya. I'm so glad for that. Kaya I'll make him happy sa lakad na ito. I swear.

I want him to smile.
[ITUTULOY]

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails