Followers

Saturday, May 16, 2015

Ang MAGIC Sa Coffee Farm 3





******After A Couple Of Days*******
*******7:30 am*******

Nakalimutan na ni Chan ang kaniyang binitawang salita sa mga Kopra Farmers sa kabilang Hacienda na pag-aari ng kanilang Family Friend na si Mr. Valderama kaya nama'y hindi na niya ito nabanggit pa sa kaniyang Daddy.
Naging occupied din si Chan sa pagiging abala na i-enjoy na lamang niya ang kaniyang pag stay sa Haienda Luciente - Cervantes since wala naman palang masamang nangyari sa kanilang Daddy.
Ang pinaka higit na pinag kaabalahan talaga ng pamintang si Chan ay ang palaging makakuha ng chance na mapuntahan or makausap ang kaniyang kababatang si Benjie. Naging successful naman siya dahil nakahanap siya ng solution para hindi naman siya mahalata nito. Naging way niya ang kaniyang pag-i-early morning jogging sa kanilang lugar na ginawa na rin niyang daily routine everyday.

*******One Early Morning*******

Hindi maalis alis talaga ang matamis na ngiti sa mga labi ni Chan habang nag-jo-jogging siya pabalik sa kanilang Hacienda.
Kahit na saglit lang niyang nakita't nakausap itong si Benjie dahil kinakailangan nitong samahan si Don Miguel sa meeting nito sa Bayan ay sapat na sapat na ito upang maging buo at maganda ang buong arawng binata.
"SIR CHAAAAAAN!!!" Ang malakas na pagtawag ng boses ng isang babae na biglang nagpatalon sa nagulat and nagjo-jogging na si Chan.
"Sino naman itong Dugyot na ito?" Ang naiinis na isip-isip ni Chan nang makita niya ang babaeng naghihikahos na ngayong papalapit sa kaniya.


"SIR CHAAAAAN!!!" Ang natutuwang pagtawag muli ng Babae sa binata na kinakunot pang lalo ng noo ni Chan.
"Parang kilala ko ito ah..." Ang sumagi sa isipan ni Chan nang mapansin niyang familiar ang face ng papalapit na 40-ish na babae.
"POTAH!" Ang nausal na lamang ni Chan kasabay ng panglalaki ng dalawa niyang mga mata.
"SIR CHAAAAN!!! SAAN KA PUPUNTA!!!???" Ang palahaw ng babae ng makita niyang kumaripas ng takbo ang binata.
Automatic na gumalaw ang mga paa ng binata nang ma-Realized niya kung saan nga ba niya nakita ang babae...
"SIR CHAAAN!!! SAGLIT LANG PO!!!" Ang malakas na sigaw ng Babae sa papalayong si Chan.
"SHIT! SHIT! SHIT!" Ang sunod-sunod na usal ng tumatakbong si Chan nang lumingon siya sa likod.
"SIR CHAAAN!!! SIR CHAAAAN!!!"
Lalo pang binilisan ni Chan ang kaniyang pagtakbo nang makita niyang humahabol na sa kaniya ang Babae...
Nakilala ng Binata ang Babae na isa sa mga Kopra Farmers ng kabilang Hacienda dahil nakita niya ito a couple of Days ago ng magpunta ang mga ito sa gate ng Hacienda Luciente -  Cervantes upang humingi ng tulong sa kaniyang Daddy...
Nag-aasume kaagad itong si Chan na iistorbohin siya nito upang humingi muli ng tulong sa kaniya...
"SIR CHAN!!!"
"Leave me alone..." Ang mangiyak-ngiyak na usal ni Chan dahil tila ba hindi napapagod ang Babae sa paghabol sa kaniya.
Kahit na sana'y na sana'y tumakbo siyang mag-jogging ay nakakaramdam na siya ng pagkahingal...
"SIR CHAAAAAAAAN!!!" ang muling pagtawag ng humahabol na Babae na lalo pang ikina-Panic ng Binata.
Ramdam ni Chan na maabutan na siya nito...
Wala siyang panahong makipag-usap dito...
Kahit na nakaTracking Shoes itong si Chan ay slight na bumabagal na ang kaniyang pagtakbo dahil nagawi na sila sa baku-bakong kalsada patungo sa kanilang Hacienda...
Sana'y kasing magJogging sa sementado at palitadong mga Streets sa US itong binata...
Kabaligtaran naman sa situation ng Babaeng Kopra Farmer dahil sanay na sanay ito at napakalakas ng Resistensya...
"LORD..." Ang usal usal ni Chan dahil wala na siyang mahugot na Energy upang makatakbo pa ng mas mabilis.
"SIR CHAAAAN!!!"
"SYET!!! MALAPIT NA!!!" Ang usal muli ni Chan at talaga namang ayaw na ayaw niyang makausap ito.
Aminado din naman ang binata na hindi siya comfy na makipaghalubilo sa mga katulad ng Babaeng Kopra Farmers since nakakataas ang kanilang Status kaysa sa kanila na hamak na mang-gagawa at utusan lamang...
"Kaunti na lang Chan... Don't give up..." Ang pagpapalakas ng loob ni Chan sa kaniyang sarili nang makita na niyang malapit-lapit na siya sa gate ng kanilang Hacienda.
"YEEEES!!!" Ang malakas na outburst ni Chan nang makapasok na siya sa gate ng Hacienda nila.
"AAAAY!!!" Ang malakas na outburst naman ng Babae na ikinahintong bigla ni Chan.
"HAAAGHHH... HAAAAGHHH..." Ang malakabayong hingal ng binata nang kasabay ng pagtuon niya sa direction ng napatigil ding babae.
"Haaaagh..." Hinihingal pa din itong si Chan habang pinagmamasdan niya ang hitsura ng Babae.
Nakayuko lang ito at normal na normal pa din ang paghinga na ikinabilib naman ni Chan dahil halos lumabas na ang kaniyang mga lungs dahil sa ginawa niyang pagtakbo para lamang matakasan ang humahabol sa kaniya...
Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ni Chan nang makita niyang naka tisnelas lamang ang Babae...
"Sir Chan... Pasensya na po... Napigtal yung plastic bag..." Ang sincere na paumanhin ng Babae sa hinihingal na binata.
Now lang napansin ni Chan ang mga Suman na kumalat sa kalsada...
"Kagabi ko lang po yan niluto para ibigay sa po sa inyo... Alam ko pong hindi po kayo madalas nakakakain ng ganiyan sa Amerika..." Ang explain ng Babae habang pinupulot ang mga nalaglag na suman.
Lalo pang natameme itong si Chan sa kaniyang napag-alamanan...
"Pasensya na ho... Igagawa ko na lang po ulit kayo..." Ang walang tigil na usal ng Babae habang nagpupulot ng kaniyang pinagpuyatang suman.
"Eh sana sinabi nyo kaagad sa akin..." Ang nasambit na lamang ni Chan sa Babae.
"Bigla po kasi kayong nagtatakbo eh..." Ang reply naman nito sa Binata.
"What Happened?" Ang biglang narinig na lamang nina Chan at ng Babae sa kalagitnaan ng kanilang usapan.
"Ate Chin..." Ang bati ni Chan sa kaniyang panganay na kapatid.
"Anyare sayo at pawis na pawis ka?" Ang nagtatakang tanong kaagad ni Chin nang makalapit na ito sa kapatid.
"MA'AM CHIN!!!" Ang outburst kaagad ng Babae ang panganay sa magkakapatid.
"Ikaw pala..." Ani naman ni Chin.
"Naipaabot nyo na po ba kay Sir Greg ang pakiusap po namin..." Ang hopeful na tanong kaagad ng Babae.
"Nasabi ko na ho sa asawa ko... Kaya lang eh ang magde desisyon naman talaga kasi eh si Mr. Valderama..." Ang magalang na sambit naman ni Chin.
Nakiusap din kasi ang mga Farmers sa Koprahan ni Mr. Valderama kay Chin na huwag munang madaliin ang pagbebenta sa Hacienda ng kanilang amo na ikinakunot namang bigla ng noo ni Chan...
"Magkano ba yang suman...?" Ang biglang hirit ni Chan para maiba ang usapan.
Alam ni Chan na hindi titgil ang Babae na makiusap sa kaniyang Ate Chin...
"Naku Sir Chan hindi ko po yan itinitinda... Ibibigay ko po sana yan sa inyo..." Ang explain naman ng Babae habang matiyaga niyang pinupulot ang mga suman.
"Ate Chin pengeng pera... Babayaran na lang kita pag nasa bahay na tayo..." Ang sambit ni Chan na para bang hindi narinig ang sinabi ng Babae.
"Naku huwag na ho Sir Chan..." Ang sambit ng Babae.
"Chan..." Ang gulat na saway ni Chin nang bigla na lamang hinablot ng kaniyang nakababatang kapatid at kalkalin nito ang hawak niyang handbag.
"Chan!" Ang muling saway ni Chin sa kapatid nang nakadukot ito ng P200 bill mula sa kaniyang purse.
"Ayan na po ang bayad... Para di po masayang yang niluto nyo..." Ang sambit ni Chan habang iniaabot niya sa naka Squat na Babae ang bill.
Napatigil ang babae sa kaniyang pagpulot sa mga nalaglag na suman at tila ba nagulat sa ginawa ni Chan. Gayundin naman itong si Chin ay natameme sa iniasal ng kapatid...
"Ayan na ho... Huwag na po kayong mag abala po sa susunod..." Ang muling sambit ni Chan sabay lapag niya ng P200 bill sa lupa.
Tahimik pa din ang Babae habang pinagmamasdan nito ang P200 na nasa lupa...
"Hindi pa naman ho madumi yan... Sige ho... at ako na lang ang mag uuwi nyan..." Ang segway ni Chin at kahit hirap na hirap siyang mag squat dahil sa sobrang laki ng kaniyang tiyan ay tinulungan na din niya sa pagpulot ng mga suman ang Babae.
"ATE!!! Umuwi na tayo!!!" Ang alburuto ni Chan sa kaniyang Ate Chin habang naglalakad na ito papasok sa Hacienda Luciente - Cervantes.
"Pagpasensyahan nyo na ho ang kapatid ko at baka pagod lang... Sige ho at akin na lang ho  yang mga suman at di naman madumi..." Ang paghingi ng paumanhin ni Chin sa Babae.
"Naku huwag na ho Ma'am Chin..." Ang tanggi ng Babae nang pinulot ni Chin ang P200 bill at iniabot sa kaniya.
"Sige na ho at tanggapin nyo na po yan... Pambili nyo po ulit ng ingredients ninyo at gawan nyo ho ulit ako ng suman..." Ang reply ni Chin at pagkatapos ay kaagad siyang tumayo at humabol sa kaniyang papauwing kapatid.
Tahimik lamang ang Babaeng Kopra Farmer habang pinagmamasdan niya ang dalawang papalayong magkapatid...
"Tulungan nyo po kami Panginoon..." Ang namutawing mahinang panalangin na lamang ng Babae dahil hindi niya alam kung pinakinggan ba ng dalawang magkapatid ang kaniyang pakiusap at paghingi ng tulong ukol sa kanilang suliranin sa kanilang pinagtratrabahuhang Kopra Farm.

***************

"CHAN!!! ANO KA BA!!!???" Ang sigaw ng hinihingal na si Chin nang maabutan niya sa paglalakad pabalik ng Mansion si Chan.
"Anong ano ka ba?" Ang reply naman kaagad ni Chan.
"Bakit ganon ang inasal mo doon sa babae?!" Ang galit na sambit ni Ate Chin habang binubuksan na niya ang isa sa mga dala dala niyang suman.
"Pati ba naman yan eh hindi mo paliligtasin Ate! Madumi na yan!" Ang puna ni Chan sa kapatid na nagsisimula nang kumain ng Suman.
"Hindi kaya! Yung balat ang nadumihan... Malinis ang loob... Tikman mo at ang sarap..."
"Lahat na lang masarap sa iyo... Kaya ka hindi napayat eh..." Ang ismid ni Chan.
"HUWAG MONG IBAHIN ANG USAPAN!!!" Ang defensive na sambit kaagad ni Ate Chin.
Senstive talaga sa kaniyang pagkamataba itong panganay nina Don Miguel and Donya Fidela...
"Bakit ganoon ang ipinakita mong Behaviour kanina... Kawawa naman yung Babae sa kabilang Hacienda..." Ang next na sermon ni Ate Chin sa kapatid.
"Alangan namang gayahin kita Ate..."
"ANSABE MO!!!???"
"Ang sabi ko eh alangan namang gayahin ko ang paraan mo..."
"What do you mean Chan..."
"Nagpapakita kang concern sa mga tauhan ni Mr.Valderama pero wala ka namang ginagawa para tulungan sila... Kinausap mo na ba si Greg tungkol sa pagbili nila sa Koprahan ni Mr. Valderama?" Ang sunod-sunod na sinabi ni Chan na ikinatameme naman kaagad ng kaniyang Ate Chin.
...
...
...
"Oh... Hindi ka nakapagsalita... Wala ka din namang pakialam sa kanila di ba?" Ang smart ass na sambit ng nakangising si Chan sa tahimik pa din niyang Ate.
"Atleast eh magalang ako sa kanila... Unlike you!" Ang resbak naman ni Chin para di siya masyadong maguilty sa sinabi ng kapatid.
"Atleast ako eh hindi ko na sila binibigyan ng False Hope... Atsaka para hindi na nila tayo istorbohin... Nakakainis na sila... Pati problema nila sa kabilang Hacienda eh dinadala pa dito!" Ang sambit naman ni Chan.
"Tama ba ako Ate Chin?"
"Ahm... Ehm..." Ang usal ni Chin at hindi talaga siya makasagot sa sinabi ni Chan.
Mixed emotions itong Eldest sa magkakapatid na si Chin dahil sumasang-ayon siyang hindi sa explanation ng kaniyang Young Brother...
"Teka pala Ate..." Ang pagsisimula muli ni Chan habang naglalakad sila pauwing Mansion.
"Ano yun Chan..."
"Malaki ba matatanggap nina Mr. Valderama kapag nabili na ang Koprahan nila..."
"They'll be paid handsomely as well as the Farmers..." Ang reply ni Chin habang kumakain pa din ito ng Suman.
"Not Bad at all..."
"Ba't kakaiba ang Ngisi mo Chan..." Ang ipinagtaka ni Chin nang mapansin niya ang kapatid.
"Wala lang... Just in case na mangulit si Papa ulit na ako ang magpatakbo ng Coffee Farm natin eh ibenta ko na lang kaya..."
"WHAAAT!!!???" Ang shock na shock na sambit ni Chin.
"Balak pa lang naman Ate... Ha ha ha..." Ang natatawang sambit ni Chan sa nagulantang niyang Ate.
"Who told you na sa iyo ipapamana ni Papa ang Hacienda?"
"Ako ang lalaki kaya naman sa akin talaga ipapamana ni Papa ang Hacienda natin..." Ang mayabang na sambit ni Chan.
"Ayoko naman talaga at mas gusto kong mag stay na lang sa US..." Ang next na sambit ni Chan at pagkatapos ay napa-Sigh na lamang siya dahil na miss na niya ang buhay niya sa US dahil doon ay nakakapag -Out siya bilang isang Bisexual.
"Ikaw Ate Chin... Gusto mo bang sa iyo ipamana ni Papa ang Hacienda... Sabihin mo lang para sabihin ko kay Papa..." Ang next na sambit ni Chan.
"AYOKO NGA!!!" Ang mabilis na reply ni Chin sa kapatid.
"See... Ayaw mo din naman..." Ang smart ass and triumphant na sagot naman ni Chan.
Hindi na kaila sa kanilang Family na mas dedicated ang Eldest Daughter na si Chin sa pagiging House Wife niya sa kaniyang Land Developer na Husband na si Greg...
"Susupportahan na lang kita... Peaceful na ako with Greg..." Ang sambit ni Chin na ikina smile na lamang ni Chan.
Unti unting may nabubuong plano na itong si Chan paungkol sa kaniyang gagawin kapag naipamana na sa kaniya ng kaniyang Daddy na si Don Miguel ang Coffee Farm...
POT! POT! POT!
"AY SHET!" Ang malakas and gulat na usal ni Chin nang biglang humaribas sa daanan ang Owner-Type na Jeep ng kanilang Bunsong kapatid na si Sue.
SCREEEEEEEEEEEEEETCH!!!
"HINDI N’YO BA NAKITANG DUMADAAN AKO!!!" Ang galit na usal ng naghihikahos na si Sue sa kaniyang Ate Chin and Kuya Chan nang makapag Brake ito.
"NYETA NAMAN EH!" Ang usal ni Chan kay Sue.
"Saan ka pupunta ng ganitong kaaga at bihis na bihis ka!?" Ang puna ni Chin nang makita ang Get Up ni Sue.
"Papasok sa School!" Ang sambit ni Sue.
"WHAT?!" Ang gulat na naibulalas na lamang ni Chin na ikinabungisngis ni Chan.
"WOW SUMAN! Penge Ate!" Ang outburst naman ni Sue nang makita niya ang mga hawak na Suman ng kaniyang Ate.
"AYOKO!"
"Ang dami-dami nyan Ate eh..." Ang maktol ni Sue.
"Nahulog na ito sa Kalsada... Madumi na ito..."
"Kahit na may balot naman..."
"Isa lang ha..." Ang sambit ni Chin nang binigyan niya ng one piece na Suman si Sue.
"ANG TAKAW MO TALAGA!"
"ANSABE MO SUSAN?!"
"Sige na Sue at baka ma late ka!" Ang segway ni Chan para hindi na magtagal pa ang usapan.
...
...
...
"Saan yun papasok?" Ang naguguluhang sambit ni Ate Chin sa nakangising si Chan.
"Sa Davao State..."
"HA???!!!"
"Sinamahan kong mag Enroll at nakiusap kami na kahit late na eh tanggapin pa din siya..."
"Ahm... Anong Course..."
"Agriculture!" Ang matagumpay na sambit ni Chan sa kapatid.
"WHAAAT?! Pumayag si Papa doon?" Ang hindi makapaniwalang usal kaagad ni Ate Chin.
Napailing na lamang itong si Chan sa Kapatid...
"Hindi alam ni Papa... Ha ha ha..."
"ANO BA ANG PUMASOK DYAN SA ISIP NYO AT GUMAWA KAYO NG GANIYAAN!" Ang outburst ni Ate Chin dahil alam niya na magagalit ng Bigtime ang kanilang Daddy sa ginawa ng kaniyang dalawang nakababatang kapatid.
"Just Relax Ate Chin... Ipapaalam din naman namin kay Papa eh..." Ang explain naman ni Chan sa Kapatid.
"Teka nga pala Ate Chin... Ba't ka naman napadalaw dito ng ganitong oras..."
"Wala kasi akong kasama sa Bahay kaya pumasyal ako dito..."
"Si Kuya Greg?"
"Lumuwas ng Manila to finalized the transaction with Mr. Valderama..."
"So... Tuloy na tuloy na pala ang pagbenta ni Mr. Valderama ng kaniyang Hacienda..."
"Yup... Nakapirma na si Mr. Valderama..."
"Eh ba't sabi mo dun sa Babae eh ipapaalam mo yung concern ng mga Kopra Farmers sa Husband mo?"
"Pakitang tao lang yun!" Ang mabilis na sambit ni Chin na ikinahalhak naman nitong si Chan.
"Malaki laki siguro ang makukuhang pera nina Mr. Valderama ano..."
"Siempe naman ano! A Very Handsome amount..."
"Can you tell me all the details ng ginagawa ni Kuya Greg..." Ang next na sambit ni Chan.
"Huh?"
"Sabi ko Ate eh paki explain yung industry ni Greg at kung ano ang ginagawa nila sa mga nabili nilang mga lupa..."
"... ... ..."  Naging tahimik na lamang itong si Ate Chin at masusi niyang pinagmasdan ang seryosong mukha ng kaniyang kapatid.
"HOY ATE  CHIN!!!" Ang pagpukaw muli ni Chan sa attention ng kaniyang Ate nang hindi ito mag react.
"Ah eh... Sige let's talk about it during lunch..." Ang nasambit na lamang ni Ate Chin.
Napabuntong hininga na lamang itong si Ate Chin at muli niyang pinagmasdan ang masayang mukha ng kaniyang kapatid…
Hindi niya mapigilang slight na mangamba at kinukutuban siya na may binabalak itong si Chan.

*******After Several Days*******
*******5:00 am*******

Halos mapatalon sa gulat itong si Bentong na mabungaran niya itong si Chan nang pumasok siya sa loob ng mansion…
“Bakulaw na bakulaw ka ganyan ka makatili…” Ang sarcastic na sambit ni Chan sa kababata.
“Malay ko bang nandiyan ka! Tuwing pumapasok ako dito ng ganitong oras eh walang tao…” Ang usal naman ni Bentot.
That day kasi ay pupunta sina Benjie aka Bentot and Don Miguel sa Coffee Farm ng Hacienda Luciente – Cervantes para ma check ang nalalapit ng anihan ng kanilang mga Coffee Trees.
“Eh ano naman ngayon kung nandito ako… Mansion naman namin ito ah…” Ang reply ni Chan.
Nagpapakita ng sarcasm itong si Chan sa kababata pero deep inside eh medyo overwhelmed siyang makita itong si Benjie lalo na’t naamoy pa niya ang malamyos na amoy ng SafeGuard white mula sa katawan nito…
“Kala ko naman kung anong maingay…” Ang biglang usal ni Don Miguel sa dalawa nang makababa na ito ng hagdanan.
“Good Morning po Sir.” Ang pag greet kaagad ni Benjie sa kaniyang amo.
“Good Morning Papa.” Ang bati naman ni Chan.
“Ang aga mo namang nagising Chan…” Ang nagtatakang usal ni Don Miguel sa anak dahil alam niyang tanghali na ito kung magising.
“Maaga po akong nagising Pa… Sama po ako sa Coffee Farm…” Ang reply naman ni Chan na ikinagulat nina Don Miguel and Benjie.
“Ansabe mo anak?”
“Sama po ako sa Coffee Farm…”
“Ikaw!!!??? Sasama doon!!!???” Ang nagtatakang tanong ni Benjie.
Hindi talaga makapaniwala itong si Benjie dahil nakitaan nga niya itong si Chan ng pagkawala ng concern sa Hacienda noong mga nakaraang araw.
“Hindi ba pwede?” Ang snap naman kaagad ni Chan.
“Gising na ba si Manang? Mag Breakfast ka muna at buong araw tayo doon…” Ang galak namang sambit ni Don Miguel at natutuwa siyang makakasama nila ang kaisa-isang anak nilang lalaki sa Coffee Farm.
“Okay na po ako Pa…” Ang sambit nitong si Chan habang pinipigilan nitong ngumiti.
Kitang-kita ni Chan ang expression ng kaniyang Daddy na si Don Miguel. Alam ni Chan na medyo natuwa ito sa kaniyang pasama sa Coffee Farm. Ito talaga ang plano ni Chan. Magpapakita siyang gilas kay Don Miguel and ipapakita niya na interested siya sa kanilang Coffee Farm.
After kasi niyang makipag usap noon sa kaniyang Ate Chin ay may nabuo ng plan sa isip nitong si Chan how to handle their Daddy. Kahit ayaw man ni Chan sa idea ni Don Miguel na sa kaniya ipapamana ang Coffee Farm ay naisip-isip niyang impossibleng hindi niya iyon mapigilan at batid naman niya na since siya lang ang lalaki sa kanilang magkakapatid ay sa kaniya talaga mapupunta ang pamamahal ng Hacienda in the Future.
Kapag siya na ang ginawang tagapamahal ng lahat-lahat sa Hacienda Luciente – Cervantes ay hihingin niya ang tulong ng Husband ng kaniyang Ate Chin na si Greg para madispatcha na kaagad niya ang kanilang property at makabalik na siya sa US.
Wala na naman siyang proproblemahin dahil malaki ang pera ng kaniyang mga parents sa kanilang retirement and may iba pa silang properties sa Davao and Manila na tiyak na ipapamana sa kaniyang Ate Chin and sa youngest nilang kapatid na si Sue.
Wala namang magiging problem sa kanilang mga workers dahil mababayaran din naman silang lahat once na maipagbili na ang kanilang Coffee Farm.
Tanggap na ni Chan ang kaniyang gagawing pagsasakripisyo pero kung makiki go siya sa flow sa gustong mangyari ni Don Miguel sa kanilang Hacienda and Coffee Farm ay mabilis niyang maisasakatuparan ang kaniyang plan.
Walang kamuang-muang ang lahat sa binabalak nitong si Chan…
Lingid sa kaalaman ng binata ay mayroong kaisa-isang nakakaalam ng kaniyang plano…

*******At The Coffee Farm*******

Tahimik lamang itong si Benjie habang pinagmamasdan niya itong si Chan habang nasa sa Coffee Farm sila…
“Okay ka pa ba?” Ang tanong ni Benjie kay Chan nang makatiyempo ito.
“Oo naman… Nag e enjoy nga ako eh…”
“Weh?” Ang di makapaniwalang usal ni Benjie.
“Anong nakain mo’t sumama ka dito?”
“Masama ba?” Ang defensive na usal naman ni Chan na ikinangiti naman ni Benjie.
Kaagad na nakitaan niya ng pagkairita itong si Chan.
“Problema mo Bentot?” Ang snap kaagad nitong si Chan nang makita niyang nakangisi itong si Benjie. Medyo nawawala na ang kaniyang pagka Cool at that moment dahil sa tindi ng init ng panahon.
Hirap na hirap na itong si Chan sa pagpapanggap na nag-i-enjoy siya sa pagsama sa Coffee Farm. Bukod sa napaka tinding init ay nakadagdag pa sa dusa ng binata ang tuyong-tuyo’t maalikabok na lupa.
“Kunin mo nga yung towel sa kotse at nanlalagkit na ako sa pawis…” Ang bratinellong utos ni Chan na lalo pang ikinatuwa ni Benjie.
“Sabi ko na nga be eh… Bakit ka sumama dito?” Ang nang aasar na usal ni Benjie.
“I’m bored na sa Mansion!” Ang mabilis na pagkakadulas naisagot ni Chan.
“Tara na’t doon naman tayo sa isang area pumunta.” Ang singit ni Don Miguel sa dalawa.
“Okay po Pa…” Ang malambing at eager na reply ni Chan sa kaniyang Daddy na ikinatawa naman ni Benjie.
“Bakit ka natatawa?” Ang tanong ni Chan.
“Eh kanina nagrereklamo ka eh.”
“Masasanay din ako sa init ng panahon dito…” Ang mabilis na sagot ni Chan.
“Kailangan mo talagang masanay Anak… Para makapagpahinga-pahinga na din ako at pakapag retire.” Ang usal naman ng umaasang si Don Miguel.
Sa ipinakita kasi ni Chan kay Don Miguel today ay medyo slight na naibsan ang pag-aagam-agam sa puso nito. Pakiramdam kasi nilang mag-asawa na walang concern ang kanilang anak sa kanilang Coffee Farm.
“I know Pa…” Ang usal na lamang ni Chan na ikinatuwa naman ni Don Miguel.
Unti-unting nabubuhayan ng loob itong si Don Miguel na mapupunta sa magandang mga kamay ang Coffee Farm…
“Asan na Towel ko Bentot!?” Ang segway naman ni Chan kay Benjie habang tinutungo na nila ang next area ng Coffee Farm na kanilang bibisitahin.
Napailing at napangiti na lamang itong si Don Miguel at hindi niya maikakaila na spoiled brat ang kaniyang anak…

*******After A Few Weeks*******

Talagang nagpakitang gilas itong si Chan sa kaniyang Daddy na si Don Miguel at wala siyang palya sa pagsama-sama niya dito sa tuwing pupunta ito sa kanilang Coffee Farm. At that rate din ay mabilis na natutunan ni Chan ang pasikot-sikot sa pagpapatakbo ng kanilang Business.
Ipinakilala na din siya ni Don Miguel sa mga ilan nilang ka Partners and Investors sa kanilang Business at awa naman ng Diyos ay nakapalagayan naman nila ng loob itong si Chan.
Umaayon ang lahat sa plinaplano nitong Chan kaya nama’y lalo pa niyang pinag-igihan ang kaniyang ginagawa na ikinatuwa pang lalo ng kaniyang Daddy na si Don Miguel.

*******One Morning*******

Hindi talaga maitago nitong si Don Miguel ang pagkakaroon niya ng good mood at kahit itong si Benjie din ay ganoon din ang saya habang hinihintay nila itong si Chan na bumaba mula sa second floor ng mansion at saluhan sila sa Breakfast.
“Good Morning Pa… Morning Ma…” Ang greet ni Chan sa kaniyang parents kasabay ng pagbibigay niya ng kiss sa cheeks ng mga ito.
“Late ka na atang magising anak…” Ang masayang bati ni Donya Fidela sa nakaupo ng si Chan.
“May ginawa lang po ako…”
“Anak…” Ang masayang pagsisimula ni Don Miguel.
“Yes Pa…”
“I want to ask you a favor…”
“Ano po yun…”
“Sad to say na naipagbili na ni Mr. Valderama ang kaniyang Kopra Farm and wala ng mga trabaho ang kanilang mga farm workers…”
“… … …” Walang naisagot itong si Chan at tahimik lang niyang pinagmamasdan ang nakangiti niyang Daddy.
Labis na nagtataka ang binata dahil concern na concern itong si Don Miguel sa mga Kopra Farm Workers ni Mr. Valderama kaya nagtataka siya kung bakit nakikitaan niya ng kasiyahan ang mukha nito nang ipinaalam nito sa kaniya ang nangyari sa Koprahan ni Mr. Valderama.
“Richard… Gusto kong tipunin mo ang mga trabahador ni Mr. Valderama and hire them para makatulong sa nalalapit ng anihan ng mga Kape natin…” Ang pagpapatuloy ni Don Miguel.
“Do we need to do that Pa… We have lot’s of Workers sa Coffee Farm and I think their numbers are sufficient enough sa anihan…” Ang sagot ni Chan.
“Sayang lang ang ibabayad natin sa dagdag na mga Laborers…” Ang sunod na sinabi ni Chan.
“Don’t worry about that Anak… Gusto ko lang makatulong sa kanila…” Ani naman ni Don Miguel.
Tahimik lang itong si Benjie habang binabantayan niya kung ano ang sasabihin nitong si Chan. Sariwa pa sa kaniyang memory kung gaano ka Hostile ang kaniyang kababatang si Chan nang humingi ng tulong sa kanila ang mga Laborers ni Mr. Valderama.
“Atsaka kikitain din naman kaagad natin yun…” Ang masayang sinabi ni Don Miguel.
“What do you mean Pa…”
“Dadalaw dito ang isang malaking company na nag e export ng mga Coffee Bean… Gusto nilang makita ang Coffee Farm natin at balak nilang mag invest at i-Export sa ibang bansa ang products natin…”
“That’s good…” Ang nasambit nitong si Chan.
“Kaya nga… I want you to talk with the Laborers ni Mr. Valderama para makatulong sila sa nalalapit na Anihan…”
“Sige po… Kailan nyo po gusto…” Ang sambit ni Chan na ikinagulat ni Benjie. Sure na sure na kasi itong si Benjie na hindi papayag itong si Chan.
“Sana mamaya mo na gawin…” Ang masayang sambit ni Don Miguel sa anak. Kahit itong si Donya Fidela ay labis labis ang pagkatuwa dahil sa malaking pagbabagong nakita niya sa kaniyang anak.
“Okay po Pa…” Papasama po ako kay Bentot kapag kinausap ko sila.
“Sasamahan ako ni Benjie at may meeting kami sa mga magiging partners natin…” Ang sambit ni Don Miguel.
“Ganun po ba Pa…” Ang medyo dissappointed na tugon ni Chan dahil matagal na niyang gustong masolo itong si Bentot. Nakakasama lang niya kasi ang kababata kapag nasa Coffee Farm sila at kasama itong si Don Miguel.
“Oo anak… Balak ko nga na sa anihan mismo papuntahin sila para ma-inspection nila ang farm…” Ang ani ni Don Miguel.
“Si Susan na lang kaya ang isama mo… Marami siyang kilala sa mga Laborers sa Koprahan ni Don Miguel…” Ang suggestion ni Donya Fidela sa anak.
“Speaking of Susan… Parang hindi ko ata siya nakikita… Tuwing Dinner lang…” Ang puna ni Don Miguel.
“Oo nga… Kahit ako din… Sa gabi ko lang siya nakikita…” Ani naman ni Donya Fidela.
Kaagad namang ikina-Panic nitong si Chan ang naging situation at nawala na sa kaniyang isipan na pumapasok na ang bunso niyang Kapatid sa Davao State University…
“Nasan na ba si Susan…” Ang ani ni Don Miguel. Labis na naging busy kasi siya for the past weeks dahil sa nalalapit na anihan at dahil na din sa pagpasok ng isang malaking company sa kanilang Business to Invest.
“Hindi ko na din nakikita si Sue…” Ang ani din ni Benjie na lalo pang ikina-Panic ni Chan.
Tanging ang magkakapatid lamang ang nakakaalam na kumukuha ito ng Agriculture sa Davao State University dahil alam ni Chan na malalagot silang dalawa ni Sue kapag nalaman ito ng kanilang Daddy. Against na against kasi itong si Don Miguel dahil gusto niyang kumuha ng Management itong si Sue sa Manila. Mas prefer ni Don Miguel na sa UST mag-aral ito just like her Eldest daughter na si Chin.
“Lately eh palagi na lang nakina Ate Chin si Sue…” Ang palusot ni Chan.
“KUYA CHAAAAAAAN!!!!!” Ang malakas na pag alingaw-ngaw ng boses ni Sue sa loob ng Mansion na ikinagulat naman ng lahat.
Kaagad na tumayo itong si Chan upang puntahan itong si Sue…
“Susan… We’re here sa Dining room…” Ang mabilis na pagtawag naman ni Don Miguel sa kaniyang bunsong anak.
“FUCK!” Ang naisigaw na lamang ni Chan sa kaniyang utak dahil ang alam niya’y maagang pumapasok sa School itong si Susan.
“AALIS NA PO AKO!!!” Ang mabilis at malakas na boses ni Susan na umalingaw-ngaw ulit sa loob ng Mansion.
Kahit si Susan ay nabigla nang marinig niya ang boses ng kaniyang Daddy. Alam kasi niyang sa ganoong oras ay umaalis na itong si Don Miguel papunta sa Coffee Farm.
“Puntahan ko lang po si Sue…” Ang pag excuse ni Chan sa mesa at pagkatapos ay mabilis niyang hinabol itong si Susan.
“Kuya…” Ang pabulong na sambit ni Sue nang makita niya ang kaniyang Kuya Chan.
“Sa labas tayo mag-usap…” Ang pabulong din na sambit ni Chan sa kapatid at lalo pa itong nagpanic nang makitang suot-suot nito ang isang shirt ng Agriculture Department ng Davao State University.
Naka ID pa itong si Sue…
“Ano ka ba naman…” Ang kaagad na inis na bulong ni Chan sa kaniyang kapatid nang makalabas na sila ng Mansion.
Inis na inis itong si Chan kay Sue dahil sa kanilang gamuntikan ng pagkabuking.
“Sabi kasi ni Mama eh may appointment siya somewhere and ganoon din si Papa kaya akala ko eh wala sila dito sa Mansion…” Ang bulong na explanation naman ni Sue sa kaniyang Kuya Chan.
“Sana nagText or tumawag ka muna…”
“Nawala sa isip ko Kuya Chan…”
“Ba’t ka pala bumalik ng bahay…”
“Hihingi sana ako ng pera kasi may babayadan kami sa School… Nakalimutan ko kagabi eh…”
“Magkano ba…”
“Atsaka gustong pumunta dito ng mga classmate ko para makita ang Coffee Farm natin… May field project kasi kami…” Ang pagpapatuloy ni Sue.
“HINDI PWEDE!” Ang mabilis na saway naman ni Chan.
“Alin ang hindi pwede?” Ang boses ni Don Miguel na ikinatalon sa gulat ng magkapatid na Chan and Sue.
“Dali magkano ba ang kailangan mong bayaran para makaalis ka na!” Ang bulong ulit ng nagpa-Panic na si Chan.
“P2,800.00 Kuya…” Ang nagmamadaling sambit naman ni Sue at tanging nasa isip na lamang ng dalawa ay matapos na ang kanilang transaction para maka eskapo na sila.
Tahimik pa din na nakamasid sa kanilang dalawa itong si Don Miguel…
“Bumalik ka na sa School at pupuntahan na lang kita mamaya para ibigay ang pera…” Mahinang usal ni Chan.
“Sige Kuya…” Ani ni Sue.
“BYE PA!!! SEE YOU MAMAYA!!!” Ang sambit ni Sue kay Don Miguel at pagkatapos ay mabilis itong tumakbo papunta sa owner type jeep nito.
“SUSAAAAAAN!” Ang mabilis na pagtawag ni Don Miguel na ikinahinto ni Sue at ikinalunok naman kaagad ng laway nitong si Chan.
“Ano yang suot mo…” Ang tanong ni Don Miguel sa kaniyang Bunso nang makita niya ang Agriculture Shirt ng Davao State University na suot ni Sue.
“HA… Ano po Papa…” Ang nasambit na lamang ni Sue nang makita niya ang kaniyang Shirt.
“SHIT!” Ang naiusal na lamang ni Chan sa kaniyang isipan habang mabilis siyang nag iisip ng magandang excuse na pupuwedeng kakagatin ng kanilang Daddy.
Mabilis na lumapit itong si Don Miguel kay Sue at kinuha nito ang kamay nito…
“Patay…” Ani na lamang ni Sue sa sarili habang kinakapa-kapa ng dalawang kamay ni Don Miguel ang kaniyang palad. Nasa sa labas na din itong si Donya Fidela at Benjie.
“Kailan pa ito…” Ang stern na tanong ni Don Miguel sa hindi makasagot na si Sue.
“Ahm… Eh…” Ang naiusal lang ni Sue habang tinitignan niya ang kaniyang nagpa-Panic din na Kuya Chan.
“Yang T-Shirt mo tapos yang mga kalyo sa kamay mo… Sa pagtatanim at pagbubungkal lang ng lupa nakukuha ang ganiyang kalyo…” Ang sambit ni Don Miguel sa na Corner na si Sue.
“Anyare ba…” Ani ng nagtatakang si Donya Fidela nang lumapit na ito sa Dalawa.
“Kaya pala hindi natin nakikita itong si Susan eh may pinagkaka abalahan pala…” Sagot ni Don Miguel sa kaniyang wife habang itinuturo nito ang Agriculture Shirt na suot ni Sue.
Kinuha ni Don Miguel ang ID ni Sue at pinagmasdan…
“Tignan mo ito Honey…” Ani muli ni Don Miguel at ibinigay niya sa kaniyang asawang si Donya Fidela ang kamay ni Sue.
“Pumasok ka sa School…” Ang nagtatakang sambit ni Donya Fidela sa anak sabay tingin niya sa kaniyang asawang si Don Miguel.
Halata nitong si Donya Fidela na dissapointed ang kaniyang Husband sa napag-alamanang kinabi-busy-han ng kanilang Bunsong anak…
“Ahm… Ako po ang nag suggest kay Sue…” Ang biglang sambit ni Chan na ikinalingon naman ng lahat.
Alam ni Chan na baka lalo pa silang mapa Trouble ni Sue kapag pinagpatuloy pa ng kaniyang Daddy ang pag-i-interogate dito…
“Eh kasi naman Papa eh nakatambay lang yan dito sa Mansion…
Walang pinagkaka abalahan…
Hindi mo alam kung anong gusto sa buhay…
Mabuti nga po eh napapayag ko pong mag enroll para hindi sayang yung time niya…
Atsaka in the future pag nakatapos si Sue eh makakatulong siya sa akin sa pagma Manage ng Coffee Farm natin…
Pag-aaralin nyo nga sa Manila di naman mabantayan tapos hindi pa tatapusin ang semester eh magdra-Drop na kaagad…
Sayang lang ang tuition niya…
Mas mabuti ng dito na lang siya mag-aaral at least kahit na mag drop siya eh mura lang ang tuition niya…” Ang mala armalite na sunod-sunod na pag-i-explain ni Chan sa kaniyang Daddy habang taimtim siyang nagdadasal sa kaniyang sarili na sana’y kagatin ito ng kaniyang mga Parents.
“Pakiulet ang sinabi mo…” Ang sambit naman kaagad ni Don Miguel kay Chan.
“Ahm… Ako po ang nag enroll kay Sue…” Ang ulit ni Chan.
“Yung isa pa…” Sambit ni Don Miguel
“Sayang lang ang pagtambay ni Sue dito…”
“Yung isa mo pang sinabi…”
“Hindi niya alam kung anong gusto niya sa buhay?”
“Hindi… yung isa pa…”
“Para hindi sayang ang time niya?” Ang panghuhula ni Chan.
“Yung sumunod dun…” Ani ni Don Miguel.
“PagnakaGraduate si Sue eh makakatulong siya sa akin sa pagma-Manage ng Coffee Farm?” Ang sunod na hula ni Chan hoping na ito na ba ang pinauulit sa kaniya ng kanilang Daddy.
“Halika dito Anak…” Usal ni Don Miguel.
Kaagad namang pumunta itong si Chan sa tabi ni Sue at pareho silang hindi makatingin sa blank face ng kanilang Daddy…
Halatang guilty na guilty ang dalawa at alam nilang nilubag nila ang pinakakaayaw ng kanilang Daddy…
“HHHHHHMMMMPPPP…” Ang naisambit na lamang ni Don Miguel habang sabay niyang niyakap ng mahigpit ang nagtatakang sina Chan and Sue.
“Bilisan mong maka Graduate Susan para matulungan mo ang Kuya Chan mo sa pagapatakbo ng Coffee Farm natin…” Ang nakasmile na sambit ni Don Miguel sa nagtataka pa ding si Sue.
“I’m so Proud of you… Hinihintay ko lang na manggaling sa iyo na ikaw ang mamamahal ng Coffee Farm…” Ang next na sambit ni Don Miguel kay Chan.
Nagkatingan na lamang itong sina Chan and Sue at hindi sila makapaniwalang hindi sila pinagalitan ng kanilang Daddy…
“Malalaki na kayo at nagtitiwala akong alam nyo na ang ginagawa nyo…” Ang mahinahon at masayang sambit ni Don Miguel sa dalawa.
“Yes Papa! hinding-hindi na po ako magdro-drop…
Ito po talaga ang bet kong course…
Kayo lang po ni Mama ang ayaw…
Hinding-hindi po ako aalis sa tabi ni Kuya Chan…
Aalagaan po namin ang Coffee Farm…” Ang sambit ni Sue na labis na ikinatuwa ng kaniyang Parents habang itong si Chan ay ina-absorb pa din ang pangyayari.
“Ahm… Pa…”
“Ano yun Richard…”
“Ahm… Blessing po ba yan na okay ng mag Agri si Sue?”
“Oo naman Anak… Blessing ko din yan sa iyo na ikaw na talaga ang magmamana ng Coffee Farm natin…” Ang masayang sambit ni Don Miguel sa anak habang nakaakbay siya ng mahigpit sa kaniyang masaya ring asawang si Donya Fidela.
Parang nanalo sa Lotto itong si Don Miguel…
“Ahm… Hindi po ba kayo nagdadalawang isip Pa…” Ang pagko- Confirm ni Chan na inilingan na lamang ng natatawang si Don Miguel.
Kaagad na tinapik si Chan ni Sue at nginitian…
Masaya itong si Sue para sa kaniyang Kuya Chan…
Mas malinaw naman kasi sa sikat ng araw na ayaw nina Ate Chin and Sue na sila ang mamahal ng Coffee Farm…
Batid din nila na kay Chan talaga ibibigay ng kanilang Parents ang pamamahala sa Coffee Farm…
“So wala na pong problem Pa…” Ang tanong ni Sue.
“Wala na Dear...” Ang sagot naman ni Don Miguel.
“Bigyan mo na ako ng pambayad sa School Kuya Chan!”
“Ano ba babayadan mo?” Ang tanong ni Chan.
“Magbabayad nga kami para sa Field Project namin…”
“What do you mean Field Project?” Ang tanong ulit ng Clueless na si Chan.
“Yan ba yung mag-o-Observe kayo sa isang Agriculture Farm…” Ang singit ni Benjie.
“Yup… Bat alam mo yun Bentot?” Ang sagot naman ni Sue.
“Ginawa din naman namin yun kasi dati…” Ani ni Benjie.
“Ay oo nga pala… Dun ka din kumuha ng Agriculture sa Davao State…” Sagot ni Sue.
“Bakit may Bayad?” Ang tanong ulit ni Chan.
“Eh kasi private naman ang field na pupuntahan namin Kuya Chan.”
“Ayaw nyo dito? Eh dito sa Coffee Farm kami noon nag Field Project para walang bayad…” Ang suggeston ni Benjie.
“Gusto nga ng mga classmate ko dito eh…” Ang mabilis na sambit ni Sue.
“Walang problema Susan… Inform them… Dito na lang kayo mag Field Project...” Ang sagot naman ni Don Miguel.
“Talaga Pa…” Ang tanong ulit ni Susan na tinunguhan naman ng naka-smile na si Don Miguel.
Hindi maipaliwanag nitong si Don Miguel ang labis niyang nasaksihan na nagma-mature na din sa wakas ang kaniyang mga anak at natitiyak niya na magiging nasa sa mabuting kamay ang kanilang Coffee Farm…
“O paano mga anak… Mauna na kami ni Benjie…” Ang paalam ni Don Miguel.
“Sige po Pa…” Ang reply naman ni Sue.
“Richard…”
“Ano po yun Pa…” Ang reply naman ni Chan kay Don Miguel.
“Yung pinagagawa ko…”
“Ano po yun Pa?”
“Kausapin mo ang mga dating nagtratrabaho sa Kopra Farm ni Mr.Valderama…”
“Ay oo nga po pala… Sige po Pa…” Ang sambit na lamang ni Chan.
Madaling nakalimutan nitong si Chan ng ipinagagawa sa kaniya nitong si Don Miguel dahil may biglang pumasok na bagong plano sa isipan ng binata…
“I’m so Proud to both of you…” Ang masayang usal naman ni Donya Fidela kina Chan and Sue kasabay ng pagyakap niya sa kaniyang dalawang anak nang makaalis na sina Don Miguel and Benjie.
Katulad ng kaniyang Husband ay masaya din itong si Donya Fidela sa situation…
Ngunit ang pinakamasaya sa lahat ay itong si Chan…
Napakabilis na nangyari ang kaniyang pinagplanuhan…
Bilib na bilib na sa kaniya itong si Don Miguel…
“Next Plan…” Ang masayang namutawi sa isipan nitong si Chan habang nginingitian niya ang kaniyang Mommy.
“Huwag mong kalimutan ang pinagagawa sa iyo ng Papa mo…” Ang bilin muli ni Donya Fidela sa anak bago ito tuluyang pumasok na sa loob ng kanilang Mansion.
“Sama ako Kuya…” Ang hirit ni Susan sa kaniyang Kuya Chan.
“Kayo na lang kaya ni Bentot ang kumausap sa mga dating trabahador ni Mr. Valderama?”
“Eh di ba umalis si Bento kasama ni Papa…”
“Pagdating niya saka kayo lumakad… Di ba may pasok ka pa…” Ang sambit ni Chan.
“Kahit gabi eh pwede nyo silang ipatawag at mabilis pa sa alas kuwatro na magsisidatingan ang mga yun at mga nangangailangan kasi…” Ang dire direchong usal nitong si Chan.
“Kuya naman…”
“Anong Kuya naman… eh totoo namang mga nangangailangan ang mga iyon at wala na silang mapagtratrabahuhan eh…” Ang sarkastikong reply naman nitong si Chan na ikinatahimik na lamang nitong si Sue.
Labis pa din ang pagtataka ng kaniyang kapatid kung bakit napaka Hostile nitong si Chan sa mga tao…
“Pumasok ka na at may pupuntahan ako…” Ang nagmamadaling usal ni Chan sa kapatid.
Hindi na patatagalin pa ni Chan ang kaniyang susunod na plano…
“San ka pupunta Kuya…” Ang sunod na usal ni Sue.
“Kulit naman…” Ang naiiritang naiusal sa isipan nitong si Chan.
“BIBILI AKO NG ARIEL! YUNG 7.50!” Ang snap ni Chan kay Sue at pagkatapos ay mabilis na siyang pumasok pabalik sa loob ng Mansion at iniwang clueless na clueless ang kaniyang nakababatang kapatid na si Sue sa labas.
*******

“San na nga ba yun…” Ang bulong ni Chan sa sarili habang brina-browse niya sa kaniyang contact sa kaniyang smart phone.
“Here it is…” Ang masayang usal ng binata nang makita niya ang hinahanap at pagkatapos ay kaagad siyang tumawag sa phone.
“GREG!” Ang usal ni Chan nang sumagot na ang kaniyang tinatawagan.
“Sino to?”
“Si Chan…”
“Napatawag ka… Musta ang US…”
“Nabili nyo na pala ang Kopra Farm ni Mr. Valderama…” Ang straight to the point na usal ni Chan.
“Ah… yun ba… He he he…” Ang usal ng Land Developer na Brother-In-Law ni Chan sa kabilang linya.
“Teka… Bat ka nga pala napatawag?”
“Pwede ba tayong mag usap…” Ang usal ni Chan.
“Nag uusap na nga tayo…” Ang smart ass na sambit ni Greg.
“Fuck You…” Ang isip isip ni Chan pertaining sa Husband ng kaniyang Ate Chin.
Kahit si Chan ay banas na banas paminsan sa napakayabang na si Greg…
“Bahala ka sa buhay mo…” Ang reply na lamang ni Chan at nawalan na siya ng mood kausapin ang kaniyang Brother-in-law at that time.
“Nagbibiro lang naman… Kakausapin mo ba ang Ate Chin mo…”
“Hindi… Ikaw gusto kong makausap…”
“Ano naman pag uusapan natin...”
“Can you estimate nga kung magkano aabutin ng Coffee Farm…”
“… … … … …”
“… … … … …”
“… … … … …”
“Buhay ka pa ba?” Ang sarkastikong usal ni Chan.
“Ansabe mo?!” Ang sunod na narinig ng binata mula kay Greg.
Halata sa Tono ni Greg ang pagkagulat…
“ANG-SABI-KO-EH-PAKI-ESTIMATE-KUNG-MAGKANO-AABUTIN-ANG-COFFEE-FARM-NAMIN-KAPAG-BINENTA…”
“Baket… may bumibili ba? Wait lang… Huwag muna kayong magde decide… We can offer you better…” Ang nagpaPanic na usal ni Greg at talaga naman kasing gusto din ng kanilang company na mabili ang Coffee Farm para ma Develop.
Matagal nang minungkahi ni Greg kay Don Miguel ang idea na ito pero to his dismay ay tinanggihan ito ni Don Miguel…
“Wala pa naman… Ano… Magkano estimate mo?”
“Teka lang Chan… Hindi basta-basta ang pag e estimate…”
“Magkano nga?” Ang bratinelong usal ulit ni Chan.
“Can we talk personally?”
“Now na.” Ang mala prinsipeng sagot ni Chan.
“Sunduin kita sa inyo… Tas sa labas tayo mag usap…” Ang mungkahi ni Greg.
“Dito na lang tayo sa Mansion… Sasabihin ko kay Mama na pupunta ka…” Ang pang-aasar ni Chan.
“Chan naman… Ayokong pumunta dyaan…”
Napangisi na lamang itong si Chan at talaga namang halatang-halata sa tono nitong si Greg ang pagtutol nito…
Medyo badtrip kasi itong sina Don Miguel and Donya Fidela sa trabaho nitong si Greg dahil nasaksihan ng mag-asawa kung paano binili at pinatayuan ng mga establishment and resort ang mga kapitbahay nilang mga Farm…
Ang company din ni Greg ang dahilan kung bakit madaming mga Farmers ang nawalan ng trabaho…
Wala namang magawa ang mag-asawa at di na sila tumutol dahil mahal na mahal ng kanilang Eldest Daughter na si Chin itong si Greg…
Nung nag College kasi itong si Chin sa Manila ay nakilala niya itong si Greg at doon na nag start ang kanilang pagiging sweetheart…
Nakita naman nina Don Miguel and Donya Fidela kung gaano kamahal ni Greg itong si Chin kaya nag Go na sila sa planong magpakasal ng dalawa…
Mabuting tao si Greg ngunit ang kinaiinisan lang talaga ng mag-asawa ay ang line of work and business nito…
“Sige na nga… Sa labas na tayo mag-usap basta treat mo… iText mo ako kung saan tayo magkikita… Bilisan mo ha…” Ang last na sinabi ni Chan at pagkatapos ay kaagad niyang pinutol ang linya.
Napangisi itong si Chan at na over power niya niya sa usapan itong si Greg...
“Ipapa Estimate lang naman eh…” Ang sambit ni Chan sa kaniyang sarili habang nagpre-prepare na siya sa kanilang meeting ni Greg.
Medyo kasi slight na nakusensya itong si Chan sa kaniyang plinaplano para sa kanilang Coffee Farm pero mas nanaig ang kaniyang pagiging business minded and ang kaniyang wisyong makabalik kaagad sa US.

*******After A Couple Of Weeks*******

Naging sobrang busy ang buong Hacienda Luciente-Carvantes dahil sa panahon ng anihan sa Coffee Farm kaya nama’y di na din minsan nagpapangbot itong sina Don Miguel at Chan…
Nakatulong din ng malaki ang mga inupahan nilang mga dating farmers na nanggaling sa kabilang Kopra Farm ni Mr. Valderama dahil ngayong anihan ay naging triple ang kanilang mga inaning Coffee Bean Pod sa Coffee Farm nina Don Miguel…
Labis-labis ang tuwa ng mga Kopra Farmers dahil malaki ang naitulong ng Hacienda Luciente-Cervantez sa pag-Hire sa kanila ngayong anihan…
Productive naman ang naging Field Project ng Class nina Sue sa Coffee Farm at kahit sila’y tumulong na din sa pag-aani ng mga Coffee Bean Pod…
Ini-Schedule nina Don Miguel ang pagbisita ng kanilang new investor sa mismong anihan para makita ng mga ito kung gaano kaganda at High Grade ang kanilang First Class na mga Coffee Pod…
Tanging ang Hacienda Luciente - Cervantez lamang ang nakakapag Produce ng ganoong class ng mga Coffee Bean at bihira lamang kasi tumubo sa buong Davao ang ganoong class ng Coffee Tree…
Ang lahat na mga tanim na Coffee Tree sa kanilang Coffee Farm ay nang galing pinakamatandang Puno ng kanilang Hacienda na nasa sa Ancient Coffee Tree Hill ngunit hindi nakuha ng kanilang mga pananim na kape ang kalidad ng bunga ng pinakamatandang puno sa Coffee Farm…
Ito ang Puno na pinaniniwalaan ng mga taga-doon na may ‘Magic’ since noong panahon pa ng Kastila…
Naani na nila ang lahat ng mga Coffee Pod sa Farm at itinaon nila na sa huling araw ng aniha’y kanilang bubuksan ang mga ito upang kuhanin ang mga Coffee Bean kapag nandoon na ang mga bisita nilang mga Future New Investors…
On that day din ay i-a-Announce na ni Don Miguel sa buong Hacienda Luciente-Cervantes ang transition ng kaniyang anak na si Chan bilang bagong taga-pamahala ng Coffee Farm…
Labis labis ang galak naman nitong si Chan at sa wakas ay dumating na din ang kaniyang pinakahihintay…


*******On The Final Harvest Day*******
*******5:00 am*******

Tahimik lamang itong si Benjie sa pagmamaneho at kung minsay sinusulyapan niya sa rear view mirror ang nananahimik ding si Don Miguel…
Hindi na nila isinama itong si Chan papuntang Coffee Farm dahil tulog na tulog pa ito at napagod kagahapon…
“Ayos lang po ba kayo Don Miguel…” Ang concern na tanong ni Benjie sa tahimik na si Don Miguel.
“Pakibilisan mo Benjie ang pag-dri-Drive…” Ang tanging usal lamang ni Don Miguel na kaagad namang simunod na si Benjie.
Hindi na nagsalita pa itong si Benjie at tanging pagpapatakbo lamang ng mabilis sa kaniyang minamanehong Revo ang inatupag nito…
Kahit siya’y nagnanais na makarating sa Coffee Farm…
Nakatanggap kasi ng Emergency Call itong si Benjie mula sa mga nagbabantay ng inani nilang Coffee Pod at pinapupunta kaagad sila doon ni Don Miguel.

*******

“Anong nangyari?” Ang kaagad na bungad ni Don Miguel sa kaniyang mga tauhan nang makarating na sila sa main warehouse kung nasa saan nila inilagay muna ang karamihan sa mga inaning Coffee Bean Pod.
“Don Miguel… Ang mga bunga ng Kape…” Ang naiusal na lamang ng isang matandang Coffee Farmer habang itinuturo ang mga Coffee Pods.
“KAILAN PA ITO?” Ang gulat na sambulat ni Benjie sa mga Coffee Farmers.
Nandoon ang lahat ng mga Coffee Farmers ng buong Hacienda Luciente-Cervantez at pati na din ang mga inupahan nilang mga nawala ng trabahong Kopra Farmers.
“Nakita lang po namin na ganyaan ang mga hitsura nila…” Ang sagot ng isang manggagawa.
Hindi makakilos itong si Don Miguel habang tinititigan niya ang mga inuuod at nabubulok na mga Coffee Bean Pod…
“Yung mga nasa ibang kamalig?” Ang tanong ni Benjie sa lahat.
“Ganoon din Benjie… Lahat…” Ang malungkot at di makapaniwalang sambit ng isa pang Coffee Farmer.
“Magbukas kayo ng isa…”: Ang mahinahong usal ni Don Miguel.
“Pakikuha ako ng bangko…” Ang sunod niyang iniutos habang unti-unti niyang nararamdaman ang panglalambot ng kaniyang dalawang tuhod.
Kaagad namang pinaupo ng kaniyang mga tauhan itong si Don Miguel at pagkatapos ay kaagad silang nagbukas ng isang Coffee Bean Pod…
“Ba’t nagkaganyan…” Ang hindi makapaniwalang usal ni Benjie nang makita nilang lahat na haaggang sa loob ng Coffee Bean Pod ay puno din ng nagtatabaang mga uod.
Tahimik pa din itong si Don Miguel…
Hindi niya lubusang maisip ang pangyayari…
Malulusog at magaganda naman kahapon ang kanilang mga inaning Coffee Bean Pod…
“Ba’t nagkaganito…” Ang paulit-ulit na lamang na tanong ni Don Miguel sa kaniyang isipan.
Kahit kaila’y hindi pa pinepeste ang kanilang Coffee Farm...
Malaki ang magiging problema ng Hacienda-Luciente Cervantez sa nangyari…
Sa kanilang mga matagal ng Local Clients…
Sa kanilang mga Investors na nag-e-Export ng kanilang mga Kape…
At higit sa lahat ay sa kanilang magiging mga visitors today na nagbabalak na mag-invest sa kanila…
“Tawagan mo mamaya ang mga bibisita natin ngayon at iCancel mo ang appointment nila sa pagpunta dito sa Coffee Farm…” Ang sambit ni Don Miguel kay Benjie.
“Tignan ninyo ang lahat ng kamalig baka sakaling may ibang mga hindi na Peste…” Ang sunod na iniutos ni Don Miguel sa lahat ng kaniyang mga Trabahador at pagkatapos ay tahimik siyang tumayo’t lumabas.
“Saan po kayo pupunta Don Miguel…” Ang tanong ni Benjie.
“Magpapahangin lang…”
“Samahan ko na po kayo…” Ang concern na suggestion ni Benjie sa kaniyang Amo.
“Huwag na… Tulungan mo na lang sila dito at gawin mo ang pinagagawa ko…” Ang last na sambit ni Don Miguel at wala namang magawa itong si Benjie kundi pagmasdan na lamang niya ang amo niyang nanlulumong lumakad palabas sa kamalig.

*******

“Anyare dito?” Ang usal ni Don Miguel nang makita niya ang hitsura ng kanilang pinakamatandang Coffee Tree.
Dahil sa nangyari sa kanilang mga inani ay pumunta itong si Don Miguel sa Ancient Coffee Tree Hill upang mapag-isa…
Lagi niya kasi itong ginagawa kapag medyo Stress siya dahil pakiramdam niya na sa tuwing dadalawin niya ang lugar kung nasaan pinaniniwalaan nila na nakalagak ang mga labi ni Tandang Lola ay nagkakaroon siya ng panibagong lakas at nare Refresh…
“… … …” Tahimik lamang itong si Don Miguel habang pinagmamasdan ang Ancient Coffee Tree.
Tuyong-tuyo ang mga dahon nito…
Ganoon din ang mga sanga ng puno…
Pati na din ang Bark nito na nagsisimula nang magsituklapan mula sa katawan ng puno dahil sa pagkatuyo…
Sa lupa nama’y nandoon ang mga nangalagas na dahon nito…
“Ano ba ang nangyayari…” Ang medyo kinakabahang usal ni Don Miguel sa kaniyang sarili.
Mistulang unti-unting namamatay ang puno…
“Lord…” Ang namutawi na lamang sa naguguluhang si Don Miguel.
Hindi niya maipaliwanag ang lahat-lahat…
Ang biglaang pagka-Peste ng kanilang mga inani…
At ang pagkatuyo ng Ancient Coffee Tree…
Ang Punong pinanggalingan ng kanilang mga tanim sa kanilang Coffee Farm…
“This is bad…” Ang last na sinabi ni Don Miguel at pagkatapos ay kaagad na siyang bumalik sa kaniyang mga tauhan.
Wala pa din siyang maisip kung ano ang kaniyang susunod na gagawin ng mga sandaling yaon…

*******At the Hacienda Luciente-Cervantez Mansion*******
*******1:00 pm*******

Nilibot na ni Chan ang buong mansion ngunit wala pa din siyang nakitang mga tao doon kaya nama’y dumirecho siya sa kanilang kusina…
“YAYA???” Ang malakas na pagtawag ni Chan ngunit wala din ang kanilang Yaya sa Kusina.
“Asan na ba ang mga tao dito?” Ang usal na lamang ng nagsisimula ng mainis na si Chan.
“Fuck!” Ang naisambulat na lamang ni Chan at pagkatapos ay kaagad-agad siyang umakyat sa kaniyang kuwarto.
“Ang tanga mo talaga Chan.” Ang sermon ni Chan sa sarili.
Dahil sa bagong gising ay hindi na naisip ni Chan na tignan muna ang kaniyang iPhone bago bumaba…
Maagang nagising itong si Chan kanina ngunit dahil sa sobrang pagkapagod niya for the past few weeks because of the Harvest Season ay nakatulog ulit ito at tinangghali na ng gising…
‘On the way na kami ni Mama sa Coffee Farm kasama si Yaya kasi nagdala ng Lunch for Papa. Sinundo kami ni Bentot. Hindi ka na namin ginising dahil ang sarap ng tulog mo. Bilisan mo at pumunta ka na agad sa Coffee Farm.’
Ang nabasang message lang ni Chan na galing sa kaniyang kapatid na si Sue.
Napangisi na lamang itong si Chan dahil ngayon ay ang bigday na ipapaalam na ni Don Miguel sa buong Hacienda Luciente-Cervantez ang pagbibigay sa kaniya ng Blessing bilang bagong tagapamahala ng Hacienda…
Alam ni Chan na today din ang pagbisita ng mga future investor nila sa kanilang Coffee Farm kaya nama’y hindi na nagmadali itong si Chan sa pagpre-prepare at talaga namang aayusan niya ang kaniyang get-up para magmukha siyang smart at kagalang-galang pagdating niya sa Coffee Farm…
Excited na excited talaga itong si Chan at isang napaka-Big Deal kasi para sa kaniya ang magtiwala na ng lubusan sa kaniya ang kaniyang Daddy…
Nagbunga din sa wakas ang kaniyang pagtitiis at pagkukunwari na gusto niya ang buhay sa kanilang Hacienda…
Clueless na Clueless itong si Chan sa kasalukuyang masaklap na nangyayari sa kanilang Coffee Farm…

*******After 2 Hours*******

Hindi na nagreklamo itong si Chan kahit na medyo di siya comfy na iDrive ang Owner Type Jeep ng kaniyang nakababatang kapatid na si Sue. Kanina pa niya kasi tinatawagan sina Sue and Benjie sa fone para magpasundo ngunit kahit nakailang ulit na siya sa pag tawag ay hindi pa rin sumasagot ang mga ito. Hindi na din niya mabilang ang kaniyang ipinadalang text sa kanila na magpapasundo siya.
Kahit wala siyang lisensya ay naglakas loob na lamang siyang magmaneho dahil balwarte naman nila iyon…
“Ipagtata-tapon ko ang mga phone ninyo…” Ang nag-ngingit-ngit sa inis na sinabi ni Chan nang nag-give up na siyang kontakin ang dalawa.
“Syet lang…” Ang sunod na inireklamo ni Chan at talaga namang hirap siyang iDrive ang Owner Type Jeep ni Sue.
“Sumunod ka naman…” Ang usal ni Chan habang pinupwersa niya ang kambyo ng Owner type jeep dahil napakatigas nito.
“Teka nga lang…” Ang next na sambit ni Chan habang nagmamaneho at pagkatapos ay dinukot niya sa kaniyang backpack na nasa sa passenger seat ang kaniyang dala-dalang Clinique Happy For Men.
Smart na smart ang get up nitong si Chan pero dahil sa init ng panahon at medyo pasaway pa ang kaniyang idrina-Drive na sasakya’y pinagpapawisan na siya…
Ayaw ni Chan na magmukha siyang haggard pagdating niya sa Coffee Farm…
Nagbabalak siya na mag grand entrance bilang susunod na magiging tagapamahala ng kanilang Hacienda…
“Dala-dala ko ba…” Ang tanong ni Chan sa sarili nang hindi niya makapa ang bote ng Clinique Happy For Men.
Nawala ang attention ni Chan sa daan at napunta ang kaniyang tuon sa paghahanap niya ng kaniyang cologne sa loob ng bag…
“Hay Salamat…” Ang sambulat ni Chan nang makapa na niya ang bote ng Cologne.
Kaagad siyang nag spray at baka mangamoy pawis siya at pagkatapos ay saka lang niya na realized na may masasagasan siyang naglalakad sa kalsada…
“FUUUUUUUCK!!!” Ang sambulat na lamang ng binata kasabay ng mabilis at madiin na pagtapak niya sa Break.
“SCREEEEEEEEEEEEEEEEECH!!!”
“Fuck… fuck… fuck…” Ang paulit-ulit na usal ni Chan habang hinihimas-himas niya ang kaniyang dibdib dahil sa pagkakatama nito sa manibela nang biglaan siyang prumeno.
“PASAWAY KA LOLA!!!” Ang malakas na sigaw ni Chan nang makita niyang patuloy pa din sa paglalakad ang Matandang Babae na muntikan na niyang masagasaan.
“Ano yun iho?” ng clueless na sambit ng Matandang Babae nang inilapag nito ang kaniyang bitbit na dalawang malalaking kaing.
“MUNTIK KO NA KAYONG MASAGASAAN!!!” Ang sigaw muli ni Chan.
“Naku pasensya ka na iho at di ko namalayan…”
“TUMABITABI KASI KAYO AT DYAN PA KAYO SA GITNA NG KALSADA NAGLALAKAD… ANG LIIT-LIIT NA NGA LANG NG DAANAN EH!!!” Ang bulyaw nitong si Chan.
“Pasensya na iho… Itatabi ko na…” Ang sambit ng Matandang Babae at pagkatapos ay binuhat na nito ang isang kaing upang itabi.
“ANO KO NA NGA HO DYAN AT BAKA BUKAS PA KAYO MATAPOS!!!” Ang masungit na sigaw ulit ni Chan dahil babagal-bagal ang Matandang Babae.
Kaagad na bumaba itong si Chan upang siya na mismo magbuhat ng isa pang kaing ng Matandang Babae…
“Ako na diyan iho at mabigat yaan…” Ang saway ng matanda.
“AKO NA LOLA AT KAYANG-KAYA KO ITO…”
“Baka hindi mo makaya iho…”
“SHHHHHHH!!!” Ang saway ni Chan at pagkatapos ay buong lakas niyang binuhat ang isa pang kaing na nasa gitna ng kalsada.
“ANO BANG LAMAN NITO LOLA!!!” Ang naiinis na sambit ni Chan at talaga namang halos iluwa na niya ang kaniyang dalawang Lungs dahil sa pagbuhat sa kaing.
“Ako na diyan iho…” ANg concern na sambit ng Matandang Babae.
“SHHHHHHHH!!!” Ang saway muli ni Chan habang pinapagpatuloy na niya ang pagbubuhat sa isa pang kaing para maitabi ito sa kalsada..
Ayaw mapahiya ng binata sa matanda at baka sabihin nitong hindnga talaga niya kayang buhatin ang isa sa dalawang kaing na dala-dala nito kanina habang naglalakad…


*******After 20 minutes*******

“Ayos ka lang ba iho…” Ang tanong ng matanda sa nakaupong si Chan.
Umabot ng halos 15 minutes bago maitabi ni Chan ang napakabigat na kaing na dala-dala ng Matandang Babae and sakto naman na may isang maliit na tindahan sa tabi ng kalsada kaya nama’y nagpahinga muna ng kaunti itong si Chan.
“Bilib din naman ako sa trip nyo Lola… Ano bang dala-dala nyo dyan at bakit kayo ang nagbibit-bit nyaan?!” Ang usal ni Chan habang nakatingin sa dalawang kaing. Nababalutan kasi ng Diaryo ang ibabaw ng kaing kaya na curious itong si Chan kung bakit ganoon na lamang kabigat ang dala ng matanda.
“Kailangan iho eh..” Ang napapangiting sambit ng Matandang Babae sa binata.
“Wala ba kayong mautusan na Boys?” Ang tanong ng humihingal na si Chan na inilingan na lamang ng Matandang Babae.
“Saan ho ba ang punta ninyo?”
“Sa Kapehan nina Don Miguel…”
“Naku malayo-layo pa yun… Gudlak Lola!” Ang sambit ni Chan sa matanda at pagkatapos ay tumayo na ito upang bumalik na sa kaniyang minamanehong owner type jeep.
Kaagad na ini-Start ni Chan ang sasakyan at kaagad na humarurot papuntang Coffee Farm…

5 secs…

10 secs…

15 secs…

30 secs…

35 secs…

40 secs…

45 secs…

50 secs…

55 secs…

1 minute…

“TSK!!!” Ang usal ni Chan at kaagad-agad siyang nag preno at tumingin sa side view mirror.
Kitang-kita niya sa salamin na binubuhat na ng Matandang Babae ang dalawang kaing…
Alam ni Chan na magpapatuloy na ito sa paglalakad…
“HAAAAY! KAINIS!!!” Ang walang magawang sambit ni Chan at pagkatapos ay nilagay niya sa Reverse ang kambyo at kaagad na umatras upang balikan ang Matandang Babae.
“Sabay na ho kayo sa akin Lola at doon din naman ako papunta…” Ang sinabi ni Chan sa Matandang Babae nang matapatan na niya ito.
“Naku iho huwag na at baka maabala ka pa…”
“Huwag na po kayong pasaway lola at ako ang nahihirapang tignan kayo…” Ang nakasimangot na sambit ni Chan sa matanda.
“Salamat iho…” Ang reply naman ng Matandang Babae at pagkatapos ay tinulungan na siya ni Chang iakyat ang dalawang mabibigat na kaing sa sasakyan.
“Sige po Lola at sumakay na kayo para makapunta na tayo doon… Nagmamadali ako…” Ang usal lang ni Chan and he didn’t even bothered na tulungang makaupo sa passenger seat ang matanda.
“Bilisan nyo naman ho…” Ang nagmamadaling usal ni Chan  sa Matandang Babae.
“WHADAFUCK???!!!” Ang next na naiusal ni Chan ng biglang namatay ang makina ng owner type jeep nang apakan na niya ang silinyador nito.
“ANYARE???” Ang sambit ni Chan nang makailang ulit na niyang sinimulang iStart ang sasakyan.
“FUUUUUUUCK!!!” Ang malakas na naisambulat ni Chan nang makita niyang umusok ang harapan ng sasakyan.
Kaagad na bumaba itong si Chan at binuksan ang hood ng sasakyan at doo’y lalo pang kumapal ang usok sa kanilang paligid…
“Not now…” Ang helpless na sambit ng binata nang mapagtanto niyang nag overheat ang sasakyan.
“May problema ba iho?” Tanong ng matanda.
“NAKU WALA HO!!!” Ang sarcastic na sagot naman ni Chan.

*******After 30 mins*******

Hindi na nag iStart pa ang Owner Type Jeep at wala ng magawa itong si Chan dahil clueless na clueless siya sa Automotive…
Halos walang dumadaang tao sa kalsada at halos ma low bat na kakatawag itong si Chan kina Benjie at Susan ngunit hindi pa din ito mga sumasagot sa phone…
Wala din namang maitulong ang batang babae na nagtatao sa tindahan at that time kaya nama’y bad trip na bad trip na itong si Chan…
“Iho…”
“Naku Lola manahimik na lang kayo kung wala kayong maitutulong…”
“May kakilala akong mekaniko…”
“Eh ba’t ngayon nyo lang ho sinabi…”
“Ngayon ko lang naalala…”
“Puntahan po natin…”
“Sa bayan pa ang talyer niya…”
“Sabi ng huwag na lang po kayo magsalita kung wala kayong maitutulong…” Ang mangiyak-ngiyak na sambit ng helpless na binata.
“Talaga bang walang dumadaang tricycle dito…” Ang tanong ni Chan sa batang babae na nagtatao sa tindahan.
“Meron naman kuya kaya lang di ko alam kung bakit walang dumadaan ngayon…”
“HAAAAISSST…” Ang naiinis na reaction na lamang ni Chan at wala na siyang maisip na gawin.
“Gusto mo iho eh ako ang pumunta ng Bayan at tumawag ng mekaniko…” Ang offer ng matanda.
“Huwag na ho at baka bukas pa ho kayo makarating…”
“Sige maiwan na muna kita at dadalhin ko pa itong kaing sa Kapehan at kailangang-kailangang ito ni Don Miguel…”
“Ansabe ninyo Lola?”
“Kailangan-kailangan ni Don Miguel itong dala-dala ko…”
Natahimik itong si Chan at tinignan ang kaing na nasa sa loob ng sasakyan…
“Mahihirapan lang ho kayo… Maghintay na lang tayo ng Tricycle…”
“Maglalakad na lang ako at kanina pa walang tricycle… Baka makasalubong ako ng isa habang naglalakad…” Ang pilit ng Matandang Babae.
“Kaya ba kayo naglalakad kanina Lola?”
“Oo iho… Wala talagang tricycle na dumadaan…”
“Huwag nyo na pong dalhin yan… iwan nyo na po sa akin at ako na magbibigay kay Papa…”
“Anak ka ni Don Miguel?”
Tumango na lang si Chan at di makapaniwalang di siya kilala ng Matandang Babae. Kaagad na pinagmasdan ni Chan ang kausap na Matandang Babae at ngayon lang niya ito nakita kahit na matagal na siyang sumasama-sama kina Don Miguel and Benjie sa Coffee Farm…
“Nagtratrabaho ho ba kayo sa Coffee Farm…” Ang tanong ni Chan.
“Hindi iho… Ibibigay ko lang ito kay Don Miguel at kailangang-kailangan niya ito ngayon…” Ang reply lang ng Matandang Babae habang ibinababa na nito ang dalawang kaing mula sa sasakyan.
“Kung ayaw nyong magpapigil… sige ho… Maghihintay na lang po ako ng tricycle dito at baka madaanan pa namin kayo papunta doon…” Ang sambit lang ni Chan at pagkatapos ay naupo na siya sa mahabang upuan na nasa sa harap ng tindahan.
Tahimik lang ang Matandang Babae nang lumakad na ito buhat-buhat ang dalawang mabibigat na kaing…
Medyo naiinis itong si Chan dahil nakukunsensya na naman siya…
“Bahala na nga kayo… Tigas ng ulo…” Ang explain na lamang ni Chan sa sarili upang medyo mabawas-bawasan ang kaniyang guilty feelings.
“Pabile nga ako ng coke zero…” Ang next na sambit ni Chan sa batang babae sa tindahan.
“Wala kaming ganoon Kuya…”
“Pepsi Light…”
“Wala din po…”
“Nagtayo pa kayo ng tindahan.. Anong meron sa inyo…”
“RC… Coke Mismo… Royal…”
“Ano ang madalas bilhin ng mga tao dito?”
“Ariel 7.50” Ang mabilis na sagot ng batang babae.
“Na Soft drinks!” Ang masungit na sambit ni Chan.
“AY! Di mo naman sinabi Kuya eh… Coke Mismo po…”
“Sige bigyan mo ako ng dalawa… yung malamig… Bilis…” Ang utos ni Chan na sinunod naman ng batang babae.
Pagkabigay na pagkabigay ng batang babae ng dalawang Coke Mismo kay Chan ay agad na tumakbo si Chan upang habulin ang Matandang Babae…
“Lola mag Coke ka muna…” Ang sambit ni Chan sa Matandang Babae sabay bigay ng isang bote ng Coke Mismo.
“Naku iho nagmamadali ako at kailangang-kailangan ito ni Don Miguel…”
“Hindi na ho ba makakapaghintay yaan…”
“Hindi na iho…”
“Ang kulit nyo talaga Lola… Adik ka din…”
“Mag Coke muna kayo at ako na magdadala nyan… Papunta din naman ho ako sa Coffee Farm…”
“Ako na lang iho… Kaya ko na ito…”
“Huwag na po kayo makulit Lola… Ang tanda-tanda nyo na ho…”
Kaagad na binuksan ni Chan ang dalawang bote ng Coke Mismo at iniabot niya ang isa sa Matandang Babae at pagkatapos ay nilaklak na niya ang isa pang bote na hindi tumagal ng five seconds…
“Bantayan nyo na lang ho yung jeep…” Ang next na sinabi ni Chan at pagkatapos ay kaagad niyang binitbit ang dalawang mabibigat na kaing at mabilis na lumakad na papalayo.
“Pagpalain ka iho…” Ang nasambit na lamang ng Matandang Babae kahit na hindi siya pinapansin at nililingon ng nagmamadali sa paglalakad na si Chan.
“Tumahimik na kayo Lola at baka magbago pa isip ko…” Ang namutawi na lamang sa isipan ng binata at talaga namang kahit labag sa loob niyang magkawang-gawa’y nanaig pa din sa binata ang kaniyang good side.
Nakatanim pa din sa pagkatao ni Chan ang itinuro sa kanilang magkakapatid ng kanilang mga magulang na maging matulungin sa mga nangangailangan…

********After Two Hours*******
********At The Coffee Farm*******

Bad trip na bad trip at talaga namang labis na nagsisisi itong si Chan kung bakit nakatihan pa niyang tulungan ang Matandang Babae…
Wala talagang dumaan or nakasalubong na tricycle ang binata kaya nama’y napilitan siyang maglakad sa ilalim ng matinding sikat ng araw…
Kung kanina’y smart na smart ang hitsura nitong si Chan sa kaniyang porma’y kabaligtaran naman ngayon. Dugyot na dugyot na ang binata at puno na siya ng pawis at alikabok dahil sa paglalakad at pagbibit-bit ng kung anumang mabigat na nasa sa dalawang kaing…
“ASAN NA ANG MGA TAO DITO???!!!” Ang bulyaw ni Chan nang makarating na siya sa Coffee Farm.
Walang katao-tao sa buong Coffee Farm at tanging mga puno lamang ng Kape ang nakikita niya…
“SYET TALAGA!!!” Ang reklamo ni Chan habang patuloy siyang maglakad.
“kaunti na lang…” Ang paulit-ulit na bulong ng binata sa kaniyang sarili upang palakasin ang kaniyang loob upang madala niya ang mabibigat na kaing sa pinaka main na kamalig/Warehouse ng Coffee Farm.
“Humanda kayo sa akin kapag wala pa kayo doon…” Ang next na reklamo nitong si Chan dahil para na siyang bibigay at mabubuwal sa paglalakad dahil sa kaniyang bitbit.
Wala pa din siyang makita ni isang workers sa Coffee Farm…

********Inside the Main Warehouse Of The Coffee Farm*******

Tahimik na pinagmamasdan lamang nina Don Miguel at Donya Fidela ang kanilang mga bisita habang ini-Inspection nito ang mga napesteng mga inaning Cofee Bean Pod…
Nagbubulungan din ang mga ito na tila ba may pinagmi-meeting-an…
Nag-insist ang mga Future Investor na tumuloy sa Coffee Farm dahil yun lamang kasi ang ipinunta nila sa Davao kaya wala nang nagawa pa itong si Benjie kundi ikunsulta ang request kay Don Miguel…
Matagal ding nag-usap ang mag-asawa and they decided na papuntahin na lamang ang kanilang bisita sa Coffee Farm dahil wala na naman silang magagawa at pagod na din ang isipan ni Don Miguel and he can’t afford to come up with an excuse to them. Nahihiya din naman sila at talagang gumastos pa ang mga ito upang personal na pumunta sa Davao at pumunta sa kanilang Coffee Farm…
“Don Miguel…” Ang bungad ng head ng mga bisita.
“Ano yun…”
“Kahit kami ay di makapaniwala sa nangyari…”
“Kagabi ay magaganda pa yang mga ani namin… Hindi ko din alam kung bakit nagkauod at nabulok ang mga yan overnight…”
“With due respect Don Miguel… According sa mga nakalap naming information eh maganda ang reputation ng inyong Coffee Farm Production…” Ang sinabi naman ng isang future investor from the group.
“… … …” Walang maisip na sasabihin ang mag-asawa.
“Kailangan lang siguro naming mag meeting to decide kung worth ba na mag-invest but it doesn’t mean that we’re going to back out…”
“Is there any chance na may mga hindi napesteng Coffee Bean Pod sa mga inani ninyo…”
“Lahat-lahat ay pineste… Pinahalungkat ko na sa mga Farmers namin dito sa Hacienda ang mga kamalig and sad to say walang natira at lahat ay nabulok at inuod ang loob…” Ang malungkot na sambit ni Don Miguel.
Hindi pa din makaisip itong sina Donya Fidela, Sue, Benjie at ang lahat ng mga Coffee Farmers kung ano ang sanhi ng pagkapeste ng mga inani…
Labis din ang kanilang pagtataka dahil kagahapon ay magaganda at talaga namang maipagmamalaki ang mga inani nila…
“Ngayon lang talaga nangyari na magkaganito dito…” Ang sambit ni Donya Fidela sa group of Future Investors.
“Malaki ang mawawala sa inyo dahil dito…” Ani naman ng isa pang future investor.
“We know…” Ang helpless na sambit ni Donya Fidela.
“Gusto sana naming makapag-uwi sa Manila ng Sample ng inyong Coffee Bean Pod kaya lang according to you ay wala ni isang bunga ng Kape ang di naapektuhan…” Ang sambit ng pinakahead from the group na matamlay na tinunguhan na lamang ni Don Miguel.
“Is it okay na ipa check mo ulit sa mga Workers mo at baka sakaling makakita sila… Kahit isa lang at dadalhin namin ito sa Office namin sa Manila para ipakita sa Big Boss namin abroad?” Ang request ng Head.
“We tried… I’m sorry…” Ang reply ni Don Miguel.
“Titignan ulit namin Don Miguel…” Ang volunteer ng mga Workers nila.
Kahit sila’y affected sa nangyari at ayaw nilang makita sa ganoong situation ang kanilang Amo…
Hindi na nagsalita pa itong si Don Miguel at hinayaan na lamang niya ang kaniyang mga Workers sa gagawin ng mga ito…
Pagod na din siya mentally and physically at that time…
Give up na siya sa nangyari…
“Hintay-hintay lang po kayo Sir…” Ang magalang na sambit ni Benjie sa head ng group ng mga future investor at pagkatapos ay kaagad na sumama na ito sa mga Coffee Farmers upang tignan muli ang kanilang mga inani.
Nagbabakasakali ang lahat na makakita sila ng kahit isang healthy na inani nilang Coffee Bean Pod…
“Are you okay Pa… Ma…” Ang concern na tanong ni Sue sa kaniyang Parents.
“Oh God… What happened…” Ang hindi mapigilang pag-iyak ni Donya Fidela at labis ang kalungkutan niya sa nangyari sa pinakamamahal nilang Coffee Farm.
“BA’T KAYO NANDITONG LAHAT???!!!” Ang malakas na boses ni Chan na umalingaw-ngaw sa loob ng buong warehouse na ikinagulat ng lahat.
“BA’T AYAW KAYONG MAGSIPAGSAGOT…
HA…
 ANONG GINAGAWA NYONG LAHAT DITO…
KAILANGAN BANG NANDITO KAYONG LAHAT SA LOOB…
HINDI NYO BA ALAM NA HALOS MAMATAY NA AKO SA BITBIT KO…
WALA MAN LANG AKONG NAKITANG TAO SA LABAS…
IKAW BENTOT…
BAT HINDI MO SINASAGOT ANG PHONE MO…
NASAN SI SUSAN…
SINA PAPA AT MAMA NASAAN…
BITBITIN NYO NGA ITO…” Ang galit na galit na bulahaw ni Chan sa mga Coffee Farmers at kayBenjie.
Clueless na clueless ang binata sa masaklap na nangyari sa kanilang Coffee Farm…
“May bisita kayo… Shhhh…” Ang pabulong na saway ni Benjie kay Chan nang lapitan niya ito.
“SINA PAPA…”
“Nandoon at kausap ang mga bisita…”
“ISUNOD MO NGA YAN SA AKIN…” Ang malaPrinisipeng utos ni Chan kay Benjie at pagkatapos ay pumunta na ito kung nasa saan itong sina Don Miguel.
“KUYA…” Ang sambulat ni Sue nang makita ang kapatid.
“BA’T DI MO SINASAGOT ANG PHONE MO…” Ang bulyaw ni Chan kay Sue.
Wala ng pakialam ang binata sa mga bisita…
“What happened Dear… Ba’t ganyan ang hitsura mo…” Ang tanong ni Donya Fidela nang makita niya ang dugyot na si Chan.
“Nilakad ko lang po papunta dito…” Ang explain ni Chan sa kaniyang Mommy.
“He’s my Son… Pasensya na kayo…” Ang paumanhin ni Don Miguel sa mga nagulantang na bisita.
“Ano bang nangyari Richard…” Ang tanong ni Don Miguel kay Chan at kahit siya ay nagulat din sa hitsura nitong pawisan at punong-puno ng alikabok.
“Naglakad lang po ako papunta dito…
Dala-dala ko po yan…
Hindi ko po alam kung anong laman nyan…
Magpapasundo nga po ako kaya lang hindi naman sumasagot sa phone sina Bentot at Sue…
Walang dumaang tricycle…
Kaya ganito hitsura ko…” Ang rat-rat nitong si Chan sa kaniyang Daddy.
“Maupo ka muna anak…” Ang usal ni Donya Fidela para lang makapag relax itong si Chan.
“Kuha mo ng tubig ang Kuya mo…” Ang next na usal ni Donya Fidela kay Sue upang mapatahimik ang magsisimula na naman sa pagrereklamong si Chan.
“What’s this?” Ang tanong di Don Miguel ng makita nito ang dalawang kaing.
“Hindi ko po alam Pa…
Basta mabigat siya…
Kailangan nyo daw po yan kaya dinala ko dito…
Ang bigat-bigat kaya nyan…
Wala man lang akong nakitang tauhan natin pagpasok ko sa Farm para tulungan akong bitbitin yan…”
“Inom ka muna Anak…” Ang pagudlot ni Donya Fidela sabay lapit ng baso ng malamig na tubig sa mukha ng kaniyang anak para matigil lang ito sa pagra-rat-rat.
“SAN MO NAKUHA ANG MGA ITO RICHARD???” Ang malakas at gulat na tanong ni Don Miguel nang alisin na niya ang nakatakip na diaryo sa ibabaw ng dalawang kaing.
“Ansabe mo Pa?” Ang tanong ni Chan pagkatapos niyang  maubos ang malamig na tubig sa isang lagukan.
“San nanggaling ito Richard…”
“Dala po yan ng isang Matandang Babae…
Ang tigas ng ulo ng Matandang yun…
Ayaw pa ipagpabukas yan…” Ang pagsisimula na naman nitong si Chan.
“Inom ka ulet ng tubig Kuya…” Ang singit ni Sue
“Tignan mo ito Honey…” Ang next na usal ni Don Miguel at kaagad namang lumapit sa kaniya itong si Donya Fidela upang tignan ang laman ng dalawang kaing.
“SAN NANGGALING ITO RICHARD?” Si Donya Fidela naman ang nabigla.
“THAT’S A HANDSOME COFFEE BEAN POD…” Ang malakas na expression ng Head ng mga Group of Future Investor.
“Basta dala lang yan nung pasaway na Matandang Babae…” Ang nasambit na lamang ni Chan.
Kaagad na kinumpulan ng mga bisita nina Don Miguel ang dalawang kaing at labis silang namangha sa laman nito…
“Ganito ba ang klase ng Kape ang naproproduce nyo dito…” Ang tanong ng isang future investor.
“Mas mababang Quality ang Kape namin kaysa dito…” Ang sambit ni Don Miguel na tila ba natutulala at naka concentrate pa din sa mga Coffee Bean Pod na nasa sa Kaing.
“San galing ito…” Tanong ng Head ng mga Future Investor.
Lahat ay tumingin sa nakaupong si Chan na lumalagok pa ng tubig…
“Dala-dala lang po yan ng Pasaway na matanda kanina at dadalhin dito kasi kailangan daw ni Papa…” Ang explain lang ni Chan.
“Hindi ito nanggaling dito?”
“Nope…” Ang sagot muli ni Don Miguel.
“May iba pa bang Coffee Farm na malapit dito…”
“Wala na… Nasa ibang bayan ang iba pang Coffee Farm…”
“These are High Grade Class Don Miguel… “ Ang manghang sambit ng Head ng Group of Future Investor nang binuksan nito ang isang Coffee Bean Pod.
Hindi tulad ng mga inaning Kape nina Don Miguel ang hitsura ng Kape na na dala-dala ni Chan…
Walang mantsa ng pagkabulok ito at hindi din inuuod ang loob…
“… … …” Tahimik lamang itong si Don Miguel at gayundin naman itong si Donya Fidela. Na parehong nakatingin sa mga bagong dating na kape dala ang Kape.
“Can we take some of these pabalik ng Manila…” Ang next na sinabi ng Head sa mag-asawa.
“AH… Sure… Sure…” Ang nasambit na lamang ni Don Miguel sa kausap.
“If I’m not mistaken eh hindi ito tumutubo dito sa Pinas…” Ang sambit ng isang Future Investor.
Nakalimutan na ng lahat ang nangyaring pagkapeste sa mga inani nina Don Miguel…
“But we need to make sure what is type are these handsome Coffee Pod…” Ang next na sambit ng Head ng Group.
“Hindi ba talaga namumunga ng ganito ang mga Kape nyo dito Don Miguel…”
“Ah… Nagtataka lang ako…” Ang reply ni Don Miguel sabay tingin niya sa mga mata ni Donya Fidela.
“Anong pinagtataka nyo Don Miguel…” Ang curious na tanong ng Head ng mga Future Investor.
“Matagal na ako sa Coffee Farming Industry dito sa Davao at isa lang ang alam kong namumunga ng ganyang klase…” Ani ni Don Miguel.
“Where is it…”
“Dito sa Farm namin… Ang pinakamatandang puno ng Kape dito…”
“… … …” Tahimik lang itong si Donya Fidela.
“Tama ba ako Honey?”
“Yes Dear… Pero hindi ba sabi mo matagal na at yun na ang pinakalast na namunga ang Ancient Coffee Tree natin…” Ani ni Donya Fidela.
“Kailan naman ho yun…”
“I’m Seven years old at that time…” Ang namutawi lamang kay Don Miguel na ikinatahimik ng lahat.
“Kahit na nanggaling ang lahat ng mga puno namin ng Kape dito sa Coffee Farm mula sa pinakamatandang puno ay hindi nito nakuha ang quality ng naproproduce na mga Coffee Bean Pod ng punong yun…”
“San mo ba talaga nakuha itong mga ito…” Ang tanong ulit ni Don Miguel sa kaniyang anak.
“Dala po yan ng pasaway na matanda…” Ang ulit ni Chan na medyo naiirita na.
“Well I think we should be going now Don Miguel… Pagmi-meeting-an namin ang aming decision if we’re going to invest sa inyong business but for now kailangan na naming madala ito sa Manila para maipa check… I’m not sure kung anong klaseng coffee ito but this is one of a kind…” Ang sambit ng Head habang hawak hawak at himas himas ang isang Coffee Bean Pod na dinala ni Chan.
“Pasensya na ho talaga…” Ani ni Donya Fidela.
“We hope na magkaroon kayo ng Solution sa nangyari…” Ang sambit ng isang future investor bago sila tuluyan nang lumabas ng main Warehouse ng Coffee Farm.

*******

Pagkatapos na umalis ang kanilang mga bisita ay pinagbilinan ni Don Miguel ang kaniyang mga tauhan na sunugin na ang mga pineste nilang ani at inihabilin din niya sa mga ito na tignan ang Ancient Coffee Tree at gawan ng paraan ang unti-unti nitong pagkatuyo.
Kahit na gusto pang mag-stay si Don Miguel upang iSupervise ang kanilang mga tauha’y umuwi na din sila dahil exhausted na silang lahat dahil sa nangyari at sumasabay pa sa pagta-Tantrum itong si Chan at di maka-Get Over sa dinanas niyang pagdurusa that day.
“Kung hindi kayo marunong sumagot sa tawag sa inyo eh ipagtatapon nyo na nga lang mga phone ninyo…
Ano yan palamuti…” Ang mala Armalite na sermon ni Chan kina Sue at Benjie.
Kahit hanggang sa loob ng Revo nilang sinasakya’y nagpapatuloy pa din sa pagta-tantrum itong si Chan…
Hindi na nito napigilan ang pagiging likas na Bratinelo…
“Busy kami Kuya…” Ang sambit lamang ni Sue habang itong si Benjie ay tahimik lamang na nagdri-Drive.
“Malapit na ba tayo Richard…” Ang singit ni Don Miguel upang udlutin ang kuda ng kaniyang anak.
“Yes Pa… Ayun na yung walang kwentang jeep ni Sue…” Ang sambit ni Chan sabay turo sa sasakyan ni Susan na nakaparada sa tabi ng tindahan.
“Nandun pa siguro yung pasaway na matanda… Pinabantayan ko yung Jeep…” Ani ni Chan.
“Hindi ka na naawa sa matanda…” Ang sumbat ni Sue.
“Ako pa ang hindi naawa… Hindi ka ba naawa sa akin nang naglakad ako papuntang Coffee Farm bitbit yung mabibigat na kaing…” Ang balik sumbat kaagad ni Chan.
Kaagad na bumaba itong si Chan sa kanilang Revo nang maipark na ito ni Benjie malapit sa nag-overheat na owner type jeep ni Sue…
Sumunod naman itong sina Don Miguel and Donya Fidela…
“KUYA!!!” Ang malakas na tawag ng batang babae na nagtitinda kanina.
“Nasan na yung pasaway na matanda?” Ang tanong kaagad ni Chan na ikinibit balikat na lamang ng bata.
“Sinabi ko na dun na bantayan ang Jeep eh!” Ang naiinis na usal ni Chan.
“AY Don Miguel… Donya Fidela… Kayo ho pala… Magandang gabi ho…” Ang bungad ng isang babae na sa tingin ni Chan na nanay nung batang nagtitinda nang lumabas ito sa tindahan.
“Nakita nyo ba ang isang Matandang Babae na sinasabi ng anak ko…” Ang tanong ni Don Miguel sa babae.
“Naku po nung dumating ako galing sa palengke kanina eh nakita ko na lang yang jeep na yan na nakaparada dito…”
“Wala kang nakitang Matandang Babae?” Ang paninigurado ni Don Miguel na inilingan na lamang ng babae.
“Pasaway talaga yung matandang yun…” Ang sambit muli ni Chan na inis na inis pa din sa Matandang Babae.
Ngayon lang kasi nakaranas ng matinding pagpapahirap ang binata sa tanang buhay nito…
“Ineng…” Si Donya Fidela naman ang kumausap sa bata.
“Ano po yun…”
“Nagpaalam ba yung Matandang Babae kanina kung saan siya pupunta…”
“Hindi po… Bigla na lang po nawala eh…” Ang inosenteng sagot ng Bata.
Nagkatinginan na lamang itong sina Donya Fidela at Don Miguel…
“VROOOOOOOOOM!!!” Ang biglang malakas na pag-atungal ng makina ng Jeep na ikinagulat ni Chan.
“Kuya naandar naman ang Jeep ah!” Ani ni Susan nang sinubukan niyang iStart ang engine ng kaniyang sasakyan.
“Kanina eh umuusok yan!” Ang sambit naman ni Chan.
“Wala namang senyales na nag overheat ah…” Ani naman ni Benjie habang ini-inspection niya ang makina.
“Di ba umusok yan kanina…” Ang sambit ni Chan sa batang babae.
Napanguso na lamang itong si Chan ng nagkibit balikat lamang ang bata na tila ba clueless na clueless sa kaniyang pinagsasabi…
“May itatanong pa ba kayo Pa sa kanila… Gusto ko na pong umuwi para makaligo…” Ang usal ni Chan sa kaniyang Daddy.
“Wala na Richard… Sige na umuwi na tayo…” Ang usal na lamang ni Don Miguel.
Kahit siya’y gusto na ding umuwi para makapagpahinga na. Nagbakasakali lang naman silang mag-asawa na makita at makausap ang Matandang Babae na sinasabi ng kaniyang anak na si Chan upang pasalamatan…
“KUYA!!! BAYAD MO!!!” Ang sigaw ng batang babae kay Chan.
“Anong Bayad?”
“Hindi mo pa nabayaran yung dalawang Coke Mismo na nakuha mo…”
“Tinik mo sa pera!” Ang sumbat ni Chan nang inabot na niya ang bayad sa bata.
“Kulang pa Kuya… Ikaw daw ang magbayad muna sa kinuhang Ariel 7.50 nung Lola…”
“Kapal ng mukha talaga ng matandang yun!” Ang inis na sambit ni Chan habang kumukuha pa siya ng coins sa kaniyang bulsa.
“Hanapin mo bukas yung Matandang Babae…” Ang utos ni Don Miguel kay Chan pagkasakay nila sa Revo.
“Ay talaga Pa hahanapin ko yung pasaway na matandang yun at may utang yun sa akin!” Ang mabilis na sagot kaagad ni Chan.
Si Susan nama’y walang naging problemang iDrive ang kaniyang Jeep at nagConvoy na lamang sila pabalik sa mansion…
Wala pa ding imik itong sina Don Miguel and Donya Fidela dahil nahihiwagaan sila sa nangyari kanina…
Ang biglaang pagkapeste ng kanilang mga Kape…
Ang pagkakatuyo ng Ancient Coffee Tree sa kanilang Coffee Farm…
Ang timing na timing na pagdating ni Chan dala ang kaing…
Ang misteryosong Matandang Babae na nagpadala nito…
At higit sa lahat ay ang bunga ng Kape na nagligtas ng reputasyon ng kanilang Coffee Farm…
Ang Bunga ng Kape na hinding hindi sila magkakamali na tanging nanggagaling lamang sa Ancient Coffee Tree…

*******At the Hacienda Luciente - Cervantez Mansion*******
******10:30 pm******

Pagkadating na pagkadating ng buong pamilya sa Mansion ay kaagad na umakyat na  sa kuwarto itong si Chan upang maligo at makapagpahinga na…
Bago siya tuluyang matulog ay kaaagad siyang nag text sa kaniyang brother-in-law na si Greg upang ipaalam dito ang nangyaring peste sa kanilang mga inani…
‘May bearing ba sa value ng property kapag ganoon ang nangyari sa isang Farm’ Ang tanong ni Chan sa text niya kay Greg.
‘Wala naman’ Reply ni Greg.
‘That’s good. Bukas na tayo mag usap at pagod na pagod ako’ Ang last na text message ni Chan kay Greg nang gabing iyon.
Kahit na nagkapeste-peste ang kanilang mga inani at alam ni Chan na malaki ang magiging kawalan nila financially sa business dahil sa nangyari’y may ngiti pa din siya sa kaniyang mga labi bago makatulog…
“May malaki ng reason para ibenta na ang Coffee Farm…” Ang masayang nasambit na lamang ni Chan sa sarili bago tuluyan na itong nahimbing dahil sa sobrang kapaguran.
Tila ba nagiging desidido na itong si Chan sa kaniyang binabalak.

*******At The Ancient Coffee Tree Hill********

Habang tulog na tulog na ang mga tao sa buong Hacienda Luciente - Cervantes ay may isang nilalang na gising na gising pa din…
Nakaupo ang isang Matandang Babae sa isang malaking bato na nasa sa tabi ng Ancient Coffee Tree ng Hacienda…
“Ako pa ang tinatawag mong Pasaway…” Ang usal ng Matandang Babae pertaining to Chan.
“Salbahe kang bata ka…
Walang kang puso…
Manhid ka sa mga nangyayari sa paligid mo…” Ang pagpapatuloy ng Matandang Babae.
“Pasalamat ka’t mababait ang mga magulang mo…
Hindi tulad mo…”
“Sana’y hindi masayang ang pagmamahal ng mga ninuno mo sa inyong Kapehan…
Mababalewala lang ang lahat-lahat dahil sa iyo…
Hindi naman natin hawak ang panahon at hindi rin natin masasabi ang tadhana ng inyong Kapehan…” Ang malungkot na pagpapatuloy ng Matandang Babae.
“Haaaaaaaay… Pasaway ka Richard…” Ang usal muli ng Matandang Babae at dahil sa maaliwasang klima ngayong summer ay binuksan muli nito ang bote ng Coke Mismo na ibinigay sa kaniya ni Chan upang ubusin na ang natitirang laman nito.
“Burp! Ang sarap pala nito… Sayang at di nauso ito noong panahon namin…” Ang sambit ng Matandang Babae habang pinagmamasdan nito ang hawak na bote ng Coke Mismo.
Napangiti ang Matandang Babae nang mabasa niya ang nakasulat sa likod ng Bote ng Coke Mismo…
Naalala ng Matandang Babae na kahit medyo pasaway itong si Chan ay nakuha pa din siya nitong tulungan kanina…
Alam ng Matandang Babae na napipilitan lamang itong si Chan sa pagtulong pero hindi din niya maikakaila na nakitaan niya ng kabutihan sa puso ang binata…
“Pagbibigyan pa kita Richard…
Para sa inyong pamilya…
Sa inyong mga ninuno…
Sa lahat ng kabutihan ng pamilya ninyo sa inyong nasasakupan…
Para sa mga taong nagsusumikap at nagsasakripisyo upang mapabuti ang Kapehan…
Alam kong may itinatago kang kabutihan sa puso mo…” Ang malumanay na namutawi sa Matandang Babae.
Muling napangiti ang Matandang Babae habang pinagmamasdan niya ang likod ng Bote ng Coke Mismo…
Naalala niya kanina nang iniabot ito sa kaniya ni Chan…
Alam niyang mabuting tao ang binata…
Kahit na hindi lubusang maisip ng Matandang Babae na naipasa ng binata ang pagsubok na ibinigay niya dito…
Nananalangin siya na sana’y hindi siya nagkamaling bigyan pa ng isa pang pagkakataon ang binata…
Naniniwala siyang may kabutihan pa ding naitatago sa pagkatao ang binata…
Muling pinagmasdan ng Matandang Babae ang hawak niyang Coke Mismo at napabuntong hiningang napangiti itong muli dahil sa label nito…
‘Share A Coke With LOLA’










To Be Continued

15 comments:

  1. Embedded music comes from Katrina and the Waves : Walking On Sunshine

    may inilagay ang story sa Pinoy Daddies at baka di nyo pa nababasa ang 'Mano Po Ninong'

    :)

    ReplyDelete
  2. Ay buhay p pla tong story n to! Kala ko nailibing na ksbay ng final requirements

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opkors buhay na buhay pa si Ponse :)

      Delete
  3. need ulit basahin mula umpisa... nakalimutan na ang story...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Atleast 3 chapters pa laang kaya di mahaba ang ri review hin mo :)

      Delete
  4. Any tagal ng update Pedro sunlit nmn next chapter again author

    ReplyDelete
    Replies
    1. Regular na po update ni Ponse :)

      Delete
  5. Mr Author, Maraming salamat sa update. Matagal ko nang hinihintay to. Sana may update ulit. Take care. God Bless You.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I will. Nagkaroon laang ng malaking transition ang Kuya Ponse mo. :)

      Delete
  6. Ponce, your back! Tagal kong hinintay ang moment na to... Thanks at nasundan na! Dominic here!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ni Poke kita sa FB mo Kuya Doms :)

      Delete
  7. Nyeta! Sobrang haba nanakit mata ko hahaha! Pero sulit! Ang tagal kong hinintay yung next chapter nito't di ko akalaing natatandaan ko pa yung huling pangyayari sa nakaraang dalawang chapter ng istoryang to. Ang galing mo po talaga sir Ponse! Kahit wala pa yung mga kilig moments, madadala ka talaga sa daloy ng istorya eh. Sana ganto nalang lahat ng mga nababasa ko dito! Haha galing ^_^v

    Hahaha hanggang ngayon natatawa pa din ako sa "Share a Coke with Lola"! XD

    -muel (silent reader po na ngayon lang naglakas loob na magcomment dahil masyadong naexcite sa mga susunod na kabanata).

    ReplyDelete
    Replies
    1. Okay lang yun kasi nanakit din mata ng Kuya Ponse mo habang nagta type! :))

      See you sa next episode!

      Delete
  8. wow! at last may update kna ule ponse! he he he. suppppppeeeerrrr tagal bago nadugtungan ah. hope tuloy tuloy na ule itong masterpice mo. keep up the good work grend!.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naging busy po masyado si Ponse Tito Robert. Tuloy tuloy na po yaan. :))

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails