Followers

Thursday, July 1, 2010

Ang Tutor 1



Maaga palang ay gumising na si Matthew upang abangan at maabutan ang kaniyang Parents sa breakfast dahil napakaaga ng mga ito kung umalis papunta sa kani-kanilang Office.

Ang kaniyang Daddy at Mommy ay President ng sari-sarili nitong mga Family Business Company at nang magMerge ang company ng kanilang pamilya'y nakilala nila ang bawat isa at ang bunga ng kanilang pagmamahalan ay ito ngang si Matthew. 

Kaisa-isang anak lang ng mag-asawang business tycoon itong si Matthew kaya nama'y lahat ng maibigan nito'y naibibigay ng walang tanong-tanong.

Ang tanging nakasama lamang nito sa kaniyang paglaki ay ang kaniyang Yaya na siyang nagturo kay Matthew ng good manners at pagiging humble since business tycoons nga ang parents ni Matthew at laging busy sa Office.

Nakapag-aral itong si Matthew sa prestigious campuses from Pre-School to HighSchool  at sa US ito nakapagtapos ng Business Course na talagang ipinakuha sa kaniya ng kaniyang parents dahil in due time ay siya ang hahalili sa pagpapatakbo ng kanilang malagong family business.

Dahil sa mga itinuro kay Matthew ng kaniyang Yaya ay naging humble ang pag-uugali nito kahit na mayroon talaga siyang reason na magyabang. Bukod sa napakayamang status ni Matthew ay maraming nagsasabi sa campus na goodlooking ito't malakas ang sex appeal at  napakaFriendly pa.

Ang talagang nakaplano ng parents ni Matthew para sa kaniyang studies ay ipagpapatuloy nito sa Masteral ang kaniyang course since hindi pa talaga siya kailangang pumasok agad sa operation ng kanilang business. Nagtaka nalang sila nang tawagan sila ni Matthew few days before his graduation at ipinaalam sa kanila na uuwi ito sa Pinas pagkaGraduate at magbabakasyon muna bago niya ituloy ang kaniyang Masteral sa US. Pumayag naman agad ang parents ni Matthew without any questions asked at baka lang nabuBurn Out ang kanilang anak.

Wala silang kaalam-alam na ang dahilan pala ni Matthew kaya ito umuwi ay para makalimutan at makaMove-on siya sa isang napakasakit na break-up na nangyari lang few weeks before his Graduation. May nakilala siyang isa Fil-Am guy sa US  when he was still a FreshMan at naging boyfriend niya iyon for almost four years.

Late na nang nagtapat ito kay Matthew na pamilyado siya at kasabay ng pagtatapat nito'y isinunod nito ang bad news na makikipagBreak na ito kay Matthew at magpapakaSeryoso na siya bilang isang Head of his family. Kahit masakit at nalaman niyang hindi honest ang naging relationship nila ay pumayag naman si Matthew sa kanilang Break Up dahil naiintindihan din naman niya ang sitwasyon nito isang pamilyado bisexual.

Naging masakit lang kay Matthew ang lahat nang makasalubong niya sa mall ang kaniyang Ex na may kasamang ibang lalaki at sweet na sweet ang mga ito. Hindi niya napigilang iConfront sila at doon niya nalamang pinoy din pala ang ipinalit sa kaniya ng kaniyang Ex after na magbreak sila. Masyadong naging masakit ito for Matthew dahil ang Ex niya ay ang kaniyang first relationship with the same sex.

Isang discreet BiSexual itong si Matthew at nagkaroon siya ng mga GFs when he was in the Philippines pero natagpuan niya talaga ang hinahanap niyang 'Love' sa kaniyang Ex. Ang higit na masaklap at hinding-hindi maTake nitong si Matthew ay ipinagpalit lang siya ng kaniyang sinungaling na Ex sa isang Bayawak matapos niyang ibigay ang kaniyang puso't lahat-lahat sa panahon ng naging sila pa.

"Tama nga ang sabi nila. Masakit ang maFirst love." Ang sinabi ni Matthew sa kaniyang sarili noong time na talagang iniiyak niya ang lahat-lahat. Yun din ang time na naging bitter siya at parang nagalit siya sa buong mundo. 

Laking pasasalamat din naman nitong si Matthew at ang kanilang break up ay nangyari few weeks before his graduation dahil hindi talaga niya alam ang gagawin kung saka-sakaling nasa kalagitnaan siya ng School year at baka maapektuhan talaga pati ang studies niya.

Matalino kung sa matalino itong si Matthew kaya nang naging bitter ito'y laking ipinagtaka ng mga kaibigan nito sa Campus. From friendly ay naging sarcastic itong si Matthew at walang nakakatalo sa kaniyang mga Banat sa asaran at talaga namang napipikon ang mga nakikipagbiruan o kumakausap sa kaniya sa Campus. Ibang klase ang banat ng isang taong bitter.

Walang nakaka-alam din sa kaniyang mga Circle of friends sa pinagdadaanan ni Matthew dahil talaga namang discreet ito at wala siyang kaibigang Bi din sa Campus. Dahil doon ay unti-unti nila itong nilayuan hanggang sa mawalan na siya totally ng kaibigan nang dumating na ang Graduation. Ang kaniyang mga Classmate ay nagceCelebrate kinagabihan after the event samantalang si Matthew nama'y nag-iimpake't nakasimangot at sumusumpang di na mauulit sa kaniya ang ganoong situation.

Wala ding  kaalam-alam ang kaniyang Parents at ang Yaya niya sa kaniyang napagdaanang situation sa US dahil Cheerful itong si Matthew sa kanilang harapan pero pag mag-isa nalang siya'y nagmumukmok ito to the maximum level at palaging nakasimangot. 

Ang talagang akala ni Matthew ay makakatulong na makaGet Over siya sa kaniyang first ever na break up pag naka-uwi na siya pero mas lalo niyang naiisip at naaalala niya ito dahil nakatambay lang siya sa bahay for almost one week since nang nakauwi na siya. Dahil dito'y nagDecide si Matthew na maghanap ng part time na trabaho na hindi gaanong time consuming para maiba lamang ang kaniyang scenario't may mapagkaabalahan siya.

Ngayon ay nakaupo silang tatlo ng kaniyang parents habang nagbreBreakfast at kumuha talaga ng timing si Matthew upang ipaalam sa kaniyang parents ang kaniyang binabalak.

"Dad... Mom... I'm bored." Bungad ni Matthew sa kaniyang parents.

"Gusto mong magOut of town Dear?" Tanong kaagad ng kaniyang mom.

"How about HongKong Matt?" Dagdag ng kaniyang Dad.

"Clueless talaga." Ang nasambit ni Matthew sa kaniyang isipan habang nagpakita siya ng fake na smile sa kaniyang parents.

"Gusto ko pong magPart time job. Susubukan ko lang po." Ang sagot ni Matthew sa kanila.

"I'll tell my Secretary." Ang walang emotion na sinabi ng kaniyang mom.

"O paano Son. Mauna na kami at ang Mom mo na ang bahala sa part time work na gusto mo." Ang sinabi ng kaniyang dad sa kaniya matapos nitong ubusin ang kaniyang coffee sabay tayo at ilang seconds din ay sumunod ng tumayo ang kaniyang mom. Hindi man lang muna nila tinanong si Matthew sa gusto nitong klaseng part time work.

"We will not be having Dinner. Don't wait for us." Ang pahabol ng kaniyang mom kay Matthew sabay halik sa cheeks ng anak.

"Just enjoy your stay here Son." Ang sinabi sa kaniya ng kaniyang Dad sabay gulo nito sa buhok ni Matthew at sabay silang lumabas ng kaniyang wife para pumasok na. Naiwan na lang si Matthew na nakanganga sa mesa.

"Bilib din naman ako." Ang sarkastiko niyang sinabi sabay kuha niya ng Newspaper sa table na binabasa ng kaniyang Dad kanina. Pumunta siya sa sala at umupo sa sofa at kaagad na tinignan niya ang classified ad section ng diaryo.

"Bye Mom. Bye Dad. Take care." Ang emotionless na sinabi nalang ni Matthew for his parents kait impossible na nila itong marinig habang binabasa niya isa-isa ang mga Wanted Ad. 

Ganoon ang daily life na nakalakihan ni Matthew sa kanilang tahanan. Napangiti itong si Matthew nang may nabasa siyang isang Add na magiging madali lang para sa kaniya ang trabaho sakaling matanggap siya dito. Agad siyang tumayo sa pagkakaupo sa sofa upang maligo na't magPrepare dahil naExcite siya sa kaniyang naisipang gawin.

Matapos magShower ni Matthew at makapagbihis ay agad niyang hinanap sa bahay ang kaniyang yaya. Naging part na ng family nina Matthew ang kaniyang Yaya at nagstay na sa kanila nang nagpunta siya sa US upang mag-aral at naging taga tingin nalang ito at tagasubaybay sa iba pang mga helper nila sa bahay.

"Ya!" Tawag ni Matthew dito nang makasalubong niya ito sa Kitchen.

"Bakit Anak?" Ang tanong naman nito kay Matthew. 'Anak' ang nakasanayang itawag ng Yaya ni Matthew sa kaniya.

"Penge naman pong pamasahe. May pupuntahan lang ako." Paglalambing ni Matthew sa kaniyang Yaya sabay yakap dito.

"Hintayin mo nalang dumating ang Driver at magpahatid ka nalang." Natatawang sambit ng kaniyang Yaya kay Matthew habang niyakap na rin niya ito. 

"Ang laki-laki mo na 'Anak'. NagGaganyan ka pa." Pagbibiro pa nito sa paglalambing ni Matthew sa kaniya.

"Ayaw nyo po nito para maranasan ninyong mayakap ng isang lalaki." Mabilis na pagsagot ni Matthew sa kaniyang matandang dalagang Yaya. Pabiro siyang itinulak nito't natatawang sinermonan.

"Kailan ka pa natutong mamilosopo ha?" Ang nakangiting sinabi ng Yaya ni Matthew sa kaniya habang inaayos nito ang nagusot nitong tshirt ni Matthew. 

"Saan ka ba pupunta anak?" Tanong ulit nito kay Matthew.

"Sa tabi-tabi lang Ya. Mamasyal lang. Penge na po ng pamasahe't wala pa po akong Cash" Ang explain ni Matthew habang pinapakita nito sa kaniyang Yaya ang kaniyang Visa Gold.

"Hintayin mo nalang yung Driver. Huwag ng matigas pa ang ulo." Ang nagingiting sinambit muli nito kay Matthew na sinunod naman agad ng kaniyang alaga.

Pagkadating na pagkadating ng driver sa bahay dala ang sasakyang ipinanghatid sa mga Parents ni Matthew ay nagpaDrive siya dito at nagpaturo kung saang lugar makakakuha ng mga fake na Transcript of records at diploma. Pati na din fake na NBI Clearance.

Matapos makapagWithdraw si Matthew sa ATM ay kaagad siyang dinala ng kanilang driver sa Recto at nagpaRush siya ng mga fake na documents sa isang shop na unang-una niyang nakitaan ng may nakalagay na sign na TOR, DIPLOMA, NBI, PASSPORT ATBP.

Kakailanganin kasi ni Matthew ng fake na mga documents sa kaniyang part time job na pag-aaplyan at ang mga ito ang kaniyang ipriPresent. Nag-anticipate na si Matthew na baka kung ano-ano ang itanong pa sa kaniya kung ipapakita niya ang kaniyang totoong Resume and credentials. Mas magiging madali para sa kaniya kung fake ang kaniyang gagamitin at ipapakita sa kaniyang application. Baka din sabihin at laitin siyang sa US nagCollege tapos magtuTutor lang.

Pinamirienda muna niya ang kanilang driver sa isang fastfood at habang kumakain ito'y sinusuring mabuti ni Matthew ang lahat ng mga info na nakalagay sa kaniyang pinagawang fake na mga papers at miniMemorize sakali mang may itanong tungkol doon ang employer.

Matapos niyang pagmeriendahin ang kanilang Driver sa isang fastfood ay inutusan niya itong umuwi na at huwag ipapaalam sa lahat kung saan sila pumunta at kung ano ang kanilang ginawa. Pinagbilinan din ni Matthew ang kanilang Driver na sabihin sa kaniyang Yaya na manonood siya ng sine at baka gabihin na din. Idinagdag pa nito na tatawag nalang siya para magpasundo o kaya naman ay magtaTaxi nalang siya pauwi.

"Sisante ka pag may nakaalam." Ang huling sinabi ni Matthew sa kanilang driver bago sila maghiwalay. Kaagad na pumara si Matthew ng taxi at nagpahatid sa Driver sa Address na nakasaad sa Wanted Ad na kaniyang target na mapasukan.



*********************



Talagang inorasan ni Matthew ang pagbubukas ng Gate ng isang malaking bahay matapos niyang pindutin ang doorbbell at hindi naman siya nabigo dahil pagkalagpas lamang ng one minute ay pinagbuksan na siya ng gate.

Napatulala ng ilang seconds si Matthew nang mabungaran niya ang features ng taong nagbukas sa kaniya ng gate. Matangkad, mestizo, kitang-kita sa suot nitong white hanes na tshirt ang product ng religious na pagwoWork out nito, wavy ang buhok na halatang bagong gupit, may mga rubbles na halata ding hindi nakapagShave for two days, naka board shorts lang ito at kitang-kita ni Matthew ang malinis nitong toenails sa napakaputi nito't mamula-mulang daawang paa. Wala pang five seconds ay nainspect na ni Matthew ang kaharap from head to toe at nakapasa sa kaniyang standards para sa matawag niya itong isang dream bachelor.

"How can I help you?" Ang tanong ng lalaking hinulaan ni Matthew na nasa edad 30-35. Tila umurong ang dila ni Matthew at bigla itong naConcious at umaasa siyang hindi nahalata ng kaharap ang kaniyang pagcheCheckOut dito. Hindi alam ni Matthew kung bakit siya natataranta at dahil wala siyang maisip na sentence that time ay iniabot niya sa kaharap ang cut out ng Wanted Ad na nakita niya sa broadsheet kaninang umaga.

"Ah. Yan ba. I need a female tutor." Ang cool na sinabi ng lalaki kay Matthew at nagstart na niyang isara ulit ang gate. Tila biglang natauhan itong si Matthew at naningkit ang mga mata nito mula sa narinig sa Guy na halos mapraning na siya sa kagwapuhan. Nabastusan din siya na isasara sa kaniyang pagmumukha ang gate nila.

"Ang tanda mo na magtututor ka pa." Ang mabilis na sambit ni Matthew sa lalaki na natigilang bigla sa pagsasara ng kanilang gate.

"Come again?"

"Sabi ko ang tanda-tanda mo na at magtututor ka pa." Ang inulit muling sinabi ni Matthew sa lalaki na kinagulat nito. Medyo nararamdaman na ng kaniyang kausap na naOffend si Matthew sa kaniyang sinabi at kaniyang inaktong pagsasarhan ito.

"Ang daughter ko ang nangangailangan at hindi ako. Sorry ha. Di nailagay sa Ad na Femle tutor ang kailangan." Ang humble na sinabi ng lalaki kay Matthew. IkinaBadtrip naman lalo nitong si Matthew ang sinabi ng lalaki sa kaniya.

"Ilang days na itong Add na ito sa diaryo?"

"Mga Three days na."

"Why didn't you notify them to change the add?" ang palaban na sinabi ni Matthew na ikinatulala ng kaharap niya. 

"This is a bad business practice and misinformation. Kawawa naman ang mga male applicants." Ang sunod-sunod na idinagdag ni Matthew sa kaharap. Lumabas na ang banat nitong may Bitter na si Matthew. Napakagat ng labi ang kaniyang kausap at kumasa na din dahil first time nitong maQuestion in that way. Especially na naggaling lang sa isang Applicant na naghahanap ng trabaho sa kaniya.

"You shouldn't speak that way to your future boss." Ang ganti naman ng lalaki.

"So . Tanggap na ako?"

"WHAT?"

"Sabi mo huwag akong ganitong magsalita sa future boss ko." Ang sarcastic na sinabi nitong si Matthew habang iniisip niyang napakayabang ng kaniyang kaharap at laking gulat siguro nito kung ipamukha niya dito ang kaniyang family background. 

Wala namang naisip na maiganting sagot ang lalaki sa sinabi ni Matthew sa kaniya dahil totoo naman ang sinasabi ng Applicant. Alam niyang lahat iyon bilang isang businessman kaya naman tumahimik na lamang siya't huminga ng malalim.

MagsoSorry na ulit ang lalaki kay Matthew dahil sa pagkakamali niya dahil hindi niya naipabago ang Wanted Add nang tumawag ang kaniyang daughter mula sa kaniyang likuran.

"Daddy!" Ang malakas na sigaw ng kaniyang daughter habang patakbo itong palapit sa kanila at sa di inaasahang pangyayari'y natapilok ito't naOut of balance.

"HONEY!" Ang malakas na sambit ng kaniyang daddy habang mabilis itong pumunta sa nadapang anak. Kitang-kita ni Matthew na masama ang pagkakabagsak ng bata sa semento kaya nama'y sumunod din siya sa daddy nito papunta sa bata.

Yakap-yakap na ng kniyang daddy ang humahagulgol na bata at inaalo-alo na niya ito. Kinuha ni Matthew ang kaniyang hanky sa backpocket ng pants niya't ipinunas sa cheeks ng bata dahil naghalo na ang tears nito't alikabok na nangGaling sa semento. Nakitaan din ng gasgas ni Matthew ang bata sa  chin nito. Sa tingin niya'y 6-7 yrs old lang ito. Medyo naDumbfounded ang daddy ng bata nang mapansin niya ang ginagawa ni Matthew sa kaniyang one and only daugther.

"Shhh baby." Ang mahinang pagpapakalma ni Matthew sa bata. Habang patuloy niyang pinupunasan ang mukha nito. Magpapasalamat na sana ang daddy ng bata kay Matthew nang magRing ang phone niya sa bulsa.

"Akin na muna siya." Volunteer ni Matthew sa daddy ng bata na agad namang ipinakarga sa kaniya ang anak at mabilis na sinagot ang phone niya.

"Sige, sige. Give me just a sec." Ang narinig ni Matthew sa lalaki. Tumingi ito kay Matthew na may facial expression na tila ba nagpapaalam. Tumungo nalang itong si Matthew bilang pagtugon at agad namang nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay ang daddy ng bata.



*******************After 20 minutes***************



"SHOOT!" Ang malakas na nasambit nalang ng Daddy ng bata nang matapos siyang makipagConference call sa mga board members ng kaniyang pinapasukang company. Vice President siya sa current niyang  Company. 

Nagmamadali siyang lumabas ng kaniyang kwarto upang puntahan ang kaniyang Daughter na iniwan niya sa isang lalaking stranger. Kada hakbang niya'y palakas ng palakas ang kabog ng kaniyang puso. Nawala sa ispi niya ang safety ng kaisa-isa niyang Daughter dahil sa urgency ng tawag sa kaniya from the Office.

"Si Jennifer?" Ang nagpaPanic niyang tinanong kay Matthew nang madatnan niya itong nakatayo lang mag-isa sa patio kung saan niya iniwan ang mga ito.

"May kinuha lang sa room niya." Sagot naman ni Matthew sa daddy ni Jennifer at napataas ang isa niyang kilay nang makita niyang nagmamadali itong pumasok sa bahay at narinig niyang malakas na tinawag nito ang anak at narinig din niya ang response ni Jennifer sa kaniyang Daddy.

"Kala mo Kidnapper ako." Ang sinabi ni Matthew sa daddy ng bata nang lumabas ulit ito't nakitaan na niya na kalmado na ang mukha.

"Sorry. Nag-iisa lang siyang Family ko." Ang nahihiyang sambit ng daddy nito.

"Next time." Ang banta ni Matthew sa lalaki. Hindi naman ikinagalit iyon ng Daddy ng bata bagkus naAppreciate pa niya ang concern nitong si Matthew. Pero hindi dapat siyang umakto sa harapan ng kaniyang employer na ganoon.

"Arthur." Ang pagpapakilala ng daddy ng bata kay Matthew sabay abot ng right hand nito para makipagShake hands.

"Matt." Pakilala ni Matthew kay Arthur kasabay ng pakikipagShake hands niya dito. 

"Ang lambot." Ang isip-isip ni Matthew anang napahanga siya sa walang kalyong palad ni Arthur.

"Sorry Matt. She needs a female tutor. Pasensya na." Ang naihiyang paghingi ng sorry ni Arthur sa applikanteng si Matthew.

"No problem. Bibo naman si Jennifer bat kinakailangan pa ng tutor?" Ang nasambit nalang nitong si Matthew kay Arthur. Ikinagulat naman iyon ni Arthur.

"Ha? Paano mo nasabing bibo si Jenny?"

"Talkative."

"Ha?" Hindi makapaniwala itong si Arthur sa kaniyang narinig.

"Ayaw mong maniwala."

"Sorry ha. Kaya nga kailangan ng tutor ni Jennifer kasi naging tahimik ito't  malungkutin since nang mamatay ang mommy niya." Ang explain ni Arthur kay Matthew. Si Matthew naman ang hindi makapaniwala na  at the young age of Jennifer ay naulila na agad ito sa kaniyang mommy. Kaagad na naawa itong si Matthew sa mag-ama.

"Sorry talaga We need a female tutor."

"Okay lang naman. Nice meeting you Sir Arthur. Pakisabi nalang kay Jenny na umalis na ako." Ang mahinahong sinabi ni Matthew kay Arthur. Ngayon nama'y si Arthur ang hindi makapaniwala sa sudden change of mood ni Matthew.

"Kasalanan ko din naman at hindi ko naisip na tumawag muna for some clarification." Ang paHumble na explain pa ni Matthew bago siya lumabas ng gate nina Arthur.

"Quits na tayo." Ang nakangiting reply ni Arthur sa kaniya bago nito isinara ang gate ng kanilang bahay. This time ay hinintay niyang tumalikod at makalayo na itong si Matthew.

"Daddy where's tito Matt?" Ang biglang tanong ni Jennifer sa kaniyang daddy na ikinagulat naman ng isa. Umabot ang tainga ng ngiti nitong si Arthur nang makita niyang nakaBraid ang buhok ng kaniyang daughter at yakap-yakap nito ang lahat ng kaniyang mga Barbie Dolls.

"He went home na. Tara na para maClean ko na yang face mo." Ang pagyaya ni Arthur kay Jeniffer para pumasok na sa loob ng bahay.  Lalong natawa si Arthur nang makita niyang nagFrown si Jennifer.

"Bakit ka nakaFrown?"

"Sabi kasi ni tito Matt na he will also braid the hair of all my barbie dolls eh." Ang naiinis na sinagot naman ni Jenny. Ikinasiya talaga ni Arthur ang behaviour ng kaniyang daughter. It's the first time na makita niyang magkaInterest ang kaniyang daughter sa ibang tao since ng namatay ang mommy nitong si Jenny. Kay Matthew lang ito nagkaroon ng ganoong reaction at hindi sa iba pang naunang mga female applicants. Si Matthew lang ang tanging male applicant sa lahat ng mga nagApply.

Habang papasok silang mag-ama sa loob ng bahay ay napansin ni Arthur ang isang brown envelope at kinuha niya ito't tinignan. Naiwan ni Matthew ang kaniyang mga papers sa ibabaw ng table sa may patio. Ibinalik muli nitong si Arthur ang mga papers ni Matthew inside the envelope matapos niyang tignang mabilisan ang mga info na nakasulat doon. 

Hawak sa ni Arthur sa isang kamay ang isang hand ni Jennifer at sa isa nama'y ang envelope ni Matthew habang masaya silang pumasok mag-ama sa loob ng bahay.




**********************9:30pm****************




Napatulog na ni Arthur ang kaniyang daughter na si Jenny at ngayon ay nakaupo siya sa sofa sa kanilang salas at nasa kalagitnaan siya ng process ng pagkoCompare sa mga submitted credentials ng mga nagApply to be the tutor of his daughter. Medyo inaantok na siya that time kaya nama'y sumandal muna si Arthur sa sofa at ipinikit muna nito ang kaniyang mga mata.

Naging hectic ang buong week ni Arthur dahil nagkaroon ng emergency ang yaya ni Jenniffer at kinakailangan nitong umuwi as soon as possible sa province kaya naman ay nagleave muna siya ng ilang weeks.

Matagal na ring planong ikuha ni Arthur ng tutor itong si Jenny dahil talagang bothered siya sa pagiging malungkutin at tahimik ng kaniyang anak. Hindi niya ito masisisi at kahit din naman siya'y hindi pa makaRecover sa pagkamatay ng maaga ng kaniyang wife dahil sa isang sakit.

Nagdecide si Athur na ituon ang lahat ng kaniyang attensyon kay Jenny kahit na lagi siyang busy sa office because of his responsibility as the VP of the company but lalo pa atang naging malulungkutin at tahimik ang kaniyang daughter habang tumatagal. Sinabihan siya ng teacher at principal ng Pre School na pinapasukan ni Jenny na hindi ito nagpaparticipate sa class at tahimik lamang ito from the beginning hanggang sa end of the class. Even makipag-usap sa kaniyang mga classmate ay hindi na nito ginagawa.

Nawala ang saya sa mukha ni Jennifer nang malaman ng bata na namatay na ang kaniyang mommy. Walang malapitang relatives ang mag-ama  on both side dahil almost all of them ay nasa US and Canada. May nakapagpayo kay Arthur na isang kaOfficemate niya na ikuha si Jenny ng tutor and subukan kung kaya nitong ibalik ang cheerfulness ng bata kahit paunti-unti lamang.

Lahat ay gagawin ni Arthur para sa kaniyang kaisa-isang anak. Kaya ngayo'y he's in the middle of choosing one sa lahat ng mga nagApply at tumugon sa kaniyang ipinalagay na Wanted add sa broadsheet.

Habang nakapikit si Arthur ay hindi talaga mabura sa kaniyang isip ang mukha ng pagkadismaya ni Jenny nang malaman niyang umalis na si Matthew. Biglang naalala ni Arthur ang kaniyang asawa habang itrinitrintas nito ang buhok ni Jenny. Napakagat ng labi itong si Arthur at agad na dumilat at kinuha ang kaniyang phone at hinanap niya sa mga nakalatag na papers ng mga applicant sa ibabaw ng center table ng kanilang salas ang papers ng applicant na kaniyang napili na magiging tutor ni Jennifer. Umiiling-iling si Arthur habang idinaDial nito ang contact number ng nakapasang applicant.

Hindi niya alam sa kaniyang sarili kung bakit itong aplikanteng ito ang kaniyang napili. Alam niyang medyo may pagkaArogante at matalas ang tabas ng dila nito pero kampanteng-kampante ang loob niya sa applicant na ito na hindi nito pababayaan si Jenny at kitang-kita naman niya ang reaction ng kaniyang daughter dito.

Nag Inhale at Exhale si Arthur habang hinihintay niyang sumagot ang applicant sa kabilang linya. Kinikutuban itong si Arthur na sasakit ang ulo niya sa magiging bagong tutor ni Jenny but for the sake ng kaniyang one and only daughter ay makikipag gamble siya sa kaniyang napiling applicant.











To Be Continued

1 comment:

  1. On my second run.

    Mas okay pala to read a story na matagal nang na-post; hindi na kailangang maghantay for the next parts of the story.

    And if I read this story for a third time ... well ... it means this is worth reading.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails