Sorry Guys kung medyo natagalan, sobrang busy lang sa work at tinamaan ng matinding katamaran at ang tinatawag ni Dalisay Diaz na “writers block”. Anyways thanks parin sa pagbabasa, though di ko alam kung meron pa nga bang nagbabasa. Hehe. Bilang pagbawi sa aking matagal na pagkawala gagawin kong back to back ang part 2 and 3. Enjoy Reading!
COMMENTS, SUGGESTIONS AND VILENT REACTINS ARE WELCOME.
Love at its Best “Deceit”
(book3 Part2)
by: Migs
Hook
Poppin bottles in the ice, like a blizzard
When we drink we do it right gettin slizzard
Sippin sizzurp in my ride, like Three 6
Now I’m feelin so fly like a G6
Like a G6, Like a G6
Now I’m feelin so fly like a G6
Gimme that Mo-Moet
Gimme that Cry-Crystal
Ladies love my style, at my table gettin wild
Get them bottles poppin, we get that drip and that drop
Now give me 2 more bottles cuz you know it don’t stop
Hell Yeaa
Drink it up, drink-drink it up,
When sober girls around me, they be actin like they drunk
They be actin like they drunk, actin-actin like they drunk
When sober girls around me actin-actin like they drunk
Punong puno ang dance floor, palibhasa ay magtatapos na ang linggo at ang karamihan ay wala ng pasok bukas. Hawak hawak ko ang isang bote ng beer sa aking kanang kamay habang hawak hawak ng kaliwa kong kamay ang bewang ng babaeng kanina ko pa kasayaw. Malakas ang sound system ng bar, kasabay ng kantang ito ang indayog ng katawan ko at ng aking kasayaw. Mausok dahil sa mga sigarilyo kahit pa centralized ang aircon ng bar.
Sippin sizzurp in my ride, like Three 6
Now I’m feelin so fly like a G6
Like a G6, Like a G6
Now I’m feelin so fly like a G6
Kumawala ako sa aking kasayaw at bumulong sa tenga niya. “I'm gonna get us some drinks.” paalam ko sa kaniya, hindi ko pa din alam ang pangalan nito, aktong patalikod na ako ng bigla niya akong hawakan sa braso at pinaharap muli sa kaniya, hinawakan niya ako sa may batok at hinalikan sa labi, nang maghiwalay kami ay kinuwa niya ang aking kamay at sinulat sa palad ko ang kaniyang number. Inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tenga “call me.” sabi nito. Nginitian ko siya at tumalikod na ako papuntang bar.
“Colt 45.” sabi ko sa barista sabay abot ng credit card.
Kinuwa ko ang kaha ng sigarilyo sa aking bulsa at nagsindi ng isang stick, pinagmasdan ko ang sinulat na number ng babaeng kasayaw ko kanina, Brenda pala ang pangalan nito, inabot sakin ng barista ang mamasamasang malamig na bote ng colt 45, ginamit ko ito pambura ng number ni Brenda na nakasulat sa palad ko.
“poor Brenda.” sabi ng lalaki sa tabi ko. di ko napansin na kanina pa pala ako nito pinagmamasdan.
“not your type, eh?” tanong niya ulit sabay ngisi. Umiling lang ako bilang sagot sa tanong niya.
“I'm Rob.” pakilala ng lalaki sa tabi ko na kanina papala ako inuusisa. Di na bago sakin ang mga ganito, kahit asa straight bar man ako may lumalapit sakin na mga bisexual at nagpaparamdam, minsan pa nauuwi yun sa paguwi namin ng sabay. Inabot ko ang kamay niya at nagpakilala rin.
“Ram.” maikli kong sagot.
“So Brenada's not your type?” tanong niya ulit sakin animo'y may gustong malaman.
“I don't usually date GIRLS.” sagot ko na may halong pagapahiwatig sa gusto niyang malaman, nilapit niya ang mukha niya sakin at bumulong.
“that's convenient, I don't usually date GIRLS too.” sabay ngisi nito sakin na nakakaloko. May inabot siya sa kaniyang bulsa at naglabas ng yosi, kinuwa ko ang lighter sa aking bulsa at sinindihan ang kaniyang yosi. Nagpalitan kami ng ngiti, bilang senyales na nagkakaintindihan kami.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, sabay ngumiti, parang nagustuhan niya ang nakita niya. Inusisa ko rin ang kaniyang itsura at hindi naman din ako nadismaya “the perfect epitome of tall, dark and handsome.” sabi ko sa sarili ko.
“straight from the office?” tanong niya sakin dahil sa suot ko parin ang suot ko kanina sa opisina.
“yup. Just trying to shake the after office hour syndrome.” sabi ko sabay tawa niya ng malakas. Lumapit ulit siya sakin at bumulong sa tenga ko.
“I can help you with that.” sabi niya sabay ngiti ulit ng nakakaloko, ngiti lang din ang isinagot ko sa kaniya.
I-I-I-I-I-I
I came to dance-dance-dance-dance
I hit the floor cause that's my plans plans plans plans
I'm wearing all my favorite brands brands brands brands
Give me some space for both my hands hands hands hands.
Yeah, yeah.
Cause it goes on and on and on.
And it goes on and on and on.
Yeah.
I throw my hands up in the air sometimes
Saying ay-oh, gotta let go.
I wanna celebrate and live my life
Saying ay-oh, baby let's go.
Cause we gon rock this club
We gon' go all night
We gon' light it up
Like it's dynamite.
Cause I told you once
Now I told you twice
We gon light it up
Like it's dynamite
Ginising ako ng isang malakas na tunog, kung di ako nagkakamali vacuum yon, madilim ang buong kwarto, wala ni isang bintana sa paligid. Tanging ang TV ang nagbibigay ilaw sa kabuuan ng kwarto, pinagpipipindot ko ang mga switch sa may headboard. Bumukas ang ilaw sa ibabaw ng headboard.
“Shit!” bulalas ko sa sarili ko, tinignan ko ulit ang TV, porn ang palabas doon, ngayon alam ko na kung asan kami at bakit wala ni isa manlang na bintana sa buong kwarto. “motel?” tanong ng isip ko. Agad kong inabot ang relos na nakalapag sa may dresser “8am” sabi nito. May humilik sa tabi ko.
“Double Shit!” sabi ko ulit sa sarili ko. Iniangat ko ang kumot na bumabalot sa kahubadan ko. Dahan dahan kong inalis ang nakayakap na kamay ng katabi ko sa aking bewang, di naman ito nagising sa ginawa ko. nagsimula na akong magbihis at lumabas ng kwarto. Palabas na sana ako ng motel ng matandaan kong may dala nga pala akong sasakyan kagabi. Agad akong bumalik sa may reception area at tinanong ang nandoon.
“excuse me, Miss, I don't know if you still remember me. Pero tanong ko na din, napansin mo ba kung nakakotse kam... ako na dumating dito?” tanong ko sa receptionist.
“natatandaan ko nga kayo Sir, kayo yung may kasamang matangkad na lalaki diba?” sabi ng receptionist na gustong gusto kong busalan ang bibig sa pagiging intrimitida. Pinagtitinginan na ako ng mga tao sa lobby at di lang yun, narinig pa nila na lalaki ang kasama kong nag check in kagabi, sabunutan ko na tong receptionist na to eh. “Daldal! Tsk!” sabi ko sa sarili ko
“Oo, ako nga yun. Ano may dala ba akong sasakyan?” naiiirita kong tanong ulit.
“Wala po Sir, naka taxi po kayo kagabi.” sagot nito at lalong nagtaasan ang kilay ng mga nasa paligid.
Agad akong nagmadaling lumabas. Nang makita ko kung asan ako ay inisip ko agad kung pano bumalik sa bar na pinuntahan ko kagabi. Tumawid ako at pumara ng taxi, kamalasmalasan naman lahat ng dumadaang taxi may sakay.
Shots shots shots shots shots shots
shots shots shots shots shots
shots shots shots shots shots
everybody
Nagulat ako sa biglang pagring ng telepono ko, “Edison Saavedra calling” sabi ng telepono ko, sabay display ng picture ni kuya, sinagot ko ito.
“HELLO! Asan ka na?! Kanina pa nagiintay dito si Dad sa may simbahan!” sigaw sakin ni kuya pagkasagot na pagkasagot ko ng call niya.
“on the way na!” sigaw ko kay kuya sabay baba ng telepono. Kaway kaway ulit ako umaasa na may titigil na taxi.
“nice ring tone.” sabi ng isang pamilyar na boses sa likod ko, bigla akong tumalikod nagkauntugan kami ni Adreian, nabitawan niya ang kaniyang mga hawak, naka walking shorts lang si kumag at white fitted shirt, bakat na bakat ang kaniyang magandang katawan, napatingin ako sa pinupulot niya, sapatos pambabae, nagdikit naman ang kilay ko sa pagtataka.
“Drei!” sigaw ng isang babae sa likod niya. Na mukhang galing sa loob ng condo na katapat lamang ng motel na pinanggalingan ko kanina.
“nakapara ka na ba ng taxi?!” humahangos na tanong ng babae. Tumaas naman ang kilay ko sa nakita dahil wala itong sapatos. Tinaas ng babae ang kaniyang kamay at may tumigil na taxi sa tapat niya.
“thanks Drei! I owe you one!” sigaw ng babae sabay kindat at halik sa pisngi niya, sinara ang pinto at nagsimula ng umandar ang taxi. Humarap na ulit ako sa kalsada at nagtaas ng kamay.
“Ram, Wait! Alam ko ang iniisip mo.” nagsisimula ng magpaliwanag si kumag. Pero its too obvious, meron siyang girlfriend. Tinaas ko ulit ang kamay ko at pumara ng taxi, dineadma ko si kumag. Ilang minuto pa at may tumigil na taxi sa tapat ko.
“Wait, Ram, meron ka bang gagawin mamya? Pwede ka bang ayain mag...” naputol ang sasabihin niya ng aktong sasakay na ako sa taxi.
“Wait! Please! Candy and I are not lovers. I'm willing to explain it all over lunch or dinner kung papayag ka, kung papayag kang makipag date sakin?” sabi ni Drei, tinignan ko si kumag, mukhang seryoso.
“bakit ka magpapaliwanag? Anong meron? And are you seriously asking me out on a date while still holding your girlfriends stilletos?” sunod sunod kong tanong. Napatingin naman siya sa hawak hawak niyang sapatos, napakamot si kumag sa ulo.
“Ram, Wait!” sigaw ng isang lalaki na palabas ng motel. Napatingin ako dito at ibinalik ko ang tingin kay Drei, tinignan niya ang lalaki at pagkatapos sinuri nito ang suot ko at malamang napansin niyang lukot lukot ito.
“is that the same shirt you were wearing yesterday at the office?” tanong sakin ni Drei, nagtataka din ito kung bakit ako tinatawag ng lalaking kalalabas lang ng motel at kung bakit gusotgusot din ang damit nito.
“I'm sorry, but I have to go.” sabi ko kay Drei at sumakay na ako ng taxi, nang umaandar na palayo ang taxi tinignan ko ulit ang dalawang lalaking naiwang nakatayo sa may bangketa.
Napahawak ako sa aking dibdib, nakapa ko ang singsing na nagpapaalala sakin. Napapikit ako at napabuntong hininga. “Manong sa LAX po.” sabi ko sa taxi driver.
Pagkadating na pagkadating ko sa LAX agad kong tinanong ang guard kung meron akong naiwang susi doon, tinignan niya akong mabuti at kasama ng isang ID ay inabot niya ang susi ng sasakyan ko.
Pinaharurot ko ang sasakyan pauwi ng bahay, naligo at nagpalit ng damit pangsimba, iniisip ko parin ang nangyari kanina, si Drei at ang mga sinabi niya, inaya niya ako magdate, pero may girlfriend siya habang nakaharap sa salamin ay di ko alam ang iisipin. Tinamaan ng ilaw ang bagay na nakasabit sa aking leeg, nalungkot naman ako sa nakita kong iyon. Ang singsing.
“and this one will forever remind me of all the pain, all the things and people I've lost and the greatest mistake that love at its best has to offer.” Narinig ko ang sarili ko na sinasabi ulit ang mga salitang yun. Naalala ko bigla, “Commitment is synonimous to bullshit.”
Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin. “Drei is Migs on a disguise. Sasaktan ka lang din niya.” nasabi ko sa sarili ko. Agad agad akong umalis sa harapan ng salamin at nagbihis tapos nagdrive papuntang simbahan. Saktong pagdating ko sa simbahan ay binabasa na ang first reading.
“What took you so long?” tanong sakin ni kuya.
“traffic.” sagot ko sa kaniya.
“traffic? Sunday ngayon, traffic??” tanong sakin ni kuya.
“SHHHHH” sabay sabay na saway ng mga tao sa paligid namin. Wala kaming nagawa kundi ang ipagpaliban muna ang aming bangayan. Pahikab hikab ako hanggang dumating sa Homily.
“karamihan sa mga bata ngayon engages in pre marital sex, sometimes with multiple partners pa at yung iba na matatanda nakikiapid...” tuloy tuloy na sabi ng pari, lumakas ang tibok ng puso ko, bumilis ang aking paghinga at nagpapawis ang aking palad hanggang matutunan ko ng isara at iisang tabi lahat ng aking naririnig sa sinasabi ng pari. Deadma lang, kunwari di affected. Dumating na ang komunyon, wala sa isip na pumila ako sa likod ng aking kuya.
“Talagang mangumgumunyon ka pa pagkatapos mong iwan yung kawawang lalaki kanina sa motel? At di ka ba tinamaan sa sermon kanina ni father?” sabi ng lalaki sa likod ko na nun ko lang din naman napansin na si Drei lang pala. Inirapan ko lang siya at tuloy tuloy na umalis sa pila.
“di ko alam na dito rin pala kayo nagsisimba Mr. Saavedra.” bati ni mokong kay dad nang makalabas na kami ng simbahan.
“Mr. Chua, nice to see you here. Sa wakas nagkaroon din ako ng branch manager na may takot sa Diyos.” tuloy tuloy na sabi ni Dad. Napahagok naman ako sa sinabi niyang yun. Di ito nakaligtas kay Drei.
“di ka makapaniwala na may takot ako sa Diyos RAM?” bigay diin na sabi ni Drei sa pangalan ko.
“Where's Candy?” tanong ko kay Drei. Namutla si mokong sa tanong kong yun at nawala ang kaniyang nakakalokong ngiti.
“Who's Candy?” tanong sakin ni Dad at kuya.
“Candy is Drei's LIVE IN PARTNER.” bigay diin ko sa mga huling salita. Nagkatinginan naman si kuya at dad, malamang nadismaya sa nalamang sekreto ni Drei.
“Candy is my sister.” sagot ni Drei na namumutla na.
“C'mon Drei, ok lang naman eh, aminin mo na.” sabi ko sabay pakawala ng mapanginis na ngiti. Wala na siyang nagawa at yumuko na lang.
“Dad, halika na, malamang nagiintay ni si Lola sa Tagaytay. See you in the office tomorrow, Drei” aya ko kila Dad at sabi kay Drei, nang makatalikod na si Kuya at Dad humarap ulit ako kay Drei at bumulong.
“dapat pala ikaw ang tinamaan sa sermon kanina ni Father.” sabay ngisi na nakakaloko.
“its your day,ipanalangin mong di dumating ang bukas, dahil bukas, under na ulit kita.” sabi ni Drei habang pulang pula ang mukha sa pagkainis.
“What?” tanong ko kay Drei, nawala na ang ngiti sa mga labi ko.
“see you tomorrow, Ram.” sabi ni Drei at siya na ngayon ang may panginis na ngiti.
Pumunta kaming Tagaytay na lutang na lutang parin ako sa kakaisip kung ano ang ibig sabihin ni Drei sa sinabi niyang yun bago kami maghiwalay.
Itutuloy...
hmmmm.... wala ako masabi hehehe parang true to life ito ah ^^
ReplyDelete