Followers

Thursday, December 2, 2010

Task Force Enigma: Rovi Yuno 12

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was taken by the most amazing man in the world. Kenneth Nicdao.







CHAPTER 12

TINATAMAD na bumaba si Rovi mula sa sasakyan ng makitang nakaparada na ito sa harap ng safe house. Hindi niya alam kung bakit pero kinakabahan talaga siya ng bahagya sa napipintong paghaharap nilang muli ni Bobby. Ipinilig niya ang ulo para mawala ang alinlangan na ilang ulit ng sinusubukang kainin ang kanyang sistema.

‘Ano ka ba ? Hindi naman niya alam yung nangyari ah ?’’ pangungumbinsi ng isang bahagi ng kanyang isip.

Huminga siya ng malalim sabay lingon sa kasamang si Rick na tila malalim rin ang iniisip ng mga oras na iyon. May kung anong bumabagabag dito. Duda niya, tungkol na naman iyon sa kasong hawak nila. Masyadong matigas ang mga nahuli nilang tauhan ni Park Gyul Ho. Kahit anong gawin nilang paraan ng pagpapa-amin ay wala silang makuhang impormasyon sa mga ito.

Isinukbit niya sa balikat ang malaking bag na dala-dala saka ito inayang pumasok na. ‘Tol, mamaya na natin pag-isipan ng husto ang tungkol sa kaso. Magpahinga muna tayo.’’ Aniya sa kaibigan.

‘Mauna ka na ‘tol. Doon muna ako sa dagat.’’ Malamig na tugon nito saka tinalunton ang daan patungo sa dalampasigan.

‘Sige.’’ Sagot niya.

Paakyat na siya para pumasok sa bahay ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Bobby. Natigilan siya sa paghakbang at pinagmasdan ang lalaking nagpapagulo sa isip niya nitong nakalipas na araw. Parang may mali rito. Kung pagbabasehan ang ‘nangyari’ sa kanilang dalawa noong nakaraang araw ay isang malaking palaisipan para sa kanya ang maluwang na pagkakangiti na isinasalubong nito ngayon sa kanya.

‘Kamusta ka na Rovi ?’’ nakangiting bungad nito.

Napakunot ang kanyang noo sa magiliw na pagbati nito. ‘What in the world is that smile for ?’’ wika niya sa isip. Tinitigan niya itong mabuti sa mukha para hanapin ang pagpapanggap ngunit wala siyang makita.

‘Wala ba talaga ?O itinatanggi lang ng mata mo ang dapat na makita mo kasi kinakabahan ka ngayon sa paghaharap ninyo ?’’ pang-aasar ulit ng isang bahagi ng isip niya.

Natigilan siya. Saka niya napaagtanto na kay bilis nga ng pintig ng puso niya ngayong kaharap na niya si Bobby. Kinakabahan tuloy siya na baka marinig na nito ang tibok ng puso niya sa sobrang lakas ng pagtibok nito.

‘Ang sabi ko, kamusta ka na Rovi ?’’ ulit nito sabay hakbang palapit sa kanya. Napaatras naman siya ng isang hakbang na isang malaking pagkakamali dahil lumarawan ang amusement sa mata ni Bobby na hindi nito itinago sa kanya.
‘A-ah, Okay lang ako. E-excuse me.’’ Nabubulol na sabi niya ng sa wakas ay matagpuan ang boses niyang tila nawala na ng masilayan niya ang kakisigan nito. Nagmamadaling humakbang siya patungo sa pintuan ng safe house na hindi nagpangyari sapagkat mabilis siyang napigil ni Bobby sa braso at naisandal sa dingding na kalapit ng pinto.

Ang reflexes niyang dating napakabilis ay tila naglaho. In one swift move, nakorner siya nito at ang kanyang mga kamay ay nasa likuran na niya ngayon. Nakapagitan din ang ibabang katawan nito sa kanyang mga hita. Ramdam niya ang tensiyon na mabilis na sumukob sa kanyang sistema. Naalarma bigla ang kanyang pandama sa pagkakadikit na iyon ng kanilang katawan.

‘’A-anong ginagawa m-mo Bobby ?’’ aniya sa pilit na pinatatatag na boses.

‘’Wala naman. May gusto lang akong alalahanin.’’ Nakangiti nitong sabi. Nang-eenganyo ang ngiting iyon. Natutuksong bumaba ang tingin niya sa labi nito. Memories of their lips locked together flooded his mind. Making it impossible for him to resist the temptation. Ilang ulit siyang napalunok. Itinaas niya ang tingin sa mata nito. Wala na ang bakas ng pagkaaliw na kanina ay naroon. Bagkus napalitan na iyon ng iba. Mas tumingkad ang kulay ng mga iyon at kung hindi siya nagkakamali ay parehas sila ng nadarama sa mga oras na iyon.

Just as he was sure that it reflected from his own eyes, hindi itinago ng mga mata ni Bobby ang pagnanasang lumukob na rin sa katawan nito. Isa pang hindi kinakaya ni Rovi ng mga oras na iyon ay ang matigas na bagay na nakadikit sa kanyang kanang hita. Halos di siya makapaniwala na parehas sila ng nararamdaman. His member was also aching from the confinement of his briefs and tight jeans. Sigurado siyang halata iyon sa ka'yo ng kanyang maong.

‘’A-nong sinasabi mo ?’’ tanong ulit niya rito. Hindi niya makuha ang gusto nitong ipahiwatig. Ibang-iba ito sa Bobby na iniwan niya noong nakaraang araw. Ganoon ba ang epekto ng head-butt na iginawad niya rito ? Bigla-bigla na lang itong naging ganito ka-agresibo ?

‘’Ito ang gusto kong alalahanin.’’ Putol nito sa pag-iisip niya. Unti-unting lumalapit ang mukha nito sa kanya. Nakatuon ang mga mata nito sa kanyang labi kaya naman nataranta siya ng bumaha sa kanyang isipan na ang tinutukoy nitong bagay na aalahanin ay ang halik na inumit niya mula rito.

Ang balak niyang pag-iwas sa halik ay hindi naisakatuparan ng sakupin nito ang kanyang labi bago pa man niya maiiwas ang sarili mula sa ‘pananalakay’ nito. ‘Oh god he smelled so good !.’’

Lahat ng rason. Lahat ng tamang pag-iisip ay mabilis na naitapon ni Rovi sa hangin the moment na naglapat ang mga labi nila ni Bobby. He felt so high he couldn’t describe his own feelings. Halos umikot ang buong mundo niya dahil sa halik nito. He was almost sure they were levitating.

The kiss was so gentle. Bobby was acting as if he were fragile that he needed to take extra care of him. May kung anong mainit na bagay na humaplos sa kanyang dibdib. Hindi niya malaman kung bakit ganoon ang biglang nadama niya. Was he falling for him already ? a question from Rovi’s mind.

‘’Rovi…’’ sambit nito sa pangalan niya. Kasinsuyo ng paghalik nito sa kanyang labi. Magsasalita sana siya ng muli siya nitong hagkan. Napakagaan ng pagkakalapat ng kanilang mga bibig. Mapagbigay ang iginagawad nitong halik na kusa niyang tinutugon.

Suddenly, Rovi was filled with different emotions he thought he would never feel again. He felt that way when Allan was still alive and would kiss him passionately. It was a mixture of a feeling of security, tenderness, affection and love. It was such a beautiful feeling that made him want to succumb over again and God how he missed it.

‘Allan…’’ wala sa huwisyong sambit niya.

Rumehistro ang larawan ni Allan sa kanyang ala-ala ng dahil doon. Maya-maya, naramdaman niya ang mabining paghampas ng hangin sa kanyang mukha. Biglang nawala ang napakagandang pakiramdam na kani-kanina lang ay nagpapaligaya sa kanya. Nagtatakang nagmulat siya ng mata.

Bumungad sa kanya ang nalilitong hitsura ni Bobby at ang malinaw na insultong nakabakas mula doon. Insulto ? Bakit ? Hindi niya namalayang itinigil na pala nito ang paghalik sa kanya. Kaya pala ang pakiramdam niya ngayon ay para siyang inagawan ng pagkatao dahil itinigil na nito ang pagpapalasap sa kanya ng napakagandang pakiramdam.

‘Bobby ang pangalan ko, Rovi.’’ Matigas na sabi nito sa kanya.

Napakunot ang kanyang noo sa tinuran nito. Nalilito siya sa mga lumalabas sa labi ni Bobby.

‘Huh ?’’ maang na tanong niya.

‘Sa susunod, kilalanin mo kung sino ang kahalikan mo. Hindi iyong kung sinu-sino ang binabanggit mo kapag nakikipaghalikan ka.’’ Naiinis na wika ni Bobby sa kanya sabay talikod para pumasok sa bahay. Naiwan siyang nakatulala at iniisip ng mabuti ang lahat ng nangyari para malaman kung saan nag-ugat ang sinasabi nito.

When suddenly the thought hit him like a rock. Shit ! Nabigkas niya yata ang pangalan ni Allan habang kahalikan niya si Bobby at hindi nito nagustuhan iyon. Pero bakit ganoon ? Bakit kakaiba ang aktwasyon nito sa kanya ngayon ? May pinaplano ba ito ? Hindi naman pwedeng nakalimutan na nito ang nangyari sa kanilang dalawa noong nakaraang araw. Pinatulog kaya niya ito.

Ang lahat ng kalituhan na naiisip niya ngayon ay naputol ng may magsalita mula sa baba ng balkonahe.

‘Kahit sino naman hindi magugustuhan na ang kahalikan mo ay ibang pangalan ang binabanggit.’’

Napalingon siya sa may-ari ng tinig. Si Mandarin. Great ! Send a bitch for interrogation. Sabi niya sa isip.

Hindi na lang niya ito pinatulan at baka magkasagutan pa sila. Tumalikod na siya at akmang papasok sa bahay ng muli itong magsalita.

‘Sino si Allan ?’’ nakatas-kilay na tanong nito sa kanya.

Napilitan siyang lingunin ulit ito para sagutin. ‘Mind your own business please.’’ Malamig niyang tugon dito.

‘Bobby is my business. Alam mong gusto ko siya. Kaya kung ikaw ang makaka-agaw ko sa kanya, dapat lamang na malaman ko kung sino ang taong binanggit mo habang kahalikan ka niya. Sino si Allan ?’’ mataray na wika nito.

Napabugha siya ng hangin sa iritasyon. Pumikit siya at sinubukang magbilang ng hanggang sampu. Pagdilat niya ay nakamasid pa rin sa kanya si Mandarin at nag-aabang ng kasagutan.

‘Wala akong balak makipag-agawan sa iyo kay Bobby.’’ Malumanay niyang sabi rito.

She smirked. Showing him that she didn’t buy his excuse. Nanunuring tiningnan siya nito mula ulo hangang paa. He did the same. His eyes roamed up and down her voluptous body. Naiiling na napangiti ito.

‘Nakita mo naman siguro kung sino ang pipiliin sa ating dalawa ni Bobby ?’’ mayabang na wika nito. Her arms akimbo as she speak while giving him a mocking grin.

He twitched his lips to a facsimile of a smile. He mimicked her actions. Grinning widely as he speak. ‘Oo, kitang-kita ko. Kagay ng kitang-kita mo kung paano niya ako hinalikan ng buong-suyo sa harapan mo. Matalino ka naman Mandarin. Kaya umaasa akong alam mo na ang tinutukoy ko.’’ Sabay bira ng alis sa babaeng naiwang nakanganga sa deklarasyon niya ng pagkatalo nito sa bangayang iyon. Mabilis siyang pumasok sa bahay para makapagpahinga na.


BLAG !!!

Naiinis na sinipa ni Bobby ang nananahimik na silya sa loob ng kanyang kwarto. Hindi siya makapaniwalang ganoon ang naging epekto sa kanya ng halik na pinagsaluhan nila ni Rovi. Balak niya sana itong pamukhaan pagkatapos ng paghalik niya rito pero iba ang naging reaksiyon ng katawan niya sa naging engkwentro nilang iyon.

Sari-saring emosyon ang naramdaman niya ng maglapat ang mga labi nila. Hindi niya alam kung aware si Rovi sa naging epekto nito sa kanya. Ang ibabang bahagi ng katawan niya ay hindi pa rin nagmamaliw ang erection. Kung bakit ? Hindi rin niya mabigyan ng kasagutan.

Ang malinaw lang sa kanya ay halos napunta siya sa ibang dimensiyon ng halikan niya ito. Ang tamis ng labi nito. Parang pulot at asukal na pinagsama. Nagmistula siyang bubuyog na ninamnam ng husto ang nektar ng isang bulaklak. Nag-aalimpuyo rin ang kanyang pagnanasa kanina. Na biglang naputol ng marinig niyang ibang pangalan ang binangit nito sa pagitan ng kanilang halikan.

Nainis siyang muli. Bumangon ang insulto sa kanyang pagkalalaki. Putang-ina ! Natampal niya ang noo sa pagkalitong nararamdaman. Bakit parang big deal sa kanya iyon ? Eh ano ngayon kung may binangit itong ibang pangalan ? Pagrarason ng isang bahagi ng isip niya.

Pero hindi pa rin niya matanggap. Iyon siya kanina at buong suyo na hinahalikan ito tapos ibang pangalan ang lalabas sa bibig nito, sino ang hindi maiinsulto ? Ah ! Nakakarami na ang Rovi na iyon. Nadagdagan ang inis niya ng maalalang imbes na pamukhaan ito pagkatapos ay siya pa ang parang napahiya pagkatapos ng halikan nila. Nagpupuyos ang kalooban na naupo siya sa kama at humilata ng patihaya.

Kailangan niyang mag-isip. Sisimulan niya sa kung paanong paraan makakaganti sa pamamahiya sa kanya ni Rovi. Pagkatapos ng lahat ng gulong kinasangkutan niya ng dahil sa pangangailangan ng pera ay aalis sila ng tiyahin at magpapakalayo-layo na. Marahil ay babalik na lang sila sa probinsiya nila.

Habang nakahiga ay pilit na sumisiksik sa kanyang isipan ang mukha ni Rovi. Napa-iling siya sa pag-alala. Alas-kwatro na ng hapon. Makakatulong siguro kung matutulog na lang muna siya. Medyo masakit pa ang katawan niya. Maya-maya ay tumayo siya at nagpalit ng damit bago muling nahiga. Paggising niya ay parang lalo siyang napagod. Naliligo siya sa sariling pawis. Nanaginip siya na nakikipagtalik daw siya kay Rovi at isa iyong bangungot. Dahil paulit-ulit na binabanggit nito ang pangalang nakapag-painis sa kanya ng labis.

Sino nga ba si Allan ? Naiiritang tanong niya sa sarili at bumangon para maligo.





‘SIGURADUHIN mong malalaman mo ang kinaroroonan ng kaibigan mo kung hindi ay mamamatay ang pamilya mo.’’

Nanginig ang buong katawan ni Monday sa sinabing iyon ni Kring. Halos isang linggo na kasi ng bigla na lamang hindi nagpakita si Bobby. Tinanong siya nito ngunit tinantanan din ng sabihin niyang hindi niya napagkikita ang kaibigan. Pero isang araw ay binalikan siya ng baklitang ito kasama ang mga haragan na tauhan saka siya pilit na pinaamin sa lokasyon ni Bobby.

Wala siyang masabi sa mga ito. Kaya naman kaysa masaktan ng husto at madamay ang pamilya ay nakipagkasundo siya na tutulong na lamang para makita si Bobby. Kung saang lupalop man ito naroon ay saka na niya poproblemahin. Ang mahalaga, maitakas niya ang pamilya saka siya kunwaring tutulong sa paghahanap sa kaibigan.

Sabi ni Kring, may tinangay daw na malaking pera si Bobby. Hindi siya naniniwala doon. Kahit gipit kasi ito ay mas madalas na dito pa siya nakakahiram kapag lubos na siya sa pab-vale sa among bakla. Kailangan niyang makita si Bobby bago ang mga ito. Mukhang nasa panganib ang kaibigan niya.

Ilang ulit na niyang sinubukang tawagan ang cellphone nito pero nakapatay iyon. Panay rin ang text niya dito, umaasang sasagot ito kahit minsan. Inalam na rin niya kung sino ang huling kasama nito sa paglabas ng club nung gabing huling makita niya ito. Ayon sa mga nakakita, si Mandarin daw ang kasama nito at sumakay ang mga ito sa isang itim na sasakyan sa harap ng club. Hinagilap niya ang numero ni Mandarin ngunit hindi siya nagtagumpay. Wala sa mga belyas nila ang nakaka-alam kung ano ang numero nito at kung nasaan ito ngayon. Mukhang tuluyan na itong naglaho kasama ni Bobby.

Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa. Gabi-gabi ay may pinapatambay siyang mga batang nauuto niya sa halagang bente na abisuhan siya kung sakaling makikita si Mandarin sa paligid. Sana lang ay magbunga ang ginagawa niya at hindi iyon makaabot sa kaalaman ng hayop na baklang mataba.

Naglilinis siya ng quarters nila ng mga oras na iyon ng pumasok si Kring at pinagbantaan siya. Paglabas nito ay parang nahahapong napaupo siya. Nagulantang ang diwa niya ng biglang tumunog ang cellphone niya para sa isang text message. Hindi nakarehistro ang pangalan ng texter kaya naman curious na binuksan niya ang mensahe.

‘Sino ka at ano ang kinalaman mo kay Bobby ?’’ sabi ng mensahe.

Nabuhayan siya ng loob ng dahil doon. Agad niyang ini-lock ang pinto at tinawagan ang numerong nag-text. Pagkatapos ng apat na ring ay may sumagot.

‘H-hello ?’’ utal na wika niya.

‘Anong kailangan mo ?’’ anang tinig sa kabilang linya.

‘Kaibigan ako ni Bobby. Please po, alam niyo ba kung nasaan siya ?’’ nag-aalalang tanong niya.

‘Anong kailangan mo ?’’ ulit nito.

‘Pakisabi na mag-ingat siya. Hinahanap siya ng mga tauhan ni Kring. Mukhang nasa panganib siya.’’ Nahihintakutang sabi niya.

‘Paano naman ako makakasiguro na totoo ang sinasabi mo ? At sino ka ba ?’’ maaskad na wika nito. Halatang di naniniwala sa kanya.

‘Kasaman niya ako sa trabaho. Ako si Monday. Noong nawala siya, ako ang binalingan nila Kring at pinagbantaan na may masamang mangyayari sa akin at sa pamilya ko kung hindi ko maituturo si Bobby. Please, kasama niyo po ba siya ?’’ desperadong paliwanag niya.

‘Kasama namin siya. Ibigay mo sa amin ang address mo at ng pamilya mo. Kukunin namin kayo para maprotektahan kagaya ni Bobby. Sa ngayon. Tumahimik ka muna at huwag gagawa ng kahit na ano. Darating kami sa makalawa. I-text mo na lang ang hinihingi ko.’’ Utos nito sa kanya at saka pinatay ang linya.

Kinakabahang napatingin siya sa pintuan ng may biglang kumatok. Mabilis niyang naitago ang cellphone sa ilalim ng upuan at binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang tauhan ni Kring at sinabing sumunod siya sa opisina ng amo. Nakayukong sumunod siya at ipinagpasalamat ang kaligtasan ng kaibigan. Halos solved na ang problema niya. Kailangan na lang niyang maitakas ang pamilya.

Pagpasok sa opisina ni Kring ay nagimbal siya sa nakita. Halos panawan siya ng ulirat at ang gahiblang pag-asa niyang makakatakas sa sitwasyon ay nawala na ng makita niyang nakatali ang kanyang mag-ina at nakasalampak sa sahig. Umiiyak ang mga ito at may busal sa bibig. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa asawa at anak na babaeng wala pang pitong-taong gulang habang bakas na bakas sa mga mata nito ang takot at pag-aalala.

‘Hindi !’’ mabilis siyang lumapit sa mga ito. Wala namang pumigil sa kanya. Niyakap niya ang mag-iina at ibinaba ang busal sa bibig ng mga ito. Napuno ng pagtangis ang loob ng opisina.

‘Mga walang-hiya kayo ! Nangako akong tutulong hindi ba ?’’ galit na galit na sabi niya. Susugod sana siya ng bigla siyang tadyakan sa likuran ng kung sino. Napasadsad siya sa sahig habang ang kanyang mag-ina ay nagsisisigaw.

‘Busalan ninyo ang mga iyan !’’ utos ni Kring.

‘Hayop ka Kring !’’ galit na sabi ni Monday dito.

‘Salamat.’’ Nanunuyang ganti nito.

‘Bakit kailangang idamay mo ang pamilya ko ?’’ naiiyak na sabi niya.

‘Siyempre. Baka kasi tumakas ka. Mabuti ng may alas kaming hawak. Huwag kang mag-alala, kapag nahanap mo na ang kaibigan mo, pakakawalan namin ang mag-ina mo.’’ Sabay halakhak ng bruhildang bakla.

‘Papatayin kita kapag sinaktan mo ang mag-ina ko.’’ Nagtatagis ang bagang na sambit niya.

Hinawakan ni Kring ang mukha niya ng madiin at sa nanlilisik na mata ay nagsabing, ‘Gawin mo ang inuutos ko at makakawala kayong mag-anak. Pero tandaan mo ito. Kung sakaling gagawa ka ng maling hakbang, makikita mo ang bangkay ng mga iyan sa Ilog Pasig na lumulutang at pinagpipiyestahan ng mga janitor fish.’’

Dinuraan niya ang mukha nito. Sinuntok naman siya ng katabi nitong tauhan na nagpahilo sa kanya ng husto. Tinadyakan naman siya ni Kring sa kanyang ari at pinitpit iyon ng paa nito na nagpahiyaw sa kanya ng sobrang sakit.

‘Ilayo niyo sa akin iyan at baka mapatay ko ang hayop na yan !’’ galit na wika nito sabay kuha ng tissue para pahiran ang mukha.

Habang karay-karay ng mga tauhan ni Kring ay napag-isip si Monday. Pasensiyahan na lang sila ni Bobby. Kung hindi ito nagka-atraso sa baklang iyon ay malaman na wala siya sa ganoong sitwasyon. Sa sobrang sakit ng katawan at stress na inabot ay nakatulog siya habang kinakaladkad patungo sa kanilang locker room.

Itutuloy….

No comments:

Post a Comment

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails