Followers

Monday, December 6, 2010

Now Playing Chapter 17

By: Half
Blog: halfofmeisyou.blogspot.com

I'm so sorry for updating SO late. Napaka-busy po talaga. Ayan, ngayon naghihintay lang ako ng tubig bago maglaba kaya nakasingit akong mag-net. Hay, nako, so stressed.

Anyway salamat po sa mga readers and commenters na naiinip sa kakahintay. Salamat salamat.Di bale, malapit na ang Christmas break..

Sa weekend ko na siguro maipost ang next chapter. Enjoy po.
-------
Now Playing Chapter 17
Life After You Part 01

"All that I'm after
Is a life full of laughter
As long as I'm laughing with you
I'm thinking that
All that still matters
Is love ever after
After the life we've been through
I know there's no life after you.."
- Daughtry, Life After You
-------
"I love you, Edge."

Ito ang sabi ni Clyde. Bakit gan'un? Talaga bang sinabi niya iyon? Oo, narinig ko nga ang mga katagang iyon, pero siya ba talaga ang nagsabi n'un? Ano ba'ng pumasok sa isip niya at nasabi niya iyon? Hindi kaya nagbibiro lang ito? Ngunit umiiyak siya kanina, kaya imposibleng nagbibiro ito. Totoo ba talaga ito?

"Clyde.." para akong napipi dahil sa mga narinig. Bakit wala akong masabi? 'Di ba ito ang gusto ko? Ang taong pinapangarap ko ay may gusto sa akin. Pero bakit parang hindi ko mapaniwalaan?

"You don't know how much I love you, Ed. Akala ko noon, hanggang magkaibigan lang tayo. I like you eversince. Ibang-iba ka kasi sa kanila. There's this aura around you that seems to charm everyone. At ang mga ngiti mo, nakakapagpangiti rin ng kahit sino. Akala ko, kaibigan lang talaga. Pero nung umamin ka sa akin na Bi ka, ewan, pero tuwang-tuwa ako nang mga oras na iyon. At n'ung sinabi mo na gusto mo akong maging bestfriend, masayang-masaya talaga ako noon. At ewan ko kung paano nangyari, pero alam kong may nararamdaman na ako para sa iyo. And the surprising thing is that I'm not scared with that realization. Maybe it's the fact that we're friends, or maybe, I've always been in love with you." ang tuluy-tuloy niyang sabi. Sa kanya na mismo nagmula ang tatlong salitang inasam kong marinig. Wala akong masabi. Nakikita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Lahat ng ito ay tunay.

"Ang hirap kapag nagku-kwento ka tungkol sa mga taong mahal mo. Una, kay Micco. Na-inggit ako sa kanya kasi minahal mo siya, kaya nga lang sinayang niya. Nakita ko sa mga mata mo kung gaano kasakit ang sinapit ninyong dalawa, kaya pati ako nalungkot sa kalungkutan mo. Ikalawa si Patrick. Alam kong mahal mo siya, pero kung kailan handa ka nang tanggapin siya ay saka pa nagbago ang lahat. I saw and felt your pain and sadness with the situation. After all, he's the first. And third, si Xander. Well, madalang kang magkwento tungkol sa kanya. Pero base sa reaksyon niya kagabi, alam kong alam mo na ang ibig sabihin n'un. Edge, with all of the people revolving around you taking a piece of your heart, loving you from the shadows is a big mistake. I must let you know what I feel. Bahala na. Basta ang alam ko, mahal kita. And no one can stop me from being in love with you. You're everything that I wanted." ang muli niyang sabi. Ang mga salitang iyon ay tagos sa aking puso. Nagsimulang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Masayang-masaya ako sa mga narinig ko. Pinagmasdan ko ang perpekto niyang mukha. Mahal ako ng isang anghel. Kaya pala bawat salitang sinabi niya ay tila hangin na humahaplos sa buo kong pagkatao. Muling nanumbalik sa akin ang mga salitang sinabi niya sa akin na alam kong kailanman ay hindi ko makakalimutan.

'Tandaan mo, nandito lang ako para sa iyo.'

'Kahit ano'ng mangyari, ikaw pa rin ang anghel ko.'

'Ang cute mo.'

'Sshh.. Just let me do this, will you? Since I'm your bestfriend, I'm priviledged to do this everytime I wanted to, or even every chance that I've got. Okay?'

'Hindi mo ba ako na-miss? Kasi ako, na-miss kita.'

'Sige lang, Edge. Nandito lang ako, hindi kita iiwan.'

'Ssh. I got your back. Just cry, ok? Nandito lang ako.'

'Bakit ba hindi ka marunong makinig? Ang sabi ko sa'yo nandito lang ako lagi, diba? Tahan na. Hindi kita iiwan, hindi kita bibitawan. 'Wag mong pahirapan ang sarili mo ng ganito. Pati ako, nasasaktan sa kalungkutan mo.'

''Wag ka nang magtampo. Pinapasaya ka lang namin.'

'It's getting harder to keep this, Edge. Everytime I tried to hold it in, it's viciously trying to get out. I'm going crazy, Ed. I can't. I can't keep it anymore.'

'I love you, Edge.'
-------
"You're all I wanted, Edge. Patawarin mo ako, pero kailangan kong sabihin ang tungkol dito. Ang tanging alam ko lang ay mahal kita. All of-"

"Shut up, Clyde." ang pagputol ko sa kanyang sinasabi. Tinignan ko siya sa mga mata. Nakikita ko ang katotohanan sa kanyang mga mukha. Malungkot pa rin ang kanyang mga mata. Bago pa niya iyuko ang kanyang ulo ay hinawakan ko ang kanyang baba para iharap siya sa akin. At saka ako nagpatuloy.

"Ang dami mo namang sinabi. Nakaka-irita. Pwede namang I love you Edge na lang." ang sabi ko. Naramdaman kong tuluyan niyang iyuyuko ang kanyang ulo, kaya muli kong iginiya ang ulo niya paharap sa akin.

"Pwede mo rin naman akong halikan kaagad, naglitanya ka pa." ang dugtong ko sa sinasabi. Nanlaki ang mga mata niya sa mga sinabi ko. Ito na ang pagkakataon ko. Mahal ako ng taong minamahal ko, magpapakipot pa ba ako? Siya ang pangarap ko, at dahil nasa harapan ko na siya ngayon, sisiguraduhin kong hindi na siya makakawala pa. Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanyang mukha. Huminto ako bago pa man tuluyang magdikit ang aming mga labi. Tinignan ko siya sa mga mata, at sinabi ang mga katagang matagal ko ring kinimkim.

Ang tanging laman ng aking puso.

"Mahal kita, Clyde Mitchell Aragon. Mahal na mahal kita." at hinalikan ko ang kanyang mga labi. Sa lahat ng mga nahalikan ko na, siya lang ang naiiba. Iba ang kuryenteng dulot ng mga labi niya. Iba ang pagsuyo na dala ng halik niya. Iba ang dampi ng pag-ibig mula sa kanya. Sa kanyang mga labi nakarating ako sa lugar na sa panaginip ko lang nararanasan. Sa pagkawala ko sa daluyong ng kanyang pag-ibig, isang bagay lang ang tangi kong naramdaman.

Malaya.

Siya lang ang mahal ko, nag-iisa at walang kapantay. Alam kong mahal niya ako, hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil sa naramdaman ko iyon sa bawat dampi ng kanyang mga labi sa akin. Tunay ang damdaming iyon. Hindi ko alam kung paano, basta alam ko. Nararamdaman ko.

Siya ang langit ko.

"Edge.." ang sabi niya nang naghiwalay ang aming mga labi. Pareho kaming hinihingal sa nangyari. Ewan, pero talagang nawala ako sa sarili nang maghalikan kami.

"You don't know how long I've waited for this moment to come. Actually, tinanggap ko na noon pa na hindi talaga pwede maging tayo. Pero siyempre, sa panaginip at pangarap ko, nananatiling 'ikaw at ako'. Clyde, I love you. Hindi dahil sa lahat ng nagawa mo para sa akin. I just do. I love you." ang sabi ko sa kanya habang hawak ang magkabilang pisngi niya. Kahit kailan ay hindi ako magsasawang pagmasdan ang mukha ng isang anghel na kagaya niya. Pati na rin ang mga mata niyang dinadala ako sa mundong siya lang ang nakaka-alam.

"Edge.. Mahal na mahal kita." ang sabi niya. Alam ko. Nakikita ko sa mga mata niya ang katotohanan sa bawat salitang sinasabi niya.

"I love you too." ang tanging sagot ko lang. Masayang-masaya ako sa mga nangyayari. Basta, wala na akong mahihiling pa. Niyakap namin ang isa't-isa. Isinubsob ko ang ulo ko sa kanyang balikat. Naramdaman ko na naman ang kapayapaan sa mga bisig niya.

"Uhm.. Ed?" ang sabi niya.

"Hmm?"

"May gusto sana akong ibigay sa iyo." ang usal niya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Tumayo siya sa kama at pumunta sa cabinet niya. Tinitigan ko siya ng may ngiti sa labi. Basta. Masaya lang talaga ako.

"Ed." ang panimula niya nang muli siyang umupo sa kama. Nakatingin lang ako sa kanya. Ano kaya ang ibibigay niya?

"Kahapon, diba sabi ko nagpasama si kuya Adam sa akin? The truth is, it's the other way around. Ako ang nagpasama sa kanya to buy this." ang sabi niya sabay harap sa akin ng isang maliit na kahon. Binuksan niya iyon, at may laman iyong dalawang silver rings. Simple lang ang disenyo nito. Pero napansin kong may naka-ukit sa loob nito.

"Alam mo kasi Ed, ikaw ang kauna-unahang lalaking minahal ko. Siyempre, medyo nahirapan ako kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kaya nagtapat ako kay kuya Adam. Since Bi naman siya, nanghingi ako ng mga advices sa kanya. He said I should just tell you everything. Mas mabuti na ngang malaman mo kaysa magtago. Nagpasama ako na bilhin ang mga ito. Para sa ating dalawa. Edge.." ang sabi niya sabay tingin sa akin. Nalulusaw na naman ako sa kanyang mga titig. Pati ang kanyang pamatay na ngiti ay dinadala ako sa langit.

"Will you be my... Significant other?" ang sabi niyang bahagya pang namumula. Natawa naman ako sa huling sinabi niya.

"What?" ang naaaliw niyang tanong.

"Significant other? Boyfriend, you mean." ang nakangiti kong tugon.

"Uhh, yeah. Boyfriend." ang nakangisi niyang sabi. Tumingin ako sa mga mata niya, at sinabi ang isang salitang lalong nakapagpangiti sa kanya.

"Yes." ang tanging nasabi ko. Basta, wala na akong ibang maramdaman kundi labis na kaligayahan. Kinuha niya ang kamay ko at isinuot ang isa sa mga singsing.

"Sa loob ng singsing na ito nakaukit ang pangalan ko. Simula ngayon, ikaw na ang nagmamay-ari ng puso ko. Ikaw ang anghel ko." ang sabi niya sa akin. Kinuha ko ang isa pang singsing at isinuot ko iyon sa daliri niya.

"Wala na akong dapat itago, walang dapat ipangamba. Ikaw lang ang nagturo sa akin na ngumiti sa kabila ng lahat. Mahal na mahal kita, Clyde. Ikaw ang langit ko." ang sabi ko. Nakita ko ang kaligayahan sa kanyang mga mata. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi, at unti-unting inilapit sa akin ang kanyang mga labi. Sa araw na ito natupad ang isa sa mga pangarap ko. Isang pag-ibig na kailanman ay hindi ko naisip na mapapasaakin. Himala mang maituturing, ang lahat ng ito ay tunay na nangyayari.

Mahal ko.

Tok Tok Tok!

"I'm sorry to break your moment, lovebirds. Nakahain na ang agahan. Mamaya na kayo mag-horizontal mambo." ang malakas na sabi ni kuya Adam mula sa labas ng kwarto. Naghiwalay naman kami ni Clyde mula sa halik na pinagsaluhan namin. Pareho kaming hinihingal at nakangiti.

Naman. Dream come true.
-------
"So, Edge. Ilang taon ka na ba?" ang tanong sa akin ni tito Earl. Ito ang pangalawa kong agahan ngayong araw. Hindi na ako nakatanggi pa, talaga palang hinintay nila akong dumating. Noong tinawagan pala ako ni Clyde kaninang madaling araw ay narinig ni kuya Adam ang usapan namin. Naka-on ang loudspeaker ng cellphone ni Clyde kaya ganon. Ayon, sinabi sa parents nila na darating ako, kaya ganito ang nangyari. Hay, naman.

"20 na po." ang nahihiya kong sagot. Kasi naman, nararamdaman kong ini-interrogate nila ako. Eeehhh.

"Are you sure? Mukha kang 17." ang sabi ni ate Cheska.

"Well, you look delectable naman." ang nakakatulig na sabi ni kuya Adam. Ano daw?! Flirt! Alam kong namula ako sa narinig kaya napayuko nalang ako. Nakita kong tumingin silang lahat kay kuya Adam.

"What?" ang taas-kilay nitong sabi.

"Shut your big mouth, Ade." ang mapanganib na sabi ni ate Cheska. Napatingin naman ako sa kanya, at nginitian naman niya ako.

"Can't you see? The boy is leashed." ang dugtong pa nito. Alam kong nakita nila ang singsing na nasa daliri ko. Oh, God. I'm beet-red. Tumingin naman ako kay Clyde na bagamat namumula ay nakangiti pa rin.

"Clyde! You did it! Yay! Buti ka pa, samantalang yung utang na loob kong boyfriend nawala ng parang bula. Haist. I-share mo muna sa akin yang si Ed." ang dire-diretsong sabi nito. Nanlaki ang mata ko dahil sa mala-armalite na bibig ng kuya ni Clyde. Hinawakan naman ni Clyde ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Tinignan niya ako na humihingi ng pasensya, saka tinignan ng masama ang kuya niya. At mukhang di pa nakuntento si kuya Adam, nagsalita na naman ito.

"I can make you a soprano, Ed." ang sabi nito sa akin na iginalaw pa ang mga kilay. Nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Napayuko nalang ako dahil sa sobrang init ng mga pisngi ko. Narinig ko ang sabay na sinabi nila Clyde at ate Cheska.

"Shut up!"

"What? I'm sorry, okay? I just can't resist- OOOUUUCCCHHH! What was that for?!" ang malakas na sabi ni kuya Adam. Tinapakan ata ni ate Cheska ang paa niya. Naman eh, nakakailang naman kasi.

"Makuntento ka na kay Mac." ang sabi ni ate Cheska bago siya bumaling sa akin.

"Classmate niyo si Mac, diba?" ang sabi ni ate Cheska. Ha? Napatingin ako kay Clyde na nakangiti ng parang tanga. P*cha may alam ata ito na hindi ko alam.

"Teka, si Mac ba ay si Marky? Marky Paul Miller?" ang tanong ko.

"Oo, siya nga." ang sagot ni ate Cheska. What?! Oh my.. Sabi na nga ba at sea urchin itong si Mac eh.

"B-boyfriend mo si Mac?" ang baling ko kay kuya Adam. Ngumiti naman ito ng pagkatamis-tamis bago sumagot.

"Medyo. MU kami. Pero nag-disappearing act ang hudyo. Alam mo ba kung nasaan siya? Ang tagal nang hindi nagpaparamdam sa akin. Hay, kamusta na kaya iyon?" ang sabi niya habang nakatingin sa kawalan.

"Busy po kasi iyon, Kuya. Thesis, reports, sa mga sideline niya, at kung saan-saan pa." ang sagot ko naman. Masyado kasing masipag si Mac. Kung anu-ano ang ginagawa. Kaya minsan hindi rin nakakasama sa mga lakad ng barkada.

"Sana man lang magparamdam siya. Hay. Anyway, kayo na?" ang tanong ni kuya Adam sa amin ni Clyde. Lahat sila sa amin ibinaling ang atensyon. Hinigpitan ni Clyde ang hawak sa kamay ko bago siya nagsalita.

"Ma, Pa, kuya, ate, ito po si Edge, boyfriend ko." ang dire-diretso niyang sabi. Alam kong namumula na naman ako pero hindi ko na pinansin. Tumingin na lang ako kay Clyde na nakangiti sa akin. Kaya ngumiti na lang din ako.

"Well, then, that's good. Ma, pakilabas na ang cake." ang nakangiting sabi ni tito Earl. Tumayo naman si tita Cynthia at inilabas ang Black Forest cake galing sa ref. Hala, may ganun pa. Nakita ko kung gaano kasaya silang lahat, pero iba pa rin ang saya sa mukha ni Clyde. Parang nanalo sa lotto.

"Ma, Pa, saan nyo nakuha itong cake?" ang tanong ni Clyde. Ayan, alam ko kung bakit tuwang-tuwa iyan. Paborito niya ang Black Forest cake.

"Inorder namin kagabi. Halina, mag-celebrate na tayo. Ed, isa lang ang gusto naming malaman. Anong itensyon mo sa anak ko?" ang sabi ni tito Earl. Hala. Ang naaalala ko, si papa ang gustong magtanong nito kay Clyde. Ngayon, ako ang tinatanong. Oh, well. Tumingin ako kay Clyde, at sinagot ang tanong ni tito Earl na nakangiti.

"Isa lang po ang nais ko, Sir. I'll make your son so happy. I'll see to it that he won't come into his senses to dump me." ang sabi ko. Natawa naman sila sa sagot ko. Hay, naman.

"Well, then. Welcome to the family, Edge." ang sabi ni tito Earl.

"Thank you po." ang sagot ko na lang.
-------
Hinatid ako ni Clyde sa amin. Inaya ko siyang pumasok sa bahay pero tumanggi ang mokong. Siyempre, ipapakilala ko siya kila mama at papa. Pero sa ibang pagkakataon na daw. Sige 'ka ko, bahala siya. Pero bago siya tuluyang umalis ay nagpaalam muna ako sa kanya. May lakad kasi ako mamaya.

"Clyde lalabas ako mamaya kasama si Patrick. Nakapangako kasi ako sa kanya. Ayos lang ba?" ang simula ko.

"Bakit, ano namang gagawin nyo?" ang tanong niya. Hmm.. Parang nag-iba ang atmosphere.

"Gagala. Bakit, ano ba sa tingin mo, magmo-motel?" ang dire-diretso kong sabi. Ayan, nagdilim bigla ang mukha niya. Great. You and your big mouth, Ed.

"Clyde-"

"Do you even have to tell me that?" ang sabi niya. Hala ka Edge. Lagot ka. Bago ko sagutin ang sinabi niya, itinaas ko ang kamay ko na may singsing.

"Baka nakakalimutan mong ikaw lang ang nagmamay-ari sa akin. See?" ang sabi ko sa kanya. Hindi siya nagsalita kaya hinawakan ko ang isang kamay niya, at hinawakan ko rin ang pisngi niya.

"Patrick knows how much I love you, Clyde. I made that clear from the very start. Yeah, I love him, but I love you more. Wala kang dapat ipag-alala. Kilala mo naman siya, diba? He won't cross boundaries. Lalo na ngayon, magpinsan kami. He's one of my bestfriends, Clyde. You can trust him. I'm sorry if I have to say something like that. I'm sorry." ang sabi ko. Nakatingin ako sa mga mata niya, para malaman niyang sincere ako sa paghingi ng sorry sa kanya.

"Sorry din, Ed. I think I'm too excited with us being boyfriends. Alam mo rin naman sigurong kahit hindi na pwedeng maging kayo ay pinagseselosan ko pa rin siya. You two have a bond that I can never replace. I just want us to make something like that. A bond that only the two of us can make. Sorry." ang sabi naman niya. Ayii. Hindi ko inasahan ang sagot na iyon mula sa kanya. Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang pisngi.

"Don't worry, we'll be having one, soon." ang sabi ko sabay galaw sa aking mga kilay. Mukhang may ibang naisip ang mokong na ito at biglang namula.

"Ikaw ha, ang taba ng utak mo. Halika nga dito." ang sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Nanggigigil ako sa kanya.

"I love you." ang bulong ko sa kanya. Lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa akin at bumulong din.

"I love you too."

"Halika na kasi sa loob, sabihin natin kila mama at papa." ang sabi ko. Magkayakap pa rin kaming dalawa.

"Next time na lang." ang sabi naman niya.

"Hoy, bakit nahihiya ka ba? Hindi na nga ako nagpaligaw sa iyo eh. Swerte ka." ang sabi ko sabay kalas sa pagkakayakap sa kanya.

"Ed.."

"Tara na. Magtatampo ako sa iyo, hindi na natin gagawin yung 'bond'." ang sabi ko sa kanya. Namula na naman siya kaya natawa ako. Hindi na siya pumalag nang pumasok kami sa bahay. Walang tao sa sala kaya diretso kami sa kusina.

"Ma, Pa, buti nandito kayo." ang sabi ko bago pa man kami tuluyang nakapasok sa kusina. Nagulat naman ako nang biglang magsalita si kuya Cedie. Nandito pala siya.

"Musta 'tol?" ang sabi ni kuya Cedie. Mula sa pagkakangiti ay biglang nag-iba ang itsura niya. Nakita niya kasing magkahawak-kamay kami ni Clyde. 'Nak ng. Matagal na kaming close ni kuya Cedrick pero ni minsan hindi ko nabanggit na Bi ako. It's easy forgetting things kasi kapag kasama ko siya. I'm always overwhelmed by the idea that I have an older brother, kaya parang naisantabi ko ang ilang mga bagay tungkol sa akin.

"Ah.. Kuya Ced, mabuti nandito ka. I've something to tell you, all of you. Si Alfie po, ma, pa, asan?" ang baling ko kila mama at papa.

"Kasama ang mga kaibigan niya, nagpunta sa *****." ang sagot ni mama. Napaisip naman ako kung bakit dun pa sila pumunta. Panget mag-swimming doon. Oh, well. Huminga muna ako ng malalim. Naramdaman kong tinatanggal ni Clyde ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Hinigpitan ko naman iyon. Mukha talaga siyang kinakabahan. Tumingin ako sa kanya, at sinundan ko ang tingin niya. Kaya naman pala, ang sama ng tingin sa kanya ni kuya Cedie.

"Ok. This is it. Ma, Pa, Kuya. Si Clyde po. Boyfriend ko." ang sabi ko. Siyempre, kinakabahan din ako, lalo na kay kuya. Pero go lang.

"Hahahaha sabi ko na nga ba. Kayo talagang mga bata kayo. Ed, d-in-eny mo pa siya noon, kayo rin pala sa huli. Hay nako." ang natatawang sabi ni Papa. Si papa talaga. Ngumiti naman ako. Nakita kong bahagyang ngumiti si Clyde, at halatang umiiwas sa tingin ni kuya.

"Iho, iingatan mo itong prinsipe ko, ha?" ang sabi ni mama kay Clyde. Ayan, umiral na naman ang pagiging nanay niya.

"Opo, makaka-asa po kayo." ang sagot naman ni Clyde.

"Ehem." ang narinig kong pagtikhim ni kuya. Lahat kami napatingin sa kanya. Lumapit siya hanggang sa magkaharap sila ni Clyde. Ano kayang gagawin nito?

"So, kayo na pala ng kapatid ko. Matanong nga kita, mahal mo ba talaga ang kapatid ko?" ang sabi niya kay Clyde. Hala. Siya pa ang umaaktong tatay ko ngayon. Sumagot naman si Clyde kahit alam kong nai-intimidate siya kay kuya.

"Opo. Mahal na mahal ko po si Edge." ang sagot ni Clyde. I wonder what I did to deserve such a brave man like him.

"Baka naman may sabit ka?" ang tanong ulit ni kuya Ced. Teka, ano ba namang klaseng tanong 'yun. Sumagot ulit si Clyde.

"Wala po."

"Kaya mo bang ipaglaban ang kapatid ko hanggang sa huli?" ang hirit ni kuya. Pusa, ano 'to, palabas sa sine?

"Kuya-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil kinontra ako ni kuya.

"Hush, Ed. Pabayaan mo muna si kuya, Ok? Sige, last question na ito. Maibibigay mo ba ang lahat ng naisin ng kapatid ko?" ang sabi niya kay Clyde. Tumingin ako kay Clyde. Tumingin din siya sa akin bago nagsalita at humarap uli kay kuya.

"Isa lang po ang maipapangako ko kay Ed. I'll give him the life that he always wanted - a happy one, regardless of all the challenges we're sure to face. Mahal ko po siya. At gagawin ko ang lahat para sa kanya." ang sagot ni Clyde kay kuya. Aaminin ko, natuwa ako sa sagot na iyon, kaya sinabi ko rin ang nilalaman ng puso ko.

"Kuya, he's the one I wanted, and the one I needed. Mahal ko si Clyde, kuya." ang sabi ko. Tumingin sa akin si kuya, at pagkatapos ay tumingin kay Clyde. Bigla itong ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Ok. Welcome to the family, Clyde. Basta ipangako mo na gagawin mo ang mga sinabi mo, ha?" ang paniniguro ni kuya. Nakita kong ngumiti si Clyde. I think he's more happier than me.

"Opo. Pangako." ang sagot ni Clyde kay kuya. Itinuro ni kuya ang dalawang daliri niya sa kanyang mga mata, bago itinuro iyon kay Clyde. Humirit na naman ito.

"Tandaan mo, babantayan kita. Ako ang makakaharap mo kapag nagsumbong sa akin ang mokong na ito. Intiendes?"

"Opo." ang nakangiting sagot ni Clyde.
-------
"Kuya, you're mean." ang sabi ko kay kuya Cedie. Umalis na si Clyde pagkatapos ng pag-uusap na nangyari. Pinilit nila mama na kumain muna dun, pero siyempre tumanggi na siya. Kakakain lang namin sa kanila. At bago tuluyang lumabas ng pinto si Clyde ay ini-smack ko siya sa lips, to which kuya commented nonchalantly. Ni hindi man lang daw ako nagpakipot. Dapat daw wala munang kiss. Adik talaga.

"Tinatakot ko lang naman ang boylet mo. Baka mamaya niloloko ka lang nun." ang sagot niya.

"No, he won't do that. He's a good boy." ang nakangiti kong sabi.

"What?" ang tanong ko nang makita kong nakatitig sa akin si kuya.

"Bakit 'di mo sinabi sa akin?" ang tanong niya. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin.

"I forgot." ang pag-amin ko naman. He smiled at me and ruffled my hair.

"Ikaw talaga. Just take good care on both of you. At kapag may nangyari, don't hesitate to tell me, okay?" ang sabi niya. Oh my. I smiled and hugged him in delight.

"Yes kuya. I will."
-------
"Hello po tito Tristan. Si Patrick po?" ang bati ko kay tito.

"O iho. Nandoon sa kwarto niya. May lakad ba kayo? Mukhang nakabihis ka." ang sabi naman ni to Tristan.

"Opo tito. Ide-date ko muna si Pat, pwede?" ang pagpapa-cute ko sa kanya. Hahaha.

"O sige, sige. Basta iuuwi mo siya ng maaga. May curfew ang binata ko." ang nakangiting sagot ni tito. Ang ganda ng mood ko ngayon.

"Hi mom, hi dad." ang bati ko kila Mr. at Mrs. Lewis. Oo, tama. Ang biological parents ko. Matagal na rin simula ng malaman ko ang totoo. It doesn't pain me anymore. Marami akong na-realize at natutunan simula ng araw na iyon. Maaaring dala lang ng magandang mood ko ngayon ang mga nasabi ko, pero sa totoo lang, tanggap ko na ang lahat. Masaya ako sa sitwasyon ko.

Marami ang nagmamahal sa akin.

"Did you just-" hindi na naituloy ni Mom ang sasabihin niya nang magsalita ulit ako.

"Yes mom. Listen. I'll be out with Patrick, ok?" ang sabi ko. Tumayo siya sa kinauupuan at tinungo ang kinatatayuan ko. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Son, thank you-" muli ay pinutol ko ang sinasabi niya. Naman eh, ayoko magdrama.

"It's ok, mom. Wala na po akong dapat pang ipangamba. All you want is to know me more, and all I want is to know myself more, the secrets of my past and the treasures it hold. Ayoko nang magdrama pa. Alam ko pong mahal nyo ako, at walang may gusto sa mga nangyari. Wala akong dapat sisihin, at wala akong dapat ikagalit. Masaya po ako dahil nagkaroon ako ng malaking pamilyang higit pa sa ninanais ko. Salamat po." ang sabi ko naman. Tumayo din si Dad at niyakap kaming dalawa. Ayan, one big happy family na. Ewan, pero masaya talaga ang feeling. Eto yung panahon na hindi ko kailangang hanapin ang kaligayahan dahil kusa itong dumating. Ang saya-saya. Ang problema nga lang ay dapat masanay na ako sa set-up. Mama at Papa ang tawag ko sa kinagisnan kong magulang, at Mom at Dad naman ang sa tunay kong mga magulang. 'Wag sana akong malito. Hahaha.

"Sige po Mom, Dad, pupuntahan ko na si Pat para maaga kaming makaalis." ang paalam ko sa kanila. Tango lang ang isinagot nila. Bakas sa kanilang mga mukha ang saya sa mga nangyari.
-------
"Gwapo!" ang bati ko kay Patrick nang marating ko ang kwarto niya. Hindi ko alam kung bakit ko pa sinabi iyon dahil understatement na iyon. Nakasuot siya ng.. Oh God.. Naka-itim na skinny lang siya. Wala pa siyang damit at sapatos. P*cha.. Bakit ganito ang tanawin? It's sinful. Muli nasilayan ko ang tight washboard abs niya, ang magandang biceps niya, ang pusod niya.. Hooh.. Hot! Edge umayos ka, you and Clyde have an understanding na. Behave! Pero hindi ko mapigilang tumingin. Sh*t. Naamoy ko ang bath soap na gamit niya, pati ang aftershave. At napansin ko, hindi pa nakabutones ang pantalon niya. Inhale, Ed. Then exhale.

"Please don't look at me like you're about to eat me." ang nakangising sabi ni Pat. Goddammit! I can feel my cheeks burn. Oh..

"Ito naman, parang hindi pa nakita ang kasuluk-sulukan ko. Halika nga dito." ang natatawang sabi niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Hay,grabe. Kanina pa nakabukas ang radyo niya, at biglang tumugtog ang 'Almost Lover' ng A Fine Frenzy. Yumakap ako sa kanya at bumuntong-hininga.

"Ed?" ang tanong ni Pat. Hindi ako gumalaw, ngunit lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.
-------
'Your fingertips across my skin
The palm trees swaying in the wind
Images

You sang me spanish lullabies
The sweetest sadness in your eyes
Clever trick..'
-------
Ito ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang lahat. Dapat sabihin ko na.
-------
'I never want to see you unhappy
I though you'd want the same for me..'
-------
"Pat.." ang panimula ko. Kumalas ako sa pagkakayakap at humarap sa kanya.

"I need to tell you something." ang sabi ko.
-------
'Goodbye my almost lover
Goodbye my hopeless dream
I'm trying not to think about you
Can't you just let me be?

So long, my luckless romance
My back is turned on you
I should've known you'd bring me heartache
Almost lovers always do..'
-------
Nai-imagine ko ang scenario na si Patrick ang kumakanta ng Almost Lover sa harapan ko. Tama lang iyon. Pero sana ay ayos lang sa kanya. Ayokong matulad kami sa kanta. Ayokong mawala siya sa akin.

"The song.."

"What song?" ang tanong ni Pat. Patuloy pa rin ang pagtugtog ng kanta. Kailangan ko nang sabihin.

"Patrick.. Clyde and I.." ngunit hindi ko naituloy. Paano ko sasabihin ng hindi siya masasaktan? Hinayaan kong mapakinggan namin ang kanta kaya hindi na ako nagsalita.
-------
'We walked along a crowded street
You took my hand and danced with me
Images

And when you left you kissed my lips
You told me you'll never ever forget these images
No..'
-------
"It's ok, Ed." ang sabi ni Patrick. Mabuti at nakuha niya. I've caused his sadness before. I can't bear to give him more.

"Patrick.."

"Alam ko naman noon pa. Hindi ba, sinabi mo na sa akin noon? Ayos lang sa akin, Ed. Nandito lang ako para sa inyo, ok? I know Clyde. He'll be a good partner for you. You know I want you to be happy. This is it. Don't mess it up." ang sabi niya. I'm so glad for that. Kaya I'll make him happy sa lakad na ito. I swear.

I want him to smile.
[ITUTULOY]

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails