WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.
By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
Author's Note:
May 171 followers na ako! Yeheeeyyyyyyyyy! Salamat ng marami sa mga nagfollow sa akin dito. Masayang-masaya ako habang nakikita kong dumadami kayo. Thank you, thank you ng marami!
Para doon sa hindi pa nag-follow at nakibasa lang, oist, makonsyensya naman kayo - JOKE!!! OK lang po, basta patuloy pa rin kayong nagbabasa at nagbubukas sa MSOB. Pero kung may time kayong mag follower, mas maganda.
Gusto ko ring magpasalamat kay Sandy sa pagsuggest niya ng song dito sa part na ito, hehe. At kay Junius (a.k.a. Noel) sa matinding linyang binitiwan ni Jason laban kay Romwel. Hiniram ko lang iyan, lol!
May plano pala akong i-open ang pagpo-post ng stories nila dito sa MSOB. In case you want to be a contributor, just tell me, I'll include your email sa moderator para libre kayong mag-post ng kwento ano mang oras. Sana ay may mag volunteer. Huwag kopya please. Yung original ninyo pong gawa.
Nasa top 6 na pala sana ang MSOB sa top blog pero hindi ko alam kungbakit nila dinelete ang MSOB, nalungkot naman ako. Sana may explanations sila or warning man lang bago nila i delete. Sana walang favoritism d'yan o kaya discrimination...
Muli, salamat sa lahat ng sumusuporta at patuloy na sumusuporta.
Malapit na pong magwakas ang AKKCNB... at may bago na naman po tayong aabangan.
-Mikejuha-
----------------------------------
Ibayong kaba ang naramdaman ko noong makita ang kabaong sa sala. Nakakabingi ang kalampag sa aking dibdib. Hindi pansin ang mga tao sa paligid, nagtatakbo akong tinungo ito, hila-hila sa likuran ko si Noel.
Noong masilip ko ang kabaong, hindi ko na napigilan pa ang sariling sumigaw at maglupasay, “Papaaaaaaaa!!! Bakit mo ako iniwan???!!! Papaaaaaaaaa!!! Nandito na po ako pa!!!! Nagsisi na po ako pa!!!!”
Ngunit hindi na ako puwede pang sagutin ng aking ama. Huli na ang aking pagsisisi. Wala na akong ibang nagawa pa kundi ang humagulgol sa harap ng kanyang kabaong. At iyon na ang huling natandaan ko. Nagcollpase pala ako at unconscious dala ng magkahalong pagod at sama ng loob.
Noong manumbalik na ang malay ko, umaga na, nakahiga sa isang kuwarto ng ospital. Inikot ko ang mga mata at nakita kong pinalibutan ako ng mga kaibigan at ibang ka-klase. Nasa gilid ko naman si mama. Damang-dama ko sa mukha niya ang magkahalong pananabik na makita akong muli at ang matinding dalamhating dinadala niya sa pagkawala ni papa.
Noong ibinaling ko ang paningin sa isang sulok, nakita ko doon si Kuya Rom, nakaupo sa isang silya. Nakasuot ng straight-cut na maong, semi-fit na puting t-shirt na may dalawang kulay blue na tripe sa dibdib. Pumuti siya sa tingin ko. Marahil ay gawa iyon sa lamig na klima ng Canada. At lalo itong nagpatingkad sa kanyang angking kakisigan. Nandoon pa rin ang ganda ng katawan niya, ang nakabibighaning mukha, at tindi ng appeal. Nagsusumigaw ang aking puso na ngitian siya, palapitin sa aking hinigaang kama at yakapin. Ngunit noong sumingit naman sa isip ko ang ginawa niyang panlilinlang, ibayong galit naman ang nangibabaw sa buo kong pagkatao. Masakit pa ang sugat na dulot ng ginawa niya sa puso ko. Siya ang dahilan ng aking paglalayas na dahilan naman kung bakit hindi ko na naabutan pang buhay ang papa ko.
Mistulang nagyuyukyok siya sa pagkakaupo, tulala at ang mga mata ay nakatutok sa sahig na sa lalim ng iniisip ay tila tagos ang paningin niya sa kabilang lupalop ng mundo. Noong ibinaling niya ang tingin sa akin, nakita kong nagmamakaawa ito. Ngunit ang isinukli ko ay isang matigas na simangot at matulis na tingin.
Yumuko siya. Muli, ang mga tingin ay ipinako sa sahig. Para siyang isang napakabait at inosenteng tupa na inaapi at nakakaawang tingnan. Ngunit manhid na ang damdamin ko para sa kanya.
Habang nakapako ang mga titig ko sa kanya, pasikreto na naman siyang tumingin sa akin. Ngunit galit pa rin sa mukha at tingin ko ang nakita niya. “Hindi kita mapapatawad!” sigaw ko sa sarili.
Nanatili na lang si Kuya Rom sa ganoong posisyon, hindi magawang lapitan ako.
Ewan… hindi ko lubusang maintindihan ang naghalong naramdaman ko sa puntong iyon. Iyon bang sabik na sabik akong makita siya, makausap, mayakap, ngunit nanaig pa rin ang matinding galit sa utak ko. Gusto ko siyang tingnan, titigan, haplusin ang mukha intindihin, ngunit nasasaktan din ako dahil nakatatak na sa isip ko at naramdaman ng puso ang matinding sakit na dulot ng pagtaksil niya.
Nong hinaplos ni mama ang buhok ko, saka bumalik na naman sa isip ko ang larawan ng mukha ni papa sa loob ng kabaong. Muli na naman akong naglupasay at nagsisigaw. Niyakap ako ni mama ng mahigpit. Niyakap ko rin siya habang pareho kaming nag-iiyak at humihikbi. “Ma…. Bakit??? Bakit ma???” ang sambit ko.
Hindi na sinagot ni mama ang tanong ko. Hinayaan niya akong umiyak nang umiyak sa kanyangmga bisig.
Mayamaya nagsalita siya, “Anak… salamat at naisipan mo ring umuwi. Pareho kami ng papa mong nabahala sa pagkawala mo. Pati Kuya Romwel mo ay kung saan-saan nagpupunta upang hanapin ka.” Alam kong mabigat ang kalooban ni mama dahil sa pag-alis ko nang walang paalam. Ngunit marahil ay sa bigat ng pinapasan niya, hindi na niya magawang dagdagan pa ito at ibato sa akin ang lahat ng sisi.
Sa pag-uusap namin nalaman ko ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni papa. Atake sa puso. At lalo akong nanlumo noong malamang ang dahilan nito ay ang kawalan ng tulog at pahinga sa paghahanap sa akin. Tumawag daw ito sa mga bangko at tini-trace ang mga lugar kung saan naganap ang mga transactions ng credit cards na ginamit ko. Habang nakikipag-usap daw siya sa isang manager, doon na siya inatake…
Kung tutuusin, puwedeng ipa-cancel ni papa ang mga credit cards na ginamit ko upang maubusan ako ng pera at umuwi na lang. Ngunit hindi niya ginawa ito. Marahil ay hindi niya maaatim na maghirap ako kung saan man ako tutungo.
Lalo akong napahagulgol, umalipin sa utak ko ang matinding pagsisisi sa masamang ginawa kong paglalayas. “S-sana nandito pa ang papa ma kung hindi ako naglayas. Ako ang dahilan ng kanyang pagkamatay ma!” ang nasambit ko, patuloy ang paghagulgol.
“Huwag mo nang sisihin ang sarili mo anak. Ang lahat ng ito ay may dahilan… Marahil ay talagang oras na para sa kanya. Isipin na lang natin na ang lahat ng ito ay parte ng isang dakila at pangkalahatang dibuho ng maykapal.”
“Ma… sorry talaga ma. Paano kaya ako mapapatawad ni papa… Hindi ko rin kasi alam ang tamang gagawin sa mga panahong iyon ma. Parang lahat na lang ng problema sa buhay ay pasan ko ma. Sobrang sakit ang naramdaman ko, parang wala akong kakampi sa mundo, walang nagmamahal.” Ang mga katagang lumabas sa bibig ko. Alam ko narinig ni Kuya Rom ang lahat ng iyon. Ngunit kung ano man ang iniisip niya, wala na akong pakialam. Gusto ko rin kasing marinig niya na kung hindi dahil sa ginawa niya, hindi sana ako naglayas.
“Alam ko, anak. Alam ko ang naramdaman mo. At huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala na tayong magagawa pa sa mga nangyari na. Ngunit sana sa susunod na maranasan mo ang hirap ng kalooban, palagi mong isiksik sa isipan na ang isang hakbang na makasisira sa iyo, nakakasakit din ito sa damdamin ng mga taong nagmamahal sa iyo. Lahat sila ay nadadamay kapag may ginawa kang hindi maganda sa iyong buhay. Hindi totoong walang nagmamahal sa iyo, anak. Hindi mo lang nakita at na-appreciate ang pagmamahal nila. Tingnan mo ang papa mo. Mahal ka niya. Ngunit dahil hindi mo ito nakita o naapreciate, humantong ito sa pag-alay niya ng kanyang buhay. Kailangan pa bang may mangyaring masama sa taong nagmamahal sa iyo upang makita mo kung gaano ka kahalaga sa kanila?”
Napatingin naman ako kay Kuya Rom. Tila hindi lang pagpapatama iyon sa akin para kay papa kungdi pati na rin sa kanya. Napatingin din siya sa akin. Ngunit matigas pa rin ang puso ko para sa kanya.
Napahgulgol akong lalo sa sinabing iyon ni mama. Mistulang isa itong sibat na tumusok sa kaibuturan nga aking puso. “Ma… patawad. Sobrang napakasama ng ginawa ko! Napakasama kong tao, ma. Nagsisisi na po ako ma… Sana ay mapatawad ni papa ang ginawa ko.”
Niyakap na lang ako ni mama. “Napatawad ka na ng papa mo, alam ko. Ganyan ka niya kamahal, anak.“
Nasa ganoon akong pag-iiyak at pagdadalamhati noong mapansin ko si Noel na nakaupo lang sa di kalayuan, lungkot na lungkot ang mukha at mistulang naguguluhan sa mga pangyayari.
“Ma… si Noel pala.” Turo ko kay Noel at minuwestrahan na rin siyang lumapit. “Isa siyang batang-kalye ma, walang mga magulang. Nakita ko siya habang namamasyal ako sa plaza ng huling lugar na pinuntahan ko. Siya ang dahilan kung bakit ko naisipang umuwi. Pinangakuhan ko siyang bibigyan ng papa at mama…” at napahagulgol na naman ako. “…at saka pa nawala si papa! Siguradong matutuwa sana siya kapag nakita niya si Noel.”
Tiningnan ni mama si Noel atsaka nginitian niya ito. “Alam mo, anak, sigurado ako, tuwang-tuwa at prooud ang papa mo sa ginawa mo.” Ang sabi ni mama sa akin.
Hinawakan ni mama ang dalawang kamay ni Noel atsaka niyakap niya ito at sinabihan ng, “Kahit wala ka nang maging papa, hijo, huwag kang mag-alala, may mama ka naman, may pamilya, at may dalawang kuya na siyang mag-aalaga sa iyo…”
Mistula namang sumabog ang ear drum ko sa narinig. “Oo nga pala, kuya na rin pala ni Noel si Kuya Romwel” sa isip ko lang.
“S-salamat po!” sagot ni Noel.
“Sabiihin mo… ‘Salamat po mama’” ang pagturo ni mama.
Binitiwan ni Noel ang isang ngiting nahihiya. “Salamat po mama…”
Mistula namang napagaan ang aking damdamin sa nasaksihang may isang taong sumaya nang dahil sa akin. Nawala man ang papa ko, may sumibol namang saya sa aking puso. Isiniksik ko na lang sa isip na base sa sinabi ng mama ko, masaya at proud pa rin ang papa ko sa ginawa ko. Nawala man siya, may nadagdag naman sa aming pamilya.
Napayakap na rin ako kay Noel. “Sabi ko na sa iyo di ba? At simula ngayon, tunay mo na akong kuya.”
Niyakap din ako ni Noel atsaka hinalikan sa pisngi. “Salamat kuya…”
“Hayun, Kuya mo rin iyon” turo ko kay Kuya Romwel. “Lapitan mo at mag hug ka” ang sabi ko sabay baling ng tingin ko kay Kuya Rom. Tumingin din siya sa akin, binitiwan ang isang ngiting pilit, at ibinaling na ang paningin kay Noel at ibinuka ang mga braso upang tanggapin ng yakap ang lumapit na bata. “K-kuya Romwel?” ang bati kaagad ni Noel. “Palagi kang ikini-kwento sa akin ni Kuya Jason!” ang sambit kaagad niya. “Mabait ka daw…”
Mistula naman akong napukpok sa ulo sa pagbulgar na iyon ni Noel. Napangiting tumingin sa akin si Kuya Rom. Ngunit hindi ko sinuklian ang kanyang ngiti. Nakasimangot pa rin ang mukha ko.
Kitang-kita ko naman na tila kinilig si Kuya Rom. Anlaki kaya ng ngiti, nakakaloka.
“Talaga?” Ang sagot niya, ramdam ko ang pagka-excited niya, sabay tingin na naman sa akin ng palihim na sinalubong ko lang ng pag-irap.
Ramdam kong bigla siyang sumaya. Nkahanap siya ng kakampi kay Noel. Kinakarga-karga niya ito at niyayakap-yakap. “Mamaya ha mag kuwentuhan pa tayo?” ang sabi niya kay Noel. Parang sobrang close na sila bagamat iyon pa lang ang una nilang pagkita.
“Opo kuya!” ang inosenteng sagot naman ni Noel.
Nasisiyahan naman si mama sa nasaksihan. Ngunit ako, parang tumindi pa ang galit ko sa kanya. Ang papa ko, inagaw niya sa akin ang atensyon, pati ba naman kay Noel, aagawin uli niya? Iyan ang sumiksik na senaryo sa aking isip. Marahil ay ganyan lang talaga kapag may galit ka na sa isang tao. Lahat ng kilos niya ay nakakaasar, nakakasuka.
Sa umaga ding iyon lumabas ako ng ospital at bumalik ng bahay. Sasakay na sana ako sa service namin noong, “Kuya, magpaalam daw ako sa iyo na doon ako sasakay sa kotse ni Kuya Romwel” ang pagpapaalam ni Noel sa akin na mukhang excited na makasama niya si Kuya Rom.
Syempre nagulat ako. “Ikaw, gusto mo ba?” sagot ko, inaasahang doon pa rin siya sasama sa akin.
Ngunit tumango si Noel kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag na sila ang magsama sa sasakyan.
“May bagong sasakyan. Sino kanyang nagbigay…?” sarcastic kon tanong ko kay mama pahiwatig sa bago at magarang sasakyan ni Kuya Romwel na nakabuntot sa sinasakyan namin.
“Regalo iyan galing sa daddy ng asawa niya…” ang maiksing sagot ni mama. Alam niya kasing ayaw ko pa ring makinig kahit na anong kuwento tungkol sa kanya. Marahil ay natakot siyang kung habaan pa niya ang kuwento baka magalit na naman ako at may gagawing hindi kanais-nais.
Tahimik. Pero sa loob-loob ko lang, “Nagpapa-impress na naman siguro kaya natuwa sa kanya iyong tao…”
“K-kausapin mo nalang kasi ang kuya Romwel mo, hijo. Makabubuti sa iyo ang pakikipag-usap sa kanya upang maliwanagan ang isip mo. Buksan mo ang puso’t isip mo anak.” Ang mungkahi ni mama ang boses ay nakikiusap.
Hindi ako kumibo.
“Anak, pakawalan mo ang lahat ng galit sa puso mo. Napakagandang harapin ang buhay kapag ganyang wala kang dinadalang sama ng loob… Naaawa na ako kay kuya Romwel mo anak. Noong nalaman niyang hindi ka umuwi ng bahay, napa-uwi iyan ng biglaan sa atin at halos hindi na kumakain at natutulog sa paghahanap sa iyo.”
“Ma, please, huwag na muna nating pag-usapan siya. Masakit pa ang kalooban ko sa pagkamatay ni Papa…Dagdag pasakit lang siya sa buhay ko, ma.” ang nasambit ko. “Paano, kagagawan naman din niya ang lahat ng ito eh!” bulong ko sa sarili.
“Ok…” ang maikling tugon ni mama. Ramdam kong may tinik din sa puso ni mama ang hindi pagbati namin ni Kuya Romwel.
Noong makarating na kami ng bahay at makitang muli ang kabaong ni papa, hindi ko na naman maiwasang maglupasay sa pag-iiyak. Inalalayan na lang nila akong pumasok sa aking kuwarto upang hindi ko muna makita ang mga labi ni papa. Noong nasa kuwarto na ako, nagpaiwan si Noel sa tabi ko. tuloy pa rin ang pag-iiyak ko habang tahimik at malungkot na pinagmasdan ako ni Noel.
Maya-maya, nagsalita siya. “Kuya… ako, nabuhay na walang papa, tapos, sa pagkamatay ni mama, ako na lang ang nag-iisa. Kaya ko naman...”
Ewan kung ano ang sumagi sa isip niya at nasabi niya ang ganoon. Naawa kaya siya, o naisip na baka hindi ko kakayanin ang nangyari.
Nahinto bigla ang pag-iiyak ko at tinitigan siya. “Hindi mo naranasang magkaroon ng papa at biglang mawala ito. Kaya hindi mo naramdaman ang naramdaman ko!” ang sabi ko, ang boses ay tumaas ng bahagya sa tila hindi niya pagintindi sa kalagayan ko.
Ngunit sumagot uli siya. “Hindi mo rin naranasan ang matulog sa tabi-tabi at kumain ng tira-tirang pagkain galing sa basurahan, ang manginginig sa sobrang lamig kapag nabasa sa ulan...” Ang inosente niyang sabi.
Mistula namang binatukan ako sa narinig. Nahinto ako sa pag-iiyak at napaisip. “Matalino ang batang ito. Ngunit tama siya. Maraming tao ang may mas malalaking dinadalang problema sa buhay kaysa sa akin.” Ewan, ngunit sa narinig ko, pakiramdam ko ay nanumbalik ang aking lakas ng loob at ang matinong pag-iisip.
At naalimpungatan ko na lang na niyakap ko si Noel. “Tama ka tol… dapat kong kayanin ang lahat ng ito. Kung nakayanan mo ang hirap at tindi ng lahat ng pinagdaanan mo sa buhay, dapat kaya ko rin ito, di ba?”
“Opo Kuya. Kasi kuya kita eh. Dapat mas matatag ka kesa sa akin.” dugtong niya.
At sa sinabing iyon ni Noel, napangiti ako, nahimasmasan at naibsan ang bigat na aking dinadala. At nasabi ko sa sariling marahil ay ibinigay talaga sa akin si Noel; upang magbigay liwanag sa aking isipan at magsilbing gabay at inspirasyon; at upang makayanan kong harapin ang lahat ng mga pagsubok sa buhay.
Kinahapunan, habang iniistima namin ang mga nakiramay, may biglang sumulpot naman sa bungad ng pintuan. Isang magandang babaeng karga-karga ang isang sanggol. Napalingon kaming lahat sa kanya dahil sa kanyang kapansin-pansing kasuotan. Naka-gown ito na mistulang pupunta sa isang party, at matingkad na pagka-pula pa ang kulay na taliwas sa lagay at lungkot ng aming pagdadalamhati. May ternong headdress siyang suot, at pati na rin ang kulay ng kanyang lipstick at mahahabang mga kuku ay kasing tingkad din ang pagkapula ng kanyang kasuotan.
Noong pinagmasdan kong maigi ang mukha, doon ko nakilalang si Kris pala ito. Mistulang grand entrance talaga ang pagpasok niya na sinabayan pa ng paglalakad na gumigiwang-giwang, animoy tumatahak ang mga naka-high heeled na paa sa ibabaw ng rampa.
Diretsong tinumbok niya ang kabaong ng papa at tinitigan ang loob ng kabaong. Pagkatapos nito, inikot ang mga mata niya sa paligid na tila may hinahanap, nakasimangot ang mukha, naiirita sa mga matang nakatutok sa kanya.
At maya-maya lang, marahil ay sa pagkabigo na mahanap ang taong gusto niyang makita, sumigaw na ito na para bang ang mga tao doon ay mga kasambahay lang niya. “Where is Romwel?”
Walang sumagot.
Sumigaw uli at mas malakas pa. “Where is Romwelllll?”
Dali-dali namang lumapit si mama sa kanya. Sumunod ako ngunit sinabihan ko ang isang katulong na samahan si Noel at ipakita sa kanya ang bagong Kuwarto niya.
“Ah, Kris… ipapatawag ko na lang si Romwel ha? Maupo ka muna?” ang sabi ni mama kay Kris at dali-dali na siyang tumalikod upang puntahan si Kuya Romwel.
“Tinatago nyo yata si Romwel sa akin eh!” ang pahabol niyang sigaw kay mama na hindi na pinansin pa ang banat niya.
“Hoy! Huwag mong sigaw-sigawan ang mama ko ha?! Kung makaasta ka ay parang ikaw ang may-ari ng bahay na ito!”
“Hoyyyyyyyyyyyyy!” Bulyaw din niya ang mga mata ay nanlalaki, at pinahaba pa ang pagsambit sa katagang ‘Hoy’. “At bakit? May karapatan naman talaga ako sa bahay na ito ah! Anak ni Romwel ang batang ito!” sabay turo sa batang karga-karga niya. “Kaya may karapatan ako!”
“Ang kapal naman ng face mo! Ang batang iyan” turo ko sa bata “...baka may karapatan nga pero ikaw, wala! At huwag mong masigaw-sigawan ang mama ko kung ayaw mong paalisin kita dito!” bulyaw ko din at mas nilakihan ko pa ang mga mata ko.
“O e, di paalisin mo! Kung kaya mo lang ha! O baka naman gusto mong ipabugbog kita kay Romwel!” sigaw niya uli.
“Ah, oo nga naman. Si ‘Romwel’ lang naman pala ang habol mo! Di mo ba alam na may asawa na siya? Ha? Isang Canadian na di hamak na mas maganda at mayaman!”
Kitang-kita ko ang paglaki ng kanyang mga mata at pagbukas ng kanyang bibig na dali-dali din niyang tinakpan sa isa niyang kamay. “Sinungaling!”
“Hindi. At wala ka sa kalingkingan sa ganda niya. At may anak na rin sila!”
Gusto kong matawa sa sarili sa nakitang reaksyon ng mukha niya. Nara-rattle, nagpupuyos sa galit. “Nasaan si Romwel?!!! Nasaan siya?????!!!!!!!” Bulyaw niya ang mga mata ay nanlilisik.
“Guard! Guardddddd! May babaeng sinaniban dito!!!” sigaw ko sa mga guwardiya.
Dali-daling pumasok ang dalawang guwardiya at kinaladkad siyang palabas. Nag-iiyak ang bata. Nagsisigaw naman si Kris ng pagmumura hindi alintana ang mga taong nakiramay.
Nasa labas na siya ng gate noong sumulpot naman si Kuya Romwel. Bagamat nagkasalubong kami, parang wala lang akong nakita. Nakasimangot ang mukha ko. “Ayankasi… kung sinong babae ang pinapatulan!” sigaw ko sa sarili.
Tinumbok niya ang labas ng gate kung saan nandoon si Kris. Pinagmasdan ko sila. Habang nagpupuyos si Kris sa galit, kampante naman si Kuya Rom na nakipag-usap sa kanya. Hanggang sa narinig kong sumigaw si Kris ng. “Idedemanda kita! Idedemanda kita! Sa korte na lang tayo magkita!”
Kampante pa rin si Kuya Rom. Nakita ko na lang na ipinalabas niya ang kanyang bagong sasakyan at pinasakay sina Kris at ang bata doon. Sumakay naman si Kris bagamat nagdadabog ito.
“Ay! Kapal! Nagdrama pa, e sasakay din naman pala. Nakakita lang ng bago at magandang kotse sumakay na! Mukhang pera talaga!!” sigaw ko sa sarili.
Ewan, ngunit sa nakita kong eksena na kasama na naman ni kuya Romwel ang babae niya, hindi maiwasang hindi bumalik-balik na naman ang galit ko sa kanya. “Playboy talaga!” sigaw ko sa sarili ko lang. At pati na rin ang pagpanaw ni papa nang dahil sa paglalayas ko ay naisisi ko na naman sa kanya. Naghalo ang mga emosyon ko sa tagpong iyon. Ang pagkawala ni papa. Ang paninisi ko dahil sa kanyang pagtaksil…
Naalimpungatan ko na lang na nagtatakbo ako papasok ng kuwarto ko at nag-iiyak. Naiipan kong tumbukin ang music corner at naupo sa sofa. Binuksan ko ang FM ng component. At ewan ko din ba kung sinadya ng tadhanang ang lumabas na kanta ay –
Back when I was a child
Before life removed all the innocence
My father would lift me high and dance with my mother and me and then
Spin me around ‘til I fell asleep
Then up the stairs he would carry me
And I knew for sure I was loved
If I could get another chance, another walk, another dance with him
I’d play a song that would never ever end
How I’d love, love, love
To dance with my father again
When I and my mother would disagree
To get my way I would run from her to him
He'd make me laugh just to comfort me, yeah yeah..
Then finally make me do just what my moma said
Later that night when i want to sleep
He left a dollar under my sheet
Never dreamed that he would be gone from me
If i could steal one final glance, one final step, one final dance with him
I'd play a song that would never ever end
'Cause I'd love, love, love, love
To dance with my father again
Sometimes I’d listen outside her door
And I’d hear how mama cried for him
I pray for her even more than me
I pray for her even more than me
I know I’m praying for much too much
But could you send back the only man she loved
I know you don’t do it usually
But dear Lord she’s dying
To dance with my father again
Every night I fall asleep and this is all I ever dream.
Lalo akong napahagulgol sa kantang iyon, naglalaro sa isip ang mga pangyayari kung saan buhay pa ang papa ko at masaya kami ni mama… Pakiramdam ko ay walang katapusan ang lalim ng aking pangungulila.
Mahigit isang oras din akong nag-iiyak habang sinasariwa ang mga masasayang araw namin sa piling ni papa noong biglang bumukas ang pinto. Hindi ko pala nai-lock ito. Noong ibinaling ko ang paningin sa taong pumasok, biglang gumapang naman ang matinding galit sa buong katawan ko. Si Kuya Romwel.
“At bakit ka pumasok dito?!!!” sigaw ko, ang mga mata ko ang nanlaki sa sobrang galit.
“Bakit, dati naman akong pumapasok dito ah!” Sagot niya, ang mukhang tupang nakita ko sa kanyang anyo sa ospital ay mistulang nagbago na at bumalik ito sa kanyang dating pagkatao at pagka-preskong magsalita, na lalo namang nagpairita sa akin.
“Noon iyon! Ngayon hindi na! Labas na!” Tumayo ako upang itulak siyang palabas ng kuwarto.
Ngunit hinarang niya ako at nagmamatigas, nanatiling nakatayo, tinitigan ang mukha ko.
“Alis na dito! Layas na!!! Ayokong makita ka pa!!!” sigaw ko uli habang pwersahan ko siyang itinulak palabas.
Ngunit bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Hindi ako makapalag sa higpit nang pagkayakap niya.
Wala akong nagawa kungdi ang pagsuntok-suntukin ang dibdib niya. “Umalis ka! Umalis ka na dito!!!
Ngunit hinayaan lang niyang tumama ang lahat ng sampal at suntok ko sa mukha at dibdib niya. Nakita kong namumula na ang mga pisngi niya ngunit hindi niya ininda ang sakit ng pagsasampal ko dito. “Tol… miss na miss kita…” ang kalmanteng sabi niya.
At sa narinig nag-init bigla ang tenga ko. “Na-miss mo ako?! Sinungaling ka!! Akala mo ba natutuwa pa ako sa pagmumukha mo?! Akala mo ba masaya pa akong nakita kita?! Pagkatapos ng lahat na ginawa mo?! Pagkatapos mong pahirapan ako?! Di mo man lang inisip ang nararamdaman ko sa mga ginawa mo?! Pinaasa mo ako?! Pinagmukha mo akong tanga?! Akala ko ba mahal mo ako pero bakit niloko mo ako? Naglihim ka!! Nagsinungaling ka?! At pagkatapos ngayon, haharap ka sa akin, magpapakita ka sa akin na parang wala lang nangyari?! Layuan mo ako!! Nakakadiri ka!! Kasuklam-suklam ka!!! Tanginaaaaaaaaa!!!!!” Bulyaw ko sabay tulak sa kanya ng malakas.
Nakawala ako sa mga yakap niya ngunit patuloy pa rin ako sa pagtatalak.
“Tol… makinig ka nga sa akin please. Ang hirap sa iyo hindi ka nakikinig eh!”
“At bakit pa ako makikinig sa iyo?! Puro kasinungalingan ang mga pinagsasabi mo!!? Lumayas ka! Tingnan mo ang nangyari, di mo ba alam na namatay ang papa ko nang dahil sa iyo?!”
Pansin kong biglang naging seryoso ang mukha niya noong mabanggit ko ang salitang ‘papa’. “Papa ko rin siya Tol. Huwag mong kalimutan iyan.” Sagot niya.
“Papa mo? Owww? Talaga? Alam mo rin bang ikaw ang dahilan ng pagkamatay niya?”
“Alam mong hindi totoo iyan!”
“Iyan ang totoo! Dahil sa ginawa mo sa akin, lumayas akoooo!!!! Tanginaaaaa!” at napahagulgol na naman ako, naupo sa isang tabi, itinakip ang dalaawang kamay sa mukha ko. “Sinaktan mo ang damadamin ko!!!”
“Buksan mo kasi ang isip mo sa mga paliwanag ko. Makinig ka, Tol.” Agn sabi niya habang nilapitan ako at naupo din sa harap ko ang boses ay nagsusumamo.
“Ayoko! Ayoko! Ayoko! Hindi ako makikinig sa iyo. Umalis ka na? Lumabas ka na sa kwarto koooo!!!!”
At marahil ay napuno na rin siya, bigla niya akong kinarga at inihagis sa kama. Bumagsak akong nakatihaya, nagulat sa bilis niyang pagkarga at paghagis sa akin doon. Sumampa siya sa kama at dinaganan ang katawan ko, ini-lock ang dalawa kong paa sa mga paa niya upang hindi ako makagalaw at ang dalawa kong kamay ay inarkuhan naman ng dalawa din niyang mga kamay. “Ayaw mo sa easy way na paliwanagan ha? Ok, let’s try it the hard way…” ang matigas niyang bigkas pigil na pigil ang boses na huwag sumigaw.
“Ano ang gagwin mo??!!!!!”
“Wala. I ri-rape lang kita.” Ang may halong biro na sagot niya habang ang mga mata ay nakatutok sa mukha ko. Mistula naman akong malulusaw sa mga titig niya. Iyon kasi ang pamatay niya sa akin kapag ganoong may pumapasok sa kanyang kukote. Inikot niya ng tingin ang kabuuan ng mukha ko na para bang inuukit sa isip niya ang bawat detalye noon, ang galit na mga mata ay unti-unting pumungay, mistulang nakikipag-usap, nagmamakaawa.
“Arrggghhhhhhh1 Pakawalan mo ako! Pakawalan mo ako! Hayup kaaaaaa!!!!” sigaw ko noong may naamoy akong kakaiba sa mga titig niya at kung saan hahantong ang mga iyon.
Ngunit sadyang malakas si Kuya Rom. Habang sumisigaw ako at pumapalag ay lalo pa niyang hinigpitan ang pag-lock ng katawan niya sa katawan ko.
Hanggang sa ang lumabas na ingay sa pgsisigaw ko ay “UHHHMMMMPPPPPPPPP!!!” na lang gawa ng pwersahang paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko habang walang tigil naman akong nagpupumiglas sa mahigpit na pagdagan niya sa katawan ko.
(Itutuloy)
Followers
Monday, July 12, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
..nako sama talaga ni kuya rom nakaka inis pero ..i love him hahaha...so ironic noh sana din luwagan din ni jason ang kanyang isipan batay sa nangyayri s knyang paligid...hahahas sana update kagad pero sana paabutin pa hnggang 30 man lang eto sana kuya mike ingat ka dyan ...ha.....godbless
ReplyDelete-Enso
nakakainis si kuya rom. akala nya the world revolves around him. he thought kaya nyang ibalik ang dati through rape. hay.
ReplyDeleteim so excited whats next ... keep it up kuya mike.. ingat!
ReplyDeletehaaayyyyy naku.. si jason tlaga. eto naman kcng si romwel walang bukas eh.. daming panganay.
ReplyDeletesana hindi na sila magka tuluyan ni jason..
ang dami ng pinag daanan ni jason dahil kay romwell.. its about time na gumising na si jason s realidad.
Hahaha! paki alameron dw ako s author. LOLZ!
keep it up, mike!
two thumbs up ako sau!
nako po kakabitin sana marami pang parts favorite ko kc to eh! part 27 san bukas na i publish! hehehehe....troy
ReplyDeleteWoooohh!!
ReplyDeleteSa wakas after 1 week na-update din!!
Sarap sampalin at sabunutan ni kris!! agaw eksena!!!
can't wait sa next part!!
ako yung isa sa dalawang gustong mamatay si romwel, hahaha. kakatawa lang kasi, masyadong mahilig yung lalaking to eh... pero di ko naman talaga sya gustong mamatay... sino ba may ayaw ng happy ending? hihi.. paliwanag talaga eh. tanga nung jason. pero ganun tlga ang buhay eh, kahit kwento lang to, maraming ganito in real life.
ReplyDeleteang lupit ni kuya mike. mas lalong gumaganda ang story, mas lalong kaabang-abang. yun nga lang, madadala ka nga sa inis kay romwel dahil sa mga sunud-sunod na events, pero for sure dapat din abangan ang explanation nya. siguro si kris, habang pauwi sa bagong car ni romwel ay mababangga dahil sa kakadakdak. ok ata yun ah.
ReplyDeletetaena! Bitin na bitin ako.. Hehe woooooh.. Gogogo kuya mike! Sana may next chapter na agad.. Hehe kakabaliw kc xado tong story na to..
ReplyDeleteNaiinis aq ky kris.. Ang sarap tanggalin ng laman at balat ng mukha nya..
Kakainis dn c kuya rom.. Walang paninindigan.. Ambilis matukso.. Kung cno2 nlng binubuntis.. Pero gsto q marinig explanation nya bout sa kapatid n shane in fairness.. Dapat lang VALID na VALID hah..
Kakainis dn c jayson, di c jayson na bespren q, pero c jayson sa story, maxadong isip bata.. Kitid ng utak.. D marunong makinig.. Kunsabay kawawa dn nmn xa.. Pero xa dn nmn ung dhlan bat xa kawawa.. Malisyoso at judgemental..
Pero in fairness, luv n luv q c kuya mike.. Lagi aqng pinapaiyak neto eh.. Hehe kuya mike d best!
..erylle..
..don primo..
..bladez66six@hotmail.com..
Dad! You never seized me to surprise me with the story.... Keep it up! Love you!!! mmwwaahhhh--- allen
ReplyDeleteall my sympathy goes to jason... i'm so in-love with kuya rom before but after what happened suklam na suklam na rin ako sa kanya (para akong sinaniban ng character ni jason, ano?) but everything is too much na talaga, parang gusto ko na lang mawala sa eksena si kuya rom, as in. i can't put a single blame to jason for whatever he has done, all my blame goes to kuya rom talaga. kakainis! pero in fairness i still wanted to listen to the other side of the story, kuya rom's side. sige nga kuya rom sabihin mo nga sa akin kung ano ang mga kadahilanan mo, now na!
ReplyDeletein fairness to jason ha, totoo din namang nobody did understand his feelings sa panahong super down sya, his dad, mom and kuya rom just made sure he is okay -physically, but they all seemed not concerned about his feelings. si papa so self-driven and materialistic si mama naman wala lang, i mean walang magawa, so useless lang din. at hetong si kuya rom din naman ay di ko maintindihan. During that time kung nagpakamay lang si jason, i can't help myself but blame all three of them. kaya lang iba na ang kuwento eh, si papa kasi yong nasa kabaong ngayon (partly kasalanan din naman nya kung bakit sya namantay) ...hay naku bottom line is, no other story has made a huge impact to me than AKKCNB (so far) kudos to you kuya mike
ReplyDeletewhaaaat!?si jason na naman ang me kasalanan?sya na naman ang mali?sabi ko na nga ba sya na naman masisise sa storya eh.bat ganun?sya bida,sya lagi nasasaktan pero lumalabas pa na sya me kasalanan sa mga nanyari sa kanya?kaasaaaar!lalo na yang romwell na yan,kaka-grrrrrrrh talaga!!!simula palang ayoko na sa character nya mas lalo na ngayon!sana me makilalang babae si jason sa story at mainlove sya dun para makamove-on na sya noh!?feeling ko kase gwapo tong si jason e kaya di malayong me ma-inlove din sa kanyang babae,puro kasi lalake pinapansin eh,manligaw ka kaya?!hehe.kuya mike sana ma-update nyo agad to,excited na ko sa mga susunod na mangyayari,hehe.God bless you all!
ReplyDeletehahahaha, oo nga, kung ako pa si jason, tatanggalan ko siya ng leeg, hahahah, pangit yong ganung lalaki, na uutuin and yet mag papakita, hehehehe buti my mukha pa siyang pinakita,
ReplyDeleteperu ganun talaga ang buhay, sometimes, it turn out that we need somebody to fool us in order for us to learn something around us unexpectedly, ganun ang buhay,, some times, we feel depressed and alone but the truth is they are on our side, w8ng for our coming back,
3 mistakes is enough na sana, peru Dyos ko si jason, ilang beses nag nilok, nag papaloko parin,,,
hehehe, wlang manloloko kung wlang mag papaloko,,
yon lang,,,
to kuya mike, God Bless po, hope you always continue writing such inspiring stories, Good luck, kuya mike
ReplyDeletesana matanggap na ni jason na hindi para sakanya si kuya rom at sana makatagpo nalang xa ng bago at talagang magmamahal sa kanya
ReplyDeleteganda ng part nato nakakatawang nakakainis na nakaka adik, a combination of emotions.... two thumbs up for you kuya mikejuha! - shanejosh
ReplyDeletewhuuuu!!!!!ang ganda tlaga ng istorya!!!! d na me mapakali sa susunod na kabanata! heheh
ReplyDeletec jason talga oh!!! pakipot pa gusto naman! hahaha
kuya mike galing talga u maggawa ng story!! pang award winning talaga!!
sana my indi film eto! hahaha
i hate it!bakit ganun?relate na relate ako,badtrip si kuya rom!bad3p siya tulad ng bf ko!nakakaasar nafefeel ko yung galit ni jayson,at hindi ko siya masisi kung bibigay again kay kuya rom.ganun talaga pag mahal mo isang tao!shiyet!hahah
ReplyDeletetwo thumbs up mike!galing galing mo talaga!lalo akong naasar sa bf ko upon reading this chapter!
Kuya gLing mo talaga. Haha. Keep up the good work..
ReplyDeletesana next part na agad! nakakabitin. nakakainis. :D
ReplyDeleteNaiinis ako... alam niyo kung bakit? KASI BITIN! SA SOBRANG TAGAL NG SUNOD NA UPDATE GANUN LANG KAIGISI! hay kuya mike. nako. asar ka. hindi ka na rin tumawag. hayz. Oo nga pala si Jason tnxt si Noel nuong isang araw habang nag tratrabaho si noel. Ayun napatawag tuloy siya kaso hindi sila mag karinigan. hehehe
ReplyDeletekuya mike. nakakainis ka super bitin. tsaka may nawawalang part dun sa sinuggest ko. ahahaha. kuya post mo agad ahhh.. tsaka habaan mo. hanggang 40 please... love you
- NOEL
Ang immature ni Jason kahit kailan!
ReplyDeleteFrom the start to the very latest post of "Ang Kuya Kong Crush ng Bayan" Sobbbraa talagang kaaabangan.. Can't wait to read the next chapter. I hope it this time it will be Kuya Rom's turn to suffer, and do everything to win back Jason's love for him.. sana nga.. haha pero kailangan nyang duamaan sa butas ng karayom.. chos..
ReplyDeletehello kuya mike!!!!miss ko na po kayo.,sorry po wla akong bisita2x dito o kahit txt man lng.,minsan lang ho kasi akong makauwi ng bahay dala ng sobrang busy.,
ReplyDeletehaaiiissst salamat.,.,may eksena na pla ako dito.,wahahaha.,ang gandak o ha.,ang taray ng description.,wooohh.,talbog na naman si white_pal as jayson.,hahaha
nice!!!ganda ng story kuya.,keep it up.,
weeww.,dance with my father ang kanta.,kuya remember mo ba yung kinuwento ko.,yung sa fathers day.,kinanta ko yan sa papa ko diba.,hehehe
ReplyDeleteresearches have found that simply recalling one episode of anger depresses the immune system for up to seven hours – but one episode of feeling compassion or caring enhances the immune system for about the same amount of time.
ReplyDeleteang saklap ng ngyari sa family ni jayson,, sana makinig naman xa minsan sa mga explanation ng mga tao sa paligid nya para malaman nya kung anu yung mga reason behind sa nagawa ni kuya Romwell,, ang galing ni Noel, thumbs up ako sa kanya... c:
ReplyDelete@roy a.k.a KRIS, paano mo naman ako natalbugan?? ehh tingnan mo nga ohh.. PINAKALADKAD LANG KITA SA GUARDS KO!!! Hahahahaha!!!
ReplyDeleteKahit magreklamo ka pa sa korte, walang mangyayari.. Bleehh!!! hahahah!!! Joke!! =))
LOL =))
ahahha.,@white_pal:::whatever.,sana suntukin ka ni kuya rom dahil sa kaartehan mo.,wahahha.,joke.,lol
ReplyDelete