Followers

Monday, December 13, 2010

Si RJ at Ako part 2

Sa mga nakabasa na ng story ko, THANKS!

And keep on writing your comments because I wanna hear them. Kahit pa positive yan or negative, okay lang...

Eto na yung karugtong. Hope you'll like it.

Thanks pala uli, Mike.

By the way, you can also follow me at:

rhojabrogar.blogspot.com
facebook.com/rhojanabrogar

email: riah_menina@yahoo.com

Thnaks!

--------------------------------------------------------------------------------------------


Si RJ at Ako part 2

More than one week na rin nung nakilala ko si Joseph sa LRT. Kahit pa nakukunsensya ako dahil maling number yung ibinigay ko s kanya ay okay na rin. Naisip ko kasing wala lang naman yung nangyari. Ako lang siguro ang nag-iilusyong may meaning yung ginawa nya. Talaga lang sigurong naaawa sya sa akin ng mga oras na yun sa loob ng LRT.

Isang araw ay naisipan namin ng mga kaklase ko na pumunta at tumambay muna sa SM Manila. Wala kai kaming klase sa huling dalawang subjects namin. Dahil nga maaga pa naman para umuwi at malapit lang naman ang SM (katabi llang ng school namin actually) ay pumunta na nga kami.

Sa Brownies kami tumambay. Madalas kami dun para mag-choco smoothie at magdaldalan.

Habang nagkekwentuhan kami ay may isang grupo ng mga lalaking estudyante rin ang napansin ko. Kapansin-pansin naman talaga sila dahil lahat sila ay matatangkad. At umiral na nga ang kalandian ko. Habang papalapit sila ay panay ang tingin ko sa kanila. Inisa-isa ko sila at sinipat kung mayroon cute o kaya yummy. Hehehe

Napansin ko na lang ang isang pamilyar na mukha . Hindi ako nagkakamali... Si Joseph nga.

Hindi ako makapaniwalang makikita ko uli sya. At may kung anong kumabog sa dibdib ko. Guilt ba o exitement. Ewan ko pero natutuwa na rin ako na kahit paano ay nakita ko uli sya. Kahit gusto ko man syang lapitan ay hiya ang umiral sakin.

Titig pa rin ako sa kanya ng biglang napatingin rin sya sa akin. Nagulat ako syempre kaya bigla kong binawi ang tingin ko sa knya sabay yuko at kunwari ay kinakalikot ko ang phone ko. Peo alam kong huli na para dun. Mula kai sa naging reaksyon ng mukha nya, alam kong nakilala nya rin ako.

Hindi ko na sya nilingon pa uli. Nakiramdam na lang ako kung lalapit ba sya o hindi. Medyo nakahinga ako ng maluwang nang mapansin kong nakalagpas na ang grupo nya sa kinauupuan namin. Dun ko na lang sya nagawang lingunin at tingnan uli. Pero laking gulat ko nang bumalikwas sya at umikot. Nakita ko na lang na nakatingin sya sa akin at naglalakad na papalapit sa sa akin.

SHIT! Ano ba to? Bakit ka pa bumalik? Ano ng gagawin ko?

Hindi na maipinta ang mukha nung oras na yun dahil sa kaba pero naisip kong dapat hindi ko yun ipahalata sa kanya. Bahala na sabi ko sa sarili. Gagamitin ko na lang ang charm ko sa kanya at baka maawa sya sa akin. Charm ko kasi ang magmukhang painosente. Madami kasi ang nagsasabing mukha pa rin akong totoy kahit na 16 na ako at nasa college na. Sa gumana sa kanya, sa loob-loob ko.

At heto na nga, naramdaman ko na lang ang kamay nya ng ipatong nya ito sa balikat ko. Itinaas ko ang tingin ko sa kaya.

Oh, ikaw pala, sabi ko habang pinipilit kong magmukhang inosente.

Oo, sagot nya. Halatang seryoso ang mukha nya pati na ang boses nya.

Pwede ba tayong mag-usap?, tanong nya.

Bakit?, tanong ko naman.

Alam mo na yun.

Hindi ba pwedeng dito na lang tayo mag-usap?

Gusto mo bang marinig ng mga kasama mo ang pag-uusapan natin?, sabay tingin sa mga kaklase ko. Tumingin sya muli sa akin at kumindat. Pero seryoso pa rin ang mukha.

Ewan ko ba pero sobrang kaba ko ng oras na yun. Parang gusto ko na lang himatayin. O kaya ay sana bumuka na lang ang luapa para kainin sya. Hay! Patay na!

O sige na nga, sabay tayo ko.

Alam kong titig na titig sa amin nun ang mga kakalase ko. Parang alam ko na nga kung anong tumatakbo sa mga malisyoso nilang mga utak.

Ahh...mag-uusap muna kami ha, paalam ko sa mga kaklase ko.

Hindi pa man kami nakakalyo mula sa mga kaklase ko ay iniakbay na nya ang kamay nya sa akin. Naramdaman ko ang marahan nyang pagpisil sa balikat ko. Hindi ko alam kung feeling ko lang ba yun o sinadya nya talaga yun. Iniisip siguro nyang tatakbo ako at tatakas mula sa kanya kya inakbayan na agad ako.

Dumiretso kami sa Seattle's Best na halos katapat lang ng Brownies. Tumuloy kami sa counter.

Anong gusto mo?, tanong nya.

Ahh...mocha frap na lang, sagot ko.

Okay.

Nang aktong magbabayad na sya ay kinuha ko ang wallet ko mula sa bulsa para mag-share kami sa bill. Pero bago ko pa man madukot ang wallet ko...

Ako ng magbabayad, sabi nya.

Ahh..nakakahiya naman, sagot ko.

Oo nga eh, sabi nya. Dapat ikaw ang manlibre sa akin dahil may kasalanan ka sa akin pero okay lang. Sagot ko na to tutal ako naman ang nag-aya sa'yo eh.

Hindi na lang ako nakasagot at nakapagsalita pa. Wala naman akong pwedeng sabihin eh. Wala akong lusot. At kahit pa ang charm ko ay hindi yay\ta effective sa kanya.

Nung makuha na namin ang order namin ay umupo kami sa isang bakanteng table.

Tahimik lang. Parang walang gustong magsalita.

Ano nga uli yung number mo?, sabi nya.

Parang gusto kong mabilaukan.

Ibinigay ko naman. Yung totoo ko ng number.

Asan na ang phone mo?, tanong nya.

Bakit?, tanong ko rin.

Basta.

Kinuha ko mula s abulsa ko ang phone ko at ipinakita sa kanya.

Pahiram, sabi nya.

Hindi na ako tumutol at iniabot ang phone ko sa kanya.

Maya-maya ay nag-ring ang phone ko. Sya pala ang tumatawag.

Buti naman at tamang number na ang binigay mo, sabi nya.

Bakit, wala ka bang tiwala sa akin?

Kailangan pala ay tinatakot ka pa bago mo ibigay ang number mo, sabi nya sabay ngiti.

At ano naman kaya ang nginingiti ng mokong na to, sa loob ko.

Kala mo siguro ay uubra sa akin nyang pa-cute mo no?, tuloy pa nya.

Bakit sinong nagpapa-cute?, pakli ko naman.

Ikaw, bakit may iba pa ba?, sagot naman nya.

Hindi kaya ako nagpapa-cute, depensa ko naman.

Eh, anong tawag mo sa ginagawa mo?, sagot nya habang tatawa-tawa pa rin.

Wala pala talagang effect yung charm ko. Sayang lang ang effort ko, isip ko. Pero medyo nakahinga na rin ako ng maluwag nun dahil nakangiti na sya ay umaliwalas na ang mukha.

Gusto mo bang maglakad-lakad?, tanong nya.

San naman tayo pupunta?

Sa Intramuros kung gusto mo.

Sige, okay lang. Gusto ko rin dun eh.

At pumunta na nga kami nun sa Intramuros habang naakbay pa rin ang kamay nya sa akin. Medyo nangangawit na nga ako nun pero okay lang. Feeling ko kasi secured ako. At syempre kung cute din naman na tulad nya ang aakbay sa akin ay walang problema. Kaya kong tiisin anu mang sakit. Hahahaha!

Pagdating sa Intra ay umakyat kami sa wall at dun naupo. Medyo hapon na rin yun kya hidni na masyadong maiinit.

Kakaupo pa lang namin ng bigla syang magtanong.

Hindi mo na ba talaga ako naaalala?

Eto naman yung dialogue nya. Kaya napa-isip na man ako kung magkakilala na ba kami o di kaya'y nakilala ko na sya dati. Naguguluhan na talaga ako. Hindi naman siguro sya magsasalita ng ganun kung walang meaning yun.

Ha? bakit magkakilala na ba tayo?, tanong ko.

Hindi mo na pala talaga ako natatandaan, sabi nya.

At muli ay naguluhan na naman ako.

Inakbay nya muli ang kamay nya sa akin at tumingin sa akin ng seryoso.

Ako si RJ.

RJ? Sinong RJ?, sa isip-isip ko.

Tiningnan ko syang mabuti nun at dun ko na lang naalala.

RJ? Ikaw ba si RJ?

Oo.

IKAW NGA!

itutuloy...

1 comment:

  1. charms p nalalaman p cute p kc eh CUTE naman n, ako c RJ..........

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails