Maraming maraming salamat din sa mga nag-add sa akin sa FB, sa mga nag-email sa akin at sa mga naka-chat.
Dahil sa inyo kaya mas lalo akong ginaganahang magsulat at ibahagi sa inyo ang kwento ng buhay ko.
Maraming salamat sa lahat!
again, you can follow me at:
rhojabrogar.blogspot.com
or add me on FB:
facebook.com/rhojanabrogar
or email me at:
riah_menina@yahoo.com
Thanks uli!
eto na ang karugtong ng kwento ko. Sana ay magustuhan nyo pa rin.
--------------------------------------------------------------------------
Si RJ.
Si RJ ay pinsan ng kaibigan at kababata kong si Julius. Nakilala ko sya nung bakasyon ng first year high school. Nagyaya kasi si Julius na pumunta kami sa bahay nila sa San Miguel, Bulacan para na rin mag-swimming sa Biak na Bato.
Unang kita ko pa lang nun kay RJ ay crush ko na sya agad. Alam kong 13 pa lang ako nun pero sadyang may kalandian na rin ako. Pero simpleng crush lang naman yun. Yung tipong paghanga ng isang high school student sa isang poging college student. Wala naman masyadong halong malisya yung paghanga ko sa kanya nun. Matngkad kasi sya, 5’10” ang height, Moreno at maganda ang tindig ng katawan. Ang mas kapansin-pansin sa kanya ay ang ngiti nya. Yung tipo ng ngiting nakakaghawa. Na pag nakita mo syang nakangiti ay mapapangiti ka na rin. Ganun sya.
Kahit bago pa lang kaming magkakilala nun ay nagging malapit na kami sa isa’t isa. Kahit pa nga mas matanda sya sa akin ay ayos lang sa kanya. Mag-third year college na kasi sya nun smantalang ako naman ay mag-second year high school pa lang.
Nagging memorable talaga sa akin ng bakasyon nay un sa Bulacan. First time kong makaligo sa ilog at syempre ang makasama at makalaro si RJ kahit pa nga isang araw lang yun.
Matapos ang bakasyon na yun, akala ko hindi ko na sya makikita uli. Dun kasi sya sa Bulacan nakatira pero nagkamali ako. Makalipas lang ang ilang araw ay muli ko syang nakita. Kasama sya nun ni Julius at naglalakad papunta sa tambayan namin. Nung makita ko pa lang sya ay tuwang tuwa na ako. Heto pala’t makakasama ko uli ang crush ko. Kahit alam kong walang malisya sa kanya ang pagkakaibigan naming ay okay na rin.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko nun at tinakbo ko na sya at biglang niyakap.
Sobra exited ka naman ata. Hehehe, sabi ni Julius.
Kontrabida talaga tong mokong na to sa moment ko, sa isip-isip ko. Pakialam ko ba sa’yo. Hehehe
Wala naming malisya ang ginawa kong pagyakap sa kanya. Ganun kasi ako. Parang bata. Madalas nga ay tinutukso nila akong totoy. Bukod kasi sa maliit lang ako, mukha pa daw akong walang kamuwang-muwang sa mundo.
Kuya, bakit andito ka?, tanong k okay RJ. Kuya pa nga ang tawag ko sa kanya nun. Syempre bilang respeto dahil mas matanda nga sya sa akin.
Dito ako magbabakasyon, sagot nya. Bakit, ayaw mo ba?
Syempre naman gusto. Hehehe, sagot ko naman ng punong puno ng tuwa at excitement.
Masayang masaya talaga ako nun. Hindi ko lang basta araw-araw makikita si RJ, araw-araw ko rin syang makakalaro. Kahit pa na sa high school na ako nun ay madalas pa rin akong maglaro kagaya ng patintero, tumbang preso o kaya’y Chinese garter.
Ang nakakatuwa rink ay RJ ay kahit halatang hindi na sya naglalaro ng mga panahong yun ay napipilitan syang maglaro dahil sa akin. Alam nya kasing magtatampo ako sa kanya pag hindi sya pumayag na sumali.
Naging sobtang malapit kami nun. Buong bakasyon syang nag-stay sa bahay nila Julius nun. Minsan nga kahit hindi na nya kasama si Julius ay sya na lang mag-isa ang pumupunta sa bahay para makalaro ako. Only child kasi ako kaya naman sabik ako sa kalaro at kaibigan. At syempre espesyal si RJ para sa akin. May kuya na ako, may boyfriend pa. Hahahaha! Feeling ko lang yun pero para sa akin espesyal talaga si RJ.
Nang matatapos na ang bakasyon ay nag-aya syang mag-mall kami. Akala ko pa nga ay kasama rin ang iba naming mga kaibigan pero kaming dalawa lang pala ang magmo-mall. Enjoy naman ako dahil syempre maso-solo ko sya. Hehehe
Pag dating naming sa mall ay nag-ikot ikot muna kami sandal tapos ay kumain sa isang fast food. Nang matapos kaming kumain ay nag-aya syang pumunta sa Blue Magic dahil may bibilhin daw sya.
Anong maganda?, tanong nya.
Ahh..eh bakit ako ang tinatanong mo? Para saan ba yung bibilhin mo?, tanong ko naman.
Ahh…kasi may pagbibigyan ako. Hindi ako magaling pumili kay ikaw na ang pumili para sa akin.
Sige na nga…
Sandali lang at nakapili na ako ng isang pink na teddy bear. Feeling ko kasi baka ipangreregalo nay un sa isang babae kaya yun ang pinili ko. At personally, yun din ang gusto kong teddy bear.
Eto kuya, maganda, sabi ko sa kanya.
Yan nab a ang gusto mo?, tanong naman nya.
Oo. Maganda naman, di ba?
Okay, sige.
Matapos naming makabili ay nanood muna kami ng sine bago tuluyang umuwi. Masayang Masaya ako nun dahil sobrang nag-enjoy talaga ako sa lakad namin.
Pagkauwi ay inihatid nya muna ako sa bahay.
Uuwi nap ala ako sa Bulacan bukas, sabi nya.
Oo, alam ko naman yun, sagot ko.
Nag-enjoy ka ba?
Syempre naman, kuya.
Hindi nga?
Oo nga sabi eh.
Baka next year na uli tayo magkita, sa bakasyon. Mami-miss mo ba ako?
Oo naman syempre, kuya. Ang saya mo kayang kasama.
Di bale, pag may time ako ay pupunta pa rin ako dito.
Promise bay an?
Oo.
Sige, sige. Gusto ko yan.
Tapos ay iniabot nya sa aking yung paper bag ng Blue Magic.
Bakit mo binibigay skin yan?, tanong ko.
Para sa’yo naman talaga yan eh.
Tuwang tuwa naman ako dahil para pala talaga sa akin yung binili nyang regalo.
Thanks, kuya! Hehehe, sabay yakap ko sa kanya.
Wala yun, sabi nya. Wala man lang ba akong goodbye and thank you kiss dyan?
Ahehehe! Sige na nga.
At hinalikan ko sya sa pisngi.
Matapos ang gabing yun ay hindi ko na muling nakita si RJ. Kahit nung sumunod na bakasyon ay hindi rin sya nagbakasyon kela Julius. Nahihiya naman akong magtanong kay Julius kung asaan nab a sya. At dahil nga matagal ko na syang hindi nakikita ay nakalimutan ko narin ang tungkol sa kanya.
At makalipas nga nag mahigit tatlong taong hindi ko sya nakikita ay hindi ko na inakala pang makikita ko uli si RJ.
itutuloy...
`ZERO COMMENTS masipag cguro un writer n ito as in masipag magbura ng mga comments kta nman db, kktakot d n nga rin me magcocoments.tnx
ReplyDelete