Enjoy Reading! :-) ito na po ang pinangako kong back to back. :-)
Comments, Suggestions, and Violent Reactions are welcome.
__________________________________________________________________________________Love at its Best “Deceit”
(Book3 Part3)
by: Migs
Nagtayuan na lahat ng tao sa conference room, di ko naman napansin na tapos na pala ang meeting sa araw na yun.
“Pwedeng sa opisina mo na ituloy ang paglalaro ng plants vs. zombies mo, Ram.” sabi sakin ni kuya. Nang mahuli niya ako na pumapatay ng zombie na gamit ang halaman sa laptop ko habang nagmemeeting sa conference room. Agad akong tumayo at nagmamadaling lumabas para makaiwas sa sermon ni kuya at kay Drei na din na mukhang kanina pa ako iniintay na makorner.
“Ramon, hijo, where's the fire?” tanong sakin ni Dad.
“I would like you to come with your kuya in orienting Mr. Chua...” naputol na sabi ni Dad.
“Drei na lang po, Sir.”
“I have plenty of proposals to read and sign...”
“there's plenty of time for signing proposals, hijo. Tour Drei first then sign the papers.” sabi ng tatay ko. Napatingin ako kay kuya at nagkibit balikat lang ito.
“this is the lounge area, if you want a cup of coffee or if you would like to prepare your lunch, you can do it here.” si kuya habang nagtutour. Nasa likod kami ni kuya, habang tuloy tuloy siya sa pagsasalita, naramdaman kong nakatitig sakin si Drei, kaya't tinignan ko siya. He opened his lips and mouthed “BORING.” sabay ngiti ng pagkatamistamis. Di ko namalayan na napatawa ako sa ginawa niyang yun.
“Nice! Very mature of you, Ram.” singhal sakin ni kuya sabay irap. Nahuli pala ako na natawa sa likod niya habang nagtu-tour siya. Napatingin ako kay Drei at pinipigil nito ang kanyang tawa.
“And this will be your office.” pagtatapos ng tour ni kuya, tumalikod na si kuya at nauna nang umalis sa lugar na iyon, nagmamadali siguro na isumbong ako kay Dad. Sa wakas makakahinga na ako ng maluwag. Tatalikod na sana ako at pupunta na ulit sa opisina ko ng tawagin ako ni Drei.
“Mr. Saavedra, in my office please.” mayabang na sabi ni Drei. Humarap ako papuntang opisina niya sabay irap.
“what's with the face?” pangaasar na tanong sakin ni Drei. Nagbigay ako ng plastik na ngiti sa kaniya.
“That's more like it.” sabi ni Drei pagkangiti ko.
“What do you want Mr. Chua?” sarkastiko kong tanong sa kaniya.
“now that your father welcomed me in this company already, and made my promotion official, I just want to clear things up between us.” sabi ni Drei.
“you're the Assistant branch manager right?” tanong ulit sakin ni Drei.
“yes.” matipid kong sagot.
“and I'm the....?” nangiinis na tanong sakin ni Drei.
“What? Forgot the position my father gave you?” sarkastiko kong sagot.
“hindi, gusto ko lang malaman kung aware ka na mas mataas ang position ko sayo, at kung may problema ka sa kung ano man ang ipaguutos ko sayo ay pwede kang mapatawan ng insubordination.” pangaasar nito ulit sakin, napanganga ako sa ibig niyang ipahiwatig, pero agad kong binawi ang aking composure.
“you have your secretary if you want something to be done.” singhal ko sa kaniya.
“the secretary your father gave me is NOT my type.” nangiinis nananamang sabi ni Drei at dahan dahang lumalapit saakin. Malapit na niya akong ma-corner papuntang sofa. Malagkit ang tingin niya sakin, hinawakan niya ang aking mukha at hinaplos haplos ito ng kaniyang mga daliri, patuloy parin ako sa pagatras...
KABBLAAGGGGG!
Di ko napansin ang coffee table, napatumba ako at tuluyan nang nawala ang composure na iniingatan ko. Humahagikgik si kumag sa nangyaring kahihiyan sakin.
“you're not that tough after all.” naiiling na sabi sakin ni Drei at inabot ang aking kamay para tulungan akong makatayo. Inabot ko ito, pero imbis na hayaan ko siyang tulungan ako na makatayo ay hinila ko siya padapa.
“ang lagay eh ako lang ang babagsak?” nangiinis kong tanong sa kaniya. Tumayo ako at inayos ang sarili.
“have anything else to say?” singhal ko kay Drei na nakahiga parin sa sahig at iiling iling at di makapaniwala na naisahan ko siya. Tumalikod na ako at naglakad palayo sa opisina niya.
Lumipas ang umaga na yun na latang lata ako sa kakaisip sa nangyari sa opisina ni Drei, sinong hindi mapapaisip, yun pala ang ibig niyang sabihin dun sa sinabi niya sakin kahapon sa may simbahan, bago kami maghiwalay. Di ko din halos matapos ang aking trabaho, hindi ko maabsorb. Kasabay pa ng pagkagutom ko. aktong pipindutin ko na ang intercom para utusan si Janine na ikuwa ako ng kahit sandwich manlang sa Vendo machine nang tumunog ito.
“Sir, Mr. Chua wants to see you in his office now.” tunog ng intercom na ikinagulat ko.
“bakit daw?” tanong ko sa aking sekretarya.
“di po sinabi eh, importante lang daw po.” agad agad akong pumunta sa opisina ni Drei, pagpasok ko wala siya doon. Nakaayos na ang kanyang opisina. Madaming libro about business and mga latest trends sa world market. May isang picture frame na kasama sa halera ng mga libro na maayos na nakasalansan, nilapitan ko ito, isang magandang babae ang kasama niya sa litrato na iyo, hindi ito si Candy na siyang nakita ko sa labas ng condo kahapon, mas maganda ang babaeng ito. Uusisain ko pa sana ang litrato ng biglang bumukas ang pinto.
“good. you're here.” nakangiting sabi ni Drei.
“what do you want?” singhal ko sa kaniya.
“tsk.tsk.tsk. Where's your work ethiquette, Mr. Saavedra?” pangaasar na tanong sakin ni Drei.
“what do you want, SIR?” pasarkastiko kong tanong.
“Nah, I just want to eat lunch with you.” nakangiting sabi nito. Antagal bago ko naabsorb ang sinabi niyang yun, I actually considered on walking out on him, pero nakita ko ang plastic na dala dala niya.
“this is not much, pero this is the best tuna sandwich I ever tasted. And I want to share it with you.” napatingin ako sa dala dala niyang plastic. Ito yung mga tipo ng pagkain na tinitinda sa tabitabi.
“I brought my own lunch, thanks for the offer though.” pagtanggi ko sa offer niya. Aktong patayo na ako sa upuan ng biglang kumalam ang sikmura ko.
“I wonder, if you brought your own lunch, bakit di mo pa siya kinakain ngayong magaalas dos na ng hapon?” sabi ni Drei sabay abot ng intercom.
“I'm busy. Sinong tatawagan mo?!” sabi ko sa kaniya nang makita kong pinulot niya ang intercom at nagdial.
“tsss! Busy! Hello Janine? This is Mr. Chua, if you can be a darling and fetch Mr. Saavedra's lunch in his office.” sabi ni Drei na gamit gamit ang intercom ng opisina.
“Oh I see, HINDI pala nagdadala ng lunch si Mr. Saavedra. Ok thanks, Janine.” pagkababa na pagkababa ng intercom ay ngumiti ito sakin na nangungutya.
“now, you wouldn't want to eat sandwiches from the Vendo, right? Those sandwiches taste like grease. Mas pipiliin mo pa ba yung mga yun kesa sa inaalok kong masarap na masarap na tuna sandwich personally made by Aling Bebang.” sabi ni mokong habang binabalatan ang sandwhich at inaamoy amoy pa ito.
“Cute. But I would rather eat GREASE form the Vendo than eat typhoid from aling Bebang's special sandwich.” sarkastiko kong sagot. Tuluyan na akong tumayo at naglakad palayo.
Dinaanan ko si Janine na nagkukutingting ng sched ko sa table niya, at ng makita ako, nagtataka ito dahil pinandilatan ko siya ng mata. Pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina ko saka ko pinakawala ang inis na nararamdaman ko.
“The nerve!” inis na inis kong sabi sa sarili ko. biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Drei.
“if you don't want to eat it in my office, fine! We will eat it here!” at umupo siya sa sahig ng aking opisina at binalatan ang sandwich na binili niya galing kay aling Bebang.
“bakit mo ba ako kinukulit ha?!” naiinis na tanong ko sa kaniya.
“wala naman, ganti lang dun sa paninira na ginawa mo sakin kahapon sa harap ng tatay at kuya mo.” sagot nito sakin.
“yun lang ba? Fine! Sasabihin ko na hindi totoo yung sinabi ko kahapon. There. Happy?!” sabi ko sa kaniya.
“Chill. Satisfied? Yes. Happy? No! I will only be happy if you come and join me eat this lovely tuna sandwich for lunch. I'm not asking you. I am ordering you to, as the branch manager of this office, I order you to eat this sandwich with me!” nangiinsulto niyang sabi sakin. Napairap naman ako at umupo sa tabi niya at kinagatan ang isa sa mga sandwich na binili niya.
“susunod karin pala eh.” tinitigan ako ni kumag habang nginunguya ko ang tuna sandwich, infairness masarap nga ang gawa ni aling Bebang.
“Alam ba ni Mr. Saavedra ang ginagawa mong pakikipaglaro ng apoy?” natatawang tanong sakin ni Drei.
“syempre hindi.” pairap kong sagot sa kaniya, habang dinidilaan ko ang tumulong palaman mula sa sandwhich sa aking daliri.
“good.” matipid na sabi nito.
“bakit naman naging good?” tanong ko sa kaniya.
“para may hawak akong alas sa pambablackmail sayo.” naramdaman kong nawalan ng kulay ang aking mukha sa sinabi niyang yun. Tumayo siya sabay talikod sakin, kitang kita ang tagumpay sa kaniyang mukha. Di ko na nabawi ang nasirang composure. Naisara ko lang ulit ang aking bibig ng biglang bumalik si kumag at kinuwa ang tissue sa plastic na kanina lang ay kinalalagyan ng sandwich ni aling Bebang.
“there.” sabay abot sakin ng mga tissue na binalikan niya. “you might need that.” bulong niya sakin sabay kindat. Pagkasabing pagkasabi niyang yun biglang kumulo ang tiyan ko, napatakbo na lang ako sa CR sa loob ng opisina ko, bago ko pa man maisara ang pinto ng CR narinig kong tumatawa ng malakas si kumag.
Di ko parin matapos tapos ang tinamaan ng lintik na proposals na asa harapan ko maghapon, pabalik balik parin ako sa CR, nagpabili na ako kay Janine ng gatorade para naman kahit papano ay di ako madehydrate. Pumatak ang alas singko at nakaubos na rin ako ng isang piling ng saging para naman kahit papano ay tumigas tigas ng konti ang aking dumi. Lumabas ako ng opisina at tuloy tuloy na sumakay sa elevator, pasara na sana ang pinto ng elevator ng biglang pigilan ito ni Drei sa pamamagitan ng kaniyang paa.
Walang imikan nung una, may pasipol sipol pa si mokong, tinitignan niya ang aking repleksyon. “bwisit ka! Lintik lang ang walang ganti!” isip isip ko. Nakita niya sigurong naniningkit ang mata ko kaya't humarap siya sakin at dinilaan ako na parang bata. Sa sobrang inis ay itinulak ko siya at iningudngod ang mukha sa pader ng elevator.
“TING!” at bumukas na ang pinto ng elevator at bumulaga sakin ang takang takang itsura ng aking ama at ng aking kuya.
“Ramon?!” takang tawag sakin ni Dad at Kuya. Agad akong umayos at humarap sa aking ama at kuya. Kitang kita ang gulat sa mga mata nila, parang wala akong nakita at narinig mula kay kuya at Dad nang tuloytuloy akong lumabas ng elevator. Agad akong pumasok sa loob ng kotse ko at inuntog ang sarili ko sa manibela.
“Anak ng tipaklong! Araw mo ngayon Drei! Makakaganti din ako sayo!” sigaw ko sa loob ng sasakyan ko. Nang mapakalma ko na ang sarili ko, naisipan kong dumaretso na sa isang club para magtanggal ng stress sa katawan, pinihit ko na ang susi sa ignition ng kotse at inapakan ang clutch para mailagay sa reverse ang kambyo, nagsisimula na akong umatras ng biglang may malakas na pagsabog na nanggaling sa likuran ng sasakyan ko.
“Damn it!” sabi ko sa sarili ko, agad agad akong lumabas ng kotse at tinignan ang likurang bahagi ng aking kotse.
“pu#@%&!” sigaw ko.
“oh anong nangyari?” tanong ni Drei na asa likod ko pala.
“pumutok yung gulong eh.” nagpapanic kong sagot, and then napatingin ako dun sa hawakhawak ni mokong. Ngumiti itong nakakaloko ng mapansin niyang napatingin ako sa hawak hawak niyang swiss knife. Biglang naningkit ang mata ko sa galit, kinalma ko ulit ang sarili ko.
“pwede mo ba akong ihatid Drei?” nanunuyo kong sabi kay Drei. Napansin kong abot tenga ang ngiti ni kumag.
“sure.” mahinahong sagot niya sakin. Tinulungan niya akong itulak ang kotse ko para maiayos ng pagkakapark, tinawag ko ang guard at naghabilin na may pinapunta ako para magayos ng gulong ko.
“Saglit lang Drei ha? May bibilhin lang ako sa 7-11.” paalam ko sa kaniya. Nang makabalik ako ay todo ngiti na si kumag sa loob ng sasakyan niya, sinadya kong dumulas ang hawak kong plastic sa kamay ko, at naglaglagan ang mga contents nito.
“beer?” tanong niya sakin.
“yup, dun tayo sa bahay ko. Pasasalamat lang para sa paghatid mo sakin.” sagot ko sa kaniya. Di nanaman nakaligtas sa mga mata ko ang ngiti ni mokong na abot hanggang tenga niya. “mukhang magiging successful ang plano ko ah.” sabi ko sa sarili ko. Nang asa highway na kami sinadya kong kutingtingin ang laman ulit ng plastic at buksan ang isang lata ng beer. Sakto namang napatingin si Drei sa mga kinukutingting ko at di nakaligtas sa mga mata niya ang isang box ng condom.
“para san yan?” nagaalangang tanong sakin ni kumag.
“pasasalamatan nga kita diba?” saby kindat kay kumag. Nakita kong napalunok si kumag.
Napatahimik na lang si kumag habang ako ay pasipolsipol pa, nasa parte na kami ng highway na ubod ng trapik at ang paggalaw ng mga sasakyan ay talaga naman napakabagal. Sa paminsan minsang pagsulyap ko sa kaniya ay halatang di na mapakali si kumag. Binuksan ko na ang pangatlong lata ng beer na binili ko kanina.
“Ang init naman.” sabay kalas ko sa seat belt at adjust sa switch ng aircon, sinadya ko namang itapon sa bandang pundyo ng pantalon ni kumag ang hawak kong beer.
“oh shit!” bulalas ko sabay kuwa ng panyo ko sa bulsa at punas sa pundyo ni kumag, sinadya ko namang masagi ang ari niya, lalong nanigas si kumag sa pagkakaupo niya, at naramdaman ko ring naninigas na ang kanyang ari.
“alam mo Drei nagagandahan ako sa key chain mo, pwede siyang PAMBUTAS ng gulong no?” sabi ko na ikinagulat niya, sabay dakma ko sa ari niya at sa manibela at kinabig ito pakaliwa, narinig ko ang banggaan ng metal sa metal at pagkiskis ng pintura ng isang kotse sa pintura ng kotse ni Drei. Ikinalat ko ang walang laman na lata ng beer sa kotse ni Drei sabay baba, nang mapansin kong lumabas na ang may ari ng kotse na nabangga ni Drei, daredaretso akong naglakad palayo. Natatawa ako sa ginawa kong kalokohan at alam ko nakaganti na ako kay kumag.
Itutuloy...
hhmmmm napakabad mo ram..... pero sabi nga nila the more u hate the more u love.....
ReplyDelete"LHG" & "LHB"