Followers
Wednesday, December 15, 2010
THE MARTYR, THE STUPID AND THE FLIRT 4
CHAPTER 4 (Burger Steak)
"O-orly?"
Ang tanging nasabi niya pagkatapos ng ilang segundo ring paglalapat ng kanilang mga labi. Nanlalaki ang mga mata niya sa sobrang pagkagulat. Mabilis pa rin ang pagtahip ng kanyang dibdib. Hindi pa rin makapaniwala sa kagaganap lang. AT alam niya, kahit hindi niya nakikita, namumula siya mula ulo hanggang paa! At naghihiyawan pa ang mga nakapaligid sa kanila sa pangunguna ng kaibigan niya.
"O-orly?" naguguluhang tawag niya rito.
"Yes Pet?" amused na tanong nito. Nakisubo sa burger steak na in-order ni Jordan.
"Orly!" malakas na sabi niya sabay hampas sa braso nito. Finally, bumalik na ang boses niyang nawalan ng lakas ng dahil sa kagagawan ng lalaking ito. Tumigil na rin kasi ang hiyawan sa paligid.
"Aray! Bakit ba?" natatawang sabi nito habang umaarte ring nasaktan ang braso.
"Bakit mo ginawa iyon?"
"Ha? Did what?" maang na tanong nito.
"Yung kanina?!" frustrated na sabi niya.
"OA ka girl." si Jordan.
"Shut up, friend!" angil niya rito.
"You shut-up! Maka-emote ka diyan. Virgin?" nanlalaki ang matang sabi nito sa kanya.
Hindi siya naka-imik doon. Bakit nga ba siya umaarte ng ganoon? Hindi rin niya alam sa totoo lang. Hindi rin niya alam why is he feeling so damn... frustrated?
"Yeah, what are you fussing over with Pet?" nangingiting tanong ni Orly habang ngumunguya. Amusement all over his eyes. Parang gusto nitong tumbokin niya mismo ang tinutukoy niya.
Naiinis na nagbugha siya ng hangin at inagaw ang tinidor na hawak ni Orly saka dinampot ang kutsara para kumain. Alam niyang namumula pa rin siya. Di na yata matatanggal yun.
Nagsimula siyang sumubo ng pagkain ng maramdaman ang mata ni Orly na nakatitig sa kanya. Nailang na naman siya. Nginuya niya ng mabilis ang pagkain saka ibinaba ang kubyertos para harapin ito.
He was welcomed by the brown of his eyes. As if mesmerizing the hell out of him. Bahagyang naumid ang kanyang dila sa ginawa nitong pagtitig sa kanya.
"S-stop it Orly." he said stammering.
"Stop what?" seryosong sabi nito. Ngayon niya lang napansing nawala na pala ang ngiti sa labi nito.
"You're staring. Stop it." naiilang na sabi niya.
Juice ko naman itong lalaking ito. Kung makapagpakilig sa kanya eh ganun-ganun na lang. Paano na kung may sakit siya sa puso?
E di namatay kang happy! May ngiti sa labi.
Damn!
"I can't Pet."
"What?" nalilitong sabi ni Monty.
"I said, I can't. I can't help but stare. Kasalanan mo."
"Teka, teka! Bakit kasalanan ko?" umatras siyang konti dito.
"Oo. Kasalanan mo. Nakanguso ka na naman. Remember what I told you?"
Rumehistro ang mga salitang iyon at nakalkal ang isang linggo ng nakalipas na alaala na nakapagpakilig sa kanya ng husto.
"Ang cute mo kasi kapag naka-nguso kang ganyan..."
"Huwag kang magpa-pout ng ganoon at baka mahalikan kitang bigla..."
"Did I pout?" naguguluhang tanong niya.
Tmango ito. Saka inabot ang gilid ng labi niya. Umatras siyang bahagya pero nakalapat na ang daliri nito sa gilid ng lips niya at may pinahid na kung ano doon.
"Gravy." matter-of-factly na sabi nito.
Isang impit na tili ang narinig niya mula kay Jordan saka sumunod ang mahinang tawanan sa paligid. Nahihiyang tiningnan niya ang kaibigan.
"Shit friend! Para akong nanonood ng shooting nila Dina Bonevie at Alfie Anido. Langya, wala ka na bang kapatid Orly? Bigay mo nga sa akin." namimilipit sa kilig talaga na sabi nito.
"Wala eh. Pinsan meron." sabi ni Orly na hindi tumitingin sa kaibigan niya.
"Ahhh!!! Ayoko na! Hindi ko na kaya!" Tili nito sabay tayo at kuha sa mga gamit. "Diyan na kayo! Nang-iinggit lang kayo! Ah!!!" sabi pa ni Jordan habang papalayo at kumekendeng na naglalakad. "Monty na bukas ang pangalan ko! Magpapalit na ako ng namesung!" pahabol pa nito.
Nagtawanan ang mga nasa paligid. "Dalisay, ako na lang magmamahal sa'yo para di ka maiinggit!" sigaw ng isang boses na nagpatigil sa hitad na kaibigan niya. Nilingon nito ang nagsalita saka ngumiti ng pagkatamis-tamis.
"Talaga? Ang sweet mo naman." anang kaibigan niya.
"Oo Naman. Ano tayo na ba?" mayabang na sabi ng kausap nito.
"Oo sige, tayo na. Kapag di ka na mukhang-aso, Hayup ka!" nanggigigil na sabi nito. Saka nagmamartsang lumayo.
"Shutang 'to. Aso umiibig sa diyosa? Kabahan kang animal ka!" sigaw pa ng kaibigan niya.
Bumalik ang atensiyon niya sa lalaking katabi at sa ginagawa nito sa sistema niya. Nilingon niya ito ang found him staring again.
"I-it's impolite to s-stare Orly."
"Says who?"
"Says me."
"Then blame yourself for being so cute."
Ha? Ano raw? Ano ba itong lalaking ito? Naka-drugs?
"Ibang klase pala ang sense of humor mo Orly." natatawang sabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Yung sinabi mo. I'm cute?"
"Yes. You are cute!" mariing sabi nito.
"Well, thank you." he said demurely.
"You think I'm just teasing you or I'm making fun of you?" tanong ni Orly sa kanya.
"No."
"But you don't believe me?"
"Yes."
"But its the truth." protesta nito.
"I said thank you." sabi niya. "And besides I didn't think you're just teasing me Orly, I know you're teasing me." diretsong sabi niya rito.
Natigilan ito. Nangunot ang magandang noo. Senyales na hindi nagustuhan ang sinabi niya.
"What do you mean, "you know"?"
"There's a world of difference between know and think Orly. I'm sure you'll be able to understand it." matabang na wika niya. Ang sama pala sa pakiramdam kapag alam mong niloloko ka lang ng taong gusto mo. Nag-alsahan pa naman ang lahat ng pag-asa niya kanina sa ginawa nito kanina. Buti na lang, nagawa niyang mag-isip. Salamat sa eksena kanina ni Jordan. Mabilhan nga ng Mango Shake ang hitad.
"I know what you mean Pet, but what I don't understand is how you can think of me that way. I'm not making fun or teasing you. Ang hirap sa'yo, sobrang talino mo. Lahat ng nangyayari sa'yo ina-analyze mo na parang isang equation na dapat hanapan agad ng solusyon. Did it ever occur to you that I might like you? That I might want to be closer you?" mahaba at may kalakasang sabi nito.
Nayanig siya sa naging pagtatapat nito. Hindi lang siya, maging ang nasa paligid nila ay natahimik. Namumula ang mukha ni Orly sa pigil na inis at walang pakundangan at walang paki-alam na nakatitig pa rin sa kanya.
"O-orly..."
"What?"
"You l-like me?"
"Yes."
"W-why?"
"Kailangan ba may reason kapag gusto mo ang isang tao?"
"W-wala."
"Buti alam mo."
"Orly..."
"What?" naiirita na sabi nito sa kanya.
"I'm not good in Math."
"Ano?"
"Hindi ako magaling sa equation."
"Anong connect?"
"Na hindi ko pinag-aaralan ang lahat ng nangyayari sa akin."
"Eh ano ngayon?"
"Na hindi lang ako makapaniwala na gusto mo rin ako."
"Yeah right...Ano ulit sinabi mo?"
"Alin?" nalilitong sabi ni Monty.
"Yung hindi ka makapaniwala-something."
"Na hindi ako mkapaniwala na gusto mo rin ako?" nagtatakang tanong niya.
"That's more like it." biglang sumilay ang magandang ngiti sa labi nito.
Nagpalakpakan ang mga miron sa paligid nila. May sumipol pa habang ang ilan ay nagtaas ng kilay at bitter na nagsalita. "Yuck! Bading pala ang gusto ni Orly. Nakaka-turn off." maarteng sabi ng isang estudyanteng babae.
"Inggitera ka teh. Compare to lugaw oh. Nakakaloka ka!" sabi ng baklang nanonood na nakilala niyang kasamahan nila sa teatro. Kinindatan siya nito.
Bigla siya nitong kinabig at inakbayan. Kinuha nito ang kubyertos at kinain ang burger steak meal niya na malamig na ngayon.
"Ewe!" sabi ni Monty.
"Masarap naman kahit malamig na." natatawang sabi ni Orly.
"Masarap ka diyan. Ang sagwa ng lasa."
"Sige, pa-order tayo." sabi ni Orly.
"Self-service dito oy!"
"Akong bahala." sumipol ito at may lumapit na estudyante. Inutusan nito na bumili ng panibagong pagkain para sa kanila. Nag-check siya ng oras. 30 minutes na lang pala ang natitira at may klase na siya.
"Orly, sabihin mo paki-bilisan. May klase pa ako."
"Sure Pet. O narinig mo Pet ko ha? Pakibilisan bro." sabay tapik nito sa estudyante na tumango lang at umalis na para bumili.
"Anong Pet?" tanong niya.
"Ikaw. You're my pet."
"Haha... Ano ako? Aso?" natatawang sabi niya.
"Bahala ka, basta ako, I love to cuddle my pet. Lika nga rito." bigla siya nitong hinila paupo sa kandungan nito sabay baon ng mukha sa batok niya.
He felt goosebumps all-over. Nanigas ang katawan niya sa ginawa nito. Sobrang tensiyon ang pumaloob sa kanyang sistema. Nakatuon ang buong-atensiyon niya sa mainit na hininga na dumadampi sa kanyang batok. Hindi magmaliw ang kilig niya.
"Orly. Ano ka ba?" kumalas siya rito at bumalik sa kinauupuan.
"Bakit ka umalis? Okay lang naman yun ah?" natatawang sabi nito.
Of course, okay lang sa SBU ang ganoong bagay. Ang gay rights sa kanilang kolehiyo ay talagang napa-praktis at ipinaglalaban ng ilang estudyante kaya nagkaroon ng agreement ang kolehiyo nila sa mga grupong kinabibilangan ng ikatlong-lahi. Walang kukondena sa ginawa ni Orly.
"That's not the point." nahihiyang sabi niya.
"Then what is it?" nakakalokong sabi nito.
Huminga muna siya ng malalim. "This is not a lovers lane. Umayos ka nga."
"Sure." Umayos nga ito ng upo, pero nakatitig naman sa kanya. Napa-iling na lang siya at inayos ang gamit. Dumating din agad ang express order nila ng lunch. Habang kumakain ay kinukuhaan nito ang ulam niya, at ito naman ay tutusok sa ulam nito saka siya susubuan.
Ninamnam na lang ni Monty ang lahat ng nagaganap. Kailangan niya sigurong tanggapin na maaari ngang may gusto sa kanya si Orly, gaano man iyon ka-weird tanggapin at pakinggan. Habang kumakain ay hindi sinasadyang nahagip niya ng tingin ang isang malungkot na pigura sa may kalayuan. Nakatayo sa labas ng bintana ng canteen. Malungkot ang mukhang nakatanaw sa kanila ni Orly.
Walang iba kung hindi si Ronnie.
Itutuloy...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
....grabe high n high n un kilig factor s scene nila dalawa it seem normal back in reallity.
ReplyDelete....buts its true in our system crab mentality in red tape is always practise
....in how sad ronie staring theme at the window