Followers

Thursday, December 16, 2010

Si RJ at Ako part 6

Nais ko uling magpasalamat sa lahat ng readers and followers ng story ko...

maraming, maraming salamat po!

Sana ay ipagpatuloy nyo pa rin ang pagsuporta at pagbabasa ng kwento ko.

At kay Doc, alam kong binabasa mo to.

Email me @ riah_menina@yahoo.com or
add me on FB @ facebook.com/rhojanabrogar
and you can also read and follow my story @ rhojabrogar.blogspot.com

Thank you!

--------------------------------------------------------------------------

Past 12 noon na na makarating ako sa school. Dalawa lang ang klase sa hapon na yun, 1 to 4pm. Maya-maya ay may nag-text. Si RJ.

RJ: san kna?

Red: skul n. kkdting q lng

RJ: wat tym lbas mo?

Red: 4 y?

RJ: cge, sunduin kta

Red: cge po.. a8 nlng kta mya

RJ: opo. miss u! mwah!

Red: miss you too! Mwah!

Yan lang at excited na akong matapos ang klase ko para makita ko na sya agad. Ang kati ko talaga. Hehehe! Ano naman ngayon? Excited talaga ako eh. Fisrt boyfriend ko kaya.



Nang matapos ang klase ko ay nagmamadali na akong lumabas ng school. Hindi nga ako nagkamali. Andun na sya at nakatayo sa waiting shed sa labas ng gate. Hindi pa man ako nakakalabas ay nakita na nya ako. Ngumiti agad at mukhang excited ang mokong. Napangiti na rin ako.

Wag ka ngang ngingiti ng ganyan, sabi ko sa kanya.

Bakit naman?, tanong nya.

Nai-inlove ako lalo sa’yo eh.

Yun lang at bigla syang natawa ng malakas.

Ganun ba? Eh di ngingiti na lang ako lagi para mas lalo kang ma-inlove sa akin, sabi nya habang tatawa-tawa pa rin.

Ewan ko sa’yo, sabi ko.

Nakakagigil ka talaga. Halika nga, sabay akbay nya sa akin. Wala ba akong kiss?

Ha? Maya na, hindi pwede dito, sabi ko naman.

Nakuntento na lang sya na guluhin ang buhok ko at tumawa.

San tayo?, tanong ko.

Hmm… Intra, gusto mo?

Sige, okay lang.

Malapit lang naman ang Itra kaya naglakad na lang uli kami. At syempre, all the way, nakaakbay pa rin sya sa akin.

Pagdating naming ng Itra ay kumain muna kami. Pagkatapos ay pumunta sa isang maliit na open bar dun na may acoustic singer. Syempre ang romantic ng ambiance. May ilan-ilan lang na mga tao na andun at may kumakanta pa habang naggigitara.

Ang sweet naman, sa isip-isip ko. Feeling ko nga any moment biglang kakanta yung singer ng love song sabay luluhod sa harap ko si RJ at magpo-propose ng kasal. Hehehe! Syempre hindi naman nangyari yun. Ambisyosa lang ako. Pero yung susunod na mangyayari ay kasing sweet din naman ng naisip ko.

Hon, teka lang ha, paalam nya.

Tumayo sya at lumapit dun sa singer. Nakita ko na may inabot syang maliit na papel. Pagkatapos ay bumalik na sya sa tabi ko.

Ano yun?, tanong ko. Kinakabahan ako pero excited din.

Sandal lang ay nagsalita yung singer.

This next song is requested by Mr. RJ for Red. Message: Hon, I know you love this song. I love you!, sabi ng singer sabay turo sa direksyon naming ni RJ.

Naglingunan ang mga tao. Sobrang hiya ko ng mga oras na yun at ramdam kong pinamumulahan na ako ng mukha. Nagulat naman ako kay RJ nang bigla nyang itaas ang kamay nya. Parang ipinaaalam pa nya sa lahat na kami nga ang binanggit n ginger. Nakita ko ang saya sa mukha nya at mukhang proud na proud pa.

Hindi ko naman inaasahan ang pagpalakpak ng mga tao kaya mas lalo akong namula.

At nagsimula nang kumanta yung singer.

I swear by the moon and the stars in the sky
and I swear like the shadow that's by your side

I see the questions in your eyes
I know what's weighing on your mind
You can be sure I know my part
Cause I stand beside you through the years
You'll only cry those happy tears
And though I make mistakes
I'll never break your heart

And I swear by the moon
And the stars in the sky I'll be there
I swear like the shadow that's by your side I'll be there
For better or worse
Till death do us part
I'll love you with every beat of my heart
And I swear

I'll give you every thing I can
I'll build your dreams with these two hands
We'll hang some memories on the wall
And when (and when) just the two of us are there
You won't have to ask if I still care
Cause as the time turns the page
My love won't age at all

And I swear (I swear) by the moon
And the stars in the sky I'll be there (I'll be there)
I swear (and I swear) like the shadow that's by your side
I'll be there (I'll be there)

For better or worse
Till death do us part
I'll love you with every beat of my heart
And I swear

And I swear (I swear) by the moon
And the stars in the sky I'll be there (I'll be there)
I swear (and I swear) like the shadow that's by your side
I'll be there (I'll be there)

For better or worse (better or worse)
Till death do us part I'll love you
With every single beat of my heart
I swear I swear I swear

Parang kiniliti ang puso ko nangb marinig ko ang kantang yun. Kahit pa siguro napaka-90’s ng kntang yun at ng mga boy band, ang sarap pa rin marinig ng “I Swear.” Acoustic version pa kaya mas lalong nakakakilig. Sino ba naman kasi ang hindi nakakaalam ng kantang yun? Sinong hindi sumasabay sa pagkanta sa tuwing patutugtugin yun sa radio dati? Lahat yata ng kabataan nun ay kinilig at nangarap na sana’y may magsabi sa kanila ng ganun. At syempre isa na ako dun.

Nang matapos ang kanta ay hinawakan ni RJ ang kamay ko. Tumungin sya ng seryoso sa akin.

Mahal kita, Red.

Ang sarap pakinggan ng mga salitang yun. Parang nage-echo pa nga.

Ito na ba ang katuparan ng mga pangarap ko? Kung panaginip lang ito ay ayoko nang magising pa. Pero totoo ito.

Mahal din kita, RJ.

Yun lang ang t6anging nasabi ko. Muling naglapat an gaming mga labi. Walang pakialam kung nasaan kami o kung may Makita man kami ng mga tao sa paligid. Amin lang ang mundo ng mga sandaling yun. At walang ibang tamang gawin upang maipakita namin an gaming nararamdaman kundi sa isang halik.

Cloud nine pa rin ang feeling ko ng mga sandaling yun nang magpalakpakan muli ang mga tao sa paligid naming. Para akong nahimasmasan nang makita kong kami pala ang pinapalakpakan ng mga tao at lahat sila ay nakatingin sa amin.

Muli na naman akong namula. Pero sa pagkakataong yun ay wala na akong hiyang nadarama. Sabi ko sa sarili ko, mahal ko si RJ at alam kong mahal din nya ako. Wala akong dapat ikahiya. Marahil sa paningin ng iba ay mali o abnormal ang ginagawa naming pero ano bangb pakialam nila. Pakialam ko sa sasabihin at iniisip nila. Ang tanging mahalaga ay ang iniisip at sasabihin ko at ni RJ.

Nagtinginan lang kami ni RJ at nagtawanan na lang.

Ang sarap ng ganun. Hiling ko’y sana’y tuloy-tuloy na ito at wala nang katapusan.

Mas naging kapana-panabik ang mga sumunod na mga araw. Ipinakilala nya ako sa mga kaibigan at mga barkada nya. Ganun din naman ako, ipinakilala ko sya sa mga kaibigan at mga kaklase ko. Ramdam ko talaga ang pagiging proud ni RJ sa akin at sa relasyon namin.

Araw-araw ay sinusundo nya ako sa school at hinahatid sa bahay. Sa lahat yata ng lakad nya ay sinasama nya ako. Minsan nga ay nahihiya ako sa mga kaibigan nya pero dahil kasama ko sya ay nawawala lahat ng iniisip ko.

Nung minsan ay nagkayayaan ang mga barkada ko sa bahay at nag-inuman kami. Kasama nun si Julius at iba ko pang mga kababata. At syempre ay kasama rin si RJ.

Maayos naman nang naging pakikisama ng mga kaibigan k okay RJ. Minsan na rin naman nila itong nakasama ngunit ng malaman nila ang tungkol sa relasyon naming ay medyo nailing sila.

Una ay dahil sa puro kami lalaki sa barkada. Lahat sila ay mga straight at ako lang ang naiba. Pangalawa ay dahil nga ako ang bunso sa kanila at hindi nila inaasahang papasok ako sa ganung klase ng relasyon.

Hindi naman nagtagal ay natanggap na rin nila ito. Wala akong narinig na pangungutya mula sa kanila. Nakakatawa pa dahil hindi nagtagal ay nagawa na naming magbiruan tungkol dito. Okay lang naman yun sa akin. Alam ko naman mahal ako ng barkada ko.

Nang medyo tinamaan na kami ng alak ay nagsalita si Julius.

Insan, naka-score ka ba?, tanong nya kay RJ.

Nagulat kami pareho ni RJ sa tanong ni Julius. Alam naman namin kung anong tinutukoy nya.

Ahh…ehh…, sagot ni RJ.

Wag mong sabihing wala pang nangyayari sa inyo? Hahaha! Ang hina mo pala, pang-aasar ni Julius sa pinsan at tawa pa ng tawa.

Ay totoo ay wala pa ngang nangyayari sa amin ni RJ. Hindi ko naman iniisip ang bagay nay un. Ang mahalaga ay Masaya kami. Darating din yun sa tamang panahon.

Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko namalayang mag-first monthsary nap ala kami.

Nagkataon namang long weekend ang monthsary naming kaya nag-aya si RJ kung gusto kong sumama pumunta at bumisita sa bahay nila sa San Rafael, Bulacan. Pumayag naman ako dahil excited din naman akong makarating sa lugar nila.

Hindi ko inaasahang ang araw palang yun ay isa sa pinaka-memorable na pangyayari sa pagsasama naming. Sa araw nay un magaganap ang pag-iisa, hindi lamang n gaming mga puso kung hindi pati na n gaming mga katawan.

Itutuloy…

4 comments:

  1. kk kilig cloud 9 tlga wen u feel like this

    ReplyDelete
  2. kk kilig cloud 9 nman tlga wen u feel like this.
    thanks po...
    kya lng bitin eh eh asan npo un karugtong nito, dki n mahanap eh un part 7...
    pls post it pls.............

    ReplyDelete
  3. ASAN ANG KARUGTONG?

    ReplyDelete
  4. saan makikita ung chapter 7?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails