Followers

Monday, December 13, 2010

Si RJ at Ako part 1

Mike, thanks nga pala for the oppurtunity to share my story.

To all the readers and followers, I'd like to share with you my story. This is a real story that happened to me. I hope you'll read it and like it na rin. hehehe

Anyways, if you have comments or feedbacks, I'm happy to hear them.

Thanks uli, Mike.

By the way, this is just the first part. Enjoy reading.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------



First year college ako nun at 16 years old pa lang. Hindi naman ako madalas mag_LRT nun pero ng araw nay un ay no choice ako kung hindi dun sumakay. Male-late na kasi ako. Medyo ma kalayuan din ang pinapasukan kong state university sa Taft avenue sa Manila samantalang sa Novaliches, Quezon city kami nakatira. Ayokong ayoko pa naming sumasakay sa LRT dahil lagging siksikan at medyo haragan pa ang mga pasahero. Kaya’t hanggang maari ay ayokong sumakay dun pero dahil nga sa late na ako ay napilitan na rin akong mag-LRT.

Pagdating ko pa lang sa station sa Monumento ay marami ng taong nag-aabang para makasakay. Nung dumating na yung train ay sumiksik narin ako dahil ayokon malate sa Bio class ko. May pagka-terror din kasi yung matandang prof naming. Naalala ko pa nung first day ko sa klase nya ay nalate din ako dahil sa lakas ng ulan at hirap makasakay. Sermon agad ang narinig mula sa matandang prof naming kaya nag-promise akong hindi na male-late pa uli.

Dahil nga sa dami ng tao ay hindi na ako nakaupo pero hindi ko naman inexpect na makakaupo pa sa dami ng pasahero. Nakatayo ako nun sa may bandang gitna. Kung familiar kayo sa pagsakay ng LRT at MRT, dib a may upuan tapos usually pumupwesto yung mga nakatayo sa harap ng nakaupo. Ako naman nun ay nakatayo sa likod nung mga nakatayo sa harap ng mga nakaupo. Kaya nga nasa gitna na ako sa loob ng train.

Nang makarating kami sa Blumentrit station, talgang sikisikan na at may mga lumalabas na rin. At dahil nga sa nasa gitna ako nakapwesto  ay madalas akong mabangga ng mga lumalabas at mga pumapasok. Nang mga panahong yun ay talagang nahihirapan na ako. Dahil na rin siguro sa may kaliitan akong tao.

Maya-maya ay napansin ko yung lalaking nakatayo sa harapan kong nakatingin sakin. Siguro ay nakikita nya akong madalas nabubunggo. Tumagilid sya nun sa pwesto nya at inakbay ang kamay nya sa akin.

Dito ka na, sabi nya sabay alok na dun ako pumwesto sa space nung tumagilid sya.

Salamat ha, sabi ko naman.

Wala yun, sagot nya. Mukha kasing nahihirapan ka na eh.

Uo nga eh. Salamat talaga, sabi ko.

Kawawa ka naman eh. Baka bago ka pa makapasok eh lamog ka na, sabi nyang pabiro at ngumiti pa ng matamis.

Ngumiti na lang din ako.

Saan ka pala bababa?, tanong nya.

Ah, sa may central station, sagot ko.

Bakit, saan ba school mo?, tanong nya uli.

Sa __U, sagot ko. Medyo malapit na lang naman sa school yung station, pwede nang lakarin.

Madalas ka bang sumakay dito?

Hindi naman. Late na kasi ako kaya no choice na ako. Hehehe

Kaya pala. Halatang hindi ka sanay. Ano nga palang name mo?

Red, maigsi kong sagot. Eh ikaw?

Joseph po, sagot nya. Red na palang name mo ngayon, pabulong nyang sabi.

Ha? Ano yun?

Ah..wala yun. Sabi ko bakit Red?

Yun kasi naging palayaw ko nung pumasok ako ng college.

Nakatingin lang sya sa akin na parang hindi naniniwala sa sinabi kong pangalan ko.
Tahimik.

Ahh...ano kasi..., sabi ko.
Ano yun?, tanong nya.

Kasi yung kamay mo..., pansin ko sa kamay nya na naka-akbay pa rin sakin. Okay lang naman sakit yun. Ang totoo ay okay na okay lang! Pero dahil sa nahihiya ako sa kanya ay gusto ko sanang malaman nya hindi na nya kailangan pang akbayan ako.

Ahh..ito ba?, tanong nya.

Hindi mo na ako kailngang akbayan pa, sabi ko.

Bakit, naiilang ka ba?

Hindi naman sa ganun....

Kaya hinayaan ko na lang sya. Eh okay lang naman talaga sa akin yun. Feel na feel ko nga eh. Hehehe

Tahimik uli.

Alam mo, familiar yung mukha mo sa akin. Ako ba familiar din sa’yo?, tanong nya.

Medyo nag-isip pa ako nun. Hindi eh, sorry naman, sabi ko.

Ganun ba?, parang may pagka-disappoint sa tono ng boses nya. Hindi mo nap ala ako natatandaan, mahina nyang bulong.

Kunwari ay hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi nya kya tinanong ko kung ano ba yung sinabi nya.

Wala yun, wala yun…

Okay po.

Nang makarating kami sa Central station ay nagpaalam na ako sa kanya.

Hey, baba na ako. Sige ha? Salamat pala uli.

Wala yun. Kaw pa, malakas ka sakin eh. At muli ay ngumiti sya at tumingin sakin nga makahulugan.

Bye. Yun lang at bumaba na ako ng train.

Naglalakad na ako nun ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

RED! Teka lng.

Si Joseph pala.

Nagulat naman ako dahil alam kong sa Quirino station pa sya bababa.

Oh, bakit nandito ka? Bumaba ka na agad?

Oo eh. Gusto kasi kitang samahan maglakad.

Napangiti naman ako. Dapat hindi ka na bumaba. Baka malate ka pa sa school.

Maaga pa naman ako eh.

At ayun nga at sinamahan nya akong maglakad papasok ng school.

Anu nga palang number mo?, tanong nya.

Ah..eh..

Bakit, ayaw mo bang ibigay sakin? Hindi naman kita kukulitin sa text eh.

Sige na nga, eto 0927-3____11. Text mo na lang ako.

Pero hindi ko naman talaga ibinigay yung number ko. Medyo hawig lang pero pinalitan ko ung ibang numbers. Ewan ko pero hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. Feeling ko kasi nun baka pinagti-tripan lang ako ng mokong na ito.

Salamat ha, sabi nya.

Wala yun.

At pumasok na nga ako nun ng school at nakita ko pang kumakaway sya sakin habang papasok ako ng campus. Nakangiti pa rin sya at mukhang tuwang tuwa pa ang loko.
Sa isip-isip ko naman ay gumanda kahit papaano ang araw ko dahil sa kanya. Medyo natawa rin ako dahil baka nga magtext ang mokong at malaman niyang maling number ang ibinigay ko sa kanya. Bahala na! hindi na naman kami magkikita pa uli eh. Tatawa-tawa ko pang sabi sa sarili.

itutuloy...

1 comment:

  1. nice start of a morning ika nga, parang simpleng eyebol lng.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails