Followers

Showing posts with label Ang Tutor. Show all posts
Showing posts with label Ang Tutor. Show all posts

Wednesday, December 21, 2011

Ang Tutor 7




***************Tuesday 5:00am**************


"Matt! Ano tong napasukan mo?" Ang bulong ni Matt sa kaniyang sarili sabay sip niya ng kaniyang coffee. Nakatayo pa din siya sa harap ng gas stove habang nakatingin siya sa iniinit niyang ulam. Maagang gumising kasi si Matthew para siya makapagPrepare ng kanilang Lunch ni Jenny sa School at para na din makaPagBreakfast si Arthur bago ito umalis papuntang office. 

Slight na hindi nakatulog si Matthew last night dahil talagang nabigla siya sa all out pagAdvance ni Arthur sa kaniya. Hindi mapaliwanag ni Matthew sa kaniyang sarili kung bakit Yes nalang siya ng Yes kagabi. Napakagat si Matthew ng kaniyang lips at napaSmile. Hindi talaga niya expected na hahantong sa ganong level ang magiging relationship niya kay Arthur.

Noong una'y nagApply lang siya bilang Tutor ni Jenny at talaga namang nagGive up siya nang malaman niyang Female Tutor ang kailangan nina Arthur but all of a Sudden nalang ay kinuha siya ni Arthur and now nga ay nasa alanganing situation itong si Matthew.

Gustong bawiin ni Matthew ang kaniyang 'Yes' na sinabi niya kay Arthur kagabi pero deep inside ay tumatalon ang kaniyang puso dahil sa labis na kasiyahan. He liked Arthur Bigtime and kagabi nga ay nalaman niya directly from Arthur na like din siya nito.

Aminado naman si Matthew na Crush niya at gusto niya ang kaniyang Boss pero nag-Aalanganin talaga siya because of Jenny. Ang tanging nakakaalam lang ng kanilang set-up ay silang dalawa lang mismo ni Arthur.

Alam na alam ni Matthew ang pwedeng kaharaping challenge ni Jenny kapag nalamang bisexual at may kaSame Sex relationship ang kaniyang Daddy. Hindi pa talaga Open Minded ang mga Pinoy sa Same Sex Relationship and at the young age of Jenny ay baka maTrauma lang ito sa mga pambabatikos ng mga tao sa kaniyang Daddy at talaga namang malaki ang possibility and chances na maging target si Jenny ng mga tukso.

NagSigh na lamang ni Matthew dahil mahirap ilantad sa public ang Relationship nila ni Arthur. Gustong tuktukan ni Matthew ang kaniyang sarili dahil hindi muna siya nag-isip-isip bago mag-Yes kay Arthur.

"One Week. Let's See."Ang sinabi ni Matthew sa sarili at talagang titignan at pakikiramdaman niya kung mgwoWork-Out talaga ang kanilang secret relationship ni Arthur. Nakasanayan na ni Matthew na kausapin ang sarili pagnalalagay siya sa mga situation na may kinalaman ang kaniyang pagiging isang Bisexual dahil talaga namang napakaDiscreet niya at wala talaga siyang kinakausap regarding that matter.

"Hindi kana makapaghintay ano?" Ang biglang sabat ni Arthur nang makapasok siya sa Kitchen. Narinig niya ang sinabi ni Matthew. NapaSmile siya nang makita niyang nagulat si Matthew and Umubo-ubo pa ito dahil nasamid siya sa kaniyang iniinom na Coffee.

Just like Matthew ay sligt din na hindi nakatulog si Arthur kagabi pero kabaligtaran ang kaniyang nararamdaman. Bothered si Matthew pero Excited and happy naman si Arthur sa kanilang One-Week trial period. Talagang business minded si Arthur sa lahat ng bagay.

"Bakit di ka makasagot?" Ang nakaSmile na tanong ni Arthur kay Matthew habang pumupuwesto siya sa kitchen table. NakaUsual get up ni si Arthur at ready na ito pumasok sa office dahil maaga din siyang gumising at nagPrepare.

NakaSmile pa din siya kay Matthew at talagang tinitignan niya ito ng napakalagkit. Ang naisip na plan kasi nitong si Artur ay itutuloy lang niya ang kaniyang all out assault kay Matthew at sasamantalahin niya ang pagkakataong nakaPenetrate siya sa defense system nito but He didn't know ay nagPlano na rin pala itong si Matthew sa kanilang One week na trial period .

Nahalata ni Matthew na nagpapaImpress ito dahil nakita niyang sinadyang iFlex ni Arthur ang mga biceps nito. Mas hihigitan pa niya itong si Arthur sa pagpapaImpress at talaga namang magiging all out siya within this week ng pagiging sila. Lumunok ng laway muna si Matthew bago nagsalita.

"Ginulat mo naman ako. Gusto mong magCoffee?" Ang tanong ni Matthew kay Arthur para ibahin ang usapan saka niya binigyan ng isang sweet na smile si Arthur. Hinding-hindi siya magpapalamang kay Arthur.

"Yup. A Cup just like yours." Ang masayang sagot naman ni Arthur. Kumunot ang noo ni Matthew dahil hindi pa naman niya napagtitimpla ng Coffee si Arthur and madaming ayaw sa Coffee na tinitimpla niya. Ang gusto kasing Coffee ni Matthew ay napakaSweet.

"Hindi mo pa naman natitikman ang Coffee ko ah." Ang nagtatakang sambit ni Matthew kay Arthur.

"Natikman ko na kaya. Matamis kang magtimpla diba?" Ang nakakalokong sagot ni Arthur na lalong ikinaCurious ni Matthew.

"Bakit alam mo? Sinisimot mo ba yung natira ko?" Ang tanong muli ni Matthew kay Arthur. Medyo naiinis na siya kay Arthur.

"Nope." Ang mabilis na sagot ni Arthur sabay lapat niya ng kaniyang isang index finger sa kaniyang lips and then kinindatan niya si Matthew sabay ngiti. Lumabas ang dalawang malalalim na dimples sa Cheeks ni Arthur.

NaGets ni Matthew ang nais ipahiwatig ni Arthur sa kaniya. Bigla siyang namula sabay talikod at kuha ng isang mug sa kitchen counter para ipagtimpla ng coffee si Arthur. Naalala ni Matthew na nagkoCoffee nga pala siya that time when Arthur Kissed him. Doon nalasahan ni Arthur ang Coffee na iniinom ni Matthew. Lalo pang namula si Matthew nang maalala niya na hindi niya napigilang magReact sa kiss ni Arthur. Naglevel up ang pagkaConcious ni Matthew at gustong niyang tumakbo from the kitchen dahil ramdam na ramdam niya na nakatingin pa din si Arthur sa kaniya.

Enjoy na enjoy si Arthur habang tinitignan niya itong si Matthew habang nagtitimpla ng kape. Ilang beses na nabitawan ni Matthew ang teaspoon dahil sa pagiging clumsy. Ganoon talaga si Matthew pagnakoConcious. Ngumisi itong si Arthur at tumayo sa pagkaka-upo para lapitan si Matthew.

Napatigil si Matthew sa kaniyang ginagawa dahil kahit na nakaharap siya sa kitchen counter at nakatalikod kay Arthur ay naramdaman niya ang paglapit nito sa kaniya. Napigilang mapatalon sa gulat ni Matthew nang hinawakan ni Arthur ang kaniyang dalawang kamay. Arthur guided the hands of Matthew para ibaba ang hawak-hawak nitong Cup na pinagtitimplahan niya ng Coffee.

Idinikit ni Arthur ang kaniyang well defined chest sa likod ni Mathew and marahan niyang idinampi ang kaniyang lips sa batok ni Matthew. Napakislot si Matthew sa ginawa nitong si Arthur at biglang napaharap siya dito.

"Bakit ka nagblaBlush?" Ang mahinang bulong ni Arthur kay Matthew. Tuwang-tuwa pa din si Arthur sa pagiging upperhand niya kay Matthew. "Wrong move." Ang pumasok sa isip ni Matthew dahil magkaharap na sila ngayon ni Arthur.

"Gusto ko talaga ang sweet taste ng Coffee mo." Ang nakaSmile na bulong ni Arthur at kaniyang hinawakan sa dalawang braso si Matthew and slowly he advance his head towards Matthew para halikan niya muli at matikman ang sweet coffee taste ng mga lips ni Matthew.

"Morning Sir Arthur! Morning Sir Matt!" Ang boses ni Deborah na narinig nina Arthur and Matthew na kanilang ikinatalon dahil sa sobrang pagkagulat. Mabilis na kumalas at lumayo si Arthur kay Matthew. Humahabol ang pula ng mukha ni Arthur kay Matthew habang tinitignan niya si Deborah na naglalakad.

Nakapikit itong si Deborah na pumasok sa kitchen at hihikab-hikab pa at kinukusot-kusot pa nito ang kaniyang dalawang mata kaya hindi niya nakita kung anong ginagawa nina Arthur at Matthew.

"Anyare?" ang tanong ni Deborah sa dalawa. Hindi napigilan kasi niyang magtanong dahil kapansin-pansin ang shocked faces nina Arthur and Matthew. Nakahinga naman ng maluwag ang dalawa ang dalawa dahil Clueless si Deborah sa pagko-'Coffee' ni Arthur.

"Magkape ka na." Ang mabilis na sambit ni Matthew kay Deborah sabay balik niya sa harap ng kalan para patayin na ang gas stove. Habang priniPrepare na ni Matthew ang breakfast ni Arthur at ang pack lunch nito at ni Jenny ay napapaSmile na lamang sina Matthew and Arthur to each other everytime na magkakasalubong ang kanilang mga eyes.

After na makapagBreafast ni Arthur ay kaagad siyang tumayo from the kitchen table at nagKiss kay Jenny at binigyan lang niya ng isang pat sa likod si Matthew.

"Take Care kayo dito." Ang sambit ni Arthur sa kanila and then lumabas na ito sa kitchen. Pumunta muna si Arthur sa Coffee table sa sala kung saan niya inilalagay ang money na panggastos nina Matthew and Jenny for the whole day. Kinuha niya ang kaniyang wallet at dumukot ng pera at nang buksan niya ang drawer ng coffee table ay laking gulat niya nang makita niya ang P1000 bill na iniwan niya Yesterday.

Biglang napaisip itong si Arthur dahil that time lang na sumagi sa isipan niya ang mga Groceries na nasa kanilang pantry at ang mga nakalagay na perishable goods sa kanilang fridge. Medyo napag-isip-isip siya at ang kaniyang naisip na idea ay baka nag-abono si Matthew. Iniwan nalang ni Arthur ang pera na panggastos for today kasama ng P1000 na bill na kaniyang nakita at lumabas na siya ng bahay. Pag-uwi na lang niya tatanungin si Matthew tungkol sa money. Ang totoo'y nawala sa isip ni Matthew ang perang iniwan ni Arthur sa coffee table dahil when it comes to money ay nasanay si Matthew na dumukot ng pera sa sarili nitong bulsa or gamitin ang kaniyang Credit Card.

"Sir Wait!" Ang tawag ni Deborah kay Arthur. Inilalagay na ni Arthur ang kaniyang nakahanger na polo barong sa backseat ng kaniyang car.

"Ano yun?" Ang tanong ni Arthur kay Deborah. Medyo hindi pa din sanay si Arthur na may bago silang maid.

"Baon po n'yo. Nakalimutan ninyo. Buti nalang naalala ni Sir Matt." Ang sambit ni Deborah. Napataas naman ng kilay itong si Arthur.

"Di ba pinsan mo si Matt? Bakit 'Sir' ang Tawag mo?" Ang curious na tanong ni Arthur. Biglang natigilan si Deborah. Nagmamadaling niReview ni Deborah ang story na sinabi sa kanya ni Matthew about their fake identities.

"Ah eh. Yun po kasi ang tawag naming lahat kay Matt. Kasi po nag-aral po siya ng pagiging teacher." Ang nauutal-utal na palusot  ni Deborah. Pilit na hindi ipinakikita ni Deborah kay Arthur na guilty siya sa kaniyang pagkakadulas at nagdadasal siyang huwag sanang makahalata ang kaniyang bagong amo.

"Ganoon ba. Pakitawag naman si Matt. Sabihin mo buksan niya kamo ang gate." Ang nakangiting sambit ni Arthur kay Deborah. May naiisip na naman kasi itong si Arthur.

"Ako na lang sir." Ang volunteer ni Deborah.

"Si Matthew nalang. Sabihin mo sa kaniya na gusto ko ulit na magCoffee." Ang nakangising sambit ng pilyong si Arthur. Tinignan bigla siya ni Deborah ng masinsinan at napaghalata ni Arthur na clueless ang kanilang maid sa kaniyang sinabi.

"Basta alam na niya yun." Ang sinabing sunod ni Arthur kay Deborah sabay bukas niya sa pintuan sa driver seat ng kaniyang car at saka siya sumakay dito. Nagkibit balikat na lamang si Deborah.

"Whatever." Ang narinig ni Arthur na sinambit ni Deborah bago ito pumasok sa loob ng bahay. Natatawang umiling na lang itong si Arthur sa kanilang bagong maid.

Wala pag ilang minutes ay lumabas na si Matthew from the house at diredirecho ito sa gate at mabilis niya itong binuksan. Tinawag ni Arthur si Matthew from his car nang hindi ito umalis sa tabi ng kanilang bukas na gate.

"Bakit?" Ang tanong ni Matthew kay Arthur nang dumungaw siya sa bintana ng car. Nakasmile itong si Matt dahil sa sinabi sa kaniya ni Debora na gustong magCoffee ulit ni Arthur. Akmang ikiKiss na siya ni Arthur nang walang pasabing lumayong bigla itong si Matthew sabay tawa ng malakas. Napakunot naman ng noo itong si Arthur sa kaniyang ginawa. NapaSmile na lamang si Arthur.

"Take Care." Ang masayang sambit ni Matthew kay Arthur. Masayang-masaya si Matthew dahil naisahan niya si Arthur. Ang plan ni Matthew na itiTease niya si Arthur sa mga pagAdvance nito sa kaniya.

"Take Care too." Ang nakaSmile na reply naman ni Arthur Sabay patakbo niya ng kaniyang car papalabas ng gate. Tahimik na tinitignan lang ni Matthew ang rear ng papalayong car ni Arthur. Hindi maitatanggi ni Matthew sa kaniyang sarili ang Extreme Bliss na ibinigay sa kaniya ni Arthur.

"I do hope for the best." Ang mahinahong nasabi ni Matthew sa kaniyang sarili habang isinasara niya ang gate. He is looking forward and crossing his fingers na maging possitive sana ang outcome ng one week trial period nila ni Arthur.


*********************8:00am-3:00pm**********************


Naging excited ang buong tropa ng mga Yayas and Maids nang magAnnounce and manghingi ng help sa kanila si Matthew para sa darating na birthday party ni Jenny. NagExplain si Matthew sa kaniyang mga naging kaClose na mga Yayas and Maids na hindi present ang daddy ni Jenny sa birthday nito kaya nama'y gusto niyang maging masaya si Jenny sa araw na iyon.

Nagbigay ang buong group ng full support and pledge of confirmation na 100% silang tutulong sa day ng birthday party ni Jenny this coming Saturday. Buong day silang nagPlan and nag Assign ng mga committee para maging maayos ang birthday party. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagkaroon ng mga assignment ang mga yayas and maids sa kung anong gagawin nila sa darating na Sabado. Nagkaroon ng mga tagaligpit, taga serve, taga entertain, nagkaroon ng program dahil ibinida ng ibang yayas ang talent ng kanilang mga alaga. Laking gulat din ni Matthew nang napa-Yes ng isang Yaya ang teacher ni Jenny na maging Emcee ito sa Party.

Hindi na nagExert ng effort si Matthew sa planning dahil nakita naman niyang organize ang ginawang plan ng mga Yaya at 100% sure siyang maganda ang magiging outcome nito. That time din ay nagdecide si Matthew  sa kaniyang sarili na hindi lamang niya iheHeld ang Party for Jenny's Birthday but it will also be a party for those hard working na mga Yayas and Maids na naging kaClose and kaTropa na din niya. Wala namang masama kung gawin niyang malaki ang Party dahil wala naman itong si Arthur this Saturday.

Halos ang bukambibig ng mga Yaya's and Maids ay excited na sila sa darating na Saturday. Mas excited pa sila kay Jenny nang dumating na ang uwian. Hindi na nagawang maging isang surprise ito kay Jenny dahil may isang Yaya ang nadulas. Tuwang-tuwa naman itong si Jenny sa gagawing Birthday party niya sa Saturday pero pinagPromise siya ng kaniyang Tito Matt na huwag sasabihin ito sa kaniyang Daddy. NagPromise naman si Jenny na magiging Secret nila ang gagawin nilang Birthday Party sa Saturday.


************************7:30pm************************


Napasalampak si Arthur sa Sofa nang dumating siya sa bahay. Napakadami niyang trinabaho buong day sa office at walang tigil itong si Katrina sa kakaistorbo sa kaniya. Kinulit siya ng kinulit ni Katrina para tanungin kung saan sila pupunta at kung ano ang pag-uusapan nila ng kaniyang Daddy this coming Weekend.

Kahit na ano pang pagpupumilit ni Katrina kay Arthur to spill out the info ay nabigo ito dahil mahigpit na pinagbilinan ng kanilang President si Arthur na huwag sasabihin kaninuman or even kay Katrina kung ano ang magiging itinerary nilang dalawa. Kahit na nagalit-galitan pa at nagTantrum si Katrina ay walang effect ito kay Arthur.

NaGiveUp na lamang itong si Katrina kaya ang ginawa nalang niya sa Office ay maghapong dumikit kay Arthur na ikanaDouble naman ng Stress naman ng isa. Mas lalo pang naStress si Arthur nang papauwi na siya dahil nagkaroon ng Heavy Traffic sa EDSA dahil may dalawang bus na nagbanggaan.

Hinayaan muna nina Matthew si Arthur na makapagRelax ito for Fifteen minutes bago nila inaya na itong magDinner. Hindi pa din sila nagdiDinner at hinintay nila si Arthur na makauwidahil ayaw kumain ni Jenny hanggang wala pa ang kaniyang Daddy Arthur sa bahay. Laking gulat ni Arthur nang makita niyang nakaHain na ang Dinner sa table ng Dining Area nila sa bahay. Ang akala ni Arthur ay sa kitchen sila kakain.

"Si Jenny ang nagsabi na dito kakain." Ang biglang sambit ni Deborah dahil napatingin sa kaniya si Arthur. Medyo guilty pa din si Deborah sa kaniyang pagkakadulas kaninang morning.

"Yes Daddy! Let's eat here. Miss ko nang magDinner dito kasi." Ang masayang sambit ni Jenny sabay hila niya sa kamay ni Arthur.

"Bakit dalawa lang ang plate?" Ang sambit ni Arthur. Nagtaka naman sina Matthew at Deborah.

"NagDinner na ba kayo?" Ang sunod na tanong ni Arthur sabay tinggin kina Matthew and Deborah.

"Later na lang." Ang sambit ni Matthew.

"Nope." Ang sambit naman ni Deborah. Tinignan ng masama ni Matthew itong si Deborah.

"Mamaya na lang kami Sir." Ang biglang bawi kaagad ni Deborah kay Arthur.

"Kumuha na kayo ng plato. Sabayan ninyo kami ni Jenny." Ang matigas na utos ni Arthur sa dalawa.

"Mas happy kung madami!' ang second motion naman ni Jenny. Tinignan ng seryoso ni Arthur sina Matthew and Deborah at walang nagawa naman sila dahil radam na ramdam nila ang pagiging Amo ng aura ni Arthur.

"Part na kayo ng Family." Ang pahabol na sinabi pa ni Arthur glaring at Matthew sabay ngiti. NagSmile back si Matthew.

"Thank You." Ang mahinang naisagot na lamang ni Mathhew kay Arthur. Mas lalong naging Charming sa kaniyang paningin si Arthur. Gentleman na Gentleman itong si Arthur tonight.

Sa bawat subo ng food at sa bawat kwento ni Jenny ay nawawala at bumababa ang stress level ni Arthur at mas lalo pang naging relax si Arthur nang bumanat na si Deborah at nagkwento na tungkol sa mga Showbiz News  at sa mga story ng mga telenovelang pinapanood niya. Halos mag-iisang oras na ang kanilang masayang dinner nang tumunog ang phone ni Arthur. Biglang napasimangot si Arthur nang makita niya sa caller ID na si Katrina ang tumatawag.

"Hello." Ang natatamad na sagot ni Arthur sa kaniyang phone. Naging tahimik lang ang buong mesa hanggang sa iEnd ni Arthur ang call. Lumungkot ang face ni Jenny nang tinignan siya ng kaniyang Daddy. Narinig kasi ni Jenny ang kaniyang Daddy na nagsabing "Just wait for me and i'll be there." habang kausap nito si Katrina sa Phone. Alam na ni Jenny na aalis na naman ang kaniyang Daddy. Na Gets din ni Matthew ang scenario. Helpless na nagSigh si Arthur dahil kahit siya ay tinatamad din.

"NagpapaDrive si Katrina at may pupuntahan daw siyang Batchelorette Party. Hindi daw available ang Driver ng Daddy niya" Ang helpless na sinabi ni Arthur. Naranasan na kasi ni Arthur na ipagDrive si Katrina nang pumunta ito noon sa isang Batchelorette Party. Ibinababa lang niya si Katrina sa Venue at umuwi na siya dahil hindi siya pwede sa Party.

"Hindi pa siya pwedeng magTaxi?" Ang slight na naiinis na tinanong ni Matthew, Umiling lang si Arthur. Sobrang arte ni Katrina kaya ayaw nitong sumakay ng public vehicles and kahit na marunong itong magDrive ay hindi ito nagdriDrive. NagSigh ulit si Arthur at talaga namang bumagsak ang mukha't balikat nito. Ang gusto lang ni Arthur ay maEnjoy ang buong evening sa bahay.

"Eh di kay Dodong nalang." Ang walang idea na nasambit ni Deborah dahil kahit siya'y parang naging affected sa pagkaUpset ng aura sa buong mesa. "Wala namang ginagawa yun eh!" Ang dagdag pa nito. NapaSmile si Matthew sa sinabi ng kanilang Maid.

"Oo nga! Kay Dodong na lang." Ang masayang sambit ni Matthew sabay tinggin kay Deborah then kay Arthur.

"I miss Tito Dodong!" Ang biglang sambit ni Jenny. Biglang nagkaroon ng isang malaking question mark sa mukha ni Arthur dahil siya lang ang hindi nakakakilala kay Dodong.

"Isang Cousin namin. Driver yun." Ang sambit ni Matthew kay Arthur nang mapansin ang pagkaClueless nito.

"Saan mo susunduin si Katrina?" Ang tanong ni Matthew kay Arthur.

"Sa Condo nila." Ang nagtatakang sagot ni Arthur. Tinignan lang niya si Matthew habang inilabas nito sa bulsa ang iPhone nito.

"Dong, Anong ginagawa mo?" Ang sambit ni Matthew sa kaniyang phone. Tahimik lang na nakikinig sina Arthur kay Matthew.

"Wala ka naman palang gawa. IpagDrive mo naman ang friend ng Daddy ni Jenny. Text ko sayo ang Address kung saan mo siya susunduin. Sabihin mo na ipinadala ka ni Sir Arthur ha." Ang sunod-sunod na sambit ni Matthew then afterwards ay inEnd na niya ang kaniyang call.

"Give me the Address." Ang sabi ni Matthew kay Arthur. Kaagad namang ibinigay ni Arthur ang Address ni Katrina na ipinadala naman ni Matthew kaagad via text message kay Dodong.

"Tapos ang problema." Ang natatawang sambit ni Matthew sa table nang makita niya ang confirmation na message sent. Pumalakpak naman itong si Jenny.

"Mapagkakatiwalaan ba naman yung Dodong na yun?" Ang medyo concern na tanong ni Arthur kay Matthew dahil malalagot siya sakali mang may masamang mangyari sa one and only daugter ng kanilang president.

"Mabait si Tito Dodong!" Ang sambit ni Jenny sa kaniyang Daddy.

"Nung wala ang mga amo ni Cousin Dodong eh pinagDrive kami nun." Ang nakangiting sambit ni Matthew para suportahan ang sinabi ni Jenny. Hindi pa din Satisfied si Arthur.

"Mas mayaman pa ang amo ni Dodong kaysa sa buong Village ninyo Sir." Ang dagdag ni Deborah. Biglang napatawa si Matthew sabay tinggin kay Deborah. Umiling-iling na lamang si Arthur sa tatlo. Balak niyang tawagan si Katrina na may ibang magdriDrive sa kaniya kaya lang ay nawalan na siya ng gana kaya naisip na lamang niyang itext ito. Pagkapadala niya ng message ay agad niyang pinatay ang kaniyang phone at itinuloy na nila ang kanilang naDisturb na masayang dinner. Nakalimutan na ni Arthur na tatanungin nga pala niya si Matthew about sa P1000 na nakalimutan nito sa Coffee table.


**********************Wednesday thru Friday******************


Naging routine at code na ni Arthur na magAsk ng 'Coffee' kay Matthew sa tuwing gusto niya itong iKiss sa lips. Dahil sa pagiging persistent ni Arthur at sa kaniyang pagpapaCute kay Matthew ay nakakaScore siya kaya nama'y nakakapag 'Coffee' siya everytime na pagbubuksan siya ni Matthew ng gate tuwing umaga three days in a row. Naging at-ease na din naman si Matthew at ibinaba na niya ang kaniyang defense mechanism dahil suko siya sa mga atake nitong si Arthur.

Pagdating naman sa gabi after dinner ay nakagawian na nilang dalawang Literal na magCoffee pagkatapos magTutor ni Matthew kay Jenny para pag-usapan kung ano ang nangyari sa buong day nila. Hindi na sumagi pa sa isipan ni Arthur na tanungin si Matthew about dun sa P1000 or even sa Salary nito. Hindi din sumagi sa isipan ni Matthew ang kaniyang Salary dahil napakaBusy niya preparing for Jenny's Birthday.

Bago naman sila matulog ay nagreRequest si Arthur ng 'Coffee' kay Matthew na masayang binibigay naman niya kay Arthur. Nag-iingat na silang dalawa since nung incident na pumasok si Deborah sa kitchen habang magko 'Coffee' sana si Arthur. Pahug-hug lang, smack sa cheeks, pisil sa balikat, akbay lang ang nagagawa ng dalawa at ang pinakamataas na level ng kanilang pagpapakita ng affection sa bawat isa ay ang 'Coffee' session ni Arthur with Matthew.

Kapag naman medyo nagiging hot na si Arthur at gumagapang na ang mga kamay nito kay Matthew ay kaagad namang kumakalas si Matthew at pinapaalala nito na they're in the middle of their one week trial period at kapag nangulit si Arthur ay kusa ng lalayuan ni Matthew ito dahil baka hindi na din niya matiis at bumigay na din siya pero nagPromise siya kay Arthur na kapag nagWork out ang kanilang secret relationship pagkatapos ng One week trial period nila ay higit pa sa pagko-'Coffee' ng iseServe niya kay Arthur. Looking forward talaga si Arthur on that day at talaga namang nangGigil siya minsan kay Matthew. Ganoon din naman minsan ang nararamdaman ni Matthew towards Arthur.


************************************


Medyo nagtaka din si Arthur sa kaniyang work at naBothered siya nang sa loob ng tatlong araw ay hindi siya kinulit or inistorbo ni Katrina which is very unusual kaya naman one time ay tinawagan niya si Katrina sa line nito sa office to invite her for lunch. Nakahinga naman ng maluwag si Arthur nang pumayag si Katrina. Nag-aalala kasi si Arthur na baka nagalit si Katrina sa kaniya nang hindi niya ito naipagDrive sa Bachelorette Party.

Weird na weird si Arthur kay Katrina at talaga namang nanibago siya dito habang naglaLunch sila. Every five minutes ay tumutunog ang text alert message ng phone nito at hindi ito nag-aaksaya ng panahong magpadala ng reply with matching smiling face pa. Paghindi naman nagteText si Katrina ay para bang hindi ito nakikinig sa sinasabi ni Arthur at mukhang lumilipad sa ere ang isipan nito.

Kung dati'y si Arthur na ang nagmamakaawa kay Katrina sa pagpapaalam na babalik na siya sa kaniyang office ay kabaligtaran naman ang nangyari during sa LunchDate nila. Si Katrina na ang nagInitiate na kailangan na nitong bumalik sa office at nang nagConfirm si Arthur ay mabilis pa sa alas-Kuwatrong tumayo si Katrina from the table at lumabas ng Resto at habang naglalakad ito ay napansin ni Arthur na nagtetext ito. Nagkibit balikat na lang si Arthur sa weird behaviour ng anak ng kanilang President.


***************************************


On the part naman ni Matthew ay naging organize ang pagplaplano para sa birthday party ni Jenny with the help of the other Yayas and Maids sa school. Naitago din nilang mabuti ni Deborah from Arthur sa bahay ang mga gagamitin nila para sa birthday party at umayon sa kanila ang lahat-lahat dahil mag-aOut of town ulit ang mga parents ni Matthew kaya nama'y hindi na sila mag-iisip ng alibi para sa Yaya ni Matthew and kay Dodong na pupunta ang mga ito kina Jenny sa Saturday.

Naging busy din ang dalawang credit cards ni Matthew para sa birthday party dahil talagang siya ang gumastos sa lahat-lahat. NagRent siya ng mga tables and chairs, nagpadala siya ng money via western union sa kaniyang Yaya para sa iluluto nito sa Party, bumili din siya ng mga pangGive aways, nagOrder na din siya ng cakes, Balloons.

Habang papalapit ang Saturday ay talagang nagleLevel up ang excitement ng mga Yayas and Maids sa school dahil since they are participating ay para na rin sila ang magpaParty which Matthew noticed kaya nama'y lalong ginanahan si Matthew na mapaganda pang lalo ang Party sa Saturday for all of them.

All out si Matthew dahil wala naman kasi si Arthur kaya okay lang naman and ang gagawin na lang niyang alibi sa mga kapitbahay ay matagal nang naSet ang Party ni Jenny kaya lang nagkaroon ng emergency out of town meeting si Arthur kaya hindi ito makakaAttend.


******************Saturday 7:00am********************


Hindi na nagbreakfast pa si Arthur at iniwanan na lamang niya ng P5000 si Matthew para pangGastos nila ni Jenny dahil binilinan niya si Matthew na ipasyal si Jenny at babawi na lang siya dito once na makauwi na siya from the weekend out of town meeting niya with the President of His Company.

Nagtaka din si Arthur nang nagpaalam na siya kay Jenny dahil sinabi nito sa kaniya na "Sayang Daddy wala ka dito." at kahit na anumang pilit ni Arthur sa kaniyang daughter sa pagtatanong kung bakit sayang ay wala siyang nakuhang info from Jenny. Wala din siyang nakuhang info kay Matthew or even kay Deborah dahil sinabi ng mga ito na wala siang idea sa sinabi ni Jenny.

Malungkot si Arthur na umalis ng bahay dahil He will miss na maSpend niyang kasama si Jenny sa Birthday nito. Alam ni Arthur na sometimes there are things na kailangang iSacrifice ang mga parents for the sake of their children. Mas importante ang pag-uusapan nila ng President nila dahil kinukutuban si Arthur na may hindi magandang nangyayari sa kanilang Company. Babawi na lang talaga siya kay Jenny pagdating niya. Arthur is also thankful at kasama ni Jenny sina Matthew at pati na din si Deborah sa birthday nito.

Kung Gloomy na umalis sa bahay si Arthur ay kabaligtaran naman ang nangyari kina Jenny and Matt. Biglang tumaas ang level ng excitement ni Jenny at si Matt nama'y naging napakaPro sa pagOverlook sa gagawing Party. Lumabas sila ng gate para puntahan ang bahay ng lahat ng mga friends and kalaro ni Jenny sa subdivision para imbitahan sa birthday party ni Jenny at 3:00pm habang ito namang si Deborah ay nagsimula nang mag-ayos ng bahay at ilabas ang mga paraphernalia na gagamitin nila para sa birthday party ni Jenny.


*********************12:30 pm*****************


Hindi talaga makapaniwala si Arthur nang sinundo niya ang kanilang President sa bahay nito. Laking gulat niya nang makita niya itong nakapangGolf at walang dalang bagahe. That time lang na nalaman ni Arthur na hindi sila mag-aOut of town at doon lang sinabi ng kanilang President na magbaBonding lang sila that day. Gustuhin mang sumigaw sa pagka-inis si Arthur ay hindi nito nagawa dahil nga'y Presidente nila ang gusto niyang sigawan at higit sa lahat ay ayaw niyang mapunta sa bad side nito.

Pagkasakay na pagkasakay ng Company President sa Car ni Arthur ay agad niyang sinabihan si Arthur na magDrive papuntang Wak-Wak Golf and Country Club. Walang nagawa si Arthur kahit na gustuhin man niyang magpaalam sa kanilang President na uuwi na lang siya instead na magGolf kaya lang ay napansin niyang tila ba sabik na sabik na makapag-unwind ito kaya nama'y kahit labag sa loob ni Arthur ay sinamahan na lang niya ang kanilang President.

Nag-enjoy naman si Arthur sa kanilang pag-goGolf and after that ay nagyaya ng magLunch ang kanilang President and then after that ay masinsinan niyang kina-usap si Arthur na ikinagulat naman ng isa dahil ang akala talaga ni Arthur ay mag-aUnwind lang sila.

"Kamusta na kayo ni Katrina?" Ang seryosong sambit ng kanilang President kay Arthur.

"Okay naman po." Ang sagot ni Arthur kasabay ng panlalamig ng buong katawan niya. Iniisip pa din ni Arthur ang hindi niya pagdriDrive kay Katrina at ang kakaibang behavior nito noong niyaya niya itong magLunch. Huminga ng malalim ang kanilang President at nagpatuloy ito sa pagsasalita.

"Matanda na ako Art and alam mo namang mahal na mahal ko si Katrina. I know that you understand that. You have Jenny. Alam mo kung ano ang nararamdaman ng isang ama sa kaniyang dalaga." Ang seryosong sambit ng President. Tahimik lang na nakikinig si Arthur.

"Gusto ko nang magRetire Art. Ikaw lang ang taong pwedeng pasahan ko ng position ko at pagkatiwalaang mamalakad sa Company." Ang nakasmile na sambit ng President. Kinutuban bigla itong si Arthur kung saan mapupunta ang usapan. Hinayaan na lamang niyang magsalita ito.

"PagnagRetire na ako eh kampante ako na ikaw ang titingin sa Company. Kampante din ako na makita ko si Katrina na lumagay na sa tahimik, magSettle down nwith you. Arthur, Alam kong patay na patay sayo ang daughter ko and ikaw lang ang taong pinagkakatiwalaan ko kay Katrina. Siguro naman ay nakuha mo na ang gusto kong sabihin sa'yo." Ang pagtatapos ng President. Lalong nanlamig si Arthur. Hindi malaman ni Arthur kung ano ang pwede niyang sabihin sa kanilang President.

"I know she can't be compared to Liz. Pero talaga namang hindi kagandahan ang anak ko at nagkakaEdad na din siya." Ang biglang habol ng President ni Arthur.

"Tama." Hindi napigilan ni Arthur na mag segunda mano na hindi kagandahan si Katrina.

"Are you saying something?" Tanong ng President.

"Ah, eh nagkakaEdad na nga po si Katrina at kailangan na niyang malagay sa tahimik." Ang biglang bawi ni Arthur sa President.

"Nagpapasalamat talaga ako sayo sa ipinakikita mo kay Katrina. Masayang-masaya si Katrina for the Past Few Days. Gusto ko kayong makitang magSettleDown na and after that makakaPagretire na ako. Yun lang naman ang hinihiling ko sa'yo Arthur. Matagal na kayong lumalabas ni Katrina. Gusto ko na talaga siyang makitang lumagay na sa tahimik." Ang muling pagsasalita ng President. Napalunok ulit si Arthur sa sinabing ito ng kanilang President. Kaya lang naman niya nilalabas si Katrina'y para bumango ang kaniyang name sa Company pero hindi niya akalaing ganito ang mangyayari at magiging outcome ng ginagawa niya.Nahalata ng President na may slight na pagkaBother sa mukha ni Arthur.

"Think about it Arthur. Hindi naman ako nag-iinsist. Yan lang naman ang last wish ko bago ako magRetire. Gusto kong iwan sa'yo ang pamamahala ng Company at si Katrina as soon as possible. Matanda na ako Art. Think about it." Ang nakaSmile na pakiusap ng President kay Arthur at tahimik na lamang tumungo si Arthur sa kaniya.


************************5:00pm*************************


Nagmamadaling magDrive papasok ng village nila si Arthur dahil after ng Lunch niya with their Company's President ay they call it a day na. Dumaan pa si Arthur sa Mall at natagalan siyang bumili ng Present para kay Jenny. Tinignan ni Arthur sa kaniyang tabi ang Giant Panda stuffed toy na nabili niya kanina sa Blue Magic at napaSmile siya. Tiyak na matutuwa si Jenny sa kaniyang surprise and he will be able to take them out for a dinner para makapagCelebrate.

Nang pagkaliko niya sa kanto ng kanilang street ay biglang nanlaki ang mga eyes ni Arthur at napanganga siya. Nakadouble park ang mga sasakyan sa tapat ng kaniyang bahay at kitang-kita niya ang nakaOpen nilang gate.

"Anyare?" Ang mahina and curious na nasambit ni Arthur nang mapansin ni niya ang isang nakaMaid in uniform na inaakay ang isang batang lalaki na kasing age ni Jenny. Nakasuot ito ng party hat.

Three houses mula sa bahay niya naiPark ni Arthur ang kaniyang car dahil madaming sasakyan ngang nakadouble park sa harap ng kanilang house. Bitbit ni Arthur ang Giant Teddy bear at dinig na dinig niya ang malakas na nakaMic na boses ng isang babae.

"Palakpakan n'yo mga kids si Jenny!" Ang masayang tinig na narinig ni Arthur from their houses then after that ay biglang malakas na tumugtog ang Gangnam Style at narinig niya ang palakpakan ng mga tao at hiyawan ng mga bata.

"May Party!" Ang di makapaniwalang sambit ni Arthur sa kaniyang sarili.

Nagmamadaling maglakad si Arthur papunta sa kanilang bahay at nanlaki ang kaniyang mga mata nang madatnan niya na nasa kainitan na ang Birthday party ni Jenny. Halos umikot ang ulo ni Arthur sa kaniyang mga nakita. Sa isang table ay kumakain ang mga adults. Hinding-hindi magkakamali si Arthur na mga Yayas, Maids and Driver ang mga yun dahil ang iba sa kanila ay nakaUniform pa and olo barang which is the usual get up ng mga driver then ibinaling naman niya ang kaniyang paningin sa childrens table at nakita niya ang mga Classmate ni Jenny from school at ang ibang mga kalaro ng kaniyang daughter sa subdivision.

Nakita din ni Arthur si Gracey na kasama ang mommy at daddy nito. Nandoon din ang teacher ni Jenny na nakatayo sa tabi ng sound system na hawak na microphone na nakaConnect sa isang videoke machine. Napansin din ni Arthur ang isang three tier pink na cake na may nakalagay na 'Happy Birthday Jenny'.

Then ang last na pinagtuunan ni Arthur ay ang kaniyang daughter na si Jenny na bigay na bigay sa pagsasayaw ng Gangnam Style. NapaSmile si Arthur sa hitsura ni Jenny. NakaCostume itong pangGangnam talaga at may Make-up. Walang nakapansin sa presence ni Arthur dahil nasa kalagitnaan na ang Party.

Pumalakpak ang lahat nang matapos ang pagsayaw ni Jenny. Kahit si Arthur ay proud na proud na nagClap din. Lumapit ang teacher na emcee ng party kay Jenny at ininterview ito.

"Wow Jenny. Ang galing mo namang sumayaw ng Gangnam! Saan mo natutunan yan?" Ang masayang tanong ng teacher ni Jenny.

"Tinuro po sa akin ni Daddy. D.I. po kasi si Daddy!" Ang smart na sagot ni Jenny. Nagtawanan ang lahat ng mga bisita at dinig na dinig ni Athur ang distinct and malakas na tawa ni Matthew. Sinundan ni Artur ang direction ng laugh ni Matthew at napaSmile siya nang makita niya ang Porma ni Matthew. Aminado si Arthur na mas Pogi and napakasmart looking ni Matthew ngayon sa kaniya. Mukha itong bigating bachelor and that time ay biglang sumagi sa isipan ni Arthur na hindi mukhang Tutor si Matthew. May kakaibang napansin si Arthur sa dating sa kaniya ni Matthew.

"Bakit ka nakaFrown?" Ang biglang tanong ulit ng Teacher kay Jenny sa mic. Ibinalik ni Arthur ang kaniyang attention sa kaniyang daughter.

"W-w-wala po kasi si Daddy eh." Ang sad and medyo napapaiyak na sagot ni Jenny. Biglang tumahimik ang lahat. Automatic na nagmamadaling nagInhale si Arthur at kasabay ng pagExhale niya ay nagsalita siya.

"SURPRISE!" Ang malakas na pagbasag ni Arthur ng katahimikan sa Party na ikinagulat ng lahat. Itinaas pa ni Arthur ang kaniyang hawak na Giant Panda Stuffed toy para akalain ng ibang bisita na talagang sinadya niyang iSurprise si Jenny.

"DADDY!" Ang malakas na tili  ni Jenny sa kaniyang Daddy sabay takbo niya papaunta dito. Agad na niyakap at kinarga siya ni Arthur. Naglakad si Arthur karga-karga si Jenny at ang Giant Panda papunta sa teacher ni Jenny. Lahat ng mga bisita ay nakatingin sa magDaddy and happy talaga sila for Jenny.

"Lagot!" Ang nasambit na lamang ni Matthew the moment na magtama ang paningn nila ni Arthur. 100% sure na sure kasi si Matthew na hindi uuwi si Arthur. Nagmamadaling nag-isip ng alibi si Matthew para sabihin kay Arthur about the Party pero after ilang seconds lang ay nagGive up na siya dahil wala siyang maisip na convincing na alibi na pwedeng kagatin ni Arthur. That time ay biglang pumasok sa isipan ni Matthew if he will confess and come clean to Arthur.                                                                                                      








To Be Continued

Monday, September 26, 2011

Ang Tutor 6



*********************Sunday 2:00am*************************



Nang dumating si Matthew sa life ng magDaddy ay naramdaman ulit ni Arthur ang matagal na niyang hindi nararamdam since nang niligawan niya noon si Liz. Talagang magulo ang isipan ni Arthur sa kaiisip when unconsciously niyang hinalikan sa cheeks si Matthew at maliwanag pa sa sikat nang araw na Matthew kissed him back at hindi lang kiss but they hugged each other bago siya pumasok sa office.

Alam ni Arthur ang kaniyang sexuality and when he married His late wife Liz ay hindi na niya naramdaman na maAttract sa same sex dahil si Liz ang kaisa-isang tao that completed his life and lalo pang nakumpleto ang buhay niya when Jenny was born. Liz and Jenny became the world of Arthur at mahal na mahal niya talaga ang mga ito.

Malaki ang naging impact sa buhay ni Arthur ang sudden death of Liz at aminado naman itong si Arthur na like his daughter ay nangungulila pa rin talaga siya kahit isang taon na nang mamatay ito. Kahit ano pang pakita niya sa kaniyang daughter and sa ibang tao that he was strong but sa tuwing nag-iisa siya ay hindi niya maiwasang malungkot dahil sa pagkamatay ni Liz. Ang pakiramdam ni Arthur ay talagang may nagkulang at may part siya sa kaniyang pagkatao ang biglang nawala. Gulong-gulo ang isipan ni Arthur dahil hindi talaga niya iniExpect na may slight na something siyang nararamdam kay Matthew. Ang hindi alam ni Arthur ay same din ang nararamdaman ni Matthew at pareho silang bothered that evening doon sa nangyari between them.

Nakatulog si Arthur sa kaniyang study room habang nakaupo siya sa kaniyang Lazy Boy sa kakaisip niya sa nangyari between him and Matthew. 

Naalimpungatan itong si Artur dahil may narinig siyang familiar na boses na tumatawag sa kaniyang name kaya nama'y kahit gusto niyang ituloy ang naudlot niyang sleep ay idinilat niya ang kaniyang mga mata to see who is calling.

"Art! Art! Art! Wake up!" Ang narinig ng naalimpungatang si Arthur na isang familiar voice ng isang babae na makulit na tumatawag na sa kaniyang name.

"Who's there?" ang inaantok at tinatamad na tanong ni Matthew.

"It's me." Ang masayang sagot naman ng boses ng babae. Narinig ni Arthur na nasa harapan niya ang babaeng nagsasalita. Kinurap-kurap muna ni Arthur ang kaniyang mga eyes at saka tinignan niya ung sino ang babaeng nasa harapan niya. Halos mapatalon sa kaniyang kinauupuang Lazy Boy itong si Arthur when he saw kung kanino galing ang voice. 

"Mommy?! Liz?! Is that you?!" Ang shock na tanong ni Arthur sa babaeng nasa harapan niya.

"No, Si Angelina Jollie ito!" Ang sagot naman ng nakaSmile na babae kay Arthur.

"MOMMY! IKAW NGA!" Ang excited and shock na nasambit ni Arthur sa kaniyang asawa, sarcastic and palabiro pa rin itong si Liz. Tumayong bigla itong si Arthur sa kaniyang Lazy Boy para yakapin si Liz dahil miss na miss na niya talaga ito pero natigilan siya nang napansin niya ang suot nito. NakaWhite na Sun Dress si Liz and may something slight glowing na nagmumula sa suot-suot nitong dress.

"Patay ka na di ba?" Ang biglang nasambit bigla ni Arthur sa kay Liz. Biglang natawa ng malakas si Liz sa kaniyang asawa dahil sa hitsura ng pagkaShock ng face nito.

"Hindi ko namang itinatanggi na patay na ako! Bakit? Hindi ba kita pwedeng dalawin sa dream?" Ang witty na sagot naman ni Liz. Tila ba natauhan itong si Arthur at biglang napaupo ulit ito sa kaniyang Lazy Boy.

"Smart Ass ka pa din Mommy." Ang talunang sambit ni Arthur sa kaniyang asawa. Matalas din ang dila kasi nitong si Liz and napakaWitty sa kaniyang pagsagot pag nagtatalo paminsan sila ni Arthur noong nabubuhay pa ito at laging si Arthur ang asar talo kay Liz.

"Panaginip lang pala." Ang nasambit ni Arthur sa kaniyang sarili. Nakahinga siya ng maluwag dahil ang akala niya noong una'y totoo ang lahat then ang sunod na pumasok sa isip niya ay namatay na siya kaya nakita niya ang kaniyang Late wife.

"Yes. This is a dream. I can't help it Art." Ang sabi ni Liz sa hindi pa rin makapaniwalang si Arthur.

"Bakit now lang kita napanaginipan?" Ang biglang tanong ni Arthur kay Liz.

"I'm busy and mahirap ipaliwanag." Ang maikling sagot lang ni Liz. NakaSmile pa din ito.

"I miss you Mommy. Lalo kang gumanda." Ang naiiyak na sambit ni Arthur at tumayo siyang muli para ituloy ang kaniyang naudlot na pagHug kay Liz.

"I know, hindi mo na kailangang sabihin Art. Kaya ako bumisita sa Dream mo eh may dapat tayong pag-usapan." Ang mabilis na sambit ni Liz kay Arthur. Natigilan ulit itong si Arthur sa paglapit niya kay Liz.

"Kahit kailan eh panira ka ng moment Mommy!" Ang sambit ni Arthur kay Liz. Hindi pa din nagbabago ang kaniyang late wife kahit sa kaniyang Dream.

"May sinabi ka kanina before kang makatulog." Ang paCurious na sambit ni Liz kay Arthur. Parang napaAtras si Arthur sa sinabi ng ni Liz. Lumagpas ng one minute ang silence between him and Liz. Nahiya kasi itong si Arthur sa sinabi ni Liz.

"Come on. Tell me Art. Sige na." Ang sweet na pangungulit ni Liz para iSpill-Out ni Arthur ang gumugulo sa isapan nito. Hindi pa din nagsasalita si Arthur. "Makaalis na nga!" Ang sinabi ng nakaSmile na si Liz when Arthur decided to be silent. NagPanic naman si Arthur sa sinabi ni Liz dahil ayaw pa niya itong umalis.

"I'm confused!" Ang pag-amin ni Arthur kay Liz. NapaSmile pang lalo si Liz.

"Ang cute mo talaga Daddy pagnakoCorner ka!" Ang masayang sabi naman ni Liz. Napasimangot lang itong si Arthur. Ito ang isa pang nagustuhan ni Arthur kay Liz. In times na nagkakaroon siya ng problema ay Jolly pa din ang personality ni Liz at nahahawa siyang magLighten up.

"I'm serious Mommy." Ang mahinang sambit ni Arthur. Talagang Dilema niya ang pagkakaroon ng slight feelings for Matthew.

"Kaya naman dinalaw kita sa Dream mo eh." Ang sinabi naman ni Liz kay Arthur dahil kita niya sa face nito ang pagkaProblemado.

"Isa lang ang masasabi ko Art. I married you because of who you are. I don't care if you're a bisexual. Hindi nakasagabal sa relationship and marriage natin and sa pagiging Father mo ang sexuality mo." Ang mahinahong salita ni Liz kay Arthur. Nakikinig lang si Arthur kay Liz. Ipanagpatuloy muli ni Liz ang kaniyang pagsasalita.

"That's who you are Arthur. Kung saan ka liligaya. Kung saan kayo magiging happy ni Jenny. Just be yourself. Kung anong nararamdaman mo, sundin mo. Just like what you did nang niligawan mo ako then nagOut ka sa akin before you propose to me. Ganoon ang gawin mo Arthur. Magpakatotoo ka sa feelings mo and alam kong kakayanin mo yan Daddy." Ang pagtatapos ni Liz. Biglang gumaan ang loob ni Arthur sa sinabi sa kaniya ng kaniyang late wife. NapaSmile itong si Arthur at napaSmile din naman si Liz dahil kitang-kita niya sa expression ng face ni Arthur na para itong nabunutan ng isang malakaing tinik sa dibdib.

"Bagay na bagay kayo ni Katrina!" Ang biglang sinabi ni Liz kay Arthur na ikinasimangot namang bigla nito. Hindi mapigilan nitong si Liz na iGoodtime lagi itong si Arthur dahil pikon nga ito.

"Panira ka talaga Mommy!" Ang natatawang sambit ni Arthur kay Liz. Alam ni Arthur na alam na alam ni Liz ang kaniyang nararamdaman for Matthew. Hindi na ito slight something but naging bigtime na ang kanyang feelings for Matthew sa mga sandaling iyon.

"O pano. Got to go na!" Ang sunod naman na sinabi ni Liz kay Arthur.

"Mommy can you just stay pa for just a while?" Ang pag-lalambing ni Arthur kay Liz.

"Busy sabi ako and any seconds eh you will wake up na." Ang malambing na paliwanag naman ni Liz sa kaniyang asawa.

"Last nalang Mommy." Ang hirit muli ni Arthur. NagSmile nalang si Liz.

"May Heaven ba?" Ang curious na tanong ni Arthur kay Liz.

"Yes. Heaven is real, I'm happy there. Naranasan ko din ang Heaven with you and with Jenny." Ang medyo naiiyak na sinabi ni Liz kay Arthur pero nakaSmile pa din ito.

"Bye Arthur." Ang next na sinabi ni Liz kay Arthur. Biglang nagPanic itong si Arthur dahil hindi pa niya nahaHug itong si Liz. Nagmamadali siyang tumayo't nilapitan itong si Liz but biglang narinig ni Arthur ang tunog ng alarm ng kaniyang phone.

Napabalikwas si Artur sa kaniyang Lazy Boy  kasabay ng kaniyang pagdilat. Inilibot ni Arthur ang kaniyang mga paningin sa buong study room and wala pa ding pinagkaiba ang hitsura ng kaniyang Study Room. Sumandal ulit itong si Arthur sa kaniyang Lazy Boy at tumingin sa portrait ng nakaSmile na si Liz.

"Thanks Mommy." Ang masayang sambit ni Arthur at talagang thankful siya na kahit sa dream ay concern pa din si Liz sa kanila.



*************************7:30am*********************



After na magShower itong si Arthur ay kaagad siyang nagbihis upang kausapin itong si Matthew at talagang gusto niya itong makausap ng masinsinan tungkol nga doon sa nangyari sa kanilang dalawa. Nabasa kasi one time ni Arthur na ang mga unconcious na ginagawa ng mga tao ay ang mga bagay na kanilang itinatago sa kanilang mga sarili. 100% sure si Arthur sa kaniyang nararamdaman at naiisip. Arthur is hoping na pareho lang sila ni Matthew ng nararamdaman. He will take a risk at sasabihin niya ang totoo kay Matthew about himself and his feelings towards him. Just like what he did noon kay Liz.

Paglabas nang room ni Arthur ay sumalubong sa kaniya ang amoy ng kasalukuyang pinipritong Tocino. Kaagad niyang sinundan ang amoy at nang makarating na siya sa Kitchen ay para bang nanlambot ang tuhod niya nang makita niyang nakaupo si Matthew sa kitchen table at matamlay na nagkoCoffee. 

Napalunok itong si Arthur nang mapansin siya ni Matthew na nakatayo sa entrance ng kitchen at tinignan siya nito. Nagdadalawang isip itong si Arthur na kausapin si Matthew. Kitang-kita ni Arthur na naNgangalumata si Matthew at ang medium size na eyebags nito. Hindi kasi nakatulog si Matthew last night dahil sa kakaisip kagabi about sa nangyari nga sa kanila ni Arthur. Magkasabay na nagsalita sina Arthur and Matthew.

"I need to talk to you." Ang sabi ni Matthew.

"May sasabihin ako sa'yo." Ang sabi naman ni Arthur.

Nagkaroon ng ilang seconds na silence between the two of them. Nagpapakiramdaman silang dalawa kung sino ang unang magsasalita hanggang makaAmoy sila ng parang may nasusunog. Kaagad na tumayo itong si Matthew dahil naalala niyang bigla na nagpipirito pala siya ng Tocino for breakfast. Kaagad siyang sinundan ni Arthur. Kasabay nang pagpatay ni Matthew ng gas stove ay hinawakan siya ni Arthur sa kaniyang mga braso't iniharap siya nito. Napapikit na  lamang si Matthew nang lumapat ang lips ni Artur sa kaniyang lips.

After a few seconds ay napahawak na si Matthew sa arms ni Arthur at nagReact na siya sa kisses nito. Hindi na kailangang mag-usap pa sina Arthur and Matthew that time at napagtanto na nila ang kanilang feelings sa bawat isa.

"GOOD MORNING DADDY! GOOD MORNING TITO MATT!" Ang biglang narinig ng dalawa na kanilang ikinagulat at kaagad namang naghiwalay sila sa kanilang pagkiKiss sa bawat isa. 

"Good morning baby!" Ang masayang sambit ni Arthur habang lumapit siya kay Jenny at kaagad siyang niyakap naman ni Jenny. Good mood na good mood itong si Arthur dahil sa nangyari. Kabaligtaran sa biglang naramdaman ni Matthew.

Although overwhelmed si Matthew and happy siya dahil naConfirm niya ang kaniyang feelings for Arthur andnasagot ang malaking katanungan sa kaniyang isipan kung open ba itong si Arthur sa mga katulad niyang Bisexual ay hindi naiwasan nitong si Matthew na mangamba for Jenny. Alam niya ang mga challenges na pwedeng kaharapin ni Jenny and hindi pa din masyadong nakakaRecover sa pagkamatay ng Mommy nito.

"Can I go na?" Ang sinabi ni Matthew kay Arthur. Nagtakang bigla itong si Arthur sa sinabi ni Matthew at saka lang niya napansin ang suot ni Matthew.

"Day Off." Ang maikling sinabi na lang ni Matthew kay Arthur. Hindi makatingin ng straight si Matthew kay Arthur.

"Dito ka nalang magBreakfast." Ang sinagot naman ni Arthur. Gusto talaga niyang kausapin ng masinsinan itong si Matthew.

"May lakad kami ng nanay ko ngayong umaga." Ang pagsisinungaling naman ni Matthew. 

Gusto talaga umalis ni Matthew that time at gulong-gulo ang kaniyang isipan. Tumango na lang si Arthur at agad namang lumabas si Matthew sa Kitchen at baka hindi siya payagan ni Jenny na umalis. Umiling-iling nalang si Arthur sa act ni Matthew at happy siya na nagReact sa kaniya mga kisses ito.

"After breakfast Baby dalhan natin si Mommy ng mga Flowers ha." Ang malambing na sambit ni Arthur kay Jenny para yayain itong pumunta ng Cemetery.

"Sure Dad." Ang masayang pagConfirm naman ni Jenny sabay yakap niya sa kaniyang Daddy.

"Sama natin si tito Matt next time ha?" Ang dagdag pa ni Jenny sa kaniyang Daddy.

"Sure." Ang nakaSmile na answer naman ni Arthur sa kaniyang daughter habang iniaayos na niya ito sa Kitchen table para sa kanilang breakfast.



************************10:30am*******************************



Nabagot si Matthew sa kaniyang kuwarto kaya naman naisipan niyang puntahan ang kaniyang Yaya. Napagod at slight na sumakit ang kaniyang ulo sa kakaisip kay Arthur and Jenny. Happy siya with Arthur pero ang iniisip niya ay ito ngang si Jenny. Para bang napakabilis ng mga nangyari sa kanila or naiImagine lang niya iyon. Kahit ayaw aminin ni Matthew sa kaniyang sarili na tumindi ang feelings niya towards Arthur ay hindi mawala-wala sa kaniya ang pangamba na baka mangyari ulit sa kaniya ang masakit na nangyari between him and his ex. 

"WazzUp Yaya!" Ang masayang bati ni Matthew sa kaniyang Yaya nang makita niyang kasalukuyang nagluluto ito.

"Ay tumawag pala ang Mommy at Daddy mo. Hindi sila makaka-uwi mamayang gabi at naExtend ang kanilang Out Of Town meeting." Ang sinabi ng Yaya ni Matthew sa kaniya. Nagkibit-balikat nalang si Matthew at sanay na sanay na siya sa kaniyang mga Parents.

"Gusto mo akong tulungan?" Ang sunod na sinabi naman ng Yaya ni Matthew sabay ngiti niya sa kaniyang alaga. NagSmile back naman itong si Matthew at agad na tinulunggan naman niya ang kaniyang Yaya. 

Gustuhin mang magAsk ni Matthew kung ano ang magiging opinion ng kaniyang Yaya about his situation ay nagDecide na lamang siya to keep quiet nalang at hindi pa talaga siya ready na magsabi kanino man about his sexuality. 

Napansin naman ng Yaya nitong si Matthew ang pananahimik nito ngayong araw simula ng umuwi ito dahil sa tuwing kasama niya si Matthew ay masaya itong palagi at kinukulit siya. NagDecide din naman ang Yaya ni Matthew to keep silent din at hihintayin nalang niya ang kaniyang alagang lumapit at magsabi sa kaniya kung anuman ang nagpapaBother dito.



*****************************12:30pm**********************



"Wow ha! Magaling pala kayong magluto Sir Matt!" Ang masayang sambit ni Deborah kay Matthew habang kumakain. Sabay-sabay na nagLunch sina Matthew, Ang Yaya nito, Ang dalawang maid nila na sina Deborah at Maricar at ang driver nilang si Dodong. Nakagawian na din ni Matthew na sumabay sa pagkain sa kanilang mga maid sa tuwing wala ang kaniyang mga Parents sa bahay.

"Siyempre naman! Kanino pa ba yan matututo." Ang masayang sagot naman ng Yaya ni Matthew kay Deborah.

"Swerte ng mapapangasawa n'yo Sir Matt!" Ang segunda mano naman ni Dodong. Nasamid bigla itong si Matthew at napaSmile nalang siya sa kaniyang mga kaharap sa table.

"Napagluto mo na ba sina Jenny?" Ang pabirong tanong ng Yaya ni Matthew. Napatigil si Matthew sa kaniyang pagkain. Biglang natauhan naman ang kaniyang Yaya sa pagkakadulas nito. 

"How did you know about Jenny?" Ang gulat na tanong bigla ni Matthew sa kaniyang Yaya kasabay ng pagtingin niya kina Dodong at Deborah. Agad namang itinuro ni Dodong si Deborah. Nahalata kaagad ni Matthew sa mukha ni Deborah na ito ang salarin kung bakit nalaman ng kaniyang Yaya ang kanilang secret.

"Okay lang naman yan anak. Promise. Hinding-hindi namin sasabihin kina Ma'am at Sir." Ang pang-aalong sinabi ng Yaya ni Matthew. Nakita niya kasi ang mukha ng kaniyang alaga na biglag nagPanic.

"Tutor po ako ni Jenny." Ang nahihiyang paliwanag ni Matthew sa kaniyang Yaya.

"Hindi ka ba interesadong magPart-time sa Kompanya ng Mommy o Daddy mo?" Ang tanong ng Yaya ni Matthew.

"Pass muna ako Yaya. Para makaPagUnwind bago mag-aral ulit." Ang natatawang sambit na lamang ni Matthew sa kaniyang Yaya. Alam naman kasi ng Yaya niya na umuwi siya para makapagPahinga and babalik din naman siya sa U.S. para magMasteral. Napangiting bigla itong si Matthew nang may magandang idea na pumasok sa kaniyang isip.

"Anong sabi ko Deborah pag may nakaalam kung anong ginagawa ko." Ang nakaSmile na sinabi ni Matthew kay Deborah. Natigilan sa pagkain bigla sina Dodong and Deborah dahil alam nila ang sinasabi ni Matthew. Nagpatuloy sa pagsasalita itong si Matthew nang wala siyang nakuhang reply from the two.

"Di ba sisisantihen ang magsasabi ng secret." Ang sagot ni Matthew sa kaniyang question habang nakaSmile siyang nakatingin pa din kay Deborah. Napalunok naman sina Dodong at Deborah.

"Last day mo na dito. Mag-impake ka na mamayang gabi." Ang sunod na sinabi ni Matthew kay Deborah with a serious tone.

"S-s-s-sir Matt?" Ang nagpaPanic na sambit ni Deborah kay Matthew.

"Last day mo na dito." Ang serious pa rin na reply ni Matthew. "Sasama ka sa akin tomorrow. Dun ka muna kina Jenny." Ang masayang idinagdag bigla ni Matthew. Kitang-kita niyang nakahinga ng mabuti sina Dodong at Deborah sa kaniyang announcement. Napangiti lang itong si Matthew habang OA na nag-eExpress ng kaniyang kaba itong si Deborah. Medyo nagdaDoubt si Matthew sa kaniyang naisip na plano.



***********************Monday 5:30am************************



Nagpahatid sina Matthew kay Dodong sa kanilang kotse at bumaba nalang sila sa entrance ng Village para walang makakitang mga kapitbahay nina Arthur na sakay-sakay sila ng isang mamahaling kotse. Kagabi pa lang ay naBriefing na ni Matthew si Deborah sa kaniyang mga gagawing trabaho kina Arthur at kung anong story ang sasabihin niya just in case na mag ask ng question si Arthur. 

Pinagtago muna ni Matthew si Deborah sa likod ng isang puno bago siya nagDoorbell sa gate nina Arthur. Agad namang pinagbuksan siya ni Arthur. Still in the same get-up si Arthur papuntang Office. Iniabot ni Matthew ang paper bag niyang dala to Arthur na may lamang packed food at nang kinuha na iyon ni Arthur ay agad na umakmang yayakapin niya sa Matthew pero mabilis na nakaiwas si Matthew sa pagyakap nito't tahimik na binuksan na lang niya ang gate for Arthur. Medyo napasimangot si Arthur sa action ni Matthew pero hindi na  siya nagsalita. NagDecide na lang si Arthur na kakausapin niya by hook or by crook si Matthew pagka-uwi niya.

Tahimik nalang na nagtinginan sina Arthur and Matthew hanggang maka-alis na itong si Arthur papuntang office. After three minutes ay sinenyasan na ni Matthew si Deborah para tawagin na ito. Ang plano nitong si Matthew ay ipapakilala niya si Deborah kay Arthur pagkauwi nito from the office.



********************5:30pm**********************



NagBosina si Arthur sa harapan ng kanilang house dahil tamad na tamad siyang bumaba from his car dahil naging stressfull ang kaniyang buong day sa office. Okay lang naman sa kaniya ang naging work load niya for that day kaya lang ay iniisip niya nga si Matthew the whole day at parang may nararamdaman siyang something odd and weird dito kaninang morning. Bukod pa doon ay biglang sinabihan siya ng secretary ng kanilang President na isasama siya nito sa isang Out of Town na meeting at may kailangan din silang pag-usapang dalawa. 

Hindi mapakali ngayon si Artur dahil hindi siya nakatanggi sa alok sa kaniya ng kanilang President dahil sinabi nitong talagang life and death ng kanilang Company ang pag-uusapan nila this weekend and kitang-kita naman sa mukha and ramdam ni Arthur sa Aura ng kanilang President na para itong may big problem kaya nama'y napaYes siya sa invitation nito kanina. 

Ngayon nga habang hinihintay niyang magOpen ang kanilang gate ay nag-iisip siya ng magandang sasabihing excuse kay Jenny dahil this coming weekend din ang birthday nito and nakapagPromise siya kay sa kaniyang daughter na ipapasyal niya ito sa Ocean Park. NagStop sa pag-iisip si Arthur nang makita niyang bumukas na ang gate at nagulat siya nang makita niyang isang maid in uniform ang nagbukas.

"Who are you?" Ang tanong agad ni Arthur sa maid na nagbukas sa kaniya ng gate nang maipasok na niya ang kaniyang Car at makababa na dito.

"Ansabe mo Sir?" Ang balik tanong naman ng maid. May naalalang bigla si Arthur kung saan niya narinig ang ganoong reply pero hindi na niya pilit ito na alalahanin pa. Tinanong ulit niya ang maid. Ang isip-isip ni Arthur ay baka maid lang ito ng one of His neighbor.

"Ang sabi ko, Sino ka ba?" Tanong ulit ni Arthur.

"I'm Deborah." Ang cool na sinagot lamang ng maid kay Arthur.

"Kaninong maid ka?" Ang tanong naman ulit ni Arthur kay Deborah dahil akala niya'y mag-iintroduce pa ito sa kaniya ng ibang info.

"Sa inyo Sir." Ang maikling sagot lang ni Deborah. Napakunot ng noo si Arthur at nagGiveUp na lang siya na kausapin itong nagpakilalang maid nila. "Padala siguro ni Katrina." Ang isip-isip ni Arthur sa kaniyang sarili.

"Saan sina Jenny and Matt?" Ang tanong muli ni Arthur kay Deborah and this time ay umaasa siyang maayos na magAnswer ito.

"Nasa loob po at nagdradrama yung dalawa Sir." Ang sagot ulit ni Deborah. NagSigh nalang itong si Arthur at kaagad na pumasok na sa loob nang bahay. Para siyang lalong napagod sa usapan nila ni Deborah.

"DADDY!" Ang iyak na salubong ni Jenny kay Arthur sabay takbo nito papunta sa direction ni Arthur. Kaagad namang nag-alala si Arthur at agad niyang niyakap at kinarga si Jennifer.

"Daddy! Hu hu hu! Tito Matt is leaving." Ang sumbong ni Jenny sa kaniyang daddy na ikinagulat naman ni Arthur. Mas lalong naStress siya sa kaniyang nadatnang situation sa bahay.

"What's happening?" Ang tanong ni Arthur sa nakatayong si Matthew.

"Nakahanap na ako ng Yaya for Jenny. Si Deborah. Cousin ko. Ayaw na niya kasing sumama sa mga amo niya at for good na kasing titira ang iyon sa Province." Ang kinakabahang paliwanag ni Matthew kay Arthur. Hindi pa din siya makatingin ng straight kay Arthur.

"What I mean is about you leaving." Ang upset na sambit ni Arthur kay Matthew. 

"Don't let tito Matt leave! Please Daddy!" Ang iyak muli ni Jenny sa kaniyang Daddy.

"Take Care of Jenny." Ang sambit ni Arthur kay Deborah nang makita niya itong pumasok na sa living room.

"Ansabe mo ulit Sir?" Ang reply na question ni Deborah kay Arthur. Pinakarga ni Arthur si Jenny kay Deborah at hindi na tinagalog pa ni Arthur ang kaniyang iniutos dito.

"Wait lang Baby ha. I'll talk to your tito Matt." Ang malambing na sabi ni Arthur kay Jenny and then nilapitan niya si Matthew sabay hawak sa braso nito't hila papunta sa Kitchen.

"Why are you leaving?" Ang medyo upset na question ni Arthur kay Matthew.

"Ang usapan natin for the meantime lang akong magbabantay kay Jenny. Pinakiusapan ko ang pinsan ko na dito nalang pumasok kaysa maghanap pa ng ibang amo. So, hindi na ako kailangang magStay dito. Sabi ko naman kay Jenny eh lagi namang pupunta ako every weekdays para magTutor." Ang explain ni Matthew kay Arthur sticking sa story na ginawa niya about Deborah.

"Yun lang ba?" Ang tanong ulit ni Arthur.

"What do you mean?" Ang sambit naman ni Matthew.

"Hindi na mauulit yung nangyari sa atin." Ang explain naman ni Arthur kay Matthew. Just like Jenny ay naUpset din itong si Arthur sa decision ni Matthew.

"Hindi naman yun." Ang pagsisinungaling ni Matthew kay Arthur pero the truth is kaya hindi na magstaStay si Matthew sa house nina Arthur ay natatakot itong maging malalim ang kaniyang feelings for Arthur.

"Kung hindi yun, Ano ang reason?" Ang naiinis na sinagot ni Arthur. Hindi nakapagsalita si Matthew.

"I like you Matt and huwag mong ipagkaila na hindi ka nagreact sa kiss ko." Ang sunod na sinabing direct to the point ni Arthur kay Matthew. Tameme pa din itong si Matthew.

"Do you like me ba?" Ang tanong ulit ni Arhur kay Matthew. Nagulat si Matthew sa question ni Arthur dahil he didn't expect that question to come out from Arthur. "Bakit ayaw mong sumagot?" Ang muling sinabi ni Arthur kay Matthew. Talagang by Hook or by Crook ang approach ni Arthur kay Matthew.

"I like you." Ang mahinang sambit ni Matthew. Hindi n'ya nakayang magsinungaling kay Athur at talagang naCorner siya nito.

"Dito ka muna magStay, let's continue kung ano ang routine natin." Ang sinabi ni Arthur kay Matthew.

"Baka Confused ka lang." Ang hirit bigla ni Matthew.

"Nope.Matagal ko nang kilala ang sarili ko and nagOut ako kay Liz." Ang sagot naman ni Arthur kay Matthew. 

"How about you?" Ang balik ng question ni Arthur kay Matthew. Tumungo lang itong si Matthew. 

"Can we just give this a chance. Kahit one week lang. Please." Ang isinunod agad ni Arthur kay Matthew. Sinamantala niya ang pagkakaCorner niya at pagkaDefenseless ni Matthew. Tumango ulit si Matthew but this time tinandaan niya ang sinabi ni Arthur.

"One week. Pag hindi nagWork eh yun na yun." Ang pagkoConfirm ni Matthew kay Arthur.

"A Gentleman's word. Promise!" Ang masayang sambit naman ni Arthur kay Matthew sabay yakap dito. "And may out of town business meeting ako na napakaImportant  this weekend. Ikaw na ang bahala sa birthday ni Jenny ha." Ang last na hirit ni Arthur kay Matthew. Talagang sinamantala ni Arthur ang moment.



********************11:30pm*******************



Hindi pa din madalaw-dalaw ng antok si Matthew at talaga namang napasubo siya sa proposal ni Arthur sa kaniya.

"One week lang naman. Goodluck!" Ang sambit ni Matthew to himself. Hindi niya talaga malaman kung ano ang kaniyang nararamdaman talaga. Gusto niyang parang hindi. Masaya siya with Jenny and her Daddy at napag-alamanan niya ang lahat-lahat nang ikinuwento ni Arthur ang kaniyang pagiging bisexual nito sa kaniya. Ganoon din naman ang kaniyang ginawa.

Ang iniisip talaga ni Matthew ay ito ngang si Jenny pero nagDecide siyang saka nalang niya iisipin iyon after a week pag nagworkOut ang napag-usapan nila ni Arthur na gawin munang secret ang kanilang relationship. 

Ang isa pang iniisip ni Matthew ay ang pag-aOut of town ni Arthur sa darating na weekend na siya namang birthday ni Jenny. Medyo naUpset si Jenny nang malaman nitong cancel ang promise ng kaniyang Daddy na pagpasyal nilang dalawa sa Ocean Park pero naging masaya naman ito nang malamang magstaStay na ang kaniyang tito Matt sa kanilang house kahit may bago na siyang Yaya. NagPromise naman si Arthur kay Jenny na next weekend nalang ito babawi pero sad si Matthew for Jenny dahil naranasan din naman niya ang magCelebrate ng Birthday na hindi present ang kaniyang mga Parents at ang Yaya lang niya ang kaniyang kasama. Biglang napaSmile si Matthew nang maalala niya ang kaniyang Yaya. Kaagad niyang kinuha ang kaniyang phone at tinawagan ni Matthew ang kaniyang Yaya.

"Yaya, Ano pong ginagawa n'yo?" Ang tanong ni Matthew matapos magHello ang kaniyang Yaya sa other line.

"Nanonood ng telenovela. Ang dami ngang Commercial eh!" Ang naiinis na sagot naman ng Yaya ni Matthew. "Kamusta kayo? Si Deborah?" Ang dagdag na Questions pa ng Yaya ni Metthew.

"We're okay naman Yaya. At home agad si Deborah." Ang explain ni Matthew.

"Buti naman. Teka, bakit napatawag ka?" Ang tanong ulit ng Yaya ni Matthew sa kaniyang alaga.

"Yaya, Gusto kong magHeld ng Birthday Party for Jenny." Ang nakaSmile na sambit ni Matthew sa kaniyang Yaya.









To Be Continued


S Club 7 - Never Had A Dream Come True Mp3

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails