Followers
Thursday, December 23, 2010
THE MARTYR, THE STUPID AND THE FLIRT 6
CHAPTER 6 (The Declaration)
Pahigpit ng pahigpit ang naging pagyakap ni Monty sa baywang ni Ronnie. Paano ba naman. Ang tuling ng pagpapatakbo nito na hindi na niya kayang tingnan ang kanilang dinadaanan. Hindi niya alam kung gaano sila kabilis pero ang sigurado siya ay they are running really fast in the freeway. Buti na lang walang gaanong sasakyan na kasalubong.
Kakatwa naman na nagugustuhan ng husto ng kanyang ilong ang pagsinghot sa amoy ni Ronnie. Natural na lalaki ang amoy nito. Lalaking-lalaki. Ang pagkakadama rin niya sa katawan nito ay sobrang tigas. Parang bakal ang kalamnan nito at sobrang init sa pakiramdam kahit pa nakasuot ito ng jacket. Hinuha niya, batak ang muscles nito sa exercise.
"Monty." tawag nito sa kanya.
"Hmm?" aniya habang nakasubsob pa rin sa likuran nito.
"We're here."
"Huh?"
"Nandito na tayo."
"Saan?" sabi pa rin niyang nakasubsob sa likod nito.
Ronnie chuckled. "As much as I would like to enjoy your honest-to-goodness sniffing, I'm afraid I would have to cut it for our food is waiting Monty."
Parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa sinabing iyon ni Ronnie at napapasong kumalas. Kanina pa pala sila nakahinto ng hindi niya namamalayan. Paano mo malalamang nakahinto na, eh busy ka sa pagsinghot sa likuran ni Papa Ronnie? Sigaw na naman ng bahagi ng isip niyang kapatid yata ni Rubi.
"Ah-ahm. Sorry. K-kanina pa b-ba tayo dito?" mukhang tanga lang niyang tanong. He knew he was beet red. Pero di na niya maitatago iyon. Bumaba siya ng motor at inalis ang helmet na suot. Namangha siya sa nakita. Naroon sila sa isang floating restaurant along the highway. Madadaanan muna ang isang basketball court bago ang dock papunta sa restaurant na nasa malaking bangka na nakadaong sa parteng iyon ng ilog na kumukonekta naman sa dagat.
Di niya mapigilang mapa-wow!
"Did you like it?" tanong ni Ronnie.
"Of course. Who wouldn't Ronnie? Pero teka, baka mahal dito." natatarantang sabi niya pagkatapos mamangha.
"Huwag kang mag-alala. Mura lang dito and besides its my treat." nakangiting sabi ni Ronnie sa kanya sabay kuha sa kamay niya at hinila na siya patungo sa floating restaurant.
Namamangha man ay hindi naman nakaligtas kay Monty ang tila kuryenteng dumampi sa kanya ng hawakan ni Ronnie ang kanyang kamay. Ang hirap tanggihan ng masarap na pakiramdam na dulot ng pagkakadaupang-palad nila kaya naman ninamnam na lamang niya iyon.
Nangingiti pa rin siya hanggang sa makaupo sila sa pinakadulong set ng lamesa. Medyo kubli doon. Tanaw ang malinis na ilog na payapang umaalon. Napakaganda ng ambience kaya naman hindi niya namalayan na kahit naka-upo na sila at magkaharap ang silya ay magkahugpong pa rin ang kamay nila ni Ronnie.
Naiilang at disimulado niyang hinila ang kamay mula rito. Ang kaso, hinigpitan pa ni Ronnie ang pagkakahawak sa kamay niya as if it was his lifeline. Napahugot na lang siya ng hininga ng tawagin nito ang waiter habang pilit pa rin niyang binabawi ang kamay mula rito. But all his efforts were futile.
Hindi naman siya makatingin dito sa hiya ng dahil sa pangyayari kanina. Hindi rin siya makatalak. Ronnie won't let go of his hand. Kaya naman ng dumating ang waiter ay nagbaling siya ng tingin sa ilog. Hindi bale ng magkastiff-neck. Dedma lang. Huwag lang ako makilala ng waiter. Nahihiya siya. Ewan ba niya!
Nang maka-order ito ay saka niya ito tiningnan ng masama dahil naalala niya si Orly. Hindi porke't wala ito sa paligid at may gwapong nilalang na hahawak sa kamay niya ng basta-basta ay basta-basta rin lang siyang papayag. Hell will freeze over kapag nagkasira sila ng Papa Orly niya. With that in mind nag-ready na siyang rumipeke ng talak ng magsalita ito na talaga namang ikinawindang niya.
"Ang sarap ng feeling ng hawak-hawak mo yung kamay ng taong gusto mo no? Parang hawak mo na rin yung mundo. What do you think Monty?" nakangiting sabi nito sa kanya. His eyes tantalizing like that of a raven's feather. Ang initial reaction niyang pagtataray ng dahil sa kapangahasan nito ay naipong lahat sa kanyang lalamunan.
What do I think? I can't think! Huice ko! Hinay-hinay lang naman po! Bakit ba nagkakaganito ang lalaking ito? Litong-lito at tarantang-tanranta na parang panchinco machine ang isip niya sa pinagsasabi ni Ronnie. Naka-drugs yata ito.
But what is he implying? Did he mean those words? Yung linyang ito oh teh, "Ang sarap ng feeling ng hawak-hawak mo yung kamay ng taong gusto mo no? Parang hawak mo na rin yung mundo. What do you think Monty?" Nanginginig ang kamay na kinuha niya ang baso ng tubig sa harapan niya.
Salamat! Salamat! Salamat sa tubig! Nagbubunying sabi ng isip niya. Para kasing natuyuan siya at na-drain lahat ng enegy niya sa katawan at hindi kinaya ng katawang-lupa niya ang kakiligan na naramdaman niya. Naubos niya ang tubig sa baso. Padarag niyang naibaba iyon.
"Monty?" si Ronnie. Naka-kunot noo na.
"R-ronnie. Yung ka-kamay ko, p-please?" he said stammering.
"Bakit? Anong problema sa kamay mo?" takang tanong nito. Hinaplos-haplos pa nito ang ibabaw ng palad niya.
"Ah, baka kasi lamog na siya. Nagtext na sa akin eh. Kanina pa raw siya nasasakal sa iyo." pakwela na lang niyang sabi. Hoping that Ronnie will notice his point.
Natigilan ito. Good! Sinubukan niyang bawiin na ang kamay niya but he won't let go talaga. Kapagkuwan ay nagsalita ito. "Bakit? Ganoon ba ang pakiramdam mo sa akin ngayon Monty? Nasasakal ka na ba sa presensiya ko?" malungkot na tanong nito. Bakas na bakas sa gwapong mukha nito ang kalungkutan.
What the... Saan galing iyon? Bakit may ganoong factor? Bakit napunta sa kanya ang tanong eh kamay niya ang tinutukoy niya? Ganoon pa man ay hindi niya maiwasan
ang sundot ng konsensiya kahit nalilito siya sa eksena ni Ronnie.
"Ah eh, Ronnie. Hindi naman sa ganoon. Bakit mo naman naisip na ganoon ang nararamdaman ko?" nangingiwing tanong niya.
"Wala lang. Baka kasi paraan mo lang iyong pagsasabi noon para iparamdam sa akin na ayaw mo sa presensiya ko eh." malungkot pa ring sabi nito habang nilalaro ang kamay niya.
Iba't-ibang feeling ang bigla na lang nag-unahan sa pagusbong sa kanyang dibdib para rito. Nangunguna na ang awa. Pero nunca niyang ipapakita iyon dito. Mukha pa namang ayaw nito na kinakaawaan ito. Ang laking mama nito at mukhang astigin pa kaya hindi rin bagay na kaawaan.
Napabugha na lang siya ng hangin sa pagsuko. Kung trip nitong lapirutn ang kamay niya, go ahead! Make my day! Masarap naman sa feeling eh. "Don't twist my words Ronnie. Wala akong sinasabing ganyan. Ang sabi ko lang, baka mapilay na yang kamay ko kakalapirot mo."
Natawa naman ito sa sinabi niya. Ngunit kitang-kita niya na hindi iyon umabot sa mata nito. "Pasensiya na ha? Baka kasi matagalan ulit bago ko mahawakan ito kaya lulubos-lubosin ko na." sabi nito saka ibinuka ang palad niya paharap dito at tinitigan siya.
Napapantastikuhan naman siyang nakipagtitigan dito. Strange feelings surrounded his now trembling heart. Hindi sa takot kung hindi sa kakaibang kaba na napukaw ni Ronnie sa kanya. Nagsalita ulit ito habang hawak ang kamay niya at hindi pinuputol ang eye contact nila.
"Alam mo ba kung bakit may gap ang bawat daliri ng tao?" tanong nito.
"H-hindi. Indulge me, Ronnie."
"Para mapunan iyon ng mga daliri ng iyong partner sa buhay." seryosong sagot nito.
Was he professing something? Hindi kaya pinagti-tripan siya nito? But he really looked sincere. Mas mabuti sigurong tanungin na niya ito.
"Why are you doing this Ronnie?" naguguluhang tanong niya rito.
"Ang alin Monty?"
"This. Are you telling me that you have feelings for me?" diretso niyang tanong.
"And what if I am?" patanong na sagot naman nito.
"Don't answer me with another question Ronnie. Naguguluhan ako sa inaarte mo." nakasimangot na niyang sabi.
"Don't frown Monty. Papangit ka niyan sige ka."
"Huwag mo akong utuin. Naiinis na ako."
"All right. Sige, aaminin ko na. Gusto kita." nakataas pa ang kamay na sabi nito.
Hindi siya nakahuma agad sa sinabi nito sapagkat dumating na ang mga inorder nito. Puro mga fresh na seafoods na talaga namang katakam-takam ang pagkaluto. Lalo na ang mga alimango na naglalaway pa ang taba mula sa katawan.
"Thank you." anito sa waiter ng ma-i-serve na ang lahat pati na ang drinks nila. Nagmistulang fiesta sa lamesa nila sa dami ng order nito. Pansamantalang nawala ang atensiyon niya sa kakatapos pa lang na rebelasyon nito.
"Ang dami nito. mauubos ba natin lahat iyan?" natatawang sabi niya. Linuha niya ang naka-tissue pang kubyertos para simulan na sana ang pagkain ng sawayin siya nito.
"Hep! Hep! Magkakamay tayo." saka ito tumayo para maghugas ng kamay sa sink na malapit sa kanilang mesa. Nahihiyang sumunod siya rito.
Matapos makapaghugas ay nagdasal muna ito. Ganoon din siya. Nang matapos ay talaga namang buong kagalakan itng nagsandok ng kanin para sa kanya. Naaaliw na pinagmasdan niya ito.
"Tama na yan. Masyadong marami. Kukuha na lang ulit ako." awat niya rito.
"Sus, ang konti pa nga niyan. Patatabain kita sa mga dates natin." masayang sabi nito sa kanya.
Natigilan si Monty sa sinabing iyon ni Ronnie. Naalala niya ang pagtatapat nito. Nag-aalangan na sumubo siya pagkatapos kumurot sa grilled hito na nakahain.
"Ah Ronnie. Bakit mo ako gusto?" alanganing tanong niya.
"What is there not to like?" sagot nito.
"Eh kasi ano..." namimilipit halos na sabi niya.
"Eh kasi, may boyfriend ka na?" pagtatapos nito sa sinasabi niya.
"O-Oo." alanganin siyang ngumiti.
"So anong problema?" nakangiti pa ring sabi nito.
"Eh, mahal ko yung boyfriend ko." sagot niya sa tanong ni Ronnie.
"Hay naku. Hindi naman kita inaagaw sa kanya eh. Sinabi ko lang na gusto kita." magiliw pa ring sabi nito.
"O-okay lang yun sa'yo?"
"Gusto mong malaman ang totoo?" sagot nito.
"Huwag na lang." naduduwag na sabi ni Monty. Para kasing ayaw niyang marinig yung magiging sagot nito. Baka di na niya kayanin.
"Sure." sabay kuha nito ng alimango at binali iyon sa gitna.
Parang may bitterness yung pagkakabali.
"Kilala mo ba yung boyfriend ko, Ronnie?" tanong niya after ng ilang minutong pananahimik.
"Who wouldn't? Orly the Team Captain? C'mon Monty, give your guy some credit. Sikat kaya yun." natatawang sabi nito.
"Alam ko naman yun eh, natanong..."
"But I don't want you to talk about him kapag kasama mo ako. Paki-usap lang sana." awat nito sa dapat ay sasabihin niya.
"I'm sorry." napapahiyang sabi na lang niya rito. OO nga naman teh. Sampal naman sa kanya yun di ba?.
"No. Don't be. Pasensiya na rin kung nagdedemand ako sayo. Pero masakit kasi sa tenga na ibang lalaki ang binabanggit mo samantalang ako ang kasama mo. Nakakaselos." nakangiti man ay kita niya sa mata nitong totoo nga iyong sinabi nito.
"Unless, gusto mo ng makipag-break kay Orly ngayong alam mo ng gusto kita." pagpapatuloy nito.
Muntik na siyang masamid sa diretsang pahayag nito. Grabe naman itong lalaking ito. Sa isip-isip niya. Wala man lang pasakalye.
"That is very unlikely to happen Ronnie." aniya ng makabawi.
"Alam ko naman yun eh." malungkot na sabi nito.
"Saka anong tingin mo sa akin? Kaladkarin? Hindi porke gwapo ka at gusto mo ako eh sasama agad ako sa'yo kapag niyaya mo ako. Magagalit si Lola Maria Kearse este Maria Clara ko uy!" he said in between chewing his food.
"Hindi ko naman sinabing ganoon ka." malungkot pa ring saad nito.
"Joke lang yun Ronnie. Ano ka ba? Marami diyan sa paligid. Totoong girls pa. O di kaya andyan si Dalisay. Yung friend ko. Bagay kayo nun." pag-kokonsola niya rito.
"Huwag ka ng mag-effort pa Monty. Salamat na lang." matipid itong ngumiti saka sumubo ulit ng pagkain.
"Bakit? Ayaw mo kay Dalisay?" tanong niya.
"Kung hindi rin lang ikaw, huwag na lang. Kaya nga susugal ako sa sampung dates na ito eh. Baka sakali lang, mabago ko ang isip mo. Sa akin mo naman ibaling ang pagtingin mo."
Natigagal siya sa sinabi ni Ronnie. Ganoon ba siya kagusto nito? But why? Oh my gulay! Wikikik niyang makeribells ito. Hay!!!
Napalunok siya bago magsalita. "Wala akong masabi Ronnie."
"You don't have to say anything. Just give me a chance please."
"Ayokong paasahin ka." sabi niya.
Hinawakan nito ang kamay niyang hindi ginagamit sa pagkain gamit ang isa nitong kamay. "Don't you like me too?" tanong nito sa kanya.
"I do." sagot niya.
"Iyon naman pala eh..."
"Pero bilang kaibigan lang." putol niya rito.
Natigilan ito. Binitiwan ang kamay niya at yumuko. Nakonsensiya naman siya pero kailangan niyang protektahan ang relasyon nila ni Orly. Bago pa lang ito. At ang mga katulad ni Ronnie ay isang malaking distraction lamang. As in capital D.
Nag-angat ito ng paningin at ngumiti ng mapait. "Okay. Sige." sabi nito kapagkuwan.
"Okay na friends na lang tayo?" tanong niya.
"Nope, I don't want to just your friend. I want you for myself Monty. Itaga mo iyan sa bato. Kapag natutunan mo akong mahalin, I will rock your world. Promise yan." sabi nito sabay kindat sa kanya. Nagbalik na rin ang ngiti nito sa labi at ang sigla nito.
"But I won't give up Orly, alam mo iyan." naguguluhang sabi niya.
"Of course I know that. Pero nangako ka na tutuparin mo iyon ten dates natin. So iyon ang gagamitin ko para..." pambibitin nito sa sinasabi.
"Para?"
"para agawin kita sa kanya." pagtatapos nito.
"What?" napapantastikuhang sabi niya.
"Yup! You heard it right! Aagawin kita sa kanya." then he winked at him and smiled mischievously.
As for Monty. His heart did a somersault three times over ng dahil sa kindat, ngiti at pahayag na iyon ni Ronnie.
Itutuloy...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
....how true????????
ReplyDelete....Alam mo b kung bakit my gap ang daliri ng tao
...para mapunan un ng kamay ng kapartner mo sa buhay.
.... pasaway naman tong ronie n ito.