Followers

Tuesday, December 28, 2010

Task Force Enigma: Rovi Yuno 20

Photobucket

Author's Note:

Hello pumpkins!!!

Ang saya ng chat namin nila Rick nung Sunday. Sana this coming Sunday ay makisali pa ang iba. Jerick and Perse will join us. Anyway, ito na po ang inaabangang paghaharap ulit nila Bobby at Rovi. Well, na-miss ko rin pala ang mga mokong! Ahihihi

To Zach, pasensiya at hindi ko masagot ang text mo. Ginagawa ko ito ng magtext ka. Salamat pala ulit! :)

Enjoy Reading!!!


Chapter 20

Tahimik na nakaupo si Bobby sa labas ng panibagong safe house na pinagdalhan sa kanila ni Apple. Pagkahatid na pagkahatid nito sa kanila ay pinaharurot na agad ng babae ang kotse palayo para daw makipagtuos sa kakambal nitong nagiging traydor na yata.

Silang dalawa lang doon ng tiyahin. Napakaliblib ng lugar at napakatahimik. Naalala niya ang buhay sa probinsiya dati. Hindi kasing-gulo ng nangyayari ngayon. Noon, may kahirapan at kapayakan man ang pamumuhay nila ay wala namang humahabol na mga tauhan ng drug lord sa kanya. Marahil, kung hindi siya nangailangan para sa pagpapagamot ng kanyang tiya ay malamang na wala silang ganitong problema ngayon.

Naiinis na napabugha siya ng hangin. Kung may maipagpapasalamat siya siguro ng malaki ay iyong buhay pa sila ngayon ni Tiya Edna niya. At kung meron mang bagay na sa tingin niya ay malala pa sa problemang hatid ng paghabol sa kanila ng koreanong amo ay ang kakaibang damdamin na nararamdaman niya para kay Rovi.

Ewan niya pero gustong-gusto na niya itong makita. Pero kapag naaalala niya ang naging reaksiyon nito pagkatapos ng nangyari sa kanila ay nangngingitngit siya sa inis. First time lang niyang magparaya ng katawan sa kapwa lalaki ganun pa naging resulta. Sa pagkakaalala pa naman niya ay nagustuhan naman ni Rovi ang ginawa nila. Kasi siya, gustong-gusto niya.

Nag-init na naman ang katawan niya ng maalala ang gabing iyon. Akala niya, simula na iyon ng pagpapaamo niya dito. Totoo naman ang sinabi nito na gusto niya itong gantihan nung una. Pero mukhang ang balak niyang pagganti ay nauwi sa pagkahaling niya sa bagay na hindi normal na gustuhin ng isang tunay na lalaki. Hinahanap-hanap niya ang darap na naranasan niya ng gabing iyon.

Tumayo siya at nag-inat. Nag-push up at tumakbo-takbo sa paligid ng bahay. Nakapwesto iyon sa isang burol. Natatakpan ng malalagong puno ng mangga at acacia. Matatanaw mo kaagad kung mayroong paparating na sasakyan dahil nasa paligid iyon ng malawak na palayan.

Nang mapagod ay humilata siya sa papag sa labas ng bakuran. Kung wala lang sanang malaking problema ang nakaamba sa kanila ay hindi siya nalilito ngayon. Ilang ulit na niyang naitanong sa sarili kung bakit kailangang magkaganoon ang tahimik niyang buhay. Nila ng tiya niya. Ninais lang naman niya ang kumita. Napapailing na tumayo ulit siya para maghanda ng makakain nilang mag-tiya.


"Gawan niyo ng paraan ang mga katawan na iyan. Hanapan na rin ninyo ng identity ang bawat isa. Napakalaking clean-up ng gagawin natin. Mahirap ng masilip tayo. Magtataka ang mga iyon sa pagkawala ng napakaraming katawan na iyan."

Tumango lang si Jerick sa utos na iyon ni Rick. Hindi na ito nagsalita pa at sumabay na sa paglakad ni Perse patungo sa napakalaking truck na naglalaman ng mga walang buhay na katawan ng mga tauhan ni Par Gyul Ho.

"Kami ng bahala Pare, tumuloy na kayo sa pupuntahan niyo." pahabol ni Perse sa kanila.

Iyon lang at tahimik na silang naghiwa-hiwalay. Patungo na silang dalawa ni Rick sa safehouse na pinagdalhan ni Apple kina Bobby. Nakaramdam siya ng kakaibang damdamin sa napipintong paghaharap nilang dalawa ng lalaki. Parang di siya mapakaling pusa na ewan.

Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe ng basagin niya ang katahimikan sa pagitan nila ni Rick. "Pare, sino si Felicitas?"

Wala siyang narinig na sagot.

"Pare, I think I deserve to know." pangungulit niya.

"Bakit?"

"Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Meron."

"So what's keeping you?"

"Wala namang significance sa'yo yun."

"Wala talaga akong lusot sa'yo no?"

"Oo Rovi. Kaya huwag ka ng mangulit."

"O siya. Kung ayaw mong malaman ko kahit paano kung sino ang Felicitas na naging dahilan ng pagkaka-save natin sa pagsabog ng factory ay hindi na kita pipilitin."

Malakas lang na buntong-hininga ang sagot nito at hindi na nagsalita.

Malapit na sila sa isang gas station ng magsalita ulit si Rick.

"Ibaba mo ako dito pare."

"Huh? Okay."

Nang huminto siya ay mabilis itong umibis ng sasakyan pero nanatiling nakatayo sa may pintuan. Maya-maya ay yumuko ito para kausapin siya.

"Ang Felicitas na iyon ay ang anak ni Alexa na hindi naisilang dahil sa isang aksidente. Hanggang doon lang ang pwede kong sabihin."

Napangiti siya. "Okay."

Tinapik nito ang bubong ng sasakyan senyales na maaari na siyang umalis. Nang nasa daan na ay binalot siya ng matinding kaba. Hindi niya mawari kung dahil sa magkakaharap na sila ni Bobby ulit o dahil sa katatapos lang na maaksiyong pagsugod nila sa factory.

"Tumatanda ka na talaga Yuno!"


Kumukulo na ang sinigang na baboy sa bayabas ng marinig ni Bobby ang ugong ng papalapit na sasakyan. Dagli niyang pinatay ang stove at sinilip ang paparating na sasakyan. Makikita niya ang paparating na "bisita" pero siya ay hindi nito mapupuna. Salamat sa mayayabong na halaman sa paligid.

Isa iyong van. Mukhang marami ang mga ito. Mabilis siyang pumasok ulit sa loob at inalerto ang tiyahin.

"Tiyang, magtago kayo dito." nagmamadaling hila niya rito.

"Saan ba? At bakit ako magtatago?" natataranta rin nitong sabi.

"Basta. Sabi ni Apple, kapag may parating diba ay magtago kayo dito? Mas maigi na magtago kayo dahil hindi na ninyo kayang tumakbo. At least ako lang ang hahabulin nila." mabilis na pagpapaliwanag niya.

Nang makasigurong nakatago na ito sa sikretong lugar sa ilalim ng bahay ay saka siya kumuha ng kutsilyo. Maigi ng may magamit siya kung sakaling may makahabol sa kanya. Nang huminto ang sasakyan ay nagtago siya sa kusina at nakiramdam. Sinilip niya ang pagbaba ng mga ito pero hindi niya makita. Tahimik ang kilos ng kung sino mang bumaba sa sasakyan.

Umingit ang pintuan sa harapan tanda ng nakapasok na ito. Narinig din niya ang paglapag nito ng gamit sa sahig. Dahan-dahan ang kilos nito patungo sa kinaroroonan niya. Halos pigilan niya ang paghinga para lang huwag marinig nito. Nang malapit na ito sa pwesto niya ay ubod lakas niyang inundayan ng saksak ang pangahas na pumasok.

"Holy shit!" sabi nito.

Dahil hindi nakatingin sa mukha ng inatake ay hindi niya ito nakilala. Ang akala niyang matagumpay na pag-atake ay hindi pala dahil naisakatuparan dahil naramdaman niya ang pag-angat ng katawan sa sahig kasunod ang pagkapilipit ng kanyang kamay.

"Aray!"

"Bobby!"

Natigilan siya. Nag-angat ng tingin at sa pagkamangha ay nakatitig sa kanya ng buong pagtataka ang taong kanina lang ay gumugulo sa isip niya. Parang biglang may nagkarerang daga sa dibdib niya at may nagliparang paru-paro pagkakita sa mukha ni Rovi. Mabilis siyang kumawala at tumayo.

"R-rovi?"

Napapantastikuhan naman na tumingin sa kanya. Hawak na nito ang kanina'y ipinagmamalaki niyang armas. Nakataas ang kilay na inangat nito ang kutsilyo at may nagtatanong na ekspresyon sa mata.

"Ah- eh, ikaw p-pala ang dumating." halos pagalitan ni Bobby ang sarili sa pagkakabulol-bulol.

"Sino pa bang inaasahan mo na darating dito?"

"A-akala ko kasi, k-kalaban ka."

"Susme, kung kalaban ako, tingin mo didiretso ako ng pasok dito? Engot ka ba?"

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. Oo nga naman. Kung kalaban ito, baka pinaulanan na sila ng bala kanina pa. Pero teka? Engot na naman siya? Aba! Nakakarami na ito ha.

"Magdahan-dahan ka naman sa mga salita mo." naiinis na sabi niya.

"Pasensiya na. Balat-sibuyas ka pala." ngising-aso na sagot nito.

Hanep! Ang lakas mang-asar! Hiyaw ni Bobby sa isip niya. Kalma ka lang Bobby. Asar-talo!

"Hindi ako engot. Nagkataon lang na hindi kita nakilala. Huwag ka namang manglait agad."

Ginaya lang nito ang sinabi niya pero sa walang-tinig na paraan. Napatanga naman siya sa ginawa nito. Bigla siyang napatawa pagkatapos.

"Anong nakakatawa?" naiiritang sabi ni Rovi.

"Wala." aniya sa pinipigil na tawa. Mabilis siyang lumayo rito at baka makatikim na naman siya ng sakit ng katawan.

"Baliw! Tumatawa ng walang dahilan."

Tinitigan niya ito. Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso niya. Ewan niya pero napakalakas ng epekto ni Rovi sa kanya ngayon. Kung ano man ang dahilan ng lahat ng iyon ay saka na niya hahanapan ng sagot.

"O, anong nangyari sa'yo diyan?"

"Ah eh, wala." aniya ng makabawi.

Parang timang lang si Bobby sa kinatatayuan. Gusto niyang lapitan si Rovi pero alam niyang magtataka ito. Kung alam lang nitong gustong-gusto niya itong hilahin at halikan hanggang sa mapugto ang hininga nilang pareho. Oo. Gusto na niyang maulit ang nangyari sa kanila. Kanina pa siya tigas na tigas pala sa ibabang bahagi ng katawan niya. Ewan niya kung napapasin nito iyon kasi naka-maong siya. Malay niya, baka kapag nakita nito iyon ay maakit itong muli at maramdaman ang gusto niyang mangyari.


Naaaliw na nakatitig si Rovi kay Bobby na ngayon ay parang itinulos sa kinatatayuan nito. Nagulat siya talaga ng atakihin siya nito. Mabuti na lang at ang mga sneak attack na katulad ng ginawa nito ay hindi na bago sa kanya. Dala na rin siguro ng bahagya pa lang na humuhupang adrenaline rush sa kanya sa katatapos lang na misyon.

Sinalubong niya ang mata nito. Ganoon na lang ang pagkamangha niya ng may mabasang kung ano doon. Something akin to desire. Yes. Bobby's eyes were emitting rays of passion that affected him so much.

Ngayong kaharap niya na ito ay saka niya naunawaan na na-miss niya ito ng sobra. Ibinaba niya ang paningin sa katawan nito at nagulat na naman siya ng makita ang obvious na bagay sa pagitan ng mga hita nito. Bigla siyang kinilig. Na-a-arouse ba si Bobby sa kanya just by staring at him? Aba bago yun? Hindi iyon kayang i-process ng pangunawa niya pero gusto niya ang nangyayari.

"Anong meron diyan?" inginuso niya ang namumuong sama ng panahon sa crotch area nito.

Napangiti ng alanganin si Bobby at pasimpleng sinulyapan ang harapan. Kibit-balikat itong nagsalita. "Ewan ko. Ano bang meron?" napangiwi pa ito pagkatapos. Halatang nagsisinungaling.

Kinilg na naman siya. Tinitigasan ang mokong. Mukhang naalala ang nangyari sa kanila. Kasalanan ba niyang magaling ang performance niya ng gabing iyon. Kung alam lang nitong parehas sila ng itinatakbo ng isip, malamang magyaya agad ito. Dama niya ang tensiyon sa paligid nila. Isang uri ng tensiyon na masarap sa pakiramdam kapag naisakatuparan.

Tumalikod ito at nagsalita.

"K-kumain ka na ba?"

"Hindi pa. May makakain ba?"

"Oo. Sige diyan ka lang. Maghahain ako."

Dumulog si Rovi sa hapag at hinintay itong maghain. Natuwa siya sa eksena kanina. Ewan niya kung anong nangyayari kay Bobby pero mukhang may kakaiba dito.

Narinig niya ang pingkian ng mga plato at kubyertos na inilalabas. Naamoy niya rin ang ulam na mabangong-mabango ang pagkakaluto. Ito ba ang nagluto? Sinigang kasi ang naamoy niya.

Maya-maya ay bumalik ito at ganun na lang ang pagkataranta niya ng makitang nakahubad-baro ito habang dala-dala ang mga ihahain. Napalunok siyang bigla. Yummy! sigaw ng pilyong bahagi ng isip niya.

Akala ko ba ayaw mo sa kanya? Di ba nung nakaraan lang ay tinarayan mo pa siya pagkatapos niyong mag-do? singit ng isa pang bahagi.

Ipinilig niya ang ulo para maiwaksi ang kalaswaan na unti-unting pumapasok sa utak niya. Lalo siyang nataranta ng maglabas ito ng vase na may lamang fresh na mga bulaklak mula sa hardin sa labas. Inilapag nito iyon sa gitna ng lamesa.

Nakataas ang kilay na nagtanong siya para pagtakpan ang kilig. "Anong drama iyan Bobby?"

"Ah wala naman. Baka lang kasi gusto mong may bulaklak sa paligid."

Hindi na siya kumibo. Nagkamot ito ng batok kaya medyo nag-flex ang mga muscles nito. Lord! Unfair ito! Baka siya ang ulamin ko!

"Ayaw mo ba?" nahihiyang tanong nito.

"May sinabi ba ako?" Pigil ang kilig na wika niya.

Para itong nakahinga ng maluwag sa sinagot niya. Napangiti pa ito at mabilis na bumalik sa kusina. Akala niya tapos na ang lahat ng emote nito sa paghahanda ng kakainin nila ng maglabas ito ng alak.

"Pampagana." sabi nito.

"Hmm..."

"Kain na tayo." yaya nito.

"Ang tiya mo?"

Natigilan ito. Biglang namutla.

"Oo nga pala. Pinagtago ko si tiya ng dumating ka. Sandali. Diyan ka lang."

Mabilis itong nawala sa paningin niya. Napabulalas siya ng mahihinang mura. Kanina pa niya pinipigilan ang sarili na hilahin si Bobby sa obvious na pagpapakita nito ng interes. Wala siyang plano na magside-trip habang umaagos pa ang kaso ni Gyul Ho. Isa talagang malaking distraction ang lalaking ito sa kanya.

Nag-side trip ka na kaya dati!

Napatingin siya sa alak. Brandy iyon. Kinuha niya ang baso at nagsalin. Kailangan niya ng pampakalma. Baka kasi sumabog na siya sa tensiyon na kanina pa namumuo sa kaloob-looban niya t sa pagitan ng mga hita niya!


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails