WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.
By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
Author's Note
Pasensya na po uli na natagalan ang pagpost ko nitong chapter na to. Alam naman ninyo siguro ang dahilan kaya I guess there is no more need to explain. Salamat sa pag-intindi.
Para pala dun sa gustong bumili ng book kong "Idol Ko Si Sir", please visit http://www.central.com.ph at hanapin ang mga outlets ng central books supplies. Kung nasa ibang bansa po kayo, may online store din po sila sa site na iyan. Salamat po.
Binabati ko pala dito si Mark Raddie Camina. Alam niya na kung anong ibig sabihin sa pagbati ko - lol!
Binabati ko din si "Orange" ang kaibigan kong masasabing tunay, hindi lang sa salita... ngunit handang tumulong sa akin, handang sumuporta. Ang nag-iisang taong kaibigan ko dito sa net na alam kong hindi ako tatalikuran - char.com lol!
Gusto ko ring magpasalamat kay July sa pagbahagi niya ng kanyang kuwento na nagpaantig sa puso ng marami, at nakapagbibigay ng inspirasyon. Syempre, kasama na doon ang lahat na nagcomment at nagbigay ng mga magagandang advice at inputs na natututunan ng mga katulang naming "tanga" sa pag-ibig - lol! Sana ay sa mga suporta ninyo, magising na kaming pareho ni July.
Muli, salamat sa mga patuloy na sumusuporta. At sana ay madagdagan pa ang mga fillowers ko, salamat sa lahat ng mga nag follow sa akin dito.
-Mikejuha-
--------------------------------------------------
Mistula akong nagising mula sa malalim na pagkahimbing. May sumundot na kung anong guilt o hiya sa utak ko. Parang may konsyensiyang kumurot dito at nagtanong, “Ganito ka na ba ka desperado upang kahit sinong lalaki ay gusto mong matikman?”
Biglang akong nanlumo. Litong-lito at ramdam ang paggapang sa buong katauhan ko ang pagkahabag sa sarili. Ibinagsak ko ang katawan sa kama, nakatihaya, at walang imik na idinantay ang isang braso sa aking noo, ramdam ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. “Bakit ba???” tanong ng isisp ko. Arrggghhhh! Di ko talaga malaman kung anong tamang gawin.
Nagtaka si Kuya Pual Jake sa biglang pagtigil ko. Marahil ay nabitin din siya sa naunsyaming sarap, inaasahang itutuloy ko ang pagsubo sa kanyang naghuhumindig na pagkalalaki. “A-anong nangyari?”” Tanong niyang pansin sa mukha ang pagkalito. Ibinagsak din niya ang katawan niya sa kama sa tabai ko, tumagilid at hinaplos ang aking buhok, ang pantalon at brief niya any nakababa pa rin, bumubundol-bundol sa tagilirian ko ang tigas na tigas pa rin niyang pagkalalaki.
Bagamat may kiliting dulot ang paglapat ng kanyang ari sa aking balat, ang nangingibabaw sa aking isipan ay ang bumalot na matinding kalituhan at awa sa sarili. “W-wala Kuya. Naisip ko lang ang mga nangyari sa akin, sa ginawa ni Kuya Romwel. Nalilito ako kuya, di ko alam ang gagawin…” ang sagot ko.
Hindi umimik kaagad ni Kuya Paul Jake. Bagkus niyakap niya ako nang mahigpit, hinahalik-halikan ang aking buhok. “Ano ba ang puwede kong gawin para maibsan ang kalungkutan mo?” Ang tanong niya. Marahil ay nalito na rin siya kung paano ako tulungan, o I comfort sa aking naramdaman.
Hindi ko sinagot ang tanong niyang iyon. Bagkus, “Ansakit ng ginawa sa akin ni Kuya Romwel! Hindi ko kaya, Kuya Paul…!” ang nasambit ko.
“Baka may importante lang siyang dahilan kaya kung bakit niya nagawa iyon…”
Tumaas ang aking boses sa narinig na salitang “may dahilan” si Kuya Rom, tinutulan ang sinabi niya. “Hindi Kuya! Kung mahal niya ako, dapat ay hindi niya gagawin iyon sa akin!” Ang sambit ko. Hindi ko na napigilan pa ang paghagulgol.
Tumagilid akong paharap sa kanya at yumakap nang mahigpit. “Hindi ko kaya ang sakit Kuya!!!” ang sambit ko habang nag-iiyak, ang boses ay mistulang sa isang batang nakakaawa.
Hindi nakaimik si Kuya Paul Jake sa narinig na sagot ko. Nanatili siyang nakayakap sa akin, hindi na magawang kumibo pa. Alam ko, naramdaman ni Kuya Paul Jake ang matinding sakit na dinaranas ko sa sandaling iyon.
Hinayaan lang niya akong nakayakap sa kanya habang siya naman ay panay ang himas sa buhok ko at hinahalikhalikan ito, may dalang panunuyo ang kanyang mga yakap at haplos.
Ewan ko rin ba ngunit sa pagdadampi ng pagkalalaki ni Kuya Paul Jake sa tiyan ko, naramdaman kong unti-unting tumigas ito uli. Ramdam ko ang pag-init muli ng katawan niya sa ginawa kong pagyakap ng mahigpit. At naalimpungatan ko na lang ang dumadamping mga labi niya na gumapang galing sa ulo ko, sa noo, sa mga mata, sa ilong… na humantong sa mga labi ko.
Basa man ang mga mata at pisngi ko sa luha ay hindi niya ito alintana. Mainit ang paghahalik niya rito at sa paglapat ng aming mga labi, nalasap ko ang lasa ng makahalong laway naming dalawa at luha ko.
Mapusok ang aming mga halik. Maya-maya, gumapang muli ang mga labi niya sa leeg ko, sa dibdib hanggang sa bumaba ito. Sa dibdib, sa tyan, sa pusod. Ibayong sarap ang naramdaman ko at pakiwari ko ay pansamantalang natalo nito ang sakit na dinadala ng puso ko. Sa pagkakataong iyon, hindi ko na napigilan pa ang sarili kundi ang magparaya sa kamunduhan kapiling si Kuya Paul Jake.
(Torrid scene. For request of this hot part, please email me at: getmybox@hotmail.com)
Sa unang pagkakataon, may nangyari sa amin ni Kuya Paul Jake… Hindi ko lang alam kung nagustuhan ni niya ang nangyari sa amin o ginawa lang niya iyon gawa ng awa niya sa akin upang matulungan akong maibsan ang bigat na aking dinadala o kaya ay makalimot ako sa mga masakit na nangyari sa amin ni Kuya Rom. Ngunit kung ano man ang dahilan niya, nagustuhan ko ang nangyaring iyon sa amin. At sa gabing iyon, naulit pa ng ilang beses ang pangyayring iyon sa aming dalawa.
Sa sumonod na ilang mga araw, si Kuya Paul Jake na ang palagi kong kasama sa school. At sa pag-uwi ko sa bahay. Si Kuya Paul Jake din ay paminsan-minsan kong nakakasama sa pagtulog sa kwarto ko. At sa bawat gabi na nagtatabi kami, hindi maaaring walang mangyayari sa aming dalawa.
Sa bagong set-up ko, pakiramdam ko ay nahanap ko rin ang tao na siyang magturo sa akin upang tuluyang mabura sa isipan ko si Kuya Romwel.
Sa parte namin ni kuya Rom, kinalimutan ko na ang pagti-text sa kanya. Kapag tumawag ito sa land line dahil itinapon ko na nga ang luma kong SIM, hindi ko sinasagot ito. Pinilit ko ang sariling maging manhid sa mga pakiusap niyang pakinggan siya. Wala na akong pakialam pa sa kanya, sa mga nangyari sa kanya.
Sa parte naman ng mga magulang ko, nagbago rin ang pakikitungo ko sa kanila.. Hindi na ako sumasabay sa pagkain at umiiwas ako kapag nakikita ko sila. At kapag kinakausap ako ng mama ko, umaalis ako, lalo na kapag narinig ko ang pangalan ni Kuya Romwel. Pakiramdam ko kasi, kay Kuya Romwel sila kumakampi. At isa ito sa nagpalala sa sakit na naramdaman ko. Ako ang tunay nilang anak ngunit pakiramdam ko ay may kulang sa pagmamahal nila sa akin.
Alam ko, nababahala rin sila sa kalagayan ko ngunit wala na rin akong pakialam. Nakaukit kasi sa isip ko na tuwang-tuwa ang papa ko sa mga ginagawa ni Kuya Romwel at ang mama ko naman ay hindi kayang salungatin ang gusto ng papa ko. Kaya wala ding silbi. Pakiramdam ko pinagkaisahan nila ako ng lahat ng tao sa bahay na iyon.
Kaya, sa piling ni Kuya Paul Jake ko naramdaman muli ang pag-asa. Pakiramdam ko, siya lang ang bukod tanging nag-iisang tao sa mundo na nakakaintindi sa akin. Siya ang kakampi ko, ang pumuprotekta sa akin. Sa kanya ako humuhugot ng lakas, sa kanya muli kong natutunan ang ngumiti, ang tumawa, ang tumayo muli at lumaban.
Game na game naman si Kuya Paul Jake. Sobrang maunawain kasi niya. Hindi lang kasi halos nasa kanya na ang lahat ng katangiang pisikal ni Kuya Rom, sobrang bait at sobrang talino pa niya. At ang kanyang mga payo ay nagbibigay din sa akin ng lakas at inspirasyon upang labanan ang mga pagsubok. Kaya sa mga nangyari sa amin ni Kuya Pual Jake, naramdaman kong may umusbong na puwang sa puso ko para sa kanya. Hinahanap-hanap ko na siya, ang payo niya, ang panunuyo niya… Hindi ko alam kung ang nararamdamn kong iyon ay bunga lamang ng paghahanap sa nakasanayan ko kay Kuya Rom o sadya bang unti-unti nang naibaling ang pagmamahal ko sa kanya.
Ang buong akala ko ay tuloy-tuloy na ang takbo ng aming magandang samahan ni Kuya Paul Jake at tuloy-tuloy na ring maghilom ang sugat ng aking puso.
Ngunit isang araw pagkatapus ng school habang inaasahan kong samahan na naman niya ako sa bahay at doon kami matulog, “Tol, pasensya ka na ha, di ako makakasama sa iyon ngayong gabi. Dumating ang girlfriend kong nag-aaral sa US…” ang sabi niya sa akin noong dumating siyang nagmamadali sa student center kung saan ako naghintay sa kanya.
Pakiramdam ko ay may bombang sumabog sa aking harapan at gumuho ang kinatatyuan ko, hindi lubos maisalarawan ang biglang gumapang na lungkot. “E… h-hindi ka ba sasama sa bahay?” ang naitanong ko na lang.
“P-pasensya na tol. Naghintay kasi siya sa akin eh. Nasa labas ng gate siya ngayon. Tara sama na tayo at ipakilala kita sa kanya.”
“E… sige Kuya, huwag na. Mauna ka na lang. May kukunin pa pala ako sa library.” ang alibi ko. Parang hindi ko kasi kayang masilayan si Kuya Paul Jake na may kasamang babae at habang aalis silang magkasama, ako naman ay iiwanan nilang nag-iisa. Sa maring eksenang iyon nina Kuya Paul Jake at girlfriend niya, bumabalik-balik na naman sa isip ko ang ginawa sa akin ni Kuya Rom.
Wala na akong magawa pa kundi ang tumayo at tinumbok kunyari sa library, hindi ko na hinintay pang tumulo ang mga luha ko sa harap niya mismo. “Tol, huwag ka namang magtampo o… sasamahan kita muli kapag bumalik na ang girlfriend ko sa US ha? Sa ngayon, siya muna ang bibigyan ko ng oras dahil ang plano ay isang buwan lang siya dito at babalik uli eh. Pero text text pa rin tayo ha?” ang pahabbol niya.
“O-opo Kuya” ang sagot kong patuloy pa rin sa paglalakad, hindi man lang lumingon sa kanya upang huwag mahalata ang pag-iyak ko.
Dahil sa tindi ng sama ng loob, mistulang wala ako sa sariling pumunta ng library. Kumuha ng isang libro at pumuwesto sa isang study table na malayo-layo sa mga tao, nagkukunyaring magbasa ngunit ang totoo, itinakip ko lang sa mukha ang aklat upang hindi mahalata ang pag-iiyak ko.
Maya-maya, lumabas na ako ng campus, hindi pa rin alam kung saan patungo, ni hindi alintana ang luhang mistulang walang patid sa pagdaloy sa aking mga pisngi. Para akong nawala sa sarili at hindi malaman ang sunod na gagawin. Naalimpungatan ko na lang ang sariling pumara ng isang taxi. “Sa may seawall po!”
Malapit sa seawall ay mga inuman at videokehan. Pumasok ako sa isang bar at umurder ng 6 bote ng beer. Agad kong tinungga iyon, binilisan ang pag-inum hanggang sa naubos ko kaagad ang anim na beer.
Lasing na ako noong lumabas ng bar. Naupo ako sa mismong seawall, nakaharap sa dagat. Dahil sa alas 10 na iyon ng gabi, halos ako na lang ang tao. Tuliro pa rin ang isip ko. Habang dumadampi ang malamig na simong ng hanging-dagat, bumabagabag pa rin s isip ko ang mga katanungan. “Bakit ako nagkaganito?” “Bakit ginawa akong ganito? “Bakit dumating pa sa buhay ko si Kuya Rom kung hahanton lang naman ang lahat sa ganito?” “Bakit nagawa sa akin ni Kuya Rom ang magtaksil sa akin?” “Bakit ba pati si Kuya Paul Jake?” “Bakit walang nagmamahal sa akin?” “Bakit walang silbi ang buhay ko?” “Bakit hindi ko maramdaman ang saya?” “Bakit ako pa ang nagkakaganito?”
Pakiramdam ko ay may nag-udyok sa akin na lumundag sa dagat at magpakalunod na lang. At umiyak na lang ako nang umiyak, ipinalabas ang matinding sama ng saloobin. Doon, nabuo sa isip ko ang isang desisyon.
Dumating ako ng bahay na mag-aalas dose na. Sinabihan ako ng katulong na hinahanap daw ako ng mga magulang ko, nagwo-worry sila kung saan ako nagpunta. “Sumikip nga po ang dibdib ng papa mo, Sir Jason, sa sobrang kaba na hindi ka mahagilap. Natakot kami na baka inatake na naman siya sa puso. Nasa kwarto po nila siya, pinainum lang ng gamot, ayaw kasing magpadala sa ospital.”
Ewan, pero parang wala lang sa akin ang narinig. Maraming beses na kasing ganyan ang papa ko, sumisikip ang dibdib pero ok pa rin naman. Ang nangingibabaw kasi sa utak ko ay ang sariling suliranin at tampo na rin sa kanya sa pagbabawal niya sa amin ni Kuya Rom, sa kagustuhang niyang magkaroon ng apo na siyang dahilan sa lahat ng pagkakaletse-letse ni Kuya Rom kung kaya inanakan niya ang kung sinu-sinong babae at noong huli ay nag-asawa pa. Masasabi kong may galit din akong kinimkim sa papa ko.
“Sabihin mo sa kanila na dumating na ako at na huwag mag-alala dahil malaki na ang anak nila at alam ang kanyang ginagawa… Atsaka, wala din naman akong silbi sa bahay na ito, bakit pa ba nila ako hinahanap?” Bulyaw sa katulong na mistulang isang inosenteng tupa na biglang yumuko pagkatapos kong magsalita sabay talikod, takot na nagmamadaling umalis.
Tinumbok ko ang hagdanan patungo sa kwarto ko sa second floor. Pagkapasok na pagkapasok ko, kaagad kong inihagis ang dala-dalang mga aklat at notebooks sa sahig at tinungo ang cabinet kung saan naroon ang mga damit at mga personal kong gamit. Kumuha ako ng iilan, isiniksik ang mga iyon sa isang bag. Ipinasok ko rin doon ang wallet at ang credit cards ko.
Kung gaano kabilis akong nagpack-up, ganoon din kabilis akong bumaba at lumakad ng patiyad palabas ng bahay upang huwag mahalata. Nong makalabas na, nagmamadali din akong naglakad palayo pa ng bahay atsaka pumara ng taxi. “Sa kabilang bayan po tayo manong, sa King’s Hotel” ang sabi ko sa taxi driver.
May isang oras din bago kami nakarating sa hotel na iyon. Nag check-in ako at noong nasa loob na ng kuwarto, hindi pa rin ako mapakali. “Nag-iisa nga lang ako sa mundo...” ang nasambit ko sa sarili. “Wala silang pakialam sa akin. Lahat sila, puro abala sa mga pansarili at personal nilang mga kapakanan. Hindi ko na alam kung kanino pa ako lalapit, o kung sino ang karamay ko.”
Muli, hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking mga luha.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nagmuni-muni at umiyak ngunit nagising na lang ako dahil sa sikat ng araw na galing sa bintana ng hotel kung saan nakahawi ang kurtina. Disoriented, hindi halos alam kung saan ako naroon, bumalikwas ako at binalikan sa isip ang mga pangyayari. Dali-dali akong naligo at bumaba, kumain.
Wala pa rin akong naisip na sunod na gagawin. Sa pagkakataong iyon, ang nasa isip ko ay ang kagustuhang mapalayo lang sa mga bagay na nakapagpaalala sa akin kay Kuya Rom. Wala akong pakialam sa mundo, o sa eskuwela, sa mga kaibigan, o sa mga kapamilya... wala rin akong plano kung gaano katagal akong maglayas, o kung saan pupunta. Basta ang nasa isip ko ay ang lumayas at pupunta sa malalayong lugar.
“Bahala na.... Tutal, wala namang nagmahal sa akin, walang silbi ang buhay ko, ok lang kahit mamatay pa ako, kahit ngayon na!” Sabi ko sa sarili.
Pagkatapos ng dalawang araw, lumipat naman ako ng lugar. At lumipat uli. Palipat-lipat ng probinsiya, kahit ano na lang ang sinasakyan – ferry boat, fast craft, bus, jeep, taxi, at eroplano. Basta, ang gusto ko ay makalimot, makapunta sa lugar na malayo sa kabihasnan.
Pangatlong linggo ko na sa paglalayas noon. Hindi pa rin talaga sumagi sa isip ko ang umuwi. Masakit pa kasi ang kalooban ko. Puro na lang ako sisi sa sarili, sa mga magulang ko, kay Kuya Rom, sa mga tao… Pakiramdam ko ay pasan ko ang lahat ng problema sa mundo.
Mag-aalas sais iyon ng gabi. Nakaupo ako sa isang bench sa plaza sa ilalim ng isang malaking puno, pinagmasdan ang paglubog ng araw. Napakaganda ng tanawin. Iyon ang isa sa mga paborito kong senaryo. Nakakapagrelax kasi ito at kapag nakakakita ako ng ganoon kagandang tanawin sa kalikasan nalilimutan ko ang mga problema.
Habang kinakain ko ang dalang isang pirasong tinapay, isang batang lalaki na sa tantiya ko ay nasa edad 10 ang umupo sa aking tabi. At bagamat pansin kong nahihiya, yumuyukyok-yukyok, tinitingnan-tingnan niya ako habang kinakain ko ang tinapay. Napatingin din ako sa kanya. Gusgusin, maruming-marumi sa suot niyang butas-butas na t-shirt at shorts. Nakapaa lang ito at sa unang tingin pa lang ay masasabi mong walang nag-aaruga sa kanya. At marahil din ay wala nang pamilya. Street child kumbaga at halos batang grasa na kung maituturing.
“K-kuya, pahingi po ng pagkain...” ang wika ng bata, ang mga mata ay nagmamakaawa. Marahil ay hindi na siya makatiis, inisip rin siguro na baka maubos ko ang tinapay na kinakain kaya nahihiya man, ay nagsalita rin ito.
Para namang tinablan din ang damdamin ko sa akita sa kany kaya, “Gusto mo?” sabay abot sa kanya sa halos kalahati na lang na natirang tinapay.
Tinanggap naman ng bata ang tinapay. Kitang-kita ko ang tuwa sa kanyang mga mata. “Salamat po kuya!” sambit niya sabay tayo at takbong palayo.
Ewan ko kung bakit biglang sumagi sa isip ko na tawagin siya. Para kasing magaan ang loob ko sa batang iyon, marahil ay hindi kagaya ng ibang katulad niya na salbahe, nakikinita kong siya ay mabait, mahiyain, at inosente. “Oist! Bata!” Sigaw ko.
Napahinto ang bata sabay lingon sa akin. “Po? Babawiin niyo po ang tinapay?”
Napangiti naman ako sa seryosong mukha niya na parang takot na babawiin ko talaga ang ibinigay na tinapay. Ngunit doon ako bumilib sa ipinakitang kahandaang ibalik iyon sa kabila ng kanyang matinding pangangailangan. Kung ibang bata kasi iyon, tatakbo na at hindi na siguro lilingon pa. At napag-isip isip ko na mabait na bata talaga siya. “Hindi a... Sa iyo na iyan. May itatanong lang ako. Halika, upo ka dito!”
Lumapit naman ang bata, naupo na walang kibo at kinain ang tinapay. Parang walang iba pang bagay na mas importante sa kanya sa oras na iyon kungdi ang kumain. Gutom na gutom.
“Anong pangalan mo?”
“Noel po”
“Saan ang bahay mo, Noel?”
“Wala po akong bahay e. Minsan sa tabi ng kalsada ako natutulog, minsan sa ilalim ng tulay, kahit saan po...” inosenteng sagot niya habang patuloy pa rin sa pagkain.
“Bakit, wala ka bang mga magulang?”
“Wala na po... namatay po ang nanay ko noong pitong taong gulang pa lang po ako at hindi ko po kilala ang tatay ko. Sabi ng nanay ko patay na po siya.”
Tila may sumundot naman sa puso ko sa narinig na sagot niya.
“Paano ka nabubuhay? Kumakain?”
“Nanghihingi po. Minsan pag may tira-tira sa mga basurahan, kinakain ko po.”
“Mahirap ba ang kalagayan mo?”
“Ok lang naman po.” Ang inosente niyang sagot.
At ewan ko ba kung bakit lumabas sa bibig ko ang tanong na iyon. At mistulang isang malakas na sapak ang tumama sa ulo ko sa sagot niya sa tanong kong iyon na gumising sa utak ko. Heto ang isang batang hindi naranasan ang pagmamahal ng mga magulang, kumakain lang kapag may nagbigay o nahanap na tira-tirang pagkain sa basurahan ngunit “OK” pa rin para sa kanya ang hirap ng buhay na dinanas niya.
Napaisip ako ng malalim. Tinitigan siya. Isang napaka-inosenteng bata, walang kamuwang-muwang sa mundo. Ni walang ibang naranasan sa buhay kundi hirap at pasakit. Ngunit tanggap niya ang lahat ng ito nang walang pag-atubili, walang pagdadalwang isip, walang pagrereklamo.
At doon ko narealize na napaka selfish ko. Kumpleto ako sa mga magulang ngunit hindi ko naapreciate ang kabaitan at pagmamahal nila sa akin. Lahat ng luho ay natatamasa ko ngunit nagrereblde pa rin ako sa buhay.
Biglang sumagi sa isip ko ang papa, ang kagustuhan niyang magkaroon ng mga anak na lalaki. At hindi ko man masabi-sabi ito, biglang naramdaman ko kay Noel na pinangarap ko rin pala ang makaranas ng pagkakaroon ng isang bunsong kapatid.
At ang sunod na naitanong ko kay Noel ay, “Gusto mo bang magkaroon uli ng mama at papa?”
Bigla siyang natigil sa pagkain. Tinitigan niya ako, hindi maikubli sa mga mata niya ang pagkalito sabay bitiw naman ng napaka-inosenteng tanong. “Po??? P-puwede po???”
“Bakit hindi.” Sagot ko naman. “At simula ngayon, ako na ang magiging kuya mong totoo.”
At napansin ko na lang ang mga luhang dumaloy sa mga pisngi ni Noel habang binitiwanniya ang isang napakagandang ngiti.
Sa buong buhay ko, noon ko lang naramdaman ang ganoong klaseng saya. Sobrang sarap ng pakiramdam na may natulungan at napasaya akong isang tao. Doon ko narealize na kahit papaano, may silbi pa rin pala ako sa mundo; na may halaga pa rin pala ang buhay ko.
Doon ko rin na-realize na may mga tao din palang mas matindi pa ang hirap na dinanas kaysa naranasan kong problema, at na may mga taong sa kabila ng tindi ng hirap na dinanas, ay kaya pa rin nilang sabihing “Ok” lang ang buhay nila.
At nabuo ang isang desisyon. Uuwi na ako, dadalhin si Noel sa bahay at sasabihin ko kay papa na ampunin na rin namin ito.
Sa gabing iyon, doon na natulog sa hotel ko si Noel. Pinaliguan ko siya, binilhan ng mga bagong damit at sapatos. Di magkamayaw ang bata sa sobrang tuwa sa sa di inaasahang mabilis na pangyaysari sa buhay niya.
Kinabukasan ng gabi, narating namin ni Noel ang bahay namin. Sobrang excited akong makita ang mga magulang ko lalo na ang papa dahil siguradong matutuwa siya kapag nakita niya ang dala kong kasama.
Noong huminto ang sinasakyan naming taxi sa harap ng gate, laking pagtataka ko noong mapansing napakaliwanag ng bahay namin at maraming tao sa loob nito.
Dali-dali kaming pumasok. Noong nasa loob na kami ng bahay, pansin ko ang pagbaling ng ulo ng mga tao sa akin, ang kanilang mga tingin ay puno ng katanungan.
Noong ibinaling ko ang mga mata ko sa dulo ng sala, ang bumulaga sa mga mata ko ay kabaong...
(Itutuloy)
Followers
Friday, July 2, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete1st to comment...
ReplyDeleteSalamt kuya Mike sa pag bati, di mo ko nakalimutan.. At salamat din sa pagpapalabas ng part 25 ng story na to, matagal ko rin to hinintay, hehe..
Sa story, sinama mo pa ung "King's Hotel", hehehe, mahirap tlga maka move on noh ?? ^_^
Ingat ka po Idol kong author, at sana maka bakasyon kau with ur son d2 sa amin.. GBu..
OMG!!!!
ReplyDeleteSinasabi na nga ba may mamamatay ehh...
TSK3!!!!
SH*****TTT!!!
daddy ba n Jason ito??
OMG!!!
Since merong namatay, for sure, nandyan na si Kuya Rom sa bahay..
ano na kaya ang next na eksena?? CAN'T WAIT!!!
Galing talaga ni Kuya Mike!!!
“Sa kabilang bayan po tayo manong, sa King’s Hotel” ang sabi ko sa taxi driver....Hahahaha..hay anko d talaga mwala sa isipan ni kuya ang king's hotel..maka puntanga nga dyan sa hotel na yan at baka mransan ko rin yun..nangyari ke kuya mike..hahaha..pero bakit me nmatay..ang tatay ba nya..na maskit ba ang puso...bakit nman gnoon..kuya mike pinapasakit mo puso ko eeh lalarong kumikirot ..kuya mike yoko nag me mamamatay aahh sa bawat istorya mo...pero sana nndoon si kuya Rom...sa bahay nya na me kabaong...sana sla pa rin yung magkatuluyan...hay nako buhay nga tlaga..tsktsk..tsk..and by the way kuya mike ..once again you impressed me by the way you write...super ganda at good luck syo dyana sa saudi aah update kagad..hahaha....ui kuya wag mo nang alalahanin yung mga masasamang pangyayari syo s buhay aah...basta keep in your mind the beautiful memories you had with us...ingat ka...baayiee..:D
ReplyDelete-Enso
Waaah??!! namatay si dad??!! Si jayson naman kasi gumagawa ng desisyon without thinking. Puro nalang kuya rom, inuna pa ang kuya rom kesa sa magulang..
ReplyDeletekuya mike worth it talaga ang paghihintay ko..Thank you po!
Dagdag ko lang po sa comment ko sa itaas hehehe..
ReplyDeleteKawawa naman si Noel, kung kelan magakakroon na sya ng daddy, tsaka pa namatay yung daddy ni Jason.. =((
hhmmm.. excited na ako sa 26!!!
sana sa burol, kumpleto na yung Cast!! nandun na syempre si Kuya Rom, Kuya Paul Jake, si Shane, Julius, yung parents ni julius, yung 2 baboy na nabuntis ni kuya rom.. haha at syempre SI KRIS!!
heheheh.. para kumpleto yung cast sa burol.. =))
hahahaha, katakot naman yon kuya, hahahah patay patay nga! hahahaha, kahit dito ako sa canada, kahit busy ako sa bulilit dito, pinuslitan ko lng tong basahin,
ReplyDeleteay!! na shock akel! haha.. baka kabaong yon nung babaeng naanakan ni kuya rom..kayo talaga..wehehehe
ReplyDeleteahahaha somewhat agree ako kay anonymous (yung nag comment sa itaas ko (^) kung sino ka man.. hehe..)
ReplyDeletepwede rin yun.. malay nyo, ang namatay pala yung asawa ni kuya rom.. yung canadian... hehehe..
tsumomo said
ReplyDeleteawww sama >,< may namatay nanaman sa story.
kuya mike!!! super tragic ng story >,<
naaalala ko tuloy mga kwento n nggwa ng utak ko nung bata pa ako. hehe.. super tragic din
kuya mike sa next story mo naman happy ending na wala masyadong tragic hehe >,< masyado akong apektado eh hihihihi
nga po pala dito po kaw mgsend nung regarding po sa sinabi ko po sa kinakainan ko po sa bacolod tsaka yung comment ko po sa king at ang alarm story po. dummy.tsumomo23@gmail.com po. thanks kuya mike hehehehe keep up... happy thoughts and keep moving forward :)
Parang sobrang fast-phased yung kwento ngayon? O ako lang yung nagiisip nun?
ReplyDelete@anonymous akala ko ako lang nakaramdam na parang maxado mabilis ang phasing..hehehe kaw din pala.. pero still napakaganda padin ng chapter na to.. galing ni kuya mike.
ReplyDeletei love it!! waaaa!! hindi ko pa nauumpisahin basahing tong kwento simula 1. ngayun ko lang kasi nabasa!! ang ganda... teka umpisahan ko nga ng maintindihan ko ^,..,^
ReplyDelete,galing m0h tlga kua mike da best ka..ang ganda ng flow ng story at tlga may lesson na tlga kukurot sa mga puso ng sinu mang makabasa...ngaun n ngpatanto n ni jason at lahat at umuwi na ng bahay ksma c noel gnun p ang sasalubong sa kanyan ang skit nun..sana kua mike agad n mgpost ang next chapter..more power!
ReplyDelete-lerrad
wahahaha, sana nga lang na ang namatay ang asawa ni romwel, eh paano kung hindi!?heheh dibah, sana si romwel nalng mamatay weh, siya lang naman ang dahilan kung bakit nagka letche letche ang buhay ni jason, hehehehe kaya ako, mag paalam muna ako sa mga magulang before ako magpakasalsa lalaki, ok lng kahit gulpehen ako, basta in the ends, papayag sila, pag hindi sila papayag, hindi ako mag pa gulpe, hehehe
ReplyDeletewahhhh
ReplyDeleteyeheyyyy naupdate narin AKKCNB weh... update po agad next chapter... thanks po(",) - shanejosh
ReplyDeletekuya, pwede bang ang mamatay katulong nalang,,, heheheang sama ko
ReplyDeletekakatuwa naman pangalan nung bata..
ReplyDelete"NOEL"..
:D
hehehehe
si pauljake ang namatay
ReplyDeletesana si romwel na lang yung namatay. hehehe.
ReplyDeleteoh gosh.. sa wakas nagkarron din ng chapter 25 hmmm.. pero sobrng tragic un ngyari kay jayson..i hope he will be ok after all..
ReplyDeletenku npuzzle ako kung cnu ang namatay sa story... hays sobrng sad:(
wha!!!! how sad namatay pala papa nea huhuh!!!
ReplyDeletepede po bang wala nlng mamatay?sobrang ganda nmn ang flow ng story, prang masakit sa dibdib kc pag may namamatay...
ReplyDeleteThis seems like the most moving part. Sad but touching. Great story-telling!
ReplyDeleteparehas lang ba eto sa ang kuya kung crush ng bayan sa BIOUTLOUD? parang ang gulo na ata.. hehe
ReplyDeletei hate that part lumayas si Jason then when he finally decide and find his rule in this world, suddenly namatay dad niya. huhu! sad sad sana dumating muna si jayson bago namatay, pero what is the next scene, may namantay i'm sure lahat ng kamag-anak andun, Julius and kuya ROM is there. haha! excited na ako sa next chapter. can't wait.
ReplyDeletePatay na si Kuya Rom!!! Ipinadala galing Canada ang kanyang bangkay.
ReplyDeleteHuwaaat!!!
ReplyDeleteHindi pedeng may mamamatay...
Dapat masaya lagi... ^_^
Dad naman eh... Ang lungkot ng story... hayz...
ReplyDeleteNaisip ko lang...
ReplyDeletePano kung si Romwel yung namatay?
For sure, katakotakot na regret and mararamdaman ni Jason...