Sorry po sa late update. Ang sabi ko po ay ipo-post ko agad ang next chapter, pero hindi ko nagawa. Naging sobrang busy ko nun, nagkaproblema pa ako sa network connection kaya tinapos ko na lang ang lahat ng dapat tapusin para wala nang aasikasuhin.
Salamat po sa mga patuloy na naghihintay, nagbabasa, at sumusuporta sa Now Playing. Salamat po kay Sir Mike na nagbigay sa akin ng opportunity na mai-post ang kwentong ito. Maraming salamat po.
-------
Now Playing Chapter 18
Life After You Part 02
"All that I'm after
Is a life full of laughter
As long as I'm laughing with you
I'm thinking that
All that still matters
Is love ever after
After the life we've been through
I know there's no life after you.."
- Daughtry, Life After You
-------
**** *** ****, Helepad
"E di masaya ka na ngayon?" ang sabi ni Pat.
"Oo naman." ang tugon ko, at nakangiti akong tumingin sa mga sasakyang dumadaan.
"Kaya lang.." ang dugtong ko.
"Kaya lang ano?" ang tanong niya.
"Natatakot ako." ang sabi ko.
"Saan?" ang tanong ulit niya. Humiga ako sa damuhan at tumingin sa langit. Bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita.
"Naikwento ko na si Micco sa iyo, diba? Alam mo kasi, Clyde reminds me of Micco. Well, I love Clyde not because I saw Micco in him. Basta mahal ko lang siya. Ang problema lang, yung situation. Micco gave me a ring before, a silver ring with his name inscribed inside it. And Clyde did the same thing." ang sabi ko sabay taas ng kamay kong may singsing.
"Ayokong matulad kami ni Clyde sa nangyari sa amin ni Micco." ang sabi ko.
"Bakit ba ganyan ang iniisip mo? I know Clyde. You know Clyde. Alam mong hindi niya maaatim na mangyari ang ganun." ang sagot ni Pat sa akin.
"I know. And his eyes, just as gray as Micco's."
"Hindi dahil may pagkakahawig o pagkakapareho sila ni Micco ay magkatulad na sila. Ed, magka-iba sila. Masyado kang nagpapaniwala sa 'history repeats itself' cliche." ang dire-diretsong sabi ni Pat.
"Well, you can't blame me, ilang beses nang nangyari sa akin iyan. Alam mo kasi, marami pa akong gustong malaman sa kanya. Akala mo ba lahat ng mga kwento niya ay ubos na? May mga itinatago pa siya, alam ko. Anyway, basta. I pray na hindi kami umabot sa ganoong sitwasyon." ang sabi ko. Bumangon ako at sumubo ng yogurt.
"Just don't be on the negative side, ok? Maiba tayo, hindi ba dapat boyfriend mo ang kasama mo ngayon?" ang tanong ni Pat.
"Bakit, ayaw mo bang kasama ako?" ang balik kong patampo sa kanya.
"Hindi naman, pero baka magselos iyon?" tugon niya habang sumusubo ng yogurt.
"Oo, nagseselos nga siya." ang nakangiti kong tugon.
"Eh bakit pumayag ka pa sa lakad na ito? Pwede mo namang i-cancel na lang, maiintindihan ko naman." ang sabi niya habang nakasubo ang kutsara sa bibig. Hay grabe, ang cute niya.
"Hindi kita pwedeng balewala-in. Kaibigan kita, Pat. Kahit maliit na kahilingan pagbibigyan kita. Ganon ka ka-importante sa akin." ang sagot ko sa kanya. Nakita kong nagliwanag ang mukha niya sa mga sinabi ko. Ngumiti rin ako sa kanya.
"Ed.."
"Thank you for everything, Pat. Simula pa ng mga bata pa tayo, lagi kang nandiyan para sa akin. Lagi mo akong pinagtatanggol sa mga bully, hinahatid pauwi, nagshe-share ng mga laruan sa akin, ang laging nang-aalo sa akin. Kahit sa ganitong paraan malaman mo ang pasasalamat ko sa lahat ng nagawa mo sa akin. My friendship with you is one of the best friendships I've ever had. I won't let it go, no matter what." ang sabi ko sa kanya. Binitiwan niya ang hawak na yogurt at yumakap sa akin.
"You became my hero in every ways possible." ang dugtong ko pa. I'm so grateful with all of the things he did. But what makes me happy is the fact that he's my friend, and what makes me proud is that he remained to be the hero I love. And I will always
love.
"Ed, aminin ko man o hindi, yung mga sinabi mo ang isa sa mga pinaka-touching words na narinig ko. I never knew I would be appreciated in such a way. Thanks Ed. For everything." ang sabi niyang naluluha ngunit nakangiti.
"Pat, you never have to thank someone for stating the obvious about you. It's what we saw, what we experienced from you, and what you shared to us. You're an angel, Pat. Never doubt that." ang sabi ko uli. Hay, naku. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang kanyang ngiti. Hindi ko sinabi ang mga bagay na iyon para lang pasayahin siya. Sinabi ko iyon dahil iyon ang katotohanan.
My Hero.
-------
Wala kaming pakialam ni Pat kahit pagtinginan kami ng mga tao sa daan. Parang may sarili kaming mundo. Nagkukulitan, naglalambingan. Kung makikita lang kami ni Clyde ay talagang uusok ang butas ng ilong n'un. Hahaha. Pero wala, ganun talaga, at hanggang doon na lang iyon. Gusto ko lang ibalik ang closeness namin noong elementary days, pero mukhang sumobra. Hahaha.
Katulad ng ginawa namin ni kuya Cedie noon, kinulit lang namin ang mga saleslady sa mga tindahan ng damit. Nagsukat ng sapatos, kumain ng eggballs, fried noodles, pinagtawanan ang mga isdang nakabalandra sa palengke. Haha parang tanga. Pero isang bagay lang ang importante, ang marinig ang kanyang halakhak ng kaligayahan.
-------
"Xander?"
"Hi Ed. Kamusta ang prinsipe ko?" ang natutuwa niyang tanong. Nasa ****** kami ni Pat, nagmemeryenda.
"Ayos lang naman ako, Xandy. Mabuti at tumawag ka, may gusto sana akong sabihin." ang sagot ko sa kanya. Tumingin sa akin si Pat, at tumango lang ako. Kailangang malaman din ni Xander ang tungkol sa amin ni Clyde. Naging tapat siya sa akin tungkol sa tunay niyang nararamdaman, kaya dapat ay ako rin.
"Uh, ano naman iyon? May problema ba?" ang sabi ni Xander. Bakas sa boses niya ang pag-aalala.
"Xander, gusto ko sanang sabihin sa iyo ito ng personal, pero ayokong patagalin pa. At ayokong sa iba mo pa malaman. Xander, si Clyde at ako, kaming dalawa na." ang sabi ko. Alam kong malulungkot siya sa mga sinabi ko, ngunit habang maaga, mas gusto kong malaman niya ang totoo.
"Oh.. Kaya pala.." ang tanging nasabi niya. Naramdaman ko ang pait sa kanyang boses. Pansamantala kaming natahimik. Pagkatapos ng isang buntong-hininga, hinawakan ni Pat ang kamay ko at bahagyang pinisil. Tumingin ako sa kanya, at isang malungkot na tingin lang ang ibinigay ko sa kanya.
"Xander.."
"Sige, Ed. Uhm.. Ok. Naiintindihan ko. Sige na, baka nakakaistorbo na ako sa iyo." ang pagpapaalam ni Xander. Kahit naman sinong tao, kapag nalaman mong ang minamahal mo ay may mahal na iba, natural na malulungkot. Pero bago pa niya tuluyang putulin ang linya ay nagsalita ako.
"Xandy, pwede bang magkita tayo sa susunod na weekend? Please, sana pagbigyan mo 'ko." ang sabi ko. Gusto kong magkita kami para makapag-usap ng personal. Mas gusto ko ang ganun, nakikita ko ang tunay na reaksyon ng kausap ko. Hindi gaya sa telepono na boses lang ang naririnig.
"Uh, sorry, busy-"
"Please Xandy, please?" ang pakiusap ko. Narinig kong bumuntong-hininga muna siya bago sumagot.
"Ok, I'll see you then." ang sagot niya.
"Thank you, Xander."
"Ok. Bye, Ed." ang sabi niya bago ibaba ang tawag. Iba ang tono ng pagkakasabi niya sa huling salitang sinabi. At alam ko kung ano ang ibig sabihin n'un. Huminga ako ng malalim upang pansamantalang mawala ang bigat na nararamdaman ko. Muli pinisil ni Pat ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"'Wag kang mag-alala, magiging ayos din ang lahat." ang sabi ni Pat. Tango lang ang isinukli ko. Hinawakan niya ang baba ko at tumingin sa akin. Tumaas ang dalawang kilay niya, at binigyan ko siya ng isang ngiti.
-------
"And that's all, thank you." ang naaaliw kong sabi kay Clyde. Pagkagaling sa gala ay sinabi ni mama na nasa kwarto ko si Clyde at hinihintay ako. Napa-isip naman ako kung anong ginagawa niya dun. Pagpasok ko pa lang sa kwarto ay nakita ko siyang nakatayo paharap sa pinto, nakapamewang, at halatang inaabangan ang pagdating ko. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. Hindi siya nagsalita kaya inakay ko siya papunta sa kama at nagsimulang magkwento. At ito na nga ang nangyari. Such a jealous boy. Hahaha.
"Are you sure?" ang tanong niya ulit. Bakas pa rin sa mukha niya ang konting inis.
"Pumayag ka na lumabas kami, diba? 'Wag ka nang.. Hay, naman." ang sabi ko sabay hawak sa dalawa niyang pisngi. Tinitigan ko ang kanyang maamong mukha, at sinabi ang katagang laman ng aking puso.
"Mahal na mahal kita, Clyde." at hinalikan ko siya sa labi. Hinding-hindi ako magsasawang halikan siya. Mahal na mahal ko talaga ang taong ito.
"Mahal na mahal din kita, Ed." ang sabi niya pagkalas ng aming mga labi. Hay.. Langit.
"Ikaw naman magkwento. Anong ginawa mo?" ang sabi ko. Tumayo ako sa kama at pumunta sa harap ng cabinet ko. Kumuha ako ng damit pambahay.
"Ano pa bang ginawa ko, e di nagmukmok. Kasi naman, unang araw namin ng mahal ko yung kalaguyo niya ang kasama." ang sabi niya. Natawa ako sa sinabi niya. Bumalik ako sa kama at pinisil ang ilong niya.
"Ito talaga! Napaka-seloso! Sayong-sayo lang ako, promise!" ang natatawa kong sabi.
"Sa akin eh sa kanya ka nakalingkis." ang banat niya. Aba't ang mokong na ito. Tinusok ko ang tagiliran niya, at napa-igtad siya sa ginawa ko.
"Ano, selos ka pa, ha?" ang sabi ko sabay tusok sa kabila.
"Whoah, Ed. Stop! Please.. No! Ahahahaha! Ahahahaha! Nope! Hooh.. Hahaha!" ang sabi niya habang kinikiliti ko. Akala mo ha. Hahaha.
"Ano, ha? Selos ka? Sagot!" ang naaaliw kong sabi. Ang sarap pakinggan ng mga tawa niya, nadadala ako sa langit.
"Hindi na! Hindi! Hahaha stop.. Hahaha." ang sabi niya. Nakahiga na siya sa kama at ako ay halos nakadagan na sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa. Ang mga mata niyang nangungusap. Pakiramdam ko ay binabalot ako ng mga ulap.
"I love you, Clyde."
"I love you too, Edge." at tuluyang naglapat ang aming mga labi. Ang sandaling paghihiwalay namin kanina ang nagbigay sa amin ng pananabik sa isa't-isa. Ang labi niya ay inaakyat na naman ako sa langit. Nawawala ako sa sarili dahil sa kuryenteng dulot niya. Ang mahal ko. Ang pinakamamahal ko.
Ggrrrggg.
"Huh?" naputol ang halik na pinagsaluhan namin dahil sa kakaibang tunog na iyon.
Ggrrrggg.
Nakita kong namula si Clyde. Napangiti naman ako.
"Gutom na pala ang baby ko, hindi man lang nagsasalita. Halika na nga, pakakainin kita." ang sabi ko sa kanya. Kumakalam na pala ang sikmura ni loko. Natatawa akong tumayo sa kama at pumunta sa banyo para magpalit ng damit. Hay naku. Pagkatapos ay hinatak ko siya palabas at pumunta kami sa kusina.
"Ma, may pagkain pa ba? Nagugutom ang asawa ko." ang sigaw ko sa kusina. Siniko naman ako ni Clyde. Tumingin ako sa kanya, at pinandilatan niya ako ng mata.
"Ed, ano ba nakakahiya." ang sabi ni mokong.
"'Wag ka nga, asawa na kita simula ngayon. Masanay ka na." ang sabi ko sabay smack sa labi niya.
"Ikaw ha nakakailang nakaw ka na ng kiss." ang naaaliw niyang sabi.
"Ganun talaga-"
"Tignan mo nga naman. Ang magaling kong kuya at ang brother-in-law ko nandito. Kuya, please. Get a room!" ang mataray na sabi ni Alfie. Nasa kusina pala ito, at hindi namin napansin.
"Hi Alfie. Sis, please. Get lost!" ang natatawa kong tugon. Nagtawanan kaming dalawa, at yumuko si Clyde na namumula ang mukha.
"Oh well. Enjoy, lovebirds. Kuya wala nang ulam, pero may pasta diyan. Ipagluto mo na lang yang asawa mo ng walang kamatayang spaghetti. Sige na, sibat na ako. Buh-bye." ang nakangiting sabi ni Alfie. I mouthed 'I love you Sis' sa kanya, and she did the same. At tuluyan na siyang umalis.
"Maghintay ka muna dyan saglit, I'll re-heat the pasta and I'll make the sauce." ang sabi ko sa kanya. Inabala ko ang sarili ko sa kalan, kaya di ko namalayan na nasa likuran ko na siya. Niyakap niya ako mula sa likod at hinalikan sa pisngi.
"Hey. Umupo ka muna, medyo matatagalan pa ito." ang sabi ko kay Clyde.
"'Pag mag-asawa na tayo, ikaw naman ang pagsisilbihan ko." ang sabi niya sa akin. Ano daw? Natawa ako sa sinabi niya.
"Bakit, may balak kang pakasalan ako?" ang natatawa kong sabi.
"Oo naman." ang maikli niyang tugon. Napatigil ako sa ginagawa ko. Pakakasalan daw niya ako? Umikot ako paharap sa kanya at tinignan siya sa mata.
"Bakit, akala mo ba nagbibiro ako?" ang sabi ulit niyang nakangiti. Oh.. Ano bang pinagsasasabi nito? For all I know, Clyde is a straight guy who fell in love with a bisexual guy. He could never mean what he said. Maghahanap at maghahanap ng babae yan, and I know, he also wanted to have a lovely wife, wonderful kids, a dog, you know, the whole nine yards thing. Parang ako. Siyempre gusto ko rin ng ganun. Kaya hindi ko na lang sineryoso.
"Alam mo kasi Clyde.."
"Ssshh. Believe me, Ed. One day, we'll live together. You and I, with our sons and daughters.."
"Ano, palalagyan mo ako ng ovary?" ang natatawa kong sabi.
"Pwede rin. Pero seriously, Ed. Ewan ko ba, pero I know, you're the one. I could not ask for more, because you're more than enough for me." ang sinsero niyang sabi. Could it be a dream that once again found its way to reality? No, it couldn't be. But he's definitely saying those words from his heart. No, no. This is too good to be true. Kahit na nakakakilig ang mga sinasabi niya, alam ko namang malabong mangyari iyon. Dadating at dadating ang panahon na alam kong.. Basta. Ayos na sa akin na naging kami, at hanggang ngayon nananatiling magkaibigan.
"Ok. Sinabi mo, eh. Basta, I'll always love you, Clyde. Remember that." ang sabi ko sabay halik sa kanyang labi. Kumalas din ako pagkatapos at pinaupo na siya sa counter. At nagsimula na akong magluto ng may ngiti sa labi.
-------
Ilang araw makalipas ay napansin ng barkada na iba na ang closeness namin ni Clyde. Well, mag-bestfriend kami, pero they knew na mas lumalim pa iyon. Paano ba naman sa school, lagi akong nililibre, kung makapunas ng labi ko wapakels sa mga nakatingin. Tapos minsang may kumausap sa akin na ibang lalaki hala akala mo nilamukos na papel ang mukha. At kung maka-akbay, medyo possessive. Minsang nagkatinginan kami ni Pat ay nagtawanan kaming dalawa, alam kong alam niya ang nangyayari kay Clyde. Kaya ng magtanong ang barkada, umamin na rin kami. Alam n'yo ba ang sabi nila?
"O talaga? That's good. Paabot naman ng ketchup."
Ahaha as if they really expect something like that to happen. Oh, well. They're more than what their beautiful faces can offer. And I'm so glad no one commented on that.
Nakipagkita rin ako kay Xander. He's sad, I know. Pero I did my best para bumalik kami sa dati, as very good friends. Alam ko namang naiintindihan niya, at nagpapasalamat ako na naging supportive pa siya. Only, Sharpay wasn't very happy with that. She's pissed with what happened, pero I explained naman na it's Clyde that I wanted. Siguraduhin ko lang daw na tama ang pinili ko, kundi ipangangalandakan daw niya ang pagkakamali ko. Ok, ang sabi ko. Alam ko namang si Clyde lang talaga ang para sa akin.
I told Mom and Dad (Lewis) about that as well. They didn't seem to care, as long as I'm happy daw. Si kuya Cedie lang naman ang mahilig mag-side comments. Ang pangit naman daw ni Clyde, kesyo daw maputi kaya natipuhan ko. Hindi naman daw ako talaga mahal n'un, at kung anu-ano pa. Alam ko namang nagbibiro lang si kuya, pero ipinagtatanggol ko pa rin ang asawa ko. Walang kahit sino ang pwedeng manglait sa kanya. Wala.
-------
September 27
Ngayon ang 23rd birthday ni kuya Cedie. Sabado ngayon at may klase kami, ngunit nag-submit na lang ako ng excuse slip para maka-attend sa birthday niya. Naaalala ko pa ang puppy dog face na ginawa ni kuya Cedie para mapapayag niya akong sumama. Hindi naman talaga ako nagdalawang isip, pero nagpa-virgin lang ako kunyari. Hahahaha. At ngayon ay nakasakay kami ng van papuntang Quezon. Oo nga pala, pati si Pat kasama namin, at siyempre ang asawa kong si Clyde. Hindi pwedeng wala siya sa tabi ko. Hindi naman nakasama si Alfie dahil may project siyang kailangang gawin.
Si Dad ang nagda-drive, at sa tabi niya naka-upo si kuya Cedie. Tapos si Mom, Mama at Papa ang magkakasama, sila Tito Tristan at Tita Minerva, at si Pat, Clyde at ako sa likod. Bale napapagitnaan ako ng dalawang adonis na ito. Ahahaha.
"Hoy Clyde." ang tawag ni Pat.
"Bakit?" ang sabi niya. Sa halip na sumagot ay hinawakan ni Pat ang kaliwang kamay ko. Nagtataka man ay hinintay ko na lang ang susunod na mangyayari. Tumingin ako kay Clyde, at bahagyang nalukot ang mukha niya sa nangyari. Kinuha din niya ang isa ko pang kamay. Lumingon ako kay Pat at bigla niyang hinalikan ang kamay ko. Teka, ang mga mokong na ito. Bumaling ako kay Clyde at hinalikan din niya ang kamay ko. At nagsalita ako pagkatapos.
"Oi kayong dalawa, magtigil kayo, ha?" ang naaaliw kong sabi. Parang ewan talaga itong mga ito. Ngumiti lang si Pat at hinalikan ako sa pisngi. Kunot-noo ko siyang tinignan at lalong lumuwag ang pagkakangiti niya. Pinagseselos kaya niya si Clyde? Lumingon ako kay Clyde at walang sabi-sabi ay hinalikan ako sa labi.
"Ako ang legal hubby. Kabit ka lang." ang seryosong sabi ni Clyde. Nagkatinginan kami ni Pat at pareho kaming natawa sa mga nangyari. Nakitawa na rin si Clyde. Simula ng sandaling iyon ay puro kwentuhan ang inatupag namin. Pero hindi rin nagtagal ay nakatulog ang dalawang kolokoy, at pareho pa nga silang nakasandal sa akin. Sa kanan si Clyde, at sa kaliwa si Pat. Hay, naman. Hindi na bale, magkakasya na lang ako sa pagyakap sa dalawang real-life teddy bears ko. Ahahaha.
-------
Lewis Residence, Quezon Province
Nasabi ko bang mayaman ang mga Lewis? Utang na loob. I never thought na ganito sila, err, kami kayaman. Akala ko parang bahay ng mga Sinclair, pero hindi. This place is more than just a house. This place could easily pass as a mansion.
From the gate, isang malaking bakuran na puno ng damo at mga halamang alagang-alaga ang bubungad sa iyo. Halatang ginastusan ang pagla-landscape dito. May malaking fountain sa gitna, just before the house's entrance. At ang bahay. It is western-victorinan-esque na may pagka-zen ang itsura. It's just plain extravagant.
Sa daan pa lang ay napag-usapan namin na gagawing isang malaking surpresa ang pagdating ko. Aba, the welcoming of the lost prince ang drama. Bale itatago nila ako until tonight. Abala rin kasi ang mga tao sa mansion, para sa selebrasyon mamaya. Pagtapat namin sa entrance ay sinalubong kami ng isang tauhan (I think all around utusan), ang butler, ang mayordoma, at isang matandang babaeng naka-wheel chair. And by just one look, alam kong siya ang lola ko.
Donya Cresencia Argueles - Lewis.
Bumaba silang lahat maliban sa akin pati kay mama at papa. Tinted naman ang van kaya malamang hindi kami makita sa loob. Narinig ko na ipinakilala si Clyde bilang kaibigan ni Patrick. Sinabi nilang hindi pa rin nila ako nakikita, at nakita kong bahagyang naluha ang Donya. I feel bad about that. May certain weakness kasi ako sa mga matatanda, especially mga nanay at lola. Pero kahit anong udyok sa akin ng puso ko para bumaba sa van ay nanatili pa rin ako sa loob. Kailangan ko lang maghintay ng saglit. Nakita ko namang kinausap ni kuya Cedie ang tauhan. Tumango lang ito at pumasok sa van. Lumapit ako sa bandang unahan upang malaman ang gagawin.
"Magandang hapon po, sa likod po tayo dadaan." ang tanging sinabi ng tauhan. Tumango na lang ako. Pagka-park sa van ay bumaba kami at umikot sa bandang likuran. Mabuti at mabait si kuya manong at binigyan ng payong sila mama at papa at pinayungan ako, pasado 3:00 pm na kasi. Nagpasalamat naman ako, at ngiti lang ang isinukli niya. Mas malawak pa pala sa likod, may malawak na espasyong may mga halaman sa gilid, at may malaking swimming pool sa bandang dulo. May staircase din sa likod papasok sa bahay. Sa baba ng hagdan ay may pintuan. Sa pagkakaalam ko, dito dumadaan ang mga katulong, katiwala, at mga tauhan. Doon kami dumaan. Nangingiti ako sa inaasta ni kuya manong. Bahagya itogng nauuna at tinitignan kung may tao. At kapag walang nakita, hilahin ako para mabilis makarating sa kwarto. Nagtago pa nga kami sa likod ng kurtina. At tawa ako ng tawa ng makapasok sa kwarto.
"Pasensya na po, senyorito. Napag-utusan lang." ang nangingiting tugon niya.
"Ayos lang po, manong. Ano po ang pangalan ninyo?" ang tanong ko sa kanya.
"Alex po, senyorito." ang sabi niya. 'Wag nga kayo. Matanda na si manong, tiyak kong may asawa't mga anak na ito. Dinaldal ko ng dinaldal si kuya manong, at maya-maya pa ay may kumatok sa pinto.
"Senyorito, Senyora, Senyor, pagkain po." ang sabi naman ng isang katulong na babae. Nagpasalamat ako sa kanya, pero dinaldalan ko rin siya. Napag-alaman kong Leny ang pangalan niya. Pinilit naman namin silang dalawang sabayan kami sa pagkain, paano ba naman, ang dami-daming nakahain. Pochero, Menudo, Relyeno, Paella, may fruit salad pa. Pinapataba yata kami ng mga ito. Pilit silang tumanggi, pero mas mapilit ako. Oo, anak ako ng mga Lewis, pero hindi ibig sabihin n'un magmamayaman na ako. Hindi ko ugali iyon. At sa huli, ako ang nagwagi. Nakakahiya naman daw kasi. Eh bakit ba. Sa tingin ko, wala silang kaalam-alam sa pagkatao namin, sumusunod lang sila sa iniutos sa kanila.
-------
"Hey." ang nakangiting bungad sa akin ni Clyde. Nakaidlip yata ako. Ang naaalala ko lang, umalis na ang dalawa, lumipat sa kabilang kwarto sila mama at papa, at nahiga ako sa kama. Oh, well. Ang sarap gumising kapag isang anghel ang agad bubungad sa iyo.
"Hi yourself, handsome." ang nakangiti kong tugon. Hinagkan niya ako sa labi. Niyakap ko naman siya pagka-upo ko.
"Kamusta?" ang tanong ko. At d'un nagsimula ang walang kamatayang kwentuhan. Dumating din si Pat at si kuya Cedie, pero hindi rin nagtagal ay umalis rin ito dahil inaasikaso rin niya ang birthday party niya. Sa tingin ko Cocktails ang theme, o kaya formal. I think kuya is kinda matured na for a swimming party. Nalulungkot daw talaga ang Donya dahil hindi pa raw ako nakita sa tagal ng pag-stay nila kuya Ced sa Bataan. Pero sabi ko nga, mamaya na ang surpresa.
-------
7:30 pm
Lewis Residence
Actually, kanina pang 6:30 nagsimula ang party. Nagdatingan na ang mga bisita, base sa nakikita ko sa bintana. Casual wear lang pala ang required. E kasi naman, sa mga napapanood ko sa T.V. kapag mayaman laging formal. Oh, well.
Nagsuot ako ng isang printed white v-neck shirt, black button jacket (parang tux), white belt, black jeans at white Chuck Taylor. Napaka-generic black-and-white ng suot ko, hahaha. Bakit ba, di ko naman birthday. Pero patingin ko sa salamin, mukha akong Korean. E diba ganito halos ang uso dun? Hehehe. Nagsuot na lang ako ng dog tag para accessory. At inayos ang buhok at tada! Ready na ako.
"Ang gwapo naman ng asawa ko." ang narinig ko mula sa likod. Si Clyde iyon. Ewan ko ba, ang gwapo gwapo niya ngayon. Naka white shirt siya na may blood-red EDGE na print, may black scarf na nakapulupot sa leeg, white belt, black skinny at white shoes. Siguro dahil sa ka-simplehan ng suot niya kaya lalong nakita ang maamo niyang mukha, ang mala-anghel nitong aura at ang nangungusap na mata. Niyakap niya ako mula sa likuran at hinagkan sa pisngi.
"Ayos na ba ito?" ang tanong ko sa kanya. Naka-harap kaming pareho sa salamin. Nginitian niya ako at lalong hinigpitan ang yakap sa akin.
"Kahit ano naman ang isuot mo ay bagay sa iyo. Huwag mo nang isipin iyan. Your face is enough to make them smile." ang sabi naman niya. Tumango ako at umikot paharap sa kanya. He kissed me passionately and sweetly.
"Be a very good boy, Ed. Madaming gwapo sa labas." ang sabi niya. Lalo akong napangiti sa sinabi niya. Ang mokong na ito.
"Don't worry, I'll be a good husband. I promise." ang sagot ko sa kanya. He kissed my forehead, then my nose, then my lips. It's too sweet, I can barely suppress my smile.
"I love you, Ed."
"I love you too, Clyde."
-------
Bago kami lumabas ay kinuha muna ni Clyde ang cellphone niya at nag-dial. Tinawagan niya si kuya Cedrick para sabihing ready na ako. Pagkatapos ng tawag ay lumabas na kami ng kwarto. Sa likod bahay ang reception. Nandun nakaayos ang lahat, ang mga pagkain, lamesa. May mga lamesa rin sa paligid ng pool. At lalo akong kinabahan. Bakit? Ang daming tao. Marahil mga kaibigan, kamag-anak, katrabaho, kamag-anak ng mga tauhan, buong baryo nandito. Bago pa kami makalapit sa staircase sa likod-bahay ay pinigilan ako ni Clyde. Nasa likod kami ng pinto.
"This is it, Ed." ang sabi ni Clyde. Tumango ako. Hinagkan niya ako sa labi at tuluyang lumabas ng pinto. Hindi ko alam kung ano ang aasahan. Matutuwa kaya sila? Magagalit? Magtataka? Huminga muna ako ng malalim, at pinakinggan ang sinasabi ni kuya Ced.
"Magandang gabi po sa inyong lahat. Ako po ay nagpapasalamat na kayo ay nakarating ngayong gabi. Tonight, we celebrate my 23rd birthday. And aside from that, we celebrate something else." ang panimula ni kuya. Ok, this is it.
"Nagpapasalamat ako at lahat kayo ay nanatili sa tabi ko sa loob ng maraming taon. Mga kaibigan, kamag-anak, katrabaho. Kayo ang patuloy na nakapagbibigay-buhay sa mundo ko sa nakalipas na taon. Masaya ako at naging bahagi kayo ng buhay ko. Pero, aaminin ko, pakiramdam ko ay may kulang pa rin sa akin." ang narinig ko. Kuya Cedrick..
"Last year, nalaman ko ang pinakamalaking sikretong itinago ng pamilyang ito." ang sabi niya. Narinig ko ang bulungan ng mga tao. Nagpatuloy si kuya Ced sa pagsasalita.
"Dalawang taon pagkatapos kong isilang, ipinanganak ni Mama ang isang batang lalaking pinangalanang Chase. Marahil alam ng iba sa inyo ang kuwento ni Don Armand Alucard - Lewis. Hindi ko na isasalaysay pa ang kabuuan ng mga pangyayaring ito.." narinig ko ang bahagyang pagpiyok niya. Umiiyak yata si kuya.
"Ang mga pagkakamali ng kahapon ay kailanman hindi mo na mababago. Ang tanging magagawa mo ay tanggapin ang mga aral na bigay nito, at gamitin ang mga aral na iyon sa pagharap mo sa mapangahas na bukas. Maliban sa akin, kay Chuck Axel at kay Cassidy Mae, may isa pang tagapag-mana ng mga Lewis ang matagal na nawala, ngunit ngayon ay nagbabalik. Lola, sorry if we need to make this a secret, but we want to surprise everyone." Pinahid ko ang mga luhang gumuhit sa aking pisngi at huminga ng malalim.
"Nais ko po munang ipakilala ang mga mabubuting loob na nagpalaki, gumabay, at nagmahal sa aking nawalay na kapatid. Maraming salamat po at hindi ninyo pinabayaan ang isa sa mga kayamanan ng pamilyang ito. Ipinakikilala ko po sila Mr. Arkanghel at Mrs. Rodorina Villegas." at narinig ko na nagpalakpakan ang mga tao sa labas.
"At ngayon, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. I, Lord Cedrick Lewis, is proud to introduce to you, the prince of the Lewis clan. Ladies and Gentlemen, please welcome, my younger brother, Edgar Chase Villegas - Lewis." ang sabi ni kuya Cedie. Iyon na ang hudyat ko. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto, at habang bumubukas ang pinto, palakas ng palakas ang tibok ng puso ko.
Isa..
Dalawa..
Tatlo..
Tumayo ako sa taas ng hagdanan, at minasdan ang madlang nakatingin. Napakatahimik ng gabing ito, hindi ko mawari kung bakit. Tinignan ko si Clyde na nakangiti sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya. Akala ko tuluyan nang magiging tahimik ang lahat. Ngunit mula sa isa, naging dalawa, tatlo, ay sunud-sunod at sabay-sabay nilang ginawa ang iisang bagay.
Isang masigabong palakpakan.
[ITUTULOY]
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment